TINIG TAMARAW Tomo 1 Bilang 1

Page 1


TINIG TAMARAW

OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG FEU HIGH SCHOOL

DAGDAG-SINGIL

FEU HS, nanindigan sa P650 ‘research fee’; Tams, umalma

Pinagtibay ng pamunuan ng FEU High School (FEU HS) ang P650 dagdag-singil sa mga estudyante bilang ‘research fee’ kada research subject simula ngayong taong panuruang 2024-2025, bagay na inalmahan ng mga mag-aaral.

Kamakailan lang ay umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga estudyante ang nasabing research fee na hiwalay sa tuition at miscellaneous fee kaya maging ang mga iskolar ng paaralan ay hindi rin ligtas sa dagdag-singil.

Bilang tugon ng Academic Affairs Offce (AAO) sa liham na ipinadala ng FEU HS Student Government (FEUHSSG) patungkol sa hinaing ng mga

mag-aaral, iginiit nitong naipaalam ang dagdag-singil sa mga kinatawan ng estudyante at magulang bilang parte anila ng tuition fee consultations noong Enero 24, 2024.

“During the tuition fee consultation and open forum, everyone showed their support. No questions were raised about the proposed fee,” saad ng AAO.

(Noong tuition fee consultation at open forum, naghayag ng suporta ang lahat. Walang katanungan na naihayag patungkol sa panukalang bayarin.)

Binigyang-linaw din ng pamunuan ang nilalaman ng research fee at kung saan mapupunta ang malilikom

Upang habulin ang school calendar... FEU HS, nagtakda ng saturday classes

Ipinatupad ng FEU High School ang Saturday classes para sa ikalawang semestre alinsunod sa anunsyo ng Department of Education (DepEd) na mas mapapaaga ang school calendar sa susunod na taong panuruan, bilang hakbang upang maibalik ang academic calendar sa Hunyo.

Iniulat ng DepEd na ang kasalukuyang taong panuruan ay magtatapos sa Mayo 31 sa mga pampublikong paaralan , at ang kanilang bakasyon ay mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 26. Dahil dito, itinakda ng FEU High School ang pagtatapos ng klase ng mga kasulukyang mag-aaral nito sa Mayo 9 habang magsisimula naman ang panuruang taong 2025-2026 sa Hulyo 7. Upang mahabol ito, sampung asynchronous Saturday classes ang inilaan para sa mga Tamaraw: Enero 25, Pebrero 1, 8, 15, 22, Marso 22 at 29, Abril 5, 12, at 26.

Ayon sa liham ng FEU HS Offce of the Academic Affairs, binago rin ang iskedyul ng mga pagsusulit para sa midterms at fnals na ngayon ay nakatakda na sa Marso 4-7 at Mayo 6-9, ayon sa pagkakabanggit. Ipinahayag ng tanggapan na “Saturday asynchronous classes will provide fexibility for our students while helping us complete the necessary academic hours.”

(Ang asynchronous na klase tuwing Sabado ay magbibigay ng kakayahang umangkop para sa mga mag-aaral habang tinutulungang makumpleto ang kinakailangang oras ng akademiko.)

Gayunpaman, hindi maiiwasan ang pangamba ng ilan sa mga estudyante.

Ibinahagi ni Vryelle Jordine Flores, punong kinatawan ng 11 STEM 5A, ang kanyang saloobin, aniya, “As a class mayor, I think na ang pagkakaroon ng fast-paced environment ng Saturday classes ay mas binabawasan ang pagkakaroon ng pahinga ng mga estudyante. Ngunit, intindi ko naman na kailangan nila sumunod sa higher-ups.“ Gagamitin pa ring ng paaralan ang learning management system nitong Canvas, para sa paglabas ng mga learning materials at direksyon ng mga guro tuwing Sabado.

mula rito.

“The research fee will cover the research adviser’s fee, expert research panel chairperson and the two panel members, and panelist’s snacks and lunch,” pahayag ng AAO.

(Sasagutin ng research fee ang bayad sa research adviser, expert research panel chairperson, at dalawang panel members, at meryanda at tanghalian ng panelist.)

Binigyang-punto rin ng AAO ang rason sa paghiwalay o hindi pagsama ng nasabing bayarin sa tuition o miscellaneous fees na binabayaran ng mag-aaral.

RESEARCH FEE SA FEU

Programa para sa nasalanta ng mga bagyo, isinulong ng SG

Sa layuning matugunan ang pangangailangan ng mga estudyanteng naapektuhan ng bagyong Kristine at Pepito, muling inilunsad ng FEU HS Student Government (FEUHSSG) ang ‘Hands On, Hearts Open’ sa pamamagitan ng online sensing forms noong Oktubre 24 at Nobyembre 18. Ayon sa pangulo ng FEUHSSG Aubrey Nieva, nagtalaga sila ng mga Student Grievances Administrators upang direktang makipag-ugnayan sa mga estudyanteng nagpahayag sa sensing forms na nangangailangan ng agarang tulong. Bukod dito, nagsagawa rin sila ng paghahanap ng mga posibleng evacuation centers, lalo na’t hindi na sila nakapagbigay ng tulong gaya ng pagkain sa gitna ng bagyo. Umabot sa 1,413 na estudyante ang tumugon sa sensing forms, at nakalikom ng Php 26,046 sa donasyon noong kasagsagan ng bagyong Kristine. Mula sa nalikom na halaga, naitaguyod ang Hope FEUndation Relief Drive para sa komunidad, sa tulong ng Family Council, Academic Development Offce, at Community Engagement and Extension Services. Sa ilalim ng inisyatibong ito, 100 packs ng relief goods ang naipamahagi sa Nicanor Reyes Memorial Foundation, habang ang natitirang walong packs ay ibinigay sa isang samahan sa Bicol para sa mga tagapagsanay sa cheerdance. “Since ayun nga, two months or more than that na-utilize si ‘Hands on, Hearts Open,’ I’d say na super nabigla din talaga kami. At that time since ‘yun yung period na naga-adjust

Tomo 1 Bilang 1
Oktubre 2024 - Enero 2025
Dave Louie Blas
Veronica Tan
Samantha Nadine Baluyut
SA PAHINA 2
Jairuz Hernandez at Mari Kairua Cruz

Tomo 1 Bilang 1 | Oktubre 2024 - Enero 2025

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng FEU High School

Dating magkaalyado, maglalaban…

11 kandidato sa pagkaalkalde ng Maynila, maghaharap sa Eleksyon 2025

Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pangalan ng 11 opisyal na kandidatong magtatapatan para sa pagkaalkalde ng Maynila sa nalalapit na 2025 National and Local Elections sa Mayo 12.

Sa offcial website ng COMELEC, isinapubliko ang ‘ballot face templates’ o ang mga kopya ng mga balotang gagamitin kada distrito ng lungsod.

Ilan sa mga personalidad na kasama sa balota ay sina incumbent mayor Honey Lacuna at ang dating alkalde at kaalyado ni Lacuna na si Isko Moreno.

Maliban kina Moreno at Lacuna, lumitaw rin ang siyam pang pangalan na sasabak sa pagkaalkalde tulad nina

Tutok to Win Partylist Representative Sam Versoza, aktor na si Raymond Bagatsing, at internet personality na si Michael Say.

Kabilang din sa mga sasabak sa labanan sa pagkaalkalde sina Jerry Garcia, Alvin Karingal, Jopoy Ocampo, Enrico Reyes, Mahra Tamondong, at Ervin Tan.

Pulso ng Maynila

Kasalukuyang hawak ni Moreno ang suporta ng mayorya batay sa pinakahuling survey ng OCTA Research nitong Enero.

Ayon sa inilabas na datos, nakakuha si Moreno ng 74% na suporta, higit na mas lamang sa 9% ni Lacuna na kasalukuyang alkalde ng lungsod.

Nahigitan naman ni Versoza si Lacuna na may 15% na suporta na

pumapangalawa kay Moreno.

Nanaig din si Moreno sa hiwalay na survey ng PhilData Trends na isinagawa mula Enero 2 hanggang Enero 7, kung saan nakakuha ang dating alkalde ng 72.1% voter preference.

Pumapangalawa rin dito si Versoza na may 13.5% habang pangatlo naman si Lacuna na may 12.3%

Tambalan to Hidwaan

Kamakailan lang ay inalmahan ni Lacuna ang paghahain ng kandidatura ni Moreno na itinuturing aniyang kapatid para tapatan siya sa pagkaalkalde ng Maynila.

Ayon kay Lacuna, nakaramdam siya ng sama ng loob sa dating alkalde sa pagtakbo nito laban sa kanya.

“I feel betrayed because when he left and ran for president, it was very clear to us, to our party, that if he didn’t win, he said he would retire,” ani Lacuna.

(Pakiramdam ko pinagtaksilan ako dahil noong umalis siya para tumakbo sa pagkapangulo, malinaw sa amin, sa aming partido, na kung hindi siya manalo, magre-retire siya.)

Tugon naman ni Moreno, mga mamamayan ang tumulak sa kanya para bumalik sa pagkaalkalde ng Maynila.

“Siyempre nagwo-worry ako bakit naghahanap ng iba, meron naman nakaupo, especially na yung nakaupo is somebody na tinulungan natin, inaruga natin for so long,” ani Moreno.

PULSO ng TAMARAWS

Tinanong ng Tinig Tamaraw ang mga mag-aaral ukol sa nalalapit na eleksyon para sa pagkaalkalde sa Maynila

Kung ikaw ay boboto sa darating na halalan sa pagkaalkalde ng Maynila, sino ang iyong pipiliin?

Isko Moreno

Hindi pa sigurado

Honey Lacuna

Sam Versoza

Ibang kandidato

DAGDAG-SINGIL

FEU HS, nanindigan sa P650 ‘research fee’; Tams, umalma

MULA SA PAHINA 1

“The fee was excluded from the tuition fee because it is a per-need fee. Irregular students and transferee students need not pay the fees if they are not going to take or have already taken the research subjects,” saad ng AAO. (Hindi isinama ang bayarin sa tuition fee dahil nakadepende ito sa pangangailangan. Ang mga irregular at transferee students ay hindi nangangailangang bayaran ito kung hindi sila magte-take o kung nakapagtake na sila ng mga research subject.)

Pulso ng Sangkaestudyantehan

Kaugnay ng samu’t saring pagkuwestiyon ng mga mag-aaral sa dagdag-singil, nag-survey ang FEUHSSG sa mga mag-aaral sa tulong ng mga strand societies at Scholars’ Society sa pagkalap ng pulso ng mga estudyante sa isyu.

Mula sa resultang isinama rin sa liham na ipinadala sa AAO noong Oktubre 14, lumalabas na karamihan sa mga mag-aaral ay tutol o may mga pangamba ukol dito. Sa survey ng ABM Society, 114 sa 139 na sumagot ang naghayag ng negatibong tugon sa dagdag-singil habang 42 sa 79 naman sa survey ng GAS Society. Sa datos naman mula sa HUMSS Society mula sa 171 humanistang sumagot, 156 ang hindi sang-ayon sa research fee, habang 322 naman mula sa 389 na tumugon sa STEM ang hindi rin suportado ang dagdagsingil. Batay naman sa datos mula sa mga iskolar, nasa 76 mula sa 85 na sumagot sa survey ang naghayag ng pagtutol na dahil anila sa mahigpit na badyet ng kanilang mga magulang, at sa biglaan anilang anunsyo na nagdulot ng pagkalito sa kontrata ng kanilang scholarship.

Daing ng Mag-aaral Ayon sa isang Grade 11 ABM student at iskolar na si Haneyfah Abdulganie, nadismaya siya sa anunsyo ng dagdag-singil lalo’t inasahan niyang kasama na ito sa miscellaneous fees na hindi na sana niya babayaran pa.

“Malaki rin ang sinisingil ng eskwelahan para dito dahil hindi biro ang halagang ₱650. Ang halagang iyon ay sapat na upang maging baon ko sa isang linggo,” ani Abdulganie.

Para naman sa Grade 12 ABM student at class mayor na si James Brandon De Leon, may kalituhan umanong naidulot maging sa kanyang mga kamag-aral ang kabuuang dagdag-singil.

“Nakakagulat lang siya para sa akin dahil hindi lang pala isa ‘yong kailangan bayaran, dalawa pala for both [semester]. Me and my classmates also share the same sentiments dahil sinasabi na “650 only” ang research fee,” ani De Leon.

Kinuwestiyon din ni De Leon ang hindi tugmang tugon ng pamunuan mula sa liham sa naging kahingian sa kanila na pagkain para sa panelists bilang “token” sa araw ng research defense.

