Ang Landas ng Dalisay at Wagas na Debosyon Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines – Sri Nama Hatta Center
November 04, 2017
Purihin si Sri Guru at si Sri Gauranga
Turong-aral ni Om Vishnupada Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj Habang kausap ang mga debotong taga San Jose, CA. Noong ika 14 ng Hunyo 2015. Labis-labis ang nararamdaman kong kaligayahan dahil mahabang panahon na rin na hindi tayo nagkikita-kita. মন ন ন , bhakta-sangete mana anandita anuksana, ayon dito, sa sandaling makasama ninyo ang mga deboto ng Panginoon, tiyak na labis-labis na kasiyahan ang inyong mararamdaman. Kahapon binabasa ko ang aklat na Sri Chaitanya Charitamrta, at ang sabi ko, labis-labis ang ginagawa nating pagsasakripisyo at pagtitiis, kaya Mga Paghihirap at Pagtitiis sa Espirituwal na Buhay
1
lamang kahit na anong gawin natin, walang-puknat at walang-tigil sa pagatake din ni maya sa atin. Ang totoo, ang sabi pa nga ni Gurudev [Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj], ganun din ang ginagawa ni Brahma sa atin. Tayo ay pilit din niyang inilalayo kay maya. At higit sa lahat, hindi-maikakailang labis tayong mapalad dahil naging tao tayo, at ang isa pa, totoong Guru ang naging Guru natin. At ang kanyang mga deboto ay maayos nating napagsisilbihan. Ito ang kailangan natin, na maging maayos at palaging nagagabayan ang ginagawa natin, at ito’y bunga ng sadhu-sanga, nang pakikisalamuha natin sa mga banal na tao, dahil kung wala sila, papaano natin magagawa ang lahat ng ito. At sino sa palagay ninyo ang magtuturo nito sa atin. At ang isa pa, huwag din nating kalilimutan, dapat iniiwasan din natin ang Nama-aparadha, ang Dham-aparadha, ang seva-aparadha. Dahil ito ang tamang paraan kung papaano isinasagawa ang kamalayan kay Krsna, at ang pag-iwas sa mga pagkakasalang ito ay tiyak na magdudulot sa atin ng kabutihan. Si Srila Sanatan Goswami ay mayaman, bukod dito naging punong ministro pa noong kanyang kapanahunan. Subalit ang lahat ng ito’y kanyang iniwan at tinalikuran at sumama kay Mahaprabhu, doon, matinding kahirapan ang kanyang dinanas. Ganun din si Srila Raghunath Das Goswami, magmula sa isang bayan na kalapit lamang ng Kolkata ito’y naglakad ng labindalawang-araw papuntang Puri at sa loob ng labindalawang araw na iyon, ito’y tatlong beses lamang kumain. Biruin mo, tatlong araw lang! Hindi ba’t ang hirap nitong gawin? Ang buhay ng mga deboto’y ganoon din, labis-labis na paghihirap din ang kanilang pinagdadaanan, araw-araw. Pero alam ba ninyo kung ano ang nasa isip nila? Ganito, “Anong magagawa ko, ito ang kagustuhan ng Panginoon. Siya ang may gawa nito. Si Gurudev ang may pasya nito.” Kaya hindi mo makikita sa kanila na sila’y nalungkot o kaya nasuya dahil sa nangyayari sa kanilang buhay. Alam ba ninyo kung ano ang kanilang kinasusuyaaan? Ang sarili nila. Bakit po? Ito po ay dahil sa kama, krodha, moha, mada, matsarya, na ang ibig sabihin patuloy silang nakakaranas ng kamunduhan, Mga Paghihirap at Pagtitiis sa Espirituwal na Buhay
2
