DIGMA 1
DIGMA 3
4 Kalyo
6 Kalyo
Ikaw ang siyang pluma sa gitna ng digma. Sapagkat sa pamamagitan ng pangangailangan nito natutunan naming dinggin ang huni ng lipunan, at nakalilikha kami ng isang obra. Katulad ng plumang nagtampo noong pinahiram, nagdumi noong inabuso, hinipan upang muling makabuo ng kwento at nagbibigay buhay sa bawat istorya ng pakikibakang nais naming ibahagi; Humihinga tayo, ngumingiti, nagmamahal, nagpapakadalubhasa, naghihirap, umiiyak at muling iiyak upang sa pagkatuyo ng luha buong lakas nating ipaglalaban ang masa at ang ating mga prinsipyo. Palaging nakasabak ang buhay sa pakikibaka, mula sa tunggali kung mamumulat ka na at gigising sa katotohanan hanggang sa pagdedesiyon kung ano ba talaga ang iyong prinsipyo’t paninindigan Ihahanda ka ng bawat tintang pumatak sa mga pahina ng libretong ito para sa susunod na may tumapak sa iyo lalaban ka na; sa mga pagkakataong paaasahin kang muli, matututunan mo kung paano tumayo, at makakapili ka na sa pagitan ng bayan at sarili.
Mari-mar E. BaĂąares Punong Patnugot 2015 - 2016
DIGMA 7
b
a OMEGA p10 JUAN p12 TALATA p14
DOBLE-KARA p15
r PA R A S A M G A ILUSTRADO
p20 SWORDS p21 DANGAL p24 LAGOM NG H A RAYA
p25 SURFACE COATING p16 FILIA p17
A N G PA G B A B A L I K
p27 NARANASAN MO NA BA?
a
n FEMINIST p45 SENSES p47 L U PA N G TINUBUAN p50
A N G PA N G U L O A T ANG KANYANG MGA NAIAMBAG TUNGO SA P RO G R E S I B O N G LIPUNAN
p51 BANDILA p52
p33 SINKING p18
METHAMPHETAMINE
p36
MUKHA NG M AY N I L A
p53
d
i
SAGLIT p54 WHITE CAKED p55
l PULANG BANDANA
p63 ISANG MALABONG AWIT
p66
BORDER LINE p56
P E RSO N A p73
TORRE DE MANILA p57
GAPOS p75
RUINS p58 I WOULD NEVER GIVE UP
p59 M AY G U S T O A KON G SA B I H I N
p62
L A N G I T , L U PA , IMPYERNO
p78-81 SUKDULANG PA G P I L I
p82 THE MALICE p84
y
a
CARAPHERNELIA
p87 SILAKBO p88 HISTORYA p89 THE FILIPINO, I AM
p90 REHAS p92 WALANG KATAPUSAN
p93 ISA p95
O M E G A 10 Kalyo
FRANCIS ARCE
Patuloy ang pag-agos ng tubig. Patuloy ang pagtakbo ng oras. Patuloy ang pag-inog ng daigdig. Patuloy ang pagdaloy ng buhay. Patuloy ang pagkumpas ng Kanyang kamay. Patuloy ang paglabas ng mga obrang inukit mula sa salita. Patuloy ang paghinga ng siyang mga nilalang. Patuloy ang pagkaubos ng buhangin sa banal na orasan. Muli mong namalayan, Mnuli kang nangamba, Muli mong naulanigan, Muli mong napansin,
Ang ugong ng masang api
DIGMA 11
JUAN BANARING
Mula noong panahong sundo’t kulangot at how flakes pa ang paborito ko hanggang sa ngayong trending ang Aldub, hindi ko na mabilang kung ilang beses nang ipinapamukha ng mapanghusgang lipunan na tamad si Juan. Sa maling perspektiba kasi nakatingin ang mga mapangaping dayuhan na nagpamudmod ng konseptong ito. Ang masaklap lang may mga Juan Dela Cruz na pumatol at naniwala sa ideyang ito. Baka kasi di nyo lang napapansin sila: 1. Si manong na araw-araw kumakatok sa tahanan nyo para humingi ng bote’t dyaryo. Yung lagi mong nakakasalubong na nagtitinda ng dos tatlong basahan na may laging nakasunod na nagbebenta ng sampaguita. At noong naging 7.50 ang pamasahe naalala mo ba si manang na nagaabang ng tsuper sa gitna ng init ng hapon para magbenta ng 50 cents. Yung mga construction worker na halos mabalian ng buto at halos banatin na ang bawat hollow blocks. Sila na ate at kuya na bagger at cashier nung bumila ka sa SM kanina, isama mo na yung guard na tinarayan mo. 2. Kilala mo ba si Flor Contemplacion at Mary Jane Veloso??? At ang marami pang Pinoy na nakipagsapalaran sa ibang bansa para mabuhay ang kani-kanilang pamilya. Inihain sila sa mga dayuhang nangangailangan ng nurse, yaya, caregiver, entertainer, at kung ano ano pa ang tawag nila doon. Madalas umiiyak, napapagod pero walang mapagsabihan ng problema, walang mahanap na sapat na aruga, o kahit onti man. 3. Kay maam at sir na nagtuturo sa atin kalakip ng mababang sahod sa kabila ng mainit na room, lobby, hagdanan,kulang na nga lang sa cr tayo magklase eh. Sa mga mag-aaral na kahit nagbabayad ng tuition fee ay pagod pa rin sa kakapaypay habang naglelecture si sir. At sa mga walang tulog dahil malapit na ang exam kaway kaway. 4. Sa nanay, mama, papa, tatay, erpats at ermats mo na matiyagang inaabangan ang 12 Kalyo
paguwi mo at hinahainan ka ng pagkain kaya di mo na kailangan ng coke kasi sila sila pa lang happiness mo na. Malamang isa sa mga nabanggit sa 1,2,3 ang magulang mo kaya di ko kailangan iexplain kung paano silang nagiging bayani sa araw araw. Lahat sila dumarating sa puntong nauupos na dahil sa pagod. Naubos na rin ang luha sa lungkot. Tapos tatawagin nilang TAMAD??? What the @*#$%@? Kaya para sa mga mahal kong Juan D. Tamad para sa inyo itong mga salitang hinabi ko:
Kayumanggi, di katangusan Itim ang buhok, di katangkaran Pero yung totoo sa kaibuturan, makulay ka. Sa bawat pagbabanat mo ng buto, Sa daan daang luhang pumatak sa iyong mga mata, Sa ikinubli mong di masukat na pagod, Makapag-aral lang ako, mabuhay lang ako. Para kang bahaghari Sumisinag pagtapos ng ulan. Nagbibigay kulay, nagbibigay buhay. Kaya para sayo, pangako, Kailanma’y paninindiga’y ‘di mahahapo. Bukod dito ay milyon pa ang dahilan. Maraming konsepto ang mali. Di sapat na alam mo ang mali dapat gumagawa ka ng paraan para maitama ito. Di nga lang konsepto sa lipunan ang mali. Pati na rin ang mga kaganapan. Ikaw sa tingin mo tama ba na nagkaklase ka sa lobby o kaya sa hagdanan na nagbabayad naman ng tax ang magulang mo at nagbabayad ka rin ng tamang matrikula?? Parang ganto lang yan eh, nagbayad ka sa jeep ng 7.50 para sa apat na kilometro pero paglagpas pa lang ng 500 metro binaba ka na ng walang pasubale. O mas madale, bumili ka ng 10 pisong kanin para sa isang order pero binigyan ka lang ng 10 butil. O papayag ka ba nang ganun?? Tandaan walang maaabuso kung walang magpapaabuso. Ang karapatan dapat binibigay. Pero dahil sa malupit na set-up ng lipunang ginagalawan natin, kailangan na natin itong ipaglaban. Sabe nga diba, “let your voice be heard”. Pero parang gasgas na iyon eh. Ipaglaban mo ngayon, dahil higit sa kailanman ngayon ang tamang panahon.
DIGMA 13
BERSO CHESCA ASPRER
Magsusulat ako ng tula. Oo, magsusulat ako. Magsusulat ako at titiyakin kong masasaktan ka sa bawat salita at tugma, sa bawat linya, sa bawat taludtod, sa bawat talinghagang gagamitin ko. Sisiguraduhin ko na iiwan ka nitong kumikirot ang puso at lumuluha ang mga mata Magsusulat ako ng tula. Magsusulat talaga ako at susugatan kita sa mga salitang nakasaad sa lukot na papel at ginamitan ng pawala-walang tinta mula sa bolpeng pakalat-kalat Susugatan kita, at magmamarka sa iyo ang lahat. Lahat ng mga kinubling damdamin, lahat ng mga salitang hindi nasabi. Magmamarka sa iyo lahat na parang peklat na ayaw mong makita at ipakita sa iba. Oo, magsusulat ako ng tula. At hindi na ito tungkol sa karikitan ng ating pagsasama, sa mga alaalang pilit binabalikan, sa kilig at kasiyahang pinaramdam mo sa akin. Hindi na. Hinding hindi na. 14 Kalyo
doble-kara
ELIZABETH BATO
Sandata sa sandata, salita sa salita, isip laban sa gawa. Kalakip ng bawat pagkikita ay may nakatakdang hidwaan, katabi ng bawat kaibigan ay isang demonyong kakawala sa selda, bawat matatamis na ngiti ay may nakatagong kasamaan. Isang laban sa pagitan ng masa at naghaharing-uri. Isang linya ng mga pagtutuos at paglaban para sa isang prinsipyo, karangalan, pagibig at para sa sariling kalayaan. Sino nga ba ang totoong kalaban? Ikaw, Ako o ang tadhana? Ano nga ba ang pinakamainam na sandata? Ang isip ba? Salita o ang pusong may malakas na paniniwala? Sa panahong ang mga nasa itaas ay hindi papayag na magpakumbaba, sa panahon kung saan lahat ay makasarili at hindi susuko hanggang makuha ang naisin. Saan pa ba tayo makakakita ng tunay na kapayapaan? Kailan pa kaya natin makakamit ang buhay na ligtas sa kasakiman? Sabihin mo, ano ang humahadlang sayo? Sila ba? Ano ba ang dahilan ng pagbabaluktot ng iyong buntot? Ang lipunan? Sino bang tunay na makasarili? Kami ba o ikaw mismo, ang sarili mo? Ito ang kwento ng pakikipaglaban ko sa buhay, kaibigan at sa mga halimaw sa utak ko. Sino ako? Ako ang pinakamagiting na mandirigma na makikilala mo.
DIGMA 15
surface coating FAITH FIDEL “Naaalala ko nung unang araw na umiyak ako.” Ang sabi mo sa akin, maglagay ako ng kaunting pulbos para matakpan ang pamumugto ng mga mata ko. “Sinubukan ko sayong manghingi ng kaunting pagkain.” Inabot mo sa akin ang isang supot sa harap ng iyong mga kasamahan kasabay kasabay ng iyong mga ngiting mapaghangad ng kapalit. “Paulit-ulit ko ring iniisip iyong gabing namimilipit ako sa sakit.” Pero tinitigan mo ko’t sinabing ngitian ang mga bisitang dala-dala mo para hindi nila mapansin ang mga kamay mong mapanakit. “Nanunumbalik sa aking isipan ang itsura ng mga pasang halos pumilay sa akin.” Pinanlisikan mo lamang ako ng iyong mga mata at sinabing huwag akong magtangkang kumuha ng pansin. Napakaraming salita sa likod ng bawat luha at tingin ng aking mga mata. Pero wala ni isa man lang ang nagtangkang alamin ang tunay na damdamin sa bawat ngiti ng mga labi.
16 Kalyo
filia
JAN MIGUEL L. GARCIA
Morning heat trickled sweat a day Let a lad linger the pavements A life never been and will be Borrowed time across the passersby With rugged clothing and stick to guide City of lights, a new home to be Littered coins live up for a night No one to ask, nor help to seek A sea of trash warms her inside Left and down looked to anyone around Chilled crept above the great pillars Last memory would fade poverty
DIGMA 17
SINKING FAITH FIDEL
I used to love the sea for it soothes me I used to love boat for it makes me float but when that day happened; When we sailed through its depth despite of our fret When we faced the raging storm and at the midst we roam Believe me, I tried. I tried so hard I held his little fingers oozing my courage to linger I fought against the tide for the sake of my child But waves have it their way as his lifeless body goes ashore
18 Kalyo
leavin' Potograpiya Adrian Joseph Arbon
DIGMA 19
Para sa mga ilustrado yanyĂĄn
Tulad ng isang isdang tinatanggalan ng kaliskis at hasang, tulad ng isang papel na kunwari’y nabasa at biglang napunit, tulad ng isang bangkay na sinisipsipan ng taba at laman upang hindi raw mabulok, gusto kong maramdaman mo rin ang hapdi.
20 Kalyo
Ang hapdi ng iyong pagpatid, ng iyong pagiging makasarili.
SWORDS REIMER GRACE CORTEZ
They’re like pointed swords, Made out of brittle metals Stabbing, Tearing, Destroying yet keeping you, Half-alive Insultive, Negative, Offensive sentences, You can’t hardly take But people will always have something to say. Lost in their words, You might shut the door To your comfort zone Refusing to hear anything, Just wanted to be alone But life is full of words, Imperfect features and insecurities Whatever you do, they meant to see ‘Cause to deny this reality about us? Is to hurt our core being.