“One more thing to take into account is the need to provide tokens for the panelists even though it was mentioned in the letter that this fee also included the tokens to be given. Bakit magbibigay ulit kung nabanggit naman na sa letter, right?” dagdag pa ni De Leon.

Bawat regular na estudyante ng senior high school ay may tatlong research subjects na Practical Research 1 and 2 at Inquiries, Investigations, and Immersion na nagkakahalaga ng P1,950 sa kabuuan.. Sa FEU High School, kinukuha ng mga estudyante ang mga subject na ito isa kada semestre.

Ano ang pinakamahalagang salik na nakaimpluwensiya sa iyong pagpili?

Karanasan sa pamumuno at track record

Mga panukala at plataporma

Personal na prinsipyo at integridad

pang dahilan

HANGGANG MENDIOLA. Patuloy ang pag-giit

noong ika-22 ng enero taong 1987, habang ipinoprotesta ang mga patakaran sa repormang agraryo. ML Guevara

Sa pangunguna ng Kilusang

Magbubukid ng Pilipinas (KMP), nagmartsa ang daan-daang magsasaka, kabataan, at progresibong grupo sa Mendiola, Maynila, upang ipanawagan ang hustisya at tunay na reporma sa lupa sa ika-38 anibersaryo ng Mendiola Massacre, noong Enero 22.

Bitbit ang mga plakard at panawagan, muling ginunita ng mga raliyista ang malagim na trahedyang naganap noong 1987, kung saan 13 magsasaka ang napatay habang nagpoprotesta para sa reporma sa lupa.

“Ang alaala ng mga pinaslang sa Mendiola Massacre ay nananatiling inspirasyon sa aming pagkilos para sa lupa at hustisya,” pahayag ni Rafael

“Ka Paeng” Mariano, dating kalihim ng Department of Agrarian Reform at tagapangulo ng KMP sa isang forum na naganap sa Bantayog ng mga Bayani.

Habang tinatahak ng martsa ang kahabaan ng Recto Avenue patungong Mendiola, sumisigaw ang mga raliyista ng “Lupa hindi bala!” at “Hustisya para sa mga martir ng Mendiola!” May ilan ding nagdala ng mga larawan at pangalan ng 13 pinaslang bilang pagbibigay-pugay sa kanilang sakripisyo.

Kasaysayan ng Mendiola Massacre

Matatandaang noong Enero 22, 1987, nagtipon ang libu-libong magsasaka sa Mendiola upang hilingin kay dating Pangulong Corazon Aquino ang tunay na reporma sa lupa matapos mabigo ang mga pangako ng kanyang administrasyon. Ngunit sa halip na tugunan ang kanilang mga lehitimong panawagan, hinarap sila ng mga elemento ng militar at pulisya na nauwi sa madugong dispersal kung saan 13 magsasaka ang nasawi. Kabilang sa mga yumao ang mga magsasakang sina Adelfa Aribe, Danilo Arjona, Ronilo Domanico, Dante Evangelio, Bernabe Laquindanum, Roberto Yumul, Leopoldo Alonzo, Dionisio Bautista, Roberto Caylao, Sonny Boy Perez, Vicente Campomanes, Angelito Gutierrez, at Rodrigo Grampan. Bagamat ipinasa ng administrasyong Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) noong 1988, binatikos ito ng mga progresibong grupo bilang “pekeng reporma” dahil sa mga pagbubukod na pumabor umano sa mga panginoong maylupa, kabilang na ang Hacienda Luisita na pag-aari ng pamilya Cojuangco-Aquino.

Patuloy na Pakikibaka

Sa kabila ng mga dekadang lumipas, nananatiling hamon ang kawalan ng lupa para sa mga magsasaka. Ayon sa datos ng KMP, nananatiling walang lupa ang pito sa bawat sampung magsasaka sa bansa sa kabila ng mga programa ng gobyerno. Sa nangyari namang forum noong ika24 ng Enero sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños, ayon sa isang nakaligtas sa masaker na noo’y 17 taong gulang at anak ng magsasaka mula sa Lupang Ramos sa Dasmariñas, Cavite na si Miriam Villanueva, hindi natapos ang laban ng mga magsasaka matapos ang trahedya sa Mendiola.

“Every time a farmer understands the reality of their situation, that, for me, is the justice that the government has failed to give to the 13 martyrs who gave their lives in Mendiola,” dagdag pa niya. (Sa tuwing may isang magsasakang nakauunawa sa tunay na kalagayan nila, para sa akin, iyon na ang hustisyang hindi naibigay ng gobyerno sa 13 martir na nagalay ng buhay sa Mendiola.) Habang patuloy ang paggunita sa Mendiola Massacre, nananatiling buhay ang panawagan ng mga magsasaka para sa tunay na reporma sa lupa at hustisya para sa mga biktima ng karahasan.

Jiann Delumen
Dave Louie Blas

Sibika Hub, pinagtuunan ang halaga ng Wikang

Filipino

Tatlong buwan matapos ang taunang Buwan ng wika, muling binigyang-diin ang kahalagahan ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan sa ginanap na “WIKABULUHAN: Saysay ng Wikang Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina” sa ilalim ng National Capital Region Sibika Hub noong ika-28 ng Nobyembre sa FEUture Center Auditorium.

Tampok sa talakayan si Dr. Jonathan V. Geronimo mula sa Unibersidad ng Pilipinas na pinamagatan niyang “Bakit Filipino? Bakit Hindi!” ang hamon niya sa mga magaaral na pagnilayan ang kanilang paggamit ng wika.

“Bakit nga ba hindi? Nagmumula ‘yung pagtingin doon sa tanong na bakit hindi ba normatibong kailangan ang Filipino eh nasa Pilipinas tayo?” pagtatanong ni Geronimo. Binigyang-diin niya ang pangangailangan ng mas malalim na pagunawa sa Filipino, “Kailangan pa nating tanungin nang paulit-ulit sa ating sarili [na] bakit nga ba namumuhay tayo bilang Pilipino sa Pilipinas pero hindi norm na gamitin natin yung [sariling] wika.”

Iginiit din niya na hindi dapat ituring na mababaw o kulang sa lalim ang Filipino kumpara sa Ingles.

“Naipopook sa Filipino ang potensiyal, pangangailangan, at aspirasyon ng bayan,” aniya, na nagpahayag ng kahalagahan ng wika hindi lamang bilang midyum ng komunikasyon kundi din bilang identidad ng isang bansa.

Tinugunan rin niya ang kahirapan ng pagsasalin ng mga kumplikadong ideya at binigyang diin ang halaga ng pakikilahok sa komunidad.

“Hamon na lumubog sa mga komunidad, magsaliksik at maglimbag sa mga wika ng Pilipinas. Kung nasaan may Pilipino, may malalim na balon ng danas at kaalaman,” dagdag ni Geronimo.

Sa parehong kaganapan, ginanap din ang isang awarding ceremony kung saan

Tams, kampeon sa pambansang timpalak na MIL quiz at poster making

Bida ang Tamaraws matapos makamit ang kampyonato sa mga pambansang kompetisyon na 2024 Global Media and Information Literacy (MIL) Week Celebration at Earthistic 2024, noong ika-9 ng Nobyembre at ika-19 ng Oktubre, ayon sa pagkakabanggit.

Sumungkit ng unang pwesto ang koponan ng FEU High School (FEU HS) na binubuo nina Ysha Kish Cyrill Aquino, Jiann Delumen, at Marianne Grace Escobia sa MIL Quiz Bee na ginanap sa Cyberpark Tower 1, Cubao, Quezon City.

“Sa aming tatlo, specialization namin ang MIL, pero importante pa rin talagang maibahagi ito sa ibang tao kasi hindi lahat may pribiliheyong matutuhan ito tulad namin. Kasi ang mga tinuturo sa MIL, hindi dapat nakukulong lang sa mga lessons o sa mga quiz bee, dapat isinasabuhay ‘yan,” saad ni Escobia bilang repleksyon sa pagkakamit ng pinakamataas na pwesto.

Ang MIL Quiz Bee na inorganisa ng National Council for Children’s Television ay dinaluhan ng 21 grupo mula sa buong bansa.

“Sobrang bilis kumalat ngayon ng fake news at kahit sino pwedeng maging biktima nito… kaya dapat talagang maging gawi ang pagiging mapanuri, kasi ito ang tumutulak sa atin na alamin ang katotohanan,” dagdag ni Escobia.

Humarap naman ang mga STEMaraws sa ika-18 limbag ng Earthistic Poster Making Competition 2024, na ginanap sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Ang paligsahan ay mayroong dalawang kategoryang pang-sining – Tradisyunal at Digital.

Kinatawan si Timothy Wacz Bautista sa kategoryang Tradisyunal, habang ipinadala naman si Zienna Antonette Agbi sa Digital. Pareho silang hinirang na tumanggap ng Social Impact Award matapos makakuha ng pinakamaraming heart reactions

LAHAT UMAKYAT

16

Tamaraw

at shares sa kanilang poster, at itinanghal pang kampyon si Bautista sa kategorya niyang dinaluhan ng 11 paaralan.

Sa isang panayam, binigyangdiin ni Bautista ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili, “One of the biggest lessons I learned is that competition can be intimidating, but focusing on myself and trusting my abilities made all the difference… no matter how tough the competition, believing in yourself and staying true to my artistic vision is what truly matters.”

(Isa sa mga pinaka natutuhan ko ay maaaring nakakatakot ang kompetisyon, ngunit ang pagtuon ko sa aking sarili at pagtitiwala sa aking kakayahan ang gumawa ng lahat ng pagbabago... kahit gaano pa kahirap ang kompetisyon, ang paniniwala sa sarili at pananatiling tapat sa aking artistikong pananaw ang tunay na mahalaga.)

Ang Earthistic 2024 ay inihatid ng UP Geodetic Engineering Club bilang parte ng selebrasyon sa kanilang ika-87 taong anibersaryo.

wagi sa DSPC ’25 individual contests; 7 pasok sa RSPC

Hinirang na panalo ang lahat ng mga manunulat pangkampus ng FEU High School (FEU HS) na sumabak sa mga indibidwal na kategorya ng idinaos na 2025 Division Schools Press Conference (DSPC) ng Lungsod ng Maynila sa mismong sekondaryang paaralan noong Enero 18.

Pito sa mga nagwagi ang lalaban para sa gaganaping 2025 Regional Schools Press Conference (RSPC) matapos nilang makamit ang mga una at pangalawang gantimpala.

Nasungkit nina Welsh Kendrick Osorio ng Sports Writing at Tyra Mikaela Palon ng Pagsulat ng Editoryal ang unang pwesto para sa kanilang mga kategorya habang

ng Lathalain.

“Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na RSPC qualifer na ako dahil kahit ilang beses na akong sumali ng DSPC simula pa lamang noong elementarya ako ay hindi talaga ako nagkakamit ng karangalan,” wika ni Palon na agarang lumuha nang matawag ang kanyang pangalan para sa pinakamataas na pwesto.

Nilahukan ang DSPC individual contests ng mahigit sa 40 paaralan. Sa ngayon, ikalawa ang FEU HS sa mga paaralang pinakamaraming delegado para sa RSPC 2025. Nakakuha naman ng ikaapat na pwesto si Daenerys Gwynette Eustaquio para sa Editorial Writing, ikalimang pwesto sina

Dinagdagan pa ito ng ikawalong pwesto ni Mari Kairua Cruz sa Kartuning Pang-Editoryal, ikasiyam na pwesto nina Alden Ezekiel Painaga sa Feature Writing at Dianne Dayo sa Pagsulat ng Palakasan, at ikasampung pwesto ni Liam John Delgado sa Column Writing na kumpleto sa makasaysayang panalo ng institusyon.

Nagsanay ang mga kalahok sa loob ng higit isang buwan sa ilalim nina School Paper Adviser Lester Dave Pua at Coach Gail Anne Lacambra.

Minarkahan naman ng patimpalak ang unang pagkakataon ng FEU HS na mag-organisa ng DSPC ng lungsod.

