Ang Salamin 2019

Page 1

3rd Chief Girl Scout Shiela Cainta, tatanggap ng CGS Medal sa Maynila Dadaluhan ni Senior Scout Sheila Mae Cainta sa Maynila ang Chief Girl Scout Medal (CGSM) Presentation C e re m o n y n a k u n g s a a n tatanggapin niya ang CGS Medal ngayong darating na Oktubre. Si Sheila ay isa sa mga Senior Scout ng Zamboanga del Norte na makakatanggap sa pinakamataas na parangal matapos niyang maisakatuparan ang isang proyektong tiyak na makakatulong sa pamayanan. Ang proyektong ito ay isang pasilidad ng tubig (water facility) na kailangan hindi lamang ng isang pamilya, kundi pati na rin sa buong barangay. Sa dinamidaming barangay ng Lungsod ng Tampilisan, pinili ni Sheila na ipatayo ang proyekto sa paninirahan ni G. Rodrigo Beltran, Sitio Kailonggohan, Farmington, Tampilisan, Zamboanga del Norte dahil dito lamang niya nakita na makakapagbibigay sustento ang

BIGYANG-PUGAY! Labis ang galak at pasasalamat ni Senior Scout Shiela sa matagumpay na Turn-over Ceremony sa kanyang proyekto. | Larawan mula kay Crissa Jane Almojallas

kanyang proyekto sa mga kabahayan. Ang naturang proyekto ay matagumpay na naaprubahan at binasbasan noong ika-13 ng Hunyo taong kasalukuyan at labis

na suporta ang kanyang natanggap mula sa paaralan lalong-lalo na sa punong-guro na si G. Marciano C. Cababat, Tita Nenita Panggoy, ang GSP Koordinator at mga Troupe Leaders. Ayon kay Senior Scout

Shiela, “Hindi nasayang ang lahat ng pawis at pagod na ibinuhos namin upang magawa ito ng matagumpay. Malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng naging bahagi ng

aking proyekto”. Si Senior Scout Sheila Mae Cainta ang ikatlong Chief Girl Scout mula sa Tampilisan National High School na tatanggap ng parehong medalya. (Cara Ashly Biolango)

Tampilisan NHS, kabilang sa NC II, nakuha

“Best Implementing School 2019” Sinimulan ang Brigada Eskwela sa ika-20 nitong Mayo taong kasalukuyan. Hangad nitong mapag-isa ang mga residente sa komunidad, guro, mag-aaral, pribadong kompanya at mga boluntaryong mamamayan galing sa nongovernment organization. Nakamit ng Tampilisan National High School ang ikatlong pwesto para sa kategoryang Mega samantalang nasa una at ikalawang pwesto naman ang Ubay NHS at Sindangan NHS sa nagdaang “Search for Brigada Eskwela Best Implementing School 2019” Nilahukan ng iba’t ibang organisasyong nagboluntaryo ang Brigada Eskwela sa TNHS na umaabot sa kabuuang bilang na

2085 katao. Samantalang umabot naman ng mahigit P585,119.50 ang nalikom na donasyon ng paaralan. Ika-2 ng Agosto sa kasalukuyang taon ay inanunsyo ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Zamboanga del Norte ang mga nagwagi. Kabilang ang pagsasaayos, pagpipinta, at pagbili ng mga bagong kagamitan ang pinagbasehan sa paligsahan. Kahit pa man paliit nang paliit ang bilang ng mga boluntaryo ay hindi ito naging dahilan upang hindi m a i s a k a t u p a r a n a t mapagtagumpayan ang naturang programa. Layunin nito na mas maengganyo pa ang mga paaralan sa probinsya na paghandaan ang pagbubukas ng klase. (Jelyca Turnos )

BAYANIHAN SA PAARALAN. Hindi alintana ang init at pagod na nararamdaman ng mga boluntaryo para sa Brigada Eskwela 2019. | Larawan mula kay Maam Jyne Geraldez

ng mga mag-aaral

at guro sa TNHS

Isang-daang porsyento ng bilang ng mga mag-aaral at guro ang pumasa sa Bread and Pastry Production (BPP). Ang assessment ay nilahukan ng tatlumpu't walong mag-aaral ng G12 TVL-HE at pitong guro na sa TNHS na ginanap sa Gutalac Te c h n i c a l I n s t i t u t e a n d Assessment Center, Inc. noong ika- 18 ng Agosto sa kasalukuyang taon. Naging matagumpay ang paghahanda at pag-eensayo sa naturang assessment dahil sa pangunguna ni G. Louie James F. Eisma, TLE Coordinator kasama si Gng. Mariekieth Cajocon at mga guro na sina Gng. Rozzeille Jyne Geraldez, Gng. Cheeryll Andamon, Bb. Jocelyn Castillo, Gng. Flordemas Sagario at G. Cyrus Bert Tumobag na siyang dahilan kung bakit nakamit ng mga mag-aaral ang National Certificate (NC II) ng TESDA. Sina Gng. Mary Joy M. Baguio, Gng. Cheeryll Andamon at Gng. Rozzeille Jyne Geraldez ang nagsilbing tagapag-ensayo upang mahubog ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng Technical-Vocational-Livelihood (TVL) track. Ang pagkuha ng NC II ay isa sa susi upang magkaroon ng magandang trabaho ang isang indibidwal at patunay na may sapat na kaalaman o skills sa trabahong nais pasukan . (Eleazer Cowak)

ISPIRITWAL NA PAGPAPAHALAGA. Bumuhos ang iyak at pasasalamat ng mga mga mag-aaral sa taospusong pagtuturo ng mga guro na binigyang- diin ng mga tagapagdaloy ng seminar.| kuha ni Louise Barbarona

Spiritual Values Formation, inilunsad Kamakailan lamang matagumpay na isinagawa ang kaunaunahang Values Formation & Spiritual Transformation Enrichment Seminar sa paaralan ng Tampilisan NHS covered court na nilahukan ng mahigit na 2000 na mga mag-aaral noong ika-30 ng Hulyo taong 2019. Sa pagsisimula ng programa, malugod ang pagtanggap ni G. Marciano C. Cababat, Punong-Guro ng naturang paaralan para sa kanyang unang mensahe para sa lahat. Kasali sa programa ang pagkakaroon ng diskusyon ukol sa mga

moralidad, kalusugan at ispiritwal na dapat gampanan ng isang magaaral na pinangungunahan ng dalawang mananalita na sina Modesto Salican Jr. at Jalson Baldado na mula pa sa Camp Crame, Quezon City. Layunin ng programang ito na mabuo at pagpapayaman sa pagpapahalagang ispiritwal na kailangang gampanan bilang isang mag-aaral. Ayon kay G. Jason Baldado, “Ang kabataan ngayon ay ibang-iba na kung ikukumpara noon kung kaya sobrang napakahalaga ng seminar, ang pagkakaroon ng bisyo sa sarili ang siyang dahilan kung bakit unti-unting nasisira ang pagkatao ng isang indibidwal.” (Crissa Jane Almojallas at Justmine Cacho)


Taunang Career Guidance 2019, matagumpay

TAGUMPAY SA PANULAT. Walang katulad na ngiti ang ipinakita ng patnugutan ng The Sunlight at Ang Salamin kasama ang ZN Press Club Lecturers. | kuha ni Maam Jessa Mae Mapula

Mga manunulat sa TNHS, namayagpag sa Campus Journalism 2019 Nasungkit ng mga magaaral ng Tampilisan National High School ang iba't ibang parangal sa Annual Campus Journalism Seminar-Workshop na inilunsad sa Kipit Agrofishery HS noong ika 27-28 ng Hulyo taong 2019. Nakuha ni Tristan Airon Pontanar at Rhofel Balensuje ang pangalawa at pangatlong puwesto sa News Writing. Bumida rin si Nathan James Begafria sa pagkuha ng pangatlong pwesto sa Editorial

Writing. Hindi rin nagpahuli ang mga manunulat sa Filipino na sina Eleazer Cowak sa pagsungkit ng unang pwesto sa Pagsulat ng Balita at Grace Quine na naiuwi ang pangatlong pwesto para sa Pagsulat ng Lathalain. Mahigit 200 ang bilang ng mag-aaral ang dumalo sa naturang Campus Journalism. Kanyakanyang mga delegado ang nagsidatingan na mula pa sa iba't ibang distrito ng Labason, Tampilisan at Kalawit. Sa bawat

paaralan ay may 20 ka mag-aaral na binubuo ng 10 manunulat sa parehong pahayagan, Filipino at Ingles. Ang gawain ay seminar muna bago ang workshop na pinangu-ngunahan ng ZaNorte Press Club. Layunin nito na paunlarin pa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng iba't ibang artikulo sa parehong pamahayagang pangkampus sa Ingles at Filipino. (Eleazer Cowak)

“IP's Day, Buwan ng wika, Com-Arts magkasabay na pinagdiwang” L u b h a n g makasaysayan ang ika-16 ng Agosto taong kasalukuyan sapagkat sa araw na ito, magkasabay na ipinagdiriwang sa TNHS ang Indigenous People's Day, Buwan ng Wika at English Festival na binansagang 3 in 1 Celebration. Bilang pagdiriwang sa araw na ito, sa pangunguna ng mga Departamento ng Araling Panlipunan, Filipino at English, ay nagkaroon ng makulay na parada na nilahukan ng mga mag-aaral na nakasuot ng iba't ibang uri ng katutubong kasuotan. Nag-imbita ng dalawang panauhing pandangal ang naturang paaralan na sina Atty. Eulogio Lagodas at G. Renilo Tatoy na kapwa pinahalagahan ang pagpapayaman at pagrespeto sa kultura at wikang katutubo. Ayon

kay Atty. Lagodas, mahalagang malaman ng bawat indibidwal ang tungkol sa RA No. 8371 o Indigenous People's Rights Act of 1997 (IPRA), ang pagbabawal sa diskriminasyon at pangungutya sa mga Indigenous People. Marami ring mga paligasahan ang isinagawa ng Departamento ng Araling Panlipunan. Isa sa mga higlight na paligsahan ay ang Subanen Moda Display upang ipakita kung gaano kaganda ang katutubong kasuotan. Samantala, ang pagdiriwang sa Buwan ng Wika ay tampok sa temang Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino. Ang iilang patimpalak na Interpretatibong Pagbasa, Pagsulat ng Dagli, Dagliang Talumpati, Spoken Poetry, Masining na Pagkukwento at Movie Trailer ay

ginanap sa klasrum habang ang Balagtasan ay sa entablado na masayang pinapanood ng mga mag-aaral. Hati-hati rin ang atensyon ng mga mag-aaral sa English Festival na may temang “Moving Forward with Literary Competitions to Enliven English Classes and to Shape Better 21st Century Learners with 21st Century Skills”. Ang mga patimpalak na isinagawa sa programa ay ang Language Proficiency at Contemporary Dance na nilahukan ng isang grupo mula sa bawat baitang gamit ang kantang Reflection ni Lea Salonga. Matapos ang paligsahan ay agad na inanunsyo ang mga nanalo na siyang lalahok sa susunod na lebel. (Angela Bianca M. Calma)

Mga guro, binigyang-pugay sa Teachers’ Month Ngiting hinubog ng pagmamahal ang nasaksihan sa pagdidiriwang ng Teacher’s Month 2019 noong ika-18 ng Setyembre, kasalukuyang taon. Malaki ang naging tulong ng SSG Officers sa pangunguna ni Pres. Edwin Gonzales na siyang dahilan sa likod ng matagumpay

na programa. Nang magsimula na ito ay nagbigay mensahe si Gng. Delma Cababat bilang representante ng punong-guro ng pampaaralan. Lubos itong nagpapasalamat sa paglalaan ng oras upang sila naman ang mabigyan ng libangan at pahinga. Naging mahalaga ito para sa kanila

DAKILA KA AMING GURO. Nagbigay ng mga bulaklak, tsokolate, balloon at iba pa ang mga mag-aaral simbolo ng pagpapasalamat sa mga guro. | kuha ni Louise Barbarona

lalo na’t nandiyan ang kanilang mga mag-aaral na may iba’t ibang pamamaraan ng pasasalamat at pagbabatid ng pagmamahal nito. May ibang mag-aaral na sinorpresa ang kanilang guro, naghandog ng bulaklak, nagbigay ng lobo, tula, awit, sulat pasasalamat, at mainit na yakap at halik mula sa mga mag-aaral. Emosyonal ang lahat sa simula ngunit napalitan din ito ng saya sa paglalaro ng mga guro kasama ang mga mag-aaral. Hindi nagpatinag ang mga guro sa pagsali sa mga larong tampok na Paper dance, Kalamansi relay, Give a letter and name it, Hep hep hooray at iba pa na nagdulot ng kaaliwan at kasiyahan. (Henjie Cabarrubias)

Sa pagbubukas ng gawain ay sinalubong agad ito ng makulay na kasuotan na naayon sa kanilang gustong propesyon ang ibinida ng mga mag-aaral sa Tampilisan NHS noong ika26 ng Hulyo taong 2019. Ang programa ay may temang “ Follow the Guide, Tag a Career, Like the Future.” Nagkaroon muna ng parada sa kasuotan ang bago sinimulan ang programa. Binubuo ito ng mag-aaral mula Baitang 7 hanggang B a i t a n g 1 2 n a pinangungunahan ng miyembro ng TNHS Band at Colors. Iilan sa mga mag-aaral ay nagsuot ng damit pangguro, inhinyero, a b o g a d o , d o k t o r, n a r s , agrikulturist, negosyante, pulis, bombero, at iba pa. Sinimulan ito ng isang panalangin at sinundan ng pambungad na mensahe ni

G.Armando Malazarte, Guidance Counselor na kung saan binigyangdiin niya ang kahalagahan ng paggunita ng Career Guidance. Agad na ipakilala ni Gng. Viv Loredo ang panauhing pandangal na si G. Julito G. Palabon, Jail Officer 2 para sa kanyang mensahe sa mga mag-aaral. Tanging paalala niya na, “Hindi naman masama ang mangarap. Kung may tiyaga at pagpupursige ay tiyak na makakamtan at matutupad lahat ng pangarap.” Tinapos ang programa sa pagbibigay ng parangal para sa mga mag-aaral na may napakagandang kasuotan ayon sa kanilang propesyon. Labis na tuwa ang naramdaman ng mga guro sa naturang programa dahil nakita nilang nakasuot ang mga mag-aaral ng pang-propesyunal na kasuotan. Nagbibigay pa ito ng karagdagang inspirasyon para gabayan ang bawat mag-aaral tungo sa kanilang tagumpay. ( Jotham Geraldez)

Kauna-unahang LYDC, ginanap Mula sa iba't ibang organisasyon umabot sa 11 na mga kabataang lider ang dumalo sa kauna-unahang pagpupulong ng Local Youth Development Council nito lamang Agosto 30, sa taong kasalukuyan sa Municipal ng Tampilisan, Zamboanga del Norte. Ito ay alinsunod sa kautusan ng Sangguniang Kabataan Fed. Hon Dave Manuel na agad namang dinaluhan ng mga lider mula sa patnugutan ng Ang Salamin, The Sunlight, SSG Officers ng Tampilisan National High School, JRMSU-Tampilisan Campus, Tininggaan at Galingon National High School. Dumalo rin ang Red Cross,

SDRRMC, Anointed Reigning Mighty Youth(ARMY), at PagAsa Youth Association (PYAP). Sumunod ang pagpapakilala sa mga organisasyong kasali at ang Philippine Youth Development Plan na pinangunahan ni Engr. Godfrey Gimon. Tinalakay naman ni SK. Sec Hon. Rhea Mae Dingcong ang Role of LYDC at Presentation of LYDP na siyang dumalo bilang representante ng SK. Federation. Binigyang-diin din ang tungkulin at responsibilidad ng mga kabataang lider at pinag-usapan ang tungkol sa Youth Organization Registration Program (YORP). Ayon nga kay Franklin D. Roosevelt, “We cannot always build a future for our youth, but we can always build our youth for the future.” (Cara Ashly S. Biolango)

KABATAANG LIDER. Nagkikita-kita sa unang pagkakataon ang iba’t ibang organisasyon ng lungsod na pinangungunahan ng mga kabataan. | Larawan mula kay Marz Ochotorena

Amazon Rainforest dumanas ng matinding sunog Ikinabahala ngayon ng mamamayan ang pagkasunog ng kagubatan sa Amazon dahil sa walang tigil na pagkalat ng apoy na matatagpuan sa Brazil. Naitala sa taong ito na may 84 porsyento ang naging pagtaas sa bilang ng sunog sa naturang kagubatan mula sa ulat ng National Institute for Space and Research (INPE). Mahigit tatlong linggo na ang nakalipas mula nong nangyari ang insidente. Ikinaalarma ito ng lahat sapagkat napakahalaga ng papel na ginagampanan ng

Amazon sa mundo bilang “Lungs of the World” na nagbibigay 20 porsyento na oxygen. Ang pagpapatuloy ng sunog sa Amazon ay posibleng makaapekto sa klima ng bansa. Nagsisilbi rin na tahanan ng mahigit 3 milyong uri ng hayop at halaman maging isang milyong indigenous na mga tao. Wala pa ngang impormasyon ang makapagpapatunay kung ano talaga ang punot-dulo ng pangyayari kung kaya't hindi tumitigil ang bawat isa sa pag-alam. Panawagan din ni Pope Francis na mag-alay ng panalangin para makontrol agad ang sunog sa kagubatan ng Amazon. (Eleazer Cowak)


Pagmamaneho ng motor sa minor de edad,ipinagbabawal Laking gulat na lamang ng mga mag-aaral mula sa Tampilisan NHS sa biglaang pagharang sa mga motorsiklong papasok at papalabas mula sa nasabing paaralan. Minsan na rin itong nangyari noong gabi ng ika-30 ng Hunyo sa municipal plaza na karamihan sa mga nadampot ay mga mag-aaral sa SHS. Alibi nila ay mag-eensayo lamang ng sayaw para sa kanilang presentasyon. Dagdag pa ng mga estudyante, hindi na raw bago sa kanila ang lugar dahil nakasanayan na nila ang mag-ensayo tuwing magkakaroon sila ng presentasyon. Karamihan sa mga sinisita ay mga walang lisensya, menor de edad at motorsiklong walang “muffler” o pantaggal-

ingay sa tambutso. May iilang uminit ang ulo at nakipagtalo sa pulisya. Ngunit sa huli ay wala rin silang nagawa kundi sumunod na lang. Ayon sa pulisya, ang kanilang ginawa ay alinsunod sa Joint Administrative Order (JAO) No. 2014-01 Revised Schedule of Fines and Penalties for Violation of Laws, Rules& Regulations Governing Land Transportation Office. Kung kaya, hinihikayat ng pulisya ang lahat lalo na ang mga magulang na basahin at intindihin ang nilalaman ng JAO No. 201401 at huwag pahintulutan ang mga menor de edad sa pagdala ng motorsiklo para iwas-disgrasya. Ugaliing sumunod at tapat sa pinaiiral na batas para sa maayos at maunlad na lipunan. (Jelyca Turnos)

GPP ng Tampilisan NHS, mas pinagbutihan pa Isinusulong ng DepEd, kasama ang Bureau of Learner Support Services-School Health Division(BLSS-SHD) ang p a g p a p a n a t i l i s a implementasyon ng Gulayan sa Paaralan Program (GPP) sa mga pampublikong paaralan sa Elementarya at Sekondarya. Pinagbabatayan ng programang ito ang kasunduan sa DepEd Memo (DM) No. 293, S. 2007 na nanghihikayat sa mga publikong paaralan na magkaroon ng gulayan sa paaralan. Nito lang Hunyo 2019, mas pinagbutihan pa ng TNHS ang Gulayan sa Paaralan sa pamumuno ni G. Louie James Eisma, TLE Coordinator. Labis ang suporta ng Local Government Unit (LGU) sa pagbibigay ng kagamitan sa pagtatanim at binhi. Layunin ng programang ito na

Talento ng TNHS, nangibabaw Tunay ngang palaban ang mga mag-aaral ng Tampilisan National High School at pinatunayan nila ito sa nagdaang kompetisyon sa Buwan ng Wika Pangklaster na Tagisan ng Talento noong ika23 ng Agosto taong kasalukuyan, na ginanap sa Salug NHS. Kabilang sa mga patimpalak ay ang Interpretatibong Pagbasa na binubuo ng isang grupo mula sa Baitang 7-10, Pagsulat ng Dagli

para sa Baitang 8 at Patimpalak sa Dagliang Talumpati naman para sa SHS. Habang ang paligsahan para sa Spoken Poetry, Balagtasan, Masining na Pagkukwento, at Movie Trailer ay hinusguhan sa pamamagitan ng video presentation . Bumida ang mga kalahok na sina Caryl Jean Manginsay G7SSP, Sham Izeah Jumawan G8SSP, Reynalyn Adriano G9-STEM at Henjie Cabarrubias G10-STE na nasungkit ang ikalawang pwesto sa

BIDA ANG TALENTO. Matagumpay at na naiuwi ng mga mag-aaral ng TNHS ang ikalawang parangal Interpretatibong Pagbasa. | Larawan mula kay Maam Mercedes Bontigao

3rd BSP Council Wide, dagsa ang partisipante Humigit kumulang 200 magaaral ang lumahok sa 3rdCouncil Wide Simultaneous Institutional Camp nito lamang ika-30 ng Agosto hanggang ika-1 ng Setyembre 2019 sa temang “ Commitment to Excellence”. Tampok sa aktibidad ang pagtuturo ng mga katangian ng iskawt. Isa na dito ang pagtuturo kung paano ang pagbenda at paglipat ng pasiyente, pang-unang lunas, paano magbasa ng kumpas, magbigay ng senyas gamit ang Morse Code, at iba pa na mahalaga sa scouting. Nagdaos din ng

