Kwentong Pambata

Page 1

Bago Ako Makalimot Kuwento ni Robi Goco

Guhit ni Kriselle de Leon


staff

Character Design and Lineart: Kriselle de Leon Digital Coloring: Monica Esquivel, Momo Fernandez, Mayu Ferrer, Veron Oliva,  Natasha Ringor, at Aaron Villaflores Kuwentong Pambata Coordinators:  Nicole Maguyon at Momo Fernandez pasasalamat

Dr. John Paul Vergara at ang Tanggapan  ng Bise-Presidente Sophia Villasfer at ang Ateneo Catechetical  Instruction League (ACIL) Bago Ako Makalimot Kuwento ni Robi Goco Iginuhit nina Kriselle de Leon  and Mon Esquivel Lapat ni Alfred Benedict  Marasigan Salin sa Ingles nina Deirdre Camba at  Carissa Pobre Karapatang-ari © 2011 ng Heights at ni  Robi Goco Reserbado ang lahat ng karapatan, kasama  ang karapatan sa reproduksiyon at paggamit  sa anumang anyo at paraan, maliban kung  may nakasulat na pahintulot mula sa may  hawak ng karapatang-ari. Hindi maaaring ibenta sa kahit anong paraan at pagkakataon ang kopyang ito Maaaring makipag-ugnayan sa: Heights, Publication Room, mvp 202, Ateneo de Manila University, P. O. Box 154, Manila Tel. 426-6001 loc. 5088 heights-ateneo.org Heights, ang opisyal na pampanitikan at pansining na publikasyon ng pamantasang Ateneo de Manila


Bago Ako Makalimot


“Lola, tanghalian ‘nyo po.” Inutusan siya ng kanyang ina na dalhan ng pagkain ang kanyang Lola Tarsing. Sampung taong gulang pa lamang si Boy at walumpu’t siyam na taon na ang kanyang lola. “Alah naman, Nestor. Eh ang almusal ko?” tanong ng matanda. "I brought you your lunch, Lola!” Boy’s mother had asked him to bring food to Lola Tarsing. He was only ten years old while his Lola was already eighty-nine. "Alah naman, Nestor. What about breakfast?" the old lady asked.



“Lola, ako po si Boy. Pinadalhan ko na po kayo ng inyong almusal. Alas-dose na po,” paliwanag ng bata. “Ah baga. Eh bakit hindi ka pa pumapasok?” “Sabado ho ngayon. Wala pong pasok.” Natawa na lamang ang kanyang Lola.


“Lola, my name is Boy. I already gave you breakfast. It’s 12 o’ clock now,” he explained. “Ah baga. Then why aren’t you in school?” “It’s Saturday, Lola. There’s no school today.” His Lola just laughed.


‘Di pa lubos na naiintindihan ni Boy ang kalagayan ng matanda, pero basta ang alam niya, makakalimutin na ang kanyang Lola Tarsing. Madalas na ring nalilito, nakatulala, at wala sa sarili. Boy couldn’t fully understand her condition yet, but he did know that Lola Tarsing was already very forgetful. She was often really confused, and caught in a daze.



“Naku apo, pasensya na. Alam mo namang nakakalimot na ang Lola. Halika’t maupo ka muna sa tabi ko’t kukuwentuhan kita ng


mga naaalala ko, bago ako makalimot,” imik ng kanyang Lola. Tahimik siyang naupo sa tabi ng matanda. “Naku apo, sorry! You know Lola’s already forgetful. Come sit beside me and I’ll tell you stories of what I can remember before I forget,” said Lola. He quietly sat down beside her.


“Noong ako’y bata, nagpupunta ako sa gubat para maglaro. Alam mo ba kung saan ako pumupunta?” “Saan po?” tanong ni Boy. "When I was young, I always went to the forest to play. Do you know where I used to go?" "Where?" asked Boy.




“Sa mga diwata!” sambit ni Lola Tarsing. Nagniningning ang kanyang mga mata. Nagulat si Boy. Diwata? Totoo kaya ang sinasabi ng kanyang Lola? Totoo ang mga diwata? “To the diwata!” uttered Lola Tarsing. Her eyes were glimmering. Boy was surprised. Diwata? Was her Lola telling the truth? Are the Diwata real?



