The Torch - Filipino Tabloid | Tomo 25 | Isyu 3

Page 1


thetorch

lathalain ag-tek

Ang tanging solusyon na gusto ng ating mga guro ay taasan ang kanilang sahod sapagkat isa sa mga rason kung bakit mas pinipili ng mga guro na magtrabaho sa ibang bansa ay dahil sa mas mataas na sweldo na naibibigay ng ibang karatig na bansa. Ngunit gayunpaman, ayon sa DepEd ay unti unti naman daw itong itataas kada taon. mga nilalaman balita opinyon

MATATAG NA HAMON

MATATAG

Curriculum, ipinababasura ng iilang manggagawa sa Sektor ng Edukasyon

Dumulog ang mga guro sa Kagawaran ng Edukasyon upang humingi ng dayalogo sa bagong DepEd Secretary dahil kakasimula pa lamang ng klase ay ramdam na ng mga guro ang bigat ng trabaho at kalagayan sa ilalim ng MATATAG curriculum dahil ang dating tatlo hanggang apat na klaseng hinahawakan ng mga guro sa isang araw, ngayon ay naging anim hanggang walong klase. At ang dating isang oras na pagtuturo ng mga guro sa asignaturang kanilang hinahawakan mula grade 1 hanggang senior high school, ngayon ay naging apatnaput limang minuto na lamang, ngunit hindi ibig-sabihin na kaunti na lamang ang oras ng kanilang pagtuturo ay kaunti na lang din ang kanilang trabaho, subalit dahil sa bagong itinatag ng MATATAG Curriculum ay dumoble pa ang kanilang trabaho at mas lalo itong bumigat.

Ayon sa mga guro ay mas lumala ang kanilang trabaho at mas lalong dumagdag ang problema, dahil bago pa man ang MATATAG curriculum ay kulang na raw ang mga guro at kulang na ang mga non-teaching personnel, maging ang mga classrooms ay kulang din, at ang ibang mababa at mataas na paaralan ay hindi pa nagkakaroon ng full face-to-face classes. Dahil sa pagbabago ng sistema ay mas dumagdag pa ang problemang kinakaharap ng mga guro.

kartun ni Alessandra Ortego

Panitikang Pinatibay: Mga Estudyante nakilahok sa Literature Cosplay

Sa pagdiriwang ng National Reading Month ngayong taon, isinagawa ng Catarman National High School ang culminating activity-- isang Literature Cosplay: Parade of Literary Characters noong Disyembre 4, sa CNHS Multi-Purpose Hall.

Ang naging tema ay "Reading: A Catalyst for Creative Innovation; A Vangguard for an Enduring Civilization."

Ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang antas ng baitang ay lumahok sa kaganapan, at nagbahagi ng mga kuwento sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang paboritong karakter sa panitikan o libro. Itinampok ng Literature Cosplay ang magkakaibang hanay ng mga persona sa panitikan at pinayaman ang diwa ng panitikan na nagbibigay kapangyarihan sa pagkamalikhain.

Sa kanyang mensahe sa kaganapan, binigyang-diin ni Maribel S. Guevara, ESP Department Head at Officer in Charge, na ang pagbabasa ay nagbibigay-daan sa mga panghabang-buhay na nagaaral na matuklasan ang mahika ng pagkukuwento at palalimin ang pag-unawa sa mundo. Nabanggit niya na ang bawat sandali na ginugugol sa pagbabasa ay isang sandali na namuhunan nang mabuti.

"Yakapin natin ang kapangyarihan ng mga kuwento, kaalaman, at imahinasyon. Ito ay isang oras upang ipagdiwang hindi la-

mang ang pagkilos ng pagbabasa, ngunit ang pinto na nagbubukas sa mga bagong mundo, mga bagong ideya, at mga bagong pananaw. Ang mga libro ay may hindi kapani-paniwalang kakayahang maghatid sa atin, bigyan tayo ng inspirasyon, at hamunin natin na ang bawat pahina ay maging isang hakbang tungo sa paglago," sabi niya.

Ang tatlong nangungunang nagwagi ay idineklara at iginawad sa bawat kategorya.

Ang mga nagwagi sa Junior High School Category ay ang mga su-

Mga Guro at Estudyante ng CNHS nanguna sa DepEd's Karibhungan sa Pasko 2024

ni Leo Andrei Ortego

Ang taunang aktibidad sa pagdiriwang na ito ay pinangunahan ng Lalawigan ng Northern Samar na nilahukan ng iba't ibang stakeholder ng Pamahalaang Panlalawigan, isa na rito ang DepEd Northern Samar.

Ang mga guro at iba pang stakeholder mula sa CNHS ay dumalo sa aktibidad upang ipakita ang diwa ng pasko at magbigay ng libangan sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo at iba't ibang pagtatanghal na ginawa ng mga

mag-aaral ng CNHS-Special Program in the Arts, at mga performer mula sa CNHS- Performing Arts Guild sa DepEd Christmas Booth .

musunod:

Reesh Meagan Dela Cruz bilang Tinker Bell - 1st placer

Leanard Lamberte bilang Little Mermaid - 2nd placer

Euriel Xian Mhildo P. Desuloc bilang Gaw'er - 3rd placer

Para sa Kategorya ng Senior High School:

Romnick Salazara bilang Medusa1st placer

Nizzie Joselle Tosing bilang Gretel - 2nd placer

Narciso Quijano bilang Samurai Jack - 3rd placer

Pagtigil sa paggamit ng pagtuturo, naisabatas na

ni Demcent Nolasco

Opisyal ng itinigil ang pagtuturo ten hanggang Grade 3 matapos maisabatas papatigil sa paggamit ng mother tongue sa pahayag ng Malacañang noong

Dagdag pa rito, nakasaad din ang dapat na pag balik ng Filipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan at asignatura alinsunod sa Artikulo 14, Seksyon 7 ng 1987 Konstitusyon, samantalang ang regional languages ay magiging “auxiliary media of instruction.”

Ayon kay, House Basic Education Committee Chairperson at Pasig lawmaker, Roman Romulo noong Linggo, Oktubre 13, 2024, na ang batas na hindi na ipagpatuloy ang paggamit ng mother tongue bilang midyum ng pagtuturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 ay maaaring makatulong sa pagpapabuti ng kalidad ng

ni Leo Andrei Ortego at Michaella Mora
kuha ni Alexis Faye Trongcoso
Kuha ng Onenews PH
Oktubre Dumalo
Kuha ni Alexis Faye Trongcoso

Alexandra Yturriaga, Pinarangalan ng 2024 Chief Girl Scout Award

Ang Northern Samar GSP Council ay opisyal na nagpahayag ng pagkilalang natanggap ni Alexandra Carmen C. Yturriaga bilang 2024 Chief Girl Scout Medal Awardee. Ang parangal ay iginawad bilang pagkilala sa kanyang mga natatanging kontribusyon sa pamumuno at pakikilahok sa mga proyektong naglalayong makapagbigay ng positibong epekto sa komunidad.

Nakibahagi ang CNHS-GSP family sa pagdiriwang ng kanyang tagumpay, na itinuturing na isang mahalagang pagkilala hindi lamang sa personal na tagumpay ni Yturriaga, kundi pati na rin sa mga layunin ng Girl Scouts of the Philippines na itaguyod ang diwa ng serbisyo at malasakit sa kapwa.

mother tongue sa na

ng mother tongue mula Kindergarmaisabatas ang Republic Act 12027, o pagtongue bilang midyum sa pagtuturo, ayon Oktubre 12, 2024.

bansa.

Ang nasabing batas ay nag-aamyenda sa Enhanced Basic Education Act of 2023 o Republic Act 10533 na nagmamandato sa Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) program.

Gayunpaman, maaari pa ring gamitin ang mother tongue sa loob ng mga monolingwal na klase o ang mga klase na may mag-aaral na nasa parehong baitang at mayroong iisang wika na sinasalita bilang kanilang pangunahing wika, subalit meron munang tugunan na pangangailangan upang magamit ito sa mga monolingwal na klase.

BALITA 03

Nagpakita ng kahusayan ang mga mananaliksik mula sa Catarman National High School sa katatapos na Division Science, Technology, and Mathematics Fair 2024 na ginanap sa Catarman SPED Center.

Mag-aaral ng CNHS, Wagi sa Division Science, Technology, and Mathematics Fair 2024

Nagpakitang-gilas ang mga mag-aaral ng Catarman National High School (CNHS) sa Division Science, Technology, and Mathematics Fair 2024 na ginanap sa Catarman SPED Center. Nag-uwi ng iba’t-ibang parangal ang mga magaaral ng paaralan. Kabilang dito si Zachary Villacortes na nakamit and pangalawang pwesto sa Life Science Individual Category at nakilala bilang Best Presenter. Sa Mathematics and Computational Science Group category, ang grupo nina Jay Ann Lucban, Troi Tonog, at Jascha Mikkel Gamba ay nakamit rin ang ikalawang pwesto, unang pwesto sa Best Poster, at ikalawang pwesto sa Best Presenter.

Samantala, si Ella Auria Adora ay nagwagi ng ikatlong pwesto sa Mathematics and Computational Science Individual category, unang pwesto sa Best Poster, at Best Presenter, sa ilalim ng gabay ni Dennis Carolino. Ang grupo nina Clyde Joseph Deleon, Erich Jasmine Loreto, at Aljur Celario ay nakakuha ng ikatlong pwesto sa STEM Innovation

Expo Group category, unang pwesto sa Best Poster, at ikalawang pwesto sa Best Presenter. Sa Robotics and Intelligent Machines Group category, ang grupo nina Leo Andrei Ortego, Kyle Capate, at Raffy Mae Sagario ay nanalo ng ikatlong pwesto, ikalawang pwesto sa Best Poster, at ikatlong pwesto sa Best Presenter.

Hindi lumahok ang CNHS sa mga kategoryang Physical Science Individual, Physical Science Group, STEM Innovation Expo Individual, at Robotics and Intelligent Machines Individual.

DepEd ExeCom, sinuri ang implementasyon ng Digitalization Program ng Leyte

ni Denise Gallano

Education Secretary Sonny Angara, kasama ang mga miyembro ng Executive Management Committee, ay nagsimula nang bisitahin ang mga paaralan sa Leyte bilang bahagi ng agenda sa pagmo-monitor para sa implementasyon ng digitalization programs at pagtataya sa mga kinakailangang punan sa mga pasilidad ng paaralan.

Bilang bahagi ng patuloy nilang pagtugon sa mga hamong kinakaharap ng sektor ng edukasyon, nakibahagi si Secretary Angara at ang kanyang grupo sa mga guro ng Leyte National High School sa Tacloban City. Ang nasabing paaralan ay may kabuuang bilang na 8,954 na estudyante, na maituturing na isa sa pinakamalaking sekondaryang paaralan sa Eastern Visayas.

Samantala, binisita rin ng DepEd ang St. Francis Elementary School, isa sa mga pasilidad na labis

na naapektuhan ng Typhoon Yolanda noong 2013. Napag-alaman na hanggang ngayon ay may kakulangan pa rin ito sa mga silid-aralan, at tanging Temporary Learning Spaces ang naibibigay para sa 547 mag-aaral.

Ang Provincial Government of Leyte, kasama ang mga opisyal, ay patuloy na sinusubaybayan ang implementasyon ng digitalization program sa Cogon Elementary School.

Isa sa mga naging pahayag ni Secretary Angara patungkol sa

digitalization programs ay ang pagbibigay-diin na ang digitalization ay isa sa mga pangunahing target ng ahensya upang masolusyunan ang kakulangan sa mga learning resources.

Ang Kalihim ng Edukasyon at ang iba pang miyembro ng Executive Committee ay patuloy na nakikipagtulungan sa mga Regional Director para sa mas malalim na talakayan tungkol sa mga programa ng DepEd.

04 BALITA

newsbits

TLE Specializations ng CNHS, Umarangkada: Cookery at Dressmaking Binigyang Diin

Convergence in Truth, Service

Ang Opisyal na pahayagan ng Catarman National High School Tomo 25 | Isyu 3 | April 2024 - January 2025

Sinimulan ng Catarman National High School ang muling pagpapatupad ng mga specialization sa pagluluto at paggawa ng damit sa ilalim ng asignaturang TLE noong Setyembre 5, 2024. Ang inisyatiba na ito ay naglalayong pahusayin ang mga kasanayan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng aplikasyon ng mga aral na natutunan mula sa TLE na nakaayon sa kurikulum.

Ang mga mag-aaral na kasangkot sa parehong espesyalisasyon ay mula sa Grade 9 at 10 na mga mag-aaral. Siniguro ng CNHS ang kapakanan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kani-kanilang pasilidad, gayundin ang mga mahahalagang kagamitan at kasangkapan na kailangan.

Dati, ang mga aktibidad sa pagkatuto sa ilalim ng asignaturang TLE ay hindi ganap na ipinatupad ng paaralan ayon sa layunin ng kurikulum dahil sa kakulangan ng mga pasilidad.

Sa isang panayam kay Ma'am Schenley Marie Vibar, TLE Teacher na nagdadalubhasa sa Cookery, "Masayang-masaya ako na makita ang kagustuhan ng mga mag-aaral na matuto ng mga ganitong kasanayan. At saka, maaari ko na ngayong isagawa ang aking espesyalisasyon sa TLE at ibahagi ang aking kaalaman at kadalubhasaan sa aking mga magaaral," sabi niya.

Katuwang sa pagpapatupad nito sina Mrs Cristita Rafinian na dalubhasa sa Dressmaking, at iba pang guro sa TLE.

Sa isang hiwalay na panayam kay Rhonabeth P. Dente, Grade 10 Stu-

newsbits

dent, "Malaki ang tulong ng pagpapatupad ng CNHS sa mga espesyalisasyon ng TLE tulad ng pagluluto at paggawa ng damit, dahil nakakatulong ito sa bawat mag-aaral na paunlarin at pagbutihin ang kanilang mga kasanayan, ipakita ang pinakamahusay sa kanilang mga kakayahan at maging mahusay sa kanilang napiling larangan. Ito ay lubos na nakakatulong sa akin dahil ang kanilang pagpapatupad ay nakakatulong sa akin na umunlad, nagtutulak sa akin na ibigay ang pinakamahusay sa aking mga kakayahan, inialay sa akin na ipakita ang pinakamahusay na bersyon ng aking sarili at nagpapamulat sa akin kung gaano kahalaga ang maging iyong sarili sa tuwing gagawin mo ang isang bagay na talagang mahal mo", sabi niya.

Ang inisyatiba na ito ay pinangunahan ng School Principal, John L. Delorino, at ng TLE Department Head na si Gng. Cindy Ongsotto, na binibigyang importansya ang mga mag-aaral at guro sa TLE teaching area upang sila ay maihanay sa curriculum. Ang mga mag-aaral ay maaari na ngayong pumili ng kanilang ginustong espesyalisasyon sa TLE upang pag-aralan at pagyamanin ang tunay na aplikasyon ng mga kasanayan sa buhay.

schoolnews

Ipinagdiwang ang Pasidungog 2024 sa CNHS Multi-Purpose Hall, isang kaganapan na nagbigay-pugay sa kahusayan at dedikasyon ng mga guro at kawani ng CNHS.

Mga Empleyado ng CNHS, Pinarangalan Pasidungog 2024

ni Angel Imperial

Alinsunod sa School Memorandum No. 102, s. 2024, matagumpay na idinaos tubre 9 sa CNHS Multi-Purpose Hall. Layunin ng programang ito na bigyang-pugay at serbisyo.

Pinangunahan ng SPMT Coordinator na si Rhodora D. Caguerhab ang programa, kung saan binigyang-diin niya na ang tagumpay ng paaralan ay makakamtan sa pamamagitan ng pagtutulungan.

CNHS BSP, GSP nanguna sa Coastal Clean Up

Nagbigay rin ng mensahe ang Schools Division Superintendent na si Dr. Gaudencio C. Aljibe Jr., na nagpahayag ng mahalagang tungkulin ng mga guro sa paggabay sa mga mag-aaral, lalo na sa harap ng makabagong mundo ng teknolohiya.

Nakibahagi ang Catarman National High School sa International Coastal Clean Up noong Setyembre 28, sa Brgy. Dalakit Boulevard. Ang inisyatiba na ito ay naglalayong mag-ambag sa pangangalaga ng kapaligiran sa baybayin at itaguyod

ang pagkakaroon ng responsibilidad tungo sa komunidad.

Ito ay nilahukan ng mga Scout at Scout Leaders mula sa CNHS kaugnay ng International Coastal Clean Up Day 2024 na itinatag ng Presidential

Proclamation No.470 s. 2003.

Sa pamamagitan ng pagkilos na ito, hinihikayat nito ang BSP at GSP ng CNHS na manguna at maging bahagi ng isang makabuluhang pandaigdigang kilusan sa pag-iingat sa mga

natural na espasyo, pagpapaunlad ng pagtutulungan, kamalayan sa kapaligiran, at isang pangako sa tungkuling sibiko.

ni Leo Andrei Ortego
kuha ni Alexis Faye Trongcoso
Photo by Alexis Faye Trongcoso

Pinarangalan sa

idinaos ng Catarman National High School (CNHS) ang Pasidungog 2024 noong Okbigyang-pugay at pagkilala ang mga guro at kawani ng paaralan para sa kanilang dedikasyon

Ang isa sa mga pangunahing bahagi ng programa ay ang pagkilala sa mga Most Outstanding CNHS School Personnel, na nagpakita ng kahusayan sa kanilang mga tungkulin.

Sa pamamagitan ng Gawad

School Head Awards, kinilala rin ang natatanging kontribusyon ng mga guro, security personnel, utility staff, at iba pang non-teaching staff. Binigyan din ng Loyalty Award ang ilang guro at kawani bilang pagkilala sa kanilang higit 10 taon ng serbisyo sa paaralan.

CNHS, Nagkaisa sa Paggunita ng

Buwan ng Wika

’24

Nakamit ng mga mag-aaral mula sa Science, Technology, and Engineering, Baitang 8 ng Catarman National High School ang tagumpay matapos nitong makuha ang ikatlong puwesto sa 1st PhilHealth Reel-Making Contest noong Setyembre 5, 2024. Ginanap ang nasabing programa bilang pagdiriwang ng ika-29 na anibersaryo ng PhilHealth na dinaluhan ng mga paaralan mula sa buong Region 8.

Idinaos sa Hotel de Fides ang pagbibigay-parangal sa RMC at pagkilala sa mga mag-aaral para sa kanilang pagkamalikhain at dedikasyon. Isang nakahihimok at nagbibigay-kaalaman na proyekto ang isinagawa, kung saan ipinakita nila ang kakayahang maghatid ng mga mensahe sa pamamagitan ng malikhaing pagkukuwento.

Bukod pa rito, ang paligsahan sa paggawa ng reel ay nilayon upang turuan ang mga mag-aaral tungkol sa National Health Insurance Program, Universal Health Care, at ihanda sila na maging mga tagapagtaguyod ng programa. Ang mga mag-aaral ay hinamon na gumawa

ng isang reel presentation na nagpapakita ng kanilang pag-unawa sa 4M Campaign, na naghihikayat sa mga Pilipino na: Magparehistro; Magbayad ng kontribusyon; Mag-update ng record, at Magclaim ng balita.

Bahagi ng inisyatiba ng PhilHealth ang PhilHealth Reel-Making Contest upang makipagtulungan sa mga estudyante sa pagpapalaganap ng adbokasiyang kaugnay sa kalusugan. Sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kanilang talento, layunin nitong mas lumawak ang mga makikilahok sa programa sa loob ng rehiyon.

BALITA 05

Mag-aaral ng CNHS Nagpamalas ng Husay sa PhilHealth RMC

Nakamit ng mga mag-aaral mula sa Science, Technology, and Engineering, Baitang 8 ng Catarman National High School ang tagumpay matapos nitong makuha ang ikatlong puwesto sa 1st PhilHealth Reel-Making Contest noong Setyembre 5, 2024. Ginanap ang nasabing programa bilang pagdiriwang ng ika-29 na anibersaryo ng PhilHealth na dinaluhan ng mga paaralan mula sa buong Region 8.

Idinaos sa Hotel de Fides ang pagbibigay-parangal sa RMC at pagkilala sa mga mag-aaral para sa kanilang pagkamalikhain at dedikasyon. Isang nakahihimok at nagbibigay-kaalaman na proyekto ang isinagawa, kung saan ipinakita nila ang kakayahang maghatid ng mga mensahe sa pamamagitan ng malikhaing pagkukuwento.

Bukod pa rito, ang paligsahan sa paggawa ng reel ay nilayon upang turuan ang mga mag-aaral tungkol sa National Health Insurance Program, Universal Health Care, at ihanda sila na maging mga tagapagtaguyod ng programa. Ang mga mag-aaral ay hinamon

na gumawa ng isang reel presentation na nagpapakita ng kanilang pag-unawa sa 4M Campaign, na naghihikayat sa mga Pilipino na: Magparehistro; Magbayad ng kontribusyon; Mag-update ng record, at Mag-claim ng balita.

Bahagi ng inisyatiba ng PhilHealth ang PhilHealth Reel-Making Contest upang makipagtulungan sa mga estudyante sa pagpapalaganap ng adbokasiyang kaugnay sa kalusugan. Sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kanilang talento, layunin nitong mas lumawak ang mga makikilahok sa programa sa loob ng rehiyon.

Catarman NHS STEM Students wagi sa 2024 Speed Math National Challenge; Coach Carolino, kinilalang Best Coach

Nagwagi ang mga mag-aaral ng Catarman National High School (NHS) STEM sa 2024 Phil-MATHGUAGE-4E Speed Math National Challenge, na ginanap online noong Agosto 31, 2024, alas-10 ng umaga.

Ang mga mag-aaral ay nakakuha ng kahanga-hangang paghakot ng mga medalya, na nagkamal ng 14 na ginto, 6 na pilak, 6 na tanso, at 1 na parangal. Pinarangalan bilang "Best Coach," ang Special Science Teacher I, Dennis Carolino, na nagturo sa koponan at nanguna sa lahat ng mga coach sa Senior High Category sa buong Pilipinas.

Ang Speed Math National Challenge ay isang 9 na minutong online na kumpetisyon na binubuo ng 30 multiple-choice na tanong na sinusuri ang bilis at katumpakan sa matematika. Matatandaang dati nang kinilala ng Department of Education (DepEd) Division ng Northern Samar ang Catarman NHS bilang pinakamahusay na paaralan sa matematika para sa taong 2023.

ni Denise Gallano
newsbits
schoolnews
newsbits

CNHS, Bumuo ng Contingency Plan para sa Paaralan

Bilang tugon sa mandato ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd na magtatag ng mga paaralang lumalaban sa sakuna, nagtipon ang CNHS ng isang pangkat katuwang ang mga teaching and non-teaching personnel upang bumuo ng School Contingency Plan (SCP). Sinimulan ng pangkat ang trabaho nito noong Nobyembre 5 at nagpatuloy hanggang Nobyembre 8.

Alinsunod sa School Memorandum 107, s. 2024, at DepEd Order 26, s. 2015, kasama sa team ang mga guro-eksperto ng DRRM, health practitioner, at guro-manunulat, lahat ay nagtutulungan sa paggawa ng SCP.

Ang inisyatiba ay umaayon sa Republic Act 10121 na kilala rin bilang Philippine Disaster Risk Reduction

and Management Act of 2010, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagsuri ng mga potensyal na kaganapan at pagtatag ng mga maaagang hakbang sa pagtugon ng kalamidad upang bigyang-daan ang napapanahon, epektibo, at naaangkop na pagkilos sa oras ng sakuna.

Ang pagsisikap na ito ay nagla-

layong tiyakin na ang CNHS ay manatiling tumutugon sa mga panganib na dulot ng mga natural na panganib—tulad ng mga bagyo, matinding init, at lindol— na kung minsan ay nakakaapekto sa pag-aaral.

Banggaan ng sidecar at trak, dalawa patay

Dalawang katao ang nasawi at apat ang nasugatan sa isang banggaan sa pagitan ng isang Rusi tricycle at isang 10-wheeler truck sa Barangay Imelda, Mondragon, Northern Samar, alas 7:21 ng gabi noong Disyembre 22, 2024.

Ang mga nasawi ay isang driver ng Rusi tricycle, may asawa at residente ng Barangay Narra, Catarman, Northern Samar, at isa sa mga pasaherong babae na hindi pa nakikilala. Tatlo ang sugatan

habang ang driver ng 10-wheeler truck, isang 48-anyos na lalaki mula sa Barangay McArthur, Lavezares, Northern Samar, ay hindi nasaktan.

Ayon sa ulat ng Mondragon Municipal Police Station (MPS), lumihis sa linya ang 10-wheeler truck na galing sa direksyon ng Catarman dahil sa mataas na tubig-baha, nabangga nito ang tricycle na naglalakbay mula Laoang patungong Catarman.

Dead on the spot ang driver ng tricycle, habang ang isa sa mga pasahero ay idineklarang dead on arrival sa Northern Samar Provincial Hospital at ang tatlong iba pang pasahero ay malubhang nasugatan.

Samantala, ang driver ng truck ay nasa kustodiya na ng Mondragon MPS sa pangunguna ni PSSg Reynaldo Garcia, kasama ang mga sasakyan, habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Programang Best Buddies Philippines, inilunsad ng CNHS

Opisyal na inilunsad ang programang Best Buddies Philippines noong Agosto 5, 2024, habang isinasagawa ang Division Training para sa SPED Coordinators at Receiving Teachers sa Filipino Sign Language (FSL). Naglayon itong matulungan ang mga taong may Intellectual and Developmental Disabilities (IDD).

Kabilang ang Best Buddies sa pinakamalaking organisasyon sa mundo na nakatuon sa pagtatapos ng social, physical, at economic isolation ng 200 milyong tao na may IDD. Layunin ng programa na matulungan ang

mga taong may IDD sa pamamagitan ng pagbuo ng pagkakaibigan, makahanap ng trabaho, mamuhay nang may kalayaan, at maramdaman ang kanilang halaga sa lipunan.

Sa kasalukuyan, ang Catarman National High School ang natatanging paaralan sa rehiyon at sa lalawigan ng Northern Samar na napili para sa programang ito.

Tinanggap ni Dr. John L. Delorino, ang punong-guro ng CNHS, ang hamon na pangunahan ang pagpapatupad ng programang Best Buddies

Philippines at inihayag ang buong suporta ng paaralan sa inisyatiba.

Samantala, tampok din ang pagbibigay ng pangkalahatang-ideya ng programa nina Dr. Nelida Lobos, Division EPS sa Science, Dr. Dionesia A. Mercader, District-in-Charge, at Dr. Francisco C. Botaire, Division SNED Coordinator.

Nagtapos ang Division Training na nilahukan ng mga guro ng CNHS SNED at iba pang guro na mula sa iba’t-ibang Dibisyon noong Agosto 7, 2024.

schoolnews
ni Sofia Cornico
ni Angel Imperial
kuha ni Ella Auria Adora
Bilang bahagi ng mandato ng DepEd, nagtipon ang mga guro at non-teaching staff ng CNHS upang bumuo ng School Contingency Plan (SCP) mula Nobyembre 5 hanggang Biyernes. Layunin nitong maging handa ang paaralan sa mga natural na kalamidad na nakaaapekto sa pag-aaral.

Angel Danna Imperial

Editor-in-Chief

Associate Editors

Gillian Añonuevo

Shantelle Dayo

WRITERS

Leo Andrei Ortego

Michaella Mora

Demcent Nolasco

Ester Yee

Sofia Cornico

Jan Marlu Alido

John Louie Loberiano

Catherine Sumagaysay

Kyle Capate

Katrina Tabia

Denise Gallano

Arianne Ariola

Mabille Banez

Marielle Tobiaso

Junine Magdaraog

Graciano Alazo

Isis Lucenecio

CREATIVE ARTS

Photojournalists:

Ella Auria Adora

Komosyong Solusyon

Isang maituturing na maling parusa ang naging hakbang ng gobyerno sa kamakailangang niratipikahang 2025 General Appropriation Bill. Nakababahala kung malimi ang magiging kalagayan ng bansa dahil sa isyung budget cuts, kung saan apektado ang ilang mahahalagang sektor sa bansa.

Kaakibat nito ang mababang pondo na regular na natatanggap kada taon. Bagamat ito ay sinusuri at pinagpupulongan nang maigi, napipinsala nito ang mga sektor katulad ng pangkalusugan at edukasyon na lubos na pipilay sa pundasyon ng pag-unlad sa ating bansa.

Tuluyan nang tinanggal ang subsidy ng gobyerno sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), P10 bilyon naman ang kinaltas sa Department of Education (DepEd) na orihinal na inilaan para sa computerization program nito.

Hindi halos maikailang pum asan lamang ito sa hirap ng mamamayan, sa kadahilanang ang pagbawas sa pondong pangkalusugan ay pagkakaroon ng limitadong paggamit at kakulangan ng serbisyong medikal, na tunay na kumakaltas din sa karapatan ng taumbayan.

Hinggil naman sa pagbabawas ng pondo ng DepEd, mangyaring ang napaparusahan ay ang kasalukuyang kalihim at ahensya, nang dahil sa nalantad na katiwalian ng Bise Presidente at ng dating kalihim ng kagawaran. Tunay na

hindi makatuwirang ang atang na hakbang ay pumaparusa sa kasalukuyang namamalakad, sapagkat sinusubukan nitong isaayos ang kinulamos ng Bise Presidente. Kung kaya’t sa kaunting pondong inilaan, malaking katanungan at kahadlangan ito para sa DepEd na mapabuti ang sistema ng edukasyon.

Higit pa rito, ang mga mahihirap na kulang sa paggamit ng mapagkukunan, ay makakaranas ng malaking problema dulot ng pagkaltas ng pondo. Pinapaalala lamang sa mamamayan ang kawalang katarungan na desisyon ng mga nasa puwesto na nagsasanhi sa paurong na pag-unlad ng bansa. Marahil ito ay hindi gaanong problema ng ibang sektor ng Gobyerno, subalit isa itong tinik para sa mga apektado.

Mahalagang bigyang-pansin na ang kahalagan ng pananalapi ng Gobyerno ay hindi nangangailangan ng malaking kaltas ng pera, kundi isang komprehensibong plano sa pamamagitan ng masusing pag-aaral sa paggastos o paglalaan ng gastusin. Ang pagtuklas sa mga katiwalian sa gobyerno an makatutuling din upang maisaayos ang sistema ng pananalapi. Ang pag-

papatupad ng mga reporma upang mapahusay ang pangongolekta ng buwis ay maaring ring makalikom ng malaking pondo. Bukod rito, ang pagkakaroon at pag-aaral ng mga alternatibong pamamaraan ng paglalaan ng pera ay malaking tulong din para malaman kung akong sektor ang nangangailangan ng malaking pondo.

Bagamat mahalaga ring bayaran ang pambansang utang, hindi ito rason upang bawasan ang ibang sektor at masakripisyo ang kapakanan ng bansa para lamang makamit ang nasabing layunin. Lalong-lalo na kung ito’y bilang tugon sa mga katiwalian ng mga namamahala. Marapat na unahin ng Gobyerno ang kapakanan ng mamamayan, pag-unlad at ang kaayusan ng sistema ng pananalapi nang sa katuwiran ito magamit. Ang pagbibigay prayoridad at pananagutan hinggil sa pananalapi ay makatutulong upang makaiwas ng anumang kahirapan, aberya, at pinsala sa lipunan. Bigyan ng tamang aksyon ang problema, nang sa gayon, maging matibay ang pundasyon para sa kinabukasan at— hindi kung anong solusyon na dulot lamang ay kagipita’t kumosyon sa taumbayan. ng subsidy ng gobyerno sa Philip -

OPINYON

Bert Anne Verzosa

Danna Borja

Miles Camba

Shanaia Bucao

Alexis Trongcoso

Cartoonist:

Tamarah Delorino

Lindsay Vibar

Alessandra Ortego

Honey Joy Bocboc

Layout Artists: Axel Aranzado

Dovylle Andales

ADVISERS

Hermie C. Visaya

Ma. Ruffa Mejica-Vibar

Geraldine Florano-Soriano

Dennis P. Carolino

Lyndel Queency Marabe

CONSULTANT

Dr. John L. Delorino

Nauupos na chalk kung maituturing ang mga pangakong magpapaginhawa sa buhay ng ating mga guro. Kailan kaya maisasakatuparan?

“Balanse at kaaya-aya” na kapaligiran para sa ating mga guro sa pampublikong paaralan, isa lamang ito sa ipinangako ni Pangulong Bongbong Marcos sa nagdaang pagdiriwang ng 2024 National Teachers’ Day. Nagsilbi itong apoy sa isang maliit na kandila– ang ating mga guro na nagbibigay liwanag sa milyun-milyong estudyante sa bansa.

Haligi ng edukasyon kung ituring ang ating mga tagapagturong humuhubog din sa atin, na hindi lamang nagbibigay ng kaalaman sa akademya kundi pati sa aspektong dumidisiplina.

Sa buong bansa, makikita silang masigasig na nagtuturo at nagsisilbing pangalawang magulang sa kanilang mga mag-aaral. Subalit, sa kabila ng kanilang mga sakripisyo at dedikasyon, madalas silang hindi napapansin at napasasalamatan.

Hindi ito makatarungang panukli sa mahabang oras na pagtatrabaho, labas man ito o sa loob ng paaralan. Nakapagtataka ngang sila pa ang may mababang sahod, kung sila naman ang pinagmulan ng mga dunong.

Madalas mang hindi napagtutuonan ng pansin ang kanilang mga mahahalagang pangangailangan, patuloy pa rin silang nagtatrabaho at nagbibigay inspirasyon sa mga mag-aaral. Sa kabila ng kakulangan ng pasilidad, limitadong kagamitan para sa pagtuturo, at iba pang mga isyung kinahaharap ng sistema ng edukasyon na nagiging tinik sa kanilang lalamunan.

Nasaan ang pagpapahalaga’t pagmamahal? Kailan nga ba tunay na masusuklian ang kanilang sakripisyo’t kapaguran? Kailan maisasakatuparan ang balanse at kaaya-ayang kapaligiran para sa kanila?

Marapat na bigyan nating pansin ang kanilang mga sakripisyo at karapatan, hindi la’ng basta magbitiw ng puna

sa kanilang nagagampanan. Sapagkat ngayong kasagsagan ng teknolohiya, nagiging biktima ang mga guro ng mga negatibong komento sa social me dia.

Hindi lang ang selebrasyon ng teachers day ang panahon para bi gyang pansin ang mga guro, araw-araw natin silang pasalamatan. Marami mang paraan upang maipabatid natin ang pas asalamat sa kanila, ang tunay at pinakad iwa pa rin ay ang pagbibigay-halaga, pagkilala, at pagmamahal sa kanilang ginawa — may selebrasyon man o wala.

Sapagkat, ang kanilang walang-kapantay na sakripisyo ang nag papatunay, na ang pagiging Guro ay Hin di Biro magpakailanman.

Hindi pa rin bumababa sa P20 ang kilo ng bigas. Kulamos ang Marcos-Duterte tandem, dagdag sa mahabang listahan ng kasigwaan sa lipunan natin.

Isinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang pangangampanya ang plataporma at pangunahin na pagkakaisa at pagbabago. Taong 2022 nang mahalal siya sa pagkapangulo, at sa bagong yugto ng kaniyang termino– makupad pa rin kung tumaas ang kita ng mga manggagawa, matulin naman kung sumirit ang presyo ng mga bilihin, walang tatag ang kalagayan ng edukasyon, lumulubha ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao, nasasagasaan ang kabuhayan ng mga tsuper, nalulunod sa kahirapan ang mga mangingisda, at nabubulok ang pagkakataong guminhawa ng mga magsasaka.

Matatamasa pa kaya ang ipinangakong “Bagong Pilipinas”?

Sa ikatlong State of the Nation Address ni PBBM, hayagang pinagtuonan niya ng atensyon ang mga sektor na kalaunang kinakapos pa rin sa kakayahang umunlad. Mangyaring maturingan lamang ito nilang dokumentaryo ng kaniyang mga pangakong hindi pa rin masilayan sa kasalukuyan.

SO ano NA? Sektor ng Agrikultura

Ilang taong nagsilbing dagok ang panahon para sa mga magsasaka dahil sa patuloy na pinepeste ng problema ang sektor ng agrikultura. Lumalago lamang ang hinaing ng mga lokal na pesante da hil sa makadayuhang polisiya nitong sek tor. Kasalukuyan namang isinaalang-al ang ng Department of Agriculture (DA) ang pagdedeklara ng “food security emergency” sa unang bahagi ng taong 2025 habang nagsusumikap itong pigilan ang mga presyo ng bigas.

Ipinagtibay rin ni Marcos na tu tukan ang mga manggagawa sa ilalim ng “Bagong Pilipinas” na sa pagdanak ng panahon ay halos hindi na mairaos ang kanilang pang-araw-araw na buhay. Ayon grupong pang-ekonomiya sa IBON foundation, higit umanong mas maba ba ang tunay na halaga ng minimum wage sa panahon ni Marcos kumpara sa nakaraang administrasyon. Ang na

karaang P610 minumum wage sa Metro Manila ay nagkakahalaga lang talaga ng P501, kung kaya’t kabilang sa binatikos ng grupo ay ang kakarampot na P35 na dagdag sa suweldo.

Lunod naman sa pagkakataong makaraos ang ating mga mangingisda dahil sa mga proyektong dredging at reklamasyon ng mga korporasyon sa Manila Bay. Unang inihayag ni Pangulong Marcos Jr. ang pagsuspinde sa 22 reclamation projects nang masuri ang epekto nito sa kalikasan at sa karatig na mga ko -

kagawaran nang wala man lang maayos na natugunan.

Sa kabilang banda, hindi alintana ang umaalingawngaw na busina ng mga tsuper nang isakatuparan ang modernisasyon ng mga public utility vehicle (PUV) na mapursiging isinulong ng Pangulo sa gitna ng mga batikos. Samantalang ang handog naman na solusyon ng Pangulo para sa trapiko ay ‘disiplina’ umano, aniya sa kaniyang vlog noong Abril 7, 2024. Dahil sa kakulangan sa kakayahan ng gobyerno na sagutin ang kri-

cos Jr. na hindi titiklop ang Pilipinas sa mapang-abusong aksiyon ng China sa WPS. Patuloy niyang pinalawig ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Naging mas aktibo at mabilis ang Pilipinas sa pakikipag-alyansa para sa seguridad at depensa ng bansa.

Ano’ng bago? Saan patungo?

Dada nang dada si Sara, subalit masisisi nga ba siya ng taumbayan, e, wala naman siyang ginagawa? Iniwan lamang niya ang Kagawaran ng Edukasyon na may mas inaakay na problema— prob lemang sumobra pa sa P125 confidential

Patagal nang patagal, mas lalo lamang nababanaag ang totoong moti bo ng mga nahalal. Sa susunod na mga taon, hindi halos matanaw kung patungo nga ba ang hakbangan sa maginhawang “bagong pilipinas” sapagkat walang ba gong pilipinas ang giginhawa sa kamay ng isang pamumunong hindi nakalantad sa tunay na danas ng kaniyang pinamu

Sa kadahilanang, marapat na punan ang higit na problema ng mga katauhan nang sa gayo’y maranasan at makamtan ang isang Bagong Pilipi nas, Bagong Lipunan.

Arianne Ariola
Kyle Capate
kartun ni Honey Joy Bocboc kartun
dalubwiKAI
AnneSABI

“Reporting na naman?”

Isa sa mga linyahan na maririnig mula sa mga mag-aaral kapag kasisimula pa lamang ng klase at ang responsibilidad ng pagtuturo ay biglang naiatang sa kanila.

Sa panibagong akademikong taon, nananatili pa rin ang mga dating gawi kung saan ang mga estudyante ay pumapailalim sa estratehiya ng mga guro na umaasa lamang sa ‘pa-reporting’ o pagpapaulat sa klase bilang pangunahing paraan ng pagtuturo sa kanilang mga asignatura.

Nakaangkla ang ‘pa-reporting’ sa Outcome-Based Education (OBE). Isang estratehiya sa pagtuturo na nakasaad sa CHED Implementation Handbook para sa OBE at Institutional Sustainability Assessment (ISA), alinsunod sa CHED Memorandum Order No. 46, 2012. Ito ay kabilang sa iba’t ibang pamamaraan na maaaring piliin ng mga guro na gamitin sa kanilang klase kung saan itinataguyod ng OBE ang pagbabago na ang mga estudyante ang inilalagay sa sentro ng proseso ng pagkatuto, sa halip na ang mga guro lamang ang maging pangunahing tagapagbahagi ng impormasyon sa klase.

Bagamat nakabatay ang pagpapaulat sa klase sa prinsipyo ng student-centered learning, nagdudulot ito ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga mag-aaral. Sa praktikal na aplikasyon, ang ‘pa-reporting’ ay madalas nagiging simpleng paraan ng pagtuturo kung saan halos lahat ng aralin ay ibinabato na lamang sa mga estudyante. Hindi ito nagiging lubos na epektibo kung walang sapat na gabay mula sa mga guro.

Sa isang banda, nagbibigay ito ng pagkakataon para sa mas malalim na pananaliksik, paglinang ng kritikal na pag-iisip, at pagpapahusay ng kakayahan sa pampublikong pagsasalita. Sa pamamagitan ng pagtutulungan sa grupo, natututo rin ang mga mag-aaral na makipagkooperasyon at magbahagi ng responsibilidad.

Sa ganitong gawain, ang mga estudyante ay nagsasaliksik ng mga

demSAYS

impormasyon, sinisiguro ang katuturan nito, at inilalahad ito sa kanilang presentasyon. Nagiging daan din ito sa malikhaing pagpapahayag, pakikilahok, at pagpapabuti sa ugnayan ng grupo. Sa tamang paggamit, ang ganitong paraan ay makakatulong sa pagpapahusay ng information literacy, fact-checking, at critical thinking—mga kasanayang mahalaga sa panahon ng digital na impormasyon. Dagdag pa rito, napapalakas nito ang kanilang kumpiyansa sa pampublikong pagsasalita at kakayahan sa pakikipagtulungan.

Gayunpaman, ang labis na paggamit ng pamamaraang ito kung saan halos umaasa na lamang ang mga guro sa mga mag-aaral upang magturo ng mga aralin, ay nagdudulot ng katanungan tungkol sa pagiging epektibo nito sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon. Sa halip na maging daan ng pagtuturo, nagiging simpleng gampanin na lamang ito para sa mga guro upang maiwasan ang masusing pagpaplano ng leksyon. Mangyaring ang pamamaraang ito ay dumaragdag lamang sa labis na gawain ng mga estudyante at nagiging sanhi ng ‘academic burnout’. Sa ganitong kalagayan, nawawala ang tunay na layunin ng OBE, at nagiging tungkulin na lamang ng mga estudyante ang trabaho ng kanilang guro.

Sa ganitong sistema, sino nga ba ang tunay na nagtuturo—ang mga magaaral ba o ang mga guro?

May mga guro na nagsasabing ang ‘reporting’ ay isang paraan upang maturuan ang mga estudyante ng pagiging

responsable at ‘independent’. Dagdag pa rito, sinasabing bahagi ito ng pagsasanay sa tunay na buhay kung saan kailangang matutong magtrabaho sa ilalim ng presyon at pamahalaan ang oras nang mahusay.

Bagamat may merito ang ganitong pananaw, hindi dapat kalimutan na ang edukasyon ay higit pa sa pagtuturo ng disiplina. Ang labis na paggamit ng ‘reporting’ bilang pangunahing pamamaraan ng pagtuturo ay nagdudulot ng kawalan ng pagkakataon para sa mas malalim na diskusyon sa klase. Ang responsibilidad ng guro ay hindi lamang gumabay, kundi magbigay din ng karagdagang kaalaman na maaaring hindi makuha ng mga estudyante sa kanilang sariling pananaliksik.

Hindi ito dapat maging pangunahing pamamaraan. Ang aktibong partisipasyon ng mga guro ay karaniwang nauug nay sa mas malalim na pagkatuto at mas mataas na academic performance ng mga estudy ante, batay sa mga pang kalahatang obserbasyon sa edukasyon. Sa ganitong paraan, naiiwasan ang pagkalat ng ma ling impormasyon at nagka karoon ng mas makabuluhang interaksyon sa klase, na nag bibigay-daan sa mas mahusay na pag-unawa sa mga leksyon.

Ang ‘pa-reporting’ ay isang kasangkapan sa edu kasyon, hindi ang kabuuan

nito. Dapat itong gamitin nang maayos at sa tamang balanse upang mapanatili ang kalidad ng pagkatuto. Ang responsibilidad ng pagtuturo ay hindi dapat iasa nang buo sa mga estudyante, ito’y isang kolaborasyon sa pagitan ng guro at mag-aaral. Sa kolaborasyong ito, ang mga guro ay nagbibigay ng gabay, kaalaman, at perspektibong mahalaga sa pagbuo ng mas malalim na pag-unawa, habang ang mga mag-aaral ay natututo at nagkakaroon ng aktibong papel sa kanilang sariling pagkatuto.

Sa huli, ang edukasyon ay higit pa sa simpleng pag-uulat—ito’y isang proseso ng pagtutulungan, pagdiskubre, at pagpapalawak ng kaalaman. Ang mga

Epektibong panghihikayat ays sa napakaraming resulta ng modernong pahayagan sa kampus, lalo na sa mga estudyante at pag-abot nito sa mas malawak na mga tagapakinig at tagapanood kumpara sa tradisyonal na campus journalism. Kapansin-pansin ang pagbabago ng pamamahayag sa mga nakalipas na panahon at nakikita natin ang pinagbuti nitong pamamaraan sa pag-abot sa masa kagaya nalang ng social media, multimedia, tulad ng mga video, na maaaring makahikayat at makakainteres sa mga mag-aaral nang higit kaysa sa tradisyonal na print media na isa sa mga makabagong plataporma na higit na nakatutulong sa mga estudyanteng bahagi sa campus journalism na nagbibigay-daan na lumikha at magbahagi ng impormasyon, sariling ideya, at mensahe.

Natuklasan sa iba’t ibang pag-aaral na ang modernong campus journalism ay may mas mataas na antas ng pakikipag-ugnayan ng mambabasa at tagapakinig sa kadahilanang ito ay mas naa-access ng mas mabilis. Bukod pa rito, ito rin ay mabilis at madaling mamahagi ng impormasyon sa pamamagitan ng digital media gamit ang iba’t ibang uri ng social media platform.

Dagdag pa rito, ito ay isang anyo ng pamamahayag na nakatuon sa pagsakop ng mga balita at kaganapan sa loob at labas ng kampus. Sinasaklaw nito ang malawak na hanay ng media, kabilang

ang mga pahayagan, magasin, telebisyon, radyo, website, at social media. Kadalasan itong gumagamit ng teknolohiya at digital media para sa mas malawak na tagapakinig at tagapanood at para magbigay kaalaman sa kapwa mag-aaral sa loob at labas ng kampus. Ang nilalaman ng modernong campus journalism ay maaaring sumaklaw sa malawak na hanay ng mga paksa, kabilang ang mga balita at aktibidad sa campus, pulitika, at entertainment. Ito ay nagsisilbing plataporma para sa mga magaaral na ipahayag ang kanilang mga opinyon at gamitin ang kanilang “freedom of speech.”

Gayunpaman, higit na mas pinagbago ang campus na pahayagan sa paglaganap ng mga makabagong teknolohiya sa pag abot at paglaganap ng mga impormasyon sa madla. Sadyang mas pinabilis nito ang accessibility ng mga tao at tagapanulat upang mas maihayag ang mga napapanahong balita o kaganapan sa loob man o labas ng kampus. Ito ay nagiging daan sa mga campus journalists na mas hasain ang mga talento na mayroon sila at mga gusto nilang abutin, nakatutulong din itong mag bigay gabay sa kanila upang maging isang aktibong mag-aaral sa loob at labas ng kampus.

Ester Yee
Demcent Nolasco
Ang Opisyal na pahayagan ng Catarman
kartun ni Tamarah Consuelo
JeannaRate

LATHALAIN

Angara sa Edukasyon

Isang bagong kabanata ang binuksan sa kasaysayan ng edukasyon sa Pilipinas sa pag-upo ni Senador Sonny Angara bilang bagong Kalihim ng Department of Education (DepEd). Kilala bilang isang dedikadong lingkod-bayan na may malasakit sa edukasyon, ang kanyang pagluklok ay nagbigay ng bagong pag-asa sa sektor na matagal nang humaharap sa samu’t saring hamon—mula sa kakulangan ng silid-aralan hanggang sa kalidad ng pagtuturo.

Bilang isang mambabatas, nagtaguyod si Angara ng mga batas na layong isulong ang edukasyon. Isa na rito ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na nagbibigay ng libreng edukasyon sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad. Hindi maikakailang malaking hakbang ito tungo sa pagsasakatuparan ng pangarap ng maraming kabataang Pilipino. Ngunit ang tanong: sapat na ba ang pagiging mambabatas upang pamunuan ang DepEd?

Sa kanyang unang pahayag bilang Kalihim, inihayag ni Angara ang kanyang layunin na itaas ang antas ng sistema ng edukasyon. “Kailangan nating siguruhin na hindi lamang sapat, kundi dekalidad ang edukasyong naibibigay sa bawat kabataan,” aniya. Subalit sa likod ng matatayog na pangarap, hindi maiiwasan ang mabibigat na hamon—ang backlog sa mga libro, kakulangan sa pasilidad, at ang mababang sahod ng mga guro na nananatiling usapin sa ilalim ng ahensiya.

Tila isang laban sa giyera ang haharapin ni Angara, ngunit hindi siya nag-iisa. Kasama ang mga guro, magaaral, at iba pang stakeholder, naniniwala siyang ang kolektibong pagkilos ang susi upang maabot ang mas inklusibo at maayos na sistema ng edukasyon. “Ang tagumpay ng sektor ng edukasyon ay hindi lamang responsibilidad ng DepEd, kundi ng buong sambayanan,” dagdag niya.

Ngunit tulad ng sabi ng isang kasabihan, “Ang daang matuwid ay hindi madali.” Sa kabila ng kanyang karanasan at dedikasyon, nakasalalay pa rin sa konkretong aksyon at epektibong implementasyon ang magiging resulta ng kanyang liderato. Magagawa kaya niyang baguhin ang direksyon ng edukasyon tungo sa mas maliwanag na kinabukasan?

Tulad ng isang magsasakang nagtatanim ng palay, alam ni Angara na hindi sapat ang pangako; kailangang maglaan ng dugo, pawis, at oras. Sa ilalim ng kanyang liderato, isinusulong niya

ang mga repormang magbibigay-diin sa kalidad ng edukasyon at patas na oportunidad sa lahat, mula sa malalayong baryo hanggang sa mga lungsod. Ngunit, tulad ng kasabihang "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan," naniniwala siyang mahalaga rin ang pagtanaw sa mga aral ng nakaraan upang maitama ang mga pagkakamali at mapabuti ang hinaharap.

Ngunit hindi lahat ay rosas ang landas. Ang hamon ng kakulangan sa pondo, mababang sahod ng mga guro, at pagbawi mula sa epekto ng pandemya ay tila mga alon na pilit na sumasalunga sa kanyang barko ng pagbabago. Gayunpaman, tulad ng isang bangkero na may matibay na sagwan, nananatiling matatag si Angara sa kanyang layunin. Naniniwala siyang sa pagtutulungan ng bawat Pilipino, unti-unti nilang mararating ang pangarap na sistema ng edukasyon na kayang makipagsabayan sa pandaigdigang pamantayan.

Sa huli, ang tanong: Magiging sapat kaya ang kaniyang liderato upang maiahon ang sektor ng edukasyon? Sa kasabihang "Ang tunay na ginto ay na- susubok sa apoy," ang kanyang liderato ay tiyak na masusukat sa darating na mga taon. Gayunpaman, sa mata ng mga umaasa, si Angara ang bagong bu-

ni Junine Magdaraog

“Katatapos ko la’ng po kasi ngayong 2024, pero ngayon nag-aaral ulit po ako ng DOCTORATE DEGREE!”

“Pumunta po ako sa Seoul National University!”

“I presented a Research paper and I was the only Filipino there!”

Tilay’y isang kuliglig ng simponya, ang hindi mabilang na mga salitang namutawi sa kaniyang bibig na kaniyang isinansan ng pampubliko. Naililok bilang mga linyahan sa mga manonood. Naikatha sa damdaming huwad ang katotohanang sipi. Isang kabahaging kabanata ng kaniyang buhay na kailanma’y hindi mawawaglit at mawawalay.

DEGREEang Flex

Noong ika-dalawampo’t lima ng Setyembre 2024, umugong at binatikos ng samo’t saring opinyon at reaksiyon ng mga manonood ang isang tanyag na “Contestant” sa isang pananghaliang pangtelebisyon na “It’s Showtime”. Kung saan, isinilid sa isang butas ng karayom sa sitwasyong kaniyang tinitirikan .

Pagkaraa’y ang nasabing “Contestant” na si Tony Dizon na isang Guro; na ang pangunahing itinuturong asignatura ay Literatura at Ingles. Siya umano’y nakapagtapos sa Saint Pedro Proveda College. Nanungkulan bilang isang guro ng walang taon.

Umarangkada siya bilang isang contestant na sasagot sa isang palarong

oras na naka-atang. Ang nasabing tanong ay mayroong kaakibat na puntos at salapi.

Nang umere na ang tanong, mabilis na nakapagbigay ng sagot si Tony Dizon, subalit tila’y pinagsakluban siya ng langit lupa nang hindi niya ito nasagutan ng wasto. Ang dating manghang-mangha at matinis na hiyawan ng madla ay nagmistulang tikom sa kakatwa.

Marami-rami ang nakapagbitaw ng buntong-hininga, nagpigil ng tili’t tawa, at higit sa lahat marami ang nalumbay at nadismaya—na nagbunga ng “Smart Shaming”. Habang siya’y tigang na tigang ang bibig. Sapagkat, sa salamin niyang aksiyon at naisansan niyang mga salita—ang mga manonoo’y umasa na kahit sa malimit na segundo’y masasagutan niya ito ng wasto. Sa kadahilanang

YAPAK NG PAG-USAD

Sa pasalin-salin na pag-inog ng mundo, pasalin-salin din ang dagim at kalbaryo. Hindi Ito katha o gawa-gawa ng mga bagay na nilikha. Sa isang lugar na pinupuno ng diwang humahabi sa nakataling hiwaga. Hiwagang nakakubli ang mga masisining na kathang bumabalot sa salamising tinubuan.

Kahariang Kapatagan.

Sagisag kung mahahalintulad ang bawat mandirigmang manlalayag. Ang lugar kung saan ang buhay ng mga mag-aaral ay nagsilbing yaman ng pangkalahatan. Dito nasimulan, naisaisip, at naisa-damdamin ng bawat mandirigmang mag-aaral ang kanilang kahusayan at kalinangan sa isang bagay na minsa’y huwad sa katotohanan.

Kahapong Sigalot.

Subalit, sa dagliang pag-patak ng na guping kahapon— kasabay ang duyog ng panahon. Ang pagdaloy ng Kahapong Sigalot ay nagbunga ng pandemyang hilahil; na siyang nagpalantay sa magilas na kaharian

ng Catarman National High School (CNHS). Ang mga dating estrakturang organisasyon ay isa-isang umurong at naupos ng mga yapak ang pangarap—tuluyang nilamon, naglaho’t nawasak sa bandang dapit-hapon.

Kalingang Pag-usad.

Sinimulan muling pagtagpi-tagpiin ng mga tagapamahala ng paaralan ang mga bagay na makapagbubuo sa nakagisnang tahanang tinubuan. Sa tulong ng tagapamunong mandirigma (Supreme Secondary Learners Government o SSLG). Hinimok at isinaayos ang mga nangangalawang bagay na kanilang kahapong nadatnan. Binigyang linang ang mga organisasyong makapag-aagapay sa iba pang karatig na silid-tuluyan ng mga mag-aaral.

Tuluyang ibinandila at nagkaroon ng mga iba’t ibang organisasyong—hinihimok at hinihiyasan ang kakanyahan at kahusayan ng bawat mandirigmang mag-aaral na nanatili sa paaralan. Bahaghari maging ang isang organisasyong muling

isa siyang gurong marami na’ng kaluwalhatiang nakamtam.

Kung gagalugarin sa kabahaging sulok, isa itong kamalayang sampal sa lahat ng mamamayang isinusulasok ang kaalaaman ng isang tao; sa rason na manguna’t maka-angat sa ibang tao. Ang kaugalian ng mga Pilipino’y hinidi

naibalik—ang "Samahang Paglilimbag" o mas detalyadong tanyag na "The Torch". Sa tulong ng kataas-taasang tagapamahala.

Kabahagi rin dito, ang organisasyong mayroong kamalayan sa abilidad, kakayahan, at talento ng ibang mga mag-aaral. Ito’y binibigyan ng pribelehiyo upang kumalinga sa mayro’ng mga katangiang natatangi—ang PAG o Performing Arts Guild. Hindi bilang sa daliri ang mga nanumbalik at magbabalik. Sapagkat, sinisimulan pa lamang ang manobrang paksa sa mga pahina.

Kasingtulad ng buhay ang mahabang landas—hindi laging tuwid. Minsa’y maliko, matarik at mabagal. Subalit, ang tanging maibubuo lamang ay simulang yakapin ang mga yapak at umusad. Kabahagi na ang daan na minsa’y naging rimarim ng karimlan. Ang bawat yapak ay ang bilang ng organisasyong—naiusad at umusad.

ni Mabille Banez
ni Mabille Banez

12 LATHALAIN

Mahilig ka rin ba sa mga bayani ng ating bayan? Na alamin at suriin ang kanilang kontribusyon sa lipunan? Tulad ba ni Jose Rizal, na nagsulat ng mga nobelang nagpamulat ng kaisipan ng mga Pilipino, o kaya’y si Gabriela Silang, na naging simbolo ng pakikibaka para sa kalayaan at karapatan ng mga kababaihan?

Sa ganang akin, may mga bayani ring hindi tanyag ngunit hindi mas mababa sa kanilang mga ambag. Meron tayong mga bayani sa mga ospital na tumutulong upang mapanatili ang ating kalusugan, mga kapulisan na nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad, at mga boluntaryo na naglalaan ng kanilang oras at panahon upang tumulong sa iba.

Sa lahat ng ito, ang aking paborito ay ang mga guro. Sila ay may mahalagang papel sa paghubog ng isipan ng mga kabataan at pagpapalago ng pagmamahal sa pag-aaral. Sa kanilang dedikasyon at pagsisikap, sila ang tunay na bayani ng ating makabagong panahon.

Pero ang tanong, alam ba natin ang kanilang pinagdadaanan?

Sa bawat taong sumasabak sa larangan ng edukasyon, tila ba humahawak sila ng apoy na dapat panatilihing nag-aalab kahit na malamlam ang kandila ng pagkakataon. Sa makabagong panahon, ang mga guro ay di lang basta tagapagturo—sila ay ina, ama, kaibigan, at tagapag-gabay sa kanilang mga estudyante. Ngunit paano nga ba sila nagtatagumpay sa isang sistemang tila bumibigat araw-araw?

Ang kalagayan ng edukasyon ngayon ay hindi madali. Hiling nila'y isang disenteng kabuhayan, ngunit tila lagi silang binibigyan ng tinik sa bawat rosas na kanilang inaasam. "Pagtitiis para sa kinabukasan," ika nga, ngunit hanggang kailan magtitiis?

Teknolohiya: Kaibigan o Kaaway?

Sa panahon ngayon, hindi na katulad ng dati kung saan libro at pisara lamang ang puhunan sa pagtuturo. Ang mga guro ngayon ay kailangang makibagay sa mundo ng teknolohiya. Sa isang iglap, kinailangang “mag-shift” mula sa tradisyunal na silid-aralan tungo sa mga digital na plataporma. Parang agos ng tubig ang pagbabago, mabilis at walang kapatawaran—ang mga guro ay kailangang sumabay o masasabing mahuhuli sa biyahe ng edukasyon.

Ngunit hindi rin maikakailang habang ang teknolohiya ay nagbibigay-daan sa mas mabilis na impormasyon, ito rin ay nagiging sanhi ng kawalan ng pukos ng mga estudyante. Kailangan ng guro ang pasensya ng isang magsasakang patuloy na nag-aararo sa lupa, kahit alam niyang darating ang unos.

Pakikisalamula sa mga Mag-aaral na may ibat ibang Ugali

Ang ugali ng mga estudyante ay isang hamon na laging kaharap ng mga guro. Sa bawat silid-aralan, makikita mo ang samu’t saring personalidad ng mga estudyante—may mga masisipag, mga pasaway, at may mga estudyanteng tila nawawala ang interes sa pag-aaral. Para silang mga magsasaka na nagsisikap sa bawat ani, hindi sigurado kung lahat ng kanilang itinanim ay tutubo.

Ang disiplina ay isang malaking hamon—may mga estudyanteng tila nawawala sa landas ng edukasyon dahil sa iba’t ibang impluwensiya. Kinakailangan ng guro ang hindi lamang karunungan, kundi isang puso na handang makinig, umintindi, at gumabay. Ang kanilang pasensya ay gaya ng isang basong palaging puno—hindi nauubos, kahit madalas na sinusubok.

SiGUROng

Kinabukasan

ni Junine Magdaraog

LATHALAIN 13

Patong-Patong na Papel at Gawain

SiGUROng Kinabukasan

Hindi natatapos sa pagtuturo ang trabaho ng mga guro. Pagkatapos ng klase, naghihintay ang sandamakmak na mga papel na kailangan nilang suriin—mga exams, assignments, at reports. Para itong bundok na patuloy na tumataas sa bawat araw. Bukod pa rito ang mga meetings, seminars, at trainings na kailangang salihan. Ang kanilang oras, na sana’y para sa sarili o pamilya, ay madalas nalalaan sa mga ganitong gawain.

Para silang mga makina na walang tigil sa pag-andar, ngunit tao rin sila na napapagod. Ang mabigat na trabaho ay kadalasang nagdudulot ng “burnout," ngunit patuloy silang lumalaban dahil alam nilang may mas malaking layunin sa kanilang ginagawa.

Pagharap sa Kritiko ng Lipunan

Isa pang hamon sa pagiging guro ay ang mga kritisismo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Maraming inaasahan mula sa kanila—ang mga magulang, ang paaralan, at maging ang gobyerno. May mga pagkakataon na tila binibigyan sila ng mababang pagpapahalaga, at ang kanilang sakripisyo ay hindi gaanong napapansin.

Ang mga guro ay parang isang puno ng mangga—madalas binabato kapag may bunga, ngunit nakakaligtaan kapag walang inaani. Patuloy silang naglilingkod sa kabila ng mga pintas at kakulangan ng suporta, dahil alam nilang ang kanilang misyon ay magmulat ng isipan at magturo ng kabutihan.

Sila ay may mahalagang papel sa paghubog ng kinabukasan ng lipunan. Sa kanilang pagharap sa mga kritiko, ipinapakita nila ang kanilang katatagan, dedikasyon, at pagmamahal sa kanilang propesyon. Sa kabila ng mga hamon, patuloy silang lumalaban para sa karapatan ng mga estudyante sa makatarungang edukasyon at sa pagtataguyod ng mas mabuting lipunan. Sa ganitong paraan, sila ay nagiging tunay na bayani sa ating komunidad.

Para sa kinabukasan

Kahit sa harap ng lahat ng pagsubok—mababang sweldo, teknolohiyang nagpapahirap, at mga estudyanteng nawawala sa landas—ang mga guro ay nananatiling matibay. Ang kanilang pangarap ay hindi para sa kanila, kundi para sa mga batang kanilang ginagabayan. Sa bawat pagtuturo, sila’y humahawak ng isang pangarap—isang ilaw na kanilang nais ipasa sa mga kabataan, upang ito’y magningning sa hinaharap.

Tunay na ang pagiging guro sa makabagong panahon ay isang trabahong puno ng kalbaryo, ngunit sa kabila ng lahat ng ito, patuloy silang bumabangon. Ang pagiging guro ay isang panata—isang pangakong hindi basta-basta sinusuko, sapagkat para sa kanila, ang edukasyon ay hindi lamang trabaho; ito ay isang misyon na puno ng pag-ibig at pagsasakripisyo.

"Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin," at ang mga guro, kahit maraming pagsubok, ay nagtatanim ng kaalaman at pagmamahal sa bawat estudyanteng kanilang inaakay.

AG-TEK

PEPITOng Hagupit, Kapit-Mahigpit

Pagbaybay ng nangangalit na bugso ng hangin tungo sa mga kabahayan ang unang sumasagi sa isipan ng tao pagdating sa usapang bagyo. Kung paano ito nanalasa, at kung ano ang naidulot ng hagupit nito sa mga tao.

Ipagpalagay mong may labahang damit kang inilagay sa isang makinang panlaba at itinakda mo ito sa pinakamalakas na pag-ikot kasama ng nagraragasang tubig— ganyan ang maaaring mangyari sa isang komunidad na naapektuhan ng malakas na bagyo.

Tila nakalabit ang pangamba ng mga tao nang pumasok ang Bagyong Pepito na kilala rin sa pangalang Man-yi, noong Nobyembre 2024 na itinaas bilang isang Super Typhoon, ayon sa ulat ng PAGASA. Naitalang nakaranas ng Wind Signal No. 2 ang Silangang bahagi ng Northern Samar na siyang gumatong sa takot ng mga tao.

Malagim na Alaala ng Nakaraan

Sa banta ng daluyong ay inasahan ang mga mamamayan na maging handa. Pinangambahan ng mga mamamayan ang sitwasyong ito at naihalintulad sa trahedyang dulot ng Bagyong Yolanda. Malalamang ito’y nag-iwan ng malagim na alaala sa mga tao, lalo na sa Tacloban. Bagama’t mahirap matukoy kung ano ang magiging epekto ng Bagyong Pepito, ang takot ng mga tao ay dumadaloy rin mula sa kanilang karanasan sa mga nagdaang kalamidad.

Mukha ng Katatagan

Gaano man kabigat at kahirap ang mga pinagdaanan ng mga mamamayang nasalanta ng unos ay nakita pa rin sa kanilang mga mukha ang bakas ng pagiging matatag sa pagkamit ng mga hamon sa buhay. Hindi ito naging hadlang upang umahon sila sa alaalang ni minsa’y hindi nila inaakala. Ang mga naturang delubyo katulad ng Bagyong Pepito ay ginawang hamon ng mga tao nang sa gayon ay makapagsagawa sila ng tamang hakbang sa pagsugpo nito.

AI TOOLong sa Dunong

Nahirapan ka na ba sa isang 500-salitang sanaysay, o sa isang mahirap na problema sa math? Bago pa man tayo makaramdam ng sobrang stress, may solusyon na! Sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, mayroon

aysay hanggang sa pagsagot sa mga kumplikadong equation. Lahat ng ito ay dahil sa Artificial Intelligence (AI).

Ayon sa isang pag-aaral ng Linkee, ang Pilipinas ay pang-apat sa mundo sa dami ng paghahanap tungkol sa AI, lalo na sa mga estudyante. Marami ang gumagamit ng mga AI tools gaya ng ChatGPT para sa pag-aaral.

Ginagamit sa iba’t ibang larangan ang AI. Maaaring sa healthcare, marketing, finance, transportasyon, at marami pa. Malaki ang potensyal nito na baguhin ang ating buhay, lalo na sa edukasyon. Nakakatulong ito sa mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Pero gaya ng lahat ng bagay, mayroon din itong masamang naidudkadahilanang madali itong gamitin at halos nagagawa nito ang mga kailangan natin, hindi maikakaila ang posibilidad na umasa na lamang ang tao rito. Isang pag-aaral, “Is it harmful or helpful? Examining the causes and consequences of generative AI usage among university

students,” ang nagpakita na ang labis na paggamit ng ChatGPT ay maaaring magdulot ng procrastination, pagkawala ng memorya, at mababang grado.

Kaya, nakasasama ba talaga ang AI sa ating pag-aaral?

Ang lahat ng bagay ay mabuti kung nasa tamang sukat. Kung kaya’t maaaring pumigil sa atin na matuto at umunlad ang labis na pagdepende sa AI. Mahalaga na gamitin natin ito nang responsable. Oo, nakatutulong ito para mabawasan ang tambak na gawain natin, pero hindi dapat natin kalimutan ang kahalagahan ng sariling pagsisikap.

Aminin mang mahirap ang mga takdang aralin, ngunit mas mahirap na umusad nang walang natutunan dahil inasa lang sa AI ang lahat ng dapat tungkulin bilang isang mag-aaral. May positibong epekto ang pagsubok na gawin ang mga bagay sa sarili nating kakayahan.

Sa huli, ang AI ay isang malaking tulong, pero hindi ito dapat maging kapalit ng ating sariling gampanin– magamit sana ito upang patuloy pang magpursigi dahil sa abot-kamay na pagkukunan ng kaalaman. Magsisilbi itong tulong hanggat nasa wastong dunong ang paggamit ng mga mag-aaral.

ni Graciano Alazo at Arianne Ariola
ni Graciano Alazo
kuha ng CNN

AG-TEK 15

Tulong-Sulong

Hindi naman nagpasubali ang gobyerno sa paghahatid ng isang magandang balita na magbibigay ng pag-asa sa mga salat na apektado ng bagyo. Alertong umaantabay ang mga awtoridad at nakibahagi sa mga aksyon bilang paghahanda sa nasabing kalamidad. Patuloy ang aktibong pagmata ng DOST-PAGASA at walang palyang nagbibigay ng mga detalyadong ulat hinggil sa kalagayan ng bagyo.

Bilang payo ay inatasan ang mamamayan na lumikas at maging mapanuri sa mga hakbang na dapat gawin. Ang naturang bagyo ay isang paalala sa kahalagahan ng pagiging matatag at handa sa anumang unos na darating. Kahit gaano pa kalupit ang hagupit ang isang bagyo, wala pa ring tatalo sa komunidad na handa at alerto. Ang pagdaan ng Bagyong Pepito ay isang patunay at pagsubok sa katatagan ng mamamayan. Basta’t kapit-mahigpit— walang mabisang solusyon ang ‘di makakamit.

Pribadong impormasyon: Ingatan

Sa ika-21 siglo, mabilis na umusbong ang teknolohiya at nagdala ng isang bagong panahon: ang panahon ng social media. Tulad ng isang bagyo, mabilis itong kumalat sa buong mundo at nag-iwan ng malalim na marka sa ating pamumuhay. Sa isang banda, nag-aalok ito ng maraming benepisyo, tulad ng madaling pag-access sa impormasyon, pagkakakonekta sa mga mahal sa buhay kahit malayo, at malayang pagpapahayag ng ating mga saloobin at damdamin.

Ngunit sa kabila ng mga benepisyong ito, mayroon ding mga negatibong epekto ang social media. Dahil sa mabilis at madaling paraan ng komunikasyon nito, madalas itong nagiging sanhi ng mga hindi pagkakaunawaan. Halimbawa na lamang, ang kaso ng isang sikat na artista at ng kanyang partner— nang mabunyag ang isang pribadong usapan, nagkaroon ng malaking kontrobersya sa social media.

Maraming tao ang nagkomento at nagbigay ng kanilang opinyon tungkol

sa isyu, kahit na ito ay isang pribadong bagay. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita kung gaano kahalaga ang pagrespeto sa privacy ng ibang tao.

Bilang tugon sa mga ganitong isyu, nagpatupad ang Pilipinas ng Data Privacy Act of 2012. Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang personal na impormasyon ng bawat indibidwal at maiwasan ang pag-abuso dito.

Ang social media ay isang malakas na kasangkapan na maaaring mag-

amit sa mabuti o sa masama. Mahalagang maging maingat tayo sa paggamit nito at respetuhin ang privacy ng ibang tao. Dapat tayong maging responsableng digital citizens at kumilos nang may pag-iingat upang maiwasan ang mga hindi magandang pangyayari.

Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, dapat tayong maging handa na harapin ang mga hamon at oportunidad na dulot nito. Nang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan— mahahalagang impormasyon ay ingatan.

ni Louie Loberiano kunha ng ABS CBN

ISPORTS

Tagisang Gilas-Lakas

Nagbigay daan ang maingay na pagbubukas ng Catarman National High School Athletic Association (CNHSAA) Games Season 41 para sa naglalagablab na determinasyon na naipamalas ng pinagsamang lipon ng mga estudyante at guro.

Alinsunod sa Executive Order No. 64, s. 1993 (Adopting the National Policy and Program of “Sports for All” by All Concerned Government Agencies) at sa layunin ng DepEd na isulong ang pangkalahatang kabutihan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng palakasan o sports.

Banaag sa bawat lundag na sinasabayang hiyaw ng mga mag-aaral, ang kasiyahan at kagustuhang sulitin ang mga kaganapan ngayong Intramurals 2024. Madidinig ang kanilang tinig na nagpapahiwatig na hindi lamang sa paghawak ng panulat at papel makakukuha ng aral, kundi sa tagisan ng

lakas at pisikal na kakayahan.

Mahalagang maunawaan na ang adhikain ng iilan ay hindi lamang matatagpuan sa linya ng mga papel, kundi sa aktibong pakikilahok sa mga pisikal na aktibidad. Nagsisilbi itong kapahingahan ng mga mag-aaral mula sa araw ng kanilang klase, at nagbibigay naman ito ng pagkakataong tumambad ang kanilang pagkatao sa labas ng silid-aralan; kung saan nakatatagpo sila ng mga kaibigang tumutugma sa kanilang interes, at naisasabuhay ang tinatawag na ‘sportsmanship’.

Earth Kingdom Umarangkada sa Pangkalahatang Tally sa

CNHSAA Season 41 Games

Sa pagtapos ng tagisan ng lakas at galing sa nagdaang CNHSAA Season 41 Games noong Setyembre 26, 2024, sinikwat ng Earth Kingdom (Team Green) ang koronang magdadala sa kanila sa unang pwestog may pinakamaraming gintong medalya.

Apat na grupo ang sumali sa bawat palaro ng kaganapang CNHSAA kung saan kinabibilangan ng Earth Kingdom (Team Green), Water Tribe (Team Blue), Air Nomads (Team Yellow), at Fire Nation (Team Red).

Nakamit ng Team Green ang kabuuang 151 na puntos kung saan hinalo ito ng 36 gold, 17 silver, at 9 bronze medals. Tinapos ng mga earth

benders ang labanan sa loob ng anim (6) na puntong agwat sa pumapangalawang koponan, ang Air Nomads (Team Yellow).

Sa lahat ng nilahukang kaganapan maging isports o non-isports, ipinamalas ng mga manlalaro ng Earth Kingdom ang kanilang katapangan, galing at tiyagang nagpapatunay na sila ang pinakamalakas sa lahat ng

koponan. Ang Earth Kingdom ay mananatili sa kanilang pwesto bilang pinakamagaling hanggang sa susunod na season ng CNHSAA Games.

Dedepensahan muli ng Team Green ang titulong kampeon sa susunod na isa pang kapana-panabik at maapoy na kompetisyon.

Higit pa, ang pagsasagawa ng intramural sports ay nagpapahintulot sa mga mag-aaral na subukan at gawin ang mga bagay na hindi pa nila naranasan noon. Sa kadahilanang, bukas ang mga gawaing ito para sa mga baguhan. Hindi alintana kung anong antas ng kasanayan ang taglay ng isang mag-aaral o kung gaano karaming karanasan ang mayroon sila.

Hangga’t may kakayahang magpakitang-gilas, at maglaan ng lakas — makasasabay sa bugso ng Tagisang Gilas-Lakas.

ni Catherine Sumagaysay at Marielle Tobiaso
ni Arianne Ariola kartun ni Alessandra Ortego

CNHS Inangkin ang Panalo sa Unit Meet; Sakay sa Biyahe Tungo sa NSPAA Meet

Ninamnam ng mga atleta

ng Catarman National High School ang tamis ng mala-milyong pisong tagumpay nang maibulsa sa nagdaang Unit Meet ang gintong tiket na magdadala sa kanila sa paparating na Northern Samar Provincial Athletic Association (NSPAA) Meet sa Enero 12-16 ngayong bagong taon ng 2025.

Nang matapos ang event noong December 5-7, ipinamalas ng mga manlalaro ang kanilang gilas at bangis sa bawat isports na kanilang ginanapan. Ang mga isports na ito ay Aero Gymnastics, Archery, Athletics, Badminton, Basketball, Chess, Table Tennis, Taekwondo, Tennis, Volleyball, at Wushu.

Mala-Paskong pinaulanan ang CNHS ng gantimpala na tila'y resulta ng paghihirap at dedikasyon ng mga manlalaro nito. Ang susunod ay ang bawat gintong napanalunan ng mga atleta:

Aero Gymnastics:

Aero Solo (Male) - Ryan Villezar (Gold)

Aero Solo (Female) - Jane Marsha Camposano (Gold)

Aero Duo - Ryan Villezar, Jane Marsha

Camposano (Gold)

Aero Trio - Ryan Villezar, Jane Marsha

Camposano, Elaiza Belas (Gold)

Coach: Angela S. Dosmanos

Archery:

60 Meters - Mark Brandon L. Fulgar (Gold)

70 Meters - Mark Brandon L. Fulgar (Gold)

Team Event - Mark Brandon L. Fulgar (Gold)

Olympic Round - Mark Brandon L. Fulgar (Gold)

Coach: Mary Lucille L. Gimena

Athletics:

200 Meter Run - Sean Cesar Co (Gold)

800 Meter Run - Dhenz Mielfren Villanueva (Gold)

1500 Meter Run - Gleen G. Vibar (Gold) 5000 Meter Run - Jake P. Andales (Gold)

4x100 Meter Relay - Sean Cesar Co, Niño Urylle Talavera (Gold)

4x400 Meter Relay - Dhenz Villanueva, Gleen Vibar (Gold)

Coach: Joann G. Barcia

Badminton:

Singles Category (Boys) - Kevin Roger B. Arniño (Qualifier)

Singles Category (Girls) - Bea Alfie F. Frigilliana (Gold)

Doubles Category (Boys)Kent Justine B. Arniño, Arnel Fretz T. Delorino (Gold)

Doubles Category (Girls)Aleah Mae Y. Longcop, Leona Arabela S. Guevara (Gold)

Coach: Mylene O. Ymata, Diamarie Mae A. Lathrop

Basketball:

Coach: Marjo O. Virtudes

3x3 Girls Category (Gold):

-Charisma L. Alvez

-Janela Claire C. Mendoza

-Alma D. Salazar

-Shiela Mae P. Vibar

Coach: Maria Milissa Fernandez

5x5 Boys Category (Gold):

-Carl Andie A. Alterado

-Seth Dominic Lebron J. Anaviso

-Edrian M. De Alagdon

-Charles B. Dosmanos

-Julian Ray L. Espiña

-Girianne Paul B. Marino

-Miguel III J. Mijares

-David Angelo C. Montes

-Reniel Rex L. Pelito

-Sam Karl A. Sanico

-Mark Gabriel A. Tan

-Mark Jaspher P. Vibar

Coach: Genesis Desucatan

Chess:

Blitz Individual (Girls) - Christelle Grace

C. Corona (Gold)

Blitz Team Category - Unit 3 (Gold)

Standard Individual (Girls) - Precious

Miaka D. Cloma (Gold)

Standard Team Category - Unit 3 (Gold)

Coach: Romeo C. Vibal

Table Tennis:

Boys Category (Gold):

-James Ivan O. Ditchon

-Prime Godfrey O. Acol

-Yven Geoffrey O. Acol

-Royd Vince Letran

Coach: Jerry D. Acol

Girls Category (Gold):

-Anika Kim P. Bustillo

-Denniese Marie Andales

-Arian Loberiano

Coach: Niña N. Rivera

Taekwondo:

Kyorugi Boys Category (Gold)

-Anthony Pantua

-Ishmael Forteza-1st placer

-Gleipnir Castillo-1st placer

-John Carlo Castillo-1st placer

Kyorugi Girls Category (Gold):

-Ylieza Mae Desoloc-1st placer

-Francis Ethan Lim-1st placer

Coach: Andrew Lucky Sanoria

Tennis:

Singles Girls Category (Gold):

Singles A. - Chelsea T. Briones

Singles B. - Alexandra Carmen C. Ytur

riga

Doubles Boys Category (Gold):

-Jhester Malabon

-April Carl Sabas

Coach: Romulo A. Dente

Volleyball:

Boys Category (Gold):

-Richard Bocboc

-Eldrin Tan

-Kurt Gabriel Sanchez

-Christopher Von Colinares Coach: Jerry D. Arogante

Wushu:

45kg Category B - Jake M. Corsino (Gold)

48kg Category A - Gian James P. Haberle (Gold)

52kg category A - Quim Jay O. Legarse (Gold)

56kg category A - Argie S. Surio (Gold)

Coach: Coach Von Benedict Gallano, Bernalyn G.Gimena

Muling naghahanda ang bawat atleta ng CNHS para sa susunod na mabagsik at madugong palaro sa paparating na NSPAA Meet kung saan higit na malakas ang inaasam na kompetisyon para muling iangkin ang ginto.

3x3 Boys Category (Gold):

-K-J Karl G. Marino

-Jun Kim C. Felonia

-Nathaniel B. Obong

-Joshua Aron Saludario

-MJ Sabilao

-Jhon Stephen S. Metran

-Xyrex Raven Dones

-Kim Jomar Lovino

-Salvador Emmanuel Sales

-Junrey Andura

ni Jan Marlu Alido
Photo by Leo Andrei Ortego

isports

opinyon

BALANSENG RESPONSIBILIDAD

Sa bawat tagumpay na nauukit sa palad ng mga student ath- lete, may mga bagay parin sila na minsa'y hindi nabibigyan ng pagpapahalaga. Isa sa mga suliranin na ito ang pagbibigay ng pansin sa mga pangakade- mikong bagay na humuhulma sa kabuuang pagganap ng at- leta.

Gayunpaman, hindi ito lubusang nagagampanan ng estudyante, kadalasan ay mas pumupukos sila sa tu- loy-tuloy na pag-eensayo upa- ng malinang ang kanilang lak- as at kakayahan.

Bunga nito, lumiliit ang kanilang grado sapagkat hindi sila nakakapasa ng mga takdang-gawain. Dahil dito, naiisip minsan ng mga guro na bigyan na lamang sila ng marka sapagkat sa bawat la- ban nila, dala-dala ang dan- gal at ngalan ng paaralan. Ito ba'y makatarungan at sumas- alamin sa isang atletang mag- aaral.

Ang lahat ng ito ay panandalian at panakip butas lamang at hindi nagpapakita ng tunay na kampeon na kayang bal- ansehin ang paglalaro at pag-aaral na nararapat isi- pan ng mga kabataan.

Bilang tugon, marapat sanang palawakin nila ang kanilang pagtingin at prespektibo sa pagtugon ng pangangailangan. Siguraduhing bal- anseng nabibigyang-pansin ang bawat responsibilidad, hindi lang sa paglinang ng kakayahan, pati narin sa isipan ng bawat mag-aaral. #

mganilalaman

Balita

Panitikang Pinatibay: Mga Estudyante nakilahok sa Literature Cosplay

Opinyon

GURO, Hindi Biro

Lathalain

SiGURONG Kinabukasan

Ag-tek

AI TOOLong sa Dunong

Isports

CNHS Inangkin ang Panalo sa Unit Meet; Sakay sa Biyahe Tungo sa NSPAA Meet

Hagayhayang Tatak ng Karanasan

Kahiwagaan, na parang isang tanikalang yumayapos sa pagkakakilanlan ng mga mag-aaral. Hindi mariing maitatanggi ang mga bakas na kagalakan at kasiyahan; mga emosyong namimilaylay sa bawat wani ng silid-aralan. Subalit, kahit sa paglundag-lundag ng mga paa ng mag-aaral ay may kaakibat pa ring panghihinayang dumadatal at lumalamat sa kaibuturan ng bawat isa.

Nang muling umugong ang daguhoy ng palarong CNHSAA Season 41 o Catarman National High School Athletic Association, sumibol ang kakaibang ningas ng paglalayag upang lipunin ang mga mag-aaral na mayro'ng natatanging kakayahan sa buong kampus. Tinuringan na parang isang bagwis ng lawing nagngangalit na tumalilis sa isang punlo.

Nasaksihan ng mga mata ang galaw at kakatwang halawhaw ng bawat—mag-aaral, guro, tagapagturo, at mga atleta kung gaano karahurahuyo ang kaganapan ng unang araw ng CNHSAA Season 41—na kung saan pinatunayan ito ng mga iba't ibang aktibidad. Kagaya na lamang ng Cheerdance at Atletang palaro. Ito'y binigyang datal na kahit sa malimit na oras ay sumibol ang bahagharing karanasan sa mga madla at maibalik ang dating na lantay na sigla sa loob

ng kampus. Hindi lamang sa paraang makapagpapalugod sa lahat, kundi sa paraang layuning magpalinang sa kakayahan ng bawat isa.

Datapwat, hindi pa rin mawawaksi ang adhikain na hangaring magwagi at makamtan ang gintong parangal sa pakikilahok sa larangan ng paglalaro. Dahil ito ang magsasagisag sa pagkakakilanlan ng bawat isa. Sa kadahilanang, makatatagpo sila ng kabahaging pahina ng kanilang sarili: na mag-aagapay at maglalahad ng kamay sa paglalayag nila sa kani-kanilang sariling paksa't tinta.

Ika nga ng isang tinatanglaw na atleta, "It's the most tiring-funbreak that the school could ever give to the students. To test on how far will they go with being a student athlete."

Higit na malililok ang karana-

sang nalipon sa simula't hangganan. Hindi magiging basehan ang anas na sumisimbolong tagumpay kung ang karanasan ang siyang mawawaglit at mawawalay sa mga atleta't mag-aaral.

Sa pag-inog ng mundong ibabaw, na kung saan ang pundasyon ng pagiging mahusay sa iba't ibang larangan lalong-lalo na sa aspeto ng kagalingan sa pisikal na aktibidad ay binabatay sa kabuoang tilamsik ng kulay amarilyong parangal at mga sertipikong marilag na pinapaskal. Hindi sa daan na dalisay—na kung saan sinisimbolo ang bilang ng pagod, paninindigan, prinsipyo at determinasyon.

Kung saan, nadaraig ang Hagayhayang Tumatatak sa natatanging Karanasan ng mga atleta't magaaral sa matayog nilang paglalayag sa adhikain ng kanilang abilidad.

ni Mabille Banez Kuha nila Miles Camba, Danna Borja at Shanaia Bucao

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.