Talentadong Scout 2019, kung saan pataasan ng Tore gamit ang mga barya. Tinanghal bilang Talentadong Scouts 2019 G. at Bb. sina G. Rey Darriel Rabuya at Bb. Cara Ashly Biolango. “Isa sa hindi ko makakalimutang karanasan ay ang lushing at basic knots. Natutunan ko ring bumangon ng maaga, magbudyet na walang gabay ng aking mga magulang at maging independe,” ayon kay G. Earl Francis Dondoyano na lumahok sa nasabing scouting. (Nikolai Ivanovich B. Villacura)

kategoryang Interpretatibong Pagbasa. Nakuha naman ni Jelyca Turnos G12-ABM at Angela Bianca Calma G8-SSP ang panganim na pwesto sa Patimpalak ng Dagliang Talumpati at Pagsulat ng Dagli. Pumapangatlo rin si Leah Mae Candes para sa paligsahan ng Spoken Poetry habang nasungkit nina Kent Jerim Tagab G9 - STE, Cara Ashly S. Biolango G10- STE, at Suzzane Marie B. Villacura G8SSP ang pangatlong pwesto sa patimpalak na Balagtasan. Kasama sa mga kalahok ang mga tagasanay na sina Gng. Mercedes Bontigao, Gng. Narcisa Satur, G. Renilo Tatoy at Bb. Zaira Mae Bunac. Ang naturang paligsahan ay may temang Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino na layuning ganyakin ang mga Filipino na pahalagahan ang wikang katutubo sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga gawain ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. (Daisery B. Daarol)

NUTRISYON SA PAARALAN. Patuloy na isinusulong ng paaralan ang kahalagahan ng kalusugan at nutrisyon para sa ikakabuti ng mga mag-aaral. | kuha ni Crissa Jane Almojallas

siguraduhing mapanatili ang suplay ng gulay para sa school-based feeding program para masolusyunan

kaagad ang problema sa malnutrisyon na nararanasan ngayon ng ilang mag-aaral. (Daisy Jane Bandico)

Oplan Linis-Basura sa dumpsite, isinagawa Sa pangunguna ng SSG Officers nilinis ng mga magaaral ang mga basura sa paaralan nito lang ika-20 ng Hunyo taong kasalukuyan. Pagkatapos na inanunsyo sa seksiyon mula Baitang 7 hanggang Baitang 12 ang tungkol sa mga gawain, agad na sinimulan ang paglilinis ng dumpsite pagsapit ng 3:30 ng hapon. Mula sa mga dalang sako, sinimulan ang paghiwahiwalay ng mga basura na mabubulok katulad ng papel at tira-tirang pagkain mula sa

mga basurang di-mabubulok kabilang na dito ang pambalot na plastic, medical waste. Inihiwalay rin ang mga basurang magagamit pa katulad ng mga plastic bottles at ang nabubulok ay ginawang pampataba sa gulayan ng paaralan. Ang gawain ay alinsunod sa Resoulution No. 2 ng SSG Officers sa layuning makatulong sa mga tagapagkolekta ng basura upang maging maayos at madali ang kanilang trabaho. Palaging tandaan na ang wastong segragasyon ng basura ay tungo sa maayos at malinis na kapaligiran. (Kinner Chris Rapal)

Girl Powered Nutrition, ipinatupad sa Tampilisan Matagumpay na isinagawa ang GSP Feeding Program noong ika- 1 ng Setyembre taong 2019 sa Malisa, Tampilisan, ZN sa pangunguna ni Gng. Nenita P. P a n g g o y, G S P Coordinator. Ang bilang ng mga magaaral sa nasabing programa ay 16 na nasa edad na 3-10 taong gulang. Tinuruan sila kung paano ang wastong gawain bago kumain.

Kabilang na rito ang pagdarasal, paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain. Ilan sa mga pagkaing inihain ay lumpia, champorado, tinapay, juice at iba pa. “Nagpapasalamat po kami sa buong staff ng GSP ng Tampilisan NHS sapagkat sa simpleng programa na ito, may natutunan po ang mga bata na nagbigay ng makabuluhang karanasan sa kanila”, masayang pahayag ng isa sa mga magulang ng mga bata. (Nikolai Ivanovich B. Villacura)

Pwersa ng guro sa TNHS, nadagdagan Nadagdagan na naman ng bagong guro ang paaralan ng Tampilisan National High School nito lang buwan ng Hunyo at Hulyo sa kasalukuyang taon. Sila ay sina G. Ellizer Ediza, Gng. Rosalinda Cuenca, G. Renilo Tatoy at Bb. Ana Pamela Satur. Ito'y tugon sa anunsyo ng DepEd sa pagtanggap ng mga aplikante para sa Junior at Senior HS. Nabigyan ng pagkakataon ang mga guro na makapasok ngunit hindi naging madali ang kanilang pinagdaanan. Dumaan pa sila sa ranking. Kaakibat nito ang pakitang-turo, interview at English

Proficiency Test. Buwan pa ang hinintay upang malaman kung kasali ba ang kanilang pangalan sa Registered Qualified Applicants (RQA) na kailangang umabot sa cutoff score na 70 puntos.

Laking tuwa ng mga guro at mag-aaral sapagkat bagong kaalaman na naman ang makukuha mula sa kanila. Bagong kaalaman, tungo sa magandang kinabukasan. Dakila ka aming guro, turo mo’y isasapuso. (Eleazer Cowak)

GURO NG PAGBABAGO. (Simula sa kaliwa) Gng. Rosalinda Cuenca, G. Ellizer Ediza, G. Renilo Tatoy at Bb. Ana Pamela Satur bilang mga guro na nailuklok para sa Junior at Senior High School. | kuha ni Justmine Cacho


EDITORYA L

DAGDAG-SAHOD: Hinaing ng mga guro

Marami na sa mga tao ngayon ang naghihirap at nagigipit dahil sa mga bilihing pataas ng pataas ang presyo. Isa ito sa mga dagdag-pasanin ng mga manggagawa lalong-lalo na ng mga guro. Kaya kailan ba masasagot ang katanungang ito na matagal nang hinihintay ng lahat na mga guro? Dagdag sahod para sa mga guro, kailangan ba talaga ipapatupad? Iyan ang paulit-ulit na tanong ng mga guro sa gobyerno dahil pati sila ay nagigipit at nahihirapan na rin sa mga matataas na presyo ng mga bilihin at mas lalo silang nahihirapan sa pagtitipid para sa araw-aarw na kailangan ng kanilang pamilya. Kulang na kulang ang sahod ng mga guro na umaabot sa 20 libong sa isang buwan. Minsan nababawasan pa ito kapag hindi sila nakakapasok. Ang mga guro ay may kabuuang 8 oras para magtrabaho at magturo sa paaralan. Minsan, kailangan pa nilang maglaan pa ng oras o tinatawag nating “overtime” dahil sa mga karagdang gawain na kailangan tapusin. Sa hirap ng buhay, ang sahod na nakukuha ng mga guro ay hindi maiiwasang minsa'y walang maitabi at kung meron man, ito'y iniipon at tinitipid. Gaya ng ibang mga manggagawa, ninanais din nila ang pagpapataas ng sahod. Kapuri-puri ang tungkuling ginagampanan ng mga guro sa parte ng pag-unlad n gating bansa. Ang pagtutuunan ng pansin sa kanilang mga hinihilang para sa kanilang ikabubuti ay nangangahulugan ding pagbibigay halaga sa hinaharap. Maraming mga kabataan ngayon ang nagsasabing hindi nila nais ang maging guro dahil sa pagod na trabaho at kakarampot na sahod. Pero, sa kabila nito may mga kabataan pa ring nais ang propesyong ito upang makatulong sa bayan. Sana naman dinggin na ngayon ang matagal na hinaing ng ating mga guro. Kaya sana pakinggan ito, isulong at huwag iurong ang dagdag sahod para sa mga guro.

CHINA: Kaibigan ba kamo?

Babaeng Moderno:

Isang Nakakabahalang Pagbabago

“Tinatapakan na ang mismong lugar natin at tila walang aksyon ang pamahalaan dito..”

“...sadyang nakapagtataka lang isipin kung bakit magbabago na rin lang ay magiging nakakabahala pa ang mga ito.” Allia Mie Comodas

Jelyca Turnos Taong 2016, ika-12 ng Hulyo ng paboran ng Permanent Court of arbritation (PCA) ang Pilipinas sa pag-angkin sa West Philippine Sea. Tatlong taon na ang nakalipas ngunit patuloy pa rin ang pagpaparamdam ng China. Naguumpisang umusbong ang usapin noong 2012 at hanggang ngayon patuloy pa rin ang pag-aligid nito sa naturang isla. Pebrero 10 sa kasalukuyang taon nang may namataang 87 na barkong China sa West Philippine Sea, hindi lang ito nagtapos dito at nasundan pa ito ng ilang beses at tila ba mas dumarami pa ang mga barkong ito. Kamakailan noong Hunyo, napabalita ang pagbanggang barko ng China sa bangkang pangisda ng mga Pilipino na muntik ng ikamatay ng 22 na Pinoy. Mabuti na lamang ay nasaklolohhan kaagad ito ng mga mangingisdang Vietnamese. Ayon sa mga mangingisdang Pinoy ay naka-ankla sila ng banggain ng Chinese Fishing Vessel ang kanilang bangka sanhi upang mawasak ito. Teka lang ha? Bakit parang pumapabor yata ang pangulo sa

China? Pilipino ang tinapakan dito, mismong lugar na pag-aari pa natin tila yata walang aksyon ang pamahalaan dito. Hindi porke’t sinabi ng pangulo na hindi makikipag-away sa China ay hindi na nga siya iimik ukol dito. Para saan pa na napunta sa atin ang West Philippine Sea kung pinagmumukha naman ng China na wala tayong karapatan dito. Marami nang nilalabag ang China sa teritoryong sakop ng Pilipinas ngunit tila wala pa ring aksyon ang gobyerno ukol dito. Naglabas man ng balita na pupunta ang pangulo sa China sa katapusan ng buwan ay hindi pa rin tayo makasisiguradong magiging positibo ang kalalabasan nito. Hindi madadaan sa pagkakaibigan ang isyung ito. Mayaman ang isla ng West Philippine Sea kaya kahit sinuman ay gugustuhing pakinabangan ito. Hindi sa sinasabing hindi na maaaring mangisda pa ang mga taga China sa isla, ang amin lang ay sana respeto lang sa mga mangingisdang Pilipino, hindi lang dahil sa lugar na ito ng Pilipinas kundi dahil pare-pareho lang tayong tao.

