BOTELYA
NAT’L SCIENCE QUEST ‘24, HUMATAW
Nagdala ng kasiyahan sa buong Academia De San Agustin Calbayog Inc. (ADSAC) ang mga kalahok nito sa ASEP 2024 matapos magtagumpay sa iba’t-ibang mga paligsahan sa ika-20 na edisyon ng National Science Quest na idinaos sa Baguio City noong Pebrero 23-25, 2024.
Nakamit ang gintong medalya ni Nathan Saldaña,
ika-anim na baitang, sa kategoryang Rubik’s Cube. Taong 2023 ay nakamit din ni Saldaña ang unang pwesto matapos manalo sa Division Festival of Talents kung saan nakuha niya ang susi para irepresenta ang Calbayog City sa ASEP 2024. Ang tagapagsanay ni Saldaña na si Raul Varela ay matagumpay ding naiuwi ang ika-limang pwesto sa pang-gurong
kategorya ng Rubik’s cube. Ipinamalas naman Yosef Joaquin B. Anog, ika-tatlong baitang, ang kanyang katalinuhan sa agham matapos sikwatin ang ika-11 na pwesto sa Science Quiz Bee (Antas Grade 3) sa gitna ng 64 na mga kalahok sa pamatnubay ng kaniyang tagapagsanay na si Drake Kian Alera. Si Jared Chavas, ika-apat na baitang, ay ibinandera rin ang
G10 Monoceros, sumailalim sa ‘Career Guidance Orientation’
Ang mga mag-aaral ng Grade 10 ng Monoceros section ng Academia De San Agustin Calbayog Inc. (ADSAC) ay sumailalim sa isang makabuluhang Career Guidance Orientation noong February 15, 2024.
Ang nasabing seminar ay naglalayong maghanda at magbigay ng patnubay sa mga magaaral sa kanilang paglalakbay patungo sa senior high school. Dito, binigyang-diin ni Mr. Cerilo A. Erinco, isang guidance counselor, ang kahalagahan ng tamang pagpili ng track sa senior high
PILIPINAS,
pangalan ng ADSAC sa Science Quiz Bee (Level 4) sa pangangalaga ni Anthony Orquin. Ang kahanga-hangang pagtatanghal ng talento at dedikasyon mula sa koponan ng ADSAC ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa kahusayan sa larangan ng agham. Binabati ng buong kumunidad ng ADSAC para sa kanilang kahanga-hangang tagumpay.
DSWD, Naglaan ng P168-M Tulong sa mga Biktima ng Baha sa Samar
Sa gitna ng pinsala dulot ng matinding pagbaha sa mga lalawigan ng Samar, naglunsad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng pagtulong na nagkakahalaga ng mahigit PHP168 milyon.
Batay sa ulat ng DSWD, bahagi ng alokasyon na ito ay ang 214,402 family food packs na ipinamahagi sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng kalamidad. Bawat food pack ay naglalaman ng bigas, karne, isda, kape, at energy drink, na magbibigay
ADSAC, Sumiklab sa Pagdiriwang ng Arts Month ‘24
Nagdiwang ang Academia De San Agustin Calbayog Inc. (ADSAC) ng Arts Month na may temang “Ani ng Sining, Bayang Malikhain.” Itinampok ang araw ng kulminasyon noong Pebrero 29, 2023, kung saan nagtipon ang mga Augustinians mula una hanggang ika-sampung baitang upang ipagmalaki ang kanilang kahusayan sa larangan ng sining at kultura.
Ang mga estudyante ay nagbigay-pugay sa kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatanghal ng iba’t ibang tradisyunal na sayaw mula Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang mga sumayaw ay ipinamalas ang kanilang kahusayan at pagmamahal sa
kultura ng bansa, nagdala ng aliw at tuwa sa mga manonood.
Ang tema ng pagdiriwang, “Ani ng Sining, Bayang Malikhain,” ay nagbigay-daan para sa mga estudyante na ipakita ang kanilang malasakit sa sining at angking talento sa iba’t ibang larangan. Sa pamamagitan ng sining, nagtagumpay ang paaralan na ipakita ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa ating kultura at kasaysayan.
Bilang bahagi ng selebrasyon, naganap din ang iba’t ibang ‘classroom-based-activities’ na naglalayong mapalaganap ang kamalayan sa kahalagahan ng sining sa lipunan.
KINATAWAN NG ADSAC SA ASEP
REHIYON 8
SUNDAN SA BALITA 2
Ni Lorraine Macasa
Ni Cayden Jao
Ni Jamela Aquino
Ni Margarette Vienne Camilon SUNDAN SA BALITA 2
PARA SA ADSAC. Mga kinatawan ng Academia De San Agustin Calbayog Inc. (ADSAC) matagumpay na binandera ang watawat ng paaralan sa nagdaang ASEP National Science Quest 2024.
BAONG KARANASAN. Ibinabahagi ni Dra. Kristine Jao, isang anesthesiologist, ang karanasan niya sa larangan ng medisina sa Career Guidance Orientation ng mga mag-aaral ng ika-10 baitang, Pebrero 15, 2024.
INDAK NG PASIGIN. Masiglang itinanghal ng mga mag-aaral ng ika-anim na
baitang ng Academia De San Agustin Calbayog Inc. (ADSAC) ang sayaw na
Kurikulum: Isang
04
‘Pasigin’ ng Pasig sa nagdaang kulminasyon ng Arts Month, ika-29 ng
Pebrero,
2024
MATATAG
Hamon o Pagkakataon? editoryal |
NG PAGBABAGO aghtek | 09
NA
06
BASAG
REPLEKSYON lathalain |
ika-17 na puwesto sa 2023 Asian Games
12 nilalaman
pampalakasan |
Unang Komunyon ng Grade 4- Pandora, ginanap
Nagdaos ng Unang Komunyon ang mga mag-aaral sa Grade 4 ng Academia De San Agustin Calbayog, Inc. (ADSAC) sa St. Joseph The Worker Parish, Barangay San Policarpo, Calbayog noong Pebrero 3, 2024.
Pinangunahan ni Reverend Father Noel C. Labendia, ang parish priest, ang misa, kung saan ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng komunyon sa kanyang homilya. Sa bahagi ng pag-aalay, naghandog ang mga mag-aaral ng bulaklak, kandila, at iba pa.
Ang highlight ng okasyon ay ang sandaling lumuhod ang mga mag-aaral para sa banal na katawan ni Hesu Kristo, kasama ang kanilang mga magulang na may hawak na mga kandila bilang simbolo ng gabay at suporta. Pagkatapos nito, iginawad sa kanila ang mga sertipiko ng komunyon bilang patunay ng kanilang pagtanggap sa sakramento.
Si Giner Bryan C. Quitoy, department coordinator, at si Ma’am Tomasa C. Antivo, prinsipal, ay nag-assist kay Fr. Noel C. Labendia sa pagbibigay ng sertipiko. Si Mr. Francisco Daclag naman ay tumanggap ng sertipiko ng pasasalamat para sa kanyang dedikasyon sa paghahanda sa mga mag-aaral sa kanilang kumunyon.
Pilipinas, US, Nagsagawa ng Maritime Patrol sa West Philippine Sea
Nag-abiso ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng pagsisimula ng ikalawang pagkakataon ng pakikipagtulungan sa karagatan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea, ayon sa pahayag noong ika-tatlo ng Enero, 2024.
