AJ Mappala Sample Output 3

Page 1

MANILA, Philippines — Hindi na kailangang hiwain nang maraming Pinoy ang sibuyas para maluha — ang kailangan lang, tignan ang presyo nito sa palengke. Sa price monitoring kasi ng Department of Agriculture, Miyerkules, lumalabas na P500 hanggang P720 kada kilo na ang bentahan ng lokal na pulang sibuyas.

Ganitong-ganito ang presyo ng sibuyas ngayon sa Las Piñas Public Market ayon sa ulat ng GMA News, na siyang nakaobserba ng isang pirasong sibuyas sa P43 na may bigas na 60 gramo. Katumbas na ito ng isang kilong bigas sa maraming pamilihan.Para sa mga magbabakasakali kung mas mura ang puting sibuyas (lokal), lumalabas namang nasa P600 ito ngayon kada kilo.

“To be reasonable on that and practical — pero mukhang maraming magagalit sa ‘kin — e ‘di ‘wag tayong bumili ng isang kilo, di ba?” wika ni Rex Estoperez, deputy spokesperson ng DA, sa panayam ng dzBB.“Kung ano lang ang makakaya nating bilhin, ayun muna.”

Malayong-malayo ang presyong ito kumpara sa P170/kilong suggested retail price na itinakda noon ng kagawaran para sa mga palengke sa National Capital Region sa gitna ng pagtaas ng mga presyo, ito kahit na “mas mababa ito dapat” batay sa kanilang cost structure.Lumabas ang mga datos na ito ilang araw bago ang New Year, kung saan kailangan ang naturang spice sa mga putaheng karaniwang inihahain tuwing Media Noche.

Limang magsasaka sa Pangasinan, nagpakamatay dahil sa malaking lugi sa sibuyas

Limang magsasaka ang nagpakamatay sa isang bayan sa Pangasinan matapos na malugi sa kanilang pananim ng sibuyas.Sa pagdinig ng Senado, patungkol sa sobrang taas ng presyo ng sibuyas, iniharap ni Elvin Laceda, Presidente ng Young Farmers Challenge Club of the Philippines, si Nanay Merly Gallardo at inilahad nito na nagpakamatay ang kanyang asawa dahil sa malaking lugi sa kanilang sakahan.

Ayon kay Nanay Merly, kahit binibili sa kanila ng grupo ni Laceda sa mas mataas na farm gate price ang sibuyas sa halagang P220 hanggang P350 kada kilo ay nalugi pa rin sila dahil sa mga pag-ulan na nararanasan noong nakaraang taon na ikinasira ng kanilang pananim.

Sinabi ni Laceda na isa si Nanay Merly sa mga magsasaka na kanilang tinutulungan sa Bayambang, Pangasinan at isa ang asawa nito sa nag-suicide dahil sa milyon-milyong utang matapos na sirain ng harabas o army worm ang kanilang pananim.

Aniya, ngayon lang sana makababawi ang mga magsasaka pero dahil may importasyon ng sibuyas ay wala pang 100 araw para ma-iharvest ay kailangan ng anihin ang mga sibuyas sa loob ng 85 hanggang 90 araw. Aniya, ngayon lang sana makababawi ang mga magsasaka pero dahil may importasyon ng sibuyas ay wala pang 100 araw para ma-i-harvest ay kailangan ng anihin ang mga sibuyas sa loob ng 85 hanggang 90 araw.

Ang grupo ni Laceda ang bumibili ng aning sibuyas sa ilang mga magsasaka sa Pangasinan at naibebenta nila sa Metro Manila sa

P350 kada kilo noong kasagsagan na ang presyo ng sibuyas ay pumapalo ng P700 kada kilo. Ang grupo ni Laceda ang bumibili ng aning sibuyas sa ilang mga magsasaka sa Pangasinan at naibebenta nila sa Metro Manila sa P350 kada kilo noong kasagsagan na ang presyo ng sibuyas ay

pumapalo ng P700 kada kilo. Umapela si Laceda sa Food Terminal Inc. (FTI) na huwag namang baratin ang mga magsasaka sa pagbili ng kanilang aning sibuyas na hindi rin

Sen Villar sa Publiko: Huwag na munang kumain ng sibuyas

Hinikayat ni Senador Cynthia Villar ang publiko na huwag nang gumamit ng sibuyas sa pagkain dahil sa mahal na presyo nito sa mga wet market.

Sa pagdinig ng Senate committee on agriculture na pinamunuan ni Villar, kinompronta nito ang state-owned Food Terminal Inc. (FTI) dahil sa pagbenta ng higit P500 kada kilo ng sibuyas gayong bumagsak na ito sa P250 noong nagdaang taon.

“Kaya ka pinabibili para magmura sa market ‘di ba? Ang government parang siya ang bibili para magmura sa market, eh kung bibilhin mo din ng ganon kamahal, eh what will be your service to the market? Huwag na lang tayong kumain ng onion. Ako hindi na nakain ng onion eh,” ayon pa sa senadora. Matatandang iniimbestigahan na ng Office of the Ombudsman ang Department of Agriculture at FTI kaugnay ng P140 milyong halaga ng sibuyas na binili mula sa isang kooperatiba sa Nueva Ecija sa halagang P537 kada kilo.

“Diyos ko naman, lumang story na ‘yon, Diyos ko. Hindi naman kami ganon kabobo. Accept the responsibility that you bought P500 when there are available na P200 something,” giit ng senadora.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.