Śrī Tulasī Parikramå Giti By Srila Chandrasekhar Acharya Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh Philippines Rūpānuga-sampradāya Āchāryas
[1]
namo namah tulasi maharani vrnde maharani namo namah namo-re namo-re maiya namo narayani ‘O Tulasi Maharani, O Vrnda Devi, nawa’y tanggapin ninyo ang aking paulit-ulit na pagsusumamo.
1
[2]
yako darase parase agha-nasa hoi mahima veda purine vakhani magmula nang ika’y aking masilayan, o nadampian ng aking palad, napawi ang lahat ng aking kasalanan. O Tulasi, ang Vedas at Puranas ay walang-kapaguran sa pag-awit nang iyong mga kadakilan. [3]
yako patra, manjari komala sri-pati-charana-kamale lepatani ang mga dahon at manjaris mo na nakapaligid sa lotus na paanan nang Panginoon ni Laksmi ay napakalambot at sadyang kahali-halina.
[4]
dhanya tulasoi, purana tapa kiye, sri-salagrama-maha-patarani O, Tulasi, ika’y labis-labis na pinagpala, dahil sa pagtitiis at pag-aayuno naging konsorte ka nitong kahanga-hanga at pinagpipitaganan nating Sri Salagram. [5]
dhupa, dipa, naivedya, arati, phulana kiye varakha varakhani At ang lahat ng sumasamba at nag-aalay nang insenso, lampara, bulaklak, pagkain, at mga panalangin ay iyong pinagpapala din.
2
[6]
chhappanna bhoga, chhatrisa vyanjana, vina tulasi prabhu eka nahi mani Hangga’t ang mga pakaing inaalay sa Panginoon ay walang dahon ng Tulasi, kahit na ito’y kabilang pa sa limampu’t-anim na preparasyon nang iba’t-ibang pagkain, o isa man ito sa tatlumpu’t-anim na klaseng gulay, ito’y hindi parin katanggap-tanggap sa Panginoon. [7] siva suka narada a-ura brahmadika dhurata phirata maha-muni jani Ang mga dakila at matataas na nilalang, tulad nina Shiva, Sukadev, Narada, Brahma, at iba pang diyus-diyosan ay umiikot sa iyo upang ika’y sambahin at magpugay.
[8] chandrasekhara maiya tera yasa gaoye bhakati dana dijiye maharami O Tulasi Maharani, sana’y mapakinggan ninyo ang awitin kong ito na dumadakila at sumasamba sa inyo. Sana, ipagkaloob po ninyo sa akin ang pagkakataon na ako’y magkaroon din nang debosyon sa Panginoon.
Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh Philippines U.P. Campus, Diliman, Quezon City E-mail add: scsmathphilippines@yahoo.com scsnamahatta@gmail.com Contact no. (+63)09498332414
3