Pababasa
I-SCAN MO AKO
Basahin ang iba pa naming isyu at manatiling updated sa mga kaganapan sa loob at labas ng paaralan
https://issuu.com/ang_kanlungan
EDITORYAL
Prayoridad: Pagbasa at Aktibidad
AGTEK
SYMBO, Science Exhibit, inaaliwan ng THS Pahina 16
Ang
paglingon sa pinanggalingan
PAGBASA TUNGO SA KALIDAD NA EDUKASYON. Si Bb. Ma. Luisa Pascua, guro sa Filipino ay nagbibigay ng gabay sa pagbasa kay Jonalyn Patacsil, isa sa magaaral sa Baitang 8 na nasa ilalim ng antas ng pagkabigo. Kuha ni Ayezia Chloe Pontanes
Lumalabas na 221 o 15.45% lamang ang nagbabasa ng libro sa bahay sa mga mag-aaral ng Tibag High School sa 1,430 na rumesponde sa sarbey ng patnugutan ng ‘Ang
Kanlungan’ na isinagawa noong ika-22 ng Pebrero 2023.
Ayon sa isinagawang sarbey, ang mga babae ang may mas maraming bilang ng nagbabasa ng mga babasahin sa kanilang bahay na 86.87% o 192 sa mga rumesponde samantalang
13.12% lamang na kalalakihan ang mga nagbabasa ng mga babasahin sa kanilang pamamahay.
Umangat naman ang ika-10 baitang sa may pinakamaraming mag-aaral na nagbabasa ng libro na may 60 at pumangalawa naman ang mga magaaral sa ika-walong baitang na 43 ang mga nagbabasa ng babasahin sa bahay.
Pinakakaunti ang mga mag-aaral sa ika-11 baitang na may anim lamang na sumagot na sila ay nagbabasa ng libro sa bahay.
Isinagawa ang sarbey sa pamamagitan ng pagtatanong sa bawat klase ng mga THSians kung sila ay nagbabasa ng libro o babasahin sa tuwing sila ay nasa bahay.
Tinanong ang bawat klase upang makuha ang datos at malaman kung marami pa bang estudyante ang may oras magbasa upang maging basehan na rin sa mga programang dapat ipatupad ng paaralan at sa pagpapaigting ng pagbabasa ng mga mag-aaral at mahikayat sila na magbasa.
Pagbabalik F2F sa THS, pokus sa kasanayang pagbasa; proyektong tugon sa dekalidad na edukasyon, pinaiigting
Bilang ng nagbabasa ng libro sa bahay
15.45%
1,430
Bilang ng Rumesponde
Pinaiigting ng Tibag High School (THS) ang mga proyektong #Friend Request, #Word Bank, #BFF (Breakfast Fun for Friday), #Project TUTOR (Teaching with Understanding through Tutoring to Overcome difficulty in 3 Rs (Reading, wRiting, aRithmetic), at #Online Reading Talkshow na naglalayong mapababa ang bilang ng mga batang hindi makabasa at bilang tugon sa programang Hamon: Bawat Bata Bumabasa (3Bs) ng Department of Education (DepEd).
Ito ay tugon na rin sa isinusulong ng DepEd na DepEd Memorandum No. 173, s. 2019 na “Hamon: Bawat Bata Bumabasa” bilang bahagi ng Sulong Edukalidad na may layuning makabasa ang bawat bata at paigtingin ang adbokasiya sa pagbabasa.
Ang #FriendRequest ay proyektong naglalayon na makapagtayo ng reading hub o silid aklatan sa mga bawat barangay na nasasakupan ng paaralan upang mapalapit at nagkaroon ng pribilehiyo ang mga estudyante na makapagbasa ng libro kahit wala sa paaralan.
Nilalayon naman ng #Word Bank na mapaigting ang kaalaman ng mga
THSians sa mga bokabularyo. Ito ang paglalagay ng mga salita o vocabulary words na kanilang nalalaman sa arawaraw sa isang bote ng stick-o kung saan isusulat sa papel ang salita at bibigyan ng kahulugan at gagamitin sa pangungusap.
Inisyatiba naman ng guro ay Project TUTOR na nagbibigay ng libreng tutorial sa mga batang hirap magkabasa at makaintindi sa matematika. Bawat guro ay may isang batang aalagaan at kanilang tuturuan hanggang sa ito ay matuto sa pagbabasa at sa matematika.
Nilalayon naman ng #BFF na magkaroon ng masaya at kakaibang karanasan ang mga mag-aaral sa pamamagitan nang sabay-sabay na
Bumuo ng aktibidad ang Tibag High School (THS) sa asignaturang Matematika na ginanap noong ika-14 ng Pebrero, 2023 sa Covered Area ng THS.
Ang palaro sa nasabing asignatura ay ang MATHs bingo kung saan ang mga mag-aaral ay bumili ng card at sila ang maglalagay ng numero rito.
Ang mga nakalagay sa bingo card ng mga mag-aaral sa MATHS bingo ay mga numero ngunit ang mga bubunutin na magsisilbing bola ay mga basic math problems.
Ayon kay G. Paul Anthony Galang, guro sa Matematika ang nagpakilala sa MATHs bingo, “Nagkaroon ng innovation ang bingo, basic math ang mga bata.”
Sinabi pa nya, “Basic math problem ang mga bubunutin para ma-improve ang basic math ng bata. Huhubugin ng MATHs bingo ang math skills ng bata na pasok sa addition, subtraction, multiplication, at division.”
Ang mga aktibidad ay isang daan upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral at maturuan sila ng basic math problems.
pag-aalmusal o tanghalian naman sa mga pumapasok ng tanghali habang nagkakaroon ng iba’t ibang aktibidad ukol sa pagbabasa sa loob ng silid-aralan.
Samantalang ang #Online Reading Talkshow ay isang talkshow na ineere sa THS FB Page minsan sa isang buwan. Nilalayon nitong mahikayat ang mga bata na magbasa at ipinapaliwanag dito ang kahalagahan ng pagbabasa. Kasama sa mga nanonood dito ay ang mga magulang ng ma mag-aaral upang mapaabot sa komunidad ang kahalagahan ng pagbabasa at lalo pang mahikayat ng mga magulang ang kanilang mga anak na magbasa. Ineere ito ng dalawang beses isa sa umaga para makapanood ang mga pumapasok nang tanghali samantalang tanghali naman ineere para sa mga pumapasok ng pang -umaga. Ang mga proyektong ito ay nakaangkla rin sa proyekto ng dibisyon na Project RESCUE o Recovery and Engagement of Struggling readers through Curriculum Updates and
Explicit instruction. Ito ang tugon ng paaralan sa mataas ng bilang ng mga batang hirap makabasa na lumalabas na 52% o 1,647 na nasa ika-pito at walong baitang ang nasa frustration level at 1% naman o 28 ang hindi makabasa ayon sa ginawang academic profiling ng mga paaralan sa TCSD noong panahon ng enrolment.
Nilalayon ng mga proyektong ito na makibahagi ang lahat kasama ng mga magulang, komunidad lalo na sa mga opisyales ng barangay at paaralan upang mapaigting ang pagresolba sa problema sa pagbabasa dahil malaking bilang din ng mga mag-aaral ng THS ang hirap makabasa. Lumalabas na 4.84% o 98 ang hirap makabasa sa Ingles samantalang 3.41% o 69 ang mga hirap naman magbasa sa wikang Filipino. Ito ang malaking dahilan kung bakit naitatag ang mga proyektong ito.
Samantalang sa #FriendRequest pitong barangay ang nilapitan ng paaralan ukol sa proyektong at ito ay ang mga barangay
Proyekto sa Gazebo, sinuportahan ng SMAW; Pagpapaigting sa pagbasa, pangunahing dahilan
Sinuportahan ng mga mag-aaral ng Baitang 11 na kumukuha ng strand na Shielded Metal Arc
Welding (SMAW) sa pamamahala ni G. Christopher Bryan Enriquez ang ginagawang proyekto sa Gazebo upang lalong paigtingin ang kasanayang pagbasa ng mga magaaral ng Tibag High School (THS).
Ang ginagawang pagwe-welding ng mga mag-aaral ay bahagi na rin ng kanilang performance task, isang pagtataya sa kanilang natutuhan.
221 I-follow
Ginagawan ng lalagyan ng libro ang itaas ng gazebo upang kahit na sa kanilang pagtambay ay magkaroon ng interes ang mga mag-aaral na magbasa. Kabalikat ang language department sa pagsasagawa ng proyektong ito.
“Ginagawa natin itong project na ito para sa mga bata. Tuwing nagbabasa sila sa gazebo, sa itaas ilalagay ang mga libro, kasi lalagyan ng libro ang ginagawa nating proyekto.” Ayon kay G. Enriquez.
Ang opisyal na Facebook page ng “Ang Kanlungan”
LATHALAIN
TANTOS NG KATUWAA’T KAALAMAN. Tinatantusan ng mga mag-aaral ng Grade 9 ang kanilang card habang kinocompute ang problem solving sa inilabas na numero. Kuha ni Ayezia Chloe Pontanes
sa bahay: THSians may mababang bilang
‘Huhubugin ng MATHs Bingo ang math skills ng bata’ – G. Galang
SARBEY
Ni Eliza F. Botin
Ni Jaycell Pulmano
Ni Yra Jane Tubig
Ni Gabriella Apolinario
6
KAMPUS BALITA
Dumaraming bilang ng ‘di makabasa: ‘TUTOR’ solusyon ng mga guro
Mataas pa rin ang bilang ng non-readers at non-numerates sa Tibag High School (THS) ayon sa isinagawang academic profiling sa literacy at numeracy na isinagawa noong ika-8 ng Agosto hanggang ika-19 ng 2022 alinsunod sa Division Memorandum No. 147 s. 2022 o kilalang Implementation Guidelines on the Conduct of Academic Profiling in literacy and Numeracy for the School Year 2022-2023.
Tugon ang project TUTOR o (Teaching with Understanding through Tutoring to Overcome difficulty in 3 Rs (Reading, wRiting, aRithmetic) sa DepEd order no. 173 s. 2019 o Hamon: Bawat Bata Bumabasa (3Bs) at nakaangkla ito sa proyekto ng dibisyon na project RESCUE o Recovery and Engagement of Struggling readers through Curriculum Updates and Explicit instruction na parehong naglalayong mapababa ang bilang ng mga mag-aaral na hindi makaasa at hirap sa basic operations ng matematika. Ang project TUTOR ay programang nagbibigay ng libreng tutor o pagtuturo sa mga mag-aaral ng THS sa bakanteng oras ng mag-aaral at guro upang maturuan sila sa pagbabasa at sa basic operation ng matematika. Binigyan ng isang estudyante ang bawat guro ng THS upang kanilang turuan hanggang sa matapos ang panuruang taon.
Pinamumunuan ng mga dalubhasang guro na sina Gng. Merlina De Jesus, Gng. Annalyn Galope, G. Arnel Ibanez, G. Jonathan Paul Briones at G. Richman
Hernandez kasama si G. Norlan Agdeppa, Teacher III ang proyekto.
RESULTA NG DATOS
Lumalabas na 4.89% o 98 ng
THSians ang hindi makabasa sa Ingles
samantalang 3.44% o 69 sa mga magaaral sa THS ang hirap makabasa sa Filipino. Sobrang taas naman ang bilang ng mga mag-aaral ng THS ang hirap sa basic operations ng matematika na may 40.15% o 804 ang hirap sa pag-solve ng addition, substraction, multiplication at division. Ang mga estudyanteng may pinakamalala ang problema sa pagbabasa, pagsulat at pagresolba sa matematika ang inuna sa programa.
13 sa ika-pitong baitang, 12 naman sa ika-walong baitang, 10 sa ika-siyam na baitang at 15 naman sa ika-10 baitang ang napiling sumailalim sa proyekto. Ang resulta ay base sa academic profiling na isinagawa ng paaralan noong araw ng pagpapatala na kung saan dumaan ang mga mag-aaral sa one on one oral reading assessment at comprehension exam sa Filipino at Ingles samantalang sumagot ng pagsusulit sa matematika ang mga estudyante na binubuo ng basic operations.
IMPLEMENTASYON NG
PROGRAMA
Ipinaabot sa mga magulang ng mga mag-aaral na sasailalim sa project TUTOR ang kanilang anak sa pamamagitan ng pagpapa-aabot ng liham at pag-anyaya sa kick-off program ng reading programs ng THS noong ika-walo ng Oktubre 2022. Nagkaroon din ng pagpupulong sa mga magulang upang ipaliwanag ang mga prosesong mangyayari habang ang kanilang anak ay sumasailalim sa naturang proyekto.
Hindi naging madali ang unang quarter ng implementasyon ng proyekto.
Iba’t-ibang problema ang naranasan ng mga guro tulad ng madalas na pagliban ng mga mag-aaral sa kanilang tutorial, walang kakayahang pinansiyal ng bata dahil hindi makapasok ng mas maaga upang pumasok sa tutorial dahil walang pamasahe kung mag-isang bibiyahe,
pagtatrabaho ng estudyante kaya hindi makapasok sa tutorial at hindi interesadong sumailalim sa proyekto. Sa unang quarter kumpleto pa ang mga mag-aaral na sumasailalim sa proyekto bagaman marami ang madalas na lumiban sa kanilang iskedyul. Sa ikalawang quarter, mayroon ng isang mag-aaral sa ika-10 baitang ang tumigil na sa pag-aaral dahil pinili
nitong magpatuloy sa pagtatrabaho. Kasalukuyan ay tuloy-tuloy pa rin ang implementasyon at lalo pang pinaiigiting upang makamit ang layunin ng proyekto na mapababa ang bilang ng hindi makabasa sa THS pagkatapos ng panuruang taon na ito.
“Napakalaking tulong sa mga batang nangangailangan talaga na matutukan sa pagbabasa parehong Ingles at Filipino
at nakakatuwa na nagkakaroon ng pagunlad sa kanilang pagbabasa” pahayag ni Gng. De Jesus.
Magpapatuloy ang proyekto sa loob ng tatlong taon upang magpatuloy ang pagtuturo sa mga mag-aaral na sumasailalim sa proyekto hanggang sa maisakatuparan ang layunin ng proyekto hangga’t ang bata ay nag-aaral sa THS.
Outreach Program, pinangunahan ng SSG; Araw ng mga Puso, daan sa paglikom ng pondo
Pinangunahan ng Supreme Student Government (SSG) ang isinagawang outreach program sa Brgy. Carangian nitong ika-14 ng Pebrero 2023, katuwang ang Barkada Kontra
Navarro
New Normal Education: Dr. Esteban, tinutukan ang unang araw ng pasukan
Pinangunahan ni Dr. Juvelyn L. Esteban, punongguro ng Tibag High School (THS) ang pagsalubong sa mga mag-aaral sa unang araw ng pasukan kasama ng mga guro ng THS noong ika-22 ng Agosto, 2022. Nagkaroon ng kanya-kanyang oryentasyon ang mga guro sa kanikanilang mga silid-aralan upang ipaalam ang mga bagong panuntunan sa new normal education lalo na’t ito ang unang araw ng pagbubukas ng klase na full face-to-face. Itinuro ng mga tagpayo ang mga health protocol na dapat sundin ng mga bata sa loob ng paaralan dahil sa hindi pa naalis na pandemya sa ating bansa at maiwasan ang pagkakaroon ng biktima ng COVID-19 sa paaralan.
Ipinaliwanag din mga tagapayo ang mga aktibidad na aasahan ng mga bata sa loob ng taong panuruan na 20222023. Kasama na rin dito ang bagong oras ng pagpasok kung saan nagkaroon ng dalawang shifting ang paaralan sa oras na 6:30 hanggang 11:45 ang mga nasa baitang na 7, 9 at 11 samantalang ang mga nasa baitang na 8, 10 at 12 ay papasok naman ng 12:30 hanggang 5:45 ng hapon.
Masinsinang inobserba at binigyang solusyon ng punong guro ang mga problema nararanasan ng mga guro at mag-aaral sa unang araw ng pagpasok. Mariin nitong sinubaybayan ang operasyon ng paaralan upang mapanatili ang maayos na pag-aaral ng mga bata at pagtuturo ng mga guro. Ayon naman sa mga tagapagtala ng paaralan higit sa 2500 na ang mga nagpatala para sa taong ito.
Batch ’72 ng TES, nagpaabot ng tulong sa THS
Nagbigay ng iba’t ibang tulong ang batch ‘72 ng Tibag Elementary School (TES) sa Tibag High School noong ika-8 ng Nobyembre 2022 na ginanap sa THS covered area.
Namigay ng mga bag at school supplies ang mga alumni ng TES sa mga piling mag-aaral ng mga nasa Baitang 7 at Baitang 8 sa pamumuno nina Gng. Dalisay Mallari at ang Diego Tindahan. Bukod sa mga ipinamigay, nagsagawa rin ng food feeding sa mga estudyante ng THS at nagparaffle draw.
Pinangunahan ni G. Dhey Medina ang programa sa pamamagitan ng panalangin at sinundan ng pambungad sa salita ng punongguro na Gng. Juvelyn L. Esteban. Nagpakitang gilas din ang mga bisita sa pamamagitan ng pagsayaw.
Droga (BKD), YES-O at Echo Club.
Ang mga pagkaing ibinigay sa mga bata ay mula sa mga nalikom na pondo ng bawat organisasyon ng Tibag High School (THS) sa mga naging aktibidad noong araw ng mga puso.
Layunin ng programa na
makapagbigay ng tulong at tuwa sa mga batang nakatira sa Carangian.
Ayon sa isang bata na nakatanggap ng pagkain, “Masaya po kasi nakatanggap po kami ng pagkain. Naglalaro lang po kami noon tapos tinawag po kami sabi may nagbibigay ng pagkain. Masaya po kami na tumakbo roon.”
02 ANG KANLUNGAN Tomo 1 | Isyu 1 | Agosto 2022 - Pebrero 2023
MALALIM NA BALITA
BALITA
Ni Jaycell Pulmano
TURO MULA SA PUSO. Si Bb. Cel Sheena Niedo, isa sa mga gurong-tutor na nagtuturo at tinututukang magbasa ang isang mag-aaral ng Baitang 7. Kuha ni Kristal Gale Navarro
ng THS na si Dr. Juvelyn L. Esteban sa mag-aaral na naghahanap ng silidaralan at seksyon, kasama ang ina na naghatid sa kanya. Kuha ni Kristal Gale
Pontanes
SUBAYBAY SA BALIK ESKWELA. Nagsagawa ng OBE Monitoring sa Tibag High School ang Chief CID na si Dr. Robert Osongco, PSDS
Dr. Rene Miclat, at EPSvr sa MAPEH, Sir Rosauro Perez sa pagbabalik face-to-face classes. Kuha ni Kristal Gale Navarro
Ni Jaycell Pulmano
Ni Ellaine Rillo
Ni Gabriella Apolinario
IN PHOTOS
MAIKLING BALITA
READTALK, sumahimpapawid; Tugon sa mababang bilang ng PISA
Ni Rihanna Pangilinan
Sumahimpapawid ang #Online
Reading Talkshow ng Tibag
High School noong ika-18 ng Nobyembre 2022 sa pamamagitan ng Facebook Live ng official page ng THS. Kilala rin ang project # online reading talk show sa pangalang READTALK, nilalayon din ng proyektong ito na mahikayat ang mga mag-aaral na magbasa na alinsunod sa proyekto ng Deped na 3Bs o Hamon: Bawat Bata Bumabasa ng DepEd Memo. 173 s. 2019.
Tumatalakay ang Read Talk sa kahalagahan ng pagbabasa at nagpapalabas ng mga pagkukuwento na may kasamang pagtatanong sa mag-aaral kung saan maaari silang sumagot. Sumasahimpapawid ito sa pamamagitan ng facebook live na ipinapalabas sa FB page ng paaralan. Dalawang beses ipinapalabas ito umaga para sa mga mag-aaral na pumapasok ng tanghali at tanghali naman para mga estudyanteng nakauwi dahil pumasok ng umaga at ito ay ipinapalabas ng minsan o dalawang beses sa isang buwan.
Layunin ng proyektong #Online Reading Talkshow na maimpluwensiyahan ang kultura at pagmamahal ng mga magaaral sa pagbabasa at kanilang maimpluwensiyahan ang kanilang mga kaibigan, kapwa mag-aaral at iba pa. Ito rin ay naglalayong bigyan ng kalinawan sa pagbabasa ang mga mag-aaral.
Kasapi rito ang mga guro ng asignaturang English parehas na Junior High School(JHS) at Senior High School (SHS). Ang unang session episode 1 ang The Magical World Of Reading ay naganap noong ika-18 ng nobyembre 2022. Sa unang session ng proyektong ito ang naging host ay sina Bb. Mariechris David at G. Benjamin Gaspar, at naging Demo Teacher naman ay si Gng. Lynneth Catalan, ang mystery reader ay ang Punongguro ng THS si Dr. Juvelyn Esteban at nasundan pa ito ng ibang episode at session sa mga sumunod na buwan.
Nasa Episode 2: Session 1 na ang ReadTalk at magpapatuloy ito hanggang sa katapusan ng taong panuruan na ito. Inaasahan din ang patuloy na pagsuporta ng mga guro at partisipasyon ng mga magaaral upang lalo pang mapalawig at mapaigting ang pagbabasa sa paaralan.
Reading at Values Month, sanib-pwersang ipinagdiwang sa THS
Ni Yra Jane Tubig
Sanib-pwersang idinaos ang pagdiriwang ng Reading Month at Filipino Values Month sa Tibag High School (THS) noong ika-15 ng Pebrero 2023 sa Covered Area ng THS upang mapatibay ang kompyansa ng mga mag-aaral sa kakayahan nila sa pagbasa at mapaunlad ang kaugaliang Pilipino.
Pinamahalaan nina Gng. Genevieve Rose R. Perez, gurong nakatoka sa programa, Bb. Vhan Khriziel G. Romin, English Reading Coordinator, at Bb. Ma. Luisa E. Pascua, Filipino Reading Coordinator ang programa kasama ang mga guro mula sa Departamento ng ESP, English, at Filipino.
Layunin ng programa na bigyang pokus ng mga mag-aaral ang pagbasa, higit itong mapaigting sa paaralan kasama ng pagpapaunlad nila ng kaugaliang Pilipino.
Ayon kay Bb. Romin, “Naging inspiration ito ng mga estudyante to strive more kase readers natin, they are not 100% confident pagdating sa reading.”
INVESTIGATIVE REPORT
‘Honesto’: Bilang ng matapat sa THS tumaas sa 2nd Quarter
Tumaas ang bilang ng mga batang matapat sa Tibag High School ng 67% kumpara noong unang quarter ng taong panuruan. Inilunsad ang project Honesto upang mahikayat ang mga mag-aaral na maging matapat sa lahat ng aspeto ng buhay sa pamumuno ni G. Joel Madayag, discipline officer ng THS simula noong Agosto 2022. Siyam na bata ang naging matapat sa pamamagitan ng pagbabalik ng mga napupulot na pera, kagamitan at gadyet ng mga kapwa nila magaaral. Pinarangalan ang mga batang nagsasauli ng mga napupulot nila na naging inspirasyon din ng ibang magaaral kung kaya’t lalong nahikayat na gumaya ang ibang bata. Dumami sa 19 na mag-aaral ang naging matapat sa ikalawang markahan ng taon. 28 mag-aaral ang nagbalik ng kanilang mga napupulot na pera, kagamitan at gadyet na hindi nila pagmamay-ari. Lima sa mga ito ay mula sa ikapitong baitang, 13 naman ang nagmula sa ikawalong baitang, 6 ang galing sa ikasiyam na baitang at 3 sa ikasampung baitang. Binigyang halaga ito ng paaralan sa pamamagitan ng pagkilala at pagbibigay ng sertipiko
tuwing araw ng lunes sa flag ceremony.
Ayon sa isinagawang pagaaral ng Reader’s Digest na ‘honestytest’ na isinagawa sa mga mall sa siyam na bansa sa Asya nanguna ang Pilipinas na nakamit ang 82% na nagsasabing magsasabi ang isang Filipino sa security ng mall kung mayroon itong makikitang shoplifter sa mall.
Lumabas din sa pag-aaral na 52% ng mga Filipino ay magsasabi sa kaibigan kung makita ang boyfriend o girlfriend ng kaibigan ay mayroong ibang kasama o kalaguyo at 82% din ng mga Filipino ang magbabalik ng sukli sa cashier kung sobra ang ibinigay na sukli.
Ayon kay G. Madayag “Maganda ang pagpapatupad ng
Project Honesto dahil tuturuan ito ang mga mag-aaral na maging matapat sa lahat ng bagay mula sa pagbabalik ng pera at kagamitan gayundin ang kanilang mga exam. Nahihikayat ang mga estudyante na maging matapat dahil nakikita nilang kinikilala ng paaralan ang kanilang pagiging matapat”. Sa kabubukas pa lamang ng ikatlong markahan, 13 na estudyante na ang naging matapat at nagbabalik ng mga hindi nila pagmamay-ari sa discipline office ng paaralan. Isang patunay na mas lalo pang dumarami ang mga THSians ang nagiging matapat at makikitang nagiging epektibo ang project ‘Honesto’.
Patnugutan ng ‘The Fortress’, ‘Ang Kanlungan’, itinalaga
Ni Angela Mae Sapuay
Isinagawa ng Tibag High School (THS) ang pagtatalaga sa tungkulin para sa bagong patnugutan ng Ang Kanlungan at The Fortress na ginanap noong ika-13 ng Disyembre, 2022 sa silid-aklatan ng THS.
Pinangunahan ang naturang programa ng mga School Paper Advisers (SPAs) na sina Bb. Tristine Peach R. Navarro, G. Norlan Agdeppa, Bb. Algene Mae Samson at Bb. Rose Ann Gonzales na sinuportahan naman ng punongguro na si Dr. Juvelyn L. Esteban kasama ang mga tagasuri na sina G. Benjamin Gaspar, Bb. Mariechris David, at G. Edsel Natividad.
Sinimulan ang programa sa panalangin, kasunod ng pag-awit sa pamabansang awit ng Pilipinas, isang roll call, at nagbigay rin ng mensahe si Dr. Esteban. Buong-puso namang nanumpa ang bawat lupon ng ‘Ang Kanlungan’ at ‘The Fortress’, at nagtapos ang programa sa pangwakas na mensahe ni Bb. Samson na nag-iwan ng hamon sa mga kasapi ng lupon.
Binigyang-diin din ni G. Gaspar ang pagkakaroon ng willingness at commitment ng mga mag-aaral na mamamahayag sa pagtatalaga ng kanikaniyang tungkulin upang makapaghatid ng makatotohanang balita.