Iginuhit ni Peter Balili

Sumasagi sa ating isipan kung bakit nagbabago ang kaugalian ng mga kababaihan sa paglipas ng panahon. Marami na sa kanila ang nabago ang kaanyuan at pilit na sinusuway ang ligtas na batas para sa kababaihan. Dahil malaya na nating sundin at gawin ang mga bagay na gusto hindi inda kung ito’y magdadala sa atin sa kapahamakan. Sadyang nakapagtataka lang isipin kung bakit magbabago na rin lang ay magiging nakakabahala pa ang mga ito. Isang malaking pagbabago ang nagaganap sa mga kababaihan sa kasalukuyan at marami na rin sa kanila ang nakakaranas ng matinding pagsubok na sumasalamin sa kanilang personal na buhay. Isa sa mga karumaldumal na lumalalang sitwasyon ngayon ang harassment na karaniwang nararanasan ng mga kababaihan. Maaaring pangha-harass mula sa mga kalakihan o sa kapwa kababaihan. Makikita natin ngayon sa bangketa o maging sa ating paligid na may mga babaeng nakagawian na rin ang mga nakagawian ng mga

kalalakihan. Nababalita na ngayon na marami nang mga kababaihan ang nadadakip ng mga awtoridad at nakukulong dahil sa mga malalaswang gawain. Nagiging mga adik at hinahamak ang sarili para mamuhay kung saan sa tingin nila doon sila masaya. Ngunit sasaya nga ba sila o ito pa ang magtutulak sa kanila sa isang mapanganib na paraan ng pamumuhay? Marahil ngayon ay marami nang mga kababaihan ang namomoblema dahil sa katayuan nila sa buhay o mas gusto nilang umahon sa kahirapan kaya't kahit isang delikadong gawain ay pinipilit nilang sundin para makamit ang bagay na kanilang ninanais. Bukod din sa mga ito, hindi rin natin maiiwasan na marinig na may ibang kababaihan ngayon na hindi lang pamumuhay ang sinisira kundi maging ang kaluluwa, anyo, ugali at kasarian. Ngayon ay lumalala na rin ang pagpapa-plastic surgery na

kalimitang isang matinding inggit ang naging dahilan nito. Kagaya na lang ng mga naiidolohan nila na dahil sa pagnanasa nilang maging kamukha ang mga ito ay nakukuha nilang magpalit-anyo. Pero paano kung ang pagnanasa nilang ito ay isang hindi magandang kinalabasan? Mayroon tayong tinatawag na insecurity o kawalan ng kapanatagan karaniwang naging dahilan kung bakit dumarami ang mga manggagaya at mga ambisyosang walang magawa sa buhay kundi ang mainggit sa iba. Mga taong hindi marunong makontento kung anong mayroon sila. Kung kaya't mas pinili nilang mag-ibang anyo. Nakakalungkot nga lang isipin na kakaunti na lamang sa mga kababaihan ngayon ang mas pinipiling mamuhay ng matiwasay at maging simple. Nawa’y magbigay ito ng kamalayan sa lahat lalo na sa kababaihan.Tratuhin natin nang mabuti ang mga kababaihan upang hindi sila magnanais na kumimkim ng poot at mahalin natin sila dahil ito ang pinakamahalagang birtud bilang isang tao.

PATNUGUTAN PUNONG PATNUGOT CARA ASHLY S. BIOLANGO | PANGALAWANG PATNUGOT NIKOLAI IVANOVICH VILLACURA | PATNUGOT SA BALITA ELEAZER COWAK | PATNUGOT SA LATHALAIN GRACE QUINE | PATNUGOT SA AGHAM AT KALUSUGAN AIMEE DOREEN T. SASTRILLO | PATNUGOT SA AGHAM AT TEKNOLOHIYA JELYCA A. TURNOS | PATNUGOT SA ISPORTS DAISERY B. DAAROL | PATNUGOT SA PAG‐AANYO ADRIAN E. TOTO | FOTOGRAPI JUSTMINE B. CACHO, CRISSA JANE A. ALMOJALLAS, CHRISSEL KATE B. CADUNGOG | PATNUGOT SA KARTUNG EDITORYAL PETER M. BALILI JR | PANGALAWANG KARTUNIST JOTHAM GERALDEZ | TAGAPAYO SA PAGWAWASTO GNG. ALLENE KEAVENEY V. BAYON, G. RENILO D. TATOY, GNG. ROZZEILLE JYNE GERALDEZ |TAGAPAYO SA PAG‐AANYO LOUIE JAMES F. EISMA | MGA MANUNULAT JOHN REY GARDOCE, ANGELA BIACA CALMA, CHRISTIAN BONG TORRINO, LOREFE HAGUNOS, BELEN PATIS, HENJIE CABARRUBIAS, KINNER CHRIS RAPAL, ALLIA MIE COMODAS, DAISY JANE BANDICO | MGA ENCODERS ANTHONY WINFIELD OLIVAR, RHEYNALD QUIBOYEN | TAGAPAYO ZAIRA MAE V. BUNAC, CHARLENE MAE A. DIACOMA KONSULTANT GNG. DELMA L. TROYO PUNONG‐GURO G. MARCIANO C. CABABAT TAGAPAMAHALA SA MGA PAARALAN NG TAMPILISAN LECITA F. TUBAL, EMD


Impluwensiya sa Makabagong Henerasyon

Kahalagahan ng kakahuyan

“Hindi henerasyon ang nagpapabago sa atin, tayo ang nagpapabago ng henerasyon.”

“Si Ina ay napapagod na. Buksan ang isip, lumaban tayo para sa kanya...”

Grace Quine

Cara Ashly Biolango

Punongkahoy na nagbibigay buhay katumbas ng isang matayog na gusali. Ganyan na ang sangkatauhan sa kasalukuyan dahil sa pagpapalago ng urbanisasyon. Isang punongkahoy na ipinagpalit sa mga isktrukturang dumadagdag bilang mabigat na problema sa mundong kinatatayuan. Urbanisasyon na may napakalaking epekto sa kalikasan ngunit iniisip pa ring nakakabuti ito sa lahat. Ganito na ba ang mga mamamayan ngayon? Sa tingin niyo ba nakakatuwa na? Putol dito, putol doon. Pira-pirasong mga punongkahoy na wala namang ginawa kundi protektahan

ang bawat buhay ng tao. Nagbigay ng mga pangangailangan sa lahat ng bagay na nabubuhay. Paulit-ulit na lamang itong pinag-uusapan ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa ring ginagawa. Paulitulit pa rin ba itong ipapaalala? Ang Kaingin ay nakakamatay kay Inang Kalikasan. Ang mga hayop na naninirahan dito ay mawawala ng ikabubuhay mauuwi ito sa paghulipol ng lahat ng mga kahayupan. Sanhi ng pagtatagal ng Carbon Dioxide sa kapaligiran na nakakasira sa kalusugan ng mga tao, pagguho ng lupa at pagkakaroon ng laganap na pagbaha sa partikular na lugar. Ang paraisong biyaya para sa atin

nawalan na nang sigla ngayon. Hindi niyo ba nababatid? Unti-uti na tayong nawawasak, dahandahan tayong pinapatay ng sarili nating ginagawa. Hihintayin mo pa bang sumuko si Inang Kalikasan? Siya ay napapagod na. Buksan ang ating isip, lumaban tayo para sa kanya. Isipin natin ang susunod na henerasyong nasasabik sa kanilang pagdating. Problema talaga ang isyung ito, dapat tayong matuto. Darating ang araw na maniningil siya. Tao, gumising ka na! Huwag nating hintaying maningil Siya at sabihing,“Buhay ang sinira, buhay rin ang kapalit.”

LGBTQ: Itigil na ang panghuhusga “Respeto.. hindi man lang naipapakita, talagang nakakalungkot ng sobra.”

Sa apat na sulok ng silid-aralan ay kapansin-pansing wala sa tamang huwisyo ang mga mag-aaral. Mayroong naglalaro ng mobile games, may nagbabasa ng pocketbook, may nagpupulbo, may nakikinig ng musika sa headset, may nagdadaldalan waring kanilang nakalimutan na sila ay nasa paaralan, samantala ang guro, hayun at paos na ang boses sa kakaturo. Ang silid-aralan na dapat ay isa sa mga paarte na pupuno sa ating pagkatao ay dapat na larawan ng isang magandang pagsasama kasabay ng pagkatuto. Dahil nga naman sa bagong henerasyon, naimpluwensiyahan ang kabataan kaya't heto at nahihirapan nilang ibaling ang kanilang atensyon sa pag-aaral. Ngunit, dahil nga ba sa makabagong henerasyon? Ayon pa sa aking guro, “Hindi henerasyon ang nagpapabago sa atin kundi tayo ang nagpapabago ng henerasyon”. Kung kaya't dapat alam natin na ang pagbabago ay nagsisimula una sa ating sarili. Kahit anong gawing estratehiya ng guro para maituon ang atensyon sa pag-aaral ay wala ring mangyayari kung hindi bukal sa ating kalooban ang matuto at hindi tayo pursigido na ituon ang ating sarili sa ating mithiin. Sa sobrang pagkagiliw natin sa gadgets at iba pang teknolohiya ay hindi na natin napapansin ang tunay na kahulugan ng mga bagay-bagay, maliit man o malaki. Tulad na lang ng pagtuturo ng mga guro, ito ay para sa ating kabutihan at sariling kapakanan. Mabibilang na lang sa mga daliri ang mga mag-aaral na nagbibigay halaga sa mga bagay na ito. Bilang isang mag-aaral ay ninanais ko ring maiwasan ang mga hinaing ng ating mga guro. Huwag nating hayaang manaig ang mga materyal na bagay dahil ito ay isa sa mga dahilan kung kaya't ang iba ay nawawala sa tamang landas, bagkus ay pagtuunan natin ng pansin ang mas importanteng bagay – ang ating pag-aaral. Lahat ng hirap at pagsusunog ng kilay ay may patutunguhan. Tutal sa umpisa lang tayo mahihirapan ngunit alam nating tayo rin ay aani ng lahat ng ito pagdating ng panahon. “Kung may itinanim, may aanihin”, ika nga nila. Matutulungan natin ang ating sarili pati na rin ang mga taong umaasa sa atin tungo sa magandang buhay.

Christian Bong Torrino Babae at lalaki… Dalawang kasarian lamang ang ating kinikilala kaya madaling manghusga kapag makakakita tayong naiiba sa dalawang pangunahing kasarian. Bakla, tomboy, bisexual, at transgender. Ang mga nabibilang sa kanila ay tila hinuhusgahan, walang lugar kung saan malayang naipapakita ang totoong karakter nito. Ang iba ay nasanay sa pagtataboy sa kanila, ngunit isiping dapat nasa lugar ito. Kagustuhan lamang ng mga ito na sila'y irespeto sa kabila ng kanilang pagiging iba. Bilang isang mag-aaral nakikita ko na sa kabila ng mga

batas na umiiral para sa kanila hindi pa rin tumitigil ang paghuhusga sa kanila. Simple lang ang hinihingi ng mga kaibigan natin na nabibilang sa LGBTQ, iyon ay ang pagkakapantay-pantay sa lahat ng aspeto. Ngunit ito ay hindi man lang naipapakita at talagang nalulungkot ako ng sobra. Ang ating lipunan ay talaga namang napakadaling manghusga sa mga taong iba sa kanilang sarili. May mga batas nga nagbibigay proteksiyon sa kanila ngunit hindi pa rin ito sapat dahil may mga tao pa ring mapanghusga at madaling mambulalas. Patunay ba ito na hindi natin sila tanggap sa

ating lipunan o sadyang hindi lang natin maamin na sila ay maituturing din na dangal sa ating bansa? Sana naman maitigil na ang paghuhusga, hindi lang sa kanila kundi pati na rin sa mga taong na iba sa atin. Hindi ba kaysayang tingnan kung lahat ay magkakapantay-pantay? Kung ako ang tatanungin, talagang nakakagalak na makita ang ganitong pangyayari. Maaari pa tayong magbago, ipakita sa kanila sa sila'y mahalaga at hindi iba. Simpleng bagay ang kanilang hinihingi, ipakita natin ito nang walang pagkukunwari.

Liham Para sa Patnugot Mahal kong Patnugot, Taos-pusong nagpapasalamat po ako sa pagkakaroon ng sapat na tubig at kuryente sa aming building, kung saan nakatutulong ito sa mga mag-aaral at guro na gumamit ng maayos na palikuran ang bawat isa. - Janica Lorene Hamoy, G10-STEM Mahal kong Patnugot, Nagagalak po ako dahil sa wakas may canteen na malapit sa aming gusali at hindi na ako maglalakad ng malayo para makabili. - Jevaney Busig, G11-ICT Mahal kong Patnugot, Nagpapasalamat po ako dahil nasimulan na ang pagpapagawa ng maayos na daan patungong paaralan, hindi na kami mahihirapang maglabas-masok dito. - Harlyn Cabarrubias, G7-STVEP

Sang-ayon ka ba na ipapatupad ang “No Homework Policy”? Hindi, dahil wala ng gawain sa bahay ang mga mag-aaral na konektado paaralan. Marami mang mga gawaing-bahay ang iba ngunit karamihan ay gumagala lang sa labas ng bahay. - Krezel Mae Carillo, 9-Love

Hindi ako sang-ayon dahil hindi na gagawa ng trabaho ang mga anak, social media na lang ang aatupagin nito katulad ng facebook, twitter, at instagram na syang patok sa panlasa ng mga kabataan ngayon. - G. Ronnie Biolango, Magulang

Oo, dahil nakakapagod gumawa ng takdangaralin, sa una't sapol sa paaaralan lang din naman gagawin. Dumadagdag lang ito sa mga gawaingbahay kaya mas mabuting ipatupad ang patakaran ito. - Rommel Caromayan, G12 EIM

Hindi ako sang-ayon dahil magiging indolente na ang mga kabataan maliban na lamang sa mga working student. Ngunit karamihan din sa mga ito ay pinapaaral ng mga magulang kaya hindi makakabuti kung ipapatupad ang “No Assignment Policy”. - Gng. Delma Cababat, Guro - Cara Ashly Biolango at Nikolai Villacura




Iba’t ibang Kwento ng Kabataan Walang anumang hadlang sa taong may tapang Ma, Pa... Ako naman Jelyca Turnos Ma, Pa… sa tuwing nag-aaway

Grace Quine

kayo nandoon lang ako sa isang sulok,

umiiyak. Gusto kong sumigaw na tama na

“Aking ina, ikaw ang nagbigay ng buhay ko...Buhay na kay ganda. Pangarap ko na makamtan ko na”. Isang madamdaming awiting alay ng isang hindi pangkaraniwang mag-aaral ng Tampilisan National High School nang ginanap ang Recognition Day, Agosto 23 ng hapon. Sa apat na sulok ng bulwagan ay mayroong mga estudyante, mga magulang at mga gurong tahimik na nakikinig sa tinig ng munting batang si Rico Bayon. Si Rico ay nagmula sa ika-pitong baitang kasama ang kakambal na si Ricky. Walo silang magkakapatid at ang tanging pamumuhay lamang ng ama ay ang magsaka samantalang ang kanilang ina ay sa bahay lamang. Bakas ang payak na pamumuhay sa kambal sa Rico at Ricky. Ang batang si Rico ay may kapansanan ngunit hindi ito nagiging hadlang upang siya ay mag-alay ng kanta para sa panauhin kahit na nahihirapan. Habang umaawit ng buong giliw ay napukaw nya ang interes ng mga nakikinig. May ginising siyang kung anong damdamin na naging sanhi upang tumulo ang butil ng luha ng mga manonood sinabayan pa ng madamdaming awitin. Ito ay kapansin-pansin lalong-lalo na sa ating mga butihing ina na kilalasa pagkakaroon ng mamon sa puso. Sa kabila ng kalagayan ay hindi pansin ang mapanuring mata bagkus ay patuloy na hinaharap ang hamon sa buhay, matatag at handang humarap sa anumang pagkakataon. Isang kamangha-mangha dahil bihira lamang ang mga kagaya niyang may tatag na tumayo at humarap sa mundong puno ng mapanghusga. Imbis na pang-huhusga ay masigabong palakpakan ang sumalubong kay Rico ng matapos siyang kumanta. Sumilay ang maaliwalas na ngiti mula sa mga labi. Kay gaan pagmasdan. Hindi alintana ang anumang bagay bagkus ang matatagpuan mo lamang sa kaniyang mga mata ay ang pagiging kuntento sa kung anong mayroon siya. Ito ang klaseng damdamin na minimithi ninuman. Sana ay maging magandang ehemplo si Rico sa mga kabataang kagaya niya, may kapansanan man o wala. Huwag matakot humarap sa reyalidad, dahil baka ang iniisip mong kahinaan mo ay magsilbing daan tungo sa kalaksan mo at ng ibang tao. Huwag nating maliitin ang ating kapuwa at ang kakayahan nila. Higit na ang buhay na kinakaharap at landas na tinatahak nila sa buhay.

Henerasyong Hinuhusgahan

“Hindi ka makakapagtapos.” “Ano na lang kaya ang magiging kinabukasan mo?” “Bobo! Walang kwenta!” “Tanga! Dapat tularan mo siya.” “Wala ka na bang magawang tama? Mabuti pa 'yong anak ng kapitbahay natin!” Nakakaduwag. Nakakapagod. Saan ako lulugar? Sabihin niyo? Saan? Sapagkat napakasakit na. Nakakaduwag na ang mga katagang pauli-ulit niyong pinapamukha sa amin. Nakakapagod ng gumising sa bawat araw ng aming buhay at paulit-ulit na hanapin ang mga panghuhusga't pagmamaliit niyo sa amin! Kailan ba kayo matatauhan na ang bawat isa sa amin ay magkakaiba. Sana naman huwag niyong asahan na maging katulad niyo kami noong kapanahonan niyo. Kasi

ang totoo lang, napakalabo na. Napakarami na ang nagbago. Pati nga pakikitungo niyo sa amin noon at ngayon napakalaki ang ipinagbago. Itinuturing niyo kaming iba at disgrasyada. Kailan ang araw na mababago ang inyong pagtingin sa'min? Sana matanggap niyo kami. Hindi lang ang mga magagandang bagay na kaya naming gawin, kundi pati na rin ang kamalian na maaari naming magawa ng hindi sinasadya. Tao rin kami, nasasaktan, nasusugatan at nagkakamali. Lahat ng inyong mga sinasabi ay nagdudulot sa aming puso ng sakit at poot. Huwag niyong ipamukha sa amin na kami ay walang kwenta.

ngunit wala akong lakas ng loob na gawin iyon. Pa, noong umalis ka at pinili kung saan ka mas masaya, nandoon lang ako sa likod

mo,

umiiyak,

hinihintay

ang

paglingon mo, baka sakaling magbago ang desisyon mo. Halos araw-araw hinihintay ko ang pagbabalik mo kahit ang pangako na babalik ka sa graduation ko. Ma,

noong

mga

panahong

kailangan mong bumangon sa umaga at at pagsabayin ang pagiging nanay at tatay sa amin, nandoon ako sa sulok nakatingin sa iyo, umiiyak. Lahat ng paghihirap mo nasubaybayan ko. Lahat ng sakit mo nadama ko. Kaya ipinangako ko sa sarili kong magiging matatag ako para sayo, sa inyo ng kapitid ko. Ma, Pa… nakita ko at nasaksihan ang paghihiwalay niyo. Wala kayong narinig sa akin noon. Kaya sana ako naman ngayon. Ako naman ang pakinggan niyo, ako naman ang isipin niyo. Sabi nila walang magulang ang gustong nahihirapan ang anak nila. Walang magulang ang gustong makitang masaktan ang mga anak nila. Talaga ba? Kaya pala Papa, noong iniwan mo kami at pinasa sa akin ang sana ay responsibilidad mo, andoon ka at masaya na sa binubuo mong bagong pamilya. Halos araw-araw ng pagdaing mo noon, mama dahil sa wala na tayong maipambili ng pagkain ay siya ring paulitulit na saksak sa puso ko at sampal dahil iniisip ko kung gaano ako ka walang kwentang anak. Ma, Pa… ako naman. Ako naman ang tingnan niyo. Pansinin niyo naman ang epekto ng paghihiwalay niyo. Hindi biro. Nagmamahal,

Pagod na Anak....

Kabataan: John Biyaya at Pag-asa Rey Gardoce Kabataan siyang pinagkalooban Ng pag-asa sa bawat mamamayan Sa kabila ng paglipas ng panahon

Daisy Jane Bandico

Hindi sana magbabago kagaya ng noon

Hayaan niyo.. at hintayin niyo.. Kaming mga kabataan ngayon na sinasabi niyong walang pag-asa? Maaalala niyo rin dahil sa aming nagawang mahalaga. Hindi pa man mangyayari ngayon, ngunit sa bukas at sa darating na panahon ipapakita namin ang aming angking kakayahan. Sisiguraduhin naming na magdudulot ito ng kabutihan at kaayusan hindi lang sa lipunan kundi sa buong mundo. Walang perpekto sa mundo kaya sana ngagyon sa aming henerasyon at sa darating pa, itigil na ang paghuhusga at paghila niyo sa amin pababa.

Kabataan ang pag-asa ng ating bayan Kaya dapat sila'y ating gabayan Nang sa gayon sila'y makadaan Sa tuwid at tama na pamamaraan Kabataan sa bagong henerasyon Siyang titingala ng ating tradisyon At hikayating hindi ipapalimot Ang nakagisnang asal, paniniwala't mga suot Sa pag-usbong nitong makabagong teknolohiya Ay ang pagpapabilis sa aspeto ng paggawa Tila ba kanilang pinapaalala Ang dating nakagawian at pagpapahalaga Bagong henerasyon, bagong lider ng panahon Ang magpapatuloy sa nasimulan ng kahapon Sa likod ng ating masalimuot na pinagdaanan Laging ipapaalala sa atin na dapat “smile lang”


“Bulate has been slain!”

EDITORYAL

Dengue, paano ba maiiwasan? “ Kalusugan ay Kayamanan kaya dapat Pangalagaan.” Isang kasabihan na nagpapakita na ang ating kalusugan ay isang kayamanan sa atin kaya dapat pananatilihin ang pagiging malusog ng pangangatawan para hindi madaling mahawaan ng sakit.Dahil sa walang humpay na pagtigil ng ulan noong nakaraang linggo, marami ng kaso sa dengue ang naitatala. Nakakaalarma na ito dahil idinideklara na itong 'national epidemic” ng bansa. Kaya naman labis na pagkabahala ang iniinda ng mga magulang ukol sa sanhi ng sakit na ito. Marami nang namatay at marami pa ang naghihirap dahil dito. Kaya naman, mahalagang malaman ang mga karaniwang sintomas. Iilan nito ay ang pagkakaroon ng lagnat na may kasamang 2 sa mga sumusunod: malalang sakit sa ulo, pananakit sa likod ng mata, skin rash, pagkahilo at pagsusuka, at pananakit ng muscles at joints. Ang mga sintomas na ito ay karaniwang simpleng sakit na iniinda ng isang tao ngunit lingid sa kaisipan na may nakatagong mas malala pa na maaaring ikakapahamak. Ngayon ang tanong, paano ba ito maiiwasan? Paano ba natin mapangalagaan ang ating katawan para di tayo magkasakit? May dalawang lugar tayong dapat isaalang-alang. Kapag nasa bahay siguraduhing walang mga lalagyan ng tubig na maaring nababahayan ng lamok. Siguraduhing nakataob at tuyo ang kahit na anumang lalagyan dahil posibleng dito mangingitlog at sanhi para dumami ang lamok. Ang paggamit ng kulambo at insect repellent ay makakabuti. Isa rin sa magandang paraan ay ang pagtulog sa gabi na gamit ang kulambo na walang butas para walang lamok ang makakadapa at makakakagat sa iyong balat. Kapag nasa eskwelahan naman, madalas mahilig maglaro ang mga bata malapit sa mga ilog na kung kaya ibilin sa mga bata na lumayo sa mga kanal o anumang stagnant water. Panatilihin ang malinis na kapaligiran upang makaiwas sa ganitong sakit. Kapag may sinat ang katawan, agad na magpapatingin sa doktor upang mabigyan ng paunang lunas. Tandaan! Ang dengue virus ay walang gamot o antibiotic kaya laging isaisip ang lahat na kahihinatnan kung para sa ating kalusugan.

Paninikip ng dibdib: Ramdam mo ba? Inhale, exhale…. ating katawan kung gayon ang Minu-minuto lang, heto na ating puso ay hindi nagkakaroon naman. Nahihirapan ulit sa ng tamang dami ng oxygen lalo na paghinga. Di alam ang gagawin, ito'y karga-karga ng ating mga red kung paano ito maaagapan. Parang blood cells. At ang tinatawag mamamatay, di alam kung kailan naman na red blood cells ay dalaang hangganan. dala ng ating dugo. Dahil sa Sa panahon ngayon, ang kakulangan sa oxygen kaya tayo nakakaranas ng ganitong uri ng nakakaranas ng biglaang pagsikip kondisyon ay walang pinipili sa ating dibdib. Ang mga sintomas mapabata man o matanda. Laking ay ang pananakit at paninikip ng pagtataka natin kung ano talaga dibdib. Maaari ring maging sanhi ang tunay na dahilan at tawag sa ang sobrang pagkain at pag-ekondisyong ito. ehersisyo, matinding emosyon Ay o n k a y D r. B l e s gaya ng pagkabigla o galit. Salvador, isang kilalang Kapag ang angina doktor, ang kondisyong ito ay pectoris ay hindi agad tinatawag na angina pectoris. maaagapan, maaaring mas Hindi pamilyar diba? Halika, lalala pa ito. Mas mabuti alamin natin. nang may alam para Ang angina pectoris kalusugan mo'y di ay isang kondisyon na mapabayaan at kung saan may maaalagaan. k a k u l a n g a n n a Larawan mula sa Health Enews (Aimee Doreene dumadaloy na dugo sa Sastrillo)

“Paalam Bulate…” sumasalakay sa ating tiyan, kundi Sabi ng isang batang tatlo! Woah! Ano kaya ang mga ito? masakitin na tinitirhan ang Halika, alamin na natin. Ang tatlong tiyan ng mga masasamang uri ng bulate na pumapasok sa ating bulate. Ilang minuto lamang katawan ay ang mga hookworm, ang nakalipas, ang mga whipworm at roundworm na bulateng pasaway ay namatay pinakalaganap sa ating bansa. na. Salamat sa pagpurga. Ang pangunahing sintomas Ang mga bulate ay na dulot ng bulate ay sakit at isang parasite na titira sa loob paglobo ng tiyan ng isang bata, ng tiyan kung ito'y walang ganang kumain, makapasok sa pagsusuka, biglaang ating katawan. pagpayat o pagtaba, Nagdudulot a n e m i a , ito ng mga pangangati sa sakit at ito'y b a n d a n g dumadami. p u w i t a n , Kaya ang mababang pagpupurga resistensya at lamang ang mababang IQ. t a n g i n g Kaya ang mga paraan na b a t a n g Larawan mula sa Bulate Squad maaring gawin nakakaranas ng isa sa upang mamatay na mga sintomas na ito ay ang mga bulateng ito na maaaring maapektuhan ang tumitira sa ating tiyan. Ang kanyang pag-aaral. tanong, saan nga ba natin Para sa ikabubuti ng lahat, nakukuha ang mga bulate? dapat tayong maghugas ng kamay Ano ang iba pang epekto nito bago at pagkatapos kumain at sa ating katawan? pagkatapos gumamit ng banyo, Ang mga bulate ay sisiguraduhing sapat ang pagkaluto makukuha natin sa ng mga karne na kakainin lalo na maruruming lugar, tubig at kapag ito ay karneng baboy, pati na rin sa banyo. siguraduhin ding malinis ang tubig Makukuha rin natin ito sa na iinumin. Panatilihing malinis ang pagsubo ng pagkain gamit ang ating paligid o tahanan at pwede ring ating mga kamay na hindi komunsulta sa doktor kung naghuhugas at pagkaing hindi nakakaranas tayo ng mga sintomas gaanong naluto o half cooked. para mapurga agad. Ito rin ay kumukuha ng Dahil sa pagkakaisa ng nutrisyon na nagdudulot ng TNHS sa deworming day, lahat ng pagkawala ng sigla at mga estudyante mula sa ika-7 pagkaroon ng sakit. Ang baitang hanggang 12 ay napurga't nakakatakot pa, hindi lang malusog na. Sabi nga nila, “ligtas isang uri ng bulate ang ang may alam.” (Adrian Toto)

BYE-BYE BULATE. Ngiting sinabi ng mga mag-aaral sa isinagawang Deworming Day sa paaralan ng Tampilisan NHS.

Kalusugan at katatagan ang puhunan Napakakulay at napakasaya ang pinagsamang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon at Intramural Meet noong ika-10-12 ng Hulyo taong 2019. Mga iba't ibang laro na masasalihan ng mga atleta. Di ba ang ganda ng programa? Tumatalakay sa nutrisyon at isports. Ang pagpapakita sa kahalagahan ng kalusugan pagdating sa palakasan. Ang isports ay importante sa alinmang pamamaraan. Nakakatulong ito na palakasin ang daloy ng oxygen sa buong katawan natin. Ang kalusugan ay maiuugnay natin sa isports dahil ang tamang pagkain ay makakabigay ng malaking benepisyo sa mga atleta. Bukod sa pag-eehersisyo, nakakatulong din ito na maiwasan ang mga sakit tulad ng stroke o heart attack. Ang ating kalusugan ay may malaking tungkulin sa ating katawan. Kung ang palagi nating kinakain ay mga junkfoods, mga pagkaing galing fastfood at palaging pag-iinom ng soft drinks, mas malapit tayo sa mga sakit na maaaring makasira sa ating katawan. Magdudulot ito ng

Larawan sa iStockphoto

pagkahina at pagkawala ng resistensiya sa ating katawan. Hindi dapat tayo umasa sa mga pagkaing ito. Habang maaga pa, bawasan at iwasan ang ganitong pagkain. Sa halip, kumain ng mga gulay at prutas na naaayon sa go, glow, at grow foods na tiyak na makakapagbigay lusog sa ating katawan.

Kaya ang goal sa programang inilunsad ay kumain ng wastong pagkain at disiplinahin ang sarili upang pagdating sa isports, tayo'y palaging aktibo't nawiwili. “Nutrisyon at Isports ay Pahalagahan, upang ang Katawan ay umabot pa sa Kinabukasan”, ito ang mahalagang mensahe at bilin ng isinagawang programa. (Aimee Doreen Sastrillo)


EDITORYAL

Babala: Teknolohiya, sanhi ng kamatayan “Huwag mong gawin sa iba kung ayaw mong gawin ng iba ito sa inyo” – ginintuang patakaran. Halos lahat sa ating buhay ay nakakonekta sa social media at internet sa pamamagitan ng teknolohiya. Mapapaisip tayo na dati ay nagsusulat pa ang karamihan para maiparating ang gustong maipadama sa ating mahal sa buhay. Sino nga ba ang mag-aakalang isang “click” at magkikita na tayo ng harap-harapan? Maraming natutulungan at nadidiskubre sa internet pero hindi natin maikakaila na ang teknolohiya ay nakakatulong at meron ding nakakasama. Sa tulong mismo ng teknolohiya natuklasan ang ibang paraan ng pangungutya. Tinatawag itong “cyberbullying” na kung saan ang pangungutya ay ginagamitan ng mga digital na aparato tulad ng cellphones, tablets, laptops at iba pang mga gadgets. Uso sa kasong ito ang manghiya, mang-abuso, magbanta at manakot ng indibidwal sa mundo ng internet. Kabilang na rito ang malalaswang mensahe, nakakasakit na pahayag tungkol sa iyo, nakakahiyang imaheng ikinalat na walang pahintulot at iba pa.Ayon sa estatistika, higit sa kalahati ng mga kabataan ang biktima ng “cyberbullying” at sa parehong numero ang nakikisali sa problemang ito. Isa sa tatlong kabataan ang nakakaranas ng “cyberthreats online”. Higit sa 25 porsiyento ng mga kabataan ay paulit-ulit na hinahamon o tinutukso sa pamamagitan ng gadgets at social media apps. Halos 45, 000 ang nagpapakamatay bawat taon at mayroong 100 tao ang nagtatakang magpapakamatay kaya maituturing ito isa sa mga problema ng ating bansa. Ang Cyberbullying ay maaaring magiging mas malubha kaysa sa bullying. Ang karunungan ay susi upang maiwasan ang problemang ito. Dapat malaman ng karamihan ang mga kahihinatnan ng pagbabahagi ng personal na impormasyon sa online. Ang mga regular na kampanya at programa ay dapat na isagawa sa paaralan upang turuan ang mga estudyante tungkol sa cyberbullying at pigilan sila laban sa naturang mga aktibidades. Ang cyberbullying ay hindi maaaring balewalain at responsibilidad ng bawat indibidwal na mag-ulat agad ng ganitong uri ng pag-uugali sa inatasang awtoridad upang ang may kasalanan ay mapaparusahan. Isaisip ang ginintuang patakaran, huwag mangutya dahil ito'y nakakapatay.

