2 minute read

Kwento Ni Nanay / Anita Sasaki

KWENTO NI NANAY

ni Nanay Anita Sasaki EVERY GISING IS A BLESSING

Advertisement

EVERY GISING IS A BLESSING TO ALL PO! Ito po ang inyong lingkod, si Nanay Anita para sa MGA KUWENTO NI NANAY.

Pag kuwentuhan po natin ngayon ay: Ano ba ang pinagdedebatehan, pinagtatalunan po natin palagi?

Sa mga may karamdaman, nalulungkot, napapagod na mga nag aalaga - health workers, caregivers, mga frontliners, sa mga nagtitinda para meron tayo iluto, mga nag de-deliver ng kung anu-ano nating orders online, food o mga carriers ng packages, sulat at lahat, mga nag drive o laman ng ating ambulance at marami pang iba.

Lahat napapagod na. Mga nawalan ng mga mahal sa buhay, kaibigan, nawalan ng trabaho nitong pandemic. Kung minsan isang bagay lang pinagtatalunan natin.

Ang Gospel today Sept.19 ay tungkol sa usapan ng mga Apostoles: Who is the GREATEST?

Ano ba ang pinagtatalunan natin? Minsan lang nag-uusap ang mga magkaka pamilya, o magkakaibigan, maya maya debate na. Iba iba ang opinion ng bawat isa. Na ang debate ay nauuwi sa mainit na pagtatalo. Minsan nasasabi tuloy natin na - It’s also GOOD TO BE KIND THAN TO BE RIGHT. Kung minsan isang bagay lang, argument na.

Example. Okay ba o mabuti ba magpa bakuna o hindi? Anong gamot o brand ang maganda? Yan umpisa na ang pagtatalunan nila. O usapan ng election. Malapit na po. Maglalabasan na ang mga kandidato. Umpisa na ang maiinit na pagtatalo o argumento. Kaya dapat po FOCUS ON THE MISSION, HINDI POSITION.

What are we arguing about our way, our journey in this life? After how many years, wala na tayo. Pares nitong Covid na ito, mawawala din po ito.

Pinagtatalunan ng mga disciples, sino ba sa kanila ang the greatest? Who is the greatest among the Apostles?

LIFE IS SHORT. Everybody’s going to come and go.

Meron halimbawa… pag nag sabog ka ng tinapay sa park, maya maya may ibon dadapo. Meron isa lalapit. Maya maya andyan na, marami na. Pero umaalis sila pagkakain. Hindi sila nagtatagal. Umaalis din sila. Palitan sila. Hindi sila sel sh. Umaalis sila agad pagkakain nila. Pagkatapos meron ibang darating. They call others to share the food. Parang merong lesson na itinuturo sa tao… if you only share.

PAGHARAP MO SA LORD, SASABIHIN NIYA YOU WASTED YOUR TIME. BINIGYAN KA NG TALENTS, WEALTH… PERO GUSTO MO SA IYO LANG.

Look at the birds of the air; they do not sow or reap or store away in barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not much more valuable than them?

You wasted your time. You only focused on yourselves. When you run alone, that is RACE. But when you run with God, it is GRACE.

Kung gusto natin maging teacher, doctor, abogado, pari, engineer, ito ay ating mga AMBITION. Subalit pag tayo ay naging teacher, doctor, abogado, madre o pari, ito ay tinatawag na VOCATIONS o BOKASYON.

Children and women, everybody, they are important. WHATEVER WE DO TO THE LEAST OF OUR BROTHERS, WE DO IT TO GOD.

Madalas mayabang tayo sa Diyos. We don’t listen to God nor obey Him. We need to be humble to God and to all. To be mindful of others is doing it to God.

SO DO GOOD. LIFE IS SHORT. WE ONLY PASS ONCE IN THIS WORLD SO WHATEVER WE COULD DO, ALWAYS GIVE OUR BEST EVERYDAY. IT MIGHT BE OUR LAST DAY.

God Bless!

“HINDI MO KAILANGAN MAGING MAYAMAN O MATAAS NA PINAG-ARALAN UPANG MAKATULONG SA KAPWA MO PILIPINO.”

Nanay Anita Sasaki

Jeepney Press

This article is from: