HULING HARUROT
na ang pagkawala ng mga lumang jeepney na tinagurian pa namang “Hari ng Kalsada”. Sa ngayon ay pinayagan pa rin na mamasada ang mga drayber ng tradisyunal na jeep ng isa pang buwan kahit na sila ay lumagpas na sa deadline ng pagkonsolida noong Disyembre 31, 2023...
Grade 11 nagtagisan ng husay at talino sa Perdev Night
Nagpamalas ang mga mag-aaral ng Grade 11 ng kanilang natatanging talento at husay sa taunang Personal Development (PerDev) Night na ginanap noong ika-14 ng Pebrero 2024 na may temang "HUMALAYA: Husay Maipamalas, Lahat ay Angat". Nilayon ng programang ito na makapagbigay oportunidad sa mga mag-aaral upang ipamalas ang kanilang kahusayan at ipakita ang kanilang pagkakaisa sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto at gawain sa naturang programa. Itinanghal na kampeon ang 11 ABM Taylor sa Zumbalaya, isang dance competition kung saan nagpakitang gilas at humataw ang iba’t ibang strand at pangkat tulad ng HUMSS Idiyanale, HUMSS Tala, ABM Pacioli, at STEM Einstein.
Binigyang pagkilala naman ang strand ng HUMSS matapos nitong manguna sa paglikha ng isang kahanga-hangang music video o produksyon para sa Tinig Humalaya.
Naiuwi nina Jethro Calasin mula sa STEM Curie at Maria Mikaella Cruz mula sa STEM Newton ang titulo ng Ginoo at Binibining Humalaya 2024 nang sila ay nagpamalas ng kanilang angking kagandahan, karisma, at katalinuhan bilang kalahok.
Nagsilbing malaking entablado ang
PerDev Night 2024 sa mga mag-aaral upang maihayag ang iba’t ibang galing ng mga mag-aaral sa bawat larangan na tunay na nagbigay-buhay sa naturang programa.
Nag-iwan ng saya at kakaibang karanasan ang programa sa mga magaaral na nakatulong sa paglinang ng kanilang mga kinukubling husay at karunungan.
Mag-aaral ng ValNat tutol sa Jeepney Modernization TSUPER
atatandaang inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) kasunod ang layunin nitong tugunan ang matagal ng problema sa sektor ng transportasyon sa bansa noong ika-19 ng Hunyo taong 2017.
Naka-angkla naman ang PUVMP sa Department Order No. 2017-011 na layuning baguhin ang pampublikong transportasyon at tiyakin ang mas marangal, makatao, at katumbas ng global na pamantayan ang pagkocommute at mga operasyon ng pampublikong transportasyon. Layunin ng programang ito na palitan ang mga pampasaherong jeep na may edad na hindi bababa sa 15 taon ng mas bago at mas maayos na makinarya ng modernong jeep sa pamamagitan ng pagconsolidate ng mga operator at driver sa mga kooperatiba.
Kinakailangan ng mga operator na sumali sa mga kooperatiba o korporasyon upang mas mapadali ang pagproseso ng mga bangko sa mga pautang kapag sila ay bibili ng modernong bersyon ng jeep.
Mariing pinahayag naman ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na hindi sila tutol sa pagbibigay ng mga kinakailangang pagbabago ng mga sikat na jeepney, lalong lalo na sa mga lumang modelo na sinasabing naglalabas ng mapanganib na emisyon, bagkus ang programa ay masyadong mabigat para sa bulsa ng kapwa nilang drayber at operator.
Tinatayang nasa mahigit 1.3 milyong
piso hanggang 3 milyong piso ang nasabing modernong jeepney.
Dahil dito, umapela naman ang ilan sa mga transport groups na babaan ang presyo ng modernong jeep upang sila ay makasunod sa PUVMP.
Inihayag ng Land Transportation
Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapalawig ng nasabing deadline ng pagkonsolida ng pampasaherong jeep mula sa orihinal nitong araw noong ika-31 ng Disyembre 2023.
Lumahok naman ang ilang mga drayber sa isinagawang nationwide transport strike na isinagawa ng PISTON upang maipakita ang pagtutol ng bawat tsuper sa isinusulong na PUVMP ng pamahalaan.
Dahil dito, nakaramdam ng aberya ang ilan sa mga mag-aaral ng Valenzuela National High School (ValNat) pagkatapos ng ikinasang tatlong araw na tigil pasada noong ika20 hanggang 23 ng Nobyembre 2023.
Isa si Justine Velarde, mag-aaral mula sa 12 STEM Faraday ang nagpahayag ng kanyang hinaing tungkol sa naganap na tigil pasada.
“Bilang estudyante, bukod sa naaberya ako sa tigil pasada, namulat ako sa kasulukuyang sitwasyon ng mga tsuper at napagtanto ko na hindi
agaran ang mga solusyong inihain ng gobyerno,” pahayag ni Velarde. Wika ni Russel Almero, mag-aaral naman mula sa 12 STEM Maxwell, isa sa balakid na kanyang naranasan sa tigil pasada na ito ay ang hirap sa paghanap ng masasakyang jeep, dahil kadalasan ay punuan ang mga ito.
“Bukod pa rito, minsan ay nahuhuli ako sa tamang oras ng aking klase sa kadahilanang naiba ang karaniwang oras ng aking pagpasok sa school,” ani Almero.
Binalaan na ng Department of Transportation (DOTr) noong taong 2019 ang mga tsuper at operator na hindi susunod sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program hanggang 2020 ay tatanggalan ng prangkisa.
Nagpahayag ng pagkabahala si Rovee Bañaga, mag-aaral mula sa 11 STEM Curie, sa pagpapatuloy ng nasabing Jeepney Modernization.
“I’m against the Jeepney Modernization to the point that the Philippine Jeepney would be overhauled,” ani Bañaga.
Dagdag pa niya, ilan sa mga komento na kaniyang ipinahayag mula sa social media ay ang mga salik kung bakit nga ba nais ipagpatuloy ng mga nakatataas ang jeepney modernization, tulad ng
Project Agap gabay sa mga aralin sa baitang 7
Pinangunahan ni Gng. Aileen May L. Morales kasama sina Gng. Ma. Annalie M. Resurreccion, Gng. Ruby Ann R. Sison, at Gng. Camille Joy V. Delgado mga guro sa Ikapitong Baitang ng Valenzuela National High School (ValNat) ang pagsagawa ng Project Agap bilang tugon sa mga kalituhan ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa isang tiyak na aralin sa Filipino 7.
Ang Project AGAP o Agarang Gabay at Aksyong Panlunas ay may layuning maibahagi sa mga mag-aaral ang impormasyong kinakailangan kaugnay sa mga nais nilang maunawaan, magkaroon ng mabilisang sagot sa mga katanungang hindi nabigyang paliwanag sa loob ng klase, at maging daan upang madagdagan ang mga kaalaman ng mga mag-aaral sa mga paksa sa Filipino. Isinasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng birtwal at ekslusibong alalay sa mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto gamit ang Facebook page na may kalakip na katawagan na Chatoto na hango sa salitang “katoto” na ang kahulugan ay malapit na kaibigan. Paraan na rin ito upang hindi mahiyang magtanong online ang mga mag-aaral dahil mararamdaman nilang may kaibigan silang
mapagtatanungan ng kaalamang makatutulong sa kanilang pag-aaral. Sa kabilang banda, dinagdag sa katagang ito ang Plus upang maging bukas sa lahat ng uri ng mag-aaral at makapagbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na hindi makalahok online. Hangad ng proyektong ito na maging responsable at maingat ang mga mag-aaral sa paggamit ng social media. Idagdag pa, ang pagnanais na mapababa ang bilang ng mga mag-aaral sa List of Learners At-Risk of Dropping Out (TALA).
Dagdag pa, isa rin sa mga kasanayan na malilinang ng Chatoto Plus ay ang pormal at wastong paghahatid ng mensahe gamit ang isang online platform tulad ng Facebook messenger. Samantala, para naman sa mga mag-aaral na walang kakayahan na makaaccess gamit ang
internet ay mabibigyan din sila ng pagkakataon na makapagtanong sa gamit ng drop box.
Ito ay kahon ng mga katanungan kung saan ang mga nakasulat na tanong ay ihuhulog sa drop box at agad na sasagutin ng kanilang guro sa Filipino sa kanilang klase.
“Isang malaking hamon para sa isang guro na matiyak ang kaniyang mag-aaral na may natutuhan sa mga aralin. Maituturing na isang aksyong panlunas ang Project AGAP upang agarang magabayan ang mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto, online o offline man ito." pahayag ni Gng. Morales Ang Project Agap ay binigyang pansin at sinuportahan ng ulo ng kagarawan sa Filipino na si Gng. Grace I. Yumul. Inaasahang ang gawaing ito ay patuloy na aarangkada sa mga susunod pang Taong Panuruan.
SOLUSYONG PANG-EDUKAKSYON
Inilunsad ni Sara Z. Duterte, Bise Presidente ng Pilipinas at Sekretarya ng Edukasyon noong ika-29 ng Enero 2023 ang “MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa” bilang pagtatakda ng panibagong direksyon ng ahensya upang tugunan ang hamon ng edukasyon sa bansa.
Ipinahayag ni Bise Presidente at Sekretarya Duterte sa 400 education stakeholders na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga problema maging ang mga naisakatuparang proyekto at gawain, bago pa man inilahad ang panibagong dilema sa sektor ng edukasyon.
“We will rally for an improved learning system in the country. Together, we will rally for every Filipino child. Para sa isang MATATAG na Bayan. Para sa ating mahal na Pilipinas,” wika niya sa kaniyang Basic Education Report (BER) para sa taong 2023. Aniya, mayroong apat na bahagi ang MATATAG na nirepresenta sa pamamagitan ng acronym.
“Make the curriculum relevant to produce competent and job-ready, active, and responsible citizens; Take steps to accelerate delivery of basic education facilities and services; Take good care of
learners by promoting learner well-being, inclusive education, and a positive learning environment; and Give support to teachers to teach better,” saad niya. Ayon pa sa kaniya, ang kaniyang interes para sa kinabukasan ng edukasyon sa Pilipinas ay hindi personal o pansarili lamang.
“We know that the road will be bumpy, but our direction is clear. We know that the challenges are vast, but we Filipinos are resilient. We will overcome,” dagdag pa niya.
Isinaad din ni VP-Sec. Duterte sa kaniyang BER ang tiyak na direksyon at inisyatiba na sumasaklaw sa apat na sangkap ng MATATAG, kabilang dito ang pagsasaayos ng curriculum sa pamamagitan ng pagtatalaga ng partikular na pokus at paglalagay ng peace competencies, pagpapatayo ng matatag na paaralan, pagpapatibay ng mga inklusibong programang pang-edukasyon, pagtaguyod sa karagdagang benepisyo para sa mga guro, at
pagtatakda ng mga programang makakatulong sa pagpapaunlad ng propesyon.
Muli naman niyang ipinangako ang pagbibigay ng sapat na suporta para sa libulibong guro sa bansa at nagpahayag pa ng kaniyang pasasalamat para sa sakripisyo at dedikasyon ng mga guro.
“Improving access, equity, equality, resiliency, and well-being will not happen overnight, nor can it be done by DepEd alone. We need a national commitment and sustained effort from all sectors of the society,” diin niya. Matapos mailunsad ang MATATAG, agarang nagpahayag si Ferdinand R. Marcos Jr., Pangulo ng Pilipinas, Juan Miguel Zubiri, Pangulo ng Senado, Senator Sherwin Gatchalian, at iba pang education partners ng kanilang pagsuporta sa pamamagitan ng pagsulat ng kanilang pangako para sa bagong agenda ng new Basic Education.
pagbawas nito sa kabuoang polusyon.
“Sa halip na gawin itong mandatory, maaaring hayaan na lamang nila ang mga tsuper na may kakayahang bumili ang kumuha ng modernong jeep na ito,” ani naman ni Jasmine Felix, mag-aaral mula sa ika-11 na baitang.
Nangangamba naman ang ilan sa mga mag-aaral ng ValNat sa posibleng pagkawala ng konsepto ng pampasaherong jeep sa kultura ng mga Pilipino.
“I'm only against the concept of it because jeepney is one of the staple part of our culture, almost tied to the name of the Philippines,” wika ni Bañaga.
