Krsna Consciousness is Non Manipulation

Page 1

Divine Instructions from Sri Sri Guru and Gauranga

Lunes, Pebrero 6, 2017

Walang Sinoman ang Mayhawak o Nagmamay-ari ng Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna Mula sa turong-aral ni Om Viṣṇupād Śrīla Bhakti Rakṣak Śrīdhar Dev-Goswāmī Mahārāj

Deboto: Sridhar Maharaj, hindi po ba ang bilin ni Bhakti Siddhanta dapat bumuo ng GBC [Governing Body Commission] at ang sabi pa niya ang Acharya ay kusang sumisibol, kung ganoon, sa panahong wala pang lumalabas na Acharya papaano na po ang mga bagong sapi at gustong magpabinyag, ano po ang sabi niya tungkol dito? Srila Sridhar Maharaj: Alam ninyo, mahalagang ang bagay na ito’y nauunawaan nating maigi. Kadalasan, bago pumanaw ang isang Acharya ito’y nagtatalaga ng bagong Acharya na hahalili sa kanya. Subalit, ang bagay na ito’y hindi niya ginawa [ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati], at sadya talagang kanyang iniwasan. Kung kaya’t sa pagkakataong ito, dito na lumabas ang lahat ng kaalamang itinuro niya sa kanyang mga disipulo, 1


at ito’y natural lamang, dahil ito na ang pagkakataon upang maipakita nang kanyang mga disipulo ang mga kaalamang kanilang natutunan noong siya’y nandito pa at nagangaral at nagtuturo pa sa kanila. Ito’y kusang lumalabas sa isang disipulo at ito’y bunga narin ng kanyang pagpapala. Ito’y awtomatikong lumalabas. At ganun nga ang nangyari, sa panlabas, maaaring ang bagay na ito’y hindi katanggap-tanggap sa iba, subalit kung ito’y ating titignan sa pananaw ng Kalubusan, masasabi mong ang lahat ng ito, ang mga nangyayari sa ating kapaligiran ay pawang kagustuhan ni Krsna, may basbas ni Mahaprabhu, at pagkaminsan, ni Gurudeva, at ang lahat ng ito ay pawang para sa ating kabutihan, para sa ating kapakanan. Marami ang tumugon, at gumamit nang iba’t-ibang pamamaraan, iba’t-ibang reaksyon, ayon sa kani-kanilang kalagayan. Lahat ng kanyang sinabi ay lumikha nang iba’t-ibang reaksyon, iba’t-ibang pananaw mula sa nag-iisang taginting. Noo’y naganap ang isang napakalaking digmaan, at ang mga magkakatunggali ay naglaban-laban sa Kuruksetra, hindi ba’t simula noon doon na nagiba at nalusaw ang Yadu vamsa, subalit sa espirituwal na pananaw, ang pangyayaring ito’y tinanggap at inunawa natin, kung ganun, dapat ang pagkakahati-hati at pagkakakanya-kanya nang mga disipulo ni Srila Bhakti Siddhanta ay inuunawa din natin, at dapat ito’y tinitignan natin mula sa pananaw nang Kalubusan, dahil sa espirituwal na 2


kadahilanan. Umangal man tayo at kumontra nang pananaw, ganunpaman, hindi ba’t ang lahat ng ito’y naganap na, nangyari na, ibig sabihin, ito ang gustong mangyari nang Kalubusan, samakatuwid dapat ito’y ating tanggapin, upang higit nating maunawaan kung bakit nangyari ang ganitong bagay. Tulad din ngayon, hindi ba’t marami sa atin ang tutol sa ginagawa ng mga nangangasiwa sa atin. Alam ninyo ang ganitong damdamin ay isang uri din ng pamamaraan, upang pigain, ilabas at ilutang ang isang bagay sa atin. At ang ganitong klaseng sitwasyon ay kusang dumadating sa atin at walang sinoman ang makakaiwas sa atin. Alam ninyo, tulad sa nangyayari din ngayon, noong pumanaw si Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur marami din ang umaangal sa mga namumuno sa atin, may umaayaw din sa kanila, kung anu-ano na ang naranasan natin, subalit ganunpaman, ang mga naging disipulo ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur nagpatuloy parin sa gawain ng pangangaral, na ayon sa kanilang pananaw at paniniwala at ito ang kanilang ipinalanganap. Na siya ngang nangyari. Subalit sa likuran nang lahat ng ito, alam natin Siya parin ang magpapasya, ang Panginoon parin ang magbibigay nang desisyon, kung ano ang dapat mangyari. Sa madaling-salita, dapat ito’y tanggap din natin. Walang problema. Ganunpaman, ayon sa kamulatan natin, minsan ganito ang nagiging panindigan natin, ‘ayoko n’yan, mali ‘yan, huwag ‘yan’, subalit dapat kung anoman ang magiging kahihinatnan nito, ito’y tanggapin natin, dahil hindi ito mangyayari kung walang basbas ni Krsna. Ibig sabihin, ito ang Kanyang kagustuhan. Di-maikakailang may makikiisa, sasang-ayon at mayroong kokontra din sa lahat ng gagawin natin subalit anoman ang kahihinatnan nito dapat ito’y tanggapin natin, dahil ito ang Kanyang kagustuhan. Tesis, kontra-tesis at sintesis. ‘Ayoko nun, ang pangit.’ Huwag po. Anoman ang mangyari dapat ito’y tanggapin natin dahil ito ang gusto Niyang mangyari sa atin. Dapat lamang, tama lamang na ito’y sang-ayunan natin dahil ito ang tamang pamamaraan.

