Maging Maingat

Page 1

December 23, 2017

All glory to Śrī Guru and Śrī Gaurāṅga

Maging Maingat ni Śrīla Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswāmī Mahārāj Sa sanaysay na ito, ipinaliwanag ni Śrīla Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswāmī Mahārāj kung ano ang tama at maayos na paraan habang tayo’y papalapit sa kabanalan, at kung ano ang totoong pagpapakumbaba nang mga totoong Vaiṣṇavas.

Noo’y binigkas ni Mādhavendra Purī ang śloka na, ayi dīna-dayārdra nātha, at ang sabi naman ni Śrī Chaitanya Mahāprabhu ay, ei śloka kahiyāchena rādhāṭhākurāṇī tāṅra kṛpāya sphuriyāche mādhavendra-vāṇī (Śrī Chaitanya-charitāmṛta, 2.4.194)

1


December 23, 2017

Alam ninyo, noong dumadanas nang matinding kalungkutan si Śrīmatī Rādhārāṇī ang śloka na ito ang lumabas sa kanyang bibig, na bunga ng labis na kalungkutan dahil sa pagkakawalay kay Kṛṣṇa, at ang damdamin din na ito ang natikman ni Mādhavendra Purī. Silang dalawa lamang at wala nang iba pa. Subalit ang śloka na ito’y natikman din ni Chaitanya Mahāprabhu. At ang sabi, ihā āsvādite āra nāhi chauṭha-jana, tatlong tao lamang ang totoong nakakatikim ng śloka na ito, at wala nang pang-apat. Kung ito ang naging pahayag ni Śrīla Kavirāj Goswāmī, kung ganoon, papaano na tayo, ako? Ibig sabihin ba nito, lahat tayo’y hindi karapatdapat, at walang sinoman sa atin ang maykakayahan, walang-katangian upang ito’y ating matikman. Marahil kung tayo’y pagpapalain, at kahahabagan nang Kalubusan, ang śloka na ito, kahit papaano, malamang ay ating matitikman din; at kung ayaw nila, hangga’t hindi natin nakakamit ang kanilang pagpapala at awa, siguro ito’y ilagay na lang muna natin sa kwadro! Dahil wala naman talagang ibang paraan. Ibig sabihin, kung ito talaga ang gusto natin at inaasam-asam nating matikman dapat maging katanggap-tanggap tayo. Dahil ito ang tamang paraan. Ṭhākurera chandana-sādhana ha-ila bandhana (Cc: 2.4.148): Hindi ba’t noo’y gustong magtago ni Mādhavendra Purī kay Gopāl, subalit dinagtagal ay natunton din Nito, at pinakiusapan na kung maaari ay dalhan Siya ng chandan, nang kahoy na sandalwood. Kung hindi siya lalabas sa kanyang pinagtataguan, papaano kaya niya dadalhin kay Gopāl ang hinihingi Nitong chandan? Sa madaling-salita, napilitan siyang lumabas at inilantad ang sarili sa madla dahil siya’y inutusan ni Gopāl. Hindi ba’t mismong si Gopīnāth pa ang nagpatotoo, na ito’y Kanya ngang inutusan, at nagnakaw pa si Gopīnāth ng kṣīr para lamang ibigay sa kanya. Kaya nang malaman ng mga tao, hindi ba’t lahat sila’y nagtulung-tulong at maging ang mga tauhan ng Hari ay tumulong din sa paghahanap ng chandan? Ano ang dapat nating gawin upang tuluyan nang mawala ang ating pagsisinungaling, ang pagiging mapagkunwari natin? Hindi ba’t ang

2


December 23, 2017

bagay na ito’y napakahirap alisin? Alam ninyo, kahit sa loob mismo nang samahan ni Śrīla Saraswatī Ṭhākur marami din sa kanila ang nagsisinungaling, marami din sa kanila ang akala mo ay totoo subalit hindi pala. Ang mahirap, hindi nila alam na sila pala ay sinungaling. Dahil kung ito’y alam nila, ibig sabihin maaari parin silang magbago. Subalit ang problema ayaw nilang tanggapin na sila’y sinungaling. Ang problema natin ay itong ego natin. Kapag sa loob ng isang samahan, ay pinairal natin ang ating kahambugan, ang ating ego, tiyak na malalagay tayo sa peligro. At ito’y karaniwan nating masisilayan sa sampradāya ng mga sahajiyā. Sa papaanong paraan? Dahil madalas ganito ang maririnig mo sa kanila, ‚Ah oo, kami pa, pagdating sa mga ganoong bagay, ang lahat ng ito’y amin nang narating.‛ Subalit ano ba ang naging pahayag ni Śrīla Raghunāth Dās Goswāmī hinggil sa mga ganitong klaseng bagay, āśā-bharair amṛta-sindhu-mayaiḥ kathañchit kālo mayāti-gamitaḥ kila sāmprataṁ hi ‚Walumpung taon na ang nakakalipas, subalit hanggang ngayo’y hindi ko parin nakakamit ang Iyong habag at pagpapala. Walumpung taon, subalit hanggang ngayon ito’y patuloy ko parin inaasam-asam, kailan Mo kaya ako kaaawaan, kaya lamang tila ‘ata ako ay Iyo nang nakaligtaan, dahil hanggang ngayon patuloy parin akong naghihintay.‛ Kung siya mismo ang nagpahayag ng śloka na ito, papaano na tayo? May pag-asa pa ba tayo? āśā-bharair amṛta-sindhu-mayaiḥ kathañchit kālo mayāti-gamitaḥ kila sāmprataṁ hi tvañ chet kṛpāṁ mayi vidhāsyasi naiva kiṁ me prāṇair vrajena cha varoru bakāriṇāpi

3


December 23, 2017

‚Ngayon, nararamdaman ko, malapit na akong mamatay, subalit hanggang ngayo’y umaasa at nagbabaka-sakali parin na baka Iyo nang kaawaan, subalit kung wala parin, ano ang aking magagawa? Paalam, Kṛṣṇa. Anong saysay nang pagsamba ko sa Iyo kung ako’y ayaw namang kaawaan ni Śrīmatī Rādhārāṇī.‛ Ganito na si Raghunāth Dās Goswāmī noong ito’y tumanda. Hindi ba’t ang sabi pa nga niya’y, ‚Bakit ganun, patuloy parin akong inaatake ng Kām at nang krodha.‛ Sa palagay ninyo, bakit nasabi ni Raghunāth Dās Goswāmī na siya’y inaatake ng kām, nang kamunduhan, ng kalibugan? Alam ninyo, sa totoo lang ang sinulat niya’y hindi talaga pahayag nang kanyang nararamdaman, kundi ito’y tungkol sa atin, tayo, tayo ang kanyang tinutukoy dito, subalit hindi nga lang tuwiran, ‚Ito’y para kay Govinda Mahārāj.‛ Hindi po. Hindi po niya tuwirang sinabi, na, ‚Ito’y para sa inyo.‛ Alam ninyo, ang pahayag na ito ni Dās Goswāmī, na, ‚Ako’y inaatake ng kamunduhan‛, ay nandun sa Manaḥ-śikṣā. Papaano siya susumpungin nang kamunduhan? Hindi ba’t mula’t-sapul noong siya’y bata pa, lahat ng ari-arian ay kanya nang iniwan, jahau yuvaiva mala-vad, Uttama-śloka-lālasaḥ. Ganitong pag-uugali ang kanyang pinagkatandaan. Kung kaya’t ni isang basong gatas ay hindi pa nga niya kayang ubusin. Subalit bakit ganun ang kanyang sinabi. Ang totoo, ang ganoong klaseng pahayag ay talaga namang napakadakila, gurau goṣṭhe goṣṭhālayiṣu sujane bhū-suragaṇe. Pagdating sa kaalaman at kamulatan, sina Śrīla Saraswatī Ṭhākur at Śrīla Guru Mahārāj ay halos walang-pinagkaiba, halos pantay lamang. At ang mga natutunan ko sa kanyang lotus na paanan ay bahagya lamang. At kailanman, hindi sila nanloko ng tao. Halimbawang nangilid nang luha ang kanilang mga mata, ito’y agad nilang pinupunasan at sinasabing ito’y hindi totoong luha at kung anu-anong sinasabing dahilan. Subalit ang totoo, ito’y mga totoong luha para kina Rādhā-Kṛṣṇa, totoong luha para kay Kṛṣṇa, subalit ayaw lamang nilang ipahalata, at ang sabi’y napuwing lamang at hindi dahil sila’y umiiyak. Madalas, ang sabi nila, ‚Ito’y hindi

