Tomo LXXXVIII, Blg. 1 • Ika-30 ng Agosto, 2016 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANG MAG-A AR AL NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS Maynila, Filipinas
HINDI BAYANI. Halos limang libong katao ang lumahok sa naganap na Citizens’ Assembly sa Lapu-Lapu Monument sa Rizal Park, Maynila, noong ika-14 ng Agosto upang kontrahin ang pagpapalibing sa dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. BASILIO H. SEPE
Bilang ng freshmen, sumadsad Nina MARIA CRISANTA M. PALOMA at THEODORE JASON PATRICK K. ORTIZ
UST, namayagpag sa PT, guidance counselor at OT board exams NANGUNA ang Unibersidad sa kakatapos lamang na physical therapy (PT) at guidance counselor licensure examinations ngayong Agosto, samantalang dalawang Tomasino ang pasok sa limang nangunang kumuha ng pagsusulit para sa occupational therapy (OT). Nagtala ang Unibersidad ng 100-porsiyentong passing rate sa katatapos lamang na guidance counselor licensure exam. Pumasa ang tatlong Tomasinong kumuha ng pagsusulit, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC). Malaki ang itinaas ng Tuition PAHINA 5
Paggamit ng electronic tablets sa UST-SHS, ginawang opsiyonal MATAPOS ang batikos mula sa mga mag-aaral ng Pamantasan at kanilang mga magulang, ginawang opsiyonal ng UST Senior High School (SHS) ang paggamit ng electronic tablets bilang bahagi ng technology-based teaching. “If you believe that traditional books fit your purpose, we can accede to your preference, although we are strongly recommending the use of tablets because of their obvious advantage for your son/daughter,” ani Pilar Romero, punong guro ng UST-SHS, sa isang sulat na inilabas sa mga estudyante noong ika-2 ng Agosto. Aniya, makakapamili
na ang mga mag-aaral kung tablet o libro ang gagamitin sa klase. Dagdag pa ni Romero, isinusulong ng UST-SHS ang technology-based teaching upang maging angat ang mga mag-aaral ng UST kaysa sa mga mag-aaral ng ibang institusiyon. “The use of innovative pedagogies is in line with our vision of providing our students with cutting-edge advantage over students coming from other schools,” ani Romero. Paliwanag pa niya, mas mabisa ang tablet kumpara sa mga libro dahil mas magiging interaktibo ang pagtuturo sa klase, at para na rin magamit ang mga napapanahong
e-books na maaaring bilhin at i-download mula sa Internet. Sa ganitong paraan matatamo ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa edukasiyon ngayong ika-21 na siglo, aniya. Umani ng batikos ang UST-SHS matapos itong maglabas ng pahayag sa kanilang pahina sa Facebook noong July 22. Inatasan nilang bumili ang kanilang mga mag-aaral ng electronic tablets, partikular ang modelong iPad kapalit ng
paggamit ng tradisiyunal na libro para sa pagtuturo at pag-aaral. Ayon sa mga kritiko, hindi ligtas ang araw-araw na pagdala ng mga mag-aaral Tablets PAHINA10
BUMABA nang halos 10,000 ang bilang ng mga bagong mag-aaral sa kolehiyo ng Unibersidad matapos ipatupad ang repormang K to 12 ngayong akademikong taon. Ayon sa datos mula sa Office of the Registrar, sumadsad sa 3,772 ang bilang ng freshmen sa kolehiyo, kung saan 71.47 porsiyento ang ibinaba kumpara sa 13,223 noong nakaraang taon. Nagtala ang Faculty of Arts and Letters ng pinakamalaking pagbaba sa bilang ng freshmen na umabot lamang sa 159 na magaaral, mas mababa ng 88.90 porsiyento mula sa 1,433 noong nakaraang taon. Bumaba naman ng 84.26 porsiyento ang bilang ng freshmen sa College of Commerce and Business Administration sa 162 magaaral, mula sa 1,029 noong nakalipas na taon. Tanging ang Faculty of Civil Law lamang ang nagtala ng bahagyang pagtaas sa bilang ng mga bagong mag-aaral. Halos 26 porsiyento ang itinaas sa fakultad, sa bilang na 294 na bagong estudyante, mula sa 234 noong huling taon. Naitala ng Office of the Registrar ang pinakamalaking bilang ng freshmen sa Graduate School (1,358). Pumangalawa ang Faculty of Medicine and Surgery (514) at pumangatlo naman ang Civil Law (294). Kabilang sa mga fakultad at kolehiyong nagtala ng pagbaba sa bilang ng freshmen ang Architecture, Fine Arts and Design, Nursing, Science, Conservatory of Music, Canon Law, Pharmacy, Philosophy, Sacred Theology, Graduate School, Institute of Information and Computing Sciences at Physical Education and Athletics. Nauna nang iniulat ng Varsitarian na nilimitahan sa 18 ang mga kursong inialok ng Unibersidad ngayong taon—accountancy, architecture, business administration major in financial management, business administration major in marketing management, communication arts, computer science, information technology, medical technology, musika, music major in music education, pharmacy, physical education major in sports and wellness, political science, biology, interior design, psychology, advertising arts at nursing. Umabot sa 43,762 ang kabuuang bilang ng mga Tomasino ngayong taon at 4,951 dito ay mga mag-aaral mula sa bagong bukas na UST Senior High School (SHS). Freshmen PAHINA 10
2 Balita
Patnugot: Alhex Adrea M. Peralta
IKA-30 NG AGOSTO, 2016
Doktorado sa medtech, inilunsad NAKATAKDANG ilunsad ng Graduate School ang kauna-unahang programang doktorado sa medical technology (medtech) sa bansa ngayong Taong Akademiko 2016-2017. Kinumpirma ni Marilu Madrunio, dekano ng Graduate School, na bubuksan ang programa sa ikalawang semestre para sa mga medical technologists na nagnanais pag-ibayuhin ang kaalaman sa programa. “All we need is constant upgrading of the programs to make them more recent and relevant, as well as [to] strengthen even more our research agenda and our community and extension programs,” ani Madrunio sa isang panayam sa Varsitarian. Samantala, ikalawa naman ang UST sa buong Timog-Silangang Asya na nag-aalok ng programang gradwado sa medtech, sumunod sa Unibersidad ng Mahidol sa Thailand. Dagdag ni Madrunio, ang pagkukusang ito ay isang inobasyon sa kabila ng matataas na karangalang natatamo ng Graduate School at ng Faculty of Pharmacy. “We cannot rest on our laurels. We need to be innovative. The Ph.D. in Medical Technology is one innovation,” aniya. Noong 2015, kinilala ng Commission on Higher Education (Ched) ang programang Medical Technology ng UST bilang Center of Excellence. Ginawaran naman ng Philippine Association of Colleges and Universities Commission on Accreditation (Pacucoa) ang programang master’s degree sa Medical Technology ng ikaapat na antas sa akreditasyon noong Mayo. Sa kabuuan, 21 akademikong programa ng Graduate School ang nakapasa sa nasabing antas. Para kay Ruby Meim, katuwang na propesor mula sa Pharmacy, ang bagong kurso Medtech PAHINA 3
eLeap, hindi na gagamitin sa susunod na halalan ng CSC HINDI na gagamitin ng Central Commission on Elections ng UST (Central Comelec) ang e-Learning Access Program (eLeap), ang online learning system ng Unibersidad, bilang sistema ng pagboto para sa susunod na halalan ng Pamahalaang Pangmag-aaral. Ayon kay Arvin Carlo Bersonda, tagapangulo ng Central Comelec, iminungkahi ng kanilang dating tagapayo na si Antonio Chua na gawing manuwal ang pagboto o di kaya ay gumamit ng makinaryang makatutulong sa mabilisang pagbibilang ng boto para makaiwas sa maaring maranasang suliraning teknikal. “The problem is `yung nangyari nga last time na hindi pag-download ng mga boto sa tamang oras. `Di naman namin na-foresee na mangyayari `yun so this time naisipan namin if magmanuwal kami o `yung sinabi ni Attorney Chua na machine ba, which is pricey,” ani Bersonda sa panayam sa Varsitarian. Matatandaang naantala ang proklamasiyon ng mga nanalong kandidato sa Central Student Council (CSC) noong huling eleksiyon dahil sa hindi pag-download ng lahat ng boto sa eLeap sa nakatakdang oras. Dagdag ni Bersonda, hindi na dapat automated ang nakaraang eleksiyon dahil sa pagpalit ng server mula self-based management tungo sa cloud-based management, isang paraan ng digital data storage na may tulong ng computer networking para maging mas bukas sa mga gagamit ng mga kailangang datos. “Talagang ang plano ay hindi naman dapat tayo nag-automated last year. Pero parang tinulungan lang kami ng Educational Technology Center (EdTech) talaga para matapos `yung eleksiyon. [W] e were not prepared to go for manual last time pero ngayon marami namang pwedeng gawin,” aniya. Ani Bersonda, makatutulong ang paggamit ng scanner sa mga balota upang mapabilis ang manuwal na pagboto sa eleksiyon. Hindi magiging problema ang mga tauhan sa manuwal na botohan sapagkat tumatanggap na ang Central Comelec ng mga kinatawan para sa susunod na eleksiyon, dagdag niya. Para naman sa minungkahing paggamit ng makinarya, kasalukuyan pa ring naghahanap ng abotkayang makinarya ang Central Comelec. Nabawasan ang pondo ng Central Comelec resulta ng matinding pagbaba ng bagong mag-aaral sa Unibersidad. Taong 2009 nang unang gumamit ng automated na sistema sa pagboto ang Unibersidad. Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang direktor ng EdTech na si Anna Cheryl Ramos at Chua Halalan PAHINA 3
HABAGAT. Naglalakad sa tapat ng Arch of the Centuries ang mga pedestrian habang binabaybay ang abot-binti na baha sa Kalye España, gabi ng ika-12 ng Agosto. ALVIN JOSEPH KASIBAN
Mag-aaral ng journalism, Graduate School pamumunuan ang ‘V’ sa ika-88 nitong taon PANGUNGUNAHAN ng isang journalism senior, journalism junior at isang Graduate School freshman ang Varsitarian, ang opisyal na pahayagang mag-aaral ng UST, sa ika-88 nitong taon. Itinalagang punong patnugot si Kathryn Jedi Baylon, dating manunulat ng balita, habang ang dating manunulat ng seksiyong Filipino na si Bernadette Pamintuan ang bagong tagapamahalang patnugot. Kabilang rin sa Editorial Board si Daryl Angelo Baybado bilang katuwang na patnugot. Samantala, ang journalism junior na si Alhex Adrea Peralta ang itinalaga bilang patnugot ng balita. Pangungunahan naman ni Delfin Ray Dioquino, isang journalism senior, ang Palakasan. Hinirang ang political science junior na si Lea Mat Vicencio bilang patnugot ng Natatanging Ulat habang ang journalism juniors na sina Maria Corazon Inay at Amierielle Anne Bulan ang bagong mga
Usapang Uste SA PAGITAN ng mga pahina ng kasaysayan ng Unibersidad, matatagpuan ang mga sagisag na naging mukha nito sa loob at labas ng institusiyon sa mga nagdaang siglo. Ang insigniya ng Unibersidad ang nagsisilbing pagkakakilanlan nito sa mga opisyal na dokumento
patnugot ng Tampok at Mulinyo, ayon sa pagkakabanggit. Pinangalanan ang journalism seniors na sina John Gabriel Agcaoili, Paul Xavier Jaehwa Bernardo at Kirsten Jamilla bilang mga bagong patnugot ng seksiyong Pintig (relihiyon), Online at Dibuho. Tumatayong hepe ng Potograpiya ang Fine Arts senior na si Alvin Joseph Kasiban. Ang mga bagong manunulat ng Balita ay mga mag-aaral ng journalism na sina Hannah Rhocellhynnia Cruz, Mia Arra Camacho, Christian Deiparine, Theodore Jason Patrick Ortiz at Maria Crisanta Paloma, at ang Graduate School freshman na si Roy Abrahmn Narra. Kabilang naman sa Palakasan ang mga mag-aaral ng journalism na sina Jan Carlo Anolin, Philip Martin Matel, Randell Angelo Ritumalta, Ivan Ruiz Suing at Ralph Edwin Villanueva. Kasama nila ang Graduate School freshman na si Carlo Casingcasing. Para sa Natatanging Ulat, kasapi ang mga
estudyante ng journalism na sina Ma. Angela Christa Coloma, Ma. Consuelo Marquez at Neil Jayson Servallos, kabilang si John Paul Corpuz, estudyante ng Civil Engineering. Kasama naman sa Tampok ang mga mag-aaral ng communication arts na sina Ma. Czarina Fernandez at Alyssa Carmina Gonzales. Kasama nila ang Fine Arts sophomore na si Daniella Cobarde. Para sa Panitikan, kabilang ang medicine sophomore na si Paula Danika Binsol at mga mag-aaral ng literatura na sina Nikko Miguel Garcia at Cedric Allen Sta. Cruz. Ang Filipino naman ay binubuo ng journalism juniors na sina Jolau Ocampo at Winona Sadia habang ang Pintig ay binubuo nina Fine Arts junior Joel Sebastian Cristobal at journalism juniors na sina Sigrid Garcia at Kathleen Therese Palapar. Kabilang sa Agham at Teknolohiya ang accountancy sophomores na sina Karl Ben Mag-aaral PAHINA 3