DIGMA 21
tarangkahan Potograpiya Jean NapeĂąas
22 Kalyo
trek Potograpiya Rochelle Lazada
DIGMA 23
DANGAL GEE
Sa pagpitik nitong orasan, Sa bawat pantig nitong laman, Hamak na barya’t papel ang ilalapat, Kamalayan ay pawang mumulat. Ngingisi ang buwa’t sasabihing, “Halika” Tutugon ka’t lalapit sa halina, Sasayaw sa pananabik at pagkauhaw, lalamunan at labing mapanglaw. Tutungo sa mapanlinlang na pantasya Kasabay ng indayog ng mabagal na musika Sandali’y hihinto ang ligaya At sabay na maghahabol ng hininga Muling pipitik ang orasan Babalik ang lumipad na kamalayan Tatayo’t iaabot ang kabayaran Sabay hahakbang sa magkasalungat na daan
24 Kalyo
LAGOM NG
haraya REVAS ALFAFARA
Ako’y lumakad sa lagom ng dilim Nabuhay sa bakuran ng impyerno Lumaki sa pamamaraang takip-silim Walang pinaniwalaan sa ligaya at kompromiso Sa gitna ng kawalan Ang tula ko’y napadpad Marami kami na ang kasarinlan Ay wala na sa pagkakilanlan Saan ka man magpunta Ang kadilimang ito’y nasa loob at labas ng bawat isa Parang pusang hindi dama ang halubid Ang impyernong ito’y nasa paligid Pareho itong nararamdaman at nakikita Ngunit ito rin ay naglalaho at nawawala Alin man ang ulirat na nag-haraya Lagi mong tatandaan, ika’y nasa Maynila
DIGMA 25
26 Kalyo
Ang
Pagbabalik BENRHAY
Pagkatapos ng tatlong taon, babalik na s’ya. Linggo ng umaga nang matanggap ko ang balita galing sa warden ng city jail na makakauwi na ang taong nagbago sa buhay ko… isang kaibigan, tagapagtanggol at tagapayo. Hindi… higit pa do’n. DIGMA 27
Dalawang araw matapos kong matanggap ang tawag ng warden, naipamalita ko na sa lahat ang pagbabalik n’ya. Ngayon, lahat ay nakahanda na para sa muli naming pagkikita. Naghihintay na ang mga bisita sa sala, pero heto pa rin ako sa loob ng kuwarto. ‘Di mapalagay. Ano bang isusuot ko? Naririnig ko ang boses ng mga bisita sa labas. Mukhang nadagdagan sila. Siguradong sabik na rin sila. Matagal-tagal na din kaming hindi nagkikita, simula noong pangyayaring naghiwalay sa’min tatlong taon na ang nakalipas. Tandang-tanda ko ang gabing ‘yon kung saan natagpuan siya sa tabi ng isang bangkay: duguan, at may hawak-hawak na duguang balisong. Sinubukan kong pigilan ang pag-aresto sa kanya pero bigla s’yang humarap sa ‘kin at sinabing, “Wag ka na magsalita. Umuwi ka na.” Natigilan ako sa sinabi n’ya. Ngumiti s’ya sa ‘kin at sinabing, “Bisitahin mo ‘ko sa loob ah?” Pagkatapos noon ay matiwasay siyang sumama sa mga pulis. Hindi ko na siya muling nakita pa pagkatapos noon. Bakit n’ya ginawa ‘yon? Matagal kong tinanong sa sarili. Hindi siya ang gumawa ng krimen na ‘yon— alam ko at alam n’ya ‘yon! Hindi n’ya kayang gawin ‘yon! Pero bakit n’ya inako ang kasalanan? Bakit n’ya kailangang parusahan ang sarili para sa isang kasalanang hindi siya ang gumawa? Pero kinalaunan, natagpuan ko din ang kasagutan. Siguro nga ay tama ang sinasabi nila tungkol sa’yo. Nagkamali ako ng pagkakakilala sa’yo. Ito ang dahilan kung bakit sa loob ng tatlong taon ay hindi ko siya magawang bisitahin. Alam kong hinahanap n’ya ‘ko pero hindi ko s’ya kayang makita. Sa loob ng tatlong taon ay isang sulat lang ang pinadala ko. Iyon lang at wala nang iba. Walang bisi-bisita, walang tawag-tawag, isang sulat lang. Hindi ko akalain na pagkatapos nang napagsamahan namin ay nagawa n’ya ‘yon. Akala ko’y nakilala ko na s’ya nang lubusan. Mali pala ako. Maling-mali. Pinilit kong kalimutan ang nangyari sa loob ng tatlong taon. Bagama’t hindi pa ako handa, ay hindi ko maikakaila na gusto ko na siyang makita. Kahit na…— teka, ano ‘yon? May naririnig akong tunog nang isang sasakyang paparating…. Nariyan na siya! Dali-dali akong lumabas at kasama ang iba pa, sabay-sabay naming sinalubong ang paparating. Isang itim na sasakyan ang pumarada sa aming harapan. Mula rito ay may bumabang apat na kalalakihan. Pumunta sila sa likuran ng sasakyan at mula rito, ibinaba ang isang puting kahon. 28 Kalyo
Narito na siya.... Tahimik ko Nagsimulang lumakas ang boses ng iilan. Umiiyak, humahagulgol. Binigyan-daan namin s’yang kinausap ang apat na kalalakihan upang isaayos ang sa ‘king isipan. paglalagay ng ataul n’ya. Napakarami Nang matapos ito, maraming nagkumpol sa gustong harapan ng kabaong. Nag-uunahan sa pagsilip kong sa mukha n’ya. Pero ako, nakatayo lang sa liku- sabihin sa’yo. ran. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ano’ng sasabihin ‘ko? Sa kauna-unahang pagkakataon, sa loob ng tatlong taon ay makikita ko na muli s’ya. Pero ‘di ako makagalaw. ‘di ako makalapit. Napansin ng mga taong pumalibot sa kanya na hindi ako umiimik sa likuran nila. Isa-isa silang nag-alisan sa harapan ng kabaong at binigyan ako ng daan. Unti-unti akong lumapit hanggang makita ko na ang kalmado at malumanay n’yang mukha. Tahimik na nahihimbing sa loob ng puting kahon. Ganito din s’ya ka-kalma noong gabi ng pag-aresto sa kanya. Tahimik ko s’yang kinausap sa ‘king isipan. Napakarami kong gustong sabihin sa’yo. Sa tatlong taong hindi tayo nagkita ay napakarami kong gustong ikuwento sa’yo. Pero ngayong may pagkakataon na ‘ko ay huli na ang lahat. Ipinatong ko ang kamay ko sa ibabaw ng salamin ng kanyang ataul. Pinagmamasdan ko ang mapayapa niyang paghimlay sa loob nito nang biglang nanlabo ang aking paningin. Tuluyang nilamon ng luha ang aking mga mata at isang butil ng luha ang kumawala mula dito at pumatak sa kamay ko. Ang kamay na s’yang may kasalanan ng lahat. Ang kamay na siyang may dahilan kung bakit nasa harapan ko ngayon ang ataul na ito. Hayaan mong ikuwento ko sa’yo ang buong pangyayari. Tahimik kong sinabi sa kanyang bangkay. Tatlong taon na ang nakakaraan, naglalakad ako sa isang madilim na lugar nang bigla akong sunggaban ng isang lalaki. Pinagsu-suntok n’ya ‘ko at pilit n’yang kinukuha ‘yung bag at cellphone ko. Pinipilit kong manlaban nang bigla kong maalala ang balisong na bigay mo sa ’kin para maprotektahan ang sarili ko. Nilabas ko iyon mula sa pagkakatago sa medyas ko at sa sobrang galit ko ay ginamit ko iyon sa kanya. Isang mabilis na saksak sa kanyang dibdib ang nagpatigil sa lalaking iyon. Pagtanggal ko ng patalim mula sa dibdib n’ya, biglang sumirit DIGMA 29
mula sa butas nito ang maraming dugo. Pero may lakas pa din siya. Sinugod n’ya pa ‘ko! Kaya’t sinaksak ko uli siya sa may bandang tiyan! Pagkatapos no’n ay isa pa! At isa pa! paulit-ulit ko siyang sinaksak hanggang sa nakahandusay na siya sa sarili n’yang dugo at hindi na gumagalaw. Nang mahimasmasan ay nakita ko ang resulta ng ginawa ko; nakapatay ako ng tao. Mabilis kong kinuha ‘yung cellphone at bag ko na nasa tabi ng bangkay n’ya pero may narinig akong malakas na sigaw ng isang babae. Pag-lingon ko, may isang babae ang nakatingin sa’kin. Takot na takot ang mukha n’ya. Dito ko naisip kung ano ang maaaring tumatakbo sa isip ng babaeng ‘yon. Nakita n’ya ‘kong may sinaksak na tao sabay sunggab ng bag at cellphone na nasa tabi nito; akala n’ya’y ako ang magnanakaw. Mabilis kong itinaas ang mga kamay ko at nagsimulang magpaliwanag. Pero hindi na s’ya naghintay pa na may lumabas na salita sa bibig ko at bigla s’yang tumakbo. Dito ko rin napag-isip-isip ang isa pang katangahan ko: lumapit ako sa kanya nang may hawak na patalim kaya’t inakala n’yang aatakihin ko din s’ya. ‘di ko na hinabol pa ang babae at dali-dali akong umalis ng lugar na ‘yon. Sa ’yo ‘ko unang nagpunta. Sinabi ko sa’yo ang nangyari. Alam kong hindi tayo magkasundo, pero wala na ‘kong ibang malapitan pa. Ang sinabi mo lang ay, “Wag ka mag-alala. Ako’ng bahala sa’yo.” Hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin pero hindi ko na lamang pinansin at dali-dali akong naligo. Paglabas ko ng banyo, wala na ang duguang patalim at damit ko! Wala ka na rin. Nang mga sandaling iyon, alam ko na ang binabalak mo. Dali-dali akong nagbihis at binalikan ang lugar ng krimen. Naroon ka nga. Suot-suot ang duguan kong damit at hawak ang patalim. Nakatayo ka sa gilid ng bangkay habang pinagmamasdan ito. Pag lapit ko ay s’ya namang pagdating ng dalawang sasakyan ng pulis. Nagsibabaan mula rito ang mga pulis kasama ang babaeng nakakita sa’kin kanina. Madilim ang lugar kaya’t hindi napansin ng babae na ibang tao na pala ang nasa harapan n’ya. Lumapit na ang mga pulis para arestuhin Takot na takot ka matapos mong bitawan ang patalim at itaang mukha n’ya. as ang mga kamay. Tumakbo ako papalapit Nakita n’ya ‘kong para tangkain pigilan sila. Alam mo na sigurong may sinaksak na aamin na ako sa kasalanan ko pero iyon ang sandali na hinarap mo ako at sinabing, “Wag tao 30 Kalyo
ka na magsalita. Umuwi ka na.” Hindi ko alam kung bakit mo ‘yon nagawa. Matagal na tayong magkakilala pero hindi tayo magkasundo. Hindi kita nakilala bilang isang taong handang umako ng kasalanan ng iba kundi isang taong naniniwalang s’ya lang lagi ang tama. Pero bakit? Bakit mo ‘yon ginawa? Nagkamali ako ng pagkakakilala sa’yo… Siguro ay hindi ka nga katulad ng iniisip ko. Siguro ay hindi lang kita inintindi, o mali ang pagkaka-intindi ko sa mga ginagawa mo. Siguro ay nagpapahalaga ka nga sa mga tao sa paligid mo. At isa na ‘ko sa mga ‘yon. Nang mapagisip-isip ko ang mga bagay na ‘yon, parang gumuho ang mundo ko. Napuno ako ng kahihiyan. Ito ang dahilan kung bakit hindi kita binibisita. Ginusto kong sumuko pero pinigilan ako ng Inay ko. Sabi n’ya’y alam mo daw ang pinapasok mo at mas maigi nang ikaw kaysa ako. Pero hindi eh. Mali ‘to e. May nakapagsabi din sa’kin na yung napatay daw ay yung kapatid na adik nung hepe sa presinto dito sa bayan. Kaya’t siguradong hindi magpapakita ng awa si hepe sa kung sino mang pumatay sa kapatid n’ya. Kahit anong paliwanag mo raw ay hindi nila tinanggap na pinrotektahan mo lang ang sarili mo. Binugbog ka daw muna nila bago ikinulong. Alam mo na hindi ako ganun kalakas para indahin ang parusang ‘yon. Kaya ikaw ang tumanggap nito para sa’kin. Patawad. Hiyang-hiya ako sa ’yo at sa tingin ko ay wala na ‘kong mukhang maihaharap pa. Natatakot din akong sumbatan mo ‘ko sa lahat ng ginawa mo para sa ’kin. Kaya’t sa isang sulat ko na lang dinaan ang lahat. Ang paghingi ko ng tawad sa lahat-lahat. Sa mga pagkakamali ko sa ’yo, sa mga panghuhusga ko, sa kahihiyan at pasakit na dinulot ko sa ‘yo. Pati na rin ang pagpapasalamat ko sa pagsasakripisyo mo para sa ’kin. Para sa pag-ako mo sa kasalanan ko. Para sa pagpasan mo ng mga pagpapasakit na dapat ako ang dumaranas. Salamat sa lahat. Hanggang, noong nakaraang Linggo lang, ayon sa warden ng city jail, may isang preso ang nakialam ng gamit mo. Nakita n’ya ang sulat ko sa ’yo. Pero bago pa man n’ya mabasa ang laman nito ay nahuli mo na siya at bigla mo s’ya sinunggaban at pinagsusuntok. Nanlaban s’ya at nagkaroon ng kaguluhan. Nakahawak ng isang kutsara ang kaaway mo— isang kutsarang hinasa at pinatalim ang kabilang dulo upang magsilbing patalim, at sinaksak ka niya sa tagiliran. PagDIGMA 31
dating ng mga pulis sa selda mo, huli na ang lahat. Nakahandusay ka na sa lapag ng selda mo, duguan, at hawak-hawak ang sulat ko. Pero sabi ng mga nakakita, bago ka malagutan ng hininga ay may ginawa kang kakaiba: nilapat mo ang nilalaman ng sulat ko sa sarili mong dugo. Kaya’t nang makuha ng mga pulis ang sulat mula sa kamay mo ay hindi na ito mabasa. Alam ko kung bakit mo ‘yon ginawa. Napuno ka siguro ng takot nang makita mong hawak ng presong ‘yon ang sulat ko. Hanggang sa huli, pinili mong mamatay na kakabit ng pangalan mo ang krimen ko. Ngayo’y nakalaya ka na mula sa bilangguang dapat ako ang nakakulong, para lang maging preso sa kahong ito na magsisilbing huli at pang-habambuhay mong bilangguan. Dahil pa rin sa pagpoprotekta sa ’kin. Maraming,maraming salamat. Pinagsisisihan ko lahat ng pagkakamali ko sa ’yo. Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkakakulong mo… Sa pagkawala mo... Patawarin mo ‘ko. Kumikirot ang puso ko sa tuwing naiisip kong hindi kita napagbigyan kahit man lang sa kahuli-hulihan mong kahilingan sa’kin.... ‘Bisitahin mo ‘ko sa loob ah?’.... Sa mga pagkakataong ito, ay napakahirap pigilan ng emosyon ko. Patuloy na pumapatak ang mga luha sa kabila ng mga pagtatangka kong pigilan ito. Alam kong hindi n’ya gugustuhing makitang lumuluha ako sa harap ng maraming tao pero, hindi ko mapigilan. Lahat nang ito’y gustong gusto ko sabihin sa kanya ngunit wala na ‘kong pagkakataon para magawa iyon. Habang pinagmamasdan ko siya ay pinilit kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin. Pero tatlong salita lamang ang naisambit ng aking nanginginig na mga labi… “Maligayang pagbabalik… Itay.”
32 Kalyo
Naranasan mo na ba? ARIANNE DIAZ
Naranasan mo na ba na mamulat sa kadiliman ng buhay? Naranasan mo na ba na hindi kumain ng dalawang araw? Naranasan mo na ba mamilipit at umiyak sa gutom? Naranasan mo na ba na matulog sa kalamigan ng kalsada? Naranasan mo na ba? O, bakit ganyan ka makapanghusga?
DIGMA 33
GALA Potograpiya Rochelle Lazada
34 Kalyo
materyalismo Potograpiya Edd Kenneth Caayao DIGMA 35
Methamphetamine M SQUARED 11th Gawad Emman Lacaba, Maikling Kwento, Finalist
Pucha! Heto at sasalubungin ko nanaman yung araw-araw kong delubyo. Yung lintik na ingay sa construction site ayaw akong patulugin. Alas-dos na ng madaling araw pero dilat pa rin yung dalawa kong mata. Hindi ko alam kung yung paghihiwalay ba namin ni Jennete yung patuloy na gumigising ng diwa ko, o ang takot na mahuli sa kamay ng batas. Tatlong linggo na akong nagtatago dito sa maliit na bangketa nila Aling Puring. Laki ng pasasalamat ko, buti nalang may handang kumupkop saakin. Minsan kung sino pa yung hindi mo inaasahang tutulong, siya pa yung buong pusong handang magbigay. Naka-idlip ako ng ilang minuto at sapat na yun bilang pahinga. Pagbangon ko mula sa kama, inayos ko agad yung picture frame namin at pinunasan ito hanggang sa kuminang. Nagpaka-baliw ako sa babaeng ‘to? Pagkatapos akong ipagpalit sa iba, hanggang ngayon siya pa rin. Ang hirap makipaglaban kay katotohanan. Pumapasok na yung liwanag mula sa jalousie ng aking bintana. Sa bangketa lang ako nakatira pero pinilit kong magmukang maykaya. Umaga na pala. Ang hirap bumangon. Tumama yung balikat ko sa haligi ng ginagawang simbahan ng San Roque dahil tinatakasan ko yung hepe ng pulisya. Putanginang hepe yun! Kung hindi lang siguro siya mataba kakadagdag ng cholesterol edi naabutan niya sana ‘ko. Linggo ng umaga. Nagmadali akong nag-ayos upang hindi mamukaan ng mga tanod. Niyaya ako ni Aling Puring na samahan sila ni Sophia magsimba. Nanginginig ako sa gutom dahil hindi ako nakapag-hapunan. Binuksan ko yung refrigerator, ayos. May isa pang pakete ng pancit canton. Kingina, pancit canton nanaman?! No choice. Kesa naman ibaling ko sa droga yung gutom. May problema nga lang. Expired na. Ending, tumakbo ‘ko sa bakery para bumili ng tinapay at 3-in-1 na kape. Di bale ng konti, ang importante may laman yung tyan ko. Sa panahon ngayon, 36 Kalyo
kelangan kong mag multi-tasking. Binuksan ko yung pakete ng kape. Sinalin sa mug. Kagat ng tinapay. Hinalo yung mixture ng tubig at instant coffee. Kagat ulit sa tinapay. Hinalo ang laman ng mug. Hinipan yung mainit na kape. Nilapat ang dila sa dulo ng tasa. Puta! Ang init pala. Kinagat ko yung napaso kong dila. Okay na ‘to, nahimasmasan na ‘ko mula sa pagkapuyat. Humarap ako sa salamin at nag-ayos ng buhok. Ang daming nagbago sakin magmula ng nagtulak ako ng pinagbabawal na gamot. Mula umaga, hanggang gabi, araw-araw sa loob ng isang linggo, wala akong ibang kinain at sinuka bukod sa peligro. Yung mga mata kong dati e maganda yung pagkaka-dilat, ngayon kulang nalang kutsarain mo palabas sa sobrang pagka-luwa. Bumakat sa balikat ko yung sugat na natanggap ko kahapon… Pucha. Pag nakita ‘to ni Aling Puring malamang babatuhin nanaman ako nun ng baretang sabon na inutang niya sa malapit na sari-sari store.. tas sisigawan ako ng, “Punyeta ka Rogelio! Inalagaan kita! Tinatarantado mo sarili mo!” sabay moonwalk palabas. Grabe si Aling Puring kapag ginalit mo, dinaig pa tigre. Pero ramdam mo yung pagmamahal ng isang ina. Sana siya na rin lang naging nanay ko sa totoong buhay, di tulad ng orihinal kong magulang na iniwan ako sa tabi ng pharmacy. Dalawang taong gulang lang ako nun. Wala akong ibang alam bukod sa umiyak ng umiyak. Napaka-inosente ko para pabayaan ng maaga. Ang hirap bumangon sa sarili mong tuhod lalo na kung maaga kang tinangalan ng karapatang gamitin ito. Kalahating oras yung byahe papuntang San Roque, nakita ko nanaman yung mga karatulang pinaka-kina-bibwisitan ko.
“Vote Elcy for Mayor! Tunay na serbisyong maka-bayan!” “Ang proyektong ito ay galing sa buwis niyo.” “Greetings! Happy Holidays! From: Konsehal Arvin”
Ang sakit sa mata. Pwede namang ilagay dun sa bakanteng lote ng Geronimo. Nagpapakabait tong mga hinayupak na ‘to pag malapit na eleksyon. Tapos makikinabang rin sa pera ng bayan. Ang lakas pa ng loob mamigay ng tig-500 pesos, babawiin din naman. Anim na taon silang nakaluklok sa pwesto, i-times mo sa 365, bale 2190 days. Tapos i-multiply mo ulet sa 500, P1,095,000 yung ibubulsa DIGMA 37
nila. Hindi lang sa isang tao, pero sa 80milyon na Pilipinong naghihirap. Ang gagaling magnakaw bwiset! Isa lang naman dahilan kung bakit mahirap yung Pinas e, tanga nung bumoboto. Nagsimula ang misa sa pag-awit ng, “Papuri Sayo” . Naalala ko yung sabi sakin ni Aling Puring, ang tao nakaka-alala lang sa Diyos pag may kailangan, kapag humaharap na sa peligro ayun panay na yung dasal. Ang lakas pang manisi sa Maykapal kung bakit ang hirap ng buhay nila. E sila nga tong anak ng anak. Hindi ako naniniwalang may kasarinlan dito sa Pinas, pucha mga hayop ngang endangered nakakulong e. Hindi rin tayo makalaya sa sistemang, ang mayaman patuloy na yayaman, ang mahirap mas lalo Sabi niya, pang hihirap. Malaki yung simbahan pero kinukulang ang tao nakasa tao. Naalala ko nun nakipag-habulan ako sa pulis ka-alala lang gabi ng Oktubre habang pista ng Sta. Clara sa labas. sa Diyos pag Hawak ko yung dyamanteng kwintas na hinablot ko sa may kailanbabaeng pasakay ng dyip pa-Recto. Kaysing bilis ko na gan, kapag ata yung alagang aso ni Sophia sa pagtakbo dahil ayoh u m a h a ra p kong maghilot ng rehas hanggang sa tumanda… Wala na sa peligro akong mataguan nun. Ang init ng gabi pero ang lamig ayun panay na ng pawis ko. Nakita kong bukas yung simbahan kaya yung dasal. walang pag-aalinlangang pinasok ko ito. Tinabihan ko yung santo ng itim na Nazareno at nakiusap na iligtas ako sa mga kalaban. Hindi ang mga pulis, pero yung mga demonyo sa sarili ko. Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang, “Negative. Mukang tumawid na ng riles yung suspek. Balik tayo sa HQ.” Mga gagong pulis yun! Tawa ko nalang. Buti at ang tatamad nila kumilos. Wala na atang inatupag yung mga yun bukod sa uminom ng tubig sa de-aircon na kwarto. Mas bagay sila sa kulungan. Hindi yung mga katulad ko na gumagawa ng masama para sa ikabubuti ng binubuhay kong pamilya. 38 Kalyo
Lunes ng umaga. Umiiyak si Sophia dahil namatay ang aso niyang si Win-
ter. Napagtripan ng mga lasinggero sa kanto ng Mariveles. Ayokong makitang umiiyak si Sophia dahil nadudurog puso ko. Kapatid na turing ko sa kanya. At ayoko siya makitang lumuluha. Mamayang gabi, plano kong hampasin ng tubo yung pasimuno ng pagsaksak sa aso namin. Bwaka ng ina nila. Lunes ng gabi. Inayos ko yung kama at kinumutan yung patong-patong na unan para isipin nilang tulog ako. Hinanda ko na rin ang sarili ko sa mga posibilidad. Inipon ko yung galit sa aking dibdib para hindi ako magsisi pag nilapatan ko ng tubo yung kanilang mga mukha. Nakita ko yung imahe ni Jesus, parang pinapakiusapan akong h’wag ng ituloy. Pero sa pagkakataong ‘to, gusto ko munang ibawi ng hustisya si Sophia.. at yung aso niyang wala namang ginawang masama. Dahan-dahan kong nilakad yung kuta ng mga manginginom. Ngayon na lang ulit ako nagalit ng ganto. Pinatunog ko yung mga daliri ko at sinabi sa sariling, “kaya mo yan.” Pinapanuod ko sila mula sa poste ng Meralco at nagtatago upang hindi mahagip ng ilaw. Isang hakbang. Dalawa. Pagkarating ko sa pangatlong hakbang ay bwumelo ako at buong pwersa itong hinampas sa ulo ni Earl, yung pasimuno ng pagpatay sa aso ng kinakapatid ko. Tumumba s’ya palayo sa mesa na hinainan ng alak at pulutan. “Putang ina.. anong ibig-“ Bago pa niya natapos ang kanyang sinasabi ay binagwisan kong muli ang kanang parte ng kanyang muka. Natanggal ang tatlong piraso ng kanyang ngipin sa harapan at nagsimula na siyang sumuka ng dugo. “Walang ginawang masama yung aso,” bigkas ko habang dinuduro siya. “Sa susunod na may kuhain ka pa sa mga minamahal ko, hindi lang ngipin mo ang magiging kapalit.” Miyerkules ng tanghali. Katulad ng dati, mainit dito sa Mariveles. Ubos na yung mga puno na lagi kong sinisilungan kapag gusto kong mag siesta sa dapithapon. Ang daming illegal logger dito sa probinsya. Hindi mo rin sila masisisi kase DIGMA 39
napag-utusan lang ng mas nakatataas. Sino nga ba itong mas nakatataas sa kapwa nito tao? Sa pagkakaalam ko, Diyos lang. Pero pagdating dito sa Pilipinas, maraming dyos-dyosan na inaabuso ang kapangyarihan nila para lang sa sarili nilang kapakanan. Miyerkules ng gabi. May nag-hahabulan ng saksak sa barangay hall. Anong rason? Hindi binayaran yung utang. Putangina talaga. Gusto mong matulog pero nagigising ka sa hiyawan ng mga tao. “Tama na! Tama na!” “Itigil nyo na yan Lito!” “Yung anak mo humahagulgol na sa iyak!” Lito yung pangalan ng nagpa-utang. Kelangan na daw nya ng pera kase wala na siyang ipapakain sa pamilya nito. Hindi ba nila naisip maghanap man lang ng permanenteng trabaho? Sabagay, trabaho ko nga rin minsanan lang. Madali magtulak ng droga basta wag kang magpapa-huli. Wala pa akong asawa dahil wala akong gustong pakasalan bukod kay Jenette. E kaso gago, umayaw sa relasyon naming dalawa. Mula ng nalaman niyang delikado yung buhay na pinasok ko, bigla na niya ‘kong nilayuan. HInayupak na pag-ibig. Madali lang kumalimot kung gugustuhin mo. Pero kung ayaw mo siyang palayain sa bisig mo kahit nasasakal na siya, isa kang hangal. Dahil hindi madamot ang pagmamahal, mapagpalaya ito. Huwebes ng umaga. Ang lamig ng papag na hinihigaan ko, bakit kaya? Binuksan ko yung radyo kahit tamad na tamad akong bumangon. Bigay ‘to ni Randy nung nakaraan kong kaarawan. Isa si Randy sa matatalik kong kaibigan na hindi ako inayawan. Inayos ko yung antenna para makasagap ng magandang signal. “Karamihan sa *ubo* evacuees ay namatayan ng kamag-anak.. *ubo* Excuse me po... Napaka-tinding peligro ang binigay ng Yolanda *ubo* sa ating *ubo* bansa.. Reporting from *ubo* newsflash.. this is..” Pinatay ko yung radyo. Puta, puro ubo nya lang narinig ko e. Ang sakit pa sa tenga kasi sabog yung tunog. May bagyo pala? Eto na ata yung tinatawag nilang climate change. Anak ng panis na tokwa wala akong alam. Bumangon ako sa kama at nag-init ng tubig. Tumatagas na pala yung 40 Kalyo
estero sa eskinita ng Mariveles. Baka barado nanaman ng basura? Lumabas ako at dumungaw saglit upang alamin ang mga pangyayari. Ano to? Bat may rumaragasang tubig?! “Rogelio! Tangna p’re, isalba mo na mga gamit at sarili mo! Umapaw na yung dam sa Magallanes, inabot tayo!” sigaw ni Randy na may bitbit na telebisyon sa balikat.
“Ano?! Bat aapaw? Kaka-ayos lang ng Maynilad dun kahapon ah?” “Wag kang magtiwala sa ahensya ng gobyerno tanga!”
Nagmadali akong kumilos at inuna kong tinabe ang pakete ng shabu at ecstasy na ihahatid ko sa Dangwa mamayang gabi. Ang sabi saken, pag naabot ko ng maayos ‘to sa umorder, e malaking pera din yung se-swelduhin ko. Mabibili ko na ng bagong aso si Sophia.. mababayaran ko na rin yung mga utang ni Aling Puring. Matatapos din paghihirap namin at makakahanap na ako sa wakas ng disenteng trabaho pag nagkataon. Kaso puta, wala akong tiwala sa pamamahala ng iba’t-ibang agencies, pano ‘ko magta-trabaho sa di ko pinagkakatiwalaan? “Rogelio! Toy, yung manika ni Sophia ibato mo dito saken. Aba etong kapatid mo ayaw tumahan pag di kayakap yung barbi dall nya,” sigaw ni Aling Puring. “Aleng, saluhin mo!” binato ko ang manika mula sa maikling distansyang pinagigitnaan ng bintana ko at kinatatayuan nilang sementadong hagdan . “Humabol ka sa Sentral, Toy! Lilisan na tayo ng Mariveles!” Ano? Bat kami aalis dito? Wala ng oras para mag-isip. Kinuha ko na yung bag na pinaglagyan ko ng mga gamit.. kasama na yung shabu na idedeliver ko mamaya. Wag lang sana akong malasin. Puta. Desperado akong makuha yung pera para sa kinabukasan ng pamilyang kinabibilangan ko ngayon.
Huwebes ng tanghali. Nasa covered court kami ng Sentral. Parang sardiDIGMA 41
nas na pinagsiksikan sa lata yung mga tao. Lahat abalang maghanap ng kumportableng pwesto. Yung iba naman, pinuno yung kani-kaniyang tiyan ng sopas na bigay ng councilor. Yung Gobernador namin? Ayun tulog pa. Nakikita ko sa mga tao yung takot sa likod ng kanilang mga ngiti. Puno ng panghihina at kaba ang bayan ng Mariveles. Pero sa kabila nito, inaangat ng bawat isa ang mga sarili mula sa pagkalugmok sa lupa. Wala kaming makapitan. Dahil binatawan na kami ng pinaghuhugutan namin ng lakas. May lumapit saaking matanda at nagmamakaawang humihingi ng tulong. “To, naniniwala ka bang may Diyos?” tanong niya habang nanghihingi ng tinapay. “Kung meron man.. aba sana naman palitan niya yung kurakot nating pamahalaan,” dagdag pa nito. “Oho naniniwala ako. At hindi ho santa claus ang Diyos na ibibigay lahat ng hinihiling ng tao,” sagot ko habang inaabutan siya ng tinapay. Utang na loob Panginoon, maawa ka. Huwebes ng hapon. Hindi pa rin dumadating yung inaasahan ng taong-bayan na dela-delatang pagkain at bigkas. Marami ng umiiyak sa gutom, samantalang yung iba, masarap na nakakulong sa kwarto habang kumakain ng mainit na hapunan. Makikita mo pa rin sa Mariveles yung ligayang nararamdaman ng bawat isa. Di bale ng walang kain, wag lang mawalan ng kamag-anak. Nag-impake na ako at handa ng pumunta sa Dangwa mamaya. Mahatid ko lang yung droga. Pag nakuha ko na yung bayad itatabi ko muna para sa mga dapat naming bayaran. Yung sobra baka ibigay ko na rin lang kay Randy, para may maibayad siya sa matrikula at matapos niya na rin yung kursong Electronics. Ang taas ng pangarap ni Randy, at hindi ako nanghihinayang tumulong para maabot niya ito. Alas-dyis na ng gabi. Ilaw mula sa malapit na health center ang nagsilbing liwanag sa aking daanan. Hindi ko alam kung nabubulag ba ako ng kadiliman, o ng pera. Kailangan ko ‘tong gawin. Wag ka ng aatras Rogelio. Tandaan mo na maraming umaasa sayo. Tinignan ko mula sa malayo si Aling Puring at Sophia, magkayakap na nilalabanan ang lamig ng panahon. Nanghihinayang akong lisanin sila pero mas manghihinayang ako kung di ako kikilos. Tumalikod na ako at nagsimulang 42 Kalyo
maglakad palayo sa Mariveles. Mabigat ang paa ko dahil basa ang suot kong sapatos. Pero sa tingin ko, hindi lang ito ang dahilan. Umabot ako sa oras na napagusapan. Wala pang tao dito sa Dangwa. Madilim. Malamig. Nakakatakot. Umupo ako sa isang sulok at binilang ang pakete ng droga at sinigurong hindi ito nagkulang. Isa. Dalawa. Tatlo. Sakto lang pala. Bawat pakete limanglibong piso. Kinakabahan ako na nasasabik. Sa pera? Hindi. Gusto ko lang maka-ahon ang buhay nila Aling Puring mula sa hirap. Naghintay pa ako ng ilang minuto pero yung nakausap ko sa transaksyon hanggang ngayon wala pa rin. Tumayo ako at dumungaw sa labas ng gate ng bodega na pinasok ko. Wala akong nakita. Pero pagtalikod ko, nasa harapan ko na yung nakausap ko nung isang araw. “Ikaw na ba yun? Eto yung pakete. Sakto yan. Sana sakto rin yung ibabayad mo.”
Binilang niya at sinuklian lang ako ng isang ngising may maitim na balak.
“Asan na? Yung pera? Kailangan ko yun.” “Wala akong ibibigay sayo. Ikaw yung bumanat kay Earl diba?” pagkasabi niya nito, ay pumasok sa bodega ang sampung lalake na may hawak na tubo at dos-por-dos. “Putangina ka! Nang dahil sayo muntik kaming Hindi. Gusto patayin ng tatay nun! Ang akala niya kami ang bumasag ko lang masa muka. Wala ka ng tatakbuhan ngayon Rogelio!” ka-ahon ang “Putangina mo!!” pagkasabi ko nito, ay nagbuhay nila Aling madali akong tumakbo palabas ng bodega dahil alam Puring mula sa ko sa sarili kong wala akong laban. Wala akong dalang hirap. pang-depensa sa sarili. Kamao ko lang. At hindi sapat ang dalawa kong kamay para ipagtangol ang aking sarili. Hingal na hingal akong nagtago sa simbahan ng San Roque. Katabi kong muli ang itim na Nazareno na nagligtas sakin noong gabing hinahabol ako ng mga pulis. Sana sa pagkakataong ‘to, hindi niya lang ako itakas sa kamay ng mga gagong yun, bumDIGMA 43
aba sana siya sa langit at ipagtangol ang mga naaaping katulad ko. “ROGELIOO!!!! YOHOOO! ALAM NAMIN NA NANDYAN KA LANG.” pang-aasar ng lider ng mga sindikatong humahabol saakin. Hindi ako umimik. Pinilit kong hindi gumalaw kahit kinakain na ako ng kaba. Tumakbo ang ilang minuto at napagdesisyunan kong maging matapang. Tumayo ako at humarap sa kanila. “Mga putangina nyo! Kailangan ko yung putanginang pera na yon dahil babayaran ko ang utang ni Aling Puring!” sigaw ko. “Mga wala kayong kwenta! Sunod-sunuran kayo sa mga boss nyo na para kayong mga asong ulol, ang dapat sa inyo ikulong habang-buhay! Tutal hindi rin naman kayo makalaya sa kamay nila dahil wala kayong mga respeto sa sarili ninyo! Mga walang dangal!” pagbitaw ko nito, sinapak ako sa muka ng naka-itim na lalaki. Na sinundan naman ng sipa sa tiyan ng isa pa. Hinampas ako ng tubo sa aking likuran at sumuka ako ng dugo. “Putangina nyo! Putangina nyo!” buong lakas kong sigaw dahil desperado akong marinig ng mga langit ang hingi ko ng tulong. Pero walang dumating. Iniwan nila ako sa simbahan na hinang-hina at hindi makatayo dahil maraming buto ang binali nila saakin. Panginoon, kung totoo ka, iligtas mo ako sa kamay ng mga kalaban... Linggo ng umaga. Pano ko nalaman? Tumutunog yung kampana ng simbahan ng San Roque at naririnig ko ang awit ng mga anghel sa langit. Nasa loob ako ng kwarto ni Father Nixon, siya ang gumamot saakin Huwebes ng gabi nung ako ay sugatan at hindi makatayo dahil sa pambubugbog. Pinagdasal ko ng gabing yon na iligtas niya ang buhay ko, at pagsisilbihan ko rin siya habangbuhay bilang kapalit. Tinakbo ako sa ospital ng mga madre na nakakita saakin. Ang sabi, konti na lang daw malalagutan na ako ng hininga. Milagro daw na naligtas ako. bilis.”
“Rogelio, ikaw na yung mag-se-serve sa misa. Magsuot ka na ng sutana
Sa wakas. Malaya na ako sa kasalanan.
44 Kalyo
feminists JP ALINSUNOD
Women — tagged as feeble and known for being helpless But there’s more to us, women, that society can see. A very stunning, inimitable and incomparable design like a green that bloomed in the thickest of mud Our beauty is not delineated with skin color, shape, makeups or clothes. We deviate at T.V commercials’ when they insinuate, “women epitomize sexual desires.” Our dignity and entirety have more value than anything else. Like any other women, I am a woman. We are women. — women who can defy or refuse —women who know their rights.
DIGMA 45
46 Kalyo
Senses JIYANNA
Summer was supposed to be warm--- the kind of warm that’s supposed to spark your passion, setting your heart afire until it engulfs you whole in flames. He assumed it was the truth until he proved it to be a popular belief. And the truth was quite the contrary of it. To him, his summer was nothing but a term. There was no summer. It did not exist. In fact, there were no seasons to begin with. There were no summers, no winters, no autumns nor springs. No solstices or equinoxes. His April 1st was like any other day; just the same, if not worse. The heat did not reach him even at high noon. He felt as if the sun feared him, its light remaining distant, never wanting him to feel its glory; like it wanted to hide from him.
And it did not bother him, not an ounce.
He looked around him. He looked at the dead stray dog beaten down to a pulp on the sidewalk. He looked at the fabulous, high-rise buildings where luscious, vibrant trees once stood. He looked at the naked city, with all its inhabitants making love in the dark but killing each other off in broad daylight. Instantly, it occurred to him why he never understood warmth. How could he when all the people around him had frozen hearts?
DIGMA 47
48 Kalyo
Basilica para Resurrección Potograpiya Rikki Mae Valencia
“kapanglaw ng mga kaluluwang ligaw, diwa mo’y uhaw.”
DIGMA 49
Lupang Tinubuan ELIZABETH BATO
Saan nga ba tayo papatungo? Ano ang tunay nating destinasyon? Sasabay na nga lang ba tayo sa daloy ng buhay? “Dito na” “Maganda dito” “Kuha na” Tingin sa temptasyon, kuha ng sandata. Kapit sa bagong kayamanan, ‘di bibitawan ang mahalaga. Isang buhay na ilusyon lang pala! Sino ang kakapitan mo? Ang mga kamay na may palamuti o ang mga kamay na madudungis? Hindi pantay ang buhay ng tao, may nasa taas, may nasa baba. Ngunit sa huli, sino nga ba ang tunay na nasa rurok ng tagumpay at sino ang nasa pedestal ng kahirapan? Kwento mo ‘to. Kwento ko. Kwento nila. Hindi man tayo kasama sa bawat kabanata, tayo ang may kasalanan. Buhay niya ang nakatala ngunit pagkakamali natin ang makikita. Mga munting bagay na nagpapadali sa ating buhay ang siya namang pumapatay sa kanya. Siya ang sumalo ng mga bagay na ating tinapon, ito ang buhay niya. Ito ang bagong lugar niya. Ito ang Quiapo niya. Ang kanyang simula at natatanging wakas.
50 Kalyo
ang pangulo at ang kanyang mga naiambag tungo sa progresibong lipunan JCG
DIGMA 51
BANDILA Papyrus
Nagsimula ang lahat sa pagpuyos ng damdamin. Inalipin nitong matalas na mga letra, Kinadena sa matatapang na mga salita— Tuluyang niyapos ang tanikala ng kalayaan.
52 Kalyo
Adriel De Guzman Naranasan mo na bang mangalakal? Manlimos sa jeep o magpasko sa daan? Kasi ako, oo.
Pagdating namin doon, hindi ko alam kung saan kami lalapit ng kapatid ko. May mga mababait kaming nakasalamuha samantalang karamihan sa kanila ay mapagsamantala.
Lumaki ako sa isang masayang pamilya. Hindi man kami kasing yaman ng iba ay sapat na ang buhay na meron kami para Napadpad kami kung saan-saan. Dahil sa maging isa at buo. Pero hindi lahat ng saya gutom, natuto kaming manlimos, mangalakal sa kalye, makipaay nagtatagal. Sabi nga, there is no permanent Lumuwas kami ng kapatid grambulan nang hatingin this world exept ko sa Maynila. Sa Maynila gabi at minsan na ring change. raw kasi may tiyak na ka- mapasok sa bilangguan dahil sa pagnanakaw. buhayan. Nawala si ama, pinatay ng malubhang sakit na hindi kayang Malayo pa ang tatahakin namin ng kapatid gamutin sa probinsya namin. Hindi kinaya ko. Marami pa kaming makikilala. Marani ina ang sakit at hirap ng pagkawala niya. mi pang mukha at iba’t ibang ugali ng Nakita na lang naming siya isang umaga na tao. Ang palagi naming tinatandaan ay wala nang buhay. Iniwan kami ni ina kasa- sa bawat sulok ng siyudad ay mayroong bay ng pagkawala ng pag-asa namin sa gahaman, mga walang malasakit sa iba at hangad lamang ay ang magpayaman. masayang mundo.
DIGMA 53
SAGLIT PRECIOUS GRACE ERINE
Pagsibol ng kaibilugan ng buwan, Katawan ko’t kaluluwa ay hayok na sa laman. Walang sasayangin na sandali o kahit segundo lang, Sapagkat ang hapunan ay kusa nang kumakaway sa aking harapan. Lilingon sa kaliwa at kanan, Sisiguraduhing walang makaka-agaw sa ulam na lalantakan. Sa mga sandaling iyon, ang pagpipigilan koý umabot na sa sukdulan, At ang lumamon sa isipan koý ang kagustuhan kang matikman. Hanggang sa ikaw ay akin nang nilapitan, At tulad ng ibon na lumilipad sa kawalan, dadagitin ka nang walang kalaban-laban. Dahil bago ka pa pumagaspas, tiniyak ko na ang tiyempo ng iyong paglisan. Tulad din ng bikig sa lalamunan, akoý iyong kamumuhian. Habang kinakain ka ng kadiliman, Sarap at kaligayahan ang kapalit nito sa aking katauhan Sa bawat pagdaan ng palad ko sa iyong katawan, Katumbas ay karanasang hindi mo malilimutan. At nang marating ko ang sukdulan, Ang pangarap na makarating sa kalangitan ay nagkaroon ng katuparan. Kasabay ang pagdanak ng dugo sa ‘yong katawan, At sa ilalim ng buwan, tahimik akong lilisan. Lalayo at gagawa ng panibagong kasalanan, Na kahit saglit lang ay magdudulot ng kasiyahan.
54 Kalyo
I speak more proficient in a Western tongue, with accent, with poise, ‘cause it sounds impressive and affluent. I rub my native, sullen kayumanggi skin through whitening lotion, with SPF sunscreens, and scented body scrubs. So don’t ask me why I hate the tropical atmosphere.
white caked yanyán
I admire the films of Peter and David avidly, and the books of J.K. Rowling, and GRRM, and the playwrights of Shakespeare, for they bring marvelous, stunning delights. I adore out of the country musics. From Billboard top hits to Grammys, it’ll grip you to move that bass! Otherwise, supporting OPM will just make you a shameful fag. I like chillin’ at starbucks, and love taking selfies to fabulous hangouts, wearing Forever 21’s tee and pants with loose hair, dyed in amber and copper roots. Yet they call me a Filipina, a preconditioned pearl, underbaked, to blend from an oriental colony of the white men.
DIGMA 55
border line FAITH FIDEL
When did “borderline� go beyond its territorial purposes? Were ideas created to divide humanity? Was religion made to limit human’s capacity to help and love? Does accent, race or even skin color of a person creates division in this world? When did indifferences divide people who share the same stars, moon and sun? Who are we to set a boundary, when even heaven opens its door? Who are we to choose whom to give our love when all of us were equally and unconditionally loved in our unlovable state? And who are we to limit our helping hand when someone extends his hand and carried all of our burdens. Let love restore the humanity that was lost. Let love overcome these limits. Let this dividing line subside as we unite. Show them love and compassion. After all, love is more than words could ever say.
56 Kalyo
Torre de Manila ERWIN ESCALANTE Ang toreng itinayo, Sa ciudad kong nahapo. Tumirik hanggang bungo, Ng bayaning bilanggo.
DIGMA 57
RUINS ANILY JANE SUMIYAYA
It is the moon The moon that hangs stiffly across the sky Showering dimness against the night While the soft wind is dancing through the saddest note Spreading coldness all over our hearts But yet I’m gazing it upon the starless night I often wonder how things go like this How everything acted upon the way I feel How they spoke to me like a silent friend How they reminded me of who I am It is the hope That I am holding on everyday Like the soft breeze That keeps me going under the blazing sun Like the water That held me dying in this desert It is the trust That breaks me everyday Like how the trees starts to fall swiftly Like ashes swallowed by the mighty air Like a firefly whose glow had been snatched This is how I remembered who I am Hope ruined by trust.
58 Kalyo
i would never give up ALRIANNE JAKE ROL
I should now give up And don’t try to tell me that There’s always a good part in every bad thing that happens After all, Everyone will always judge you in what you’re doing. Though some people say “Some goodness does shine through once in a while” Stories of triumph and hope don’t happen in real life And it’s wrong that All the hard work and perseverance would pay it off someday Because Desires and goals can be obtained Only if one have the talent, knowledge, and money And it’s never right that dreams do come true I’m sure you will concur that It’s all in my control Thus, you would never hear me say that I would never give up Now read it backwards
DIGMA 59
VALID VANDAL Potograpiya Rochelle Lazada
60 Kalyo
NGITING PASLIT Potograpiya Edd Kenneth Caayao 11th Gawad Emman Lacaba, Pagkuha ng Larawan, Ikatlong Gantimpala
DIGMA 61
may gusto akong sabihin M SQUARED
May gusto akong sabihin, Halika pakinggan mo ko. Balita ko isa ka daw sa boboto ngayong 2016? Pero bakit ang hilig mong magpaloko? Sa totoo lang, wala akong pake kung hindi mo kilala ang lahat ng bayani. Saan naganap ang himagsikan, sino ang sinibak ni Rizal, At bakit laging nakaupo si Mabini. Dahil hindi mo kailangang alamin ang detalye at pagkatao nila, Ang maganda ay kung bakit may mga kagaya nila noon. Nag-aral ka nga ng History at Arts sa magandang pamantasan, Mang-mang ka pa rin naman hanggang ngayon. Gamit ang paniniwala kaya kang huthutan ng pera. Takutin ka lang nang kawalan ng kaligtasan, ibebenta mo na ang boto mo. Maraming nakarinig nang masamang propesiya, Na patuloy daw hihirap ang bansang kinabibilangan ko. Pero hindi ako papayag dahil kailangan kong angkinin ang boses ng iba, At ipagsisigawan sa hawak kong mikropono, Na siyang gagamitin upang manloko ulit ng iba, Hanggang sa umabot sa panahon ng aking mga apo. May gusto akong sabihin, Halika pakinggan mo ko. Tatakbo ako bilang presidente ha? Sana ako ang iyong iboto.
62 Kalyo
PULANG BANDANA
KYLE AQUINO
May suot akong pulang bandana Ito’y napakalinis at napakaganda Dala-dala ko ito kahit saan magpunta Ito ang bumubuo ng aking diwa Lahat ay napapatingin sa aking bandana Mga mata nila’y matutulis at masama Bawat hakbang ay tila hukay sa lupa Papailalim sa mga panghuhusga at pangungutya “Wala kang kwenta!”, Sabi ng mariwasa “Wag kang magmalaki!”, Sabi ng dukha Iilan lang ito sa masasabi ng madla Nakabibingi, nakayayamot at nakasasawa Gusto ko lang matanggap at sumaya Maramdaman kahit minsan ang laya Pagkapit sa patalim ang taya Upang di na makita sa salamin ang luha Pintay ko na ang aking maya Lumilipad kahit saan magpunta Sinunog ko na ang pulang bandana Ngayo’y oras nang magparaya May suot akong itim na bandana Para gayahin ang kagustuhan ng madla Ito ang aking bagong kaluluwa Kulay kung saan ako’y tanggap nila DIGMA 63
HARMONIOUS Potograpiya Hazel Kresta Pineda
64 Kalyo
bedspacer Potograpiya Rikki Mae Valencia
DIGMA 65
Isang Malabong Awit DEAN ALFEREZ 11th Gawad Emman Lacaba, Pagsulat ng Sanaysay, Finalist
Bayang magiliw, Perlas ng Silanganan Alab ng puso, Sa dibdib mo’y buhay
Sa totoo lang, hindi naman mahirap ang mahalin at ipagmalaki ang bansang Pilipinas. Bagama’t isa ito sa mga pinakamaliliit na bansa sa Asya, hindi naman maitatanggi na tanyag ito sa buong mundo sa iba’t-ibang larangan katulad ng malikhaing sining, makulay na kultura at tradisyon, pagda-dubsmash, bulok na airports, traffic, at mala-karnibal na gobyerno. Imposibleng maipagkaila ng bawat Pilipino na #ProudtobePinoy siya sapagkat ito rin naman a ng araw-araw na ipinapakita sa kanya ng telebisyon at internet. At sa paglipas ng mga panahon, patuloy sa pamamayagpag si Juan Dela Cruz sa mga kababawang kinalakhan niya dahil karamihan naman sa mga taong nakapaligid sa kanya, isama mo pa ang mga pulitiko at artista, ay sama-samang tumatangkilik sa bulag na paniniwalang dabest ang Pilipinas dahil meron itong kalayaan at demokrasya.
Pero kung tutuusin, wala namang tunay na kasarinlan ang bansang ito.
