AKADEMIKONG PORTPOLYO Tomo 1, Disyembre 2021
Ang Akademikong Portpolyo ng Ikalawang Pangkat mula sa HUMSS 12-C Inilathala ng mga estudyante ng University of St. La Salle - Senior High School
Lahat ng karapatan ay nakalaan, kabilang ang karapatan ng pagpaparami sa kabuuan o anumang bahagi o anyo.
Mga Miyembro ng Grupo Jewel Irish Belascuain
Kyle Andre Belleza
Asilef Jeremy Carbon
Aimee Shane Cordero
TALAAN NG NILALAMAN PANIMULA
Talambuhay KABANATA 1
Paglalagom KABANATA 2
Replektibong Sanaysay KABANATA 3
Lakbay-Sanaysay KABANATA 4
Talumpati KABANATA 5
PANIMULA
Nilalaman ng portpolyo na ito ang koleksyon ng mga pang-akademikong sulatin na aming nilikha mula sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik). Ito ay nagsisilbing patunay na kami ay gumagawa ng mga gawain at nagpakita ng pagtitiyaga at pagkakaisa sa mga nagdaang panahon maging na rin sa hinaharap.
Talambuhay ni Jewel Irish S. Belascuain
Labing-walong taon na ang nakalipas mula ako’y dinala sa mundong ito. Isinilang ako noong Mayo 17, 2003 sa Dr. Pablo O. Torre Memorial Hospital, Bacolod City. Ako’y ikatlong anak nina Joel at Marissa Belascuain at mayroon akong tatlong kapatid na sina Kuya Mars, Ate Asia, at Marshall. Nakatira kami sa Andrea Village, Brgy. Zone 2, Cadiz City, at ako’y nag-aral mula kindergarten hanggang junior high school sa Philippine Normal University - Visayas. Isa akong masayahing bata na mahilig maglaro ng volleyball, mag-chess, magguhit, mag-girl scouting, at mag-aral. Mga halimbawa ng aking pinagmamalaking tagumpay sa buhay ay ang pagiging honor student sa klase at ang pagiging iang ganap na Chief Girl Scout Medalist kaya sa paglaki ko ay gusto ko maging isang taong mapagkatiwalaan ng madla. Sa aking paglalakday sa daigdig, naranasan ko ang sarap ng pag-ibig at paghabol ng mga pangarap hanggang sa pait ng kabiguan at mga sinayang na mga oportunidad sa buhay. Ngunit sa kabila ng mga pangyayaring ito, marami akong natuklasan na ngayo’y aking nararanasan. Sa totoo lang, masasabi ko talaga na isa akong mahina na nilalang sa oras na ako’y pinaglaruan ng tadhana at hinamon ng buhay noon. Naaalala ko pa nang ika-alas-tres ng umaga ako’y umiiyak sa kwarto habang nakapatay ang ilaw, at doon ay pinagdududahan ko ang aking sarili. Palagi kong kinukumpara ang aking kakayahan sa kadalubhasaan ng iba at iniisip kung gaano kakulang ang mga pagsisikap ko. Ngunit sa paglipas ng panahon, naging matapang ako dahil kumapit ako sa pag-asa at sa kabutihan ng Diyos. Sa kasalukuyan ay nag-aaral ako bilang isang Humanities and Social Science na estudyante sa University of St. La Salle – Senior High School, at pangarap ko maging isang abogado o diplomatiko. Dahil sa aking ambisyon, tinuturan ko ang aking sarili kung paano gamitin ang aking kahinaan sa mga mabuting layunin. Natutunan ko kung paano bumangon sa oras nang madapa at isulit ang mga sandali nang matagumpay. Nakatamo ako ng mga panibagong aral, nakasalamuha ng mga mahusay na tao, at napalakas ko ang aking kumpiyansa. Oo, nakatanggap ako pareho ng kadiliman at kalinawan, at ipinagmamalaki ko kung paano nila ako hinubog sa taong ako ngayon. Dito ko nakuha ang lakas upang iharap ang anumang hamon sa buhay.
Talambuhay ni Asilef Jeremy Carbon
Sa ikalabing-limang araw ng Disyembre noong taong 2003, sa isang hospital sa lungsod ng Bacolod ay may isang sanggol na umiyak pagkalabas nito sa sinapupunan ng kaniyang ina. Siya’y pingalanang Asilef Jeremy S. Carbon, na siyang kabaliktaran ng pangalan ng kaniyang Lola Felisa. Ang kaniyang iyak ay maririnig sa buong kwarto, at ginising ang mga kasama nitong sanggol, kaya agad siyang pinatahan ng kaniyang ina, si Elenita S. Carbon. Pagkatapos ng ilang linggo ay umuwi sila sa bahay nila sa lungsod ng Iloilo, at doon pinalaki ang kanilang minamahal na anak. Ang maiyaking bunso ay palaging inaalagaan ng kaniyang mga magulang na sina Ma. Lina Carbon, Felisa Carbon, at Fred Louie Carbon, kadalasang inaabutan sila ng umaga sa pagpapatahan ng kanilang bunso dahil palaging nagtratrabaho ang kanilang ina. Habang lumalaki ang kanilang bunso ay palagi nila itong nilalagya ng pampaganda para sa mga babae at pinapamodel ito sa gitna ng bahay at pinapagalitan ng kanilang ina. Doon nagsisimula ang aking kwento. Habang ako ay lumalaki, nahulma ang aking hilig sa mga bagay na magaganda at kyut na mga bagay, dahil mas malapit ako sa aking mga ate at palagi kong kasama ang aking mga tita. Mula sa kanila ay namana ko ang pagkagusto ko sa mga bagay na kumikininang at mga damit na kyut. Mula noong bata ako ay palaging mga pambabaeng panoorin ang aking pinapanood kagaya ng hello kitty at barbie, ngunit para sa akin hindi ito negatibo dahil mula sa mga ito ay mas naging malikhain ako. Sa aking pagiging malikhain ay natutunan ko ring mag guhit ng mga karakter mula sa mga palabas dahil gusto kong maging bahagi ng kanilang mundo. Sa aking mithiing maging parte ng mga palabas ay sinubukan kong magsulat ng mga kwento ukol sa mga mundo na kanilang tinitirahan. At dahil sa aking mapagmahal na pamilya, ako ay lumaking matino at mabuti sa aking kapwa, dahil tinanggap ako ng aking pamilya. Dahil sa aking pamila at mga kaibigan ay nabuo ang aking pagkatao, at narating ko kung nasaan ako ngayon. Ako ngayon ay isang nangangarap na abogado, upang makatulong sa aking kapwa na hindi makapagsalita para sa kanilang sarili.Habang ako ay lumalaki, nakita ko ang hindi makatarungang pagtrato sa ating mga kababayan, kaya pinangako ko sa aking sarili na ipaglalaban ko ang pinagsasamantalahan ng mga taong may pakangyarihan. Minimithi kong magkaroon ng bansang walang diskriminasyon at minamahal ang bawat kapwa. Upang makamit ang aking pangarap ay magiging abogado ako para maipaglaban ko ang aking mga kapwa mula sa malupit nga tagasamantala.