Iba’t-ibang insigniya ng Uste at transaksiyong kinabibilangan nito. Bago pa man ang kasalukuyan nitong bersyon, dumaan na sa labintatlong pagbabago ang mga sagisag na pumapaloob dito. Taong 1619 nang ilunsad ang unang selyo ng Unibersidad. Binubuo ito ng mga sagisag ng tala, araw at krus na Dominikano,
na mas simple kung ihahambing sa mga simbolong taglay ng mga sumunod na bersyon. Matatagpuan ang ilan sa mga halimbawa nito sa ikalawang bersyon na nagtagal mula 1775 hanggang 1854, kung saan nakalapat ang imahe ng anghel bilang sagisag ng Diyos at aklat na nagpapahiwatig ng mga larang na itinataguyod ng Unibersidad. Sa bersyon namang ginamit mula 1828 hanggang 1856, nakapailalim sa sagisag ng araw ang imahe ng aso na sumisimbolo sa katapatan. Bilang pag-alala sa natatanging paggawad ng titulong Pontifical sa Unibersidad, taglay naman ng selyong ginamit noong 1868 hanggang 1935 ang sagisag ng Vatican. Makikita sa gawing kanan nito ang simbolong Royal na nagpapahiwatig ng pagkasailalim ng Unibersidad sa mga Kastila. Sa nakaraang selyo na sinimulang gamitin noong 1983, matatagpuan ang sagisag ng
Papal Tiara sa kanang itaas para muli sa titulong Pontifical ng UST, imahen ng leon sa gawing kaliwa na hango sa sagisag ng Espanya, sea lion sa ibabang kaliwa na hango sa lumang sagisag ng Maynila at rosas sa kanang baba bilang simbolo ng Birheng Maria. Taong 2011 nang huling baguhin ang selyo, kung saan dinagdagan ng titulo ng Unibersidad ang nakaraang bersyon matapos magpulong ang Council of Regents noong ika-18 ng Hunyo hinggil dito.. Naging mainit na paksa sa pagitan ng mga Tomasino ang naturang pagbabago sa selyo. Nagsimula ito nang ipaskil sa Facebook page na “UST Quadri” ang bagong disenyo. Mungkahi ng ilang Tomasino, mas simple at kaiba ang nakaraang bersyon kung saan walang nakalapat na titulo ng Unibersidad sa paligid ang selyo. Usapang Uste PAHINA 5 UST PAHINA 5
IKA-30 NG AGOSTO, 2016
Mga Tomasino, hinikayat na maging biyaya sa iba MISYON ng mga Tomasino ang magbigay ng pag-asa at biyaya sa kapuwa. Ito ang mensahe ng vice rector for religious affairs, P. Filemon de la Cruz, O.P., sa mga Tomasino sa taunang Misa de Apertura, ika-2 ng Agosto sa simbahan ng Santisimo Rosario. Sa pagbubukas ng bagong Taong Akademiko 2016-2017, hinamon ni P. de la Cruz ang mga mag-aaral na tularan ang buhay ni Ezekiel, ang propeta sa bibliya na gumawa ng propesiya ukol sa mga natuyong buto na muling nabuhay. “The dried bone resembles the people who lost hope,” ani P. de la Cruz. “[W]e are called to speak life and give blessing to others.” “[T]o the people who lost hope, we can give them hope,” aniya. Dagdag pa ng paring Dominiko, hindi nangangailangang magturo ng teolohiya ang lahat ng propesor upang ipaabot ang mensaheng ito sa kapuwa. “We speak words that can be sacramental: words that bring life to dead bones,” aniya. Hinikayat din ni P. de la Cruz ang mga Tomasino na muling makiisa kay P. Herminio Dagohoy, O.P. sa kaniyang ikalawang termino bilang Rektor ng Unibersidad. Paghahanda na rin ito sa
selebrasiyon ng ika-500 taon ng pagdating ng Katolisismo sa Pilipinas sa 2021, aniya. “Misa de Apertura is not only to pray for our leader, but to also pray for the whole term ... We should
pray as we celebrate 500 years of Christianity,” aniya. Sa pagtatapos ng Banal na Misa, opisyal na idineklara ni P. de la Cruz ang pagbubukas ng Taong Akademiko 2016-2017.
Sinundan ang Misa ng seremoniyang muling nagtalaga kay P. Dagohoy bilang Rektor ng Unibersidad. T. J. P. ORTIZ AT M. A. CAMACHO
BIYAYA. Hinikayat ni P. Filemon de la Cruz, O.P. ang mga freshmen na maging biyaya sa iba sa kaniyang homiliya noong ika-2 ng Agosto. MA. ALYSSA ADRIENNE T. SAMONTE
Ni ROY ABRAHMN D.R. NARRA HINIKAYAT ang iba’t ibang mga partido politikal sa Unibersidad na magtatag ng konkretong ideolohiya para makilala sila sa kanilang mga ipinaglalaban at hindi lamang sa kanilang mga personalidad. Ayon kay Dennis Coronacion, tagapangulo ng Departamento ng Agham Pampulitika, makatutulong ang pagkakaroon ng idelohiya sapagkat ito ang gagabay sa mga partido upang bumuo ng tindig sa mga isyu. “It appears that we have a problem: Walang political ideologies ang mga political parties [sa UST]. You need to know your political ideology so if there’s an issue, you know where to stand at hindi ‘yung nagmumukha kayong walang alam,” ani Coronacion sa unang Thomasian Political Party Empowerment Congress, ika-4 ng Agosto sa Tan Yan Kee audiovisual room. Para matiyak ng mga estudyante ang paninindigan ng mga partido politikal, dapat iniuugat ng mga partido sa mga ideolohiya
MULA SA PAHINA 2 Arlegui at Dan Albert Besinal, kasama ang medical technology junior na si Edris Dominic Pua at ang food technology senior na si Julius Roman Tolop. Para sa Mulinyo, kasapi ang journalism juniors na sina Audrie Julienne Bernas at Chelsey Mei Nadine Brazal, at ang marketing sophomore na si Klimier Nicole Adriano. Ang Dibuho naman ay binubuo ng mga mag-aaral ng Fine Arts na sina Chinny Mae Basinang at Shaina Mae Santander, at mag-aaral ng Architecture na sina Seldon May Tagao at Iain Rafel Tyapon. Kasapi naman sa Potograpiya ang mga magaaral ng Fine Arts na sina Maria Charisse Ann Refuerzo, Basilio Sepe at Jamillah Sta. Rosa, kasama ang sociology sophomore na si Deejae Dumlao at medical technology junior na si Miah Terrenz Provido. Nananatiling tagapayo ng pahayagan ang patnugot sa
Dating propesor ng teolohiya, pumanaw sa edad na 66 Ni CHRISTIAN DE LANO M. DEIPARINE
Mga partido sa UST, hinimok na magkaroon ng ideyolohiya
Mag-aaral
Balita 3
ang kanilang mga mungkahing solusyon sa iba’t ibang suliranin sa loob ng UST. “You have to have a set of beliefs. Dapat may pinaghuhugutan, hindi lang karanasan,” aniya. Inihalintulad naman ni Augusto de Viana, tagapangulo ng Departament of History, ang eleksiyon sa Unibersidad sa pag-pili ng mga Pilipino sa mga ihahalal sa pamahalaan. Aniya, bumoboto ang mga Pilipino hindi dahil sa ideolohiya kung hindi sa personalidad ng mga tumatakbo sa gobyerno. “Ang nangyayari ay hindi clash of ideologies but clash of personalities. Kailangan ng solid political platform na nakaugat sa ideologies,” ani de Viana. ‘Centrism’ Ayon kay Coronacion, karamihan sa mga partido politikal sa loob ng UST ay nabibilang sa “centrism”– ang mga partidong politikal na hindi nabibilang sa left wing o right wing ng political spectrum – na nagiging dahilan kung bakit tumitingin lang ang mga estudyante sa
Arts and Books ng Philippine Daily Inquirer Arts na si Joselito Zulueta, kasama pa rin ang propesor sa journalism at mamamahayag na si Felipe Salvosa II bilang katuwang na tagapayo. Upang mapabilang sa pahayagan, nagdaan ang mga bagong manunulat sa matinding proseso ng pagpili na binubuo ng dalawang pagsusulit, isang panayam sa komite ng pagpili at iba’t ibang aktibidad. Ang komite ay pinangunahan ni Christian Esguerra, mamamahayag ng ABS-CBN at dating punong patnugot ng Varsitarian. Kasama ni Esguerra sina Eldric Paul Peredo, abogado at propesor sa Commerce na dating punong patnugot ng Varsitarian, at Palanca awardee at dating katuwang na patnugot ng pahayagan na si Carlomar Daoana. Kasama rin sa komite ang dekano ng Graduate School na si Marilu Madrunio at direktor ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies na si Cristina Pantoja-Hidalgo.
personalidad ng mga tumatakbong kandidato at hindi sa kanilang mga pinaglalaban. “Thomasian voters vote based on personal networks. Paramihan ng kaibigan. [Karamihan ng mga partido politikal sa UST], gagawin ang lahat para manalo sa eleksyon. Tatalikuran ang values at ideology,” aniya. Ikinalungkot naman ni Antonio Chua, tagapayo ng UST Central Commission on Elections (Comelec), na personality-based pa rin ang basehan sa pagboto ng mga Tomasino. Aniya, tila isang lumulutang na basura sa dagat ang mga partido politikal na walang “vision-mission” dahil wala silang patutunguhan. “Mayroon dapat pagkakaiba sa missionvision ng isang organization. Kung wala, eh bakit pa tayo may political party?” aniya. Ang iba pang mga tagapagsalita sa pagpupulong ay sina Lorenzo Pascual Espacio ng Union of Students’ Advancement of Democracy – Ateneo de Manila, Raymond John Naguit ng UST Central Comelec, at Evelyn Songco, direktor ng Office of Student Affairs.
Halalan MULA SA PAHINA 2 tungkol sa nasabing isyu. Pagbabago sa electoral code Samantala, sinimulan na ng Comelec ang rebisyon ng electoral code para sa mga susunod na eleksiyon. Sa isang pagpupulong ng mga partidong politikal noong ika3 ng Agosto, sinabi ni Raymond John Naguit, direktor ng Aktiboto, bibigyang pansin sa code ang paggamit ng mga kandidato ng social media para sa pangangampanya. “The draft that we had from last year will have new provisions
Medtech MULA SA PAHINA 2 ay magbibigay-daan sa mga estudyante at guro ng fakultad na kumuha ng doktorado sa medtech nang hindi lumalabas sa bansa. “We are grateful that we
on functions of political parties, new rules on social media campaign, and a restructured Commission on Elections,” ani Naguit. Ayon naman kay Bersonda, nakagawa na sila ng unang draft na mas tugma sa bagong akademikong kalendaryo ng Unibersidad. “Yes, may draft na kami. [G] inagawa na namin siyang flexible since `yung dating [code] of 2011 may specific days doon diba, hindi na siya actually applicable sa [academic] calendar natin ngayon,” aniya. Sinimulan ng Central Comelec ang pagbabago sa code noong 2014 sa pamumuno ng dating tagapangulong si Julia Unarce. CHRISTIAN DE LANO M. DEIPARINE AT ROY ABRAHMN D.R. NARRA
are finally given an opportunity to enroll in a program of our own field and interest,” aniya sa isang panayam sa Varsitarian. “Excited talaga `yung [may] mga master’s degree, hindi lang sa UST [kundi] pati sa [ibang unibersidad] dahil una ito kung tutuusin.” MIA ARRA
C. CAMACHO AND HANNAH RHOCELLHYNNIA H. CRUZ
SA EDAD na 66, pumanaw ang retiradong propesor sa teolohiya na si Victoria Esma noong ika-7 ng Agosto sa sakit na kanser sa obaryo. Nakilala si Esma sa kaniyang isinulat na libro sa teolohiya na “Salva Vida.” Noong 2008, naging bahagi ito ng “400 Books at 400!”, ang proyekto ng UST Publishing House para sa pagdiriwang ng quadricentennial ng Unibersidad. Taong 1982 nang magsimula siyang magturo sa Institute of Religion at sa College of Commerce and Business Administration. Nagsilbi rin siya bilang tagapangulo ng komite sa relihiyon. Matapos ang 33 taon ng pagtuturo sa Unibersidad, nagretiro si Esma noong Mayo 2015. Nagtapos siya ng bachelor of science in education, major in religious education and minor in English sa Notre Dame University sa lungsod ng Cotabato noong Marso 1974. Nagkamit siya ng masterado sa teolohiya sa UST noong Marso 2005. Ayon kay Catalina Lituañas, katuwang na direktor ng Religion, ang namayapang propesor ay isang maalalahanin at matulunging kasamahan. “As a colleague, very thoughtful [siya], kasi pag may mga occasion, hindi siya nakakalimot. She’s a jolly person. Palaging ready siya to smile and greet everybody,” ani Lituanas sa isang panayam sa Varsitarian. Sa isang pahayag naman na inilathala sa kanilang Facebook page noong ika-8 ng Agosto, nagpasalamat ang konseho ng magaaral sa Komersiyo sa paglalapit ng yumaong propesor sa mga estudyante kay Kristo. “Ma’am Victoria Esma has been more than just a professor to thousands of students, imparting lifelong values and bringing us closer to Christ through her service of delivering religious instruction and lectures,” ayon sa Facebook post. Ang kaniyang mga labi ay inihimlay sa Everest Hill sa lungsod ng Muntinlupa noong ika-11 ng Agosto.