Lumaban noong nakaraang

Kristine Zena Dela Cruz
Veronica Tan
Gabrielle Niña Vitto
PARANGAL SA PLUMA. Bumida ang mga estudyanteng
mamamahayag ng FEU High School sa 2025 Manila Division Schools Press Conference, kung saan lahat ng kinatawan ay pasok
sa top 10 ng kanilang kategorya, kasama ang school paper adviser
na si Lester Dave Pua at coach na si Gail Anne Lacambra sa parangal noong Enero 18 sa FEU Main Auditorium. Charles Andrew Dolendo
WIKANG ATIN. Iginiit ni Associate Professor Jonathan V. Geronimo ang kahalagahan ng wikang Filipino sa “WIKABULUHAN: Saysay ng Wikang Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina,” na ginanap sa FEUture Center Auditorium noong Nobyembre 28.
Zyrus Miguel Mercado

PATNUGUTAN

DIANNE DAYO

Punong Patnugot

JIANN DELUMEN

Ikalawang Patnugot

JIO ANTON MOLDEZ

Tagapamahalang Patnugot

SAMANTHA BALUYUT

Patnugot sa Balita

TYRA MIKAELA PALON

Patnugot sa Opinyon

MARIANNE GRACE ESCOBIA

Patnugot sa Lathalain

XIOMARA YEZIA ALARCON Patnugot sa Agham at Teknolohiya

WELSH KENDRICK OSORIO atnugot sa Isports

ERIEZ NICOLE MACASAET Punong Taga-anyo

NIÑA FRANCISCO

Punong Dibuhista

JHANRAINE MANANSALA

Punong Tagalarawan

G. LESTER DAVE PUA School Paper Adviser

MGA KONTRIBYUTOR

Dave Louie Blas

Kristine Zena Dela Cruz

Veronica Tan

Elyssa Therese Noche

Gabrielle Niña Vitto

Liam John Delgado

Irina Krishen Loanzon

Alden Ezekiel Painaga

Niña Bianz Donato

Samantha Gabriel Abalos

Kristel Mae Utanes

Dwyane Harry Cabrera

Regina Rhyzel Santos

Paulene Dane Pagayatan

Maria Colyn Morales

Dynna Monique Alcaide

Jairuz Hernandez

Joshua Aldrich Ting

Mari Kairua Cruz

Kristine Angela Ibañez

ML Guevara

Logan Jose Gonzalez

Dastine Jariz Romero

Charles Andrew Dolendo

Zyrus Miguel Mercado

Mariing tinutulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasa sa panukalang batas no. 1979, o ang Prevention of Adolescent Pregnancy Act, na naglalayong magkaroon ng sex education sa mga paaralan sa Pilipinas. Ang batas na ito ay lubos na makatutulong sa pagiging may kamalayan ng mga kabataan sa usaping sekswal sa gitna ng tumataas na bilang ng kaso ng maagang pagbubuntis sa bansa. Kaya naman ang pagtutol na ito ay siya ring pagtutol sa kakayahan ng edukasyong sekswal na makapaghatid ng tamang impormasyon at kamalayan na makapagmumulat sa isipan ng mga kabataan.

Iginiit ni Marcos na tuturuan lamang ng sex education ang mga bata kung paano paligayahin ang kanilang sarili sa sekswal na pamamaraan, na siyang bumubuo sa ideya na ang usaping sex ay puro lamang kabastusan. Isinisisi niya ang aniya’y katawa-tawa at kasuklam-suklam na ideyang ito sa mga taong may mulat na pag-iisip ukol sa reyalidad. Kung ganitong uri ng kaisipan ang nangingibabaw sa mentalidad ng namumuno, patuloy na magiging ignorante ang Pilipinong kabataan sa malawakang usapin ng sekswalidad.

Bumwelo naman ang mga mambabatas na ang

panukalang batas na ito ay isang epektibong paraan upang maiwasan ang maagang pagbubuntis ng mga mag-aaral. Kung gagawing mandatory ang paksang ito sa mga paaralan, magiging instrumento ito upang matigil ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng maagang pagbubuntis, pati na rin ng karahasang sekswal sa mga menor de edad.

Hindi na bago ang maagang pagbubuntis sa lipunan dahil sa pagiging talamak nito sa mga kabataan sa bansa. Dahil sa kakulangan sa impormasyon tungkol sa pagtatalik, nagbubunga sa maagang responsibilidad na lubusang nakaaapekto sa umiiral na kahirapan sa bansa. Kung patuloy na ipagdadamot ang sex education sa mga kabataan, hindi aangat ang kalidad ng kinabukasan na nakaabang para sa kanila. Hindi lamang limitado ang sex education sa maagang pagbubuntis. Adbokasiya rin ng edukasyong ito ang proteksyon laban sa sakit na STIs at HIV, sekswalidad ng tao, pagkakaroon ng pahintulot sa pagtatalik, sekswal na reproduksiyon, at mga birth control. Mas maiging maging lantad ang mga batang mag-aaral sa tamang kaalaman sa maseselan at sensitibong karanasan o impormasyon tungkol sa pagtatalik. Sa paraang ito, mas magiging hayag at bukas ang kabataan sa kanilang karapatang pantao at pansariling sekswalidad nang walang

EDITORYAL

dukasyong Mulat

pangambang nakabalot sa kanilang isipan. Ang sex education ay matagal nang usapin sa bansa na hanggang ngayon ay isang malaking debate pa rin sa lipunan. Malaki ang konsiderasyon ng Pilipinas sa simbahang Katoliko, kung kaya tagpi ang paniniwala at sistema ng gobyerno at ng simbahan. Dahil sa matibay na paniniwala ng mga Pilipino sa simbahan, nagiging konserbatibo ang bansa at hindi bukas sa usaping sex education. Ang hindi malugod na pagtanggap ng lipunan sa usaping sekswal ay pumipigil sa kabataan na magkaroon ng mas komprehensibong kaalaman at kamalayan sa reyalidad ng buhay. Nananatiling isa ang Pilipinas sa mga natitirang bansa na alanganin pa rin sa pagsasabatas ng sex education. Hindi mabibitawan ng Pilipinas ang pagiging ‘developing country’ nito kung ang aspetong sekswalidad na karapatan ng lahat ay hindi nabibigyan ng masusing atensyon at kilos. Ang layunin ng gobyerno na Bagong Pilipinas ay hindi matatamo kung pagkakaitan ng tamang edukasyon ang mga batang Pilipino. Sa kabuuan, ang pananaw ni Pangulong Marcos sa sex education ay tila repleksyon ng masalimuot na sistema na mayroon ang ating gobyerno ngayon. Isang sistema na hangad ng pagbabago ngunit patuloy na pinamumunuan ng mga lider na hindi bukas sa isyu na nakahihila pababa sa kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino.

OPINYON NG TAMARAWS

Panukalang Batas sa Edukasyong Pangkasarian

Sa kasalukuyan, tinatalakay sa Kongreso ang Adolescent Pregnancy Prevention Act, isang panukalang batas na naglalayong ipatupad ang komprehensibong edukasyong pangkasarian sa mga paaralan upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng maagang pagbubuntis sa bansa.

Sang-ayon ako sa Comprehensive Sexuality Education (CSE) kasi sobrang self-explanatory naman na kailangan natin ng sex ed, lalo na’t prominent sa Pilipinas ang teenage pregnancy...” Pero mas kawawa yung nagbubuntis!

Ginagawa pa nilang issue na “it encourages sex,” when in reality, it talks about consent, protection, and making informed choices. You can teach abstinence, sure, pero teenagers will be teenagers. Nasa point sila ng life nila na mag-eexplore talaga sila, at kung pagbabawalan niyo lang sila nang walang proper education—mas mae-encourage pa silang gawin ito nang hindi alam ang risks.

CSE isn’t just about sex. It’s about respect, boundaries, understanding your body, and making safe decisions. Hindi siya pa-cool na topic; it’s a necessity. Education doesn’t encourage recklessness—it prevents ignorance.”

— Katrina Luz Buncan, mag-aaral mula sa ika-12 baitang

“Bilang isang estudyante sa Junior High, naniniwala akong mahalaga ang edukasyong pangkasarian sa mga paaralan. Sa pamamagitan nito, magiging mas aware ako sa aking kalusugan at sa mga nangyayari sa paligid. Matututo akong pangalagaan at protektahan ang sarili ko, lalo na sa mga desisyon hinggil sa sexual health. Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy, para sa akin, ito na ang tamang solusyon. Kung maipapatupad ang edukasyong ito, tiyak na magiging mas mulat ang mga kabataan sa mga isyung panlipunan at kalusugan.”

— Monique Wycoco, mag-aaral mula sa ika-7 baitang

“Sang-ayon ako sa pagpapatupad ng komprehensibong edukasyong pangkasarian dito sa Pilipinas. Hindi pa man ito masiyadong pinag-uusapan noon, hinihiling ko nang magkaroon nito. ‘Di hamak na responsibilidad ng pamahalaan na i-ensure ang safety ng kabataan, hindi lamang ng mga babae, laban sa teenage pregnancy, STIs, at sexual violence. Isa pa, malala pa rin ang stigmang nakakabit sa sexual topics sa bansa — ngayon mismo ay nakikita natin ito in play sa kung gaano kababaw ang pagtanggap ng taumbayan rito, lalung-lalo na ang mga politikong against dito, na siya mismong nagpapatunay na kailangang na nga talaga ng komprehensibong sex education ng bansa. Ang layunin naman ng batas na ito ay magbigay ng tamang kaalaman at hindi mag-udyok ng imoralidad. Education is power, alam naman natin yun, so if it’s between learning about these things or not, as a teacher, I choose the frst because it’s undeniable that this would do more good to the Filipino youth than harm. Naniniwala talaga akong kung ang isang bagay lang ay mas napag-aaralan, ito rin ay mas mapag-uusapan, at kung ito ay mas napag-uusapan, mas mapag-iisipan na ng nakararami ang mga bagay-bagay bago sila gumawa ng malalaking desisyon sa buhay.” — Trisha Marie Antonio, guro sa Humanities and Social Sciences

Ang sex education ay dapat nang buong pusong tinatanggap sa lipunan sapagkat parte ng buhay natin ang sekswalidad at kinakailangan ito sa pagpaparami. Bilang mga batang Pilipino, makiisa tayo sa mga adbokasiya at inisyatiba ng mga organisasyong naglalayong ipaglaban ang sex education sa ating bansa upang mas maging matunog ang kanilang boses sa mga namumuno na labag sa panukalang batas na ito. Ang pinakamalaking suporta ay magmumula dapat sa Kagawaran ng Edukasyon sapagkat sila ang may kontrol sa pagpapakalat ng sex education sa mga paaralan sa bansa. Higit sa lahat, kinakailangan ang rasyonal at makatwirang mentalidad ng ating pangulo dahil siya ay may pinakamataas na kapangyarihan upang maisabatas ang panukalang batas na ito. Maselan man ang usaping sex education, ngunit kailangan nang maging lubusang tanggap ito sa ating bansa. Mahirap makamit ang magandang kinabukasan na layuning maibigay ng edukasyon sa kabataan kung ang komprehensibong kaalaman tungkol sa sekswalidad ay hindi inihahandog sa mga estudyante. Kahit na gasgas na ang katagang ‘Kabataan ang pag-asa ng bayan’— ito ay isang paniniwala na maaaring maging katotohanan sa tulong ng maayos at kalidad na edukasyon.

PATNUGOT

Para sa aming patnugot,

Bilang mga estudyante ng FEU High School, naniniwala kaming may mahalagang papel kami sa pagbibigay ng boses sa mga usaping may direktang epekto sa aming edukasyon. Isa sa mga kasalukuyang mainit na paksa sa ating lipunan ay ang Sex Education Bill na isinusulong sa kamara—isang panukalang batas na maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa kurikulum ng mga paaralan sa bansa. Sa kabila ng kahalagahan nito, nananatili pa ring sensitibo ang usapin ng sex education sa ating kultura. Maraming kabataan ang lumalaki nang kulang sa tamang impormasyon tungkol sa kanilang katawan, relasyon, at responsibilidad, na madalas humahantong sa maling desisyon at mapanganib na sitwasyon. Panahon nang magkaroon ng bukas at masusing diskusyon tungkol dito upang matiyak na ang mga mag-aaral ay may sapat na kaalaman upang pangalagaan ang kanilang sarili.

Bilang mga mag-aaral, hindi namin maaaring ipagsawalang-bahala ang isyung ito sapagkat may direktang epekto ito sa aming karanasan sa loob ng paaralan. Dapat maging bahagi ng diskurso ang aming pananaw, sapagkat kami mismo ang pangunahing maaapektuhan ng anumang pagbabago sa kurikulum.

Naniniwala kaming napapanahon at nararapat itong pag-usapan sa ating pahayagan. Umaasa kaming mabibigyan ito ng sapat na pansin upang higit pang palawakin ang kaalaman at perspektiba ng ating mga mambabasa.

— Mary Roselle F. Sagliba

LIHAM PARA SA

Singil ng Pananaliksik

Mahirap iwasang balikan ang ridikulosong pahayag ni Senator Cynthia Villar noong 2019: “Baliw na baliw kayo sa research. Aanhin niyo ba yung research?” Sa kabila ng pananaliksik bilang pundasyon ng kaalaman at inobasyon, tila nananatiling kulang ang pag-intindi at pagpapahalaga rito sa mga institusyong dapat ay nagtataguyod ng edukasyon at karunungan.

Kamakailan lamang ay inanunsyo sa mga estudyante ng FEU High School ang pagsasakatuparan ng Research Fee na naghahalagang 650 pesos kada semestre. Ang bayaring ito ay sinasabing ilalaan para sa Practical Research I at II, pati na rin ang III, kabilang ang konsultasyon sa mga research advisers, paggamit ng mga pasilidad, at bayad sa panel ng mga eksperto para sa proposal defense. Gayunpaman, ang biglaang pagpapataw ng bayaring ito ay tila mas malala pa kaysa sa patutsada ni Sen. Villar—isang patakarang nagdulot ng kalituhan at pagkabahala sa hanay ng mga mag-aaral.

Sa opisyal na tugon ng Academic Affairs Offce, ipinaliwanag na ang Research Fee ay hindi isinama sa tuition fee matrix dahil ito ay isang “per-need fee.” Ang bayaring ito ay para lamang sa mga mag-aaral na kumuha ng research subjects. Bagamat may Tuition Fee Consultation noong Enero 2024, maraming mag-aaral ang nagsabing hindi nila naramdaman ang pagiging bahagi nila sa proseso. Sa survey na isinagawa ng FEU HS Scholars’ Society, 89.41% ng mga iskolar ang tumutol sa Research Fee. Karamihan sa kanila ay nagduda hindi lang dahil sa biglaan at hindi maipaliwanag na gastusin, kung hindi ay dahil din sa kakulangan ng malinaw na breakdown kung saan mapupunta ang kanilang ibinabayad.

Pinatutunayan lamang nito na maraming magulang at mag-aaral ang nananatiling may agam-agam kung makatwiran ang halagang ito para sa

sinasabing layunin ng bayarin. Ang kakulangan ng transparency at bukas na konsultasyon ay nagdulot ng kawalan ng tiwala sa sistema, lalo na at maraming iskolar ang umaasa sa libreng edukasyon upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Bilang isang iskolar at graduating student sa institusyong ito, ramdam ko ang bigat ng bayaring ito. Ang pagiging iskolar ay naging pribilehiyo upang maipagpatuloy ko ang edukasyon nang hindi nagdadagdag ng alalahanin sa aking pamilya. Ngunit sa biglaang Php 650 na kailangang bayaran, kasabay pa ng mga gastusin tulad ng graduation pictorial, toga rental, at graduation fee, nagiging mas mabigat ang pasanin.

Sa pamilya naming umaasa sa simpleng kita, ang Php 650 ay hindi maliit na halaga. Para sa ilan, maaaring ito ay ordinaryong bayarin, ngunit sa mga tulad kong iskolar, ito ay tila isang hamon na nagdudulot ng stress at pangamba. Ang ganitong uri ng gastusin, kung hindi maayos na naipapaliwanag at napaghahandaan, ay hindi lamang nagpapahirap sa estudyante kung hindi ay pati na rin sa kanilang buong pamilya. Naniniwala ako sa halaga ng pananaliksik. Bilang isang estudyante sa HUMSS strand, na araw-araw na nakasasalamuha ang masalimuot ngunit mahalagang aspeto ng pananaliksik, lubos kong nauunawaan ang kontribusyon nito sa pag-unlad ng lipunan. Ngunit nawawala ang diwa ng pananaliksik, ang pagiging sistematiko at rasyonal, kung ang proseso ng pagpapataw ng bayarin ay nababalot ng kalituhan at kawalan ng pagpaplano. Kung ito lamang ay naipaliwanag at naipaabot sa tamang paraan,

Kinang ng Balota

walang ganitong kaguluhan. Ang pananaliksik ay hindi lamang tungkol sa datos at resulta—ito ay nakaugat sa mga prinsipyong bukas, makatao, at organisado. Ang biglaang implementasyon ng Research Fee ay salungat sa mga prinsipyong ito. Sa halip na magdulot ng tiwala at kaayusan sa loob ng institusyon, nagiging sanhi ito ng pagkadismaya at pagkabahala mula sa mga magaaral at kanilang pamilya.

Ito ay isang pagkakataon para sa institusyon na patunayang sila ay nagtataguyod ng isang sistemang maka-estudyante. Upang maagapan ang sitwasyon, lubos na kinakailangan na maipakita ang transparency sa paggamit ng Research Fee, malinaw na ilahad ang breakdown ng bayarin, at maglaan ng mas mahabang palugit para sa pagbabayad. Bukod dito, mahalaga ang pagsasagawa ng mas bukas na dayalogo sa pagitan ng administrasyon, mga magaaral, at mga magulang upang maipaliwanag ang layunin ng bayaring ito at maisama ang lahat sa proseso ng desisyon. Hindi dapat magdulot ng karagdagang pasanin ang isang sistema na dapat ay sumusuporta sa pangarap ng bawat magaaral. Ang edukasyon ay karapatan, hindi pribilehiyo. Ang panawagan ay hindi lamang para sa makatarungang patakaran, kung hindi ay para rin sa isang sistemang bukas, malinaw, at tunay na maka-estudyante. Ang hamon dito ay gawing mas higit pa ang sistemang makaestudyante—isang sistema na nagtataguyod ng prinsipyo, dignidad, at pagkakapantaypantay para sa lahat.

Hinahasa, Ngunit Pinupudpod

Mahaba, matalim, at puno ng potensyal, ganyan nagsisimula ang isang lapis. Ngunit sa bawat hasa, ang mga bahagi nito ay unti-unting nawawala.

Ganito rin ang maaaring mangyari sa plano ng Department of Education na bawasan ang core subjects ng senior high school mula 15 hanggang lima o anim. Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, ang layunin ay paikliin ang kurikulum upang gawing mas “handa sa trabaho” ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mas mahabang oras para sa work immersion. Gayunpaman, tulad ng lapis na paulit-ulit na tinatasahan, ang natitirang panulat ay nagiging maikli at mahina. Isang sampal sa mukha ang panukalang ito. Bilang isang magaaral, naniniwala akong hindi solusyon ang pagbabawas ng mga asignatura para matugunan ang problema ng job mismatch. Ang tunay na solusyon ay nakasalalay sa pagpapabuti ng sistema ng pagtuturo at mas mahusay na integrasyon ng mga work immersion programs. Kung kulang kami sa mga pangunahing kaalaman mula sa core subjects, maaaring mawalan kami ng sapat na pundasyon para magtagumpay sa aming mga karera. Ang mga core subjects tulad ng panitikan, pilosopiya, at araling panlipunan ay hindi lamang mga paksa ng pag-aaral. Ang mga ito ay nagsisilbing pundasyon naming mga mag-aaral sa paghubog ng kritikal na pag-iisip, maayos na komunikasyon, at sa pagpapalawak ng aming mga pananaw. Sa mga rehiyong sentro ng kalakalan at industriya tulad ng Metro Manila, CALABARZON, at Central Luzon, lubos na kailangan sa pag-apply ng trabaho ang mga kasanayang pundamental at praktikal. Kung mababawasan ang mga asignaturang ito, mawawala ang pagkakataon naming mga estudyante na magtaglay ng mas malalim na kaalaman sa mga isyu ng lipunan at kultura. Ang mga kasanayan sa pagsusuri at pagmumuni-muni ay mahalaga sa pagbuo ng mga mamamayan na may malasakit sa bansa. Bukod dito, ang mga subject na may kinalaman sa agham at matematika ay mahalaga sa paghubog ng mga magaaral na may kakayahan sa teknikal at analitikal na aspeto ng trabaho. Dito sa Pilipinas, isa sa kada tatlong trabaho ang kinakailangan ng kasanayan sa matematika o sa siyensya. Kung ang mga paksang ito ay mababawasan, maaaring mawalan kami ng sapat na

ISA sa kada tatlo

na mga trabaho ang kinakailangan ng kasanayan sa matematika o sa siyensya

kaalaman na kinakailangan sa maraming industriya. Sa isang mundo kung saan ang teknolohiya at agham ay patuloy na umuunlad, ang kakulangan sa mga pangunahing kaalaman sa mga asignaturang ito ay magiging hadlang sa amin bilang mga estudyante. Hindi lamang kaming mga magaaral ang lubusang naaapektuhan ng pagbabagong ito. Nagsisilbi ring banta ang proyekto ng DepEd para sa trabaho ng mga guro. Sa pagtanggal ng ibang mga asignatura, may mga gurong mapipilitang lumipat sa mga subject na hindi nila gamay, o mas malala, tuluyan pa silang mawalan ng trabaho. Sa kabilang banda, ramdam ko ang bigat ng kasalukuyang sistema bilang isang mag-aaral sa senior high school. Aminado akong maraming asignatura ang kulang sa aktwal na aplikasyon. Naiintindihan ko kung bakit nais ng DepEd na bawasan ito upang pagtuunan ng pansin ang work immersion. Ngunit, iniisip ko rin kung ano ang mawawala kung gagawin ito. Ang edukasyon ay hindi lang tungkol sa kakayahang makapasok sa trabaho, kundi pati na rin sa kahandaan sa mas malaking hamon ng mundo. Ang solusyon ay hindi sa simpleng pagbabawas ng mga asignatura. Sa halip, dapat ay pagtuunan ng pansin ang pagpapabuti ng pagtuturo at ang mas epektibong pagsasanib ng work immersion sa iba’t ibang asignatura. Sa halip na alisin ang mahahalagang subject tulad ng agham, matematika, panitikan, at pilosopiya, mas mainam na gawing mas praktikal at naaayon ang kanilang nilalaman upang mas makatulong sa paghubog ng mga kasanayang kinakailangan sa trabaho. Hindi dapat maging limitado ang edukasyon sa paghahanda para sa trabaho. Dapat itong maging makulay at malalim na karanasang huhubog sa amin hindi lamang bilang mga manggagawa kundi bilang responsableng mamamayan. Kung patuloy na hahasain ang kurikulum nang walang sapat na balanse, baka sa halip na tumalim ang aming kaalaman, unti-unti itong mapudpod. Dapat na panatilihin ng sistema ang talim, galing, at potensyal naming kabataan, upang sa hinaharap ay magampanan namin ang aming papel sa lipunan.

Laganap ang mga content sa iba’t ibang social media platforms, at madalas ko makita sina Diwata, Luis Manzano, at Marco Gumabao na nagpapatawa, nagbebenta ng produkto, o nagbibigay ng inspirasyon sa madla. Isang swipe lang, milyon-milyon ang nakakakita ng kanilang posts. Isang endorsement, at siguradong sold-out ang produkto. Pero ngayong eleksyon, hindi lang views at likes ang kanilang hinahabol — ang mga personalidad na dati’y sa entertainment at negosyo lang kilala, ngayon ay matatagpuan na ang kanilang kumikinang na pangalan sa balota.

Maraming paraan upang tumulong sa mga nangangailangan nang hindi kinakailangang pumasok sa pulitika. Maraming negosyante ang nagbibigay ng trabaho sa libo-libong Pilipino nang hindi nangangailangan ng puwesto sa gobyerno. Maraming artista at infuencer ang nakapagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng charity works, donasyon, at paggamit ng kanilang plataporma upang ipanawagan ang mahahalagang isyu. Hindi kailangang humawak ng posisyon sa gobyerno upang makagawa ng pagbabago. Ang isang infuencer ay may kakayahang gamitin ang kanyang plataporma upang magbigay ng kaalaman at magsulong ng adbokasiya. Ngunit sa halip na itaas ang antas ng diskurso sa mga mahahalagang usaping panlipunan, ang ilan ay ginagamit ito para lamang sa personal na kapakinabangan. Ang ilan ay tumatakbo hindi upang maglingkod, kundi upang palakasin pa ang kanilang pangalan at negosyo. Ginagamit nila ang kanilang kasikatan upang makuha ang tiwala ng masa nang hindi naman maipakita ang konkretong plano para sa bayan. Ang pagiging isang infuencer ay may kaakibat na responsibilidad — hindi ito dapat gamitin sa pagpapalakas lamang ng sariling imahe, kundi upang makapaghatid ng tunay na kaalaman at tulong sa lipunan. Habang pinapalakpakan ng marami ang pagpasok ng mga sikat na personalidad sa pulitika, natatabunan naman ang mga kandidatong tunay na may kakayahan at karanasan sa pamamahala. May mga propesyunal na sanay sa batas, ekonomiya, at pampublikong administrasyon, ngunit hindi sila nagkakaroon ng parehong atensyon gaya ng mga celebrity at content creator candidates. Sa halip na suriin ang plataporma

at track record ng bawat kandidato, mas nabibigyangpansin ang bilang ng kanilang followers at engagement sa social media. Hindi dapat maging basehan ng pagboto ang kasikatan. Ang posisyon sa gobyerno ay hindi isang premyong maaaring makuha ng sinumang may malaking fanbase.