“Bilang journalist, nakakatuwang mabalitaan o malaman na magbabalik na ang Division School Press Conference (DSPC) sapagkat ilang taon ko ring hinihintay ito, at handa na rin akong maging bahagi ng aming pahayagan.” Wika ni Eliza Botin, isa sa manunulat na Ang Kanlungan.
Kuha ni Ayezia Chloe Pontanes
THS BSP, GSP nakiisa sa 18 Day Campaign To End VAW
Nakiisa ang Boys Scout at Girls Scout of the Philippines ng Tibag High School (THS) sa kick-off ceremony ng 18 Day Campaign to End Violence Against Women na isinagawa sa Backyard Encampment ng THS noong ika-25 ng Nobyembre na alinsunod sa Republic Act 10398.
Isinama sa backyard encampment activity ng THS ang paglulunsad ng
18 Day Campaign To End VAW upang mabigyang halaga ang pagprotekta sa mga kababaihan. Naging bahagi sa encampment ang pagpapaliwanag ukol sa programa at mga aktibidad na gaganapin sa paaralan na ipinaliwanag ni G. Roberto Suagart, JHS GAD Focal Person.
Nagsagawa rin ng poster making at slogan contest ukol sa naturang programa na nagtagisan ang bawat tropa na kalahok sa backyard encampment
bilang paggunita sa kahalagahan ng proteksyon ng mga kababaihan at matuldukan na ang karahasan na kanilang nararanasan.
“Napakahalaga na bigyang halaga ang proteksyon ng mga kababaihan at isama ito sa mga programa ng mga scouter ng Pilipinas dahil sa pamamagitan ng ganitong programa ay naipapalaganap natin ang mga impormasyong dapat nilang malaman ukol sa pagprotekta sa kababaihan” ani G. Norlan Agdeppa, SHS GAD Focal Person.
Magkakaroon din ng iba’t ibang aktibidad tungkol sa naturang programa sa loob ng 18 araw sa paaralan tulad ng pamimigay ng babasahin ukol sa karapatan ng mga kababaihan, paglathala ng mga bidyo sa FB page ng paaralan, paggawa ng advocacy campaign at iba pang aktibidad na makatutulong sa pagpapalawak ng kaalaman ukol sa pagprotekta sa mga kababaihan.
03 ANG KANLUNGAN Tomo 1 | Isyu 1 | Agosto 2022 - Pebrero 2023 BALITA
Ni Jaycell Pulmano
Ni Jaycell Pulmano
TAPAT DAPAT. Isa sa mag-aaral ng Baitang 7 ang nagsauli ng napulot na pera, iniabot kay G. Joel Madayag upang ibalik sa may-ari. Kuha ni Jhon Stephen Cabanlong
SINUMPAANG TUNGKULIN. Si Hana P. Andes, isa sa kasapi ng Ang Kanlungan ay binibigkas ang Journalist’s’ Creed bilang bahagi ng kanilang panunumpa sa itinalagang tungkulin.
BALITANG INTERNASYONAL BALITANG
PRESSCON
THS
Campaign
Violence
ng ang mga batang matapat
PAKIKIISA SA KAMPANYA NG KABABAIHAN. Nakiisa ang GSP at BSP ng
sa
to End
Against
Women
upang mapalaganap ang kampanya sa pagprotekta sa mga kababaihan. Kuha ni Ayezia Chloe Pontanes
Tumaas
THSians sumabak sa Transformational Leadership
Ni Gabriella Apolinario
Nilahukan ng mga classroom presidents at student organization presidents ang leadership training na isinagawa noong ika-18 ng Pebrero, 2023 sa Tibag High School (THS) covered area sa pamumuno ng Supreme Student Government (SSG) at ni G. Luciano Manite Jr., SSG adviser.
“Upskills Way for Upward Leadership” ang naging tema ng naturang aktibidad na nilahukan ng mga pangulo ng bawat klase at organisasyon tulad ng Barkarda Kontra Drogra, YES-O, Eco-Club at SSG officers. Nilalayon ng naturang programa na mahasa ang communication skills ng mga pinuno ng bawat klase at organisasyon. Pakay rin ng naturang aktibidad na lalo pang mahasa ang kakayahan nila sa pamumuno ng kanilang klase at
organisasyon.
Ipinaliwanag ni G. Monsour M. Balmes, tagapagsalita ng seminar ang ukol sa pagiging pinuno, kung paano sila magiging mahusay sa pagsasalita at paano nila pamunuan ang kanilang hinahawakang grupo.
Itinuro naman ni Gng. Juanita Soriano, ulong guro at tagapagsalita ang ukol sa magagandang katangian ng isang pinuno. Dito ipinaliwanag mabuti ni Gng. Soriano ang mga bagay ukol sa pagkilos at pag-uugali ng mga pinuno.
“Isinagawa ang aktibidad na ito upang maging epektibo ang mga bawat pinuno sa kanilang pamumuno sa mga grupong kanilang inaaniban. Nilalayon nito na mabigyan ng sapat na training upang mapanatili ang kakayahan ng mga lider at mahikayat na magsilbi para sa ikabubuti ng kapwa nila mag-aaral at sa paaralan” tugon ni G. Manite.
Pagsasagawa ng RDA, binigyangdaan ng THS; Problemang kinaharap, nilapatan ng agarang aksyon
Alinsunod sa Regional Memorandum No. 502, s. 2022 sumailalim sa Regional Diagnostic Assessment (RDA) ang mga mag-aaral mula Baitang 7 hanggang Baitang 12 sa lahat ng asignatura. Layunin ng isinagawang pagtataya na matukoy ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagtamo ng minimum level of proficiency, matukoy ang most at least learned competencies, at magamit ang resulta bilang baseline data sa paghasa sa kakayahan ng mga guro at mapaunlad ang ang school intervention/remediation plan.
PAMUMUNO TUNGO SA PAGBABAGO. Ang mga mag-aaral na kasapi sa bawat organisasyon ay nagkakaisa sa isinagawang aktibidad upang mahasa ang kanilang kakayahan sa pamumuno.
Kuha ni Kristal Gale Navarro
Proj
Ni Yra Jane Tubig
Isinusulong ng Tibag High School (THS) ang isa sa proyekto sa pagbasa ng Departamento ng English at Filipino, ang Project #WordBank na sinimulan noong Agosto 2022 upang mapalago ang kaalaman at pang-unawa ng mga mag-aaral sa mga salita.
Ang nasabing proyekto ay inaprubahan ng punongguro ng paaralan na si Dr. Juvelyn Esteban at pinamahalaan ng mga guro sa Departmento ng Filipino at English.
Ni Yra Jane Tubig
Ikinasa ang Career Week ng Senior High ng Tibag High School na may temang ‘Transforming Classroom Competencies to Career Possibilities’ na ginanap mula noong ika-15 hanggang ika-17 ng Pebrero 2023 sa THS school ground.
Nanguna ang Humanities and Social Science (HMMS) Strand sa patimpalak na Best Booth dahil sa magagandang at may pinakamaraming booth na itinayo na mayroong lima. Isa sa pinilahan ay galing sa HUMMS na pinamagatang Museum “Dare Not to Enter” kung saan
Nagpadala ng mga salitang hindi pamilyar ang mga mag-aaral na may kasamang kahulugan nito, bubunot ang kanilang mga guro sa garapon at itatanong ito sa mag-aaral upang malaman kung alam nga ba ng magaaral ang kanilang inilalagay.
Ayon kay Bb. Vhan Khriziel Romin, ang nagmungkahi sa proyekto, “The project word bank build vocabulary and give encouragement to the students.”
Ang layunin ng nasabing proyekto ay mapalawak at mapabuti ang bokabularyo ng mga mag-aaral.
Nagsimula ang RDA nitong lunes, Setyembre 12 sa mga asignaturang Filipino at English, sumunod na araw naman, Setyembre 13 ang Science at Math, nitong Setyembre 14 ang TLE at MAPEH at magtatapos sa Setyembre 16 sa asignaturang AP at ESP ayon sa School Memorandum 10 na inilabas ng punong guro ng THS na si Dr. Juvelyn Esteban.
Kaugnay nito, nakapaloob sa DepEd order No. 8, s. 2015 na ang pagtataya ay malaking bahagi sa pagpapatupad ng kurikulum, at nasusukat ng guro ang kakayahang cognitive, affective at psychomotor ng mga mag-aaral upang matamo ang hinihinging kasanayan sa pagkatuto.
Nagsagawa rin ng ebalwasyon sa pagsasagawa ng RDA ang mga guro at administrasyon ng THS, narito ang ilan sa mga naging problema at solusyon na isinagawa: 1) nasa 30-42 na mga mag-aaral ang lumiban sa araw ng pagtataya, ang naging tugon ng paaralan ay pagbibigyan ang mga mag-aaral na ito; 2) Nahirapan ang mga mag-aaral sa pagtataya, at ang naging aksyon ay kinailangang ipaliwanag ng guro ang ilang mga tanong; at 3) Hindi naging sapat ang oras ng pagtataya, at ang naging tugon ay maglalaan pa ng oras o araw upang matapos ng mga mag-aaral ang pagtataya.
‘Munting tulong sa nasasakupang paaralan’ -Basilio sa pakikiisa sa Brigada Eskwela 2022
Ginampanan ng mga
Sangguniang Kabataan ng Tibag ang kanilang tungkulin sa pamamagitan pakikilahok sa Brigada Eskwela 2022 sa pamumuno ni G. Dave Basilio, SK Chairman ng Tibag kasama ng kaniyang SK kagawad noong ika-8 ng Agosto taong 2022 na ginanap sa Tibag Elementary School at Tibag High School.
Nagbigay serbisyo ang pamunuan
ng SK ng Tibag sa dalawang paaralan na kanilang sinasakupan tulad na pagkukumpuni ng mga nasirang silid-aralan gaya ng sirang kisame, sirang pintuan at bintana. Pininturahan din nila ang mga upuan, lamesa, mga silid na kailangan ng pinturahan at mga pasilyo ng paaralan.
Nagpaabot din ng tulong ang mga ito gamit ang pondo ng SK council sa pamamagitan ng pagbibigay ng materyales tulad ng plywood, pintura at mga kagamitang panlinis tulad ng dustpan at walis,
nagbigay din sila ng alcohol na magagamit ng mga bata pang-iwas sa COVID-19.
“Naging kultura na ng pamunuan ng SK na makilahok sa mga programa ng paaralan lalo na ang Brigada Eskwela parang panata naming ito taon-taon na magbigay serbisyo sa mga kabataan ng Tibag tulad ng pakikilahok sa ganitong programa at mga proyekto para ikabubuti ng mga taga-Tibag. Munting tulong sa nasasakupang paaralan” pahayag ni G. Basilio.
ipinakilala ang mga iba’t ibang karakter ng nobela ni Dr. Jose Rizal at mga iba’t ibang karakter sa mga kilalang pelikula loakal man o abroad.
Pinarangalan din ang ibang booth tulad ng sa Information and Communication and Technology (ICT) Strand na nagtayo ng photo booth at kanilang ipinamalas ang kanilang kagalingan sa paggamit ng mga application sa computer at ang “Electric Love” ng Electrical Installation and Maintenance (EIM) na nagpasiklab sa pagpapakita ng kanilang kakayahan sa elektrisidad at pagpapakita ng kanilang mga output sa klase.
“To address learning gaps
sa mga competencies na hindi nila nakuha during the pandemic. And most especially, ang talagang core niya ay para magkaroon ng understanding ang mga estudyante s career path na dapat nilang i-take” ang layunin ng aktibidad ayon kay G. Benjamin S. Gaspar, ulongguro at SHS Focal Person.
Hinirang naman na Ambassador ng SHS ang pambato ng ICT na G. Fritz Wallace Alvarez at Ambassadress naman si Bb. Ella Fider ng Home Economics strand na nagpamalas ng kagwapuhan, kagandahan, at katalinuhan din sa pagsagot sa mga katanungan.
04 ANG KANLUNGAN Tomo 1 | Isyu 1 | Agosto 2022 - Pebrero 2023 BALITA
Ni Eliza F. Botin
TAYAIN ANG KAALAMAN. Ang mga mag-aaral ng Baitang 7 ay matamang nagbabasa at inuunawa ang mga tanong sa isinagawang Regional Diagnostic Assessment. Kuha ni Jhon Stephen Cabanlong
“Dare Not to Enter” upang kilalanin ang iba’t ibang karakter ng nobela ni Dr. Jose Rizal. Kuha ni Kristal Gale Navarro
PILA NG KASAYSAYAN. Ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang ay masayang nakapila sa Museum
#WORDBANK, isinusulong; ‘To build vocabulary’, layunin ng proyekto
To address learning gaps - G. Gaspar sa paglulunsad ng SHS Career Week
Ni Jaycell Pulmano
BALITANG KOMUNIDAD
PANREHIYONG BALITA
KAMPUS BALITA
Peer Tutoring, sagot sa tumataas na bilang ng non-readers ng THS
Setyembre 30, 2022 – Ipinatupad mula noong ika-5 ng Setyembre ang peer tutoring sa mga magaaral na hindi makabasa mula sa ikapito hanggang ika-10 baitang ng Tibag High School (THS) sa pamumuno ng mga reading coordinators na si Bb. Vhanz Khrizel Romin ng Ingles at Bb. Ma. Luisa Pascual ng Filipino.