Ang mga modernize na mga jeepney sa Pilipinas ay alinsunod sa Philippine National Standard (PNS) kung saan ang bawat pampasaherong jeepney ay nararapat o mayroong euro-4 engine o LPG-powered, electric o hybrid, at mayroong naka-install na GPS, air conditioner at CCTV.
Kasalukuyang pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng tatlong buwan o hanggang ika-30 ng Abril ang consolidation deadline ng mga pampasaherong jeep sa kabila ng kanyang utos noong nakaraang taon na wala na siyang ibibigay na extension kundi hanggang Disyembre 31 lamang.
Programang “Health Check- Belly Good” ng Valenzuela sagot sa katabaan
ValNat itinanghal na Hall of Famer sa RCY Olympic 2024 [ LHAN LOUIE CABRAL
Ipinagdiwang ng Valenzuela City Government sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Wes Gatchalian ang tagumpay ng programang “Health CheckBelly Good!” noong ika-21 ng Setyembre, 2023 sa Audio-Visual Room, City External Services Office (CESO), kasabay ang selebrasyon ng Obesity Prevention Month.
Inilunsad ng City Health Office ang programa noong ika-16 ng Pebrero 2023 na naglalayong maisulong ang mas maayos na pamumuhay at maibsan ang epekto ng obesity at mga sakit na hindi nakakahawa ngunit nangangailangan ng agarang solusyon.
Nilayon din ng programa ang pagpapabuti ng kalusugan at kalidad ng buhay ng mga public servants sa lungsod ng Valenzuela bilang bahagi ng Non-Communicable Disease Control Prevention Program.
Sinimulan noong Enero taong 2023 ang komprehensibong pagsusuri sa 324 empleyado mula sa iba’t ibang departamento tulad ng Public Safety Division (PSD), Traffic Management Office (TMO), Valenzuela City Transportation (VCTO), Sidewalk Cleaning Operation Group (SCOG), at iba pa.
Ayon sa resulta ng isinagawang pagsusuri, napag-alaman na mayroong 56 na empleyado ang kabilang sa hilera ng overweight at obese na nag-udyok upang ipanukala ang weight loss challenge.
Sumailalim ang mga natatanging empleyado sa isang monthly monitoring habang patuloy na tumatanggap ng patnubay, pagpapayo, at suporta upang bigyang pansin at sapat na panahon ang mga bagay dala ng nababahala na timbang. Binigyang pagkilala naman ang katangitanging pagsisikap ng mga kalahok sa programang “Health Check- Belly Good!”, matapos nilang makamit ang mas mahusay na paraan ng pamumuhay sa pamamagitan ng kanilang determinasyon upang malampasan ang mga hamon ng obesity.
Pinangunahan ni Hilario De Guzman ng AntiSquatting Task Force (ASTF) ang listahan ng mga nagsipagwagi matapos mabawasan ang timbang nang 4.7 hanggang 6.6 kilo sa loob ng anim na buwan. Siya ay sinundan naman ni Christian Cristobal mula sa SCOG, Jaime Tabangcura, Raymund Espiritu, Adrian Luigi Galvez, at John Loubert Brown mula sa Traffic Management Division (TMD). Nagsilbing instrumento ng Valenzuela City ang programang ito upang patuloy na bigyang halaga ang kalusugan tungo sa mas masigla na komunidad at kalidad na serbisyo para sa Valenzuelano mula sa mga pampublikong tagapaglingkod na may tiyak at malusog na pangangatawan sa pisikal, maging sa mental na aspeto.
noong ika-27 ng Pebrero, sa Alert Center Compound sa Malinta, Valenzuela City na may temang “14th First Aid and Basic Life Support CPR Olympics”. Parehong nakamit ng Junior at Senior High School and unang puwesto at inaasahang muling magpapakitang gilas ang
ang mga paaralang nagwagi sa prequalifying round.
Kaugnay ng layunin ng Lungsod ng Valenzuela na gawing “Reading City” ang nasabing lungsod, pinangunahan ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang tatlong groundbreaking at capsulelaying ceremonies ng mga bagong ipapatayong Valenzuela City Academic Center for Excellence (ValACE) sa barangay Marulas, Gen T. De Leon at Mapulang Lupa noong ika-8 ng Pebrero.
Maaalalang itinatag ang Valenzuela City Academic Center for Excellence (ValACE) noong ika-24 ng Pebrero na may layuning makapaglikha ng mga globally-competitive na Valenzuelano, gawing “Reading City” ang lungsod, at itaguyod ang pagpapahalaga sa pag-aaral ng mga Valenzuelano.
“Ang pangarap po natin dito sa Valenzuela ay ang maging ‘Reading City; kung saan makapagbubuo tayo ng mga ‘literate communities’ sa bawat barangay; at kung saan maibababa po natin ang culture of studying and reading again,” wika ni Mayor Wes Gatchalian. Dagdag pa ni Gatchalian, nagtutulungan ang lokal na pamahalaan at mga nasasakupan nito sa pagpapatayo ng silid-aklatan upang maging kapaki-pakinabang ang mga espasyong ito sa mga mag-aaral na may adhikaing balang araw ay maging isang UNESCO Creative City for Literature. Isa naman si Karl Sebastian Lim, mag-aaral mula sa 12 STEM Faraday, ang nagpahayag ng kanyang opinyon patungkol sa mga bagong ipapatayong ValACE sa mga piling barangay.
“Hindi lang siya building, pero it promotes information that are factual, it's a good way to gather different pieces of information para sa lahat, it's a good alternative dahil it promotes a space where learning is inducive para sa lahat,” ani Lim. Ayon naman kay Micaella Daguman, mag-aaral mula sa 11 STEM Einstein, makatutulong ang bagong ipapatayong ValACE sa barangay Marulas lalo na sa mga mag-aaral ng Valenzuela National High School kung saan ito ay walking distance lamang mula sa paaralan. Itinatayang mahigit 440,883 na katao na ang bumisita sa Valenzuela City Academic Center for Excellence (ValACE) sa Malinta, simula noong ibinukas ito sa publiko noong Pebrero 24 hanggang Disyembre 29 taong 2023 ayon sa isang twitter post ng ValACE. Nagkakaroon din ng “Aklat
Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang bagong kurikulum sa mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya na tinatawag na ‘MATATAG’. Binuo ang bagong kurikulum upang tugunan ang mga kakulangan ng mga estudyante sa pagkatuto. Ang Pilipinas ay isa sa mga pinakahuling bansa sa mundo pagdating sa academic knowledge ng mga bata. Sa lahat ng solusyong ginagawa ng DepEd ay may isang problema silang dapat lutasin, ang kakulangan o backlogs ng mga silid-aralan. Paano nila mabibigyan ng solusyon ang problemang ito at sapat na nga ba ang MATATAG curriculum?
Sinabi ni DepEd Undersecretary Epimaco Densing III, officer-in-charge para sa Schools Program Management
Office at Educational Facilities Division
na walang saysay ang paggawa ng bagong kurikulum, mga mahuhusay na mga guro at magandang paraan ng pagtuturo kung kulang naman ang mga silid-aralan. Mayroong mahigit 168,000 na kakulangan
o backlogs sa mga silid ang DepEd. Lubos akong naniniwala na mawawalan ng silbi ang bagong kurikulum kung kulang naman tayo sa mga silid-aralan.
Dagdag pa niya, na mas kailangan ng mga matataong lugar tulad ng Metro
Manila at Metro Cebu ang mga silid kaysa
sa mga rural na lugar. Tinatayang nasa 4-5 milyong estudyante ang gumagamit ng mga silid-aralan sa Pilipinas. Ang patuloy
na paglobo ng bilang ng mga mag-aaral habang nananatili ang kakulangan ng mga silid ay magdudulot lamang ng pahirap
sa mga guro sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon na posibleng magdulot ng negatibong epekto sa academic performance ng mga mag-aaral.
HULING HARUROT
Napipinto na ang pagkawala ng mga lumang jeepney na tinagurian pa namang “Hari ng Kalsada”.
Sa ngayon ay pinayagan pa rin na mamasada ang mga drayber ng tradisyunal na jeep ng isa pang buwan kahit na sila ay lumagpas na sa deadline ng pagkonsolida noong Disyembre 31, 2023. Kasabay ng simula ng panibagong taon ay ang kakaibang pagbabago na ang noon ay maingay na kalsada ay magiging mistulang alon ng dagat sa sobrang payapa.
Sa ibang isyu naman, aalisin na ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga SHS students sa mga Local at State Universities and Colleges (LUCs) at (SUCs) at ililipat sa basic education. Kulang na nga ang mga silid-aralan ay madadagdagan pa ito ng mga displaced SHS students. Tila ba hindi alintana ng CHED ang classroom backlogs ng DepEd, naniniwala akong mas mahihirapan ang DepEd sa paglalagay ng mga estudyante ng SHS sa mga silid-aralan dahil punong-puno na ang kapasidad nito. Inamin naman ng Department of Budget and Management (DBM) na wala nang budget para pagpatayo ng mga pasilidad. Dahil sa problemang ito ay iminungkahi ni Densing ang pagtanggap ng tulong pinansyal mula sa mga pribadong organisasyon at mga dayuhang pamahalaan. Kung ako ang tatanungin, maganda itong paraan upang makapagpatayo ang DepEd ng mga silidaralan.
Para sa akin, ang MATATAG curriculum ng DepEd ay hindi sapat upang tugunan ang problema ng mga estudyante. Sa halip na baguhin ang kurikulum ay dapat nakatuon sila sa pagpapatayo ng mga silidaralan. Hindi kaya ng mga guro na ibigay ang edukasyon sa mga bata sapagkat hindi magiging maganda ang kanilang pagtuturo kung mala-sardinas ang bawat silid sa bansa. Nawa’y gawan nila ito ng kaukulang aksyon upang mabawasan ang pasanin ng mga guro at gumanda ang performance ng bawat estudyante na magiging susi upang umangat ang Pilipinas sa ranking.
Maaari pa ring bumiyahe ang mga pampasaherong jeep hanggang sa katapusan ng Enero ngunit kapag natapos na ang nasabing deadline para sa konsolidasyon ay huhulihin na ang mga drayber at operator. Talagang hindi makatarungan ang naging desisyon ng mga namumuno sa pagphase-out ng mga jeep. Wala man lang silang pakundangan sa mga naghihirap na.
Kahit na gaano kapatok sa masang Pilipino ang mga jeep, igigit pa rin ng mga namumuno na palitan ito ng mga Public Utility Vehicles (PUVs). Ito ay isang uri ng sasakyan na eco-friendly at minibus na mayroong modernong disenyo at features. Bilang bahagi ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), ang mga jeepney na mas matanda sa 10 taon ay kakailanganing alisin sa mga kalsada upang mabawasan na rin ang trapiko at ang polusyon sa hangin na nagmumula sa usok
Public Forum
Hamon ng Modernisasyon
Batay sa Memorandum Circular No. 2024-001 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang mga drayber at operator ng dyip at UV express na hindi pa nakakapag-consolidate ay binigyan ng palugit hanggang Abril 30, 2024, upang maituloy ang kanilang operasyon. Ang layunin ng kautusan ay magbigay-daan sa pagpapalit ng mga lumang dyip sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan. Gayunpaman, sa paglapit ng programa na magdadala ng pagbabago sa larangan ng transportasyon sa bansa, isang malaking tanong ang nananatili sa karamihan: ano ang mangyayari sa tradisyunal na dyip na tinaguriang ‘hari ng kalsada’? Ang tradisyunal na dyip, na itinuturing na 'hari ng kalsada,' ay isang pangunahing paraan ng transportasyon sa bansa. Ito ay pangkaraniwang ginagamit ng mga Pilipino sa kanilang pang-arawaraw na biyahe, at nagsisilbing simbolo ng kultura at pagkakakilanlan. Dahil dito, ang pagbabago sa anyo at sistema ng dyip ay nagdudulot ng malaking epekto sa buhay ng mga mamamayan. Ang isyu ng pag-consolidate ay nagdudulot ng alinlangan at pangamba sa ilang drayber at operator
Pwede naman kasing both, since sa modern jeepney kasi ‘yung positive don mas maraming tao makakasakay and may aircon. ‘Yung downside naman mas mahal nga lang. ‘Yung sa dating jeepney naman natin, nakakalungkot dahil mawawala ‘yung halos naging pangunahing transportasyon ng mga Pilipino tapos papalitan lang nang ganun-ganon tsaka malulugi ‘yung ibang jeepney drivers since ‘yung iba ’di nila afford.”
