3 minute read

the words that remain

wildewoman

there was no note; only 3 seconds of glowing gray light and your sister’s apology because i loved you. and me, in a confusing trail of denial and a non-existent word for the deepest sadness.

Advertisement

there was an old palanca; spanning three long sheets of paper remaining unopened for over three years. all i remember from it are words-- many of them about dreams, and how far we’d be getting from here.

there were birthday letters; one for every year since we’d first met with apologies for not being a good friend. they stopped coming three years ago, and all i can bear are my apologies for accepting your unsolicited sorry’s.

there was my eulogy; a piece i wrote a year ago perhaps the last time i could ever write your name in paper. it’s made me realize that if i couldn’t write in grief, you probably couldn’t have written in your deepest sadness.

there was no note; it’s been 3 years and i’m 21 now yet still, i look always and everywhere for your words. but i believe that even in tragedies where we feel we’ve lost the most, some things live forever.

Lirip 41

taguan

sol

“Dalawa, tatlo, apat,…”

Pagmulat.

Ang sinag ng araw ay tumatagos sa bulaklaking kurtinang nakasabit sa bintana-- dama ang init sa mga talukap ng mata. Sa labas ay humuhuni ang mga ibon, hudyat ng isang mapayapang umaga.

Ngunit isang bagyo ang nagbabadya- hindi sa labas ng balay, bagkus ay sa loob ng puso ng isang dilag na pupungas-pungas pa—nagdadalawang-isip kung sa pagtulog ay babalik na lang muna.

“…lima, anim, pito…”

Pagtanto.

Ang kanyang isip ay muling dumako sa mga alaalang kinain na ng kahapon. Gabi iyon. Malamlam ang ilaw mula sa poste sa may kanto, sapagkat ang buwan ay tila nagtatago. Bumilang siya, marahan pero may bakas ng pananabik na manalo sa laro. Ang tawanan ng mga bata ay umaalingawngaw sa tahimik na plaza hanggang sa sila’y lumayo.

Pagkaraan ng sampung segundo, nagsimula siyang maghabol at manaya, at habang tumatagal, ay mas bumibigat ang mga yabag ng mga paa.

Hindi ba, hindi ba’t nakababagot na tumakbo at magtago? Ang unang mahúli ay talo. Ang mahulí ay talo. Mas mabuti na lamang bang mag-isip na tulad ng isang musmos na ang nais lamang ay maglaro? Na kahit ang suot ay marumihan, na kahit ang pisngi’y magalusan, basta’t manalo?

42 Tinta 2020

“Walo, siyam, sampu.”

Pagtanggap.

Bumangon siya matapos mahimasmasan. Naisip niyang ang tagu-taguan ay hindi lamang nilalaro sa pagkabata bagkus pati na sa pagtaya ng sariling nadarama. Ang unang mahuli ay talo. Ang mahuli ay talo.

Inabot niya ang telepono sa mesa sa kanyang tabi, at sinimulang pindutin ang mga numerong nakabisa na sa tagal ng paghhintay. Masyado nang matagal ang sampung araw na pag-iisip kung kailan siya babalik.

Ang unang mahúli ay talo. Ang mahulí ay talo. Siya ang unang tumaya, ang unang nataya- ng kanyang mga ngiti, ng kanyang mga salita, na lumalabas lamang sa gabi.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu.

Nagbilang siyang muli, dahil baka sakali, sagutin niya ang tawag kahit sandali. Pero siya na ay nahuli.

Isa, isa, isa pa.

Hindi na siya sumagot pa.

LITRATO ni alpas

44 Tinta 2020

DIBUHO ni singaw

ulat ng pandama

lualhati

Bawat oras ay may kaakibat na babala sa madaliang paglipas ng ating pag-iral at alaala. Kasabay ng pagtakbo ng oras at mundo ay ang siya ring pag-inog at paminsan-minsa’y pagkaagnas, paglisan.

Sa tuwing tumitingala ‘pag gabi sa durungawan ng daigdig, makikitang kumikinang hindi lamang ang mga estrella sa kalangitan, kundi maging ang pagkaway ng mga gunitang tinalikuran. Ang bawat huni ng mga ibong naririnig mula sa puno sa bakuran ay waring pagkatok ng kapayapaang nais pumasok muli sa sariling puso at pag-iisip. May banayad sa bawat haplos ng ating balat sa minamahal, kasabay ng pag-aayang manatili sa ‘yong piling sa habang buhay. Nanunukso ang amoy at panlasa ng mga rekados ng putaheng sa bawat kagat ay may pait na bakas ng alalaalang pinilit nang ibinaon.

May kapayapaan sa pagtalos ng konsepto ng pagkabuhay. Ngunit higit na komplikado’t pasikot-sikot ang pag-iral ng indibidwal. May mga pagkakataong makakakita’t makakarinig ng inhustisya at karahasan, makakadama at makakatikim ng hagupit ng abuso, at makakaamoy ng daghang kasinungalingan.

Pag-aapuhap ng kabuluhan at pagkilala ang dala ng bawat babala ng paglipas at pag-agnas, at sa huli, ay siyang pagbasag ng pamamanhid na hahamon sa hungkag na pag-iral at paglisan.

Lirip 45

This article is from: