Opisyal
Pampaaralan-Pangkomunidad ng LALA NATIONAL HIGH SCHOOL ---------------------------------------------Dibisyon ng Lanao del Norte Tomo VI Bilang I Agosto 2022 -
Opisyal
Pampaaralan-Pangkomunidad ng LALA NATIONAL HIGH SCHOOL ---------------------------------------------Dibisyon ng Lanao del Norte Tomo VI Bilang I Agosto 2022 -
Apat na mag-aaral, ‘finalist’ sa inobasyon ng DOST
asok sa top 20 finalist ang Automated Calamansi
Inaasahang may malaking tulong sa mga magsasaka ang proyekto kaya pursigido ang mga mag-aaral na sina Carlo James C. Saladaga, Lulaine R. Lumanas, Guilmarc C. Baculao at Jetrice Tanguihan na kapwa Grade 12-STEM na tapusin ang kanilang proposal upang mapakinabangan.
“Marami kasing sakahan ng kalamansi sa Lala at nakita namin ang pangangailangan ng mga magsasaka na minsan ay nahihirapan sa paghahanap ng mga manggagawa na aani ng mga bunga ng kalamansi, kaya naisipan namin ang inobasyong harvesting robot upang mapadali ang pag-harvest sa mga kalamansi,” pagkukwento ni Jetrice Tanguihan, isa sa proponent ng proyekto.
Enero nitong taon isinumite ng mga mag-aaral ang proposal ng Automated Calamansi Harvesting Robot sa Department of Science and TechnologyScience Education Institute (DOST-SEI) at napili ito bilang isa sa mga finalist sa Imake Innovation kaya naimbitahan ang grupo na dadalo sa limang araw na in-person technical traning and workshop na ginanap noong March 13-17, 2023 sa Sequoia Hotel ,Manila.
“Excited ako na makadalo sa pagsasanay upang magabayan ang mga bata sa pag-materialized ng proyekto at mapapalawak din ang kaalaman at karanasan ng mga mag-aaral lalo’t libre lahat ng accomodation at fare gayundin sa ilang materials na kakailanganin sa pagtupad ng proyekto,”pagkukwento ni G. Harold Delostrico, coach.
Umaabot sa 396 o katumbas ng 47% sa kabuuang bilang na 842 Grade 7 ang nasa ‘frustration level’ ang inaksyunan ng mga guro ng LNHS, 81 o 20.45% sa mga kabataang ito ang naaabuso sa maagang pagtatrabaho upang makatulong sa pamilya.
Ayon kay Gng. Amerphyll M. Recto, English Reading Coordinator ng LNHS isa sa mga dahilan kung bakit hindi marunong bumasa ang mga kabataan ay ang pagtatrabaho sa murang edad dahil sa kahirapan at ang kakulangan ng oras gayundin ng kawalan ng kaalaman ng mga magulang sa pagtuturo ng kanilang mga anak sa tahanan.
“Dili lalim magtrabaho sa konstruksiyon kapoy kaayo mao kulang jud ko ug oras magtuon ug kung naa may oras wala po’y motudlo nako kay di pod kabalo si mama (Hindi madali ang gawain sa konstruksiyon talagang nakakapagod dahilan kung bakit wala na akong oras sa pag-aaral at kung mayroon mang oras wala ring makapagturo sa akin dahil hindi rin nakapag-aral
| Sundan sa pahina 5
Ayon kay John Michael Y. Quibranza, SK Chair ng Lala, I am willing to help and to tie up with the programs and activities for the youth and for the improvement of the school where he came from.
Matagal ng problema ang masikip na health clinic ng paaralan dahil iisa lang noon ang higaan ng mga pasyenteng may karamdaman kaya malaki ang pasasalamat ng punongguro ng LNHS na si Dr. Pablo B. Nisnisan, na nilaanan ito ng pondo ng SK.
“Happy ko na sa aking panunungkulan may maiiwan akong legacy sa Lalanians na hindi mawawala kahit mailipat man ako sa ibang institusyon,”ani Dr. Nisnisan.
Humigit 100 libong piso ang inilaan ni G. Quibranza sa pagpapaayos ng klinika na mula sa pondo ng Sangguniang Kabataan.
4
BALITA Bawal ang Plastik
OPINYON Depektibong Edukasyon
10
AGTEK Bio-termicide
18
6
LATHALAIN Ibang Side ng Gen Z
Tinugunan ng Presidente ng Federated Sanggunian Kabataan (SK) ng Lala ang matagal na problema sa school clinic ng LNHS upang maging maayos ang
MASIGASIG.
Nakamit ni Louisa Orlanes, ang pangatlong pwesto, sa Regional Consumer Quizz Bowl, October 16, 2022. | Larawang kuha
Pambato ng LDN, panalo sa ‘round 3’
anguna sa pagsagot sa mahihirap na katanungan sa Regional Consumer Quiz Bowl ang pambato ng Lanao del Norte na si Louisa N. Orlanes na siyang dahilan ng kanyang pagkapanalo Pasok sa pangatlong pwesto si Louisa ng masagot ang lahat ng mahihirap na tanong sa pangatlong round.
“Hiniling ko na noon ang pagsasaayos ng klinika dahil kapag may pasyenteng babae at lalaki na may iniindang karamdaman at gustong humiga dahil hindi na nila kaya napipilitan ako noon na pagtabihin sila sa higaan, ngayon hindi na dahil nagawang ko ng i-separate iyong bed para sa mga lalaki at babae at maiayos ko na talaga na parang Emergency Room iyong klinika,” kwento ni G. Erl Hope Balogtod, School Nurse.
| Sundan sa pahina 3
ako ng mangulelat si Luisa sa madalian at katamtamang katanungan kaya parang inihanda ko na ang aking sarili na matalo sa unang pagkakataon sa consumer quiz subalit biglang nakabawi ang ating pambato ng masagot niya lahat ang mahihirap na tanong,” ani G. Ben John N. Caballero , coach.
Ayon kay Louisa, kinakabahan siya at nag-aalinlangan sa kanyang sagot pero nasa isip niya na babawi sa susunod na round.
SARBEY Cyberbullying 237
Suicide 199
Pananakit 137 Abusong Sekswal 42
Kinumpirma ng isa sa mga pribadong paaralan ng Lala na apektado sila sa pagtaas ng populasyon ng LNHS dahil nagdulot ito ng ng pagkalugi ng kanilang operasyon at subsidy ng kanilang mga guro mm“Dako jud ug epekto sa amo nga part labina karon nga need jud mag-increase ang sweldo sa mga teachers tungod napod sa kamahal sa mga palitunon, mao nga karon nga gamay ra among enrollees, galisod jud mi sa among operasyon ( Malaki talaga ang epekto sa amin na part lalo ngayon na need mag-increase ang mga guro dahil tumataas ang bilihin , at ngayon na kunti na lang ang nag-enrol sa amin nahirapan talaga kami sa operasyon)” pahayag ni G. Jemar Pajente, punongguro ng Christ the King College de Maranding (CKCM).
Makikita sa mga datos ng paaralan na mula 2020– 2021 tumaas 4.37% sa dating nitong datos noong 2019-2020; 2021-2022 5.35%; at 2022-2023 naitala ang pagtaas ng populasyon na umabot sa 9.66%.
19 ISPORTS Yurab Regu champ | Sundan sa pahina 3
Opisyal na Pamahayagang PampaaralanPangkomunidad ng LALA NATIONAL HIGH SCHOOL
Dibisyon ng Lanao del Norte | Tomo III Bilang I Agosto 2022 - Hunyo 2023
ni NICOLE GABATO
Sa pagkukwento ng mga bata kinatagpo o dinadala sila ng mga nakausap nilang bakla sa mga lodging house at binabayaran ng 2,000.00 hanggang 4,000.00 libong peso sa kanilang mga serbisyo.
“ Ako tan aw nila Ma’am no kay dili man sila lisod, siguro partly, pero luho o lifestyle lang jud nila kay moingon man sila nga ipalit nila ug sapatos ug pang-allowance, (Tingin ko po sa kanila Ma’am no ay hindi naman sila mahirap, siguro partly, pero parang luho lang talaga,” wika ni Bb. Jellie T. Barbajo, guro.
Napag-alaman din sa survey na bukod sa mga batang lalaking binabayaran ng mga bakla, pagiging online hooker naman ang pinasok ng isa pang mag-aaral na babae na si Lyle (hindi tunay na pangalan), 17 taong gulang, G11.
“Gusto ko motabang sa akong pamilya, kay lisod kaayo mi katong una nga padala sa akoa nga 19k gihatag nako sa akong mama tapos 2k akoa (Gusto kong tumulong sa aking pamilya, kasi nakikita ko ang aming kahirapan, iyong unang padalang pera sa akin na 19k, ibinigay ko sa aking ina, tapos 2k ang sa akin),” pagkukwento ni Lyle.
Bilang guro, pinaalalahanan ni Bb. Barbajo ang kanyang mga mag-aaral sa kahalagahan ng pagkakaroon ng pera sa mabuting paraan at hinikayat ang mga sangkot niyang estudyante na kung pwede tumigil sa naturang gawain.
“Giingnan nako sila Ma’am nga basin unya magkasakit mo, kay di raba matag-an ang panahon ( Sinabihan ko sila Ma’am na baka magkasakit kayo dahil hindi natin mahuhulaan ang panahon),” pagdaragdag ni Gng. Barbajo.
Isa pang rumaraket sa ganoong kalakalan si Rodel (hindi tunay na pangalan) na ayon sa kanya nagawa niya ito dahil sa mga pangangailangan at upang magkaroon ng allowance sa pagpasok sa eskwela
Walang trabaho ang ama at ina ni Rodel dahilan kung bakit hindi nito matustusan ang panganagilangan ng anak.
Grade 7 292
Grade 10 591
Grade 8 514
Grade 11 572
Grade 9 554
Grade 12 629
Nagpakita ng galing ang mga mag-aaral ng JHS sa pagbuo ng robotics sa kauna-unahang Science Expo na nagpapahalaga sa kasanayan ng mga magaaral sa paghahanap ng mga imbensiyon, Isang Arduino-Powered Automated Watering System using Solar Panel at Automated Waste Segregator with Built-in Compressor na likha nina Aleyah Macabato, Josh Recuza, Faith Penas kapwa nasa Grade 10 ang nanguna sa kompetisyon ng robotics.
“ Masaya kami na nabigyan ng inspirasyon at pagkakataon na maibahagi ang aming mga kaalaman sa paghahanap ng solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan ,”pagkukwento ni Jade Paula A. Sanopao, isa sa mga nagdesinyo ng robotics.
Inbinida ang iba’t ibang proyekto ng mga mag-aaral ng Special Science Curriculum (SSC) at Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) ang mga imbenssiyon na nakaangkla sa temang “Science is a magic that works”.
Ayon kay Gng. Venus Sabas, MT-I, Research Coordinator, ang pagbida sa mga proyekto ay isang pagpapahalaga sa kasanayan ng mga magaaral ng LNHS na may kakayahang makabuo ng mga imbensiyong kapaki-pakinabang sa mga mamamayan.
MAPANGANIB SA KATAWAN: Isa si Michael sa mahigit 50 magaaral na napasok sa maling diskarte sa buhay upang kumita ng pera base sa resulta ng survey noong Oktubre 27, 2023. | Lar-
Sa resulta ng isinasagawang survey ng mga batang mamamahayag ng LNHS lumalabas na mahigit 50 mag-aaral na mga lalaki ang sangkot sa bayarang pakikipagtalik para matustusan ang kanilang pangangailangan na ikinabahala ng ilang guro.
Kabilang sa mga datos na nalikom ang limang magkaklaseng lalaki ng Grade 11 at isang online hooker na babae sa parehong year level.
“Sugod ani Ma’am kay trip trip lang sa barkada, tapos ano, kanang naay mo-contact sa amoa, usahay taga laing lugar gikan sa Iligan, Ozamis ug Tanggub City (simula po nito Ma’am ay trip trip lang sa barkada , tapos iyon, may ko-contact sa amin na galing sa ibang lugar gaya ng Iligan, Ozamis at Tangub City),” pagkukwento ni Michael (hindi tunay na pangalan).
Larawang kuha ni Levie T. Catalbas.
Inilaan sa pagbili ng gamit sa kurikulum ng Specical Program in Journalism ang alokasyon ng LGU sa Special Education Fund (SEF) upang may magamit ang mga mag-aaral sa pagpapabuti ng kanilang mga output sa pamamahayag.
Isang A3 printer at drone ang itini-turn-over ng LGU-Lala sa pangunguna ni Gng. Analyn Apat, Project Proposal In-charge ng Lala Central ang mga gamit na nagkakahalaga ng 70 libong piso.
Malaki ang pasasalamat ng punongguro ng LNHS na si Dr. Pablo B. Nisnisan na sa wakas ay naibigay na ang matagal na kahilingan ng mga guro lalo na sa mga tagapayo ng pahayagang pangkampus ng paaralan.
“I am happy that LGU- Lala supported our students and I fell blessed that they priorities our needs for the good of our
“Lisod jud kaayo nga walay suporta sa pag-eskwela mao nga nakigpagrelasyon nalang ko ug bayot para makakwarta ( Mahirap talaga kapag walang suporta sa pag-aaral dahilan kung bakit nakipagrelasyon ako ng bakla para magkapera),’ pagkukwento ni Rodel.
Sa kabilang banda, nilinaw ni Gng. Francis Anne H. Dumaug, Barkada Kontra Droga (BKD) Coordinator ng LNHS na karamihan sa mga rason sa pakikipagrelasyon ng mga kabataang sangkot ay katuwaan lamang.
“Daghan ko kaila nga estudyante nga nakipagrelasyon ug bayot nga ang purpose nila kay para ipang- inom inom ( Marami akong kakilala na mga mag-aaral na nakikipagrelasyon ng bakla na ang layunin ay pang-inom inom lang),” pagbabahagi ni Gng. Hisuler.
Kasalukuyan minomonitor ang mga kabataang ito ng kanilang tagapayo at pinaalalahanan na ang paggawa ng ganitong aksiyon ay hindi kaaya aya lalo na’t kaluusgan ang nakatay.
Isinasagawa ng mga batang mamamahayag ang survey, October 27, 2022 sa Lala National high School.
Bukod sa robotics, nanalo rin sa Physical Science ang Extraction of Cooking Oil from Moringa Seeds (Moringa Oleifera) via Soxhet Extration Method at ang Extraction of Betel Nut as Natural Dewormer on Native Chicken sa Life Science na kapwa sinasaliks ng Grade 12- STEM-C.
Naganap ang dalawang araw na Science Expo, May 23 – 24, 2023 sa Lala National High Mini Gym na pinangunahan ng Departamento ng Agham.
ni KRISTINE ANGELA M. SACLAUSO
Ilang mag-aaral ang nakaupo sa sahig sa pagsisimula ng full blast face-to face-classes dahil sa kakulangan ng upuuan.
Ayon kay Gng. Chonalyn D. Perez, isa sa mga guro ng Grade 10 kulang na kulang ang mga upuan dahil sa marami ang nasira nito dala ng kalumaan.
Mahigit 5837 ang kabuuang bilang ng mga magaaral ng LNHS kaya hindi maiiwasan ang kakulangan sa upuan ng mga klasrum na may 40 hanggang mahigit 60 mag-aaral.
Sa kasalukuyan ay may ipinapagawa 150 na upuan na ginagastusan mula sa pondo ng
Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE).
“ Iminumungkahi ko rin ang pag-slash ng halaga para sa pagpapagawa ng 50 upuan buwan buwan upang maresolba ang problema na taon taong kinakaharap ng paaralan,” ani Cherienesan P. Batuto, Supply Officer ng LNHS. Nagsimula ang “full face-to-face ng mga magaaral Novemer 2, 2022 sa lahat ng mga paaralan ng LDN.
Dagdag na 250 mga kabataan, handa na sa SK eleksiyon
ni PRINCESS FAITH OPAY
school,” pagbabahagi ni Dr Nisnisan.
Bukod sa A3 printer at drone nauna naring natanggap ng paaralan ang isang Cannon camera na nagkakahalaga ng mahigit 20, 000 pesos.
“Napakalaking tulong sa mga mag-aaral ang drone dahil may magagamit na sila kapag may mga airial shot silang subject na kakailanganin sa kanilang mga isinusulat na balita at sa pagproduce ng mga quality photos para sa documentary at TV broadcasting shoots,” ani Levie Catalbas, ICT teacher.
Pormal na itinurn- over ni Anelyn Apat project proposal in-charge ng Lala Central District ang dalawang gamit, Nobyembre 2022 sa opisina ng Education District Supervisor ng Lala Central na tinanggap naman ng SPJ Coordinator na si Gng. Lorna A. Cagampang.
Mahigit 250 mag -aaral ang nagparehistro sa COMELEC Mobile Registration sa Lala National High School upang makaboto sa SK eleksiyon sa darating Oktubre.
“Sa wakas ay makaboto narin ako sa kung sino ang tama at karapat dapat sa posisyon.” ani Precious Nicole Perez.
Bukod sa pagparehistro, nagkaroon din ng oryentasyon ang mga nagpatala sa kanilang karapatan bilang kabataan Babalik sa Pebrero ang COMELEC para sa mga hindi pa nakapagregister na mga estudyante. Isisnagawa ng COMELEC ang registration noong Enero 20, 2023.
ni PRECIOUS NICOLE PEREZ NATUGUNAN NG SEF: Inilaan sa pagbili ng drone ang alokasyon ng LGU sa SEF, Nobyembre 28, 2022. ni KRISTINE ANGELA M. SACLAUSOALA, Lanao del Norte-Kinilala ng DepEd LDN ang mga gurong nagserbisyo ng 25 taon pataas sa taunang selebrasyon ng “World Teachers Day” bilang pagpapahalaga sa kanilang mga nagawa.
Nakaangkla ang selebrasyon sa Div memo 466 s. 2022na may temang “Gurong Pilipino, Dangal ng
Nasisiyahan ako na kahit sa simpleng paraan kinilala ang aming pagpupunyagi at pagiging tapat sa serbisyo sa loob ng 38 taon,pahayag ni Gng. Joyce Villondo, guro ng LHNS, isa sa pinaparangalan. Sa kanyang talumpati iniisa-isa ng SGOD Chief Ma. Carmela T. Ablin ang iba’t ibang katangian ng mga guro at idiin na walang maging doctor, nurse, engineer, abugado at inhenyiro kung walang guro kaya nararapat lang na kilalanin sila bilang mga unsung hero.
Nagwakas ang selebrasyon sa paglalaro ng parlor games, volleyball sa kababaihan at baketball sa kalalakihan.
Naganap ang selebrasyon October 6, 2022.
ni PRECIOUS NICOLE PEREZ
Nare-cover ang atm card ng isang guro na may lamang 600k pesos na ninakaw kasagsagan ng InterHigh School Sports Festival na idinaos sa Lala NHS.
Nahuli sa patibong ang 13 taong gulang na batang lalaki na suspek ng bumalik ito kinabukasan sa paaralan upang muli sanang magnakaw ngunit minalas ng ang pinagtangkaan nakawan ay patibong pala na binabantayan ng ilang guro at sekyu ng paaralan.
“Mentally stressed ug dile ko katulog mao nga happy kaayo ko nga narecover ra jud ang akong atm bahalag wala nabalik ang cash nga 2k kay naa ang dako sa akong atm, card” pagbabahagi ni G. Alfie Ocaunilla,T-I, biktima.
Galing sa ibang paaralan ang suspek na malayang nakapasok sa paaralan dahil sa isinagawang Inter-High School Sports Fest ng Lala.
Mula sa isang wasak na pamilya ang bata at ayon sa kanya 9 na taong gulang pa lang siya ay ginagawa na niya ang pagnanakaw.
Kaagad dinala sa presinto ang suspek at inihatid sa Upper Lala upang mabigyan ng karampatang aksiyon Nangyari ang insidente December 3, 2022, sa Lala NHS, sa kasagsagan ng isinasagawng Inter High Sch School Fest.
Mula sa pahina 1
Bukod sa pondong inilaan sa klinika , nag-donate rin ng dalawang pares ng glass basketball board ang SK chair na nakatutulong sa mga manlalarong makapagsanay nang maayos.
“Nasiyahan kami dahil bukod sa maayos na klinikang ibinigay ng SK chair na talagang makapagpahinga ang sinumang mag-aaral na biglaang magkakasakit sa paaralan at thankful din kasi may magandang basketball board din kaming mapaglaruan,” pagkukwento ni Kernie G. Maata II, manlalaro ng basketball.
Natapos ang pagpapagawa ng klinika at pagdonate ng basketball board noong Nobyembre 2022.
Mula sa pahina 1
Mahigpit jud namo nga kalaban ang Lala NHS (Mahigpit talaga naming kalaban ang Lala NHS), dahil dito lang sa Maranding kadalasan nag-aaral sa LNHS, kahit iyong may kaya, kaya kadalasan sa aming mga mag-aaral ay nagmula sa malayong lugar,” dagdag na pagkukwento ni G. Pajente.
Ang kawalan ng extra curricular, kakulangan ng offering sa senior high, kawalan ng trabaho at mapagkikitaan ng mga magulang, pagtaas sa presyo ng mga pangangailangan, mahal na tuition fee, at higit sa lahat ang pagkakaroon ng mga best practices ng paaralan ang mga pangunahing dahilan ng paglipat ng mga mag-aaral.
Ayon kay Jena B. Lerio, G11 student, maraming pagpipiliang strand ang paaralan kaya pinili niya dito magaral upang makatulong sa kanyang mga magulang . Maganda rin ang pamamalakad ng paaralan lalo na ang pagmonitor sa mga guro na sinisigurong papasok sa kanilang mga klase.
“ Madami kasing option o strands ang ini-offer dito sa Lala kaya kahit may malapit na paaralan sa amin pinili namin dito mag-aral para hindi kami mahirapan kapag magkolehiyo na,” ani Liezel Mirafuentes, Grade 11.
Inaasahang dadami pa sa taong 2023-2024 ang populasyon ng Lala dahil sa mga bagong programa ng paaralan gaya ng Special Program for the Arts (SPA) at Special Program in Journalism (SPJ).
LALA, Lanao del Norte - Pinapanigan ng Federated Parents Teachers Association (FPTA) ang kahilingan ng mga guro sa pondo para sa mga “Programs and Projects” (PAPs) ng iba’t ibang departamento ng LHNS.
Humarap ang sampung guro na pawang mga coordinators sa FPTA Board of Directors upang hinging matulungang makalikom ng pondo para sa implementasyon ng mga programa at makasali sa mga kompetisyon.
“Basta kaayuhan ug dile against sa balaod ang mga programa suportahan nato na!,” ani Engr. Jetro Apat, FPTA President. Kabilang sa mga programang inilahad ang Barkada Kontra Droga, GANDA ng MAPEh department, SAFER ng English,
TICSE ng Mathematics, YES-O ng Science, Wika Ko, Pahalagahan Ko ng Filipino at listahan ng mga kompetisyon na sasalihan ng paaralan.
“I like this organization that respect the rights of the parents and students and we need you parents since the MOOE is not really sufficient, kuryente palang daan umabot na sa 240,000.00 sa billing ng October” pagbabahagi ni Dr. Nisnisan, LNHS Principal. Upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral inaprubahan ng BOD ang inilatag na budettary proposal ng bawat departmento. Sa kabuuan umaabot sa 885.00 pesos ang kontribusiyon ng bawat magulang sa bawat pinapaaral na anak na naaprubahan
ng BOD.
“ Asa kaha mi ani manguha ug kwarta,(Saan kaya tayo hahanap ng pera ngayon) pero sige lang basta para sa kabutihan mosuport nalang jud ta,” lahad ni Gng. Lucile Simbajon, magulang.
“I request to finalize the budget ng bawat department at sa implementasyon, dili pinugsanay(huwag pipoilitin) ang pag-collect, i-encouraged lang ang mga magulang,” pahayag ni Ret PLT. Col. Malvin C. Loquinte-BOD.
Naganap ang konsultasyon, October 14, 2022 sa AVR ng LNHS at nirepresenta ng BOD ang napagkasunduang kontribusyon sa mga magulang sa unang PTA meeting na nangyari pagkatapos ng unang kwarter
ni KRISTINE ANGELA M. SACLAUSO
nagkaroon muli ng parada ang mga kandidata , guro , at mag-aaral, Octubre 20, 2022, bilang bahagi ng kapistahan ng Kristong Hari. Larawang kuha mula sa CKCM Faces.
“Happy ko na nakadalo sa teachers night dahil nakita ko ang kasiyahan ng lahat, ang kahalagahan din ng pagkakaisa ng mga guro sa pribado at pampublikong paaralan,” pagbabahagi ni Gng. Loriejoy Apalla, guro ng LNHS.
