
1 minute read
Quarantine
from TABLOID
by Lovely Jobhel O Medina
������. Hindi ito ang unang beses na umupo ako sa tabi ng pisara. Tanda ko pa kung ilang beses tinapik ng nars ang aking balikat para pakalmahin. Bilang isang guro, hindi ko lubos maisip na babalik ako sa paaralan upang tapusin ang labing apat na araw na pagkakahiwalay sa tunay na mundo.
Advertisement
������������. Malimit ko nang makita ang mga batang nakaupo sa magkapares na hilera. Ang ingay mula sa tawanan ng mga musmos ay tila sobrang napalakas, hindi ko halos marinig. Ang isip ko’y kusang binabalik, mga alaalang bumuhay sa apat na tabiki.
����������. Sa mga minutong napapatulala ako, rinig ko ang mga boses na tila hangin ang may dala. Guni-guni ko nga lang ba? O, ako’y nababaliw na?
��������. Sa bawat sulok ng dating silid-aralan ay nararamdaman ko ang lamig. Ito ba’y dulot ng mga nawalang tawanan? O, hatid ng mga taong hindi natapos ang labing apat na araw?
��������. Ito ang bilang kung ilang beses bumaba sa lima ang oximeter habang nakakabit ang oksidyen sa akin. Hindi ko malilimutan ang imaheng nakasilip sa pintuan at tila ngumiti pa sa akin bago ako kinuha ng panaginip.
��������. Dama ko ang kaginhawaan sa sakit. Nakita ko ang musmos na ako’y pilit hinahapit. Ang ingay na naririnig ay kaboses ng estudyante kong nasa ilalim nang dahil sa mikrobyong pakalat-kalat sa hangin
"Ma'am, uwian na po. "
Nag-aaway na ang araw at buwan nang idilat ko ang aking mga mata. Doon ay napukaw ang aking atensyon sa liwanag sa pintuan, "Good bye, Ma'am. See you tomorrow."