4


December 23, 2017

talaga luha‛, anila, papaano silang luluha, ‚imposible, dahil hindi sila karapat-dapat, walang katangian at walang-kakayahan, kaya walangdahilan upang sila’y umiyak.‛ Alam ninyo, noong mga huling sandali dito sa lupa ni Śrīla Guru Maharaj, madalas niyang bigkasin ang katagang, ‚Nitāi, Nitāi.‛ Hindi ba’t sa pagkakaalam natin siya’y kabig ni Śrīla Rūpa Goswāmī? Alam nating lahat na siya’y kapanalig ni Rūpa Goswāmī, subalit bakit ganun ang kanyang sinasabi, puro, ‚Dayāl Nitāi, dayāl Nitāi‛? At hindi ‘Mahāprabhu’? Nandoon lang siya at nakahimpil sa sona ni Saṅkarṣaṇ at ayaw pumasok sa lugar nina Rādhā-Kṛṣṇa, bagama’t batid natin siya’y nakapasok na sa loob ng Kanilang Pagliliwaliw. Papaano po natin nasabi na siya’y nakapasok na? Hindi ba’t sa kanya ibinilin ni Śrīla Saraswatī Ṭhākur ang pangangasiwa sa kanyang Misyon, at noong siya’y pinakanta ni Śrīla Saraswatī Ṭhākur, hindi ba’t naniniwala tayo na ibig sabihin, siya’y nakapasok na sa loob nang sona nina Rādhā-Kṛṣṇa? Hindi ba’t noong inawat nang kanilang sekretaryo si Śrīla Guru Maharaj sa pag-awit, at iba ang kanyang pinakanta ay nagalit si Saraswatī Ṭhākur? At ang sabi pa ni Saraswatī Ṭhākur, ‚Teka, sandali, ang gusto ko si Śrīdhar Mahārāj, dahil tanging siya lamang ang may-kakayahan at karapat-dapat na kumanta. Si Śrīdhar Mahārāj ang gusto ko, kaya kumanta ka.‛ Subalit huwag kayong mawalan ng pag-asa, ang nais ko ay maging perpekto at totoo tayo pati na ang ating samahan. Alam ko, ang mga bagay na ito ay napaka-imposible, mahirap mangyari, subalit ganunpaman, hindi masama ang umasa at mangarap, na sana, ito’y magkatotoo. Marahil hindi ngayon, malay natin, baka bukas o sa darating na araw, huwag kayong mag-alala makakamit din natin ang dalisay at wagas na debosyon. Dahil ang binhing ito, ang binhi ng kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa ay walang-alinlangang napakataas na klaseng binhi. Kaya nga ang kuneksyon na ito ang ipinamamahagi natin, malay natin, baka bukas-makalawa, ito’y nandun na pala sa kanila. At walang sinoman ang makapagsasabi kung papaano at kailan. Malay ninyo baka bukas na. Kahit sinong tao, kahit

