1 minute read
Sharks bigong masungkit ang panalo laban Braves
u HELEN JOY B. NAVALES & WELLA MAE B. PINES
Nanaig ang St. Therese Educational Foundation of Tacloban, Inc. (STEFTI) Braves kontra Leyte Progressive High School, Inc. (LPHS) Sharks sa Tacloban City District Learning Center (DLC) VI Sports Meet Basketball Male Category na ginanap sa LPHS gymnasium noong ika-apat ng Pebrero.
Advertisement
Sa pagbubukas ng laro, nagpakitang gilas kaagad ang STEFTI Braves ng kanilang bilis at kompyansa sa naturang isports. Lumamang pa sila ng 23 sa pagtatapos ng unang quarter, 32-09.
Sa pagpapatuloy ng ikalawang quarter, ipinakita ng LPHS Sharks ang kanilang determinasyon ngunit bigo parin silang manguna. Nagtapos ang pangalawang quarter sa 23-10.
23 puntos naman ang nadagdag sa STEFTI Braves sa katapusan ng 3rd quarter habang 2 puntos naman sa kabilang panig. Natapos ang laro sa 92 na puntos ng STEFTI Braves at 28 na puntos naman sa LPHS Sharks sa huling quarter.
“Yung kanina na game is medyo malaki talaga yung lamang ng kalaban, at the same time tinambakan kami,” sabi ni Coach Rempillo ng LPHS Sharks sa isang panayam sa The Prism. Dagdag pa niya na maituturing na isang learning lesson ang naturang laro para sa kanilang mga magiging laro sa hinaharap at mas lalong paghandaan ang mga ito.
Aasahang babalik ang LPHS Sharks na mas malakas at determinado sa mga susunod na mga laban, ayon kay Coach Rempillo.
On the other hand, Aguirre nabbed bronze in women’s middlewight class.
Aguirre also had her share of achievements in Taekwondo. In February 2023, she secured gold in the National Championships that was held in Manila.
The ASEAN Tourney was participated by 400 taekwondo jins and eight (8) countries of Southeast Asia.