Ang pulitika ay hindi isang social media campaign kung saan maaaring manalo basta’t malakas ang suporta ng masa. Ang pagiging isang lider ay hindi isang acting role na maaaring pag-aralan sa loob lamang ng ilang buwan. Ang gobyerno ay hindi isang negosyo na maaaring pagdiskitahan kung kailan gusto. Ang pamumuno ay isang seryosong tungkulin na nangangailangan ng dedikasyon, kaalaman, at tunay na hangaring maglingkod. Bilang isang mamamayan at tagasubaybay ng kanilang content sa kabilang dako, responsibilidad kong suriin ang kanilang kakayahan. Ang pagbibigay ng ayuda sa social media o pamimigay ng cash giveaways ay hindi sapat na basehan upang iluklok ang isang tao sa posisyon ng kapangyarihan. Ang tunay na serbisyo publiko ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng tulong sa iilang indibidwal kundi sa pagbubuo ng mga pangmatagalang solusyon para sa buong bayan. Hindi sapat ang kasikatan upang maging isang epektibong lingkod-bayan. Ang bawat boto ay may katumbas na epekto sa kalidad ng pamamahala sa bansa. Sa panahon ng eleksyon, dapat gamitin nang tama ang karapatang pumili ng mga lider na may sapat na kakayahan — hindi lang ng mga sikat sa social media na mayroong makikinang na pangalan.

Kristine Angela Ibañez

ITATAK MO!

MALAYANG USAPAN. Sa ilalim ng SAILS session, pinangunahan ng FEU HS Tamaraw Alliance of LGBTQIA+ Advocates (TALA) at Health Allied Association (HAA) ang “Let’s Talk HAA-bout Sex,” isang seminar na naglalayong palawakin ang kamalayan ng mga estudyante sa responsableng pakikipagrelasyon at sekswal na kalusugan, noong Oktubre 17, sa FEUture Center.

ML Guevara, FEU HS Tamaraw Alliance of LGBTQIA+ Advocates (TALA), FEU HS Health Allied Association (HAA)

Tomo 1 Bilang 1 | Oktubre 2024 - Enero 2025
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng FEU High School

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng FEU High School

Bago sa Bentesingko: Batang

Puno na ba ang listahan mo ng New Year’s Resolution?

Balak ng karamihan sa pagpatak ng 2025 ay bumait, magtipid, at magwork-out pa lalo. Sabay ng mga pinaputok na kwitis at lusis noong Enero 1 ay ang pag-usbong ng listahan ng mga sari-saring kagustuhang pagbabago para sa sarili. Laman nito ang mga magkakaibang mithiin na idinadasal sa itaas kasama ng mga maiingay na torotot at mga kalderong hinahampas.

Ngunit sa loob ng tahimik na ospital nang pumatak ang alas dose, isinilang ang mga bagong panganak na henerasyong tatakbo mula 2025 hanggang 2039. Bininyagan ang mga sanggol bilang Generation Beta, hango sa pangalawang letra ng Griyegong alpabet, ayon sa mananaliksik na si Mark McCrindle. Gamit ang mga naitalang hiling kada bagong taon, inuudyok nito ang madla na ipagpabuti ang kanilang mga sari-sarili, umaasang mababago pa ang ihip ng kapalaran.

Nagagawa nilang pumorma nang mas pumapatok, mag-ehersisyo nang mas may mabilis na balik ng resulta, o ‘di kaya, kumain nang mas malusog na hindi naglalasang damuhan. Sa puntong ito, mamanahin ng mga batang Beta ang iba’t ibang mga kinagawian at pauso ng nakatatandang henerasyon na siyang dadalhin nila sa susunod na siglo, maging mga kinahinatnan ng kanilang mga kilos.

Iiwanan ng mga sinyor ang mga musmos na maglaro sa mga pook-pasyalang pinapaligiran ng mga abot-langit na gusali sa ilalim ng nakakatuklap-balat na init. Hindi magiging kasundo ng mga batang ito ang haring araw na magpapatuyo sa mga lupa, halaman, at maging mga lalamunan.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geographical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA), patuloy lamang ang pagdalas ng temperaturang lalagpas ng 35*C sa panahon ng tag-init. Kinumpirma rin ng PAG-ASA na malamang ay mga

tao mismo, mula pa noong nakaraang siglo, ang nagdulot nito. Marahil diyan, hindi na si Boyet sa kabilang bahay o si Nene na paboritong kalaro ang makikilala ng mga bata bilang kaibigan sa tumbang preso at piko. Mas madalas na nilang makakausap si user1029209209 sa harap ng kanilang mga iPad. At kung sakaling umulan man, hindi na makakapagtampisaw ang mga bata sa lansangan sapagkat inunahan na sila ng baha. Madalas ay puno ng hanggang baywang tubigbaha ang kahabaan ng mga kalye sa Maynila tuwing Hunyo hanggang Disyembre. Para sa arkitektong si Ian Fulgar, sanhi ito ng mga mas pinalakas na bagyo na sanhi ng nagbabagong klima. Sa panahon naman ng bakasyon, kung saan panahon para maglibot sa dalampasigan at maaliw nang magdamag sa dagat, matututunan lamang nilang umikot sa loob ng mga pasyalang pamilihan sa mga mall. Huli na marahil para tanggalin at linisin ang mga tone-

toneladang basurang inaagos sa pampang. Huli na rin marahil para bumawi pa sa mga lamang-dagat na namatay sa bagsik ng mga dinamita at paglalason. Sasalubungin nila ang maiinit na buga ng hangin. Pilit nilang yayakapin ang mga malulupit na bagyo kada Septyembre. Masasanay sila sa mundong ginagawang kalaban ang inang lupa.

At sa taong 2050 kung kailan nakabaon na sa lupa ang katawan ng karamihan sa mga dating henerasyon, sagana pa rin ang mga plastik na tinatapon lang sa tabi-tabi. Masigla pa rin ang mga tambutsong naghahari sa langsangang puno ng maiitim na usok. Buhay na buhay pa rin ang mga sinusunog na langis para sa paglalabis ng mga telebisyon at kompyuter.

Sa ganitong paraan nila tunay na makikilala ang kanilang mga ninuno, pabaya at makasarili. Ano nga ulit ang New Year’s Resolution mo?

Kristine Angela Ibañez
Marianne Grace Escobia
Niña Bianz Donato
The Bente Singko Project

Pilyong Malaya: ‘U-Belt is Brat’

Ang buhay-estudyante ay hindi raw madali—lalo na sa loob ng mga naglalakihang pamantasan sa “University Belt” ng Maynila. Puno ng mga kabataang naghahangad ng magandang kinabukasan, tinagurian ang buhay sa U-Belt bilang isang ‘patayan’.

Ngunit sa gitna ng mga pagod at puyat ng mga estudyanteng naghahanap ng lugar para maglaan ng oras sa kanilang sarili, may isang berdeng pader na tila ba’y minahika sa biglaang paglabas nito. Kaya agad namang nagsi-picture ang maraming estudyante.

Hindi maikukubli, ang tanyag na berdeng hindi nawawala sa TikTok at Facebook ay nasa tahanan na ng mga unibersidad— ‘u-belt is brat’ ika nga nila.

Pagpiglas sa Tanikala

Matulin ang pagbabago ng kahulugan sa mundo. Isang araw ang salitang “brat” ay nangangahulugang isang pilyong bata, at kinabukasan naman ay tungkol na ito sa kalayaan para bumitaw sa tali ng mga pamantayan ng lipunan.

Gaano man kaunlad ang mundo, hindi pa rin tuluyang nawawala ang mga stereotype— lalo na sa mga kababaihan at LGBTQIA+ na patuloy ikinukulong sa mga pamantayan ng masa. Sila’y pilit na ibinibitag at kinakadena sa kung ano ang gusto ng lipunan; malayo at walang layang ipahayag ang sarili.

Pero hindi tumalima ang isang babaeng gustong maging malaya. Kaya binaklas niya ang kadena at bumitaw sa tanikala. Hindi matagal

bago sumunod ang iba.

Nang lumabas ang “Brat” bilang pang-anim na album ni Charli XCX, agad ito bumulaklak nang lubos dahil sa kabighabighaning musika at makabuluhang liriko—isabay mo pa ang simple ngunit kaakit-akit na kulay matcha nito. Sa unang tanaw mo palang ng album ay alam mo nang malalim ang impluwensiya sa lipunan.

“Brat is party, brat is fun, brat is messy, brat is sexy. Brat can be anything,” saad ni Charli. Linarawan niya na ang pagiging “brat” daw ay ang pagiging “confdently rebellious,” “unapologetically bold,” at “playfully defant.”

Tulad na dito ang mga kantang “Apple” na tungkol sa mga trauma at pressure na hinaharap ng maraming kababaihan na hindi nabibigyang-pansin. Ngunit sa likod ng mga ito, ang “Club Classics” ni Charli ay nandyan para ipakita na pwede manalig at maging masaya ang mga kababaihan laban sa mga sinasabi ng mundo.

Isinigaw niya nang lubos ang mensaheng tanggapin ng bawat isa ang sarili; kahit gaano pa man ito kakumplikado. Kaya tumatak ito ng lubos sa mga kabataan, kababaihan, at LGBTQIA+ community na madalas maapi ng mga societal norms. Ang “brat” ang nagsilbing kakampi nila sa paglaban dito.

Ang berdeng album ay hindi lamang naging para sa tugtugan ng mundo, ngunit isang simbolo para tanggalin ang tali at kapit ng mga pamantayan ng lipunan upang maging malaya.

Sa pagitan nito, ang salitang “brat,” na madalas inuugnay sa mga pasaway at pagal na bata,

ay nareporma sa panibagong kahulugan—pagiging malaya.

Alpas ng Henerasyon

Ngunit bukod pa sa pag-aaklas nito sa mga societal norms at pagbabago sa kahulugan ng isang salita, ang ‘brat’ ay naging daan para ipamalas ng bagong henerasyon ang pagkakakilanlan nito.

Sa pagsabog nito sa buong mundo, umabot ang kultura ng brat sa U-Belt, kung saan matatagpuan sa kalye ng Lerma ang patok na “brat wall.” Nagsilbi itong daan para sa mga kabataan na yakapin ang tunay na sarili nila.

Mula sa kanilang pananamit, salita, at hanggang sa pagtanghal,

yinapos na nila ang pamumuhay bilang isang “brat”—malayo sa mga tali, kahon, at pagkadena sa mga nakagawian. Ang “brat” ngayon ay para bang isang kultura ng mga kabataan kung saan maaari mong gawin ang kahit na ano, isipin ang gustong isipin, at suotin ang nais suotin. Sila’y tila mga kaluluwa na walang pakialam at malayang pumunta sa kung saan pa man— kahit ano man sabihin ng mundo. Sa tagal nang pagyabong ng “brat” trend sa pop culture, isang bighani ang pangyayaring buhay pa rin ito sa bawat komunidad na siniklaban nito. Patuloy nabubuhay ang “brat” bilang isang simbolo ng kalayaan sa mundong pagal na

nais silang itago sa likod ng makitid na pamantayan. Hindi pa rin madali ang buhay-estudyante sa araw-araw. Gayunpaman, ang konsepto ng pagiging “brat” ay nagbigay-diin sa mga hamong kinakaharap ng mga kabataan, kababaihan, at mga komunidad laban sa mga nakasanayang gawi ng lipunan. Kung sa iba ay isa lamang itong berdeng pader na pangkaraniwang tignan, para sa henerasyon na ito, ang berdeng pader na may salitang ‘brat’ ay simbolo ng pagkakakilanlan nila. Kaya mawala man o hindi ang “brat” sa U-Belt, sapat na ang mga estudyante dito para kampanteng sabihin na “u-belt is brat.”

PATOK PALUBOG Goodbye Tiktok?

