4 minute read
Jeepney Press / Jeff Plantilla
Isang Araw Sa Ating Buhay ni Jeff Plantilla
Maraming gawain ng ating mga kababayan sa Japan ang hindi natin alam. Mahalaga ang mga nito sa kabuuang istorya ng pamumuhay natin dito sa Japan bilang mga Filipino.
Advertisement
Ilang gawain ng ating mga kababayan ay may kaugnayan sa arts. Kaya ipinakikilala ko ang ilang artists namin sa Nara prefecture. Bawa’t isa sa kanila ay may kani-kaniyang uri ng art.
Onigawara
Si Jorge Takara ay isa sa mga tinatawag na Onishi (鬼師), yung gumagawa ng onigawara na nakalagay sa mga kanto ng bubong na gawa sa tisa (tiles) ng temples, shrines at castles sa Japan. Ang onigawara ay katumbas ng gargorlye sa mga castles sa Europe. 8 taon nang gumagawa ng kawara (clay tile roo ng) si Jorge bago siya nagtraining sa paggawa ng onigawara. Nakatulong ang kanyang pag-aaral para sa kursong Civil Engineering sa kanyang mabilis na training sa paggawa ng onigawara na natapos ng 6 na buwan, imbes na 3 taon. Ang onigawara ay maaaring mukha ng demonyo, dragon, leon at iba pa, at inilalagay sa mga kanto ng bubong bilang panlaban sa evil spirit. Ginagawa ang onigawara nang isa-isa at kinakamay – hindi makina. Patutuyuin muna ito bago ilagay sa hurno (na may 1,000 hanggang 2,000 degrees Celsius). Si Jorge ay isa sa mga natitirang Onishi sa Nara. Ang paggawa ng onigawara ay isang traditional art ng Japan at mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Nara.
Paintings
Si Dado Montano ay graduate ng University of the Philippines Visayas sa kursong Fine Arts major in Painting. Gumawa siya ng mga designs para sa mga companies sa Cebu at nanalo din siya sa mga art competitions sa Filipinas. Nung tumira na siya sa Nara, mga historical sites, buildings, hayop at halaman ang laman ng kanyang paintings at drawings. Nagtayo din siya ng art school (Montano Art) sa Nara at nananalo ang mga estudyante niya sa children’s painting competitions sa Japan tulad ng 4 sa 11 winners ng 16th Environmental Painting Contest for Children (2022) ng Panasonic na may 1,319 entries mula sa buong Japan.
Installation Art
Si Eugene Soler ay isang architect mula sa Australia. Maliban sa architectural design, mahilig din siya sa installation art. Ito ay art work na itinatayo sa isang lugar gamit ang iba’t-ibang materyales. Yung art installation niya sa Nara city (Nara Machi-Yuho Projection) ay isang hilera ng nakasabit na mga kaya (tela ng mosquito net) at nagiging screens ng projected photos sa gabi. Yung nanalong art installation niya sa Kyoto city (Kyoto Cultural Power Project) ay gawa sa 50,000 bamboo reeds na may maliliit na bells sa dulo. Nanalo din siya na competition sa Japan on architectural design (Central Glass International Architecture Design Competition, 44th [2009] at 55th [2019]). Nagtayo siya ng Space-Department Nara, isang lugar para sa mga artists sa Nara.
Photography
Kumukuha si Ivan Martinez ng litrato ng iba’t-ibang bagay mula sa maliliit (tulad ng maliliit na superhero toys) hanggang sa malalawak na tanawin (sceneries) at mga tao (mga banda sa Kansai Music Conference at tao sa sake breweries). Kumuha siya ng litrato sa sake breweries para sa articles sa isang magazine (Sake Today). Nanalo na rin ang isang photo niya ng sunflowers at sunset sa photo contest sa Tokyo. Dahil sa COVID-19 pandemic, naging focus ng kanyang photo shoots ang matagumpay (first places) na pagtakbo ng anak niyang si Brandon sa high school track and field competitions.
Para sa iba pang impormasyon sa mga artists ng Nara at Kansai, paki basahin ang Chapter Three. Musikeros, Entertainers and Artists, Filipinos in Kansai - We are Here! sa https://drive.google.com/file/ d/1wtgmbzI5M2Y9LG8KrZMU 3c8rHB_D_Xku/view.