Ayon sa isinagawang reading assessment sa mga bata lumalabas na 98 na mag-aaral ng THS ang nasa ilalim ng non-reader level ng pagbabasa. 32 ang nasa ika-7 baitang, 30 naman ay nasa ika-8 baitang samantalang 9 ang nasa ika-9 na baitang at 27 ang nasa ika-10 baitang. Upang masolusyunan ang problemang ito, iba’t ibang programa ang ilulunsad ng THS tulad ng Project TUTOR at Project I-Connect kung saan nilalayon nitong mabawasan ang mga non-reader ng paaralan.
Bilang tugon din sa DepEd Order No. 173 s. 2019, HAMON: BAWAT
BATA BUMABASA (3Bs) at Project RESCUE ng Tarlac City Schools Division pinapaigting ng THS ang pagtuturo ng pagbabasa sa mga hindi nakakabasa. Isa dito ang Peer Tutoring kung saan sa bawat iskedyul ng Project RESCUE binibigyan ng kapareho ang mga magaaral na hindi makabasa ng kamagaral nilang marunong bumasa upang turuan silang magbasa. Habang ito ay ipinapatupad, ginagabayan ng guro sa Ingles at Filipino ang mga mag-aaral habang ipinapatupad ang aktibidad.
Kapag ang mag-aaral ay nabasa na ang ipinababasa, siya ay susuriin ng guro kung nababasa na ang ibinigay na babasahin saka lamang sila susulong sa susunod na aralin sa pagbabasa.
Ipagpapatuloy ang gawain hanggang sa makabasa ang mga mag-aaral mula sa matutong makabasa at makaintindi ng mga talata at matatapos ito sa katapusan ng panuruang taon.
NWMC inilunsad; Bawal Bastos Law binigyang diin
Nakiisa ang Tibag High School (THS) sa pagdiriwang ng National Women’s Month (NWM) ngayong Marso. Nagkaroon ng pambukas na programa na ginanap sa THS covered area noong ika-3 ng Marso 2023 sa pamumuno ni G. Roberto Suagart at G. Norlan Agdeppa. Safe Space Act o Bawal Bastos Law ang naging pangunahing paksa sa ginawang pambukas na pagdiriwang ng NWM sa ilalim ng Republic Act 11313 sa pamamagitan ng oryentasyon sa mga bata.
Layunin ng aktibidad na mabigyang impormasyon ang mga kababaihan ukol sa kanilang karapatan upang makaiwas na rin sa mga mapagsamantalang tao kung saan man sila naroon lalo na sa mga pampublikong lugar. Magiging aral din ito sa mga kalalakihan lalo na sa mga estudyante upang malaman nila ang kanilang mga limitasyon sa pagkilos ukol sa pakikitungo sa mga kababaihan.
Ipinaliwanag ni G. Roberto Suagart, focal person ng GAD ang mga sakop ng batas at kung ano ang mga karampatang parusa na igagawad sa mga lumabag sa naturang batas. Niliwanagan din ang mga maaaring mangyari sa mag-aaral kung sila ay lalabag lalo na sila ay
menor de edad. Ayon sa batas sila ay mayroon ding pananagutan at hindi malaya sa batas dahil sila ay mananagot pa rin sa ilalim ng juvenile justice law. Bukod sa oryentasyon ukol sa RA 11313 magkakaroon din ng iba’t ibang aktibidad sa loob ng silid-aralan ang mga bata bilang bahagi ng pagdiriwang tulad ng pagsulat ng sanaysay, pagguhit, paggawa ng islogan at pamimigay ng brochure o babasahin ukol sa karapatan ng mga kababaihan sa mga bisitang dumadalo sa paaralan. Hinihikayat naman na makiisa ang mga guro sa pamamagitan ng paggamit ng profile frame ng NWMC sa kanilang profile picture sa facebook.
KAAGAPAY SA PAGBASA. Si Geanne
Carlo Felipe, isang mag-aaral sa Grade 9-Curie ang masigasig na nagtuturo sa kanyang kaklase na si John Raymer Baladad upang matugunan ang pangangailangan sa pagbasa.
Kuha ni Kristal Gale Navarro
UP Campus sa Tarlac, itinatatag
Ni Rhianna Pangilinan
Itinatatag ngayon sa San Isidro, Tarlac City ang extension campus ng UP Manila School of Health Sciences (SHS) nang simulang lagdaan ng UP at Provincial Government ng Tarlac ang Memorandum of Agreement noong ika-23 ng Abril 2021.
Mag-aalok ng iskolarsip ang UPSHS Tarlac sa mga kuwalipikadong mag-aaral kapalit ng pagsasagawa nila ng return service sa kanikanilang komunidad.
Ayon kay UP President Danilo L. Concepcion sa pagkilala sa SHS, “progressive integrated stepladder curriculum has served as a model of transformative health education and community-based health [professions] training around the world.”
Maaaring lumabas bilang isang functional health worker sa anumang antas ng step-ladder curriculum ang isang iskolar ayon sa nasabing programang pang-akademiko.
Ang step-ladder curriculum ay isang competency-based at community-based curriculum ng mga nagsasanay na mag-aaral sa isang malawak na hanay ng mga healthcare professionals.
Balmes, David
Nanguna ang mga guro ng Tibag High School (THS) sa isinagawang Division Demonstration Teaching Festival SY 2022-2023 sa Education Week ng Tarlac City Schools Division na isinagawa noong ika-21 ng Nobyembre hanggang ika-6 ng Disyembre 2022.
Alinsunod sa Proclamation No. 2399, s. 1985 ipinagdiriwang ang Education Week tuwing ikalawang linggo ng Disyembre. Isa sa mga aktibidad ng Educ Week ay ang demonstration teaching festival na nilahukan ng 14 na guro ng Junior
nanguna sa Demo-Teaching ng TCSD
High School mula sa iba’t ibang paaralan ng Tarlac City at 12 guro naman nagmula sa Senior High School.
Umangat ang mga guro mula sa THS na nakamit ang unang gantimpala o best demonstration teacher sa junior high school na si G. Monsour M. Balmes, guro ng Agham at Teknolohiya. Ipinamalas ni G. Monsour ang kanyang kagalingan sa pagtuturo ng agham at teknolohiya, kaniyang itinuro ay ang understanding relationship of electricity and magnetism in electric motors and generators.
Gumamit ng iba’t ibang estratehiya si G. Balmes upang maipabatid ang kaalaman sa mga bata. Kinatawan niya ang distrito ng West C sa pandibisyong
patimpalak. Ang mga naging tagasuri ay sina Dr. Rebecca Sotto, Dr. Lilybeth Mallari at Gng. Anita Domingo, mga Education Supervisor ng TCSD.
“Isang karangalan sa akin ang mapili bilang kinatawan. Masaya ang naging kinalabasan ng aking demo lalo na’t nailabas ko sa mga bata ang kanilang kakayahan upang maging isang scientists in the future” saad ni G. Balmes.
Nakamit naman ni Bb. Mariechris David ang best demonstration teacher ng senior high school na guro rin ng THS. Ipinakita ni Bb. David ang kanyang kagalingan sa pagtuturo ng
Principles of Effective Speech Writing focusing on Audience Profile sa asignaturang Oral Communication. Si
Bb. David ay sinuri ng mga Education Supervisors na sina G. Reymar Paguio, Gng. Rowena Tiamzon, Gng. Lilybeth Mallari at Gng. Anita Domingo. “Masayang masaya ako dahil marami akong natutunan sa mga nagsuri sa aking demo. Ang lahat ng estratehiya na sinabi nila upang ako ay mahasa pa sa pagtuturo ay malaking tulong para ako ay patuloy na magturo gamit ang aking kakayahan,” pahayag ni Bb. David.
Ang mga nanalo ay tumanggap ng sertipiko ng pagkilala at binigyang parangal noong Education Week Culminating Activity noong ika-15 ng Disyembre 2022 sa Kaisa Hall ng siyudad ng Tarlac.
Brigada Eskwela 2022, nilahukan ng iba’t ibang organisasyon
Nilahukan ng maraming organisasyon at indibidwal ang Brigada Eskwela 2022 ng Tibag High School (THS) na may temang “Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik Aral” na nagsimula noong ika-1 ng Agosto hanggang ika-26, 2022 sa pamumuno ni Gng. Daisy Bernardo.
Isinasagawa ang naturang aktibidad taon-taon upang masiguro ang kaligtasan ng mag-aaral at kalinisan ng paaralan. Maraming organisasyon at indibidwal ang tumulong tulad ng Kalayaan Philippines Incorporated (KPI), sila ay tumulong upang siguraduhin na ligtas at dengue free ang eskwelahan at ang SK ng Barangay
Tibag kasama ng Sigma Nu Fraternity na nagbigay ng pintura, alcohol, at gamit panglinis , Gayon din naman ang mga 4ps na nagboluntaryo upang tumulong sa paglilinis mula nung unang araw ng Brigada Eskwela, GPTA
Batch 2022-2023, kasama rin ang Producer’s Bank Tarlac City, Guardian of the Philippines (GIPI), Brigada Eskwela Team, Brigada Pagbasa Teachers, parehas na Filipino at Ingles, Tibag High School Teachers at mga estudyante, mga SSG officers at ng Tarlac City School Division.
Nakamit naman ng THS ang ikatlong puwesto sa 2022 Division Search for Brigada Eskwela Best Implementing Schools sa mega school’s category.
Ayon kay Gng. Bernardo “Nagpapasalamat ako sa mga tumulong na indibidwal at organisasyon kumabaga sila yung panahon nila lumipas na, lalo na yung sila graduate sila ng THS, tapos ngayon yung anak naman nila ang nag-aaral, naawa ako kasi kumbaga minsan wala na akong mapameryenda sa kanila pero nandyan pa rin sila para tumulong, kahit na kailangan nila magtrabaho, pinili pa rin nilang tumulong sa brigada, kaya nagpapasalamat talaga ako.”
05 ANG KANLUNGAN Tomo 1 | Isyu 1 | Agosto 2022 - Pebrero 2023 BALITA
Ni Yra Jane Tubig
Ni Jaycell Pulmano
Ni Yra Jane Tubig
IWAS SAKIT. Nagsagawa ng Fumigation sa buong sulok ng THS bago ang pormal na pagbubukas ng klase upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mag-aaral at guro. Kuha ni Jhon Stephen Cabanlong
Pinangunahan ni G. Roberto Suagart, Jr. ang pagbibigay kaalaman sa mga mag-aaral ukol sa Safe Space Act o Bawal Bastos Law bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month.
Kuha ni Ayezia Chloe Pontanes
Ni Gabriella V. Apolinario
BALITANG LOKAL
BALITANG LATHALAIN
Kauna-unahang HPTA meeting, inilunsad; oryentasyon at pyschosocial support binigyang diin
SILAKBO: Ika-7 baitang, umarangkada sa SBPC ng THS
Ni Yra Jane Tubig
Nanguna ang ika-7 baitang sa ginanap na School Based Press Conference (SBPC) sa Tibag High School (THS) noong ika13 at 14 ng Oktubre na inihanda ng departamento ng Ingles at Filipino.
Bilang tugon sa Republic Act No. 7079 o Campus Journalism Act of 1991, inilunsad ang SBPC sa THS na may temang SILAKBO: “Building better Landscapes of Education through Civic Campus Journalism’’ sa pamumuno ng mga tagapayong sina Bb. Tristine Peach Navarro at G. Norlan Agdeppa ng Ang Kanlungan at Bb. Algene Samson at Bb. Rose Anne Gonzales ng The Fortress.
Ginabayan naman sila ng ulong guro ng Ingles na si G. Benjamin Gaspar, Master Teacher na si G. Edsel Natividad at ng Teacher-In-Charge sa Filipino na si Bb. Clariza Mae Guiang at Bb. Mariechris David, tagapagkonsulta ng mga tagapayo, at ang suportadong punongguro ng THS, Dr. Juvelyn L. Esteban. Walong kategorya ang nilahukan ng mga estudyante sa naturang patimpalak tulad ng pagsulat ng balita, pagsulat ng editoryal, pagsulat ng lathalain, pagsulat ng agham at teknolohiya, pagguhit ng kartun, pagsulat ng isports, photojournalism at pagwawasto ng sipi at pag-uulo ng balita.
Ayon kay G. Benjamin Gaspar, “Isinagawa namin ang School-Based Press Conference kasi gusto naming maturuan kayong magbasa at magsulat; upang mapuksa ang fake news.” Lumutang ang ika-pitong baitang sa mga isa sa mga baitang na may pinakamaraming napanalunan sa iba’t ibang kategorya. Lima sa walong lumahok mula sa ikapitong baitang ang nakasungkit ng mga puwesto sa patimpalak na nagmula sa Zafra at Joaquin.
Nasungkit ni Kristal Gale Navarro ang unang gantimpala sa photojournalism sa Filipino at nasungkit naman ni Rycest Loraine Tiqui ang ikatlong gantimpala ang photojournalism sa Ingles. Naipanalo naman ni Psalmiel Bayuga ang ikalawang puwesto sa pagsulat ng isports sa Ingles, si Princess Nadine Yango naman ay nasungkit ang ikatlong gantimpala sa pagwawasto ng sipi at pag-uulo ng balita sa Ingles at pumuwesto ng ika-apat si CJ Lee Acosta sa pagguhit ng kartun sa Ingles. Lahat sila ay pawang nasa ika-pitong baitang.
Ayon sa tagapayo ng 7-Zafra na si Bb. Algene Samson “Bilang isang adviser, nagagalak ako nang husto dahil ito ang unang taon nila sa sekondarya at kababalik lamang ni mula sa distance learning pero naipanalo nila ang kanilang kategorya.”