Alumna, hinirang na bagong pinuno ng Food and Drug Administration ITINALAGA ng Pangulong Rodrigo Duterte si Charade Galang Puno, isang alumna mula sa Faculty of Pharmacy, bilang bagong pinuno ng Food and Drug Administration (FDA). Nanumpa sa tungkulin si Puno noong ika-15 ng Agosto sa Malacañang kasabay ang 41 na iba pang itinalagang opisyales ng Pangulo. Nagtapos si Puno sa UST taong 2000 at nasungkit niya ang ika-10 na puwesto sa board exams sa pharmacy. Bago ang kaniyang pagkakatalaga, si Puno ay tumayo bilang pangulo ng Rochar Cosmeceuticals Inc., kumpanya na gumagawa ng produktong pampersonal na kalusugan at kosmetiko. Noong 2010, inilunsad ni Puno ang O.N.E. (Organic, Natural and Eco-Friendly) Naturales, ang kaniyang sariling linya ng produktong pang-kosmetiko. Binuo noong 1966, ang FDA ay isang sangay ng Kagawaran ng Kalusugan na inatasang pangasiwaan ang lahat ng pagkain, gamot, produktong pang-kosmetiko at kagamitang pang-medikal sa Pilipinas. Naglalayon ang ahensiya na masiguro ang kaligtasan ng publiko mula sa mga ipinamamahaging mga pagkain at gamot. CHRISTIAN DE LANO M. DEIPARINE
4 Opinyon
IKA-30 NG AGOSTO, 2016
Editoryal
Paghimlay ni Marcos, malaking insulto sa bayan at bayani ANG PAGHIMLAY sa katawan ng dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) ay pagbubunyi ng kaniyang alaala at malaking insulto sa sambayanan na nagpatalsik sa kaniya noong 1986. Noong ika-10 ng Agosto, pormal nang ipinagutos ni Pangulong Duterte sa Hukbong Katihan ng Pilipinas na ihanda ang lahat ng pangangailangan para sa libing na may “military honors” na igagawad sa yumaong Pangulo. Kasama na rito ang paglilipat ng kaniyang katawan mula sa kasalukuyan nitong himlayan sa Batac, Ilocos Norte—ang kaniyang sinilangangbayan—tungo sa pambansang sementeryo sa Taguig. Bagaman marami ang nadismaya, ipinagtanggol ni Duterte ang kaniyang desisyon at sinabing sinusunod lamang niya ang nakasaad sa Republic Act (RA) 289 na naglalaan ng isang panteon o shrine para sa mga labi ng mga nagsilbing pangulo sa LNMB. Ayon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, huling hantungan ang LNMB ng mga sundalong nagbuwis ng kanilang mga buhay para bayan, gaya ng mga beterano noong mga pandaigdigang digmaan. Kabilang rin ang mga aktibo at retiradong sundalo, mga pangulo, mga chief of staff ng Hukbong Sandatahan, mga kalihim ng Tanggulang Pambansa, mga awardee ng Medalaya ng Kagitingan, at mga Pambansang Alagad ng Sining at Agham sa listahan ng mga maaaring ilibing sa LNMB. Kung batas lamang ang magiging batayan, legal ang paglibing kay Marcos sa 103-ektaryang sementeryo. Ito rin ang katuwiran ni Duterte na piniling kaligtaan ang pagpapatunay ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas na palsipikado ang ilang mga medalya at tala ni Marcos sa kaniyang karera sa militar. Ani Duterte, ang paglibing kay Marcos sa LNMB ay bilang pangulo at sundalo; hindi bilang bayani. Subalit mahirap paghiwa-hiwalayin ang katauhan ng maniniil na nagpasailalim sa bansa sa isang madilim na yugto ng kasaysayan nito. Ayon sa RA 289, tampok ang mga nakahimlay sa LNMB upang magsilbing “inspirasiyon” sa mga susunod na henerasyon. Kung gayon, tila isang insulto sa kasaysayan at sa alaala ng lahat ng mga biktima ng Batas-Militar ang panukalang ilibing si Marcos sa LNMB. Editoryal PAHINA 5
ITINATAG NOONG ENERO 16, 1928 KATHRYN JEDI V. BAYLON Punong Patnugot BERNADETTE A. PAMINTUAN Tagapamahalang Patnugot DARYL ANGELO P. BAYBADO Katuwang na Patnugot ALHEX ADREA M. PERALTA Patnugot ng Balita PAUL XAVIER JAEHWA C. BERNARDO Patnugot ng Online DELFIN RAY M. DIOQUINO Patnugot ng Palakasan LEA MAT P. VICENCIO Patnugot ng Natatanging Ulat MARIA CORAZON A. INAY Patnugot ng Tampok JOHN GABRIEL M. AGCAOILI Patnugot ng Pintig AMIERIELLE ANNE A. BULAN Patnugot ng Mulinyo KIRSTEN M. JAMILLA Direktor ng Dibuho ALVIN JOSEPH KASIBAN Hepe ng Potograpiya Balita Mia Arra C. Camacho, Hannah Rhocellhynnia H. Cruz, Christian de Lano M. Deiparine, Roy Abrahmn D.R. Narra, Theodore Jason Patrick K. Ortiz, Maria Crisanta M. Paloma Palakasan Jan Carlo Anolin, Carlo A. Casingcasing, Philip Martin L. Matel, Randell Angelo B. Ritumalta, Ivan Ruiz L. Suing Natatanging Ulat Ma. Angela Christa Coloma, John Paul P. Corpuz, Ma. Consuelo D.P. Marquez, Neil Jayson N. Servallos Tampok Daniella T. Cobarde, Ma. Czarina A. Fernandez, Alyssa Carmina A. Gonzales Panitikan Nikko Miguel M. Garcia, Cedric Allen P. Sta. Cruz Filipino Jolau V. Ocampo, Winona S. Sadia Pintig Sigrid B. Garcia Agham at Teknolohiya Karl Ben L. Arlegui, Dan Albert D. Besinal, Edris Dominic C. Pua, Julius Roman M. Tolop Mulinyo Klimier Nicole B. Adriano, Audrie Julienne D. Bernas, Chelsey Mei Nadine B. Brazal Dibuho Chinny Mae F. Basinang, Shaina Mae L. Santander Photography Deejae S. Dumlao, Miah Terrenz Provido, Maria Charisse Ann G. Refuerzo, Ma. Alyssa Adrienne T. Samonte, Jamillah N. Sta. Rosa IMELDA DE CASTRO JOSELITO DELOS REYES CHUCKBERRY PASCUAL Piling Panauhing Patnugot FELIPE F. SALVOSA II Katuwang na Tagapayo JOSELITO B. ZULUETA Tagapayo
Tumatanggap ang Varsitarian ng mga sulat/komento/mungkahi/ kontribusyon. Tanging ang mga sulat na may lagda ang kikilalanin. Ang mga orihinal na akda ay dapat typewritten, double-spaced, at nakalagay sa bond paper, kalakip ang sertipikasyon na naglalaman ng pangalan ng may-akda, contact details, kolehiyo at taon. Maaring gumamit ng sagisag-panulat ang may-akda. Ipadala ang kontribusyon sa opisina ng THE VARSITARIAN, Rm. 105, Tan Yan Kee Student Center Bldg., University of Santo Tomas, España, Maynila.
Pagbalik ng parusang kamatayan, tutulan NAKABABAHALA ang umiigting na usapin tungkol sa pagbabalik ng kaparusahang kamatayan – patunay rito ang kaunaunahang panukalang batas na inihain sa pagbubukas ng ika-17 na Kongreso ng Republika ng Pilipinas. Batay sa may akda ng House Bill No. 1 na sina Fredenil Castro, kinatawan ng Capiz, at Pantaleon “Bebot” Alvarez, puno ng mababang kapulungan at kinatawan ng Davao del Norte, ang pagbabalik sa pagpataw ng parusang kamatayan ay sadyang kinakailangan, diumano, dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga nagiging biktima ng karumal-dumal na krimen at lumalalang bilang ng mga gumagamit at nagtutulak ng mga ipinagbabawal na gamot sa bansa. Ayon pa sa nabanggit na panukalang batas, wala nang natitirang paraan ang pamahalaan kundi parusahan ang mga may sala base sa bigat, kasamaan at
Ang kinakailangan ay mas mapagkakatiwalaang sistema ng katarungan at mahigpit na pagpapatupad ng batas. pagkarimarim ng kanilang mga nagawang krimen. Nararapat lamang na masusing isaalang-alang ng mga kinatawang nabanggit ang marami pang natitirang paraang mas makataong paghatol sa mga nasasakdal bukod sa kamatayan. Kinakailangang makamit ang karampatang patas na hustisya sa bawat panig. Ito ay isang indikasyon na nais nilang madaliin ang proseso ng paglilinis ng karumihang nangyayari sa bansa nang hindi matalinong iniisip na may sinasagasaan na silang karapatang-
pantao. Ang kinakailangan ay mas mapagkakatiwalaang sistema ng katarungan at mahigpit na pagpapatupad ng batas. Higit kong nanaisin na tumagal ang proseso ng pagbalangkas ng batas patungkol sa karumaldumal na krimen kung ang resulta nito ay ang tama at balanseng timbangan ng hustisya, kaysa sa agarang pagsulong at pagresolba kung ang kahihinatnan naman ay paglabag sa nalalabing karapatan ng buhay. Kung maisapapasa
ang death penalty, paano makasisiguro ang gobyerno na tama ang pagpapataw ng desisyon nito laban sa mga nasasakdal at walang inosente ang mabibiktima ng inhustisya? Sa naturang panukalang batas, kabilang ang paggamit ng ilegal na droga sa listahan ng mga heinous crimes na nakasulat sa Republic Act 7659 na maaaring mahatulan ng kaparusahang kamatayan. Sa kasalukuyan, tinatayang mayroon pang 120,000 na kasong may kinalaman sa droga ang nakabinbin sa mahigit 700 na korte sa buong bansa. Ang numerong ito ay patungkol pa lamang sa kaso ng droga, paano pa kaya kung idadamay ang bilang ng mga nagkasala ng pagpatay, paggahasa, pandarambong at iba pa na maaaring mapatawan ng parusang kamatayan? Ganoon na lamang ba kadali sa estado ang kitilin ang buhay ng isang nagkamali?
Gamit at abuso ng ‘citizen journalism’ KAAKIBAT ng pagyabong ng iba’t ibang social media outlets ay ang pag-usbong ng samo’t saring plataporma ng pamamahayag. Maraming ordinaryong mamamayan ang nagkaroon ng kanikaniyang blogs, podcasts, websites, channels sa Youtube o mga pahina sa Facebook na nagsisilbing daan para sa pagpapakalat ng mga balita. Ang dating pawang mga konsyumer lamang ng balita ay siyang mga lumilikha na rin nito ngayon. Sa pamamagitan ng Internet, naging posible ang Web Journalism o Citizen Journalism – ang aktibong paglahok ng mga pribadong indibiduwal sa pagkalap at pagpapalaganap ng mga impormasyon. Tila nagkaroon ng panibagong anyo ang peryodismo sa pagsilang ng makabagong henerasyon ng mga manunulat at mamamahayag. Patunay rito ang ilang mga programang nagbibigay pagkakataon sa mga ordinaryong mamamayan na maging isang parang lehitimong mamamahayag gaya ng “Bayan Mo I-patrol Mo” ng ABS-CBN News and Current Affairs at ang “YouScoop” ng GMA News and Public Affairs. Nang dahil sa mga ito, naging epektibo ang citizen journalism sa pag-uulat ng mas
Walang kasiguraduhan kung ang lahat ba ng citizen journalists ay pinanghahawakan ang parehong mga prinsipyo ng mga regular na mamamahayag. komprehensibong balita. Isa sa mga sikat na citizen journalists ay si Margaux “Mocha” Uson, ang lider ng sing-and-dance group na Mocha Girls. Matatandaang ang lahat ay namangha nang mabigyan si Uson ng eksklusibong panayam kasama si Presidente Duterte noong ika-27 ng Hunyo. Umani si Uson ng halos apat na milyong tagasunod sa kaniyang pahina sa Facebook na “Mocha Uson blog.” Naniniwala ang kaniyang mga tagasuporta na si Uson ang tunay at hinaharap ng midya. Sinuportahan ni Uson ang tawag ni Duterte sa media boycott sa loob ng anim na taong panunungkulan bilang pangulo. Ayon sa mga inilalathala ni Uson, hindi mapagkakatiwalaan ang media dahil mayroon itong kinikilingan. Iginiit ni Uson
na ang Facebook lamang ang tunay na mapagkukunan ng mapagkakatiwalaang balita. Habang mayroong mga pahina na nakakapagbigay ng mapagkakatiwalaang impormasyon, nararapat lamang na suriin muna nang mabuti ng mga Pilipino ang mga pinagkukunan nila ng impormasyon bago maniwala sa mga ito. Binigyan ng Internet ng biyaya ang peryodismo dahil sa labis na pagdaloy ng impormasyon, ngunit sadyang ito rin ang naging problema. Sa panahon ngayon, halos lahat ay kayang magtamo ng Internet access at mayroon nang kakayahang maglathala ng balita online, ngunit hindi ibig sabihin nito ay maaari na silang tawaging mga lehitimong manunulat at mamamahayag. Nararapat na tandaan ng publiko na hindi lahat ng balitang nababasa online ay
mayroong kredibilidad at sapat na batayan lalo na kung hindi galing sa mga kilala at pinagkakatiwalaang media outlets. Nang dahil nga sa hightechnology na mga kagamitan, minsan ay mahirap nang makilala ang kaibahan ng mga balitang likha ng mga “citizen journalists” mula sa balitang nanggagaling sa professional reporters, kaya importante ang pagiging kritikal ng mga mambabasa. Walang kasiguraduhan kung ang lahat ba ng citizen journalists ay pinanghahawakan ang parehong mga prinsipyo at sinusunod ang etika ng mga regular na mamamahayag. Ang iba sa kanila, maaaring pinagsisilbihan lamang ang mga sariling interes. Kadalasan ay batay lamang sa opinyon ang inilalathala ng mga ito. Iba pa rin ang pagkuha ng impormasyon mula sa kinaugaliang media outlets kaysa sa mga nakikita o nababasa natin online na nanggaling sa kung kani-kanino lamang. Bilang isang journalism junior, masasabi ko na iba pa rin ang pagsasanay na nakuha ng mga lehitimong mamamahayag kaysa sa mga citizen journalists. Iba pa rin ang karanasan ng mga regular Lionheart PAHINA 5
Opinyon 5
IKA-30 NG AGOSTO, 2016
Duterte laban sa ibang sangay ng pamahalaan LAYUNIN ng tatlong sangay ng pamahalaan na panatilihin ang pantaypantay na distribusiyon ng kapangyarihan sa estado. “Checks and balances,” ika nga, upang maiwasan ang pang-aabuso ng isang sangay. Subalit noong mga nakaraang araw, ipinakita ni Pangulong Duterte, mula sa ehekutibong sangay ng gobyerno, ang kawalangrespeto sa lehislatura at hudikatura nang pagsalitaan niya ang Punong Mahistrado na si Maria Lourdes Sereno at siraan si Senadora Leila De Lima. Dahil lamang ito sa pag-uusisa nila sa mga pangyayaring may kinalaman sa kaniyang kontrobersiyal na kampaniya laban sa droga. Noong ika-17 ng Agosto, nagbitiw ng mga paratang si Duterte tungkol sa isang “babaeng” mambabatas na nakikipagrelasiyon sa kaniyang may-asawang driver. Dagdag ng Pangulo, nagsilbi rin ang driver bilang maniningil ng pera
Usapang Uste MULA SA PAHINA 2 Sa isang panayam sa Varsitarian noong 2011, ipinaliwanag ni Padre Florentino Bolo, Jr., O.P., dating punong kalihim ng Unibersidad at nagpapamalakad sa “UST Quadri,” mas makikilala ang Unibersidad sa labas ng bansa sa ganitong paraan, na angkop lamang ang kawalan ng kumpletong pangalan nito sa selyo kung sa loob ng bansa ito pag-uusapan. Sa kasalukuyan, patuloy na ginagamit ang bagong selyo sa mga transaksiyon sa Unibersidad.
Lionheart MULA PAHINA 4 na mamamahayag sa pagkuha at pagsulat ng mga balita kaysa sa mga balitang lumulutang lutang na lamang online. Kung tutuusin, maaaring makatulong ang citizen journalism sa pagpapanatili ng peryodismo. Dahil tayo ay nasa tinatawag na digital age, maisasaad na ang hinaharap ng peryodismo ay nasa mobile at online. Mas mabilis ang pagpapakalat ng balita sa pamamagitan ng Internet at ng text messages na mas malayo at mas marami ang maaabot ng balita. Maging ang mga sikat na mga broadcasting companies at mga dailies ay piniling palakasin ang kanikanilang online presence. Base sa estatistika, halos 45 milyong mga Pilipino ang gumagamit ng Internet o 43.5 porsiyento kabuuang populasyon ng bansa.
Editoryal MULA SA PAHINA 4 N a p a k a h i r a p pangatuwiranan kung papaano magsisilbing mabuting halimbawa si Marcos sa mga susunod na henerasiyon kung titingnan ang dami ng mga karapatangpantao ang nilabag sa ilalim ng kaniyang katungkulan. Ayon sa ulat ng Amnesty International, 70,000 na tao ang ikinulong, 34,000 ang sumailalim sa tortyur at 3,240 ang pinatay noong panahon
Iresponsable ang pagbitiw ng Pangulo ng mga mabibigat na akusasyon nang walang bitbit na matatag na katibayan. mula sa mga drug sources upang pondohan ang kampanya ng mambabatas noong nakaraang halalan. Di naglaon, inamin rin ng tough-talking na Pangulo na si De Lima, tagapangulo ng Senate Committee on Justice and Human Rights na siyang nagsasagawa ng pagsisiyasat sa mga extrajudicial killings sa ilalim ng kaniyang administrasiyon, ang laman ng kaniyang mga paratang. “Here’s a senator complaining. One day I will tell you that her driver himself, who was a lover, was the one collecting Tomasino Siya Hindi kailanman hadlang ang kakapusang materyal at pinansyal upang maging instrumento ng pagmamalasakit sa kapuwa. Pinatunayan ito ni Maria Luisa Ticzon-Puyat nang kilalanin siya bilang “Superhero of Asia” ng Music Television (MTV) Asia noong Abril 1998 para sa kaniyang makabuluhang ambag sa pagtataguyod ng Lingkod ER Foundation—isang organisasiyong naglalayong tugunan ang pinansyal na pangangailangan ng mga mahihirap na pasyente sa emergency room.
money for her during the campaign,” ani Duterte sa kaniyang talumpati sa Kampo Crame. Naghugas-kamay pa ito sa pagtawag kay De Lima na imoral. Tila nakakalimutan ng Pangulo ang kaniyang pagyayabang sa pagiging babaero, pagkakaroon ng maraming kerida at pagbitaw ng mga hindi kanais-nais na biro tungkol sa panggagahasa noong panahon ng halalan. Iresponsable ang pagbitiw ng Pangulo ng mga mabibigat na akusasiyon nang walang bitbit na matatag na katibayan.
Tuition MULA SA PAHINA 1
Halos 37 milyon o 94 bahagdan sa mga ito ay nagmamayari ng Facebook accounts. Ayon naman sa datos ng National Telecommunications Commission, mahigit 130 ang estimated cellular mobile telephone subscribers noong 2014. Higit na mas malaki ang bilang ng mga ordinaryong mamamayang kayang kumuha ng mga retrato at dokumento at maaaring maglathala ng balita online kaysa sa mga lehitimong peryodista, kinakailangan lamang ng pagiingat sa mga pag-uulat at responsableng pamamahayag. Mainam rin na alamin ng bawat mambabasa kung maaari bang pagkatiwalaan ang kanilang mga pinagkukunan ng impormasiyon. Ang pagangat ng citizen journalism ay tawag sa mga mambabasa na matutong maging mapanuri at sa mga citizen journalists na maging responsible sa pagpapahayag.
bahagdan para sa taong ito kumpara sa 66.67 porsiyento noong nakaraang taon, kung kailan apat sa anim na Tomasinong kumuha ng pagsusulit ang pumasa. Ang national passing rate ay pumatak sa 61.28 porsiyento kung saan 239 ang pumasa mula sa 390 na kumuha ng pagsusulit. Bahagyang tumaas ang bahagdan kumpara sa 60.14 porsiyento noong nakaraang taon. Samantala, nagtamo ng 96.34-porsiyentong passing rate ang UST sa PT board exams kung saan 79 ang pumasa mula sa 82 na Tomasinong kumuha ng pagsusulit, ayon sa PRC. Mas mataas ito kumpara sa bahagdan na 88.76 porsiyento na naitala ng Unibersidad noong nakaraang taon. Bahagyang tumaas ang national passing rate ng PT kung saan 68.06 porsiyento o 846 ang pumasa mula sa 1,243 na kumuha ng pagsusulit, kumpara sa 63.36 porsiyento noong nakaraang taon. Natamo naman ng UST ang 70-porsiyentong passing rate sa occupational therapy (OT). licensure examination kung saan 42 ang nakapasa mula sa 60 Tomasinong kumuha ng pagsusulit. Mas mababa ito kumpara sa 80.33 porsiyento noong nakaraang taon, kung saan 49 ang pumasa mula sa 61 na kumuha ng pagsusulit. Sa kabila nito, dalawang Tomasino ang pasok sa nangunang limang kumuha
ng Batas Militar. Noong Mayo 2015 naman, mahigit 75,000 ang nagpakilala sa Human Rights Victims Claims Board bilang biktima o kamag-anak o kakilala ng mga biktima ng Batas-Militar. Hindi rin karapat-dapat si Marcos na mapabilang sa hanay ng mga sundalong namatay sa pakikipagdigma, lalo na’t siya’y namatay sa ibang bansa—sa Hawaii kung saan siya tumakas matapos patalsikin sa puwesto noong 1986. Sapat na ang mga kasunduang inilatag ni Pangulong Ramos noon kasama na ang paglibing kay
Marcos sa Ilocos Norte na may karagdagang military honors. Maaaring maging kasangkapan ang paglibing kay Marcos sa LNMB sa patuloy na pambabaluktot ng ating kasaysayan (historical revisionism), lalo na’t kung ituturing siyang bayani ng mga susunod na henerasiyon. Ilang dekada man ang lumipas, kahit maghilom ang mga sugat ng mga biktima, hindi dapat mawala sa alaala ng mga Pilipino ang mga pagmamalupit na nangyari noong panahon ng Batas Militar at ang panlalapastangang ginawa ni Marcos sa pagkapangulo.
Uste PAHINA 10
Maaaring isiping motibo ng Pangulo ang siraan si De Lima dahil sa pagiging matinding oposisiyon at kritiko nito. Hanggang ngayon, tandangtanda pa rin ng Pangulo ang imbestigasiyon kaugnay ng Davao Death Squad na isinagawa ni De Lima noong siya’y komisyoner ng Human Rights. Nauna na ring nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Duterte at Sereno, punong hukom ng bansa, nang kuwestiyonin ni Sereno ang listahan ng 159 na opisyales na, ayon kay Duterte, may kaugnayan sa bentahan ng ilegal na droga. Lantarang binanggit ni Duterte ang pangalan ng mga opisyales, kasama ang pitong mahistrado, at sinabihang sumuko sila sa mga kapulisan—bagay na tinutulan ni Sereno. Sa isang ulat ng Philippine Daily Inquirer, iginiit ni Sereno na ang Korte Suprema lamang ang Dilettante PAHINA 5 ng pagsusulit para sa OT. Pinangunahan ni Isabella Mangalonzo de Jesus ang mga bagong Tomasinong occupational therapist pagkatapos siyang ideklara na pang-apat sa may pinakamataas na marka (80.40 porsiyento) sa bansa, kasama sina Ma. Reva Lelis Tuozo at Au Bain Marie Miranda Ymbong ng Velez College. Ikalima naman si Roel Paolo Calingasan Veras na nakakuha ng 80 porsiyentong marka. Ayon kay Cheryl Peralta, dekano ng College of Rehabilitation Sciences (CRS), naging susi sa magandang resulta ng licensure examinations ang dedikasyon ng kanilang fakultad sa pagtuturo sa kanilang mga mag-aaral. “Our faculty members, led by their respective department chairs, internship supervisors, and board review committees have worked very hard to prepare the students for the board exams. The need to transition to outcomesbased education, while still maintaining that our teaching strategies are sensitive to the board exams, is indeed a very big challenge, not only to the faculty but to the students,” ani Peralta. Dagdag pa niya, hindi naging hadlang ang maraming pagbabago sa akademikong sistema tulad ng academic calendar shift, para gawing mas handa ang kanilang mag-aaral na kumuha ng pagsusulit. “We had to start the board review program a little later this year due to the
Dilettante MULA SA PAHINA 5 may karapatang disiplinahin ang mga hukom at ang natatangi upang magbigay ng karampatang parusa kapag napatunayan. Nagbanta ang tinaguriang tough-talking na Pangulo na isailalim ang bansa sa Batas Militar kapag nangialam ang Korte sa kaniyang kampaniya laban sa ilegal na droga. “I will order everybody in the executive department not to honor you,” ani Duterte
Kampanya sa droga, naging katayan
“HUWAG kang papatay.” Ito ay isa sa mga pinakaluma at umiiral na kasunduan ng sangkatauhan ¬ ang bawat buhay ay mahalaga. Ang mga nakaraang buwan ay nagbunyag ng isang pagsasawalang-bahala sa paniniwalang ito. Ayon sa mga lathalain, umabot na sa mahigit 1,000 na tao ang namatay dahil sa extrajudicial killings. Nahahati ngayon ang bansa sa dalawa dahil sa war on drugs na kampanya ni Presidente Duterte – ang mga kumukunsinti sa pagpaslang sa mga pinaniniwalaang drug users bilang isang paraan upang mapaalis o mabawasan ang mga gumagamit ng ilegal na droga at ang mga patuloy na naniniwala sa due process at sa mga karapatang-pantao para sa mga akusado. Kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga namamatay ay ang pagkabahala ng ibang bansa sa mga nangyayari sa Filipinas – matapos ang pag-insulto ni Duterte kay Ambassador Goldberg, ang Estados Unidos ay naglabas na ng pahayag na inananyayahan ang kasalukuyang administrasiyon na ituloy ang laban sa droga alinsunod sa mga karapatang-pantao na obligasiyon nitong ipatupad. Kamakailan lamang, ilang mga mag-aaral ng Unibersidad ang sumali sa isang Day of Action na pinangunahan ng Anakbayan noong Agosto 11 bilang isang protesta sa itinuturing na isang malamig at hindi makatarungang kilos sa anti-drug campaign, isang kampanyang nakatutok sa mas mga mahihirap na kalahok sa kalakalan ng droga.