ngitngit at galit, ganid at pagiging masiba at suwapang, madaling malinlang at malagay sa ilusyon, at pagiging dayukdok at baliw, at pagiging mainggitin, na pawang nandoon lamang sa loob natin, at doon nagkukuta. Kung ganoon, ano ang dapat nating gawin upang ito’y makontrol natin? -ম ম ন হয় । ন ম ন হয় ॥ bhukti-mukti adi-vancha yadi mane haya sadhana karileo prema utpanna na haya “Hangga’t meron parin tayong impeksyon sa katawan, hangga’t naghahangad parin tayo ng mga bagay na materyal o kaya nagnananasa parin tayong maging malaya, kailanman hinding-hindi tayo aangat at hindi tayo makakarating sa antas ng dalisay na pagmamahalan at maging sa malinis na paglilingkod sa Panginoon. At kahit na taimtim pa nating sinusunod ang mga alituntunin at patakaran sa pagsasanay nang debosyunal paglilingkod. Sri Chaitanya-charitamrta, Madhya-lila, 19.175 Kung nais ninyong matuto kung papaano gawin ang kamalayan kay Krsna dapat ang puso ninyo’y hindi na naghahangad nang mga bagay na materyal, dahil ito ang pipigil sa inyo upang hindi kayo makarating sa inyong patutunguhan. Dapat hindi na din tayo nagkakasala, dapat wala nang ganito. At dapat lahat ng kontra at ayaw sa ginagawa natin ay inaalis din natin. Alam ba ninyo kung papaano sila maaalis? Ito’y sa pamamagitan din ng kamulatan sa kamalayan kay Krsna. Dahil sa sandaling nakakapagsilbi na tayo sa Panginoon, lahat ng ito’y unti-unting mawawala na sa atin. At upang maging matagumpay tayo, dapat tamang binhi ng kamalayan kay Krsna ang gamit natin, na ang ibig sabihin, dapat ito’y nagmula sa tamang linya. Ang binhing ito ang kailangan natin upang maayos nating nabibigkas ang Banal na Pangalan, at dapat araw-araw din nating dinadasal nang tatlong beses ang gayatri mantra, at dapat prasādam ang kinakain natin. Dapat kumakain din ng Prasad ang pamilya natin. Mga Paghihirap at Pagtitiis sa Espirituwal na Buhay
3
হয় জয় prasada-seva karite haya, sakala prapancha jaya -
“Magmula nang taggapin ko ang biyaya ng Panginoon, ang prasādam, ang ilusyon ay tuluyan ko nang nagapi.” Mula sa awiting Suddha-bhakata ni Srila Bhakti Vinod Thakur.
Kung ganoon, dapat lahat ng isusubo ninyong pagkain o inumin, ito’y inaalay muna natin sa Guru, pagkatapos sa Panginoon. Ganito ang tamang paraan. Dapat araw-araw natin itong ginagawa, dahil ang pagsasanay na ito ay tiyak na makakabuti sa atin. ম
ন
ন
হ । ন ন ॥ gramya-katha na sunibe, gramya-varta na kahibe bhala na khaibe ara bhala na paribe ,
ম
ন
Iwasan ninyo ang makihalubilo sa mga ordinaryong-tao o kaya ang makipag-kwentuhan sa kanila dahil tiyak na wala kayong mapapala sa kanila. Iwasan din ninyong kumain nang masasarap na pagkain o kaya ang magsuot ng mamamahalin at magarbong kasuotan.” Sri Chaitanya-charitamrta, Antya-lila, 6.236 Noo’y kinausap ni Mahaprabhu si Raghunath Das Goswami, “Isa lang ang maipapayo Ko sa iyo. Kailanma’y huwag na huwag kang makikipagtsismisan o kaya makikinig sa mga bali-balita, kung may katanungan ka pumunta ka kay Svarup Damodar, alam niya kung ano ang tamang kasagutan.” Alam nating lahat ng deboto ay magkakaiba ang pag-uugali at gawi, ito’y walang problema. Ang gusto ko, silang lahat ay iginagalang parin Mga Paghihirap at Pagtitiis sa Espirituwal na Buhay
4
ninyo, may asawa man o wala, sannyasi man sila o hindi. Mataas man sila o mababa. Baguhan o datihan. Ang gusto ko, lahat ng naunang deboto ay iginagalang ninyo. Huwag kayong maging hambog at mayabang, dapat palagi kayong mapagkumbaba. Dapat silang lahat ay nirerespeto at ginagalang ninyo. হন ন ন । নমন হ ॥ ম ম ন। হ জ ন ন॥ trnadhika hina, dina, akinchana chhara apane manabi sada chhadi' ahankara vrksa-sama ksama-guna karabi sadhana pratihimsa tyaji' anye karabi palana Tigilan na ninyo ang pagiging hambog at mayabang. Papaano? Ituring ninyo ang inyong mga sarili sa isang damo, na hampas-lupa at labis na makasalanan. Gayahin ninyo ang mga puno, na mapagtiis. Ang magkimkim ng galit at maghiganti sa kapwa ay masama, kung ganoon, dapat silang lahat ay inyong minamahal at inaalagaan. Tignan ninyo ang halimbawa ni Sriman Nityananda Prabhu, hindi ba’t kahit na bugbog-sarado kay Madhai kailanma’y hindi nagreklamo? Ni hindi nagsumbong sa pulis. Subalit anong ginawa Niya? Hindi ba’t ito’y Kanya pang iniligtas, pinagpala at kinaawaan? Hindi ba’t ito’y Kanya pang sinuklian ng pag-ibig at pagmamahal? Kung ganoon, ito ang Krsnaprema!.. Sa palagay kaya ninyo, bukod dito, may hihigit pa ba sa pagiging mabait matulungin at maawain? ন । ন ম হ' ॥ ara kabe nitaichand karuna karibe samsara-vasana mora kabe tuchha ha'be Mulasa ‘Prarthana’ ni Srila Narottama Das Thakur Mga Paghihirap at Pagtitiis sa Espirituwal na Buhay
5
“Kailan din kaya ako pagpapalain at kaaawaan ni Nityananda Prabhu? Kailan kaya mawawala puso ko ang pagnanasa sa mga materyal na bagay?” Asakti-rahita, - হ , sana tuluyan nang mabura sa aking isipan ang mga ganitong bagay; sana pawang sa paglilingkod na lang nakatuon ang isipan ko… Sa madaling-salita, itigil na natin ang paghahanap nang kamalian ng ibang tao, sa halip na sila ang sinisisi natin, tayo na lang. Akuhin na lang natin. Hindi ba’t ganun naman talaga tayo, tadtad din ng kasalanan? Kaya sa halip na kamalian ng iba ang tignan natin masbigyan na lang natin nang pansin ang konsepto nang mga aral ni Mahaprabhu. Hindi ba’t madalas nating inasabing, tayo’y mga deboto ni Gora? ম,
ন হ । , ফ ফ ॥ "gorara ami, gorara ami" mukhe balile nahi chale gorara achara, gorara vichara la-ile phala phale “
ম” ম
Hindi dahil sinabi lang ninyong “Gora! Gora!” ay sapat na. Hindi ba dapat sinusunod din natin ang Kanyang mga aral at tagublin? Dahil kung hindi, papaano natin ito mauunawaan.” Sri Sri Prema-vivarta, 8.6 Ang sabi dito, paano natin matitikman ang sinasabi ni Mahaprabhu kung ayaw naman natin sundin ang Kanyang mga aral at tagubilin. Ito ang ibig sabihin ng salitang Gorar achar, vichar. Marami sa atin ang nagsasabing sila’y mga kabig ni Gauranga Mahaprabhu subalit ayaw namang sumunod sa tamang konsepto ng Kanyang mga aral. Mali po ito. Dapat unawain nating maigi kung ano ang Kanyang ipinapangaral, tungkol saan ba ang Kanyang kilusang sankirttan, bakit nais Niyang maging malaganap ito? Sa anong dahilan?