Pagbabalik F2F sa THS, pokus sa...
makabasa.
Naglunsad ang Tibag High School (THS) ng kaunaunahang Homeroom ParentTeacher Association (HPTA) meeting ngayong taong panuruan 2022-2023.
Nagkaroon ng hiwalay na oras ng pagpupulong, sa mga Baitang 7 at 9 ay sa ganap na 8:00 nang umaga at 1:00 nang hapon naman sa Baitang 8 at 10.
Bago pumasok sa mga silid-aralan ang mga magulang ay nagtipon muna sa covered area at nagsagawa ng oryentasyon ang punong guro ng THS, si
Dr. Juvelyn L. Esteban, pinaalalahanan sa mga patakaran na dapat sundin ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang pagsusuot ng uniporme at ng magiging bagong uniporme, pagpapagupit, paninigarilyo, pagdala ng motorsiklo na walang lisensya ang bata, id at academic profiling ng mga mag-aaral.
Sa isinagawang pagpupulong naman ng mga guro at magulang, binigyang diin ang psycho-social support. Nagpanood ng isang video patungkol sa pyscho-social support, layunin nito na mabigyang tugon ang pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral
Oryentasyon ng ALS, isinagawa; Dekalidad na edukasyon, layunin ng ALS
Nagsagawa ang Tibag High School (THS) ng oryentasyon sa pagsulong Alternative Learning System (ALS) – Senior High School noong ika-9 ng Setyembre 2022. Mayroong kabuoang 25 na kalahok, 11 na mga mag-aaral ng ALS ay mula sa mga kalapit barangay, ang programang ito ay pinamunuan ni G. Charlie F. Ocampo.
Programa ng Department of Education (DepEd) ang ALS na naglalayong matulungan ang mga Out of School Youths (OSY), mga manggagawa, may kapansanan, nakalaya sa bilangguan, dating rebelde ng gobyerno mga katutubo, at iba pang tao na hindi
nakapasok sa paaralan o hindi nakatapos ng pag-aaral ngunit nagnanais matuto at magpatuloy sa pag-aaral.
Ayon kay G. Ocampo, “Unanguna ako ay nagagalak at ako’y pinagkatiwalaang pamunuan ang programang ALS SHS ng THS, kaya laking pasasalamat ko sa ating School Head na si Dr. Juvelyn L. Esteban, sa lahat ng mga HTs, MTs, OICs, at mga kapwa ko guro.” Layunin ng programa na ito na magbigay ng inklusibong edukasyon sa mga OSY at iba pang mga mag-aaral na naghahanap ng dekalidad na edukasyon, naglalayon din ito na magbigay ng dekalidad na pagtuturo at pagkatuto sa pamamagitan ng mga alternatibong modalidad, at maibalik ang SHS-ALS sa sistema ng edukasyon.
partikular sa usaping mental health. Nagkaroon din ng eleksyon sa paghirang ng uupong opisyales sa bawat homeroom at napag-usapan ng bawat magulang ang kanilang magiging proyekto sa bawat silid ng kanilang mga anak.
Naisakatuparan ang naging layunin ng HPTA meeting sa pangunguna ng punong guro na si Dr. Esteban, mga ulong guro, mga guro ng THS, at sa mga magulang na dumalo. Inaasahan ang muling pakikiisa ng mga magulang sa mga susunod pang pagpupulong at pagtugon sa mga proyektong nailatag.
Tibag, Tibagan, Carangian, Sapang Maragul, Care, San Isidro, San Luis. Ilan sa mga ito ay nakapagumpisa ng makapagtatag tulad ng barangay San Luis sa pamumuno ni Gng. Luzviminda F. Garcia, punong barangay, na kung saan nagagamit na ng mga bata ang naturang reading hub. Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng paaralan sa iba pang barangay upang lalo pang mapalawak ang proyekto at magkakasamang mapaigting ang pagbabasa sa lungsod ng Tarlak kaagapay ng paaralan ang mga namumuno sa bawat barangay upang mabawasan ang bilang ng mga batang hindi
“It takes a village to educate a child. Binibigyan natin ng responsibilidad ang mga namumuno sa mga barangay upang makatuwang natin sa pagpapababa ng bilang ng mga hindi makabasa upang makamit natin ang adhikain ng DepEd na bawat bata ay bumabasa.” Pahayag ni Dr. Juvelyn L. Esteban, punong guro ng Tibag High School.
Patuloy naman ang pagpapatupad ng mga proyekto upang maisakatuparan ang layunin na mapababa ang bilang ng mga hindi makabasa at hirap makabasa.
Dr. Esteban, guro, magulang, nanguna sa paglulunsad ng Zumbook Activity sa THS
Nagkaloob ng mga bago at lumang libro ang mga magulang ng THS bilang bahagi ng Zumbook Activity ng Tibag High School na ginanap noong ika-18 ng Nobyembre 2022 sa covered area ng paaralan.
Dinaluhan ng maraming magulang ang naturang aktibidad na nakaayon sa division memorandum 192 s. 2022 o Zumbook activity for schools with libraries. Ito ay nakaayon sa proclamation no. 837 s. 1991 na dinedeklara ang buwan ng Nobyembre
bilang Library and Information Services (LIS) Month. Nilalayon nito bigyang halaga ang papel ng mga silid aklatan bilang lugar ng pagbibigay ng impormasyon at kaalaman.
Layunin ng naturang aktibidad na makalikom ng mga libro at iba pang materyales na pwedeng maglagay sa silid-aklatan at magamit ng mga estudyante. Hangad din ng paaralang ito na mahikayat ang mga magulang, mag-aaral at komunidad na magbigay ng mga babasahin sa mga silid aklatan ng mga paaralan at mahikayat ang mga magulang at mag-aaral na magkaroon ng malakas na pangangatawan.
Nakalikom ng maraming libro at
babasahin ang paaralan na ibinigay sa tagapangasiwa ng silid-aklatan. Naging matagumpay naman ang aktibidad dahil na rin sa pagsuporta ng mga opisyales ng School Parents-Teachers Association (SPTA).
“It was a successful activity po. Nakapaglikom po ng mga books and other learning materials published from 2010 onward po. These learning materials donated by parents, students, teachers, alumni, and other stakeholders po served as their registration in order to join the Zumbook.” ani Gng. Lynneth Mariz Catalan, gurong-tagapangasiwa ng silid-aklatan.
06 ANG KANLUNGAN Tomo 1 | Isyu 1 | Agosto 2022 - Pebrero 2023 BALITA
Ni Jaycell Pulmano
Ni Jaycell Pulmano
PAKIKIISA AT PAKIKIALAM. Nakiisa ang mga magulang ng THSians sa naging kauna-unahang pagpupulong ng taong panuruan 2022-2023 na isinagawa sa THS covered area. Sila rin ay nakialam sa mga alituntuning ipapatupad ng paaralan. Kuha ni Ayezia Chloe Pontanes
EDUKASYON SA LAHAT. Pinangungunahan ni G. Charlie Ocampo ang pagbubukas ng ALS-SHS sa THS. Nagbigay daan ito upang makapag-aral ang iba pang kabataan. Kuha ni Kristal Gale Navarro
KEMBOT PARA SA AMBAG NA AKLAT. Ang pagsayaw ng mga guro, magulang, at punongguro ng THS habang hawak ang mga librong iaambag sa silid-aklatan ng paaralan. Kuha ni Kristal Gale Navarro
Ni Jaycell Pulmano
1
EDITORYAL
PRAYORIDAD: PAGBASA AT AKTIBIDAD
Bahagi na ng paaralan ang pagsasagawa ng mga aktibidad upang mahasa ang mag-aaral sa iba’t ibang larangan. Bawat mag-aaral ay may kanya-kanyang kakayahan na tinatawag nating Multiple Intelligences ayon sa teorya ni Dr. Howard Gardner. Isa sa layunin ng bawat paaralan na mahasa ang mga mag-aaral hindi lamang sa makrong kasanayan, kundi sa kanilang kanya-kanyang talento o abilidad na tutuklasin sa loob ng paaralan.
Matatandaang noong ika-11 ng Hulyo 2022, inilabas ang DepEd Order No. 034, s. 2022 na nagpapahayag na hindi pinapayagan ang pagsasagawa ng anomang aktibidad sa paaralan, bibigyang pokus lamang ang akademiko at co-curricular activities.
Sa pagbabalik ng face-to-face classes
matapos ang dalawang taon, sabik ang bawat mag-aaral na maipakita at matuklasan ang kanilang kakayahan sa iba’t ibang larangan. Laging inaabangan ang mga programa ng iba’t ibang departamento. Gayunpaman, mayroong higit na dapat pagtuunan ng pansin sa loob ng bawat silid-aralan.
Isa sa dapat pagtuunin ng pansin ay ang kahinaan sa kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral, ito ang suliraning patuloy na kinakaharap ng Tibag High School (THS). Ayon sa nakalap na datos, lumalabas na 98 na mga magaaral ng THS ang hindi makabasa ng wikang Ingles at 69 naman sa Filipino, higit na mataas kumpara noong 2021.
Upang agarang matugunan ang problema, maraming proyekto ang isinusulong ngayon ng THS tulad ng peer tutoring, tutoring ng mga guro,
word bank, breakfast funday Friday, at learning hub sa katuwang na barangay.
Kung susuriin, maaari namang ipagpaliban na muna ang iba pang aktibidad ng paaralan upang bigyang daan ang mga proyektong ito at higit na matutukan ang kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral. Ngunit hindi maaaring tanggalin ang iba pang gawain sa paaralan na siyang huhubog sa kabuoan ng isang mag-aaral.
Maaari namang parehong bigyan ng prayoridad, bigyang tuon ang suliranin sa pagbasa ng mga mag-aaral sa patuloy na pagpapaigting sa mga proyektong nakalatag dito at sa pagkakaisa ng pamunuan ng paaralan at mga magaaral, at ang patuloy na paghasa sa iba’t ibang kakayahan ng mga magaaral sa iba’t ibang larangang kanilang kinabibilangan.
K NLUNGAN
PATNUGUTAN | TAONG PANURUAN 2022-2023
PUNONG PATNUGOT: Andrei V. Cortez | PANGALAWANG PATNUGOT: Leiryl R. Cariño
PATNUGOT SA BALITA: Jaycell D. Pulmano | PAGNUGOT SA EDITORIAL: Stephanie Villena | PATNUGOT SA LATHALAIN: Leiryl R. Cariño, John Benjamin C. Ramos | PATNUGOT SA
SPORTS: Andrei V. Cortez | PATNUGOT SA AGHAM AT TEKNOLOHIYA: Juliana D. Castro
|
DIBUHISTA: Lorence M. Yabut, Miggel Tindongan, Monica Gayle Pineda | TAGAKUHA NG
LARAWAN: Kristal Gale B. Navarro, Ayezia Chloe Pontanes, Jhon Stephen F. Cabanlong |
TAGA-AMBAG: Gabriella Apolinario, Ellaine D. Rillo, Yra Jane Tubig, Lanz Ashely S. Gomez, Hana
P. Andes, Lovely M. De Guzman, Katelyn C. Villanueva, Rhian Gutierrez, Angela Mae G. Sapuay | TAGA-DISENYO NG PAHINA: Joseph Garcia
MGA TAGAPAYO MGA TAGASURI PUNONGGURO
Tristine Peach R. Navarro, Norlan D. Agdeppa Benjamin S. Gaspar Richman N. Hernandez Edsel L. Natividad Mariechris M. David
‘WAG PURO DAHILAN
KUNG GUSTO, MARAMING PARAAN
Stephanie Villena
Maraming mga bata ang nais magkaroon ng pagkakataon upang makapag-aral, ngunit bakit ang iba ay sinasayang ang pagkakataong sa kanila ay naibigay?
Huwag na nating gawing katuwiran ang katamaran at kahirapan dahil kung gusto, marami namang paraan upang makapag-aral.
Noon pa man, makikita sa ulat ng The Borjen Report Project taong 2019, isinaad nila na ang Pilipinas ay ang may pinakamaraming drop-out rate sa mga bansa sa Southeast Asia o ASEAN.
Nasabing 6.38 % rate sa elementarya at 7.82 % sa mga mag-aaral ng sekondarya.
Kada taon, may mga naitatalang Drop out o No Longer Participating in Learning Activities (NLPA) sa paaralan. Isa sa mga suliraning pampaaralan na hinahanapan palagi ng solusyon at iniiwasang mangyari. Ayon sa datos nasa 3.65% o 76 na THSians na ang naitalang NLPA o No Longer Participating in Learning Activities. 36 na bahagi nito ay mula sa SHS at 40 naman sa JHS Lumalabas na 3.67% na SHS na ang tumigil sa pag-aaral at 1.97% naman sa JHS. Ang pinakanagiging dahilan ng pagtigil nila sa pag-aaral ay ang kawalan ng interes sa pag-aaral na may kabuong bilang na 15 mag-aaral, sumunod ang maagang pagtatrabaho o child labor na may bilang na 10 sa JH.
Sa umpisa, magkakaroon ng madalas na pagliban ang mag-aaral hanggang humantong sa hindi na pagpapakita at mababalitaan na lamang na hindi raw ito magpapatuloy sa pag-aaral. Kung titignan, hindi masisi ang mga mag-aaral na ito sapagkat wala ang ating mga paa sa kanilang kalagayan. Gayunpaman, laging sinasabi na hindi hadlang ang katamaran at kahirapan sa upang makapagtapos ng pag-aaral.
