The Busy Bee Ika-43 Bolyum, Unang Isyu

Page 1

“Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko, nagbago ‘man ang hugis ng puso mo…”

Ito ay hango sa awitin ni Noel Cabangon na may pamagat na “Tuloy Pa Rin.” Sa awiting ito, binibigyang-diin ang salitang ‘tuloy’, na nagpapahiwatig ng pagtuloy at hindi pagtatapos. Ipinapahayag nito ang mensahe na importante ang hindi pagsuko sa buhay at na hindi dapat kalimutan kung saan ka nanggaling. Hindi agad-agad matatapos ang ating paghihirap sa buhay ngunit ang lahat ng ito ay magbubunga ng tagumpay.

Maiuugnay ko ito sa buhay at karanasan ko sa pag-aaral dahil walang anumang balakid ang makakahadlang upang hindi ako patuloy na mangarap. Bakit? Dahil ito sa mga taong nakasuporta at naka-agapay sa akin noong ako ay nagsisimula pa lamang na tumuklas at malinang ang aking isipan. Sa bawat pagsubok, alam kong nariyan sila upang gabayan ako sa mga hakbang ko sa buhay. Mga hakbang na daan para maabot ko ang aking pangarap.

Sa bawat panahon na lumilipas, ako’y nananatili pa rin sa pangarap na aking tinatahak. Dito nakikita ko ang katotohanan sa mga bagay na tutulong sa aking buhay. Marami akong naranasan, nalaman, at natutunan nang magsimula akong magaral dito sa Laboratory Hayskul. Ang pamamalagi ko ay hindi lamang tungkol sa mga kasiyahan, dahil ang lahat ng ito ay ginagawa ko para ako’y makapagsimula sa mahabang paglalakbay. Marahil, isa sa mga magbibigay-daan sa akin sa tunay kong pangarap. Tila ba ay isang panaginip, na sa bawat iglip ika’y mapapatigil. Sinasabi ko minsan sa aking sarili, kung ito’y isa nga lang na panaginip, para bang hindi ko na kayang umalis. Sapagkat ang aking mga karanasan ay animo’y binabalutan

binabalutan ng mga pagkakataon upang mapaunlad ko pa ang aking mga talento at kakayahan. Maihahalintulad ko ito bilang isang kathang-isip dahil ang lahat ng ito ay hindi mangyayari kung hindi ko pinagbuti, ipinagpatuloy, at nilinang ang aking sarili.

Ang aking mga mata ay unti-unting namumulat sa mga bagay na hindi ko inaasahang magpapaunlad pala sa akin. Tumatak sa akin ang katagang “Basta LabHigh, Mahusay!” Sa tulong ng kasabihang ito, ako ay nagpatuloy maglakbay upang makamit ang aking mga nais makamtan. Sa edad kong ito, hiling ko pa na ako ay magkaroon ng masayang buhay at ipagpatuloy ko ang mga nais kong gawin katulad ng pagsusulat. Ngunit, marami pa ring bagay na bumubulong sa aking isipan, kung ito ba ay nararapat kong bigyan ng pansin. Sa katunayan, marami akong napagdaanan na nagbigay sa akin ng kaba, kahinaan, at pagdadalawang-isip. Kung dapat ko pa ba itong ipagpatuloy. Katulad na lamang ng mga sitwasyon na kung minsan ay gusto ko ng sumuko dahil sa mga gawain o leksyon. Sa kabila ng lahat, kailangan ko pa ring suportahan ang aking sarili sa mga problema, upang ang lahat ng nagsilbing karanasan ay magunita ng aking puso, para sa pagdating ng panahon, ito’y aking maalala.

bilang isang tunay na kaibigan. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ako magkakaroon ng ngiti sa aking mukha sa kabila ng mga paghihirap kong pinagdadaanan. Ang buhay ko bilang estudyante sa hayskul ay naging makabuluhan dahil sa mga naranasan kong kagalakan, at mga patimpalak na nagsilbi sa aking inspirasyon sa

Sa pananaw ng isang batang tinahak ang ikapitong baitang na may tapang at lakas ng loob, ang mga karanasan na humubog sa akin ay kinakaya ko nang harapin. Natuto ako kung paano tumingin sa kapwa nang mabuti at hindi sila binibigyan ng kung anumang duda sa kanilang pagkatao. Sa lahat ng aking napagdaanan, masama man ito o mabuti, alam kong mas may hihigit pang pagsubok na maaaring mas madali, mas sasaya o hindi kaya’y mas malungkot. Sa aking pagpapatuloy, ito’y mas hihirap pa. Maraming mga hamon, kahirapan, o balakid ang makakasalubong natin sa ating susunod na paglalakbay. Kaya sa bawat paghawak ng pluma, laging tatandaan na hindi lamang isang beses ang pagtugon nito.

Ang pag-aaral dito ay isang malaking oportunidad, hindi lamang dahil hawak ito ng isang unibersidad subalit marami rin ditong masasayang karanasan. Una, ang palaging pagsali sa mga kompetisyon na nagpaunlad sa aking kakayahan pagdating sa paglaban. Sumunod, hindi lamang ito nagbigay ng kasiyahan, ngunit naglahad din ito ng mga iba’t ibang sitwasyon na dito ay nahasa ko ang aking mga nais gawin na pang-akademiko. At panghuli, bibigyan ko rin ng pansin ang mga tumuring sa akin bilang

Bilang nasa ika-pitong baitang, masasabi kong hindi rito natatapos ang aking haharapin na mga pagsubok sa buhay. May mas hihirap pa sa mga dadaanan, kung kaya’t kinakailangan na tayo ay maging matatag at matibay kagaya ng isang puno. May malalabay na sanga, namumunga ng hitik, mataas na mangarap pero ang ugat ay nananatiling nasa lupa. Kaya, kung aking ibabahagi ang lahat ng aking karanasan sa isang taong pamamalagi sa Laboratory Hayskul, maaaring itong abutin ng isang libro para lamang ito’y matapos. Ikaw ba, Labhayenyo? Anong kwentong freshie ang tumatak sa'yo?

ginanap noong Setyembre 28, 2023.

Nagsimula ang programa sa pambungad na panalangin na pinangunahan ng Bise Gobernador ng Local Student Council (LSC) na si Bb. Shane Dela Cruz at sinundan ito ng pagkanta sa Pambansang Awit at Himno ng Pamantasan.

Ipinakilala ang mga Executive Staff at ipinaliwanag ang mga patnubay para sa campus tour. Ang mga estudyante ay pinagsama-sama sa tatlong pangkat, ang bawat isa ay binubuo ng dalawang seksyon para sa campus tour.

binibilang ang mga boto, naghanda ang LSC ng mga kapana-panabik na laro upang mapanatiling enganyo ang mga estudyante.

Pagkatapos nito, nagbigay ng isang makabuluhang mensahe ang isang kagalang-galang na panauhin na si G.

ay tila tumatak sa isipan ng mga bagong mag-aaral, hudyat ng pagsisimula ng kanilang paglalakbay

Noong 2023, 40% lamang ng mga estudyante sa Pilipinas ang nagtapos ng high school kaya ipinatupad ng DepEd ang "CatchupFridays"

Noong Agosto 22, 2023, ginanap ang “Freshies and Parents Orientation” sa Bulacan State University (BulSU) - Hostel Function Hall bilang taga-gabay sa mga estudyante sa ika-pitong baitang at sa kanilang mga magulang tungkol sa iba’t ibang itinatag na

Ang oryentasyon para sa mga freshies ay nagsimula ng 8:00 a.m. hanggang 12 noon. Ito ay inumpisahan sa pamamagitan ng pambungad na panalangin, at sinundan ito ng isang dinig-tanawin na presentasyon ng pambansang awit ng Pilipinas at ang himno ng pamantasan (BulSU Hymn). Pagkatapos, ang punong-guro ng Laboratory High School (LHS) na si Bb. Niña Lilia Javier ay nagbigay ng pambungad na pananalita bilang

Ipinaliwanag ni Dr. Karen Rendeza ang kahalagahan ng guidance at counseling office para sa mga mag-aaral, at sinundan naman ito ng intermission number ng “The Voyagers” upang pasiglahin pa ang madla. Pagkaraan, ang tagapag-ugnay ng disiplina ng LHS na si Bb. Hermogena Bautista ay ipinaliwanag ang mga alituntunin at patakaran na dapat sundin at respetuhin ng mga mag-aaral. Upang wakasan ang oryentasyon, nagbigay ng mensahe ang gobernador ng Local Student Council (LSC) ng

Ang oryentasyon para sa mga magulang ng mga estudyante ay nagsimula ng 1:30 p.m. Nagbigay ng pambungad na pananalita ang Dean ng College of Education na si Dr. Rafael Dayao kasama ang punong-guro ng LHS. Pagkatapos, naghandog ng isang intermission number ang “OldJeans” na binubuo ng mga estudyante ng LHS.

Layunin ng oryentasyon na malaman ng mga mag-aaral ang mga pasilidad at serbisyo ng aklatan. Layunin din nitong malaman kung ano ang maaaring gawin at hindi dapat gawin sa loob ng silid-aklatan.

Nagsimula ang oryentasyon sa mainit na pagbati na ibinigay ni G. Conrad Nunag, isang librarian, at sinundan ng pambungad na panalangin na pinangunahan ni Bb. Alliah Brianna Rivera. Pagkatapos nito ay sinundan ng pag-awit ng Himno ng

Sa kalaunan, nagbigay ng gabay sa mga magulang si Dr. Karen V. Rendeza tungkol sa pagpapayo sa mga mag-aaral sa tahanan, sa at paaralan. Sinundan ito ni Ms. Hermogena Bautista, na ipinaliwanag ang paraan ng paaralan sa pagpapaunlad ng disiplina, at pamamahala ng pag-uugali. Upang wakasan ang oryentasyon, ang Parent-Teacher Association (PTA) President ng LHS, Gng. Rotchie Chua, ay nagbigay ng maikling mensahe para sa mga magulang.

Sa pamamagitan ng dalawang oryentasyong naganap para sa mga estudyante at sa kanilang mga magulang, mas lalong naipahiwatig ang iba’t ibang patakaran na mayroon ang pamantasan. Sa pamamagitan ng kaganapang ito, nagbigay ito ng pangkalahatang-ideya kung paano gumalang, kumilos, at mag-isip ang isang mabuting estudyante sa Laboratory High School.

Nagpatuloy ang oryentasyon sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga pasilidad at serbisyo, at pagpakita ng isang bidyo na naglalaman ng bawat palapag ng E-Library.

Pagkatapos ng mahabang talumpati, nag-organisa ang mga librarian ng isang laro na tinatawag na "Library Gamification" upang masabukan ang pagunawa ng mga mag-aaral sa ipinakitang bidyo. Ang oryentasyon ay nagtapos sa isang talakayan sa mga dapat at hindi dapat gamitin sa mga pasilidad ng silid-aklatan.

Nagtipon-tipon ang lahat ng Grade 7 hanggang Grade 10 students ng Laboratory High School (LHS) sa Bulacan State University E-Library Amphitheater (7th Floor) noong Oktubre 12, 2023, para sa isang oryentasyon.

Ang Bulacan State University - Laboratory High School (BULSU - LHS) ay nakibahagi sa ISO Recertification Audit na isinagawa noong Agosto 24, 2023.

Ito ay pinangunahan ng Punong-guro ng LabHigh na si Bb. Niña Lilia Javier at kaniyang inasikaso ang mga panauhin na bumisita na siyang masusing tinignan ang bawat silid at pamamalakad sa pamantasan.

Ngayong taong panuruan 2023-2024, bumabalik na muli ang sigla ng mga clubs sa Laboratory High School (LHS) upang mabigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na ipakita ang kanilang mga talento at kahusayan sa pamamagitan ng mga paligsahan.

Ang mga paaralan ngayon kagaya ng LHS ay nakatutok sa pagtitimbang ng mga pangangailangan sa akademiko at sa mga ekstra-kurikular na aktibidad. Mayroon din namang mga benepisyo ang pagkakaroon ng clubs, tulad ng pagpapabuti ng kasanayan panlipunan (social skills), makakuha ng pananaw tungkol sa iba’t ibang kasanayan at matuto rito, magkaroon ng pakiramdam ng tagumpay, matutong igalang ang pananaw o pag-iisip ng ibang tao, at marami pang iba.

upang ma-obserbahan ang paraan ng pagtuturo rito.

Maagap na sinagot ng punong-guro ang mga katanungan ng mga nag-obserba patungkol sa mga impormasyon at pamamalakad sa pamantasan. Ang mga panauhin ay nag-ikot sa lugar ng Carpio Hall at nagpunta sa mga klase

Ang pakikilahok sa mga iba’t ibang aktibidad ng clubs ay nagtuturo kung paano maging responsable sa pamamahala hindi lamang sa kanyang oras kundi pati na rin sa mga responsibilidad na mayroon ang isang mag-aaral sa kaniyang personal na buhay.

Hindi lahat ng kaalaman ng mag-aaral ay mula sa apat na sulok ng kanyang silid-aralan. Sa katunayan, maraming mga kasanayan sa buhay ang natutunan sa mga club.

Noong Hulyo 21, 2023, nagtalaga ang Bulacan State University Laboratory High SchoolLocal Student Council (BULSU LHS-LSC) ng mga taong may kakaibang talento at abilidad na makapaglilingkod sa mga Labhayenyo para sa pang-akademikong taong 2023 hanggang 2024.

Ang pagiging isang mag-aaral ay hindi limitado sa mga akademikong gawain sa paaralan. Bawat mag-aaral ay tangi, at may sariling talento. Sa pamamagitan ng pagbalik ng clubs, maipapakita na ng bawat mag-aaral ang sari-sariling kahusayan sa labas ng mga akademikong usapin.

Kasamang nag-asikaso ng mga mag-oobserba ang Quality Management System (QMS) Coordinator na si G. Al Vincent Mendiola at siya rin ay tumulong sa mga katanungan ng mga panauhin.

Sa pagsisimula ng bagong panuruang akademiko, ang LabHigh community ay nagsusumikap sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng Carpio Hall upang sa mas maayos na pagkatuto at pagt-trabaho ng mga mag-aaral at guro.

Ang mga opisyal sa klase ng Laboratory High School (LHS) mula ika-7 baitang hanggang ika-10 baitang, STE at mga regular na seksyon, ay nagtipon-tipon sa Audio Visual Room (AVR) upang lumahok sa Club Officers Election para sa akademikong panuruang 2023-2024 noong

Setyembre 7, mula 8AM hanggang 5PM.

Ang mga clubs, na isa sa mga trademark ng LabHigh, ay ibinalik matapos mawala ng ilang taon nang dahil sa pandemya at ito ay muling nagsimula sa pamamagitan ng paghalal ng mga opisyal para sa bawat club.

Ayon sa kanilang post na "Kapit bisig tayo para sa batang henyo - Labhayenyo,” hindi maipagkakaila na talagang bukal sa kanilang loob ang pagtulong at pagpupursigi upang kanilang magampanan ang posisyon at gawain na nakalaan para sa kanila, kung kaya't kapag may mga mahahalagang kaganapan sa paaralang ito, hindi sila nawawala at laging nariyan upang gumabay at tumulong.

Nagkaroon muna ng rekomendasyon at pagsasala ng mga nararapat para sa sampung bakanteng posisyon. Sa isang malalimang pagdedesisyon ay nakapili na ang LSC ng mga estudyante para sa mga posisyon na ito.

Pinangungunahan ito ni Ma. Niña Agustin bilang Executive Chief of Staff, sumunod naman si Almina Mae Marcelo bilang Executive Secretary, naupo bilang Director of Multimedia and Technical Services sina Santiago Carranza at Jan Andrene Posadas, para naman sa Director for Communications and Letters ay napili sina Lindsay Agno at Dorilyn Mae Narciso, naupo rin si France Aldrich Alongalay bilang Director for Operations at Seanne Daniel Bautista bilang Executive Associate for Operations, at panghuli, sina Arseleigh Marasigan at Fiona Mae Quirante bilang Director for Monitoring and Counseling.

Mahalaga ang gampanin ng bawat isa rito, ngunit may mga tao pa rin tayong kailangan upang ating maging sandigan sa oras ng pangangailangan, kaya't naririyan ang BulSU LHS-LSC Executive Staff upang gumabay at tumulong sa oras ng kagipitan.

Ang buong pagtitipon ay pinangunahan ng chairman ng Committee on Elections na si Gng. Angelita Iglesia, sa tulong ng assistant chairman na si Bb. Lorena Batallones, miyembro ng komite na si Bb. Kimberly Mae Herrera, Local Student Council (LSC), at ang Executive Staff.

Nagsimula ang event sa pambungad na panalangin, na sinundan ng pag-awit ng Pambansang Awit, at ang Himno ng Pamantasan, na pinangunahan ng LSC. Sunod ay ang pagbibigay ng Pambungad na Pananalita ng Punong-guro ng LHS na si Bb. Niña Lilia Javier. Pagkatapos ay nagpatuloy na sa oryentasyon ng mga alituntunin ng mga opisyal ng Committee on Elections.

Nagsimula ang eleksyon sa nominasyon at halalan para sa presidente ng bawat club. Ang mga opisyal sa klase mula ika-7 baitang hanggang ika-10 baitang ay kinakailangang bumoto. Ang Top 6 na may pinakamataas na boto, ayon sa google forms na ginawa ng Committee, ay binigyan ng pagkakataon na pumili

Ang Palarong Pamantasan ng Bulacan State University (BulSU) sa taong 2023 na may temang "Balik Saya, Buong Sigla, Sa Bagong Simula" ay pormal na nagsimula noong Oktubre 16, 2023 sa main campus sa Malolos, Bulacan. Lahat ng mga kolehiyo at external campus ay nagpakita ng kanilang suporta sa kanilang pagsali sa Pambungad na Parada, na nagsimula sa BulSU Activity Center papunta sa Valencia Hall.

Nagsimula ang programa sa isang pagtitipon sa paligid ng Rizal Park, kung saan habang naghihintay na magsimula ang parada ay nagpatugtog ng musika ang BulSU Symphonic Band kasabay ang pagsayaw ng BulSU Lahing Kayumanggi Dance Troupe.

Pinangunahan ng mga majorette ang pagparada, na sinundan ng mga guro at estudyante mula sa bawat kolehiyo sa alpabetikong

pumili ng club na kanilang pamumunuan.

Nagsimula ang eleksyon sa nominasyon at halalan para sa presidente ng bawat club. Ang mga opisyal sa klase mula ika-7 baitang hanggang ika-10 baitang ay kinakailangang bumoto. Ang Top 6 na may pinakamataas na boto, ayon sa google forms na ginawa ng Committee, ay binigyan ng pagkakataon na pumili ng club na kanilang pamumunuan. Ang nahalal na presidente ng bawat club ay sina: Lindsay Agno mula sa 10 Kamagong para sa Junior Filipino Club (JFC), Heleina Ann Reyes mula sa 10 STE Zara para sa Junior English Club (JEC), Aceline-Anne Soriano mula sa 10 STE Juliano para sa Junior Science Club (JSC), Azariah Ckiel Cabigao mula sa 10 Yakal para sa Junior Math Club (JMC), Angelo Mateo San Pedro mula sa 10 Talisay para sa Junior TLE Club (JTLEC), at Cheri Ellaine De Jesus mula sa 10 STE Zara para sa Junior AP Club (JAPC).

Pagkatapos ihalal ang mga Presidente ay nagpatuloy ang halalan sa pag-nominate sa Bise Presidente, Sekretarya, Taga Ingat-yaman, Tagasuri, Tagapagbalita, Tagapamahalang Pangkalakalan, Lakambini, at Lakan ng bawat club, na mayroong parehong alituntunin na kagaya ng sa paghalal sa mga presidente. Pinuno ng Labhayenyos ng masayang tawanan at hiyawan ang AVR, hudyat na sila ay galak dahil sa pagbabalik ng mga clubs na ilang taon ring nawala. Ang bawat Labhayenyo ay hindi na makapag-hintay sa kasiyahan at bagong karanasan na ihahandog ng mga aktibidad ng bawat clubs.

alpabetikong pagkakasunod-sunod. Sumunod naman sa parada ang mga kolehiyo mula sa external campuses hanggang sa makarating sila sa Valencia Hall.

Bago pumasok sa Valencia, pinangunahan ni Rhealyn Mirandilla, na high jump at relays gold medalist sa nakalipas na NSCUAA 2023, ang pagsindi ng tanglaw ng pagkakaisa upang pormal na simulan ang mga kaganapan. Ang palarong pamantasan ngayong taon ay binubuo ng 19 na paligsahang pampalakasan kabilang na ang mga ball games, martial arts, dance sports, at maging ang kauna-unahang esports competition. Nakisama ang 13 colleges sa loob ng main campus at ang limang external campus sa patimpalak, na nagpapakita ng pagkakaisa ng pamilyang BulSUan at ang kakayahang magpakitang gilas sa larangan ng isports.

Ang Junior Filipino Club (JFC) ay nag-organisa ng patimpalak na 'Hataw Sayaw' na may temang

“Silakbo: Makulay na Kultura sa Makabagong

Lipunan” noong Nobyembre 9, 2023, na tampok ang masiglang pagtatanghal ng mga Labhayenyo ng iba't ibang pyesta sa Pilipinas sa Valencia Hall.

Sinimulan ang programa ng pambungad na panalangin na pinangunahan ng Taga-ingat Yaman ng JFC na si G. Santiago Carranza at sinundan ito ng pambungad na pananalita ng Pangulo ng JFC na si Bb. Lindsay Agno upang magbigay inspirasyon at pasasalamat sa kaniyang mga kapwa mag-aaral. Pagkatapos ay inanyayahan sa entablado ang isa sa mga gurong tagapayo ng JFC na si G. Vince Joseph Yepez para sa pagpapakilala ng mga hurado na sinundan naman ng pagbanggit ng pamantayan na pagbabasehan ng mga hurado.

Nagpatuloy ang mismong kompetisyon ng mga seksyon sa pamamagitan ng pagtatanghal ng iba't ibang pyesta na isinagawa ng mga mag-aaral mula sa Baitang 7 hanggang Baitang 10. Matapos nito ay ipinakilala ang mga opisyal ng Junior Filipino Club at pagbibigay Sertipiko ng Pagkilala sa mga hurado. Sinundan naman ito ng pagpapakilala sa mga nagwagi sa Tagisan ng Talino.

Nakamit ng Team Aguinaldo na binubuo ng 7 Pino, 8 Palosapis, 9 Dao at 10 STE Zara ang ikatlong pwesto habang ang Team Luna na binubuo ng 7 Dayrit, 8 Mahogany, 9 Guijo, at 10 Yakal ay nakuha ikalawang pwesto. Nagwagi at nakamit ng Team Bonifacio ang unang pwesto na binubuo nina Janeene Denelle Baluyot mula sa 7 Ipil, Abdullah Bautista mula sa 8 Palosapis, Yzza Nicole Bautista mula sa 9 STE Banzon at Jane Nikaella Del Rosario mula sa 10 Narra.

Bago matapos ang programa ay ipinakilala na ang tatlong seksyon na nagwagi sa patimpalak; ang nagkamit ng ikatlong pwesto ay ang 8 Mahogany na sumayaw ng Ati-Atihan Festival. Sumunod ang ikalawang puwesto na nakamit ng 9 Acacia na kumatawan ng Pintados Festival. At ang tinanghal bilang kampeon at kinilalang “Best in Costume” para sa patimpalak ay ang 9 STE Banzon, na nagpakita ng nakabibighaning pagsayaw ng Masskara Festival.

Ipinamalas ng mga mag-aaral ng LabHigh na ang kanikanilang mga talento sa lahat ng aspeto ay talagang kahanga-hanga. Nagkaroon ng masiglang pagtatanghal at paghataw sa bulwagan kung saan talagang pinatunayan ng mga LabHayenyo ang kahalagahan ng kulturang Pilipino.

Reyes, na bumalik sa LabHigh para sa kaganapan pagkatapos ng kaniyang pagreretiro noong nakaraang taon ng pag-aaral upang palawigin ang biyaya at karunungan na kaniyang iningatan sa mga nakaraang taon. Ang pangalawang hurado naman G. Jerome Mari Parangue, isang alumni na nanalo bilang Mr. BulSU Intramurals noong 2019. Ang huling hurado ay si Bb. Valerie Katrina Domingo, ang huling humawak ng titulo na Miss United Nations noong 2017.

South Korea, Anzherina Iyallie Nicdao (10 Kamagong), ang 2nd runner up ay si Miss United Kingdom Lorraine Venica Aldaba (9 STE Banzon) at ang 1st runner up ay si Miss New Zealand Azariah Ckiel Cabigao (10 Yakal).

At sa wakas, ang tinanghal bilang Miss United Nation 2023 ay walang iba kundi si Miss Egypt, Ashley Danielle Matic, mula sa 10 STE Juliano. Kaniyang magiliw na tinanggap ang korona mula sa reigning queen.

Sumunod ang segment ng adbokasiya, at ang mga kandidata ay nagsalita sa parehong pagkakasunodsunod ng kanilang pagpasok, kung saan ibinahagi nila ang kanilang mga adhikain hinggil sa mga isyu ng kanilang bansa sa pamamagitan ng kanilang adbokasiya.

mga kandidata, naipakita ang kanilang mga kasuotan at ang kumpiyansa na taglay nila. Sinundan ito ng taimtim na pambungad na panalangin na pinangunahan ni Bb. Jenah Jannicke De Castro, ang Junior AP Club Vice President. Nagbigay naman ng pambungad na pananalita ang Pangulo ng AP club, na si Bb. Cheri Ellaine De Jesus, na nagnanais na maging matagumpay ang kaganapan at ibinahagi ang layunin ng programa: Pagkakaisa sa mga bansa sa

Nagpatuloy ang programa sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga hurado, na pinagunahan ng gurong tagapayo ng AP Cub na si Bb. Rowena May David. Ang unang hurado ay si Gng. Josephine

Pagkatapos ay ginawaran ng mga host ang mga nagwagi sa SUMAGOT 2023 AP Quiz Bee na naganap noong Nobyembre 7, 2023. Nagwagi ang Group 5 (7 STE Dayrit, 8 Palosapis, 9 Acacia, at 10 STE Juliano) bilang 2nd runner up na sinundan ng Group 2 (7 Lanete, 8 Palosapis, 9 Dao, 10 Narra) bilang 1st runner up. Ang kampeon ng quiz bee ay ang Group 4 na binubuo nina Martin Shaun Garcia mula sa 7 Tanguile, Emaly Shirnel Sebastian mula sa 8 Mahogany, Rouyan Max Reyes mula sa 9 STE Banzon, at John Jesle Balanay mula sa 10 Yakal.

Sa pagbabalik sa pageant, ang reigning Miss United Nations na si Ms. Valerie ay naglakad sa entablado sa huling pagkakataon habang ibinabahagi ang kaniyang pasasalamat sa paglalakbay na kaniyang tinahak mula noong siya ay nanalo noong 2017.

Unang inanunsyo ang mga panalo sa espesyal na parangal. Si Miss Peru, na si Samantha Joy Reyes, ay itinanghal na nagwagi ng People's Choice Award. Si Miss New Zealand, Azariah Ckiel Cabigao, ay nanalo ng Best Promotional Video at Best in Introduction. Si Miss Egypt, Ashley Danielle Matic, ay itinanghal na may pinakamagandang Kasuotan o Best in Costume Award, samantalang si Miss Colombia, Mariane Angelique Cua, ay nagwagi ng Best in Advocacy.

Habang naririnig ang mga boses ng mga LabHayenyo na sumusuporta sa kanilang mga kandidato, inihayag ang Top 5 Winners. Ang 4th runner up ay si Miss Colombia, Mariane Angelique Cua (10 STE Zara), ang 3rd runner up ay Miss South Korea

Bago natapos ang kaganapan, ibinahagi ng punongguro na si Bb. Niña Lilia Javier ang kaniyang pagbati sa lahat ng mga seksyon na nakilahok at nagbigay ng kanilang pagsisikap sa pagpapatunay na basta LabHigh, mahusay.

Isang malaking pagbati sa lahat ng kalahok na kandidata at seksyon ng Laboratory High School. Salamat sa pagpapakita ng pagkakaiba-iba ng sangkatauhan at kahit sa gitna ng lahat ng pagkakaiba, makakatagpo pa rin ng pagkakaisa at kapayapaan kapag pinagsama ang pwersa ng lahat.

Ayon sa pagsusuri ng Social Weather Stations, na inilabas noong ika-5 ng Oktubre, bahagyang tumaas ang porsyento ng mga pamilyang Pilipino na nagtuturing sa kanilang sarili na mahirap mula sa 49% noong Disyembre 2022 na naging 51% na ngayon. Kasabay nito, ang inflation sa parehong buwan ay umabot sa pinakamabilis nitong rate sa loob ng 14 na taon. Bilang mamamayan sa bansa, kahit hindi pa ako nag-aasikaso ng mga mabibigat na bayarin ay ay dama ko ang pagtaas ng ggh mga bilihin. Sa katunayan, halos lahat ng tao ngayon ay napapa-aray sa patuloy na pagtaas ng presyo ngayon, ngunit bakit nga ba ito nangyayari? Ano ang epekto at puno’t-dulo ng suliraning ito at may ginagawa ba ang mga gobyerno upang maibsan ito?

Ang inflation ay bahagi ng ekonomiya. Ginagawa ito upang makontol ang suplay ng mga pangangailangan natin at ang demand ng tao. Ngunit tulad ng lahat ng bagay, masama ito kapag nasobrahan, at ito ang nangyari noong Enero kung saan pumalo ng 8.7% ang inflation rate sa bansa na sinundan ang huling pinaka-mataas na natalang resulta mula sa 9.1% noong 2008. Sa paglipas ng panahon, unti-unti ring bumaba ang inflation rate sa 4.1% noong nakaraang buwan ng Oktubre, subalit hindi pa rin masasabing tapos na ang kasagsagan ng inflation. Bumaba na ang presyo ng karamihan ng mga produkto kumpara sa simula ng taon, ngunit mataas pa rin ito kaysa sa nakasanayan ng masa. Sa katunayan, hindi na sapat ang minimum wage na 500 pesos sa probinsya at 600 sa Maynila. Ang isang libong piso na dating nakabibili ng pagkain para sa isang pamilyang sapat na sa isang buong araw ay para na lamang sa isang kainan ngayon. Pinakanaapektuhan ang sektor ng agrikultura at transportasyon kung kaya’t tumaas ang lahat ng bilihin. Noong Disyembre 2022, ang presyo ng puti at pulang sibuyas ay umabot ng pitong daan bawat kilo, dahilan para magpuslit ng ilegal na suplay mula sa kalapit na bansa noong Enero at ibenta ito nang mas mahal sa masa. Maliban dito, mayroon ring pagtaas sa rate ng kuryente kung saan may dagdag bawat buwan na mula sa 11.82 pesos per kWh noong huling buwan ay dinagdagan ngayong Nobyembre at naging 12.05 pesos per kWh. Sa transportasyon naman ay patuloy na tumataas ang presyo ng gasolina na umabot sa pinakamataas na presyo noong Mayo ng 2022 na umabot ng 85.99 pesos per liter. Unti-unti namang bumaba ang presyo nito at sa kasalukuyan ay 73.05 na. Mataas pa rin ito para sa karamihan, kung kaya’t pati ang mga pampublikong sasakyan ay napilitang magdagdag ng standard fare price mula 9 pesos noong 2020 ay naging 13 pesos ngayon. Kahit sa pagdagdag na ito, nahihirapan pa rin ang mga jeepney driver na mamasada lalo na’t hindi pa rin matanto ang pagbabago ng presyo sa gasolina at sumasabay rin ang presyo ng bilihin at kuryente.

Ang ilang mga kadahilanan, tulad ng mataas na buwis sa pagkonsumo at pagtaas ng mga gastos sa produksyon at pamamahagi bilang resulta ng pagsasapribado ng mga pampublikong kagamitan tulad ng mga bangko, mining companies, petroleum refineries, airlines, maging ang public busway na dinadaanan ng pampublikong transportasyon ay naging bahagi ng pagtaas inflation dahil ng kawalan ng akses sa publiko. Naapektuhan nang husto ang mga mahihirap nang magpataw si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng excise tax sa lahat ng mga produktong petrolyo noong 2018 bukod pa sa naaangkop na 12% value-added tax (VAT). Tinanggihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga panawagan na ihinto ang excise tax ng gasolina o VAT, na nag-uugnay sa digmaan sa Ukraine na naging sanhi ng oil and fuel shortage at iba pang panlabas na kadahilanan para sa mataas na halaga ng gasolina. Sinabi rin ng pangulo noong 2022 na ang bansa ay nakaranas ng malakas na paglago ng 7.6%, ang pinakamataas sa loob ng 46 na taon, sa kabila ng mga hamon sa ekonomiya. Maraming suliranin ang ekonomiya ng bansa na hindi nila makokontrol, ngunit ibinibigay raw nila ang lahat ng kanilang makakaya sa mga kaya nilang pamahalaan.

Ang pinaka malaking problema rin ay ang suliranin natin sa food security sapagkat wala tayo nito at limitado rin ang kakayahan natin sa importasyon, na naging sanhi rin sa nakaraang isyu sa pagtaas ng presyo ng sibuyas. Nakakagulo ito isipin lalo na’t sa ibang panig ng bansa ay may mga paninda tulad ng gulay, prutas, at palay na itinatapon na lang sapagkat hindi ito mabenta sanhi ng oversupply. Ang iba naman ay ipinapamigay ito nang libre dahil hindi nila kaya ang presyo na kailangang bayaran sa transportasyon ng kanilang produkto.

Nakakabilib isipin na noong panahon ng kampanya ay binigyan tayo ng mga pangako tulad ng bente pesos na bigas ngunit ngayon ay 41 pesos pa rin ito kada kilo. Hindi na nga bumaba ang presyo ng bigas, tumaas naman ang lahat ng ibang bilihin at pangangailangan natin.

Sa kabuuang pagtaas ng interest rate na 350 basis points para sa 2022, ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay umabot sa 14-year high na 5.50 percent para sa benchmark na overnight reverse repurchase rate. Ngayon, pinapalakas ng BSP ang monetary policy kung saan maipapatas ang matatag na inflation na nakakatulong sa pagbalanse at pagpapalago ng ekonomiya.

Hindi maitatanggi na may ginagawa ang mga opisyales para mapagaan kahit paano ang suliranin natin sa inflation, pero hindi rin mapagkakaila na marami ang nahihirapan dahil dito. Kasabay ang hirap sa paghahanap ng maayos na trabaho at ang pagkakasya ng kung ano man ang mayroon tayo para lang sa pang-araw-araw na gastusin ay ang realidad na patuloy na tataas ang presyo ng bilihin dahil diyan rin umuugat ang ekonomiya. Ang masama lang ay ang bilis sa pagtaas ng inflation, at iyon ang dapat solusyunan ng mga nakatataas.

Maraming pinanggalingan ang problema sa inflation at tunay na kumplikado itong proseso, ngunit ang nakikita kong pinaka-epektibong solusyon ay ang pagsuporta sa sektor ng agrikultura dahil kung tutuusin, may kaya ang bansa natin at mayaman tayo sa mga pananim. Ang humahadlang lang sa atin ay ang walang bisang pagpaplano, lalo na sa food security. Kaya nating dumepende sa mga pananim na mayroon tayo, subalit hindi nabibigyan ng tamang suporta ang mga magsasaka na ibenta ang produkto nila nang hindi nalulugi. Kung pag-aaralan lang nang tama, maaari ito bilhin ng pamahalaan sa murang halaga. Pwede nilang sagutin ang pangangailangan tulad ng makinarya, pataba, at iba pa at kapag ibebenta na ang produkto, sila na rin ang bibili sa mababang halaga na maibebenta nang may kita kahit hindi ganoon kataas ang presyo at pang-masa na.

Bumalik tayo sa “golden era” na ipinagmamalaki sa termino ng Dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr. na kung saan uunlad ang bansa at giginhawa ang buhay ng mamamayan sa pamumuno ng mga nakaupo, ngunit sa katotohanan, mas lumubha ang kalagayan ng ating ekonomiya. Ngayon, nakikita nating nauulit ito. Hindi naging kulay ginto ang ating buhay, subalit presyong ginto naman ang bilihin.

Sa kasalukuyan, wala tayong tiyak na magagawa bilang mga mamamayan upang agarang masosolusyunan agad ang isyu ng inflation. Wala tayong magagawa upang maibsan ang sakit ng mga gastusin, ngunit kailangan nating hintayin ang kung ano man ang ipapatupad ng mga opisyal at nakakatataas. Kung magpapatuloy man ang kalagayan natin ngayon at mas lumala pa, oras na para lakasan ang ating boses at iparinig ang ating mga hinanakit, sapagkat hindi ito ang “golden era” na inaasahan ng mga nalinlang sa atin.

Maaaring hindi pa ngayon ang oras, ngunit sana ang mga napagdadaanan nating paghihirap ngayon ay magsilbing liwanag sa mga nagbubulag-bulagan. Para sa hinaharap ay mas marami na ang mamulat at tuluyan tayong makabangon sa pagkabaon sa mga presyo ng bilihin.

Naging kontrobersyal ang pagkuha ni VP Sara Duterte ng 125 milyong piso sa loob ng labinsiyam na araw. Ito ang nag-udyok sa mga mamamayan na mas usisain ang transparency sa mga ahensya ng gobyerno, mas lalo ang Office of the Vice President. Bakit nga naman nangailangan ng pondo si Sara, at paano niya ito ginastos?

Una, ano ba ang confidential & intelligence funds? Ang confidential & intelligence funds ay ang perang inilalaan ng pambansang badyet sa mga surveillance and intelligence operations, kaya ang mga karaniwang kumukuha ng confidential funds ay ang kapulisan at ang militar. Ang mga pondong ito ang nagpapatakbo ng mga klasipikadong mga gawain na may kinalaman sa pambansang seguridad.

Ayon sa isang joint circular noong 2015 ng Commission of Audit, Department of the Interior & Local Development, Department of Budget & Management, Department of National Defense, at Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations, ito lang daw ang puwedeng paggamitan ng confidential funds: pagbili ng impormasyon para sa paglulunsad ng mga programang may kinalaman sa pambansang seguridad, pagrenta ng mga sasakyan para sa mga gawaing kompidensyal, anumang gastusin sa mga safehouse, pagbili ng mga kagamitan para sa mga operasyong kumpidensyal, pambayad sa mga informant, at ang pagpigil ng mga ilegal na gawain na nagsasapanganib sa mga tauhan at mga ari-arian ng ahensya.

Dagdag ng joint circular na ito, maaari lamang gamitin ang intelligence funds sa mga operasyong intelligence at counterintelligence na may malaking epekto sa pambansang seguridad, sa mga special projects ng ahensya, at ang mga operasyon laban sa kawalan ng kaayusan. Bawal namang gamitin ang confidential funds sa kahit anumang uri ng suweldo (maliban na lamang kung ito ay awtorisado ng pamahalaan), representation & consultancy fees, entertainment expenses, at ang paggawa at pagbili ng mga pabahay.

Ang maaaring makakuha ng confidential funds at intelligence funds ay ang mga National Government Agency. Ngunit pagdating sa pag-audit ng confidential funds nagkakaroon ng pangungurakot dahil mismong ang mga ahensyang humihingi ng confidential funds ang mag-o-audit. Wala masyadong pangangasiwa sa pag-audit dahil sa katangian na ito.

Ang mga nagiging dahilan daw ng pagkuha ni Sara Duterte ng confidential funds sa DepEd ay para mas mapabuti ang kaligtasan ng mga estudyante. Ngunit nakakapagtaga ang pahayag o intensyon ng bise presidente, lalo na't maaaring magamit ang pondong ito sa mas malalaking isyu tulad ng kakulangan ng mga silid-aralan.

Hindi maitataas ng DepEd ang kalidad ng pag-aaral sa bansa kapag nagpatuloy pa itong pagsasantabi ng mga pera at priyoridad. Kakailanganin ng DepEd ng pondo upang mabawasan ang studentteacher ratio at kalaunan ay maitaas ang kalidad ng kurikulum. Mas makakapag-aral nang mabuti ang mga Pilipino kung mayroong maayos na silid-aralan at kurikulum, at sana’y malaman at maayos ng ahensya ang kanilang priyoridad.

Kaya ng OVP na ipagpatuloy ang kanilang mga operasyon at aktibidad ng walang confidential funds. Ano bang mga aktibidad na isinagawa ng OVP upang gastusin ang malaking halaga ng pera? Nakakapagtaka, hindi naman pambansang seguridad ang tungkulin ng OVP. Para raw sa safe implementation ng mga gawain ng OVP ang confidential funds na ito, at malamang ay hindi rin dapat ito para sa confidential activities. Ano ang mga gawaing ito at bakit nila kailangang gumastos ng malaki? Isa ba itong panakip sa pangungurakot sa loob ng OVP?

Sa lahat ng ito, hiniling pa rin ni VP Sara Duterte ang 600 milyong pisong confidential funds para sa OVP at DepEd para sa pambansang badyet ng 2024. Subalit, hindi niya ito tinuloy dahil ito raw ay "divisive" at mas mainam na ilaan ito sa mga ahensyang mas nangangailangan ng pondo, gaya ng hukbong sandatahan sa West Philippine Sea. Alam naman nating lahat na ito ay para lamang maisalba ang kaniyang karangalan bilang isang bise presidente.

nagsasabing mandato ng MTRCB na protektahan ang mga Pilipinong manonood laban sa kalaswaan at kahalayan, lalo na ang kabataan. Pangangatwiran ng iba, ginagawa lamang ng ahensiya ang kanilang tungkuling ipatupad ang batas at panatilihin na ang napapanood ng publiko ay age-appropriate at value-based. May awtoridad rin daw ang MTRCB na pamahalaan ang mga media content, na nakasaad sa PD 1986, na nagtatag sa ahensiya noong panahon ng rehimeng Marcos Sr.

“Anong pagkain ang masarap simutin gamit ang daliri? a. Natunaw na tsokolate b. Mumo/crumbs ng tsitsirya c. Gravy ng fried chicken d. Icing ng cake”

Ipakikita ng mga hosts ang pagsimot sa bawat pagkain. Si Ion ang titikim ng icing ng keyk. Pagkatapos ipakita ni Ion kung paano sumimot ng icing, magre-react si Vice na ulitin niya ito nang slowmo at may kasamang background music. Sasambit naman si Jugs ng "parang gusto rin ni Ate [Vice Ganda]." Lalapit si Ion kay Vice at kukuha pa ng icing sa keyk. Kukuha naman si Vice ng icing sa daliri ni Ion at sasabihing "happy monthsary" bago isubo ang icing sa kamay.

Bago ko simulan ang editoryal na ito ay pinanood ko ang livestream ng ‘It's Showtime’ noong araw na iyon para panoorin ang parteng ito ng ‘Isip-Bata’ segment nila. Hindi ko na nga namalayan na nakapili na ang mga batang hosts na sina Jaze, Kulot, at Argus ng kani-kaniyang mga sagot dahil ine-enjoy ko lamang ang aking panonood. Pero kagaya ko, dalawang linggo rin silang hindi nasilayan ng “Madlang People” sa telebisyon, partikular noong Oktubre 14 hanggang 27, kung saan suspendido ang pagpapalabas sa ere ng higit isang dekada nang pantanghaling variety show ng ABS-CBN. Sadya bang mapait at matabang ang pagkakataon para umabot ang lahat sa ganito? O baka naman talagang may samâ sa panlasa at binudburan ng isang dakot ng homophobia ang mga taga-MTRCB?

Nagsimula ang lahat noong Hulyo 31, kung kailan inanunsiyo ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na pinadalhan nila ng Notice to Appear and Testify ang mga prodyuser ng ‘It's Showtime’. Base ito sa mga reklamong natanggap nila mula sa “concerned citizens” na imoral, malaswa, at hindi disente ang moment ng dalawang hosts kung saan tumikim ang dalawa ng icing ng keyk. Ayon pa sa MTRCB, ang ginawa ng dalawa ay lumalabag sa Section 3(c) ng Presidential Decree No. 1986. Ang paglilitis ay itinakda noon ring Hulyo 31, sa MTRCB Office sa Quezon City.

Ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay isang ahensiya ng gobyerno sa ilalim ng Office of the President na responsable sa klasipikasyon at pagsusuri ng mga programang pantelebisyon, pelikula, at publicity materials. Maaari silang sumuspinde, magpamulta, o kumansela ng mga materyal na lumalabag sa mga regulasyon nila. Nakasaad sa Section 3(c) ng PD No. 1986 na may kakayahan silang i-sensor ang mga materyal na sa tingin nila ay imoral, hindi disente, o labag sa batas o mabuting kaugalian ng mga Pilipino.

Nagsagawa ng special board meeting ang MTRCB noong Agosto 17 para dinggin ang anila'y mga reklamong inihain ng mga manonood laban sa programa. Nakasaad sa isang pahayag ng ahensiya na ni-refer ang kaso sa Hearing and Adjudication Committee na siyang duminig dito at pinaghain ang mga respondente ng kani-kaniyang position paper. Ayon pa sa MTRCB, kamakailan raw ay nagpadala sila ng dalawang warnings sa programa dahil sa pagbigkas ng mga salitang hindi naaangkop sa telebisyon. May mga reklamo rin daw silang pinalagpas sa diwa ng pagiging patas tulad ng wardrobe malfunctions o nip slips, pagpapares sa mga host sa isang segment para sumalo ng play money gamit ang bibig, at iba pa.

Sa kanilang regular na board meeting noong Agosto 29, nagkakaisang pinagbotohan ng mga board members ng MTRCB ang suspensiyon ng “It's Showtime.” Hindi lumahok sa botohan ang tagapangulo nitong si Lala Sotto, na nagtitiyak umanong may kalayaan ang mga board members na hatulan ang nasabing kaso. Kapamilya niya ang dating senador na si Tito Sotto at beteranong artista na si Vic Sotto, na mga hosts ng programang 'E.A.T.,' na katapat naman ng “It's Showtime” tuwing tanghali. Nauna na itong inapela ng ABS-CBN at GMA, pero binasura ng MTRCB ang kanilang mosyon. Kagustuhan na ng mga respondente kung aapela sila sa Office of the President, ngunit pinili ng ABS-CBN na hindi na ito gawin at sa halip ay sumailalim sa 12araw na suspensiyon. Anila, iginagalang nila ang awtoridad ng MTRCB, pero naniniwala silang walang nangyaring paglabag ang programa sa anumang batas.

Ang desisyong ito ng MTRCB ay nahaharap sa samu’t saring reaksiyon ng publiko. May mga sumuporta sa hakbang ng ahensiya, tulad ni Manila 6th District Rep. Benny Abante, na masasabing

Binatikos naman ng iba ang desisyon dahil sa bigat ng parusang ipinataw para lamang sa pagtikim ng icing ng keyk. Puna pa ng ilan, atake ito sa freedom of expression ng mga artista at ng buong midya. Parte lamang daw ito ng creative at artistic expression nina Vice Ganda, Ion Perez, at Ryan Bang, lalo’t kinakailangang ipakita kung paano simutin ang pagkain na parte ng segment. Kilala ang mag-asawang sina Vice at Ion sa mga comedic at romantic antics nila sa programa, at ang moment na ito ng dalawa ay hindi naman dapat pag-isipan nang masama o haluan ng malisya.

Sa pananaw ng isang abogado, walang nilabag na batas sina Vice at Ion. Sa konsultasyon ng talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz kay Atty. Jun Lim, sinabi nito na ang pagkonsumo sa icing ay hindi naman malaswa o imoral. Maaaring may ipinapahiwatig ito sa isipan ng karamihan, ngunit hindi ibig sabihin nitong krimen na siya. Subhetibong interpretasyon lamang ang malisyang iniuugnay sa dalawa, na wala namang legal na batayan.

Sinuri rin ng isang sikolohista ang episode na ito ng “It's Showtime” at wala naman siyang nakitang mali rito. Ayon sa CEO ng Clinic of the Holy Spirit Inc. at resident clinical psychologist ng programa na si Dr. Camille C. Garcia, karanasan o mga pangyayari sa buhay ng tao ang humuhubog sa kaniyang pagtingin sa mga bagay-bagay kabilang ang pagbibigay-malisya at mga seksuwal na paksa. Aniya, ang isang batang hindi pa malay sa mga seksuwal na bagay ay hindi makikita ang akto ng pagdila sa icing ng keyk na malisyoso o seksuwal.

Kahit ako, na isang bata, ay wala namang nakitang mali nang aking panoorin ang segment, kundi dalawang taong masayang tumitikim ng icing ng keyk. Sa kabilang banda, may nakita naman ditong hindi disente ang MTRCB, na umabot sa puntong pinatawan nila ng 12-araw na suspensiyon ang programa. Sabi nga ni Chel Diokno, marami na tayong nasaksihang porma ng pagmamahal sa pagitan ng mga heteroseksuwal sa telebisyon, pero hindi naman ito pinupulis ng MTRCB. Kapag bakla ang gumagawa, pinandidirihan, kinukutya; kapag lalaki at babae, kinakikiligan, nakaka-in love. Sadya bang nagkamali sina Vice at Ion o baka naman iba lang ang pamantayan nila sa kung ano ang disente at katanggap-tanggap para sa LGBTQIA+ community?

Ang kontrobersiyal na isyung ito ay lumalabas na sa usapan ng kung ano ang kagusto-gusto, kaaya-aya, at katanggap-tanggap. Isyu na ito ng pansesensor sa midya at kalayaan sa pagpapahayag. Sa katunayan, hindi nalalayo ang MTRCB sa mga isyu tulad ng kagustuhan nitong panghimasukan ang mundo ng streaming at mga kakuwestiyon-kuwestiyong pamumulis sa mga media content. Sa kaputukan ng mga diskurso tungkol sa pagkain ng icing, marami rin ang pumuna sa sakop at kapangyarihan ng MTRCB. Sa panahon na samu’t sari na ang mga kinokonsumong materyal ng mga manonood at napapanood na ito sa telebisyon, sinehan, o kahit sa ating mga gadyet, nagagampanan pa nga ba ng ahensiya ang tungkulin nito? O pinaglipasan na ng panahon at dapat na ipatupad na lamang ang self-regulation?

MTRCB, aminin na natin, outdated na kayo at dysfunctional. Kung may isa mang bagay ang naging malinaw dito, ito ay ang pagkilala ninyo sa kung ano ang "objectionable for being immoral, indecent, contrary to law and/or good customs, injurious to the prestige of the Republic of the Philippines or its people" sa paglipas ng panahon. Sa isang panayam sa direktor na si Albert Langitan, nauunawaaan niya nang ipatawag ang mga prodyuser ng kaniyang programang “Impostora” noong 2017 dahil may "shift of values" daw depende sa taong namamahala sa ahensiya. Nanggaling naman mismo sa bibig ng kasalukuyang chairperson na si Lala Sotto: ang kaniyang batayan sa pamamahala ay ang kaniyang spiritual conviction. Oo, spiritual conviction. Sino ba talaga ang dapat magsabi kung ano ang naaangkop at kaaya-ayang panoorin ng mga manonood? Ang estado? Ano nga ba ang ideya ng mga “contemporary Filipino cultural values”? Sino ba dapat ang magdikta kung ano ang mga kaugaliang ito? Ano ba ang “imoral” na akto para sa ahensiya?

Sa dami ng mga katanungan, hindi na malaman pa kung ano ang dapat sagutin. Pero may isang bagay na hindi na dapat kinukuwestiyon: walang karapatan ang estadong sabihin sa tao kung ano ang dapat at hindi niya dapat makita. Kung kinikilala ng isang demokrasya ang kalayaan sa pagpapahayag, hindi siya lalagpas sa linyang ito. Ang dapat na papel ng gobyerno ay manguna sa pagpapahalaga sa information at media literacy ng mamamayan, na siyang mag-aangat sa matalino, kritikal, at mapagpalayang midya dito sa Pilipinas.

Lasang-lasa man ang pait at tabang, tumamis naman ang ngiti ng mga tao nang magbalik ang ‘It's Showtime’ noong Oktubre 28. Ani Vice Ganda, “tapos na ang 12 days, na-miss natin ang isa't isa, comeback is realz.”

Ang Magna Carta ng mga mag aaral sa Bulacan State University ay ipinasa upang bigyang-proteksyon ang masang estudyante laban sa kahit anong uri ng diskriminasyon at itaguyod ang mga karapatan at ang kalayaan ng bawat estudyante sa loob ng pamantasan.

kamalayan ng masang estudyanteng layong protektahan nito? Paano nga ba natin malulutas ang kakulangan sa implementasyon nito kung hindi naman ito naipapatupad ng kasalukuyang administrasyon? Ikaw, Labhayenyo, alam mo ba ang karapatan mo?

Ang Magna Carta ng mga estudyante ay unang sinimulan ng Student Government noong taong panuruang 2018-2019. Unang inilabas ang official draft ng Magna Carta ng mga estudyante noong Disyembre 2018. Layunin nitong magsilbing tugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa loob ng unibersidad na siyang dahilan ng pagpasa ng Republic Act 10931 o mas kilala sa tawag na Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Patuloy naman itong pinagtibay at ipinanukala ng mga lider-estudyante, hanggang sa maipasa ang final draft nito noong ika-16 ng Enero, taong 2020, at tuluyang ipinasa noong ika-24 ng Hunyo, taong 2023.

matatagpuan ang mga batas na nais protektahan ang karapatan at interes ng mga mag-aaral sa loob ng pamantasan. Ngunit isang tanong ang lumulutang sa tuwing pinag-uusapan ang Magna Carta ng mga mag-aaral: naiimplementa ba ito sa Laboratory High School?

ng pamantasan. Tungkulin ng bawat miyembro ng paaralan na tiyakin ang mahigpit at maayos na pagpapatupad nito. Mahalaga ang kontribusyon ng bawat isa upang patatagin ang implementasyon ng Magna Carta of Students at tiyakin na ang bawat estudyante ay nabibigyan ng tamang proteksyon at respeto sa kanilang mga karapatan. Labhayenyo, sama-sama tayo tungo sa isang dekalidad na edukasyon kung saan ang karapatan at interes natin ay

Ngunit ano ang silbi nito kung kulang ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol dito? Para saan ang Magna Carta ng mga mag-aaral kung hindi nagagamit ang mga benepisyong handog nito dahil sa kawalan at kakulangan ng kamalayan

Matagal at mahirap ang naging proseso sa paggawa ng Magna Carta ng mag-aaral, kaya’t

Maraming aspeto ang dapat suriin at bigyangdiin. Isa sa mga pangunahing bahagi ng Magna Carta of Students ay ang pagbibigay ng kalayaan sa akademiko at ekspresyon sa bawat mag-aaral. Subalit, paano nga ba ito naipapatupad sa pang-araw-araw na buhay ng mga Labhayenyo sa loob ng paaralan. May mga pagkakataon ba na nahahadlangan o nalilimitahan ang kanilang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin? Dagdag pa rito, kinakailangan ding suriin kung paano nabibigyan ng boses at representasyon ang mga mag-aaral sa mga desisyon at polisiya ng paaralan. May sapat bang kaalaman ang mga estudyante sa mga alituntunin o regulasyon na direktang nakakaapekto sa kanilang karapatan at kapakanan?

Pebrero 25, ang ibang mga nasyon ay maituturing ito bilang isang normal na araw lamang, ngunit para pagkamit ng tunay na demokrasya para sa bansa. Subalit, sa pagbabalik ng pamilyang dati nang napatal mamamayang Pilipino ang karumal-dumal na nakaraan na dulot ng kanilang pamilya.

Taong 1972 noong isinailalim sa Martial Law ang bansa sa ilalim ng administrasyon ni Marcos Sr. Sa m dala ng pamilyang Marcos. Noong ika-22 hanggang ika-25 ng Pebrero 1986, milyon-milyong Pilipino ang rebolusyon na may layong patalsikin si Ferdinand Marcos Sr. mula sa kaniyang pwesto. Ang pangyayarin isang bahagi ng kasaysayan na tumatak sa isipan ng bawat Pilipino.

Tunay ngang isa sa pinakamahalagang kaganapan sa bansa ang Pebrero 25, ngunit noong inilabas ang opi ang People Power Revolution sa mga ito. Ito’y nagdulot ng samu’t saring reaksyon mula sa mga tao. Ay listahan dahil ito ay tatapat sa araw ng Linggo at magkakaroon lamang ng kaunting sosyo-ekonomikong kasama sa nasabing listahan ang ika-8 ng Disyembre o “Feast of the Immaculate Concepcion of Mary” na ang Disyembre 8 ay nasa batas habang ang Pebrero 25 ay isang Executive Order lamang. Bagamat may paliwanag ang Opisina ng Pangulo sa mga katanungan ng mamamayan, marami pa rin ang nagpa ng pamilyang Marcos na itago ang kasaysayan ng kanilang pamumuno. Sinagot naman ni Sen. Imee Marcos, na hindi mababago ng isang holiday ang kasaysayan dahil ito ay malinaw.

Sa kabila ng mga pagpapaliwanag ng gobyerno tungkol sa kumukulong isyu, hindi pa rin maitatago ang k mga Pilipino at talagang nakakapagtaka at kaduda-duda ang naging eksklusyon na ito. Matatandaang nau terminong “diktadurang Marcos” na naging isyu rin para sa karamihan.

Ang mga pagbabagong ginagawa ng kasalukuyang pamahalaan sa ating sistema ay isang hudyat para sa ati upang ikuwento sa susunod pang henerasyon ang kwento ng pagbagsak at muling pagbangon ng mamamayang ang nasa taas ngunit nasa atin pa rin ang kapangyarihan, nasa ating mga kamay ang mga bagay na dapat darating na Pebrero 25, tayo ay maghawak kamay at gunitain ang mga lumaban para sa tunay na kalayaan

Panitikan

Ang isang tao ay maaaring umiiral nang may mga talento na ibinigay mismo ni Apollo nguni may kakayahan pa ring malunod sa karagatang nilikha ni Poseidon o maipit ang kaniyang ulo sa kalangitan ni Zeus. Maaari rin siyang mamuhay kasama ang talas ni Aristotle o ang malawak na pagiisip ni Socrates.

Ang isang bata ay naglakas-loob na mangarap, at ang mangarap ay ang gumawa. Mayroon siy boses ng isang anghel, katalinuhan ng isang pilosopo, at karunungan ng isang santo—siya ay isang kap

May bagong napagtantong kay halaga

Mga gunita at pagyakis sa katauhan

Na natutuklasan ng nagmumuni-muning dalaga

Ang pag-alpas ko sa kamusmusan ay ang aking paalam sa munting kaulayaw

Sapagkat sa pag-iral ay nararapat pagdaanan ang banyuhay

Sa paggunita ng ugma na awanggan, dulot nito’y kahidlaw

Tanging nais ay magpatuloy sa mundo na ang puso’y dalisay ang taglay

Humaharurot, walang

Umiikot upang sa araw-araw Gulong na lagi't lagi

Dahil iyon ang tunay na

Marahas ang agos ng buhay

Hangga't dama ang tanglaw

Kahit 'di na alam kung saang

Huwag tumigil sa iyong pag

Turuan ang sarili

Sa buhay, ito'y nagsisilbi Ating hagdan patungo sa bawat

May isang luma, maalikabok, at malaking telepono sa kwarto ni Dani. Matagal na siyang nagtataka kung bakit ito nasa kwarto niya. Ang sabi ng kaniyang mga magulang, sa lola raw niya ito galing. Ginamit niya raw ito bilang libangan noong siya’y dalaga pa lamang. ‘Yon ang ipinagtataka ni Dani; paano magagamit ang isang luma at gusgusin na telepono? Matagal na niyang gustong ipatanggal ito sa kaniyang kwarto, ngunit wala itong ibang paglalagyan dahil puno na ang kanilang bodega kaya’t pinagtiisan niya na lamang ito.

Isang gabi, habang siya ay gumagawa ng takdang aralin, nakarinig siya ng isang tunog. Luminga-linga siya sa paligid upang hanapin kung saan nanggagaling ang tunog na ito. Napadpad ang mata niya sa lumang telepono; doon nanggagaling ang tunog. Nagtaka siya.

“Gumagana pa pala ‘to?”

Panitikan

Pinagpag niya nang kaunti ang telepono saka niya ito itinaas sa kaniyang tainga. Pinakinggan niya kung may lalabas bang tunog mula rito at ‘di siya nabigo, dahil ilang segundo lamang ay may nagsalita mula sa kabilang linya.

“He-e-llo?” putol-putol na wika ng isang babae.

Bahagyang napatalon si Dani sa gulat. Hindi niya akalaing gumagana pa ang telepono, ngunit ang mas ipinagtataka niya ay kung sino ang babaeng sa kabilang linya.

“Hello? Sino ‘to?” tanong niya sa babae.

“Ako si Na-a-yah. I-ikaw? A-anong panga-a-lan mo?” putol-putol pa rin na wika ng babae.

“Dani. Dani ang pangalan ko.”

“Sa a-a-nong taon ka-a ga-a-li-ing?”

Nagtaka si Dani. Bakit naman siya tatanungin kung saang taon siya galing? May pagka-kakaiba rin ang babaeng ito.

“2023. Hindi mo ba alam? Saka paano mo nalaman ang numero nito?”

“Hi-i-indi mo ba a-alam ang sikre-e-to ng telepo-o-nong ito?”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Isa-a-ang daang ta-o-n ang pagitan natin. Kung i-ika-a-aw ay nasa taong 2023, ako na-a-man ay nasa taong 2123. Mula a-ako sa hin-a-ha-a-rap. Iyon ang si-ikre-e-to ng tele-e-po-no-ong ito.”

Nagsalubong ang kilay ni Dani sa sinabi ni Nayah. Pagkatapos ng ilang segundo ay natawa ito.

“Hi-indi namin kaila-a-angan ng pera. Ang kai-i-langan namin ay boses. Kuma-a-lap na a-ako ng mga imporma-a-asyon. Alam ko na ang sitwa-a-asyon natin ‘pag dati-iing sa eduka-a-asyo-on ay parehas lam-ang. 7 AM - 5 PM classes, sandama-aakmak na mga takdang ara-alin at PETAs, sunod-sunod na pagsu-u-usulit, at hindi matapos-tapos na mga ga-a-awai-in. Ang kaibahan la-a-ang sa ating dala-a-awa ay mas malala sa amin. Ubo-os na ubos na-a kami at a-ang oras namin. Kaya kailangan na-a-amin ng tulo-o-ong mo…” pagmamakaawa ni Nayah.

Nang marinig ang samo ni Nayah ay nakaramdam ng lungkot si Dani. Totoo ang mga sinabi niya. Isa sa kalaban ng mga mag-aaral sa Pilipinas ay ang oras ng pagpasok at paglabas ng paaralan. Kung ikokompara sa ibang bansa, mas maluwag ang kanilang oras kaysa sa ating bansa. Ang sabi pa nga ng ilan ay baka dahil sa time management lang, ngunit paano magagawan ng plano ang ganoong kaikling oras na para ka na ring tumira sa paaralan? Kaya’t buong pusong naiintindihan ni Dani ang sitwasyon nina Nayah. Kung ngayong kasalukuyang panahon pa lang ay malala na, paano pa kaya pagkalipas ng isandaang taon?

“Ano ba ang maitutulong ko sa inyo?” tanong ni Dani.

“Bumo-o-oses ka-a, magi-i-ing boses ka para sa mga ka-abata-an na naghihirap ngaayon. Nang sa ga-ayon ay maba-a-awasa-an ang paghi-i-ihirap na-a-atin.” pagsamo ni Nayah.

Tumalima si Dani sa hiling ni Nayah; sumali siya sa mga organisasyon na tumutulong na ipaglaban ang karapatan ng mga kabataan. Nakilala siya bilang isang matapang na mag-aaral na bumoboses para sa kabataan tuwing kinakailangan. Ang pagkilos para sa hinaharap ay isang malaking bagay, hindi lang para sa sarili, kundi pati na rin sa mga susunod na henerasyon. Sa pamamagitan nito, tinutulungan natin sila na ‘di maranasan ang paghihirap na ating dinanas sa loob ng ilang taon. Ito ay regalo na natin sa kanila at sa susunod pang mga henerasyon dahil walang tao ang nararapat na maabuso.

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay hindi na muling nagkausap pa sina Dani at Nayah. Ang hiling ni Dani ay sana gumaan ang mga dinadala ng mga estudyante sa panahong iyon. Naisip din ni Dani na kaya pala naging libangan ito ng kaniyang lola ay dahil may pambihirang kapangyarihan pala ito, na siya at si Dani lang ang nakakaalam.

Sa isang prestihiyosong unibersidad sa Bulacan, may isang lugar na nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataang ninanais na matupad ang kanilang mga pangarap. Pinagsidlan ng simbolo ng mga pangarap pag-asa ng bayan para sa isang mas maunlad na kinabukasan.

Noong 1904, isang intermedyang paaralan ang unang nagpasibol ng mga pangarap. Sa panahon ng pagsakop ng Amerikano, ang Bulacan State University ay naging simula ng mga bagong oportunidad sa bisa ng Batas 74 ng Philippine Commission noong 1901, na pinagtibay ng Komisyon ng Pilipinas bilang batas. Nilikha ng Batas ang Kagawaran ng Pampublikong Pagtuturo na ang layunin ay ilatag ang mga pundasyon ng sistema ng pampublikong paaralan sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng pagtuturo sa kalakalan at industriya, ang edukasyon ay naging daan tungo sa kinabukasang puno ng posibilidad.

Noong 1907, nagkaruon ng pangarap ang dating gobernador ng Bulacan na si Teodoro Sandiko na itatag ang isang paaralang pangkalakalan. Sa kanyang determinasyon, naging Bulacan Trade School ang dating intermedyang paaralan noong 1909. Sa ilalim ng pamumuno ng isang Amerikanong punong-guro at kasama ang limang guro, apat sa kanila ay mga Amerikano na mas kilala sa bansag na Thomasites, nagsimula ang landas tungo sa kaunlaran at kaalaman.

Sa pagpasa ng Philippine Autonomy Act noong 1918, nagsimula ang isang makasaysayang yugto para sa Bulacan Trade School. Si Mr. Basilio Abiado, ang unang Pilipino na naging punong-guro, ang nagsilbing simula ng pagtahak ng paaralan sa bagong landas. Kasunod niya ay sina Mr. Dionisio Patag at si Mr. Juan Lopez, na nagbukas ng landas para sa secondary trade curriculum. Noong 1926, sa pangunguna ni Mr. Gonzalo Villaverde, umusbong ang kumpletong secondary trade curriculum. Sa harap ng limitadong pasilidad, nagtaguyod ang Bulacan Trade School sa pakikipagsalo sa silid-aralan ng Bulacan High School (ngayon ay Marcelo H. Del Pilar Highschool). Mula 1931 hanggang 1945, sina Mr. Isaias P. Maclang at Mr. Melanio Orbeta ang nagsilbing mga punong guro, at si Mr. Deogracias P. Flores ang pumalit matapos ang Ikalawang Digma ang Pandaigdig bilang punong guro.

Sa kalagitnaan ng pagbangon mula sa pinsalang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945, isang bagong yugto ang nabuksan para sa paaralang ito. Ang tulong mula sa U.S. army at ang pagdami ng mga estudyante ang nagsilbing daan upang maitayo ang mga bagong gusali. Noong 1949, may donasyon ng dalawang Quonset huts mula sa USIS, habang noong 1951, itinayo ang dalawang-palapag na gusali gamit ang pondo mula sa War Damage Rehabilitation Fund. At noong 1952, ang Girls' Trades building ay nabuo sa tulong ng donasyon mula sa PTA ng paaralan.

Noong Hunyo 20, 1953, naging nasyunalisado at naging Bulacan National Trade School ang paaralan. Sa tulong ng iba't ibang ahensya, nakakuha ito ng mga kagamitan at gusali. Pagkatapos, noong 1957, sa bisa ng R.A. 1800, ito ay naging Bulacan School of Arts and Trades (BSAT) sa pamamagitan ng batas na pinagtibay ni dating Kongresista Florante C. Roque. Sa kamay ni Mr. Santiago G. Roxas, ang kauna-unahang superintendent, nagningning ang paaralan sa pag-aalok ng espesyalisadong kurso. Ang kaniyang pangarap na gawing kolehiyo at unibersidad ang paaralan ay naging tanglaw ng bagong yugto ng edukasyon. Kasama niyang nag-ambisyon ay sina Mr. Arnulfo M. Tongio at Mr. Leandro Jimenez, na naghatid ng bagong landas sa paaralan hanggang sa kanilang pagreretiro.

Ipinagpatuloy niya ang adhikain para sa edukasyon ng guro, nagdagdag ng mga kurso sa engineering, at nag-introduce ng mga doktoral at masteral na programa. Sa kaniyang termino, naitayo ang tatlong-palapag na Federizo Hall, bagong kantina, at iba pang pasilidad para sa mga mag-aaral. Pinaganda rin ang pangunahing pasukan sa McArthur Highway at itinayo ang parke ng mga bayani. Siya rin ang nangunguna sa mga pag-aayos ng mga silid-aralan. Patuloy niyang hiniling ang suporta ng komunidad at mga lider para sa mas mataas na antas ng kolehiyo tungo sa pagiging unibersidad.

Sa pagtatapos ng 1993, isang makasaysayang bahagi ang dumating sa pamumuno ni Dr. Pimentel. Pinagtibay ni Pangulong Fidel V. Ramos ang House Bill 461, isang batas na nagtalaga sa Bulacan College of Arts and Trades na maging Bulacan State University. Dito nagsimula ang isang bagong kabanata, at si Dr. Pimentel mismo ang unang pangulo ng BulSU.

Ang pagiging unibersidad ay naghatid ng mas malawak na kakayahan sa administrasyon upang isakatuparan ang iba't ibang programa sa pagpapaunlad ng institusyon. Ito ay kinabibilangan ng pagtaas ng kwalipikasyon ng mga guro, pagpapadali ng kurikulum sa pamamagitan ng pagtatag ng mga bagong kolehiyo at institusyon, modernisasyon ng pasilidad, pagpapalakas sa imprastruktura, at pagpapalawak ng oportunidad sa edukasyon sa pamamagitan ng pagtatag ng mga karagdagang satellite campus.

Ang pagbabagong naganap sa unibersidad ay hindi lamang simpleng transpormasyon; ito ay isang simula ng bagong yugto ng progreso at pag-unlad sa larangan ng edukasyon. Sa pagsibol ng Bulacan State University mula sa kaniyang mga pinagmulan, hindi lamang ito nagbago, kundi naging simula ng isang kuwento ng pagbabago, tagumpay, at walang humpay na pagangat sa larangan ng edukasyon.

Sa bisa ng Republic Act 4470, ang BSAT ay naging Bulacan College of Arts and Trades (BCAT) noong Hunyo 19, 1965. Nagsimula ang kolehiyo mag-alok ng mga technical at technician courses at nagdagdag ng Bachelor of Science in Industrial Education (BSIE) noong 1967.

Noong 1967, itinalagang Acting President si Mr. Gavino M. Carpio. Sa panahon niya, nadagdagan ng kurso sa engineering ang pamantasan. Sa pagreretiro ni Mr. Carpio noong 1973, si Dr. Antonio T. Federizo ang naging Officer-In-Charge hanggang siya ay naging Presidente ng Kolehiyo noong November 26, 1976. Pagkalipas ng isang taon, sinimulan ang graduate program na Master of Arts in Teaching.

Matapos ang ilang taong panunungkulan, si Mr. Ernesto Valencia ang naging Acting President hanggang sa pagreretiro noong 1983. Pagkatapos nito, si Dr. Amelia R. Horca ang naging Officer-in-Charge ng Kolehiyo.

Sa bisa ng Republic Act 4470, ang BSAT ay naging Bulacan College of Arts and Trades (BCAT) noong Hunyo 19, 1965. Nagsimula ang kolehiyo mag-alok ng mga technical at technician courses at nagdagdag ng Bachelor of Science in Industrial Education (BSIE) noong 1967.

Noong 1967, itinalagang Acting President si Mr. Gavino M. Carpio. Sa panahon niya, nadagdagan ng kurso sa engineering ang pamantasan. Sa pagreretiro ni Mr. Carpio noong 1973, si Dr. Antonio T. Federizo ang naging Officer-In-Charge hanggang siya ay naging Presidente ng Kolehiyo noong November 26, 1976. Pagkalipas ng isang taon, sinimulan ang graduate program na Master of Arts in Teaching.

Matapos ang ilang taong panunungkulan, si Mr. Ernesto Valencia ang naging Acting President hanggang sa pagreretiro noong 1983. Pagkatapos nito, si Dr. Amelia R. Horca ang naging Officer-in-Charge ng Kolehiyo.

Pagkatapos ng kaniyang pag-aaral sa U.P., si Dr. Rosario BCAT noong Nobyembre 26, 1983. Sa kaniyang pamumuno, pinalawak niya ang kurikulum, nagdagdag ng mga pasilidad, at tumugon sa pangangailangan ng mas maraming mag-aaral.

Pagkatapos ng kaniyang pag-aaral sa U.P., si Dr. Rosario Pimentel ang hinirang na Pangulo ng BCAT noong Nobyembre 26, 1983. Sa kaniyang pamumuno, pinalawak niya ang kurikulum, nagdagdag ng mga pasilidad, at tumugon sa pangangailangan ng mas maraming mag-aaral. Ipinagpatuloy niya ang adhikain para sa edukasyon ng guro, nagdagdag ng mga kurso sa engineering, at nag-introduce ng mga doktoral at masteral na programa. Sa kaniyang termino, naitayo ang tatlong-palapag na Federizo Hall, bagong kantina, at iba pang pasilidad para sa mga mag-aaral. Pinaganda rin ang pangunahing pasukan sa McArthur Highway at itinayo ang parke ng mga bayani. Siya rin ang nangunguna sa mga pag-aayos ng mga silidaralan. Patuloy niyang hiniling ang suporta ng komunidad at mga lider para sa mas mataas na antas ng kolehiyo tungo sa pagiging unibersidad.

Sa pagtatapos ng 1993, isang makasaysayang bahagi ang dumating sa pamumuno ni Dr. Pimentel. Pinagtibay ni Pangulong Fidel V. Ramos ang House Bill 461, isang batas na nagtalaga sa Bulacan College of Arts and Trades na maging Bulacan State University. Dito nagsimula ang isang bagong kabanata, at si Dr. Pimentel mismo ang unang pangulo ng BulSU.

Ang pagiging unibersidad ay naghatid ng mas malawak na kakayahan sa administrasyon upang isakatuparan ang iba't ibang programa sa pagpapaunlad ng institusyon. Ito ay kinabibilangan ng pagtaas ng kwalipikasyon ng mga guro, pagpapadali ng kurikulum sa pamamagitan ng pagtatag ng mga bagong kolehiyo at institusyon, modernisasyon ng pasilidad, pagpapalakas sa imprastruktura, at pagpapalawak ng oportunidad sa edukasyon sa pamamagitan ng pagtatag ng mga karagdagang satellite campus.

Ang pagbabagong naganap sa unibersidad ay hindi lamang simpleng transpormasyon; ito ay isang simula ng bagong yugto ng progreso at pag-unlad sa larangan ng edukasyon. Sa pagsibol ng Bulacan State University mula sa kaniyang mga pinagmulan, hindi lamang ito nagbago, kundi naging simula ng isang kuwento ng pagbabago, tagumpay, at walang humpay na pagangat sa larangan ng edukasyon.

na Federizo Hall (FED) ay kilala bilang isa sa sentro ng kainan sa campus. Isang hilera ng mga food stalls ang matatagpuan sa harap ng gusali kabilang na ang mga sari-sari store na nagbebenta ng mga inumin at tsitsiryang nakasanayan na ng mga Pinoy. Kung ninanais mo naman ng ibang makakain, tanyag ang stall na K&B sa kanilang french fries at shakes. Personal na paborito ng manunulat ang sour cream flavored fries nila na pwedeng bilhin ng Php 20.00 lang!

Sumunod naman ang bakery sa FED na nagbebenta ng mga baked goods tulad ng filled donuts, empanada, at cinnamon rolls sa murang presyo na Php 10.00!

Nagbebenta rin sila ng pasta tulad ng baked mac at spaghetti. Kung nakakabusog na pagkain naman ang iyong hanap, sikat ang Kiampong Bowl sa mga binebenta nilang rice meal na marami ang pwedeng pagpilian na ulam tulad ng tonkatsu, tempura, hungarian sausage, at iba pa! Pagkatapos kumain, oras na para sa panghimagas at maraming nagbebenta ng ice cream sa Fed ngunit iba pa rin ang mga drinks sa Boss Kape. Kung may pinaka-sikat man na drink stall sa BulSU, ito na iyon! Mayroong mga kape, frappe, fruit tea, at drinks na may kasamang Yakult. Nagbebenta rin sila ng mga pasta tulad ng pesto at carbonara depende sa kung ano ang mayroon sa araw na iyon.

Halina naman at lumipat sa CON o College of Nursing Canteen, kung saan mas marami ang pwedeng pagpiliang pagkain. Muling lumitaw ang mga sari-sari store na nagbebenta ng mga inumin, pagkain, at ice cream na matatagpuan sa laba

nagbebenta rin sila ng milktea sa halagang Php 39.00 at 49.00. Sa tapat nito, pinipilahan rin ang nagbebenta ng chicken fingers at lemon yakult. Para naman sa mabilisan at sulit na pagkain, matatagpuan ang Waffle Time sa CON canteen.

Gusto mo bang matikman ang Japan nang hindi umaalis ng campus? Pwes, dumayo ka agad sa Takoyumyum para masubukan ang takoyaki nila na 4 pcs for Php 30.00! Bago lang rin sa taong pang-akademikong ito ang kanilang mga onigiri na mabibili ng Php 50.00. Nung una ay hindi pa ito gaano katanyag sa unibersidad, ngunit ngayon ay nagkakaubusan na ang apat na flavor: spam, spicy spam, tuna, at spicy tuna.

Mayroon ring kainan na matatagpuan sa harap ng College of Social Science and Philosophy (CSSP). Kaunti lang ang kaninan doon, ngunit dinadayo pa rin ng mga tao ang Jigz 2 Go para sa kanilang tapsilog na nagkakahalagang Php 65.00.

May iba ring rice meal tulad ng spamsilog, burger steak, at siomai rice. Nagbebenta rin sila ng flavored refreshers at milktea. Dinadayo rin dito ang buko shake na talagang lasa ang pagka-fresh ng buko na nagkakahalaga ng Php 58.00.

Para sa karamihan kabilang na ang may akda, inaabangan talaga ang oras ng kainan sa BulSU dahil sa samu’t-saring pagkain na pwede mong malasahan sa bawat araw. Ang maganda pa rito, hindi masakit gumastos dahil sa mura ng mga bilihin at sa dami ng pagpipilian. Hindi na kailangang lumabas ng campus para makatikim ng masarap na pagkain dahil sa loob pa lang, nandito na ang lahat ng ninanais mo! Sa BulSU, siguradong busog ka nang hindi masakit sa bulsa!

Matapos ang anim na taon, may bagong hinirang na Ms. United Nations 2023 noong ika-9 ng Nobyembre, 2023 sa Laboratory High School. Si Ashley Matic, kumakatawan bilang Ms. Egypt, isang mag-aaral mula sa baitang 10 ng STEJuliano, ang nagwagi ng prestihiyoso na titulo. Ang patimpalak ay pinangunahan ng Junior AP Club (JAPC) kasama ang kanilang mga guro sa mga club.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Ashley ang mga hakbang na kaniyang ginawa upang ihanda ang kaniyang sarili para sa kompetisyon. Sinabi niya na tumulong ang kaniyang ina sa kaniya na makipag-ugnayan sa kanilang pamilya para sa tulong pinansyal, at tinuruan siya ng kaniyang mga kaklase kung paano ang tamang paglakad. Nagtapos din siya ng kaniyang adbokasiya tatlong araw bago ang kompetisyon, ngunit kahit na nakabisado na niya ito, patuloy pa rin siyang nagkakamali at nakakalimot ng ilang salita sa umaga ng kompetisyon.

“I was very overwhelmed during the whole awarding but when Miss Jojo was removing my headdress to place the crown she told me, "‘wag ka mag-alala, papalitan natin ‘yan." Grabe tuwa ko nung sinabi niya ‘yon,” dagdag ni Ashley.

Nang tanungin kung ano ang kaniyang nararamdaman matapos manalo, sinabi ni Ashley na lubos siyang nagagalak at napakasaya. Para sa kaniya, ang korona ay nangangahulugan ng tagumpay ng STE Juliano at ng lahat ng taong sumuporta sa kaniya, pati na rin ang pagkakataon na mailahad ang kaniyang adbokasiya. Lubos siyang nae-excite bilang isang mag-aaral ng baitang 10 na babalik siya sa susunod na taon upang ipasa ang korona habang dala ang pangalan ng 10 STE Juliano at ang titulo na Miss United Nations 2023.

"Not only did I win but I also haven't failed the people who supported and Kinilala rin ni Ashley ang mga taong tumulong sa kaniya upang makamit ang korona ng Ms. United Nations 2023. Nagpapasalamat siya sa kaniyang ina, ama, pamilya, mga kaklase na sina Sydney, Denden, Aceline, Ymiellah, Raj, Rian, Xyrus, Kirk, Carl, Myles, Ivan, Maru, at AJ, pati na rin ang kanilang tagapayo na si Bb. Kimberly Mae Herrera. Binanggit din niya ang mga taong nagbigay sa kaniya ng pondo, ang mananahing si Sir Allan from SARI collection na gumawa ng kaniyang kasuotan, at ang hair at make-up artist na si Arjay Morales na pasensyosong nagtrabaho sa kaniya.

“This crown meant a lot of things for me. The victory of STE Juliano and all the people who supported me but also that I was able to spread awareness through my advocacy," pagbabahagi niya.

Ang tagumpay ni Ashley ay patunay ng kaniyang sipag at dedikasyon. Siya ay nagsisilbing inspirasyon sa kaniyang mga kapwa mag-aaral at sa lahat ng may pangarap na maabot ang kanilang mga layunin. Ang kaniyang tagumpay ay nagpapakita rin ng kahalagahan ng suporta at pagtutulungan sa pag-abot ng mga pangarap.

“I am very excited as a grade 10 student knowing na babalik ako next year to pass the crown while carrying the name of STE 10 Juliano and the title of Miss United Nations 2023.” - Ashley

Una sa lahat, dapat malaman ng isang mambabasa kung ano nga ba ang “fact checking”. Tinutukoy ng Oxford Languages ang terminong “fact check” bilang isang pandiwa na ibig sabihin ay mag-imbestiga sa isang isyu upang mapatunayan ang katotohanan.

Ngayon, naisip mo na ba kung ang mga “fact checker” na ito ay talagang sinusuri ang kanilang mga katunayan? Buweno, humanap ng komportableng upuan, ikalma ang iyong isip, at ihanda ang iyong utak sa pagsusuri ng katotohanan ng isang “fact checker”.

Sanayin mo ang sarili mong nagbabasa lampas ng titulo ng artikulo. Pag-aralan nang maayos ang mga salita at maglaan ng oras upang intindihin ito. Madaling makaligtaan ang mahahalagang balita, lalo na kapag nabasa mo lang ang pamagat. Ginawa ang pamagat upang maakit ka bilang isang mambabasa, kaya karaniwan na kawili-wili ang titulo ng isang akda para patuloy na basahin ng mga tao

kapani-paniwalang mga “primary sources”. May posibilidad na ang pangunahing pinagkuhanan ng impormasyon ay hindi nasuri nang maayos o maaaring nakalimutan ng may-akda kung ito ay

Ang isang tagasuri ng

ay

ang

Nauugnay sa pangalawang aspeto, madali tayong malinlang ng ilang “fact checkers”. Muli kang manaliksik sa mga mapagkukuhanan bukod sa mga iniugnay ng may-akda. Ang lahat ng ito ay kapansin-pansin sa kaalamang makukuha ng mga mambabasa. Pinipili ng mga tao na alalahanin kung ano ang higit na nakakaintriga sa kanila at kung interesado sila sa isang tiyak na maling impormasyon, malalagay sila sa problema. Ang mga tagasuri ng katotohanan ay napaka-partikular tungkol sa maling impormasyon. Palagi silang gumagawa ng paraan upang magbigay ng mapagkakatiwalaan, tapat, at makatotohanang mga sanggunian. Maghinala tungkol sa iyong nabasa at husgahan nang husto.

Upang wakasan ang lahat ng ito, maging isang imbestigador. Magkaroon ng kamalayan sa kung ano ang iyong sinisisid at tiyaking dumaan lamang sa mga makatotohanang artikulo o argumento.

Ang mga tunay na tagsauri ng katotohanan ay pinaninindigan at pinapatunayan ang kanilang mga katotohanan. At sa mga nag-aangking tagasuri ng katotohanan ngunit hindi kayang ilantad ang buong katotohanan ay manatiling nakaupo, panatilihin ang iyong isip sa kagaanan, at maging isang mambabasa sa pagkakataong ito.

katotohanan susuriin katotohanan ng lahat. Maging ang mga

Ang Bulkang Taal ay nagdulot ng epekto sa mga lugar sa Batangas noong Setyembre 2023.

Labing-isang bayan ang naapektuhan ng smog o vog na inilabas ng bulkan, kabilang ang Balete, Agoncillo, Laurel, Talisay, Malvar, Mataasnakahoy, Lian, Nasugbu, Tuy, Balayan, at Calatagan. Ayon sa PHIVOLCS, ang natunaw na bato, o magma, ay mas magaan kaysa sa nakapalibot na bato at tumataas. Ang magma na ito ay nangongolekta sa mga magma chambers, subalit ito'y malalim pa rin sa lupa. Kapag may sapat nang magma sa magma chamber, ito'y pumuputok, na madalas na nagreresulta sa pagsabog ng bulkan.

Mahigit 4,000 metric tons na sulfur dioxide ang inilalabas ng bulkan kada araw. Kamakailan lamang, namataan ng PHIVOLCS na ang Bulkang Taal ay nagbuga ng humigit kumulang 11,499 tons ng sulfur dioxide kada araw, ito ang pinakamataas na volume ng sulfur dioxide na naitala ng ahensya ngayong taon. Ang Bulkang Taal ay kasalukuyang nasa Alert level 1, at wala pang dahilan upang itaas ito sa Alert level 2.

Ang smog na dulot nito ay nagdulot ng pansamantalang kanselasyon ng klase sa mga kalapit na lugar tulad ng National Capital Region (NCR), Batangas, Cavite, at Laguna, upang mapanatili ang kalusugan ng mga estudyante at guro. Ilan sa mga estudyante ay isinugod sa ospital dahil sa paglanghap ng sulfur dioxide mula sa bulkan. Sa Tuy, Batangas, halos 60 na estudyante ang isinugod sa Rural Health Unit dahil sa pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga.

paliparan sa kabila ng volcanic smog. Sa kabilang banda, hinikayat ng Infectious Disease Expert ang mga may respiratory diseases na manatili sa loob ng bahay at magsuot ng KN95 mask kapag

Naglabas ng abiso ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na pinayuhan ang mga sasakyang panghimpapawid na huwag lumipad malapit sa Bulkang Taal. Nagbigay naman ng pahayag ang Manila International Airport Authority (MIAA) na normal ang operasyon sa palipakak

Ang Artifcial Intelligence (AI) ay ang pinakamodernong teknolohiya na lumalampas sa mga kakayahan ng tao. Ito’y isang mabilis na pagsulong na larangan na may potensyal na baguhin ang ating kinabukasan. Kasama sa AI ang kapangyarihan ng mga makina at ang software na epektibo at mahusay na tumutulong sa paglutas ng mga problema sa mundo. Ito ay may potensyal na tugunan ang ilan sa pinakamalalaking hamon sa edukasyon ngayon, magpabago ng mga kasanayan sa pagtuturo at pagkatuto, at mapabilis ang pag-unlad patungo sa Sustainable Development Goal 4 (SDG 4).

Ngayon, ang paggamit ng machine-based AI ay laganap na sa edukasyon. Dahil dito, ang pagpapatupad ng AI sa sektor ng edukasyon sa Pilipinas ay may mga hamon. Ang isa sa mga pinakamalaking hamon ay ang kakulangan ng imprastraktura at mapagkukuhanan upang suportahan ang mga tool na pinapagana ng AI. Maraming mga paaralan sa Pilipinas ang kulang pa rin sa pangunahing teknolohiya tulad ng mga computer at internet connectivity na mahalaga upang ito ay maging epektibo.

Ayon sa sarbey ng University of the Philippines, 83% ng mga estudyante ang gumagamit ng generative AI, tulad ng ChatGPT, para sa pananaliksik at pagsulat, 52% ang nagsabing ito ay para sa paghahanda para sa mga pagsusulit, at 47% ang nagsabing ito ay para sa pag-aaral ng wikang banyaga. Ang sektor ng edukasyon sa Pilipinas ay nahaharap sa iba't ibang hamon sa mga nakaraang taon, tulad ng hindi sapat na pondo, kakulangan ng mga mapagkukuhanan, at mababang suweldo ng mga guro. Gayunpaman, ang paglitaw ng AI ay nagdala ng mga bagong pagkakataon para sa sektor na tugunan ang mga hamong ito. Ngunit, ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay hindi maiiwasang magdulot ng maraming panganib at hamon.

Ang AI ay may potensyal na baguhin ang paraan ng edukasyon sa Pilipinas. Maaari itong magbigay ng mga “personalized” na karanasan sa pag-aaral para sa mga magaaral, mapabuti ang kahusayan ng guro, at mapahusay ang kalidad ng edukasyon. Ang AI-powered tools gaya ng mga chatbot, virtual assistant, at learning management system ay maaaring makatulong sa mga mag-aaral na matuto kung kailan nila gusto at magbigay sa kanila ng agarang feedback.

Ang AI ay nailapat na sa edukasyon pangunahin sa ilang mga tool na tumutulong sa pagbuo ng mga kasanayan at mga sistema ng pagsubok. Habang patuloy na tumatanda ang mga solusyong pang-edukasyon ng AI, umaasang makakatulong ito upang punan ang mga kakulangan sa pangangailangan sa pag-aaral at pagtuturo, at payagan ang mga paaralan at guro na gumawa ng higit pa kaysa dati. Sa pamamagitan ng paggamit ng pinakamahusay na mga katangian ng mga makina at guro, ang pananaw para sa AI sa edukasyon ay kung saan nagtutulungan sila para sa pinakamahusay na resulta para sa mga mag-aaral.

Bukod pa rito, makakatulong ang AI sa mga guro na makatipid ng oras sa pamamagitan ng pag-automate ng mga gawaing pang-administratibo tulad ng pagmamarka, pagsubaybay sa pagdalo, at pagpaplano ng aralin. Maaari nitong bigyang-daan ang mga guro na mas mapagtuunang pansin ang mahahalagang gawain tulad ng paghahatid ng aralin at pakikipag-ugnayan sa mag-aaral. Makakatulong din ang AI na tukuyin ang mga mag-aaral na nahihirapan at bigyan sila ng karagdagang suporta upang mapabuti ang kanilang mga resulta sa pag-aaral.

Ang isa pang hamon ay ang kakulangan ng kamalayan at pag-unawa sa AI sa mga tagapagturo at gumagawa ng patakaran. Maraming mga tagapagturo ang hindi pamilyar dito at sa mga potensyal na benepisyo nito na maaaring pumigil sa pag-angkop nito sa sektor ng edukasyon. Kailangan ding makabuo ng mga patakaran at regulasyon na sumusuporta sa pagsasama ng AI sa edukasyon habang tinitiyak ang privacy at seguridad ng datos. May mga kaso rin kung saan hindi wastong nagamit ang potensiyal nito. Ayon sa University of the Philippines Diliman, ilan sa kanilang estudyante ay inimbestigahan dahil gumamit ng AI para matapos ang mga pangangailangang pang-akademiko. Sa kabila ng mga hamong ito, may mga pagkakataon para sa sektor ng edukasyon sa Pilipinas na gamitin ang AI upang mapabuti ang mga resulta ng pag-aaral at matugunan ang mga hamon nito. Maaaring mamuhunan ang pamahalaan sa imprastraktura at mga mapagkukuhanan upang suportahan ang pag-angkop ng AI sa mga paaralan. Sa usapin ng AI adoption, ang Pilipinas ay kabilang sa mga nahuhuling bansa batay sa AI index 2019. Maaari rin itong magbigay ng mga pagkakataon sa pagsasanay at propesyonal na pagpapaunlad para sa mga tagapagturo upang matulungan silang maunawaan at magamit nang epektibo ang AI. Bukod dito, ang mga pribadong sektor ay maaaring gumanap ng isang mahalagang papel sa pagbuo ng AIpowered tools na naa-access at abot-kaya para sa lahat ng mga mag-aaral. Ang mga start-up at EdTech na kumpanya ay maaaring bumuo ng mga makabagong solusyon na tutugon sa mga partikular na pangangailangan ng sektor ng edukasyon sa Pilipinas.

bulletin sa channel ng Aaj Tak ng India Today Group. Isang makabuluhang kaganapan ang naganap nang mag-ulat si Sana sa wikang French sa primetime ng Aaj Tak, isang tagumpay sa larangan ng pagsasahimpapawid sa bansa. Sa parehong buwan, inihayag din ng Indonesia ang kanilang mga virtual news presenter na sina Nadira, Sasya, at Bhoomi. Sinundan ito ng Kuwait noong Abril, Taiwan noong Hulyo, at Malaysia. Sa kabila ng mga benepisyo ng pagiging "epektibo sa gastos," available 24/7, at may kakayahang mabilis na bumuo ng nilalaman ng balita, hindi lahat ay sang-ayon sa mga AI Newscasters na ito. Nagdulot ng iba't ibang reaksyon ang paglulunsad ng unang AI Newscaster ng GMA. Binibigyang diin ng ilang online na users ang pag-uulat ng AI bilang isang kapuspalad na pag-unlad, lalo na para sa mga nag-aaral ng

Bilang konklusyon, ang AI ay may potensyal na baguhin ang sektor ng edukasyon sa Pilipinas at tugunan ang mga hamon

Nagsimula ang programa sa isang panalangin na pinangunahan ni JSC Vice President Meryl Rose Cudia, sinundan ito ng isang pagpapakilala sa kaganapan na ginawa ni JSC President Aceline-Anne Soriano. Ipinakilala naman ng mga tagapaghatid na sina Cheri Ellaine De Jesus at Yuri Celeste ang mga kalahok na may kani-kanilang natatanging pangalan: Team 1 Newton (7 Tanguile, STE 9 Banzon, at 10 Yakal), Team 2 Mendel (7 Lanete, 8 Palosapis, at 10 Kamagong), Team 3 Curie (STE 7 Dayrit & Salcedo, 9 Acacia, at 10 Talisay), Team 4 Schrodinger (STE 8 Del Mundo, 8 Mahogany, at 10 Narra), Team 5 Tesla (7 Ipil, 9 Guijo, at STE 10 Zara), at Team 6 Galilei (7 Pino, 9 Dao, at STE 10 Juliano).

Ang Sci-lympics ay isang kaganapan kung saan naglalaban-laban ang mga koponan upang matapos ang iba't ibang eksperimento sa agham sa iba't ibang istasyon. Sa bawat istasyon, natutunan ng mga mag-aaral ang mga bagong konsepto sa agham at ang kanilang aplikasyon sa pang-araw-araw na buhay.

Samantala, ang Rube Goldberg Machine ay isang kumplikadong kagamitan na dinisenyo upang magawa ang isang simpleng gawain sa isang kumplikadong paraan. Karaniwang kasama rito ang serye ng mga reaksyon gamit ang pang-araw-araw na mga gamit at simpleng makina, tulad ng mga pulley, lever, at inclined plane, upang magawa ang isang mdaling gawain. Inatasan ang mga estudyante na punuin ang isang baso ng 100 ml na tubig gamit ang mga materyales na ginagamit o nakikita araw-araw.

Noong ika-4 ng Disyembre 2023, nagtipon ang mga mag-aaral ng Bulacan State University - Laboratory H Valencia Hall upang sindihan ang apoy ng kaalaman. Pinangunahan ng Junior Science Club (JSC) at ng m ang pagtitipon na kilala bilang Sci-lympics & RGM (Rube Goldberg Machine) 2023 na naglalayong ipamal

Ang mga hurado para sa kompetisyon ay sina Bb. Richelle Castro, Gng. Geraldine Reyes, Gng. Emelyn Pagsanjan, at G. AL Vincent Mendiola, na sumuri sa mga makina batay sa kanilang kumplikasyon at kakayahan na magawa ang gawain.

Sa pagtatapos ng Sci-lympics 2023, inanunsyo ang mga nanalo sa Science Olympics at RGM competitions. Sa Science Olympics 2023, itinanghal na Kampeon ang Team 1 Newton, samantalang kinilala bilang 1st Runner-up ang Team 2 Mendel, at 2nd Runner-up naman ang Team 6 Galilei. Sa kabilang dako, ang RGM 2023 ay nagdulot ng kasiyahan sa pagkapanalo ng Team 6 Galilei, kasunod ang Team 2 Mendel bilang 1st Runner-up, at ang Team 2 Schrodinger bilang 2nd Runner-up.

Sa pagtatapos, ipinahiwatig ng Punong-guro na si Bb. Niña Lilia Javier ang kaniyang pasasalamat at pagkilala sa lahat ng mga kalahok na nagpakit ng katalinuhan, dedikasyon, at pagtutulungan upang maging matagumpay ang mga kaganapan. Binigyang-diin niya ang kahusayan at potensyal ng mga mag-aaral sa larangan ng agham.

Hindi lamang ipinamamalas ng mga Labhayenyo ang kanilang galing, kundi pati na rin ang kanilang buong pusong pag-aalay sa larangan ng agham. Ito'y isang patunay na ang hinaharap ng agham ay masigla at magiging maliwanag dahil sa kanilang masigasig na pagtutok at pag-ambag sa kaalaman.

Ang bilang ng mga makabagong pananaliksik at mga makabagong teknolohiya ay bumababa sa paglipas ng panahon, ayon sa isang pagsusuri sa France ng milyon-milyong papel pang-agham noong Enero ngayong taon.

Ayon kay Michael Park, ang pangunahing tagapagtaguyod ng pagsusuri, ang pananaliksik ay itinuturing na makabago kung ito ay may taglay na orihinal na mga ideya at nagbibigay-daan sa bagong kaisipan. Kasama ang kaniyang kapwa-mananaliksik, sinuri ni Park ang iba’t ibang akdang pang-agham sa pagiging makabago nito sa paglipas ng panahon: 45 milyong papel pang-agham na nailathala mula taong 1945 hanggang 2010 at 3.9 milyong patents o kathang ukol sa mga imbensyon sa United States mula taong 1976 hanggang 2010.

Binigyan nila ng iskor ang bawat akda base sa dami ng citation o pagkabanggit nito sa ibang akda, na nagsisilbing paraan upang masuri ang pagiging makabago nito; mas maraming banggit ang isang akda sa iba pang mga akda, mas makabago ito. Nahanap ng pagsusuri ang pinakamalaking pagbagsak ng iskor sa larangan ng chemistry at physics. Sinabi ni Park na ang kanilang pananaliksik ay ang kauna-unahang patunay sa pagbaba ng pagiging makabago ng mga akdang pang-agham sa paglipas ng panahon. Isa sa mga paliwanag ng grupo ni Park ay ang kakulangan ng mga siyentipikong na may kaalaman sa iba’t ibang larangan ng agham dahil sa kahirapan sa pagsasanay; naiiwan ang mga siyentipiko sa kani-kanilang sariling larangan, na nagiging dahilan sa kawalan nila ng makabagong ideya. Idinagdag ni Park na isa pang posibleng sanhi ay ang nararamdamang presyur ng mga siyentipiko na magsulat ng akdang pang-agham mula sa institusyong pinagtatrabahuhan nila, na nagtutulak sa kanila na mas pahalagahan ang bilang imbes ang kalidad ng kanilang pananaliksik.

Hinikayat ng grupo ang mga unibersidad at mga institusyong nagbibigay ng pondo sa mga siyentipiko na mas pahalagahan ang kalidad kaysa sa dami ng akdang pang-agham na inililimbag, gayundin ang mismong kalagayan ng mga siyentipiko upang matuunan nila ng buong pansin at isip ang kanilang trabaho. Sinabi ni Jerome Lamy, isang eksperto sa aspetong sosyolohikal ng agham ngunit hindi kasapi ng pagsusuring ito, na isa itong senyales ng sobrang presyur sa kultura ng akademya; tinutulak ang pananaliksik ng agham at teknolohiya sa maling dahilan na may masulat lang, na siyang pumapatay sa pagkamalikhain at mga makabagong ideya nito.

“The period from 2024 to 2028 is a time when the entire internet could conceivably be knocked out for a period of weeks to months in the event of a really extreme solar flare,” pahayag ni Ginoong Peter Becker, isang dalubguro sa George Mason University.

Sa unang bigkas ng solar superstorm, takot at kaba ang kaakibat nitong mga emosyon, ngunit ano nga ba talaga ang mga ito? Ang mga solar superstorms ay likha ng kombinasyon ng solar flares: pagputok ng malakas na radyasyon mula sa araw. At ng coronal mass ejections (CMEs): pagbulwak ng maraming plasma mula sa araw sa iba’t-ibang direksyon. Sa pagkakataong mapadpad ito sa ating direksyon at tumama, nandiyan ang magnetic field ng mundo upang lihisin ang mga epekto ng mga solar storms. Subalit, may hangganan din ito.

Umusbong ang internet at ang makabagong teknolohiya sa mga panahong hindi pa gaanong kaaktibo ang araw. Subalit, sa kasalukuyang panahon, at sa susunod pang mga taon, naprepredikta na ng mga dalub-agham o scientists ang pagpasok ng araw sa isa nitong siklong napupuno ng aktibidad. Ito ay tinatawag na solar maximum na kung saan higit na marami, madalas, at malakas ang mga solar storms. Maaari itong lubusang makaapekto sa teknolohiya ng makabagong panahon: pagkasira ng mga satellites, matagalang pagkaputol ng kuryente, pagbagsak ng mga linya ng komunikasyon, at ang pinakadelikado, ang internet.

Ang matitinding radyasyon na binubuga ng araw tuwing may solar storms ay makakasama sa atin at sa ating planeta. Samantala, ang enerhiya naman mula sa mga CMEs ay nakahahadlang sa maayos na daloy ng mga kinakabit na fiber optic cables na nagdadala ng internet sa mga kabahayan. Napupuno ng charges ang mga ito dala ng CMEs at naiimpluwensiyahan ang maayos nitong gamit na nagreresulta sa pagkawala ng internet. Sa pang araw-araw na buhay natin, halata at kitang-kita ang kahalagahan ng internet mula sa pakikipag usap sa mga kaibigan hanggang sa pagbabayad ng mga bayarin sa bahay. Bukod pa rito, nakadepende rin sa internet ang mga bangko, mga dokumento ng pamahalaan, balita sa telebisyon, at iba pa. Paano na nga ba kung mawawala ang internet? At sa ilang linggo na maaaring tumagal ng ilang buwan? Hindi kapani-panibago ang mga solar superstorms sa 4.5 na bilyong taong tanda ng mundo. Isang tanyag na pangyayari ay ang “Carrington Event,” noong 1859, kung saan tinamaan tayo ng isang CME. Ang naging resulta nito: napuno ang mga telegraph wires ng matataas na voltage na nagresulta sa mga depekto sa telegraph system ng panahong iyon; ang iba pa’y naulat na nakuryente. Kung dadako naman sa kontemporaryong panahon, nandito ang Halloween Solar Storms ng 2003. Naglabas ang araw ng hindi inaasahang sunod-sunod na CMEs at solar storms. Ang ilan dito ay tumama sa mundo na nagbunga ng problema sa mga satellite at GPS noon, gayundin sa mga komunikasyon sa radyo.

Kapansin-pansin ang epekto ng solar storms sa atin. Kung dati, ganoon na katindi ang epekto nito sa telegraph system, paano pa kaya sa malawak nating internet ngayon? Dahil dito, nabuo ang isang grupo kasama ang Naval Research Laboratory na pinangungunahan ni Dr. Peter Becker na may layuning makagawa ng isang early warning system upang makapaghanda tayo sa mga solar storms. Sa tulong ng suportang $13.6 milyon ng pamahalaang Amerikano, ipinagpatuloy nina Ginoong Becker ang kanilang pananaliksik sa paglikha ng early warning system sa solar superstorms at pag-aaral sa araw. Tumatagal lamang ng walong minuto ang mga solar superstorm bago ito makarating sa atin at karagdagang 18 hanggang 24 na oras bago maapektuhan ang magnetic field ng mundo. Sa loob ng kakarampot na oras na ito lamang tayo makakapaghanda upang mamitiga ang mga epekto ng solar superstorm sa atin. Ilang pagiingat na nirekomenda ni Ginoong Becker ay ang pagpatay sa mga makinarya, teknolohiya, at linya ng kuryente bago umepekto ang solar superstorm upang mapangalagaan ang mga delikadong kable sa loob nito. Wika pa niya na pansamantalang solusyon lamang ang mga nabanggit. Sa pangmatagalan, ay “harden the system” subalit magkakahalaga ang pagpapatibay ng internet na ito ng ilang trilyon.

Ayon sa datos ng Department of Agrarian Reform, nasa 16,000 na hektarya ng lupang pang-agrikultura na ang ginagawang subdibisyon, mga matataas na establisimyento, o binibili upang maging pribadong ari-arian. Dahil dito, dumarami na ang mga diskurso ng mga mamamayan at pati na rin mismo sa senado kung dapat nga bang ipagpatuloy pa ang tinatawag na “pagbabago” at “pag-unlad” na ito.

Sa ganitong paraan ay mapapanatili pa ang mga natitirang lupang sakahan, pati na rin ang pangekonomikong pag-unlad ng isang bansa. Kung patuloy na makapagtatanim ang mga magsasaka at may sapat na subsidiyang natatanggap mula sa pamahalaan, sa parehong pagkakataon na pinabubuti ang mga lungsod, ay magkakaroon ng balanse ang ating mga pangangailangan at magiging isang hakbang tungo sa magandang kinabukasan.

Hindi naman maitatanggi ang mga mabubuting dulot ng pagiging lungsod ng mga dating lupang sakahan. Sa lungsod matatagpuan ang mataas na konsentrasyon ng mga tao, negosyo, at mga serbisyo na may malaking ambag sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Dito rin matatagpuan ang mga oportunidad sa kalidad na edukasyon na mahirap makuha sa mga malalayong probinsya.

Todo na lamang kung ipagtanggol ni Sen. Cynthia Villar, na siya ring tagapangulo ng Senate Committee on Agriculture at nagmamayari ng Vista Land, ang negosyo ng kanilang pamilya kung saan ay nagtatayo sila ng malalawak na subdibisyon tulad ng Camella Homes at Lumina Homes.

Maliban kina Ginoong Becker, may iba ring mga grupo ang nakatuon sa pagbuo ng early warning systems. Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), isang grupo ng mga mananaliksik mula sa Frontier Development Lab ang nakayanang magamit ang artificial intelligence na kasama ng mga satellite ng NASA sa pagpredikta ng mga paparating na mga solar storm—30 minuto bago ito tumama.

Bilang paglalagom, pangkaraniwan ang mga solar superstorm at madalas na tayong tinamaan dati. Ngunit ngayon, kasama ng paglago ng teknolohiya at paglawak ng internet, ang isang katamtamang solar superstorm ay may mga nakapamiminsalang epekto sa mga online na aplikasyon kagaya ng social media. Upang maiwasan ang mapaminsalang epekto ng mga solar superstorm: gumagawa na ng early warning systems ang iba’t ibang grupo ng mga mananaliksik. Sa angkop na paghahanda, walang imposible.

“Alam niyo that's our business, I want to tell you we don't buy agricultural land in the provinces… We limit ourselves in cities and capital towns,” saad ng senador matapos kwestyunin ng kapwa senador na si Raffy Tulfo ang patuloy na pagliit ng mga lupang sakahan gawa ng patuloy rin na pagbili ng mga malalaking developer dito.

"They allow conversion in cities and capital towns because if they (developers) buy your land, they buy it expensive and you can reinvest the money and they will make more money than planting on those lands... It's an investment decision... You have to understand agriculture as a business also," paliwanag ni Villar.

"Where will the people live if you don't build subdivisions?" Dagdag pa nito.

Gayunpaman, ang mga negatibong epekto ng ganitong uri ng pagbabago ay hindi natin maaaring balewalain. Ang mga sakahan ay mahalaga sa ating diyeta at seguridad sa pagkain. Ang pagkawala ng mga sakahan ay maaaring magdulot ng malalaking problema sa kakayahang makagawa ng sapat na pagkain para sa populasyon. Bukod pa rito, ang mga sakahan ay mahalaga para sa kapaligiran. Nagbibigay sila ng tirahan para sa maraming uri ng halaman at hayop at nag-aalis ng carbon dioxide sa atmospera ng mundo.

Ang pinaka-angkop na solusyon dito, ayon sa environmentalist na si Tony La Viña, ay ang pagpapabuti sa mga lungsod sa halip na bumili ng mga bagong lupa at palawakin ang sakop

"We don't have to expand our cities. We just have to improve our cities. Better housing, more vertical. Develop our cities including for the poor and the middle class," sabi niya sa “Headstart” ng ANC.

Noong ika-20 ng Oktubre, 2023, naganap ang mainitang paligsahan sa Chess Intramurals. Ito ang ikatlong araw ng labanang chess, kung saan itinampok ang round robin battle na mayroong apat na board para sa bawat koponan. Matagumpay na nanalo ang COED Blue Flames laban sa CBA Magnates sa isang kakaibang laban, kung saan naitala ang perpektong iskor na 4-0. Ang kalaban ay bumitiw sa unang board habang ang pangalawa, pangatlo, at ikaapat na board ay nauwi sa checkmate.

Ang COED team ay binubuo ng apat na miyembro na karamihan ay mga mag-aaral ng Laboratory High School (LHS). Si David Paul Sanchez, mula sa 10 Narra, ang bumubuo sa board 1, samantalang si Justine Myles Gonzales, mula sa STE 10 Juliano, ay nasa board 2.

Si Gabriel Matthew Paraiso naman, mula sa 9 STE Banzon, ay nasa board 3, at si Christian Emerenciana, isang kolehiyo, ay nasa board 4.

Ang laban na ito ay mahalaga para sa COED dahil ang kanilang posisyon ay pantay lamang sa CBA. Hindi lamang nila natalo ang CBA sa araw na iyon, kundi nagtagumpay pa silang makuha ang dalawang sunod na laban. Ipinakita ng COED ang kanilang husay sa pagistratehiya laban sa mga mag-aaral mula sa iba't ibang kolehiyo. Sa kabila ng hindi pagkamit ng kampeonato na kanilang ninanais, pinuri ng LHS ang kanilang lakas at determinasyon na lumaban.

Namayani ang apoy ng pagkasabik nang kunin ng mga mahuhusay na mananayaw mula sa COED-LHS ang entablado at hamunin ang ibang mga kolehiyo sa isang masiglang laban sa nagdaang BulSU Intramurals 2023 sa Valencia Hall noong Oktubre 16, 2023.

Sa dalawa namang mananayaw mula sa COED-LHS na umangat sa entablado at nagwagi Dancesport, ang isa sa kanila ay si Ana Maria Veronica Carlos na isang estudyante ng LabHigh.

Nabighani ang mga nanonood sa init na dala ng bawat indayog ng pares sa Dancesport noong pinakita nila ang kanilang galing sa pagsayaw sa Slow Waltz, Tango, at Quickstep. Sa larangan ng Modern Standard Ballroom, itinanghal silang kampeon sa kategoryang ito.

Bagamat hindi nakarating sa finals ng Hip-hop competition, inangkin pa rin ng grupo ng COED-LHS ang daloy ng musika at ritmo. Ang dalawa sa mga miyembro nito ay sina Heleina Ann Reyes at Andrea Jen Dipon ng LabHigh sa ilalim ng gabay ni Bb. Rhonalyn Cruz.

Sinungkit ng pares na sina Angelica Jade Gregorio at Abigail Joan R. Gatuz, mula sa Laboratory High School sa ilalim ng COED Blue Flames, ang kampeonato at gintong medalya laban sa ibang mga kolehiyo sa laro ng Archery Women’s Doubles noong Oktubre 18, 2023 sa BulSU Intramurals 2023.

Unang nakalaban ng dalawa ang mga archer mula sa CHTM, napasakamay nila ang pagkapanalo at hindi na binigyan ng pagkakataong makabawi ang kalaban nang tapusin nila ang laban sa iskor na 6-2. Nagsimula naman nang mainit ang laro nila laban sa archers ng CIT kung saan sa unang paghabol ay kitang-kita ang kanilang husay nang makamit nila ang panalo sa score na 6-2, dahilan upang umusad sila sa finals.

Sa huling yugto ng kompetisyon, hindi nagpatumpik-tumpik ang pares sa pagharap sa mga archer mula sa CS. Sa matagumpay na finals, ipinakita ng dalawa ang kanilang kahusayan sa dire-diretsong pag-iskor na nagresulta sa isang 6-0, na nag-iwan sa kanilang mga kalaban ng malaking agwat.

Ipinakita ng tagumpay na ito ang kahusayan, determinasyon, at husay ng pares, na hindi lang nagdala ng karangalan sa Laboratory High School, kundi nagbigay rin ng inspirasyon sa ibang mga manlalaro at nagtatakda ng pamantayan sa mundo ng Women's Archery.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.