Hindi dapat nagiging dahilan ang edad ng isang tao para balewalain ang kanilang ipinaglalaban. Ang #Cardboardjustice campaign ay sinimulan nina Adrienne Onday at Hope Swann, dalawang estudyante ng De La Salle University. Dito ay gumawa sila ng karatula kung saan nakasulat ang mga salitang “lahat tayo ay drug pusher” at suot ito habang papasok sa paaralan. Hinarap ng kampanya ang pangunahing problema ng extrajudicial killings: na ang lahat ay maaring maging biktima. Hindi dapat nagiging dahilan ang edad ng isang tao para balewalain ang kanilang ipinaglalaban. Ang kolehiyo ay isang lugar na nagkakamuwang ang kabataan ukol sa mga nangyari at nangyayari sa ating bansa. Karamihan sa kabataan ngayon ay hindi sumasang-ayon sa madugong pamamalakad ng war on drugs at kahit na binabalewala ng ibang tao ang mga ito bilang resulta ng sobrang liberalismo at iniisip na pampasikat lamang ang habol ng mga kabataan ay patuloy pa rin ang panawagan ng kabataan na itigil ang mga pagpaslang sa mga akusado at sa paglaban para sa karapatang-pantao.
movement of the academic calendar, thus cutting the board review duration by about a month. To compensate for this, we have improved the structure of the integration courses in their final year so these continue to develop in their clinical reasoning and critical thinking while helping them prepare for the board exams earlier,” aniya. Nanguna ang Cebu sa kaniyang talumpati sa Cagayan de Oro noong ika-9 ng Agosto. Nakakalimutan yata ng Pangulo na karapatan ng mga kasapi ng lehislatura at hudikatura ang hamunin ang ehekutibo, lalo na sa gitna ng lahat ng kontrobersiya ng kaniyang madugong kampaniya kontra droga. Sindami ng butas ng narco-list ni Duterte ang kaniyang mga naging paratang kay De Lima. Sa kaniyang pagiging sensitibo at mapagmataas, ipinapakita ni Duterte ang ugaling hindi angkop sa isang tagapamahala ng estado.
Doctors Hospital sa OT board exam sa 90.48-porsiyentong passing rate, kasunod ang University of the PhilippinesManila na nagtamo ng 80 porsiyento. Bumaba naman ang national passing rate ng OT sa 49.79 porsiyento o 114 na pumasa mula sa 229 na kumuha ng pagsusulit, mula sa 62.94 porsiyento noong nakaraang taon. HANNAH RHOCELLHYNNIA CRUZ AT ROY ABRAHMN D.R. NARRA
Tigresses MULA SA PAHINA 11 Inamin ni Ong na hindi niya pa masyadong gamay ang kasalukuyang estilo ng laro sa liga kung kaya’t paulit-ulit silang nanonood ng game film upang mabasa ang galaw ng pitong katunggaling unibersidad. Bagamat maikli lamang ang naging oras ng preparasyon para sa darating na season, naniniwala si Ong na maipamamalas ng Tigresses ang buo nitong potensyal at mas malayo ang kanilang mararating ngayong taon.
6 Lenspeak
IKA-30 NG AGOSTO, 2016
Patnugot: Alvin Joseph Kasiban
Agham at Teknolohiya 7
IKA-30 NG AGOSTO, 2016
Halamang gamot, kontra suliraning medikal, ekonomiko Ni EDRIS DOMINIC C. PUA MULA sa maliliit na sugat at paso hanggang sa malulubhang karamdaman, maaaring magpagaling ng maraming sakit ang mga tradisiyonal na halamang gamot. Buhat pa noong panahon ng ating mga ninuno, ginagamit na ang mga halaman sa panggagamot. Naipasa rin sa mga sumunod na henerasiyon ang kaalaman hinggil rito. “Mayaman ang Pilipinas sa mga halamang gamot at makatutulong ito sa ekonomiya,” ani Propesor Rebecca G. David ng Faculty of Pharmacy. “Ikinagagalit ko na pinagkakakitaan [lamang] ng ilang dayuhan ang mga halamang gamot na tanging atin.” Humigit-kumulang walo sa sampung tao sa buong mundo ang gumagamit ng halamang gamot dahil mas mura ang mga ito, at higit na madaling mahanap kumpara sa pharmaceutical drugs, ayon sa datos ng World Health Organization noong 2014. “Isa sa [mga] benepisyo ng paggamit ng halamang gamot ang mas mura nitong halaga kung ikukumpara sa mga nabibiling gamot,” ani Dr. Cartrini Cruz ng Faculty of Medicine. Tamang preparasiyon Gayunpaman, nilinaw niya na may mga pagkakataong hindi nagiging epektibo ang mga halamang gamot sa pagpapagaling ng sakit.
Ayon pa kay Cruz, kailangang siguraduhin na tama ang paghahanda ng mga halamang gamot. Maaari kasing makasama sa kalusugan ang maling preparasiyon. Dumaraan sa mga klinikal na pagsusuri ang mga halamang gamot upang mapatunayan na nakalulunas ito ng mga sakit. Sa kabila ng mga puna mula sa ilang dalubhasa sa larangan ng medisina, mahalagang isaalangalang na nagmula rin naman sa mga halaman ang karamihan sa mga pharmaceutical drugs.
Alternative health care Inilunsad ni dating Presidente Fidel V. Ramos ang Republic Act 8423 o ang Traditional and Alternative Medicine Act noong 1997. Ito ang nagbunsod ng pagtatatag ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care kung saan pinayayabong ang paggamit ng tradisiyonal at alternatibong pamamaraang medikal sa pamamagitan ng pananaliksik at masinsinang product development. Simula noon, nakapagbigay ng listahan ng mga halamang gamot sa Pilipinas ang Philippine Department of Health sa pamamagitan ng kanilang Traditional Health Program. Ang akapulko o mas kilala sa tawag na “bayabas-bayabasan” o ringworm bush sa Ingles ang halamang gamot na maaaring magpagaling ng ringworms at iba pang sakit sa balat. Bunga ng isang fungus ang ringworm kung saan maaaring maapektuhan ang balat sa singit,
anit, paa at kuko. Nagdudulot ito ng pagkati at pamumula ng balat. Ginagamit naman ang buto ng lanzones upang gamutin ang mga impeksiyong dulot ng mga parasitikong bulate na sanhi ng sakit ng tiyan Kilala bilang gamot sa diabetes ang ampalaya at sabila (aloe vera). Gamot sa rayuma Halimbawa rin ang bawang bilang gamot sa pagbababa ng kolesterol sa dugo. Ginagamit naman ang lagundi sa paglunas ng ubo at hika, habang ang dahon ng pandan naman ay pantanggal ng pangingirot na dulot ng rayuma. Maraming halamang gamot sa Pilipinas ang natuklasan na ng mga eksperto. Naglathala ng isang komprehensibong aklat si Dr. Jaime Galvez Tan, isang eksperto ng tradisiyonal at natural na gamot at si Dr. Isidro Sia, isang eksperto ng pharmacology na
pinamagatang “The Best 100 Philippine Medicinal Plants.” Nakatala rito ang kahalagahan ng mga halamang
gamot sa paggaling ng mga tao. Sa nakaraang 40 taon, tinatayang bumuti ang kalusugan ng mga tao sa Filipinas. Bumaba ang infant mortality nang higit na kalahati at bumaba ang paglaganap ng mga nakahahawang sakit. Tumaas din ang life expectancy.
Kulang sa gamot Sa kabila nito, libo-libong Filipino ang namamatay dahil sa impeksiyon at non-communicable diseases. Ang kakulangan ng mga doktor at health care providers ang rason ng 47.6 porsiyento ng pagkamatay sa bansa, ayon sa mga miyembro ng Philippine College of Physicians.
“Dalawang problema ang puno’t
dulo ng pagbagsak ng sistemang pangkalusugan sa Filipinas: ang kakulangan ng mga doktor sa buong bansa at ang maraming bilang ng mga doktor sa mga siyudad kumpara sa mga probinsya,” ani dating Senador Edgardo Angara noong 2009. Ayon sa isang pag-aaral ni Dr. Ravichandran Nataraj, ang limitadong suplay ng gamot at ang mahinang pamamalakad ng gobyerno ang dahilan ng tumataas na bilang ng pagkakasakit ng mahihirap. Aniya, ang mga sakit ay pinapalala pa ng kahirapan, at maaari lamang labanan n g m a s
mabuting pangangalaga sa kalusugan at pagdaragdag ng health insurance.
Panganib sa kalusugan dulot ng nagbabagong klima PANGKARANIWAN na para sa mga Tomasino ang biglaang pagbaha sa Espanya at mataas na sikat ng araw subalit hindi normal ang lumalalang pabago-bagong klima at ang mga sakit na hatid nito. Matao at maraming kainan sa loob ng Unibersidad— mga posibleng dahilan ng pagiging malamok—kaya lalong dapat mag-ingat ang mga Tomasino sa mga nagbabantang sakit. “Dengue, typhoid at flu virus ang [mga] madalas na... sakit tuwing tag-ulan,” sabi ni Dr. Razel Kawano, quality assurance manager ng Medical Trends and Technology Corp., isang medikal na organisasiyong nakatuon sa mga eksaminasiyon sa laboratoryo at pamamahagi ng gamot. Sa mga naka-imbak na tubig naninirahan ang mga lamok na maaaring nagdadala ng Dengue. Kontaminadong tubig o pagkain at hindi sapat na paglilinis ng katawan naman ang karaniwang sanhi ng typhoid. Airborne ang flu virus kaya mahirap itong iwasan. “Panghihina, panlalamig, lagnat, at diarrhea ang mga sintomas ng Dengue at typhoid,” ani Dr. Kawano. “Nakararanas ng pamumula at rashes ang may dengue at labis na diarrhea ang sa typhoid,” paliwanag niya. Ingat sa baha Maari itong magdulot ng hemorrhagic fever o pagdurugo sa loob ng katawan ng pasyente. Hindi ito agad napapansin at maaaring magsanhi ng pagkamatay kaya dapat agad komunsulta
sa doktor kapag may naramdamang sintomas. Delikado rin ang malalang pagbaha sapagkat maaring makakuha ng sakit na ketong mula sa mga inaanod na dumi ng daga. Maaaring pumasok ang dumi ng daga sa katawan lalo na kung may sugat sa paa. Maliban sa flu virus, laganap din sa tag-init ang mga sakit tuwing tag-ulan. Kapag tag-init, mas mabilis dumami ang mga lamok na maaaring magdala ng dengue. Mas mabilis ding mapanis ang pagkain na maaari namang magsanhi ng typhoid. Epekto naman ng matagalang pagbibilad sa araw at hindi regular na pag-inom ng tubig ang heat stroke. Nagpapataas kasi ng presyon at nagpapabilis ng tibok ng puso ang init. Isa ito sa nagsasanhi ng atake sa puso at pagputok ng ugat sa utak na delikado at nakamamatay. Iminungkahi ni Dr. Kawano ang palagiang pag-inom ng tubig at pag-iwas na magbilad sa araw. Nagbabagong klima Sa climate change, bumibilis at tumitindi ang pagpapalit ng panahon. Sa bilis ng pagbabago, nahihirapan ang katawan ng tao na umangkop sa kalikasan kung kaya’t lumalala at bumibilis ang paglaganap ng mga sakit. Nagdudulot din ito ng mga bagong sakit. Malaki ang papel ng klima sa paglala ng mga banta sa kalusugan. Salik din ito sa paglitaw ng bagong mapanganib na mga species tulad ng Zika virus na wala pang nahahanap na lunas, ani Professor Moises Garcia, Ph. D., isang environmentalist at propesor sa College of Accountancy ng Unibersidad.
