Ang Baybay Dagat | TAON LXXXIII Blg. 1 | Hunyo-Nobyembre 2016

Page 1

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG PANGASINAN TAON LXXXIII BLG. 1 Ang BAYBAY DAGAT

HUNYO-NOBYEMBRE 2016

1

Hunyo - Nobyembre 2015

‘Senior High School’, inilunsad na

Tatlong guro, pasado sa NQESH ni Jeansha Mae Viray Muling pinatunayan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan o PMPP ang pamamayagpag sa NQESH ng mga gurong kumuha ng naturang pagsusulit para maging punongguro o mapataas ang posisyon. Ang naturang NQESH o National Qualifying Exam for School Heads ay isang mekanismo sa pagpili ng mga bihasa at karapat-dapat na maging pinuno ng paaralan. Matatandaang kumuha ng pagsusulit sina G. Rockny G. Nicolas, G. Celito C. Bugarin, pawang mga guro sa asignaturang Matematika at si G. Armando Victorio, guro sa Agham at Teknolohiya, na mapalad na pumasa. Sa kasalukuyan ay nasa iba’t ibang paaralan na sila ng Division I bilang mga punongguro. Matinding review sessions ang pinagdaanan ng tatlong guro upang makapasa sa nasabing pagsusulit. Matatandaan ding nanguna sa NQESH ang dating ulong guro V ng T.L.E. na si Gng. Jocelyn Untalan at nakakuha ng 99.99% ratings. Patunay lamang ito sa matinding dedikasyon ng mga guro ng PMPP na makalikha ng mga dekalibreng punongguro.

LINGAYEN, PANGASINAN -Upang makasunod sa pambansang reporma sa edukasyon, ipinatupad na ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan sa akademikong taon 20162017 ang Senior High School (SHS), na magdaragdag ng ika-11 at ika-12 na baitang sa mataas na paaralan. Ayon sa opisyal na pahayag, ang SHS ay alinsunod sa mga pamantayan sa ilalim ng Philippine Qualification Framework at ASEAN Qualification Framework, kung saan inuuri ang antas ng kasanayan at edukasyon na kailangan bilang kwalipikasyon sa iba’t ibang trabaho. Si G. Florante S. Tamondong, kasalukuyang punongguro sa PMPP ang siya ring punongguro ng SHS

katuwang niya ang mga ulungguro ng iba’t ibang departamento sa naturang paaralan upang mas lalong mapabuti at mapaunlad ang kalidad ng SHS sa paaralan. Ayon sa punongguro, malaki ang maitutulong ng SHS sa pagiging handa ng mga magaaral na tutuloy sa kolehiyo. Pagkatapos ng dalawang taon sa SHS, ang mga mag-aaral ay inaasahang magiging mas matatag at handang handa ng suungin ang anumang hamon sa kolehiyo. Malaki ang tulong ng bagong sistema ng edukasyon sa ating bansa lalo na sa mga magulang sapagkat ang dagdag na dalawang taon sa hayskul ay libre o walang bayad sa pampublikong paaralan habang sa pribadong paaralan ay magbibigay parin ng tulong pinansyal ang gobyerno. Layunin ng PMPP na mapagtibay at mabigyan ng

sapat, maganda at dekalidad na edukasyon ang mga mag-aaral kaya’t puspusan ang ginawang pagsasanay at pagpili sa mga gurong nagtuturo sa SHS at ang mga makabagong gamit pangteknolohiya ang siyang sandata ng mga guro rito. Samantala may 871 bilang na mag-aaral sa SHS ang naitala ng PMPP sa taong kasalukuyan na nagmula pa sa iba’t ibang paaralan hindi lamang sa bayan ng Lingayen kundi sa buong Pangasinan. Sa bawat strand ay may naitalang bilang ng mga mag-aaral STEM, 171, GAS, 198, ABM, 168, HUMSS, 72 , TVL, 214 at 48 naman sa SPORTS. Mayroon ding 20 na bilang ng mga masisigasig at magagaling na mga guro na kasalukuyang nagtuturo sa SHS ngayong taon. Malaking tulong din ang bawat strands sa pagpili ng

espesyalisasyon ng mga magaaral na magpapatuloy sa kolehiyo. Maglalaan ang Science and Technology Engineering and Mathematics (STEM) strand ng kinakailangang academic grounding sa mga gustong kumuha ng kurso sa kolehiyo sa physical sciences, mathematics, engineering and technology. Nakadisensyo ang liberal arts education at social science strand upang mabigyan ng kaalaman at kasanayan ang mga mag-aaral na naglalayong kumuha ng liberal arts (Philosophy), Literature, Communication Arts, Journalism, Education at Social Science (Sociology, History, Behavioral science, Psychology, at Asian science). Ito ang hakbang ng DepEd sa pagpapaigi ng kalidad ng basic education sa bansa. (Apple Lucinario)

PAGCOR, umagapay sa pagpapagawa ng silid sa PMPP Isa lamang ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan o PMPP ang mapalad sa humigit kumulang na 480 silid-aralan na ibinahagi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR. Mula sa kanilang tema na “Matuwid na Daan sa SilidAralan” na pinamumunuan ng Tagapangulo at Chief Executive Officer Cristino Naguiat Jr. na katuwang ang Kagawaran ng Edukasyon at Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan. Sinimulan ang naturang gusali noong ika – 17 ng Disyembre 2015 at

pinondohan ito ng Php 39,547,194.45. Mayroon itong tatlong palapag at ang bawat palapag ay may 6 na silid – aralan. Ayon sa Tagapangulo na si G. Naguiat , ipinatatayo ang mga silid-aralan na ito sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon at ng gobyerno para sa maganda at kalidad na edukasyon sa mga pampublikong paaralan. Gusto nilang mapabuti ang pasilidad para sa mas produktibong pagtuturo ng mga guro at magkaroon ng magandang edukasyon ang bawat mag-aaral. Ikinatuwa naman ng mga magulang ang naturang proyekto ng PAGCOR para sa ikabubuti ng kanilang mga anak at para sa mga

“Matuwid na Daan sa Silid-Aralan”. Bagong tayong gusali sa PMPP katuwang ng PAGCOR

susunod pang henerasyon. Inaasahan naman ng PMPP mula sa pamumuno ng punong guro na si G. Florante S. Tamon-

dong na sa susunod na pasukan ay maaari na itong magamit ng mga guro at mag – aaral. (Marlon Valle)

Nag-uwi ng karangalan ang limang Senior Girl Scouts (SGS) ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan (PMPP) sa ginanap na National Chief Girl Scout Medal Scheme (CGSMS) Project, kung saan ang Awarding Ceremony ay ginanap sa Philippine International Convention Center

(PICC), Cultural Center of the Philippines (CCP), Pasay City, Manila nitong Nobyembre 4, 2016. Tinanggap nina SGS Cindy P. Brian, SGS Djohamie Denise V. Urayan, SGS Airy Jane J. Bernardo, SGS Justine Gayle B. De Guzman, at SGS Rizza Abigail

Senior Girls Scout ng PMPP, pinarangalan

sundan

sa

pahina

...2


2 BALITANG KINIPIL Maling akala, ano ba talaga ang tama? “Hindi na mababawi ang isang pagkakamali.” Nakamit ng apat na mag-aaral ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan ang unang pwesto (Division Level) sa Storybook Making Contest na pinamagatang “Maling Akala.” Kinilala ang apat na mag-aaral na sina Jana Chesed de Leon, Rovhe Ann Trixie Dela Cruz, Marjolyn Estrada, at Kaye Angela Reyes na kasalukuyang nasa ika-10 baitang ng PMPP. Ang kwento ay tungkol sa lalaking nagbenta ng gamot na walang reseta ng doktor sa isang babaeng may sakit dahil sa pagaakalang siya’y gagaling, nahimok ang babae ng kaniyang kaibigan na bumili ng gamot na antibiotic. Ngunit sa ‘di inaasahang pangyayari ay nakasama ito sa kaniyang kalusugan at ito ang naging mitsa pa ng kaniyang kamatayan. Ito ay nagbibigay babala sa mga taong mahilig makinig sa mga payo ng mga kaibigan na hindi kumukunsulta sa doktor. Samantala, ang kwento ay napabilang rin sa sampung finalist sa national level. Si Gng. Marianne Delos Reyes ang tagasanay ng apat na mag-aaral. Ang nasabing paligsahan ay kaugnay ng pagdiriwang ng Philippine Antibiotic Awareness Week 2016 na gaganapin sa ika-14 hanggang ika-20 ng Nobyembre. (Joemely Serrano)

World Teachers’ Day, ipinadiwang

My Teacher, My Hero. Tagapagbantay ng karunungan. Pangalawang magulang. Ilan lamang ito sa mga ‘di matatawarang pakahulugan sa isang guro. Bilang pagpapahalaga sa mga guro ay taunang ipinagdiriwang ang World Teachers’ Day (WTD) sa Narciso Ramos Sports and Civic Center na sinimulan sa Unity walk mula sa parke ng kapitolyo ng Pangasinan patungong NRSCC. Sinundan naman ito ng isang pasasalamat sa Panginoon sa pangunguna ni Rev. Father Manuel Bravo, at pormal itong binuksan ng ina ng Division I ng Pangasinan I na si Dr. Ma. Cecilia Junio-Fernandez. Nagkaroon din ng mga makabuluhang mensahe ang iba pang kawani ng Division I. Hindi naging sagabal ang tindi ng init ni haring araw sa mga masasayang palaro para sa mga guro gaya ng sack race, tag of war, atbp. Nagkaroon din ng bunutan o raffle draw bilang regalo sa mga dimatatawarang serbisyo’t pagmamahal sa propesyong pinili ng mga guro. (Sarah Manuel)

SSG Automated Election ng PMPP, isinagawa Inilunsad ang kauna-unahang Supreme Student Government (SSG) automated elections ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan (PMPP) sa pangunguna ng SSG Commission on Elections (Comelec) Adviser na si G. Julius Cesar R. Reyes nito lamang ika-8 ng Hulyo. Masusing pinaghandaan ang naging resulta ng halalan 2016 para sa pagpapalit ng mga opisyales na siyang mamumuno sa mga estudyante sa buong taong panuruan 2016-2017. Kaisa ang mga estudyanteng boluntaryong sumama upang mas mapadali ang pag-usad ng bilangan ng mga boto. Titatayang humigit-kumulang tatlong libong mag-aaral ang bomoto at sama-samang tumulong sa pagpili ng karapat-dapat na mamuno sa PMPP. Ang bawat nalikom na boto sa iba’t ibang grado ay agad na inilalapat sa projector screen para sa maayos na transisyon at transparidad sa naturang halalan. Dakong alas-kwatro ng hapon ay ganap ng nakuha ang resulta ng bilangan. Muling nahalal si John Mark C. Mangapot, Senior High Student, bilang pangulo ng organisasyon. (Krisha Estrada)

Ang BAYBAY DAGAT Hunyo - Nobyembre 2015

Laging handa sa anumang sakuna ni Michaella Lana Faye Victorio

Nakiisa ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan (PMPP) sa malawakang earthquake drill na ginanap noong Hunyo 22 ng taong kasalukuyan. Mahalaga na magsagawa ang bawat paaralan ng earthquake drill sa kahit saang sulok ng Pilipinas dahil ang ating bansa ay nasa Pacific Ring of Fire na nagpapahiwatig na ang posisyon ng ating bansang may malaking posibilidad na tamaan ng lindol. Ito ang kaunting gabay sa oras ng lindol kapag ikaw ay nasa labas: una, humanap agad ng bakanteng lote na malayo sa dagat o lawa. Pangalawa, lumayo sa mga puno, mga gusali at sa mga poste ng kuryente na maaring masira ng lindol. Kung ikaw naman ay nasa loob ng isang gusali, manatili ka sa loob at gawin ang “duck, cover and hold” at siguraduhing matibay na bagay ang pinagtataguan

THE BIG ONE Puspusang nagsasanay ang mga mag-aaral ng PMPP sa posibleng mangyaring lindol.