Masyadong cute ang pagtawag sa Pilipinas ng “Perlas ng Silangan.” Sa unang tingin, marahil ay napapataas nito ang ating pagkamakabayan at nag-uudyok sa atin na lalo pang mahalin ang ating identidad. Pero kung susuriin, isa itong malinaw na paglalarawan sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa- kung saan ay maihahambing ito sa isang hiyas na nagkakubli sa isang malalim na bahagi ng karagatan. Isang kayamanan na naghihintay lamang na madiskubre ng kung sinumang may lakas ng loob na sumisid upang mamalas ang kanyang ganda. Isang mamahaling 66 Kalyo
perlas na nakatiwangwang, naghihintay; at para bang bulag na nangangailangan pa ng ibang tao upang lubos niyang maunawaan ang tunay niyang halaga. Isang indikasyon na mismong tayo ay walang kakayahang tuklasin ang sarili nating yaman, dahilan para patuloy tayong pagsamantalahan ng mga dayuhang bansa. Hindi na bago sa atin ang ideya ng pagiging makabansa. Sa elementarya pa lang ay ipinapamemorya na sa mga magaaral ang ‘Panunumpa sa Watawat’, na siyang sumasagisag sa dakilang pagibig ng isang mamamayan sa kanyang lupang sinilangan. Araw-araw sa bawat umaga ay pinapapila ang mga bata, sabay taas ng kanang kamay at usal ng mga makabayang kataga- katulad ng isang ritwal bago magsimula ang klase ng alas-syete. Kung sinisipag ang mga gurong namamahala sa flag ceremony, maaaring may kasunod din itong ‘Panatang Makabayan’, isa pang mas mahaba at mas pina-astig na bersyon ng naunang nabanggit. Pwedeng kasunod na nito ang Himno o Martsa ng kanilang paaralan, Awit ng Rehiyon, at ilang minutong ehersisyo sa saliw ng tugtuging ‘Watch Me Nae Nae’ at ‘Dessert’. Ngunit kahit na malaking bahagi ng oras sa paaralan ang iginugugol sa mga makabansang gawain na ito, hindi rin naman rumerehistro sa kaisipan ng kabataan ang kahalagahan nito dahil madalas, hindi rin naman naituturo at natatalakay sa klase. Marahil iniisip ng ilang guro na hindi naman ito ganun ka-importante gaya ng Mathematics at ng Clan War nila, o sapat na ang pagpapakabisa nito sa mga estudyante na may kaakibat na marka. 100 ‘pag kabisado ng buo. 95 ‘pag kabisado pero nauutal. 90 ‘pag kulang-kulang pero pwede na. Bagsak ‘pag nakuha naman ‘yung ideya pero ibang salita ang ginamit. Napakalabo. Isa ito sa mga kahinaan ng ating edukasyon: Mas madaling makakapasa ang mga masugid na sumusunod sa panuto ni Ma’am. Ikinukulong ang kaisipan ng isang mag-aaral sa kung ano ang nasa libro, at kung kaya nyang imemorya kada salita, tuldok at typography error ng ibinigay na babasahin, perfect siya sa recitation. First honor na agad kahit hindi niya alam ipaliwanag kung bakit siya nanunumpa sa Watawat ng Pilipinas. Kahit hindi niya alam ang kahalagahan ng pagiging maka-Diyos, makakalikasan, makatao, at makabansa. Kahit hindi niya naiintindihan kung bakit niya iaalay ang kanyang buhay, pangarap at pagsisikap sa bansang Pilipinas. At dahil sa kawalan ng pagkaunawa ng mga estudyante sa mga bagay na ito, ay mas interesado pa sila sa bahagi ng programa kung saan sasayaw na sila ng magne-Nae Nae sila para magkaroon ng sigla sa pagaaral. DIGMA 67
Lupang Hinirang, Duyan ka nang magiting Sa manlulupig, Di ka pasisiil
Maraming nagsasabi na katangi-tangi daw ang lahing Pilipino dahil ‘pili’ na, ‘pino’ pa. Totoo naman, at madami ang nagpapatunay sa taglay na husay ng ng mga Pinoy kahit saanmo dalhin, o kahit ano ang ipagawa mo sa kanya. Noon pa man, ipinamalas na ng mga sinaunang bayani natin ang wagas nilang pagmamahal sa Inang Bayan, at buong tapang na lumaban upang makamit ang kasarinlang tinatamasa natin ngayon.
Pero ibang usapan ang mga Pilipino sa kasalakuyang panahon.
Kasabay ng paglipas ng ilang siglo at dekada ng pananakop at kolonyalismo, ay unti-unti na ring naglalaho ang mga magigiting na katangian ng mga Pilipino. Namamatay na ang pag-uugaling tatak sa ating mga Pilipino, katulad ng Bayanihan. Hindi maipagkakaila na ito ang isa sa mga mahahalagang susi upang mapaalis ang mga banyagang pilit na umangkin sa ating bayan. Sa buong-pusong pagtutulungan ng mga magkakalahi, ay nabuo ang isang pangarap na makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng sama-samang paglaban at pakikibaka. Noon, walang puwang para sa sariling interes ang ating mga pinuno, at inialay ng buong-puso ang kanilang buhay para sa ikabubuti ng Pilipinas at sa mga mamamayan nito.
Pero ibang usapan ang mga Pilipino sa kasalakuyang panahon.
Bagama’t taglay na natin ngayon ang kalayaan, ay para bang nagdulot naman ito ng isang sumpa sa mga sumunod na henerasyon ng mga anak ng bayan. Sa ayaw mo’t sa gusto, ang dating duyan ng magiting ay pugad na ngayon ng mga taong walang ibang mahal at pinagsisilbihan kundi ang sarili niyang pakinabang. Karamihan sa mga pinuno ngayon ay harap-harapang sinasamantala ang kanilang mga posisyon at nagnanakaw sa kaban ng bansa, samantalang ang mga pangkaraniwang mamamayan naman ay wala ng konsepto ng pagkakaisa at Bayanihan. Mismong tayo ang naghihilaan pababa at naglalaban-laban para sa kapangyarihan. Ma68 Kalyo
laya nga, ngunit wala namang direksyon patungo sa tunay na kaunlaran. Malaya nga, ngunit hindi ginagamit ito upang magkaroon ng iisang diwa. Malaya nga, ngunit wala namang pagpapahalaga sa konsepto ng demokrasya, at pinipiling maging ignorante sa taglay niyang kapangyarihan na magsimula ng pagbabago. Nakakadismayang isipin na mismong Pilipino ang bumubura sa esensya ng kalayaan ng Pilipinas.
Sa Dagat at bundok sa simoy at sa langit mo’y bughaw May dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal
Napakaganda ng Pilipinas- at alam ng lahat ‘yan. Hindi mabilang ang mga magagandang tanawin ang maaaring puntahan ng mga turista, Pinoy man o dayuhan. At habang tumatagal, ay parami pa ng parami ang mga natutuklasang lugar-pasyalan na tila ba binasbasan ng kalikasan sa kanilang natural na kagandahan. Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit gigil na gigil ang mga sakim na bansa na angkinin ang Pilipinas. Palaging bukambibig ng karamihan sa atin na ayaw na nating muling masakop ng mga dayuhan. Pero kung susuriin, halos wala naman tayong pinagkaiba sa isang bansang nasakop at hindi. Sino ba ang nakikinabang sa napakayamang deposito natin ng langis, mineral at iba pang yamang-lupa? Sino ba ang nagmamayari ng mga pinakamalalaking kumpanya at industriya sa kapuluan? Sino ba ang gumawa ng mga tinatangkilik nating produkto na siya nating ginagamit sa arawaraw? Sino ba ang nakakadiskubre sa angking husay at talento ng ating mga kababayan? Sino ba ang iniidolo at ginagawang modelo ng mga kabataan? Sino ba ang pinapanuod at kaninong musika ang ating pinakikinggan? At sino ba ang tunay na nagdidikta sa ating pamahalaan?
Pilipino ba?
Nasakop na ang Pilipinas, hindi nga lang halata. Maaaring mahuhusay talaga ang mga sumakop sa atin at hindi man lang natin ito namalayan, o dahil busy lang tayo sa kapapanuod ng AlDub. Sa perspektibo ng isang mananakop, hindi naman DIGMA 69
ganun kalaking hamon ang atakehin ang ganitong klaseng bansa dahil mas gusto pa nating maghanap ng forever kesa makilahok sa mga talakayang may kinalaman sa ekonomiya at pamahalaan. Palagi nating ipinagdidiinan na iniibig natin ang Pilipinas, tapat tayo sa Pilipinas, walang kapantay ang Pilipinas. Ngunit ano na nga ba ang mga nagawa natin para sa ating Inang Bayan?
Ang kislap ng watawat mo’y tagumpay na nagniningning Ang bituin at araw niya’y kailanpama’y di magdidilim
Ang ating bandila ay ang pinakamahalagang sagisag ng ating identidad bilang mga Pilipino. Ito ang kumakatawan sa Pilipinas sa mga pandaigdig na talakayan at pagtitipon. Ngunit bagamat hindi na lingid sa kaalaman ng karamihan ang kasaysayan at ebolusyon nito, ay marami pa rin naman sa atin ang hindi lubusang nakakaunawa sa kaugnayan ng disenyo nito sa ating pagka-Pilipino. Ang tatlong bituin ay kumakatawan sa tatlong pangunahing isla ng kapuluan (Luzon, Visayas at Mindanao). Samantala, ang mga sinag naman ng ginintuang araw ay sumasagisag sa walong lalawigan na nanguna sa paglaban sa mga dayuhang Espanyol: Manila, Bulacan, Cavite, Pampanga, Bataan, Laguna, Batangas, at Nueva Ecija. Ngunit kahit na inilapat ang mga ito sa watawat nang may iisang diwa at nabigyan ng karampatang pagkilala, tila ba hindi ito maunawaan ng ilan at nagiging simbolo pa ng pagkakawatak-watak ng mgaPilipino. Ang dilaw ay kakampi lamang ng dilaw, ganun din ang pula at asul. Ang Caviteño ay tapat lamang sa kapwa Caviteño, at ang Batangeño ay sumusunod lang sa kapwa Batangeño. Ang Bicolano ay Bicolano, ang Ilocano ay Ilocano, ang taga-Makati ay taga-Makati. Walang pagkakaisa at walang ibang pinaglilingkuran kundi ang sariling interes; habang patuloy na nagpapabulag sa maling interpretasyon ng ‘kabaro’ at ‘kadugo’. Taas-noong ipinagmamalaki ang pagmamahal sa sariling lalawigan; samantalang ito mismo ang nagiging hadlang para magkaroon ng iisang Pilipinas- Isang bansa na may iisa at malinaw na ninanais, pinapahalagahan, at ipinalalaban.
70 Kalyo
Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta Buhay ay langit sa piling mo
Maraming nagsasabi na masarap daw maging Pilipino. Sa tuwing nakakapagkamit ng karangalan ang ating mga kababayan sa mga pandaigdigang kompetisyon, todo bigay na suporta naman ang ipinapamalas ng mga taong-bayan. Tila ba namamayagpag sa puso ng bawat isa ang pag-asa kapag nakakapag-uwi ng tropeyo at medalya ang ating mga alagad ng sining at atleta. Nakatutok ang buong sambayanan sa tuwing nakikipagsuntukan si Manny Pacquiao sa Las Vegas. Halos tumitigil ang oras sa Pilipinas kapag nakakapuntos ang Gilas sa FIBA. Parang naglaho lahat ng problema ng bansa noong manalo ang mga pambato natin sa Asia’s Got Talent. Hindi magkamayaw ang mga Pinoy Netizens tungkol sa mga nabanggit, at minu-minuto ay mababasa mo sa mga social networking sites ang latest na kaganapan sa mga ‘yan. Samantala, parami pa rin ng parami ang mga Pilipinong nagugutom. Lagi pa ring tumitirik ang LRT at MRT. at pataas ng pataas ang presyo ng talong at malunggay. Hindi pa rin natutukoy kung sino talaga ang may sala sa pagkamatay ng SAF 44. Hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagpatay sa LGBT na si Jennifer Laude. Wala pa ring malinaw na kasagutan sa kahihinatnan ng mga kabataang Pilipino dahil sa K-to-12 program. Parami pa rin ng parami ang mga katulad ni Mary Jane Veloso na nagsasakripisyo at kumakapit sa patalim para sa pamilya. Binubully pa rin tayo ng China. Inuuto pa din tayo ng Estados Unidos. At naka-dekwatro lang si Juan dela Cruz sa harap ng telebisyon at pinanunuod ang pagtu-twerk ni Ella Cruz.