Mula Enero 3 hanggang 4, nagsagawa ang AFP at ang United States Indo-Pacific Command (USINDOPACOM) ng mga ‘passing exercises’, ‘communication checks’, ‘cross-deck exercises’, at iba pang pagsusuri.
Para sa bilateral na kaganapan, nagpadala ang Pilipinas ng apat na barkong Pandigma ng Philippine Navy, isang multi-role na helicopter, at isang helicopter na anti-submarine warfare-capable.
Samantala, kabilang sa mga sumali mula sa USINDOPACOM ang apat na barkong Pandigma ng US Navy mula sa Carrier Strike Group 1, isang aircraft carrier, isang cruiser, dalawang destroyers, at isang maramihang sasakyang panglaban.
school na magiging pundasyon ng kanilang kurso sa kolehiyo.
Sinundan siya ni Dra. Kristine U. Jao, isang anesthesiologist, na nagbahagi ng kanyang mga karanasan at kaalaman sa larangan ng medisina. Sa pamamagitan ng kanyang inspirasyonal na salita, pinukaw ni Dra. Jao ang interes at ambisyon ng mga mag-aaral na mangarap at magtagumpay sa propesyon na kanilang pipiliin.
Hindi rin nagpahuli si Eleanor Maynite Abuyen, ang Branch Head ng PNB Calbayog, na nagtampok sa kahalagahan ng pagkuha ng kursong accountancy. Kasabay nito, ipinaliwanag niya ang mahalagang papel ng tamang pamamahala ng pera sa kanilang hinaharap.
DSWD Naglaan...
ng tulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga biktima.
Ayon kay Jonalyndie Chua, opisyal ng impormasyon ng DSWD sa rehiyon ng Eastern Visayas, patuloy nilang pinapadala ang mga kailangan sa mga apektadong lugar. Kasalukuyan din nilang inaalam kung kinakailangan pang maglaan ng karagdagang tulong depende sa kasalukuyang pangangailangan ng komunidad.
Ang DSWD ay nagbigay
Sa huli, si Romer Bagohin mula sa STI Calbayog ang nagtapos ng programa sa kanyang inspirasyonal na pananalita. Bilang isang guro, hinimok niya ang mga mag-aaral na piliin ang kanilang paaralan ng may pagmamahal at dedikasyon sa pag-aaral.
tulong hindi lamang sa mga lalawigan ng Northern Samar, kung saan naganap ang matinding pagbaha, kundi pati na rin sa iba pang mga bayan at lungsod na naapektuhan ng kalamidad. Kasabay ng pamamahagi ng tulong, naglaan din ang DSWD ng standby funds na umabot sa PHP6.07 milyon at mayroon ding halos PHP122.01 milyon na halaga ng mga kagamitang pang-tulong na prepositioned sa mga estratehikong lugar.
ADSAC, Nagorganisa ng ‘PTC’ para sa Ikalawang Kwarter
Ni Francesca Pasacas
Matagumpay na isinagawa ng Academia De San Agustin Calbayog Inc. (ADSAC) ang kanilang ‘Parent-Teacher Conference’ para sa Ikalawang Kwarter, kung saan binigyang diin ang pagtutulungan ng mga guro at mga magulang.
Nagsimula ang okasyon sa isang pangkalahatang pagtitipon na tumalakay sa mahahalagang mga paksa, kabilang ang mga ‘achievements’ sa una at ikalawang kwarter sa kasalukuyang
taon, mga ulat ng paaralan, at mga usapin ukol sa matrikula.
Pagkatapos nito, nakipag-ugnayan ang mga magulang sa mga guro ng kanilang mga anak para pag-usapan ang akademikong pagganap at asal ng mga mag-aaral.
Bukod dito, ipinakita ng mga departamento ang mga likha ng mga mag-aaral sa Portfolio Day, na nagbibigay-daan sa mga magulang na makita ang mga gawain ng kanilang mga anak.
2 BALITA
Ni Princess Kyle Lucero
G10 Monoceros...
Ni Jamela Liana M. Aquino
PAGTANGGAP SA SAKRAMENTO. John Dewey Thompson, ika-apat na baitangng Academia De San Agustin Calbayog Inc. (ADSAC), ay lumuluhod sa harap ni Fr. Noel Lavendia, para tumangap ng ostya sa unang pagkakataon sa loob ng St. Joseph the Worker Parish, Barangay San Policarpo, ika-19 ng Marso, 2024.
USAPANG AKADEMIKS. Nagkakaroon ng ‘Parent-Teacher Conference’ ang isang guro at mga magulang ng isang mag-aaral sa loob ng silid-aralan ng Academia De San Agustin Calbayog Inc. (ADSAC) upang mapag-usapan ang performance ng kanilang anak sa Ikalawang kwarter, ika-19 ng Marso, 2024.
PINAGKUNAN: AFP
sa
Isang makulay at masayang pagdiriwang ang naganap sa Academia De San Agustin Calbayog, Inc. (ADSAC) bilang bahagi ng paggunita sa Buwan ng Wika 2023 na may temang: “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.”
Iba’t-ibang mga aktibidad ang isinagawa ng bawat departamento upang ipakita ang kanilang pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang Filipino.
Sa Pre-school Department, nakisaya ang mga bata sa paglalaro ng mga tradisyonal at nakalakihang mga laro. Nagpakitang-gilas din sila sa paggawa ng watawat ng Pilipinas gamit ang kanilang mga art materials.
Sa Primary Department naman, nagkaroon din sila ng Laro ng Lahi kung saan naglaban-laban ang mga magaaral sa mga sikat na laro gaya ng patintero, tumbang preso, piko, at iba pa. Kitang-kita ang kanilang sigla at kasiyahan habang naglalaro.
Sa Intermediate at Junior High school levels, nahati ang mga mag-aaral sa apat na pangkat: Yo-He-Ho; Bow wow; Ding-dong; at Ta-ra-ra-boom-de-ay. Nagkaisa ang bawat pangkat sa paglahok sa iba’t-ibang mga patimpalak na nagsusubok sa kanilang kaalaman, kasanayan, at talento. Ilan sa mga patimpalak ay Tagisan ng Talino, Salin-Wika, Paggawa ng Poster, Pagsulat ng Sanaysay, at Paggawa at Presentasyon ng Talumpati.
Ginanap ang kulminasyon ng Buwan ng Wika noong Agosto 31, 2023 kung saan binigyang-pugay ang mga nagwagi sa mga nabanggit na mga kompetisyon.
Nagdiwang ang Academia De San Agustin Calbayog Inc. (ADSAC) ng selebrasyon ng United Nations noong ika-10 ng Nobyembre, 2023 na may temang: “Equality, Freedom, and Justice For All;” ito ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng pantay-pantay na karapatan, kalayaan, at katarungan para sa lahat.
Sa nasabing pagdiriwang, ang mga magaaral mula sa Pre-school hanggang Sekondarya ay nagpakita ng kanilang suporta sa pamamagitan ng pagsusuot ng tradisyunal na kasuotan mula sa iba’t ibang bansa na miyembro ng United Nations. Isa sa mga tampok ng pagdiriwang ay ang parada ng kasuotan na ginanap sa Barangay Matobato, kung saan ang mga mag-aaral ay nagpakita ng
kanilang mga kasuotang na nagpapakita ng iba’t ibang kultura. Ang nasabing parada ay kinaaliwan ng mga nanonood.
