Miyerkules, Ika-1 ng Marso 2017
Ika-17 Labas ng Unang Taon
Turong-aral nang Kanyang Banal na Pagpapala Om Viṣṇupād Śrīla Bhakti Nirmal Āchārya Mahārāj Ginanap noong ika 25 ng Oktubre 2013 । ॥ 1
* Ganito ang naging paliwanag ni Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj sa salitang saltamami , ayon sa kanya, “Dapat kada-taon sinusuma natin ang lahat ng ginawa natin sa buhay. Naglilista tayo, kung ano ang ginawa natin sa maghapon’, at dapat ito’y araw-araw nating ginagawa. Tapos, magnilay-nilay tayo, magbalik-tanaw, unawain nating maigi, ‘May nagawa ba akong kabutihan kahapon?’ Ito ang saltamami, sa pamamaraang ito tiyak na magiging perpekto tayo.”
1
krsna yadi chhute bhakte bhukti mukti diya kabhu prema-bhakti na dena rakhena lukaiya Sri Chaitanya-charitamrita, Adi-lila, 8.18
‚Kung ang hanap mo ay ginhawa ng buhay, tulad ng pagkakaroon nang magandang-buhay, alahas at salapi, sasakyan, bahay at lupa, at iba pa, walang alinlangang ito’y inyong makakamit, subalit kailanman hindi itong bhakti.” Walang sinoman sa atin ang nakakaalam kung gaano pa ang itatagal natin sa buhay, subalit pasalamat narin tayo dahil naging tao tayo, kaya dapat gamitin natin ang katawang ito sa paglilingkod sa Panginoon. Dahil kung hindi, ano ang silbi at ika’y naging tao. Marahil ang pangungusap na ito’y isang milyung ulit na ninyong nadinig. Dahil sa sandaling gamitin ninyo ang katawang ito sa paglilingkod sa Panginoon, tiyak na magiging ananda-vigraha ( , magiging katauhan ng kasiyahan ang sarili ninyo. Subalit kung ang hanap ninyo’y mabaho, doon kayo sa imburnal maghanap dahil doon maraming ganito. Doon tiyak na maraming klaseng tae ang makikita ninyo. Sa palagay kaya ninyo, sino sa inyo ang maysikmura at kayang uminum ng ihi at kumain ng tae? Meron ba, siguro nama’y wala. Alam ninyo, marahil magtataka kayo kung bakit ganito ako magsalita. Hindi po sa akin nanggaling ang salitang ito, kundi galing mismo kay Gurudev. Siya po ang maydala nito mula sa kalangitan at ibinaba dito at hindi po ako. Ninanamnam ko po lamang ang kanyang mga nginuya at ito ang gusto kong ipatikim sa inyo. Alam ninyo, noo’y may isang deboto, na dati ang sinusuot na damit ay kulay kahel (marahil dahil sa siya’y isang brahmachari o kaya sannyasi), na talaga namang napakasipag at subsob sa gawain ng paglilingkod. Noon ang istilo ko ay pauto-utos, gawin mo ‘yan, gawin mo ‘to, ‚ puro ganun. Subalit tuwing pagmamasdan ko ang debotong ito, basta ipinag-utos ko 2
kahit marumi nasisikmura niyang kamayin. Ang sabi ko sa sarili ko, mabuti pa ang debotong ito, masmahusay at masmagaling pa sa akin! Biruin mo, kahit maglinis pa ng kubeta, ayos lang sa kanya, kaya niyang kamayin, at wala pang reklamo. Kaya lamang, noong tumagal bigla itong nagbago, bumaba na ang kanyang pagkatao. Bakit po? Sa anong kadahilanan? Ito po’y dahil sa ilusyon, ngayon iba na ang gusto niyang kainin at inumin, tae at ihi na … Pasensya na po kayo kung masakit akong magsalita ngayon. Gusto ko lamang ipaunawa sa inyo kung bakit, at sana magsilbing halimbawa din ang pangyayaring ito, hindi lamang sa kanya kundi para na rin sa inyong lahat. Ito’y tulad din nang ginawa ni Mahaprabhu kay Chhota Haridas, hindi ba’t ito’y tinuruan Niya nang leksyon at ang pangyayaring ito’y nagsilbing aral na din natin. Hindi ba’t ang naging tugon ni Jagadananda Prabhu ay, ‚Kung nais ninyong makamit ang init ng pag-ibig at pagmamalasakit ni Mahaprabhu, isipin na lang ninyo si Chota Haridas, kung ano ang nangyari sa kanya.‛ Napakadaling sabihin subalit mahirap gawin. Alam ninyo, ang pagpapalang ito’y matatamo lamang natin sa pamamagitan ng sukrtti, nang mabuting kapalaran. Na sa umpisa ay ajnata-sukrtti, mga kabutihang walang-malay nating nagawa, hanggang sa naging jnata-sukrtti. Ibig sabihin, kapag lumago na nang husto ang inyong sukrtti, kayo’y magiging malaking tao. Sa madaling-salita, dapat araw-araw, sa tuwituwina meron tayong iniiimbak na sukrtti. At ito’y makukuha lamang natin sa pamamagitan ng paglilingkod. Tulad sa pera, kung wala kang pera ano ang ipangga-gastos mo sa araw-araw, at para magkapera ka dapat mayhanap-buhay ka. Ganun din sa sukrtti. Dapat meron tayong palaging sukrtti. Dahil kung wala na tayong sukrtti at ito’y naubos na, tulad ng pera, ano na ang ipambibili mo. Walang-alinlangang lahat kayo’y may sukrtti, 3
pero dapat araw-araw parin kayong nag-iipon nito, sa pamamagitan ng pagseserbisyo. Ang sabi ni Bhagavan Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur, ‚Ako’y palagi na lang nangangaral sa inyo, hindi ko alam kung ako’y nauunawaan ninyo. Sana, kahit na wala na ako sa mundong ito, maaalala parin ninyo ang sinasabi ko.‛ Alam ninyo, matindi din siya kung magsalita…
Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh Philippines Sri Nama Hatta Center U.P. Campus, Diliman, Quezon City 1101 scsmathphilippines@yahoo.com
4