Talambuhay ni Aimee Shane Cordero
Noong ika-17 ng Mayo, taong 2003, 2:43 ng hapon sa Riverside Hospital sa lungsod ng Bacolod, si Jennylind Cordero kasama ang kanyang asawang si Marcos Cordero, ay nanganak ng isang malaking batang babae at pinangalanan siyang Aimee Shane. Ngayon, ang dating batang babae na ito ay isang batang nasa hustong gulang na. Ako ang babaeng iyon. Mayroon akong isang kuya na mayroon kaming puwang ng siyam na taon. Kahit na ngayon kami lamang ng aking kuya, dapat kami ay apat na magkakapatid subalit dahil sa hindi kanais-nais na mga kaganapan, dalawa lamang kaming magkakapatid. Sa aking paglaki, marami na akong naranasan, pero sa lahat ng iyon, ang hindi ko talaga malilimutan ay ang huling pagkakataon na nakasama ko ang aking lolo bago siya pumanaw. Bata pa akon nun, nasa nursery pa yata ako. Nasa ospital kami sa kwarto ng aking lolo, nakahiga siya at tumatawa lang kami habang pinaguusapan namin yung mga crush ko. Iyon lang ang araw na maaalala ko na magkasama kaming dalawa. Kahit na parang malabo na ito sa isipan ko, at kahit na bata pa ako nun, masasabi ko talaga na iyon ay ang pinakamasayang araw ng buhay ko, na wala pa kong problema, noong wala pang nagaaway sa pamilya. Kung may masasayang pangyayari sa buhay, meron din malulungkot na pangyayari. Ang masasabi kong pinakamalungkot na sandali sa aking buhay ang yung nawalan ako ng kaibigan. Naging mahirap ito sa akin dahil hindi lamang siya kaibigan kundi ang taong minahal ko. Tatlong taon na ang nakalipas ngunit pag-naiisip ko ito nasasaktan parin ako. Marami na akong naranasan, pero sa edad ko ngayon, masasabi ko madami pa akong dapat matutunan, at madami pa akong dapat maranasan.
Talambuhay ni Kyle Andre Belleza
“Ang lahat ay biyaya mula sa Maykapal kahit na ikaw ay dumadaan sa mabatong daanan. Hindi tayo binibigayan ng problema or di kaya pagsubok na hindi nating kayang malapasan.” Noong ika-5 ng Setyembre 2003, aking nasilayan at naramdaman ang kagandahan at kahiwagahan ng ating mundo. Binigayan ako ng pangalan na Kyle Andre S. Belleza, aking nasilayan ang ngiti at galak ng aking ina, ama’t kapatid. Ako pinalaking Romanong Katoliko, pinag-aral ng elementarya sa Jack and Jill School -Homesite at ng secondarya sa prestihiyosong unibersidad ng mga De La Salle Brothers sa Bacolod. Sa paglalakbay sa buhay na ito, maraming mga magagalak at malulungkot na mga pangyayaring nangyari, Ako ay kumportable sa aking buhay, buhay maykaya, pwede rin masabihin na “spoil” ako. Ako ang bunso sa aming magkakapatid, ngayon ang aking kapatid ay isang ng ganap na doktor, at ako naman ay gustong maging pari o di kaya lawyer. Sa buhay kong ito, ang mga masasayang pangyayari tulad ng pagkapanalo ko sa eleksyon noong Grade 6 ako nga ika nga ng matungkali ko ay hindi ako mananalo ngunit kahit na bago pa ako sa larangag iyon ay agad akong nanalo “wipe out” ikan ga nila, isa rin masayang bahagi ng buhi ko ay yong pagsisilbi sa simbahan, araw man o gabi, may klase o wala, pag gusto mo akong hanapin tiyak matatagpuan mo ako sa simbahan. Masasabing kong ito ang pinakamasayang araw sa ay yong pumasok ako sa seminaryo didto sa Bacolod sa Sacred Heart Seminary – Bacolod, tuwang tuwa, pusong puno nga galak at kasiyahang walang humpay, nagging seminarista ako nga isang taon at dalawang buwan. Ito yong isang taong puno ng pagninilay, panalangin, kalungkotan, pagkadismaya, kasiyahan at pagwawagi. Ngunit ito lamang ika 27 ng Agosto 2021, ako’y biglaang pinalabas, hindi ko alam kong anong gagawin, o di kaya saan ako tutungo, sabi ko sa sarili ko “diba nanalangin ako sa Panginoon na bigyan ako ng pagsubok sa aking bokasyon patungog pagpapari upang maliwanagan ang isipan kung talagang magpapari ako” at heto ako ngayon, patuloy na nananalangin, nagninilay at humaharap sa bukas napuno ng pag-asang muli babalik si Sem. Kyle Belleza o di kaya si Bro. Kyle Belleza, O.P., at sa kanyang tamang paggabay at sa kang panahon magiging pari din ako. Patuloy pa ring sumusulat sa bagong kabanata ng buhay ko. ”Tu es Sacerdos in aeternum secundum ordinem Melchisedich
Paglalagom ni Jewel Irish S. Belascuain
Mayroong isang anak na umalis sa puder ng kanyang mayaman na ama matapos nitong tanggapin ang kanyang mana. Winaldas niya ang kanyang kayamanan sa mga bagay-bagay hanggang sa naubos ito. Hindi nagtagal ay naghirap ang anak at nabaon sa utang. Pumasok siya bilang tagapakain ng baboy ngunit pinahirapan siya ng kanyang amo. Kalaunan, nag-isip siyang bumalik sa kanyang ama na siya’y tinanggap ng buong puso. Nagtaka at nagalit ang panganay na anak at tinanong ang ama kung bakit nito’y pinakain, binihisan, at tinanggap ang bunsong kapatid na parang hindi lang sila’y iniwan nito. Sinagot naman ito ng magulang na lahat tayo ay nagkakamali at nangangailangan ng patawad, at masaya siya na bumalik ang anak sa kanila. Ang ginawa niya ay tunay na diwa ng pamilya kaya dapat lang niyang tanggapin muli ang nagbabalik niyang anak.