ম
,নম , ম
ন,
Mga Paghihirap at Pagtitiis sa Espirituwal na Buhay
য়
। ন॥ 6
sadhu-sanga, nama-kirtana, bhagavata-sravana mathura-vasa, sri-murtira sraddhaya sevana Dapat makihalubilo kayo sa mga deboto, sumama kayo sa kanila, bigkasin at awitin ang Banal na Pangalan ng Panginoon, dapat palagi kayong nakikinig nang mga aral ng Srimad Bhagavatam, doon kayo sa Mathura manirahan at sambahin ang Imahen ng ating Poon nang may pananalig at paghanga. Sri Chaitanya-charitamrta, Madhya-lila, 22.124 Alam ba ninyo, kapag ang laman ng isipan ninyo ay palaging Nabadwip, kayo’y parang nandoon na rin sa Nabadwip, kayo’y “taga Nabadwip na.” At huwag ninyong kalilimutan ang Vrndavan at Nabadwip dahil silang dalawa ay hindi magkaiba. Sila’y pareho lamang. Mahalaga din ang Tulasi seva. Ang sabi dapat araw-araw nating nililibot ang bayan ng Vrndavan, kaya lamang hindi tayo pinagpala. Mabuti na lang nandito si Tulasi devi, dahil maaari tayong umikot sa kanya nang araw-araw, at ang resulta’y pareho lamang. য় ন, জ ন, জ । হন , হ ন॥ ki sayane, ki bhojane, kiba jagarane aharnisa chinta krsna, balaha vadane Saan ka man naroroon, anuman ang ginagawa mo, natutulog, kumakain, o nagpapahinga, at iba pa., dapat palagi ninyong paulit-ulit na inuusal at sinasambit-sambit ang Pangalan ni Krsna. Sri Chaitanya-bhagavat, Madhya-khanda, 28.28 Isang araw, noo’y papasok ng kubeta si Chaitanya Mahaprabhu, napansin ni Gopal na nakalabas ang dila Nito at kagat-kagat nang Kanyang ngipin. Si Gopal ay isang masugid na tagasunod ni Maharabhu at ito’y isang pujari sa bahay na kanilang tinutuluyan na ginawa nilang Mga Paghihirap at Pagtitiis sa Espirituwal na Buhay
7
templo. Tinanong ni Gopal si Mahaprabhu, “Prabhu, anong nangyari sa Inyo? Bakit po nakalabas ang dila Ninyo? May masakit po ba sa Inyo?” “Salbahe kasi itong dila Ko,” tugon ni Mahaprabhu. “Bakit po, ano po ba ang nangyari?,” giit ni Gopal. “Hindi Ko kasi mapigilan ang Aking bibig, ang gusto palaging Hare Krsna nang Hare Krsna. Gagamit kasi Ako ng kubeta, hindi ba’t marumi sa loob? E, ayaw magpaawat. Kaya ganito ang ginawa Ko.” “E,bakit gusto po Ninyong pigilan?” dagdag na tanong ni Gopal. “Hindi po ba ang sabi Ninyo, kahit saan, kahit kelan, dapat tuluy-tuloy parin naming binibigkas at inuusal ang Hare Krsna Mahamantra?” য় ন, জ ন, জ । হন , হ ন॥ ki sayane, ki bhojane, kiba jagarane aharnisa chinta krsna, balaha vadane Saan ka man naroroon, anuman ang ginagawa mo, natutulog, kumakain, nagpapahinga, at iba pa., dapat palagi ninyong paulit-ulit na inuusal at sinasambit-sambit ang Pangalan ni Krsna. Sri Chaitanya-bhagavat, Madhya-khanda, 28.28 Saanmang lugar, kahit anumang oras—nakahubad o nakadamit, nasa maruming lugar man o malinis. Nagmamaneho man ng sasakyan o hindi, papasok man ng opisina o paaralan, maaari nating sambitin at paulit-ulit na usalin ang Kanyang Banal na Pangalan, নম হ ন ম, sevon mukhe kahe Krsna Nama. Yakagin ninyo ang inyong pamilya na maging kapamilya din ni Krsna. Kayo’y mga kapamilya na ni Krsna at hindi na nang anumang pamilya sa mundong ito. At ngayong kayo’y mga kapamilya na ni Krsna, dapat ito’y pinag-iingatan din ninyo. Huwag ninyong sayangin ang pagkakataong ito dahil lamang sa seva-aparadha, Vaihnava-aparadha, Dham-aparadha… Mga Paghihirap at Pagtitiis sa Espirituwal na Buhay
