Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines U.P. Campus, Diliman, Quezon City 1101 (+63)09498332414
Purihin si Sri Guru at si Sri Gauranga
Srila Baladev Vidyabhusan Tatlong maikli at magkakahiwalay na sipi hango sa aklat na Sri Guru at Kanyang Pagpapala mula sa panulat nang Kanyang Banal na Pagpapala Om Vishnupad Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj
Tulad ng mga naunang magigiting at dakilang deboto na nasa linya nang ating paniniwala, ang mga naging ambag ni Srila Baladev Goswami ay hindi din matatawaran. Bagama’t sa pisikal na katayuan siya’y taga-Madhva sampradaya subalit ganunpaman, magmula nang inilabas niya ang kanyang komentaryo sa Vedanta-sutra marami ang naakit sa Vaisnavaismo nang mga TagaGaudiya at ito’y hindi maaaring balewalain nang sinuman lalu na nang ating mag-aaral. Dahil sa tindi at bigat nang kanyang naging ambag sa ating linya at pagiging malinis at dalisay nang kanyang mga aral, ito’y ginamit ng mga Acharyas natin. 1
Si Baladev Vidyabhusan ay taga Madhva sampradaya. Subalit magmula nang makasama niya si Visvanath Chakravartti Thakur, labis itong naakit sa klase ng pilosopiya nang mga taga-Gaudiya pagdating sa aral ng Vaisnavaismo. Nagbigay din siya nang kanyang pananaw sa Srimad Bhagavatam, at sa aklat na Sat-Sandarbha ni Jiva Goswami. At ang mga turong-aral at pananaw niya ay naging bahagi na ng ating sampradaya. Hindi natin siya maaaring balewalain dahil siya’y Guru din natin. Ayon sa isang naging paliwanag ni Baladev Vidyabhusan, ipinakita sa mundo nina Rupa at Sanatan Goswami kung sino si Govinda. Ayon sa kanya, kapag pinaikot mo sa iyong palad ang isang batong hiyas, iba’tibang kinang at kislap ang inyong makikita. Ganoon ang ginawa nina Rupa at Sanatan sa kanilang hiyas, na tinawag nilang Govinda, na anila’y palaging sinasamba at walang-tigil na pinagsisilbihan nang PinakaSupremo sa lahat ng Diyosa nang kapalaran. At ang Govinda mismong ito ang ipinakita nina Rupa at Sanatan sa mundo na animo ay isang batonghiyas sa nasa ibabaw ng kanilang palad.
2