Nakituloy na, Tapos nang Hatak pa

Page 1

Nirmal Bhakti – Ang Landas ng Wagas at Dalisay na Debosyon

Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh Philippines Śrī Nāma Hātta Center U.P. Campus, Diliman, Quezon City (+63)09498332414

Turong-aral nang Kanyang Banal na Pagpapala Om Visnupad Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj Sa harap nang mga nagtitipun-tipong deboto noong ika 28 ng Buwan ng Hulyo, taong 2011.

Ikaapat na Bahagi

Dapat

tayong lahat ay magkaisa na, kailangang magsama-sama upang mapangalagaan natin ang Misyon ng ating Sri Chaitanya Saraswat Math. Ang Misyon ng atingsamahan ay Krsna-anusilana Sangha, ito‟y isang pandaigdigang samahan (sangha), subalit ilang tao ang gusto itong gibain, at gustong mangisda pa dito. Kaya dapat, maslalo kayong mag-ingat, dahil tiyak na gagamitin lamang nila kayo. Narinig ko sa iba, gusto daw nila ang samahang tinatag ni Srila Sridhar Maharaj, kaya lamang pagdating kay Gurudev, kay Srila Bhakti Sundar Govinda Maharaj, ayaw nila. Kung ganoon naman pala at ayaw nila kay Srila Gurudev, bakit pa ako makikisama sa kanila? Dapat alam ninyo ang mga bagay na ito. Marami ang magtatangka upang gamitin kayo, gagawin lamang nila kayong tuntungan upang makasilo ng iba. Kaya madalas sabihin noon ni Gurudev, “Marami ang kunwari ay gustong manirahan sa ating templo, kunwari ay gustong sumilong at makisama, subalit ang hindi ninyo alam, Nakituloy na, tapos nang hatak pa

1


Nirmal Bhakti – Ang Landas ng Wagas at Dalisay na Debosyon pagtagal-tagal ay sisiluhin lamang pala nila kayo, isa-isa nila kayong bibingwitin. Alam ba ninyo kung bakit? Ito‟y hindi upang tulungan tayo, kundi para sa kanilang kapakanan lamang, ang gusto nila‟y mansilo nang mansilo, at tapos gagamitin na kayo!” Naalala ko noon, may lumapit kay Gurudev (huwag na nating banggitin ang kanyang pangalan). May sinabi siya kay Gurudev na labis nitong ikinagalit, “Ayokong pupunta ka dito tapos ginagamit mo ako—ako ang gagamit sa iyo!” May isa pang insidente, naikwento sa akin ni Gurudev, isang deboto mula sa Iskcon na taga ibang bansa ang nagpunta dito. Lumapit kay Gurudev at nakiusap dahil gusto niyang mag-sannyas kay Srila Sridhar Maharaj. Dinala siya ni Gurudev kay Srila Sridhar Maharaj, at sa harapan ni Srila Sridhar Maharaj naglabas ito nang makapal na bungkos ng pera. Tinanong siya ni Srila Sridhar Maharaj, “Anong ibig sabihin nito? Bakit, binibenta ba namin ang sannyas?...” Minsan naman, sabi ni Gurudev may ilang deboto mula sa ibang bansa ang nagbigay ng kanyang donasyon kay Srila Sridhar Maharaj. Sabi sa kanya ni Srila Sridhar Maharaj, “Salamat, pakiabot na lang kay Govinda Maharaj.” Si Srila Sridhar Maharaj na mismo ang kumuha ng pera at iniabot kay Srila Govinda Maharaj. At habang inaabot ni Srila Sridhar Maharaj ang pera kay Gurudev, parang nasuya ang taong ito na nagbigay ng donasyon, sabi niya, “Maharaj, paryan a po sa iyo …” At pagkatapos, nagbilin ang debotong ito kay Srila Sridhar Maharaj, “Guru Maharaj, ang pera pong ito ay para sa ganito, sa ganyan.” Namula si Srila Sridhar Maharaj at biglang nagalit, “Eto, kunin mo na ang pera mo, akala ko ba ito‟y pranami mo, e bakit masmarunong ka pa sa akin kung saan ko ito gustong gastusin.” At maging noong nandito pa si Gurudev, isang debotong Indian ang nagabot ng kanyang donasyon kay Gurudev, isang tseke para sa dalawampu‟t-anim na lakhs na Rupees, (mga 2.6 milyong Rupees). Kaya lamang sa bandang likuran ng tseke may nakasulat na kundisyon, kung saan at papaano ito dapat gastusin. Noo‟y nagpunta kami sa bangko kasama ang taong ito at si Gurudev upang kunin ang pera. Noong hiningi sa amin ang tseke, at ibibigay na ni Gurudev, napansin niyang may nakasulat sa likod, at ito‟y kanyang binasa, pagkabasa agad niyang pinunit. Biruin mo, dalawang milyun at animnaraang Rupees, ginanun lang nya. At ang halaga ng perang kukubrahin sana nami‟y Nakituloy na, tapos nang hatak pa