8
Dapat sinusunod din ninyo ang mga tagubilin ni Gurudev. Ang Guru ay tulad ng isang duktor, may riseta din ito sa inyo, ngayon, nasa sa atin na kung ito’y bibilhin natin o hindi. Ang tanong papaano tayo gagaling kung hindi tayo iinum ng iniresetang gamot. Alam ba ninyo kung ano ang sakit natin? Ito’y bhava rog , ang pagiging sobrang makamundo. Kaya dapat, iniinum natin ang kanyang inihabilin, dahil kung hindi, at ibang gamot ang ininom natin, tiyak patuloy tayong magkakasakit, at hindi na tayo gagaling. At malamang lumala pa ito. At ang kamunduhan ay tiyak na nandoon parin sa loob ng puso natin. Kung ganoon, huwag ninyong kaliligtaang inumin ang gamot na ibinigay ni Gurudev sa atin. Dahil ang tamang gamot ay ang Harinam maha-mantra. Maglingkod ka, tapos, sundin mo kung anoman ang ipinag-uutos ng Guru natin. Tanong: Nabanggit po ninyo ang tungkol sa pagpapakasakit at pagpapakahirap para sa espirituwal na buhay, alam po ninyo, sa totoo lang, ayoko na pong naghihirap ako, sawa na po ako dito…Ano po ba ang tamang paraan upang ang damdaming ito na pagpapakasakit ay higit pang umigting. Ano po ang dapat naming gawin? Ang mga pagpapakasakit at pagsasakripisyo po ba namin ay iba sa sinasabi po ninyo? Srila Acharya Maharaj: Mabuti naman at gusto mo nang pagpapakasakit. ম
য়
হয় , ' ম । tomara sevaya, duhkha haya yata, seo ta' parama sukha Wala akong pakialam kung ako man ay naghihirap habang naglilingkod sa Inyo. Sa totoo lang, maligaya po ako habang ito’y ginagawa ko. Saranagati 16.4 Alam ninyo, walang-alinlangang habang naglilingkod tayo, tiyak na dadanas tayo nang labis na kalungkutan, maghihirap tayo, subalit Mga Paghihirap at Pagtitiis sa Espirituwal na Buhay
9
ganunpaman, huwag na huwag kayong lulubay o titigil sa gawain ng paglilingkod. Tulad ng nabanggit ko. Kayo’y kabilang na sa pamilya ni Krsna, at sana, huwag ninyong sayangin ang pagkakataong ito. Napakahalaga ang gawain ng paglilingkod… Huwag ninyong isiping marami na kayong nagawa. Tignan ninyo ang ibang deboto, bakit sila umalis sa gawain ng paglilingkod? Palagi ninyong tatandaan, si Krsna ang Pinakamataas sa lahat ng Katauhan ng Diyos, at Siya’y walang-hangganan. Lahat ay nasa ilalim ng Kanyang kapangyarihan, maging ang lahat ng diyus-diyosan. Ang buong sandaigdigan ay nasa ilalim din ng Kanyang kapangyarihan. At tayo, tulad ng isang lamok ay napakaliit lamang, subalit kung umasta animo mga malalaki at may tangan ng walang-hangganang kapangyarihan. Bakit po tayo ganito? Ito po ay dahil sa ating ego, sa ating kayabangan. Sa ating kahambugan. Walang-alinlangang lahat tayo ay marami nang nagawa sa buhay, kaya lamang, ito’y nagbunga ng pratistha, nang kahambugan, Acharya abhiman, guru abhiman, kaya kung umasta tayo akala mo isa nang malaking guru. Hindi po. Hindi po tayo maaaring maging guru, maging gabay at tagapangalaga