Ang pagkalbo sa mga gubat at ang kawalan ng disiplina sa kapaligiran na siyang nagbigay-tahanan sa mga lamok na nagbitbit ng sakit ang naglapit ng Zika virus sa mga tao. May kinalaman rin sa lalong pag-init ng klima ang kawalan ng puno sa mga lungsod. “Mas mainit na klima, mas maraming lamok, na maaaring [maging mga] vector,” sabi ni Garcia. Matuturing na vector ang lamok kapag nakasipsip ito ng dugo mula sa taong may sakit tulad ng dengue o Zika virus fever, sapagkat dadalhin ng lamok ang sakit sa susunod nitong sisipsipan ng dugo. Babala Nakaayon rin sa panahon ang pagdayo ng mga ibon mula sa ibang bansa patungo sa Filipinas. Kung minsan, ang mga ibon ding ito ang nagdadala ng sakit, tulad ng bird flu. Ayon sa datos ng World Health Organization, tinatantiyang 20 taon makalipas ang taon 2030, magiging sanhi ng humigitkumulang 250,000 ang mamamatay kada taon dahil sa pagbabago ng klima. Sa pakikiisa ng mga Tomasino laban sa climate change at karagdagang disiplina at kaalaman sa kapaligiran, mabibigyangsolusyon ang pamiminsala ng mga napapanahong sakit lalo na sa panahon ng nagbabagong klima ng daigdig, dagdag pa ng mga eksperto. KARL BEN L. ARLEGUI at DAN ALBERT D. BESINAL
8 Pintig
Patnugot: John Gabriel M. Agcaoili
IKA-30 NG AGOSTO, 2016
Simbahan, nanawagan kontra sa ‘extra-judicial’ na pagpatay Nina JOEL SEBASTIAN D. CRISTOBAL, JR. ito. “Orchestrated” din lamang umano ang ilang at KATHLEEN THERESE A. PALAPAR crime scenes na ipinapakita sa telebisyon, base sa kaniyang panayam sa mga kaanak ng mga biktima ISANG BUWAN matapos ilunsad ang sa programang “Barangay Simbayanan” ng Radio kampaniyang “Huwag Kang Papatay,” muling Veritas. nanindigan ang Simbahang Katolika na Ayon kay Fajardo, posibleng “magkaipagpapatuloy nito ang nasimulang proyekto ubusan tayo ng lahi” kung magpapatuloy upang pigilan ang dumarami at lumalalang kaso ng ang mga ganitong pangyayari. Kinuwestiyon pagpatay sa mga hinihinalang kriminal sa bansa. niya ang pahayag ng pulisya na bumababa Inilunsad ang “Huwag Kang Papatay” ng diumano ang kriminalidad sa bansa. Arkidiyosesis ng Maynila noong ika-25 ng Hulyo, “You know, the statistics are as bright as sa pamamagitan ng pag-alay ng Banal na Misa the sun. Sa dami ng pagpatay, paano bababa para sa mga hinihinalang drug pushers na pinatay ang krimen? Kaya `yung pangako ng pagbabago, sa ilalim ng administrasyong Duterte. Idinaos ang hindi ko alam kung paano iyon,” ani Fajardo. kampanya kasabay ng unang State of the Nation Mahigit 1,700 Address ng Pangulong Rodrigo Duterte. katao na ang namatay Ayon kay P. Atilano Fajardo, direktor at halos 600,000 ng Public Affairs Ministry ng arkidiyosesis na gumagamit ng at tagapagtaguyod ng kampanya, patuloy na ilegal na droga magdaraos ng buwanang Misa ang parokya ng San ang sumuko Vincente de Paul para sa mga biktima ng extra- mula nang judicial killings. maupo sa “Ang kahalagahan ng pagmimisa natin sa pwesto si kaluluwa ng pinaslang ay bigyan ng pagkakataong magsisi ang bawat isa,” ani Fajardo sa isang Pangulong panayam sa Varsitarian. R o d r i g o Mayroon umanong mabuting maidudulot ang Duterte noong pagmimisa sa mga pamilya ng namatayan. katapusan ng Hunyo. “Kapag nagmimisa, natutugunan ang mga paghihirap na dinaranas ng pamilya. ‘Masahol pa sa ISIS’ Nararamdaman nila na handang sumuporta sa Muli namang kinondena kanila ang Simbahan. Napapawi `yung hatred, ni Fajardo ang kawalan ng revenge, at vengeance na nasa puso nila,” wika ni pangkalahatang pagtutol ng Fajardo. mga Pilipino sa walang awang Bukod sa pagmimisa, nilalayon ng Simbahan pagpatay sa mga pinaghihinalaang na mag-organisa ng isang forum na maaaring drug pushers at inihambing ang mga maglabas ng hinaing ang mga pamilyang pagpatay sa gawain ng teroristang namatayan. grupong Islamic State of Iraq and Bukas din umano ang Simbahan sa pagtulong Syria (ISIS). sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarship at “Mas masahol pa tayo sa kabuhayan sa mga kaanak ng mga biktima. ISIS. Kinakain natin araw-araw ang kamatayan ng kapwa natin ‘Sacrificial victims’ Filipino, pero walang gustong Mariing iginiit ni Fajardo na hindi lahat ng magsalita,” ani Fajardo. napapaslang ay tunay na nagkasala. Dagdag pa Dagdag pa niya, walang silbi niya, “sacrificial victims” lamang ang ilan sa mga ang pagka-Katoliko kung hindi
ipaglalaban ang utos ng Diyos.
“Hindi stumping ng
tayo mark isang
presidenteng hindi naniniwala sa tamang pamamaraan ng batas,” wika ni Fajardo. Alternatibong paraan Sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa hiwalay na panayam sa Varsitarian na hindi kamatayan ang solusyon sa problema sa droga ng bansa. “Hindi lamang ito labag sa doktrina ng Simbahan, labag din ito sa ating pagkatao. Katoliko ka man o hindi,
bawal ang pumatay nang walang due process,” ani Pabillo. Ayon sa obispo, karapatan ng lahat na dumaan sa tamang proseso ng batas. Hinimok niya ang mga kabataan na ilakas ang kanilang mga boses upang maiparating sa kinauukulan ang kanilang mga reklamo. “Dapat ay maging seryoso tayo to fight drugs in our families and in our communities,” dagdag ni Pabillo.
Pope Francis sa mga kabataan: ‘Bawal ang tamad, bawal ang tambay’ BINALAAN ni Papa Francisco ang mga kabataang dumalo sa World Youth Day (WYD) 2016 na huwag makuntento sa “sofa happiness” o ang madali at kumportableng buhay. “Today’s world demands that you be a protagonist of history because life is always beautiful when we choose to live it fully, when we choose to leave a mark,” wika ng Santo Papa sa ginanap na WYD mula ika-26 hanggang ika-31 ng Hulyo sa Krakow, Poland. Aniya, hindi nararapat na maging “couch potatoes” ang mga kabataan. Hinikayat niya ang mga ito na maging aktibong miyembro ng pamayanan. “The times we live in do not call for young ‘couch potatoes’ but for young people with shoes, or better, boots laced. It only takes players on the first string, and it has no room for bench-warmers,” wika ng Santo Papa. Bukod sa mga aktibidades sa Krakow, nagdaos din ng lokal na pagdiriwang ng WYD ang iba’t ibang diyosesis sa Pilipinas katulad ng Diyosesis ng Cubao, Parañaque at San Pablo sa Laguna. Naging daan ang makabagong teknolohiya para
PANANAMPALATAYA. Dumalo ang ilang mga kabataang kasapi ng Dominican Network sa ginanap na World Youth Day sa Krakow, Poland.
mapalaganap ang Mensahe ng Habag na tema sa mga kabataang hindi nakadalo sa Poland kasabay ng Extraordinary Jubilee Year of Mercy. Inilunsad ang mobile application na “DOCAT” kung saan nakapaloob ang Katuruang Panlipunan ng
Simbahang Katolika. Ito ay sadyang ginawa para sa mga kabataan. “Iminumulat ng WYD ang mga kabataan sa posibilidad na ipalaganap ang pananampalataya sa lahat ng posibleng paraan lalo na sa social media,” ani propesor
Richard Pazcoguin ng UST Center for Campus Ministry. Ang pakikisalamuha sa kapuwa Kristiyano mula sa iba’t bansa ang hindi malilimutang bahagi ng mga Tomasinong lumahok sa WYD. Ayon kay Rafael Lopez,
mag-aaral mula sa Faculty of Arts and Letters at delegado ng Dominican Network (Domnet) Youth Group sa WYD, isang pagkakataon ang WYD para sa mga kabataan na makipagdiskurso sa iba’t ibang tao sa buong mundo na walang gamit na
teknolohiya. “Ang WYD ay isang [oportunidad para] makaconnect sa iba’t ibang tao sa buong mundo na hindi kailangan ng Internet connection. Dahil dito nakatutulong ang WYD na mapalawak ang network at mabuksan ang mata ng mga kabataan na katulad ko dahil sa pagkakataong makisalamuha sa mga taong nakikipagtipon,” ani Lopez. Para naman kay Jay Jusay mula sa Faculty of Pharmacy at delegado rin ng Domnet sa pagdiriwang, naging isang pangmulat ang WYD para sa mga kabataan. “Isa itong kakaibang karanasan na maaaring mabuksan ang kanilang isipan sa iba’t ibang kultura at pakikisalamuha sa ibang tao nang may respeto sa bawat isa,” ani Justine Leigh Doinog mula sa Faculty of Engineering na delegado rin ng Domnet. Itinatag ni Santo Papa Juan Pablo II ang WYD noong 1984 sa layunin na maranasan ang pandaigdigang sakop ng Simbahan, tanggapin ang mga sakramento at ipahayag ang mensahe ng Panginoon. Nakatakdang ganapin sa Panama ang susunod na WYD sa 2019. SIGRID B. GARCIA
Filipino 9
IKA-30 NG AGOSTO, 2016
Pagpapanatili ng Filipino sa kolehiyo, daan para sa pagyabong ng wika HIGIT na lalalim ang talakayan sa silid-aralan kung ang wikang pambansa ang gagamitin sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura sa mga magaaral lalo na ngayong napanatili ang Filipino sa kolehiyo. Magandang pagbubukas sa Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon ang desisyon ng Commission on Higher Education (Ched) na ipagpatuloy ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga institusiyon para sa mas mataas na edukasiyon. Patuloy nang natuldukan ang kabikabilang protesta ng mga tumututol sa pagkaltas ng asignaturang Filipino sa pangkolehiyong kurikulum noong ika-18 ng Hulyo sa pangunguna ni Patricia Licuanan, tagapangulo ng Ched. Ipinag-utos niyang panatilihin ang pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo mula anim hanggang siyam na yunit depende sa programang kinukuha ng magaaral. Nakasaad sa Ched Memorandum Order (CMO) 59 serye ng 1996 na mayroong siyam na yunit ng Filipino para sa Language at Literature habang nasa CMO 4 serye ng 1997 naman nakasaan na mayroong anim na yunit ng Filipino para sa Humanities. Ito ang ginawang aksiyon upang hindi maisakatuparan ang CMO 20 serye ng 2013 na nagsasaad na tanggalin ang mga asignaturang Filipino sa kolehiyo at ilipat ang mga ito sa dalawang taong dinagdag sa basic education ng K to 12 o senior high school. Pagsang-ayon ng akademya “Sa pagtuturo ng agham, mas mabuti kung ito ay mailalapit sa araw-araw na kabuhayan,” wika ni Fortunato Sevilla III, propesor emeritus at dating dekano ng College of Science ng Unibersidad na hinirang ding Kampeon ng Wika ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Aniya, susi ang paggamit ng wikang Filipino sa komunikasiyon sa pagkakaroon
ng mas malalim at mas makabuluhang pakikipanayam. Mungkahi naman ni Tereso Tullao, Jr., dalubguro ng ekonomiks sa De La Salle University, ang hindi paggamit ng wikang Filipino ang sanhi kung bakit hindi napagbubuklod ang ating lipunan partikular na sa sektor ng edukasiyon. Kung magiging intelektuwalisado ang
wika] lalo na [kung ang’ radyo at telebisyon ay pinatatakbo sa paggamit ng wikang Filipino,” ani Tullao. Ipinaliwanag din niyang bagaman magiging malaking ambag ang pagiging maalam at matatas ng mga Filipino sa wikang Ingles sa mga panlabas na transaksiyon, malalanta naman ang integrasiyong panloob ng ating lipunan kung pipilitin itong paghariin
‘ Malaking bahagi ng midya
[sa paglago ng wika] lalo na kung ang’ radyo at telebisyon ay pinatatakbo sa paggamit ng wikang Filipino.’
