3 minute read
Jeepney Press / Jasmin Vasquez
MOVING ON by Jasmin Vasquez
He’ll do it again!!!
Advertisement
Ikaw ba ay nawawalan na ng pag-asa sa buhay? Na pakiramdam mo ay para ng walang kulay ang iyong buhay? Yung feeling na wala ng sigla at wala ng kwenta at gana sa lahat ng bagay?
Trabaho ka ng trabaho ngunit bakit hindi pa rin sapat sa lahat ng iyong pangangailangan ang perang iyong kinikita? At dalasan ay sasayad lamang ng ilang saglit sa iyong mga palad ang natamong sweldo ngunit sa isang iglap ay biglang naglaho at matatanong mo na lang sa iyong sarili na “Saan napunta ang aking sinahod?”. Pag minalas malas ka pa ay wala ka ng sasahurin dahil na advance mo na ang pera o nakapangutang ka na. Sunod-sunod na pagsubok na para bang wala ng katapusan.
Nag iingat ka naman sa iyong pangangatawan pero sa di inaasahang bagay, ikaw ay dinapuan pa ng isang sakit na malubha. Dahilan para mas lalo kang ma depress sa buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa kapatid sapagkat lahat ng mga pagsubok na darating sa ating buhay ay kakayanin nating lahat. Kapit ka lang at magtiwala kay Jesus.
Naalala ko noon trabaho ako ng trabaho kahit palaging panggabi sa kaisha ok lang dahil mas malaki ang sweldo. Kahit araw araw o gabi ako mag overtime ok lang. Basta kikita ka ng malaki. Ang sarap tingnan ng mga payslip ko dahil ang lalaki ng kinita ko. Pero wala pang isang linggo wala ng laman ang wallet ko. Natira puro resibo na lang ng mga bayarin ko dito sa Japan maging sa Pilipinas.
Sobra akong nag woworry sa lahat ng bagay na kapos ako. Lalo din pag dadating na si Judith (due date) hehehe... Pero hindi ko naisip noon na sa kabila ng lahat ng mga nangyari sa buhay ko ay sobrang daming blessing na naibigay sa akin at naituro sa akin ng mga trials na binigay Niya. Nagkaroon ako ng sariling bahay, napag-aral ko ang aking mga anak. Minsan ay nagkakaroon ako ng sakit ngunit hindi naman malubha. Salamat sa ating Amang nasa langit.
Na realize ko na bakit ba ako nag woworry pa eh lahat ng mga trials na pinagdaanan ko eh nakayanan ko naman. Lahat naman ng aking hiniling ay binigay nya sa tamang oras at kung talagang will ni Lord na ibigay ay ibibigay Niya. Sabi nga sa isang kanta, “you may not know how and you may not know when but “He’ll do it again”. Paulit ulit Niya tayong tutulungan sa ating mga pangangailangan.
Kapatid, kung ikaw ay may karamdaman, walang imposible sa ating Panginong Jesus. Lahat ng ating kahilingan ay ibibigay Niya. Sabi nga sa bible: Matthew 7:7-12 Mateo 7:7-12 MBB05
“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya'y humihingi ng tinapay? Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya'y humihingi ng isda? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya! Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”
2 Corinthians 1:10, ESV: "He delivered us from such a deadly peril, and he will deliver us. On him we have set our hope that he will deliver us again." 2 Corinthians 1:10, NLT: "And he did rescue us from mortal danger, and he will rescue us again.
Kaya kapatid, kaibigan pagagalingin ka ng panginoon. Magtiwala ka at manampalataya sa Kanya. Hindi ka Niya pababayaan. Pinapanalangin ko sa ating Panginoon na pagalingin Niya ang lahat ng may sakit, Hipuin mo sila at bigyan ng kalakasan upang matagal pa silang makapaglingkod sa Iyo. Panginoon, biyayaan mo po sila ng mga pagkain at inuming pupukaw sa kanilang gutom at uhaw. Naway matapos na ang pandemic na kumakalat sa buong mundo. Alam naming hindi mo po kami pababayaan. Maraming salamat sa lahat ng biyayang kahit hindi namin hinihiling ay iyong ipinagkaloob sa amin.
Maraming salamat sa pagpapatawad, sa pagkalinga at kalakasang iyong ibinibigay sa araw araw. We love you, Lord for all the mighty and amazing things you do for us each day. These things we ask and pray in the name of Jesus. Amen.
I would like to take this opportunity to invite everyone near Iida, Nagano-ken. If you have time on Saturday, April 24, 2021 at 2pm, please join us, for we are celebrating the 6th year anniversary of JTG Iida.