Martes, Abril 9, 2017
Isang Maikling Kwento Hinggil sa Mapagpalang araw ng Nṛsiṁha Chaturdaśī
Sa lahat, ang Pagkakaroon ko ng Kuneksyon ang Pinakamahalaga Dito sa sanaysay na ito, ipinaliwanag ni Śrīla Bhakti Rakṣak Śrīdhar Dev-Goswāmī Mahārāj kung papaano binigyang-linaw ni Prahlād Mahārāj ang 1
kahulugan ng Śrīmad Bhagavad-gītā. Dahil sa talatang ito na isang dakilang tula mula sa Bhagavad-gītā (9.32), tinanggap ni Śrīla Jīva Goswāmī si Prahlād Mahārāj: māṁ hi pārtha vyapāśritya ye ’pi syuḥ pāpa-yonayaḥ striyo vaiśyās tathā śūdrās te ’pi yānti parāṁ gatim Kapag sinabing Vyapāśritya, vi apa āśritya, ang ibig sabihin nito’y viśeṣa apa āśritya, na tumutukoy sa pagiging napakababang klaseng tao, sa pagiging isang hamak na tao. Dito sa talatang ito, ganito ang sabi ni Kṛṣṇa, “Alam mo ba Arjuna, kahit sinong tao, kahit na marami na itong nagawang kalokohan at kawalanghiyaan sa sandaling magkaroon siya nang kuneksyon sa Akin, ay maaaring makarating din sa pinakamataas na kalagayan. Hindi ba’t may mga tao na kahit ubod ng sama ay dumudulog pa din sa Akin. Ano ang magagawa natin kung ganito talaga ang naging buhay nila, at magmula ng isinilang ay puro masasama ang nakakasama. Striyo vaiśyās tathā śūdrās: kahit sino pa sila, mga babae, o negosyante, pahinante man o alila ng ibang tao, magkaganunman, sa sandaling mapalapit sila sa Akin, ibibigay Ko parin sa kanila ang pagkakataon na makarating sa pinakamataas na kalagayan, sa pinaka-dalisay at malinis na antas ng buhay.” Dahil sa talatang ito, natunton ni Śrīla Jīva Goswāmī ang naging buhay noon ni Prahlād Mahārāj, kung papaano siya nagsimula sa landas ng debosyon sa Panginoon. Bago ako magpatuloy, nais kong manalangin kay Prahlād Mahārāj, na sana, ang pagsariwa ko sa kanyang nakaraan ay hindi mauwi sa pagkakasala. Alam ninyo noong nakaraang buhay, noong hindi pa siya si Prahlād Mahārāj at hindi pa siya deboto, siya’y mahirap lamang, ang angkan niya’y nagmula sa mahirap na pamilya, noo’y may isang lumang Templo ni Nṛsiṁhadev na malapit lamang sa kanilang bahay. Ang Templong ito ay sira-sira at matagal nang inabandona. Subalit minsan, may mga okasyon na ginagamit parin ito para sa ilang gawain, may pumapasyal upang mag-alay ng pagkain tuwing tanghalian, ganun 2
lamang, tapos wala na. Kaya kadalasan walang pumupunta ditong tao. Ang Templong ito’y nasa loob ng isang bakuran at napapaligiran ng pader. At tulad din ng ilang kalalakihan ng panahong ito, dito nagdadala ng babae si Prahlād. Ito’y kanya munang wawalisan at lilinisin at doon sila nagtatalik. Alam ba ninyo kung anong araw niya ito ginawa? Ito’y araw mismo ng Nṛsiṁha Chaturdaśī, alam ba ninyo nagustuhan mismo ni Nṛsiṁhadev ang kanyang ginawa. Sa halip na kabulastugan ang pansinin, ang nakita ni Nṛsiṁhadev ay ang ginawa niyang kabutihan, balewala sa Kanya ang ginawa nitong kalokohan, at ang napansin ni Nṛsiṁhadev ay ang ginawang kabutihan ni Prahlād noong araw na iyon. Ang sabi ni Nṛsiṁhadev,“Nilinis ni Prahlād noong pinagpalang-araw na iyon ang AkingTemplo.” Bagama’t sobrang napakasama ang ginawa ni Prahlād, ito’y pinagpala parin ni Nṛsiṁhadev, ipinagkaloob parin sa kanya ni Nṛsiṁhadev ang kuneksyon. Hanggang sa unti-unting ang kuneksyong ito’y lumago nang husto, hanggang sa magtagpo sila ni Nṛsiṁhadev. Si Prahlād Mahārāj ay halimbawa ng kagitingan nang isang śuddha-bhakta, ng isang dalisay at wagas na deboto nang Panginoon. At doon sa napakababang kalagayan siya nagsimulang tumahak sa landas