10 | OPINION
The DEMOCRAT thedemocratunc
MINE: ANG E-SHOPPING SPREE P’GEMINI EARL DWIGHT SERRADO @mx_dearl • earldwight023@gmail.com
“Mine!” “Na-add to cart mo na ba teh?”
S
a pamamagitan ng paggamit ng cellphone o kung ano pa mang gadget, madali na ang akses natin hindi lang sa impormasyon, kundi pati sa mga produkto at serbisyong nais nating tangkilikin at bilhin upang mapakinabangan buhat ng pag-usbong ng online shopping. Scroll lang nang scroll ay maraming pagpipilian na swak na swak sa pangangailangan mo. Naging talamak at marami ang tumangkilik at mas tumatangkilik dito. Ito ay isang pamamaraan ng pagbibili ng mga produkto o serbisyo sa pamamagitan ng mga online websites, kung saan ang mga seller o tagatinda o may-ari ng negosyo ay ibinabahagi at isinasapubliko ang mga ito upang mas malaking sakop ng publiko ang maabot ng kanilang mga paninda. Facebook, Twitter, Instagram, Shopee, Lazada, at marami pang iba, ay ilan sa mga aplikasyong nagiging daan ng mga maliliit at malalaking mga negosyante upang itinda ang kanilang mga produkto. Sa katunayan, lumobo ang bilang ng mga Pilipinong gumamit ng online shopping applications. Mula sa lima bago ang paglala ng pandemya, pito
na sa sampung Pilipino ang nag o-online shopping, ayon sa pinakabagong ulat, dahil na nga rin sa restriksyon sa paggalaw ng mga tao at pagsasagawa ng social distancing buhat na rin sa pag-iiwas ng patuloy na pagdami ng mga tinatamaan ng sakit dulot ng Corona Virus 2019. Malaking tipid at iwas sa pagod ang pamamaraang ito ng pagbibili. Nakatulong itong bawasan ang oras sa iyong pagpili dahil na rin sa madaling ma-filter ang mga produktong hinahanap mo, kung kaya’t iwas pagod na rin kaysa sa paglilibot sa mga malls o department stores. Ang kinaganda pa nito, may barayti o pagpipilian ka depende sa iyong nais. Hindi lang iyan, makatitipid ka rin sa pamimili buhat na rin mga mga diskwentong hatid ng mga shop vouchers. Ang mga ito ay mga digital certificates na ibinibigay sa mga mamimili na nakadepende sa bilang at halaga ng iyong binibili. Dahil na nga rin may karagdagang bayad para sa shipping o delivery fee, madalas naman ay may vouchers
upang makadiskwento, o di kaya naman ay makalibre sa karagdagang bayad. Malaking tipid rin ang pamimili buhat na rin nga sa murang presyong nakatalaga sa mga produktong nakapost sa mga online stores. Hindi lamang ang mga mamimimili ang talagang nabebenipisyuhan ng online shopping kundi maging na rin ang mga maliliit at malalaking mga negosyante. Hindi lang dahil nga ay mas malawak ang kanilang naaabot na konsyumer, ngunit nagbukas rin ito ng maraming oportunidad sa ibang tao na magsimula rin ng kanilang sariling negosyo. Sa katunayan, marami na rin tayong mga kaibigang nagwholesale purchase o bultuhang pagbili ng mga produkto upang ipagbili ito sa kanilang mga kakilala. Kung kaya ay nauso rin ang online live selling ng mga produkto gamit ang iba’t ibang social media applications, tulad ng Facebook. Mabilis ang pag-
Hindi lang dahil nga ay mas malawak ang kanilang naaabot na konsyumer, nagbukas rin ito ng maraming oportunidad sa ibang tao na magsimula rin ng kanilang sariling negosyo.
ikot ng ekonomiya, partikular na ng pera, dahil sa magandang kalakalang hatid ng online shopping. Sa patuloy na pagbabago ng teknolohiyang tumutugon sa ating mga pangangailangan, madali na nating naaabot at nabibili ang mga produkto at serbisyong swak sa atin. Samakatuwid, ang pagpapatuloy sa pagtatangkilik ng online shopping applications ay malaking tulong hindi lang sa mga indibidwal na nais na ring magsimula ng kanilang pangarap na negosyo, kundi pati na rin sa mga mamimimiling lumiligaya sa mga produktong kanilang pinapatron.