Aming ligaya nang pag may mang-aapi Ang mamatay ng dahil
Patuloy tayong nagiging alipin ng ideya na nasa abroad lang ang tagumpay. Hindi rin naman masisisi ang mga mamamayan dahil sa bulok na sistema ng gobyerDIGMA 71
no sa ating bansa. Patuloy na nahahalal ang mga pulpol na pulitikong walang ibang nais kundi ang magpayaman sa kanilang panunungkulan. Mga pinuno na walang malasakit sa mga mamamayan, at magagaling lang sa tuwing nalalapit na ang halalan. Mga tao na walang habas na ninanakawan ang kaban ng bayan; nanloloko, nandaraya, nang-aalipin. Sa kabila ng ‘kalayaan’ na kaakibat ng demokratikong pamahalaan, ay ang paghahari ng mga oportunista na gumagamit sa kapwa nila Pilipino para sa sarili nilang interes. Pilipino din ang umaalipusta sa kapwa niya Pilipino. Kasalanan ng mga taong ito kung bakit papangit nang papangit ang imahe ng ating bansa ngayon. Samu’t saring katiwalian ang kinasasangkutan, at buong tigas ng mukhang nagsisinungaling sa mga pinamumunuan nila. Sa mga taong nagluklok sa kanila sa pwesto. Kaugnay nito, maraming importanteng usapin ang natatabunan ng mga bullshit sa internet, at hindi rin naman maiwasan dahil patuloy na tinatangkilik ng mga ignoranteng Pilipino. Mga ignorante na pinagsasamantalahan ng media at inililigaw ang ating atensyon para mas problemahin na lang natin kung alin ba ang mas maganda- AlDub o Pastillas. Instrumento ang mga taong ito para gawing mas bobo pa ang bobong henerasyon na ito. Inililigaw ang kabataan na siyang kinabukasan ng bayan, para hindi matutong magmasid sa mga tatakbong pinuno at boboto lamang ayon sa limitadong saklaw ng kanyang isipan. At ito ang gustong mangyari ng mga pulitiko- ang magkaroon ng estado na binubuo ng mga walang utak at iboboto sila basta cute sila. Sa pagdating ng panahong iyon, sino ang maaasahan mo? Kanino ka magtitiwala sa edukasyong dapat na matamasa mo? Kanino nakasalalay ang pagbabagong nararapat para sa bayang ito?
Sa’yo.
72 Kalyo
Persona REVAS ALFAFARA
In several questions, I come to ask Why is it that we wear a mask? For even I cannot deface The truth in my face. This mask I wear and choose In perspective, a great recluse This mask I wear for each time I stake One mask for each, a face I make Is this the truth of a collected lie As for as the word “Persona” can go by A word for everyone that imply: The mark of who we are until we die. For each face, a fake Only for another’s sake Never to falter in their front Never to serve failure in each grunt Tell me now, the answer then, Do I live a lie, if so, since when?
I’ve done no wrong but protect my den. Isn’t it the same for all men? In pain I am detained In conviction sustained To horrors inferred Soon to shame deferred But why is it that I can’t cry For so long, so hard, I try Why is it that my ego has left? I feel nothing; feelings in theft. Have I been numbed for what I’ve sworn? The one I’ve lost by the mask I’ve worn. In regret, now, do I find in such a horrid bind. This mask was for my heart, not my face in mind.
DIGMA 73
74 Kalyo
Gapos ARLENE GRACE TUAZON
Namulat sa magulo at madilim na mundo Puno nang mapanghusga at mapangmatang tao Pilit na pinupuna ang mali ng iba Ngunit sariling dungis hindi makita. Naalala ko pa ang sabi nila “Makisakay ka nalang at makisama� Sumunod ako sa agos at nakiisa Ang mali ang kinilala kong tama. Lahat sa iisang direksyon nagtutungo Walang sumasalungat, tango lang nang tango Sunud-sunuran, hundi kumikibo Buntot lang nang buntot tulad ng isang aso. Kailan tayo magigising at babangon? Itama ang mali at gising yaong mga natutulog Ibuka ang pakpak at kumawala Lumipad ng mataas palayo sa haulang mapansita
DIGMA 75
UKIT SA BARYA Potograpiya Rochelle Lazada
76 Kalyo
sulyap Potograpiya Faith Fidel DIGMA 77
LANGIT FAITH FIDEL
Nagising na lamang ako sa lamig na bumabalot sa aking katawan.
Hinahanap ko ang mga tanikala na sa akin ay gumagapos. Nilingon ko rin ang bawat paligid, tumitingin ng ilang bakas ng rehas na kumukulong sa aking sarili.
Ngunit wala, walang kahit na anuman ang sa akin ay pumipigil.
Isa na naman kaya ito sa aking mga panaginip? Panaginip na tinatamasa ko ang tunay na kalayaan. O baka naman tulad lamang ito ng kasinungalingan na kinukubli nila na kung saan ang pagka-abswelto’y hanggang sa papel lamang at simulain ng panibagong sintensiya mula sa mata ng lipunan. Iniisip ko rin na marahil tulad lamang ito ng pagkakatanggal ng posas sa aking mga kamay ngunit ang kapalit ay ang pag gapos sa kalayaan kong gumalaw, magsalita at maghinaing sa mapanghusgang pamantayan ng lipunan. Pero hindi, hindi ito panaginip dahil nakita ko ang aking sariling nakahandusay sa sarili kong dugo kasama ng mga tintang ginamit ko upang magsulat at muling buhayin ang itinago nilang katotohanan na nangyari noong gabing unang beses kong ipaglaban ang hustisya. Inakala nilang nakuha na nila ang buhay ko ngunit hindi maitatanggi ang patunay sa ngiting nakabakas sa aking mga labi, sa wakas, nakamit ko rin ang tunay na paglaya.
78 Kalyo
LUPA “Wala ka na naman yatang tulog kagabi ah, at nakita ko yung mga bote ng alak sa ilalim ng higaan mo. Sabihin mo nga sakin dinalaw ka na naman ba niya sa panaginip mo?” Naga-alalang tanong sa akin ni nanay. “Panaginip? Kailan pa naging isang panaginip ang demonyong iyon. Bangungot ang tawag doon.” Pabalang at galit na sagot ko naman sa nanay ko. Sa halip na pagalitan ako dahil sa kabastusan na ginawa ko ay nakita ko silang tahimik na nakatingin lang sa akin. Naiinis ako, dahil bakas sa mga mata nila ang awa na hindi ko naman kinakailangan. Umalis na lamang ako sa hapag kainan at nagyosi sa labas. Pilit kong nilulunod ang sarili ko sa alak at sa usok ng yosi upang itago ang sakit ng realidad. Pero noong araw na iyon ay biglang rumagasa ang mapait kong nakaraan sa likod ng mga usok ng yosing hawak-hawak ko. “Oh, Governor! Magandang umaga po. Buti’t napabisita kayo sa barangay namin.” Sabi ng kapitbahay namin. Napatigil ako. Tinapon ko agad ang yosing hawak ko at nagmamadaling pumasok sa loob. Hindi ko alam ang gagawin ko nung pagpasok ko. Gusto kong umiyak at magwala, pero gusto ko ring ipakita sa kanilang lahat na ang gabing nakatanikala sa kalayaan ko’y matagal ng nawala. Na matagal ko ng pinalaya ang sarili ko mula sa poot. Nararamdaman ko na ang unti-unting namumuo na luha sa gilid ng aking mga mata.
Hanggang sa..
DIGMA 79
“Ate, si Kuya Lucky daw. Yung reporter na nag star witness sa’yo nung gabing ano.. yung.. yung kay Governor.. Ate.. patay na daw siya.” puso.
Sumilip ako sa bintana, damang-dama ko ang pagbilis ng tibok ng aking
Hindi na ako naniniwala sa tamang paraan para sa pagkamit ng hustisya, hindi na rin ako naniniwala na ang kalayaan ay ibinibigay ng pantay-pantay para sa lahat, dahil sa ngayon, ako na ang gagawa ng sarili kong paglaya kahit pa ang katumbas ay ang pagpatay ng demonyo. Kung sino ang demonyo? Hindi ko alam, kung ito ba ang demonyong kinupkop ko simula noong gabing iyon o ang demonyong gumawa ng impyerno sa buhay ko habang nasa lupa pa ako.
IMPYERNO
Ako ang pinakamalayang tao.
At sa malaya’y ang ibig sabihin ko’y hawak ko ang batas, ako ang batas. Tinitingnan ko ang aking sarili sa salamin, namamangha sa naga-alab kong kapangyarihan, hindi alintana ang nagsusumamong boses na ikinukubli ko sa aking kalooban. Suot-suot ko ang maskara ng katotohanan sa tuwing humaharap sa inyo, pinapalabas na ang kalayaa’y nasa inyong mga kamay habang gapos-gapos ko ang inyong mga paa. Inaaliw at hinihimok na ang kapangyarihan ay nasa inyo, kapangyarihan na kayang kaya kong tumbasan ng salapi.
80 Kalyo
Nakikita ko sa mga mata ninyo ang pag-asang dadalhin ko kayo sa kalangitan. Nakikita ko ang kamangmangan sa bawat papuri’t palakpak na ibinibigay niyo sa akin. Sinasabi niyong malaya kayo? Pare-parehas lang tayong bilanggo, nagkataon lang na ako’y sa demonyong kumukopkop at nagbibigay depinisyon ng kalayaan ko at kayo’y sa kamangmangan sa paggamit ng kapangyarihan ng pagiging malaya.
Malaya? Hahaha, mga inutil.
DIGMA 81
Sukdulang Pagpili ALLOIZA JEAN RECTO
Simple o magarbo? mahalaga ba ang anyo Kulang o sobra? Ano nga bang mainam Konti o marami? Meron nga bang pagkakuntento Magaan o mabigat? Timbang nga ba’y may bilang Mababa o mataas? Malaking bagay ba ang antas Maikli o mahaba? Kaya mo ba ang magpasensya Madali o mahirap? Parehas lang ba ang kalalabasan Mabilis o mabagal? Maaatim mo ba ang di pagusad Oo o hindi? palaging tanong sa isipan Tama o mali? Ano nga bang dapat sundin Utak o puso? Hindi malaman kung anong paiiralin Sa sarili mo, ikaw lang ang makakatugon. Mga katanungang ikaw din ang magdedesisyon. hindi ba’t iyon naman ang mahalaga? Ang maging makabuluhan at masaya. Lamang, siguraduhing sa paraang hindi ka makakatapak ng iba. 82 Kalyo
balagtas Potograpiya Rochelle Lazada
DIGMA 83
The Malice ERVIN LLOYD LIPA
12:05 AM Ako’y mulat ngunit wala akong makita. Madilim ang paligid ng kinasasadlakan kong kwarto. Tanging ang mga ilaw sa kalye ang umaaninag sa aking bintana. Walang aircon ang aking kwarto ngunit malamig ang dampi ng hangin sa aking balat. Sa kabila nito ay tumatagaktak ang aking pawis, binabasa nito ang aking likod pati na rin ang aking kamiseta. Isang linggo ko na kasing di pinapapasok sa aking katawan ang puting demonyo na nakikita ko sa foil. Ako’y bumangon, pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Akala ko’y tapos na ang gulo at payapa na ulit. Ngunit di pa tapos ang gabi‌ 2:21 AM Nagbabaga ang aking dibdib. Pilit kong hinahabol ang bitin kong paghinga, ngunit kailangan kong ipagpatuloy ang aking pagtakbo. Isang anino ang naaninag ng aking mata. Hindi masundan ng aking mata ang bilis nito. Pawang magkakamukha lamang ang mga eskenitang aking nadaraanan. Naliligaw ba ako? Hindi. Kabisado ko ang bawat sulok ng lugar na ito. Minumura na ako ng nangangawit kong mga paa. Sinisumpa na ako ng mga baga kong pilit ang habol sa aking paghinga. Ngunit patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Maaabutan na niya ako. Isang aninong may pagtatangka sa aking buhay. Kusang bumigay ang aking katawan sa pagod. Tama na. Suko na. Ayaw ko nang makipaglaro ng habulan sa kalaro kong anino. Bumulagta ako sa gitna ng daan. Nabitiwan ko ang maraming puting demonyo mula sa aking kamay. Nakakarinig ako ng mga yapak. At bago pa man ako mawalan ng ulirat, isang malakas na sapak ang nadama kong lumapat sa aking pisngi. Doon ko nakita ang hilatsa ng mukha ng aninong humahabol sa akin. Mapula ang kanyang mga mata. Tumutulo ang laway niya na parang asong ulol. Sumiim ang takot hanggang saking mga buto. Dahil ang nagnanais tumapos sa mahal kong buhay ay walang iba kundi ang sarili ko mismo. Nakita ko ang 84 Kalyo
aking buhay, naglalaho, pumaparam habang nakikita ko ang makintab na talim sa kanyang kamay, nag-niningning sa ilalim ng liwanag ng buwan. Marahan niya itong itinarak sa aking leeg at… 3:01 AM Minulat kong muli ang aking mata. Tumingin ako sa aking paligid. Nagbalik ako sa aking kama, sa aking masalimuot na kwarto. Gusto kong bumangon muli upang bumaba sa kusina at uminom ng tubig ngunit may isa akong problema. Hindi ako makagalaw. Hindi ko maipihit ang aking ulo. Hindi ko magawang ikilos ang aking mga braso’t binti. Para bang wala na akong kontrol sa sarili kong katawan. Gising ang aking diwa, ngunit tulog ang aking katawan. Nagdulot ito sakin ng takot at pangamba. Sumikip ang aking paghinga. Bumilis ang tibok ng aking puso, at kusang tumulo ang luha sa aking mga mata… 5:37 AM Natapos ang unos. Kalmado na ulit ang aking paghinga. Umaalingawngaw ang katahimikan sa pagitan ng apat na pader na tinatawag kong kwarto. Bumangon ang pagod kong katawan. Bumaba ako sa kusina. Naroon ang aking buong pamilya. Naghahanda ng almusal ang nanay at tinutulungang maggayak sa pagpasok ang mga kapatid ko. Day-off ng tatay ko ngayon at naroon siya, humihigop ng mainit na kape. Ito na ang araw. “Handa ka na ba, anak? Bumalik lahat ng mga pangyayari sa aking kathang-isip. Tumitig ako sa sahig. Tumitig akong muli kay tatay. Tumango ako sa kanya. Ngumiti ang tatay. Inabot nya ang aking kamay. “Mag-almusal ka na at maligo. May pupuntahan tayo.” Naramdaman ko ang init ng pagmamahal ng aking pamilya. Akala ko kasi noon mag-isa lang akong lumalaban. Mag-isang lumulusong sa hamon ng buhay. Ngunit simula ngayong araw na ito, magbabago ang lahat. May dahilan siguro kung bakit hinayaan kong sapian ako ng putting demonyong akala ko’y tatapos sa aking paghihirap. Lumabas ako ng bahay. Nilanghap ko ang simoy ng umaga. Mapolusyon. Mabaho. Pero simbulo ito ng bagong simula. Dumampi sa aking balat ang init ng papasikat na araw. Isang panibagong araw. Handa na ako… “Handa na ako..”
