Sri Sankar Acharyya

Page 1

Śrī Chaitanya Sāraswat MaṭhPhilippines

Isang Sulyap sa Kanyang Kadakilaan Bilang paggunita sa banal na araw nang pagpanaog sa mundo ni Sri Sankaracharya, hinanda namin ang siping ito bilang isang paggalang at pagkilala sa kanyang kadakilaan.

Walang-alinlangang lahat tayo ay nagkakamali subalit ang mga pagkakamaling ito’y nagsisilbing-aral para sa mga matatalinongtao, samantalang ang mga bobo’y hindi matuto-tuto. At dahil ang mga pagkakamaling ito’y paulit-ulit nilang ginagawa tuluy-tuloy din silang naghihirap. Ang mga taong tulog ay Adi Sri Sankaracharyya 788AD-820AD madaling gisingin kaysa mga nagtutulugtulugan. Ganito ang kalagayan ng mga mangmang. Subalit dahil sa kabaitan at kababaang-loob nang mga dakilang tao tulad ni Sri Sankaracharya at nang ibang Maestro, ang mga taong nagtutulug-tulugan ay matyaga nilang pinapangaralan upang sila’y mabiyayaan. Sa kanyang panawagan, sinulat ni Sri Sankaracharya ang isang aklat na punung-puno ng iba’t-ibang tula, ang Bhaja Govindam, upang gisingin ang natutulog na isipan ng sambayanan. Ang aklat na ito’y binubuo ng tatlumpu’t-isang tula, iba’t-ibang slokas mula sa turong-aral ng Vedanta, ang pinakamataas na kaalaman na may halimuyak ng debosyon. Ang mga tulang ito’y nabuo dahil sa isang pangyayari. Isang araw, habang naglalakad si Sri Sankaracharya ito’y napadaan sa tapat ng bahay ng isang magaling na mag-aaral na noong oras na iyon ay abalang-abala sa pagmemorya ng iba’t-ibang talatang Sanskrit mula sa 1


iba’t-ibang Banal na Aklat. Nakita niya sa mukha ng taong ito ang labis na paghihirap habang pilit na kinakabisa ang mga talatang binabasa. Noo’y isang damdamin ang kumurot sa puso ni Sankaracharya, at sa kanyang habag ito’y mahinahon at magiliw niyang kinausap, aniya, ‚Naku, ginoo, isang kabaliwan ang ginagawa mo, bakit hindi mo na lang ilaan ang oras mo sa pagbigkas nang Banal na Pangalan ni Govinda, sa halip na kung anu-anong talata ang iyong minimimorya. Papaano kung dumating na ang sandaling ika’y mamamatay na, ikaw ba’y maliligtas pa nito? Kaya sa halip na ganito ang gawin mo, awitin mo na lang o kaya bigkasin sa tuwi-tuwina ang Banal na Pangalan ni Govinda, dahil ika’y tiyak na maliligtas pa.‛ Ang mga pangungusap na ito na binitiwan ni Sri Sankaracharya ay tinawag na Bhaja Govindam nang kanyang mga tagasunod. At ito ay kilala din sa tawag na Moha Mudgara Stotra, na ang ibig sabihin, ito’y isang uri ng mudgal, palo-palo ng maruming labahan. Samakatuwid, ang Moha Mudgara Stotra ay isang uri ng ‘pamalo’ upang gisingin ang nagtutulug-tulugan nating isipan. Isipang labis na nakatuon sa ating yaman at ari-arian, lakas at karangyaan noong ika’y bata pa, kung kaya’t pagdating ng kamatayan, lahat sila’y natataranta, takut na takot, dahil hindi alam kung ano ang gagawin. Ayon sa mga slokas ng aklat na ito, paulit-ulit nitong pinapaalalahanan at pinagsasabihin ang lahat na, ang tanging paraan upang maputol na ang paulit-ulit at walang-katapusang siglo na tayo’y ipinapanganak at muli’t-muling namamatay, ay sa pamamagitan ng matinding pagkatig sa Banal na Pangalan.

2


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.