Wall News Issue No.1

Page 1

The Paradigm

www.facebook.com/paradaym

Email:theparadigm.coapup@gmail.com

MEMBER: COLLEGE EDITORS GUILD OF THE PHILIPPINES(CEGP) ALYANSA NG KABATAANG MAMAMAHAYAG-PUP(AKM-PUP)

The New Paradigm: THE WHOLE STORY

Crime

Cyber

Law: credit Yves Herman-Reuters

NOT JUST A GAME OF MASK& Magiging bulnerable na maging ang mga simpleng mamamayan kung dumating sa puntong tuluyan na ngang naipasa ang R.A. 10175 o mas kilala bilang CyberCrime Law. Bulnerable dahil walang

Nang ating muling itayo ang The Paradigm (TP), tila ba magkakaroon tayo ng bagong klasmeyt na maaring makakwentuhan o maka-close, hanggang maging kaibigan nating malalapitan anumang kumplikadong sitwasyon ang ating babakahin.

sundan sa pahina 06

TAPE

malinaw na batayan pa ang mga artikulo sa naturang batas at isang malaking threat ito, lalo na’t may malaking bilang ang mga taong may account sa mga social networking sites katulad ng Facebook at Twitter. Isang direktang pag-atake ito sa karapatan natin para sa Freedom of Expression. Hindi na lang naging biro ang mga sinasabing pagiging GUILTY ng sinumang nag-blog,nag-post,nag-like, share, o re-twit, kung ma-klasipika nila ito bilang ‘Internet Libel’.

Editoryal: Motibo at Motibasyon

WHAT'S INSIDE? Pahina 02

News:

COAF Naikasa na!

Pahina 03

Wall News Issue No. 1 January, 2013

THE OFFICIAL PUBLICATION OF THE COLLEGE OF ACCOUNTANCY

Literary:

cYBERSIKULO Pahina 04

sundan sa pahina 08 Feature:

What it takes to

become a CPA

Pahina 05

Opinyon:

GUSTO KO

Pahina 07


02

Editorial EDITORIAL || BOARD 2012-2013 Nathaniel Camacho| |Editor-in-Chief Mark Anthony Van Deogracias| |Managing Editor Joshua Guinarez| |Associate Editor

Motibo at Motibasyon aipatupad na ang ReproducN tive Health Bill(RH Bill),ngunit tila

may ilang probisyong nagdadala sa mga tao taliwas sa katotohanan, at kalagayan nila. May magkaibang pagtingin kung para saan nga ba ang batas na ito - isa ay ang pangunahing pananaw na ito ay para tumugon ng mas malaking pansin sa kalusugan partikular sa mga kababaihan lalong-lalo na para sa mga buntis, at isa pa ay ang pananaw na ito ang solusyon upang mabawasan ang kahirapan sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang oryentasyon ng RH Bill sa mga tao, kung bakit ito nararapat ipatupad, ay dahil daw sa papalaking populasyon ng bansa. Patuloy ang paninisi ng pamahalaan sa kanyang mga mamamayan, na kaya raw naghihitap ang Pilipinas ay dahil nga sa overpopulation, na taliwas naman sa kalagayan ng bansa kung saan walang nagaganap na ‘inclusive’ growth’ o mas malaki pa rin ang porsyento ng mahirap kaysa mayaman. Lumalabas sa positibong pananaw na ‘OK’ dahil ang sinosolusyunan ng RH ang kahirapan. Ngunit kung iisipin natin ang

solusyon sa kahirapan, tumbukin kaagad natin ang kayamanan bilang solusyon, ang mga yaman ng bansa natin na nangangailangan lamang ng tamang alokasyon. Magkakaroon ng mga mas mura o di kaya’y libreng konsulta-

SECTION EDITORS|| a Gerry Bailon| |News Editor Roy Sagapen| |Feature Editor Nancy Frialde| |Literary Editor Official Cartoonist|| Joshua Joseph Mark Ramos Photojournalist|| Reana Bacosa ||WRITERS Ralph Patrick Liwalug| Kristine Cleofas|Kate Lacuna| Visit our website:theparadigmcoapup.wix. com/online “WE ARE NEVER CONTENT”