Online shopping, try mo na! “Click... click.. Your order is ready to ship from the seller.” Ay iba rin. Ang astig talaga ng online shopping. Aba! Patok na patok ito nga ito hindi lamang sa ating lugar kundi sa buong bansa. Online, ibig sabihin internet ang gamit. Ang ganda naman hindi ba? Ang bilis talagang umunlad gamit ang teknolohiya na pati mag-shopping o bibili ng gamit ay maaari nang gawin online. Magiging masaya kaya kung sumubok ka dito? Kung pagbabasehan ang mga taong nakagamit na nito, sinasabing madali, maaasahan, hindi nakakapagod dahil hindi ka na babyahe sa malayong lugar para lang mabili ang bagay na nais mo. Kpop album. libro, gadgets at iba pa na minsa'y wala sa lugar kung saan ka nakatira, nandiyan na online. Ang kailangan lang dito ay sapat na pera para makabayad sa taong maghahatid sa binili mo.

Ang perang magagastos mo ay nakadepende sa bibilhin mo. Dapat marunong kang maghintay at hindi nagmamadali, ganun lang ka simple! Maraming online shopping na pwede mong itry gaya ng Lazada, Shopee, OLX at iba pa na iilan sa pinakapatok sa ating bansa. Lahat ng mga bagay na hinahanap ay nandito na. Saan ka pa? Nakakatulong ito para di ka na masyadong magastos, dahil sa kanilang samo't saring discounts. Kung gusto mong di ka pagpawisan at maging madali ang pagbili, mag online-shopping ka na! Ngunit, paalala lang. Hinay-hinay lang po sa pagclick nang click ha, baka marami ka nang babayaran at iwasan ang mga retailers na hindi kapanipaniwala. Ang simpleng disiplina ay mag-iiwas sa iyo sa isang problema. (Lorefe Hagunos)

MA-TRY NGA! Online shopping apps na bagong kinahuhumalingan ng mag-aaral ngayon. | kuha ni Chrissel Kate Cadungog

Tampilisan NHS, kampeon sa MathSciAka-interactive ’19 Matagumpay na naiuwi ng mga mag-aaral ng Tampilisan NHS ang gintong medalya at sertipiko para sa SummitMathSciAka Interactive Workshops. Ito ay ginanap kamakailan lamang nang mangyari ang National Science Clubs Summit na tampok sa t e m a n g “ M E TA B O L I Z E : Nourishing the Filipinos Youth Towards National Well-being” ika-7 hanggang ika-8 ng Setyembre sa kasalukuyang taon. Ang koponan ay binubuo nina Henjie A. Cabarrubias, Nikolai Ivanovich B. Villacura, Mary Grace E. Jerusalem, Tristan Airon P. Pontanar at Kian C. Hesula. Ito ang kauna-unahang pagkapanalo ng koponan na siyang nalampasan ang siyam na

GALING NG SIYENTISTA. Nagpakitang gilas ang mga magaaral sa TNHS sa pagkamit ng unang parangal sa MathSciAka. | kuha ni Sir Gee Xyrus Pamunag

estasyon sa Interactive MathSciAka at buong pagmamalaking tinanggap ang parangal bilang first runner up sa Overall Winner ng Summit-MathSciAKa. Humigit-kumulang 1,000 na mga partisipante ang pumunta mula sa iba't

ibang paaralang pampubliko at pambribado ng Zamboanga Peninsula. Mayroon namang 65 na mga delegado ang dumalo mula sa TNHS. Ginanap ang programang nabanggit sa Don Pablo Lorenzo Memorial High School kaakibat ng Ferndale International School. (Cara Ashly Biolango)

Repetitive Injuries, bunga sa paggamit ng gadgets Pamamanhid ng mga daliri, pagtubo ng maliit na bukol sa palad, pagsakit ng daliri paghinawakan, hindi paggalawa ng maayos at pangunguryente sa mga daliri ay ilan sa mga bunga o resulta ng malabisang paggamit ng gadgets na tinatawag na “Repetitive Injuries” na may tatlong klase, ang “Trigger F i n g e r ” , “ C a r p a l Tu n n e l Syndrome” at “De Quervain o Tenosynavitis” ayon sa eksperto. Maaaring maramdaman ng isang tao kapag labis ang kanyang paggamit ng gadgets sa mahabang oras. Isa sa nakararanas ng nasabing sintomas ay si Harris Morillo, isang cab driver na mahilig maglaro ng mobile games tuwing breaktime na halos umabot hanggang magdamag. Ayon kay Dr. Jj Pua isang Orthopaedic Hand Surgeon ng UST Hospital na ang mga nakararanas nito ay posibleng

masakit hawakan at igalaw ang mga kamay. Dagdag pa niya na maaaring mangapal ang buto sa likuran ng leeg kapag parating nakadungo sa mahabang oras gaya ng nakagawian ni Lei Oso na nakaramdam ng pananakit ng likod at batok. M a i n a m n a magpatingin agad sa doktor

para hindi na lumala at malunasan agad ang ganitong mga karamdaman na maranasan ng isang tao o kaya'y magkaroon ng operasyon kapag mapabayaan ito. Payo pa ni Dr. Pua na kung hindi maiiwasan ang paggamit ng gadgets ay ugaling magbagao ng posisyon kada 30 minutos para maipahinga ang kalamnan o muscles. (Eleazer Cowak)

SAKIT SA KAMAY. Ayon sa eksperto, makakaramamdam din ng pananakit sa likod at batok | Larawan mula sa wordpress.com

Hello Stranger, Goodbye! - Omegle “Alam mo sabi nila, mas okay magkuwento sa strangers kasi no judgement”. - Ethan Isa ito sa pinakatumatak na linya ni Ethan sa pelikulang Hello,Love Goodbye. Ang mundo ng social media ay puno ng iba't ibang klase ng tao at isa ang omegle sa magpaparanas para makakilala ng isa’t isa. Dito mo makakausap ang mga taong kapareho mo ng interes. Walang judgement dahil total strangers ang makikilala mo dito. Sa omegle hindi yan problema, kung ayaw mo sa kausap mo, malayang-malaya kang iwan siya sa ere. Charot! Gusto mong magdrama? Gora! Nakadepende nalang iyon kung gusto kang damayan ng kausap mo. Kung ka late night talks naman, abugh! Madami dito. May mga taong makakaintindi sayo, magpapangiti, at hinding-hindi mawawala, mga taong pinanganak para mang-inis lang.

HUWAG PASOBRAHAN. Gamitin nang may limitasyon at huwag agad magtiwala. | Larawan mula sa cyberwise.org Minsan, gusto natin ng panandaliang saya at pampalipas oras. Aminin man natin o hindi, nangyayari sa atin ito. Ngunit kaibigan, magingat. Hindi lahat ng taong nakilala mo dito o kahit saang social media app ay mabuting tao. Kaya huwag agad magtiwala at ibigay ang iyong personal na impormasyon o kahit na social media accounts gaya ng facebook dahil maaaring ito'y maglagay sa iyo sa kapamahakan. Mabuti

nang maingat kaysa malagay sa alanganin. Oo, masayang makakilala ng mga bagong tao. Pero huwag na huwag kakalimutan na hindi lahat ng nakilala mo sa social media ay pwede mong pagkatiwalaan. Makakilala ka man ng iba't-ibang personalidad ngunit tandaan, may dalawang uri ng tao, ang masama at mabuti. Ang omegle ay ginawa para panglibang at makahalubilo ng tao, hindi ito lugar na pwede mong tambayan na maghahatid sa iyo sa kapahamakan . (Jelyca Turnos)


Isportsmanship: Mahalaga sa lahat ng kompetisyon

Iginuhit ni Jotham Geraldez

TAMKAT Standard, umarangkada sa Godod Cluster Meet Nagpakitang gilas ang mga delegado ng TamKat sa larangan ng Dancesports sa ginanap na cluster meet sa Godod, Zamboanga del Norte nito lang Agosto 2-3 taong kasalukuyan. Tunay na hindi matatawaran ang ipinamalas na angking galing ng magkapares na sina Rhofel Balensuje at EN Khrisna sa paghataw ng standard sa entablado. Kasama ang kanilang coach na si Ma'am Jackielou Deniega at ang co-coach na si Sir Cyrus Tumobag, umarangkada ang TamKat at tinamo nila ang pagkapanalo sa kompetisyon ng pamosong sayaw na dancesports. Tinalo nila ang mga kalahok ng ibang koponan gaya na lamang ng SASABAGO na binubuo ng Salug 1, Salug 2, Bacungan at Godod at at LEAD o Liloy Eagle Athletic Delegation.

HATAW AT GALAW. EN Krishna Carumba at Rhofel Balensuje, mga mananayaw ng TAMKAT na nagpa-kitang gilas sa Standard Competition. | kuha ni Levy Manuel

Habang sa larangan naman ng Latin, bigo mang makuha ng magkapares na sina John Carl Ranoco at Angel

Romano ang kampeonato, hindi naman nila binigo ang TamKat sa ipinakita nilang paghataw sa entablado. (Daisery Daarol)

Seniors, di nagpahuli sa Saludo Competition Abot langit ang tuwa ng mga ika-12 na baitang nang maiuwi ang unang tropeyo sa kauna-unahang kompetisyon ng saludo sa Mataas na Paaralan ng Tampilisan. Ang kompetisyong ito ay binubuo ng 50-90 na magaaral sa bawat antas na siyang magpapakita sa kanilang inihandang presentasyon. G i n a n a p a n g kompetisyon sa ika-10 ng Hulyo taong sa covered court ng naturang paaralan at ito ay maituturing na “highlight” sa ginanap na Intramurals. Lahat ng baitang ay nakilahok at nagpakitang gilas sa kanilang talento sa pagsayaw. Pinangunahan ang kompetisyon ng unang kalahok galing sa Meme Team (G7), Golden Strikers (G8), sinundan ng Baby Dragons (G11), The Rising Phoenix (G9), Sports Warriors (G10), at panghuli ay ang

SALUDO SA TAGUMPAY. Sayaw ng kampeonato ang ipinakita ng Valiant Seniors para sa Saludo Competiton. | kuha ni Louise Barbarona

Valiant Seniors Team (G12) na siyang nagwagi sa kompetisyon. Dagdag atraksiyon sa kanilang mga presentasyon ang mga props at palamuting ginamit tulad ng sombrero, flaglets, at pagkakapareho ng kulay ng damit. Kanya-kanyang sigaw at hiyawan ang ipinakita ng mga mag-aaral sa kanilang koponan. Sa

huli, naantig ang puso ng mga tagahatol na sina Gng. Reena Sophia Regencia, Gng. Viv Loredo at Bb. Ana Pamela Satur sa ipinakitang galing at husay ng Valiant Seniors Team (G12) na siyang dahilan ng kanilang pagkapanalo at makuha ang tropeyo sa kauna-unahang Saludo Competition . (Adrian Toto)