Binigyang-pugay ng Parish Priest ng Christ The King College de Maranding ang mga guro sa selebrasyon ng Educators Night sa kapistahan ng Kristong Hari na ayon sa kanya “teachers are unsung hero and working force in the society na dapat bigyan ng pagpapahalaga sa lipunan.“
Pagkatapos ng dalawang taong pandemya nanumbalik ang kapistahan ng Kristong Hari ng Maranding, Lala, Lanao del Norte at isa sa mga gawain ang pagpapasaya sa mga guro na sakop ng parokya.
Nagkaroon din ng parada bilang pagpupugay sa patron ng Kristong Hari na sinalihan ng lahat ng mga guro, mag-aaral at mga parokyano sa Maranding.
“Kakaibang saya ang aming naramdaman na sa wakas nanumbalik na ang ganitong pagdiriwang at nagagawa na naming muli na makitampok,sa gawain ng parokya” ani Andrew Peralta, Grade 10.
Itinanghal ang mga guro ng Christ the King de Maranding na panalo sa kompetisiyon sa magpasikat.
Naganap ang selebrasyon ng Educators Night November 19, 2022 sa Christ de King College Gym, Maranding, Lala, Lanao del Norte.
ni PRECIOUS NICOLE D. PEREZ
Panawagan ng coordinator ng Open High School Program ng LNHS na masolusyunan ang pagkatengga sa budget para sa pananghalian ng mga mag-aaral ng OHSP.
Ayon kay Gng. Marrietta T. Bandiala, limang buwan ng hindi nailabas ang budget para sa pagkain dahil nagkaroon ng problema sa proseso ng pagpapalabas ng pera at may mga dokumento pang kakailanganin para sa pondo.
Nakapagbigay na ng kabuuang 46, 000.00 pesos ang LGU na inilaan noon sa mga materyales kaya hiniling ng namamahala ng
programa na “mai-convert into cash” ang halagang inilaan noon sa mga school materials upang maituloy ang operasyon sa pagkain ng mga mag-aaral at hindi na magtatapada ang mga guro.
“ Dako kaayo gikatabang sa amoa ang libre nga pagkaon kay atleast pamasahe nalang ang aming hahanapi,” ani Jemer Gabino, G7 OPHS. Sampung taon nagsilbi ang paaraalan sa mga nagtatrabahong kabataan na ang tanging oras para maipagpatuloy ang pag-aaral at tuwing Sabado lamang kaya nakatuon sa kanila ang malaking budget ng LGU-Lala para silay makapagtapos ng pag-aaral.
PINATATAG NA SAMAHAN: Buong suporta sa mga programa at proyekto ng paaralan ang ipinangako ng mga Board of Directors ng FPTA sa unang pagpupulong nito, Oktubre 14, 2023, sa AVR ng LNHS | Larawang kuha ni Milagros M. Saclauso.Hiling na powered generator, naisakatuparan
Iginawad ng kontraktor ng Al-Amen Builder ang isang powered generator upang may back-up ang paaralan sa pagpapagana ng mga sprinkler sa 4-storey worksyap klasrum na sadyang ipinatayo para sa pagsasanay ng mga mag-aaral ng Senior High School.
Nagkakahalaga ang naturang generator ng mahigit isang milyong piso na mula sa pondo ng DPWH.
Ayon kay G. Gideon J. Miyas sadyang hiniling ng paaralan ang powered generator sa halip na maglagay ng transformer dahil mas tipid ito sa bayarin ng kuryente at para magamit ang sprinkler kung sakaling may sunog na magaganap.
Pinunduhan ang proyekto FY 2021 GAN at umabot sa isang buwan ang pagpapagawa na sinubaybayan ng DPWH 1st Deo at ng kontraktor na si G. Abdul Rashid.
Sirang palikura’t, lavatory prayoridad na proyekto
ni MARCHEL LABASTILLA
Nakatuon sa pagsasaayos ng palikura’t lavatory ang proyektong inuuna sa nailaang pondo ng Gender and Development (GAD) upang matugunan ang ikakabuti sa kalusugan ng mga mag-aaral.
Naging problema ang mga palikuran sa mga silid-aralan lalo na sa apat na palapag na gusali kaya malaking tulong ang mga palikuran na nakalagay sa ground floor ng LNHS.
“Importante talaga ang mga CR lalo na sa malapit sa library dahil kung may mga bisita hindi na nila kailangang magpunta pa sa opisina ng paaralan upang makiCR,” pagkukwento ni Gng. Cherienesan P. Batuto, supply officer.
ni PRECIOUS NICOLE PEREZ
Ilang mga gurong may palayan ang nagrereklamo sa mababang bilihan ng mga inaaning palay at ng taas na presyo ng mga pampataba na doble sa dating halaga nito.
Ayon kay Gng. Venus B. Sabas, mula ng ipatupad ang Rice Tarrification Law ay lalong nalugmok ang mga magsasaka dahil lalong bumaba ang bilihan ng palay tuwing anihan na nag-udyok sa mga ordinaryong magsasaka na mangutang.
Iminumungkahi ng pamunuan ng Lala NHS na maaprubahan ang dalawang hiniling nitong
TESDA Assessment Center para sa mga magaaral ng Accountancy at Business Management (ABM) at Electrical Installation (EIM) upang hindi na babiyahe ang mga mag-aaral ng Senior High School sa ibang paaralan makakuha lang ng pagsasanay sa kanilang napiling larang gaya ng
TESDA NCII at Bookeeping NCIII.
Music room, panibagong atraksiyon ng LNHS
ni MARCHEL LABASTILLA
Inaasahang magsisilbing atraksiyon na naman sa institusyon ng Lala NHS ang music room na kasalukuyang inaayos sa pangunguna ng MAPEH department.
Magagamit ito sa pagsasanay ng mga mag-aaral na may talento sa musika o pagkanta.
Limpyong LaNorte-BM Atay
ni PRECIOUS NICOLE PEREZ
Binigyang-diin sa talumpati ni Board
Member Cristy Atay ang Limpyong La Norte sa kanyang talumpati sa 74th Araw ng Lala.
Ayon kay Atay tuon ng nakaupong
Gobernador “Angging” D. Quibranza ang panatiling malinis sa paligid ng probnsiya upang magiging ligtas sa anumang sakit.
Bumaba ang mga naipong basura ng LNHS simula ng ipinagbabawal ang pagpasok sa mga panindang nakabalot sa cellophane, disposable cups at ice wrappers upang mapangalagaan ang paaralan sa anumang pagbaha at maproteksiyunan ang kalikasan.
Ayon kay Gng. Venus S. Sabas, MT-I at YES-O coordinator,_nakabase ang implementasyon ng “No plastic Policy” sa Municipal Ordinance no 04 s. 2006 ng Government Unit ng Lala at sa RA 9003 or an act of solid management of 2000.
Bukod sa plastic, ipinagbabawal din ang pagsunog ng kahit anumang bagay sa loob ng campus at pinaalahanan ang lahat sa tamang segregasiyon ng mga basura sa loob ng mga silid-aralan.
Tinamaan sa polisiya ang lahat ng mga nagtitinda sa paaralan na dati ay gumagamit
ng mga plastik sa kanilang panindang kakanin at juice, pero bago ang implementasyon nagkaroon muna ng konsultasyon sa mga naapektuhan ng polisiya.
“Para sa kaayuhan sa atong palibot mosunod jud mi’y sa polisiya kay para makatabang pod mi’y sa environment ug maprotektahan ang pagbaha ug maningkamot ra mi nga makapalit ug paper cups para sa among mga baligya,” ani Gng. Christie N. Demillo, nagtitinda ng kakanin.
Tinatayang umabot sa mahigit 10 kilo ang naiipong basura araw araw ng LNHS kaya pursigido ang paaralan sa pagpapatupad ng polisiya.
“Mabuti ang polisiyang ito para mamulat ang mga kabataang sa kahalagahan ng paggamit ng biodegradable materials na makatutulong upang hindi mababarahan ang mga kanal,” wika ni Gng.Emalin A. Baluntang, guro ng LNHS.
Simula ng maipatutupad ang programa nagkaroon ng pagbabago sa mga basurahan,
LALA, LANAO DEL NORTE- Sumabak sa masinsinang pagsasanay ang 84 mga guro ng DepEd LDN upang isulong ang kalidad ng papel pangkampus sa mga paaralan.
Nakatuon sa iba’t ibang teknik ng pagsulat ng artikulo ang pagsasanay na humahasa sa kasanayan ng mga guro at inaasahang sa pamamagitan nito’y “ma-re-brand ang mga pahayagang pangkampus.
“Masasabi kong pinaka worth it ang pagsasanay na ito. Ito iyong training na bawal pumikit dahil bawat slides ay may kabuluhan. Kailangan namnamin ang bawat sinasabi. Yung wala kang skills at talent pero biglang magkakaroon ka,” pahayag ni Gng Anisah M. Langi, gurong partisipante ng Pantao Ragat Agricultural High School. Naging tagapagsalita sa nasabing training ang dalawang kilalang eksperto sa pamamahayag na nagbahagi ng mga teknik sa isang makabuluhang artikulo.
“Malaki ang pasasalamat namin sa pagsasanay na ito dahil nagkaroon kami ng ideya kung paano mapaunlad ang istilo sa pagsulat, pagpapahayag ng mga balita at pagdesinyo ng aming pahayagan,” pahayag ni Chonalyn D. Perez, T-I ng Lala National High School na isa rin sa mga gurong lumahok.
Nagkaroon ng aktuwal na mini Press Conference sa nasabing worksyap kung saan sinagot ni Gng. Cristy Atay, BM ng probinsiya ng LDN ang ilang mga isyung kinkaharap gaya ng pagtanggal sa listahan ng ilang miyembro ng 4P’s, insurgency, implementasyon ng Rice Tarrification Law (RTL) sa probinsiya at mga paaralang apektado sa mga pagbaha.
Naging makabuluhan ang talakayan sa mga isyu na nagbigay daan sa mga paritisipante na mahasa ang galing sa pagsulat ng pampahayagang artikulo.
Sa pagtatapos ng seminar worksyap, tinanggap ni Gng. Wilma
A. Samporna ang hamon sa pagbuo ng kalidad na pampaaralang pahayagan . Naging matagumpay ang limang araw na pagsasanay mula Setyembre 27-30, 2022 na ginanap sa A & A Function Hall, Tubod, Lanao del Norte.
kumukunti nalang ang mga basurang hindi nabubulok na hindi naman maiiwasan dahil sa mga baong biscuit ng ilang mag-aaral at sa ilang pagkain nakapasok mula sa labas ng paaralan.
“Ang pag-implementa sa “No Plastic policy” ay talagang makatutulong sa kapaligiran at sa kaayusan ng paaralan, pagbabahagi ni Jade Paula A. Sanopao, Grade 10-SSC-A. Upang higit na maipatupad ang pagimplementa sa programa ng segregasyon at kalinisan ng paaralan, inoorganisa ni Gng. Sabas ang monitoring system sa bawat year level.
“ Malaki ang naitulong sa pagmonitor sa bawat kurikulum dahil nakikita namin ang disiplina at pagsunod ng mga mag-aaral sa tamang pagtapon ng basura,” ani Gng. Divina Abella, G10-Adviser. Tuwing Huwebas ang pagkolekta ng naipong non biodegradable na mga basura at paglalagay naman sa nabubulok na basura sa MRF ng
BIGAY-DANGAL. Naisuot na rin ng mga sekyu ang libreng uniporme na ibinigay sa kanila ng paaralan na umani ng respito at paghanga.| Larawang kuha ni Carmn B. Golez
Mula sa pundo ng MOOE
Umani ng papuri mula sa mga magulang, mag-aaral at mga guro ang pagsuot ng bagong uniporme ng mga sekyu na unang nangyari at inaasahang magbibigay ng motibasyon sa kanila na pagbutihin ang paglilingkod sa LNHS.
Madalas napagkamalang mga utility personnel ang mga guards kaya ang pagkakaroon ng unipormi ay isang malaking tulong sa kanila upang respetuhin ng mga kabataan at ng mga bumubisita sa paaralan.
“Masaya ako na nagkaroon kami ng bagong uniporme na magtatangi sa amin bilang mga guards kasi mula ng magkaroon kami nito napapansin namin na nirerespito na kami ng
mga bata at ng mga pumapasok sa paaralan,” pagkukwento ni G. Alvin Noromor, isa mga sekyu. Bukod sa uniporme nabilhan din ng bagong metal detector ang mga guards na mahalaga sa kanilang pagmonitor sa mga gamit ng sinumang papasok sa paaralan.
“Magandang may unipormi na sila dahil hindi na kami magdadalawang isip mag-iwan ng mga gamit minsan sa mga bata,” ani G. Raymond Macahig.
Ayon kay G. Rolly F. Balayon, T-II at School Services Coordinator, aabot sa Php 12,092 mula sa pondo ng Maintenance and Other Operating Expenses.
August 2022, pormal na nagamit ng mga guards ang uniporme.
Nagkaroon ng kasagutan ang katanungan ng mga guro sa isigawang reorientation sa RPMS kung saan binusisi ang mga ‘indicators’ upang mabigyanglinaw ang isyu sa tamang pagbibigay ng marka sa kanilang mga performance.
Saresulta ng survey na isinasagawa ng Gender and Development(GAD) at sa tulong ng Guidance Counselling Office ng LNHS lumalabas na 2 sa bawat 10 kabataan ng SHenior High School ang nakararanas ng pang-aabuso sa kanilang mga tahanan na target na mabigyan ng interbensiyon ng paaralan upang maiwasan ang malalang epekto nito sa mga biktima.
Ayon kay G. Hope Erl Balogtod, GAD coordinator at School Nurse ng LNHS, iba ibang pang-aabuso ang naitala sa kanilang isinasagawang survey gaya ng pananakit, pananakot, bullying at pang-aabusong sexual sa loob ng tahanan.
Layunin ng survey na matulungan ang mga biktimang mailabas ang kanilang mga naranasang trauma sa pamamagitan ng paghikayat sa kanila na maibahagi sa karapat dapat na mapagbahaginan ng kanilang kwento gaya ng GAD in charge at counsellor ng paaralan upang kahit papaano maibsan ang kanilang dinadalang sakit..
“Confidential ang isyu sa mga bata, at ang aming tanging magagawa dahil hindi naman kami mga eksperto sa ganitong mga kaso ay hayaan naming silang ibahagi ang kanilang mga karanasan upang mailabas iyong naramdaman nila,” dagdag na pagbabahagi ni G. Balogtod.
Kasalukuyang pinaplano ng paaralan ang mga komprehensibong hakbang upang mabigyan ng sapat na atensiyon ang mga nabanggit na kabataan base rin sa rekomendasyon ng DepEd Lanao del Norte na siyang kumukuha rin ng pangkalahatang datos kaugnay sa isyu.
“With regards to guidance program we will cater their needs and issues of students through referral ug magconduct me ug counselling,” pagpapahayag ni Beverly T. Daloyon,
Division Guidance Counselor-DepEd-LDN.
Sa pakikipanayam kinumpirma ng isang biktima ang pangaabuso sa kanya ng kanyang amain at ng dalawa pa niyang kapatid..
“Para nako kay nakarecoever nako ug gamay pero akong maghod kay siya man ang nagrabihan jud kay hangtod karon wala pa jud siya ka recover kay naay time nga magyamayama siya,” (hindi tunay na pangalan) Para sa akin nakakarecover na ako ng kunti sa trauma pero iyong kapatid ko na nasa Grade 9 ang hanggang sa ngayon ay grabe pa ang trauma dahil siya iyong nakararanas ng labis na pang-aabuso kaya may mga pagkakataon talaga na parang wala siya sa sarili.) wika ni Michell Libre, 17 taong gulang.
Resulta ng mga pananakit 2 sa bawat limang kabataang nabanggit ang nakapag-isip na wakasan ang kanilang buhay dahil sa bigat na kanilang nararamdaman.
Ayon kay G. Alito delos santos malaki talaga ang tsansa na gawin ng mga batang ito ang pag-iisip na magpatiwakal kaya kailangan talaga ang counselling sa kanila at kung may oras man kailangan silang madala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa tamang sesyon ng pagcounsel at ito ang isa sa mga rekomendasyon naming para sa kanila.
“ Willing mi nga motabang sa mga batang biktima kay mao man jud na among trabaho ang matagan ug proteksiyo nag mga bata kinahanglan lang jud ma mareport dire sa opisina ang mga abuse aron matagaan nato ug aksiyon (Handa kaming tumulong sa mga batang biktima dahil ito naman talaga ang aming pangunahing trabaho ang mabigyan ng proteksiyon ang mga bata),”ani G. Nestor H. Patalinghog, Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) ng Lala Isinagawa ang survey Nobyembre 2022 kung saan may mga tanong na sasagutan ng oo o hindi ng mga SH na mag-aaral.
Saunang pagkakataon ipinagdiwang ng
Lala NHS ang “araw ng mga mag-aaral” bilang bahagi ng selebrasyon sa “National Student’s Day” sa temang: Ikaw…Ako…. Tayo…:Bahagi ng Proseso at Boses ng Pagbabago.
Pinangunahan ang selebrasyon ni Gng.
Frances Anne H. Hisuler, Barkada Kontra Droga (BKD) coordinator ng LNHS.
Ayon kay Gng. Hisuler dapat bigyang halaga ang boses ng mag-aaral dahil sila ang may malaking kontribusyon hindi lamang sa pagbabago kundi maging sa komunidad at ng bansa at magabayan ang kabataan para hindi sila
Mula sa pahina 1 ang aking ina,” pagbabahagi ni Eleomer.
mapariwara lalo na ngayon na madami ang mga bisyong maaaring makaimpluwesiya sa kanila sa paligid.
Nakabase sa Regional Memo 622 s. 2022 ang programa ng SND at may layuning mabigyan ng plataporma ang iba’t-ibang boses ng estudyante sa loob ng paaralan at magkaroon ng kamalayan sa mga kaganapan sa kapaligiran ng sa ganoon ay hindi sila maimpluwensihan sa masasamang bisyo lalo na sa druga.
“We are the driving force in campaigning for awareness and preventiuon against illegal drugs and also to spread information that young ones should not tempt on this because it can really
Kumita ng 6, 000 na libong peso si Eleomer sa isang buwan na siyang dahilan ng kanyang pagliban minsan sa klase.
Bilang tugon sa problema ng child labor at kakulangan sa kasanayan ng pagbasa, nagsagawa ng oryentasyon ang LNHS, nilinaw ng paaralan ang mga responsibilidad ng mga magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak , karapatan ng kabataan na nakabase sa RA 7610 at pinaaalahanan din na huwag hayaang magtatrabaho sa mabibigat na gawain ang kanilang mga anak lalo na sa oras ng pasukan.
“ Sa kalisod mao nga mapugos jud ug tabang akong anak sa pagtrabaho, maglisod pod ko ug tudlo niiya kay wa pod ko kaeskwela ( Sa
hirap, mapilitan ang aking anak na tutulong sa paghanapbuhay , hindi ko rin siya maturuan dahil hindi rin ako nakapag-aral),” pagbabahagi ni Gng. Gabino, magulang ni Eleomer.
Sa kasalukuyan patuloy ang paggabay ng mga guro ng LNHS sa kasanayan ng pagbasa ni Eleomer at ng iba pang mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga interbensiyon tulad ng “pull out system”, at “pair tutoring”.
“Medyo marunong ng magbasa si Eleomer dahil tinuturuan naman siya ng kanyang kaklase, iyon lang mag-absent siya dahil sa trabaho,” ani Gng. Divina Abella, tagapayo. Ayon sa ina ni Eleomer hindi niya mapipigilan ang anak sa pagtatrabaho sa
destroy their future,” ani Justina Francheska Medrano,” BKD officers.
Dinisenyo ng mga opisyales ng BKD ang mga gawain gaya ng Photoshoot booth, stress wall and confession wall para maihayag ang naramdaman ng kabataan.
“Para sa akin malaki ang naitulong sa mga gawain inihanda gaya ng stress wall at pagsulat nga aming mga nararamdaman dahil kahit papaano nailabas namin ang aming mga hinanakit na wala kaming mapagbahaginan noon,” ani Liezel Villareal, Grade 10.
Naganap ang selebrasyon ng NSD, November 17, 2022 sa Lala NHS at virtual din na gawain sa
konstruksiyon dahil sa kanilang kawalan at nahihirapan din siyang turuan ito dahil wala rin siyang pinag-aralan.
Sa kabilang banda, nagkaroon ng mga sesiyon sa Learning Action Cell (LAC) ang mga guro ng ibang asignatura upang magkaroon ng kaalaman sa mga teknik kung paano magturo sa mga nasa level frustration.
“We should help these children who are nonreaders especially that some of them are victims of abuses, by doing this, we can make difference for their future,” ani Dr. Pablo B. Nisnisan, Punungguro ng LNHS.
Nangyari ang panayam ng pamunuan ng Biyaya kay Eleomer February 2, 2022.
Kamakailan nagdulot ng pagkalito sa mga guro kung anong indicator ang susundin sa pagassist ng kanilang performance lalo na sa mga isinasagawang pagmamasid pangklasrum.
Ayon kay Gng. Marisol L. Salarda, T-II, malaking tulong sa mga guro ang pagkakaroon ng reorientation dahil nabigyang linaw ang mga “misconception” lalo na sa mga indicators at mga supporting documents na kakailanganin ng guro sa kanyang performance.
Hindi na bago sa mga guro ang RPMS na taon taon ng ginagawa ngunit mas nabusisi ang bawat indicators nito sa isinagawang reorientation.
Isa sa mga paksang binigyang linaw ang Self Assessment Tool (SAT) na tinalakay ni Gng. Milagros M. Saclauso kung saan pinaalaalahanan ang mga guro na gawin ito ng matapatan dahil ito ang magbibigay daan upang matugunan ang mga kahinaan sa mga estratehiya ng pagtuturo at mabigyan ng interbensiyon.
Sa kabilang banda, tinalakay din ni G. Ben John N. Caballero, MT-I, ang Phase 2 ng RPMS cycle na nakatuon sa pagmonitor at pagbibigay gabay sa mga guro gayundin ang pagpapaliwanag sa mga hakbang at proseso sa pagsasagawa ng pagmamasid pangklusrum.
“Naging klaro na at malinaw sa akin kung kung ano ang aking gagawin sa pagtuturo upang humanay sa mga indicators ng RPMS tools at kung paano ko maiaayos ang aking Individual Performance Commitment and Review Forms (IPCRF) o performance rating sa katapusan ng taon,” wika ni Dr. Florida B. Paglinawan, MT-I. Kabilang din sa tagapagsalita at nagpaliwanag ukol sa sa paksa ng pagbibigay ng reward at developmental planning ng RPMS si G. Richard S. Tutanes . Nagkaroon ng open forum matapos ang talakayan at mas nilinaw ng mga tagapagsalita ang kahalagahan ng pagsunod sa mga alituntunin ng RPMS upang maiwasan ang pagkalito at hindi pagkaunawaan sa oras ng pagbibigay ng marka sa performance sa katapusan ng taon.
Pinaalalahanan din ang mga guro na sa paunti unti maaari nila itong gawin ang kanilang mga portfolio.
Sa huli sinisiguro rin ng mga organizer ang kaligtasan ng mga guro sa pamamagitan ng pagsunod sa mga health protocols, at naisakatuparan ang pagsasanay September 10, 2022, sa LNHS library.
Opisyal na Pamahayagang PampaaralanPangkomunidad ng LALA NATIONAL HIGH SCHOOL
Dibisyon ng Lanao del Norte | Tomo III Bilang I Agosto 2022 - Hunyo 2023
Magtatapos na ang panuruang taon 2022-2023 sa mga pampublikong paaralan sa Hulyo at panibagong yugto na naman ang tatahakin ng mga kabataan. Subalit tunay nga bang handa na sa susunod na level ng pagkatoto ang mga kabataang ito gayong karamihan sa kanila ay kabilang sa 28 milyong mag-aaral sa buong Pilipinas na kulang sa propesiyensiya ayon kay BP Sarah sa kanyang Basic Education Report noong Enero 30, 2023. Sa kalagayang nasa kasagsagan pa ang kagawaran sa pagbangon mula sa pandemya, hindi nito maikakatwa na malayo pa nga ang tatahakin para sa kagalingan ng edukasyon sa bansa.
Bago paman nagkapandemya ay marami nang mga mag-aaral ang nahihirapan sa pagbasa dahil hindi nabibigyan ng sapat na atensiyon at dahil rin sa pagtatrabaho sa murang edad. Kaya puspusan ang pagsagawa ng DepEd ng mga interbensiyon ngunit ang “post-covid” na suliraning ito ay hindi parin tuluyang nasolusyunan sa kasalukuyan. Patuloy na nahaharap ang kagawaran sa isang hamon sa paggabay ng mga kabataan tulad ng hirap magbasa kabilang ang mahigit 396 na mag-aaral ng Lala National High School.
Sa kabila ng pagpapatibay ng mga programa sa paggabay sa mga magaaral upang masolusyunan ang mga “learning gaps” ay hindi pa rin lubos na naibaba ng DepEd ang bilang ng mga kabataang kulang sa kasanayan sa pagbasa at pag-unawa sa binasa. Sa tala ng World Bank 90.9 porsyento ng mga kabataang edad sampung taon pataas ay hindi nakakintindi ng simpleng teksto. Nakapanlulumo ang katotohanan at nakapagtataka rin na sa mga ulat gaya ng Learners Ratings sa bawat markahan sa mga paaralan-= kapansin pansin ang mga markang hindi bababa sa 85 porsento gayong salat pala sa kakayahang umunawa ang mga mag-aaral.
Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT) Chairperson Vladimer Quetua, nanaig sa DepEd ang “mass promotion” o pikit matang pagpasa sa isang mag-aaral sa susunod na baitang dulot ng mga hindi kaaya-ayang polisiya. Idiin ng ACT na ang kawalan ng service credits ng mga gurong magturo sa kanilang ibinagsak tuwing bakasyon at pag-kunsidera sa dagdag na marka sa performance rating ng mga gurong walang bagsak ay isa sa nagpalala sa problema. Malinaw na ito’y pagyurak sa misyon ng kagawaran na mabigyan ng epektibong pagkatoto ang mga mag-aaral. Ito’y isang hamon na dapat tutukan ng mga kinauukulan upang makamit ang tunay na kaledad ng edukasyon sa bansa.
Pinatunayan sa sarbey ng Philippine Business for Education (PBED)
sa mahigit 300 mga stakeholder sa bansa na maraming mga paaralan ang nag-aangat ng mga estudyante sa susunod na level kahit hindi maganda ang performance nito sa klase dahil sa mantra ng DepEd na “Walang Batang Maiiwan.” Malinaw na nagdudulot ito ng presyur sa mga kaguruan na ipasa ang isang mag-aaral kahit kulang ang natutunan nito. Sa kalagayang ito malabong makamit ng kagawaran ang kaledad na edukasyon sa halip manatiling kulang sa propesiyensiya ang mga kabataan.
Sa kalagayang ito, masinsinan pagpapatupad sa mga programa ang kailangan upang makamit sa dulo ang kagalingan. Rebisahin ang mga depektibong alituntunin at hayaang magdesisyon ang mga kaguruan sa tunay na marka ng mga mag-aaral ng hindi ipapataw sa kanila sa performance rating ang kanilang mga desisyon. Samakatuwid, hayaan silang maging tunay na guro sa ikagagaling ng mga mag-aaral ng hindi didiktahan sa kung ano ang tunay na estado ng mga tinuutruan upang hindi manaig ang “mass promotion” kundi ang kaledad na edukasyon.
PAUSO NG ABUSO | Jhon Brian Ponesto
Maraming mga batas at programa ang umiiral sa Pilipinas upang sana’y maprotektahan ang mga kabataan alinsunod sa kanilang mga karapatan. Subalit, taliwas ito sa mga nangyayari sa kasalukuyan kung saan nagmistulang walang ngipin ang mga batas na ito sapagkat hindi nito nabibigyang hustisya ang pangunahin nitong layunin. Patunay nito ang karanasan ng mga kabataan sa bansa kung saan sa murang edad ay mulat na sa pagbabanat-buto at matinding trabaho.
Isa si Joseph Limbo, nasa ika-10 baitang na mag-aaral ng Lala National High School, sa mga kabataang damang-dama ang bigat ng suliraning ito. Sa murang edad ni Joseph, sa halip na ituon ang kanyang buong oras sa pag-aaral ay kailangan niya itong balansehin dahil nagtatrabaho siya sa isang shop bilang tagapintura ng mga kinukimpuni o sirang sasakyan upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya at ng bayarin sa kanyang motorsiklo. Isa itong katotohanang hinaharap ng maraming kabataan sa iba’t ibang panig ng bansa partikular na sa Northern Mindanao.
Sa kasalukuyan, laganap ang kaso ng child labor o paghahanap-buhay ng mga kabataan sa kabila ng kanilang edad. Sa katunayan, ayon sa huling datos ng International Labor Organization (ILO), mayroong 2.096 milyong child laborers sa Pilipinas, 58 porsyento ng mga child laborer na ito ay nagtatrabaho sa agrikultura at 42 porsyento nito ang nasa Industriya. Ipinapahiwatig nito ang dami ng mga kabataang puhunan ay dugo at pawis upang mabuhay.
Hindi maikakailang marami ang mga programang may layuning maprotektahan ang mga kabataan laban sa Child Labor tulad ng Philippine Program Against Child Labor ng Department of Labor and Employment (DOLE). Hindi rin pahuhuli ang mga batas tulad ng Presidential Decree (P.D.) 442 o “Labor Code of the Philippines”, at Republic Act (RA) 7610. Subalit sa huli, tila hindi ito napapakinabangan kung ating pagmamasdang maigi ang mga nangyayari sa ngayon.
Sa kasalukuyang kalagayan, nararapat talaga ang pangil ng batas upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga kabataan at upang maprotektahan sila sa mapang-abusong magulang. Nagkulang ang pamahalaan sa pagbigay ng atensiyon sa kabataang ito kaya patuloy na naaabuso ang kanilang munting lakas. Walang programa o direktang tumututok sa mga kabataan sa laylayan kaya patuloy ang pagtatrabaho ng mga batang ito na ang iniisip ay tama ang kanilang ginagawa para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Kaligtasan at kaayusan ng mga kabataang ang dapat bigyang-tuon upang sila’y mailagtas sa mapanganib na hanapbuhay. Kung titingnan ko sa isang anggulo, mabuti ang intensiyon ng mga nagtatrabaho sa murang edad_ ang makatulong sa kanilang pamilya pero hindi nila lubos naisip ang masamang maidulot nito sa kanilang kalusugan lalo pa’t sumabak na sila sa napakahirap na gawain na matanda dapat ang gumagawa. Kaya isang mainam na solusyon ang pag-aksyon ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbuo ng mga programang tumatalakay sa responsibilidad ng mga magulang sa edukasyon ng kabataan. Higit sa lahat pangilan ang ang batas para sa proteksiyon ng kabataan at pagkakaroon ng malawakang employment upang mabigyan ng hanapbuhay ang isang pamilya ng hindi aasa sa lakas ng isang paslit.
“
kay Christopher Monterola ng Asian Institute of Man agement sisipa sa 800,000 manggagawa ang mawalan ng trabaho kapag bumandera na ang AI sa mga BPOs ng bansa sa taong 2025.
Sa kasalukuyan natatamasa ng mundo ang kamangha-manghang pag-usbong ng teknolohiya na nagpapadali sa kalakarang ng 4.7 bilyon o katumbas ng 49 porsento sa kabuuang populasyon ng buong mundo. Mula sa mga simpleng gadgets hanggang sa pinakamoderno’t komplikado napapagana ito ng iba’t ibang platform na sa isang iglap lang ay nakukuha na ang kaalaman hinahanap. Isa sa mga software na ito ang bagong tuklas ng OpenAI ang buzzy chatbot ChatGPT na ginagamit ng Microsoft Bing engine.
Isang Artificial Intelligence (AI) ang ChatGPT na pinagagana ng robot na kung tawagin ay Generative PreTrained Transformer (GPT). Ang pagkakaiba nito sa ibang tool ng AI ay ang kakayahan nitong susulat, magbigay ng kaalaman at umintindi sa kahit anong wika. Dahil dito, marami sa mga mag-aaral ang gumagamit nito na maaari ng magbigay ng panganib sa aktibidad ng tao lalo na kung ito gagamitin sa di tamang paraan.
Ayon sa Euronews.next, ang ChatGPT ay isang makapangyarihan AI tool na naimbento ng kompanyang OpenAI na may kakayahang kumuha ng mga natural sa kakanyahan ng teksto sa iba’t ibang lingwahe ng ilang segundo lamang. Ito ang dahilan kung bakit tinanggal ito ng mga guro sa publikong paaralan sa new York at Seattle ng United States. Magagamit din ito ng sinumang magaaral sa pangongopya ng hindi na nila kailangan mag-isip pa dahil diretso na itong gagawin ng software. Sa ganitong pagkakataon bababa lalo ang kapasidad ng mga kabataan na matoto ng naaayon sa kanilang kakayahan.
Bukod sa mga estudyante, may posibleng panganib ang AI sa kalakaran ng ekonomiya gaya ng Pilipinas. Sa datos ng Philippine Business Process Outsourcing (BPO) Employment Statistic (2022), aabot sa 1.2 milyon na mga Pilipino ang nagtatrabaho sa mahigit 800 daang BPO sa Pilipinas. Ito’y nagbigay ng 25 bilyong dolyar na kita sa ekonomiya ng bansa. May 20 rason kung bakit pinili ng mga mamumuhunan ang Pilipinas sa (BPO) dahil sa magaling magsalita ng English ang mga Pinoy na akma sa Labor Force nito. Kaya ang mga maggagawang ito sa kasalukuyang inbensiyon ng AI sa mas pinakamalakas na ChatGPT ay nanganagnib na mawalan ng trabaho balang araw dahil pwedeng tatangkilikin ng mga kompanya ang mga robot na siyang gagawa ng mga tungkulin ng karamihan sa mga BPOs.
Ayon kay Christopher Monterola ng Asian Institute of Management sisipa sa 800,000 manggagawa ang mawalan ng trabaho kapag bumandera na ang AI sa mga BPOs ng bansa sa taong 2025. Pinatunayan ito ng Department of Infromation and Communication Technology (DITC)na nagsabing aasahan ang 48 porsentong mawawalan ng trabaho sa Pilipinas. Sa ganitong pagkakataon maituring ngang peligro sa mga manwal na mangagawa ng BPOs at iba pang online workers ang AI. Kung mangyari ito, malawakang “lay-off” at kagutuman ng Pilipinas at ng iba pang mga bansang apektado ang mararanasan.
Natatamasa man natin ang kamangha-manghang pag-usbong ng teknolohiya gaya ng AI pero hindi natin maisantabi ang banta nito sa manggagawang Pinoy na umaasa rito. Kaya, panahon na na nagagawa ng alternatibong planong pangmatagalang hanapbuhay ang gobyerno upang maagapan ang posibleng problema. Nararapat na palakasin ng pamhalaan ang employment na nangangailangan ng manwal na manggagawa upang maagapan nang maaga ang problemang kakaharapin ng bansa sa hinaharap.
AKSYUNAN NGAYON | Kristine Angela SaclausoHangga’t nakatunganga lang tayo sa kung ano ang susunod na mangyayari at patuloy na gumagawa ng mga bagay na nakapamiminsala sa natural na ganda ng mundo ay huwag tayong aasa na maging ligtas tayo sa mga darating na panahon.
Delubyo ang pasko at bagong taon sa maraming Pilipino dala ng kaliwa’t kanang mga pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa. Nagmistulang karagatan ang mga lungsod at siyudad na dinaanan ng mga rumagasang tubig galing sa mga bundok. Kabilang sa mga nakaranas nito ang Lanao del Norte at karatig na probinsiya ng Misamis Occidental.
Ayon sa PAG-ASA ang mga pag ulan ay sanhi ng shear line o pagsalubong ng malamig at mainit na hangin ng nagdulot ng pag ulan gayundin ng mga namuong Low Pressure Area (LPA). Dagdag ng PAG-ASA tinatayang sa kalagitnaan pa ng Pebrero matatapos ang ganitong kalagayan ng klima na di mawari minsan ang dalang peligro at pangamba tuwing bubuhos ang napakalakas na ulan. Subalit bakit ba ganoon nalang kaapaw ang tubig na rumaragsa sa mga kabayanan?
Sa tala ng International Tree Foundation mula 2014 hanggang 2020 ay aabot nalang sa 32 porsento ang natitirang kagubatan sa buong mundo sa kabuuan nitong 4.06 bilyon hectars at halos kalahati sa kabuuang kagubatang ito ay kino-convert sa mga proyektong pang-industriya . Ang isa pang kalahati ng mga kagubatan ito ay matatagpuan
sa limang mga bansa ng Russian Federation, Brazil, Canada United States of America and China. Kung titingnan hindi napabilang ang Pilipinas sa may malawak pang kagubatan subalit kung ating susumahin sa mga natitirang kalikasan patuloy ang pagsira natin sa mga ito.
Sa lugar ng Lanao del Norte at maging sa iba’t ibang dako ng bansa, kapansin-pansin ang mga nakakalbong kagubatan na gawa ng mga illegal loggers na naging sanhi ng mga pagbaha at landslide. Sa kabila ng mga batas na ipinapatupad gaya ng Republic Act 3701 na nagbabawal sa pagsira ng mga kagubatan ay patuloy pa rin ang talamak na pagputol ng kahoy sa kagubatan dahilan kung bakit nasisira ang natural na proteksiyon ng mundo na mas pinasasama lalo sa mga basura, usok ng mga industriya at sasakyan, kemikals, at epekto ng mga inbensiyon na kinahuhumalingan din ng tao. Kaya hindi ikapagtataka na nararanasan natin sa kasalukuyan ang matinding pagbabago ng klima at nakapanindig balahibong hustisyang iginawad ng kalikasan.
Sa kasalukuyan labis ang ating maramdamang pangamba tuwing tutunog ang ating mga selpon sa mga
alerting paalala ng Disaster Risk Reduction Management Center (DRRMC) na mag-ingat sa mga posibleng pagbaha. Pero naisip rin ba nating kumilos para may magawa man lang tayong aksiyon na maaaring makatulong sa ating kapwa. Totoong wala na tayong magawa sa mga ruragasang tubig mula sa mga nabuhawing kabundukan subalit may magawa tayo sa ating komunidad gaya ng paglilinis sa mga nakaharang na basura sa mga kanal na siyang pumipigil sa tamang pagdaloy ng tubig. Hangga’t nakatunganga lang tayo sa kung ano ang susunod na mangyayari at patuloy na gumagawa ng mga bagay na nakapamiminsala sa natural na ganda ng mundo_ ay huwag tayong aasa na maging ligtas tayo sa mga darating na panahon. Kung di mag-uugat sa bawat indibidwal ang simbuyo upang wakasan ang bulok na aktibidad tayo rin ang magdudurusa. Kaparte tayo ng labis na pagkasira ng mundo kaya panahon na upang gisingin ang ating kamalayan. Makilahok tayo sa mga adbokasiyang pangkalikasan at tutulong sa pagpreserba nito upang makaiwas tayo sa makadelubyo at rumaragasang karma ng kalamidad na kabayaran ng ating pagsasamantala sa Inang kalikasan.
KAPIT BISIG | Jhon Brian PonestoMalaki ang naitulong ng ParentsTeachers Association (PTA) sa pagkamit ng kaunlaran at tagumpay sa isang paaralan. Mahalagang papel ang kanilang ginagampanan gaya ng pagpapaunlad sa pisikal na aspeto ng isang institusyon.
Gayundin sa pagkatoto ng kabataan naroon ang PTA na sumusuporta sa pangangailangan ng mga mag-aaral upang makamit sa dulo ang kalidadad na edukasyon.
Patunay rito ang Parents-Teachers Association ng Lala NHS na walang sawang sumusuporta sa paaralan sa pinansiyal at moral na aspeto. Ayon kay Gng. Marisol Fe Salarda, kalihim ng FPTA, at guro ng LNHS, sinusuportahan ng FPTA ang pinansiyal na pangangailangan ng mga magaaral lalo na kapag may kompetisyong sinasalihan dahil naniniwala silang mahahasa ang galing, pananalig at pagkatoto ng mga kabataan sa pakikilahok sa anumang mga gawaing makakabuti sa kanila. Isa itong aksiyong nagpapatunay ng pagpapahalaga sa edukasyon ng mga kabataan
Ang Parents-Teachers Association ay isang samahang kinasasangkutan ng mga guro at magulang na nakabatay sa DO 54, S. 2009. Nakasaad sa tuntuning ito na “Every elementary and secondary school shall organize a ParentsTeachers Association (PTA) for the purpose of providing a forum for the discussion of issues and their solutions related to the total school program and to ensure the full cooperation of parents in the efficient implementation of such program.” Sa kalagayan ng LalaNHS, 15 miyembro ang opisyales ng
PTA - 10 magulang at nirerepresentahan ng 5 guro na miyembro ng Board of Directotors (BOD). May kapangyarihan ang BOD na magdesisyon sa ikagagaling ng mga mag-aaral gaya ng pagpapasya sa mga proyektong pansilid-aralan at kontribusyon para sa pangangailangan ng mga programa ng paaralan. Malinaw na may mahalagang papel ang komunidad sa ikakabuti ng paaralan gayundin sa kahalagahan ng koopersayon nito sa isa’t isa. Kaya malaki tulong sa mga guro ang organisado at aktibong mga programa ng PTA. Sa pagbabalik ng face-to-face classes sa buong kapuluan, importanteng mapili ang mga magulang na may adbokasiya sa kabataan. Nangangahulugan itong may kaagapay na ang paaralan upang maitaguyod ang dekalidad na edukasyon at pagtugon sa mga suliraning hindi kaya ng kawani ng paaralan lamang. Higit sa lahat, ang PTA ay isa ring instrumento upang madinig at matugunan ang mga opinyon at hinaing ng mga magulang alang-alang sa kanilang mga anak.
Mainam ang patuloy na pagpaunlad sa Parents-Teachers Association upang patuloy ring umunlad ang edukasyong dapat makakamtan ng mga mag-aaral. Ang mga gawaing ginagawa ng samahang ito ay nagbigay kabutihan sa ugnayan ng guro at magulang. Sa relasyong ito masisiguro ang kooperasyon sa pagpapabuti sa edkusyong ng kabataan. Sa huli, ang matatag ang koneksyon ng magulang at gruo ang magpapatibay sa pundasyon ng kabataan sa pagpapalawak ng kaalaman. Kailangan maging ang isa’t isa upang maiwasan ang mga pagdududa lalo may kontribusyong kinokolekta gaya Lala NHS. Ang pagiging bukas o transparent ng organisasyong ito ang magpapasigla sa lahat upang ibuhos ang kooperasyon sa implementasyon sa mga programa at proyekto ang paaralan.
Ayon
Opisyal na Pamahayagang Pampaaralan-Pangkomunidad ng LALA NATIONAL HIGH SCHOOL
08 Biyaya OPINYON
Nakakatawang isipin sa tuwing sasapit ang ika-12 ng Hunyo, buong pagmamalaking ginugunita ng mga Pilipino ang pambansang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan. Subalit nakakapanlumong sa kabila ng mga pagdiriwang at mga makasaysayang talumpati, hindi pa rin lubos makatayo ang Pilipinas sa sarili nitong paa upang manindigan. Nagiging mangmang at walang kibo pa rin ang bansa laban sa mga mapang-abusong makapangyarihang estado.
Sa patuloy na panananahimik ng Pilipinas, ang mga karapatan nito sa teritoryo at likas na yaman ay unti-unting kinakamkam ng mga dayuhang puwersa.
Katunayan nito ang West Philippine Sea, na mayaman sa likas-yaman at may malaking potensyal na magdulot ng kaunlaran sa bansa ngunit malinaw na naging dambana na ng pagnanakaw at pang-aagaw. Sa kalagayang ito, walang saysay ang kalayaan ng Pilipinas kung mismong teritoryo nito ay inaangkin ng ibang estado.
Hindi maitatangging ang pamamahala ng pamahalaan sa bansa ay naiimpluwensiyahan ng mga estadong may malulusog na ekonomiya. Gaya na lamang ng China na nagpautang sa Pilipinas upang makapagtayo ng mga imprastraktura. Sa kadahilanang ito harap-harapan tayong inaabuso ay
HAYAGANG
malinaw na takot tayong lumaban na tila asong kumakaripas ang buntot sa takot na silay magalit at pupulbusin tayo ng kanilang mga nukleyar dahil wala tayong depensa. Ang kahinaang ito ang nagbunsod lalo sa mapang-abuso na supilin ang ating lakas at tuluyan tayong maging sunod-sunuran sa kanilang mga gusto at kundisyon kahit na malinaw na nasa atin ang pabor sa arbitrasyon.
Ayon sa Bureau of Treasury, umabot na sa 13.86 trilyong piso ang panlabas na utang ng Pilipinas nitong Marso. Dahil rito, nagkakaroon ng utang na loob ang Pilipinas sa ibang bansa at nakokontrol ito ng mga malalakas na bansa. Nagiging tuta ang bansa sa mga estadong nagpapautang nito kung kaya’t naging ganito ang kahinatnan - kalayaang nananahimik sa ngalan ng salapi.
Sa pagkamit ng tunay na kalayaan, kinakailangan ng bawat mamamayan ang matibay na paninindigan. Subalit paano tayo manindigan para sa kalayaan kung nakatali tayo sa kadena ng kahirapang dulot ng pang-aabuso? Nararapat na masigurong ito ay hindi lamang pribilehiyo ng iilang mayayaman at makapangyarihan, kundi karapatan ng bawat Pilipino.
Kulang sa pondo ang naging dahilan ng ating pananahimik sa pagasam ng tunay na kalayaan ng wala sanang komokontrola sa atin. Kaya’t
pagpapalakas ng ekonomiya ang nararapat na bigyang pansin ng bansa. Gumawa sana ng mga programang tunay na magwawaksi kahirapan at tulungan ang bawat mahirap na mamamayan na tumayo sa sariling at hindi aasa lage kung ano ang ibigay ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng hanapbuhay. Sa ganitong pagkakataon, sama sama nating matugunan ang pangunahing suliranin ng bayan - ang kahirapan.
Bilang karagdagan, likas man na katangian ng mga Pilipino ang pagiging mapayapa, hindi dapat ito umudyok sa katahimikan na nagiging hadlang sa tunay na kalayaan. Kailangan nating magising at magsalita laban sa mga paglabag sa ating soberanya. Dapat nating patunayan na ang Pilipinas ay isang bansang may malasakit, tapang, at dangal.
Ang ating pag-aaklas para sa kalayaan ay hindi limitado sa mga makasaysayang talumpati at mga pambansang selebrasyon. Ito ay nakasalalay sa bawat isa sa atin, sa bawat indibidwal na may malasakit at paninindigan para sa kapakanan ng ating bayan. Sa ating paglikha ng tunay na kalayaan, maipapamalas sana natin ang lakas ng ating pagkakaisa at maitataguyod ang isang Pilipinas na may katatagan at kasaganaan para sa lahat ng mamamayan.
Labing-siyam na senador ang bomoto pabor sa Senate Bill No. 2020 o House Bill 6608 o mas kilala sa tawag na “Maharlika Investment Fund Bill” na may adhikaing palaguin ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pag-invest ng pera. May mga bansa na ring sumubok nito katulad ng Sweden, subalit ang pondong kanilang ginagamit sa pag-invest ng sovereign fund ay mula sa kanilang excess capital o mga pondong galing sa sobrang pananalapi ng bansa. Subalit, sa isang third world country tulad ng Pilipinas, isang delikadong pakikipagsapalaran ang ganitong investment gayong hindi naman ganoon kayaman ang bansa at wala man lang itong excess capital.
Ayon sa Oneph, ang Maharlika Investment Fund ay pondong maaaring ilagak sa pamumuhunan o pangangapital mula sa mga Government Financial Institutions (GFI’s). Unang naisaad sa panukala na manggagaling ang pondong P275 bilyon sa major pension funds at government banks, kabilang ang Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippines (Land Bank), Development Bank of the Philippines (DBP), at National Treasury. Ngunit, umani ito ng mga batikos mula sa mga miyembro ng GSIS at SSS, kung kaya’t inalis ang mga institusyong ito sa mga pagkukunan ng pondo at napalitan sa perang aanihin mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas. Magandang dulot sa ekonomiya ang pangunahing layunin ng panukalang ito. Subalit, hindi naman tayo nakasisiguro kung magiging matagumpay ba ang kahihinatnan nito o malalagay lamang sa alanganin ang salaping nauugnay sa nasabing panukala. Samakatuwid, kwestiyonable ang epekto nito kung kaya’t mapanganib ito at nararapat na tigilan ng mga bansang wala namang kakayahang bumangon kung sakali mang
bumulyaso ang investment na ito kagaya ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, talamak na ang kahirapan sa buong bansa na ayon sa pag-aaral ng World Bank ay umabot na sa 17.1% ngayong taon. Hindi rin maitatangging nasa kalagitnaan tayo ng pandemya kung kaya’t mas nagkaroon pa ng matinding krisis ang buong bansa. Kung titingnan natin sa anggulong ito, mas mainam kung magbigay-tuon na lamang ang gobyerno sa usaping ito kaysa sa maglalaan ng pondo sa mga aksiyong wala namang kasiguraduhan ang paglago.
Tama at kapaki-pakinabang man ang layunin ng panukalang ito, hindi naman nararapat na ipagsapalaran ng bansa ang pera ng mamamayan sapagkat may di magandang resulta na ito sa ibang bansa tulad ng Malaysia. Huwag sana tayong sumugal kung iyon nalang ang natitira nating pondo dahil pag lumagpak tayo o magkabululyaso sino ang mananagot? Hindi dapat tayo tumulad sa ibang bansa sapagkat sa aspetong pampolitiko pa lang ay naiiba na tayo sa kanila. Talamak ang korapsyon sa Pilipinas at malaya pang nakagagalaw ang mga buwayang nanunungkulan. Kung kaya’t sa huli, taong bayan pa rin ang kawawa dahil pera lang din naman natin ang masasakripisyo kung sakali mang palpak nga ang kahihinatnan ng investment na ito
Mas mainam kung palalakasin na lamang ang taxation system nito bilang tugon sa usaping nasasangkot ang pagpapalago ng ekonomiya ng bansa. Sa ganitong paraan, masisisigurong maprotektahan ang kaban o pera ng bayan mula sa mga posibilidad na kurapsiyon na walang namang mapaparusahan kung saka-sakali. Huwag nating ipusta sa walang kasiguruhang kita na maaaring magpalubog lalo sa bansa sa pagkakautang at kahirapan. Samakatuwid wala tayong
Nagsisimula na ang implementasyon ng RA 11596 na may layuning matuldukan ang child marriage o pagpapakasal ng mga 18 anyos pababa sa iba’t ibang panig ng bansa. Mahirap paniwalaan ang kapangyarihan ng batas na ito sapagkat kinakalaban nito ang ilang tradisyon ng karamihan sa mga tribo ng bansa na may sariling panuntunan sa pag-iisang dibdib ng kanilang nasasakupan. Ngunit sa kabilang banda may mabuti itong maidulot lalo na sa kabataan.
Ayon sa UNICEF, nasa ika-12 pwesto ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming menor de edad na babaeng ikinakasal sa buong mundo. Sa kabuuan, umabot ang kasong nito sa 726,000 o 1 sa 6 na Pilipina ang ikinakasal bago mag 18 taong gulang. Sa mga pangyayaring ito, masasabing nararapat ang pagpapatupad ng RA 11596 upang matapos na ang child marriage.
Totoong may mga bagay na naipagkait sa mga biktima ng child marriage, tulad ng edukasyon. Ayon kay Rep. Bernadette Herrera, isa sa may akda ng RA 11596, “Edukasyon ang isa sa mga nasasakripisyo sa child marriage sapagkat kapag nabubuntis ang isang babaeng menor de edad, sapilitan itong titigil sa pag-aaral na siyang dahilan ng pagkasira ng kinabukasan nito.” Subalit nasa pamilya na rin kung hayaan nilang kakalawagin ang kaalaman ng mga batang maagang napasabak sa pag-aasawa dahil may mga bata namang naikasal na naipagpatuloy pa rin ang pag-aaral.
Sa kabilang banda, may benepisyong hatid ang RA 11596 lalo na sa proteksiyon ng kabataan, pero para sa akin hindi nito mababago ang kinamulatang tradisyon at pinaniniwalaang tama ng iilang mga etniko tulad ng mga Maranao at Tausog. Halimbawa nito si Aly (hindi niya tunay na pangalan), isang Maranao na mag-aaral sa Lala NHS na sa edad na 14 ay naikasal na. Aniya, “hindi naman daw ito nakaapekto sa kanyang pag-aaral dahil na rin sa suportang dala ng dalawang pamilya na malaki ang respeto at paniniwala sa kanilang mga nakaugaliang tradisyon.”
Sa dokumentong legal ay katanggap-tanggap ang child marriage para sa mga etnikong grupo gaya ng Maranao, Tausog at ng iba pang tribo sa buong bansa. Gaya ng isinasaad sa RA 11054 o mas kilala sa tawag na Bangsamoro Organic Law ang “rights to conserve and develop the culture and traditions” ng mga Bangsamoro People o ng mga rehiyong nabibilang sa grupo ng samahang ito. Kung susuriing maigi , hindi dapat mabaliwala ang mga kinamulatang tradisyon na maaaring parte na rin ng paniniwalang panrelihiyon ng mga nagsasagawa nito.
Samakatuwid, may batas man o wala tanging sapat na edukasyon gaya ng nabanggit ni Malala Yousafai (isang Pakistani na may adbokaisya sa edukasyon) ang makapagpalaya sa lahat ng kabataan. Ang pagsulong at pagpapatatag nito sa lahat ng sulok ng bansa ang magpamulat sa bawat henerasyon na pahalagahan ang dignidad at karapatan ng bawat isa. Ang pagkakaroon ng tamang balanse sa pagpapatupad ng RA 11596 ay mahalaga upang walang tradisyong masagasaan at masigurong maproteksiyunan ang kabataan lalo na sa pag-aaral ng mga biktima.
Numero uno ang Pilipinas sa Southeast Asian Nations sa may pinakamasamang trapiko base sa resulta ng international survey. Naitala rin na pangsiyam ang bansa sa buong mundo. Hindi ito nakapagtataka dahil kahit sa mga lalawigan kapansin pansin ang daloy ng hirap na pag-usad ng mga sasakyan kabilang dito ang barangay Maranding ng Lala, Lanao del Norte na nagmistulang nasa malaking lungsod ang trapiko tuwing umaga’t hapon. Kapansin-pansin ang paglala ang trapiko tuwing rush hour lalo na sa oras ng pasukan. Dahil dito, libolibong indibidwal ang nahuhuli sa kanilang mga gawain at destinasyon kabilang ang mga guro at estudyante ng Lala National High School. Marami ang naiipit sa trapiko sa tapat ng Christ the King College De Maranding dahil halos ginagawa ng parking lot ang kalsada sa mga customer ng katatayo lang na H&E Department Store. Batay sa pahayag ng mga traffic enforcers ng Lala, mahigit 20 aksidente ang naganap sa Maranding Highway sa mga nakaraang buwan dahil sa matinding trapiko. Isa sa nagpalala sa trapiko ang mga traysikad na ayon kay Brgy. Captain Jeoffy Fung ay pinagbawalan ng tumawid sa national road pero paulit-ulit pa rin ang paglabag.
NAKABABAHALA | John Brian Ponesto“ ”
Sa isang third world country tulad ng Pilipinas, isang delikadong pakikipagsapalaran ang ganitong investment gayong hindi naman ganoon kayaman ang bansa at wala man lang itong excess capital.
Kasagsagan pa lamang ng pandemya nang mag-implementa ang Lala National High School na bawal ang pagsusuot ng hindi kaaya-ayang damit gaya ng maikling shorts, sleeveless, ripped jeans, at tsinelas sa loob ng paaralan. Subalit umani ito ng samu’t saring reaksyon, kaya’t dinala ng pamunuan ng Biyaya ang isyu sa paaralan at kinalap ang sentimento ng iilan.
Hindi ako sang-ayon sa dress code policy na iyan dahil para sa akin mas nagiging confident ang isang mag-aaral na naaayon sa kanyang hilig at gusto ang isusuot niya. Mas naipapahayag nila ang kanilang tunay na sarili ng walang iisipin nilabag.
- Dempsey Perez, Grade 7.
Para sa akin, nakadepende na ito sa kanila may demokrasya kasi tayo at malaya ang sinuman sa pagpili ng kanilang susuotin, pero dapat pa ring kaaya-aya ito at di lilihis sa pamantayan ng paaralan.
- Justine Louise, Grade 12
Mahigpit masyado ang dress code policy. Parang isang gusot lang sa pantalon isyu na. Dapat bigyan kalayaan ang mga mag-aaral kung ano ang gustong isusuot.
-Anton de Lima, Grade 10
Magandang panukala ‘yan. Nagbibigay daan ito upang maprotektahan at maayos ang naturang mag-aaral at ang eskwelahan. Mas nagkakaroon din ng pormalidad sa paaralan.
- Desiree Marie Lim, Grade 8
ni KRISTINE ANGELA M. SACLAUSO
Sa kasalukuyan, ang mundo ng teknolohiya at internet ay patuloy na umuusbong at umuunlad. Hindi na natin mabilang kung ilan ang nag-aabang online at nakikipag-ugnayan sa internet upang makipagusap, magtrabaho, maglaro, o magbahagi ng kanilang karanasan at impormasyon. Subalit, tulad ng mundong ating ginagalawan, mayroon ding mga krimen at pang-aabuso na nagaganap sa mundo ng ugnayan.
Sa kalagayang ito, kinakailangang ipairal ang mas mahigpit at malakas pang mga batas na tututol sa hindi makatarungang gawaing cybercrime.
Ang cybercrime ay mga krimeng nagaganap online sa iba’t-ibang plataporma. Kabilang dito ang pagpapakalat ng mali o pekeng balita, pag-atake sa mga website, at paglabag sa ‘Data Privacy’ ng mga indibidwal. Lubos ang epekto nito sa mga biktima kung kaya’t nararapat na ito’y matuldukan at matugunan sa lalong mas madaling panahon.
Sa tala ng Philippine National Police siyam sa bawat 10 na gumagamit ng internet ay biktima cybercrime. Karamihan sa datos na ito ay mga bata kaya mahalagang patatagin ng pamahalaan ang tapat na pagpapairal sa batas kaugnay rito upang mapangalagaan ang 76 milyong Pilipinong gumagamit nito.
Ang “Cybercrime Protection Act of 2012” ay may layuning maprotektahan ang mga indibidwal laban sa mga maling gawain online. Subalit, sa kabila ng umiiral na batas ay nananatili pa rin ang mga naitalang kaso ng cybercrime na nangangailangan ng sapat na atensyon ng pamahalaan. Sa ganitong kalagayan, maiibsan at matutulungan ang mga biktimang walang kalaban-laban.
Sa kabilang banda, mayroong mga kritiko na tumututol sa pagpapalakas sa mga batas ukol sa cybercrime. Nangangamba silang magamit ang batas sa pagkitil ng kanilang kalayaan sa pamamahayag. Samakatuwid, mahalagang ikonsidera ang mga karapatan na posibleng malabag upang ito’y maging patasat hindi maabuso ng mga nagpapatupad.
Ang pagsasaalang-alang sa kalaaan ay isang pagpapahalaga sa karapatan ng bawat indibidwal. Kailangang siguraduhin na hindi magamit ang batas sa pag-aabuso ng mamamayang Pilipino lalo na ang mamamahayag.
Sa kabuuan, mahalaga ang patas ngunit may pangil na batas para sa mga lumalabag ng krimeng cyber. Sa gayon, mapanatili ang balanse sa pagitan ng mga nagpapatupad ng batas at ng kapakanan ng bawat Pilipino na mapangalagaan ang sarili laban sa mga gumagawa sa elektornikong krimen na talamak na nangyari sa bansa sa kasalukuyan.
Labis na namamayagpag sa kasalukuyan ang larong Mobile Legends: Bang Bang na hindi lang kinahumalingan kundi naging dahilan din ng pagkalulong, pagkakasakit, at pagkawala sa katinuan ng marami sa mga kabataang Pilipino. Kung tutuusin, ginawa ito para maging libangan ngunit paano humantong sa masasamang bagay ang paglalaro lamang nito?
Kilala ang ML bilang isang multiplayer online game na maaaring malaro sa mga iOS at Android devices. Unang namayagpag ang larong ito sa Timog-Silangang Asya, lalo na sa Indonesia, Malaysia, Vietnam at Pilipinas, hanggang sa sinakop nito ang iba’t ibang panig ng mundo. Ang dalawang panig ng mga maglalaban ay binubuo ng limang players na may layuning pabagsakin ang tore ng kalaban. Sobrang simple lang ‘di ba pero malubha na ang dinudulot na adiksyon nito sa marami.
Maraming kabataan na sa halip pag-aaral ang inaatupag ay sa ML ginugugol ang oras. Nagdudulot din ito ng kapahamakan sa kalusugan at ang malala pa ay ang pagkitil ng buhay dahil sa stress na nararanasan. Isa na nga rito ang isang Grade 11 student ng Lala National High School na nagpatiwakal matapos ang hinihinalang dahilan na napagsabihan ng mga magulang sa labis na paglalaro.
Isa umano sa mga dahilan ng pagkalulong ng mga manlalaro ay ang ranking feature nito. Ayon kay Mary Joys Mendoza, Counselling and Testing Officer (CTO) maraming kabataan ang nalululong sa paglalaro ng ML dahil ito ay nakakapagbigay ng instant gratification sa kanila. Ito ay isang online game kung saan ang isa sa mga goal ng player ay tumaas ang kanyang ranking kaya mas nahuhumaling silang maglaro nito.”
Bukod sa nakapanlulumong epekto nito sa kalusugang, binabago rin nito ang pag-uugali ng kabataan dahil sa “trash talking” na kulturang nagaganap sa laro. Madalas nangyayari ang
trash talking kapag ang manlalaro ay natalo dahil sa kahinaan ng kanyang kakampi. Marami ang walang ibang magawa kundi ang sumunod at magpaalipin sa bugso ng damdamin at ibunton ang galit sa iba sa masamang paraan. Sa isip ng mga kabataan, normal lang ito na parte ng paglalaro ngunit kailanman hindi dapat ginagawang normal ang pagsasabi ng mga bastos at hindi kaaya-ayang mga salita o.
Hindi rin lang materyal na bagay tulad ng pera ang mawawala mula sa paglalaro nito kundi pati na rin ang mga bagay na mas may mahalaga pa gaya ng relasyon sa mga mahal sa buhay. Isa itong larong makapagpapabulag sa totoong nangyayari sa paligid sapagkat walang ibang laman ang utak kundi ang larong ML.
Habang dumadami ang nahuhumaling sa ML at iba pang online games , mas mainam kung gagawa ang gobyerno ng mga hakbang upang mapigilan ang adiksyon na larong ito. Ayon sa World Health Organization (WHO) nagkarooon ng Gaming Disorder o behavioral addiction ang paglaro online na may masamang epekto sa kakalusugan. Kaya kailangang maintindihan ang bigat ng suliraning ito upang makagawa ng mas mabisang batas na maglilimita sa manlalaro. Maaaring ikonsidera ang pag-ban ng nasabing laro sa mga installation apps dito sa Pilipinas gaya ng ginawa sa India. Nararapat ding gabayan ng mga magulang ang aktibidad ng mga anak online.
Sa huli, nasa bawat indibidwal pa rin ang desisyon kung mas mainam ba na itigil nila ang paglalaro o hahayaan ang sarili na malugmok sa ML. Nawa’y maging responsableng mamamayan ang manlalaro at ilaan ang oras sa pag-aaral at paggawa ng mga makabuluhang bagay. Samakatuwid, huwag hayaang lamunin ang kamalayan sa nakababahalang atraksiyong ito lalo na sa maraming kabataang itinuturing pa namang pag-asa ng bayan na imposibleng mangyari kung nakakulong ang isipan nito sa paglalaro.
Aminin man o hindi mas nakakatipid sa mga magulang ang pagsususot uniporme dahil pwede itong paglaanan ng halaga na isang pagkakataon lang kumpara sa palagiang pagbibili ng damit na susuutin sa bawat pagpasok sa paaralan.
Mark- ado ang kahirapan sa iba’t ibang panig ng bansa kaya sa pagsisimula ng panuruang taong 2022-2023 ay binigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na makapasok sa eskwela ng walang uniporme. Ito ay inilahad ni Bise Presidente at bagong DepEd Secretary Sara Duterte na hindi na sapilitan ang pagsusuot ng mga estudyante ng uniporme sa lahat ng pampublikong paaralan. Ngunit, aminin man o hindi mas nakakatipid sa mga magulang ang pagsususot ng uniporme dahil pwede itong paglaanan ng halaga na isang pagkakataon lang kumpara sa palagiang pagbibili ng damit na susuutin sa bawat pagpasok sa paaralan.
Dati ng umiiral na ang DepEd Order 65, s. 2010 kung saan isinasaad dito na “hindi kailangan magsuot o bumili ng uniporme ang mga mag-aaral sa lahat ng mga pampublikong paaralan.” Ngunit sa mga aktuwal na kalagayan ng mga paaralan ng bansa pagsusuot ng uniporme ang pinakamainam na solusyon upang makilala ang isang estudyante na papasok sa paaralan lalo na sa panahon ngayon na minsan na marami ng mga gang ang naglipana saan mang sulok ng bansa. Bukod sa pagkakakilanlan ang pagsusuot ng uniporme, nagsasanay din ito sa mga mag-aaral sa responsableng
pagsunod sa mga polisiya ng paaralan na magagamit niya kapag siya ay makahanap din ng trabaho. Ito rin ay isang sukatan sa isang mag-aaral na sumunod sa mga alituntunin bilang bahagi ng pagpauunlad ng kasanayan.
Bilang karagdagan, ang pagsusuot ng uniporme ay nagbigay rin ng pagkakataon na makikilala ang mag-aaral kung sakali mang maaksidente ito o di kaayang kaganapan. Ilan ring lugar sa Pilipinas ang nagbibigay ng discount sa mga estudyante sa mga pampublikong sasakyan kung kaya’t kinakailangan talaga ang uniporme kung sakali mang malimutan niya ang kanyang ID upang makilala at mapapatunayang estudyante nga ito. Katunayan, Ayon sa isinagawang sarbey ng Biyaya 78 porsento ng mga mag-aaral ng Lala National High School ang sang-ayon sa pagsusuot ng uniporme, dahil nakakatipid daw sa budget ng magulang at mas madali silang makilala na estudyante kapag nakasuot sila ng uniporme.
Isa ring pag-aaral sa Long Beach, California ang nagpapakita na ang pagsusuot ng uniporme ay nagpapababa ng kaso ng pambubulas sa paaralan ng 36 na porsyento. Ito ay dahil sa pagsusuot ng uniporme ay pantay ang pagtingin ng bawat estudyante sa kanilang kapwa es na nakakakapagbaba sa kaso ng bullying
at “attire discrimination”. Nagpapatunay lamang ito sa kahalagahan at importansiya sa pagsusuot ng uniporme sa paaralan. Mayroon mang kalayaan ang mga estudyante kung ano ang kanilang susuutin subalit hindi ito dapat inaabuso. Ang pagsuot ng tamang damit sa paaralan ay nararapat lalo na ito’y isang pormal na institusyon. Ang pagkatoto ang pangunahing layunin sa pagpasok sa eskwela kaya’t nararapat na maging pormal tayo lalo na sa pananamit na direktang nasisilayan ng bawat indibdwal. Sa kalagayang ito, kinakailangan talagang masiguro ng DepEd na kabutihan ang kahihinatnan ng desisyon nilang ito at hindi nito maitaboy ang respeto ng mga estudyante sa paaralan.
Kung nagawa ng ibang bansa ang libreng uniporme ng kabataan bakit di ito paglaanan ng DepEd upang tunay na makatulong sa mga mahihirap. Ang pagsasagawa nito ay magbibigay daan sa tunay na kahalagahan ng pagtulong sa mga nangangailangan at importansiya sa edukasyon ng maraming kabatang salat sa pantawid ng sikmura sa araw araw. Ito ang mas pinakamainam na gawin lalo na ngayong nahaharap tayo sa napakataas na bilihin na napakahirap tawiran ng marami sa ating mga kababayan.
“
Sa isip ng mga kabataan, normal lang ito na parte ng paglalaro ngunit kailanman hindi naging normal ang pagsasabi ng mga bastos at hindi kaaya-ayang mga salita online.
“Free Education for all.” Napakadaling unawain ngunit mahirap paniwalaan dahil sa reyalidad walang totoong libre. Ito ang katotohanan sa 2 sa bawat 10 kabataan ng Lala NHS na para sa kanila ay kailangan dumiskarte upang may panustos sa eskwela. Pinagsabay ang pagkayod hindi lamang sa pag-unawa ng mga aralin kundi sa pagkita rin ng pera. Estudyanteng nagsusumikap na matugunan ang sariling pangangailangan gamit ang lakas upang matunton ang edukasyong pinapangarap.
Maliit na numero lamang ang mga kabataan ng Lala sa 872,000 edad 5 hanggang 17 na nagtatrabaho sa bansa batay sa datos ng Philippine Statistic Authority (PSA). Karamihan sa mga kabataang ito ay pinaghati ang oras sa pag-aaral at pagtatrabaho. Sa pangkalahatan , kawalan ng pera’t kahirapan ang
HIRAP NG PASLIT: Inilarawan ng gihit na ito ang mapait na kahapon ni Lester bilang tagapag alaga ng kanyang dalawang kapatid ng siya ay limang taong gulang pa lamang. buong tatag.| Larawang kuha ni Kathleen Ocana
Sa batang namulat sa pasakit wala sa materyal na bagay ang ikasisiya kundi pagtanggap ng mga taong nakapaligid sa kanya. Pasan man ang hirap sa murang edad nakatagpo rin siya ng pagmamahal na nagbigay sa kanya ng pag-asa. Subalit sa lalim ng kanyang pinagdaanan hindi maiiwasang lulutang ang hapdi ng kanyang mga lihim na sugat na nangangailangan ng paghilom at tanging mga nakauunawa lamang sa kanyang kalagayan ang makapagbibigay ng tamang lunas.
Di na masukat na mga hikbi at daing ang dinanas ni Lester (hindi tunay na pangalan), 17 taong gulang at kasalukuyang nakatira sa Purok Pomelo, Maranding, Lala, Lanao del Norte mula sa pamilyang kanyang itinatangi noon . Sa kanyang kabataan napagdaanan niya ang iba’t ibang klase ng paghihirap mula sa mga taong dapat sana ay poprotekta sa kanya. Produkto ng hiwalay na mga magulang at ni minsan ay hindi nasilayan ang mukha ng kanyang ama. Kinalakhan ang di makatarungang pagtrato ng ina. Inang dapat sana ang unang umunawa at magparamdam ng wagas na pagmamahal subalit kabaliktaran ang nangyayari dahil mas masahol pa sa hayop ang trato sa sariling anak.
“ Tatlong taong gulang pa lamang ako ng masaksihan ko ang pagkamatay ng natatanging kong yaman _ang aking lola na kaisa-isang taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal pero pumanaw siya sa harapan ko ng dahil sa aking ina,” ani Lester.
Tagpi-tagping Pasakit
Nang mag-asawang muli ang kanyang ina mas lumala ang kanyang sitwasyon . Sa murang edad at sa batang katawan ay natuto na siyang magtrabaho upang kumita. Walang panahon na magpahinga dahil oras na hindi siya mapaguwi ng pera ay suntok at sipa mula sa amain ang aabutin niya. Nangangalakal , naglilinis ng paaralan kapalit ng bente pesos na ibinibigay ng guro sa paaralang nililinisan at paminsan-minsan din ay nag-aalok na maghugas ng pinggan sa mga kainan kapalit ng kunting barya.
“Walang araw na hindi ako napagbuhatan ng kamay. Parang umagahan, pananghalian o hapunan ko na ang mga iyon na tumatama sa kahit anong parte ng aking katawan.
Kahit anong pwede mahawakan ay ihahampas nila sa akin. Limang taon pa ako noon na kailangan kong ingatan na hindi iiyak ang dalawang bunso kong kapatid dahil kapag iiyak siguradong kamay ng kamao ang tatama sa akin. Naaalala ko pa ang pagkakataon pagbukas ko ng pinto nangulisap ang aking paningin sa kamaong tumama sa aking mukha,” naiiyak na pagkukwento ni Lester.
Hindi lang ang kagaya ni Lester ang nakaranas ng pisikal na pang-aabuso. Sa tala ng Council for the Welfare of Children (CWC) aabot sa 9,000 ang mga naitalang pang-aabuso sa taong 2022. Ito’ y patunay na marami sa mga kabataan ang hindi ligtas sa loob at labas ng kanilang pamilya. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa karapatan ang tanging magliligtas sa sinumang nakaranas nito at pagtulong ng mga nakasaksi upang hindi ito magkaroon ng masamang epekto sa mga nakaranas nito.
Ayon kay Erik Erickson’s sa kanyang Stages of Psychological Development napakaselang yugto ng bata ay nasa edad 1 hanggang 5 taong gulang. Ito iyong mga taon kung saan naranasan ni Lester ang masalimuot na tagpo ng kanyang buhay. Kaya maswerteng maituring ang pagsagip sa kanya ng mag-asawa na nagmula sa Lanao del Norte.
Kanang mag-adtuan mi’g (Paminsan minsan pumupunta kami) Zamboanga del Sur and I saw a boy having very hard life with a muslim step father and the sister of his step father asked me to bring Lester in our place because his step father was always beat him so we bring here in Maranding and we will help him for his future even he is not our relatives but we are willing to help him and we treated him as our son,” pagbabahagi ni Gng. Maria Lourdes I. Suazo, guardian ni Lester.
Ang pagbabago sa mundong ginagalawang ni Lester ay nagdulot ng positibong pagbabago sa kanyang buhay. Makikita man ang mga peklat ng sugat sa kanyang katawan subalit naroon ang pag-asa na magtagumpay sa pag-aaral upang matulungan niya ang kanyang mga bunsong kapatid na nakaranas din ng kanyang dinanas.
Ayon kay G. Alito de Los Santos, Guidance Counselor ng LNHS, dapat maproseso ang pinagdaanan ni Lester dahil kahit sabihing maayos na ang kanyang kalagayan ngayon sa pamilyang kumukupkop sa kanya ay kailangan pa rin niyang paunti unting mailabas ang kanyang mga pinagdaanan upang tuluyan itong mahilom. Ang pagbahagi ng kanyang naramdaman ay isang proseso upang mailabas ang kanyang mga hinanakit. Upang lubos itong matugunan
Walang panahon na magpahinga dahil oras na hindi makauwi ng pera ay suntok at sipa mula sa amain ang aabutin niya.
nagkaroon siya ng mga sesyon ng counselling sa Guidance incharge ng paaralan. Inaasahang ang pagbukas niya sa kanyang malalim sa sugat ay tuluyang magpalaya sa kanya sa mapait na kahapon at maging daan sa mas maaliwalas na hinaharap. Maraming beses mang napagod at minsan ay nakaisip na wakasan ang lahat ng paghihirap ngunit nagpapasalamat si Lester dahil sa tuwing gagawin niya ito ay parang may pumipigil sa kaniya. Tila sinasabing huwag siyang bibitaw dahil darating ang araw na makakalaya din siya mula sa kulungang pumipigil sa kaniya na maging masaya. Kaya’t labis ang pasasalamat ni Lester sa mag-asawang tumulong sa kaniya. Kung hindi dahil sa mga ito ay malamang hindi pa din matatapos ang pananakit at pagdurusa niya. Sa kabila rin ng mga nakakubling sugat na dala ng pananakit at mapait na karanasan ay positibo siyang darating ang panahon na lubos na maging masaya ang kanyang buhay kasama ng kanyang mga kapatid. Hindi siya bibitaw at kailanama’y di magpatinag, bagkos ay itinuring niya ang mga balakid bilang motibasyon upang magpatuloy at magtagumpay sa buhay.
Sa henerasyon ng ‘internet era’ at itinuturing ng ‘Gen Z’ ng mga kabataan ngayon marami ang sumusukat sa pagmamahal ng kanilang mga magulang sa pagbibigay ng kanilang mga gusto lalo na sa gadyets pero para kay Lester hindi sa materyal na bagay ang makapagbigay sa kanya ng kasiyahan kundi tunay na pagmamahal. Nakatagpo man siya nito mula sa mga taong kumupkop sa kanya subalit pag-ahon pa rin sa kanyang mapait na kahapon ang tangi niyang hangad upang siya’y tuluyang mabuo. At naniniwala siya na sa paunti-unting pagbabahagi nito sa mga taong kanyang pinagkatiwalaan ay tuluyang mahilom ang kanyang mapait na kahapon.
karaniwang dahilan ng child labor kung saan sinikap ng mga kabataan na makakita ng trabaho upang masolusyunan ang pangangailangan ng pamilya, may magagamit sa pagpasok at iba pang pangangailangan sa eskwela. Labag man ito sa batas pero parang tanggap na rin ng lipunan kaysa mamumulubi at walang mailalaman sa sikmura ang mga nakaranas ng ganitong kalagayan. Mabigat man ang ginagampanan ng mga kabataang maagang napasok sa paggawa ngunit sa ibang sitwasyon maituring silang pag-asa ng kanilang pamilya. Ang pagtatrabaho ay parte sa pagtupad ng kanilang pangarap na kahit hati man ang oras ay wala ito sa kanila basta’t maipagpatuloy ang pag-aaral. Sila ang ibang ‘side’ ng 21st century’s o ng Generation Z na naging kahati’t parte na ng kanilang oras ang lakas sa paggawa upang makaahon sa hirap at
Makapagtapos sa pag-aaral ang ginawang motibasyon ng batang kargador upang makaahon sa hirap.
Madalas mang nadapa sa bigat na pinapasan at napuputikan man ang katawan sa tinatahak na daan hindi sinusukuan ang mga hamon sa buhay. At sa tuwing manghihina parang nakikita rin niya ang liwanag katulad ng mga talsik ng tingga tuwing siya’y nasa pagawaan ng nagdedesinyo ng bakal. Sa mga hindi bihasa sa kanyang nakasanayan,ito’y napakahirap na gawain ng isang nagbibinata.
Si Kent Dumacino, 17 taong gulang, Grade 10, ay isa sa mga kabataang napasabak sa paghahanapbuhay sa murang edad.
Labintatlong taong gulang palang ay nasanay na sa pagbubuhat ng sako sako palay , pagaararo sa maputik na sakahan gamit ang ‘mudboat’ at pagsa-sideline rin sa pagawaan ng nagdedesinyo ng bakal. Ito na ang kanyang trabaho sa mahigit apat na taon. Trabahong minsa’y nagpabagsak sa kanya subalit patuloy na lumalaban.
Ang mga kargador o tagabuhat ng mga sako-sakong palay ay isa sa pinagkikitaan ng ilan sa mga mag-aaral ng Lala NHS tuwing may anihan. Madali lamang itong trabaho dahil wala ng requirements na kakailangan kahit nga wala sa tamang edad ay pwede rito. Ang mahalaga’y malakas dahil hindi bababa sa 50 kilos ang bubuhating sako ng palay, minsan pa nga ay umaabot ng 80-kilos, mas mabigat pa sa timbang ng nagbubuhat.
“Mahirap ang trabaho namin kasi pwede kaming maparalyze dahil sa ulan at init na pilit naming hinarap magampanan lang ang aming trabaho. Gayundin kapag ako ay nag-mudboat kasama ang aking kapatid sa paghahanda ng taniman ng palay ay sinasagupa namin ang init at ulan matapos lang ang nakatakdang gawain.” ani Kent.
Isa lang si Kent sa milyon milyon biktima ng child labor na nakikipagsapalaran sa mahirap ng gawain sa kabila ng pagiging bata upang makatulong sa kanyang pamilya. Gustuhin man niyang mamuhay katulad ng mga normal na kabataan pero nanghihinayang rin siya sa kanyang kinikitang 500 daang piso kada araw kaya kahit mahirap ay pilit siyang umabante para may maibigay sa ina at makabili rin ng damit at baon sa eskwela.
HILING: Ang maging sundalo ang pinapangarap ng batang si Jemier, 13 taong gulang, na lumaki kasama ng kanyang ina sa pagpipitas ng mga kalamansi bilang panguhing hanapbuhay ng pamilya. | Larawang Kuha ni Frenz Dwight Eya
“Pagsusumikapan ko talagang makatapos sa pag-aaral o maging inhenyero dahil napakahirap na maging tagaararo lang at kargador. Naranasan ko talaga ang hirap lalo kapag magsacking kami sa tanghaling tapat parang pinapatay iyong katawan ko, minsan nilalagnat ako kapag sa kalagitnaan ng tirik ng araw ay biglang bubuhos ang napakalakas na ulan,” dagdag ni Kent.
Sa kasalukuyan tuwing Sabado’t Linggo ginagampanan ni Kent ang kanyang trabaho dahil pinagpursigihan niya ang kanyang edukasyon upang makamit ang ninanasa.
“Gusto ko talagang makatapos ng pagaaral upang makaahon ako sa napakahirap na gawain ng pagiging kargador,” muling pagbabahai ni Kent.
Ayon sa UNICEF Executive Director Henrietta Fore, napakahirap sugpuain ang “child labor” lalo na’t walang mapagpipilian ang mga magulang kundi hayaang magtrabaho ang kanilang anak. Sa kaso ni Kent na walang amang sumusuporta sa kanila, gayon nalang ang kanyang pagsusumikap kahit nangangalyo na ang kamay sa kabubuhat ng mabibigat na sako sakong palay pero wala ito sa kanya makatulong lang sa mahal na ina.
“Dile man igo akong kita (Kulang ang ang aking kita) bilang tagamintina sa palayan, kaya hindi ko rin mapigilan si Kent nga motabang ug pangita gaya ng pagiging kargador upang makabili rin siya ng mga gusto gaya ng damit na hindi ko maibigay sa kanya,”pagbabahagi ni Gng. Roselyn Dumacino, ina ni Kent.
Mabigat man ang pinapasan o maputik man ang tinatahak na daan, ito’y malalagpasan kung nakatuon lage sa pangarap. Katulad ng mga talsik ng tingga sa pagawaan ng bakal na pinagtatrabahuan ni Kent nagkaroon din ng munting liwanag ang kanyang buhay. Lakas at katatagan ang kanyang ipinuhunan upang makaahon sa putik at gagaan ang bigat na kanyang pinapasan na di malayong maabot dahil nananalig siyang bawat hamon ay may nakaabang na magandang bukas kung pagsusumikapan abutin.
Nakaramdam man ng pagod ay pilit na ginampanan ang pagtulong sa ina lalo na ngayong lahat ay tumataas na ang presyo ng mga bilihin dahil sa implasyon.
Maasim man pang kinalakhang mundo, sisikaping patamisin sa hinaharap ng isang Grade 7 Open High School (OHSP) ang kanyang bukas. Ito ang pangako ng isang paslit na sa murang edad ay nakikibaka na sa mapanghamong agos ng buhay. Simberde ng kanyang pinipitas na kalamansi sa araw araw ang yaman ng positibong pananaw sa buhay.
Si Jemier Gabino, 13 taong gulang, na nakatira sa Rebe, Lala, Lanao del Norte ay namulat sa pamumuhay ng pamimitas ng mga kalamansi. Sa murang edad, halatang sanay siya sa daloy ng buhay na tibay at lakas ang puhunan.Nakaramdam man ng pagod lalo na kung marami ang kanilang pipitasin pero maaaninag pa rin sa kanyang mukha ang natural nitong awra at pagiging masigasig na bata.
“Gamay pa ko kuyog na ko ni mama para mamupo ug lemonsito, usahay makapupo mig 180 kilos basta ingon ana kadaghan mokita mi 800 pesos,”( Maliit pa ako kasama na ako ni ni mama sa pamimitas ng kalamansi, minsan kapag madami ang aming mapipitas na aabot sa 180 kilos sa isang araw ay kikita kami ng 800 pesos) wika ni Jemeir.
Isa si Jemeir sa dalawa sa bawat 10 kabataan ng LNHS na pinagsabay ang pagaaral at paghahanapbuhay makatulong lang sa pamilya. Nakasaad man sa RA 7610 ang proteksiyon sa mga kabataan laban sa pangaabuso, eksploytasyon at deskrimisnasyon gayundin ang mga karapatang makapag-aral, makapaglaro at mabigyan ng sapat na tirahan subalit hindi ito ang reyalidad sa buhay ni Jemier na dahil sa kahirapan ay hindi mapipigil na kumayod para makatulong at makakian ang pamilya.
“Gusto kong maging sundalo pagdating ng araw. Mao nga antos ra ko ug motabang ko ni mama (Kaya magtitiis at tulungan ko ang aking ina). Hindi man ako makapasok sa paaralan tuwing Lunes hanggang Biyernes dahil namimitas ako ng kalamansi at minsan din ay nagbabantay ng aking bunsong kapatid pero sisiguraduhin kong may matutunan ako,” dagdag na pagkukwento ni Jemier. Nag-aaral si Jemeir sa Open High School Program (OHSP) ng LNHS. Panganay sa apat na magkakapatid. Tanging pamimitas ng kalamansi ang kanilang ikinabubuhay simula ng iniwan sila ng ama. Nakaramdam man ng pagod ay pilit na ginampanan ang pagtulong sa ina lalo na ngayong lahat ay tumataas na ang presyo ng mga bilihin dahil sa inplasyon. Gustuhin man niyang makapagaral sa regular na klase ay hindi niya magawa dahil sa awa rin niya sa kanyang ina.
”Isa lang si Jemier sa 547, 000 nagtatrabaho edad 5 hanggang 17 taong gulang base sa pinakabagong survey ng Philippine Statistic Authority (PSA). Kahirapan ang pangunahing sanhi ng pagbabanat buto ng mga kabataan sa murang edad upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya. May programa ang pamahalaan sa mga mahihirap gaya ng 4P’s pero hindi sakop nito ang pamilya ni Jemier. “Wala mi sa bahay adtong nagsurvey ang tagaDSWD mao nga wala mi naapil sa lista , pero basin sunod maapil nami kay nag-eskwela naman pod ko( Wala kami sa aming bahay ng magsurvey ang tagaDSWD kaya hindi kami nailista, pero baka sa susunod ay maisali na kami dahil nagaaral din naman ako,” pagkukwento pa ni Jemier.
Maituring mang naabuso ang karapatan ni Jemeir bilang batang manggagawa pero ito ang reyalidad sa karamihan ng mga batang mahihirap sa kasalukuyan. Hindi nila inalintana ang pagod sa pagsuong sa maaasim na takbo ng buhay makaahon lang sa kahirapan. Naranasan man ang mapait na yugto na babad sa init ng araw ay hindi siya kakakitaan ng pagmamaktol bagkus ay maaninag ang kasiyahan at pagkakaroon ng positibong pananaw buhay.
“
Hayaan mong lakbayin ang dulo ng mga tanawing abot ng iyong paningin hanggang sa marating ng iyong mga paa ang maunlad na probinsiya ng Lanao del Norte. Lugar na nagkakaisa sa kabila ng samo’t saring kultura’t paniniwala. Sa pamumuno ng dalawang pinagisang dibdib na sina Congressman
Abdullah D. Dimaporo, mula sa tribong Maranao at Gobernor
Imelda “Angging” Quibranza
Dimaporo Kristiyano, nakamit ang kasaganahan at kapatiran ng mga mamamayan ng LDN.
Malayo na ang naabot na progreso ng probinsiya mula sa simpleng pamumuhay hanggang sa lumago at naging sentro ng komersiyo at maunlad na probinsiya. Bukod sa kalakalan hindi rin maitangging umunlad at nagsulputan ang mga panturismo tanawin sa lugar na dinarayo ng mga mahilig sa kalikasan. Subalit katulad ng buhay ang pag-unlad ay may tilamsik ng magandang kwento na dapat maramdama’t masilayan at kubakubang kaganapang dapat pakinggan ng magkabilang mukha ng karanasan mababakas sa kasikas (nilikhang ingay) ng Lanao.
NAIISTORBO: Dala ng pag-unlad nasasakripisyo ang pagkatoto ng mga mag-aaral ng Lala National Higj School sa ingay na naidulot ng generator simula ng magbukas ang H@A
Siyentimento ng mga Kabataang Nawalan ng Katamihikan sa Ingay ng Kaunlaran ni PRINCESS NICOLE PEREZ
TALON NG KASAGA-
NAHAN: Sa bulubunduking bahagi ng Mahayahay, Lala, Lanao del Norte matatagpuan ang talon na hindi pa gaanong natutuklasan ng mga mamamayan ng LDN. Larawang kuha ni Gng. Ofelia P. Balingit.
Dati ay bayong lang ang alam ng mga Subanen subalit ng maipakita ko sa kanila ang mga desinyo ng habi ng uway (yantok) ay nagawa nila ito at iyon ang ginagamit ko sa resort.
Paano nakatutulong ang isang guro ng LDN na turuan ng pagpapahalaga sa kalikasan at paunlarin ang hanapbuhay ng tribong Subanen.
Sa ritmo ng mga MARITES ang ganda ng paksa’y nalalasap ng tainga subalit sa mga mahilig sa ganda ng kalikasan nasasagip ng paningin ang mga nakatagong terapiya ng kalusugan _ pag-asa, pagkagiliw, kapayapaan at kaginhawaan. Ito’y mararanasan sa isang lugar na nagsusulong ng “sustainable tourism” na matatagpuan sa itinuturing na nakatagong Paraiso ng Lanao del Norte.
Mula sa pagsusumikap at pagtutulungan ng tribung Subanen at mga tao sa komunidad dinarayo ang hinangaang Siete Paradise Resort, na nasa tuktok na bahagi ng Mahayahay, Kapatagan, Lanao del Norte. Ito’y pagmamay-ari ng isa sa mga tagapagturo ng LDN na si Gng. Ofelia P. Balingit guro ng Placida Miquiabas National High School.
May malaparaisong ganda ang resort na nakatutulong ng malaki sa mga Subanen lalo na sa panahon ng pandemya. Lugar na binuo taong 2020 upang magsilbing pahingahan ng mga nababagot noon sa kaliwa’t kanan mga lockdown lalo na sa mga mahilig sa tahimik at mapayapang kapaligiran na patuloy na pinaganda at mas lalo pang pagandahin para sa mga bibisita.
“Iba iba ang pag-uugali ng mga guest kaya dapat creative, innovative ug updated lage sa mga new attractions upang may dahilan na babalik sa lugar dahil may something new lage,” pagbabahagi ni Gng. Balingit.
Kahit hindi Subanen kinilala si Gng Ofelia bilang Pangulo ng Rattan Handicraft Subanen Association (RHSA) dahil sa kanyang naiambag na hanapbuhay at kaalaman sa mga ito gaya ng paggawa ng mga produkto mula sa “uway”(yantok/rattan) na hinabi ng mga katutubo. “Dati ay bayong lang ang alam ng mga Subanen subalit ng maipakita ko sa kanila ang mga desinyo ng habi ng uway (yantok) ay nagawa nila
MAKAKALIKASAN: Sa tuktok ng bundok matatagpuan ang Siete Paradise Resort na isa sa itinatanging sustainable tourism ng Lanao del Norte, nabuksan ito sa publiko taong 2020 sa kasagsagan ng pandemya na nakatulong sa pamumuhay ng mga Subanen na nakatira sa lugar. | Larawang kuha ni Gng. Ofelia P. Balingit.
Tila dagundong ng napakalakas na rumagasang tubig ang nagpakirot sa tainga ng bawat estudyante.
ito at iyon ang ginagamit ko sa resort na dini-display ko bilang souveinir para sa mga bisitang nais bumili,” dagdag ni Gng Balingit.
Sa panahon ng pandemya kumita ang resort ng mahigit 300,000 peso sa isang buwan na nakatutulong sa ilang mga Subanen na siyang naging tauhan sa resort. Kahit marami ng nagbukas na mga aliwan sa kasalukuyan sa lungsod ng Kapatagan at sa karatig bayan nagpapasalamat pa rin si Gng. Ofelia dahil kumita pa rin ang resort na nagbunsod sa kanya na mas pagandahin pa ang lugar lalo pa’t may mga katutubong umaasa sa kanya.
“ Nakatabang jud ang resort para sa akoa (Nakatulong ang resort para sa akin) dahil bilang Subanen mahirapan kaming maghanap ng trabaho lalo na hindi ako nakatapos ng pag-aaral mao nga dire ko( kaya dito ako) nagdepende sa aking income kung wala itong resort wala din akong trabaho,” pagkukuwento ni G. Robert Seno, 22 taong gulang, manggagawa ng resort.
Ang mga Subanen sa lugar ay mga katutubong nanggaling sa bulubunduking bahagi ng Misamis Occidental, Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte na nasanay magsaka sa mga lupaing hindi pa nangangailangan ng pataba o hindi pa naaabot ng teknolohiya at natagpuan nila ito sa malawak na bulubunduking bahagi ng Mahayahay, Kapatagan.
Ang Siete Paradise Resort ang naging daan din upang makilala at maturuan ang mga Subanen sa pagpapahalaga sa mga hayop na nabubuhay sa kalikasan gaya ng pagpreserba sa mga tarsier at unggoy na noo’y kinakain nila.
“Isang beses dinalhan nila ako ng tarsier na kinakain daw nila sa bukid kaya sinabi ko sa kanila na bawal itong kainin at huwag nila itong patayin o galawin,” pagsasalaysay pa ni Gng. Balingit.
Isang sustainable tourism ang Siete Paradise Resort na unang sasalubong sa iyong paningin ang mga kagubatang nakapaligid nito na maging terapiya sa kalusugan na magbigay ng pag-asa, pagkagiliw, kapayapaan at kaginhawan ng kalooban. Kakaibang pakiramdam rin ng saya ang iyong mararamdaman sa pagtatampisaw sa magaganda nitong mala-Indonesia inspired na swimming pool na magpapawi sa init at naalinsangang katawan. Higit sa lahat sa likod ng paraisong ito masasagip ng iyong paningin ang pag-asa ng mga kabataang nangangarap ng magandang bukas.
Katuparan ng pangarap ang pagkakaroon ng mga pagbabago sa isang komunidad. Gaya ng Maranding, Lala, Lanao del Norte na patuloy ang pag-usbong at maituring na pinakamaunlad na barangay sa buong probinsiya. Subalit ang mga pag-unlad na ito ay may dala ring purwesyo sa mga kabataang nagnanais na mapaunlad ang karunungan. Nawalan sila ng kapayaan at katiwasayan sa araw araw dala ng maingay na paligid na unang bubungad sa kanila pagpasok sa mga silid -aralan.
Ang ingay ng generator na dala ng itinayong H & A Shopping Center ang nagpapahirap sa mga mag-aaral. Ang kinaroroonan nito ay pitong metro lang ang layo sa apat na palapag na may 24 na klasrum ng LNHS kaya sa araw araw na talakayan ay naging hadlang ito sa mga guro at mag-aaral dahil sa dala nitong ingay na sumakop sa mga klasrum. Ang noo’y tuwa at pananabik sa pagbubukas ng nasabing establisiyemento ay napapalitan ng pagkaligalig dahil sa purwesiyong dulot nito sa mga mag-aaral.
Tila dagundong ng napakalakas na rumagasang tubig ang nagpakirot sa tainga ng bawat estudyante. “Distructive talaga, hindi namin marinig ang aming guro kahit nilakasan na nito ang boses, sana masolusyunan ito, dahil pati kalusugan namin ay naaapektuhan na rin, may ilan na inuubo na rin dahil sa amoy ng usok,” pagbabahagi ni Bb. Patricia Sevilla, mag-aaral ng Grade 10.
Malinaw na disturbo sa publiko ang naturang ingay at nalabag nito ang Presidential Decree No. 1152 seksiyon 6, na nagsasaad ng limitasyon ng ingay upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko lalo na’t kabataan ang naaapektuhan. Ayon sa World Health Organization (WHO)ang labis na ingay ay maituring na polusyon na nakapagdulot ng pagod at sakit sa mga nakaranas nito at ito ang madalas na nararamdaman ng mga kabataang buong araw na nabababad sa ingay.
Kamakailan nailathala ang problemang ito sa Budyong Mindanao na umani ng reaksiyon ng mga magulang at mag-aaral kaya nito lang January 15, 2023 nagpunta sa paaralan ang mga representante ng H&A Shopping Center at humiling ng pang-unawa at despensa dahil sa nalikhang ingay at disturbo ng kanilang generator set. Subalit patuloy ang katanungan ng mag-aaral kung hanggang kailan titiisin ang naturang problemang kinakaharap nila sa araw araw.
Problema sa mataas na bayarin ang itinuring na dahilan ng pagkaantala sa koneksiyon ng kuryente sa nasabing establisiyemento . Kaya umaasa ang mga naapektuhan na maresolba at mahanapan sana ng paaraan ng mga kinauukulan ang problema upang hindi na makagambala pa sa mga mag-aaral na hangad ang magkaroon ng mapayapang kapaligiran upang ang mga aralin ay lubos na matutunan. Ayon nga sa kantang asin, hindi naman masama ang pag-unlad kung hindi makakasira ng kalikasan o kaalaman ng mga umaasang kabataan.
Hindi sapat ang pakiusap lang ng mga namumuno ng establisiyemento upang mapayapa ang kalooban ng mga nangangarap matoto. Di mabilang na hinagpis na ng kapayapayaan sana sa paligid ang binitawan ng mga batang nagsusumikap na marinig ang kaalamang ibinahagi ng kanilang guro. Hangga’t patuloy na dumadagundong ang ingay ng generator patuloy na mawalan ng katahimikan ang mga kabataang gustong umabante ang karunungan. Kaya sana’y marinig ng mga kinauukulan ang hinaing at sigaw ng kabataan at mabigyan ng kalunasan ng mga nanunungkulan ang daing ng mga kabataan.
DISKARTE: Kumita si Gng. Junah Gleece Suico, MT-I , ng Lala NHS, ng mahigit 1, 000.00 peso sa bawat paglive-selling o pag post ng kanyang mga produkto online, na nakatutulong ng malaki sa pangangailangan ng kanyang pamilya. | Larawang kuha mula sa facebook ni Gng. Suico.
Paano diniskartehan ng ilang mga guro ang mababang sahod upang magkaroon ng dagdag na kita
Nakaramdam man ng pagod ngunit hindi ito maaaninag sa mukha kapag inumpisahan na ang pagrampa sa mga karunungang nais maibahagi sa mga kabataan. Subalit hindi lang pagtuturo ang ginagampanan ng ilang mga kaguruan upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya. Ang mababang pasahod ng kaguruan ang nag-udyok sa kanila na rumaraket upang madagdagan ang buwanang kita.
Bukod sa pagtitinda ng iba’t ibang kakanin, ang pagonline selling ay isa sa mga diskarte ng ilang mga kaguruan upang maisapat ang badget sa gastusin ng pamilya. Sila itong tinatawag na “guro sa umaga, online seller sa gabi.”
Mula sa buong araw na pagtuturo sa paaralan, aarugain muna ang mga supling pagdating ng bahay saka ihahanda ang sarili sa pag-live selling. .
Si Gng. Junah Suico, MT-I, ng Lala National High School, ay kabilang sa mga gurong hataw sa kanyang paglive selling kahit pagod sa buong araw na pagtuturo. Marami na rin siyang followers sa kanyang Glecees Closet kung saan ang mga items nito ay patok sa lahat ng genre ng kanyang “miners”.
“Purpose nako kay to earn, and to have fun while selling,” pagbabahagi ni Junah.
Sa mahigit 200 mga guro ng Lala NHS hindi lang si Gng. Suico ang nag-live selling kundi marami pang iba. Sadya ngang nakahihikayat sa mga guro ang humanap ng dagdag na mapagkakakitaan dahil sa taas ng mga bilihin at mababang pasahod ng mga ito. Katunayan, sa ulat ng Teacherstayo.com, pang-anim ang Pilipinas sa may pinakababang sahod sa lahat ng mga bansa sa South East Asian Nation (ASEAN) na may mahigit 27,000 peso kada buwan na tiyak na hindi sasapat lalo na kung ito lang ang inaasahang kita ng pamilya. Kaya napapanahon ang kahilingan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa pamahalaan na itaas ang “entry-level” ng mga guro sa salary G15 o katumbas ng 33,000 pesos upang kahit papano madagdagan ang buwanang kita na malabo namang mangyari dahil hanggang sa ngayon ay nakabinbin pa rin sa kongreso ang House BillNo 4070 na inihain ni Quezon Ciry Rep. Patrick Michael Vargas na naglalayong itaas ang buwanang sahod ng mga guro.
Ayon sa survey n Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na isinasagawa nina Jose Ramon G. Albert, et al. 25 porsento ng mga nag-liveselling ay mga nagtatrabaho, na karamihan ay mga edukado. Ito ay ginagawa upang maisapat ang kita sa tumataas ng bilihin at pangangailangan sa araw araw.
Nagsimula si Gng . Suico sa pag-live selling, noong April 2022 nang magkaroon siya pagnanasa sa damit na susuutin ng bagong silang na anak. Ang isang bundle noon na pambata lang ay lumago hanggang dumarami ang kanyang mga miners na nagbigay inspirasyon sa kanya na ipagpatuloy ang nasimulan . Sa bawat live selling kumikita ng mahigit isang libong pesos si Gng. Suico. Dagdag niya “kung gusto ka ana then go for it, but don’t forget to manage your time.”
Kahit guro ka pa sa umaga, at magulang kinahapunan ay makahanap ka pa rin ng mapagkikitaan kung nanaisin. Pera paraan at rampahan lang ng produkto upang makamtan ang buhay na inasam.
ni PRINCESS NICOLE PEREZ
Masakit mang mabiktima ng kawalang awang pananamantala sa kahinaan ng isang bata, pero buong pusong ipinaramdam ng isang batang ina sa kaniyang tatlong taong gulang na anak ang pagmamahal sa kabila ng mapait nitong karanasan.
Si Aisel (hindi tunay na pangalan) na taga Purok 5-B , Abaga , Lala, Lanao del Norte at kasalukuyang nag-aaral sa ikatlong baitang ng Lala NHS at pumapasan ng responsibilidad ng pagiging batang ina. Para sa kanya hindi ito madali ngunit pilit niya itong tinanggap upang maipagpatuloy ang buhay. Pagod man sa araw-araw sinikap niyang magampanan ang kanyang tungkulin sa pag-aalaga ng kanyang tatlong taong gulang na anak. Sa edad na 12 ay napasabak na sa hirap ng buhay ng pagiging ina na itinuring niyang isang pagsubok na noong una’y gusto niyang sukuan. Mapait na karanasan ang nagdala sa kanya sa ganitong kalagayan pero sa kabila ng lahat ipinaramdam niya ang pagmamahal sa anak.
“Walang kinalaman ang bata sa ginawa ng kanyang ama,” wika ni Aisel. Ito ang katagang binitawan ng ngayo’y 15 taong gulang na batang ina na pinagsamantalahan ng hindi niya kilalang lalaki.
Sa tala ng Department of Social Welfare and Development nito lang Oktubre 2022, 70% ng mga kababaihang biktima ng panggagahasa ay mga kabataan edad 10-18, at 20% ang nasa edad 6 pataas. Sa kabila ng anti-rape law noong 1997 patuloy parin ang pagtaas ng panggagahasa sa mga kabataan.
Ayon kay G. Nestor H. Patalinghog, Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) ng Lala, may mga reports silang natanggap hinggil sa pag-aabuso sa mga kabataan pero hindi naituloy ang kaso dahil rin sa kakulangan ng kooperasyon ng mga biktima at may mga kaso ring hindi naipaabot sa kanila sa kadahilanang pinili na lamang manahimik ng mga biktima.
Isa si Aisel sa mga biktimang nanahimik na lang sa halip na ipagbigay alam sa mga awtoridad ang nangyari dahil na rin sa hindi niya namumukhaan ang lalaki kaya’t ipinauubaya na lamang niya sa Diyos ang sinapit.
Sa kasalukuyan, doble kayod si Aisel para sa kanyang pagaaral at paghahanap ng mapagkikitaan. May batas naman sana na nagbigay ng proteksiyon sa kababaihan gaya ng RA 11861 ni Senator Riza Honteveros na tinatawag na solo parent act of 2000, na nagpapahalaga sa karapatan ng mga solong magulang na mabigyan ng proteksiyon at makatanggap ng cash incentives subsidy na 1,000 kada buwan pero sa kaso ni Aisel hindi pa niya ito nasubukan. Kaya upang makaraos sa pang-araw -araw binabalanse niya ang kanyang oras sa pag-aaral, pagtatrabaho, at pag-aalaga dahilan kung bakit may mga pagkakataon lumiban siya sa klase.
“(Sisikapin kong makapagtapos ng pag-aaral dahil ito lamang ang kaya kong ipagmalaki sa aking anak sa mga darating na panahon. Gusto ko na habang lumalaki siya ay makita niyang hindi ako sumusuko sa mga hamo ng buhay at magsisikap ako para sa kinabukasan naming dalawa. Diyos na rin ang bahala sa lalaking minsan nang sumira sa aking pangarap. Bukod sa aking pamilya, galit ako sa sinumang lalaking lumalapit sa akin. Ayaw kong malapitan nila,“ dagdag na pahayag ni Aisel.
Ang pagharap sa buhay ng pagiging batang ina ay hindi madali. Ito ay isang napakabigat na responsibilidad lalo na sa isang katulad ni Aisel. na musmos palang at wala pang kaalam
ni PRINCESS NICOLE PEREZ
“Kung sa bawat hakbang mo’y natatakot ka, hayaan mo ako ang magsisilbing iyong mga mata sa mundong hindi mo nakikita. Gawin mo akong kumpas upang maramdaman mo ang liwanag sa pagtahak ng iyong minimithing pangarap. Ito ang pangako ni Gng. Hernicisa
C. Omileg, 37 taong gulang at kasalukuyang nakatira sa Prk. 3 San Manuel, Lala, Lanao del Norte.
Mayroong sampung anak si Hernicisa, ngunit sa hindi inaasahan ay magkasunod na pumanaw ang dalawa niyang supling na labis na nagdulot sa kanya ng lungkot dahilan kung bakit hinaing ng isa pang anak ay hindi niya napagtuunan ng pansin. Nasa ikalawang baitang pa lamang noon si Alsher pang-apat na anak ni Herniciasa ng magsimulang sumakit at manlabo ang kaniyang paningin. Idinaing nitong nahihirapan siyang basahin ang nakasulat sa pisara kaya’t agad silang nagpa-check up sa isang doktor ng Baroy, Lala, Lanao del Norte at nalamang mayroon palang Cataract o Katarata si Alsher.
Cataract o Katarata ang tawag sa isa sa mga karaniwang kondisyon na umaapekto sa mata, dahil ito sa mga namumuong maputi na tagpi sa ating mga iris na nagpapalabo sa paningin. Maaari itong resulta ng sobrang katandaan, aksidente, o maaari ding namamana. Sa kalagayan ni Alsher hindi natukoy ang sanhi pero maaaring namana niya ito sa kaniyang lola.
“Dako kaayo ang akong pagbasol sa nahitabo sa akong anak, Nakonsensiya tungod kay wala dayon nako
alam sa buhay ng isang nanay. Ngunit sa kabila ng lahat ng nagyari sa kanyang buhay siya ay positibo na sa dulo ay makamtan ang magandang bukas. Sa huli para kay Aisel, masakit mang mabiktima ng pananamantala, pero hindi niya susukuan ang pangarap para sa kanyang anak na ayon pa kanya walang kasalanan at sa musmus niyang balikat aarugain niya ito at mahalain ng lubos.
Sisikapin kong makapagtapos ng pag-aaral dahil ito lamang ang kaya kong ipagmalaki sa aking anak sa mga darating na panahon.
MAAGANG RESPONSIBILIDAD: Ang pagiging ina sa murang edad ay hindi madali lalo na sa kabataang napasabak nito dahil pang-aabusong naranasan na walang magawa kundi pilit na harapin ito ng buong tatag.| Larawang kuha ni Frenz Dwight Eya
siya natambalan tungod pod sa kawad on ug nahitabo na noon nga dili na siya kakita,” (Malaki talaga ang aking pagsisi at akoy nakonsensiya dahil matagal ko siyang naipagamot dahil rin sa kawalan hanggang dumating ang punto na tuluyan na siyang hindi nakakita at maturing na isang Persons with Disability (PWD),” pagkukwento ni Gng. Hernicisa. Labis ang kanyang pagsisisi, aniya kung may sapat na pera lamang sila ay tiyak may pag-asang makakakita pa si Alsher. Ngunit dahil sa hirap ng buhay ay hindi niya naipagpatuloy ang gamutan ni Alsher. Sapat lang ang kinikita ng kanyang asawa na nagtatrabaho sa konstruksiyon para sa pang-araw araw na pangangailangan. Miyembro man sila ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4p’s ay hindi pa rin nito kayang tustusan ang mga gamot na kailangang inumin ni Alsher sa araw - araw. Subalit sa kabila ng kalagayan ni Alsher ay pursigido itong mag-aral.
“Mas alam pa ni Alsher ang mga leksiyon kumpara sa kaklase niya na kompleto ang paningin, pursigido talaga siyang matuto,” ani Gng. Jorenda Decierdo, tagapayo ni Alsher.
Susupurtahan ko ang aking anak sa pamamagitan ng pagsama sa kanya sa klase tuwing Sabado upang magsilbing mata niya sa bawat talakayang ng guro nito. Ngayon ay nasa ikalawang baitang na si Alsher at kasalukuyang nag-aaral sa Lala National High School bilang isang Open High School Student.
Hindi kayang sukatin ng kahit na anong bagay ang pagmamahal at pagpapasalamat ni Alsher para sa kaniyang ina. Ito ang naging mata niya sa mundong hindi niya nakikita,
“Paparating na naman ang mga ESTETIK, mahiya naman kami sa aming O-O-T-D (Outfit of the Day).”
Iyan ang madalas nating naririnig ngayon sa mga kabataan. Aesthetic o mas nauuso ngayon sa katawagang ‘estetik’. Ito ang tawag sa mga estudyanteng maganda o maporma kung manamit. Jejemon o Jologs naman kapag sabihin na nating hindi kagandahan kung pumorma. Madalas pa itong pag-awayan ng mga estudyante sapagkat papuri man ito sa nakararami , ngunit insulto naman para sa iba.
Ito ang nangyari ng ipatupad ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang ‘no uniform policy’. Hindi na ‘required’ ang pagsusuot ng uniporme sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas. Kaya’t ang nangyari’y dagsa ang iba’t ibang estilo ng pananamit ng bawat papasok sa eskwela.
Binigyang-lalim ng mga kabataan ang sariling ekspresiyon pagdating sa pananamit kung saan kadalasan ito ay mga high waist na pantalon, malalaking tshirts, polo,
turtle neck na mga jacket, at crop tops o mas kilala bilang kinulang sa telang damit.
Sa basbas ng Kalihim ng DepEd naging malaya ang mga mag-aaral sa pagsuot ng naayon sa gusto sa pagpasok sa eskwela upang hindi na gumastos ng pera ang mga magulang sa pagbili ng uniporme. “Mabuti ang pagpapatupad ng “no uniform policy dahil nakatititpid ako,” ani Gng. Teresita Realado, magulang. May mga magulang na mayroong S at Grade 7 kaya nagpapasalamat ang mga ito na ngayong school year ay hindi required ang pagsusuot ng uniporme.
Ngunit para sa 78 porsentong mga mag-aaral ng LNHS sa isinasagawang sarbey ng Biyaya, mas gastos kapag walang uniform sa kadahilanang kailangan nilang bumili ng maraming damit at pantalon para may bagong masuot pagpasok sa eskwela..
“Para sa akin hindi okay ang walang uniporme at mas magastos at nakakapagod maghanap ng suutin, ang dami ring labahan, ” pagbabahagi ni Chloe Velarde, Grade 11STEM. Aniya mas maganda at malinis tingnan kung naka uniporme lahat ng estudyante.
Hindi bali ng walang maupuan bastat kaalamang kinakailangan ay siya pa ring makakamtan.
Sa pagsisimula ng full blast face-to-face classes nagmistulang may pagdiriwang ang paligid ng Lala National High School dahil sa dami ng estudyante na halos umabot ng mahigit kumulang 6,000. Nagsiksikan man subalit kitang kita sa mukha ng bawat isa ang saya.
Isa si Ivan Miguel Lumbab, labing-apat na taong gulang, isang mag-aaral ng Lala National High School na maagang pumunta ng paaralan sa unang araw ng full blast face to face classes para lamang makakuha ng upuan dahil alam nyang kulang ang upuan ng bawat classroom. Sila ay 63 estudyante sa loob ng kanilang silid.
“Exciting and nervous kay after two years nag full blast na, before nag set a and b karon na full di pa ko comfortable kay daghan na kaayo mi then dili kayo mi kaigo sa classroom kay daghan mi then kulang ang bangko,” salaysay ni
Ivan.
Pinaghandaan talaga ni Ivan ang full blast face to face classes kaya ayon pa sa kanya ay nagdala na siya ng baon na ang snack para hindi na siya bababa sa canteen dahil baka raw pagbalik niya iba na ang nakaupo sa kanyang upuan.
“Mosayo gyud ko para makalingkod (Maaga akong pumasok para may maupuan) kay first come first serve man mi sa amo tungod sa kakulangan ng upuan,” dagdag pa niya.
Sikap para sa bukas, patuloy pa rin si Ivan na nag-aral dahil alam niyang ang kaniyang mga pagsisikap ay mapupunta sa ikabubuti niya.
“Though kahit ganito ang situation, mag-aaral pa rin ako para sa aking future at pangarap, because it is for our own good na moeskwela,” sabi pa ni Ivan.
Gaano pa man ka siksik ang kinaroroonan, ito parin ay tatahakin, dahil lahat na ito ay bubunga ng siksik na pag-asa para sa kinabukasan.
Mahigpit man ang pamunuan ng LNHS kaugnay sa tamang pananamit hindi parin maiiwasan na may mga mag-aaral na pumasok sa eskwela na masyado ng expose ang katawan gaya ng pagsusuot ng sobrang ikling crop tops, botas botas na pantalon o ripped jeans na hindi na kaaya ayang tingnan sa mga lugar kagaya ng paaaralan. Ang wala sa lugar na pananamit ay naging simula ng mga pabalintuna o sarcasm na pagpapakahulugan sa estetik. “Noon ang easthetic na salita ay ginamit upang magcompliment na maganda, pero sa ngayon kay gi overused at para sa akin ay nakakainsulto na ” wika ni Joshiah Cuaton, Grade 11-STEM. Aniya tuwa ang nararamdaman niya noon kapag sinasabihan siyang aesthetic kung manamit, subalit habang tumatagal na tila aesthetic na ang tawag ng lahat kahit pantulog lang naman ang suot ay insulto na ito para sa kaniya.
Hindi naman mahalaga kung gaano pa kaganda o kaestetik ang suot mo sa paaralan. May sarili ngang kalayaan ang sinumang ibagay ang kanyang sarili sa mga O-O-T-D na gusto niya , ika nga ito ay “self expression” ng isang indibidwal. Subalit kahit papaano gawin itong akma sa lugar
Pilit na itinatago ngunit katotohana’y pansin na ang pagbabago sa kanilang sarili subalit, ayaw nilang pangalanan, sa kadahilanang may takot na nararamdaman sa kung ano ang masasabi ng karamihan. Kaya’t sarili’y piniling magkanlong at hintaying bumukas ang pinto ng kulungan. Ito ang madalas na nararamdaman ng mga taong itinago ang tunay na kasarian sa mapanghusgang lipunan.
Si Jebron Reyes (hindi tunay na pangalan), labing limang taong gulang, magaaral sa Lala National High School mula pa pagkabata ay kilala na ang sarili bilang lalaking may pusong mamon. Bata pa lang ay pansin na ang kakaibang kilos kumpara sa kabataang kasabayan niyang lumaki. Hindi mga robot at baril ang nilalaro kundi doll house at barbeng papel ang nakahiligan. Nahihirapan man kung saan ilugar ang sarili ngunit pilit na tinatagan ang sarili sa mapanghusgang mata ng nakararami.
Ngunit huwag panghinaan ng loob dahil ang SOGIESC Equality Act o Sexual Orientation, Gender Identity and Expression, and Sex Characteristics na naglalayong protektahan ang mga LGBTQIA+ laban sa diskriminasyon ay aprobado na sa senado sa pangunguna ni Senator Risa Hontiveros noong December 6, 2022.
“ Tawagin man nila akong bakla, salot, walang patutunguhan ang buhay, nakakadiri dahil pumapatol sa kapwa lalake, makasalanan- wala akong pakialam dahil alam ko naman sa sarili kong hindi ako ganoong klaseng tao. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit ganon nalang kasama ang tingin nila sa amin, tao din naman kami at may nararamdaman “ wika ni Jebron. At ngayon may batas na para sa amin nawa’y di na namin mararanasan ang deskriminasyon.
Ngayon kaibigan, ikaw man ay dehado at diskriminasyon man ang inabot mo, huwag mag-alala dahil may batas na upang protektahan ka at dinggin ang karapatan mong tanggapin ka anuman ang iyong itsura sa loob at labas na anyo. Hindi mo na kailangang magtago sa dilim dahil darating din ang araw na makakalaya ka na sa kulungang pumipigil sa iyo at magiging masaya.
Sa basbas ng Kalihim ng DepEd naging malaya ang mga mag-aaral sa pagsuot ng naayon sa gusto sa pagpasok sa eskwela upang hindi na gumastos ng pera ang mga magulang sa pagbili ng uniporme
Ang kapansanang pisikal ay minsa’y di namamana kundi dala ng karamdamang hindi kaagad naagapan. Pagkakaroon ng malubhang lagnat ang simula ng lahat hanggang sa nakasanayang paglakad lakad at pagtayo ay hindi na magawa.
Ito ang naranasan ni Shawn Kyle Mijares, 11 taong gulang Grade 7 ng Lala National High School, at nakatira sa barangay Maranding, Lala, Lanao del Norte. Siya ay isa sa mga batang may pisikal na kapansanan dulot ng isang sakit na tinatawag na Guillian-Barre Syndrome . Ito ang biglang nagpabago ng nakasanayang paglakad simula ng umatake ito sa kanya. Walong taon pa lamang si Shawn ng siya ay tamaan ng nasabing sakit.
Ngunit sa kabila ng kanyang karamdaman ay hindi nagpatalo si Shawn, patuloy siyang nagsusumikap para sa kanyang pangarap. “Mabait na bata itong si Shawn, participative sa klase, may mga pagkakataon lang na lumiliban siya dahil sa kanyang sakit,” pagbabahagi ni Gng. Regine Y. Bulac, tagapayo ni Shawn.
Ang Guillain-Barré (Ghee-YAN Bah-RAY) syndrome (GBS) ay nangyayari kapag ang sariling immune system ng isang tao ay nakakapinsala sa mga ugat ng kanilang katawan. Ang pinsalang ito ay nagdudulot ng panghihina ng kalamnan at kung minsan ay paralisis. Kasama sa mga unang sintomas ng GBS ang panghihina at pangingilig. Karaniwang unang nararamdaman ng mga taong may GBS ang mga sintomas na ito sa magkabilang binti. Maaaring tumaas ang kahinaan hanggang sa hindi na magamit ng mga natatamaan ang sariling lakas ng mga paa. Sa malalang kaso, maaaring maparalisa ang mga napektuhan nito.
“Dati naka-wheelchair ako dahil walang lakas ang aking paa at ng makatayo na ako , ginamit ko itong chutches ,” wika ni Shawn.
Ayon sa pag-aaral ng World Healh Organization isa sa mga dahilan ng Guillain-Barré Syndrome ang bacterial infection. Madalas maramdaman ng mga biktima ang kahinaan sa katawan at panginginig na karaniwang nagsisimula sa mga paa at kakalat sa mga balikat at mukha. Pwedeng maparalisa nito ang leeg, braso at mukha kapag malubhang tatamaan o maging permenenteng Person with Disability o PWD kaya ingatan lage ang kalusugan upang makaiwas sa ganitong karamdaman.
GUILLAIN-BARRÉ SYNDROME Sakit na inaakalang isang simpleng lagnat lang ngunit kapag napabayaan ay naging isang sakit na ikakamatay ng isang tao.Larawan Kuha ni Frenz Dwight Eya
Opisyal na Pamahayagang PampaaralanPangkomunidad ng LALA NATIONAL HIGH SCHOOL
Dibisyon ng Lanao del Norte | Tomo III Bilang I
Sa dami ng karamdaman hindi rin mabibilang ang pag-usbong ng klase klaseng gamot na panlunas sa anumang sakit. Ang karamihan nito ay mabibili “over-the-counter” gaya ng paracetamol. Sa preskripsiyon ng gamot na ito ay karaniwang ginagamit sa lagnat at pampapawi ng pananakit sa katawan. Mabibili ito sa kahit saang maliliit na tindahan ng walang kahiraphirap.
Habang ang karamihan ay umaasa sa bisang hatid ng Paracetamol, hindi maiiwasang may posibilidad itong maabuso ng ilan. Gaya nalang ng paggamit nito ng isa sa mag-aaral ng Lala National High School ng wala sa preskrispiyon kapag nakaramdam siya ng stress o anxiety sa kanyang mga karanasan sa klase. Sa tatlong pagkakataon naiinom niya ito ng sobra na nagdulot ng masamang epekto sa kanyang pangangatawan.
Ayon kay Diane L. Neri (Hindi tunay na pangalan), 17 taong gulang, Grade 10, ang paracetamol ay ginagamit niya bilang ‘coping mechanism’ sa kanyang mga nararamdamang stress o anxiety. Makailang beses ring naiinom niya ito ng labis sa preskrpsiyon kaya nagdulot ito ng masamang epekto sa kanyang pangangatawan.
“Tatlong beses na akong uminom ng paracetamol ng wala sa preskripsiyon ng doctor. Tatlong piraso ang naiinom ko sa una at ikalawang pagkakataon na ang epekto ay panginginig ng aking katawan at pananakit ng ulo gayundin sa bahagi ng aking kidney. Subalit ang pangyayaring iyon ay muli kong ginawa sa pangatlong pagkakataon sa mataas na doses. Apat ang ininom ko ng sabay ng hindi ko makontrol ang aking anxiety at dito naranasan ko ang masamang epekto. Bumagsak ang aking pakiramdam habang ako’y nasa klase kasabay ng hindi ko magagalaw na binti para akong naparalyze, nanginginig ang aking kalamnan kasabay ng pagsakit ng aking ulo, sumuka ako ng todo bagay na nakakatulong sa akin upang hindi maging mas malala ang epekto ng paracetamol sa aking kalusugan,” pagkukwento ni Diane. Sa paglalarawan ng lookformedical.com, ang paracetamol ay maaaring nakahanda bilang tableta, nangunguyang tableta, kapsula, likido na nakabote, pulbos na tinitimpla (oral suspension), gamot na pinapasok sa puwit (rectal suppository), o kaya ay itinuturok. Karaniwang preskripsiyon ng mga manggagamot rito ay iinumin ng 1 to 2 tableta o 500 to 1000 mg sa bawat apat na oras hanggang 6 hours na nakabase sa timbang at edad ng isang pasyente. Ngunit marami sa mga umiinom nito ang hindi alam ang tamang paggamit ng gamot lalo na sa mga hindi komukunsulta sa mga doctor o medical expert. Ang
Matamis. Maalat. Masarap. Binabalik-balikan dahil ang ilang ulit na kagat ay hindi na naging sapat kasi kapag naumpisahan mahirap nang pigilan kahit bawat kagat ay lumalason sa iniingatang kalusugan.
Kasabay ng pagsulpot ng mga patok na milk tea shop sa Maranding, Lala, Lanao del Norte ay nasasabayan din ito ng mga nagkalat na mga maalat na chips, crackers at ng iba pang matatamis na kakainin o inumin tulad ng frappé, candy, halo-halo, cakes, icecream at mga colas. na alam nating may sangkap na labis asin at asukal subalit kinahuhumalingan dahil sa kakaibang sarap na naidulot nito.
Si Shan Nicolie N. Gumilao, 22 taong gulang, dating mag-aaral ng Lala NHS ay isa sa nahuhumaling sa pagkain ng chips, at pag-inom ng matatamis na drinks at milk tea ng siya’y nasa huling dalawang taon ng sekundarya, ay kasalukuya’y nahaharap sa dalawang sesyong dialysis kada linggo.
Ayon sa kanyang ama na si G. Avelino Gumilao, Security Guard ng LNHS taong 2016 hanggang 2017, nakagawian ni Shan ang pagkain ng mga chips na may panulak na mismo cola drink halos araw araw bilang bahagi ng kanyang pananghalian.
Nang magsimula si Shan sa kolehiyo taong 2018 nadiskubreng tumaas ang level ng kanyang creatinine
na nasa 2.5 kaya binigyan siya ng gamot sa doctor subalit dahil sa pandemya hindi niya naituloy ang gamutan. Nang siyang muling nasuri ay nasa kritikal na ang kanyang kalagayan na umabot na sa 12.5 ang level ng pagtaas ng kanyang creatinine kaya isinugod siya sa iba’t ibang hospital upang malapatan ng gamot at maisagawa ang paunang sesyon ng pagdialysis.
Ayon sa National Kidney Foundation ang pagtaas ng dugo o high blood pressure at diabetes ang dalawang sanhi ng pagkasira ng mga kidneys. Idinagdag din ni Dr. Willie Ong , na nakukuha ang mga sakit sa kidney sa sobrang pagkain ng protina, matatamis , dark colored softdrinks, instant noodles, processed food (hotdog, bacon, ham), junk foods at salty chips, dried salty fish, canned goods na may mataas na asin, alcohol at painkillers medicine.
“Nang magkolehiyo si Shan, madalas din siyang nakakain ng mga cantoons dahil iyon ang madaling lutuin gayundin ang pag-inom ng matatamis gaya ng milk teas,” dagdag na pagkukwento ni G. Avelino Gumilao. May
na pagkonsumo ng kinakain natin ng hindi natin nalalaman. Karamihan sa asukal na ating nakain ay nakakubli sa mga prosesong pagkain na karaniwan ay hindi naman matatamis ngunit may added o free sugar. Tinatayang 74% ng mga pagkain sa pamilihan ay may nakalagay na asukal kaya naman ang pag-iwas nito ay naging pahirapan.
Ang table sugar o sucrose na dinagdag sa karamihang pagkain ay binubuo ng molecules ng glucose at fructose kung saan ang glucose ang nagbibigay enerhiya sa ating utak at kalamnan habang ang fructose ay naiimbak sa ating atay na kapag sumobra naman ay tiyak na nakasasama sa kalusugan. Habang ang asukal ay nagbibigay enerhiya sa ating katawan, ang tamang antas ng tamis nito o bliss point ay nakaaadik gaya ng nicotine at cocaine kung kaya kahit dapat tama na, mahirap pigilan ang sarili na kumain ng higit pa – dahilan bakit ang adiksyon sa asukal ay naging epidemya.
Kahit binalaan na ang publiko tungkol sa epekto ng sobrang asukal at maalat na pagkain sa katawan, sadyang nakakatakam at hindi pa rin maiwasan ng karamihan ang pagkain ng sobra sa kailangan kahit unti-unti ng nalalason ang katawan. Ito ang pandaigdigang suliranin na umusbong kasabay ng makabagong teknolohiya kaya maging maingat tayo sa epekto dahil ang naranasan ni Shan at ng marami pa ay maaaring mangyari din sa atin kapag tayo ay walang pakundangan sa ating mga gusto at nakagawiang pamumuhay. Ito rin ang pandaigdigang suliranin kaya kontrolin ang sarili sa mga nakakatakam na pagkain na magdudulot ng masama sa kalusugan. Samakatuwid, pigilan ang sarili dahil ang ilang ulit na kagat ay maaaring magbunga ng masama sa katawan.
Nakalulunod, nakatatakot, tila ba nakasalalay rito ang hininga ng bawat isa na kapag hindi nahagilap ay nakapanghihina. Hindi ito parte ng ating katawan subalit tila naging sentro na ng ating buhay. Sa panahon ngayon, mga tao’y tila hindi na makaahon mula sa adiksiyon ng social media. Kahit saan mo pa ibaling ang iyong mga mata, ‘cellphone’ ang laging hawak saan man maroroon at magpunta. Mapa-bata, matatanda, walang pinipiling edad. Lahat ay mayroong pagkakataon na gumamit basta’t alam lang ang pasikot-sikot sa internet. Subalit sa lahat ng magagandang dulot nito sa atin ay may kaakibat itong hindi magandang epekto. Adiksiyon, kakulangan kapag hindi mo ito mahawakan kaya kahit oras na sa pamilya sana ilalaan ay di nagampanan. Magbibingi-bingihan ka ba nalang sa katotohanan?
Sinasala ng isip ang anumang nasasagap natin maging ito ay di kapani-paniwala. Ayon sa datos ng Philstar.com 86% ng mga Pinoy ay nakikitang problema ang “fake news”. Bukod sa pagkalito, nagdudulot ito ng pagkabagabag o labis na kalungkutan na minsa’y humantong sa depresyon. Katunayan 2 sa 10 mag-aaral ng Lala National High School ang nakakaranas ng masamang komento na nagdudulot sa kanila ng depresiyon.
WALANG KATAPUSANG ADIKSYON. Ang pagkahumaling sa social media ay hindi matakas-takasan bunga ng manipulasyon sa maituring na algritmo nito. | Likhang grapiks ni Jeofeth Duhaylungsod
Hawak ng ating kamay ang magiging buhay ng iba. Nakadepende sa ating kamay ang magiging komento natin sa iba sa loob ng social media. Ang ating mga kamay ang siyang salik ng mga paninibugho ng isang tao sa kaniyang mga nakikita. Nagsisilbing galamay ng social media ang mga algoritmo ng teknolohiya. Ito ang paraang lubusang nagtutulak sa ating gumawa ng mga masasamang bagay sa social media.
Ang labis na pagbabad sa gadyet ay nagdulot ng kakulangan sa pagtulog at nagpalala sa sagupang mental ng katawan. Sa sobrang dami ng pinoprsoseo ng utak hindi makaligtaan eepekto sa
Tanaw dito ang lahat ng kabutihan at kamalian. Sa mata, nakikita natin kung gaano ka perpekto ang mga posts sa social media at ito ang dumidikta sa atin na pilitin ang ating mga sarili na maging perpekto. Ang snapchat dysmorphia ay isang kondisyon kung saan ang tao ay tuluyan nang nahuhumaling sa filter upang magmukhang maganda sa paningin ng iba. Ang teknolohiya ay tila ba mayroong mga mata na pinagmamasdan tayo sa lahat ng ating mga kilos na kailanman wala tayong takas.
Bukambibig natin ang salitang ‘’ maganda kalang naman dahil sa filter sa internet’’. O, mga salitang di kaaya-aya sa paningin ng iba. Sa bibig natin lumalabas ang lahat ng ating mga saloobin na tila ba ito ang komokontrola sa atin. Nakaatang sa ating bibig ang mga masasamang salitang ibinababato natin sa ating kapwa, maging ang mga disinformation naikakalat natin gamit ang social media.
Kadalasan naging padalos dalos tayo sa ating mga emosyon at ginawang sumbungan ang social medya. Ibinandera natin kung ano ang ating naramdaman na minsan ay di kaaya-aya kaya umani ng nakakasakit na komento. Masyado tayong nahumaling sa algoritmo ng social medya dahilan kung bakit ang mga hilig at gusto natin ay i-feed-in sa atin at hindi natin namalayan na unti unti na pala tayong kinokontrola at dahil dito nawawalan tayo ng oras sa pamilya dahil sa adiksiyon sa social media.
Ang pagkahumaling sa mga gadydet ang pangunahing rason ng maraming karamdaman sa kasalukuyan. Labis ang sagupaang mental kung saan utak ang pangunahing kasangkapan. Bawat pindot, galaw ng kamay ay may koordinasiyon sa utak na siyang nagproseso ng lahat.
sa pag-aaral ang pinakamadalas na problema sa mata bata man o matanda ang apektado nito sa buong mundo.
Sa kabilang banda, bukod sa pagkasira ng paningin ay nagdudulot din ito ng epekto sa rgulasyon ng pagtulog. Ayon kay Dr. Ranjay Chakraborty, optometrist at lead reasearcher ang disruption sa circadian rythyms ay nakakaapekto sa pagtulog ng tao. Ang circadian rythym or circadian cycle ay isang natural na proseso na nagregulalte ng sleep-wake cycle na nauulit sa bawat pagkalipas ng 24 oras. Kung ito ay wala na sa natural nitong cycle nagdudulot ito ng pagkabalisa na nakakaapekto sa mental at physical health ng isang tao. Isa sa mga kontributor na sanhi nito ang sobrang
Ayon sa website ng sleep foundation, ang pagtulog ay kailangan upang gumana ang ating isipan. Patunay ito na nalilimitahan ang normal na aktibidad ng utak kapag puyat.
Kaya madalas nangyari na kahit bata pa ay naging makalimutin at hindi nagawa ng tama ang mga gawain. Naroon din ang pagkaranas ng sobrang stressed na nagbubunga ng hindi magandang resulta sa taong nakaramdam.
Ang normal na tulog ay makatulong upang makabuo ng serotonin ang katawan. Ito ay isang precurser hormone ng melatonin na
may mahalagang papel sa pagwawasto ng circadian rythyms. Samantala ang pagbuo ng melatonin mula sa serotonin ay naisagawa sa gabi dahil ang kadiliman ang makapagbabago sa sangkap nito. May kakayahan ang melatonin na pabagalin ang proseso ng pagtanda ng katawan, pasiglahin ang immune system at gawing normal ang pamumuo ng dugo.
Dagdag pa, napakahalaga ang pagtulog upang magampanan ng mga cellula ng katawan na makabuo ng mga hormone na serotonin at melatonin. Ang palagiang pagpupuyat ay nagresulta sa pagkabara ng proseso nito dahilan kung bakit hindi na nagawa ng katawan ang tamang tungkulin. Sa ganitong pagkakataon ay naranasan ang iba’t ibang karamdamang iniinda ang isang tao dulot ng palagiang pagkapuyat.
Samakatuwid, ang labis na pagbabad sa gadyet ay nagdulot ng kakulangan sa pagtulog at nagpalala sa sagupang mental ng katawan. Sa sobrang dami ng pinoprsoseo ng utak hindi makaligtaan eepekto sa katawan. Nagkaroon ng di mawari’y karamdamang na nagdulot ng pagkabalisa, pagkalimutin at purwesyo sa araw araw ng gawain. Kaya upang makaiwas sa ganitong mga komplikasyon ng katawan mas maiiging sanayin ang sarili sa tamang pagtulog upang maiwasan ang mapanganib na epekto nito sa katawan.
ni KRISTINE ANGELA SACLAUSO
WAG IPASA ANG
DUSA. Kung patuloy ang pagpapabaya ng tao sa planeta, di malayong mangyari na ang mga susunod na henerasyong ang magdudusa. | Larawang kuha mula sa Wikipedia Commons.
3276
katao kada taon ang namamatay mula sa pagkalunod dito sa Pilipinas
10-14
taong gulang ang marami sa mga biktima
Bato-bato sa langit, ang matamaan huwag magalit.
Literal na literal ang kasabihan sa kasalukuyang kalagayan ng ating kapaligiran. Singlakas na ng bato ang ulan na bumubulusok at sintigas ng sementadong daan ang mga lupang tuyong-tuyo. Kaliwa’t kanang mga pagbaha ang nagpagupo ng karamihan.
Malapit na maging walong bilyon ang populasyon ng tao sa buong mundo at habang tayo’y uligaga sa pag-uuri kung boomer, millennial o Gen Z ba ang sarili_ walang-wala ito kung kalikasan na’y mamumuro. Dahil gaya ng domino, kapag natumba ang isa, damay ang lahat. Kapag babagsak ang planeta, wala tayong takas. Sabi nga ng Amnesty International Secretary, madaling ipagsawalangbahala ang planeta hanggang sa makikita na ang epekto nito sa tao: kagutuman, kalunoslunos na mga kalamidad, kawalang-trabaho, sakit, at kamatayan. Masyadong ng sira ang mundo. Hindi na mahuhulaan kung ano ang maging panahon dahil sa kalagitnaan ng tirik ng araw biglang bubuhos ang napakalakas na ulan. Init ng panahon ay parang masusunog ang buong katawan. Bukod pa, nakapagtataka din, na may mga hayop na dati lang ay nabubuhay sa karagatan ngunit ngayon ay nasa sakahan.
“Iba na talaga ang panahon ngayon, kasi sa pagkakaalam ko ang mga “igod” (igat) ay nasa karagatan lang subalit nakapagtataka dahil may nakikita kaming mga igat sa aming
palayan. Malayo naman kami sa karagatan. June 2022 napansin namin ang mga igat at dumami sa kasalukuyan na namumuwersiyo sa mga magsasaka dahil binubutasan nila ang mga pilapil kaya nagdulot ng pagkabawas ng tubig sa palayan,” pagkukwento ni Gng. Chonalyn D. Perez, asawa ng magsasaka.
Ayon sa pag-aaral nina Hilaire Drouineau, et al, ang mga freshwater eels ay simbolo ng epekto sa pagbabago ng panahon o climate change na nagpapataas sa pagkawala ng kanilang “habitat” kaya naaa-adapt nito ang mga lugar na mas ligtas sa polusyon. Kaya hindi na ikapgtatakang darating ang panahon na mas dadami pa ang mga hayop na makikita sa mga lugar na hindi naman tirahan ng mga ito.
Hindi na maipagtataka kung sino ang may kagagawan sa lahat ng ating pinagdusahan sa kasalukuyan. Kasi bukod sa mga hayop na wala na sa kanilang habitat nabubulabog na tayo sa mga unos na di natin inakalang mangyari sa kasalukuyan. Ito na nga ba ang hustisyang ipinapataw ng kalikasan? Bagyo, baha, lindol o mga tornidong nagsibagsakan? Hindi na kailangan magturuan tayo kung sino ang may kagagawan nitong dapat magbayad dahil malinaw na tayo ang may pananagutan. Kahit na sabihing kasalanan ito ng mga gumagawa ng palstik at illegal loggers, sino ba ang gumagamit? Kahit sabihing malalaking industriya na nagpapalabas ng maduming usok ang problema, sino ba ang nakikinabang sa kanilang produkto? Sinasabi ng mga siyentista na 97% ng pantaong aktibidad nagpapalala at nagbunsod na mangyayari ang hatol ng hustisya ng kalikasan (climate justice).
Kaya kung nabahala tayo ngayon kapag umitim na ang mga ulap huwag matakot kundi maging handa dahil kagagawan natin ang lahat. Kasi nga, matagal na tayong pinapatamaan sa magiging kahihinatnan ng ating pagsasawalang-bahala sa kalikasan. Magalit tayo sa ating sarili na hinayaang mangyari ito. Huwag kang maging kasing-tigas ng bato na ayaw umako. Kung natamaan ka na, panahon na para maging bahagi ng pagbabago. Gawin ito ngayon na. Huwag kakapit sa ugaling mamaya na at saka na kikilos kung andiyan na. Makibahagi sa adbokasiya sa pagpapahalaga sa mundo, upang ganda nito’y masilayan at madama pa ng susunod na henerasyon.
Pagsalba ng buhay ang pangunahing layunin ng mga programang pangkalikasan sa Pilipinas maging ng buong mundo. Ito’y pinaigting dahil lubha ng nanganganib ang kalagayan ng Inang kalikasan at hindi na nababalanse nito ang ating ecosystem at atmospera ng mundo. Dahil dito puspusan ang paghikayat sa nakararami na magkaroon ng adbokasiya sa pagtatanim ng mga puno upang manumbalik ang ganda ng inang kalikasan at maiwasan ang mga kalamidad at pagkasawi ng buhay.
Tinugunan ng tatlong Senior Girl Scouts ng Lala National High School na sina Trisha Bandiala, Kryze Bandiala, at Del Lanticse ang panawagan ng mga eksperto sa pagsalba ng ating mundo. Sa resulta ng survey kanilang isinasagawa, napagalamang nanganganib sa malalang pagbaha o maging ng storm surge ang mga lugar na malapit sa dagat gaya ng Panguil Bay, partikular na ang Bayan ng Raw an, Lala, Lanao del Norte. Kaya upang proteksiyon ang komunidad ay isinasagawa ang proyekto ng pagtatanim na bakhaw o bakawan sa lugar.
Ang proyekto ng mga mag-aaral ay lubos na kapakipakinabang sa mga tao lalo na kadalasan sa hanapbuhay rito ay pangingisda at higit sa lahat nakatutulong ito sa aquaculture ng lugar.
Ayon kay Gng. Florida B. Paglinawan, MT-I, isa sa tagapayo ng tatlong GSP Senior, ang bakhaw o bakawan ay mga tropikal na species ng halaman na sagana sa intertidal zones. Malaki ang kontribusyon ng halamang ito sa aquaculture dahil nagsisilbi itong breeding ground ng mga aquatic organism, pinipigilan nito ang pagguho sa ilalim ng mga anyong tubig, at isang breaker ng bug waves na nagpoprotekta sa dalampasigan. Hindi lamang iyon, ang mga halaman ding ito ay maaari gamitin bilang alternatibong panggatong at tabla.
Kasama ang Bise Governor ng Lanao del Norte Gng. Cristy Atay, at Dr. Pablo B. Nisnisan, punungguro ng Lala NHS isinakatuparan ng grupo ang proyekto, at kinunsulta ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Plaridel, Misamis Occidental, upang makabili ng 3,000 seedlings at maturuang sa mga proseso ng pagtatanim ng mga bakhaw o mangroves trees ng masigurong mabuhay ito sa bagong habitat
ni KRISTINE ANGELA SACLAUSO
Ang pagsalba ng buhay ang pinakapangunahing layunin ng sinuman, kaya manigurong magkaroon ng sapat na kaalaman sa galaw ng karagatan.
Nagbabala ang mga eksperto na mag-ingat sa mga malalaking alon sa dagat kung saan maaaring mabuo ang isang Rip current. Sinasabing isa itong malakas na alon na humahampas sa mga baybayin pabalik sa karagatan o di kaya’y sa lawa. Ito’y maaaring may lawak na 45 meters (150 na talampakan), 9 meters (30 talampakan) ang taas at kadalasang galaw nito ay 8 kilometro (5 milyas) bawat oras.
Napapanahon ang babalang ito sapagkat maraming pamilya ang pumupunta sa dagat kapag may ipinagdiriwang na okasyon. Sa katunayan, isang mag-aaral ng Lala National High School, na miyembro ng blue hawks ang namatay ng tinangka nitong tulungan ang grupo ng mga naliligo na hinahampas ng malaking alon sa karagatan ng Pikalawag, SND, Lanao del Norte. Biglaan ang mga pangyayari kaya wala na itong buhay ng matagpuan. Dahil dito, mariing pinaalalahanan ang lahat na pumunta sa mga baybayin na mag-ingat sa pagligo sa karagatan upang makaiwas sa mga desgrasyang maaaring maranasan.
na pagtatamnan.
“Ilang beses na kaming sumubok na magtanim ng bakhaw ngunit hindi ito nagtagumpay dahil sa alon. Ang pagtatanim ng bakhaw ang isa sa aming mga layunin dahil sa mga makukuhang benepisyo dito” sabi ni Walter sa isang panayam, residente ng lugar. Matapos ang ilang subok, sa wakas ay nakita na ng mga taga-Raw-an, tulad ni Walter, buhay na buhay na mga puno ng bakhaw pagkalipas ng tatlong buwan mula ng itiinanim ang mga ito. Sa kagandahang-loob ng tatlong masisipag na Girl Scout ng LALA NHS, ang dating imposible ay naging posible na ngayon sa Raw-an.
Dapat nating hangarin na maging katulad ng tatlong nakatatandang Girl Scout, na handang maglaan ng panahon alang-alang sa kalikasan . Sila iyong sumagot sa panawagan ng mga eksperto na magkaroon ng adbokasiya sa pagtatanim ng mga puno upang manumbalik ang ganda ng inang kalikasan at maiwasan ang mga kalamidad at pagkasawi ng buhay. Sa bawat nabubuhay na bakhaw, ay buhay rin ng sangkatauhan nito ang maililigtas.
Sinasabing ang RIP current ay isa sa mga pinakadelikadong natural hazard sa buong mundo. Sa tala ng United States Life Saving Association, aabot sa 100 na kaso ang biktima nito sa kanilang bansa bawat taon. Sa Pilipinas madaming ring napabalitang namamatay dahil sa malakas na alon na biglabiglaang humahampas at kakulangan ng gabay sa mga lumalangoy.
“Grabe kasakit akong gibati sa pagkawala sa akong anak kay kalit kaayo ang panghitabo(Sobrang sakit ang aking naramdaman sa biglaang pangyayari),” pagkukwento ni Gng. Leonelyn B. Dihagon, isang namatayan ng anak dahil sa Rip current.
Kamakailan din naibahagi ng Iligaynon News na ang ganitong pangyayari sa anyong tubig ay hindi madaling malaman para sa mga taong hindi kabisado ang agos at alon ng dagat. Sa mga ganitong sitwasyon kahit anong gawing paglalangoy ay hindi makakayanan ng biktima at mapapagod lamang kung ipipilit pang sumuong laban dito.
Ayon sa The Weather Network, kapag nanghihinalang napapaligiran ka ng Rip current, lumangoy sa direksyon ng malalakas na alon papunta sa malalim o malayong parte na ng dagat at doon ilaan ang enerhiya para humingi ng tulong. Maaari ring sa oras na nakalayo-layo ka na, ilayo rin ang lateral na posisyon ng sarili at lumangoy sa parte ng baybayin na banayad ang tubig.
Talagang naka-eengganyo ang pagliligo sa dagat subalit huwag kaligtaang siguraduhin ang kaligtasan ng bawat isa. Maging mapagmatyag dahil maaaring ang inaasahan mong kasiyahan ay magbubunga ng pighati kapag tayo ay magiging pabaya. Hindi sa lahat ng oras ay kalmado ang mga baybayin at posibleng ang along kinagigiliwan ng mga lumalangoy ay mapanganib pala at mismong kukuha rin ng iyong kaligayahan.
Ang mga anay ay mga pesteng madalas hindi mamalayan ang pag-atake nito at totoong nakapupurwesyo sa kabahayan, negosyo, at hanapbuhay sapagkat hindi lamang ito nagdudulot ng panganib kundi sa mismong kaligtasan ng malapit sa mga ito. Kaya ang pagsigurong magiging ligtas ang lahat ng bagay sa tahanan ay napakaimporte at mangyari lang ito kung masiguradong wala ang mga panirang anay sa tahanan.
Isa sa mga uri ng anay na mapinsala ay ang Coptotermus gestro o Asian Subterranean Termite na matatagpuan dito sa bansa. Madalas sinisira nito ang mga bagay na yari sa kahoy maging ang mga matatayog na puno. Kaya upang masolusyunan ang problema, isinagawa ng mga mag-aaral ng Lala National High School ang isang pag-aaral.
Binigyang-diin ng mga mag-aaral ang natural at mabisang lunas para mapaalis ang mga pesteng ito sa tirahan. Dito nadiskubre ang bisa ng ethanolic extract mula sa dahon ng malunggay bilang bio-termiticide. Nakitaan ito ng potensyal bilang isang alternatibong pestisidyo na pangkalikasan dahil naglalaman ito ng mga organikong sangkap. Ito ay maliit na hakbang ngunit isang malaking solusyong mapakinabangan ng kapaligiran at sa buong komunidad.
Ang malunggay ay lubhang kapaki-pakinabang sa buong mundo kung kaya’t ito ang tinaguriang “The Wonder Plant”. Maaari itong maging isang pagkain, isang produkto para sa mga negosyo, at maaari ding para sa pang-ekonomiyang paggamit dahil mayroon itong kakayahan sa paglilinis ng tubig. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng dahon ng malunggay dahil madali itong matagpuan
matukoy ang pagkakaiba at maihambing ang resulta. Tiniyak ng mga mananaliksik na ang mga pestisidyo ay mailalapat nang patas para masagot ang mga katanungan nais maabot sa katapusan ng pag-aaral.
Sa pagpapatuloy ng pananaliksik at sa mga naipon na data at statistics, nakita na ang malunggay extract ay tunay ngang epektibo dahil ang katas ng dahon nito ang may pinakamataas na mean molarity rate na sinusundan ng komersyal na pestisidyong may konsentrasyon ng ethanol. Samakatuwid, napatunayan na ang ethanolic extract ng dahon ng malunggay ay mabisa bilang biotermicide laban sa Asian termites.