Nais na lang kayang kontrolin ng pamahalaan ang populasyon ng bansa dahil hindi na niya ito kayang suportahan pa? syon at gamot para sa mga mapapaloob sa programa. Kumbaga magmumukhang eksklusibo para sa mhihirap ang naturang batas, na may ipinapahiwatig na motibo ng pamahalaan. Bagaman lahat ng Pilipino ay binigyan ng access sa programa, lohikal na mas tatangkilikin ng mga may kaya ang mga pribadong ospital na may ispesyalisasyon dito. Nais na lang kayang kontrolin ng pamahalaan ang populasyon ng bansa dahil hindi na niya ito kayang suportahan pa? Alalahaning

ipinatupad ang RH Bill makalipas ang ilang buwan ng mga debate at diskusyon, at mga amendments sa pagitan ng iba’t ibang sektor ng lipunan natin, katulad ng sektor ng kababaihan - mula sa Comprehensive RH Bill ng Gabriela, naipasok sa batas ang prayoridad sa kalusugan at serbisyoo para sa mga kababaihan. Maliban sa lumalaking populasyon ng Pilipinas, isa ang kalusugan ng mga kababaihan sa motibasyon upang maipatupad ang batas na nakamit mula sa pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.


Balita

03

Merged BSA at BBF:

COAF Naikasa na! ni Mark Anthony Van Deogracias

Nobyemre, 2012 nang aprubahan ng Board of Regents ang naganap na merging ng Bachelor in Banking and Finance sa College of Accountancy patungong College of Accountancy and Finance(COAF). Isa sa mga probisyon ng COAF ang pagkakaroon nito ng dalawang(2) curriculum, ang Bachelor of Science in Accountancy(BSA) at Bachelor in Business Finance(BBF); at, apat(4) na

departamento - Department of Higher Accounting, Department of Lower Accounting, Department of Law, at Department of Banking and Finance. Kasalukuyang si Professor Sylvia Samiento ang gumaganap bilang dekana ng merged na kolehiyo, habang si Prof. Lillian Litonjua naman ang Chairperson for Lower Accounting, at si Prof. Bernadeth Panibio naman sa Dept. of Banking and Finance; ang magiging Chair-

person ng dalawa pang departamento ay magkakaroon pa lamang ng nominasyon. Noong nakaraang Enero 26-27 ay naganap ang Strategic Planning na ihahain sa College of Accountacy and Finance.

Tubbataha Reef faces peril under US-Aquino regime Reference: Marc Lino Abila National Deputy Secretary-General College Editors Guild of the Philippines

PRESS

Tubbataha Reef in Palawan, declared a UNESCO World Heritage Site in 1993, is home to marine species endemic to the Philippines. Last January 17, US Navy minesweeper USS Guardian struck South Atoll of the reef and damaged 1,000 square meter of the 97,303 hectares. The College Editors Guild of the Philippines (CEGP), the oldest and broadest alliance of tertiary student publication in the Philippines and Asia-Pacific, condemns the intrusion of the US Navy vessel into the no-navigation waters of Tubbataha Reef in Sulu Sea southeast of Puerto Princesa City, Palawan. An act which is a by-product of the Visiting Forces Agreement (VFA) and Mutual Defense Treaty (MDT), it is a clear affront to our national sovereignty and integrity of our national territory. The US Navy also committed violations to the Tubbataha Reef Natural Park Act of 2009, particularly, unauthorized entry (Section 19), damages to the reef (Section 20), non-payment of conservation fees (Section 21), destroying and disturbing resources (Section 26), and obstructing law enforcement (Section 30). Instead of upholding our sovereignty as a nation and integrity of our national territory, the Aquino administration stays silent on the issue and cannot impose actions on the stranded vessel despite of the damages it caused to one of the Philippines’ treasures. American troops barred the rangers to probe the ship considering that the rangers are under the Tubbataha Protected Area Management Board which has the authority over the natural park. “This is a manifestation of the unfair and pro-American position of VFA and MDT by letting US troops to get in and out of the country and roam around our territories freely and without obstruction which is detrimental to our sovereignty,” Marc Lino Abila, CEGP National Deputy Secretary-General said. “These also cause terror and violations to the rights of the Filipino people.” “Aside from these violations of the US Navy to our laws, the reef also serves as an important breeding ground for a number of marine species. It is home to almost 600 species of fish and 360 species of corals, roughly half of the total coral species in the world. It is also a haven to the endangered hawksbill and green sea turtle,” Abila explained. Due to its isolated location, it is an ideal place for fish to breed and eventually repopulate the seas of Palawan and the Visayas. Hence, the conservation and protection of the reef is crucial to the food supply. Its rich resources help the marine life to thrive abundantly. It will also take a long period for the coral reef to rebuild itself. It would take one year for one millimeter hard coral two grow and 250 years for hard coral to mature. CEGP, with its stance to protect the environment and oppose foreign domination, the US-Aquino regime should be held accountable to the grave destruction caused by the USS Guardian to Tubbataha Reef posing a threat to the country’s biodiversity.