Bukod pa rito, nagkaroon din ng UN Trivia Quiz na pinangunahan ni Jay R. Nepomuceno, isang guro sa Araling Panlipunan, kung saan ang mga estudyante ay ipinakita ang kanilang kaalaman at pag-unawa sa mga isyu at kaugalian ng iba’t ibang bansa sa ilalim ng United Nations.
Sa kabuuan, ang pagdiriwang ng United Nations sa Academia De San Agustin Calbayog Inc. ay hindi lamang nagbigay-pugay sa multikulturalismo kundi nagtampok din ng kahalagahan ng pagtanggap, pagkakaisa, at pag-unawa sa iba’t ibang kultura at pananaw sa buong mundo.
3 BALITA
nakiisa
selebrasyon
United Nations ‘23
Meriann Phranzyn Ignacio
Eui Joon S. Jung
NG GALING.
iba’t-ibang
sa
ng aktibidad ng Academia De San Agustin Calbayog Inc. (ADSAC) sa Buwan ng Wika, ika-30 ng Agosto, 2023.
ADSAC, nakisaya
Buwan ng Wika ‘23 ADSAC,
sa
ng
Ni
Ni
TAGISAN
Mga kinatawan ng
pangkat ay nagtipon-tipon
Tigisan ng Talino bilang parte
PARADA NG KULTURA. Mga mag-aaral ng pre-school sa Academia De San Agustin Calbayog Inc. (ADSAC) ay nakangiting naghihintay suot-suot ang tradisyunal na kasuotan ng Mexico sa parada bilang pagdiriwang sa UN, ika-10 ng Nobyembre, 2023.
MATATAG Kurikulum:
Isang Hamon o Pagkakataon?
Nitong mga nakaraang buwan, ipinakilala ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang bagong MATATAG na Kurikulum, na layuning palakasin ang kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral sa buong bansa. Sa ilalim ng bagong kurikulum na ito, nangangakong magkaroon ng mas malawak na saklaw ang mga mag-aaral sa iba’t ibang disiplina at kasanayan, na inaasahang magbibigay daan sa mas malalim na pag-unawa at mas mabisang paghahanda para sa hinaharap.
Sa likod ng paglulunsad niot, maraming mga opinyon
KOMENTARYO
at reaksiyon mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. May mga nagpapahayag ng suporta at pagkilala sa layunin ng DepEd na palakasin ang sistema ng edukasyon sa bansa. Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng saklaw ng mga aralin at pagbibigay ng mas maraming pagkakataon sa mga mag-aaral na mapalalim ang kanilang kaalaman at kakayahan, inaasahang mas maraming estudyante ang makikinabang at magtatagumpay sa kanilang mga tatahaking landas. Gayunpaman, mayroon ding mga boses ng pag-aalinlangan at pagtutol. Ang ilan ay
nagpapahayag ng agam-agam sa kakayahan ng sistema na tugunan ang mga pangangailangan at kahilingan ng lahat ng mag-aaral. Ang pagsasagawa ng ganitong malaking pagbabago ay hindi nangangahulugang walang kaakibat na mga hamon. Ang kakulangan sa mga guro, pasilidad, at kagamitan ay ilan lamang sa mga hadlang na maaaring makasagabal sa maayos na pagpapatupad ng bagong kurikulum. Dagdag pa rito, ang pagtutok sa mga karagdagang asignatura at kasanayan ay maaaring magdulot ng dagdag na bigat sa mga mag-aaral, lalo na’t sa panahon ng pandemya kung saan may mga paghihirap na kinakaharap ang marami sa kanila. Ang pagtutok sa mental na kalusugan at pagsasanay sa mga life skills ay kritikal din sa panahong ito.
Sa kabuuan, ang MATATAG ay nagbubukas ng mga pintuan ng pag-asa at oportunidad para sa mas maraming mga mag-aaral sa bansa. Ngunit, ito rin ay nagdadala ng mga hamon at pangangailangan na dapat masusing pagtuunan ng pansin at pagtulungan ng lahat ng sektor ng lipunan. Sa tamang pagtutok, pagtutulungan, at pagtitiwala sa bawat hakbang na gagawin, maaari nating siguruhing ang bawat kabataan ay handa at may kakayahan na harapin ang mga hamon at oportunidad na naghihintay sa kanila sa hinaharap.
Patuloy na Pag-import ng Pilipinas ng Bigas, Nakakahiya
Naglabas ng isang artikulo ang Pilipinas Star Ngayon noong Marso 12, 2024 tungkol sa patuloy na pag-angkat ng bigas ng Pilipinas mula sa ibang bansa. Talaga nga namang nakakalungkot isipin na sa kabila ng ating katayuan bilang isang bansang mayaman sa agrikultura, tayo pa rin ang nangungunang rice importer sa buong mundo. Hindi dapat ito mangyari, lalo na’t ang Pilipinas ay may sapat na lupain at kakayahan upang mag-produce ng sarili nating bigas.
Nakakabahala rin ang mga isyu ng korapsiyon sa loob ng National Food Authority (NFA), kung saan nadadamay ang ating mga magsasaka. Ang kanilang paghihirap ay lalong pinalalala ng mga tiwaling opisyal na nagpapabaya sa kanilang tungkulin at nagpapahirap pa sa ating bayan.
Sana magsilbing babala ang mga kaganapan na ito sa ating mga gobyerno upang agaran nang kumilos at tugunan ang mga suliraning patuloy na nagpapahirap sa ating mga magsasaka at bumababa sa ating pagkatao bilang isang bansa.
Tulad ng ating narinig mula kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, hindi tayo dapat maging bulag sa mga katiwalian na nagaganap. Kailangan nating magkaisa upang baguhin ang sistema at magsagawa ng mga reporma upang siguruhing maayos at maasahan ang ating pagkain at pangangailangan sa bigas sa hinaharap. Hindi natin dapat ipagwalang-bahala ang mga boses ng ating mga magsasaka at ng sambayanan, sapagkat sila ang tunay na lakas ng ating bayan.
Liham sa Editor
Una sa lahat, ako ay nagagayak na sa unang pagkakataon ay magkakaroon na ng paaralang pampahayagan ang Academia De San Agustin Calbayog Inc. na
Ang ating paaralan ay ang tanging pribadong paaralan sa lungsod ng Calbayog na
striktong nagpapanukala ng ‘English-only- policy’. Kaya naman ang platapormang ito ay mahalaga sa paghahasa sa ating mga manunulat na magpahayag ng kanilang mga sarili gamit ang wikang Filipino.
Bilang punong guro ng ADSAC, gusto kong hamunin kayo na hindi lang sumulat ng mga artikulo tungkol sa ating paaralan kundi maging sa mga isyu at kaganapan sa ating kumunidad, lungsod, rehiyon, bansa at maging internasyonal. Nawa’y palagi niyo isaisip ang mga katangian at standard sa tamang pamamahayag at maging
PAMATNUGUTAN
Punong Patnugot: GIAN O. APETIN
Katuwang na Patnugot: EUI JOON S. JUNG
Editor ng Balita: JAMELA LIANA M. AQUINO
Editor ng Lathalain: PRECIOUS KEITH D. LUCERO
GEORGINA KIM D. CORRALES
LORRAINE MACASA
Editor ng Isports:
LIAM MITZ M. DE GUZMAN
Editor ng Agham: RHIANE ANG
Mga Litratista: KATHLEEN KAYE P. DE LOS REYES
CAYDEN U. JAO
Mga Dibuhista: MARGARETTE VIENNE S. CAMILON
RICCI COLYNN ROMULO
Mga Kontribyutor: PRINCESS CLARE SORIA
FLORENCE KAYE
SANTIAGO
DEAN ERNEST CHENG
NORIELLE CASSANDRA PALLONES
ROSARIO EVELYN TIBO
PRINCESS KYLE LUCERO
Tagapayo:
NICHOL P. PANZUELO
SHARA MAE S. TIMAN
BOBBY E. TURLA
Punong Guro:
TOMASA C. ANTIVO
mapanuri sa lahat ng inyong mga irereport. Sa huli, ako ay umaasa na ito ay una lamang sa marami pang mga paglilimbag ng paaralang pampahayagan sa Filipino.
Lubos na gumagalang,
TOMASA C. ANTIVO PUNONG-GURO, ADSAC
4 EDITORYAL
[GIAN O. APETIN]
Likas Na Yaman, Hindi Negosyo
Sa puso ng Bohol, matatagpuan ang isa sa mga kayamanang likas ng Pilipinas - ang maganda at misteryosong Chocolate Hills. Subalit sa kabila ng kanyang kahalagahan bilang isang pambansang yaman, tila ba ito ay unti-unting nawawala dahil sa patuloy na pagdami ng mga resort na itinatayo sa lugar.
Umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa mga netizens ang isang bidyo na tinampok ni ‘Ren the Adventurer’ ang isang resort sa gitna ng Chocolate Hills. Nakatangap ito ng milyun-milyong views at negatibong komento mula sa publiko. Ang resort na ito ay hindi nagpaganda sa tanawin, bagkus ito ay isang banta sa ganda ng Chocolate Hills.
Ang Chocolate Hills ay hindi lamang isang tanawin; ito ay isang simbolo ng kagandahan ng kalikasan. Sa katunayan, ito ay ay ang kauna-unahang Global Geopark sa bans ana iginawad ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO). Ngunit sa kasalukuyan, ito ay nanganganib sa pagdami ng mga estrukturang pang-turismo na patuloy na sumisira sa likas na anyo at ekosistema ng lugar.
Hindi lang ang may-ari ng resort ang napuna. Marami ding netizen ang bumatikos sa Department of Environment of Environment and Natural Resources (DENR). Sa aking palagay, ang resort ay hindi sana makakapago-opera kung mas pinaigting lang sana nila ang pagiinspekta sa Chocolate Hills.
Ang maling pagtutukod ng mga resort sa Chocolate
Sa harap ng mga nagdaang pangyayari, maraming mga pasahero sa NAIA ang nagpapakalat sa ‘social media’ ng mga kaso ng mga peste na naglilipana sa mga sulok ng paliparan. Kanilang itong tinawag na “rat incident” kasama ng marami pang iba dahil sa karamihan ng mga peste tulad ng mga daga, bed bugs, at ipis. Ang tanong: ano ang magiging epekto nito sa seguridad ng mga pasahero, reputasyon ng NAIA, at pambansang pananaw?
Ako ay naniniwala na magkakaroon and insidenteng ito ng masamang epekto sa reputasyon ng NAIA at sa ating pambansang imahe. Ang pananaw ng mundo sa ating bansa at sa ating paliparan ay hindi maganda. Sa kasamaang palad, ang pangyayaring ito ay lalong magpapalala dito. Pero ano nga ba ang mga epekto?
Sa simula pa lamang, ang mga pasahero tulad ko ay magkakaroon ng pag-aalinlangan at takot. Marami ang mabibigla at magsisimula nang magkaroon ng mga prehudisyo tungkol sa paliparan. May mga ulat na maraming ipis at bed bugs na kumakalat sa mga terminal. Nakuhanan din sa bidyo kung saan ang mga daga ay naglalakad sa iba’t ibang bahagi ng paliparan. Paano tayo makakapaglakbay kung hindi na natin mapagkakatiwalaan ang ating sariling paliparan?
Ang pangyayaring ito ay isa lamang sa maraming nagdaang kaganapan sa paligid ng paliparan at mga terminal nito. Bukod sa rat incident, mayroon ding mga pagnanakaw, smuggling, power outage at system glitch, at ang trahedya ng bullet planting scandal noong mga nakaraang taon. Ang mga pangyayaring ito, kasama ang kamakailang rat incident, ay lalong nagpababa sa reputasyon ng NAIA. Ayon sa ilang pag-aaral, maraming pasahero ang nagbigay ng masamang rating sa NAIA bilang isa sa pinakamasama, kung hindi man ang pinakamasama, na paliparan hindi lamang sa Asya, kundi sa buong mundo.
Noong 2011 at 2013, binigyan ng titulo ang paliparan bil-
Hills ay nagdudulot ng hindi magandang epekto sa kalikasan. Ang pagtanggal ng mga puno at halaman upang magbigay daan sa mga estruktura at pasilidad ng resort ay nagreresulta sa pagkasira ng tanawin. Hindi lamang ito nagdudulot ng pagkawala ng biodiversity, kundi pati na rin ng pagkasira sa natural na balanse ng ekosistema.
Bukod pa rito, ang pagdami ng mga resort ay nagdudulot din ng pagkakalbo ng mga burol ng Chocolate Hills. Ang mga pagbabago sa topograpiya ng lugar ay nagdudulot ng pagkasira sa natural na anyo ng mga burol, na siyang nagbibigay ng kababalaghan at kahalagahan sa lugar.
Sa harap ng mga pagbabagong ito, mahalaga na pagtuunan ng pansin ang pangangalaga at pagprotekta sa Chocolate Hills. Ang mga lokal na pamahalaan, kasama ang DENR, ay dapat magtulungan upang ipatupad ang mga regulasyon at batas na maglalayong mapanatili ang kalikasan at integridad ng Chocolate Hills.
Ang mga pangyayari ay ay dapat magsilbing hamon at inspirasyon upang magtulungan tayong lahat sa pagpapalakas at pagpapahalaga sa ating mga yamang likas para sa kasalukuyan at mga susunod pang henerasyon. Ang Chocolate Hills ay hindi dapat lamang maging destinasyon ng turismo; ito ay dapat maging inspirasyon at paalala sa atin ng kahalagahan ng pag-alaga sa ating kalikasan at kultura.
NAI-yaks?
ang pinakamasama sa buong mundo. Kamakailan lang, ang mga ranking na ito ay lumaki pa, subalit ang pagiging ika-apat na pinakamasama sa Asya, ika-walong pinakamasama sa paghawak at pagasikaso ng mga pasahero, at ika-tatlong paliparan na nakakapagdulot ng stress sa mga pasahero.
[Ang mga ranking at kamakailang pangyayari ay lalong nagpapatibay sa NAIA bilang isang katatawanan sa mundo. Ang mga dayuhan at mamamayang Pilipino ay patuloy na magbibigay ng masamang imahe sa ating bansa at sa ating pintuang pantawid sa mundo. Maraming manlalakbay ang maiiwanang may masamang karanasan sa paliparan.
Ngunit hindi pa lahat ay nawawala. Isang kontrata para sa rehabilitasyon ng paliparan ay kamakailan lamang naipagkaloob sa San Miguel Corp., at nakatakda itong pirmahan sa ika-18 ng Marso, 2024, na nagpapakita ng opisyal na pagsisimula ng matagal nang inaasam na mga pag-upgrade at rehabilitasyon ng ating paliparan. Sana’y walang magiging kamalian at pagkukulang sa prosesong ito.