DIGMA 85
WITHERED Potograpiya Rochelle Lazada
86 Kalyo
CARAPHERNELIA M SQUARED
Para kay Cara, Nakilala kita sa Ermita isang gabing maulan. Habang tulog na ang mga bata ngunit gising pa ang mga malalamig na puso na naghahanap ng magpapainit dito. Sa lugar kung saan patay-sindi ang liwanag Na siyang tumatama sa kulay asul mong buhok Na lalong gumaganda pag pinasasayaw mo. Lumapit ka sa akin kahit wala kang ibang suot Walang ibang suot bukod sa nakakapanghina mong ngiti. Umikot ang mundo. Ngumiti ang bituin. Nagpatuloy ang musika, At sumabay ang pintig ng aking puso. Malamig ang lugar na sinilungan ko Pero kabaliktaran ‘to ng naramdaman ng katawan ko mula nang lumapit ka. Ikaw. Na mukang inosente pero maraming tinatagong sikreto ng nakaraan, ay minahal ko. Kahit ilang lalaki na ang dumagit sa’yo At dinala ka sa walang hanggang alapaap Kahit maraming laway na ang hinalo mo sa sarili mo ring laway sa loob ng maliit na silid, sarado ang pinto, habang bukas ang binti mo at tinatanggap ang buo nilang pagkatao. Kahit wala ka ng ibang bisyo bukod sa mag-alala kung sino at ano ang bago mong makakasama, para ikaw ay siya nilang parausan. Kahit wala nang ibang inatupag maliban sa sumayaw sa patay-sinding liwanag at umalindog sa ibabaw ng mga lalaking kinakasama mo. Posible man o hindi, Nawa’y malaman mo, Mababa man ang tingin nila sa’yo Handa akong ibigay ang aking puso Matutunan mo lang ang pagbangon. DIGMA 87
Silakbo CHESCA ASPRER
i. Marahil ito na nga ang wakas ng ating kwento. Naabot na natin ang tuldok, ang dulo, ang katapusan. At hindi ako nasisiyahan dahil hindi ito kasingrikit ng storyang binuo ko para sa ating dalawa. Dahil hindi masaya ang ating wakas. Ang dating nagliliyab na mga damdamin para sa isa’t isa’y mistulang isa na lamang naaupos na kandila. Pareho tayong nagpadala sa ihip ng hangin, at tayo’y nilamon na ng lamig. ii. Isang gabi ay tumawag ka sa akin at wala akong kamalay-malay na iyon na pala ang huli. Iyon na pala ang huling beses na maririnig ko ang banayad mong boses. Iyon na pala ang huling beses na bibigkasin mo ang pangalan ko kadugtong ang mga salitang miss na kita. Ang huling beses na mararamdaman ko na tayo’y magkatabi sa gabing iyon. Iyon na pala. Iyon na pala ang huli. iii. Kaysarap balikan ang panahon na inamin mo sa akin na gusto mo ako. Mistulang musika sa aking tainga ang mga katagang binitiwan mo. Gusto kita. Gusto kita. Gusto kita. Paulit-ulit, ulit, ulit, ulit. Sinundan pa ito ng sumunod na araw na tayo’y nagkasamang makibaka. Tagumpay ang laban para ipatigil ang eksekusyon kay Mary Jane, at halos buong gabi kitang nakasama. Isang gabing tumatak na sa isipan ko’t kailanma’y hindi ko na malilimutan. iv. Sinabi mo sa akin noon na mahirap mahalin ang isang aktibista. Mahalin mo ito, at makakalaban mo ang masa at ang bayan. Subalit mali ka. Hindi ka mahirap mahalin. At hindi kompetisyon ang pag-ibig ko para sa’yo. Hindi kita minahal para ipaglaban ka mula sa mga iniibig mong tunay. Minahal kita dahil mahal mo ang ating bayan. Ngunit nasobrahan ka yata, mahal. Dahil wala ka nang itinira para sa sarili mo. Ayaw mo nang bigyan ng pagkakataon ang sarili mo na mahalin ka rin ng iba. v. Nahanap kita. Natagpuan mo ako. At ito ang simula ng ating kwento. Nagsimula bilang magkaibigan, hanggang sa naging kasama. Sa dalas ng ating pagsasama at kwentuhan ay nakilala ko ang mga pira-pirasong ikaw. Ikaw na takot iwanan ngunit paborito ang salitang paalam; ikaw na matapang pagdating sa pakikipaglaban para sa bayan subalit napakahina pagdating sa pag-ibig. Ikaw na sa hindi inaasahang pagkakataon ay iibigin ko pala ng lubusan. 88 Kalyo
H I S TO RYA M SQUARED
Katulad ng isang baliw na nalulunod habang binibilang ang malalaking alon Na sumasanga sa kanyang muka At muling binilang, At muli, Upang hindi siya magkamali kahit pinapatay na siya ng sariling kamang-mangan. Katulad ng isang sinaing na iniwan sa mainit na buga ng apoy Na pilit hinihinaan upang hindi masunog ang kaning kakainin para sa tanghalian. Katulad ng isang kape na bagong timpla para hindi mabalot ng lamig ang madaling araw Na buong pusong pinatamis upang hindi maumay sa pait nang pagkatimpla nito. Katulad ng isang umibig na iniwan ng kanyang sinisinta At desperadong naghanap ng maitatapal sa malaking butas ng kanyang puso. Ganito ako nabuhay. Ganito na rin ako mamamatay Kasabay ng paglubog ng araw at pagsilip ng buwan At ng paglimot mo sa lahat ng alaala Ng mga nabuhay at namatay Para sa iisang kabuluhan. DIGMA 89
the Filipino, I am REVAS ALFAFARA
I am the Filipino, black hair, brown skin I am the Filipino, hard core, strength within The Filipino, I am worth dying for with all the cost The Filipino, I am, never to be lost Too many races have come and gone Too many heroes have died as one So much of who we are, have come to who we were So many of us have burned to the ashes in time’s ensnare To what extent am I, the Filipino do I go by? How true could I be? The race set upon me? If I am not even the blood of my ancestral bone Moreover, am I still the Filipino as lain? And now do I think after a good long look around I pity the soil, a native land but no native ground The song that was once in tagalog has now come ree That we are no more who we’re supposed to be “Who should we be?” I asked Another momentous task Too many afore did falter For the solution is another stutter: Bonifacio proclaimed “Katagalugan” our country’s name Then American refrained In “Philippines” we abide in shame I am a Filipino, black hair, bloodied stain I am a Filipino, hardcore, struggling in sin The Filipino, am I? Worth dying for, at what cost? The tagalog I was, but even my tongue, I’ve lost 90 Kalyo
SAFE HAVEN Potograpiya Adrian Joseph Arbon
DIGMA 91
REHAS JIYANNA
Pumipitak iyong pagaspas Pinipilit itago natural na tikas Pinipilit sumunod sa “Tamang landas” Ngunit habang lumilipas Pananggalang ay humuhulas Maskara ay kumukupas Paru-paroý naghihintay makawala’t makalabas At sa huliý masasabing “Malaya na ako sa wakas”
92 Kalyo
Walang Katapusan REIMER GRACE CORTEZ
May mga tanong na ‘di kailanman masasagot May mga bagay na masalimuot Sa agos ng panahon Akala mo lang Narating mo na ang dulo. Pero, mali ka. Manalo ka man, talo ka pa rin. Matalo ka man, panalo ka pa rin. Wala kang naabot, nasa gitna ka pa rin. Ganyan lang ang takbo ng buhay, mahirap intindihin. Hindi lahat ng nasa kanan ay tama palagi Hindi rin lahat ng nasa kaliwa ay pulos mali. Kung iniisip mong may balakid, Humaharang, pumipigil sa’yong paligid D’yan ka na naman nagkakamali. Puro ka inggit, pagmamalaki at kayabangan. Ngunit ang totoo, wala kang nararating. Hanggang di mo pa nauunawaa Ang tunay na mahalaga sa mundong ito, Sa hinaba-haba ng ‘yong pinag-aralan, ‘Di ka pa rin natuto. Walang nagsabing nagsasayang ka lang Di ko rin sinasabing wala kang patutunguhan Ang akin lang. Sa mundong walang katapusan ang pakikipaglaban, Naitanong mo na bas a iyong sarili, “Ano nga bang pinakamahalagang leksyon ng buhay?” DIGMA 93
pangunahing pahina Potograpiya Rochelle Lazada
94 Kalyo
ISA
MONICA FERRERAS
Isa, nangangahulugang isa! Bilang na palaging sa kanya nag-uumpisa. Ang numerong isa lamang ang may kakayahang makapag-isa dito sa mundong ating kinabibilangan. Narito ang ilang katibayan na tanging isa lamang ang nakakapag-isa. Makakabuo ka ba ng makina na nagpapaikot sa mundo kung ang gagamitin mong kasangkapan sa paggawa nito ay iisa? Makakapagluto ka ba ng masarap na pagkain kung ang gagamitin mong rekado ay iisa? Hindi di ba? Ang isang namumuno, kakayanin ba n’yang mamuno kung sarili lang n’ya ang kanyang pamumunuan? Kakayanin n’ya kayang mabuhay sa pamamagitan ng sarili lamang niya? Saan n’ya kaya kukuhain ang ipangtatayo ng kung anu-anong establisyimento na patuloy na nakakasira sa ating kapaligiran? Saan n’ya kaya kukuhain ang ipangtatayo ng malaki at malapalasyo n’yang tahanan? Ikaw? Paano ka makakapagsulat kung gagamitin mong daliri ay iisa? Paano mo makikita ang tamang direksyon ng buhay mo kung iisang mata lamang ang nakadilat at ang isa’y hahayaan mo lang nakapikit dahil sa takot mong makita ang tunay na anyo ng mundo na puno ng taong uhaw at salat sa pagmamahal. Paano mo maririnig ang hinanakit at daing ng mga kabatakan mong naghuhumiyaw, nagsusumamo at nagmamakaawa, kung patuloy mong tatakpan ang iyong isang tainga at iisa lang ang bubuksan? Paano ka makakarating sa tama mong paroroonan at tamang landas nang isang paa lang ang ginagamit? Mabagal, matagal at maaaring hindi ka na makarating pa. Imulat mo ang mga mata mo at pansinin ang iyong kapaligiran, hindi ka mabubuhay nang nag-iisa. Lahat tayo’y kailangan ng kaagapay. Tandaan mo wala kang pamilya at wala ka rito kung hinayaan ng Diyos na si Adan lamang ang taong nilikha n’ya. DIGMA 95
mga kaloob Lahat nang nailathalang gawa ay mananatiling pagmamay-ari ng may akda. Ang mga naturang akda ay hindi maaaring muling mailathala nang walang pahintulot ng sumulat. KALYO, ang opisyal na literary folio ng The Philippine Artisan-Manila, ay inilalathala isang beses kada taon. Ano mang komento, mungkahi o mga payo ay malugod naming tinatanggap at maaari ninyong ipadala sa aming email: philippineartisanmanila@yahoo.com facebook.com/TekArtisan Ang opisina ng The Philippine Artisan ay matatagpuan sa G/F, CLA Building, Technological University of the Philippines, Ayala Boulevard, Corner San Marcelino Street, Ermita, Manila.
KALYO Tomo LXX Issue 2 Pag-aanyo at Paglalapat Adrian D. Gaborno Bachelor of Fine Arts in Advertising Inilathala sa ERZALAN Printing Press Taong 2015
96 Kalyo
Adrian Joseph Arbon, “Untitled”, mula sa punong patnugot p6; “Blossom II”, p14; “Torre de Manila”, p57 Edd Kenneth Caayao, “Remnants”, pahinang pampamagat p3—panimula p5 Rochelle L. Lazada, “Two Birds that flock together”, pabalat p1; “Survival”, p53 Jean P. Napeñas, “Human Waste”, p10; “Bandila: Barbed”, p52 Hazel Kresta F. Pineda “Saksi sa Kasaysayan”, p26
kontribusyong panliteratura Chesca Asprer Erwin Escalante
Pagkilala sa mga dakilang bumubuo at patuloy na gumagabay, bumabatikos, at sumusuporta sa mapagpalayang diwa ng panitikan at pamamahayag. Ito’y para sa iyo.
lbᜈ᜔ pilipino
100 Kalyo