Ang Dahilan
22 | FEATURE
NI PATRICK PANAMBO DEBUHO NG PAHINA NI CHRISTIAN REGANIT
H
anggang saan ka kayang protektahan ng batas?
Panahon pa lang na walang kalayaan ang bansang Pilipinas, alam ng kasaysayan kung paano ipinagtanggol ng mga Pilipino ang Pilipinas. Ngayong mas pinaiiral ng mga Pilipino ang kamalayan at demokrasya, humahakbang bang paurong ang mga Pilipino upang magtangka ng kasamaan sa bansa? Terorista, ika nga nila. Matatandaang ika-3 ng Hulyo 2020 nang lagdaan upang maging batas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-terrorism Law sa gitna ng pagsugpo sa pandemya na nilalabanan hanggang ngayon. Ang hakbang na ito ay umani ng samot-saring reaksyon dahil sa mga nilalaman nito. Sa katunayan, umabot ng 37 grupo ang naghain ng petisyon upang maibasura ang nasabing batas. Ang Anti-terror Law ay nahahati sa 56 na seksyon na tumatalakay sa iba’t ibang tunguhin. At higit pa sa 23 rito ay nagkaroon ng diskusyon at pagpasa ng mga memento dahil sa nilalabag nito ang ilang karapatan ng sibilyan. Ngunit alin nga ba sa mga ito ang dapat huwag ipagwalang bahala? Ang Kapangyarihan ni Juan Sa isang pabirong post sa isang social media ni Juan, nalagay sa panganib ang kanyang pangalan. Dahil nagpakalat siya ng isang haka-haka na magkakaroon ng kaguluhan. Sa mata ng batas, isa na siyang terorista ayon sa AntiTerrorism Law. Ito ay nakapaloob sa napakalawak na depinisyon at walang nakalagay na tiyak na krimen tulad ng pagpatay, paghihimagsik, at iba pa. Matatagpuan ito sa loob ng ika4 na seksyon, at ika-5
hanggang 14. Kamakailan nga ay inilahad ng korte suprema na ‘di naalinsunod sa saligang batas ang ika-4 na seksyon dahil nga sa ‘di tiyak nitong kahulugan. Sa kabilang banda, ang pagbibigay ng opinyon, legal na protesta, pagsasagawa ng adbokasiya at karapatang pantao, at mga katulad nito ay hindi dapat magtatatak sa iyo bilang terorista. Taliwas ito sa nangyayaring malawakang red-tagging o ang pagaakusa sa mga indibidwal o grupo na kasapi umano ng isang teroristang grupo. Makikita rito kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng isang Juan. Kung kaya’t dapat mong gamitin ang iyong kalayaan at tinig sa kapakanan ng bansa. Hindi rin natin masisisi ang kilos na ginagawa ng nasa itaas dahil sino ba naman ang maghahangad ng kapahamakan sa bansa? Sana ganoon nga. Ang Kahihinatnan ni Juan Nang dahil sa post ni Juan, ang Anti-Terrorism Council (ATC) ay kaya siyang patawan bilang terorista kahit pa walang dumaan na paglilitis. Mayroon ding kakayahan ang AntiMoney Laundering Council (AMLC) na ipatigil ang kanyang mga pag-aari. Ayon pa sa seksyon 29, si Juan ay kayang arestuhin nang walang kaso at warrant at idetine hanggang 24 araw. Sa ilalim ng seksyong ito, kahit pa maghain ng writ of habeas corpus o ang kasulatan ng utos ng hukuman ang suspek na magbibigay kalayaan sana sa kanya hanggat ‘di legal na dapat siyang ikulong, ay hindi ito mapapayagan ayon sa konteksto ng bahaging ito. Ang seksyon na ito ang isa sa dapat pangambahan ng lahat sapagkat maaari itong gamitin laban sa mga kritiko ng gobyerno at abusuhin. Ngunit hindi ito nasama sa mga labag sa konstitusyon na ibinigay ng korte suprema kundi ang ika-25 seksyon na kung saan may kakayahan ang itinalagang ATC na humingi ng pagpapatibay na isang terorista ang suspek tulad ni Juan.
Sino si Juan? Ang lahat ay apektado. Pilipino ka man o banyaga, may pagkakilanlan tulad ng artista o may tungkulin sa gobyerno at iba pa. Si Juan ay pwedeng pangkaraniwang tao, isang influencer, at sino-sino pa. Ngunit ang pangamba ng karamihan, ang gamitin ito sa mga progresibong grupo, mga kritiko ng gobyerno, mga nakikilahok sa protesta, at mga tulad nito. Patunay rito ang kaunaunahang kaso sa ilalim ng batas na ito. Dalawang magsasakang ayta o ita ang hinuli dahil lumabag umano ito sa Anti-terrorism law noong Agosto, 2020, partikular ang ika-4 na seksyon nito. Sila ay nakulong sa tagal na halos isang taon hanggang sa walang naipakitang sapat na ebidensya. Sa tagal ng oras na nasayang sa buhay ng dalawang magsasaka, sila ay biktima ng napakalawak o walang tiyak na depinisyon ng pagiging terorista. Makikitang hindi lang si Juan na nagpost ng isang haka-haka ang apektado sa lawak ng saklaw ng batas na ito. Maaring ikaw naman ang sunod, sinasadya man o hindi. Alam ng kasaysayan na ipinagtanggol ng mga Pilipino ang kalayaan ng bansa laban sa mga dayuhan. Ngunit, mayroon
bang malalim na dahilan ang namumuno ngayon upang ipasa ang nasabing batas gayong wala namang mananakop sa panahon ngayon? Kailan naging paurong ang hakbang kung nagiging matalino ang mga Pilipino? Ginawa ang batas para protektahan ang nasasakupan nito. Ang pag-abuso at pagpili ng pinoprotektahan nito ang siyang nagiging dahilan kung bakit ito nagiging mapang-abuso.