Kahit na may mahabang kasaysayan ng mga problema at pangyayari, ang bagong proyektong ito upang ma-rehabilitate ang NAIA ay maaaring wakasan ang mga ito. Matagal nang hinihintay ang pagkilos na ito, at sa ngayon, ito ay nakatakda nang maganap. Kapag nakamit na natin ang sapat na solusyon sa pagpapabuti ng NAIA, maaari tayong magkaroon ng isang paliparan na world-class upang makakonekta sa ating mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo, ang reputasyon ng ating bansa at turismo ay hindi na magiging kasuklam-suklam, at maaaring magkaroon ng isang hinaharap kung saan iiwanan na natin ang lahat ng mga bangungot na ito sa likod. At kapag napatunayan na ng proyektong ito ang kung ano ang posible nating maipagbago, marahil bilang isang bansa ay mayroon din tayong maaaring makuha mula dito at mapabuti ang ating mga sarili.
5 OPINYON
[EUI JOON S. JUNG]
NARARAMDAMAN
Nararamdaman mo bang hinihigop ka ng isang walang hanggang kalaliman ng lungkot at kadiliman? Parang isang tiyak na takot na kumakain sa iyo mula sa iyong tiyan hanggang sa maging walang wala ka na?
Nakaupo ako sa sulok ng silid na walang laman. Nakaupo ako na ang ulo ay nakapatong sa aking mga kamay at nagtatanong kung oras na ba… Iniisip ko kung ano ang magiging pakiramdam kung mawawala ako sa dilim, sa loob ng aking sariling puso, isip, at kaluluwa. Kung mawawala ako sa mga pabugso-bugso ng emosyon at sa bagyo ng iniisip.
Nararamdaman mo rin ba ang kadiliman? Sumisigaw ako at tinitigan ang aking repleksyon. “Hindi ako baliw,” sinasabi ko sa aking sarili. May isang sigaw na lumabas sa aking lalamunan habang ako ay tumatangis. Iniiyakan ko kung sino ako at ano na ako.
Sinusubukan kong itulak pab-
alik ang aking nararamdaman sa pinakamalalim na bahagi ng aking puso. Sinusubukan kong ipagwalang-bahala sila. Sinusubukan kong ipagwalang-bahala ang paulit-ulit na mga salita sa aking isipan.
Pabulong na nagtatanong sa akin, “okay ka lang ba?” Gusto kong ilabas ang kadena ng mga damdamin na aking nadama sa mga nagdaang taon. Gusto kong ipaalam sa mundo na ako ay naipit sa aking sariling puso. Gusto kong ilabas itong kadiliman na sumasaklaw na saking pagiisip. Gusto kong habulin ang aking mga anino at multo at humawak sa mga malambing na bulong ng pagasa. Pero pano?
Ngunit nagbibigay ako ng tahimik na pagtango, simpleng ngiti. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang bulaklak. Ngunit hindi ko naalala kung kailan ako bumili ng mga bulaklak. Lahat ng mga bulaklak na aking binili, natuyot sa hangin sabay ko.
Pagkatapos, nagmamadali ako... biglang nawala ang mga bulaklak. Ano? Sumilong ako sa aking higaan at itinulak ang aking ulo sa makakapal na unan sa ilalim ko. Sumisigaw ako at umiiyak hanggang sa ang mismong unan na aking tinutulugan araw-araw ay maging bunga ng aking lungkot. Tumingin ako sa salamin, halos hindi nakikilala ang tao sa harap ko. Ano ang ginawa ko sa aking sarili?
Nararamdaman ko ang kadiliman na pumapaligid sa akin. Anuman ang kumain sa akin ay lubusan na akong nilamon ngayon. Isinara ko ang aking mga mata habang pinapanood ko ang lahat sa paligid ko ay magiging itim, at ang aking isip ay nagiging itim.
Nararamdaman mo rin ba ang kadiliman?
6
MO RIN BA?
LATHALAIN
Sa makabagong panahon, masigla at makulay ang pakikibaka ng mga kababaihan sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Hindi na lamang sila ang mga tagapagtaguyod ng tradisyonal na tungkulin sa tahanan, bagkus, sila rin ay nagtataglay ng lakas at tapang sa labas ng kanilang mga tahanan.
Matapos ang maraming dekada ng pagkakakulong sa tradisyonal na papel ng kababaihan, nabuksan na ang mga pintuan ng oportunidad para sa kanila. Sa iba’t ibang sektor ng lipunan, mas pinapahalagahan na ang kanilang mga kakayahan at talino. Sa larangan ng edukasyon, trabaho, at liderato, nagiging mas makatarungan na ang laban para sa pantay-pantay na karapatan ng lahat.
Ngunit sa kabila ng progresong ito, hindi pa rin nawawala ang mga pagsubok na kinakaharap ng kababaihan. Marami pa ring bahagi ng lipunan na nagdudulot ng diskriminasyon at ‘stereotype’ sa kanilang katauhan. Hindi lang silang mga “babaeng may karapatan,” kundi bilang indibidwal na may sariling mga pangarap, ideya, at ambisyon.
Sa bawat kanto ng mundo, may iba’t ibang kuwento ang mga kababaihan. Mayroong mga nagtatagumpay sa mundo ng negosyo, siyensya, sining, at iba’t ibang larangan. Subalit, hindi rin dapat kalimutan ang mga nag-aalaga ng tahanan, nagbibigay-buhay sa mga tradisyon, at nag-aalaga ng mga anak. Ang bawat isa sa kanila ay may mahalagang papel na ginagampanan sa lipunan.
Isang malaking hamon ang patuloy nating kinakaharap: ang pagpapahalaga sa bawat babae hindi lang dahil sa kanilang kasarian kundi sa kanilang pagkakaiba at kahalagahan bilang mga indibidwal. Ang laban ng kababaihan ay hindi lamang laban para sa kanilang sarili, kundi laban para sa isang lipunang mas maunlad, mas makatarungan, at mas mapayapa para sa lahat.
Sa kasalukuyang panahon ng teknolohiya at social media, ang pagiging netizen ay may kasamang malaking responsibilidad. Ngunit sa kabila ng mga benepisyo na hatid ng internet at social media, hindi maitatangging mayroon ding mga negatibong epekto na maaaring magdulot ng pinsala sa ating lipunan at indibidwal na kagalingan. Ang pagiging responsableng netizen ay isang mahalagang tungkulin na dapat isapuso ng bawat isa.
Sa panahon ngayon, hindi na bago ang mga kaso ng cyberbullying, pagkalat ng fake news, at online harassment. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga negatibong epekto ng hindi responsable na paggamit ng internet at social media. Kapag hindi tayo nagiging responsableng netizen, maaari nating mas lalo pang palalain ang mga problemang ito at magdulot ng mas malaking pinsala sa ating lipunan. Upang maging responsableng netizen, narito ang limang paraan na maaari nating sundan:
MAG-VERIFY BAGO MAG-SHARE
Bago magbahagi ng anumang impormasyon o balita sa social media, siguruhing naka-validate ito mula sa mapagkakatiwalaang pinagmulan. Ang pagkalat ng fake news ay maaaring magdulot ng labis na kaguluhan at pagkabahala sa lipunan.
MAGING MAINGAT SA KOMUNIKASYON
Kapag nakikipag-usap sa mga tao sa online platforms, laging tandaan na mayroong mga tao sa kabilang banda ng screen. Igalang ang kanilang pananaw at huwag magpatangay sa mga emosyon na maaaring humantong sa hindi makatwirang pag-uusap.