mo. Pangalawa, umiwas ka hangga’t maari sa mga salamin na may posibilidad na mabasag. Ang nasabing drill ay

Electrical Communication ng PMPP, ipinagkaloob ng City Savings Bank

“Paging!Paging!”. Malugod na tinanggap ng mga ulong guro ng iba’t ibang departamento at nga smhan ng PNHSEA sa pangunguna ni G. Felicitas Dominguez ang bagong electric communcation na bigay ng City Savings Alaminos. Upang matugunan ang sa loob ng paaralan, nagbigay pangangailangan ng Pambansang ng donasyon ang City Savings Mataas na Paaralan ng Pangasinan Bank Alaminos ng Electrical (PMPP) ukol sa komunikasyon Communication System na

naglalayong ihanda ang bawat estudyante, guro at iba pang empleyado kung sakali mang may lindol na magaganap sa ating lugar alinsunod nagkakahalagang Php 50,000 nito lamang ika-22 ng Oktubre na ginanap sa PMPP library. Nagdulot ng malaking tulong sa larangan ng komunikasyon sa PMPP ang natanggap na donasyon. Mas mapapadali rin nito ang pagpaparating ng mga anunsyo sa buong paaralan tulad na lamang ng pagsusupende ng klase. Sa pamamagitan nito, mas naging organisado ang papapadala ng mga impormasyon at mas napatatag pa nito ang kaayusan at seguridad ng naturang paaralan. Ang nasabing pangyayari ay dinaluhan ng mga ulongguro, kawani at opisyales ng Pangasinan National High School Employees Association (PNHSEA) sa pangunguna ni Gng. Felicitas M. Dominguez bilang pangulo ng organisasyon. (Krisha Estrada)

Cinemathlaya, umarangkada

Itinampok sa Cinemathlaya 2016 ang mga sampung pelikulang isinagawa ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan (PMPP) sa pangunguna ni G. Julius Cesar Reyes, guro sa Matematika sa Sison Auditorium, Lingayen, Pangasinan nitong ika-13 ng Oktubre. Ang Cinemathlaya ay isang programa na kinapapalooban ng mga pelikulang nagpapakita ng konsepto ng Matematika sa mga tunay na pangyayari sa buhay. Kabilang rito ang “Hours of Ours”, “The Unlucky Pen”, “Broken into Pieces”, “Logic of Love”, “Ikaw na ba si Mr. Right?”, “Angel’s Squad: The Special Revenge”, “Xcantadia: Mga Probinsyanang Mandirigma“, “Trip to PNHS”, at “Gabay”. Sa nakalap na resulta, pumailan lang sa panlasa ng lahat ng magaaral ang “Gabay” (1st), “Logic of Love” (2nd), “Hours of Ours” (3rd), “Ikaw na ba si Mr. Right?” (4th), at “Trip to PNHS” (5th). Sa kabilang banda, nakatanggap din ng mga parangal ang mga mag-

INDIE FILM. Sampung pelikulang kalahok sa Cinemathlaya 2016 aaral na nagpakita ng kanilang mga talento sa iba’t ibang aspeto. Ginawaran si Daniel Fortaleza bilang “Cinemathlaya Logo Creator of the Year.” Naparangalan naman bilang mga “Best Actor” si Sharman Czar Bartolome ng “Hours of Ours”. “Best Actress” naman si Heidi Vinluan ng “Logic of Love”. “Best Supporting Actor” naman si Giano Fernandez ng “Logic of Love” at “Best Supporting

Actress” si Gerlie Acosta ng “Gabay”. Ginawaran din bilang “Best Screenplay” ang “Angel’s Squad: The Special Revenge”. “Best Director” ang “Hours of Ours”. “Best Blogger” naman ang “Broken into Pieces”. “Most Viewed Trailer” naman ang “Ikaw na ba si Mr. Right?”. “Best Graphic Artist” ang “720” at “Best Scriptwriter” ang “Gabay”. (Jenny Lyn Manuel)

sa DepEd Order No.48, s. 2012 o Quarterly Conduct of the National School-Based Earthquake and Fire Drill.

Brigada Eskwela, muling nagbayanihan Nito lamang ika-30 ng Mayo ng umaga ay pormal na isinagawa ang Brigada Eskwela sa PNHS na kung saan ang panauhing pandangal ay si G. Mac Dexter Malicdem, bagong halal na konsehal ng Lingayen. Kabilang sa mga aktibidad ay tree-planting, paglilinis ng JICA, Repainting of Teacher’s Park, Quadrangle area, Senior Lawn, at Coop Area ay ilan lamang sa mga nangyari sa loob ng isang linggong Brigada Eskwela. Sa tulong ng YES-O Club, Lingayen Gay Association, PNP-Lingayen, Philippine Navy, Guardian at magaaral ng naturang paaralan, naging matagumpay ang Brigada Eskwela sa taong ito. Dahil sa matagumpay ang Brigada Eskwela sa taong ito, nagtapos ang naturang aktibidad sa isang “Boodle Fight” na para sa mga guro at mag-aaral ng PNHS. (John Alvid Fernandez)

Senior Girls Scout mula sa pahina ...1 Iryll F. Nicolas ang kanilang mga

medalya bilang mga National Chief Girl Scout Medalists. Ang mga naturang SGS ay naparangalan dahil naisakatuparan nila ang isang taong proyektong pang-komunidad ng CGSMS. Bukod pa rito ay naisagawa nila ang layunin ng naturang programa ng Girl Scouts of the Philippines, ang magkaroon ng positibong pagbabago sa pisikal, mental, sosyal, ispiritwal at sa lahat ng aspeto na dapat taglayin ng isang karapatdapat na chief girl scout medalist. Nagsagawa sila ng tree planting sa iba’t ibang barangay tulad sa Barangay Talogtog na pinangunahan ni Cindy, sa Barangay Libsong East na pinangunahan naman ni Djohamie, sa Barangay Pangapisan naman nanguna si Rizza, at sa Barangay Malawa naman si Gayle. Samantala, ang isinagawa ni Airy ay ang Water Pump Installation sa Barangay Libsong East. Sa kabilang dako, naisakatuparan nang maayos ng mga naturang SGS ang kani-kanilang mga proyekto sa tulong ng kanilang mga troop leader na sina Gng. Maricar C. Cruz, Gng. Elenore A. Sinsuan, Gng. Elmarie Lou A. Angelo, at Bb. Prima C. Baltazar. (Cindy P. Brian)


3

Ang BAYBAY DAGAT Hunyo - Nobyembre 2015

Espesyal Report

Baitang 11, nagtipon sa Anti-illegal Drug Symposium

Wikang pambansa, binigyang halaga

“Makisangkot at Makialam”. Katuwang ang mga kapulisan kontra droga.

Nagtipon ang tinatayang 850 mag-aaral mula sa ika-11 na baitang sa isinagawang AntiIllegal Drug Symposium sa kuwadranggulo ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan noong Oktubre 12, taong kasalukuyan. Pinangunahan nI Moises J. De Guzman Memorial Lodge No. 161, F & A.M. saklaw ng The Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines Masonic District R-1 Pangasinan ang isinagawang panayam. Layunin nitong imulat ang mga kabataan sa mga plano at programa ng gobyerno ukol sa problema ng ilegal na droga pati na rin ang mga negatibong epekto

ng pagkasangkot sa mga ilegal na gawain ukol dito. Nagbahagi ng mga kaalaman ang tatlong panauhing tagapagsalita. Una rito si Atty. Michael Camilo M. Datario na tinalakay ang mga batas na may kinalaman sa ilegal na droga, lalo na sa mga karapatan, parusa, at multa. Binigyang-diin niya rito ang Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002. Ayon sa kaniya, “Mahalagang malaman at magkaroon ng kamalayan ang lahat lalo ang mga kabataan dahil sila ang itinuturing na pag-asa ng bayan.” Sumunod si Supt. Ferdinand De Asis na tinalakay naman ang pagpapatupad ng mga

batas at operasyong manwal ukol sa KontraIlegal na droga. Huli namang nagtalakay si Dr. Simon B. Brown ukol sa pag-uuri ng ilegal na droga, ang mga panganib na dulot nito at epekto sa mga tao. Sa kabilang banda, dumalo rin ang iba sa mga alagad ng Panlalawigang Pulisya ng Pangasinan sa naturang pangyayari. (Jenny Lyn Manuel)

Idinaos ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Wika ng Karunungan” noong Agosto 10, 2016. Binigyang-diin ni Gng. Ma. Corazon C. de Ocampo, Ulongguro VI, kagawaran ng Filipino na dapat isaisip, at isapuso ng mga magaaral ang Buwan ng Wika sapagkat sa pamamagitan ng pagdiriwang nito naipapakita ang pagmamahal sa sariling bayan. Nararapat lamang na pagyamanin ang paggamit ng wikang Filipino sapagkat ito ang instrumento tungo sa mas matalino at mas maunlad na mamamayang Filipino. Kaugnay sa pagdiriwang nito ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang paligsahan at ang mga nagsiwagi sa mga patimpalak ay sina Prince Arvic Victorio ng STEM-A (Baitang 10) para sa pagguhit ng poster, Jeremy D. Fortaleza ng STEM-A (Baitang 8) sa pagbuo ng islogan, sa pagsulat ng sanaysay ay nakamit ni Jeansha Mae Viray ng STEM-A (Baitang 7), sa isahang Danna Krysta Gem Laureano ng STEM-A (Baitang 10) at si Margarette Jimenez ng STEM3 (Baitang 11), at sa improntung talumpati ay nakuha nina John Marlon Valle ng STEM-A (Baitang 9) at ni Mark Denver Obillo naman ng ABM-3 (Baitang 11). (Krisha Estrada)

Fernandez, nahalal bilang pangulo ng MFPTA 2016

Hinirang na Pangulo ng Municipal Federated Parents Teachers Association (MFPTA) si Gng. Sally O. Fernandez noong ika-28 ng Agosto taong kasalukuyan na ginanap sa Mababang Paaralan ng Lingayen I. Matatandaang si Gng. Fernandez ay kasalukuyang pangulo ng Parents Teachers Association (PTA) ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan (PMPP). Siya rin ang nahirang na pangulo ng PTA sa Mababang Paaralan Libsong. Isa sa layunin nito ay ang kalinisan ng kapaligiran

kaya naman sa kanyang proyekto ay nagpagawa siya ng 28 basurahan na ipinamahagi sa Lingayen I, II at III. Hangad ng pangulo ng MFPTA na magkaroon ng masaya at aktibong ugnayan ang paaralan sa mga magulang upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang bawat kabataan. Opisyal na nanumpa si Gng. Fernandez kasama ang iba pang mga opisyales noong ika-3 ng Setyembre, 2016 sa pangunguna ng ina ng Lingayen na si Mayor Josefina “Iday” Castaneda. (Daniel Fortaleza)

Ang pangulo ng PTA na si G. Sally O. Fernandez, sa kanyang natatanging panayam.

MGA AKTIBONG MAG-AARAL:kalahok sa iba’t ibang patimpalak sa Buwan ng Wika 2016.