Hindi rin po ako agree kasi dapat bigyan ng pondo ng pamahalaan ‘yung mga jeepney drivers para maka-avail sila ng mga modern jeepney kasi alam naman natin na kahit araw-araw sila pumapasada, hindi enough ‘yung kinikita nilang pera kasi may binubuhay din silang pamilya.”
Okay lang as long as nandoon pa rin, ma-pe-presserve ‘yung culture tsaka ‘yung tradisyon na kinamulatan ng mga Pilipino.”
Precious M. Cayabyab 8-Sapphire
Payag kasi po ‘pag ganun ‘yung jeep na pinalit sa dati mas maganda po kasi yung pinalit po may aircon na siya so hindi na po maiinitan yung mga tao lalo na po ‘yung mga estudyante.”
nito. Ang PUV ay mayroong air condition at makina na Euro 4 na pinapagana ng mga lithium ion batteries sa halip na paggamit ng gasolina. Maganda man sa pandinig ang pinakabagong prototype ng mga jeep ay siya rin namang pagkagulat ng mga Pinoy sa tumataginting na presyo nitong ₱2.8 milyong piso na mas mahal pa kaysa sa mga prangkisa ng mga tradisyunal na jeepney. Kahit na sa kabi-kabilaan na ang mga pag poprotesta at daing ng mga drayber ay itutuloy pa rin nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Transportation Secretary Jaime Bautista ang pagpapalit sa mga lumang jeepney.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), mahigit 70% ng mga PUV operators sa buong bansa ang nakatuon sa modernization program. Gayunpaman, ang rate ay nasa 40% sa Metro Manila. Sa ngayon ay walang nakikita na “transport
crisis” si Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) member Mercy Paras-Leynes. Ang giit ng mga mas nakakataas ay walang magiging krisis sa transportasyon ngunit hindi nila napagtanto na panigurado na ang krisis sa kahirapan at mataas na porsyento ng mga nawalan ng trabaho. Ang PUVMP na nakaayon sa desisyon ng mga nakaupo sa pamahalaan ay hindi talaga makatarungan dahil ito ay kinulang sa tamang pag-iisip at pagdedesisyon. Kikitilin ng programa na ito ang tanging hanap buhay ng mga drayber at operator. Mas makakabuti kung pag-iisipan pa nila ito nang maayos. Mabuti rin na sa halip na iphaseout ang mga jeep ay tulungan na lamang ng pamahalaan ang sektor ng mga drayber at mas pagtuunan pa ng pansin ang mga suliraning may mas malala pa ang epekto.
ng dyip, partikular na sa aspeto ng pinansiyal. Ang posibleng pagkawala ng tradisynal na dyip at ang pag-angkop sa modernisadong sistema ay nagtutulak ng iba't ibang reaksyon mula sa iba't ibang sektor ng lipunan, kasama na ang mga mag-aaral, guro, at magulang. Upang malaman ang opinyon at pananaw ng mga estudyante at guro, isinagawa ng 'Ang Manghahabi' ang isang sarbey sa paaralan ukol sa nasabing isyu. Narito ang ilan sa kanilang mga sagot:
usapin hinggil sa modernisasyon ng transportasyon ay hindi lamang isang teknikal na isyu kundi isang usapin din ng kabuhayan, kultura, at pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang pagsusulong ng modernisasyon ay may layuning mapabuti ang kalagayan ng transportasyon sa bansa, subalit mahalaga rin ang pagtutok sa pangangailangan at kapakanan ng mga direktang apektado ng programa. Samakatuwid, mahalaga ang papel ng komunikasyon sa naglunsad ng programa at sa mga taong maapektuhan nito. Sa parehong panig, mayroong layunin na nais maabot, kaya't mas makabubuting magkaroon ng pagkakaintindihan nang walang alitan at problemang magaganap. Marapat na magsanib-pwersa ang pamahalaan at mamamayan nang sa gayon ay hindi lamang kaayusan ng transportasyon ang matamo bagkus ay para na rin sa pangkalahatang kapakanan at kaunlaran ng bansa.
MASABING PAGBASA?
Ayon sa datos ng PISA, napakalayo ng Pilipinas sa average score na 472. Nangangahulugan lamang ito na kulelat ang karamihan sa mga kabataang Pilipino pagdating sa Math, Science, at Reading. Sinusukat pa naman ng PISA ang husay ng mga kabataang nasa 15 anyos sa pag-aaral ng mga nasabing asignatura. Ito ay ginawa ng Organization of Economic Cooperation and Development (OECD), upang bantayan at sukatin ang antas ng natututunan ng mga bata sa paaralan at paano nila ito nagagamit sa totoong buhay.
Higit sa 7,000 na mga kabataan mula sa 188 na mga paaralan ang sabay-sabay na kumuha ng nasabing assessment. Ang Pilipinas ay mayroon lamang level 2 proficiency, ikatlo sa mga bansang pinakamababa sa Science (356), ikaanim sa Math (355) at Reading (347)
ang porsyento ng mga Top Performing Students (TPS) at lalo namang dumami ang porsyento ng mga Low Performing Students (LPS). Ayon kay Bise Presidente at DepEd Secretary Sara Duterte, ang resulta ng 2022 PISA ay isang
Dapat ay matuto rin ang mga kabataan na magkaroon ng sariling sikap at tulungan ang kanilang sarili sa mga asignatura at iba pang bagay na kung saan sila nahihirapan.”
Ipapatupad ito sa susunod na taon kung saan ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng mga sessions kung saan susubukan ang kanilang reading comprehension at critical thinking. Sinasalamin ng datos ng 2022 PISA (Math, Science, Reading Assessment) ang mga dapat na baguhin at pagtuunan pa ng pansin. Habang ang pamahalaan edukasyon ay gumagawa na ng aksyon ukol dito. Dapat ay matuto rin ang mga kabataan na magkaroon ng sariling sikap at tulungan ang kanilang sarili sa mga asignatura at iba pang bagay na kung saan sila nahihirapan. Walang magtataas sa antas ng
Kontrabida: bida:
sa kanilang mainit na balitaktakan. Mga matang nakatutok sa telebisyon at nag aabang ng
Kontrabida: Pagkakaiba:
ng tama sa mga salitang ibinabato. Sila ang dalawang karakter ng ating kwento na naganap sa gitna ng protest rally sa Davao Nagsimula sa walang humpay na pagpapa-ulan ni Digong ng mga mura at bansag na di umano “drug addict” kuno ang presidenteng milyon milyong Pilipino ang bumoto. Kasabay ng mainit nitong ulo ay ang pagbabatikos nila sa Peoples Initiative para amyendahan ang Saligang Batas. Rebutt naman ni BBM nasobrahan di umano si Tatay Digong sa fentanyl kaya kung ano-
Pag-asa o Paasa?
Sa pagbukas ng bawat umaga, ang araw ay unti-unting sumisiklab sa kalangitan, nagniningning na sumasalamin sa pangaraw-araw na pag-usbong ng buhay. Subalit sa bawat araw na lumilipas, ito'y nagiging saksi sa mga hamon na nagdadala ng pangamba sa landas ng ating paglalakbay.
Mula sa paggising sa umaga, ang paghahanda para sa araw na paparating ay isang laban na hindi matatawaran. Ang paglalakbay patungo sa paaralan ay tila isang laro ng tagumpay, ngunit bawat balakid na ating harapin ay parang hampas ng unos sa ating buhay.
Sa daang tinatahak, makikita natin ang mga kapwa estudyante at mamamayan na naninindigan para sa kanilang mga karapatan. Ang kanilang tinig na sumisigaw ng "Nasaan ang ipinangako mong ₱20 na bigas?" ay nagpapahayag ng kanilang nararamdamang panghihinayang.
Ang init ng kanilang damdamin ay naglalarawan ng pagnanais para sa katarungan.
Ang pagod, pawis, at init ng katawan sa pang-araw-araw na laban ay nagiging simbolo ng ating pakikibaka. Ang mukha na nakakunot at ang mata na parang nabubulag ay nagsisilbing senyas ng kabagalan sa pagbabago.
Ang kalsada, tila entablado ng mga pangako na wari'y naglalaho sa hangin, habang ang pangako ng "asang bigas" ay hindi pa rin nakakamtam.
Pagdating sa paaralan, ang init na nararanasan ay hindi lang pisikal kundi pati na rin ang init ng damdamin. Ang kakulangan sa bentilasyon at siksikan sa silid-aralan ay naglalarawan ng kahirapan at kakulangan ng aksyon.
Nang magkaruon ng talakayan sa eskwela ukol sa isang dating diktador, ang mga pangako ng kasalukuyang liderato ay marahil bumabalik sa nakaraan. Ang pangalawang
State of the Nation Address (SONA) ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ay nagbigay ng pangako sa bagong silid at abot-kayang presyo ng bigas, subalit tila hindi natutupad sa kasalukuyang realidad.
Isa ang P20 kada kilo ng bigas sa pinakapopular na pangako noong 2022 elections. Subalit ngayon, hindi na ramdam ang kanyang panata, ayon sa Department of Agriculture (DA), hirap pa rin na maibaba ang presyo ng bigas sa bansa. Sa ngayon, naglalaro mula sa P37-P42 kada kilo ang well-
milled rice, sinandomeng P36-P42 kilo, denorado P48-P55, jasmine P46-P52, at malagkit P60 kada kilo.
Isang aspeto na nagdadagdag ng bigat ay ang balakid ng pag-asa sa alaala ng Martial Law noong panahon ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr. ngayon, ang kanyang anak na si Marcos Jr. ay nakamit ang pinakamataas na puwesto sa gayong nakaamba pa rin ang multo ng kanyang ama sa isipan ng maraming Pilipino. Noong dekada '70, ang Martial Law ay nagdulot ng malupit na paglabag sa karapatang pantao, pagpapakulong ng mga kritiko, at pang-aabuso sa kapangyarihan. Ang mga pangakong itinataguyod ni Marcos Jr. ay nagdadala ng alaala ng madilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa, na nagpapabilis ng pagdududa sa sinseridad ng kasalukuyang liderato. Sa kabila ng mga pangako ng mabilisang pag-unlad, tila ang ekonomiya ng bansa ay hindi pa rin umaasenso. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas at iba pang bilihin ay naglalantad ng dimakatarungang sistema ng pamahalaan. Sa halip na maging solusyon, ang matataas na halaga ng pangunahing bilihin ay naglalagay sa mas maraming pamilya sa alanganin.
Sa pagtatapos ng klase, ang kakulangan ng katuparan ng pangako at kakulangan ng aksyon mula sa namumuno ay nagdudulot ng takot at pangamba. Sa kabila ng lahat, ang tanong na bumabalot sa isipan: Kailan darating ang tunay na pagbabago? Kailan magsisilbing ilaw ang mga nasa kapangyarihan para sa bayang kanilang pinaglilingkuran?
Ang siklab ng araw ay nagpapatuloy, ngunit sa kanyang paglubog ay nag-iwan ng mga tanong na sumisigaw para sa katarungan. Sa dilim ng pang-aapi, ang siklab ng katarungan at pag-asa ay nagiging lihim na tinataglay sa puso ng naghihirap. Magsilbi kaya silang pag-asa o tayo na naman ay muling aasa?
Sa kabila ng lahat ng ito, ang pag-asa ay maaaring makamtan sa pamamagitan ng pakikiisa at pagkilos. Ang mga estudyante at mamamayan na nagpoprotesta ay nagiging boses ng pagbabago. Ang aktibong pakikibaka para sa katarungan at makatarunganang lipunan ay nagiging susi sa tunay na pag-unlad. Ang mahalagang tanong ng "Kailan darating ang tunay na pagbabago?" ay hindi dapat lamang tanong kundi inspirasyon sa pagkilos. Sa pagtitipon ng mga tao, pagpapahayag ng mga ideya, at pagtutulungan, maaaring mabago ang itinakda ng kasaysayan.
Sa pagkilos laban sa pang-aapi at pang-uudyok para sa tunay na reporma, ang pag-asa ay maaaring maging tanglaw na magdadala sa bansa patungo sa mas maliwanag at makatarunganang kinabukasan.
Mula ulo hanggang paa, magugulat ka sa iyong makikita. Mga kumikinang na bituing tila ba sa kalawakan ay nakatakdang magningning. Nakakasilaw nilang ganda at kasariang pangdalagang Pilipina. Tiyak na ika’y mapapanganga dahil sa nakakagulat nilang karisma. Hindi lamang sa panlabas na anyo, gayundin ang nakabibilib na kaloobang taglay.
Sa malawak na entablado ng buhay, may mga kwentong umusbong na nagpapa-alala sa atin, na walang maaaring humadlang sa pag abot ng mga pangarap. Isang kwento ng pagkilala sa bituing puno ng determinasyon at maituturing na inspirasyon.
Katawan niya'y may kakaibang liwanag na humihilom sa mga sugat at pangarap. Tinanggap siya nang may bukas-palad na pagmamahal dahil sa kanyang tapang at husay na taglay. Hindi natitinag sa mga hamon at patakaran, na sa bawat hakbang siya'y lumalaban upang patunayan na ang balimbing na tulad niya ay kaya ring makipagsabayan. Isang martir at tagapagtaguyod ng pantay na karapatan at respeto sa gitna ng magulo at mapanghusgang lipunan. Siya ay bahagi ng isang makinang na bahaghari na kanilang ipinagmamalaki. Isa si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez, sa nagpatunay na hindi basehan ang kasarian upang makilahok sa pandaigdigang labanan. Madaming pinagdaanan na minsan nang nanlumo sa masasakit na salitang sa kaniya ay ibinabato, ngunit hindi nagpadaig bagkus siya’y pinalakas ng mga matatamis na salita at pahatid na suporta. Tulad din ni Miss Spain Ángela Ponce na isang transgender na hindi natakot makipagsapalaran sa entablado ng kagandahan sa taong 2018. Alam mo ba na binili ng Thai transgender entrepreneur na si Anne Jakrajutatip ang Miss Universe Organization mula sa IMG noong Oktubre 2022 na kung saan nagkaroon ng pagbabago sa patakaran ng nasabing paligsahan na siya din namang ikinatuwa ng karamihan subalit madami din ang taliwas sa anunsiyong ito? Pinahintulutan na ang mga ilaw ng tahanan o mga taong may asawa at mga diborsyo na ay maaari na ding makipagkumpetensya.
Ito pa ang isa sa nakamamanghang balita, hindi lamang isang butihing ina gayundin ang kasal na gaya nina Miss Guatemala
Michelle Cohn at Miss Camila Avella. Hindi lamang iyan ang mga surpresang inihandog ng paligsahang ito.
Ikinagulat at ikinatuwa din ng sansinukob ang pagsali ni Miss Nepal Jane Dipika Garrett, ang kauna-unahang plus-size na modelo na naging inspirasyon din ng karamihan, dahil sa edad na 22 taong gulang, siya ay nagtataguyod para sa pagiging positibo sa katawan, kalusugan ng isip at mga isyu sa hormonal.
Dumako naman tayo sa kuwento na ako ang simuno. Humantong na sa puntong dumaan man ang maraming taon, ang sigla ng puso'y hindi matatapatan at ang pangarap ko ay unti-unting hahatakin sa katuparan. Hindi madali para sa akin, ang paniwalaan na sa saglit na panahon ay nakaabot ako sa dating hinihiling ko lamang, ang makatungtong sa yugtong ito.
Noong ako'y bata pa, marami akong mga pangarap na inakala kong hindi na matutupad. Ngunit hindi ako sumuko. Naglakbay ako sa mapanghusgang mundo, dala ang tibay at lakas ng loob, upang patunayan na walang kahit na anong bagay ang maaaring humadlang sa pangarap na matagal ko nang inaasam.
Nagpatuloy sa paglalakbay dala ang nag-uumapaw na positibong pananaw. Akala ng iba, ang mga katulad naming makaluma datapwat makulay ay wala nang saysay, na kung saan ang pangarap ay hindi na puwedeng maisakamay. Ngunit nagkakamali kayo, dahil kumulubot man ang mga balat at kumupas ang dati nitong anyo, ay hinding-hindi kami magbabago.
Ang matinding determinasyon at patuloy na pagsisikap ay nagbunga na sa kasalukuyan at akin na itong tinatamasa. Ako si Jocelyn Cubales, isang fashion designer at 69-year-old beauty queen. Ipinagmamalaking kabilang sa 15 na kandidata mula sa Quezon City ng Miss Universe Philippines. Bitbit ang paniniwalang ang mga nakababatang henerasyon ay maaaring matuto nang marami mula sa aking mga karanasan sa buhay, lalo na ang katigasan ng loob. Ngayo'y narito na ako sa pinakamataas na bahagi ng aking buhay, ako’y nagpapaalala na kahit gaano pa man katanda ang iyong edad, huwag kang mawalan ng pag-asa. ang buhay ay patuloy na nagbibigay ng pagkakataon, kahit gaano man tayo naiiba sa kanila. Abutin mo ang mga bituin at lumipad sa alapaap, palibutan ito ng pag-asang may positibo at patuloy na magsumikap.
Habang lumilipas ang mga taon, sumasabay rin ang pagbabago ng panahon. Sila ay naliwanagan, kung kaya’t kanilang pinaniniwalaan na sa mga ganitong paligsahan, walang kahit anumang dapat na maging hadlang. Kung kaya’t noong nakaraang taon, buong pusong tinanggap ng Miss Universe 2023 ang dalawang Transgender Women, Plus-size Model at Isang ina sa unang pagkakataon. Dagdag pa ng Miss Universe Organization (MUO) na ang pagsali sa paligsahan ng kagandahan ay hindi na limitado sa 28 na taong gulang, dahil naniniwala sila na ang edad ay numero lamang, mapakasarian man yan o edad, kahit sino puwede nang ipangalandakan ang adhikain at kalooban upang maging inspirasyon sa mga kabataan.
Handa ng rumampa sa isang entablado na walang pinipili. Tila ba isang pintong kusang bumukas para sa mga taong
KALBARYO: BUHAT NA PASAKIT
Gigising ng maaga para may maabutan, magpapalakas ng buto para may siglang makipagsiksikan. Paghinto sa harap mo dapat alerto at mabilis sa pagtakbo, nang sa gayon makaupo sa posisyong komportable at gusto. Manong, para po! nakarating na sa destinasyong akala mo araw-araw may kompetisyon. Sa wakas, makakahinga na nang maluwag, pero teka! mas malala pa pala kapag pabalik na. Pagbaba, muling ihahanda ang sarili para kumaripas ng takbo. Sa sobrang bilis parang kabayong pwede nang isalang sa Otso-karera sa tulin ng pagmamadali. Pagkarating sa paroroonan, aakyat na halos maghingalo na sa hingal at maghabol hininga kasabay ng pag-aalala sa oras na hindi rin humihinto sa pagkaripas. Pagpasok sa silid, parang isang kampeong nagtagumpay na makarating ng maaga o takdang oras.
Sa paaralan, mayroong isang bagay na ating lubos na pinahahalagahan. Nagsisilbi itong simbolo bilang pagiging responsable at disiplinado sa oras na inilaan. Bilang mag-aaral obligasyon natin ang sumunod sa mga patakaran kaya wala tayong ibang opsiyon kundi ang gumayak nang maaga at makipagsapalaran sa masalimuot na problema. Hindi na bago sa atin ang mga ganitong sitwasyon, halos nasasanay na sa mga pasakit na dala nito. Ultimo pagpasok sa umaga bungad kaagad ay ganitong problema. Iisipin kung makakaabot ba o bigo na namang makarating sa oras na itinakda. Mapapabuntong-hininga na lang sa kalbaryong panghabambuhay na ata nating daladala.
Isang tradisyunal na sasakyan na hindi maaaring mawala sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Sa tuwing ito ay dumaraan sa ating harapan, mapapansin ang kakaibang disenyo na inukit dito. Kapansin-pansin din ang pagkakaroon ng tatak Pinoy na kung saan may mga karatulang nakapinta tulad ng “barya lang po sa umaga”, na kung minsan matatawa ka sa bawat banat at hugot nila. Ito ay ang dyipni o mas kilala din sa tawag na hari ng kalsada dahil sa makulay at kakaibang hugis nito. Paano kung tuluyan na itong mabawasan? Sa kadahilanang ito raw ay may polusyong dala at hindi naaangkop ang disenyo sa panahon na mayroon tayo. Makararating pa ba sa paroroonan na may abotkayang bayaran? Nangingibabaw ang pag-aalala ng karamihan sapagkat marami ang maapektuhan. Hindi lamang tulad naming mga pasahero, gayundin ang mga tsuper na ang tanging
hanap-buhay lamang ay ang pagmamaneho. Marami ang nangangamba sapagkat kung ating matatandaan, nakaraang taon ay ibinalita ang isa sa mga ikinalungkot ng karamihan, ang pagphase-out ng mga dyip. Sari-sari ang hinaing ng mga tsuper gayundin ang mga mamamayang apektado nito, ika nga nila “Paano magpapatuloy sa buhay kung ang hanapbuhay ay wala?”. Tila isa itong dambuhalang suliranin na pilit na ipinaglalaban na ito ay hindi maisakatuparan. Sa paglipas ng mga araw, unti-unti na namang bumabalik ang isyu ng nakaraan na parang kahapon lang ang pinangyarihan, dahil kamakailan lamang isinaad ni Zona Russet Tamayo, LTFRB NCR Director na ang 320 na ruta ng dyip sa Maynila ay dapat na maiconsolidate at ang mga tsuper ay kinakailangan na may masalihang kooperatiba itinakdang araw dahil kung hindi, ito ay tuluyan nang mamamaalam. Tila minamandohan ang mga ito na sila ay makipagsanib-puwersa sa mga kooperatiba nang sa gayon ay magkaroon muli ng karapatan na sila ay makadaan. Malaking problema na
eCHApwera
Hinto sa pag-arangkada
Kay gandang pagmasdan ng kalangitan lalo sa mga oras na dito’y nagtatampisaw ang mumunting mga sikat ng araw. Kay gandang makita ang mga ulap na tila may sariling mga ganap sa tuwing iaangat ko ang aking mga talukap. Kung paanong nag-aagaw ang liwanag at dilim at ang mga kulay na rosas, bughaw, lila, at dilaw sa aking bawat pagtanaw. Kaakitakit hindi ba? Nagsisilbing pahinga sa bawat isa na sa kaniya-kaniyang bahay ay pauwi na. Bagamat palapit na ang dilim, masisilaw pa rin sa ganda ng takipsilim.
Marahil ang kariktan ay makikita sa maraming bagay sa ating buhay. Maaaring sa bulaklak na iyong nadaanan, sa mga imprastrakturang nagtataasan, sa mga ilaw sa gabing nagkikislapan, o maging sa mga mata ng taong iyong nagugustuhan. Maaaring iba-iba ang depenisyon natin ng kagandahan. Iba-iba ang ating pagtingin sa iba’t ibang mga bagay na maaari nating isipin. Magkakaiba sa persepsyon at panlasa. Ngunit sa tagal ng panahon, saksi tayo sa panghuhusgang ipinaparating ng mga mata sa lipunan ng dahil sa mataas na pamantayan ng ganda na tila hindi na makatotohanan pa. Sariwa pa sa aking alaala kung gaano katulis ang bawat salitang noon ay ibinabato sa isang tao. Bawat kritisismong natatanggap sa kulay, pangangatawan, paraan ng pagngiti, at maging kung paano nila nais ipahayag ang kanilang mga sarili sa pamamamagitian ng pag-aayos at pananamit. Ngayon, nakakatuwang makita na nagbabago na ang paraan ng pagtingin ng lipunan. Napalitan na ng pagtanggap ang dating
panghuhusgang bakas sa kaniya-kaniyang mga mata. Hindi na limitado, ngunit mas malawak na ang perspektibo. Hindi na itinuturing na limitasyon ang pagiging totoong tao. Ang dating pag-edad, pagiging ina, pagnanais na ang kasarian ay mag-iba ay hindi na kahinaan kung titignan bagkus kalakasan na ng mga kababaihan. Nagiging mas bukas na ang mga oportunidad na siyang tiyak na magiging inspirasyon sa mga susunod pang mga henerasyon. Kagaya ng Miss Universe Philippines na ngayon ay mas nagiging ingklusibo na, mas malawak ang saklaw at mas malayo na ang tanaw. Kailan lang ay inanunsyo nilang bukas na sila sa mga kababaihang may edad na lampas sa kalendaryo, sa mga ina, at maging sa mga pinili ang pagiging babae bilang bagong kasarian nila. Hindi ba’t mas payapa’t mas masaya? Mas kamangha-mangha dahil ang noong tinitignan bilang kabawasan ay pwede nang sa entablado’y ipangalandakan. Gaya ng takipsilim, ang paglubog ng araw ay hindi representasyon ng malungkot katapusan bagkus ng panibagong simula na siyang naghihintay sa kinabukasan. Bagong pahina, bagong lakbayin, at bagong araw upang matuklasan ang ganda ng pagiging totoong ikaw.
