Purihin si Sri Guru at si Sri Gauranga
Ang Pagkakaroon nang Magandang-asal [Mga Alituntuning Dapat Sundin nang Isang Kaluluwa Na Lubusan na Talagang inilalaan ang Sarili sa Gawain ng Paglilingkod sa Panginoon]
Turong-aral nang Kanyang Banal na Pagpapala Om Vishnupad Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj Sevaite na Tagapangulo at Acharya nang Sri Chaitanya Saraswat Math Ika-16 ng Agosto 2015 Dapat palagi ninyong sinusunod ang lahat ng mga alituntunin at patakaran natin, dapat lahat ng pumapabor at naaayon lamang sa
Surrendered Souls Etiquette
1
debosyon ang tinatanggap natin at ang lahat ng kontra dito ay tinatanggal natin. Ang lahat ng ito’y mababasa natin sa aklat na Saranagati. Dapat ang lahat ng ito’y pinag-aaralan ninyo, kung ano ang mabuting-asal, ang tamang etiketa sa pakikitungo sa mga kasamahan natin. Basahin ninyong maigi ang aklat na ito dahil nandito na ang lahat ng dapat nating pagaralan. Dapat alam din ninyo kung ano ang atyahara, prayasa, prajalpa, niyama-graha, ang laulya, janasanga, , , , , , , ang labis na pagiging matakaw sa pagkain, mahilig gumawa nang kung anu-anong kalokohan, pagsasalita nang mga walang-saysay at walang-kwentang paksa at usapan, mga pagkukunwari na sumusunod sa mga alituntunin at patakaran natin, pagiging gahaman at tuso, at ang madalas na pakikipaghalubilo sa mga taong hindi naman deboto ng Panginoon. Dapat lahat ng ayaw sa debosyon ay itinatakwil na natin, at dapat naniniwala tayo na protektado tayo ni Krsna, atma-nivedana, ito ang ganap na pagsuko nang ating sarili sa Panginoon. " , , , , dara, putra, nijadeha, kutumba palane" (awit ng Saranagati,18) Karaniwan nang ang lahat ng panahon nati’y palaging kay maya nauubos—hindi ba’t totoo naman, na higit pa nating naaalala ang kapakanan nang mga anak natin, ng ating asawa, nang ating pamilya, at gayun din ang sarili natin, ang mga kamag-anak natin, at kung papaano tayo magkakapera, kung papaano natin sila mabubuhay, hindi ba’t masgusto pa nating alalahanin kung papaano tayo makapagyayabang, kung papaano maging sikat, kung ano ang gusto natin sa mga anak natin paglaki nila? Na sana ay magkaroon sila nang mabuting asawa at pamilya? Hindi ba’t ganito lamang ang palaging nasa isipan natin? At ang Panginoon ay binabale-wala lamang natin, ‚’Di bale, sa susunod. Bukas, Surrendered Souls Etiquette
2
totoo na talaga at tiyak na paglilingkuran na Kita!‛ Huwag po. Hindi po dapat ganito tayo. " ' , , tumi to maribe yare, ke tare rakhite pare:ang sabi dito, ‘naniniwala ba kayo na ililigtas kayo nang ating Panginoon mula sa kahit anupamang kapahamakan? Dapat lang, dahil ganitong klaseng paniniwala ang kailangan natin. Dahil talaga namang tanging si Krsna lamang ang makakapagligtas sa atin… । ॥ tuya bhakti-pratikula dharma jate raya parama yatane taha tyajiba nischaya -
Walang-alinlangang lahat ng magiging sagabal at ayaw nang debosyon sa Inyo ay aking aalisin at iiwan. " tuya bhakti-bahirmukha sanga na kariba ‚Kahit na sino pa sila, lahat ng ayaw sa debosyon ay aking iiwasan.‛ Gauranga-virodhi-jana-mukha na heriba ‚Ni mukha nang lahat ng ayaw sa Guru ko at maging kay Gauranga, ay ayaw kong makita.‛ May mga tao na sadya talagang magaling kung magsalita sa harap ng madla, maaaring ang taong ito’y isang mataas at kilalang Vaishnava, malawak ang kaalaman tungkol sa mga banal na aral, subalit sa sandaling naging kaaway sila nang aking Guru, kahit sino pa sila, ay ayaw ko nang makita. Alam ba ninyo kung sino ang nagsabi nito? Si Srila Bhakti Vinod Thakur. Surrendered Souls Etiquette
3
bhakti-pratikula sthane na kari vasati Sa sandaling malaman ko na ang lugar na pinuntahan ko’y bawal gawin ang debosyon ko sa Panginoon, ito’y agad kong lilisanin.‛