Tila linya ng buhay ng karamihan sa mga Pilipino ang TikTok. Mula sa dance trends, political commentaries, life hacks, hanggang online negosyo, para bang hindi na natin ito matatakasan—ang bagong tambayan ng bayan.

Pero paano kung ang patok na social media platform ay biglang ma-delete sa masa?

Laban sa Ban

Kasalukuyang sumabog ang usapin ukol sa kamakailang pag-ban ng Estados Unidos sa TikTok—isang kontrobersyang pinapainit ng isyu ng seguridad at pulitika.

Ayon sa mga opisyal ng Amerika, maaaring ginagamit ng China ang app upang makakuha ng impormasyon mula sa mga users.

Kung kaya’t ipinasa ang batas na nag-aatas sa tuluyang pagbawal nito o ibenta ang app sa ByteDance, isang American-owned entity.

Sa madaling salita, hindi lang ito simpleng isyu ng social media platform na lulubog. Ito ay bahagi ng mas malawak na labanan ng kapangyarihan sa pagitan ng US at China.

TikTok ang isa sa pinakamalalakas na social media platforms sa mundo, at ang pagkawala nito ay maaaring magbigay ng bentahe sa mga American tech giants tulad ng Meta (Facebook, Instagram) at Google (YouTube).

Sa puntong ito, mas isyu nga ba ito ng seguridad? O may bahid na ng interes ng negosyo? Tila ang laban sa ban ay bahagi ng isang mas malawak na kompetisyon sa digital market.

Wer Na Us?

Dulot ng muling pag-upo ni US President Donald Trump sa White House, marahil ay

muling iingay ang ugnayan ng ating bansa sa Amerika. At kung may isa pang bagay na mahilig gawin ng Pilipinas bukod sa pagsabay sa uso— ito ay ang pagsunod sa yapak ng US. Kung tuluyan ngang malubog ang TikTok, ang tanong: saan tayo lilipat? Isa-isahin natin ang bawat platapormang patok sa mga Pilipino. Kung saan, tila nangunguna sa listahan ang Facebook Reels bilang posibleng maging pangunahing alternatibo, lalo na’t hindi pa rin matatawaran ang dami ng Pilipinong gumagamit ng Facebook. Bukod dito, lumalakas din ang YouTube Shorts bilang tahanan ng short-form content, lalo na para sa mga seryosong content creators na naghahanap ng mas matatag na kukunangyaman. Samantala, para sa mga mahilig sa aesthetically curated content, maaaring maging mas appealing ang Instagram Reels. Ngunit higit pa sa sayawan at trends, marami ang gumagamit ng TikTok para sa balita, content ukol sa edukasyon, at pampublikong talakayan. Kung mawala ito, babalik ba tayo sa panahon ng tradisyunal na midya? O lalo lang tayong magiging sustentado sa algorithms ng iba pang social media giants? Isang bagay ang sigurado: Hindi madali ang #MovingOnFromTikTok. Kaya, ikaw—wer na us?

Kinalawang na Yellow Basket

Maliban din sa personal na aliw sa mga post, malaking dagok din ang maaaring paglubog ng TikTok sa mga content creators at online sellers na nakahanap ng hanapbuhay sa app. Maraming “yellow basket” ng mga Pilipino ang mangangalawang, sabay ng pagkupas ng pagkakakitaan ng karamihan.

Sa loob lamang ng ilang taon, napatunayan ng TikTok na hindi lang ito entertainment platform kundi isa ring e-commerce giant. Sa TikTok Shop,

kahit ordinaryong user ay pwedeng maging negosyante, at kahit sino ay may pagkakataong sumikat at kumita. Bagaman marami pang ibang plataporma upang mag “add-to-cart,” hindi gano’n kadali ang lumipat. Sa Facebook Marketplace, mas madalas ang tawaran kaysa sa aktwal na bentahan. Ang Shopee at Lazada naman, bagama’t epektibo, kulang sa real-time engagement na naging trademark ng TikTok live selling. Sa TikTok, sapat na ang isang trending video para mapansin ang isang brand. Pero kung mawala ito, maaaring bumalik tayo sa mas tradisyunal na paraan—patalastas na may pulidong mga biswal, scripted endorsements, at mas mahigpit na labanan sa exposure.

Trending o Fading?

Habang nananatiling patok ang TikTok sa kasalukuyan, hindi malayong sa hinaharap, isa na lang ito sa mga alaala ng internet na minsan nating pinag-aksayahan ng oras—gaya ng Friendster, Vine, at MySpace. Hindi rin malayong isipin na kung magpapatuloy ang pagpapatupad ng ban, maaaring sundan pa ito ng ibang bansa, kabilang ang Pilipinas. Bagamat walang malinaw na banta sa ating pambansang seguridad mula sa TikTok, hindi imposible na sumunod tayo sa yapak ng mas malalaking bansa—dahil kung may isa tayong talento bukod sa pagsayaw sa viral trends, iyon ay ang mabilis na pag-angkop sa mga global shifts. Sa dulo, ang

Kristine Angela Ibañez
Jiann Delumen

HIMIG AGHAM. Sa kagalakan at pagmamalaki, ipinagdiwang ng mga mag-aaral mula sa junior high ang kanilang pagkapanalo sa ‘Sci-Awit: Jingle Making Contest,’ na parte ng Science Fair 2024, noong Disyembre 4, na nagbigay-daan sa kanilang malikhaing pagpapahayag ng kaalaman sa agham sa pamamagitan ng musika.

Jiann Delumen

Sa muling pagbabalik ng Science Fair…

Tams, ibinida ang siyensiya at sining para sa kalikasan

Nagtagpo ang agham at sining sa Science Fair 2024 ng FEU High School (FEU HS), kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang talino at pagkamalikhain sa paggamit ng recycled materials at pagbuo ng mga solusyong pangkalikasan mula

Disyembre 4 hanggang Disyembre 6.

Sa pangunguna ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) cluster, at sa ilalim ng temang “Providing Solutions and Opening Opportunities in the Green Economy,” layunin ng patimpalak na palawakin ang oportunidad para sa makakalikasang inobasyon at hikayatin ang mga kabataan na gumamit ng

agham sa paglutas ng mga isyung pangkalikasan.

Tampok dito ang Likas Likha: Biome CostumeMaking Contest, kung saan nagdisenyo ng kasuotan ang mga mag-aaral mula sa ika-11 baitang gamit ang recycled materials upang kumatawan sa iba’t ibang biome.

Samantala, sa bagong eksibit na Chem-Booth, itinampok ang iba’t ibang eksperimento at likha ng mga magaaral na nagpapakita ng mahahalagang konsepto ng kemistri gamit din ang mga basura bilang materyales.

Nagtagisan naman ng talino ang mga mag-aaral sa Sci-Quest Olympiad, kung saan sinubok ang kanilang kaalaman sa physics, chemistry, at earth science.

Sa BioBayin: Biology

Spelling Contest, ipinamalas ng mga kalahok mula sa ika-12 baitang ang husay sa pagbabaybay ng mga terminong pangbiyolohiya mula sa Botany, Microbiology, at Zoology clusters.

Hindi rin nagpahuli ang mga mag-aaral ng junior high school na gumawa ng kani-kanilang mga jingle tungkol sa tema ng Science Fair sa bagong segment na Sci-Awit.

Dedikasyon sa luntiang kinabukasan Sa pangwakas na programa ng patimpalak, ipinahayag ni ASSA Assistant Director Tyron Judes Casumpang ang kanyang paghanga sa dedikasyon ng mga mag-aaral.

“Whether you have won

an award or not, your participation and dedication contributed to making the science fair a tremendous success,” aniya.

(Nanalo ka man o hindi, ang inyong pakikilahok at dedikasyon ay naging mahalagang bahagi na rin sa tagumpay ng Science Fair.)

Ayon naman sa Physical Science Cluster Head at Science Fair ‘24 External Relations Head na si Lester Dave Pua, ang Science Fair ngayong taon ay maipagmamalaki dahil sa patuloy nitong pag-engganyo sa mga mag-aaral na makiisa sa pagtataguyod ng green economy.

“Higit sa mga palakpakan at mga parangal, sana ay nagmarka sa ating mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagsulong ng

sustainability. Sa tulong ng siyensiya, sining, at sama-samang aksiyon, makakamit natin ang green economy na nakatutulong sa pagpapabuti ng sitwasyon ng parehong kalikasan at sangkatauhan, lalo na sa konteksto ng ating bansa,” saad ni Pua. Ang Science Fair 2024 ay sama-samang itinaguyod ng STEM Department ng FEU HS katuwang ang STEM Society, Eureka Science Organization (ESO), Young Leaders for the Environment (YLE), Brilliant, Young, and Technology-Empowered Students (BYTES), at Health Allied Association (HAA). Ito ang ikalawang edisyon ng programa na sinimulan noong 2023.

Paggamit ng single-use plastic, planong ipagbawal sa FEU

Sa pagtugon sa pandaigdigang panawagan laban sa plastic waste, nagsagawa ng magkakaugnay na hakbang ang Far Eastern University (FEU) Main at FEU High School (FEU HS) upang ipatupad ang mga makakalikasang solusyon at mabawasan ang paggamit ng single-use plastics.

Noong Oktubre 21, nagdaos ang Academic Affairs Offce (AAO) ng FEU Main ng konsultasyon kasama ang mga lider-estudyante upang talakayin ang panukalang zero single-use plastic policy ng unibersidad.

Pinangunahan ni Marc Lancer Santos, University Research Center Coordinator, ang talakayan kung saan binigyang-diin niya ang pangangailangan ng pagbabawas ng plastic waste bilang bahagi ng bagong bisyon ng FEU na isulong ang mga sustainable na gawain.

“I think, in FEU… wala [pa] tayong policy regarding it (sustainable na gawain). And part of the new vision and mission of the University is to promote sustainability and attainable practices,” pahayag ni Santos, na binanggit ang posibilidad ng pagbabawal sa paggamit ng plastic bottles at pagpapalawak ng water fountains bilang alternatibong solusyon.

(“Sa tingin ko, sa FEU, wala pa tayong policy tungkol dito (sustainable na gawain). Parte ng bisyon ng unibersidad na magpatupad ng mga makakalikasan at praktikal na solusyon.”)

Inihayag din ni Santos na sa kabila ng mga hamon, patuloy ang AAO at mga estudyante sa paghahanap ng mga posibleng solusyon para sa zero single-use plastic policy.

Pagpapalawak ng adhikain

Habang nagsasagawa pa ng masusing pag-aaral

ang AAO ng FEU Main, ibinida naman ng FEU High School (FEU HS) Young Leaders for the Environment (YLE) ang inisyatibo sa paggamit ng edible straws sa Merkato Piyu 2024 nitong Nobyembre 20, upang bawasan ang plastic waste sa unibersidad.

Naglalayon ang proyektong ito na ipakilala ang makakalikasang alternatibo sa single-use plastics, sa pakikipagtulungan ng Accountancy and Business Management Society at Entrepreneurship Cluster.

Sa inisyatibong ito, namahagi ang mga nasabing organisasyon ng libreng edible straws mula sa ADA Biotech Philippines sa mga student-vendor, gamit ang dalawang uri—isa para sa regular na inumin at isa para sa mga boba drinks.

Layunin nitong ipakita ang posibilidad ng pagpapalit sa tradisyunal na plastik nang hindi isinasakripisyo ang kaginhawaan ng mga mamimili.

Ayon sa Team Leader ng YLE na si Alyona Claire Ortañez, “We started the project at Merkato Piyu since it serves as a pilot initiative that could lead to campus-wide implementation, demonstrating sustainability can be both feasible and benefcial when introduced thoughtfully.”

(Sinimulan namin ang proyekto sa Merkato Piyu bilang isang paunang hakbang patungo sa malawakang pagpapatupad sa campus, na nagpapatunay na ang pagpapanatili ay maaaring maging praktikal at kapaki-pakinabang kung maingat na ipatutupad.)

Sa mga ganitong hakbang, umaasa rin ang FEU na mas magiging matatag ang pagkilos ng komunidad tungo sa isang mas makakalikasang hinaharap.

Joshua Aldrich Ting
Jiann Delumen
Jiann Delumen

Pinto ng Pag-asa

“Kaya ko pa ba?”— isang tanong na madalas bumabalot sa isipan ng milyunmilyong pasyenteng lumalaban sa kanser. Kung saan, ang sakit na ito ay nananatiling isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa buong mundo, na kumikitil ng mahigit sampung milyong buhay taontaon.

Gayunpaman, sa kabila ng madilim na ulap ng takot, nagbukas ng panibagong pinto ang makabagong teknolohiya: mas pinahusay na siyentipikong pananaliksik na magbibigay pag-asa sa lahat.