Curfew hours: muling binuhay

Ika-8 ng Oktubre, taon 2013 nang matagumpay na naipasa sa sangguniang bayan ng Lingayen ang Ordinance no. 10, S-2013 o ang ordinansang nagpapatupad ng takdang oras ng curfew sa mga menor de edad, na isang ordinansang pinag-isipan at itinahi ng kagalang galang na konsehal , Con. Judy D. Vargas. Ang naturang ordinansa ay umiiral pagsapit ng 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga. Ayon sa ordinansa ang lahat ng indibidwal na wala pa sa wastong gulang o 18 taong gulang ay nararapat na manatili sa kani-kanilang kabahayan at hindi na sila maaring maglakad-lakad pa sa labas ng kanilang tahanan at magpunta pa sa mga pampublikong lugar. Sa kabila nito mayroong mga itinakdang eksepsyon ayon sa seksyon 3 ng ordinansa.Una, kung ang menor de edad ay kasama ng kanyang mga magulang o guardian sa nasabing oras ng curfew, pangalawa kung ang menor de edad ay mayroong dadaluhan o pinangalingang kaganapan na may kinalaman sa skolastikang

aspeto tulad ng pang gabing klase, o ang mga awtorisadong pagtitipon sa mga paaralan. Pangatlo kung mayroong isang biglaang pangangailangan o isang emergency na maaring makaapekto sa buhay ng isang indibidwal. Pang apat ay kung ang menor de edad ay mayroong dinaluhan na pagtitipon na konektado sa relihiyon, at isports o mga paligsahan. Ikalima, ay ang eksepsyon ng ordinansa sa mga espesyal na pagdiriwang tulad ng pistay dayat, bagong taon, pasko at iba’t iba pang pagdiriwang. Sa ordinansang ito ay mayroong mga batas na dapat sundin at sa paglabag nito maaring humarap ang lumabag sa iba’t ibang parusang nakaatang. Unang paglabag: Pagbibigay ng Babala . Pangalawang paglabag: Pagbabayad ng P100 ng magulang o guardian ng lumabag. Pangatlong paglabag: Pagbabayad ng P200 at pagkakaroon ng counseling na ibibigay ng Municipal Social Welfare and Development Center. (Perneil Joshua Fernandez)

BALITANG KINIPIL Seguridad sa PMPP, pinaigting Pinagtibay ang seguridad sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan sa pangunguna ni G. Florante S. Tamondong, punong-guro ng PMPP. Ganap ng pinasimulan at naging epektibo ang pagpapatupad ng seguridad sa paaralan nito lamang ika-17 ng Oktubre. Isa na sa aksyong ginawa ay ang pagbabawal na makapasok ang anumang pampubliko o pribadong sasakyan at sa halip ay tanging mga kawani ng PMPP lamang ang maaring magpasok ng kani-kanilang sasakyan. Dagdag pa rito, may mga bagong alituntuning inilabas ang mga guwardiya bago makapasok gaya ng mga sumusunod: Upang makapasok ang mga sasakyan ng mga bisita, kailangan nilang makipag-uganayan at mag-logbook muna sa mga guwardiya. Hindi na maaaring pumasok ang mga estudyanteng nakamotorsiklo. Tanging ang mga sasakyan ng mga guro o empleyado ng paaralan na may gate pass ang papayagang pumasok at manatili sa campus. Kailangang mag-iwan ng ID at mag-logbook ang sinumang bisita, kumuha ng “visitor’s pass” at isuot ito habang nasa loob ng paaralan. Ang mga nabanggit na alituntunin ay dapat sundin upang ang kaligtasan at kaayusan ay makamtan ng bawat mag-aaral at mga kawani. (Jeansha Mae Viray)

YES-O at SSG, nagsanib puwersa Basura. Isa sa mga pangunahing problema hindi lang sa ating bansa, kundi sa buong mundo. Basura na maaaring sumira sa kapaligiran at pagmulan ng iba’t- ibang klase ng sakit. Katuwang ang Supreme Student Government (SSG) ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan (PMPP) ay naglalayong isulong ang kalinisan at kalusugan ng ating paaralan. Kaugnay nito ay nagsagawa ng pagsasanay ang PMPP sa gabay nina Ginang Jacqueline Arcelona at Ginang Liezel Ferrer, mga tagapamatnubay ng SSG, noong Agosto 11-12, 2016 sa silidaklatan ng PMPP na may temang, “Waste Management: Recycling and Proper Solid Waste Practices na naghahangad na madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral para makatulong sa pagresolba ng nakaambang pagdami ng basura. Sa nasabing pagsasanay, tinuruan ang mga estudyante kung paano nila mapapakinabangan ang mga itinuturing na patapon. Isa na dito ay ang paggawa ng palamuti tulad ng kwintas yari sa mga gamit na papel, dyaryo o magazines na kung saan ay maaari nila itong ibenta at pagkakitaan. Kasabay nito ay ang paglulunsad ng YES-O Club sa pangunguna ni April Christelle de Leon, pangulo ng YES-O na kanilang mas pinalawak at pinalaking tapunan ng basura o Material Recovery Facilities (MRF). Ito’y sa gabay ng tagapatnubay ng naturang samahan na si Gng. Marian Soriano. Maliban sa makatutulong ito sa kalinisan ng paaralan ay nagagamit din ang mapagbebentahan ng mga botelya at papel sa iba pang proyekto ng YES-O sa PMPP. (Cindy Brian)


4

Ang BAYBAY DAGAT Hunyo - Nobyembre 2015

EDITORYAL

Pagsugpo ng pamahalaan sa droga,nakaaalarma Kailan kaya matatapos ang pagsugpo ng administrasyon sa ipinagbabawal na gamot? Kailangan ba talagang gumamit ng dahas makuha lamang ang minimithing kapayapaan? Ito marahil ang nabubuong tanong sa kaisipan ng mga kabataan sa ngayon sanhi ng walang habas na paglobo ng mga bilang ng mga namamatay dahil sa droga. Pagsapit ng takipsilim ay tila wala ka nang makikitang mga kabataan na nagkalat sa lansangan. Dati rati nama’y naglipana pa sila’t masayang naglalakbay kasama ang kanilang mga kaibigan. Tahimik kung maituturing sapagkat wala nang maingay at magiging matiwasay na ang gabi. Ngunit, sa kabila nito’y maririnig ang alingawngaw ng suno-sunod na putok ng mga balang kumikitil sa buhay ng marami. Matapos pagtibayin ng kasalukuyang administrasyon ang kampanya kontra sa droga ay napuno ng pangamba at nagbigay ito ng alarma hindi lamang sa mga nakatatanda ngunit pati na rin sa aming mga kabataan Ang dating tahimik na mundong aming ginagalawan ay napuno ng takot at kalituhan sa aming kaisipan. Ang agarang pagtaas ng bilang ng mga namamatay sanhi ng giyerang inilunsad ni pangulong Rodrigo Roa Duterte kontra droga ay nagbunga ng maiinit na talakayan hindi lamang sa Pilipinas ngunit maging sa karatig na bansa. Naghayag na rin ng kani-kanilang saloobin hinggil sa nagyayaring extrajudicial killings sa ating bansa ang Estados Unidos, EU or European Union, United Nations na bumatikos na sa pamamahal ng ating pangulo. Isang libo’t limang raan na ang namamatay dahil sa operasyon ng mga Pulis, at ang natitirang bilang ay kagagawan di umano ng mga vigelanteng grupo at hindi pa kilalang mga suspek. Ngunit nanindigan parin ang ating Pangulo at si PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na ipagpatuloy ang kanilang pamamaraan sa pagsugpo ng droga sa bansa. Ayon pa kay PNP Chief Dela Rosa, hindi raw siya natatakot na banggain ang sinuman dahil ito raw ay para sa ikauunlad at ikapapayapa ng ating bansa. Kahit ano pa man ang mangyari, tutol kaming mga kabataan sa umiiral na patayan sa ating bansa. Ang pagkamit ng kapayapaan ay hindi kinakailangan ng sandatahan. Hindi namin ninanais na madagdagan pa ang mga biktima. Makitang lumuluha ang nauilalang bata sanhi ng pagkakapatay sa kanyang ama ay dagok at sakit sa aming puso ang nadarama. Bilang isang kabataan at anak, dama namin ang kawalan kung sakaling mangyari ito sa amin. Sana sa bandang huli ay makita naman ng pamahalaan ang totoong problema ng mga mamamayan. Ito ay hindi ang droga, kundi ang umiiral at patuloy na paglaganap ng kahirapan kung kaya’t natututo ang mga kababayan natin na tahakin at landasin ang buhay sa ilalim ng ipinagbabawal na gamot upang makabangon lamang sa kahirapan ng buhay.

Punto por punto Krisha Estrada

Muling paglayag sa Scarborough Shoal, may kapalit nga ba? “Hindi dahil naging maamo ang kalaban, kailangan nang pagkatiwalaan.” sang napakalaking balita para sa mga Pinoy na mangingisda na muling makapalaot sa Panatag Shoal o Scarborough Shoal matapos ang matagumpay na pakikipagpulong ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Xi Jinping sa Tsina. Napakalaking bagay ang pagbibigay pirmiso sa mga kababayan nating mangingisda sapagkat sa simula pa lamang ay ito na ang kanilang pangunahing hanapbuhay at siyang tumutustos sa

I

kanilang araw-araw na pangangailangan. Ang balita’y nagdulot ng kagalakan hindi lamang sa mga mangingisda kundi pati na rin sa buong bansa dahil tila nagbigay ito ng munting pag-aasa at posibilidad na maalis ang lamat ng tunggalian sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa usaping teritoryo sa West Philippine Sea (WPS). Ngunit kung susuriin ay walang malinaw na pahayag kung paano nagbago ang dating malupit na puso ng Tsina dahil nga sa matapang nitong pagbabawal sa mga Pinoy na mangingisda na

maglayag sa sinasabing kanilang teritoryo nitong mga nakaraang buwan. Walang nakikitang transparidad sa sinasabing “arrangement” ng dalawang pinuno sapagkat hindi nila lantarang inihayag kung ano ang mga naganap sa likod ng kanilang talakayan sa isyu ng WPS. Ang sinasabing “regalo” a kapanatagang handog ng bansang Tsina sa mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough ay wala sanang mabigat na kapalit. Sana ay hindi ito magbunga ng iba pang problemang kakaharapin ng ating bansa sa susunod pang mga taon. Ang makabuluhan at makasaysayang pagkapanalo ng ating bansa sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague na pinangunahan ng dating administrasyon ay huwag sanang mabalewala at isantabi na lamang ng kasalukuyang administrasyon. Sa kabilang dako ay patuloy pa ring maninindigan ang Pilipinas na angkinin ang WPS at ipaglaban ito sa ligal at diplomatikong paraan.

PUNONG PATNUGOT

DANIEL FORTALEZA, KRISHA ESTRADA, ARMIEN JAY MAPPALA

PANGALAWANG PATNUGOT CINDY BRIAN, CLYDEL BAUTISTA

MGA TAGAPAMAHALANG PATNUGOT

DOMINIC SORIANO, BENEDICT CRUZ, MARLON VALLE, JOEMELY SERRANO

PATNUGOT NG BALITA

JENNY LYN MANUEL, JOHN ALVID FERNANDEZ, JEANSHA MAE VIRAY, SARAH MANUEL APPLE LUCINARIO,MICHAELLA LANA FAYE VICTORIO, PERNEIL JOSHUA FERNANDEZ

PATNUGOT NG LATHALAIN

DHENIELLE MACALTAO, GLADJEL CASACLANG, BEA ALEXANDRA BIBAL

PATNUGOT NG AGHAM

CINDY BRIAN, DOMINIC SORIANO

MGA MANUNULAT

MANFAI SACK,KURT GERALD TORRES, YUKA MUTOH, JUSTINE MORILLO, MA. KRISTINA DOYAOEN, ANDREA LOMIBAO DHENIELLE MACALTAO, JOAN PAULA SUDIACAL

TAGAGUHIT NG KARTUN

PRINCE ARVIC VICTORIO, BENEDICK CRUZ

TAGAKUHA NG LARAWAN

ARIELE MARJO REYES, ADOLFO AMOR

TAGA ANYO NG PAHINA

ang Ang

DANIEL FORTALEZA, ARMIEN JAY MAPPALA

KONSULTANT TAGAPAYO YOLANDA U.MGA DELA CRUZ, AL A. MA. VILLANUEVA, GNG. SALLY FERNANDEZ CORAZON C. DE OCAMPO RUBELINE JOY C. MARARAC, CHRISTINE O. ESTRADA VI, FILIPINO PANGULO,PTA ULUNGGURO G. FLORANTE S TAMONDONG PUNONGGURO IV


5

Ang BAYBAY DAGAT Hunyo - Nobyembre 2015

Mula sa Tanggapan ng Punongguro Boses ng Masa Florante S. Tamondong Principal IV

Ang Inyong Lingkod..

H

indi madali ang pagiging isang ama lalo na’t mayroong humigit kumulang 300 daang itinuturing na mga anak. Sa mahigit na dalawang taong panunungkulan sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan (PMPP) ay lubos ang galak at nagging bahagi ng isang tahanang naniwala sa pamumuno ng isang simpleng tao ngunit puno ng pag-asa at positibong pananaw sa buhay. Ang maisakatuparan ang magandang edukasyon para sa mga mag-aaral ng

PMPP ay napakalaking responsibilidad bilang isang punongguro. Gayundin ang kaayusan at kalinisan ng paaralan ay nakasalalay sa kaniyang pamumuno. Hindi rin mawawala ang taos pusong pagtitiwala at pasasalamat sa mga magulang na ipinagkatiwala ang kanilang mga anak upang mabigyan sila ng maayos at sapat na patnubay upang mahubog sila bilang kabataan na magiging katuwang ng ating bansa sa hinaharap. Nawa’y ipagpatuloy nila ang suporta at walang hanggang pagmamahal

Nagmamasid Cindy Brian

NDEP, pinagtibay ng DepEd

P

inaigting ng Department of Education (DepEd) ang programa kontra droga sa pamamgitan ng National Drug Education Program (NDEP) na naglalayong maiwasan ng mga magaaral ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot at upang magkaroon sila ng kamalayan patungkol sa masasamang epektong dulot nito. Hindi natin maikakaila na malaik ang kontribusyon ng mga kabataan sa ating bansa kaya naman nararapat lamang na pagtibayin ang programang ito upang mabuksan ang isipan ng bawat kabataan at nang maiwasan ang drogang makasisira sa kanilang kinabukasan. Nararapat lamang na magkaisa ang mga kawani ng paaralan at mga

magulang ng mga mag-aaral na bantayan at lubusang kumontra sa ipinagbabawal na gamot upang makamit ang kaligtasan ng kabataan sa loob at labas ng paaralan. Subalit sa kabila ng katotohanang unti-unti nang nababawasan ang krimen sa ating bansa ay nakababahala naman ang paglobo ng kaso ng patayan sa Pilipinas. Ito na marahil ang nakatatakot na epekto ng giyera kontra droga sapagkat maaaring tularan ng mga kabataan ang walang pakundangang patayan ng dahil lamang sa droga. Subalit maniwala tayong matatapos din ang kaguluhang ito sa ating bansa at ang kadiliman ay mapapalitan din ng kaliwanagan. Bilang isang mabuting kabataan, nararapat lamang na alamin natin ang kaibahan ng tama

sa ating mga mag-aaral at mga guro. Katuwang ang mga masisipag at mapagmahal na guro bilang ikalawang magulang ng mga bata. Ang kanilang husay sa pagtuturo at pagmamalasakit sa mga mag-aaral ang siyang daan upang higit na mas mapaunlad at mapalawak ang kakayahan ng mga kabataan. Kaya bilang punongguro ay sisikapin pa natin lalo na magkaroon ng maayos, may pagmamalasakit sa kapwa, bayan at kalikasan na ipinagkaloob ng Diyos na siyang lumikha.

sa mali at malamang ay ang ang tama ang ating dapat na isakatuparan sapagkat ito ang naaayon sa mata ng Diyos. Hindi naman masama ang hangarin ng ating Pangulo na wakasan ang droga sa ating bansa sapagkat inuuna niya lamang na tuldukan ang kasamaang epekto nito na ang kadalasang apektado ay ang mahihirap at mga kabataan. Nakabubuti rin ang programang pinagtibay ng DepEd na NDEP sapagkat ipinaliliwanag dito ang Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may layuning pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan, lalo na ang mga kabataan, laban sa pinsalang dulot ng droga. Dito rin nakapaloob ang mga karampatang parusang ipapataw sa sino mang gumamait o magbenta ng illegal na droga. Hintayin nating matapos ang termino o panunungkulan ni Pangulong Duterte. Sana nga ay tuluyan na nating makamit ang payapa at tahimik na bansa upang tayo ay magkaroon ng produktibo at kapakipakinabang na kabataang naturingang pagasa ng bayan.

Clydel Bautista

Tanong: Sang-ayon ka ba na gamitin at maging ligal ang marijuana sa Pilipinas para sa layuning medikal lamang? “Hindi ako sang-ayon sapagkat ito’y aabusuhin lamang ng mga gumagamit nito. Ang marijuana ay kabilang sa ipinagbabawal na gamot na talagang nakapagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan at kaisipan ng isang indibidwal. Sa halip na makatulong, baka mas lalong magdulot lamang ito ng masama at makasama pa sa buhay ng bawat isa.” -G. Florante S. Tamondong, Principal IV “Hindi ako pabor dahil maraming varayti ng marijuana ang maaaring makasira sa utak at baka abusuhin lamang ito ng mga tao kung sakaling maging ligal na nga ito sa ating bansa.” -G. Edwin Cruz, MAPEH Teacher “Oo, sang-ayon ako sapagkat napatunayang epektibo naman ito. Kung para sa magandang hangarin, bakit hindi? Pero dapat may limitasyon sa paggamit nito.” -G. Kim Laforteza, Guidance Councelor I “Hindi ako sang-ayon dito sapagkat masyadong malaki ang magiging epekto nito sa ating bansa kung patuloy na lalaganap. Masama sa kalusugan kaya’t ‘di na dapat ito maging ligal.” -G. Eugene Sison, Dyanitor ng PMPP “Oo, sang-ayon ako sapagkat napatunayan naman na talagang mabisa itong panlunas sa kanser. Kaya nga ipinanukala rin sa Amerika na gawin itong ligal. Kaya mas mabuti na magamit ito sa ating bansa lalo na sa may mga karamdamang maaari nitong magamot.”

-anonymous

“Sang-ayon ako dahil mabisa nga naman itong gamot. Kinakailangan nga lamang na ito’y hindi maabuso at dapat na gamitin lamang sa paggamot. Nararapat rin na hindi ito basta mabibili sa botika kung walang reseta ng doktor.” -Shannen Raiza B. Saringan, mag-aaral ng Senior High School “Hindi ako pabor dahil masyadong gugulo ang ating bansa kung ipapatupad at maging ligal ito. Baka ang iba ay gawin na palusot ang karadaman makabili lang ng lunas na marijuana. Tulad na lamag ng isang artistang kamakailan ay naaresto at sinasabi niyang may sakit siya kaya’t kinakailangan niya ito.”

-Marjorie Quimson, Magulang

“Oo, sang-ayon ako sa ideyang iyan. Makatutulong ito sa mga maysakit lalo na sa may kanser. Napatunayan naman na ito’y mabisa kaya magandang magamit na ito sa Pilipinas.”

-Cherryl Rabanillo, Adm. Aide III

Naging maingay na naman ang isyu tungkol sa marijuana matapos suportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit nito sa bansa para sa layuning medikal lamang. Dahil nga ito’y itinuturing pa rin na iligal sa ating bansa, ipinanukala ni Isabela Rep. Rodolfo Albano III na House Bill No. 4477 na ito’y maging legal ngunit sa layuning medikal lamang. Napatunayan na rin na ang katas ng marijuana ay ginagamit na ng humgit kumulang 24 bansa bilang mabisang sangkap sa paggwa ng gamot na panlunas sa mga malulubhang sakit gaya ng childhood epilepsy.

Text sa patnugot

Mahal naming patnugot,

Magandang araw sa inyo sampu ng inyong mgakasamahang manunulat ng premyadong paaralang pahayagan. Mahigit isang daang taon na ang PMPP, kaya nga naman patuloy itong humuhubog ng mga kagaya kong magaaral. Kasabay ng pagbuo ng aming mga pangarap ay siya ring patuloy napag-usbong o pagbabago ng ating paaralan. Sa pagdaan ng mga taon at araw ay lalo pang dumarami ang nag-aaral sa ating paaralan, kaya nga naman labis din ang aking pagkabahala lalo na sa kalinisan ng ating paaralan. Bagamat maraming basurahan o trash can na nagkalat sa ating paaralan ay tila nagbubulag- bulagan ang ilang mga kagaya ko na estudyante. Ano po ang maaari niyong tugon para mas madisiplina o maturuan ang ilang mag-aaral para itapon sa tamang tapunan ang kanilang mga kalat gaya ng mga pinagbalatan ng kendi, mga plastik, sratch papr at ibs pa. Alam kong bawat isa sa atin ay responsable, ngunit ang sa akin lang ay bigyan ng agarang tugon ang napapansin para hindi na lumala pa ang ganitong problema. Idinudulog ko rin ang mensaheng ito sa SSG na siyang pangunahing katuwang ng mga mag-aaral na kagaya ko. Maraming salamat sa inyong atensyon hinggil sa mensaheng ito. Pagpalain nawa kayo ng Maykapal. Sumasainyo, Armien Jay Mappala


6

Ang BAYBAY DAGAT Hunyo - Nobyembre 2015

ISANG PAMANA NG PAG-IBIG, PAGKALINGA AT PAGMAMALASAKIT

G

INUGUNITA ng buong mundo si Saint Teresa of Calcutta na mas tanyag sa pangalang Mother Teresa, sa kanyang kaarawan ngayong Agosto 26. Siya ay na-beatify noong Oktubre 19, 2003, ni Saint John Paul II sa Rome, na tumawag sa kanya na “one of the most relevant personalities of our age” at “an icon of the Good Samaritan”, at naideklarang Santo nitong nakaraang Setyembre 4 sa pangunguna ni Pope Francis. Ang kanyang buhay, ayon kay Saint John Paul II ay, “a bold proclamation of the gospel”. Naging inspirasyon si Saint Teresa ng maraming komemorasyon. Itinalaga ng United Nations ang kanyang death anniversary sa Setyembre 5 bilang International Day of Charity. Siya ang patron ng

World Youth Day. Siya ay ginugunita sa mga museo, ginawang patron ng maraming simbahan. ipinangalan sa kanya ang ilang paaralan, ospital, charitable institution, research center, istruktura, mga lansangan at mga bata. Para sa mga Katolikong Pilipino, siya ay huwaran ng pag-ibig, pagkalinga, at pagmamalasakit, at isang inspirasyon sa kanyang banal na pamumuhay at pagkakawanggawa. Tatlong beses niyang binisita ang Pilipinas: itinayo niya ang Alay ng Puso (Home for Sick and Malnourished Children) sa Binondo noong 1976; pinasinayaan ang Immaculate Heart of Mary Home for the Sick and Destitute sa Tondo noong 1977; at naging panauhing pandangal sa Rotary International noong 1984. Ang rebulto ni Saint

Teresa, na handog mula India ay pinasinayaan noong Hulyo 16, 2013 sa University of Santo Tomas na kanyang binisita noong 1977 at 1984. Isinilang sa Anjeze Gonxhe Bojaxhiu noong 1910, sa mga magulang na Albanian sa Skopje, Ottoman Empire (Macedonia ngayon), umanib siya sa Sisters of Loreto sa edad na 18, at naging novitiate sa Darjeeling, India. Nanumpa siya sa kanyang tungkuling pangrelihiyon noong 1931, at pinili ang pangalang Teresa pati ang kanyang mga banal na tungkulin noong 1937. Naglingkod siya sa loob ng 20 taon sa Loreto Community sa Calcutta, naging administrator nito noong 1944. Nagsimula siyang magtrabaho sa mga maralitang lugar noong 1948. Itinatag niya ang Missionaries of Charity, na isang

kongregasyon na nagbibibigay ng libreng serbisyo sa pinakamahihirap na pamayanan. Lumago ito sa mahigit isang milyong sister sa 133 bansa kabilang ang Pilipinas, nagpapatakbo ng mga ampunan, bahay-kalinga, mobile clinic, charity at refugee center, at mga klinika para sa may mga ketong. Siya ang Superior General nito mula 1950 hanggang 1997. Mahusay siya sa limang wika: Bengali, Albanian, Serbian, English, at Hindi. Iginawad ng india sa kanya ang Jawaharlal Nehru Award for International Understanding noong 1969. Tumanggap siya ng Ramon Magsaysay Award for International Understanding noong 1962, ng Pope John XXIII Peace Prize noong 1971, ng Albert Schweitzer International Prize noong 1975, at ng Nobel Peace