3


Kahit kay Maha-maya. Kahit noong sapilitang inagaw ni Ravana si Sita Devi. Ito’y may kahulugan din. Ito’y upang imulat din sa atin ang isang aral, na nais Niyang iparating sa atin. At ito ang matingkad na bahagi, ang bahaging malinaw. Hindi ba’t noo’y ipinatapon pa sa malayong lugar ni Kaikeyi si Ramachandra? Alam ba ninyo kahit sa insidenteng ito’y may maningning na kahulugan din. May kapupulutan din tayong aral. Tulad din kina Jagai at Madhai, at sa mga Brutus, na nagtaksil, mga sumalungat, mga kumontra at lumaban. Ang lahat ng istorya nila’y naglalatag ng isang kalagayan upang makapaglingkod tayo sa positibong bahagi. Pinaglilingkuran nang negatibo ang positibo. Kaya dapat alam natin kung saan natin dapat ilagay mga sarili natin. Ito po ay isang proseso, isang pamamaraan na inilaan para sa isang gawain. Hindi ba’t ang isang ina, sa oras na siya’y manganganak na, matinding sakit ang kanyang nararamdaman. At ito’y upang iluwal ang kanyang anak; ang dahilan nang kanyang pagpapakahirap at pasakit, ang pagdating nang pinananabikang anak. Hindi ba’t ito’y normal lamang na nangyayari. Sa madaling-salita, dapat maging totoo at tapat tayo sa ginagawa natin, subalit dapat wala tayong pagnanasa o hangarin na ito’y tikman o ariin. Ma te sango ‘stv akarmani [Bg. 2.27]. Subalit huwag na huwag ninyong iisipin na dahil hindi ninyo maaaring tikman ang bunga ng inyong pinaghirapan, hindi na lang kayo kikilos at gagalaw. Huwag po. Hindi ba’t karaniwan nating naririnig ang daing ng iba, ‘tutal hindi ko naman pala maaaring tikman ang bunga ng aking pinaghirapan, e bakit pa ako magpapakahirap. Huwag na lang!’ Huwag po. Huwag na huwag po ninyong papapasukin sa loob ng puso ninyo ang ganitong klaseng kaisipan dahil ito po ay isang kademonyuhan. Huwag po kayong mag-atubiling gawin ang isang bagay lalu na’t kung ito’y makakabuti at pinakamaganda sa lahat ng gagawin. Ganunpaman, huwag na din kayong makialam kung ano ang kanyang kahihinatnan. At dapat huwag kayong maging batugan, ayaw magbanat ng buto at palaging nakatanaw lang. Hindi ba’t ang sabi nang iba’y, ‘bakit pa ako magpapakahirap e kung wala naman pala akong mapapala?’ Huwag po, dahil ito’y isang kademonyuhan. Ang Panginoon 4


po mismo ang nagbabala nito. Ang tungkulin po lamang ninyo ay kumilos at magtrabaho, ganun lamang po, at ang resulta nito’y ibigay ninyo sa Panginoon, sa Kalubusan. Tayo po’y napakaliit at kakapiranggot na bahagi lamang ng WalangHangganan, at ang tungkulin lamang nati’y kumilos at gumalaw para sa Kanya. Dahil sa sandaling ito’y inyong kinalikot at ginalaw, sa dami nang kumilos, malilito kayo, mawawala kayo, dahil ito’y parang walangkatapusang alon na nagbabanggaan, mula sa Walang-hangganang Kalubusan. Kaya huwag na huwag na kayong makikialam kung anoman ang partikular na resulta nang ginagawa ninyo, huwag po. Mabibigo lamang po kayo, dahil wala tayong kakayahan upang ito’y ayusin. Ang ‘quota’ mo lamang ang kailangan, ang ambag mo lamang ang kailangan para sa Kalubusan. Ganito ang dapat nating maging buhay, at higit sa lahat, dapat handa din tayong magsakripisyo. Handang magsakripisyo para sa kabuuan. Ang mamatay, ang mamatay para sa Walang-hangganan. Ang totoo, ito ang totoong kalagayan natin. Kaya dapat alam ninyo kung papaano ang mamatay para sa Kalubusan. Subalit dapat ang pagsasakripisyong ito ay hindi para sa pansariling kapakanan. O para sa kapakanan ninoman, pangnasyunal man, panlipunan, o kaya para sa interes ng ating pamilya, tulad ng mga ganito. Sa loob ng ganitong pagkilos, ang pagsasakripisyo para sa Kalubusan, makakaranas kayo nang matinding kasiyahan na kailanma’y hindi pa ninyo naramdaman. Kapag nandoon na kayo. Kapag kayo, na isang yunit at bahagi ng Kalubusan ay naging bahagi din nang mga nagsasakripisyo; na ayon sa pahayag ng ilan, ay imposibleng gawin, walang-alinlangang makakaranas kayo nang matinding kasiyahan. Kaya dapat doon tayo dapat tumira, doon sa lupain ng pagsasakripisyo, dahil naroroon ang hinahanap natin sa buhay, huwag kayong matakot at mag-alinlangan. Ito’y kaya ninyong gawin. Tignan ninyo si Attriya Rishi, 5


hindi siya nasiraan nang loob, hindi ba’t nandun na siya. Nandoon na. Dahil ang hinahanap ninyo’y naroroon. Tagaroon. At walang sinoman ang maaaring umangkin sa Kanya na animo ay kanya lamang. Nandoon Siya. Hindi kayo dapat mawalan ng pag-asa. Huwag po. Huwag kayong magalala. Walang sinoman ang maaaring mabigo sa magtatangka. Dahil ito’y para sa ating kabutihan, para sa kabutihan nating lahat. [Pebrero 1982.]

6


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.