bhaktira aprita karye nahi kari rati: Maging ang lahat ng klaseng trabaho kapag nalaman kong kontra sa alituntunin ng debosyon ito’y iiwan ko.‛
bhaktira virodhi grantha patha na kariba At sa sandaling ang librong binabasa ko ay may bahaging laban din sa alituntunin ng debosyon ito ay agad kong ibaba at ‘di na muli kong babasahin.‛ Hindi ba’t madalas na sinasabi sa ating, ‚Magbasa kayo ng libro, nang mga banal na aklat, subalit anong klaseng babasahin ang tinutukoy nila dito? Ibig sabihin dapat pawang mga aklat na kunektado lamang sa debosyon. Naririto sa ating mundo ang iba’t-ibang klaseng Puranas, labinwalong Puranas na pawang magkakaiba, tulad ng anim na sattvik na Puranas, anim na rajasik na Puranas, at anim na rajasik na Puranas. Ang aklat na Brahma-vaivarta Purana ay isang halimbawa nang rajasik, samantalang ang Varaha-Purana ay tamasik, at ang Bhagavat ay sattvik na Purana naman. Dapat ang binabasa natin ay mga shastra, mga banal na aklat na sattvik at dapat meron talaga itong kuneksyon sa debosyon. Dapat lahat ng ito’y puro tungkol sa debosyon. Surrendered Souls Etiquette
4
bhaktira virodhi vyakhya kabhu na suniba Lahat ng klaseng pahayag, pangungusap at paliwanag, kapag narinig kong laban na sa debosyon, ito’y hindi ko na pinapakinggan at agad ko nang tinatalikuran Halimbawa ang naririnig ko’y tungkol na sa konseptong mayavadivakhya, konsepto na nang paniniwala ng mga Mayavadi, ito’y agad ko nang nilalayasan. Alam ninyo, marami ang gustong magpaliwanag nang tungkol sa konsepto ng debosyon. Halimbawa, dito lamang sa telebisyon sa India, maraming channel, kahit saan mo ilipat, puro Bhagavat ang pinaguusapan, subalit lahat ng ito’y upang pagkakitaan lamang ang Bhagavat. Kahit na sino pa sila, dapat hindi natin sila pinapanood at pinapakinggan, dahil ito’y labag sa alituntunin ng debosyon. Alam ninyo, dito sa India, naglipana ang mga taong ang hanap-buhay ay mangaral at magpaliwanag nang Bhagavat. Subalit kailanman, dapat huwag na huwag kayong makikinig sa kanila—alam ba ninyo kung bakit? Dahil isasama nila kayo sa impiyerno.
Gauranga-varjita sthan tirtha nahi mani At ang lugar na ayaw puntahan ni Mahaprabhu ay hindi ko din pupuntahan. May mga lugar na ayaw puntahan ni Mahaprabhu at may mga lugar na kailanma’y hindi natuntungan ng paa ni Gauranga, ang mga lugar na ito’y hindi natin itinuturing na banal na lugar at ito’y hindi din natin dapat puntahan.‛ Hindi ba’t kadalasan ang sabi ng isipan nati’y, ‚Doon ka pumunta, masarap doon, maganda doon,‛ ang tanong sinabi ba ni Gurudeva? Ito ba ay kanya nang napuntahan? Kung hindi pa, anong dahilan at kailangan ko siyang puntahan? Kahit ang mga lugar na hindi din nilakaran ni Mahaprabhu, dapat hindi din natin ito pinupuntahan, at Surrendered Souls Etiquette
5
dapat ganun din kay Gurudev. Kahit na sabihin nating ito’y langit pa at nandoon si Brahma at siya’y ating makikita na! ॥ আ । ॥ bhaktira badhaka jnana-karma tuchchha jani bhaktira badhaka kale na kari adara bhakti-bahirmukha nija jane jnani para -
‚Sinoman sa mga kamag-anak natin— sa sandaling sila’y tutol at laban na sa debosyon ay hindi na natin dapat ituring na mga kamag-anak— kundi matinding kalaban na natin. Kahit na sila’y inyong asawa pa, sa sandaling kontra na sila at nagiging balakid na sa ating debosyon, at ayaw nila kay Krsna, ay hindi natin dapat ituring na kaibigan—kundi tunay na kalaban! Ito ang tatandaan ninyo, sila ang magiging mahigpit nating kalaban! Ang mga pangungusap na ito’y hindi akin kundi kay Srila Bhakti Vinod mismo, at ito’y nasusulat sa Saranagati, ika-26 na Awit.
Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh Philippines Śrī Nåma Hatta Center UP Campus, Diliman, Quezon City
Surrendered Souls Etiquette
6