Prize noong 1979. Isang state funeral ang ipinagkaloob sa kanya noong Setyembre 5, 1997, at iprinusisyon ang kanyang labi sa Calcutta lulan ng isang karwahe na kasama ang mga labi ng dalawang dakilang leader ng india – sina Mohandas K. Gandhi at Jawaharlal Nehru. Daan-libong mamamayan ang dumalo sa kanyang lamay, pati na ang mga pangulo, punong ministro, religious leader, mga hari at reyna, at mga special envoy. (http://balita.net.ph/2014/08/26/ blessed-teresa-ng-calcutta-isangpamana-ng-pag-ibig-pagkalinga-atpagmamalasakit/)

Carica-teaher: Mga Ulirang Guro sa Filipino

Hindi matatawarang kadakilaan, magkaroon lang ng magandang kinabukasan katuwang ng ating mga magulang sa paaralan. Ang kadakilaan sa kanilang pagtuturo ay higit na maipagmamalaki ko. Sapagkat karunungan nami’y unti-unting nabubuo. Sa bawat araw na sila’y kasama walang katumbas na saya. ‘Yan ang kagawaran ng Filipino tunay at totoo. (Prince Arvic Victorio)


7

Ang BAYBAY DAGAT Hunyo - Nobyembre 2015

C

asa Real, ang bahay na puno ng kadakilaan at kasaysayan ng mga Pangasinense, itinuring ding simbolo ng estado. Sa kasalukuyan karamihan sa mga mamamayan ay inaakalang isa lamang ito sa mga tourist spots o isa lamang na dating mansyon na itinayo noong panahon ng kastila, ngunit hindi dapat mawala ang kahalagahan nito sa kasaysayan ng probinsiya. Iisa sa mga pinakamatandang gusali na itinayo noong panahon ng mga kastila. Matatagpuan sa pinakapuso ng Lingayen, Pangasinan. Ito ang nagsilbing tahanan at tanggapan ng Alcalde Mayor bilang gobernador ng probinsiya. Ideneklara ng National

Landmark ng National Historical Commission of the Philippines at ang tanging halimbawa ng arkitektura mula sa panahon ng Kastila. Ang dalawang palapag na Casa Real ay gawa sa mosonerya at ladrilyo. Nagsilbing istasyon ng mga kawal na kastila at ng kanilang mga katutubong kasamahan noon gnakipaglaban sila sa mga katipunero. Tinawag itong Capitolyo pagdating ng mga Amerikano. Kinalaunan ay naging eskuwelahan noong 1930 at naging Juzgado . Ginamit din itong opisina ng mga empleyado sa munisiplyo. Nakaligtas ito sa trahedyang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ngunit gaya ng isang

kastilyong buhangin nasira ito noong manalasa ang bagyong Cosme noong 2008. Ang pagsasaayos dito ay hindi lamang upang pagandahin ang pinakamatandang gusali kundi muling ibalik ang makasaysayang simbolo nito bilang sentro ng kapangyarihan sa pulitika ng Norte. Pinangunahan ni Gobernador Amado Espino III at ng NHCP Exsecutive Director Ludovico Badoy ang paginspeksyon at pagmomonitor sa isinasagawang pagsasaayos ng Casa Real. Ang Casa Real pagkatapos maisaayos ay magiging imbakan ng mga artifacts at mga materyales na may kahalagahan sa kasaysayan at kultura ng Pangasinan. Ang Provincial government

SI PONG PAGONG SA LAGOON D

ekada 80’s nang sumikat ang “Teenage Mutant Ninja Turtles “ mga mandirigmang pagong na ipinaglalaban ang kabutihan laban sa kasamaan. Ngunit iba si Pong pagong na inyong makikilala sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan. Siya lang naman ang pagong na naninirahan sa lagoon ng ilang taon na. kasiyahan niya ang lumubog at lumitaw sa kanyang kaharian na tanaw ng mga magaaral at ng mga nagdaraang tao patungo sa Narciso Ramos Sports and Civic Center (NRSCC) . Isang araw ay nanalanta ang habagat walang tigil halos ang ulan at tuluyang nilamon ng baha ang buong lagoon at umapaw ang tubig na s’yang dahilan para mawala si Pong pagong. Isa sa mga nalungkot ay ang pangulo ng Supreme Student Council na si John Mark Mangapot na isa sa natutuwang nakakakita kay Pong sa tuwing siya ay nakaupo sa harap ng lagoon. Lumipas ang mga araw ay hindi na muling nakita si Pong. Marahil tuluyan narin siyang inagos ng tubig patungo sa kawalan. Si Pong na mahilig lumangoy kasama ang mga ilang isda, si Pong na mahilig lumubog at lumitaw. Ngunit isang araw ay bigla na lamang nanumbalik ang kasiglahan sa lagoon dahil si Pong na nawawala ay nagtago pala. Sa pagkakataong ito ay tila nangungusap si Pong sa bawat mag-aaral na nakakakita sa kanya na, pakaingatan at alagaan ang kanyang munting tahanan. (Armien Jay Mappala) “Mabagal man sainyong paningin, Kasiyahan naman dulot sa atin.”

ay naglaan ng humigit kumulang 5 milyon para sa unang bahagi ng pagsasaayos na nagumpisa noong Agosto 2015. Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) naman ay naglaan ng 30 milyon upang makompleto ang ikalawang bahagi ng proyekto sa tulong ng dating gobernador at ngayon ay 5th District Representative Amado T. Espino Jr. at 2nd District Representative Leopoldo N. Bataoil . Ayon kay Gov. Espino karagdagang 50 milyon pesos ang na inilaan para matapos ang huling bahagi ng pagsasaayos sa gusali. Ang budget ay mula sa Tourism Infrastracture and Economic Zone and Autority (TIEZA) Nakalaan din ang 10 milyon

para sa mga p a g s a s a n a y ng mga mamamahala ng museo. Tinatayang sa Abril sa susunod na taon matatapos ang nasabing gusali at isasabay ang pagbubukas nito sa ika- 437 taong spagdiriwang ng “Agew na Pangasinan”. Tunay na hindi matatawaran ang bahagi nito sa kasaysayan. Ang minsang tahanan ng mga matatas na opisyal ng probinsiya, kanlungan ng mga kawal ng kastila , eskuwelahan, jusgado at hanggang naging tanggapan ng mga empleyado sa munisipyo. Kasabay ng modernong sibilisasyon at pamumuhay ng mga Pangasinense , muli nating matutunghayan ang kislap at bantayog nito sa muling pagbubukas ng pinto ng Casa Real. (Dominic Soriano)

“Gali la! Sali yo met!” Isang katagang Pangasinan na umaakit sa pandinig ng mga dayuhan. “Halina! Subukan mo din.”

K

ung ang Aklan ay may Boracay, sa Anda, Pangasinan nama’y may Tondol Beach. Sa katunaya’y tinagurian itong “Boracay of the North” dahil sa angking natural na kagandahan nito na kagaya ng Boracay. Ito ay may kabilib-bilib na tanawin dahil sa maputing buhangin at malinaw na tubig. Kamakailan lamang ay natapos na ang pagsasaayos ng daan patungo rito kaya’t mas nakakaakit sa mga tao na dayuhin ito. Nagkalat ang mga turista sa lugar, mapaamerikano, hapones at siyempre ang mga Pilipino. Ngiti’t galak ang makikita sa kanilang mga mukha dahil sa nakakapawing-pagod na lugar na ito. Perlas ng Silangan, bansang may bughaw na ulap at tahanan ng mga bayaning magigiting. Iyan ang Pilipinas kung ituring kaya’t di nakapagtatakang ang Pangasinan na bahagi ng bansang ito ay may magagandang tanawin. Malipasan man ng panahon ang Pangasinan, tiyak ito’y di malililmutan. (Dhenielle Macaltao)


DHENIELLE MACALTAO

8

Ang BAYBAY DAGAT Hunyo - Nobyembre 2015

Suring Basa Ang Matanda at Ang Dagat Hindi nilikha ang tao upang magapi

Iyan ang pamosong linya mula sa nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” na isinulat ni Ernest Hemingway noong 1951 at inilabas noong 1952. Ito ay nagwagi ng mga parangal gaya ng Pulitzer Prize for Fiction (1953) at Nobel Prize (1954). Ito ang kahuli-hulihang nobela ni Hemingway na nagpakita ng kanyang kahusayan sa larangan ng pagsusulat. Isinalin ang nobela sa Filipino mula sa Ingles ni Jesus Manuel Santiago. Itinatampok sa kuwento ang lakas at dangal ng tao.

Ang kuwento ng isang labanan sa pagitan ng matandang mangingisda na si Santiago at ng isang malaking marlin. Si Santiago ay pumalaot ng 84 na araw ng walang nahuhuling isda sa laot. Ito ay itinuturing na “Salao” ang pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan. Sa ika-85 na araw ng kanyang napakamalas na pangingisda.Naglayag si Santiago gamit ang kanyang bangka sa Gulf Stream, hilaga ng Cuba sa Straits ng Florida. Inilagay ang kanyang mga linya at sa tanghali ay may nakuha ang kanyang pain na isang malaking isda at nasisiguro niyang ito ay isang marlin. Hindi magawang hilahin ni Santiago ang isda sa sobrang laki at bigat nito. Dalawang araw at gabi ang lumipas habang hawak ang linya kahit na nasugatan sa pakikibaka at sakit, ipinahayag ni Santiago ang mahabaging pagpapahalaga niya sa kanyang kaaway. Napagtanto rin niyang walang sinuman ang karapat-dapat na kumain sa marlin dahil sa matatag na karangalan nito. Kahit pagod na at nahihibang na si Santiago, ginamit niya ang kanyang natitirang lakas para hilahin ang isda at saksakin ito gamit ang kanyang salapang. Itinali ni Santiago ang marlin sa gilid ng kanyang Bangka para lumayag pauwi habang iniisip kung gaano ang mataas na presyong hatid ng isda sa kanya at kung gaano karami ang taong mapapakain niya. Sa kanyang paglalayag pauwi, naakit ang mga pating sa dugo ng marlin. Pinatay ni Santiago ang malaking pating na mako gamit ang kanyang salapang ngunit kasabay ng paglubog nito sa tubig ang paglaho rin ng kanyang sandata. Gumawa siya ng panibagong salapang gamit ang kanyang kutsilyo at sagwan upang salangin ang susunod na grupo ng mga pating. Limang pating ang kanyang napatay at marami ang kanyang napalayas.Halos naubos na ng mga pating ang buong katawan ng marlin, naiwan ang kalansay ng isda na halos binubuo ng backbone, buntot at ulo nito. Sa wakas ay nakauwi si Santiago sa baybayin bago magbukang liwayway sasusunod na araw nakabalik siya sa kanyang kubo at nakatulog nang mahimbing. Isang grupo ng mga mangingisda ang nagtipon sa gilid ng bangka kung saan nakatali ang kalansay ng isang malaking isda. Sinukat nila ito at namangha nang nalamang meron itong labing-walong talampakan mula ulo hanggang buntot at inakala nila itong isang pating. Sa paggising ni Santiago ay nag-usap sila ni Manolin ang kanyang aprintis at nangako sila sa isa’t isa na magkakasama na sila sa susunod na pangingisda. Sa muling pagtulog niya ay napanaginipan ni Santiago ang kanyang kabataan – at ang mga leon sa isang dagat sa Afrika. Sa simula ng akda, ipinakita nito si Santiago na nakikipaglaban sa pagkatalo. Sa loob ng 84 na araw na walang isdang mahuli ay di sumuko ang matanda bagkus nagdesisyon pa itong magpatuloy pa sa paglalayag kung saan walang sinumang mangingisda ang magtakang subukan – sa lugar kung saan sinasabing may malalaking isda. Hindi nga nabigo si Santiago at nakahuli ng malaking isdang Marlin, at sa loob ng tatlong araw na pakikipaglaban sa isda nagtagumpay siyang mahila at maitali ito sa gilid ng kangyang bangka. Ngunit hindi roon nagtatapos ang kalbaryo ng matanda nagpatuloy siya sa pagpatay at pagpapaalis ng mga pating sa tangkang kainin ang kanyang huling isda. Dahil sa pakikipaglaban ng matanda sa mga nilalang sa karagatan,marami ang mambabasa ang naawa sa kanya at nagsabing ang akda ay tungkol sa pakikipaglaban ng tao sa kalikasan. Ngunit ang akda ay malinaw na nagpapakita ng kalagayan ng tao sa kalikasan. Ang marlin at si Santiago ay nagpakita ng dangal, prinsipyo at katapangan na parehong saklaw ng walang hanggang batas: “Ang pumatay o mapatay”. Habang pinagmamasdan ni Santiago ang mga maliliit na ibong lumilipad patungo sa baybayin kung saan maaaring makasalubong ang nag-aabang na lawin, naisip niyang ang mundo ay kinabibilangan ng mga mandaragit, at walang sinuman ang makaliligtas sa pakikipagbuno na maaaring maghatid sa kamatayan.Si Santiago ay nabuhay ayon sa kanyang obserbasyon at paniniwala “hindi nilikha ang tao para magapi” ang tao’y maaaring masira ngunit hindi kailan man magagapi.

Pangarap na Bituin ni Dhenielle Macaltao

Ibong mataas kung lumipad Abot ang langit, tunay na mapalad Pangarap na bituin ang siyang hinahangad Ngunit ‘di madaling abutin agadagad. Matataas at matatayog na pangarap Puhunan ang puso at pagsisikap Mga tinitingalang matataas na ulap ‘Di mo makukuha sa isang iglap. Bituing maningning, paano makakamit? Kung ang pag-asa ko’y unti-unting lumiliit Sa lubid ng pangarap, nagtitiis na kumapit Ngunit ‘di susuko, puso ko’y ‘di mawawaglit. Konklusyon sa utak ko’y bahagyang nabubuo Tapang ng puso ang labanan, ‘di kailanman susuko Hindi pakakawalan ang hawak na lobo ‘Di pababayang hangi’y liparin nito.

INGAY NG KATAHIMIKAN ni Daniel Fortaleza

Narito ako sa sulok; nagdadamdam, nalulungkot Mga alaalang nakatali’t hindi malimot Nabibingi sa ingay ng katahimikan Sobrang nakakaiyak, walang makapitan. Kaganapan sa tabi’y hindi napapansin Malalim ang isip, mata’y sa iba nakatingin Pilit na kinakalimutan alaalang nagdaan Luha’y pumapatak, hindi mapigilan.

Lungkot sa Ngiti ni Gladjel Casaclang

Kasiyahan sa aking mukhang kanilang nakikita Mga ngiting lumalabas sa sa ‘king labi’t mga tawa Lahat ng pasakit at mga matang lumuluha Pilit na itinatago at itinatatwa. Mga problemang ‘di masolusyunan Dinadaan sa ngiti upang iba’y ‘di masaksihan Kahit na masakit ang pinagdaraanan Lungkot sa aking mukha’y ‘di matatagpuan. Sugat sa aking puso’y walang nakakaalam Mga paghihirap at kalungkutang dinadamdam ‘Di malasahan ang sayang malinamnam Pilit na ngiti sa aking labi’y walang nakakaalam. Kailan kaya magtatagal ang sakit? Kailan mabubura ang ngiting pilit? Kung walang sinuman ang sa aki’y kumakapit Tuwa’t kasiyahan, kailan makakamit?

MUNDONG MADAYA ni Joemely Serrano Hindi lahat ng tao’y pantay-pantay May nabubuhay at may namamatay May mayayaman at may naghihirap Makikita ang mga ito sa bawat sulyap. Sa bawat kanto, mga pulubi ang makikita Sila’y walang makain, sobrang kaawaawa Mga batang nanlilimos sa gitna ng kalsada Nanghihingi, nagmamakaawang bigyan ng pera.

Kailan magigising ang tulog ng kaluluwa Kung ang kalimutan siya’y ‘di magawagawa Ulo’y iuntog man ay ‘di matauhan ‘Di matanggap ang dilim ng katotohanan. Sa kabilang banda, mayroong makikita Mga taong sagana sa alahas at pera Nakalingon sa bintana, ulap ay madilim Masaya sa buhay, walang pinoproblema Sumasabay sa malungkot kong Lahat ng luho’y kanilang nakukuha. damdamin Tila iiyak ang maligayang langit Puno ng lungkot at Ngunit sa aking paglalakbay, aking pasakit. napagtanto Na walang permanente sa mundong ito Pagkatapos ng ula’y may bahaghari Alaala ng nakaraan ay siya ring Marami ang maaaring magbago mawawari Maging sa pamumuhay ng bawat tao. Hiwalay na puso ko ri’y magsasama Sa tamang panahon, ako ri’y may makakasama.


Ang BAYBAY DAGAT Hunyo - Nobyembre 2015

Dengue at Zika, kasalanan ko nga

Ako ang nakikita, Ako ang nasisisi, Ako ang laging may kasalanan.

Marahil ito na nga ang pinakaswak na swak na parte ng kanta ni Freddie Aguilar na pinamagatang “Estudyante Blues” na nababagay sa akin dahil sa mga mapanghusgang taong namumuhay sa ating mundo. Sa kabila ng paninising ito ng mga tao sa akin, ipinagpapatuloy ko pa rin ang pakikipagsapalaran sa buhay at ipinaglalaban ko pa rin ang katuwirang alam ko namang tama ang mabuhay rin ako rito sa mundo tulad ng mga tao. Isa lamang akong lamok. Babaeng lamok na kapag dumapo sa tao ay bigla na lamang manganganib ang aking buhay. Ito ay sa kadahilanang tinatawag akong Aedes Aegypti na pangunahing klase ng lamok na nagdudulot ng dengue fever. Kaya ganoon na lamang kalaki ang galit ng mga tao sa akin kung kaya naman patuloy nila akong pinupuksa dahil sa dala kong sakit na kung hindi agad maagapan ay nakamamatay. Ngunit bago pa man umabot sa puntong iyon ay narito muna ang ilang sintomas ng pagkakaroon ng dengue fever: biglaang pagtaas ng lagnat o trangkaso, matinding sakit ng ulo, pananakit sa likod ng mata, pananakit ng kasu-kasuan, kawalan ng ganang kumain, pagduduwal at pamamantal na nagtatagal ng dalawang araw hanggang sa isang lingo o higit pa. Sa kalaunan ay maaari itong masundan ng mga pasa sa balat, pagdurugo ng ilong at gilagid o kaya naman ay pagdurugo sa loob ng katawan. Sa mga kasong hindi mabigyan ng agarang lunas, maaaring umabot ito sa pagbagsak ng sirkulasyon ng dugo, pagkaubos nito at tuluyang pagkamatay. Kapag ang isang tao ay nagkaroon na ng impeksyon mula sa isa sa apat na klase ng virus ng dengue ay hindi na ito muli pang maiimpeksyon nito. Ngunit, hindi pa rin siya ligtas sa tatlo pang klase ng dengue virus. Sa kabila nito, ako pa rin ay natutuwa dahil karaniwang kusa rin

namang nawawala ang virus na ito kahit pa walang ukol na gamot para rito. Marapat lamang na malakas ang immune system ng taong mabibiktima ko. Nilalapatan lamang ng lunas ang lagnat at pananakit na dulot nito. Ang pinakamahalagang paraan ng paggagamot nito ay ang pagpapanatili ng sapat na daloy ng dugo sa katawan. Patuloy pa ring pinapatunayan kung epektibo at walang side effects ang naimbentong bakuna para sa dengue bago ito mailabas at maipamudmod sa sangkatauhan. Subalit hindi natatapos ang lahat dito. Dahil hindi pa man nahahanapan ng lunas ang dengue virus ay may panibago na naman akong dalang sakit na mula sa kagubatan ng Uganda. Dati ay sa hayop lamang ito naipapasa subalit wala nga namang permanente sa mundo maliban sa pagbabago. Sa ngayon ay naipapasa na ito sa mga tao. Isa na namang nakamamatay na sakit ang dulot ko na kung tawagin ay Zika Virus. Ang sintomas ng pagkakaroon nito ay katulad lamang sa mga sintomas ng dengue fever subalit kapag nagpadengue test ay negatibo ang lalabas na resulta. Naipapasa ito sa pamamagitan ng blood transfusion at sa pagbubuntis. Nababahala na ang lahat maging ako dahil maaaring mahawa ang mga inosenteng mga sanggol sa sakit na ito. Microcephaly o pagkakaroon ng maliit o hindi

ba?

normal na laki ng ulo ang kahihinatnan ng sanggol at dahil dito ay hindi fully developed ang utak nito. Sa kalaunan ay nakamamatay din ito. Wala pa ring natutuklasang gamot para rito subalit posible nang mailabas ang bakuna kontra zika virus. Gayun pa man, ayon kay Canadian Scientist Gary Kobinger, isa sa mga nagtatrabaho para sa zika vaccine ay “for emergency use only” ang ilalabas na bakuna. Pasensya na kung tila ba “killer” ako sa inyong paningin. Subalit wala akong magagawa dahil ito ang buhay ko. Dahil sa inyo ko kinukuha ang dugong nananalaytay sa mumunting katawan ko. Subalit kahit minsan ba ay hindi pumasok sa inyong mga isipan na ako rin ay likha ng Diyos na Siyang lumikha rin sa inyo. Ibig sabihin, kapakipakinabang pa rin ako. Hindi niyo nga lang iyon makita dahil sa negatibong aspeto lang lagi nakatuon ang inyong mga isipan. Kasalanan ko bang magdala ako ng nakamamatay na sakit? Ako lamang ba ang dapat sisihin sa isyung ito? Sa palagay ko naman ay HINDI. Marahil ito ay dulot din ng kapabayaan ng mga tao sa mundo. Kalat doon at puro polusyon dito. ‘Dyan na nakukuha ang iba’t ibang sakit. Ang kalusugan ay tunay nga namang kayamanan. Subalit ang kalusugang ito ay makakamit lamang kung matamo ang kalinisan sa katawan at sa ating kapaligiran. (Cindy P. Brian)

HALAMANG GAMOT

Maituturing ang Pilipinas bilang isang bansang mayaman sa iba’t- ibang uri ng halamang gamot. Ang mga halamang gamot na ito ay mabisang pang-alternatibo sa mga inireresetang gamot at kadalasang madaling mahanap sa kapaligiran. Ang kanilang mga gamit ay kadalasang nababalewala, kaya narito ang ilang mga halimbawa ng halamang gamot na maaaring gamitin upang magbigay-lunas sa mga pangkaraniwang sakit: Lagundi (Vitex negundo)

- Ang dahon nito ay malimit na ipinantatapal sa bahagi ng katawan na may rayuma at pilay. Ang langis nito ay napatunayang nakapagpapa-alis ng pamamaga at pamumula ng balat. Ang katas ay may katangiang antibacterial, antifungal, at analgesic, ay itinitimpla at ipinaiinom sa mga pasyenteng may matinding ubo. Ulasiman- bato (Peperomia pellucida) - Mas kilala sa tawag na pansit-pansitan, ay isa sa mga

halamang gamot na epektibo sa paglunas ng mga pigsa at pagnananak ng mga sugat. Sambong (Blumea balsamifera) - Sangkap na pampanubig na nakatutulong sa pagpapalabas ng urinary stones. Panlunas sa pagmamanas, alta-presyon, rayuma, lagnat at sipon. Tsaang Gubat (Ehretia microphylla Lam.) - E p e k t i b o n g nakakapagpagaling ng intestinal motility. sinaliksik ni: Dominic Soriano

9 Payong Pangkaligtasan sa Panahon ng Kalamidad Maaaring mapahamak ang bawat isa sa atin kung walang ibayong pag- iingat. Ika nga, hindi natin alam ang maaaring mangyari kung hindi ito mapaghahandaan. Kaya naman, ang Tanggapan ng Tanggulang Sibil at ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Pangasinan ay nagpaalala sa mga mamamayan na sundin ang mga sumusunod na mga payong pangkaligtasan sa panahon ng bagyo, storm surge, baha at pagguho ng lupa.

1.Manatiling makinig/manood sa inyong mga radyo/telebisyon tungkol sa mahahalagang balita sa pagsama ng panahon. 2.Kung bumabagyo o may nagbabantang pagsama ng panahon, iwasan ang pamamasyal sa ilog, dalampasigan at baybaying dagat sapagkat maaaring magkaroon ito ng pagtaas ng tubig o malakas na pag – alon. 3.Tukuran ng matibay na kahoy ang mga bintana at mga lugar ng bahay na dapat tukuran. 4.Maghanda/mag – imbak ng pagkain na hindi nangangailangan ng pagluluto, halimbawa ay mga pagkaing nasa lata. Sa ganitong panahon ay maaaring mawalan ng daloy ng kuryente. 5.Maghanda rin ng tubig sapagkat maaaring mawalan din ng tubig. 6.Maghanda ng plaslayt na may baterya. 7.Alamin kung mayroon pang mga lugar sa inyong bahay na maaaring ilipad ng hangin, halimbawa ay mga yero sa bubong – ang mga ito ay mapanganib sa panahon ng bagyo at malakas na paghangin. 8.Manatiling mahinahon sa lahat ng sandal at makinig lamang sa mga balita sa may kapangyarihan, radio at telebisyon.

1.Pag – ukulan ng pansin ang mga babala mula sa may kapangyarihan, radyo at telebisyon. 2.Kung naninirahan sa malapit sa ilog, kinakailangang lumikas kaagad sa mataas na lugar upang hindi maabutan ng pagtaas o pag – apaw ng tubig. 3.Kung may babala tungkol sa bagyo, tukuran o talian ng lubid ang mga lugar sa inyong bahay na maaaring matangay ng agos ng tubig. 4.Putulin ang daloy ng kuryente sa mga kasangkapan. 5.Lutuing mabuti ang pagkain kung may bata. 6.Pakuluan ang inuming tubig sa panahon at pagkatapos ng baha. 7.Iwasan ang paglabas ng bahay/pamamasyal kung hindi kailangan. 8.Kung kinakailangan lumikas sa oras ng baha, sundin ang mga sumusunod: a.Mag – ingat sa mga bukas na imburnal at iba pang daluyan ng tubig. Kung may baha, ang daan at kanal ay mahirap malaman.

1.Pag – ukulan ng pansin ang mga babala mula sa may kapangyarihan, radyo at telebisyon. 2.Kung naninirahan sa malapit sa ilog, kinakailangang lumikas kaagad sa mataas na lugar upang hindi maabutan ng pagtaas o pag – apaw ng tubig. 3.Kung may babala tungkol sa bagyo, tukuran o talian ng lubid ang mga lugar sa inyong bahay na maaaring matangay ng agos ng tubig. 4.Putulin ang daloy ng kuryente sa mga kasangkapan. 5.Lutuing mabuti ang pagkain kung may bata. 6.Pakuluan ang inuming tubig sa panahon at pagkatapos ng baha. 7.Iwasan ang paglabas ng bahay/pamamasyal kung hindi kailangan. 8.Kung kinakailangan lumikas sa oras ng baha, sundin ang mga sumusunod: a.Mag – ingat sa mga bukas na imburnal at iba pang daluyan ng tubig. Kung may baha, ang daan at kanal ay mahirap malaman. b.Ang mga daan patungo sa bahagi ng ilog ay dapat iwasan kung lilikas. c.Kung gagamit ng lubid sa paglikas, doon ka sa bahaging pinagmulan ng agos at huwag bibitiw sa lubid. Ang isang kamay ay dapat laging nakahawak sa lubid.

1.Kapag tuloy – tuloy ang pag – ulan sa inyong lugar, mas mainam na lumikas sa isang ligtas na lugar o Evacuation Center dahil may posibilidad na magkakaroon ng pagguho ng lupa o landslide. 2.Agad na lumikas kapag may babala ng pagguho ng lupa, lumabas ng bahay o gusali sa lalong madaling panahon kapag nakarinig ng dumadagundong na ingay sa itaas. 3.Umiwas sa mga daranan ng gumuhong lupa o kaya ay maghanap ng makukubling matibay na puno o bagay.


10

Agham

Ang BAYBAY DAGAT Hunyo - Nobyembre 2015

Indigineous micro-organism

Ang natural na pagsasaka gaya ng Indegenous Microorganism ay nagiging popular sa mga magsasaka. Ang IMO ay matagumpay na isinagawa ng mga agriculturist ng gobyerno, manananaliksik at ng mga magsasaka. Napatunayan nila na ang IMO ay kapakipakinabang na pantanggal ng mga masasamang amoy mula sa mga dumi ng hayop at madaling pagkabulo nito na nakatutulong sa malusog na pananim. Narito ang mga proseso para sa pagsasagawa ng IMO:

Urban Container Gardening

Magtanim ay di-biro, lalo na kung sa siyudad gagawin ito…ngunit possible nga ba ito? Paano? Urban Container Gardening o UCG ang sagot dito. Upang maiwasan ang gutom, natuklasan ng tao ang pag-aalaga ng hayop at pagtatanim ng mga halamanggulay para sa kaniyang pamilya. Dahil sa mabilis na pagbabago ng panahon at modernisasyon, mas naging mahirap at kapos sa espasyo para makapagtanim lalo na sa siyudad. Kailangan nating humanap ng praktikal at alternatibong paraan upang makapagpatubo at makapagtanim ng mga halaman. Ang UCG ay isang paraan ng pagtatanim sa isang maliit at limitadong espasyo ng tahanan. Ginagamitan ito ng mga paso at ‘hanging pots’ na gawa sa mga ‘recycled materials’ gaya ng mga ‘plastic containers’ galing sa mga gamit na bote ng mga softdrinks, PVC type, magazines at iba pa. Kung magsisimula ng sariling

urban garden, nararapat munang alamin ang kondisyon ng mga napiling halaman at magsaliksik ng mga kaukulang impormasyong pampananim. Epektibo ang pamamaraang ito sa mga lugar na kakaunti na lamang ang mga lupa na maaaring pagtaniman. A n g benepisyong dulot ng UCG ay ang pagkakaroon ng mga organikong pagkain at makapagbigay ng mainam na kalusugan. Sagot din ito sa kakulangan ng suplay ng pagkain na mas pinahirap ng kawalan ng kakayahang makabili nito.

Disiplina at dedikasyon ang kailangan upang makapagsimula ng sariling UCG. Maraming kailangang gawin para itanim, alagaan, at palaguhin nang tama ang mga halamang-gulay. Hindi dapat pabayaan at bale-walain ang mga ito.

ANG KAKAYAHAN NG STEM CELL THERAPY NA GUMAMOT NG IBA’T IBANG SAKIT

TIPS SA PAG-IWAS SA

infectious diseases IMPORTANTE ang good hygiene o pagiging malinis sa katawan para maiwasan ang infectious diseases, kaya dapat ugaliin ang mga sumusunod:

Laging maghugas ng kamay Hugasan ang mga kamay palagi bago at pagkatapos kumain, pagkatapos magpunta sa palikuran (CR) at tuwing galing sa anumang gawain at lalo na kung galing sa pampublikong lugar. Lagi ring dapat na aware tayo sa ating pagbahing at pag-ubo. Dapat maiwasan natin na maikalat ang germs. Magagawa ito sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay. Kung bumahing o umubo sa mga kamay ay agad na maghugas, iwasang hawakan ang mga mata, ilong at bibig, pati na ang ibang gamit sa paligid upang hindi mai-transfer ang germs sa ibang tao.

Dapat na tiyaking hindi pinamumugaran o pinamamahayan ang ating tahanan ng kahit anong peste gaya ng daga iba pang rodents, lamok at marami pang insekto. ‘Di lang sa loob ng bahay, kundi maging sa labas at sa paligid ng bahay ay dapat na maging malinis. Oras na may peste sa paligid ay agad silang lupulin maiwasan ang daladala nilang banta sa kalusugan ng buong pamilya.

U

nti-unti na nga ang paglago ng teknolohiya at medisina, mga iba’t ibang uri ng paraan ng gamutan ang umuunlad at nailalabas sa industriya, ngunit kasabay nito ay dumarami na ang sakit na maaaring makuha ng bawat tao dahil na rin sa pakikisalamuha sa kapaligiran. Sa komunidad

Pagkontrol sa mga peste

Panatilihing malusog ang mga alaga

Kung may mga alaga o pets sa bahay ay dapat na tiyakin natin na malusog sila. May posibilidad na mainfect ang mga tao mula sa mga hayop kaya dapat na alagaan sila gaya ng pagpapakain ng tama, pagdi-dispose sa kanilang dumi nang maayos, pagpapaligo sa kanila at regular na pagbisita sa kanilang vet at pagpapabakuna.

Itago o iimbak nang maayos ang pagkain

Mas mainam kung laging sariwa ang lulutuin o mamalengke ka araw-araw. Ngunit kung kailangan mag-imbak ng pagkain, lalo na kung tag-ulan at upang makatipid sa oras, tiyaking maitatago ang pagkain sa malinis at maayos na lugar. Ang mga pagkaing gaya ng meats, dairy at poultry products ay maaring pagmulan ng impeksiyon, lalo na kung hindi naitago nang maayos. Kung hindi pa lulutuin ang karne at iba pang pagkain ay ilagay ang mga ito sa tamang taguan gaya ng refrigerator. Lutuin ding mabuti ang mga karne.

Magkaroon ng sapat na pahinga

Kapa gang isang tao ay walang sapat na pahinga, may tiyansang tumaas ang stress at bumaba ang productivity level, kasama na ang posibilidad na humina ang immunity. Dapat tiyaking nakapagpapahinga araw-araw kahit gaano ka-busy. Tiyakin ding makatulog nang sapat na oras.

I

ng medesina, isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ay ang paglago ng mga medisina gamit ang stem cell. Ang stem cell ay kadalasang makukuha sa mga organismong katulad ng mga batang baka na kung saan magsasagawa ng malalim na paghihiwalay o praksyon ng mga component na maaaring gamitin

sa medisina. Isa sa mga pinagtutuunan ng pansin sa stem cell therapy ay ang kakayahan nitong gumamot ng cancer dahil na rin sa kakayahan nitong palitan ang mga cancer cells ng mga mas batang cells dahil na din sa pagrereplicate ng stem cells upang masapawan ang cancer cells.

makakapagsimulang pumasada ang robo-taxi sa 10 bansa sa Asya at mga lungsod sa US.Sa Middle East at Britain ay kinokonsidera rin ang pagsubok na ito. Isang modified Mitsubishi i-MiEV electric vehicle ang kasalukuyang ginagamit nila sa eksperimento na tumatakbo sa 2.5

kumpanya para maserbisyuhan ng robo-taxi. Ang mga lungsod na paglulunsaran ng mga driverless taxi na ginagamitan ng radar,laser at camera ay hindi binanggit ng kumpanya sa ulat.Kaya nitong makipagsabayan sa mga malalaking bus na bumibyahe sa mga kalsada. Hindi rin nabanggit ang Metro Manila kung kasama sa mga lungsod sa Asya ang paglulunsaran ng mga robo taxi.Dito sa ating bansa ay mainam din gamitin na rin ang teknolohiyang ito lalo na kung ikokonsidera ang mga hindi magagandang balita tulad ng mga taxi driver na nanggagahasa o nanghoholdap ng pasahero o driver na hinoldap at pinatay ng pasahero bukod pa sa mga arogante at bastos na driver at yaong mga mapili sa pasahero.Ang robot na taxi ay magiging isang mahigit na kakumpetensiya sa kanilang hanapbuhay sapagkat hindi magandang balita ito para sa mga matitinong driver ng taxi. (Bea Alexandra Bibal)