Sa pag-usbong ng episyenteng paraan ng pag-diagnose at paggamot sa kanser, unti-unting nagkakaroon ng liwanag sa buhay na puno ng pangamba. Sa tulong nito, nagiging posible ang mga bagay na dati’y mahirap gamutin. Patuloy na nadaragdagan ang mga paraan upang baguhin ang takbo ng kalusugan.

Depensang Bakuna

Isa sa pinakahuling tagumpay sa larangan ng medikal na pananaliksik ay ang

Bukod sa pagiging mas epektibo, mas kaunti rin ang inaasahang side effects kumpara sa matinding epekto ng chemotherapy.

Maagap at Matatag

Sa laban kontra sakit, mahalaga ang maagang pagtuklas at maagang aksyon.

Kaya naman, sa bagong pag-aaral ay nagtagumpay ang mga siyentipiko sa pagbuo ng isang pagsusuri na may kayang matukoy ang 18 uri ng kanser sa maagang yugto pa lamang nito. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa blood proteins ng pasyente, naitala ang 93% accuracy sa mga kalalakihan at 84% naman sa kababaihan.

Samantala, sa India, ginagamit na ang Artifcial Intelligence (AI) sa risk

Isa sa pinakamahalagang tagumpay ay ang liquid biopsy—isang ‘di-invasive na pamamaraan kung saan isang sample ng dugo lamang ang kailangan upang matukoy ang presensya ng kanser. Nagbibigay ito ng mas mabilis na resulta na kritikal sa pagtiyak ng kaligtasan ng pasyente.

Samantala, sa England, inilunsad ang isang makabagong cancer treatment injection na tumatagal lamang ng pitong minuto. Isang malaking ginhawa ito kumpara sa tradisyunal na chemotherapy infusion na inaabot ng maraming oras.

Code Mo, Cure Ko

Hindi sapat na basta gamutin ang kanser— kailangang unawain ito

Mga wagi ng 2024 Nobel Chemistry Prize, nalutas ang

Mahirap manalo sa lotto, ngunit paano pa ang pagtiyak kung paano nabubuo ang maliliit na protina? Iyan ay isang palaisipan na tumagal nang 50 taon. Hanggang sa tatlong siyentipiko, ngayo’y mga wagi ng Nobel Prize sa Chemistry para sa taong 2024, ang literal na nakalutas sa problemang ito.

Salamat sa protein builder software ni David Baker na RoseTTAFold at ang AI model na AlphaFold 2 nina Hassabis at Jumper.

Protein Panic

Ang mga biomolecule ay malalaking molecule na bumubuhay sa mga organismo, at isa sa pinakamahalaga rito ang mga protina. Ang mga protina ay bumubuo ng kumplikadong 3D na istruktura upang maisakatuparan ang iba’t ibang tungkulin nito: mula sa pagiging pundasyon ng mga tisyu, tagapabilis ng mga reaksyong kemikal, hanggang sa pagiging tagapagdala ng mga hormone. Dahil ang protina ay isang mahabang kadena ng amino acid, tinatayang mayroong milyun-milyong posibleng anyo ito ayon sa mga biologist. Sa sobrang dami ng posibleng kombinasyon, umabot ng limang dekada ang pagsubok na

pagtukoy at paggamot ng sakit.

Sa kabila ng mga pangambang bumabalot sa isipan ng mga pasyente, isang bagay ang nananatiling totoo: patuloy ang agham sa paghahanap ng lunas. Sa

hulaan ang istruktura ng mga protina. Noong 2003, ang pangkat ni David Baker ay matagumpay na nakapagdisenyo, nakapaglarawan, at nakabuo ng mga kapaki-pakinabang na protina gamit ang 20 pamantayang amino acid—na siyang nagbigay kay Baker ng kalahating bahagi ng Nobel Prize 2024 para sa computational protein design. Noong 2021, inilathala nina Baker ang RoseTTAFold, isang software na gumagamit ng deep learning upang mabilis at eksaktong mahulaan ang istruktura ng mga protina. Ipinakita nila na kaya nitong alamin ang estruktura ng isang protina sa loob lamang ng 10 minuto, na dati’y inaabot ng maraming taon.

Protina at Pangarap

Mula pa noong 1970s, naging napakahirap ng paghula ng istruktura ng mga protina gamit lamang ang amino acid sequence nito—ang itinuturing na “how-to manual” ng kanilang pagkakaayos. Ito ay dahil ang mga amino acid ay bumabaluktot sa mga kumplikadong hugis-3D, na siyang nagtatakda ng kanilang tungkulin. Dahil sa tila random na proseso ng pagtiklop, ang paulit-ulit na pagsubok na hulaan ang hitsura ng isang protina ay naging tila pagsusugal sa lotto.

Ngunit noong 2020, ang AlphaFold 2 nina Dennis

Hassabis at John Jumper ay tumulong sa paghula ng istruktura ng lahat ng 200 milyong kilalang protina. Bilang sagot sa 50-taong palaisipan sa protina, kanilang pinagsaluhan ang 2024 Nobel Prize para sa larangan ng protein structure prediction.

Gamit ng AlphaFold2 ang makabagong machine learning kung kaya’t kaya nitong hulaan ang istruktura ng mga protina mataas ang accuracy sa loob lamang ng ilang minuto. Detalyado ang mga prediksyon ng sistema kaya karaniwang nagtatala ito ng napakababang error margin.

Daig ang Panalo sa Lotto

Mahirap manalo sa lotto, ngunit ang mga inobasyong ito sa pag-aaral ng mga protina ay isang patunay ng talino ng sangkatauhan. Dahil sa mga pambihirang tagumpay na ito, mas lumalapit ang tao sa hinaharap kung saan mas mauunawaan at magagamit natin ang protina sa iba’t ibang larangan.

Gaya ng isinulat ng Nobel Committee sa kanilang press release: “Life could not exist without proteins. That we can predict protein structures and design our own proteins confers the greatest beneft to humankind.”

Kristel Mae Utanes
Xiomara Yezia Alarcon

MATIKAS NA PAGBALIKWAS

FEU

nagpasiklab sa huling round ng men’s basketball bagaman kinapos para sa Final Four

Welsh Kendrick Osorio

Nabigo mang sungkitin sa dulo ang inaasam na Final Four sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 87 Men’s Basketball, pinatunayan pa rin ng Tamaraws na sila ay isang puwersang dapat abangan at paghandaan sa susunod na season.

Matapos ang masalimuot na unang round na may 1-6 na kartada, bumawi ang Far Eastern University sa ikalawang round upang magtapos sa 5-9 card, ngunit kinulang ng panalo para sa Final Four nang padapain ng kalauna’y kampeong University of the Philippwines sa kanilang huling laban.

Sa kabila nito, apat na panalo naman ang naukit ng Diliman-based squad sa huling round ng regular season na nagsimula sa kanilang matinding girian kontra sa Adamson University na humantong pa ng overtime.

Diniskaril ng Tamaraws ang late-game push ng Soaring Falcons sa pangunguna ni Jorick Bautista upang mapasakamay ang 76-72 panalo noong Oktubre 12 sa Smart Araneta Coliseum.

Itinarak ni Bautista ang siyam sa kanyang gamehigh 21 points matapos magpaulan ng crucial treys

sa nalalabing segundo ng laro katuwang ang big man na si Mo Konateh na umani ng offensive rebounds, sapat upang makamit ang buenamano para sa ikalawang round.

Nagpinta si Konateh ng 13 puntos at 26 rebounds, na sinahugan ni super rookie Veejay Pre ng 10 puntos at pitong assists.

Nang tanungin ukol sa kanilang susunod na rematch laban sa National University na nagbigay sa kanila ng isa sa mga pinakamabigat na pagkatalo sa unang round, isa lang ang tugon ng kanilang head coach na si Sean Chambers.

“Bawi lang, they’re next. Everybody got a chance to get us because we’re young,” saad nito.

MAY ISANG SALITA

Sa unang round ng UAAP

Season 87 men’s basketball, madalas na kinapos ang Far Eastern University sa dulong parte ng mga laro, kabilang na ang kanilang pagkatalo sa NU Bulldogs.

Ngunit ibang kwento ang isinulat nila noong Oktubre 16, matapos magsanibpwersa sina Royce Alforque at Jorick Bautista sa huling quarter upang ibigay sa Tamaraws ang kanilang

unang win streak, 65-58, sa Mall of Asia Arena.

Bagama’t muntik pang makabalik ang Bulldogs sa huling bahagi ng laban, sumalang sa responsibilidad si Alforque sa pamamagitan ng magkasunod na layup, bago sinelyuhan ni Bautista ang panalo sa isang deep three, 64-58, sa nalalabing sampung segundo.

Ibinahagi ni coach Chambers na magiging iba ang kanilang kampanya sa second round matapos nilang namnamin ang mga aral mula sa unang bahagi ng torneo.

“We’re still a young team but we are a very talented team… and like I said, we’re coming after everybody,” ani Chambers.

TAMIS AT PAIT

Sa kabila ng career night ni Veejay Pre tangan ang 31 puntos at 14 rebounds, nahulog sa kalbaryo ng pagkatalo ang Tams laban sa University of Santo Tomas, 70-79, noong Oktubre 27.

“Masaya—ffty malungkot, hindi namin nakuha ‘yung panalo,” ani Pre, matapos maging kauna-unahang rookie na makapagtala ng 30 markers mula pa noong Season 84, subalit nabigong iuwi ang panalo.

BAGSIK NG STEM B:

Ang Hindi Natitinag na Kampeon ng PakiTAMgilas

Tatlong taon, tatlong tropeo, tila walang makasisibat sa trono.

Ano nga ba ang lihim ng STEM B na patuloy na nagpapakita ng lakas at di-mabilang na tagumpay, kahit na bawat taon ay may bagong hamon na dumaan?

Sa kanilang hindi matitinag na pagkakaisa at walang sawang pagsusumikap, patuloy na tinatangkilik ng STEM B ang titulo bilang hari’t reyna ng PakiTAMgilas matapos ang tatlong taong prenteng pagkakaupo.

Sa kabila ng mahigpit na laban mula sa mga kalabang koponan tulad ng JHS, STEM A, HUMSS, ABM, at GAS, hindi naging hadlang ang anumang pagsubok para sa STEM B upang mapanatili ang kanilang pamumuno sa torneo. Ang tatlong magkakasunod na titulo ay simbolo ng kanilang kahusayan sa mga laro pati na

rin ng kanilang lakas ng loob, at tunay na pagkakaisa.

Sa bawat laban, hindi lang nakatuon ang STEM B sa pagpanalo, kundi sa patuloy na pagkatuto bilang isang koponan. Ayon sa team captain ng G12 Men’s Volleyball Team na si Xymon Andrae Bautista, “The lesson that we learned is that no matter how many mistakes that we make in our matches, it’s not the end of it and the team will always have their each other’s back.”

Para sa kanila, ang bawat laban ay hindi lang isang pagkakataon upang manalo, kundi isang pagkakataon upang ipakita ang kanilang tunay na halaga at dedikasyon sa bawat aspeto ng laro.

Sa bawat taon, laging may panibagong pagsubok—mula sa kakulangan sa oras ng paghahanda, pressure na dulot ng mga kaklase, matinding

Balintataw

Ang basketball ay isang laro na hindi lamang matatagpuan sa mga court ng bawat barangay kundi tumagos na sa puso ng bawat Pilipino. Mula sa mga lansangang puno ng improbisadong ring, nagsisimula ang mga pangarap ng mga batang atleta. Ang mga liga sa bawat kanto, na hinahati ayon sa edad, ay nagiging daan para sa mga kabataan na magsimula at magtagumpay. Subalit, sa kabila ng matinding pagkabighani ng mga Pilipino sa larong ito, maraming ibang sports ang nananatiling nasa anino—mga atletang patuloy na nagtataguyod ng karangalan para sa bansa ngunit bihirang mapansin at mabigyan ng sapat na suporta. Noong nakaraang taon, gumawa ng kasaysayan ang Gilas Pilipinas nang masungkit ang unang gintong medalya sa men’s 5-on-5 basketball sa Asian Games matapos ang 61 taong pagkauhaw. Sa matinding laban kontra Jordan, nanaig ang Pilipinas tangan ang 70-60 tagumpay sa Hangzhou Olympic Sports Centre Gymnasium sa Tsina. Isang tagumpay na nagpapatunay sa dedikasyon at pagmamahal ng bansa sa larong ito. Samantala, patuloy na tinutupad ni Kai Sotto ang pangarap niyang makapasok sa NBA bilang kaunaunahang purong Pilipino na aakyat sa pinakamalaking basketball league sa mundo. Sa kanyang panibagong yugto sa Japan bilang sentro ng Hiroshima Dragonfies, hindi pa rin siya bumibitaw sa kanyang misyon. Kasabay nito, patuloy ding nagpapakilala si Jordan Clarkson, isang FilipinoAmerican, bilang bahagi ng Utah Jazz sa NBA, isang patunay na nananalaytay sa dugo ng mga Pilipino ang pagmamahal sa basketball.