– Tereso Tullao, Jr dalubguro ng ekonomiks sa De La Salle University
wikang Filipino, magagawa nitong mapag-isa ang mga Filipino lalo na kapag ginagamit ito araw-araw ng mga iskolar, propesor at maging ng mga pinuno ng bansa sa kani-kanilang larang, dagdag pa niya. “Malaking bahagi ng midya [sa paglago ng
sa bansa sapagkat malayo pa rin ang wikang banyaga sa kamalayan at karanasan ng mga ordinaryong Filipino. Ginawa niyang halimbawa ang larangan ng batas bilang isa sa mga nagpapatunay na napakalaking bahagdan pa rin ng populasiyon
Sa pinagsisidlang kawa KINALAWANG na ang kumukulong mantika sa kawali. Ubos na ang isaw ng manok na binalot sa harina. Paulit-ulit kong hinihila ang gasera dahil naghihingalo na ang apoy. Sa tapat ng karitela kong de-pedal, patuloy ang pagnguya ng mga estudyanteng kalalabas lamang ng eskuwela suot-suot ang mga unipormeng harina sa puti. Walang humpay ang pamimingwit sa mga nagsisilanguyang fishball, squidball, kwek-kwek at kalamares gamit ang barbeque stick na mimintis sa pagpasok sa puting plastik. “Kuya, tatlong kalamares lang.” sabay abot sa akin ng tig-pipisong barya; nangingitim, kinakalawang. Hinaplos ko ang mga ito; sapat ang bayad na siyam na piso. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad palayo. Diretso. Kalmado. Na tila binayaran ang kinain niyang fishball. JOLAU V. OCAMPO
ng Filipinas ang madalang na paggamit ng wikang Ingles. Samantala, pinabulaanan naman ni Purificacion Delima, Komisyoner sa Ilokano ng KWF, ang paniniwala ikababagsak ng Ingles ang pag-angat sa wikang Filipino. Mungkahi ni Delima sa isang talastasan kasabay ng opisyal na pagbubukas ng Buwan ng Wikang Pambansa 2016 noong ika-1 ng Agosto, sabay dapat na isinusulong ang Ingles at Filipino sapagkat hindi naman maaaring magpakadalubhasa sa isang wika ang mga Filipino nang walang pangunahing wikang mas mahusay na nagagamit Iginiit niyang higit na mapayayabong ang wikang Filipino sa loob at labas ng bansa kung gagamitin at palalawakin ito gaya ng ginagawa natin sa wikang Ingles. Sa katunayan, ayon sa resulta ng Test of English as a Foreign Language, isang respetadong pagsusulit sa wikang Ingles sa buong mundo, noong 2010, ika-35 ang Filipinas mula sa 163 na bansa sa pinakamatatas na gumagamit ng banyagang wika habang pangatlo naman sa Asya kasunod ng Singapore at India. Mga susunod na hakbang Patuloy naman ang KWF sa kampanyang isulong ang wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan. Hangarin ng ahensiya na patuloy nang maisalin sa Filipino ang mga terminong likas sa siyensiya, matematika, biyolohiya at iba pang mga teknikal na usapin nang sa gayon maipaalala na rin sa mga mag-aaral ang kapangyarihan at kagandahan ng sarili nating wika. Ayon kay Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining at tagapangulo ng KWF, nasa tuktok ng kanilang hangarin ang maituring na “wika ng karunungan” ang Filipino kung saan magagamit ito sa pagtuturo at pang-araw-araw na diskurso. JOLAU V. OCAMPO AT WINONA S. SADIA
Usapang Uste
MULA SA PAHINA 5
Nagtapos si Puyat ng kursong biyolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila at kalaunan, nagpatuloy ng pag-aaral ng medisina sa Unibersidad. Nasa ikalawang taon sa medisina si Puyat nang tumanggap siya ng 5,000 dolyar mula sa nasabing pagkilala. Dumiretso ang lahat ng ito sa pondo ng Lingkod ER. Sinimulan ni Puyat ang naturang adbokasiya sa UP at nagsisilbi bilang volunteer sa Philippine General Hospital (PGH). Noong 1997, kasabay ng pagpapatuloy niya ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas, bumuo siya ng sangay ng Lingkod ER Foundation sa tulong ng iba pang mga Tomasino. Sa pamamagitan ng pagtatanghal ng photo exhibit, awareness campaign at iba pang mga gawain, nakapangalap ng donasiyon ang kanilang pangkat. Naging mainit ang pagtanggap sa naturang organisasiyon sa loob at labas ng Unibersidad. Sa katunayan, isa ang dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (na bise presidente pa lamang noon) sa mga naging tagasuporta nito. Personal na inanyayahan ni Arroyo ang mga kabataan na suportahan ang Lingkod ER sa isang pagtitipong pinangunahan ng organisasiyon noong Oktubre 1998. Sa kasalukuyan, nananatiling aktibo ang operasiyon sa Lingkod ER - UST Chapter bilang isang kinikilalang organisasiyon sa buong Unibersidad. Patuloy na namamayagpag sa larangan ng medisina, partikular na sa dermatolohiya, ang pangalan ni Puyat. Tomasalitaan Nagunamgunam (PND) – napag-isip-isip; napagtanto Hal.: Habang pinanonood ko ang mga naguunahang patak ng ulan, nagunamgunam kong kaya mo ring umalis sa buhay ko nang ganoon kabilis. Mga sanggunian The Varsitarian: Tomo LXXIV Blg. 11, Hunyo 6, 2002; 1998-2002, p.1066 Villaroel, F. (2012) A History of the University of Santo Tomas. Manila: University of Santo Tomas Publishing House
10 Buhay Tomasino
IKA-30 NG AGOSTO, 2016
Direktor ng Dibuho: Kirsten M. Jamilla
BUHAY USTEDYANTE NI CHINNY MAE F. BASINANG
EVERYDAY ESPAÑA NI IAIN RAFEL N. TYAPON
TOTOY N NI SELDON MAY T. TAGAO
Freshmen MULA SA PAHINA 1 Para kay Rady Ventura, dekano ng College of Architecture, kailangan na lamang umayon ng mga Tomasino sa pagbabago. “Kung sa palagay naman ng nakararami na pansamantala lamang ito, na by 2018 it goes back to the usual, then siguro everybody has to make some adjustments [and] sacrifices,” ani Ventura sa isang panayam sa Varsitarian. Hindi naman nababahala sa pagbaba ng bilang ng freshmen ang dekano ng College of Science na si John Donnie Ramos, base na rin sa bilang ng mga mag-aaral ng USTSHS. “Majority of the SHS students in UST are taking up [Science, Technology, Engineering and Mathematics strand]. So eventually, many of them [will go] to the College of Science,” ani Ramos. Sa nagdaang Misa para sa kapistahan ng Santo Domingo de Guzman, ika-5 ng Agosto, nabanggit ng Rektor P. Herminio Dagohoy, O.P. ang pagiging mapalad ng mga mag-aaral sa kabila ng kanilang maliit na populasiyon. “Mapapalad kayo sapagkat kayo ay kakaunti [dahil] lahat ng atensiyon ng inyong teachers ay sa inyo… Ibibigay nila lahat sa inyo ang kanilang galing at talino,” ani P. Dagohoy. Opisyal na ipinatupad ngayong taong akademiko ang K to 12 na magdaragdag ng ika-11 at ika-12 na baitang sa mataas na paaralan. Dahil dito, kakaunti ang nagpatala sa unang taon ng kolehiyo.
Tablets MULA SA PAHINA 1 ng electronic tablets, dahil maaari silang maging biktima ng pagnanakaw. “[One problem would be] the safety of the students since people know now that UST-SHS students will bring tablets to school,” ani Daniel Julio Angeles, magaaral ng Science, Technology, Engineering and Mathematics, sa isang panayam sa Varsitarian. Dagdag ni Angeles, hindi kinakailangan ang mga e-books bagaman mas makabagong gamit ang mga ito para sa pag-aaral. Pinahintulutan din ng pamunuan ng SHS ang paggamit ng personal na mga tablet ng mga mag-aaral–kahit hindi mga produkto ng Apple–upang makaiwas sa gastos. Halos limang libong mag-aaral ang pumasok sa pagbubukas ng UST-SHS ngayong taon. Nagsimula ang kanilang klase noong ika-9 ng Agosto.
Patnugot: Delfin Ray M. Dioquino
Palakasan 11
IKA-30 NG AGOSTO, 2016
Dating star guard, bagong coach ng Tigresses Nina PHILIP MARTIN L. MATEL AT RANDELL ANGELO B. RITUMALTA NAGBABALIK sa UST ang dati nitong star point guard bilang bagong head coach ng Growling Tigresses. Papalitan ni Haydee Ong, na dati ring national team head coach, si Chris Cantonjos na gumabay sa koponan ng pitong taon. Apat na beses nakapasok sa Final Four ang Growling Tigresses sa ilalim ni Cantonjos. Bago pa man napili si Ong noong Hunyo, ginabayan niya ang Perlas Pilipinas tungo sa una nitong ginto noong 2010 SEABA Championship for Women. Ayon kay Ong, importante na iangat ang kalidad ng training ng Tigresses. “Pang-international ’yung bagong sistema na itinuturo ko sa team. Hindi kagaya noong panahon namin na mabibilang mo lang ang mga paaralan na medyo angat ‘yung skill level,” aniya. Star point guard Bilang point guard ng Goldbelles, na dating pangalan ng Growling Tigresses, pinangunahan ni Ong ang opensa ng koponan tungo sa
Kampeonato MULA SA PAHINA 12
JUDO Male Judokas Nakaraang taon: Ikalawang pwesto Prediksiyon: Kampeon Determinado ang Male Judokas na muling maghari sa UAAP at mapagbasak ang defending champions na Ateneo de Manila University. Kahit wala na si team captain Lucky Flores, tiwala ang bagong kapitan na si former MVP Al Llamas na maibabalik ang korona, lalo pa’t humakot sila ng 20 medalya sa nakaraang Diliman Slam nitong Hunyo. Hawak ng UST ang sampung titulo sa UAAP men’s judo, ang pinakamarami sa liga. FEMALE JUDOKAS Nakaraang taon: Kampeon Prediksiyon: Kampeon UST pa rin ang inaasahang magkakampeon sa women’s judo dahil hawak ng Female Judokas ang magkasunod na titulo nitong huling dalawang taon. Buo pa rin ang mga pambato ng Female Judokas na pangungunahan nina reigning MVP Khrizzie Pabulayan, kapitan Tracy Jean Honorio at Lei Tolentino. Kahit kumpleto pa ang malalakas na pambato, hindi pa din ganoon kakompiyansa si head coach Gerard Arce sa lakas na ipinapamalas ng koponan. “Nagsisimula kami uli sa umpisa kasi ayaw naming maging kampante,” ani Arce. Nito lamang Abril, nag-uwi ang Female Judokas ng 11 na medalya sa ikatlong Philippine Sports CommissionWomen’s Martial Arts Festival. CHEERDANCE UST Salinggawi Dance Troupe Nakaraang taon: Ikalawang puwesto Prediksiyon: Ikatlong puwesto Sa nakaraang dalawang taon, nanatili ang Salinggawi sa Top 3 ng kompetisyon dala ng kanilang malinis na routine. Pursigido ang koponan na protektahan ang kanilang puwesto, lalo na at naungusan na nila ang perennial contenders na UP sa unang pagkakataon sa loob ng
walang taon. Magiging mahirap pa rin para sa Salinggawi ang pagkuha ng korona dahil protektado pa rin ito ng three-time defending champions National University. BADMINTON Golden Shuttlers Nakaraang taon: Ikalimang puwesto Prediksyon: Ikalimang puwesto Bagaman kumpleto ang line-up na ipaparada ng Golden Shuttlers, hindi maikakailang kulang pa rin sila sa “talento”upang makasingit sa Final Four, isang bagay na hindi pa nila nagagawa simula noong 2014. “Kulang sa talent ‘yung players, [pero] ang target namin ngayon ay umabot sa Final Four,” ani coach Noli Cajefe. Sa huling dalawang taon, nanatili ang Golden Shuttlers sa ikalimang puwesto at huli nilang naiuwi ang korona anim na taon na ang nakararaan. Pangungunahan ng bagong team captain na si Paul John Pantig ang kampanya ng koponan sa darating na season. FEMALE SHUTTLERS Nakaraang Taon: Ikalimang Puwesto Prediksiyon: Ikalimang Puwesto. Mahihirapan ang koponan na makatuntong sa Final Four dahil malaking kawalan ang paglisan ni Anna Patricia Barredo, ang pinakamagaling nilang manlalaro. Ayon kay Cajefe, si Barredo lamang ang kayang makipagsabayan sa ibang mga unibersidad tulad ng Ateneo at defending champions na UP. “Walang pang-fill-up dahil iba ‘yung talent ng mga umalis ngayon, kasi itong [mga players], ‘yung skills nila kalahati lang,” ani Cajefe. Si Stephie Aquino ang magiging baong kapitan ng Female Shuttlers na huling nakapasok sa Final Four noong 2010. TABLE TENNIS Tiger Paddlers Nakaraang taon: Ikalawang puwesto Prediksiyon: Finals Isusulong ng tatlong beteranong sina Norielle Pantoja, Alberto Bazar at Gil Ablanque ang
apat na magkakasunod na titulo simula 1987 hanggang 1990. Kasabay nito, naglaro rin si Ong para sa national team mula 1987 hanggang 1993. Nabigyan siya ng pagkakataong maging katuwang ni coach Arturo “Bai” Cristobal sa national team noong 1998 bago siya naitalaga noong 2007. Bilang kasalukuyang athletic director ng Immaculate Conception Academy sa San Juan, iginiit ni Ong na ang pangunahing dahilan ng kaniyang pagtanggap sa hamon ay upang maibalik ang nawalang ningning ng Tigresses, na huling nanalo ng kampeonato noong 2006 at may pinakamaraming tropeo sa liga hawak ang 11 na korona. “Ngayon, ‘yung mga school na hindi dati nag-eexcel sa women’s program, ‘yung skill level at athleticism ng mga bata nila, [mataas] na. Kaya sa tingin ko, kailangan ‘yung sistema mo, swak sa mga tao mo,” aniya. Kulang sa kundisyon