ng debosyon. māṁ hi pārtha vyapāśritya ye ’pi syuḥ pāpa-yonayaḥ Sa ganitong klaseng angkan siya nagsimula, na labis na makasalanan, pāpa-yonayaḥ, at talagang kanyang ginawa, na bagama’t sumilong siya sa Panginoon upang gawin ang isang kawalang-hiyaan, na pinaka-mababang paraan, vyapāśritya, subalit ganunpaman, noong panahong iyon na mismong araw na pinakamapalad at mapagpalang araw sa lahat ng araw, nilinis niya ang Templo ng Panginoon, at doon na nagsimula ang kanyang relasyon sa Panginoon. māṁ hi pārtha vyapāśritya ye ’pi syuḥ pāpa-yonayaḥ striyo vaiśyās tathā śūdrās te ’pi yānti parāṁ gatim
3
Dito sa talatang ito, ang sabi ng Panginoon, “Kahit na gaano pa kadumi at sangtambak na kasalanan ang nagawa mo, sa sobrang lakas at bisa ng Aking kapangyarihan, balewala ang lahat ng ito. Kahit anong klaseng kuneksyon, kahit dampi lang ang naging kuneksyon mo sa Akin, kaya Kong linisin ang nagawa mong kasalanan. Ang kapangyarihan Kong ito’y sadya talagang napakalakas, napakataas, sobrang dalisay at wagas, at mapagpala.” Ang sabi ng Panginoon dapat ito ang minimithi natin, ang inaasamasam natin, at gusto Niyang ito ang ating gawin. kiṁ punar brāhmaṇāḥ puṇyā bhaktā rājarṣayas tathā anityam asukhaṁ lokam imaṁ prāpya bhajasva mām “Kung ang mga ganoong klaseng tao ay pinagpapala Ko, di maslalu na kung sila’y nasa pinakamataas na antas pa, mga brāhmaṇs at kṣatriyas pa, na talaga namang marunong makibagay, may magandang-asal, at kabuhayan. Kung ganoon, alin ka dito, at dahil walang katiyakan ang iyong kalagayan, sa palagay mo kaya ika’y magiging maligaya. Kung ganoon, halikana at pumarito na sa Akin, at tinitiyak Ko sa inyo, mararating din ninyo ang pinakamataas na hantungan.” Diretsahan. Ito’y diretsahang sinabi ni Kṛṣṇa, “Halimbawa’t ika’y nasa gitna nang walang-katiyakan, anityam, at kalungkutan, asukham, kumunekta ka parin sa Akin, Ako parin ang iyong hanapin, nang bumuti naman ang iyong kalagayan. Huwag ka nang pumunta at dumaan sa kung saan-saan at kung kani-kanino pa. Dumirekta ka na agad sa Akin. Dahil Ako’y ganito, at ikaw nama’y ganoon. Ito ang katotohanan. Dapat ang bagay na ito ang iyong inaaasam-asam. Huwag mong intindihin kung ikaw ma’y nasa mababang kalagayan ng buhay, wala Akong pakialam. Ang mahalaga, ang magkaroon ka nang kuneksyon sa Akin. Sa lahat, ito ang pina-importante at higit sa lahat, dapat ito’y tanggap ng iyong kalooban. Dapat taimtim na tinatanggap at iyong pinaniniwalaan. Huwag mong dayain ang iyong sarili. Dahil sa sandaling ito’y tinanggap mo at 4
pinaniwalaan, na kailangan mong kumunekta sa Akin, ngayon pa lamang sinasabi Ko sa iyo, hindi mo masusukat ang matatanggap mong biyaya at pagpapala.” Mga ginamit na talata: māṁ hi pārtha vyapāśritya ye ’pi syuḥ pāpa-yonayaḥ striyo vaiśyās tathā śūdrās te ’pi yānti parāṁ gatim O’ Arjuna, nais Kong malaman mo, lahat ng sisilong sa Akin, sila ma’y nasa pinaka-ibaba pa ng antas nang buhay, o kaya’y mga babae, mga negosyante, o ordinaryong manggagawa lamang ay makakarating sa pinaka-mataas na destinasyon ng buhay.”] kiṁ punar brāhmaṇāḥ puṇyā bhaktā rājarṣayas tathā anityam asukhaṁ lokam imaṁ prāpya bhajasva mām [“Kung ganoon, maslalu na kung sila’y mga brāhmaṇs at hari, na talaga namang mabubuting-tao at malilinis pa ang kalooban? Kaya, samantalahin ninyo ang pagkakataong ito, na kayo’y naging tao, ang buhay ninyo’y pansamantala lamang, at walang-humpay sa paghahanap nang kasiyahan sa buhay, halikayo at Ako ang inyong pagsilbihan.”]
5