ng debosyon. Marahil ang maging tagapaglingod, ang maging isang hamak na tagapaglingkod, subalit hindi ang maging guru, at maging Acharya ng isang templo. Alam ninyo, halimbawa, kayo’y nag-sannyas at ganito ang nasa loob ng inyong isipan, “Ngayong ako’y sannyasi na, tiyak, ako ay kanila nang pagsisilbihan.” At kapag ang ganitong klaseng abhiman o kahambugan, ay nanatili sa puso natin, ito po’y magdudulot sa atin ng matinding kapahamakan. Kaya dapat, bilang pagpapakasakit, dapat ang lahat ng ito’y iwinawaksi natin. Dapat ang ganitong klaseng damdamin ay pinipigilan natin. Hindi lamang po ito ang darating sa ating buhay, marami pa po. Noong naisipan ni Sanatan Goswami na sumama na kay Mahaprabhu, ito’y ikinulong sa isang piitan, subalit ito’y kanyang pinagtiisan. At noong Mga Paghihirap at Pagtitiis sa Espirituwal na Buhay
10
siya’y lumaya na, muli na naman siyang inatake ni Maya. Isang grupo ng masasamang tao ang humarang sa kanya. Kung ano-anong klaseng paghihirap ang kanyang dinanas, labis-labis, subalit kailanma’y hindi siya tumalikod sa kanyang espirituwal na buhay, hindi niya iwinaglit sa kanyang isipan ang kamulatan sa kamalayan kay Krsna. Hindi niya tinalikuran ang paglilingkod kay Mahaprabhu. Lahat ay patuloy niyang ginagampanan at pinagtitiisan alang-alang kay Mahaprabhu. Hindi ba’t ganun din si Raghunath Das Goswami? Siya’y nagmula sa isang napakayamang pamilya, ngunit katakut-takot na hirap at pighati ang kanyang dinanas! Kahit na sina Param Gurudev, si Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj, at maging ang ating Param-param Gurudev, si Bhagavan Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur, lahat sila’y pawang nagmula sa isang mayaman at kilalang pamilya. Subalit ganunpaman, tignan mo ang kanilang buhay, napaka-simple lamang. Simple lamang silang namumuhay, subalit may mataas na kaisipan. Ang totoo, ang gusto natin ay kalidad, at hindi dami ng bilang. Kaya nais kong ihabilin sa inyong lahat, huwag na huwag ninyong sundin si Maya, ang ilusyon. Huwag na kayong dumaan sa kung saan-saan, dapat diretso lamang, huwag na ninyong pansinin ang mga masasarap at magagarang bagay. Mamuhay lamang kayo ng simple, simpleng puso at walang pag-iimbot, walang-pagkukunwari sa gawain ng debosyon. Ito ang dapat ninyong tatandaan, dahil ang mga bagay na ito’y napakahalaga para sa ating espirituwal na buhay. য়
জ
জ নয় । ন য় ॥ sadhu paoya kasta bada jivera janiya sadhu-bhakta-rupe krsna aila nadiya Batid ni Krsna na mahirap talagang maghanap ng isang totoo at tunay na sadhu kung kaya’t Ito’y nagpunta sa Nadia at nag-anyo bilang bilang isang deboto. Mga Paghihirap at Pagtitiis sa Espirituwal na Buhay
11
Sri Sri Prema-vivarta, 7.8. Sa Panahong ito ni Kali, napakahirap para sa isang kaluluwa ang maghanap ng isang dakilang sadhu, kung meron man, sila’y pambihirang nakikita lamang, dahil dito, mismong si Krsna ang pumanaog sa mundo, bilang si Mahaprabhu, at nagturo sa atin bilang isang Guru. Bakit? Ito po’y upang turuan tayo.
Mga Paghihirap at Pagtitiis sa Espirituwal na Buhay
12