I-RESPETO ANG IBA
Sa mundo ng social media, iba’t ibang paniniwala at opinyon ang maaaring magtagpo. Mahalaga na tayo ay magpakita ng respeto sa mga pananaw ng iba, kahit pa hindi tayo sang-ayon. Ang diskusyon at debate ay dapat na maging masining at hindi personal.
MAG-INGAT SA IMPORMASYON
Bago magbahagi ng personal na impormasyon online, siguruhing alam nating kung sino ang makakakita nito. Protektahan ang iyong privacy at siguruhing ang mga impormasyon na ibinabahagi ay hindi magdudulot ng panganib sa iyong seguridad. Sa mga kilalang social media applications tulad ng Facebook, X, Instagram, at TikTok, ang mga responsableng netizen ay may malaking puwang na mapanatili ang online space na ligtas at kapakipakinabang para sa lahat. Sa pagkakaroon ng tamang kaalaman at pag-unawa sa kahalagahan ng pagiging responsableng netizen, tayo ay makakatulong sa pagbuo ng isang mas maayos at makabuluhan na online community. Mangyaring tandaan: bawat click, post, at komento ay may kapangyarihan, at sa atin nakasalalay ang magiging epekto nito sa ating mundo.
GEORGINA KIM D CORRALES
NI
clipart SOURCE: freepik.com
LATHALAIN 7
NI LORRAINE MACASA
NI PRECIOUS
Tambayan.Kainan.Tanghalan Ang mga ito ay ang mga salitang pwedeng pumasok sa iyong isipan kung tatanungin ka tungkol sa Nijaga Park. Pero, kilala mo ba kung sino ang Nijaga sa likod ng Nijaga Park?
Sa mahabang kasaysayan ng Pilipinas, napupuno ng mga bayani ang mga pahina ng ating kwento. Isa sa mga di-mabilang na bayaning ito ay si Benedicto Nijaga, isang haligi ng kanyang komunidad, isang magsasaka, at isang tagapagtanggol ng katarungan mula sa Calbayog City.
Si Nijaga ay hindi lamang isang pangalan sa kasaysayan ng Calbayog; siya rin ay isang simbolo ng tapang, determinasyon, at pagmamahal sa bayan. Sa kanyang simpleng pamumuhay, ipinakita niya kung paano maging isang tunay na bayani sa pamamagitan ng pagtulong sa kanyang kapwa at pagtataguyod ng mga halaga ng katarungan at pagkakaisa.
Isinilang si Benedicto Nijaga sa isang simpleng pamilya ng magsasaka sa Calbayog City. Sa kanyang kabataan, naranasan niya ang hirap at hamon ng buhay, ngunit sa kabila nito, hindi nag-atubiling lumaban si Nijaga para sa kanyang pangarap ng mas maganda at makatarungang lipunan.
Sa pamamagitan ng kanyang tapang at dedikasyon, naging bantayog si Nijaga sa kanyang komunidad. Nagtaguyod siya ng mga proyektong pangkaunlaran at pangkabuhayan na naglalayong mapaunlad ang kalagayan ng mga magsasaka at mangingisda sa lugar. Bukod sa kanyang adbokasiya para sa ekonomikong kaunlaran, naging boses rin siya ng mga maralitang taga-lungsod at nagsusulong ng mga karapatan ng mga mahihirap.
Sa gitna ng mga pagsubok at panganib, nanatiling matatag si Nijaga sa kanyang paninindigan. Laban sa katiwalian at pang-aapi, hindi siya nagdalawang-isip na tumayo at ipagtanggol ang kanyang kapwa. Sa kanyang mga gawa, ipinamalas niya ang diwa ng tunay na pagiging Pilipino: matapang, matapat, at handang maglingkod sa bayan.
Ngunit higit sa lahat, ang pinakamahalagang alaala ni Benedicto Nijaga ay ang kanyang pag-ibig sa bayan at sa kanyang mga kapwa Pilipino. Hindi niya hinangad ang katanyagan o kapangyarihan, bagkus, ang kanyang layunin ay ang maglingkod sa bayan at makatulong sa mga nangangailangan.
Sa pagtatapos ng kanyang buhay, iniwan ni Nijaga ang isang malaking palaisipan sa kanyang komunidad. Ang tanong na “Paano mo maisasabuhay ang diwa ng pagiging isang tunay na bayani?” ay patuloy na bumabalot sa isipan ng bawat mamamayan ng Calbayog City.
Sa huli, si Benedicto Nijaga ay hindi lamang isang pangalan; siya ay isang inspirasyon, isang alamat ng kabayanihan, at isang huwarang dapat tularan ng bawat Pilipino. Ang kanyang mga gawa at alaala ay mananatiling buhay at patuloy na magbibigay-inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino.
8
KEITH D. LUCERO
PINAGKUNAN: fb page/city arts and culture office LATHALAIN
BOTELYA NG PAGBABAGO
Ni Princess Kyle D. Lucero
Walang bagay na itinapon. Kapag itinapon na tin ang anumang bagay dapat ito ay pumunta sa ibang lugar... “ ”
– Annie Leonard
Ngayong taon, layunin ng ADSAC na sundan ang atas na ito. Ang ADSAC ay nagtataguyod ng kalinisan at pagbabawas ng polusyon ng basura sa paaralan sa pamamagitan ng isang aktibidad na itinalaga ni Jay Nepomuceno, isang guro, kung saan kanilang malakiang binabawasan ang problema sa basura sa paaralan sa pamamagitan ng masigasig na paglalagay ng kanilang kalat at basura sa isang 1.5ML na botelya ng Coke.
“Ito ay isang napakasustainable na paraan sa isa sa pinakamalalaking problema na kinakaharap ng aming paaralan sa ngayon,” dagdag niya nang may buong pagmamalaki sa kanyang ideya. Habang naglalakad tayo sa mga pasilyo ng paaralan ngayon, ating nakikita ang bagong anyo ng paaralan. Mga basurahang ‘di puno, malinis na sahig, at ang mga botelyang 1.5ML ng mga mag-aaral ay nakatayo sa ibabaw ng kanilang mga ‘cubbyhole’. Bote sa bote, maari nating baguhin ang buong anyo ng kapaligiran at paaralan sa simpleng paaran.
Bilang mga mag-aaral, tungkulin natin na panatilihin ang kaayusan at kalinisan ng paaralan. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, ang basura na ating itinatapon ay may palalagyan at paroroonan.
INDIUM PHOSPHIDE-BASED MODULATOR: Susi sa Mas Mabilis na Bit Rate
Ni Rhiane Mae Ang
Sa patuloy na paglago ng teknolohiya, isa na namang makabagong tagumpay ang nakamit sa larangan ng agham at teknolohiya. Kamakailan lamang, inihayag ng isang pangkat ng mga mananaliksik ang pag-angat ng bit rate sa pamamagitan ng paggamit ng bagong Indium Phosphide-based modulator. Ang tagumpay na ito ay nagbubukas ng mga bagong oportunidad sa larangan ng komunikasyon at internet.
Ang modulator na batay sa Indium Phosphide ay isang kritikal na bahagi ng mga sistema ng optical communication. Ito ang nagpapabago ng mga signal ng elektronikong data sa mga signal ng optical, na nagpapahintulot sa mga ito na maglakbay sa pamamagitan ng mga fiber optic cables na may bilis at kahusayan. Ang pagtuklas ng mas mataas na bit rate ay isang mahalagang hakbang sa pagpapahusay ng kapasidad ng data transmission.
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng grupo ng mga mananaliksik, ang kanilang bagong modulator ay nagresulta sa mabilis na bit rate. Sa pamamagitan ng paggamit ng Indium Phosphide bilang pangunahing materyal, nagawa ng modulator na ito na maabot ang mga bit rate na hindi pa nararating sa mga naunang panahon. Ito ay isang makabuluhang tagumpay na naglalayong mapalakas ang kakayahan ng modernong network ng komunikasyon.
Ang pinakamahalagang bentahe ng bagong modulator na ito ay ang kakayahang mapalawak ang kapasidad ng data transmission sa pamamagitan ng mga optical fiber. Sa pagtanggap ng mas mataas na bit rate, nagiging mas mabilis at mas maaasahan ang pagpapadala ng malalaking dami ng data. Ito ay nagbubukas ng mga oportunidad para sa mas advanced na serbisyo sa internet, mas mahusay na pagpapadala ng video, at mas mabilis na transaksyon sa online.
Gayunpaman, bagama’t ang bagong modulator ay nagdadala ng maraming potensyal na bentahe, mayroon pa rin itong mga hamon. Ang pangunahing hamon ay ang pagtanggap at pagsasabuhay ng bagong teknolohiya sa industriya. Kailangan itong subukin, i-adjust, at i-optimize upang maging handa sa pang-matagalang paggamit. Gayundin, ang aspeto ng gastos ay isang mahalagang bagay na dapat isaalang-alang. Ang pagpapabuti sa teknolohiya ay madalas na nauugnay sa mataas na gastos sa panimula, na maaaring maging isang hadlang sa pagsasabuhay nito sa mga komersyal na setting.
Sa kabuuan, ang pag-angat ng bit rate sa pamamagitan ng bagong Indium Phosphide-based modulator ay isang hakbang sa pagpapalakas ng kapasidad ng data transmission. Ito ay nagbubukas ng mga bagong oportunidad para sa mas mabilis at mas maaasahang komu
9 AGHAM AT TEKNOLOHIYA
+
pinagkunan: phys.org
PAGGAMIT NG LUPANG
PANG-MINA SA HOMONHON: Isang Pagsusuri Ni Kathleen Kaye P. De Los Reyes
Ang Homonhon, isang maliit na isla sa Samar, ay nakaukit na sa kasaysayan kung saan unang lugar na napuntahan ni Ferdinand Magellan noong 1521. Ito din ay kilala sa kanyang mayaman na deposito ng mga mineral tulad ng nikkel at chromite.
Sa malasakit sa pag-unlad ng bansa at sa pangangailangan ng industriya, patuloy na ginagamit ang mga likas na yaman ng Pilipinas, kabilang na ang lupang pang-mina. Isa sa mga lugar na patuloy na nasa gitna ng talakayan at kontrobersiya kaugnay ng pagmimina ay ang isla ng Homonhon
Ngunit sa kabila ng potensyal na mga benepisyo na maaaring maidulot ng pagmimina, maraming isyu at hamon ang kinakaharap ng Homonhon at ng mga taong naninirahan dito. Isa sa pinakamahalagang usapin ay ang epekto ng pagmimina sa kapaligiran at sa mga komunidad. Ang proseso ng pagmimina, lalo na kung hindi wasto ang pagpapatupad ng environmental regulations, ay maaaring magdulot ng polusyon sa hangin at tubig, pagkasira ng mga ekosistema, at pagkawala ng kabuhayan para sa mga lokal na residente.
Isa pang isyu ay ang usapin ng pagsang-ayon mula sa mga lokal na komunidad. Sa maraming kaso, ang pagmimina ay nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan at pagkakabaha-bahagi sa pagitan ng mga korporasyon na nagnanais na magmimina at ng mga taong naninirahan sa lugar. Hindi pa sapat ang mga mekanismo para sa tunay na konsultasyon at partisipasyon ng mga apektadong komunidad sa desisyon na nag-uugnay sa pagmimina.
Sa aspetong pang-ekonomiya, bagaman maaaring magdulot ng dagdag na kita at trabaho para sa ilang tao, hindi ito tiyak na nagpapataas ng kabuhayan para sa lahat. Ang mga benepisyo ay madalas na hindi napupunta sa mga lokal na komunidad, at ang mga trabaho na nauukol sa pagmimina ay maaaring pansamantalang lamang at walang pangmatagalang seguridad.
Sa harap ng mga hamon na ito, mahalaga na magkaroon ng maingat at komprehensibong pag-aaral bago payagan ang anumang pagmimina sa Homonhon o sa anumang bahagi ng bansa. Dapat isama sa pagsusuri ang epekto sa kapaligiran, implikasyon sa kalusugan ng tao, potensyal na benepisyo at kabiguan sa ekonomiya, at ang partisipasyon ng mga lokal na komunidad sa proseso ng desisyon.
Dinaos noong Disyembre
29, 2023 sa LGU Conference Hall ang 4th Quarter Meeting ng Calbayog City Solid Waste Management Board.
Ipinahayag ni CSWMO Officer Jannett Obong-Cabujat na nakamit nila ang 31 porsyentong pag-recover mula sa mga solid wastes mula sa mga waste-disposal facilities ng lungsod ang City Solid Waste Management Office (CSWMO), na lampas pa sa 25 porsyentong target na itinakda ng Republic Act 9003 o mas kilala bilang “Ecological Solid Waste Management Act of 2003.”
Ayon pa kay Cabujat, ang tagumpay sa waste diversion ay bunga ng suporta at pamumuno ng alkalde ng lungsod na si Raymund Uy, kasama ang patuloy na pag-
sisikap sa pagsasagawa ng re-use, recycle, at reprocess pati na rin ang pag-kompost ng lahat ng solid wastes na nakokolekta ng lungsod. Ipinahayag din niya na 157 barangay sa lungsod, 114 ang aktibong nagsasagawa ng garbage collection.
Sa kanyang panig, walang patid ang suporta ng alkalde para sa patuloy na pagpapaunlad ng garbage collection at mga inisyatibo sa solid waste ng lungsod.
Kasama rin sa miting ang
DILG - Calbayog CLGOO
Gretchen Mae Corrales, Kagawad Eduardo Tibo, mga City Department Heads, mga kinatawan ng mga kinauukulan na ahensya, at iba pang mga stakeholders. | sa pamamagitan ni Charmaine Perito
10 AGHAM AT TEKNOLOHIYA
CALBAYOG CITY- CSWMO, NAKAKAMIT NG 31 PORSYENTONG PAG-RECOVER NG SOLID WASTE
Ni Lorraine Macasa
pinagkunan: fb page/ save homonhon movement
Ormoc City, sinimulan ang paghahanda para sa EVRAA ‘24
Sa isang mahalagang pangyayari para sa Eastern Visayas Athletic Association (EVRAA) Meet, ang Lungsod ng Ormoc ay nakatakdang maging host ng inaasahang kaganapan sa sports sa rehiyon mula Mayo 5 hanggang 10, 2024.
Inilabas ni City Mayor Lucy Torres Gomez ang Executive Order No. 2024-14 s. 2024 noong Pebrero 1, 2024, na nag-aayos sa komposisyon ng 2024 EVRAA Executive Committee bilang paghahanda para sa nalalapit na EVRAA.