(sinaliksik ni Dominic Soriano)

Robot Taxi, Ipinarada

to ay isang kotseng umaandar nang walang driver.Matagal nang napapabalita ang mga eksperimento sa ibang bansa hinggil sa mga ito.Kusa itong nagmamaniobra sa mga kalsada na para itong robot na aandar,bagaman sa hindi kalayuan ay mayroong nagmo-monitor dito dahil computerized ang sasakyan. Nagsagawa ang software company na nuTommy na nakabase sa United States ng unang pampublikong pagsubok sa kanilang driverless taxi sa isang maliit na lugar sa Singapore nitong huling bahagi ng nakaraang buwan at ilang piling tao ang pinasakay rito. Noong una ay kinabahan daw ang mga pasahero na nasa loob ng sasakyan pero natuwa naman sila noong bandang huli.Umaasa ang kumpanya na

s quare mile (4.0 square km) area na mayroong takdang pickup at drop off points.Katulad din sa eroplano na kailangang magpabooked sa smartphone app ng


Isports

Ang BAYBAY DAGAT Hunyo - Nobyembre 2015

11

Grade 10, namayagpag sa Intrams 2016

“Kami pa rin ang tunay na hari!” Pinatunayan ng Grade 10 Seniors na hindi pa naisisilang ang makapaglulugmok sa kanila sa putikan matapos padapain ang mga kalaban sa katatapos na Intramurals 2016 na ginanap sa paaralan noong Hulyo 21-22,2016. Gamit ang kanilang natatagong bangis at matinding determinasyon,

dinomina ng Grade 10 ang laro at naghari sa Athletics (Girls), Badminton 1st singles (Boys at Girls Category), 2nd Singles (Girls Category), Football, Scrabble at Table Tennis doubles (Girls Category). Samantala, hangad ng Seniors na muling mamituin sa susunod na taon. (Clydel Bautista)

Bolts tulad ni Jason Durham na hinirang na best import ngayong taon, ang Rookie of the Year na si Chris Newsome a t ang mga

Cliff Hodge at iba pa. Ngunit hindi nagpatinag ang Kings sa halip ay mas naglagablab pa ang kanilang laro, lalo na nang umarangkada ang batikang manlalaro na si “Tenyente” LA Tenorio, ang two rookies na sina Scottie Thompson at Aljon Mariano, ang tinaguriang “Fast and Furious” na sina Jayjay Helterbrand at Mark “The Spark” Caguioa. Tumulong din sina Joe Devance, Dave Marcelo, Sol Mercado at ang isa sa tinaguriang Twin Towers ng Ginebra, Japeth Aguilar. Sa pagtatapos ng laro, hinirang na Final’s Most Valuabe Player (MVP) si “Tenyente’ Tenorio. (Jem Merwin Pascua)

EDITORYAL

Isports o online games, alin nga ba?

Likas sa mga Pilipino ang mahilig maglaro ng iba’t ibang klase ng isports gaya ng basketball, badminton, chess, sepak takraw at iba pa. Hindi rin nagpapahuli ang sariling bansa kundi sa buong mundo gaya na lamang ni Manny Pacquiao, Paeng Nepumuceno, Onyok Velasco, ang kasalukuyang nagbigay ng karangalan sa katatapos na RIO Olympic na si Hidilyn Diaz at iba pang mga atletang pinoy. Ngunit bakit bilang parin ang naiuuwing gintong medalya ng mga atletang

pinoy? Nawawalan na ba ng interes ang ilang kabataan sa isports? H i n d i maipagkakailang bihira na ang mga kabataang nasa palaruan upang mag-ensayo o maglaro. Iisa ang nakikitang dahilan sa kasalukuyan, ang paglalaro ng computer games tulad ng Clash of Clans, Counter Strike, LoL at iba pa. Hindi lang nilulustay ang pera kundi inuubos narin ang oras sa paglalaro ng mga mararahas at hindi naayong laro sa mga minor de edad.

Imbes magiging aktibo, malakas ang pangangatawan at lalong masasanay sa mga isports ang maghapong nakaupo at tutok sa kompyuter. Bago pa man tuluyang makalimutan at matabunan ng mga online games ang isports, ay nararapat bigyan ng atensyon ng bawat kabataan na sikaping magpatuloy sa paglalaro ng may kabuluhan na siyang magdadala sa atin ng mga gintong medalya at maipakita sa buong mundo na hindi patatalo.

Brgy. Ginebra nilasing ang Meralco Bolts

Hindi magkamayaw sa tuwa ang mga taga-suporta ng Brgy. Ginebra Gin Kings nang hirangin silang Governor’s Cup Champion sa malakayod marino nilang pag-arangkada kontra Meralco Bolts na umapula sa walong taong paghihintay ng mga solidong panatiko ng Ginebra sa pamamagitan ng buzzer-beater na tira mula sa three-point line ng matikas na import nilang si Justin Brownlee sa nakaraang ika-anim na laro ng serye noong Oktubre 19, sa taong kasalukuyan na ginanap sa Smart Araneta Coliseum. Magugunita pa ng ilang

kababayan ang huling panalo ng Ginebra noong taong 2008 na inakala nilang ito na ang huling panalo ng Kings. Makalipas ang ilang taon a y

nila na sila ang tunay na hari sa larangan ng basketbol nang talunin nila ang Meralco sa iskor na 9188. Para s a

mapapansing matagal ng nananahimik ang Kings ngunit ngayong taon pinatunayan

mga Ginebra fans, naging tinik sa kanilang lalamunan ang mahuhusay na manlalaro ng

batikang manlalaro na sina Jimmy “The Mighty Mouse” Alapag, Reynel Hugnatan,


12

Ang BAYBAY DAGAT Hunyo - Nobyembre 2015

PMPP, nakopo ang kampeonato

Ferrer: bagong mukha ng Ahedres Kalimitang nilalaro ang ahedres ngunit ang mga manlalaro nito’y pawang mga matitinik at matatalino, ganyan ilarawan ang mga atletang mahuhusay sa larangang ito. Mapapansing ang kadalasang tanyag dito ay mga lalake, tulad na lamang ni First Asian Grandmaster Eugene Torre, Mark Paragua, Wesley So, at iba pa. Ngunit isang labingapat na taong gulang na babae at kasalukuyang magaaral ng ika-siyam na baiting sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan ang gumagawa ng kaniyang pangalan sa likod ng larong Ahedres. Tubong Alvear II St. sa Lingayen, Pangasinan at anak din ng isang manlalaro ng Ahedres si Precious Eve Ferrer. Ayon sa kaniya, natuto lang daw siyang maglaro sa turo ng kaniyang ama na ang layon ay maging isa siyang magaling na manlalaro nito dahil pawing mga kalalakihan ang nagiging bantog sa larangang ito. Dahil sa kaniyang ama, naging mahusay dito si Precious na ngayo’y pambato na ng kaniyang paaralan at lumalaban na rin sa kabikabilang Chess Tournaments. Kamakailan lamang, lumahok si Precious sa Age Group Championship na kung saan nakuha niya ang ika-sampung puwesto laban sa mga batang mahuhusay na kalahok dito noon lamang Oktubre 22-23 na ginanap sa Training Center sa Lingayen, Pangasinan. Sa kabilang banda, pinayuhan niya ang ilang batang nais maglaro ng naturang larangan. “Pagbutihan lang nila at huwag basta-bastang susuko.” (Clydel Bautista)

Tinuhog ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan (PMPP) ang kampeonato matapos dominahin ang mga kalaban sa ginanap na Municipal Meet sa Narciso Ramos Sports and Civic Center (NRSCC) noong Agosto 25-

26,2016. Muling nadepensahan ng mga manlalaro ng basketbol (Boys at Girls Category) ang korona nang palasapin ng tikas at liksi ang mga kalaban. Nabigo man ang mga babaeng balibolista, nag-init naman ang kamay

ng mga lalaking balibolista matapos supalpalin ang nagdedepensang kampeon. Gamit ang mautak na paglalaro, nadaig ng mga manlalaro sa chess ang mga beteranong manlalaro ng ibang paaralan. Sumipa naman sa tagumpay ang mga manlalaro

ng football matapos pakainin ng alikabok ang mga kalaban. Namituin rin ang mga atleta ng paaralan sa Badminton Singles (Girls Category), Athletics (Boys), Table Tennis doubles (Boys), Girls 1st singles, 2nd singles at doubles. (Clydel Bautista)

Muling naghari sa Sub-Unit Meet ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan (PMPP) matapos paulanan ng malakidlat na serves

at matutulis na spike ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Labrador (PMPL), 25-19, 32-30, sa naganap na Men’s Volleyball Finals sa NARCISO Volleball

court noong Setyembre 22, 2016. Dahil sa pagkapanalo ng PMPP, natuldukan ang mahigit sampung taon na paghihintay ng koponan na mamituin sa Sub-Unit Meet. Dikdikan ang laban sa ikalawang set nang hindi nagpatinag ang dalawang koponan. Rumatsada ng mala-toreng depensa ang PMPL, 20-16. Ngunit hindi nasiraan ng loob ang PMPP ng magpalasap ng makalaglag-pangang cross court attacks at service aces ang ace player ng PMPP na si John Rick David na nagselyo ng iskor, 32-30. “Hindi kami sumuko kahit na nangunguna na sila,” sambit ni David na kumamada ng 10 puntos. Sa unang

set pa lamang ay nagpalitan na ng mababagsik na skills ang mga koponan. Ngunit kayod marino ang PMPP ng hindi mapigilan ang pag-arangkada ni David na tinulungan pa ng kanilang capture na si Paul Pagadian na nagpatikim ng bumubulusok na service aces. “Masaya kami kasi nagbunga lahat ng pagod at sakripisyo namin at naging matagumpay ang training namin,” nakangiting sambit ni G. Tito Manuel, tagasanay ng PMPP. Sa kasalukuyan, dibdibang pag-eensayo ang isinasagawa ng koponan para sa nalalapit na Division Meet na gaganapin sa Narciso Ramos Sports and Civic Center (NRSCC) gym sa Disyembre 4-6, 2016. (Clydel Bautista)

PMPP, itinaob ang PMPL sa Sub-unit meet

Makalaglag-pangang tira ni Normando Reyes para ipanalo ang koponan ng PMPP.

Pogi, pinaliyab ang Pangasinan

Pormal ng binuksan ng Gobernador ng Pangasinan na si Gov. Amado ‘Pogi’ I. Espino III ang POGI 2016 o Pagalaw Olupan ed Gobyerno Itanduro sa sports fest sa Narciso Ramos Sports and Civil Center (NRSCC) gymnasium nito lamang ika-4 ng Nobyembre, 2016. Pag-aagawan ang naturang titulo ng pitong grupong manlalaro, ang team Financiers (violet color), team

Generals (orange color), team Builders (blue color), team Warriors (yellow color), team Bench Mark (black color), team Medics (pink color) at ang team Legislators (white color). Ang mga larong kanilang pagtatagisan ng husay, galling, diskarte at lakas ay ang mga sumusunod: lawn tennis, table tennis, badminton, basketball, volleyball, tug-of-war, chess, fun run at track and field. Ang sports fest na ito

ay pagpapatuloy ng Angguan Tan Ehersisiyo (ATE) na sinimulan ng kaniyang ama na dating gobernador ng Pangasinan at ngayo’y 5th District Representative na si Amado T. Espino Jr. Ayon naman kay Gov. Amado ‘Pogi’ Espino, na ang palarong ito ay makikita at maiiwan sa kampeonato ang pinakamagagaling na manlalaro at laging pinapaalala ng gobernador

na kailangan ng kooperasyon at respetohan ng bawat isa. Nilinaw naman ng kapitolyo na sa kabila ng naturang mga palaro ay hindi pababayaan ng mga empleyado ang kani-nilang mga tungkulin o trabaho. Magtutuloytuloy ang laro mula Nobyembre 4 hanggang ika- 20 ng Disyembre 2016. (Daniel Fortaleza)


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.