Ayon kay Shirlie Alarie, ang pangunahing mensahe ng Alibughang Anak ay hindi mahalaga kung gaano tayo kalayo sa ating Ama sa Langit o kung gaano natin ginugasta ang mga regalong ibinigay Niya, dahil palagi Siyang nalulugod kapag napagdesisyon nating bumalik sa Kanya. Ang Kanyang walang hanggang pag-ibig ay naghihintay para sa ating pag-uwi kung saan ay babatihan Niya tayo ng bukas na mga bisig. Ang bawat nawawalang bata (isang makasalanan, nangangahulugang lahat tayo) na matatagpuan (bumaling sa Diyos) ay sanhi para sa pinakadakilang pagdiriwang.
Paglalagom ni Asilef Jeremy Carbon
Ang isang mayamang ama ay mayroong dalawang anak na lalaki.Ang kanyang mga anak ang maghahati sa kanyang kayamanan, ngunit nais na kunin ng bunsong anak ang kanayang hati. Dumating ang panahon na naubos ang lahat ng kanyang mga salapi at naghirap o namulubi siya, walang kahit na anong natira sa kanya at walang makain. Kung kaya’t napag-isipan niyang bumalik sa kanyang ama. Sa kanyang pagbabalik ay lubos na nagalak ang kanyang ama at napagdesisyonan nitong magpahanda ng isang salo-salo. Subalit ng nalaman ito ng kanyang panganay na anak ay tumungo ito sa ama puno ng galit. Winika ng ama na ginawa niya ito upang mapagtanto ng kanyang bunsong kapatid kung ano ang kahalagahan ng isang pamilya at nang marinig ito ay pinatawad nito ang kanyang nakababatang kapatid.
Paglalagom ni Aimee Shane Cordero
May isang mayaman na ama na may dalawang anak na lalaki. Pinuntahan siya ng bunsong anak at sinabihan na ibigay na sa kanya ang kanyang pamana, kaya't hinati ng ama ang kanyang ari-arihan sa kanyang mga anak. Nung nakuha na ng bunso ang kanyang mana, ay agad itong umalis patungo sa malayong lugar, ginastos ang lahat niyang pera sa walang kwentang pamumuhay, at nung nagkaroon ng matinding taggutom sa lupain, siya ay namulubi. Namasukan siya bilang tagapag-alaga ng mga baboy, at sa tindi ng kanyang gutom, parang gusto na niyang kainin ang pagkain ng mga alaga niya. Napagisipan niya ang kanyang ama at ang mga utusan nito na may sapat na pagkainin, naisipan niya rin na bumalik sa kanila at humigi sa kanyang ama na gawin na lamang siyang utusan dahil sa tindi ng kanyang sala. Ngunit nung umuwi ito sa kanila ay naawa ang kanyang ama, siya'y pinalinis at pinabihis ng pinaka magarang na damit at mamahaling singsing, pinasuot siya ng sandalyas, at pinakatay ang pinaka-malaking baka at nagdiwang sila para sa kaniya. Pag-uwi ng panganay na anak nakita niya ang pagdiriwang, nung nalaman niya ang dahilan ng kasiyahan, siya ay nagalit at sinumbatan niya ang kanyang ama. Pinaliwanag sa kaniya ng kaniyang ama na sila'y rapat na mag diwang dahil ang bunsong akala nilang patay na ay muling nabuhay.
Paglalagom ni Kyle Andre Belleza
Mayroong isang matanda na may dalawang anak. Maykaya sa buhay ang matanda kaya naman naibigay din nito ang magandang buhay para sa dalawang anak. Gayunman, isang araw ay napagpasiyahan ng bunsong anak na kunin na ang kaniyang mamanahin sa ama. Ipinagkaloob naman ito ng ama sa kaniyang bunso. Matapos na matanggap ang pera at ari-arian ay umalis ito sa puder ng ama. Walang ginawa ang bunsong anak kung hindi ang magpasarap sa buhay. Ginastos nito ang perang ipinama sa paraang nais niya. Madalas siyang pumunta sa mga kasiyahan. Sinubukan din nitong magsugal.Dahil sa kapabayaan, naubos agad ng bunso ang kaniyang mana. Nabaon ito sa utang at hindi na nakabangon pa.Nagdesisyon ito na bumalik sa kaniyang ama. Nag-aalinlangan man ay wala na siyang ibang matatakbuhan. Mabuti ang puso ng kanilang ama kaya naman tinanggap niya nang buong puso ang bunso. Pinakain at binihisang muli. Nagtataka naman ang panganay dahil matapos umalis ng bunsong kapatid at waldasin ang pera ay nagawa pa rin itong tanggapin ng ama. Kinausap niya ang ama dahil dito.Sinabi naman ng ama na ang kaniyang pagtanggap sa anak ay ang tunay na diwa ng pamilya. Lahat naman daw tayo ay nagkakamali at nangangailangan ng pagpapatawad. Ang mahalaga raw ay natututuhan natin ang ating leksiyon.
Replektibong Sanaysay ni Jewel Irish S. Belascuain
Hindi naglalayo ang takbo ng ating buhay sa paglilipad ng saranggola sapagkat hindi nakabatay ang pagpapalipad ng matagal o mataas nito sa kalakihan, bagkus sa taong kumukontrol nito. Sa kwentong “Saranggola” ni Efren Abueg, tinuruan niya tayo na dapat munang magtiyaga, mag-ingat, at maging mahusay sa pagtataguyod ng ating buhay bago tayo’y mangarap ng matayog na mga ambisyon. Kasama ang suporta mula sa Panginoon, manatili tayong matatag habang siya’y gumagabay sa ating paglilipad at sa ating pagharap sa mga pagsubok at hamon sa buhay. Hindi magiging madali ang daan at proseso, ngunit kung tayo’y nagsusumikap na mag-ahon mula sa kahirapan, hindi imposible na makakamtan natin ang ating mga nais gawin. Nais ipaalala ni Abueg sa kanyang mga mambabasa na dapat tayo’y maghirap, magsikap, at magsakripisyo para makamit ang tuktok ng ating tagumpay. Ngunit hindi rin natin kakayanin ang malupit na realidad sa mundo kung walang gagabay sa atin. Hindi tayo nag-iisa sa buhay dahil meron tayong mga magulang na handang tumulong, umalalay, gumabay at handang sumuporta sa ating pagtahak sa daan ng ating pangarap. Kaya lagi tayong makikinig sa kanila dahil sa panahon ng kagipitan at kawalan ng katiyakan, nandiyan sila upang tayo'y kanilang bigyan muli ng bagong pag-asa. Sila ang mga taong naniniwala sa atin at mga taong malalapitan natin sa oras ng kalungkutan. Kaya kahit ano pa ang kanilang nagawa sa atin ay mga magulang pa rin natin sila, at walang magulang ang hindi makatiis sa sariling anak dahil sa kanilang pagmamahal. Bilang isang anak, malaki ang utang na loob ko sa ating mga magulang dahil nararamdaman ko na gagawin nila ang lahat upang maabot ko lang ang aking mga pangarap. Pinapamalas nila sa akin ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng mga payo at aral upang hindi ako mawala sa landas, kaya dapat tayong makinig sa kanila dahil hangad lamang nila kung ano ang makakabuti sa atin. Sa kwentong ito ay natutuhan ko na napakahalaga ng oras kaya dapat natin itong gamitin sa tamang pamamaraan. Habang may oras pa, dapat gumawa tayo ng mga mabubuting gawain at dapat itama ang ating mga kasalanan upang hindi tayo magsisisi sa bandang huli. Hindi na natin mababalikan ang nakaraan at hindi natin alam kung kailan lang tayo babawian ng buhay sa mundong ito, kaya hanggang kaya pa, ipakita natin sa ating mga minamahal kung gaano sila kahalaga.