Ang reorganisasyon ay naglalagay kay SPM Nolito Quilang, Sanggunian Majority Floor Leader at Chairperson ng Committee on Education and Manpower Development, sa pamumuno ng Executive Committee. Ang hakbang na ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng lungsod sa pagtiyak ng tagumpay at maayos na koordinasyon para sa EVRAA Meet.
Sa pagpupulong ng komite noong Pebrero 7, 2024, iba’t ibang mahahalagang bagay ang pinag-usapan upang tiyakin ang magandang pagpapatupad ng kaganapan kabilang na ang pag-update sa insurance
coverage, health medical services, food committee, branding materials, billeting assignments, pagdadausan ng mga laro, at iba pa. Ang pagtanggap ng Ormoc City sa karapatan sa pagho-host ay nagpapakita ng dedikasyon ng lungsod sa pagpapalakas ng regional sports excellence at pagbibigay ng plataporma para sa mga atleta upang ipamalas ang kanilang mga talento. Ang EVRAA ‘24 ay inaasahang maging isang kahanga-hangang kaganapan, na magdadala ng mga atleta, opisyal, at mga tagahanga ng sports mula sa buong Eastern Visayas.
Ipinamalas ng mga magaaral mula sa Academia De San Agustine Calbayog Inc. (ADSAC) ang kanilang gilas sa larong badminton matapos nanalo ng isang gintong medalya at isang pilak na medalya sa larong badminton sa Calbayog City Athletic Association Meet 2023 (CCAAM) noong Disyembre 2, 2023
Si John Michael D. Longara, isang mag-aaral sa ika-10 baitang, ay nagpakitang-gilas sa Badminton Singles (Single B), kung saan siya ay nagwagi ng gintong medalya matapos patumbahin ang kanyang katunggali mula
sa San Policarpio National High School (SPNHS). Ang kanyang kahusayan ay hindi lamang nagdala ng karangalan sa kanyang paaralan kundi nagkamit din siya ng pwesto bilang katawan ng delegasyon ng Calbayog City sa nalalapit na Eastern Visayas Regional Athletic Association Meet (EVRAA) na gaganapin sa Mayo 2024.
Samantala, si Cayden U. Jao, isang kapwa mag-aaral sa ika-10 baitang, ay nag-uwi naman ng pilak na medalya sa Badminton Singles (Singles A), nagpapakitang-gilas sa kanyang husay at galing sa larong ito.
11 PAMPALAKASAN
Augustinians
ng 1
1
CCAAM
Ni Liam Mitz De Guzman
2
sumungkit
ginto,
pilak sa
‘23
pinagkunan: DEPED TAYO ORMOC CITY DIVISION
Ni Liam Mitz De Guzman
PILIPINAS, ika-17 na puwesto sa 2023 Asian Games
Nagtapos sa ika-17 na puwesto ang Pilipinas sa huling medal tally ng 19th Asian Games na ginanap sa Hangzhou sa China noong Setyembre 22 hanggang Oktobre 8, 2023.
Kinompara ng Philippine Sports Commission (PSC) na nakakolekta ang Pilipinas ng kabuoang 18 medalya: tampok ang apat na ginto; dalawang silver; at 12 pilak. Kabilang sa nag-uwi ng gintong meda-
lya sina Ej Obiena sa men’s pole vault, Margarita Ochoa sa women’s 48kg Jiu Jitsu, Annie Ramirez sa women’s 57kg Jiu Jitsu, at Gilas Pilipinas sa basketball.
Carousel nilampaso ang Vikings sa Chess
Nasungkit ni Glenn Idulsa ng Majestic Maroon Carousel ang kampeonato sa Chess matapos talunin ang pambato ng Blue Vikings Ian Jade Apetin sa huling laro ng Chess sa nagdaang Foundation Day 2024.
Sa unang yugto ng laban, binuksan ni Glenn ang laro gamit ang e4 pawn, isang bukas na galaw na madalas na ginagamit sa mataas na antas ng kompetisyon. Sinagot ito ng kanyang katunggali, siyang nagpabukas sa posibilidad ng isang Sicilian Defense.
Sa unang ilang hakbang, mabilis na nakapag-develop si Idulsa ng kanyang mga pieces, nagtataguyod ng masusing pag-aaral sa bawat
galaw ng kalaban. Sa kanyang pagkakataon, nagsimula siyang mag-angkin ng espasyo sa chess board, ginamit ang kanyang mga knight upang kontrolin ang gitna ng laro.
Ang labanan ay umabot sa gitna ng opensa at depensa, kung saan si Idulsa ay mahusay na nagtaguyod ng kontrol sa board, habang sinisiguro na bawat hakbang ay may kaakibat na plano at estratehiya.
Sa huling yugto ng laban, napilitang tumanggap si Idulsa ng matinding pag-atake galing kay Apetin, subalit mabilis siyang nakahanap ng tamang pagkakataon upang ibalik ang atake. Gamit ang kanyang pinakamalakas na piyesa, nagawa niyang iluklok ang hari ng kanyang kalaban sa isang mate na walang pag-asa ng escape.
AP BREN, SINUGKIT ANG M5 WORLD
TITLE KONTRA ONIC ID, 4-3
BREN LANG MALAKAS!
Sa isang pagtatangka na maitaas ang antas ng lokal na Mobile Legends sa pandaigdigang kompetisyon, ipinamalas ng AP Bren ang kanilang kakayahan matapos magkampeon M5 World Championship noong ika-18 ng Disyembre, 2023.
Sa isang dikdikang laban, ang AP Bren ay nagtagumpay laban sa ONIC Esports ng Indonesia na umabot sa game seven ng grand finals. Pinatunayan na hindi sila ang hari ng Mobile Legends: Bang Bang sa mundo.
Simula palang ng serye, ipinakita na ng BREN ang kanilang mga kasanayan sa pagsasagawa ng mga estratehiya at pagsasama-sama bilang isang koponan. Sa pamumuno ni Kyle “KyleTzy” Sayson at ang mahusay na paglalaro ng Fredrinn, nagtagumpay silang agawin ang unang bahagi ng laban. Ngunit hindi nagpatalo ang ONIC Esports, nagpakitang-gilas sila sa ikalawang laro,
pinamunuan ni Sanz “Gilang” ang kanilang koponan sa isang maalamat na pagtatanghal ng galing sa paggamit ng karakter na Gord.
Sa kabila ng pagtanggap ng ilang hamon mula sa kalaban, patuloy na nagpakita ng determinasyon ang AP Bren. Sa huli, sa pamamagitan ng magaling na pagsasagawa tamang macro at micro na skill, nagawa nilang skunin ang tagumpay sa game seven.
Hindi matatawaran ang dedikasyon at husay na ipinamalas ng bawat miyembro ng AP Bren na nagbunga sa kanilang pagkapanalo. Bilang pagkilala sa kaniyang mahalagang ambag sa tagumpay ng koponan, kinilala si David “FlapTzy” Canon bilang Finals MVP.
Sa pagkakamit ng kampeonato, hindi lamang sila nag-uwi ng premyong $900,000 kundi napatunayan din nila na sila ang pinakamahusay na Mobile Legends team sa pandaigdigang kompetisyon. Isang karangalan na magiging bahagi ng kasaysayan ng Mobile Legends esports.
Ni John Michael D. Longara pinagkunan: OLYmpics.com/onesports.ph pinagkunan: bworldonline.com
Ni Liam Mitz De Guzman
12 PAMPALAKASAN
Ni Dean Ernest Cheng