Ngunit sa kabila ng sigla ng ating basketball culture, may mga atletang patuloy na lumalaban sa ibang larangan na hindi natin gaanong binibigyang pansin.

Sila ang mga bituing hindi man lang matamaan ng tanglaw ng pambansang suporta. Sa halip, sila ay unti-unting natatabunan ng ating hindi matinag na atensyon sa basketball.

Isang halimbawa rito sina Carlos Yulo at EJ Obiena, mga Pilipinong atleta na patuloy na nagbibigay ng karangalan sa bansa sa larangan ng gymnastics at pole vault.

Ngunit, madalas

kompetisyon mula sa mga kalabang koponan—ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nanatiling buo ang kanilang determinasyon at lakas ng loob.

Sa huling araw ng PakiTAMgilas 2025, kung saan nangunguna ang STEM A, tila isang malaking agwat ang namutawi. Ngunit sa isang iglap, nakuha ng STEM B ang tamang momentum at, sa huli, muling tinanggap ang kanilang tatlong taong trono bilang mga kampeon.

Isang mahalagang aspeto ng kanilang tagumpay ay ang kanilang mindset. Hindi lang nila tinitingnan ang bawat laro bilang isang hamon na dapat pagtagumpayan kundi bilang isang pagkakataon upang patunayan ang kanilang sarili— hindi lang sa ibang tao kundi sa kanilang sariling kapasidad at lakas. Minsan, ang pinakamalaking

lamang silang mapansin tuwing nakakakuha na ng medalya— kung kailan may nagagawa nang kasaysayan para sa Pilipinas. Sa kabila ng kanilang dedikasyon at pagsisikap, hindi pa rin ganap na nabibigyan ng sapat na suporta ang sports na ito sa loob mismo ng bansa. Nararapat lamang din nating tanggapin ang isang mahalagang katotohanan: sa basketball, malaking kalamangan ang katangkaran. Isa itong salik na nalilimitahan tayo sa pandaigdigang kompetisyon. Sa kabila ng talento at tiyaga ng ating mga manlalaro, mahirap makipagsabayan sa mga bansang may natural na taas at pisikal na bentahe. Samantalang sa mga disiplina tulad ng gymnastics at pole vault, hindi ang taas ng atleta kundi ang kanyang determinasyon, disiplina, at teknik ang mas nangingibabaw. Samantala, isa rin si Hidilyn Diaz sa mga umukit ng kasaysayan sa Pilipinas sa weightlifting. Siya ang kaunaunahang Pilipinong nakapag-uwi ng gintong medalya sa Olympics, isang tagumpay na dapat sana’y nagbigay-daan sa mas malawak na suporta sa sport na ito. Ngunit hanggang ngayon, nananatiling limitado ang grassroots program ng weightlifting sa bansa. Sa kabila ng kanyang historikal na tagumpay, tila hindi pa rin sapat ang atensyon na naibibigay sa sport na ito upang makabuo ng susunod na henerasyon ng mga kampeon. Sa gitna ng mga tagumpay na ito, hindi natin dapat hayaan na mawala ang iba pang atletang may potensyal dahil lamang sa ating isang panig na pagtutok sa basketball. Kung hindi natin palalawakin ang ating pananaw, mas maraming Carlos Yulo, EJ Obiena, at Hidilyn Diaz ang maaaring hindi mapansin at mas maraming talento ang maaaring hindi natin mabigyang halaga. Oras na para bigyan ng pantay na atensyon ang iba pang sports. Hindi lamang basketball ang kaya nating ipagmalaki— nariyan ang gymnastics, pole vault, weightlifting, at iba pang palakasan kung saan may angking husay ang mga Pilipino. Sa pamamagitan ng mas malawak na suporta at mas maraming programang pampalakasan, maipapakita natin sa mundo na ang galing ng Pilipino ay hindi limitado sa iisang larangan lamang.

atleta ay ang kanilang sariling takot at pangarap. Ngunit para sa mga manlalaro ng STEM B, sa bawat hakbang, ay ipinakita na hindi nila tinatanggap ang kabiguan bilang isang wakas, kundi bilang isang pagkakataon upang matuto at makabawi muli.

Sa huli, isang bagay lang ang natutunan ng STEM B: Ang tagumpay ay hindi nasusukat ng mga medalya o tropeo. Ang tagumpay ay nasa pagbangon mula sa bawat

pagkatalo, sa hindi pagsuko sa bawat laban, at sa pagkakaroon ng malasakit sa bawat isa. Sa pagtatapos ng PakiTAMgilas 2025, hindi lang ang STEM B ang nagtagumpay. Ang buong koponan, ang bawat miyembro, at ang kanilang mga tagasuporta ay nagbigay ng patunay na ang tagumpay ay hindi isang bagay na tanging napapanalunan, kundi isang bagay na pinaghihirapan at pinaglalabanan nang sama-sama.

Welsh Kendrick Osorio
Regina Rhyzel Santos
Dastine Jariz Romero
SAKTO TATLO. Buong pagmamalaking itinaas ni Coach Alwen Perona ang tropeo habang ipinagdiriwang ng STEM B - Grey Phoenix ang kanilang makasaysayang 3-peat overall championship sa PakiTAMgilas ‘25, pinarangalan ang kanilang paghahari sa torneo noong Enero 10 sa FEU Grandstand.
MATIBAY NA PAGSULONG. Matapang na bumawi ang FEU rookie na si Veejay Pre (kaliwa) at team captain na si Royce Alforque (kanan) sa ikalawang round ng UAAP Season 87, muling binubuhay ang kampanya ng koponan para sa inaasam na titulo matapos ang mabigat na simula sa torneo. Jhanraine Manansala at Dianne Dayo

ISPORTS

HATAW TAMARAWS!

FEU Cheering Squad, nanatiling matatag upang kamkamin ang tanso

Nabigo man sa pag depensa ng kanilang titulo sa UAAP Season 87 Cheerdance Competition, muli pa ring nagpamalas ang Far Eastern Univesity isang kamangha-manghang tanghal na tumatak sa 19,121 na mga manonood sa loob ng SM Mall of Asia Arena nitong Disyembre 1. Hindi naging dagok ang ilang aberya sa kalagitnaan ng kanilang routine matapos ibandera ng Tamaraws ang kanilang “Frozen” themed performance.

Bagama’t wala na ang korona, nanatili ang Tamaraws sa kanilang podium fnish matapos magtala ng 650 puntos at sikwatin ang tanso.

Isinagawa ng NU ang kanilang championship pedigree sa pamamagitan ng isang celestial-inspired na pagtatanghal at nakakuha ng kabuuang 713 puntos matapos makamit ang ginto pati na rin ang pag angkin sa lahat ng espesyal na parangal.

Natapos ang Adamson Pep Squad sa pangalawang

Magkaibang Landas, Iisang Kinahinatnan

pwesto sa kanilang kahanga-hangang karaoke-inspired na pagtatanghal, kung saan nagsimula sila ng mabilis na may 679.5 puntos at pinabilib ang kanilang mga taga suporta gamit ang isang mapanganib na routine na ang inspirasyon ay ang mga paboritong karaoke classics tulad ng “Dancing Queen,” at “I Will Survive.”

Nagtapos naman sa ika-apat na pwesto ang UE Pep Squad na may 641 puntos, na ipinamalas ang kanilang makulay na Sexbomb-themed routine na may special appearance pa ni Rochelle Pangilinan, na nagdagdag ng kasiyahan at enerhiya sa kanilang performance.

Ang UST, isang dating regular sa podium, ay bumagsak sa ikalimang pwesto na may 634.5 puntos habang ang UP Pep Squad, na may walong kampeonato, ay nagtapos sa ika-anim na pwesto na may 560 puntos.

Ang La Salle at Ateneo ay nagtapos sa ika-pitong at ika-walong pwesto na may 525 at 490 puntos, ayon sa pagkakasunod.

maglaro ng may buong puso. Pagkatapos ng walong taon ng paghihintay at pag-asa, muling binangon ng FEU men’s football team ang kanilang pangalan at ipinakita sa buong UAAP na hindi pa sila tapos. Isang tagpo ng matinding emosyon at sigasig ang kanilang hinarap sa Season 85, kung saan tinalo nila ang Ateneo de Manila University sa isang nakakagulat na 4-1 na panalo. Pero, hindi madaling makamtan ang tagumpay. Sa bawat pagkatalo, nasubok ang kanilang tibay. Puno ng mga pagbabago — bagong coach, bagong sistema, at ang matinding pressure na sumunod sa mga nagdaang kampeon. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi nila pinabayaan ang kanilang pangarap.

Ang football ay isang laro na hindi lamang nangangailangan ng kasanayan, kundi pati na rin ng puso. At para sa FEU Tamaraws, ito ang kanilang ibinubuhos sa bawat laban. Ang kanilang paglalakbay patungo sa kampeonato ay hindi simpleng kwento ng tagumpay, kundi isang kwento ng pagsubok at balakid na nagpatibay pa sa kanilang pananampalataya. Tulad ng anumang dakilang koponan, ang kanilang kwento ay hindi lamang tungkol sa mga panalo; ito ay tungkol sa sakripisyo ang walang tigil na paghahangad na magtagumpay. Mula sa mga matitinding ensayo hanggang sa mga fnals na puno ng tensyon, ipinakita ng Tamaraws na ang tunay na kampeon ay hindi lamang nahuhubog sa laro, kundi sa bawat sandali na sumusubok sa kanilang katatagan. Ang kanilang pamana ay patuloy na nagbibigay inspirasyon, na nagpapaalala sa lahat na sa football, tulad ng sa buhay, hindi lamang tungkol sa pagkapanalo — ito ay tungkol sa kung paano ka bumangon, lumaban, at

At noong Season 88, muling nagbabalik ang mga Tamaraws sa fnals — at doon, sa isang laban na puno ng tensyon at drama, napanalunan nila ang kampeonato sa pamamagitan ng isang penalty shootout laban sa Ateneo. Isang hakbang muli patungo sa tuktok, at ito ang kanilang ika-12 na titulo. Ang kanilang panalo ay hindi lamang sa kanilang laro, kundi sa bawat

pagkakataong tumayo sila matapos malugmok.

Habang ang mga kalalakihan ng FEU ay muling nagsusulat ng kasaysayan, ang women’s football team naman ay patuloy na pinapanday ang kanilang legacy ng tagumpay. Noong Season 85, matapos makuha ang titulo mula sa De La Salle University, ipinakita ng mga Tamaraws na sila ang tunay na hari ng UAAP women’s football. Ngunit, ang kanilang tagumpay ay hindi lamang isang basta-bastang panalo — ito ay isang patunay na ang tagumpay ay hindi nakabase sa mga pangalan, kundi sa dedikasyon ng buong koponan. Bilang isang koponan na dumaan sa pagbabago — paglipas ng mga beterano, pagpasok ng mga bagong manlalaro — hindi nila pinabayaan ang tradisyong

ipasa ang kanilang tagumpay. Muling sumik ang kanilang lakas sa Season 88, at sa isang dramatikong laban laban sa La Salle, nagdesisyon si Jonela Albiño sa isang 66th-minute goal na nagbigay sa kanila ng 14th championship title. Isang bagong kuwento ng tagumpay, isang bagong pamana. Ang mga ito ay patunay ng bawat sakripisyo, bawat pawis, at bawat pangarap na nagsanib upang maging realidad. Sa bawat pasa at bawat goal, hindi lang nila tinutulungan ang isa’t isa sa laro. Tinulungan nila ang bawat isa na mangarap at magsikap. Sa huli, ang kwento ng FEU Tamaraws ay hindi lang tungkol sa football. Ito ay kwento ng laban, ng pagkatalo at

at ng walang katapusang pagsusumikap na nagsusustento sa kanilang tagumpay.

Dianne Dayo
FEU Tamaraws
UAAP CDC S87
Dwyane Harry Cabrera
Jiann Delumen
FEU sa huling tatlong taon ng UAAP CDC
FEU Tamaraws

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.