Maraming mga iba't ibang klase ng kompetisyon kagaya na lamang ng isports at mga pang-akademikong patimpalak. Lahat ng mga manlalaro o mga sumasali ay naghahangad o nagnanais na makamit ang tagumpay. Ang iba'y masaya nang nakasali at nairepresenta ang kanilang paaralan, lugar o ang bansa, kahit natalo ay masaya pa rin sa naging karanasan. EDITORYAL Ang pagkatalo sa isang kompetisyon ay hindi nangangahulugang huli na ang lahat, bagkus nangangahulugan itong simula pa ng hakbang na maaaring makatulong sa pag-akyat at pag-abot ng tagumpay na hindi man nakamtan sa ngayon ay makakamit ito sa tamang panahon. Isang magadang halimbawa ay ating pambansang kamao na si Manny “Pacman” Paquaio, hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakamit niya ang tagumpay, may mga laban ding nabigo siya. Ngunit ang pagkatalo niya ay di nagpabago at nagpawala sa suporta at paghanga ng mga Pilipino. Nirerespeto niya ang resulta mula sa hurado at maging ang kalaban dahil alam niyang ginawa niya ang kanyang makakaya. Ang pagkatalo ay madalas nagbubunga ng mababang pagtingin sa sarili, lalo na sa mga taong kahit ilang ulit nang sumubok ay nabibigo pa rin. Nananatili pa ring kwestyonable sa kanyang isip kung bakit lagi nalang siyang natatalo. Ang pagtanggap ng pagkatalo ay nagdudulot ng katiwasayan sa damdamin at isipan, at ang pinakamabuti'y pagkakaroon ng kaibigan at bagong karamay. Napakasayang tingnan sa isang kompetisyon, sa telebisyon man yan o sa nagaganap sa mga paaralan at bayan na ang mga naglalaban ay nagngingitian at nagbabatian sa mga nakuha nilang puwesto. Laro lang naman yan. Seryosohin mo man ay dapat alam mo ang salitang isportmanship.

Pilipinas, handa na sa Sea Games 2019 Handa na ang Pilipinas para sa gaganaping 2019 Southeast Asian (SEA) Games na dadaluhan ng daan-daang manlalarong Pinoy sa darating na ika-30 ng Nobyembre hanggang ika11 ng Disyembre taong kasalukuyan. Sa taong ito, tinatayang nasa 56 na laro at may 530 kategorya ang tampok na gaganapin sa 44 na venues sa iba’t ibang lugar ng

bansa. Ayon pa sa Southeast Asian Ferederation, nakuha ng bansa ang Most Staging Sports samantalang ang bansang Indonesia ang nakahawak sa rekord na Most Events na may 545 na kategorya noong 2011. Tulong-tulong ang Philippine Southeast Asian Organizing Commitee (PHISGOC) at halos 6,000 boluntaryo mula sa iba’t ibang unibersidad at state colleges para umpisahan ang paghahanda sa naturang palaro. (Peter Balili Jr.)

Alam mo ba? 1. Sa edad na 14 na taong gulang, ang track at field atleta na si Elma Muros ay ang pinaka batang Pilipino na lumahok sa Southeast Asian Games. 2. Ang larong basketbol ang pinakapaborito ng mga Pinoy. 3. Tinatayang halos kalahati ng populasyon sa buong mundo ang kabilang sa Association Football (soccer) Fans, nangangahulugan lamang na ang larong ito ang pinakapopula sa mundo. 4. Ang Sepak ay isang salitang Malay na nangangahulugang “sipa” at Takraw na“bolang pinagtatagpi”, ibig sabihin ang larong ito ay literal na nangangahulugang “pagsipa ng isang bola”. 5. Inangkin ng The Guiness Book of World Record na ang pinakamalaking paligsahan ng golf ay ginanap sa Baguio City kada taon. I to ay binansagang Fil-Am Championship mula noong 1949 na sinalihan ng 1000 na manlalaro. (Halaw mula sa Google | Isinalin ni Kate Cadungog)


Manlalaro noon, tagasanay ngayon Mahigit sampung taon ng kumakatawan si G. Antonio Q. Elepe Jr. sa larong baseball. Nagsimula siyang magkahilig nito noong nasa ikaunang baitang pa lamang siya. Siya ay labing-isang taon nang makipagsabayan siya sa iba't ibang manlalaro sa buong Pilipinas. Sa unang laro niya sa Pambansang Palaro, hindi niya inaasahang makakatungtong siya sa isa sa pinaka-prestihiyosong kompetisyon sa buong Pilipinas. Bunga ng kanyang angking talento at determinasyon, naging mabuting ehemplo siya sa mga kabataan. Bukod pa roon, kaya niyang ipagsabay ang paglalaro at pag-aaral kung saan isa rin siyang “Consistent Honor Student.”

TATAK ISPORTS IDOL. Tapang at determinasyon ang sekreto ni G. Antonio Q. Elepe Jr. para mapabilang sa mga manlalaro para sa Palarong Pambansa sa larong baseball. | Larawan mula kay Olsen Esperanza

Sa talentong ibinigay ng Panginoon sa kanya, naging tuloy-tuloy ang paglalaro niya ng baseball hanggang sekondarya dito sa TNHS. Dahil ito sa tulong at walang hanggang suporta ng kanyang mga magulang. Ito ay naging isa sa kanyang inspirasyon upang mas pagigihan pa niya ang paglalaro ng baseball. Wala siyang ibang hangad noong araw kundi ang mapasaya ang mga taong malapit sa kanya at maiuwi ang medalya. Taong 2018-2019, naging dalubhasang guro si G. Elepe sa medyor na MAPEH (Music, Arts, Physical

Education and Health) at nagtuturo sa ika-pitong baitang, seskyon Gumamela sa Mataas na Paaralan ng Tampilisan at tagasanay sa larong baseball. Siya ay naging mabuting tagasanay, kahit mahigpit siya sa mga bata sa panahon ng ensayo, para naman ito sa kanila. Upang mas mahasa, maging mas malakas at maging mas mabilis sa larong baseball na siyang instrumento niya sa pagiging magaling na manlalaro. Ayon sa kanyang ina para sa mga kabataang gusto sumunod sa yapak ni G. Elepe gawing basehan ang kanyang pinaniniwalaang motto na “Skills plus Talent equals Success”. (Henjie Cabarrubias)

Laro: Di nakakasawa, di nakakapagod

G10 Warriors, nanatiling kampeon sa Intramurals 2019 G10 - Sports Warriors muling itinanghal na overall champion sa naganap na Palarong Pampaaralan nito lang i k a - 11 n g H u l y o t a o n g kasalukuyan. Nakakuha ng 15 gintong medalya ang grade 10 na naging dahilan upang sila ay maparangalan bilang overall champion sa ikalawang pagkakataon. Pumapangalawa naman ang G12 ( Valiant Seniors ) na nakakuha ng 12 gintong medalya. Sinundan naman ito ng G-9 ( The Rising Phoenix ) na nakasungkit ng 11 gintong medalya. Nakuha rin ng G-11 ( Baby Dragons ) ang pang-apat na pwesto na may 9 na gintong medalya. Sumunod naman dito ang G-8 ( Golden Strikers ) na may 7 medalya, habang nasa huling pwesto naman ang G-7 ( Meme Team ) na nakakuha ng dalawang gintong medalya. Hindi man nanalo ang ibang kupunan, umaasa pa rin sila na sa susunod na palarong papaaralan

sila ay makakabawi. Ang naturang aktibidad sa paaralan ay naglalayong linangin ang kagalingan o kakayahan, pagkakaisa at pagtitiyaga sa paglalaro upang masungkit ang tagumpay. Maliban dito, tataas din ang kanilang kompyansa sa sarili at

matutunan nilang makihalubilo sa kapwa. Ang mga kwalipikadong manlalaro ang siyang magiging representante ng paaralan na lalaban sa mataas na lebel ng isports - ang Palarong Panlalawigan. (Daisery Daarol)

Krrrrriiiingggg!!!!!!.... “Break time na!, sigaw ng mga magaaral. Tayo na, labas na tayo!” sabay kuha sa kani-kanilang mga gamit sa paglalaro. Ito ang mga ginagawa ng mga mag-aaral kapag bakante na ang kanilang oras, nag-uunahan sa paglabas mula sa silid-aralan, tumatakbo papuntang plaza o kaya ay sa basketball court. Badminton, basketbol, balibol, at sepak takraw, iilan lamang ito sa mga larong masayang pinaggagawa ng mga mag-aaral. Nagtataka ka ba kung bakit panay ang paglalaro ng mga mag-aaral kahit wala namang nagaganap na palarong pampaaralan? Siguro iniisip ng iba kung bakit ito nangyayari dahil kahit tapos na ang intramurals ay patuloy pa rin ang iba sa paglalaro. Makikita sa mga kabataang ito ang pagmamahal nila sa isports, na kahit tapos na ang larong pampaaralan patuloy pa rin sila sa paglalaro. Hindi natitinag, hindi sumusuko at may pusong palaban. Kahit na anong pagkadapa ang naranasan hindi pa rin umuurong sa anumang laban. Maganda sa pakiramdam na kahit sa panahon natin ngayon na halos lahat ng kabataan ay walang ibang inaatupag kundi ang kanilang mga gadgets, meron pa rin talagang iba na patuloy na tumatangkilik sa l a r o n g pampalakasan. Ang patuloy nilang pag-alala sa larong noon pa'y kinagisnan ang magpapakita sa iba pang kabataan na mahalin din ang larong dati pa ay nakasanayan. Isports, ito'y hindi mawawala, kada taon ito'y ating ginugunita, bawat kabataan ay nakikilahok, pero may iba talagang nagtataglay ng puso ng isang atleta, hindi tumitigil hangga't hindi nakakamit ang kanilang mga pangarap. May mga tao talagang kahit na anong gawin mo ay magpapatuloy pa rin hanggang sa dulo. Mga kabataang may pusong atleta at handa nila itong ipakita at ibahagi sa iba. Patuloy sana sa pagrami ang mga kabataang naniniwala sa kanilang pagiging isang atleta. Matutong lumaban, huwag sumuko at patuloy sa pagpapasibol ng sariling kakayahan Magtiwala sa sarili na kaya mong lampasan ang anumang laban. Ilan lamang na mag-aaral ang ating nakikita na patuloy sa paglalaro ng mga larong kanilang minahal, hindi sumusuko kahit ilang beses nang nabigo. Nagtapos man ang isang pangyayari na ikaw ay naging talunan, hindi ka dapat panghinaan ng loob dahil sa susunod pang mga pangyayari sa iyong buhay, nakadisenyo na na ikaw ay magtatagumpay. (Daisery Daarol)


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.