RELEASE


04

Literary

BASILIO, BASILIO ni Joshua M. Guinarez

Bata pa lamang noong naranasan, Ang samu’t-saring mga kasawian; Sintang ina’y inapi ng kapalaran, Isang kapatid na may pusong

nabalam. abis na hinagpis na sinapit sa bayan,

L Iyak ng damdamin sa kanya’y

nanahan. ras ay tumakbo nang mabiils, marahan. atang dati’y isang yagit lamang sa lipunan,

O

B

Ay buong pusong nangarap para sa bansang hirang.

Sa kanyang paglaki’y handang lumaban, Ibig na gamiti’y mabuting paraan. Lubos na tumindig upang maglingkod sa bayan;

Ituwid ang kamalian noon ng lipunan, Oo nga’t noo’y pinagtaksilan, ngunit pagbabago’y di pinagkait naman..

HAPPPY IS HE WHO IS HAPPY by Prof. Ligaya M. Espino

CYBERSIKULO ni -Anonymous-

Simulan nating makuha info mo sa Google Sa Facebook? wala akong paki kung profile pic mo ay poodle Daig mo pang sumigaw ang barker Tatawagin kitang Poser Kakontsaba ko si Zucker(berg) Pati may-ari ng Twitter Ikaw ang naghamon sa’kin dito, sa post mo nang ako ay asarin P’wes pose mo ngayo’y nakaposas pagkapasok mo pa lang, LOG IN!

versua Verses

At di ka na makakalog-out kahit subukan mo Bubusalan kita, “mga tuta kong pulis subuan ‘to” Wala kang lusot kahit may I.D. ka pa bilang Journalist Ikukulong pa rin kita parang mga member ng Catalyst Sa’king list ng mga buwisit magpost, Ang tutulis ng nose, siguro tsong nasa pahuli ka pa Kasi sa dami n’yo boy...(choke Mga uhuging unggoy…(choke) (Time!)

HAPPY is he who is contributing something to make an office (adaptation from Dr. K. SRI DHAMMANANDA) a better workplace to stay HAPPY is he whose works, HAPPINESS is in the journey, not chores and daily tasks are labor in the destination of love HAPPY is he who is enriching the HAPPY is he who loves love lives of all those about him HAPPY is he who makes people HAPPY is he who allows others to happy. live peacefully without disturbing ARE YOU HAPPY ? them HAPPY IS HE WHO IS HAPPY.

JUNK

What’s going on? ‘wag kang sumagot hindi kita tinatanong Nag-uupdate lang ako ng status Sabi ko, Sarap mong pagplankingin sa cactus Eh, bawal na nga pala yun, kaya hanggang status na lang Tapos ibo-block mo pa? Di ka na nahiya Freedom of expression, pinaglaban ng ‘yong ina Kahit saang website abutin, ibu-bluff kita Oo, ako ‘yung gumawa ng meme mo kanina Na-share ko at na-like na rin nila. Back to the topic, parang bumalik lang sa home page Por que nakakataas ng puwesto nagta-take advantage Sige ikaw na ang matalino, may cybercrime ka na nga, meron pang RH Di ka pa nakuntento sa K+12, gusto mo silang mag-empake ng luggage, Sin Tax Bill mong anti-peasants, tapos WALANG HANGGANG Oil Price Hike! Sa lahat ng pagpapanggap mo’t PALABAS, eto’ng isang malaking UNLIKE! Sana bumaba rating ng BEAUTIFUL AFFAIR n’yo ni Tito At hindi lang kami basta humihiling ng TRO(temporary restraining order) We want to Junk it once and for all Magkaroon ng bagong season sa Pilipinas, and that’s your FALL At gusto ko lang sabihin na kami’y lalaya’t lalaya; We’re going to be free Hindi ka hunter kaya wag mong pakialaman Twitter ko;Don’t Touch my Birdie! (#No to CyberCrime Law)

join vigil@feb.

5-6, 2013 CYBERCRIMELaw


Feature

by Joshuah Guinarez

05

What it Takes to Become a CPA

It is probably just “normal” nowadays to students who are incoming college freshmen and even those that are already in the higher academe to think that being in the College of Accountancy (now College of Accountancy and Finance) in PUP, or merely having an accounting subject is really hard and stressful on their part. Maybe it is the primary reason why some refuse to take up this course as their college major even though this field really opens many avenues for financially-rewarding job opportunities. The prohibitions in the practice of accountancy in accordance with Section 26, Rule IV, of the Board of Accountancy Law states- “No person shall practice accountancy in this country or use the title ‘Certified Public Accountant’, or display or use any title, sign card, advertisement, or other device to indicate such person practices or offers to practice accountancy, or is a Certified Public Accountant, unless such person shall received from the Board[Board of Accountancy] a Certificate of Registration and be issued a professional identification card or valid temporary/special permit duly issued to him/her by he Board and the Commission[Professional Regulatory Commission].” Likewise, it is obvious and apparent that one of the most difficult governmental board examinations in the country (like those of Law and Medicine) is the scrutiny to become a full-pledged Certified Public Accountant, that is why each year, thousands of BSA Degree graduates from various universities country-wide were gathered for four days to take this national licensure examination every October for admission to the practice of accounting. But is it really difficult to be a CPA? Is there a right formula or any secret to successfully attain a CPA title? I consider this encounter with the humble and beloved Chairperson on Higher Accounting (before) of our college, Professor Ligaya Montalbo- Espino, as a worthwhile experience because she taught of many things on what it takes to become a CPA. “…kasi working student ako no’n. I work in the afternoon [and] my class is in the morning. Imagine, pati mga financial presentations inilalagay ko sa manila paper at idinidikit ko sa ceiling kasi wala na akong time mag-remember [at] mag-open ng book. Paghiga ko, nagdadasal ako tapos titingnan ko siya. “Ang problema, hindi yan nawawala. There will always be problems, kaya lang you handle it easily kasi si Lord binibigyan ka ng strength. “…pakiramdam ko karga-karga ako ng Diyos eh. Pati pagpasa ko ng Board Exam hindi naging mahirap, it’s really so easy dahil kasama ko si Lord. Ang kailangan lang [ay] ay will power, kasi syempre, the flesh is weak. Kapag inantok na ako, nareremember ko yung

sinasabi ng professor ko [dati] na ‘Your idle mind is the playground of the devil’- kaya kapag nandyan na yung devil, nagbabasketball na sila diyan, pipilitin ko ‘yong sarili ko, mag-aaral ako para alam ko na my mind is not idle and therefore it is not the playground of the devil. “Basta lahat ng gagawin nyo, sasamahan nyo ng dasal. Sinasabi ko kay Lord, na Lord, hindi ko maaaral lahat, pero sana ‘yong itatanong ay iyong alam ko. Kaya I’m very thankful na ‘yong mga tinatanong ng teacher ko ay ‘yong mga naaral ko. Everything is miracle, ganun lang ‘yon.” When I try to ask her what are the other charact e r i s t i c s that a typical BSA student must have she says: “dapat honest at kailangan obedient, dapat may self-discipline [rin], because a person with discipline, hindi s’ya mahihirapang gawin ang lahat ng bagay kasi disiplinado n’ya ‘yong sarili n’ya. Kapag sinabi n’yang magaaral siya, mag-aaral talaga siya.” If there is a very important thing I learned from the couple of minutes of conversation with her, it is that, “ Our lord is our refuge.” The views and conception of the other respected accounting professors in PUP were gathered to serve as guidance to those who are dreaming of owning a spot in the list of the CPA board passers. “…patience…matiyaga dapat, hindi pwede ‘yong wala kang frustrations sa pagsosolve ng mga problems mo. [Pero] kung nag-aaral ka naman madali eh. Kasi kapag hindi ka nag-aaral, ang mangyayari, kapag exam na, do’n ka pa lang mag-i-study. Dapat araw-araw ang pag-aaral, dapat make it a habit.” – Prof. Olive Ayuyao “…sipag, tiyaga at siyempre talino. Kasi sa accounting hindi pwedeng hindi ka matyaga mag-solve. Meron din namang matyaga pero walang utak kaya bale wala rin (laughs).”- Prof. Concepcion M. Vedasto “…mahiwagang bato(laughs). Ang pinakamagandang preparation pa ra sa board exam ay mag-aral ng mabuti during undergrad…hindi yung sa review na dahil five to six months lang yun eh.”-Prof. Jonald P. Binaluyo Education inspires learning and creates options for success need not be difficult to achieve. That is why the PUP-COAF-BSA assures a comprehensive line of professors and expertly-designed curriculum not only to conform top high standards, but also to encourage productive learning. I believe all of us who are currently taking up a BSA degree have a little patience, honesty, industry, loyalty, perseverance, hard work, obedience and discipline packed together in our hearts, which we can depend on, for success in the near future as CPAs looking forward and striving harder for the glory of God.

s n o a i l t i a n t ma n e res sa it ko na er p l ko idik ala mb . a i c ay din w me k.. n a f.in lalag at i kasi ag-re boo ino .. ini per g, m ng Esp pa ceilin time open rof. sa akong mag- -P [at]


06

Feature

The New Paradigm: THE WHOLE STORY ni Nathaniel Camacho

Pagpapakilala WHAT THE P?!

Noong Agosto 22, 2011, nagbukas muli ang pintuan ng isang abandonadong opisina sa West wing ng 5th floor, na minsan na ring naging bodega ng ilan nating mga janitors, ang opisina ng The Paradigm, ang opisyal na publikasyon ng Kolehiyo ng Pagtutuos. Sa pangunguna ng Alyansa ng Kabataang Mamahayag – PUP (AKM-PUP), nagkaroong muli ng papel ang ating mga journalists, nagkaroong muli sila ng isang papel na masusulatan, uulatan, iuulat at magmumulat sa mga CoA students. Sa kabilang banda naman, magkakaroon muli ng bibig, ng boses ang mga CoAnians. Nagsimula sa anim na tao na naglalayong muling buhayin ang publikasyon ng ating kolehiyo. Ang unang set of Editorial Board/Officers ng TP ay sina Nathaniel Camacho bilang Editor-in-Chief, Lovely Carbon bilang Managing Editor, at Medilyn Ocquias bilang Associate Editor. Ang mga Section Editors naman noon ay sina Maryann Ida Tansingco bilang News Editor, Mark Anthony Van Deogracias bilang Feature Editor at Veronica Joyce Mallar bilang Literary Editor. Sa sandaling panahon, impormal na nagpakilala ang TP bilang “Official Publication of the College of Accountancy”. Impormal dahil sa pagbubuhay muli ng publikasyon kinakailangang dumaan ito sa “due process”, una ay ang pag-eendorso nito sa ating mga administrador.

Update FULL VERSION Enero, 2012 na ng opisyal na kilalanin muli ang The Paradigm; ngunit di pa tapos ang due process. Nadiin at may ilang linggo ring na-hold ang ilang prosesong ginagawa ng TP, ito ay dahil sa “unreported collection of funds” ng nakaraang EdBoard ng TP, at sinabing magiging pananagutan daw ito “current officers” taliwas naman ito sa nasasaad sa student handbook na ang “immediate past officers” o ang mga huling opsyales ang liable dito; ito ay makalipas ang ilang lingo naming pag-aaral at paghahanap ng solusyon, kasama na rito ang pagkontak sa mga nakaraang opisyales

na sa kalauna’y nakipag-ugnayan na sa ating mga administrador. Nagpapasalamat ang The Paradigm sa malalim na pag-unawa ng ating mga admin sa sitwasyong ito. Kasama sa due process ang maraming paperworks o mga letters o sulat bilang mga written transactions katulad ng paghingi ng permisong muling mangolekta ng pondo ang TP, isa pa ay ang pagkuha ng Clearance sa Internal Audit at marami pang iba. At sa mga huling linggo ng Marso, sa pakikipagtulungan ng Office for the Student Services(OSS) sa ilalim ni Prof. Joseph Lardizabal, na gumampan sa kanyang tungkulin, naipasok sa Student Information System(SIS) ang pangongolekta ng publication fee na mula sa dalawampu’t limang piso(P25) na dati nitong singil, ay dalawampung piso(P20) na lamang bawat estudyante ng CoA. Nangyaring itinulad na lamang ang fee sa singil ng iba pang publikasyon sa PUP. At hindi na natin ito binigyang prayoridad bilang pagkilala sa mga totoong tungkulin bagama’t pangunahing pangangailangan ng isang publikasyon ang pondo para rito. Summer Semester ng pumasok sa SIS ang paniningil ng publication fee na ikinatuwa at ikinabigla ng EdBoard; una, dahil sa unti-unti nang makakatayo ang TP. Sa kabila ng koleksyong ito, nagkaroon ng pagpupulong at napagdesisyunang sa unang semester ng susunod na school year(2012-2013) sisimulan na ng TP ang normal nitong gawain bilang publikasyon. Unang batayan nito ang kakulangan sa mga pasilidad na esensyal sa pagbubuo ng bawat isyung ilalabas ng TP, isa pa ay ang minimal na bilang ng mga miyembro nito, na sa katanggap-tanggap na dahilang hindi pa talaga “visible” ang TP, may mga nag-aapply man, mayroon din naming nagpapaalam. Kaya naman maihahalintulad natin ito sa isang bagong silang na sanggol, isinilang ang bagong The Paradigm – mula sa paghihirap ng mga naging magulang nito, ang mga estudyante. Gayon din naman ay ang pagkilala namin sa boluntaryong pagtulong ng isa sa mga ina ng The Paradigm, isang dalubguro sa katauhan ni Professor Ligaya M. Espino; sa

kanyang walang alinlangang suporta at pagtitiwala, nagpapasalamat kami at ganoon din sa marami pang ina at ama ng The Paradigm. Paumanhin Public Apology Sinserong humihingi ang The Paradigm ng paumanhin sa mga estudyante dahil sa hindi pa ito makapaglabas ng isyu ng dyaryong nararapat para sa kanila. Anim na

buwan na pong nasa proseso ang request para sa mga pasilidad katulad ng kompyuter at

printer na primaryang kailangan sa bawat isyung ilalabas ng TP at hanggang sa ngayon po ay hindi pa rin natatanggap ang mga ito. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi mawawala at patuloy nating panghahawakan ang adhika na magkaroon ng boses ang ating kolehiyo. SAMA-SAMA NATIN ITONG BINUO, SAMA-SAMA TAYONG MAGPAPATULOY

.. SHOUTOUT:

NAGPAPASALAMAT ANG THE PARADIGM SA ISANG TAONG[ayaw banggitin dito ang pangalan], sa kanyang pagpapahiram ng laptop, at sa kontribusyong pinansya ng mga myembro upang maging posible ang paglalabas ng ISYUNG ITO. (SANA DUMATING NA ANG REQUESTED GADGETS NAMIN at MAGKAROON NA NG OPISYAL NA

PRINTING PRESS ANG TP. GOOD NEWS!!! STILL HIRING!!!

ACCOUNTING JOURNALISTS Requirements: BSA Undergrad, must have pleasing personality, VITAL STATISTICS-dapat hindi kasya sa bangin sa harap ng opis ng TP. may talent or passion sa field ng journalism, Just look for Kuya Nat, Josh and Mark. Enlist your name and be ready. JUST BE READY!!!


Opinion

07

Freelance Pen

GUSTO KO

Nancy Frialde

Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat ng ito. Basta kapag may naiisip ako, sinusulat ko. Tungkol sa mga bagay-bagay. Pagibig. Pagkabigo. Pag-asa. Kamatayan. Kapaligiran. Pulitika. Kahirapan. Tungkol sa buhay ko, buhay mo, at buhay ng iba. Bukod sa magbasa, ito ang isa pang gusto ko. Ang pagsusulat. Bakit? Sa pamamagitan kasi ng pagsusulat, marami akong nagagawa. Gamit ang lapis (o kaya naman ay bolpen) at papel, naisasabuhay ko ang mga bagay na naisip ko. Nabibigyang buhay ko ang mga karakter na nabubuo sa aking imahinasyon. Mapa-alien man o halimaw, prinsesa, bampira, mangkukulam o ordinaryong tao. Sa pamamagitan ng pagsusulat, naipapahayag ko ang mga saloobin ko, ang aking mga nais, ang mga hinanakit ng isang simpleng estudyante sa bulok na sistema ng lipunan, ang aking paniniwala’t paninindigan. Sa medaling salita, malaya ako dahil sa pagsusulat. Gusto kong magsulat dahil gusto kong magmulat. Magmulat ng mga taong nagbubulag-bulagan sa tunay na kalagayan ng lipunan at nagbibingibingihan sa hinaing ng kapali-

giran. Gusto kong magsulat dahil kong magbigay at magsilbing inspirasyon sa mga nawalan ng pag-asa, sa mga nabigo, sa mga nadapa, sa mga nasaktan, sa mga nawala sa tamang landas. Katulad na lang ng mga inspirasyon na ibinibigay ng mga aklat. Inspirasyong sumulat ng mga sulatin na makatutulong sa pag-unlad ng pagktao ng isang nilalang. Gusto kong sumulat dahil gusto ko. Tingin mo ba, isusulat ko ang lahat ng ito kung hindi ko ito ginusto? Marami ang nagsasabing walang napapala ang isang manunulat. Walang patutunguhan. Walang ikauunlad ang buhay. Bakit? Ano ba ang basehan upang masabing ikaw ay may narating na sa buhay? Pera? Karangalan? Katanyagan? Kayamanan? Hindi ko alam ang sagot mo sa tanong ko. Pero para sa akin, wala sa nabanggit. Dahil bilang isang manunulat, hindi mahalaga kung gaano karaming pera ang nakukuha mo sa pagsusulat. Hindi mahalaga kung gaano ka kasikat dahil sa iyong mga naisulat. Ang importante ay kung paano ka naging bahagi ng buhay ng mga mambabasa. Sa pamamagitan ng iyong mga naisulat. Kung paano mo sila napasaya,

napatawa, napaluha; kung paano mo naiparating sa kanila ang mensahe ng iyong sulatin, at higit sa lahat, ang ugnaya ng manunulat at mambabasa sa pamamagitan ng isang teksto o artikulo na s’yang nagsisilbing tulay patungo sa mundo ng isa’t isa. Isa sa napakarami kong pangarap ang maging isang ganap na manunulat. Ang maging isang kolumnista sa isang pambansang pahayagan, editor ng isang magasin, manunulat ng tula o kaya naman ay maging author ng isang nobela. Gusto kong mabasa ng maraming tao(kung hindi man lahat) ang aking mga obra at maging bahagi ng kanilang buhay. Alam kong hindi magugustuhan ng lahat ng tao ang aking mga sulatin. Alam kong may mga sasalungat, tataliwas o manghuhusga, ngunit kahit anong mangyari, patuloy kong ibabahagi ang nilalaman ng aking puso’t isipan at patuloy akong magsusulat dahil ito ang gusto ko.

Will Power

Bakit Natin Kailangan ang isang Publikasyon?

Nathaniel Camacho Alam nating kailangan natin ngunit hindi natin alam kung bakit. Katulad ng laksa-laksang proforma entries at solutions na hindi natin alam kung bakit natin sinosolve. Kasi kailangan. At katulad ng isang publikasyong kailangan din natin sa isang Kolehiyo ng Pagtutuos, alamin natin kung bakit. Unang-una, binuo ang The Paradigm sa paglalayong bigyan ng boses ang mga estudyante sa pamamaraan ng malayang pamamahayag; pamamahayag na hindi lang natatali sa mga pang-akademikong usapin; paghahayag ng kwento sa likod ng mga pang-akademikong usapin. Pangalawa, ay ang pagkilala sa mga estudyanteng nakakagampan ng

isang commendable na gawain, katulad na lang ng pag-excel sa mga ginganap na departmental examination sa ating kolehiyo. Pangatlo, ay ang ang pagkilala muli sa mga naging alumni natin na nagdadala muli ng prestige sa ating kolehiyo. Lalong lalo na ang mga nakakapasa sa ginaganap na Board Examination at matagumpay naging Certified Public Accountant, na magbibigay ng inspirasyon sa ating mga estudyante at lalong maging mapangahas abutin ang ating mga pangarap at lalo pa tayong magsikap. Dala ng TP ang linya ng isang Accountant, “We are never Content” . Ang pagdadala ng paninindigang hindi tayo basta naniniwala sa isang dokumento lang. Kailangan natin ng

sapat na dokumento upang kilalanin ang isang bagay na totoo. Ngunit maliban sa mga dokumento ay ang kumprehensibang pag-analisa natin sa mga bagay-bagay. We go beyond the hearsays. Dahil minsan may ma-uugat tayo kahit sa tsismis lang. Isa pa, ay ang walang katapusang tanong ng ‘bakit?’ at titigil ka hindi dahil pagod ka na? Dapat titigil ka dahil alam mo na ang solusyon at handa kang gawin ito. Kaya’t hindi na lang tayo basta natatali sa tanong na ‘bakit natin kailangan ang isang publikayon?’ kailangan nating kumilos at patunayan nating kailangan nga natin ito. Makilahok. Magsulat. Magmulat. Kumilos ayon sa iyong sinusulat.


08

Community/NewsFeature

lakbay facebook

Napansin mo bang maraming wala sa isyung to?(anchakani Mark Anthony Van Deogracias chaka eh!!!) Ang pag-aaral ng Accounting ay parang panliligaw pala. Una, At alam mong mas magaling get to know mo muna ang theory, concepts and formula. Second, araw-araw mong suyuin ang bawat problems sa libro hanggang sa makabisado mo ang pagka? :) solve dito. At panghuli, mapapasagot mo lang sya kung maipapasa mo ang pagsusulit PWES!!! Magtuos tayo!hehe... na ibibigay sa’yo. Maaaring mahirap, matrabaho, pero sa huli walang kasing sarap kung Joke lang... masusungkit mo ang matamis nyang OO.. :) haha From ANG DAMI MO NGANG UNO, ACCOUNTANCY KA BA?!

Kalimutan mo na ang kahit anong date huwag lang ang date ng exam. Iwan mo na ang lahat huwag lang ang calculator. Gawin mo ng scratch ang kahit anong papel, huwag lang ang worksheet(ang mahal kaya). Awayin mo na ang lahat ng tao sa mundo, huwag lang ang Accounting prof mo. Ibagsak mo na ang kahit ano, huwag lang ang grades mo. Sa Accounting, pwedeng sumablay, pwedeng magreklamo, basta huwag ka lang susuko. From ANG DAMI MO NGANG UNO, ACCOUNTANCY KA BA?! “Every person has his own disappointments and hardships in life. I am the person who believes that when you fail, that does not mean it is the end. Everything happens for a reason. And by this time, you should not be thinking of shifting to another course.” -Prof. Joffre Alajar From ANG DAMI MO NGANG UNO, ACCOUNTANCY KA BA?! KUNG HINDI KA BUMAGSAK. KUNG HINDI KA NADAPA. KUNG HINDI KA NASUGATAN. HINDI KA ACCOUNTING MAJOR. -Ma’am Zenaida Vera Cruz Manuel From ANG DAMI MO NGANG UNO, ACCOUNTANCY KA BA?! “Life is like a balance sheet. One wrong entry could change everything. We make decisions that give us either an Asset or a Liability. Yet in the end it is up to us on how to make adjustments to balance it.” From I will be a CPA !!!

Ganito na lang... Basta passion mo ang pagsusulat, pagdodrawing, pagpophotoshop(badly needed), at pagpipicture(eto isa pa), o kaya kung alam mong kaya mong makatulong upang tuluyan ng makatayo si Baby Paradigm. Ayannn... Mag-apply na bilang yaya at hanapin lang si Sir Chief. or email us at: theparadigm.coapup@gmail.com password: ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀

CYBERCRIME LAW: NOT JUST A GAME OF MASK AND TAPE Matapos ang naganap na oral arguments noong Enero 15 sa Korte Suprema, ngayon nama’y papalapit na ang itinakdang expiration ng Temporary Restraining Order(TRO) sa Pebrero 6, sa pagpapatupad ng R.A. 10175 o mas kilala bilang Cybercrime Law. Hindi laro-larong bata ang mga ginaganap na protesta nitong mga nakaraang araw, patungkol sa pagtutol sa naturang batas. Isa sa malaking porsyento ng mga nakilahok dito ay galing sa sektor ng kabataan na kinikilala bilang mas malawak na maaapektuhan sakaling tuluyan na ngang maipasa ang hindi makatarungang batas na ito. Isa sa mga nilalaman ng batas na ito, ang Section o ang real time collection of traffic data, na nagbibigay ng kapangyarihan sa Department of Justice upang makuha ora-mismo, ang mga kinakailangang traffic data at base lamang ito sa kung palagay nilang ito’y lumalabag sa batas, ni wala nang gagawing paglilitis. Ayon kay JJ Disini, isa sa mga lawyer petitioner, maaari itong abusuhin ng mga nasa kapangyarihan. At dawit sa nasaad na seksyon ang pag-track din sa mga ‘libelous’ na post, blog o twit - kasama ang sinumang nag-like, reblog, retwit sa mga masasampahan ng

kasong internet libel. Ipinagbabawal na rin ang pagdodownload katulad ng pagtotorrent, o pag-sshare at crack ng mga piniratang produkto sa internet. Sa kabilang banda, may depensa ang rehimen na ito raw ay isa ring pag-protekta umano sa mga kababaihan ukol sa cyber-sex, na agad namang sinagot ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus, na aniya, “Kontra pa nga sa kababaihan ang Cybercrime Law na ginagamit ang maling depinisyon ng prostitusyon sa Revised Penal Code. Tinatrato nito ang prostituted women bilang mga kriminal, at hindi bilang mga biktima ng kahirapan at iba pang inhustisyang panlipunan.” Umano’y hindi raw dapat ipatupad ang Cybercrime Law sa ngalan ng kababaihan, “Not in our name,” wika pa niya. Kaya patuloy ang pagtutol ng kabataan kasama ang iba pang sektor upang tuluyan nang ibasura ang naturang batas na maglillingkod lamang sa interes ng naghaharing-uri. Uphold Free Speech and Human Rights! Protest on January 29! Join the Vigil on February 5-6!


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.