1 minute read

KABANATA ISA: PANIBAGONG PAGBABAGO

by Audrey Mariel Candor, Rotaract Club of Carmona

Iniisa isa man nila na tayo ay patumbahin Sila man lahat ay magagaling Hindi man natin taglay ang pagiging magiting Tandaan mo, ang lahat ay nagsisimula sa maliit.

Advertisement

Maaaring isang beses lang ito para sa iyo Ngunit libong beses ito para sa iba, dahil katumbas nito ay ang pag-asa na magliliwanag ang buhay para sa kanila.

Ang pag-abot ng donasyon ay ang hudyat ng iyong pagbatid. Habang palapit ng palapit ang kamay na dadampi sayo Ay Pahigpit din ng pahigpit ang pagkapit ng pamilyang paghahandugan mo nito.

Ngayon, ay ang simula ng iyong panata. Sa ngalan ng pagtulong at pagdugtong. pagdugtong sa buhay at pagtulong sa lahat ng may buhay.

Sigurado ka na bang wala kang magagawa? Bakit hindi mo subukan? Alam kong mahirap sa simula. Ngunit ang mahalaga ay nakapagsimula.

Wala ka na nga bang magagawa? Kahit ano? Sigurado ka?

Pagbibigay. Pagkakaloob. Pagtulong.

Nang walang anumang kapalit. Yung hindi sana pilit. Hiling ko sayo ay kusa At walang paghinanakit.

Buhay? Oo, buhay. Isa man o Dalawa kahit pa Tatlo. Daan man o Libo.

Sapagkat kasabay ng Pagsikat ng Araw Serbisyo ang aming isinisigaw. Pagtulong nawa ay umaapaw. Tangan ang pag-asang madudugtungan ang Buhay ng isang Ikaw.

Oo, tama ang dinig mo, ikaw. Ikaw na pilit ang pagbitiw Ngunit marami ang naaaliw Kaya’t hayaan mong sayong saliw Kami ay magiliw.

Ano ba naman ang intensyon ng pagbibigay ng dugo na ang katumbas ay libong ugat na madadaluyan nito? Ano ba naman ang isang kilong bigas? Kung ang gutom ay hindi na muling lilipas, Ano ba ang magagawa ng isang ngiti, Kung kahit maghapong pagod ay mapapawi. Hindi ba at tama ako? May magagawa ka pa. May magagawa pa tayo.

Ako, ikaw, sila, tayo, O kahit sino pa. Huwag kang mangamba, Pakiusap Huwag. Dahil habang ang lahat ay hindi nakatingin At sayo ay walang pumapansin Kaya ngayon, ito na ang simula Isa ka nang opisyal na parte, ang bagong henerasyon. Ang bagong simula ng dedikasyon. Ang panibagong pagbabago.

Kaya halika, bakit di mo kami samahan? Tangan ang misyon na makapagdugtong at makatulong. Madugtungan ang bawat taon at makatulong taon-taon.

Hindi ba at masaya? Nakaka-kuntento. Na maging parte ng bagay na alam mong maaaring bumuo sayo. Kabanata Isa, Panibagong Pagbabago.

May magagawa ka. Sigurado.

This article is from: