2 minute read
Filmmakers Unite in the 3rd
MIFF
|| Angelica “Fujie” Matabang
Advertisement
Muntinlupa Filmmakers, together with the Film Institutional Society of PLMun (FISP), held the 3rd Muntinlupa Independent Film Festival (MIFF) in Museo ng Muntinlupa with the theme “REPLAY: Digging Through Time.”
This year’s film festival includes three categories: nine Narrative, four Documentary, and four Experimental entries. The panel of judges are Prof. Mary Joy Cerillo, Dir. Marvin Nofuente, and Dir. Celina Mae Medina.
The opening ceremony was held on November 22, 2022. Dr. Jaime Gutierrez
Ang and Ms. Sarah Bendaña, led the ribboncutting, together with Mr.Jeff Rante, Mr. Ace Aclan, Engr. Peter Allan Mariano, Mr. Miguel Aurellano, Dir. Soraya Villanueva Rivera, Dir. Celina Mae Medina, and Dir. Marvin Nofuente.
Here is the list of official entries for MIFF
2022:
NARRATIVE:
“Alagwa,” directed by John Lery Brown
“Andukha,” directed by Keanalyn Luayon
“Kwatro Kanto,” directed by Ramon Gamay
Jr
“Lakbay Balik,” directed by Jerald Bellen
“Ligaligin,” directed by Keanalyn Luayon
“Salamisim,” directed by Mourane Ellasus & Melauren Eraya
“Silay,” directed by Julliane Ivan Pagal
“Time Capsule,” directed by Ice-Relle
Lumanglas
“Thraia and Her Forgotten Memory,” directed by Thomas John Armas
DOCUMENTARY:
“Albularyo,” directed by Aiko Magdalita
“Batang Munti,” directed by Rosemarie Lapaz
“Lolo Tangke,” directed by Angelina Nicole Prudente
“Sabaw at Gatong,” directed by Kimberly Oliveros
EXPERIMENTAL:
“Panimdim,” directed by Jasmin Grace
Manuel
“Reverse,” directed by Cedric Erroll Pableo
“Solusipse,” directed by Jhun Mark Peniones
“Upos,” directed by Fujie Matabang
The film entries were premiered on November 23, 24, and 26 in Museo ng Muntinlupa. Entries will also have its screening on MIFF partnered platform, Mulat Media.
The awarding of entries will be on December 7, 2022.
Moreover, MIFF is now under Museo ng Muntinlupa and no longer affiliated with PLMun. <w>
Marahil ay bunsod lamang ng matatamis na salita ang tinuran ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang ipinahayag na suporta sa karapatan ng mga mamamahayag at midya.
Wala pa ring katapusang babala at pananakot ang natatanggap ng mga tahasang tumutuligsa sa gobyerno. Tila ba ay naglalaro ng tagu-taguan ang mga mamamahayag, brodkaster, at tagapagtaguyod, kasama ang hindi nila kilalang mga personalidad. Ngunit walang makatukoy kung sino ang taya at kung sino ang mamamatay sa oras na mahuli.
Sa pagsisimula ng bagong administrasyon ay muling nagpatuloy ang pagpatay sa mga nasabing personalidad. Hindi pa rin tapos at marahil ay hindi matatapos hangga’t hindi nabibigyan ng mukha ang mga pumaslang sa mga unang biktima. Ilan sa mga matutunog na pangalang nagpanumbalik ng takot sa kanila ay sina Percy Lapid at Benharl Kahil. Pauwi si Lapid, isang mamamahayag na brodkaster, lulan ng kanyang sasakyan, nang tambangan siya ng sinasabing inupahang mamamaril na si Joel Escorial noong ika-3 ng Oktubre. Sa kabilang banda ay pinaulanan naman ng bala si Kahil, isang guro at kartunista, ng hindi pa nakikilalang salarin.
Hindi na bago ang ganitong laman ng balita o ang tugon ng mga nakakarinig. Habang mainit pa ang isyu ay pagpipistahan ng midya at awtoridad, ngunit lilipas ang ilang buwan o taon ay makakalimutan din ito ng mga tao. Parang isang normal na pangyayari kung saan isasarado ng pulisya ang kaso at kikimkimin ng pamilya ang lungkot. Ngunit walang nahahatulang may sala o kung mayroon man ay hindi napipiit sa tamang hantungan dahil may kinakapitan.
Walang nakasisiguro kung anong klaseng tao o saang pangkat ng lipunan nabibilang ang pumaslang sa mga naunang biktima. Dahil paano sila makikilala kung parating nauuwi sa saradong kaso o mabagal na proseso ang aksyon doon?
Kung totoo ang suportang iginigiit ng pangulo, isa ito sa mga dapat mabigyan ng aksyon. Ngunit sa kasalukuyang nangyayari, mabagal pa rin ang sistema ng hustisya. Marami ring naisisiwalat na katiwalian sa sistema ng kawanian ng pagwawasto. May mga nakakatakas sa panunuri. At nababaon na lang sa limot ang mga insidenteng nagbalot ng takot sa mga natitirang taong matapang na ipinagpapatuloy ang layunin ng mga yumao.
Kailangan pang matapos ang buhay ng isa na namang mamamahayag upang lumabas ang bulok na sistema ng pagwawasto sa bansa. Sa pagkamatay ni Percy Lapid, napatunayan na ang kanyang