
3 minute read
Hakbang ng Pangamba
Balot ang katawan nang walang hanggang takot, ‘Di sapat ang dalawa o kahit ilang patong ng saplot. Ang panganib ay nariyan lamang sa bawat sulok
Anumang oras, kahalayan ay maaari sa ‘yong bumulusok.
Advertisement
‘Di baleng matangay ng manananggal ni Janae P. Ammugauan
O kaya’y malapa ng hilukang aswang, Mga masasamang loob ang tunay na garapal; Lunod sa kasabikan at kauhawan sa katawan.








Pilipinas, Perlas ng Silanganan!
Ubod ng tingkad ang iyong kagandahan. Sa ilalim ng mga bitui’y ‘di aakalain; Peligro’y kalat sa gabing malagim.
Manatiling alerto sa bawat minuto, Baka sa dilim ay may nagtatago. Huwag titigil, huwag hihinto; Mapusok ang mata ng mga bastardo.
Dapat bilisan ang galaw, kumilos, kumilos! “Uy ganda, saan ang punta mo?”
“Ate, tara na, sabihin mo lang kung magkano.”
Hindi ko sila nakikita, huwag lilingon, huwag lilingon.
Balot ang katawan ko mula ulo hanggang paa, Hindi pa rin sapat ang saplot o kahit na anong panabla. Tiyanak, kapre, lamang-lupa man ang tinuturing na masama, Tao ang siyang tunay na mapanganib at malaswa.
Mga Sanga ng
ni Amby Marielle
Sa loob ng aming silid-aralan, Kung saan kami nag-aaral ng Araling Panlipunan, Kami’y pinapili ng aming guro kung sino ang batayan— Ng isang huwarang Pilipina na dapat tularan, Urduja o Maria Clara?
Anas ng kaklase kong si Nena, “Si Maria Clara!” Mahinhin daw siya’t dalagang-dalaga, Iyon daw kasi ang turo ng kaniyang ina.
Nagtaas naman ng kamay ang katabi kong si Lando,
“Kay Urduja po ako!”
Nais daw nito ‘yong matapang at matalino. Kahanga-hanga ang mga kagaya niya na matipuno’t siguradong-sigurado.
Marami pang nagbahagi ng kanilang mga saloobin, May ilang pumili kay Maria Clara na siyang kadalisayan ang sinasalamin, Ang iba’y pumanig kay Urduja, kaniyang katapangan ay kanilang dinidiin.
Subalit mayroong isa na pinili silang dalawa, Kaniyang pinagsama mga katangian nilang dala-dala.
Reality Check for My Childhood Fantasy
MUSMOS pa lamang ay malaki na ang paghanga ko sa mga nakatatanda. Liban sa tila sila’y mga bituin na malayo na ang narating, kumpara sa ‘kin na paslit, mayabong na ang kanilang nalalaman sa totoong imahe ng lipunan. Sa aking munting isipan, ang pagtanda ay puno ng kaligayahan at kalayaan— hindi ka nakabilanggo sa desisyon ng iba, puwedeng-puwede kang maglakwatsa at magpuyat nang walang pangamba. Iyan ay ilan sa mga dahilan kung bakit hindi na ako makapaghintay pang tumuntong sa sapat na gulang.
Subalit, malayo sa kabihasnan ang katotohanang sumampal sa akin pabalik sa realidad nang marating ko na ang edad na dati’y aking inaasam. Walang kahit anong aklat ang makapaghahanda sa mga bagay na hindi ko kailanman naisip na magiging kaakibat ng pagtanda, katulad ng mga sumusunod:

Filing or doing taxes. Sa mahigit kumulang dalawang dekadang pag-aaral ko, hindi naituro o nabanggit man lang kung paano magdeklara o mag-ayos ng buwis na hinihingi ng gobyerno. Kung pagbabayad ng buwis ay batayan ng isang mabuting mamamayan, hindi ba’t nararapat lang na palawigin ang pagtuturo nito sa bawat indibidwal?
Pagkuha at pag-aayos ng papel sa gobyerno. Insurance, I.D., benefits, at ayuda ay kinakailangang pilahan nang maaga dahil kung mahuhuli ka’y malamang ang dulo ng pila ay nasa kabilang kanto na.
Scheduling with friends. May kaniya-kaniyang buhay at responsibilidad na ang bawat isa, hindi katulad no’ng mga panahong ang problema lang natin ay kung saan magliliwaliw ‘pag tapos ng eskuwela. Ngayon, kailangan na nang masisinsinang pagpaplano bago kayo tuluyang muling magsálosálo.
Daig ng may kapit ang laude. Sa labas ng paaralan, minsa’y hindi na importante kung graduate ka na may laude sa diploma kung ang kakompetensya mo naman sa promotion ay anak ni kumpadre.
Entry level position requires 3-5 years of experience. Dito sa atin, ‘di hamak na mas mataas pa ‘yong mga kredensiyal na hinahanap sa ‘yo kaysa sa sahod na inaalok nila.
Ang pera ay dadaan lamang sa iyong mga palad. Kung gaano kahirap kitain ang pera ay ganoon naman ito kabilis malagas— mula sa mga gastusin at bayarin, barya na lamang ang matitira sa isang buwan kita mong pinagpaguran.
Comparing price to hourly work. Matututunan mo kung paano unahin ang pangangailangan mo kaysa sa mga kagustuhan dahil mas mapapahalagahan mo na ang perang pinagsikapan mong makamtan sa bawat pagpatak ng oras.


Monotony and burnouts. Pagod at stress ang mga bagay na hindi na yata maaalis sa pagtanda. Sa paulit-ulit na problema at konsumisyon, minsan ay aabot ka sa puntong kailangan mo nang gumawa ng talakdaan para sa iyong breakdowns dahil marami ka pang responsibilidad na dapat gampanan.
Sa pagtakbo ng oras, marami akong mga aral na natutunan. Hindi man mula sa paaralan ay para itong kayamanan kung aking pahalagahan. Natuto akong tanggapin ang aking mga pagpalya at gawin ‘tong sandata sa mga magiging hamon ng buhay. At sakaling madadagdagan ang aking listahan ay tiyak na ako’y handa na’t hindi na muling masisindak pa.