Unang Hakbang Tungo sa Pagsuko

Page 1

Martes, Marso 7, 2017

Ika-18 labas ng Unang taon

Panimulang Hakbang Tungo sa Pagsuko Skype Darshan nang Kanyang Banal na Pagpapala Om Vishnupad Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj para sa mga debotong Taga Russia at Ukraine Ginanap noong ika 19 ng Abril 2015 Tanong: Papaano po ba sinisimulan ang Saranagati? Ano po ba ang dapat muna naming gawin? Srila Acharya Maharaj: Ang mga hakbang tungo sa Saranagati ay ang mga sumusunod, ang pagiging mapagkumbaba, dapat binibitiwan na natin ang ating ego, ang pagiging hambog at mayabang. Dapat nating tandaan, tayo ay mga tagapaglingkod nang mga debotong naglilingkod sa mga 1


Vaishnavas, kung ganoon, dapat binibitiwan na natin ang ating ego at dapat maging mapagkumbaba din tayo. Ito ang mga pangunahing bagay, na kailangan muna nating gawin, at ang isang pa, dapat maging matiisin at mapagtimpi din tayo.

Marami sa inyo ang matagal nang nabinyagan, subalit hanggang ngayon ay hindi pa nagbabago, at marami din ang halos mawalan na ng pag-asa. Una sa lahat, dapat maging mahinahon kayo, matiisin at mapagtimpi, mapagkumbaba at mabait. , , , , dainya, daya, anye, mana, pratistha varjana. Ang ibig sabihin ng salitang dainyata ay pagiging mapagkumbaba. Ang salitang daya ay pagiging mabait sa iba. Ang anye man ay pagiging maginoo, at magalang. At ang salitang pratistha varjan ay pag-aalis ng ating pratistha, ang paghahangad na maging sikat at magkaroon ng anumang karangalan. Ito ang saranagati. Mga pangunahing hakbang tungo sa saranagati. Tanong: Gurudev, isang babaeng deboto po ang nagtanong… Ayon sa kalakaran sa ating lipunan, lahat ay nauuwi sa pag-aasawa, ang tanong po niya’y ganito, ‘maaari’ po ba niyang mapangasawa si Krsna? Ayon po sa kanya, ayaw po niya sa nakikita niyang klaseng buhay tulad sa mga ordinaryong tao na nag-aasawa, kung kaya’t ang gusto niya’y si Krsna at hindi sa kung basta sino na lamang… Srila Acharya Maharaj: Alam ninyo, kapag ang nasa isipan niya’y palaging si Krsna, tiyak na ito’y ikatutuwa ni Krsna, anoman ang kanyang kahilingan tiyak na ito’y tutuparin ni Krsna.

2


Noong panahon ng Dvapara-yuga, ganito din ang naging pangarap ni Kubja, gusto din niyang makapiling si Krsna kahit isang gabi man lang, at ang kahilingan niyang ito’y binigyang katuparan ni Krsna. Kaya noong dumating na ang panahon ng Kali-yuga, si Kubja ay naging si Kashi Mishra, at labingwalong taon niyang nakasama si Krsna na naging si Mahaprabhu naman. Kaya huwag din siyang mag-alala, ang sinasabi mong deboto, dahil tiyak na ito’y pagbibigyan ni Krsna. Ibig sabihin, hindi na niya kailangang mag-asawa pa. Alam ninyo, sa panahong ito ni Kali, ang pag-aasawa ay tumutugon lamang sa ‘pakikipagtalik’, at ang hangaring ‘mapangasawa’ si Krsna ay walang kinalaman sa tawag ng laman, dahil ito po ay bunga ng wagas at dalisay na transedental na pagmamahal sa Panginoon. Sa panahong ito, lahat ng pumapasok sa pag-aasawa, lahat ng kinakasal, at iba pa., ay dahil pansariling kasiyahan lamang—at ito’y upang ibsan ang pangangailan ng tawag ng laman, sa madaling-salita, pawang pansariling kadahilanan, idriya-tarpan. Buong akala nila, sila’y magiging maligaya, subalit ito pala’y panandalian lamang. Subalit kung ang paghahangad na ito’y ibinabaling ninyo kay Krsna, para sa wagas at dalisay na pag-ibig kay Krsna, walangalinlangang magiging permanente, magiging panghabam-buhay ang inyong kaligayahan, na kapiling pa si Krsna.

Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh Philippines Sri Nama Hatta Center U.P. Campus, Diliman, Quezon City 1101 scsmathphilippines@yahoo.com

3


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.