2


Nirmal Bhakti – Ang Landas ng Wagas at Dalisay na Debosyon hindi maliit na halaga! Matapos ang insidenteng iyon, hindi na muling nagpakita sa amin ang naturang tao. Tandaan ninyo, hindi dahil may pera kayo, kaya na ninyong bilhin ang debosyon. Hindi po. Nagkakamali po kayo. Hindi ko napansin matagal na pala akong nagsasalita, nawa‟y tanggapin nang lahat ng deboto ang aking ganap na dandavat at kung may nagawa man akong kasalanan sa inyo, sana po mapatawad ninyo. Hangga‟t kaya ko, lahat ng debotong pumapailalim sa Guru ko, pagsisilbihan ko. Alam ninyo, ito lamang ang masasabi ko, ang sinumang sumusunod sa mga tagubilin at aral ng aking Guru, ay pagsisilbihan ko. Ito ang aking dharma, ang aking relihiyon. Ito ang ipinapangako ko, at ito din ang kundisyon ko, at nararamdaman ko. Kahit na sino pa sila, lahat ng naglilingkod sa Guru ko, pagsisilbihan ko. Wala akong pakialam kung sila man ay matagal na o baguhang deboto, kahit na sila‟y disipulo ko. Alam ninyo, sa totoo lang, hindi ganito ang nasa isip ko, “Ang taong ito ay disipulo ko.”Hindi po. Iba ang nasa isip ko, lahat sila iniisip kong mga disipulo ni Gurudev, walang problema sa akin kung sila man ay pagsilbihan ko. Kaya lahat ng nagmamahal at naglilingkod sa Guru ko, kahit na sino pa sila, nais kong maging tagapaglingkod nila. Ito ang huling mensahe ko sa inyo. Magsama-sama kayo at maging maingat sa lahat ng bagay. Ngayon ang misyon natin ay pumapailalim sa isang matinding pagsubok, ilang tao ang gustong sumira nito, kung saan-saan at kanikaninong grupo sila nagpupunta, nakikihalubilo at sumasama sa ibang sampradaya na mahilig pumuna at mamintas kay Srila Sridhar Maharaj. Biruin mo sila pa ang may ganang mamintas at tumuligsa kay Srila Sridhar Maharaj! Sila ang mga taong bagama‟t nandito at nakasilong sa atin ay gustong sirain ang ating templo, wala silang pagmamahal sa atin, ang pagmamahal nila‟y nandun sa ibang misyon, sa misyon nang mga mahilig mamintas at mamuna kay Srila Sridhar Maharaj at kay Gurudev. Sila ang mga taong kunwari ay nandito sa atin subalit nakikihalubilo sa mga taong ayaw kay Srila Sridhar Maharaj at kay Gurudev. Ganito ba ang gusto ninyong espirituwal na buhay? Ito ba ang inyong paramarthik, ang inyong natutunan pagdating sa kamulatan ng tungkol sa espirituwal na buhay? Ganito ba ang inyong kamulatan sa kamalayan kay Krsna?

Nakituloy na, tapos nang hatak pa

3


Nirmal Bhakti – Ang Landas ng Wagas at Dalisay na Debosyon Halimbawa, nalaman ninyong ang taong ito‟y ayaw sa Guru mo, patuloy ka pa rin bang makikihalubilo sa kanya? Ganitong klase ba ang inyong relihiyon? Ito ba ang natutunan ninyo kapag pumupunta kayo sa ating templo? Siguro nama‟y hindi. Kaya nga madalas sabihin ni Gurudev ang salitang „dapat ako lamang ang mahal ninyo‟ at ang „maging tapat at huwag maging salawahan.‟ Alam ninyo, ang mga bagay na ito‟y napakahalaga sa ating buhay, kaya lamang, pambihirang deboto lamang ang may ganitong katangian. Dapat ito‟y palagi ninyong tinatandaan. Hanggang dito na lamang po ako. Jay Srila Guru Maharaj, ki jay! Jay Om Visnupad Jagad Guru Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj, ki jay! Mabuhay ang lahat ng mga debotong taga Kanluran at Silangan, ki jay! Mabuhay ang lahat ng deboto sa buong mundo, ki jay! Jay samagata Gaura bhakti vrnda ki jay! Mabuhay ang lahat ng sannyasi vrnda sa buong mundo, ki jay! Nitai Gaura premanande, Hari Hari bol!

Nakituloy na, tapos nang hatak pa

4


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.