Replektibong Sanaysay ni Asilef Jeremy Carbon
Sa ating buhay hindi natin maiiwasan ang luha at pagod ng paghihirap, isa ito sa ating mga pagsubok sa buhay, pagsubok na dapat nating harapin. Ang ating pagsisikap at pagtitiyaga sa ating buhay ay nagsisimbolo ng ating katatagan upang umangon mula sa paghihirap; Hindi man tiyak ang dadatnan natin sa buhay, ang ating mga kilos at gawa ay siyang nagpapakita ng ating totoong pagkatao. Ang maikling kuwento ni Efren R. Abueg ay nagpapakita ng isang batang lalaki na lumaking may poot sa ginagawa ng kanyang ama. Inilalahad nito kung ano ang nararamdaman ng anak sa ginagawa ng kanyang ama, at sa huli ay kaniyang maiintindi ang kaniyang ama. Sa kwentong ito ipinakita ni ginoong Abueg ang relasyon ng isang mag-ama na may magkaibang pananaw sa buhay, ngunit kahit ganito sila, gusto pa rin ng ama ang ikabubuti ng anak. Tinuruan nito ang kanyang anak kung paano gumawa ng sarili niyang saranggola, at kung paano ito paliparin ng mataas at matagal. Dito pinaintindi ng ama ang kanyang anak sa kahalagahan ng kung anong meron man siya, at hindi mahalaga kung malaki man ang guryon kung mas marunong kang magpalipad ng saranggola. Ito ay isang leksyon na mananatili sa kanyang anak, kahit malimutan man nito ay malalaman niya kung matanda na siya ang kahalagahan ng leksyon. Sa huli, ang anak ay sumunod sa paa ng kanyang ama, at ipinahihiwatig ang kahalagahan nito sa kanyang mga anak. Ang kwentong ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagsisikap at pagtitiyaga ay essensyal sa ating buhay, at ito ay hindi mahihiwalay sa ating paglaki bilang tao. Tinutukoy nito ang mga paksa ukol sa pagiging praktikal at kahalagahan ng pagiging matatag. Kaya bilang mga pinoy tayo ay maging matatag, at sumikap na umahon sa paghihirap a ating nararanasan sa buhay.
Replektibong Sanaysay ni Aimee Shane Cordero
Bilang isang anak, may sandali talaga ng buhay natin na ang ating mga magulang ang mag dedesisiyon para sa atin, lalo na pag tayo ay hindi nasa wastong edad. At bilang isang anak, nakarinig narin tayo ng mga leksyon mula sa ating mga magulang. Naranasan narin nating magkaroon ng galit sa ating mga magulang. Ang kwentong Saranggola ni Efren Abueg ay puno ng leksyon at emosiyon, na sa unang tingin, hindi natin kaagad makukuha. Sa kwentong ito, makukuha nating alamin ang sakripisyo at pagmamahal na meron ang isang magulang para sa kaniyang anak. Sa unang pagnood ko ng kwentong Saranggola, napuno ako nang galit. Ito’y nangyari dahil mas binigyan ko ng pocus ang pag dedesisiyon ng ama para sa buhay ng kaniyang anak at hindi sa leksyon na makukuha sa sinabi niya tungkol sa saranggola. Pero sa pagusap namin ng aking kaibigan tungkol sa istorya, mas naunawaan ko ang leksyon na mayroon ang kwento. Sabi ng ama na wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon itaas, nasa husay, tiyaga, at ingat. Itong pagsasabi ay magagamit natin sa mga buhay natin, hindi sa anong mayroon tayo ang basehan ng ating tagumpay at nararating, kundi sa ating pagsisikap sa buhay. Kahit na hindi ako sang-ayon sa paraan ng pagturo ng ama sa kaniyang anak, sang-ayon naman ako sa kaniyang sinabi. Sa buhay natin, marami tayong mararanasan. Hindi man tayo palaging magtatagumpay, nasa atin naman kung tayo ay magpapatalo. Hindi nga madali ang buhay, kailangan nating magsakripisyo para sa mas nakabubuti. Pero ayon nga, nasa atin ang huling desisyon, nasa atin ang ating kinabukasan.
Replektibong Sanaysay ni Kyle Andre Belleza
“Ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung bumagsak, laging nawawasak.” Isa ito sa mga linya na nagpa-antig sa akin. Madalas tayong mabulag ng mga short-cut at mga mabilis na solusyon. Bagama’t ito’y kaakit-akit, hindi ito kadalasan ang pinakamagandang daan na tahakin natin. Tulad ng bata sa kuwento, hindi ko iniintindi ang proseso dati. Para sa akin, sayang lang ito sa oras. Sa katunayan nga magdadabog ako kapag ang gusto ko ay hindi matutupad. Gusto ko noong magsalita nga masama laban sa kalina’t maging masama ang paningin nga iban sa kanila. Gusto ko ngang sawayin ang mga utos nga mga magulang ko dahil para sa akin hindi namna ito angkop para sa akin. Ngunit ng ako’y naging matanda na at pumasok sa seminary doon na intindihan ang mga sakripisyo’t pagmamalasakit nila para sa akin dahil mahal nila ako at ang gusto lang nila ay yung makabubuti sa aking kinabukasan. Sa dinamidami ng ginawa ng aking ama’t ina para sa kinabukasan ko ay, sa kasalukuyan, ay talagang mahihiya akong magsalita ng masama laban sa kanyang o di kaya maghimagsik dahil na hihirap ka at hindi mo maiintindihan ang kagulohan ng buhay mo ngayon, pwede kang magdabog o sumama ang iyong damdamin ngunit sa huli patuloy na magwawagi ang iyong respeto't pagtamo nga utang na loob sa iyong ama’t ina. Sabi nga ng Panginoon, “Bigyan ng galang ang inyong ama’t ina sapagkat gaganda ang buhay niyo at sinusunod niyo ang utos ng Diyos.”
Lakbay-Sanaysay: Filipina sa South Korea ni Jewel Irish S. Belascuain Mahilig akong manuod ng mga Korean drama o makinig sa mga kanta ng aking mga paboritong KPop groups—ang BTS, Exo, Astro, Blackpink, Red Velvet, at iba pa. Palaging pinapakita sa mga teleserye ang kanilang mga tanawin, kultura, at buhay sa South Korea. Hindi namalayan ay napukaw ang aking damdamin o interes at kagustuhang makapagbisita sa kanilang mga magagandang lugar, makakain ng samgyeopsal (Korean barbeque), at makipagkaibigan sa kanila. Bata pa lamang kasi ako ay pangarap ko talagang pupuntahan ang mga makasaysayang pook na naihandog sa atin ng Panginoon, kahit ito’y sa Pilipinas o sa ibang bansa. Ngunit hindi ko talagang akalain na napaaga ang pagpalad sa akin ng Diyos dahil sa edad na labing-anim ay dumating ang panahon na naakalipad ako patungo sa aking pinakagustong lugar na bisitahin sa buong mundo—ang South Korea! Malaki ang aking pasasalamat sa Girl Scouts of the Philippines, isang organisasyong kinakalooban ko, dahil binigyan nila ako ng oportunidad na makapunta sa isang International Camp sa Goseong World Jamboree, Gangwon-do, South Korea noong Agosto 3-12, 2019. Sa halos tatlong buwan ng pagproseso ng mga dokumento at paghanda sa sarili, lumapag ako sa South Korea ng may ngiti sa labi at nakakagiliw na damdamin. Ang mga nagustuhan ko sa camp ay ang pakipagkaibigan ko sa mga tao mula sa ibang bansa, katulad ng Dhivehin, Malaysian, Singaporean, Japaesen, Bangladeshis, Hongkongers, Korean, at Thai; ang Seniors Night dahil kumanta ako ng “Senyorita” ni Camila Cabello at Shawn Mendez sa harap nila; ang International Night dahil naghandog ang mga ibang bansa ng isang sayaw upang ipakilala nila sa amin ang kanilang kultura at tradisyon; ang pagkain dahil nakapanibago ngunit nakalusog at masarap naman siya; at ang kanilang mga aktibidad katulad ng Wall Climbing, Marine Activity, Military Experience, Hopeful Bus, at Robot Coding. Pumunta rin kami sa Insadong Night Market, sa Nami Island, sa Seoul Tower, sa Myeongdong, at sa Petite France upang bisitahin ang mga lugar kung saan ginanap ang mga paborito naming mga teleseryeng Korean. Bumili rin kami ng mga gamit upang mayroon kaming mga pasalubong pagbalik namin sa Maynila. Tinuruan din kaming magsulat at magsayaw sa kanilang musika, magsuot ng kanilang kasuotan, at maging makabansa at makakalikasan. Sa oportunidad na nakapagpunta ako sa Korea, natutunan ko ang pagkakaisa at nasyonalismo kahit iba’t iba ang aming paniniwala at pinanggalingan. Samakatuwid, marami pang maibibigay ang mundo sa atin kung bibigyan natin ito ng pagkakataon. Balang araw ay babalik rin ako doon upang bisitahin ang aking mga kaibigan muli —pero siyempre, kung darating man ang araw na iyon ay kasama ko na ang mga mahal ko sa buhay. Nais ko ring ibahagi o ipamalas sa aking pamilya na kahit gaano man karami ang ating yapak, magsismula pa rin ito sa isang munting pangarap.
Sa opisyal na pagsisimula ng internasyonal na kampo sa Goseong World Jamboree, Gangwon-do, South Korea, mainit na tinanggap ng mga host ang mga delegado nito sa mga talumpati at mga pagtatanghal ng Kpop group na Momoland at ni Eric Nam.
Maraming aktibidad ang inihanda sa panahon ng kampo, tulad ng International Night, Fire Safety, Soil Protection, Radio Camp, at iba pa.
Lakbay-Sanaysay: Paglalakbay sa pinakamasayang lugar sa mundo ni Asilef Jeremy Carbon
Bilang parte ng isang pamilyang mahilig gumala at lumakbay, hinding hindi mauubos ang mga kwento ko ukol sa paglalakbay. Isa sa mga ito ay ang paglakbay namin sa magagalang pulo ng Hongkong. Makikita nyo dito ang mga sikat na tourist spots gaya ng Hongkong Disney Land, na siyang ubod ng walang hanggang kasayahan kahit saan ka man tumingin. Syempre hindi rin mawawala ang pamimili ng mga pasalubong para sa kamag-anak, at syempre para sa sarili. Kaya tara at samahan nyo ako sa paglalakbay namin sa maraming tanawin ng Hongkong, at syempre kailangan rin nating tikman ang lutong lokal ng bansa. Una sa ating listahan ay ang Peak Tram, ito ay isang tren na siyang dumadala ng pasahero sa kataastaasang lebel ng Hongkong. Ito ang isa sa pinakamasaya at pinakanakakatakot na bahagi ng aming paglalakbay, ito ay dahil sobrang matirik ang pag-akyat ng tren bula sa ibaba hanggang sa itaas. Mabilis rin ang pagtakbo ng tren at dahil masikip ang tren, di ko maiwasang tumayo buong byahe; Muntik na akong maihi habang umaakyat ang tren dahil sobrang natatakot ako dahil sa bilis nito, ngunit noong nasa itaas na kami, sobra ang saya kong lumabas ng tren. Pagdating namin sa itaas, sinagunita kami ng malamig na hangin na parang mula sa freezer. Ngunit, nakita rin namin ang isa sa pinakamagandang tanawin sa Hongkong, nabighani kami sa kagandahan ng lungsod mula sa itaas, ang mga ilaw nitong kumikislap at mga malalaking estraktura na siyang maliit tingnan sa itaas. Isa ito sa mga approb sa akin! Ang ikalawa ay syempre, ang Disney Land Hongkong, ito ay isa sa mga pinakamagandang theme parks na aking naranasan. Ito ay puno ng mga magagandang kulay, at syempre mga rides. At ang pinakamemorable kong ala-ala ay nung aksidente kaming sumakay sa iyang roller coaster. Nangyari ito dahil pumila kami sa isang ride na akala ko ay parang obserbatoryo para sa mga bituin kasi ang pangalan ay Star Wars, yun pala ay isang roller coaster, at huli na ng napagtanto ko ang katotohanan; Wala na akong magawa kundi sumakay sa kinakatakutan kong ride dahil sayang kung babalkik ako sa labas. Paglabas namin ay hindi na ako makasalita dahil namamaga na ang aking lalamunan mula sa pagsisigaw ko sa roller coaster. At panghuli ay ang pagkain! Sa kabuuan ng aming paglakbay ang pagkain ay syang pinakapaborito ko. Habang pumupunta kami sa iba’t ibang tanawin ay tumitikim kami ng sari-saring lutong lokal. Ang mga pagkaing pili-pili doon ay magaan sa bulsa kaya napabili kami ng marami kahit saan man kami pumunta. Nakatikim kami ng maraming uri ng pagkain, kadalasan mga maaanghang kasi ang aking mga ate ang kadalasang bumibili ng pagkain, ngunit ako ay nagulat ng malaman ko na may buffet pala ang aming hotel. At sa makikita ninyong larawan. Hindi ko napigilan ang aking sarili. At doon huminto ang aming paglalakbay, isa ito sa mga pinakamasayang alaala na aking palaging babalikan. Mula sa mga tanawin, mga tourist spots, at sa iba’t ibang pagkain, ito ay palaging mananatili sa aking puso. Ang Hongkong ay magandang lugar kung gusto ninyong sumubok ng bagong kultura at panibagong simoy ng hangin. Inirerekomenda kong puntahan ninyo ang lugar na ito dahil sa kaniyang kakaibang kultura at mga tanawin. Hanggang sa muli!
Peak Tram Isang tren na walang pupuntahan kundi pataas! Idadala ka nito sa tanawing nakakabighani
Hongkong Disney Land Kahit saan ka tumingin, kasiyahan ay siyang makikita. Rides, Souvenirs, at syempre, pagkain!
Pagkain! Masarap, Mananam, at syempre Magaan sa Bulsa. Pagkaing lokal, para sa iyong puso!
Lakbay-Sanaysay: Isang Linggo sa Thailand ni Aimee Shane Cordero
Bata palamang ako, mahilig na akong maglakbay at makakita ng iba’t ibang mga kultura at tradisyon. Nakuha ko ang aking unang pasaporte noong isang gulang palamang ako, at ang unang out-of-thecountry trip ko ay sa Hong Kong. Kahit na hindi ako nagmula sa isang mayamang pamilya, nagkaroon ako ng sapat na pribilehiyo na makapaglakbay sa iba't ibang lungsod at lugar sa bansa at sa buong mundo. Mahal ko ang paglalakbay, ito’y dahil sa nature ng aking pagkatao, at dahil rin ito sa trabaho ng aking ina sa industriya ng tourismo sa higit na 26 years. Kung hindi dahil sa sakripisyo ng aking mga magulang, hindi ko mararanasang makapaglakbay sa iba’t ibang sulok ng mundo. Sa lahat ng napuntahan ko, ang hindi ko makakalimutan ay ang bakasiyon namin sa Thailand. Seven years old palamang ako nung nagpunta kami ng Thailand, semestral break namin noon, at kasami namin ang aming close family friend, ang pamilyang Amantillo at Abino. Kahit na matagal na nung nagpunta kami doon, naaalala ko pa din ang aming mga nagawa at napuntahan. Sobrang saya ng bakasiyon na iyon, nakakita at nakasakay kami sa isang elepante, nakaranas at nakabili ng maraming gamit sa isang nakakaaliw na night market, at nakakain kami ng masasarap na pagkain. Pero ang hindi ko talaga makakalimutan sa bakasiyon na iyon ay ang pagpunta nami sa DreamWorld, isang amusment park na puno ng saya at nakakapangilabot na mga rides. Kung may natutunan man ako sa aming isang linggong paglalakbay sa Thailand, ito ay ang huwag matakot na harapin ang mundo nang direkta. Huwag balewalain ang anumang bagay, at, magpasalamat sa lahat ng mayroon ka. Hindi lahat ay may pagkakataong maglakbay, sa buong bansa man o sa buong mundo, kaya't magpasalamat sa lahat. Kung muling bibigyan ng pagkakataon, lalo na sa teknolohiyang mayroon tayo at sa kamakailang pag-unlad ng mundo, nais kong bisitahin muli ang Thailand at sa pagkakataong ito, ibahagi ito sa mundo, sa mga taong walang katulad na pribilehiyo at pagkakataon tulad ng mayroon tayo. ขอบคณุ สำหรบั การตอนร ้ บประเทศไทย ั. (Salamat sa hospitalidad, Thailand.)
Pumunta kami sa mga makasaysayang pook ng Thailand kasama ang aming mga kaibigan, ang pamilyang Amantillo at Abino.
Lakbay-Sanaysay: Negros Loop ni Kyle Andre Belleza
Noong bumalik ang aking ama mula sa Qatar, ay ang aming pamilya ay gumawa ng plano na pumunta ng Sipalay upang kami ay makapagpahinga at makasama sa bonding ang aming ama. Masaya at excited and pamilya, ang aking ina ay bumili ng bagong mga damit na gagamitin sa pamamasyal doon sa Sipalay at sa Dumaguete. Ako naman at ang aking kapatid ay naghahanda ng mga pagkain na dadalhin sa Sipalay at yung gamit rin namin kapag pupunta don. Maaga pa kaming umalis sa bahay papuntang Kabankalan at tsaka magtitirik ng kandila sa Lola’t Lolo ko. Noong nandoon na kami ay naligaw at hindi naming alam kung saan pupunta dahil giniba at tsaka inaayos yung kalsada. Ito yung pinakamemorable kasi noong naligaw kami ay nadatnan namin na nasa maling lugar yung napuntahan namin at full booked yung hotel na aming nadatnan kasi nakalimutan ng kapatid kung magbook ng room. Tawang-tawa nga kami, doon nagsimula ang paglalakbay mula Sipalay papuntang Dauin upang magovernight at tsaka pumunta sa Apo Island, maraming mga isda’t pawikan ang aming nakita at namangha sa kagandahan ng isla. Pagkatapos ay naglakbay kami papuntang Dumaguete upang doon mastay for a night, ika nga, pumunta ng Boulevard upang mamasyal at kinabukasan kumain sa isa kilalang restaurant na kung saan maraming tao. Nilibot namin mula Dumaguete hanggang San Carlos pabalik ng Bacolod. Ito yung “trip” na hindi naming malilimutan kasi sakto lang yung budget at masayang alaala ang nabuo, bagong alaala na nagbubuklod ng aming pamilyang nawalay sa isa’t isa dahil ang aking ama at nasal abas ng bansa upang magtrabaho upang sa aming kinabukasang hinahangad.
Naglakbay kami ng pamilya ko mula Sipalay patungong Dauin upang mag-overnight atsaka pumunta sa Apo Island.
Talumpati: Apartheid, Kulturang Segregasyon at Diskriminasyon ni Jewel Irish S. Belascuain Sa isang komunidad na umuunlad na maging pantay-pantay, nakakahiyang makita kung paano tayo nagkulang sa pagpapabuti. Sa simula, namuhay tayo sa isang lipunang may kulay—mula sa kultura, kasarian, balat, at paniniwala—ngunit pinili ng mga tao na makita lamang ang itim at puti! Sa daandaang taon, ang mga taong may kulay—lalo na ang mga taong Itim—ay binihag ng mismong kawalangkatarungan. Ipinangako sa kanila ang mga karapatang sibil, kalayaan, at pagkakapantay-pantay, ngunit sila ay pinagloloko ng mga ksinungalian. Tulad ng maaaring ilarawan ni Martin Luther King Jr. sa kalupitan, ang mga Itim na tao ay malungkot na napilayan ng mga lubid ng segregasyon at mga tanikala ng diskriminasyon, pinilit na manirahan sa isang malungkot na isla ng kahirapan sa gitna ng isang malawak na karagatan ng materyal na kasaganaan, at nanlulupaypay sa mga sulok ng lipunang Amerikano at napadpad sa sariling lupain. Ang mga kaganapan na nagpalaki sa mga landas ng kasamaan ay umiikot sa buong mundo, na walang iniiwan na bakas para sa sangkatauhan na malayang umunlad. Para bang ang mga tao ay sarili nilang mga magnanakaw ng kalooban at pag-iisa. Mula sa pagtawag sa kulay ng balat ng isang tao hanggang sa panliligalig sa kanila sa mga pampublikong lugar ay ginawa lamang ang isyung ito na tumalikod sa kasaganaan. May mga Black American na minamaltrato at pinatay ng sarili nilang mga kababayan. Binigyan sila ng mata ng kawalang-galang at niyurakan ang kanilang mga karapatang pantao, na kahit katiting na presensya ay pinagtatawanan. Ngunit tandaan ito: Nabubuhay tayo sa iisang mundo. Kung patuloy tayong magiging etnosentriko, anong kinabukasan ang tatahakin ng ating henerasyon? Ang pagkawatak-watak na ito ay nasa kamay lamang ng karahasan, paghihiwalay, poot, rasismo, at hindi pagkakapantay-pantay. Ako, sa personal, ayoko na lumaki ang mga bata sa isang lugar kung saan ang hustisya at pagkakapantay-pantay ay hindi nililinang. Kung naghahanap tayo ng pagbabago, dapat tayong magsimula ng ating adhikain sa ating sarili! Kailangang baguhin natin ang ating mga puso, pag-iisip, at pananaw sa buhay. Saka lamang natin untiunting mababago ang ating lipunan sa isang mas pantay, walang diskriminasyon, at perpekto na anyo. Ang kailangan nating gawin ay magninilay-nilay. Dapat nating tingnan ang mga mukha ng mga tao— ang mga itinuturing nating naiiba—at pagnilayan. Tingnan mo na ang kanilang mga mata ay hindi malayo sa atin. Alamin na ang kanilang mga puso ay tumibok din tulad ng sa atin. Napagtanto na gusto rin nila ang isang mas maliwanag na kinabukasan, isang mas luntiang pastulan, at isang mas ligtas na komunidad tulad natin! Hinahamon ko ang lahat na tingnan ang higit sa kulay at kultura ng mga tao, sa halip ay tingnan kung ano ang nasa loob. Doon, makikita mo kung paano dapat magbago ang laro. Hindi ko ito madiin ng sapat: Ang buhay ng mga Itim ay napakahalaga, tulad din ng mga Puti. Oo, walang duda na malayo ang paglalakbay at magtatagal. Gayunpaman, sa ating paglukso ng lakas ng loob at hakbang upang kumilos, ang mga mananampalataya ng pagbabago ay maaaring gumawa ng malaking pakakiba. Isang pagkakaiba na magdadala sa atin sa isang yugto ng mga bagong simula.
Talumpati: Pag-ibig ni Asilef Jeremy Carbon Isa sa mga pinakamahalagang handog sa atin ng dakilang lumikha ay ang pag-ibig. Nang dahil sa pag-ibig tayong lahat ay naging tao. Ang pag-ibig ay may iba’t-ibang uri ng kaanyuan. May pag-ibig sa dakilang lumikha, sa kapwa-tao, sa alagang hayop, sa kalikasan at kung anu-ano pa na napag-tutuunan natin ng pagmamahal at ng emosyon. Makapangyarihan ang pag-ibig. Puwede itong magbigay ng buhay at puwede rin itong kumitil ng buhay. Wika nga ng isang tula ni Francisco Balagtas “O, pag-ibig na makapangyarihan pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang”. Isang napakatalinhagang pananalita na nagpaparating ng labis na kapangyarihan sa puso ng isang umiibig. Walang masama sa kapangyarihan ng isang pag-ibig kung ito ay gagamitin natin sa positibong pananaw at pamamaraan. Magsilbi sana itong inspirasyon lamang sa ating mga puso. Halimbawa dito ay ang pagkakaroon natin ng ating mga sinisinta o iniirog sa buhay. Huwag tayong magpa-alipin ng tuluyan sa ating puso. Isaalang-alang din natin ang gamit ng ating utak. Alalahanin ninyo na ang lahat ng labis ay lason. Mayroong pag-ibig na mapagbalat-kayo. Batu-bato sa langit ang tamaan ay huwag magagalit. Karamihan sa mga may mapagbalat-kayong pag-ibig ay mga pulitiko sa ating lipunan. Labis-labis ang kanilang pagmamahal na pinapakita lalo na sa mga mahihirap tuwing malapit na ang panahon ng halalan. Kahangalan ang tawag sa ganitong uri ng pag-ibig. Sadyang mahirap ang pagbibigay ng walang imbot na uri ng pag-ibig sa ating kapwa. Mayroong mga gumgawa at nagpapakita nito para lang mapuri at maging tanyag. Ang tunay na pag-ibig ay hindi ginagamit para sa sariling interes lamang. Ito ay binibigay na kusa na walang hinihintay na anumang kapalit. Ang pinakadakila sa lahat ng pag-ibig ay ang pagmamahal ng ating mga magulang. Ito ang pag-ibig na nagsisimula sa loob ng ating mga tahanan. Pagmamahal at pag-aaruga na walang halong kondisyon at hangganan. Para sa akin ang pagmamahal nina tatay at nanay ang pinakamaganda kong biyaya na natanggap mula sa ating dakilang Lumikha. Ngunit masakit mang sabihin ang pag-ibig na ito ang kadalasan na hindi nabibigyan ng halaga ng bawat isa sa atin, lalong lalo na ng mga kabataan. Mas binibigyang pansin nila ang mga materyal na bagay na bigay ng kanilang mga magulang. Bago po mahuli ang lahat, lagi nating bigyang halaga ang pagmamahal ng ating mga magulang. Hindi sa lahat ng oras at panahon ay nasa tabi natin sila. Pagyamanin po natin at suklian ang pag-ibig na binibigay nila sa atin mula pa sa ating kamusmusan. Nilikha ang pag-ibig para magkaroon ng katahimikan, kapayapaan at higit sa lahat ay ang pagkakaunawaan. Huwag po natin itong abusuhin at gamitin sa maling pamamaraan. Magsilbi sana itong sandata at ating saligan para maibsan ang anumang uri ng gusot at suliraning pangkapwa na mayroon tayo. Kung pag-ibig lamang sana ang mananaig sa bawat puso ninuman, ang galit ay kusang mawawala sa mundo. Tanging kapayapaan at pagmamahalan na lamang ang siyang tunay na maghahari. Nawa ay maging kasangkapan tayong lahat sa pagpapalaganap ng tunay na adhikain at kahulugan ng salitang pag-ibig. Imulat natin ang mga murang kaisipan ng ating mga anak sa kung ano ang tunay na kaulugan ng pag-ibig. Busugin natin sila ng tamang kalinga at pagmamahal para sa kanilang paglaki ay pag-ibig rin ang nasa kanilang mga puso. Pag-ibig na busilak at wagas. Walang halong pag-iimbot at pagbabalat-kayo. Isang uri ng pag-ibig na kaaya-aya hindi lamang sa mata ng tao ngunit sa mata ng dakilang nagbigay nito sa atin. Maging kupido tayo ng makabagong panahon, hindi lamang sa mga magsing-irog kundi sa lahat ng sangkatauhan.
Talumpati: Pera o Passion ni Aimee Shane Cordero
Palaging sinasabi ng mga matatanda na “walang pera sa art” o “wala kang may mararating sa pagdrawing”, pero ang totoo, meron. Pag ika’y nagsikap at nagtiyaga, meron at meron ka talagang mapupuntahan. Oo, mahirap ang buhay bilang isang artist, katulad ng iba, may mga downfall, at may mga tagumpay rin. Pero hindi ibig sabihin na dahil mahirap ay hindi mo na ipagpapatuloy. Ano ba ang hanap mo, pera o passion? Ngayon ang pinakamainam na panahon para ituloy ang mga pangarap sa sining, lalo na sa pagunlad ng teknolohiya kung saan nagiging mas madali ang buhay, hindi tulad ng nakaraan. Dati, ang mga artista ay kailangang magsikap na kilalanin, upang makilala ang kanilang sining at sila bilang isang artista. Ngayon sa pag-unlad ng social media at iba't ibang mga platform ng balita, ang proseso ng pagiging kilala at pagkilala ay mas madali. At dahil rin dito, mas nabibigyan ng platform ang mga artista para ipakita ang kanilang galing at talento. Pero nandiyan parin ang tanong, pero ba ang hanap mo o passion? Oo, may pera sa art, pero dapat pagsikapan mo ito, katulad nalang ng mga ibang bagay at trabaho. Kung hilig mo ang larangan ng sining, at talagang masasabi mo na passion mo ito, sundin mo ang iyong gusto. Lahat naman ng mga bagay ay pinagsisikapan, kahit isang 9-5 na trabaho pa yan o bilang isang amateur artist, lahat ng ginagawa natin ay pinaghihirapan at pinagsisikapan. Tandaan, ang taas ng ating naabot ay hindi batay sa kung ano ang mayroon tayo, kundi sa ating pagsusumikap at tiyaga. Kaya kung pera ang habol mo o hilig, tandaan mo lang na lahat ng meron tayo dapat nating pagtrabahuan.
Talumpati: Bokasyon ni Kyle Andre Belleza
Lahat tayo ay may pangarap sa buhay na nagsimula noong tayo ay nagkaroon ng muwang o sariling pag-iisip. Kadalasan ang pangarap natin noong ating kabataan ay naimpluwensiyahan ng sulsol ng mga mahal natin sa buhay, tulad ng magulang o nakakatandang kapatid. Maaari din na ito ay nahubog dahil sa nakita natin sa ibang tao na nakagiliwan natin. Habang lumalaki tayo, pabago-bago din ang mga pangarap dahil lumalawak na rin ang abot ng ating pananaw. Subali’t sa panahon ngayon, marami na ang mga impluwesiyang-labas na nakakatulong sa paggawa ng desisyon kung ano ang propesyon na gusto talaga o ang bokasyon na tutuparin. Isa na dito ay ang kakayahan ng magulang sa pagtustos sa pag-aaral ng anak at ang kinakailangang trabaho sa iba’t ibang larangan, at higit sa lahat, ay kung ano ang kursong makakasiguro ng malaking sweldo. Kaya sa pagpili, hindi maiwasang madugtungan ang desisyon ng mga salitang “na lang”. Sa panahon pa rin ngayon, dahil sa sitwasyong kawalan ng maayos na trabaho sa Pilipinas, marami ang kumukuha ng kurso na kailangan ng ibang bansa tulad ng pagiging nurse, na kung minalas dahil sa illegal recruitment, sa halip na ospital ay home for the aged ang bagsak, hindi pa legal ang estado ng trabaho. Ang pangangailangan ng nurse sa ibang bansa ay halimbawa lamang kung paano nadidiktahan ng pangangailangan ang mga dapat sanang kurso na ituro sa mga kolehiyo at unibersidad. Subali’t tila bulag ang mga nagpapatakbo ng mga eskwelahan dahil sa halip na tugunan ang mga pangangailangan sa teknikal na mga kurso ay mga pang-opisina ang nilalatag upang pagpilian ng mga estudyante. Kaya ang madalas na mangyari ay ang hindi pagtugma ng tinapos sa mga bakanteng trabaho. Ang pinakamagaling na propesyon sa tingin ko ay ang pagiging titser. May kahirapan lang dahil maliit ang sweldo at kadalasang sakit na makukuha dito ay TB o sakit sa baga, o di kaya ay cancer sa larynx o lalamunan. Huwag nang banggitin ang ulcer, dahil talagang sa umpisa pa lang ay garantisado nang magkakaroon nito ang titser. Ganoon din ang sakit sa bato dahil sa pagpigil sa pagihi. Pwede rin ang cancer ng colon dahil sa pagpigil sa pagdumi kaya madalas ay nagreresulta sa pagtitibi. Ang malaking problema nga lang ngayon, marami na ang nagtatanong kung sino ang mga titser ng mga tiwaling mambabatas at opisyal sa gobyerno, dahil pumalpak daw sila sa pagturo sa mga ito! Mabuti nga lang at sa mga rally, hindi nasisisi ang mga titser ng mga militante sa pagbatikos nila sa mga tiwaling opisyal at mambabatas. Ibig sabihin, sa mga propesyon, ito pa rin ang pinakarespetado. Subali’t para sa ibang makukulit na militante, dapat daw na kanta ng mga tinutukoy na titser ay: “Saan ako Nagkamali?”.