4 minute read
Jeepneey Press / Jasmin Vasquez
MOVING ON ni Jasmin Vasquez
Kahit kailan hindi na yata talaga magbabago
Advertisement
Magandang araw, mga kababayan. Nais ko lang i-share sa inyo ang aking karanasan sa pag uwi at pag balik sa Japan. “Wow, buti ka pa uuwi ng Pinas sana all, pasalubong pagbalik ha.” Yan ang mga katagang bibigkasin kapag nalaman nilang pauwi ka ng Pinas.
Ako’y medyo nahihiya sapagkat hindi naman din sobrang dami ng aking pera para makabili ng maraming omiyage. Katulad mo at ng ibang tao, sapat lamang ang aking pera para ipangtawid ang araw araw na pamumuhay. Kung alam nyo lang po sa sobrang mahal ng ticket ngayon. Kaya kahit paano dumidiskarte ako para mabawi kahit konti sa aking nagastos. Kaya kung ikaw ay naabutan ng pasalubong ay napakahalaga po na ikaw ay naalalang bigyan. Huwag na po sana tayo maghangad ng sobra sobra. “Kokoro kara, kimochi dake.” Hehehe real talk lang po. Pero syempre kung may pabaon naman sa iyo bago ka umuwi natural lang meron kang pasalubong.
Masaya naman kahit paano ang experience ko sa aking pag uwi. Una, dahil nakasama ko ang aking mga anak at mahal sa buhay at kamag anak kahit saglit lang. Magastos pero ganon lang naman talaga ang buhay. Pero ang pinaka main na reason kaya talaga ako umuwi ay dahil gusto ko makasama muna aking anak na babae bago man lang sya tumungo ng ibang bansa. Sobrang na stress ako sa rule ng airline na sinakyan nya dahil sobrang mahal na, masyado pang mahigpit sa bagahe. Ang sabi nung tumawag kami iawas yung timbang ng gitara sa bagahe nya para malagay sa lagayan ng mga instruments. Pagdating sa airport, bilang na daw ng isa pang bagahe yun kaya bayad another 200 dollars. Sana di na sila nagpabawas doon sa isang bagahe ng timbang. Pilipinas, kailan ka magbabago. Sa Japan na try ko magbitbit ng keyboard, inawas lang timbang sa isang bagahe ko.
After a month ng makaalis na ang anak ko, ako naman ang bibyahe pabalik ng Japan. As usual, pag Pinas talaga wag ka umasang on time. Ang aga ko sa airport. Ang ight ko kasi ay 7 am, so maaga ako umalis sa bahay mga 3:40 am. Nakarating ako sa airport ng 4:20
mabilis lang kasi wala naman tra c sa Cavite pag madaling araw. Asang asa ako makakaalis ng 7 am pero syempre sa Pinas, hindi na bago yun. Pasalamat na lang ako kahit late at least hindi cancel. Mas masaklap na experience pag ganon.
Mabuti na lamang may pantapat na magandang balita pagdating sa Japan dahil hindi ko na need mag PCR test. May bawas gastos kaya love ko ang Japan eh. At syempre, sarap ng pakiramdam pag pasok mo ng Japan. Yung tiniis ko hindi mag cr sa airplane kasi madumi ang cr sa eroplano, sobrang sarap ng feeling pag pasok mo sa toilet wow. Kayo rin po ba ganoon ang feeling? Yung pag langhap mo ang sariwang hangin, feeling mo gumanda ka at na fresh bigla ang aura mo hehehe. Parang kung mabibigyan ng pagkakataon, dalhin mo buong pamilya mo dito eh ayaw mo ng umuwi ng Pinas. Sana sa Pinas unti unti maging katulad na din dito sa Japan no siguro lahat tayo sobrang happy. Wish ko lang. Palagay ko mababago lang ito pag sinimulan natin sa sarili natin hehehe. Oo, ikaw, ako, lahat tayo simulan natin magbago para unti unti magbago din ang Pinas. Yun lang siguro ang sikreto.