Taas, baba, taas, baba na kung minsan ay nasa gitna. Parang lumalangoy sa napakalawak na karagatan, pumapadyak ang mga binti at paa ngunit walang pag-usad na nakikita. Sa pagnanais na magkaroon ng pagbabago, nagsusulong muli ang mga nasa itaas ng isang programang sa tingin nila ay makakatulong sa kalagayan ng ating ekonomiya.
Heto na naman tayo, nasa sitwasyong mapapaisip kung tama ba na pagtuunan ito ng pansin. Para kang umorder sa Shopee na magulo ang iyong isipan, kaya sa hindi kasiguraduhan, bigla mo na lamang ikinansela dahil napaisip ka ng huwag na lang pala. Pero minsan tama lang siguro na magbago ang ihip ng hangin, lalo na kung hindi maganda ang patutunguhan ng sinasabi nilang hangarin. Sa paghahanda, patuloy pa rin ang paghihintay na matapos ang proseso bago maisakatuparan ang layunin sa pamamagitan ng prosesong People’s Initiative o PI. Panibagong hakbangin nanaman ang isinusulong na pati ang taong-bayan ay nag-aalala na ito ay magdulot ng negatibong epekto. Sa paglipas ng ilang araw, parang natanggalan ng tinik sa lalamunan ang ilan dahil pansamantala na munang ititigil ang ginagawang proseso sa kadahilanang hindi tama ang kanilang isinasagawa. Dahandahan at paunti-unti nilang nakakamit ang
ninanais ngunit sa patuloy na paghakbang ng mga ito ay may hadlang na pipigil sa layuning kanilang ipinaglalaban, ang Charter Change o mas kilala sa tawag na CHA-CHA. Maganda ang layunin subalit nangangamba ang karamihan na ang kanilang ninanais ay may masamang dulot na kapalit. Para kang susugal sa laro na hindi mo alam kung saan ito patungo. Nagugulumihanan at napapatanong kung bakit sa kabila ng madaming problema ay ito ang inuuna? Nalalabuan sa mga salitang binibitawan, kaya mas pinili na ito ay paniwalaan. Isang konstitusyon na noon pa man ay matagal nang ginagamit ay pinangangambahan ng ilang senador na ang buong konstitusyon na ito ay mapalitan. Nangangamba para sa bayan o kinakabahan para sa sariling katayuan? Tanong na nangingibabaw sa karamihan, nagdududa at labis ang pag-iisip na baka ito ay hindi tama. Sa kasalukuyan, nasa 1,072 na munisipalidad at siyudad pa lamang ang bilang ng pinagkuhanang pirma. Kinakailangan na sila ay makalikom ng 12 na porsyento ng kabuuang bilang ng rehistradong botante. Ngunit sa prosesong ito, tila hindi kaaya-aya ang kanilang isinasagawa, kaya minarapat ng kongreso na ito ay pansamantalang ihinto. Isang napakahalagang isyu na sa ngayon ay isasantabi na muna nang sa gayon ay mas mapagtuunan ng pansin ang mas mabigat na problema ng ating bansa. Mahihinto na rin muna ang mga planong madaming gusot para maiwasan ang kahihinatnang pagkabigo. Madaming panahon pa ang daraan kaya mayroong pagkakataon na makamit ang ninanais ng may mas malinaw na layunin at nasasalamin sa boses ng bawat Pilipino.
Edu-Kalidad: Ang Kwento ng Pangarap
Lahat tayo ay may pangarap. Nais makuha, nais matupad. Isa sa pinakamahalagang bagay na dapat tinataglay ng bawat isa ay ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon. Aspetong makatutulong sa paglinang ng kakayahan at madagdagan ang kaalamang bitbit sa pag-abot ng pangarap. Kaya ilang beses man ang paulit-ulit na pagkabigo ay hindi nila naging solusyon ang pagsuko.
Siguro isa ka rin sa mga katulad kong estudyante na hindi kabilang sa tinatawag nilang "bookworm". Mga uod na sa mga sulok mo lamang makikita at ang tanging mapapansin mo dito ay ang hawak nilang sandata. Isang sandata na hitik sa letra at salita, minsan manipis o makapal depende sa haba ng istorya. Ito rin ang kaibigan nila at mas madalas na kasama kumpara sa totoo nilang barkada. Nakamamangha ang mga katulad nila, dahil babagsak talaga ang iyong baba kapag narinig mo na silang magsalita. Hindi lang sa paraan ng pananalita gayundin sa mga salita na lumalabas sa bibig nila. Kapag sila ay iyong tinanong ang tanging sagot lamang nila ay dahil ito sa mga kaibigan nilang libro. Tumutulong sa pagdagdag ng mga bagong salita at mahasa nang mas malawak na pag-unawa sa kanilang binabasa. Nagsisilbing instrumento noon, upang mangalap ng impormasyon sa mga takdang aralin na naghahanap ng kasagutan. ABAKADA, isang babasahing pambata na nakasalamuha na ng ating mga magulang gayundin sina lolo at lola. Magsisimula sa kung paano ang bigkas ng bawat letra, at susundan ng mga salitang nagsisimula sa a-ma, ama. Mapapagalitan ng ina kapag mali ang bigkas at kung minsan kinakabisa pero masaya, lalo na kung tama ang pagkakabigkas at nagagamit sa pangungusap. Alam mo ba na hindi
lamang ang wikang Filipino ang mayroon ng ganitong sulatin. Madami ring babasahin na maaaring basahin kung nais mong maglakbay sa mundong magical kung tawagin. Sa pag-abot ng pangarap, madaming hakbangin at hadlang ang kakaharapin. Ngunit sa tulong ng ating mga bayaning guro at magigiting na pinuno, tutulungan nila tayong makarating at makamit ang ating mga hangarin, kaya naghahain muli ng programa na sa tingin nila makatutulong sa mga kabataan, lalo na sa mga mag-aaral na hirap bumasa at bumigkas ng mga salita. Mayroong layunin na mas mabigyang pansin ang komprehensyon ng bawat estudyante sa mga sulatin na kanilang binabasa, dahil walang saysay ang pagbabasa kung hindi naman marunong umunawa. Walang imposible sa taong may matayog na pangarap. Kaya sa pagnanais na ito ay makamit, ang kagawaran ng edukasyon ay naghain ng programang makatutulong sa bagay na pakikinabangan ng madaming kabataan, ang Catch-Up Fridays DepEd No. 001 Series of 2024 na kung saan ang araw ng biyernes ay nakalaan sa pagbabasa na may kaakibat na tanong upang makita kung ito ba ay naunawaan. Hindi pa huli ang lahat, kaya hindi din sila tumitigil sa paggabay dahil lumipas man ang maraming oras, araw at taon, pumuti man ang uwak at lumiwanag man ang dilim ay hinding-hindi sila mapapagod.
Magiting ang Haring Araw at ang lahat ng nabubuhay sa mundo ay nakadepende sa mga sinag nito, at isang naging paalala kamakailan ng nakasisilaw na kagitingan ay nang ma-detect ang malalakas na bugso ng Solar Flares na pinakawalan nito, ngunit, dapat nga ba tayong mangamba?
Inanunsyo ng National Oceanic and Atmospheric Agency’s Space Weather Prediction Center o NOAA’s SWPC ang posibilidad ng mapaminsalang “solar maximum” na may tiyansang tumama sa ating mundo ngayong 2024 na itinuturing na pinakamalakas na cycle ng Solar Flares na iluluwa ng araw matapos ang anim na taon.
Ayon sa National Aeronautics and Space Agency o NASA, ang mga Solar Flare ay malalakas na agos ng enerhiyang electromagnetic galing sa ating bituin, at ang mga ito ay may kakayahang makasira ng mga radio communication, mga grid ng kuryente, at mga signal pangnabigasyon.
Mula ang prediksyon na ito sa mga scientist sa NOAA’s SWPC na pinangungunahan ng solar scientist na si Mark Miesch.
“We expect that our new experimental forecast will be much more accurate than the 2019 panel prediction and, unlike previous solar cycle predictions, it will be continuously updated on a monthly basis as new sunspot observations become available”, pahayag ni Mark sa kanyang NOAA statement.
Ang Solar Flare ay ang pagbulusok ng araw ng ilaw na may malakas na kargang enerhiya dulot ng paglabas ng magnetic energy ng araw. Ang Solar Flare ang pinakamalakas na pagsabog o paglabas ng enerhiya sa buong Solar System na umaabot sa lakas ng 10 bilyong Hydrogen bombs. Ang mga particles na may kargang enerhiya ay may bilis na malapit sa bilis ng liwanag at kayang makarating ng 93 milyong milya mula araw hanggang sa mundo sa loob lamang ng 20 minuto.
Nakabibilib na TECHnik
“Mamaya na lang ulit”. Walang katapusang pagpapamaya ng mga estudyante sa kanilang iskedyul upang mag-aral na hinahadlangan ng ‘procrastination’. May mga layuning nais maabot ngunit tila ba kulang sa epektibo at organisadong plano. Kailan kaya uusad mula sa pagkakahinto?
Mayroong iba’t ibang paraan ng pag-aaral kung kaya’t hindi mo masasabi kung alin ang dapat at tama. Ngunit, sa ating pagsabak sa bawat gawaing naiatas, tila ba mahirap lagi na daan ang tinatahak.
Ayon kay Karan Yadav may limang paraan upang makamtan ang epektibong pagaaral sa loob lamang ng maikling oras, mas produktibo habang walang nasasayang na panahon.
Una sa listahan ang pagtatakda ng malinaw at tiyak na layunin. Sinasabing sa pamamagitan nito ay mas magkakaroon ng pokus ang isang mag-aaral sa mga mahahalagang paksa at bagay na nararapat tapusin at paglaanan ng sapat na panahon. Pangalawa, aktibong diskarte sa pag-aaral. Ang pagbubuod ay isang mahalagang paraan upang makuha ang mga pangunahing puntos at konsepto. Mapapadali nito ang proseso ng pagrerebyu at pagsasanay sapagkat nakatutulong ito upang mas mapagyabong ang kaalaman at pag-unawa kumpara sa direktang pagbabasa lamang ng isang study material.
Ang Coronal Hole ay isang parte ng atmospera ng araw na mas manipis kumpara sa paligid nito. Kung titignan ang araw gamit ang ultraviolet light, ang Coronal holes ay nagmimistulang maiitim na butas sa araw. Ang mga parte na ito ay kung saan ang magnetic field ng araw ay naka-konekta sa kalawakan, na nagdudulot ng pagkawala ng mga Solar Wind at pagkawala ng kulay ng surface ng araw.
“It’s a pretty significant change.”, bukambibig ng solar scientist. Kasinlakas ng milyon-milyong bulkang bumubulusok nang sabay-sabay ang kayang ilabas na enerhiya ng araw sa pamamagitan ng Solar Flares, na unang naitala sa kasaysayan ng literaturang pangkalawakan habang inoobserbahan nina Richard C. Carrington at Richard Hodgson ang mga sunspots noong ika-1 ng Setyembre taong 1851. Pagkatakot ang nararamdaman ng iilan sapagkat hinahalintulad ang prediksyon na ito sa “The Carrington Event” noong Setyembre ng taong 1859, kung saan naitala ang isa sa pinakamalakas na na-irecord na pagtama ng Solar Flare sa mundo na nagdulot ng pagkagulo sa daloy ng buhay noon gaya ng paggamit ng teknolohiyang telegraph na lubos na naapektuhan ng nasabing pangyayari.
Sa loob ng libo-libong taon na umusbong ang sibilisasyon ng sangkatauhan sa ating planeta, mahihinuhang hindi gaanong nagambala at napinsala ang buong mundo ng Solar Flares, subalit ayon sa mga pananaliksik, maituturing na may kakayahang magbigay ng delubyo ang mga Solar Flare ngayong modernong panahon na nanggagaling sa iisang butuin na nagbibigay liwanag at buhay sa nag-iisang mundo.
Binubuo ang araw ng apat na “outer layers” o panlabas na bahagi, ang mga ito ay ang Photosphere, Chromosphere, Transition Region, at ang Corona, alinsunod sa mga pag-aaral ng NASA.
Lumalabas ang Solar Flares mula sa balat ng Haring Araw o “corona” na siyang panlabas na atmosphere nito subalit, walang kakayahan ang ordinaryong mga mata na makakita sa corona layer sapagkat binubuo ito ng mga gas na hindi gaanong kalinaw kumpara sa mga nakakasilaw na parte ng araw tulad ng photosphere.
Pansangga naman ng ating planeta ang magnetosphere nito o tinatawag ding “bubble shield” na parang kalasag na hugis donut, ngunit hindi ito matamis sa mga malulupit na enerhiya ng kalawakan at tina-trap ang mga ito sa mga zone ng Van Allen radiation belts, kung kaya’t maituturing na ligtas ang mundo sa mga enerhiyang tumatama rito.
Datapuwá't may hangganan ang kalasag na ito, at batay sa pananaliksik ni Sangeeta Abdu Jyothi ng University of California noong taong 2021 na nakaangkla sa mga pag-aaral ng NASA, maaring magluwa ang araw ng malalakas na Solar Flare at hindi ito maagapan ng magnetosphere pagdating ng mga bugsong ito sa ating planeta.
Nanganganib na tamaan ang Internet, dahil isa itong uri ng radio wave na ginagamit araw-araw sa lahat ng bagay, kung kaya’t sabi ni Sangeeta ay posible na maudlot ang paggamit nito sa oras na tumama ang isang malakas na Solar Flare hanggang sa punto ng “total shutdown” o total na pagkawala nito.
Umiikot din ang pagkakabalisa na kayang sirain ng malalakas na Solar Flare ang mga makina at kompyuter na pinabulaanan ng NASA at sinabing napakababa ng tiyansa na mangyayari ito sa mundo ngayon o sa mga susunod na libong taon.
Tugon din ng NASA na “inconclusive” o hindi malinaw ang mga prediksyon ng mga pag-aaral nila at iba patungkol dito sapagkat limitado pa rin ang nalalaman ng mga mananaliksik sa kadahilanang pahirapan ang pagkuha ng mga eksaktong datos mula sa malaking bolang umaapoy. Ayon naman sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ay hindi dapat ikabahala ang Solar Flares alinsunod na rin sa kakulangan ng tiyak na datos mula sa NASA at nagbabala na magiting man ay nakasisilaw pa rin ang araw kaya’y huwag itong titigan nang direkta gamit ang mga mata, o gumamit ng solar filter kung nais itong masilayan gamit ang telescope.
Ang Solar Wind ay mabugsong plasma na nagmumula sa araw. Mas manipis ito kumpara sa hangin ng mundo. May bilis na umaabot sa isa hanggang dalawang milyong milya kada oras o miles per hour. Binubuo ang Solar Wind ng charged particles o mga particle na may karga kung kaya't tuwing tumatama ito sa mundo ay nabubuo ang tinatawag na Aurora Borealis at Aurora Australis o Northern at Southern lights.
Pangatlo, mahusay na pamamahala sa oras. Ang pagtatalaga ng tamang oras para sa bawat gawain maging sa pahinga ay lubhang kailangan upang mabigyang pokus ang mga importanteng bagay at maiwasan ang pagsasayang ng panahon. Sa tulong nito, mas magiging balanse at mabisa ang pag-aaral.
Pang-apat, subukang sagutan at gamitin ang mga sample papers mula sa mga nagdaang taon na makapagbibigay ideya sa kung ano ang dapat asahan at paghandaan sa parating na pagsusulit. Gayundin, ito rin ay maaaring makatulong upang masukat ang kakayahan na matapos ang eksaminasyon sa loob ng itinakdang oras.
Panghuli, huwag mag-atubili na magtanong sa guro, kamag-anak, o magsiyasat sa online resources para sa kalinawan ng mga konsepto o iba pang bagay. Ang agarang pagresolba sa hindi pagkakaintindihan ay makatutulong upang hindi na masayang pa ang bawat oras.
Lubos ngang kay raming paraan upang masulit ang itinakdang oras para sa pagaaral. At ilan lamang ang mga ito sa libulibong listahan na mayroon sa internet. May iba’t ibang aplikasyon at interaktibong pamamaraan ang bawat isa na nakakamtan sa tulong ng teknolohiya, ngunit iisa lamang ang hangaring ninanais abutin sa bandang huli, ang pumasa. Paniguradong sa pamamagitan ng mga epektibong paraan na
JEWEL MITCH PAYORAN
AI: Kaagapay sa Pag-aaral – Paano Ito Sumusulong sa Edukasyon Mo? Sa larangan ng pag-aaral, utak ang labanan. Kinakailangan ito ng masusing pagtiyatiyaga upang malagpasan ang hamon ng buhay.
Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA noong ika-15 ng Enero sa kanilang website ang advisory update ukol sa pagtransisyon ng Strong El Niño sa darating na Hunyo ng taong 2024.
Ayon sa PAGASA, inaasahang tatagal ang Strong El Niño o matinding init na nararanasan simula noong Enero ngayong taon hanggang Pebrero o Marso, na may posibilidad na humupa sa "neutral state" nito pagkaraan ng 3-4 na buwan. "Now, based on recent conditions, moderate to severe drought conditions are likely from February to May 2024... and by the end of May, there would be around 77% of the provinces of the country that will have potential drought — that would be around 65 provinces", naunang sinabi ni Department of Science and Technology Secretary Renato Solidum Jr. sa kaniyang pahayag noong Disyembre 2023. Hinalintulad ni Renato ang kasalukuyang matinding El Niño sa pinakamatuyong estado nito noong dekada nobentasiyete at nobenta-otso na naging sanhi ng pagkalusaw ng bilyon-bilyong piso sa ibatibang sektor ng pamahalaan sa Pilipinas tulad ng agrikultura at edukasyon.
Inilahad ng PAGASA sa Advisory No.7 ang posibilidad
ng pagtransisyon ng El Niño sa "neutral state" ng El Niño Southern Oscillation o ENSO sa Hunyo 2024 na tinatayang lalamig kumpara sa panahon ngayon Enero hanggang Mayo. Ginamit itong batayan ng Senate Committee on Basic Education na si Senador Sherwin Gatchalian upang pumabor sa panukalang maibalik sa buwan ng Hunyo ang simula ng school calendar imbis na sa kasalukuyang skedyul nito na Agosto. "Ang mga bata dapat magpahinga, maglaro, magbakasyon... pag gagawin nating tag-ulan ang bakasyon, 'di sila makakalabas, makukulong sa bahay lang 'yan. Kaya, 'yan naman yung tinatawag nating social season kaya ginawa 'yan nang summer, no? Kaya tayo may summer break at nakakabakasyon ang pamilya", pahayag ni Win sa isang panayam.
Ayon sa sarbey na isinagawa ng Alliance of Concerned Teachers, 87% ng mga guro ang nagsasabing hirap mag-focus sa klase ang mga mag-aaral dahil sa init, at 37 porsyento sa mga gurong ito ang nagsabi na na-trigger ng matinding init ang kanilang pre-existing medical conditions o mga sakit, at 40% o halos kalahati ang nakaobserba na mas dumami ang bilang ng mga lumiliban sa klase.
“Nakakahilo sobra ang init, lalo na sa klase na mayroong mahigit 60 na estudyante.
Napapansin ko, nababawasan 'yung productivity ko bilang estudyante. Sa halip na nakikinig sa guro, abala kaming magpaypay para guminhawa ang pakiramdam”, banggit ni Kim Jinju Antonio sa isang interview na isinagawa upang matukoy ang palagay ng mga estudyante patungkol sa init na nararamdaman sa loob ng klase sa Valenzuela National High School, siya ay estudyante ng Senior High School mula sa pangkat Coulomb ng Grade 12-STEM.
"Yung mainit kasi na weather nagiging distraction especially sa isang room 60 plus yung students", saad naman ni Kim Franchesca Dela Torre na isa ring mag-aaral ng VALNAT sa SHS, mula sa pangkat Faraday ng Grade 12-STEM.
"Kinakaya na lang, hindi naman siya mahirap kasi resilient naman us eh", dagdag ni Kim. Tugon naman ng Department of Education noong ika-15 ng Enero, pinag-aaralan na ang hinaing ng mga estudyante, guro, at mga magulang na posibleng ibalik sa Hunyo ang simula ng pasukan, subalit, hindi ito gagawin nang biglaan at sa school year 2025-2026 pa tuluyang maibabalik ang skedyul.
"Nag-a-agree sila doon sa provision ng draft, some minor adjustments but may consensus na that we are going to not next school year na June. We are looking at school
Edukasyon sa Panahon ng Katalinuhan
Ang Artificial Intelligence (AI) ay isang sangay ng computer science na naglalayong gawing matalino o matalinong makina ang mga makina. Ito ay resulta ng mga sistema at teknolohikal na pagsulong na nagbibigaydaan sa mga computer na magsagawa at magsuri ng iba’t ibang gawain, tulad ng pagpoproseso ng data, pagpoproseso ng imahe, at pagkilala sa pagsasalita. Maaari nga ba itong magamit sa pag-aaral?
Ang AI ay maaaring gamitin sa pag-aaral sa iba’t ibang paraan. Maaari itong magamit sa personal na pagtuturo, data analysis para sa masusing pagsusuri ng performance ng mag-aaral, at pagbuo ng mga advanced na educational tools tulad ng virtual assistants o interactive simulations.
Ang AI ay maaaring makatulong sa pagpapabuti ng karanasan sa pag-aaral at pagtuturo. Bukod pa rito, ang AI ay maaaring magamit sa pagsusuri ng malalaking datasets ng klima at kalikasan para sa masusing pag-unawa ng mga pagbabago sa kapaligiran at klima. Ito ay maaaring magbigay ng masusing analisis sa mga trend at posibleng epekto ng climate change. Ito ay malaking tulong sa mga estudyante para
mapalawak ang kanilang memorya pati na rin sa pagtuklas ng iba’t ibang bagay gamit ang AI. Gayunpaman, ito ay nagreresulta ng pandaraya sa ibang estudyante dahil, sa paggamit ng AI ay maaaring maging tool ito pangkopya ng mga sanaysay o kung ano pa naman. Dahil dito, nagreresulta ito ng hindi patas na marka sa mga mag-aaral na hindi gumagamit nito. Sa kabuuan, ang AI ay maaaring magamit sa pag-aaral sa mabuti at masamang paraan. Ito
year 2025-2026 na makapagJune na talaga tayo, but for this next school year we are still looking at July opening,” sagot ni Assistant Secretary at DepEd Deputy spokesperson na si Francis Bringas ukol sa hinaihing. Nagbabala naman ang Department of Health sa mga posibleng epekto ng El Niño sa kalusugan ng mga magaaral tulad ng pagtaas ng kaso ng sakit na Dengue, na may sintomas na pagkahilo, pagsusuka, sakit ng ulo, pagkawala ng gana, at lagnat. Paalala ng DOH, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center kapag nakakaranas ng mga sintomas. Dagdag payo ng DOH, maligo bago pumasok sa klase, uminom ng tubig na di bababa sa 8-10 na bilang ng baso lalo na kapag nauuhaw, at magdala ng sariling tumbler o baunan ng tubig upang maiwasan ang hawaan ng mga sakit at polusyon dulot ng plastic bottles. Nirerekomenda ring umiwas sa pagsuot ng maiitim na kulay ng damit sapagkat mas mabilis itong makaka-absorb ng init ng sinag ng araw, gumamit ng mga sunscreen upang maiwasan ang panunuyot ng balat na pangunahing dahilan ng skin cancer, at gumamit ng payong upang maiwasan ang malalakas na ultraviolet radiation na nagiging sanhi ng cataract sa mata.
Ospital de Kahirapan
sa sa prayoridad natin bilang mga nilalang na may buhay ay ang ating kalusugan. Kung ang bawat bansa ay may nakalaang sistema para rito na higit nating kinailangan noong panahon ng Pandemya, paano kaya ito natugunan ng ating bansa? Dahil sa walang sawang pagseserbisyo ng mga frontliner ay nalagpasan natin ito. Gayunpaman, gaya ng nakasanayan nating itinatanong sa mga doktor at nurse na “mabisa po ba ‘tong gamot? ay dapat itinatanong din natin ang ating mga sarili kung mabisa nga ba ang sistema?
Sentido kumon na para sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng mga isyu sa sistemang pangkalusugan ng bansa, lalo na’t nakasanayan na ng karamihan ang hindi pagpapatingin sa doktor tuwing may katamtamang sakit na nararamdaman dulot ng kamahalan ng presyo ng pagpapacheck-up o minsan naman ay nauubos ang oras sa haba ng pila sa mga libreng health centers. Nakakalungkot isiping kung anong dami ng maysakit ay siya namang kakaunti ng paraan o oportunidad upang gumaling.
Batay sa United States Agency International Development o USAID, puno ang Pilipinas ng mahuhusay na mga healthcare professional tulad ng mga doktor at nurse ngunit kulang naman ito sa mga pasilidad at hindi nakakasabay sa mga gamit pagdating sa makabago at mas mainam na pagreremedyo sa mga sakit dahilan kaya mababa ang kalidad ng sistema sa bansa. Pangunahing problema ng sistemang pangkalusugan dito sa Pilipinas ang kakulangan ng saktong badget upang maibsan ang mga isyu nito na makikita natin sa taas ng bilang ng mga health workers na nangingibang bansa upang kumita nang patas at naaayon sa kanilang pagbuwis ng dugo at pawis na ayon sa Department of Health, USAID, at journal ng Frontiers ay lumobo ng 15% ang bilang ng mga health worker sa tinatayang sampong milyon na mga Overseas Filipino Workers, ibig sabihin, isa’t kalahating milyon ng ating mga health worker tulad ng mga doktor at nurse na sana’y kaagapay ng mga Pilipinong maysakit sa ating bansa ay napilitang umalis dahil sa malalang sakit ng sistema. Dagdag sakit din ng pamamalakad sa bansa ang isyu ng korapyson sa sektor ng kalusugan gaya na lang ng pagwawaldas ng DOH noong kasagsagan pa ng COVID-19, kung saan sa 67 na bilyon na pondo ng bansa para maibsan ang epekto ng virus, halos kalahati ng paggamit nito ay kinuwestyon ng senado o dumaan sa mga scandal tulad ng Pharmally Scandal, isang korporasyon ng mga botika na sinasabing nagbulsa ng sampong bilyong piso kung kailan pa natin ito lubos na kinailangan. Tugon naman ng ahensya, makatarungan ang mga paraan nila ng paggastos sa pondong pangkalusugan at hindi maaring
sabihin na may korapsyon na naganap sa Pharmally sapagkat nasa “standard pricing” o angkop na presyo ang kanilang mga nilatag na produkto noong pandemya at madiin nilang pinapahayag na bagama’t kulang ang mga gamit dito sa bayan ay ginagawa nila ang lahat upang makapagbigay lunas sa mga Pilipinong maysakit at walang butas ang kanilang pagwawaldas—este paglulutas ng mga problemang pangkalusugan sa Pilipinas. Datapwat, bukod sa hindi naipaliwanag nang malinaw sa kamara kung saan napunta ang sampong bilyon, nagkaroon din ng eskandalo ang PhilHealth kung saan 15 bilyong piso naman mula sa mga pinaghirapan at inipon ng taumbayan ang naibulsa ayon sa imbestigasyon ng senado. Kung saan ito ay tumotal sa 154 na bilyon mula pa noong taong 2013. Matunog din na isyung pangkalusugan noong mga nakaraang taon ang mga hiling ng ating frontliners na taas sweldo dahil sa madalas nilang pag-overtime na kung iisipin ay dapat sinakatuparan ng administrasyong Duterte dahil karapatdapat naman silang makatanggap lalo na at kabilang din sila sa nahirapan nang tumama ang COVID pero papuri’t minsan pa nga’y pambabastos lamang ang tangi nilang natanggap mula kay Digong. Kulangkulang na mga gamit, punuang mga hospital, underpaid na mga health worker, at kabi-kabilang korapsyon, subalit nagawa pang bawasan ng pamahalaan ang badyet
pangkalusugan nang sampong bilyon, kadahilanan kaya’t karamihan sa atin ay iniisip
Gaano nga ba karumi ang isang mobile phone?
na suntok sa buwan na lang ang pagpapagamot ng kumpleto at maayos sa tuwing may malubhang karamdaman. Ilan lamang ito sa mga hinaharap ng ating sistemang pangkalusugan dito sa Pilipinas kaya hindi rin natin masisisi ang mga healthcare professional na pinipiling mag-abroad dahil talamak ang kawalang-hustisya ng pagtrato sa kanila rito sa bansa. Malawak ang sakop ng kalusugan. Sa panahon ngayon, para na rin makasabay tayo sa ibang bansa, pinagtutuunan dapat ng pansin ng gobyerno ang pag-utilize ng modernong Agham at Teknolohiya sa pagpapagamot ng karamdaman, na pwedeng simulan sa paglalaan ng pondo sa mga nasabing sektor upang magkaroon ng sapat na mga gamit, pagtuturo sa mga health worker at mamamayan ng paggamit ng teknolohiya sa pagpapabilis ng mga prosesong pangmedikal, at pagkumbinsi sa mga kabataan na
ALARMANG DALA NG WALKING
NEW-MONIA
Disyembre noong nakaraang taon, natukoy ang apat na kaso ng Mycoplasma pneumonia o ang tinaguriang “Walking Pneumonia” sa bansa na labis na nagdulot ng pangamba sa publiko. Kung kaya’t agarang hinikayat ng mga opisyal ng kalusugan ang bawat indibidwal na muling magsuot ng face masks kasunod ng pagtaas ng flu cases. “Babalik nanaman ba tayo sa nagdaang pandemya?”
Paulit-ulit mang naririnig sa isang tahanan ngunit tila tunay ang pinapahiwatig ng mga katagang “Kakacellphone mo ‘yan”. Ayon sa isang pag-aaral, ang kada ‘square inch’ ng isang mobile phone ay nagdadala ng halos 25,000 germs kung kaya’t ang isang iPhone 6 ay maaaring makapagbitbit ng 240,000 na mikrobyo.
Ang mikrobyo tulad ng Escherichia coli o E. coli, Influenza virus, at Methicillin-Resistant Staphylococcus Aureus (MRSA) ay maaaring matagpuan sa iyong mobile phone ayon mismo sa isang microbiology professor, Dr. Charles Gerba. Sinasabing tila mas malinis pa ang toilet seats, kitchen counter, pet food dish, self-service checkout screen, at doorknob na mayroong 1,201 hanggang 8,643 germs kada square inch lamang, labis na mas kaunti kaysa sa bilang ng mikrobyong bitbit ng isang mobile phone. Ngunit, bakit nga ba sandamakmak na mikrobiyo ang dala nito? Hindi man aminin ngunit hindi natin maitatanggi na halos ang kalahating araw ng isang indibidwal ay sakop na ng paggamit ng cellphone. Mula sa pagmulat pa lamang ng mga mata hanggang sa pagtulog ito ang laging kasa-kasama. Kahit saan man magpunta, tila ba ito ay isang magnet na awtomatikong hinahanap at dumidikit sa ating mga kamay. Kung kaya’t sa pamamagitan ng paghawak sa iba pang bagay tulad ng pagkain at handrails sa mga pampublikong sakayan, direktang naipapasa ang mga mikrobyo sa ating mga mobile phones. Mainit. ‘yan naman ang naging pangunahing dahilan bakit ang mga bakterya ay mas nabubuhay at dumarami. Kung kaya’t sa patuloy na pag-andar ng microprocessor sa loob ng isang cellphone, patuloy din ang pag-init ng device na nakapagbibigay ng komportable at tamang tuluyan sa mga bakterya at kagaw. Sa isinagawang pag-aaral ng
‘Which?’ Magazine sa sample na 30 mobile phones, itinayang nasa 14.7 milyong cellphone mula sa United Kingdom (UK) ang posibleng pinagmulan ng iba’t ibang health hazards. Gayunpaman, tunay ngang nakakamangha ang naging resulta ng mga pag-aral. Datapwat mahirap man paniwalaan, mahalaga ang agarang pag-aksyon upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng mikrobyo at mapanatili ang kaligtasan mula rito. Paano nga ba mapapanatiling malinis ang iyong cellphone? Hindi
man tuluyang maiaalis ang lahat ng bakteryang nakakapit, ngunit lubos pa ring makatutulong ang paggamit ng tissue paper o alcohol wipes upang mabawasan ang pagkakaipon ng mga kagaw at bakterya. Sa kabilang banda, phone cleaning kit naman ang itinuturing na epektibo at angkop na solusyon para sa mas malinis at mas ligtas na mobiles phone. Hindi lamang sa paglilinis ng cellphone natatapos ang lahat, sapagkat mahalaga rin na magkaroon ng kalinisan maging sa ating mga kamay. Ang tamang paghuhugas at paglilinis ng kamay ay isang magandang gawi na makakatulong upang maibsan ang paglaganap ng mga bakterya at mikrobyo na maaaring magdulot ng malubhang sakit sa hinaharap. Ikaw pa rin ba ay mapapakamot sa ulo sa tuwing narinig mo ang katagang “Kaka-cellphone mo ‘yan”? O, ito na ang magsisilbing paalala upang panatilihing malinis hindi lamang ang iyong mobile phone kundi maging ang iyong mga kamay?
Sinasabing ang Mycoplasma Pneumonia ay hindi na bago sapagkat ito ay isang pangkaraniwang pathogen na nadiskubre bago pa man mangyari ang pandemyang dala ng COVID-19.
Kadalasan itong nakakaapekto sa mga bata ngunit maaari pa rin itong makuha ng isang indibidwal sa anumang edad. Ang mga may mahinang immune system at mga naninirahan sa isang saradong lugar ay mas mataas na tyansa na magkaroon ng mas malalang sakit. Paano ito naiba sa ibang uri ng Pneumonia? Nagpag-alaman na ito ay karaniwang hindi matindi at nagpapakita lamang ng mga sintomas tulad ng mababang lagnat at ubong walang plema. Tinagurian itong “Walking Pneumonia” sa kadahilanang ang taong mayroon nito ay maaari pa ring makapagpatuloy sa kaniyang pang araw-araw na gawain o trabaho sapagkat ang mga sintomas ay hindi malala. Sa kabilang banda, kahit hindi man matindi ang sintomas nangangailangan pa rin ito ng agarang lunas upang maiwasan ang pagkakaroon
Samu’t saring reaksyon ang ibinato ng madla sa social media dala ng pagkaalarma sa mga balita patungkol sa sakit. Ngunit, ito ay naibsan matapos ikumpirma ng mga eksperto sa larangan ng medikal na ang kasalukuyang sitwasyon dala ng naturang sakit ay hindi katulad sa pandemyang dulot ng Coronavirus disease (COVID-19). Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) noong Oktubre taong 2023, tumaas nang 45 porsyento ang kaso ng Influenza-like illness (ILI) kumpara sa kaparehong period noong taong 2022. Nakapagtala naman ang DOH ng 151, 375 bilang kabuuang kaso ng ILI mula noong ika-1 ng Enero hanggang ika-13 ng Oktubre, taong 2023. Binigyang linaw din ng ahensya na mula sa kabuuang bilang na ito, apat o 0.08 na porsyento ang kumpirmadong kaso ng Walking Pneumonia.
Alingasaw sa Tag-araw
JUSTINE GABRIEL VELARDE
Hingang malalim. Kasabay ng paglanghap ng mga estudyante sa simoy ng hanging nagmumula sa mga naglalakihang puno sa tabing bintana, gayundin ang sabayang pagtatakip ng kaniya-kaniyang ilong upang maiwasan ang hindi kaaya-ayang amoy na hatid ng dumi ng mga hayop. Para kasing burak sa imburnal na may nabubulok ang amoy na umaalingasaw. Sa apat na sulok ng silid, ang atensyon ay nahahati at ang komunikasyon ay hindi nagiging madali. Hanggang kailan kaya ito titiisin ng mga magaaral at guro na ang edukasyon ang iniisip?
Inililipat ng silid-aralan ang mga mag-aaral sa pang-umaga at sinuspindi naman ang klase tuwing umaamoy ang dumi ng hayop sa kalapit na Animal Product Development Center.
Ayon sa pag-aaral mula sa North Carolina na nai-publish sa American Journal of Public Health ng Estados Unidos noong 2009, nagdudulot ng stress at negative mood states o nakakasama ng timpla ang amoy ng mga dumi ng hayop na siyang tinatawag na concentrated animal feeding operations o CAFO.
Napagtanto ng epidemiologist na doktor na si Steve Wing na kung nakaka-istress ang mabahong singaw ng dumi ng hayop, maari itong magdulot ng pagtaas ng blood pressure o altapresyon.
“I was impressed by the strength of the relationship, the most sensitive detector of hog farm air pollution is still the human nose.”, banggit ni Wing matapos magsagawa ng mga tests.
“Odor can be present without detectable hydrogen sulfide. It’s made up of volatile organic compounds at very low
concentrations and in a particular combination that people recognize as ‘swine’.”, dagdag ng doktor.
Mataas ang ugnayan ng pagtaas ng blood pressure o altapresyon sa isang tao sa tuwing nakakalanghap ng hanging polusyon na nadumihan ng babuyan, na siyang nakakaalarma para sa kalusugan ng mga estudyante ng VALNAT.
Payo ng Department of Agriculture, gamitin ang LaBaboy Technology upang maiwasan ang masasamang dulot ng alingasaw ng dumi ng hayop sa kalusugan at makabawas sa polusyon. Tunay na aksyon. Tunog teknikal man ngunit ito ay iilan lamang sa mga rekomendasyon ng mga propesyonal na nakapagbibigay ng dagdag kaalaman sa mga taong nararapat na maging maalam sa kaniyang pinamamahalaan. Ang kapabayaan ang ugat ng
ng kumplikasyong kagaya ng malubhang uri ng pneumonia, Encephalitis (pamamaga ng utak), at Hemolytic Anemia (pagbaba ng pulang selula ng dugo dahil sa pagkasira nito). Bukod sa pagiging maalam sa sakit na ito, mahalaga ring isaisip ang mga hakbang upang maiwasan ang pagkakaroon nito. Ayon sa DOH, ang tamang paghuhugas ng kamay, paglalagay ng cover sa mukha tulad ng face mask, pagtiyak sa kalidad at sapat na bentilasyon, at pag-update sa bakuna upang mas patatagin ang katawan ay ilan lamang sa mahahalagang gawain tungo sa mas ligtas na pamumuhay. Umaksyon, kumilos, at sumunod. Hindi man maiwasan ang pangamba, ngunit mahalaga na ang bawat isa ay maging maalam at maingat upang ang paglaganap nito ay maibsan at hindi na makahawa pa ng iba.
Ang pag-arangkada ng Pencak Silat
Ito ay larong pampisikal na nagmula sa Indonesia na unti-unting lumalaganap na rin sa ibang bansa. Dito sa Pilipinas, ito ay isa na sa bahagi ng palarong bansa na kung saan ito ay binubuo ng mga determinadong kabataan na nahihilig sa mga larong pisikalan. Nilalaro ito sa loob ng court na may bilog na linya at ang paraan ng paglalaban ng dalawang indibidwal ay ginagamit ang paa bilang pagsipa at paghawak upang mapatumba ang kalaban. Malaking bahagi nito ang depensa upang hindi ka maisahan ng kalaban, maari mo rin itong sindakin pakunwari upang malinlang sa iyong galaw. Makakapuntos ka rito kapag hindi niya nailagan ang iyong pag-atake. Maingat mo lamang itong gagawin dahil bawal mong tamaan ang ibang parte ng katawan ng iyong koponan gaya ng ulo na maaaring makaapekto sa kaniyang paglalaro. Ang larong ito ay tinatawag na Pencak Silat, uri ng martial arts sa Indonesia na sa kasalukuyan ay isinasagawa na rin sa Pilipinas. Sa rehiyon ng National Capital Region partikular ang Valenzuela City, ang Valenzuela National High School ay isa sa mga nakilahok sa palarong ito. Sa pamumuno ni coach Mark Lee Sartorio, nagkamit ng gold medal ang kaniyang pambato na si Elena Abada, at silver medal kina Anya San Miguel, Stephanie Omictin, at Arriane Mae Tubao.
Si Elena Abada, gold medalist ng ValNat sa Pencak Silat ay nagwagi matapos niyang mailagan at madepensahan ang sipa ng kaniyang kalaban kabaligtaran naman nito ang kombinasyon ng kaniyang sipa at paghawak na nagpatumba sa kaniyang katunggali.
ValNat tinalo ang Dalandanan, muling aarangkada sa NCR
Mabilisang pagsasakmal ang ginawa ng mga Wolves para tapusin ang laro at iwanang duguan ang kalaban.
Iyan ang pinatunayan ng Valenzuela National High School nang sumiklab ang dugong lobo para isarado ang laro sa Division Meet ng Sepak Takraw nang kanilang payukuin ang Dalandanan National High School, 2-0, nitong ika-22 ng Pebrero sa Polo National High School. Tinapos ng Regu 3 ng Wolves ang laban na pinangunahan ni Rhandelle Limbo para tuldukan ang laban.
“Kung kayang lumamang, lumamang agad para mawala agadang kumpiyensa ng kalaban” sabi ni coach Trishia Bon-Andaya bago sumabak ang kaniyang mga manlalaro sa laban.
Muntik pang malaglag sa liga ang ValNat dahil sa kanilang pagkatalo sa semi-finals na naghantong sa pagiging determinado ng mga manlalaro at pagbabago ng istratehiya ni coach Andaya.
Nilamangan agad ng regu 1 ng Wolves ang Dalandanan na pinangunahan naman ni Mark Angelo Agustin para pigilan ang magagaling na
AP Bren kasado na sa MPL season 13
Naglabas na ng official roster ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPLPH) ng mga koponan na sasabak muli sa MPL season 13 kabilang ang season 12 champion AP Bren noong Pebrero 23 sa Facebook page ng MPL.
Makakatulong ni Coach Francis Glindro o mas kilala sa tawag na “Coach Ducky” ang assistant coach mula echo na si Coach Robert Sanchez o “Coach Trebor.”
Magpapakita namang muli ang mga mukha ng miyembro ng AP Bren dahil ang pwersa pa rin nila noong nakaraang season ang bubuo ngayong season 13.
Binubuo ito ni AP Bren jungler Michael Angelo Sayson (KyleTzy), mid laner na si Angelo Kyle Arcangel (Pheww), gold laner na si Marco Stephen Requitiano (Super Marco), exp laner na si David Charles Canon (FlapTzy), at ang roamer na si Rowgien Stimpson Unigo (Owgwen).
Gaganapin ang MPL S13 sa ika-15 ng Marso kung saan paglalaban ang kampeonato ng 8 koponan, ang mananalong koponan ang magiging representante ng Pilipinas sa Mobile Legends Mid Season Cup (MSC) 2024, na gaganapin sa Saudi Arabia.
Nakahanda na silang mandurog ng mga creeps at magpakitang gilas para makamit ang ikatlong kampyon ng AP Bren sa MPL tournament.
Ang All-in-One Coach
isa o dalawa lang
maniniwala sa'yo, magpatuloy
players ng Dalandanan.
Matinding paghahanda ang kanilang ginawa para siguraduhin ang posisyon sa Regionals at pagharian ang Division.
Nagdilang anghel si coach Andaya sa hula niyang tiyak na mananalo sila sa Division Meet at uusad sa NCR.
Ginawaran ng sertipiko at medalya ang mga manlalaro matapos silang tanghaling panalo.
Muling sasabak ang ValNat Wolves sa NCR
Meet para subukang makapasok sa Palarong Pambansa ngayong taon.
Abante babae, ikaw naman
“Hindi ko tinanggap na ‘di mo pwedeng gawin ang isang bagay dahil babae ka.”
Isang persona ang pumukaw sa atensyon ng pinoy racing fans, isang dalaga na humaharurot sa bilis at walang takot na sinusuong ang palikulikong race track. Siya ang kauna-unahang Pilipinong magwawagayway ng ating bandera sa racing event na F1 Academy at kakarera para sa McLaren Racing Driver Development. Si Bianca Bustamante, isang 18 taong gulang na Pilipinang may panaginip at determinasyon, ay patuloy na nagpupursigi sa kanyang pangarap sa larangan ng motorsport. Mula pa noong siya ay 3 taong gulang at unang sumakay sa kart, hanggang sa mga kampeonato at pagkilala sa kanyang husay sa karera, tila hindi napapantayan ang kanyang pag-angat. Ang pagtanggap sa kanya sa programa ng
McLaren Racing Driver Development bilang unang babaeng F1 Academy driver ng koponan ay isang malaking tagumpay para sa kanya at sa lahat ng mga Pilipino. Bagaman nagsimula sa maliit na bayan sa Laguna, Pilipinas, si Bianca ngayon ay naglalakbay sa Europa, nagpapakitanggilas sa mga pista ng karera. Labas sa karera, ang kanyang mga interes sa sining at disenyo ay nagpapakita ng kanyang kakaibang pagkatao. May pangarap din siyang mag-aral ng inhinyeriya o arkitektura, na nagpapakita ng kanyang pangarap na maging isang kompleto at balanseng indibidwal. Sa papalapit na pagtatapos ng F1 Academy sa United States Grand Prix, ang kanyang mga tagumpay at pagsubok ay nagbibigay inspirasyon sa marami, patunay na ang pangarap ay maaaring mangyari sa sipag at tiyaga kahit na babae ka pa.
sa kanilang grupo at Golden Booth naman para kay Kristine Maliwat na umambag din ng dalawang puntos. Kumana rin ng tatlong puntos ang goalkeeper na si Jaira Somontina na kamangha-mangha dahil sa
Naghahanda naman ang VNHS para sa sunod na pakikipagtuos nila sa gaganaping NCR Meet.
PANALONG
ValNat tinalo ang Dalandanan, muling aarangkada sa NCR
ValNat nagpakitang gilas sa Paralympics
AP Bren kasado na sa MPL season 13
14 | AG.TEK
Solar flare bubugso sa 2024
Ospital de Kahirapan
Mainit-init na Problema
Paghupa ng El Niño sasabay nang pasok sa Hunyo 18 |
UMALAGWA
ValNat nagpakitang gilas sa Paralympics
Nakasungkit ng 12 medalya ang mga manlalaro ng SPED ng Valenzuela National High School sa Palarong Pandibisyon 2024 nitong Pebrero 21 at 22 na ginanap sa Malabonian Sports Complex para sa Athletics at Valenzuela Sped Center para sa Shotput at Bocce.
Nagalak naman ang kanilang Special Needs Teacher coach na si Gng. Audrey
Sarvida nang magbunga ang lahat ng kanilang sakripisyo at tumatak sa isip ng kaniyang mga bata ang lahat ng kanilang ginawa sa bawat ensayo. kanila, seryosohin ang laro upang makarating sa Palarong dahil ang batang Valnat ay magaling" ayon kay coach
ISYUNG PAMPALAKASAN
Isportroniko Isama at
Isali
jump gayundin si Cruz sa 100 meter, shot put at ito dahil ito na ang kaniyang huling taon at
Humakot ng sampung gintong medalya
Magdaraod, John Gabriel Gatus, Khryzia
kasagsagan ng kanilang laro dahil magkakaiba ang venue ng bawat laro ngunit hindi ito nagpatinag sa kanilang
Sarvida na ang kanilang kalaban ay walang iba kundi ang kanilang magaling sila kesa
Isinasama na sa mga Athletic Meet ang Esports ngayong taon. Naghahanap na ang Pilipinas ng mga manlalaro para sumali sa Esports na Šibol para lumaban sa iba't ibang bansa. Sasama ang Sibol sa paparating na World Esports Championship ng International Esports Federation na gaganapin sa Agosto at Global Esports Games naman sa Nobyembre.
Sabi ko sa kanila, seryosohin ang laro upang makarating sa Palarong Pamabansa at ilabas ang buong lakas sa paglalaro dahil ang batang Valnat ay magaling”
Audrey Sarvida Paralympics Coach
lumaban sa NCR Palaro
muling paghaharian
VNHS nilampaso ang pambato ng PNHS
[DAN LARENCE DELCARMEN]
Namituin ang Valenzuela National High School matapos pulbusin ang Polo National High School na may talang 16-0 sa Futsal Division Meet na ginanap sa Sitero Francisco Memorial National High School nitong Pebrero 7, 2024.
Nagalak naman si Coach Joseph Hernandez ng VNHS nang siya ay mapabilib ng kaniyang mga manlalaro dahil nagbunga ang lahat ng kaniyang mga itinuro sa kanilang mga naging ensayo.
“Sabi ko sa kanila iapply lang nila yung mga natutuhan nila sa trainings, bihasa naman na itong mga bata ko kaya sa pag eensayo namin mas