5


December 23, 2017

sabihin nating hindi talaga karapat-dapat, balang-araw, ito’y kanilang matitikman din. At ang bagay na ito’y hindi malayong mangyari. Ito’y tulad sa pagtaya ng lotto. Na kahit sinong tao, ay maaaring manalo, maaaring yumaman, kahit na sila’y isang hamak na drayber lamang ng isang di-padyak na sasakyan. Ang artikulong ito ay karugtong ng paksang Jay Mā Kali. Ang artikulong ito ay mula sa talakayan sa pagitan ng Kanyang Banal na Pagpapala, Śrīla Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswāmī Mahārāj at mga deboto sa Italy noong Setyembre 2000, ang kanyang ika-16 na Taon ng Paglilibot sa Mundo. Mga Pinag-sangguniang talata: gurau goṣṭhe goṣṭhālayiṣu sujane bhū-suragaṇe sva-mantre śrī-nāmni vraja-nava-yuva-dvandva-śaraṇe sadā dambhaṁ hitvā kuru ratim apūrvām atitarām aye svāntar bhrātaś chaṭubhir abhiyāche dhṛta-padaḥ (Manaḥ-śikṣā: 1) O, aking isipan, ako po ay nagsusumamo at nakikiusap sa iyo, na sana, mawala na ang lahat ng pagkukunwari ko sa buhay at mapalitan ito nang matibay, matatag at katangi-tanging pagmamahal para sa maestrong pangespirituwal, sa Vrajabhūmi, sa mga residente ng Vraja, sa mga dalisay at purong Vaiṣṇavas, sa mga brāhmaṇas, sa gayatrī mantra, sa Banal na Pangalan, at sa transedental na silungan, sa batambata at magsing-irog nang Vraja, sina Śrī Śrī Rādhā-Kṛṣṇa.‛ asach-cheṣṭā-kaṣṭa-prada-vikaṭa-pāśālibhir iha prakāmaṁ kāmādi-prakaṭa-pathapāti-vyatikaraiḥ gale baddhvā hanye ’ham iti bakabhid-vartmapa-gaṇe kuru tvaṁ phutkārān avati sa yathā tvaṁ mana itaḥ

6


December 23, 2017

(Manaḥ-śikṣā: 5) ‚O aking isipan, patuloy akong sinasakal nang kamunduhan, ng kalibugan, nang galit at ngit-ngit, at ng iba pang bagay, napakasakit, at ako’y hirap na hirap na dahil pasikip nang pasikip ang lubid na ito sa aking leeg, na bunga nang aking mga katarantaduhan; Saklolo, maawa po kayo!‛ Dapat ganito, ganito ang isinisigaw ninyo, ipinagmamakaawa sa harapan ng mga Vaiṣṇavas, nang mga bantay na nakatanod sa landas patungo kay Kṛṣṇa, kay Kṛṣṇa na mismong pumuksa sa demonyong si Baka, upang maging ligtas tayo sa mga ganitong klaseng kalaban.‛ yo dustyajān dāra-sutān suhṛd-rājyaṁ hṛdi-spṛśaḥ jahau yuvaiva mala-vad uttama-śloka-lālasaḥ (Śrīmad Bhāgavatam, 5.14.43) ‚Dahil sa labis na pananabik na makasama ang Panginoong Kṛṣṇa, sa murang edad, naging madali at walang kahirap-hirap para kay Haring Bharat ang iwan ang kanyang batam-bata at napakagandang asawa, ang mga mapagmahal na anak, ang kanyang mga kakilala at kaibigan at maging ang napakaganda at mayamang kaharian, na animo siya’y tumatae lamang.‛ Śrī Gauḍīya Darśhan Philippines Is the official electronic-internet magazine published by Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh Philippines – Śrī Nāma Hāééa Center U.P. Campus, Diliman, Quezon City 1101 E-mail: scsmathphilippines@yahoo.com scsnamahatta@gmail.com You may also visit us on: https://www.yumpu.com/user/SCSMathPhilippines or at: https://plus.google.com/u/0/+scsmathphilippinessrinamahatta For other details, pls. contact us at: (+63)09498332414

7


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.