“Nagtatakbuhan kami palibot sa gubat, umaakyat kami ng mga puno, kumakain kami ng mga masasarap na bungang-kahoy!” Napapangiti habang nagkukuwento ang kanyang Lola. Matagal na panahon nang hindi niya nakikitang ganito kasaya ang kanyang Lola. “We ran around the forest, climbed trees, and ate the tastiest fruits we could find!” Lola kept smiling as she told the story. It had been a long time since Boy saw Lola this happy.


“Minsan nga ay nangongolekta kami ng mga bulaklak at ginagawa namin itong kuwintas.�


"Sometimes, we would even collect flowers and turn them into necklaces."



“Pero di nagtagal, kinailangan kong magpaalam sa mga kaibigan kong diwata. Iyak ako nang iyak noon! Sila rin.� "But later on, I needed to say goodbye to my Diwata friends. I cried so much back then! And they cried for me too!"



“Kaya bago ako umalis, binigyan nila ako ng pilak na kuwintas na may pulang bulaklak upang ‘di ko sila makalimutan.� Naglaho ang ngiti sa mukha ni Lola Tarsing. "So before I left, they gave me a silver necklace with a red flower so I would never forget them." The smile vanished from Lola Tarsing's face.


“Nestor, pakihanap mo nga uli ang mga diwata. Sabihin mo pakibigyan nila uli ako ng kuwintas. Hindi ko makita eh. Naghahanap ako, ngunit hindi ko makita.” “Lola, si Boy po ako.” Napaiyak ang matanda.

"Nestor, please find the diwata again. Tell them to give me a necklace again. I can't find it. I look for it, but I never find it." "Lola, my name is Boy." The old lady started to cry.



Niyapos ni Boy ang kanyang Lola Tarsing. Pinatahan niya ang matanda. Naawa si Boy.


“Sige po, sasabihin ko po sa kanila.” “Talaga ha. Pakihanap, apo. Pakisabi bago ko makalimutan.” Boy hugged his Lola Tarsing to calm her down. He felt sorry for his grandmother. "Okay, Lola” he said. “I'll tell them.” "Please find them, apo. Tell them before I forget."


Suot ng kanyang Lola ang kuwintas na hinahanap niya. Alam ni Boy na malabong maging katotohanan ang mga kuwento ng Lola niya. Mahirap sigurong tumanda lalo na’t humihina na ang pag-iisip. Lola was already wearing the necklace she was looking for and Boy knew that the story she just told him probably wasn’t real. It must be hard to grow old, especially when memories start to go.



Gayunpaman, hindi siya gaanong nag-alala. Alam niyang mapayapa ang kanyang Lola sa mga alaalang pantasya. Nararamdaman ni Boy ang tuwa ng kanyang Lola tuwing binabalikan ang mga pangyayaring hinabi lamang ng imahinasyon. Hinalikan ni Boy ang noo ng kanyang Lola at saka niya inihiga.


Nakatulog nang mahimbing ang kanyang Lola. But Boy didn’t worry too much. He knew that his Lola felt peace remembering her fantasy. He saw how happy she was whenever she recalled the stories that her imagination had created. Boy kissed her forehead gently and helped her lie down. Lola Tarsing fell soundly asleep.


Tungkol sa Manunulat Robi Goco Mapanlinlang ang alaala. Akala nati’y tayo ang may hawak nito, ngunit madalas, ito pa ang nangaalipin sa atin. Mula ako sa lahi ng mga makakalimutin. Ang pagkawala ng memorya, dulot man ng katandaan o karamdaman, ay itinuturing na masakit, nakakatakot o kaawa-awa. Dahil dito, at para sa Lola Tarsing kong may pagka-ulyanin na, isinulat ko ang kuwentong ito para bigyang kabuluhan ang pagkawala ng alaala.

About the Artist Kriselle de Leon Kriselle is a third year BFA Information Design student in Ateneo. She likes cats, old people and (sometimes) drawing comics about her socially awkward experiences. This is her first shot at illustrating.



Nagkuwento si Lola Tarsing sa apo niyang si Boy tungkol sa kanyang nakaraan.

Noong bata raw si Lola Tarsing, pumupunta siya sa isang mahiwagang lugar upang bisitahin ang kanyang mga kalarong diwata! Ngunit paano kaya magiging kapani-paniwala ang kuwento ni Lola kay Boy gayong ulyanin at makakalimutin na ang matanda?


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.