Nakamamanghang isipin na ang isang pesteng nagpapahirap sa maraming ordinaryong mamamayan na kayang patumbahin ang malalaking gusali na yari sa kahoy ay pwedeng palang puksain ng produktong nagmula sa napakadaling hanaping dahong malunggay.
Madalas na itinatapon kahit saan ang mga balat ng saging matapos kainin ang laman nito. Sa ganitong pagkakataon hindi napapakinabangan ang komponent nito na kapaki-pakinabang sa mga pananim lalo na sa organikong paghahalaman. May taglay na pampataba ang balat ng saging na mahalaga sa pagpanatiling malusog ng halaman at pagpaparami ng ani ng mga magsasaka. Ang saging ay halamang tunay na makikita at tutubo lang kahit saan bastat may lupa.. Marami ito sa ating lokalidad. Sa dami nito, parang hindi na namalayan na naitinapon ng mga magsasakang ang balat ng saging na may malaki palang pakinabang. Samakatuwid, karamihan sa atin ay hindi pinapansin ang nagkalat na tuyong dahon at mga balat ng mga prutas tulad ng saging sa paligid .
Ngunit sa pag-aaral napakahalaga ng lantang balat ng saging at ng iba pang prutas na galing sa halaman (dahon, sanga o anumang parteng ng halamang nalaglag) na katumbas ng dumi ng hayop (manok, baboy, baka o kalabaw) upang maging organic fertilizer sa mga pananim. Sa mga may-ari ng nursery, para sa bulaklak o para sa gulayan, nagiging pangkaraniwan na ang paggamit nito dahil sa dinudulot na magandang kalidad ng bulaklak at gulay.
Ang organiko at natural na pagpreserba ng mga prutas at gulay ay may malaking tulong sa kalusugan ng mga taong komukunsumo rito. Subalit, sa kasamaang-palad madalas na nasasakripisyo ang nutrisyon dahil sa paggamit ng mga kemikal upang manatiling sariwa ang mga produkto sa pamilihan. Sa pagkatataong ito patuloy ang pagdiskubre ng mananaliksik ng Lala NHS sa kung paano mapanatiling presko o buhay ang mga tisyu ng mga prutas gaya ng kamatis.
Isa sa nagpapabilis sa pagkabulok ng prutas na may mataas na “water content” gaya kamatis ay ang Anthracnose (Colletotrichum coccodes) isang uri ng fungus na siyang nagdulot ng mabilisang pagkalanta ng mga prutas.
Batay sa pag-aaral ng Departamento ng Agrikultura ng Estados Unidos, ang mga prutas na nakaimbak sa mga estante at palamigan ay madali pa ring nabubulok at naitatapon. Sa mga bansang agrikultural gaya ng Pilipinas milyon milyong ding
halaga ang ikinalugi ng mga magsasaka sa iba’t ibang dako ng bansa dahil sa mga naaning kamatis na nabubulok dahil sa kawalan ng bumibili. Ang pagkasira o pagkabulok ng mga produktong ito ay nakapanghihinayang kaya gumagawa ng pananaliksik ang mga mag-aaral ng Lala National High School upang makatulong sa mga magsasaka at mga nagtitinda nito sa pamilihan na maantala ang maagang pagkabulok. Pinagtuunan ng mga mananaliksik kung paano mapanatili ang tubig ng kamatis na siyang pangunahing salik nito maging sariwa. Ang pag-alam sa mga salik na nakaapekto sa pagpapanatili nitong sariwa sa matagal na panahon ay makatutulong sa mga industriya ng pagkain na magbenta ng dekalidad at ligtas na kainin na mga prutas, kabilang na ang kamatis.
Sa karaniwang pagkakataon, ang mga pinipitas na kamatis ay nanatiling sariwa ng walang kemikal sa loob lamang ng 48 na oras. Subalit karaniwan sa mga pamilihan hindi nito matutukoy kung ito ba ay sariwa o nanatiling nga sariwa dahil sa mga kemikal na ginamit at hindi ligtas sa kalusugan ng mga kumukunsumo nito. Napakahalaga ang paggamit ng mga organikong preserbasyon gaya ng nakikita mula sa arina ng palay nakatutulong na maiwasan ang paggamit ng kemikal na nakakasira sa kalusugan ng tao.
Ang arina ng palay, ay may reserbang polysaccharide na naglilimita sa absorption ng mga fungus.
Pinakamasagana nito ang mga natural na polysaccharide na ginagamit bilang hydrocolloid (isang sangkap na magbigay ng dyel na may tubig) ng pagkain. Ito ay
mahalaga sa pagpreserba ng pagkain dahil sa bisa, mura, at sa kakayahan nitong bumuo ng malinaw, walang lasa, at walang amoy na bulok at pampagana ng oxygen sa prutas upang hindi ito madaling mabulok. Ito ay may buti-butil na istruktura na binubuo ng dalawang macromolecules na amylose at amylopectin – mga kinakailangan upang manatiling sariwa ng matagal ang mga kamatis (Vargas, 2016). Ang pagtunaw ng arina ng palay mula paglagay ng tubig sa giniling na paraan na pagproseso nito ay makatutulong lalo na ngayong madami ang nabubulok na kamatis sa mga magsasaka sanhi ng sobrang ani ngunit mababa ang demand sa pamilihan. Ang pagbabad ng kamatis sa tubig na may arina at ng iba pang mga prutas ay nakakatulong upang mas matagalan ang pagkabulok nito. Taglay rin ng arina ang amylose isang linear polymer na nabuo sa glocuse units samantalang ang amylopectin ay may mataas na sangasangang polymer ng glucose units. Ang amylose at amylopectin ay matunaw sa tubig kaya mahina rin ang kakayahan nitong humadlang ng singaw ng tubig batay sa pag-aaral ni Vargas (2016) sa kanyang pagnanais na preserbahin ang mga hortikultural na produkto gaya ng mansanas, kahel, presa, at kamatis. Sa pangkalahatan, ang antimicrobial compound na natural na component ng arina ng palay ang nagpapanatiling presko ng mga prutas lalo na ng kamatis. Ginagampanan ng arina ang pagpanatili ng potassium sorbate at pangkontra ng halamang-singaw habang nakaimbak . Sa paggamit ng paraang ito masisigurong organiko at natural na napreserba ang mga prutaas gaya ng kamatis at matutulungan mga taong komukunsumo na maprotektahan ang kalusugan at malayo sa panganib.
Ang mga basurang pang-agrikultura ay sagana sa mga nutrisyon sa lupa na nagbubunga ng maganda, malusog at masaganang ani . Puno ito ng mga sustansya tulad ng phosphorus (P) at potassium (K) na kailangan ng iba’t ibang halaman upang lumaki. Ang mga “banana peels” ay idadaan lang sa mataas na proseso ng permentasyonat ito’y pwede ng magamit bilang feeds( pagkain ng mga hayop) at organikong pampataba ng mga halaman.
Malaki ang tulong ng paggamit ng balat ng saging dahil karamihan sa mga peste sa mga pananim ay hindi gusto ang amoy na nilalabas ng saging. Isinagawa ang pananaliksik ng isang mag-aaral ng Lala National High School upang masubukan ang bisa ng pagbuburo ng balat ng saging bilang organikong pataba sa mga halamang repolyo. Dalawang variable ang ginamit _ isang organikong pataba at hindi organikong pataba. Ang mga halamang repolyo ay ginamit sa pag-aaral na ito dahil ito ay mataas ang demand sa merkado at medyo madaling linangin, dahil sa mataas na pangangailangan.
Ang organic fertilizer ay dumaan sa proseso ng organic matter decomposition, isang pang madaliang paraan na mabulok ang mga natuyong dahon o ang dumi ng hayop. Kailangan kasing hayaan mabulok ang mga ito para maiwasan ang tinatawag na “heat of decomposition” na makasisira sa halaman imbis na makatulong sa pagpapaganda nito. Ang pagsasagawa ng pananaliksik na ito ay humantong sa isang konklusyon na ang pagbuburo ng balat ng saging ay epektibo para sa mga halamang gaya ng repolyo dahil nagpakita ito ng mabilis na pagtaas sa rate ng paglago kumpara sa iba pang mga pampataba tulad ng inorganic fertilizer. .
Dito napatunayan na may magandang resulta ang paglalagay ng mga organikong pataba mula sa saging na nagresulta ng magandang tubo. Kaya hininakayat ang mga magsasaka na tangkilikin at subukan itong gawin sa mga sakahan upang mabawasan ang mga mga free radicals na maaaring makuha ng tao sa pagkain ng mga produktong ginagamitan ng inorganic na fertilizer. Sa pagsasagawa nito mabigyan ng tamang nutrisyon ang mga komukunsumo ng hindi nangangnib ang kalusugan.
Sa ginawang online survey ng MAPEH Department ng Lala National High School, napag-alamang may hilig sa ibang’t ibang isports ang 506 estudyante mula sa Junior High School.
Opisyal na Pamahayagang PampaaralanPangkomunidad ng LALA NATIONAL HIGH SCHOOL
Dibisyon ng Lanao del Norte | Tomo III Bilang I Agosto 2022 - Hunyo 2023
Samantalang 16 sa mga sinayasat ang walang anumang interes sa kahit anong isports. Mula sa datos na ito, pinagpatibay pa ng departamento ang programa nito sa isports na hinihikayat ang lahat na maging aktibo.
E-SPORTS SA PILIPINAS
Ayon sa YCP Solidiance, may 43 Milyong aktibong gamers sa bansa at nakakitaan ng 12.9% pagdamii ng bilang kada taon simula 2017.
1-2 ORAS ang ginugugol ng bawat manlalaro kada araw MGA POPULAR NA LARO:
Napasakamay ng YURAB Regu ang gintong medalya sa 2nd Sepak Takraw Tournament Mens Open category sa pangunguna ng mga di-mapigilang roll spike ni Dylar Basmayor na nagpabigo sa HUHTA Oroquieta na manalo sa laro na ginanap sa LNHS Mini Gym, Nobyembre 13, 2022.
Pinataob ng YURAB regu pambato ng Lanao del Norte ang koponan ng Oroquieta gamit ang kanilang teamwork at mga atake na nagresulta ng kanilang pagkapanalo sa loob ng dalawang set, 21-12, 21-19.
“Midula mig tarong ug gipalabi ang teamwork, nagpasalamat sab kos Ginoo kay ug wala Siya dili namo makuha ang kampeonato (Naglaro ng maayos at pinahalagahan ang teamwork, nagpasalamat din kami sa Panginoon dahil kung wala Siya hindi namain maabot ang Kampeyonato.),” pagkukwento ni Basmayor.
Hinagupit ng YURAB ang mga manlalaro ng HUHTA sa unang set sa tulong ng magandang sets ni James Briones na nagresulta sa pagpasok ng mga roll spikes ni Dylar, 21-12.
Ipinamalas naman ni Julies Abo ang kanyang angking galing ng pumuntos siya gamit ang nagliliyab niyang spikes kaya lumamang
ang Oroquieta sa ikalawang set, 14-11.
“Salamat gihapon sa Ginoo kay nakadula ramig tarong nga walay enjured (Pasalamat pa din kami na nakapaglaro ng maayos ng walang enjured) dahil ganoon naman talaga ang laro win or lose kaya tanggap ra namin ang aming pagkatalo,” wika ni Francis Pausanos, captain ball ng HUHTA.
Pinalakas naman ng pambato ng Lanao del Norte ang kalamangan ng mgpakawala si Lenard Briones, tekong ng Yurab ng magkakasunod na service ace upang maitabla ang laro, 16-16.
Palitan ng lamang sa puntos ang ginawa ng bawat koponan ngunit sa huli tinuldukan ito ng dalawang role spikes ni Basmayor kaya naibulsa nila ang panalo.
Naglista ng 25 puntos si Dylar na nakatulong sa kanyang koponan na magkampeon.
Natanggap ng YURAB ang gintong medalya at sertipiko mula sa Sanggunian Kabataan (SK) ng Maranding, samantalang silver medal naman para sa Oroquieta na sinundan ng bronze medal para sa koponan ng Ozamiz.
Dinomina ng Unit 4 ang larangan ng table tennis men’s doubles sa Team event matapos tambakan ang Unit 2 sa unang round, 3-0 at ungusan ang Unit 3 sa finals gamit ang proper placing nila, 3-0 (11-3, 11-9, 11-5) upang mahablot ang gintong medalya sa Provincial Meet 2022 na ginanap sa Lanao del Norte Comprehensive High School, Disyembre 16-17.
Nagpamalas ng angking galing sila Al Muizzen Pido manlalaro ng Lala National High School at ng kanyang partner na si Uzziah Emnase ng Kapatagan National High School na nagrepresenta sa Unit 4 na siyang nagkampeon sa double’s event.
“Worth it ang training ug preparation nila bahalag sa short time lang kay nadula
ni
Pinamalas ni Duerr Alekhine Kahano manlalaro ng Lala National High School ang kanyang angking galing sa larangan ng chess matapos niyang ekinorner si Khian Manding ng Christ The King de Maranding upang maibulsa ang kampeonato sa Inter High School 2022 at nagtala ng limang puntos mula sa pitong rounds na laro na ginanap sa paaralan ng Lala NHS, Disyembre 3, 2022.
Namayani sa unang round ng laro si Kahano kung saan nakaharap niya ang pambato ng CKCM na ginulat niya sa natitirang 18 minutos upang manalo at makapagtala ng apat na panalo, isang talo at isang draw.
man gyud nilag tarong ug nakadaog sila,” salaysay ni G. Raymar Rosalita coach ng Unit
4.
Pinalasap ng mga service ace at malalakas na drive ni Pido at Emnase sa loob ng tatlong set ang mga manlalaro ng Unit 2 sa unang round kaya sila ang umabante sa finals, 11-2, 11-6, 11-5.
Nakaharap ng Unit 4 ang Unit 3 sa finals na tinambakan nila sa unang set sa pangunguna ng top spins ni Al Muizzen 11-3.
Nagpakitang gilas naman sina Otoko Orbeta at Yehoshua Cruz ng Unit 3 sa ikalawang set gamit ang setup plays nila at matinding backhand na hindi agad naagapan nila Pido at Uzziah sa umpisa.
“Goods na kaayo kay competitive na kaayo ang mga players but questionable japun
Pinasuko ni Duerr sa nalalabing minuto ng laro si Manding kung saan napasakamay niya ang queen nito at ginamit itong pagkakataon upang ibitag ang kalaban sa kanyang stratehiya na nagpalimita sa galaw nito kaya siya ang nagwagi.
Pangatlo naman sa standing at naguwi ng bronze medal ang kasama ni Duerr na si Frank Mahinay na may 4.5 puntos, samantalang ang manlalaro naman ng CKCM ang nakahablot sa silver medal.
“So ang mga preparation gyud nako kay swiss, rapid walay blitz ug practice 20 minutes clock “ ayon kay Kahano. Maihahantulad sa pawn ang karanasan ni Duerr na nagmula sa mahina hanggang sa naging isang magaling na manlalaro sa larangan ng chess.
Anim na taong gulang si Kahano nang maglaro na ito ng chess at nagsimulang sumabak bilang atleta para sa koponan Maranding Central Elementary School noong nasa ika-apat na baiting na siya.
ang coaches dili fair dapat panindigan nila ila responsibility. But that was a close fight after all” sab ini G. Norman coach ng Unit 3. Napasakamay parin ng Unit 4 ang ikalawang set ng makabawi sila sa mga service errors na nagawa ni Cruz.
Lumamang kaagad sina Emnase at Al Muizzen sa ikatlong set na pumalo ng malakas na drive na nahirapang depensahan ng Unit 3, 6-2.
Humabol pa ng puntos sila Orbeta at Yehoshua na gumawa ng 3 straight points ngunit kinapos dahil sa magandang depensa na pinamalas ng Unit 4, 11-5.
Nagkampeon sa men’s doubles sina Pido at Emnase na pag-ibayuhin pa ang pagsasanay para sa NMRAA sa April 2023.
Natuto na mag chess si Kahano nang minsang may naglaro sa kanilang lugar kaya siya ay nagkainterest at natutong maglaro ng chess sa gabay ng kanyang ama kung paano ang mga tactics, openings at iba pa.
“Chess is interesting to play, fun and mao na akong na andan sauna since Grade 1 pako gadula.” salaysay ni Duerr. Nakapasok siya sa unit meet ngunit nabigo sa kanyang unang laban kaya naging inspirasyon niya ito para magpatuloy sap ageensayo upang mas lumakas sa napiling laro.
Paghubog ng angking talento at passion sa laro ang naging puhonan ni Duerr na nagbunga ng pagtung-tung niya sa entablado ng Regional Meet.
Kasalukuyang pinapamalas ni Kahano ang pagmamahal sa kanyang napiling larangan at patuloy na nagsasanay upang mas umusbong ang kaalaman upang mapaghandaan ang paparating pang mga laro.
Aangat sa Northern Mindanao Atlethic Association (NMRAA) si Michael Angelo Licapa boksingero ng Lala NHS matapos paluhurin gamit ang kanyang malalakas ng suntok via 3rd round si Von Cykie Sumile ng Maigo National High School na kumamada ng 30-26 puntos at maiuwi ang gintong medalya ng Welter Weight category sa Provincial Meet , na ginanap sa Mindanao Civic Center, Disyembre 17, 2022.
PATIKIM LANG. Pinayuko ni Michael Angelo Lipapa ang boksingero ng Maigo NHS na si Von Cykie Sumile sa 3rd round, ng magpakawala ito ng nagbabagang suntok, unanimous ang desisyon ng mga hurado | Larawang kuha ni Gaius Ulrick Subang.
minuto ng ikalawang round si Licapa ng bumalik ang kanyang lakas at nagpatama ng mga di inaasahang jabs kay Von Cykie.
“Grabe ka nindot nga dula ang nabuhat niya, nakabawi rajud siya sa mga points nga nakuha sa iyahang kontra. Both the boxers put up a good fight (Sobrang ganda iyong fight, bumawi talaga siya ),” dagdag pa ni Gng. Dumaog.
Nagbabaga ang mga suntok na pinakawalan ni Licapa na nagtala ng 30 puntos via unanimous decision sa mga hurado.
“Exercise ug grabe nga training ang nahimong puhonan sa akong mga athletes para ani nga Provincial Meet,” wika ni Gng. Frances Anne Dumaog coach ni Licapa.
Kumayod ng 6 points sa unang round si Angelo gamit ang maraming jabs na kanyang nabitawan at malalakas na suntok sa katawan ni Sumile.
Nagpakawala naman ng mga upper cuts si Von Cykie na nagresulta ng 4 puntos pero nabawasan ito dahil sa mga below the belt na suntok niya kay Licapa sa pag-uumpisa ng laban na
Magkapatid na Salabao, humakot ng ginto sa Prov’l Meet
Nasulot ng magkapatid na Salabao ng team Blue Marlins ng Lala NHS ang walong medalyang ginto at tatlong pilak sa swimming event ng Provincial Meet 2023, na ginanap sa Mindanao Civic Center, Tubod, Lanao del Norte, Disyembre 16-18, 2022.
Kumabig si Myles Jamie Salabao, 15, ng nakamamanghang 100 m free style stroke (1.125) sa unang heat laban kay Angela Batian ng Salvador NHS gayundin ng mga sumunod pang heat sa 200m Individual Medley (2.55 s) laban kay Kaye Alyssa Manlawe ng LNHS, 100m buterfly (2.248), at 200m (6.365) sa iba pa nakalaban.
Nakuha ri ng kapatid ni Myles na si Miley Jewelle Salabao, 13 , ang ginto sa 100 at 200m butterfly, 200 meter relay at 800m freestyle.
“ Nahirapan talaga ako sa laro dahil may pagkakataong nagkalaban kami ng aking kapatid pero nanaig pa rin iyong sportmanship naming dalawa,” pagkukwento ni Myles.
Sa kabuuan nasungkit ng team Marlins ang 3 medalyang ginto at pilak sa pagtatapos ng Provincial 2022.
“ I am happy dahil nagbunga ang pagsasanay ng mga bata mapa-pool man o dryland training at nakita ko talaga ang kanilang pagpupursige,” pagbabagi ni Dr.
nagresulta ng pagbawas sa kanyang puntos.
“Proud gihapon kos gipakitang dula sa akong players, mas magready pami para sa sunod makabawi kay gamay rajud kulang ani iyang training para mag improve pa (Proud ko sa ipinakitang laro ng aking manlalro, mas paghandaan pa namin para sa susunod makabawi kami dahil konti talaga ang kailangan ng kanyang pagsasanay ),” pagbabahagi ni G. Maiko Simban, coach ni Cykie.
Agressibo si Sumile sa pagsisimula ng laban katunayan sa ikalawang round kumana siya ng maraming upper cuts at malakas na left hook na muntikang magpatumba kay Michael Angelo.
Biglang nagbago ang ihip ng hangin ng bumawi sa huling
Pag-apak muli sa ring para sa final round naging panapos ni Michael Angelo sa laban ang kanyang right hooks at straight punches na nagpahina kay Sumile at tuluyang nagpapanalo sa kanya.
Pagkatapos ng makapigil-hiningang salpukan ng kamao sa ikatlong round naglista ng 30 puntos si Licapa at nakuha ang boto ng mga judges samantalang 26 puntos naman kay Von Cykie.
Dahil sa pagbandera ni Michael Angelo siya ang mag rerepresenta sa Lanao del Norte sa welter weight category sa darating na Northern Mindanao Athlete Association (NMRAA) sa darating na Enero 2023.
TUBOD, LANAO DEL NORTE – Pinagliliyab ng
Sarimanok Racers ng LDN ang kanilang lakas sa larangan ng Wushu matapos masungkit ang ikalawang puwesto sa Northern Mindanao Regional Athlete Association (NMRAA) Wushu
Competition na ginanap sa Mindanao, Civic Center (MCC), Tubod, April 20, 2023.
Nahablot ng Sarimanok Racers ang dalawang gold, tatlong silver at dalawang bronze na medalya sa Wushu na nagpatala ng second overall sa kompetisyon, na sumunod
Misamis Oriental na nag-uwi ng
Rex Wagas ang 48 kgs category ng mga lumilipad na punch, nakagugulantang na stance at leg techniques na nagpahina sa lakas ng nakalabang atleta ng Misamis Occidental.
Sa kabilang banda, naibulsa naman ni Joey Angelo Lianto ang silver medal sa 56 kgs boys category, samantalang silver medal din kay Princess Pacut sa 45 kgs girls category at silver naman kay Krsytal Rose Entirina sa 48 kgs girls category.
Dinagdagan pa ng dalawang bronze medal ni Jhon Paul Entirina ang medal tally ng Sarimanok Racers sa Wushu sa 42kgs category at isang bronze naman Kay Ironne Paul Labid sa 52kgs category.
SOLIDONG DEPENSA: Matitibay na punch at stance ang ipinuhunan ni Jhon Oliveros upang pangunahan ang wushu sa NMRAA sa Mindanao Civic Center, Tubod LDN, April 20, 23| Larawang kuha ni Lur Dave A. Saripada.
“Naging puhunan namin ang pagpupursige at determinasyon simula pa ng training namin, at nagpapasalamat kami sa Diyos sa paggabay upang kami ay manalo.” wika ni Francis Jhon Oliveros, LDN gold medalist sa wushu.
Pinasiklab nina Francis Oliveros ang 45 kgs at
“Hindi namin inaasahan na makamit ang panalong ito at muntikan pang magkampeon.” pahayag ni Lovelyn Aviles coach ng Wushu boys. Inaasahang mas pag-eebayuhin pa ng LDN Racers ang kanilang pagsasanay upang magkampeon sa paparating na na Palarong Pambansa sa darating Hulyo 2023.
Danlog ng Mis Or Tinodo ni Calamba 1065:985
TUBOD, LANAO DEL NORTE – Malabulalakaw ang lipad ng mga panang pinakawalan ng mamamana ng Lanao del Norte
National Comprehensive High School sa finals ng Northern Mindanaoo Athletic Association (NMRAA) sa larong archery, April 21, 2023.
Sa kabila ng init ng araw ay tinitimbang ni Lesly ang lakas ni Althea Virl Danlog ng Misamis Oriental.
Sa ilang minuto, kasabay ng naghihiyawang manonood nagpakawala ng sunod sunod na shoot si Lesly at nai-bulls-eye sa napakalayong distansiya na kumana ng 30, 60 at 70 puntos na nagpalamang sa kanya sa kalaban, 1065:985 distance.
“Archery
is about having fun, learning things at masaya ako sa pagiging manlalaro nitong archery at I’m so grateful about this and will give the best in the game soon,” pagbabahagi ni Calamba.
Sa limang taong paghawak ng bow at arrow at sa mga karanasang sa Palarong
Pambansang nasalihan niya taong 2019 naging bihasa na sa paghawak ng pana sa si Lesly sa gabay din ng kanyang coach na si G. Edwin Berondo.
“Worth it ang tanang training and we hope that we can make it again in the Palarong
Pambansa sa darating na Hulyo 2023,” ani