Sa kaniyang pagbabalik sa Tigresses, nahirapan si Ong dahil wala sa kundisyon ang kanyang mga manlalaro. Pero agad niya itong kinakitaan ng malaking potensyal sa kabila ng paglisan ni dating team captain Maica Cortes. Giit niya, iba ang sistema ng laro ng mga babae dahil higit na mahalaga ang teamwork upang manalo ng mga laro kumpara sa mga lalaki na puwedeng umasa sa isang manlalaro lamang. May mga patakarang idinagdag at ibinawas si Ong, gaya ng mas pinaagang call time para sa pageensayo upang mapahusay ang shooting ng koponan, pati na rin ang paggamit ng plays upang malimitahan ang turnovers na isa sa mga naging problema ng Tigresses noong nakaraang taon. Mas naging mahigpit rin si Ong sa gupit ng kaniyang mga manlalaro at ipinagbawal ang gupit na panlalaki upang “ipagmalaki ang imahe” ng pagiging isang Tomasino. Tigresses PAHINA 5
‘Beach volleyball king,’ handa na sa UAAP Nina CARLO A. CASINGCASING at RALPH EDWIN U. VILLANUEVA SISIKAPIN ni Tiger Spiker Kris Roy Guzman na maiuwi na sa wakas ang korona ngayong taon matapos pumangalawa ang UST sa UAAP beach volleyball tournament sa tatlong magkakasunod na season. Taong 2009 pa noong huling naiuwi ng UST ang titulo. Tatlong beses naglaro sa finals si Guzman pero di minsan niyang napanalunan ang korona. “Hindi siguro para sa amin ‘yung huling tatlong seasons dahil palagi kaming kinakapos sa finals,” ani Guzman sa Varsitarian. Nitong nakaraang season, inilampaso ng UST ang National University Bulldogs sa semifinals matapos itong matalo sa dalawang magkasunod na finals noong taong 2013 at 2014. Sakripisyo Pero bigo sina Guzman at Anthony Arbasto laban sa Ateneo De Manila University sa isang door-die game. Ayon kay head coach John Paul Doloiras, mas lumawak na ang karanasan ni Guzman lalo na’t “isinakripisyo” niya ang paglalaro sa indoor volleyball para mas mapagtuunan ng pansin ang beach volleyball. kampanya ng Tiger Paddlers tungo sa kampeonato sa tiyansang putulin ang tatlong taon nilang pagkadapa sa De La Salle University. Ayon kay head coach Jackson Que, positibo siya na mas mataas ang kanilang tiyansa na makapasok sa Final Four. Dagdag pa niya na malaki ang ipinagbago ng koponan sa mga nagdaang taon. “Siguro sa Final Four, sure nang pasok tayo pero sa finals, mahirap magsabi kasi nga bilog ang bola,” ani Que. Huling nalasap ng Tiger Paddlers ang kampeonato noong 2012 kontra De La Salle University. LADY PADDLERS Nakaraang taon: Ikatlong puwesto Prediksiyon: Ikatlong puwesto Sampung taon nang gutom sa kampeonato ang Lady Paddlers at ngayong taon, ibang paghahanda ang ginawa ng koponan para sa
Aminado si Guzman na may mga pagkakataong gusto na niyang sumuko at mas maglaan na lang ng oras sa pag-aaral. “Mali na nagsawa akong mag-training nung third playing year ko dahil lang sa lagi kaming first runner-up kaya mas determinado ako ngayong season .” Kamakailan lamang, itinanghal ang fourth year Electronics & Communications Engineering student bilang unang Beach Volleyball Republic King of the Sands noong Hulyo. Siya rin ang nagdala sa UST tungo sa kampeonato sa nakalipas na ika-19 Nestea Beach Volleyball Tournament noong Mayo. Sa darating na season, ang hinagpis ng tatlong taong pagkabigo ang dadalhin ni Guzman upang isulong ang Tiger Spikers sa minimithing gintong medalya. kanilang kampanya. Pangungunahan ni Nina Nacasabog sa kaniyang huling taon ang Lady Paddlers kasama nina Danica Alburo, Kate Encarnacion at Kathleen Tempiatura. Nagkaroon man ng mga aberya sa mga dati nilang manlalaro, tiniyak ni head coach Lori Wadjad na aayusin nila ang lahat upang manatili sa top three ng kompetisyon. “’Yung training nila ngayon ay mas mahirap kumpara sa nakaraang taon pero may problema pa sa ugali nila,” ani Wadjad. Aasahan pa ring mananalanta ang La Salle na nagreyna noong isang taon na wala kahit ni isang talo sa kanilang kartada. VOLLEYBALL Junior Golden Tigresses Nakaraang taon: Ikalawang puwesto
Prediksiyon: Kampeon Sa pag-usbong nina Eya Laure at Maji Mangulabnan, dalawang natatanging collegiate-calibre players, malaki ang tiyansang mawakasan na ng Junior Golden Tigresses ang kanilang dalawang taong pighati sa titulo. Ayon kay head coach Emilio “Kung Fu” Reyes Jr., handa na ang kaniyang koponan na harapin ang back-to-back UAAP champions na National University Lady Bullpups na kanilang pinatumba sa finals ng Shakey’s Girls V-League nitong Hulyo. “Kaya na natin mag-champion ngayon basta trabahuhin natin dahil lumalabas na ‘yung maturity ng team lalo na ‘yung mga star player,” ani Reyes. Inaaasahang magdaragdag ng puwersa sa opensa ang mga bagong saltang sina Baby Love Barbon at Janna Torres. SPORTS TEAM
Palakasan
IKA-30 NG AGOSTO, 2016
UST, gutom sa kampeonato
BEACH VOLLEYBALL Tiger Spikers Nakaraang Season: Ikalawang pwesto Ngayong taon: Kampeon Tiwala sa sarili at mas pinatibay na depensa at opensa ang magdadala sa koponan ng Tiger Spikers tungo sa ginto ngayong Season 79. Matapos ang tatlong magkakasunod na silver medal finish, sisikapin ni kapitan Kris Roy Guzman at ni Anthony Arbasto Jr. na makamit na ang inaasam na gintong medalya. Ani Guzman, dinagdagan ni bagong head coach John Paul Doloiras ang kanilang endurance training lalo na’t sa darating na season, mas maraming laro ang kailangan nilang itawid sa loob lamang ng isang araw. “Wala namang problema sa pagbago ng coach kasi ipinagpatuloy lang ni coach Doloiras ang programa ni coach Emil Lontoc,” ani Guzman.
ang kanilang dalawang koponang inilaban ay nagkamit ng ginto at tanso. LADY JINS Nakaraang taon: Ikalawang puwesto Prediksiyon: Kampeon Sa kabila ng pagkawala ni Korina Paladin, tiwala pa rin si coach Dindo Simpao na masusungkit ng UST ang kampeonato na huli nitong naiuwi noong 2013. Ayon kay Simpao, wala pa s a tamang timpla ang koponan at inamin niyang masakit ang kanilang pagkatalo noong nakaraang taon dahil naging dikit a n g
LADY SPIKERS Nakaraang season: Ikalimang puwesto Ngayong taon: Finals Kahit na nakaglag sa ikalimang puwesto ang Lady Spikers noong nakaraang taon, hindi puwedeng maliitin ang matibay na tambalan nina Season 77 MVP Cherry Ann Rondina at Jem Nicole Gutierrez na may misyong ibalik ang korona sa España. Matapos tumayo bilang third man ng koponan noong nakaraang season, kumpiyansa si Gutierrez na kaya niyang punan ang puwestong iniwan ni Rica Jane Rivera. Nitong nakaraang Mayo, iniuwi ng dalawa ang titulo mula sa ika-19 edisiyon ng Nestea Beach Volleyball tournament. TAEKWONDO Tiger Jins Nakaraang taon: Kampeon Prediksiyon: Kampeon Inaasahang “team to beat” pa rin ang UST sa men’s taekwondo sa pangunguna nina Season 78 MVP Joaquin Mendoza, Juan Miguel Ramos at Carlos Miguel na kapuwa nag-uwi ng mga gintong medalya para sa Unibersidad noong nakaraang taon. Nananatiling buo ang mga pambato ng koponan at inaasahang masusungkit nila ang ikatlong sunod na korona. Dala rin ng Tiger Jins ang karanasan mula sa kanilang pagkapanalo ng kampeonato sa ika-40 na National Taekwondo Championships noong Hulyo kung kailan
kanilang l a b a n s a University of the East (UE). Maliban kay Paladin, hinog na ang lahat n g kanilang mga manlalaro n a pangungunahan ni team captain Alyssa Asegurado, Season 76 MVP Abigail Cham at Marjelle Sy. Hindi magiging balakid sa kampanya ng Lady Jins ang defending champions na UE sapagkat lumipat ang karamihan sa National University at magsisilbi ng isang taong f o r c e d residency. TIGER JINS (Poomsae) Nakaraang taon: Kampeon Prediksiyon: Kampeon Nananatiling paborito ang UST sa larangan ng poomsae dahil sa hawak nito ang titulo mula pa noong isinama ang larong ito sa UAAP noong 2013. Pangungunahan nina co-captains Jocelyn Ninobla at Rodolfo Reyes Jr., mga world champions, ang pagdepensa sa kanilang titulo. Ayon kay Ninobla, maganda ang mindset ng koponan para sa kompetisyon at malaki ang pinagkaiba ng kanilang mga ensayo ngayon kumpara noong nakaraang taon. BASKETBALL Growling Tigers Nakaraang taon: Ikalawang Puwesto Prediksiyon: Final Four Sa kabila ng pagkawala nina Kevin
Ferrer, Ed Daquioag at Karim Abdul, ang “Big Three” na naging sentro ng opensa noong isang taon, hindi pa rin malayong makapasok sa Final Four ang Tigers. Kahit na bago ang kanilang head coach, unti-unting nabubuo ang kumpiyansa ng koponan na nag-uwi ng pilak sa Recoletos de Cebu Cup noong Hulyo. “Maganda ang ugali nila at lahat sila ay may puso na manalo,” ani Sablan. Pangungunahan nina Louie Vigil, Jamil Sherriff at Kent Lao ang Tigers. Huling taon na nila it ng paglalaro sa UAAP. GROWLING TIGRESSES Nakaraang taon: Ikalimang pwesto Prediksiyon: Final Four Sa patnubay ng bagong head coach na si Haydee Ong na dating head coach ng national team, masusubukan ang kakayahan ng koponan na magbalik sa Final Four sa kabila ng pagkawala ng kanilang big man. Ibibida pa rin ng Tigresses ang kanilang backcourt sa pangunguna nina team captain Jhenn Angeles at Candice Magdaluyo na parehong tirador sa tres. “Kayang-kaya nating pumasok sa Final Four, [kasi] nakukuha na namin ‘yung sistema na gusto ng coaches,” ani Angeles. Kahit na wala na si Mythical Five member Maica Cortes, buo pa rin ang loob ni Angeles na magbabalik ang Tigresses sa Final Four. Nagbabakasakali din siyang makuha ang kampeonatong huling nakamit ng koponan noong 2006. TIGER CUBS Nakaraang taon: Ikapitong puwesto Prediksiyon: Ikaanim na puwesto Mula sa mapait na kampanya noong nakaraang taon kung saan lumagpak ang koponan sa ikapitong puwesto, masusubok ang tibay ng batang koponan sa pangunguna ng bagong head coach at dating MVP na si Chris Cantonjos. Ani team captain Clark Ballada, tumaas ang kumpiyansa ng kaniyang mga kasama dahil sa pagdating ng bagong coaching staff. “Mas maganda ang sistema namin ngayon pati ang kumpiyansa ng mga bata,” ani Ballada. Lalong mahihirapan ang koponan na ibalik ang dating bagsik sa pagkawala nina Brian Lacap at Lakksman Ganapathy, kasama na rin ang kakulangan sa karanasan ng ibang players. SWIMMING Tigersharks Nakaraang season: Ikaapat na puwesto Prediksiyon: Ikaapat na puwesto Dahil malaki ang espasyong naiwan dala ng maagang paglisan nina Franz at Francis Alvin Marquez at Skyler Claveria, mahihirapan pa ring ungusan ng Tiger Sharks ang mga malalakas na katunggali mula sa Ateneo de Manila University, University of the Philippines at De La Salle University. Sa kabila nito, tiwala si head coach Cyrus Alcantara na ibibigay ng kaniyang koponan ang lahat para umangat ng ranggo ngayong taon. “Unti-unti nang lumalabas ‘yung gulang ng mga bata at naiintindihan na nila na kailangan talaga magpursigi para manalo,”
aniya. Mamumuhunan ang Tigersharks sa mga long-distance events kung saan malakas ang tiyansa nilang makabuslo ng mga medalya. Inaasahang itatayo ni Jux Keaton Solita, na makakuha na ang koponan ng una nilang medalya sa loob ng dalawang taon. FEMALE TIGERSHARKS Nakaraang season: Ikaapat na puwesto Prediksiyon: Ikaapat na puwesto Mahihirapan ding makasungkit ng medalya ang Female Tigersharks sa torneo na inaasahang pangungunahan ng Ateneo, La Salle at UP. Bagaman mahirap, susubuking pamunuan ng Female Tigersharks ang longdistance events kung saan may tiyansa silang mag-uwi ng mga medalya. “Nakakatuwa ‘yung mga bata kasi sila ay determinado, lalo na kapag may targets na pinakukuha, pinipilit nila makuha,” ani Alcantara. Kampante si Alcantara na pangungunahan nina Angelic Saavedra, Althea Belen, Samantha Cambronero at Isabelle Gubat ang koponan sa pagkamit ng medalya. Kampeonato PAHINA 11