Paano kaya masosolusyunan ang ganitong suliranin sa bawat paaralan? Hindi naman maikakaila na gumagawa ng aksyon ang mga guro at administrasyon ng paaralan sa suliraning ito, tulad ng pagpapaigting sa Dropout Reduction Program (DORP), isang interbensyon ng paaralan para mabawasan o maiwasan na dumagdag pa ang tala ng SARDO. Maraming maaaring maging solusyon, at marami ang mga nais umabot ng kamay. Kailangan lamang din tulungan ang kanilang sarili at iabot ang kanilang kamay. Huwag na nating gawing katuwiran ang katamaran at kahirapan dahil kung gusto, marami namang paraan upang makapag-aral.
sa hindi na pagpapakita at mababalitaan na lamang na hindi raw ito magpapatuloy sa pag-aaral.”
HINDI PA KATAPUSAN
DEPRESYON: TUGUNAN, HINDI TULDUKAN!
Eliza F. Botin
Gusto lamang nila ng pahinga, pero bakit humantong sa pagtigil ng sarili nilang hininga?
Hindi na bago sa pandinig ng nakararami ang salitang depresyon, kung saan ito ay nasa ilalim ng problema sa kalusugang pangkaisipan ng tao. Isang malawak na sakit ang depresyon na labis na nakaaapekto sa isang tao sa kanyang pang-araw-araw na gawain, kaya ngayon marami ang nagbibigay nang tuon sa usaping tao at nagkakaroon na nang kamalayan ang nakararami.
Ayon sa datos ng UP Population Institute, mula 2013 hanggang 2021 tumaas ang bilang ng kabataang Pinoy na edad 15-24 na nakararanas ng depresyon.
Mula 3 % ng 2013, higit doble ang itinaas noong 2021 o 75 % ng mga kabataang Pinoy ang nakapag-isip o nagtangkang tapusin ang kanilang buhay, katumbas
ito ng 1.5 milyon na mga kabataan. Base sa pag-aaral, mas marami ang nakaranas ng mental health ang hindi humihingi ng tulong o nagpapakonsulta sa doktor.
Tulad sa pangangalaga ng ating pisikal na pangangatawan, kailangan ding pangalagaan ang ating kalusugang pang-kaisipan. Maaaring marami ang maging dahilan ng suliranin tulad ng pagkakaroon ng problema sa loob ng pamilya, pagdududa sa sarili, problema sa pag-aaral, pinansyal na suliranin at mga problemang nagkapatongpatong ang maaaring maging sanhi sa pagkakaroon ng depresyon.
Gayunpaman, lagi nating makita ang mga positibong bagay sa ating paligid, maging sa mga maliliit na bagay. Maaari ring humanap ng mapaglilibangan na makatutulong sa ating mental na kalusugan at may mga kaibigang handang makinig sa mga pinagdadaanan nating pagsubok sa buhay.
Dr. Juvelyn L. Esteban Principal IV
lagi nating makita ang mga positibong bagay sa ating paligid, maging sa mga maliliit na bagay.”
Kaya napakahalaga na hindi lamang tayo mag-self diagnose o suriin sa sarili para masabi kung nakararanas ka na ng depresyon, higit na makatutulong kung sa mga eksperto tayo hihingi ng tulong upang maagapan at mabigyang lunas ang problemang pangkaisipan.
Sa mundong ito, may mga bagay na madalas ay hindi natin makontrol na isipan na nakapagpabagabag sa ating damdamin, hindi matatakasan kaya ang paraan ay tugunan hindi tuldukan ang buhay.
07 ANG KANLUNGAN Tomo 1 | Isyu 1 | Agosto 2022 - Pebrero 2023 BALITA
Sa umpisa, magkakaroon ng madalas na pagliban ang magaaral hanggang humantong
ANG
Sa paglipas ng panahon, patuloy na umuunlad ang teknolohiya.
Marami nang modernong kagamitan ang nalilikha na maaaring makapagbigay ng kapakinabangan sa tao. Subalit tila ito ay salungat sa napababalitang Jeepney phaseout, ang hari ng kalsada ay gagawing modernong uri ng transportasyon. Sa pagbabagong ito, huwag pa ring isantabi ang pangunahing pangangailangan ng mamamayan at mapanatili pa rin ang kulturang kinagisnan.
Ang Jeep, Dyipni o Dyip ay ang tinaguriang hari ng kalsada sa Pilipinas, isa sa pagkakakilanlan ng bansa dahil isa itong pambansang simbolong pangkultura. Ito ang isa sa pangunahing transportasyong ng mga Pilipino, ngunit mukhang maninibago ang lahat sa mga parating na pagbabago.
Ang modernong Electric Jeepneys ay madaming bagong magagandang bahagi o parte; gaya ng GPS, Speed Limiters, dashboard camera, satisfactory seat, friendly with disability, Wi-Fi access at iba pa. Sinasabi rin na ito ay mas malinis na bersyon ng tradisyonal na dyip; ito ay napapatakbo ng kuryente samantalang sa dyip ay diesel na may malaking ambag sa polusyon kasama rin sa programa ang muling pagsasanay para sa mga tsuper sa batas trapiko upang maging mas responsible at maingat sa daan. Siguradong giginhawa ang biyahe ng mga pasahero.
Mainit na usapan ngayon ang pagpapalit ng paggamit ng tradisyunal
BEEP! BEEP! BUSINA NAMAN
KONSIDERASYON SA MODERNISASYON
Jaycell Pulmano
na Jeep o Jeepney phaseout. Matatandaang iprinoklama noong ika-19 ng Hunyo 19, 2017 sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggal sa mga Dyip na may edad 15 pataas at pagpalit sa mga ito ng Electric Jeepney upang mapabuti ang paraan ng transportasyon at makasabay sa pang-internasyonal na antas.
Nitong Marso 6-12, 2023 ay
Sa halip na mapunta sa pangunahing pangangailangan ng pamilya ang magiging kita ay ibabayad lamang sa makabagong transportasyong ito.”
nagkaroon ng malawakang tigil pasado sa ilang lugar sa bansa dahil sa inilabas na deadline ng phase-out ng mga traditional jeepney na ipatutupad sa ika-30 ng Hunyo ngayong taon, ayon sa
HINDI DAPAT MAISANTABI
GAMITIN PA RIN ANG ATIN
Simula noong sinakop tayo ng mga dayuhan, tila ba ay napamunuan na nila ang bansang Pilipinas at naapektuhan nito ang sistema ng edukasyon sapagkat halos lahat ng asignatura ay naglalaman ng mga wikang Ingles na aralin. Naisasawalang-bahala na ang paggamit ng wikang sarili at naisasantabi bilang paraan ng pagtuturo.
Kamakailan lamang ay muling binuksan ang usaping pagtuturo ng lokal na wika ni Senador Sherwin Gatchalian, pinuno ng Senate Committee on Basic Education. Inilabas ng DepEd ang kautusan noong ika-14 ng Hulyo, 2009 ukol sa paggamit ng Mother Tongue-Based Multilingual Education o MTB-MLE sa ilalim ng DepEd Order No. 74. Tinatalakay sa kautusang ito ang paggamit ng dalawa o higit pang wika sa pagtuturo, ito ay upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga araling tinatalakay. Sa ilalim ng batas, gagamit ng lokal na wika sa pagtuturo at assessment ng mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3.
Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Circular Memorandum No. 2023-013.
Marami ang nagpahayag ng hindi pagsang-ayon dahil pangunahing maaapektuhan dito ay ang kabuhayan ng mga tsuper. Ito ang kabuhayan ng maraming Pilipino, nakadepende sa dyip ang hanapbuhay ng mga tsuper, operator, barker, at mekaniko. Sa Kalakhang Maynila, mayroong mahigit sa 118 libong pamilyang nakadepende sa 54843 na mga jeep na dumadaan sa 685 na ruta.
Bibigyan naman umano ng gobyerno ang mga tsuper-operators ng pautang na magbabayad ng 95% ng presyong gagastusin. Ito ay may 6% interest per annum at may palugit na pitong taon. Bukod pa doon, ay bibigyan din sila ng subsidiyang nagkakahalaga ng P180, 000. Subalit, sapat ba ito para sa mga tsuperoperators upang makabili ng e-jeep? Mababaon lamang sila sa utang at mas tataas ang presyo ang pamasahe. Ang pinaplanong E-Jeep ay mas bago, mas malinis ngunit mas mahal. Ito ay nagkakahalagang P1.6 milyon. Isang nakakalulang presyo para sa mga tsuper-operators na walang mahuhugot na pera mula sa mga butas na bulsa lalo na anga mga nagmamaneho ng dyip ay halos nasa laylayan ng lipunan. Sa halip na mapunta sa pangunahing pangangailangan ng pamilya ang magiging kita ay ibabayad lamang sa makabagong transportasyong ito.
Wala namang masama sa pagasam ng pagbabago at modernisasyon ngunit ang kakulangan ng pagpaplano at konsiderasyon ay magdudulot ng kapalpakan sa programang ito. Malapit sa puso ng mga Pilipino ang tradisyonal na dyip, ito ang isa sa mga kakaibang kulturang ipinagmamalaki nila. Mabuti kung mayroon pa ring mga lumang dyip, isa ito sa simbolo ng Pilipinas at tatak Pilipino. Mas mabuti rin kung ayusin na lang ang makina at mas pagbutihin ang ibang parte ng mga dyip nang sa ganoon ay mapanatili ang kultura at hindi maging masyadong masakit sa bulsa.
OBLIGADONG BINAGO MANATILI SA DATING PATAKARAN
Ashly Nicole Sandoval
Tulad ng bandila ng bawat bansa na nagsisilbing pagkakakilanlan, sa pagsusuot ng uniporme ng mga mag-aaral makikilala ang pangalan ng isang paaralan.
Matatandaang sa pagtupad ng limited faceto-face noong nakaraang taong panuruan ay hindi na inubliga ang mga mag-aaral na mag-uniporme upang maiwasan ang dagdag na gastos nito. Nitong Hulyo 18, 2022, tuluyan nang idineklara ni Bise Pangulo at Kalihim ng DepEd na si Sara Duterte na hindi na obligadong magsuot ng uniporme ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa pagbubukas ng pasukan noong Agosto.
na susuotin sa araw-araw ng mga estudyante. Isa pa, magkakaroon ng kalituhan sa pagkakakilanlan ng isang paaralan, kaya maganda kung nakasuot ng uniporme ang mga estudyante sapagkat mas mabibigyang galang ang institusyon at maayos silang tignan.
Bahagi na nang paaralan ang pagsusuot ng uniporme upang magsilbing identidad kaya dapat lamang na pagtibayin ang pagsunod sa patakaran...”
Marahil may punto nga ang Bise Presidente na makadaragdag lamang ito sa gastusin ng pamilya lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.
Sa kabilang banda, kung susuriin baka higit na mapagastos pa ang mga magulang sa civilian o plain clothes
Dagdag pa, maiiwasan din ang pagpasok ng hindi mag-aaral sa mismong paaralan o outsiders sapagkat marami ang maaaring magpanggap na estudyante at makapagdudulot ng pinsala sa ibang mga magaaral.
Bahagi na nang paaralan ang pagsusuot ng uniporme upang magsilbing identidad kaya dapat lamang na pagtibayin ang pagsunod sa patakaran ng paaralan na panatilihin pa rin ang pasusuot ng kumpletong uniporme.
Higit na magiging maayos ang mga mag-aaral at magiging magandang tignan kung ipagpapatuloy ang pagpapatupad ng pagsusuot ng uniporme, at huwag ng baguhin pa.
Liham sa PATNUGOT
wikang Ingles sa mga bata kahit na may sarili namang lenggwahe talagang ginagamit. Sa mga pangyayaring ito, isang magandang paraan ito upang matulungan ang mga mag-aaral na Pilipino na makipagsabayan sa mga banyaga at maaaring magamit ito sa hinaharap. Sapagkat sa pag-aaral pa lamang, masasanay na nila ang wikang Ingles at pwede nila itong gamitin para makakuha ng magandang trabaho sa ibang bansa. Sa aking pananaw, dapat pa ring
Sa aking pananaw, dapat pa ring gamitin ang wikang ating kinagisnan upang mapaunlad ito at hindi makaligtaang gamitin. ”
Maganda ang nagiging hangarin ni Gatchalian sa pagsulong ng batas na ito subalit sa naging resulta ng pagsisiyasat ng Pulse Asia nitong Pebrero 6, 2023, wikang Filipino ang gusto ng mga mag-aaral na mayroong 88%, sumunod dito ang wikang Ingles na mayroong 71%. Sa kabilang banda, 38% lamang ng mga mag-aaral na nasa 1-3 na baitang ang pabor na gamitin ang kanilang lokal na wika sa mga aralin.
Marahil bihira na lamang sa mga bata ang ginagamit ang lokal na wika sa loob ng bahay dahil sa impluwensya ng mga banyagang palabas, higit na umaangat ang paggamit ng
gamitin ang wikang ating kinagisnan upang mapaunlad ito at hindi makaligtaang gamitin. Gayunpaman, tunay ngang malaki ang impluwensya ng wikang Ingles sa mga mag-aaral na tulad ko ngunit hindi pa rin dapat maisantabi ang paggamit ng mga lokal na wika at sarili nating wika sa sistema ng edukasyon ng Pilipinas dahil isa ito sa ating pagkakakilanlan.
Mahal na Punong Patnugot, Dahil sa bumalik o nagsimula na ulit ang face to face ay bumalik na ulit ang mga Rules and Regulations ng paaralan, at sinusunod naman ito ng mga estudyante ngunit may mga ilan na hindi masunod ang simpleng tuntunin ng paaralan katulad ng pagsuot ng I.D. dahil sa tuwing ako’y papasok may ilan akong nakikitang walang suot na I.D at naiiwan ang mga ito sa labas o kaya sa may Guard House ng ating paaralan. Ang isa ring issue ay ang buhok ng mga kalalakihan o ang pagpapagupit marami parin sa mga estudyante ang mahahaba ang buhok hindi rin naman nagkulang ang ating mga guro na magpaalala sa pagpapagupit ng mga estudyante. Isa ding suliranin ng paaralan ay ang tamang pagsuot ng uniporme o Proper Uniform mahigpit na ipinagbabawal ng ating paaralan ang pagsuot ng mga maiikling palda ngunit marami paring nagsusuot at hindi nila ito sinusunod, At isa pa ay ang maling pagtapon ng basura simple lamang ang gagawin dahil meron ng mga sari-sariling label ang mga basurahan ngunit marami pa rin talaga ang pasaway at hindi nila sinusunod ang tamang pagtapon ng mga basura. Ano-ano kaya ang mga hakbang pa na gagawin niyo para masunod ang mga ito? Pano kayo makakatulong na mapaayos at mapaganda ang ating paaralan?
-Nagmamalasakit, Gian Concepcion
Mahal kong Gian, Salamat sa iyong malasakit. Sa pagbabalik ng face to face classes, kasabay nito ay ang muling pagpapatibay ng mga patakaran at alituntunin ng paaralan na kung saan ay ito ang isa sa mga pangunahing paraan upang magkaroon ng kaayusan sa paaralan. Bilang mag-aaral, napansin ko rin ang mga suliranin na ibinahagi mo at ako’y nababahala dahil tila nababalewala ang mga patakaran na itinatag sa loob ng ating paaralan. Upang masolusyonan ang mga suliraning ito, kinakailangang magkaroon ng agarang aksyon sa bawat isyu na nangyayari sa loob ng ating paaralan upang mabawasan ang mga bilang ng mga mag-aaral na hindi sumusunod sa patakaran. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang oryentasyon sa lahat ng mag-aaral patungkol sa tamang pagsunod sa mga patakaran at regulasyon ng paaralan. Sa katunayan, ginagamit din ang handbook at patuloy ang pagtutulungan ng mga tagapayo, discipline officers at pamunuan ng paaralan sa pagpapatupad ng mga patakaran.
-Nagmamalasakit, Punong Patnugot
08 ANG KANLUNGAN Tomo 1 | Isyu 1 | Agosto 2022 - Pebrero 2023 OPINYON
Lovely De Guzman
TUGON NG PATNUGOT
HUBUGIN ANG DISIPLINA
ROTC: MULING IBALIK
Gabriella Apolinario
Naging mainit na usap-usapan noong nakaraang taon ang muling pagbabalik ng Reserve
Officers’ Training Corps (ROTC), samu’t saring reaksyon at komento ang mababasa at maririnig sa mga sang-ayon at hindi sang-ayon dito.
Kung titignan nga naman, may mga benepisyong dulot ang ROTC, na mapapakinabangan sa kasalukuyan at maging hinaharap.
Ang Jeep, Dyipni o Dyip ay ang tiNoong 2002, matatandaang natigil ang pagpapatupad ng mandatory ROTC nang maisabatas ang Republic Act 9163, batas na nagtatag sa National Service Training Program (NSTP) noong 2001. Binubuo ang NSTP ng tatlong serbisyo: ROTC, Civic Welfare Training Service, at Literacy Training Service. At, sa programang ito, may kalayaan ang mga mag-aaral na mamili kung aling serbisyo ang kanilang kukunin.
Sa kauna-unahang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM), isa sa mga ihahaing batas na nabanggit ay ang muling pagbabalik ng Mandatory ROTC sa sekondarya. Sakaling maging ganap ang batas, oobligahin ang mga estudyante na magsanay sa mandatory military service program pagtuntong ng sekondarya at kolehiyo. Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na sinang-ayunan ng Department of National Defense (DND), ang mandatoryong serbisyong militar ay may hangad na makalikha ng isang malakas na puwersa ng lakas-tao laban sa mga dayuhan.
Talagang inaasahan na may mga hindi sasang-ayon dahil sa mga nakikitang negatibong epekto ng sa pagpapatupad nito. Isa sa mga inaalalang maging resulta ay ang magkaroon ng pinsala sa mga mag-aaral, sa halip na mapaigting ang disiplina, nagiging marahas ang mga
mag-aaral. Isa pang magiging problema ay ang gastusin na igugugol sa mga kahingian ng nasabing programa.
Sa kabilang banda, matuturuan ang mga kabataan na magsilbi para
KOMENTARYO
PRESYUR LABAN SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN
Eliza F. Botin
Maraming mag-aaral ang subsob sa pag-aaral dahil sa nararanasang pressure sa magulang, hindi nagiging sapat ang sakto lamang na marka o basta pasado na.
Dulot ng pressure, nagkakaroon ito ng epekto sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral. Hindi naisasaalang-alang ng ibang magulang ang naidudulot na pagpupumilit na makakuha ng mataas na marka ang kanilang anak, kapalit na pala nito ay ang kanilang kalusugang pangkaisipan.
Hindi naman talaga masama ang paghahangad na makatapos ang kanilang anak at matupad ang mga pangarap ng mga ito. Sa katunayan, nais naman talaga ng mga magulang na mabigyan ng higit na edukasyon ang kanilang mga anak, marahil naging labis-labis lamang sa iilan.
Ayon sa isang psychotherapist at Licensed Clinical Social Worker na si Dr. Amy Morin, ang mga batang laging nakakaramdam ng pressure mula sa kanyang
BOSES NG THSians
sa bayan at maipapakita ang pagiging patriyotismo. Ito rin ay isang kahandaan sa pagtatanggol sa bansa. Magkakaroon din ng sapat na kamalayan sa paggalang sa mga karapatan at mahubog ang kaisipan ng mga mamamayan.
Tulad ko na isang kabataan, nakikita ko na higit na makatutulong ang pagpapatupad ng ROTC sa sekondarya upang lalong mahubog ang aming kaisipan sa mga karapatan na dapat naming malaman at maging sa disiplina ay higit kaming maturuan.
Akma sa panahon ngayon ang pagbibigay tuon sa disiplina ng mga kabataan, marahil isa sa mga makatutugon sa paghubog ng disiplina ng mga kabataan ay ang pagpapatupad ng ROTC.
RESPETO NAMAN!
TANGING HILING AY RESPETO
Ellaine Rillo
Maraming mga bata ang nais magkaroon ng pagkakataon upang makapag-aral, ngunit bakit ang iba ay sinasayang ang pagkakataong sa kanila ay naibigay?
Huwag na nating gawing katuwiran ang katamaran at kahirapan dahil kung gusto, marami namang paraan upang makapag-aral.
Noong 2012, ang Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education o DepEd), ay nagsabatas ng Child Protection Policy na layuning tumugon sa bullying at diskriminasyon sa eskwelahan, kasama na ang ayon sa oryentasyong sexual at identidad sa kasarian ng mga bata. Nang sumunod na taon, ipinasa ng Kongreso ang Anti-Bullying Law of 2013, na may patakaran at regulasyon sa pagsasatupad na nagbabawal sa oryentasyongsexual at identidad sa kasarian bilang mga dahilan ng bullying at harassment. Ang pagpapatupad ng ganitong mga patakaran ay nagbababala na hindi katanggap-tanggap at hindi dapat pahintulutan ng mga institusyon ng edukasyon ang bullying at diskriminasyon.
Subalit tila naisawalang bahala ang pagkakaroon ng batas at proteksyon ng LGBTQ+ dahil talamak pa rin sa loob ng paaralan ang paghamak sa mga kasapi nito. Marami pa ring mga mag-aaral ang
walang sapat na kaalaman sa naipatupad na batas.
Sa aming pakikipanayam sa isang kasapi ng LGBTQ+ sa Tibag High School, “Hindi namin alam kung saan kami magsi-cr, kapag nag-cr kami sa panlalake huhusgahan kami ng mga lalaki. Hindi lamang sa school also sa lahat ng lugar.”
Tama ba na nawalan sila ng karapatan? Paano nababatay ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa kanila?
Bilang pagbibigay ng pantay ng karapatan sa kanila, nagkaroon ng proyekto ang THS kung saan naglaan ang paaralan ng palikuran na nakalaan para sa mga kasapi nito.
Bilang isang mag-aaral, iba-iba tayo ng paniniwala sa lahat ng bagay ngunit hindi ito ang dahilan upang manghusga tayo ng ating kapwa batay sa kanilang kasarian hindi dapat dito mababatay kung paano mo irespeto ang kapwa mo.
Sa katunayan, may batas man o wala, tanging respeto lamang naman ang hiling ng bawat kasapi ng LGBTQ+ para sa ikapapayapa ng lahat at ikauunlad ng bawat isa.
Huwag nating kaligtaan na maliban sa pagiging tama ay higit na mapanatili sa ating karakter ang kabutihan at respeto sa kapwa.
magulang o pamilya ay laging nakararanas ng anxiety o pagkabahala.
Sa halip na makakuha ng mataas na marka ay mas bumaba ang kumpiyansa nila sa kanilang sarili ta maaaring maging sanhi ng depresyon. Kaya isa sa naging payo ng mga eksperto ay isaalang-alang din ang hilig ng mga anak.
Bilang isang anak, hindi naman masama ang paghihigpit ng mga magulang, iyon lamang ay nasosobrahan ang pag-pressure ng ibang magulang sa kanilang mga anak na nagdudulot ng hindi magandang epekto sa pag-unlad ng katulad kong mag-aaral.
Hindi naman talaga masama ang paghahangad na makatapos ang kanilang anak at matupad ang mga pangarap ng mga ito. Sa katunayan, nais naman talaga ng mga magulang na mabigyan ng higit na edukasyon ang kanilang mga anak, marahil naging labis-labis lamang sa iilan.
Dress Code Adjustment: Dapat nga bang Pagbigyan?
Respeto at pantay na pagtingin ang inaasam ng mga miyembro ng LGBTQ+ community sa buong mundo. Kasama na rin dito ang mga magaaral na lalakeng parte ng LGBTQ+ na naghahangad na sila’y pagbigyan sa pananamit at gupit ng buhok sa paaralan. Sa kabila ng DepEd Order No. 22 s. 2017 na nagbibigay pahintulot sa kanilang kagustuhan, may mga paaralan pa rin ang hindi nagpapahintulot sa pagpapahaba ng buhok ng mga lalakeng parte ng LGBTQ+.
Paano kung tanungin natin ang opinyon at kasagutan ng mga THsians? Ano kaya ang kanilang opinyon sa nasabing panawagan?
Marami Oliveros , 11- Pacioli
Sang-ayon ako dahil nakakapagbigay saya ito sa ating mga kapwa mag-aaral na parte ng LGBTQ+.
Judel Sua,11-Socrates
Para sa aking opinyon, hindit ako sang-ayon sa pagpapahaba ng buhok ng mga kalalakihang parte ng LGBTQ+ , dahil na rin sa dress code ng ating paaralan sapat na siguro na respetuhin sila sa choice nila, pero dapat may limit pa rin kung mano-normalize man iyon unfair sa ibang students
Ang pagsunod sa mga polisiya ng ating paaralan ay mahalaga para sa isang mag-aaral. Sa aking palagay, nararapat ng lang na sumunod ang mga LGBTQ+ sa tamang gupit sa paaralan upang sila ay maging modelo rin sa iba. Malaya pa rin silang magbigay ng kanilang kagustuhan ngunit nararapat na sumunod sa mga alituntunin ng paaralan. Kahit saan man tayo makarating, nararapat na maging masunurin upang hindi mahirapan na mairespeto ng iba. Ang respeto ay ibibigay sa atin kung nirerespeto rin natin ang ating kinabibilangang paaralan at pamayanan.
Mercy Espinosa, magulang
Sa pagiging tao kailangan nila ng pagtanggap at respeto. Pero kailangan nilang sumunod sa dress code ayon sa talagang kasarian nila pwede naman silang magpahaba ng buhok huwag naman sobra at itali na lang pag-papasok para hindi naman masyadong halata.
Maraming iba’t ibang opinyon, pero dapat sumunod tayo sa patakaran ng paaralan. Hindi dapat pagbigyan ang pansarili nilang kagustuhan, subalit manatili pa rin ang respeto sa kanila bilang bahagi ng LGBTQ+. Ang mga alituntunin na ipinatutupad ay para rin naman sa kanilang kapakanan, ang mahalaga ay sila ay respetuhin at huwag ituring na sila ay naiiba.
09 ANG KANLUNGAN Tomo 1 | Isyu 1 | Agosto 2022 - Pebrero 2023 OPINYON
Ni Stephanie Villena
Sa kabilang banda, matuturuan ang mga kabataan na magsilbi para sa bayan at maipapakita ang pagiging patriyotismo.”
Bb. Mariechris David, 11- Chaucer Adviser
LATHALAIN
OBRA NA
LIKHA
NG
PANDEMYA:
Sa kamay ng isang Jet Velilia
Ihanda na ang inyong mga mata sa pagrungis sa isang malinis na kambas, at mamangha sa kulay puti at itim na tagumpay ng kaniyang obra maestra. Nang idampi ang kaniyang lapis sa isang makinis na papel ay nagsimula na. Lumaki si Ravel Jet Velilia na walang kaalam-alam sa talentong kaniyang taglay sa pagguhit, kaya naman noong kasagsagan ng pandemya batay kay
Ravel, sa dulot ng pagkabalisa at walang magawa, sinubukan niyang iguhit ang isang miyembro ng SB19 na si Pablo hanggang sa ito ay naging kaniyang libangan na kaniyang ipinagpatuloy na naging isa sa kaniyang angking talento.
Bura, Guhit, Bura… Ituloy ang pagdurungis
Matagal man ang proseso sa pagguhit ng isang tao, sikapin mong tapusin ang nasimulan mo. Ilang beses mang umulit na gumuhit, sinikap pa rin ni Ravel ang pagsubok na gawan ng isang sining ang kaniyang tinitingalang modelo at dakilang Ina ng lungsod ng Tarlac “Kaya ko po siya iginuhit dahil sa mabuting nagawa at magandang pagbabagong nagawa po niya rito sa ating lungsod.” Ayon kay Ravel.
Pagguhit ng ngiti sa labi
Walang mapagsidlan ang kagalakang natamo ni Ravel nang harap-harapan niyang maibigay ang kaniyang kabuoang sining kay Mayor Cristy Angeles at siya ay nakatanggap ng mga salitang kay sarap pakinggan at ipasok sa tainga patungo sa puso, “Sinabi po sa akin na akin pa pong pagbutihan ang aking pagguhit at mag-aral nang Mabuti. Dagdag nya pa balang araw makikilala rin akong artist sa buong mundo kaya ‘wag daw po ako susuko. Lubos po ang kanyang pasasalamat nung ibinigay ko ang obra ko sa kaniya. Bilang artist nakakataba po ng puso dahil tinanggap nya po ang aking obra at ipina-paskil n’ya rin po ito sa kanyang opisina.”
Pagkumpas ng daliri sa indayog ng pangarap
Bata, bata, paano mo nagagawa?
Sa murang edad na labing-anim, pinasok ni Ravel ang mundo ng sining. Ngayon ay “Pangarap ko po maging isang Architect” sambit ni Ravel, sa bunga ng kaniyang pagka-inip noon ay natuklasan niya ang kaniyang talento at nabuhay ang diwa ng isang mangguguhit na nanalaytay sa kaniyang mga kamay. Sa pagpapatulong ng pagtahak sa larangan ng sining, ginagamit niyang inspirasyon ang mga taong sumusuporta sa kanya simula pa lamang na makahiligan niya ang pagguhit, at iyon ay ang kanyang magulang.
Guhit sa palad
Ngayong nasa ika-10 baitang na si Ravel hindi siya tumitigil sa pagpapaunlad sa proseso ng kaniyang pagkatao bilang isang mangguguhit. Tanging maipapayo niya sa kapwa niyang tumatahak sa industriya ng sining ay “Magpatuloy lang po sila sa kanilang ginagawa, ‘wag silang magpapa-apekto sa mga taong negatibo ang sinasabi sa gawa nila bagkus gawin nila itong inspirasyon para mag patuloy pa sa pagguhit balang araw hahanga rin sila sa obra nila. Padayon lang.” Ang mga guhit sa palad ng bawat tao ay hindi makapagdidikta sa kaniyang kalalagyan. Ikaw ang umuukit sa iyong kapalaran.
Guhit, Bura, Guhit, Guguhit
Wala mang kulay maliban sa puti at itim ang makikita sa kaniyang obra, ang malinis na kambas na nilapatan ng sining ay sumisimbolo ng buhay na pangarap ni Ravel. Mapudpod man ang mga gamit na pangguhit niya, hindi man kahawig ang itsurang ginagaya sa malinis na papel, patuloy ang pagdurungis at hintayin ang proseso, sa wakas malalantad ang kabuuang kagandahan ng obra. Ihanda na ang inyong mga mata nang masilayan ang tagumpay sa pagpupursigi ng isang Ravel Jet A. Velilia.
Sa kaniyang pagpasok sa paaralan ay hindi na lamang siya simpleng mag-aaral. Responsibilidad niya ang boses ng kapwa kabataan.
Isa si Leiryl Cariño sa mga aktibong mag-aaral ng Tibag High School (THS). Napakarami kasing bagay ang nagawa niyang pagsabayin at nakakamit pa rin niya ang tamis ng tagumpay. Bilang isang mag-aaral ay kailangan niyang intindihin ang bawat sasabihin ng guro at gawin ang mga gawaing itinakda nito.
Isang mahirap na gawain kung ikaw ay isang pangulo ng pinakamalaking organisasyon ng
kabataan sa loob ng paaralan, ang Supreme Students Government (SSG). Kailangang hatiin ang atensyon sa pamamahala ng mga programa ng paaralan at gawain ng isang mag-aaral. Subalit paano kung ikaw ay kasali sa isang kompetisyon na nangangailangan ng mahabang panahon? Isang kompetisyon na kailangan ng maalab na dedikasyon. Isang nakakamanghang bagay kung paano niya na napagsabay ang tatlong gawain. Bilang isang lider, mag-aaral, at kalahok. Sa katunayan nga ay naiuwi niya sa paaralan ang ikalawang puwesto sa tagisan ng pagsulat ng lathalain sa ginanap na Division Schools Press Conference (DSPC) noong ika-18 ng Pebrero taong 2023.
Ang kanyang mga naabot at patuloy
Ang paglingon sa pinanggalingan
“Kapag nagkaroon ako, tutulong din ako.” – Ang buong pusong pagbibigay ni Jaymark P. Escaño sa kaniyang Alma Mater. Ang mga karanasan ay nagbibigay sa lahat ng mga pananaw sa pagbabago ng buhay. Anomang mga karanasan na maaaring magbigay ng inspirasyon sa isang tao upang makamit at matupad ang kanilang mga layunin. Mga karanasang bumihag sa puso ng isang tao at may determinasyon na gumawa ng mabuti para sa lahat.
“I feel the urge to donate in Tibag High School since nung Grade-7 ako, kasi naranasan ko po one time ang walang baon tapos pinakain po ako sa Model Home. Kaya sinabi ko sa sarili ko, balang araw tutulong at tutulong ako rito. Kapag nagkaroon ako.’ “ – Isang batang negosyante sa TikTok, isang dating estudyante ng Tibag High School, si Jaymark P. Escaño. Ang taong may mabuting puso ay laging naghahanap ng paraan para makatulong sa iba. Ang mahabaging puso ng isang tao ay nagbibigaydaan upang ituloy ang kabaitan sa buhay. Ang mga taong may mabuting puso ay parang mga bihirang hiyas na mahirap hanapin sa magulong mundong ito. At tulad ng isang pambihirang hiyas, ang mga taong ito ay tunay na may maningning na kabaitan at pagmamahal. Ang lahat ng ating intensyon ay palaging nagsisimula sa maliliit na bagay na lumalago sa isang malaking pagnanasa. Isang hilig sa pagtulong sa ibang tao. Gayunpaman, sa pagkamit ng ating mithiin sa buhay, tiyak na maraming mga pangyayari ang dapat harapin.
“ Senior high ako noon, at
magtakda ng layunin. At sa loob ng layuning ito , maa-appreciate natin kahit anong gawin natin.” Sambit ni Jaymark. May iba’t ibang layunin tayo sa buhay, at sa proporsyonal, mayroon tayong iba’t ibang paraan upang makamit at matupad ang mga ito, simula sa unang antas hanggang sa unti-unti nating maabot ang mga ito. Anoman ang mga hadlang, ang isang motivated na tao ay laging hahanap ng paraan upang malutas ang mga problemang kinakaharap niya. Nagmuni-muni si Jaymark P. Escaño sa kanyang nakaraan at mga karanasan bilang estudyante sa Tibag High School. At ito ang nagsisilbing motibasyon niya na ipagpatuloy ang pagpupursige sa kanyang ambisyon at tumulong sa ibang tao. Ang kanyang kamangha-manghang karanasan ay naghahatid sa kanya sa isang mas maliwanag
na nakakamit ay ordinaryong mag-aaral. taglayin ang disiplina, Kailangan ng matinding dapat taglayin lalo responsabilidad. Kailangang alam oras na ilalaan sa Maraming bagay upang magawa ang na lamang ng iyong ay ang dedikasyon halaga ang dalawang gusto ang iyong pinagkakaabalahan. Sa kaniyang pagpasok matuwid at bigyang
Ang kwento sa bawat Nakamtang
Sa bawat nakamit na tagumpay, may mga kwentong pasakit, bawat luhang pumatak at pag-asang muntikan pag-abot nito. May kanya-kanya tayong pagpapakahulugan matutunghayan sa bawat lathalaing ito ang mga matamis na salitang tinatawag
10
Ni Leiryl Cariño
Ni Leiryl Cariño
Ni JB Ramos
hindi magagawa ng isang mag-aaral. Ayon sa kanya, kailangang disiplina, sakripisyo, at dedikasyon. matinding disiplina sa oras ang lalo na kung napakalaki ng iyong alam mo kung hanggang saan ang isang bagay. bagay ang kailangang isakripisyo ang mga responsabilidad. Tulad iyong libreng oras. At higit sa lahat dedikasyon sa ginagawa. Sapagkat walang dalawang nauna kung hindi mo naman pinagkakaabalahan. pagpasok sa paaralan. Tumayo ng bigyang pugay ang boses ng kabataan.
Ganti ng Tagumpay
Ni JB Ramos
Hindi mo kailangang maging mayaman o makamtan ang marangyang pamumuhay upang makapagbahagi ng pagpapala. Kahit sa maliit na paraan ay maaaring makapagpabago ng buhay.
Madalas nating mapapanood sa social media ang mga taong ibinabalita dahil sa kanilang mabuting kalooban. Nagkalat na rin ang mga vlogger na tumutulong sa mamamayan. Subalit hindi lahat ng tulong ay nahahagip ng social media. Hindi lahat ay nabibigyang papuri katulad ng mga sikat na persona. Isa sa mga ito ay ang guro sa paaralang Tibag High School (THS), si G. Monsour Balmes.
Si G. Balmes ay nagmula sa mahirap na pamilya datapwat hindi ito naging balakid sa kaniyang pag-abot sa mga bituin. Ngayon ay isa na siyang ganap na guro; at ang kaniyang mga tropeyo tulad ng bituin sa ating malawak na kalangitan ay patuloy na dumarami. Sapagkat naabot na niya ang tagumpay, nais niyang ibalik ang kaniyang mga biyayang nakamtan sa komunidad. Bunga nito ay ang pagsisimula ng ‘Balmes Educ Program’, noong taong 2018.
Layunin nito na tulungan ang mga batang mahihirap na may angking katalinuhan. Mga sisiw na nangangarap na maging agila balang araw, at handang gawin ang lahat makatapos lamang sa pag-aaral. Sa katunayan ay 42 na estudyante ang natulungan ng nasabing programa.
Ang pagtulong nito ay hindi natatapos dito sapagkat iba’t ibang proyekto ang nakapaloob dito. Isa sa mga ito ay ang Project Bihis. Isang proyektong nakatutunaw ng puso. Ang layunin nito ay mabigyan ng bagong uniporme ng THS ang mga mag-aaral na kapus-palad. Sa patuloy kasi na pagtaas ng mga bilihin ay wala ng nakalaan para sa susuotin ng mga mag-aaral.
Dulot nito ay kawalan ng ganang pumasok ng bata lalo na’t ang mga nakapalibot sa kaniya ay nakabihis na. Resulta nito ay ang pagtaas ng kaso ng dropout. Isang bagay na nais tuldukan ng ginoo.
Hatid ng Balmes Educ Program ay ang tulong sa mga batang nagsusumikap at may pangarap. Layunin nitong gabayan ang kabataan patungo sa kanilang mga destinasyon.
Sa ating kabataan nagsisimula ang ating mga pangarap. Kapag natamasa mo na ang mga ito, handa ka bang maging G. Balmes ng inyong paaralan?
Nang lumakad ako sa tarangkahan ng Tibag High School, hindi ko maiwasang mamangha at magpasalamat sa kanila. Sila ang mga maituturing nating pangalawang magulang na may mabigat na gampanin.
GURO KO, Saludo ako sa’yo!
Hindi lamang sa paaralan pati na rin sa kani-kanilang tahanan. Napakahusay sapagkat ito’y kanilang naipagsasabay, kahit pa mahirap sila’y hindi bumibigay. Masasabing pipilitin nilang kayanin lahat ng bagay, sila ay titindig para lamang dekalidad na edukasyon ay determinadong maibigay.
Nandiyan na si Sir!
Sa pagpasok ng aming guro, lahat kami ay tatayo upang batiin ang kaharap naming propesyonal. Noong ika-15 ng Nobyembre 2022, naganap ang Search for Outstanding Teacher and Non-Teaching Personnel in Public and Private School ng Tarlac City Schools Division na alinsunod sa Division Memorandum No. 184, 2. 2022. Sinusubok ang kakayahan ng mga tagapayong abot-langit ang pagbibigay ng kayamanang kanilang taglay, sa mga estudyante na nagnanais
magtagumpay at mahasa sa mga kakayahang hindi pa natutuklasan. Hindi maipagkakailang ang serbisyo ng mga guro ay nakatutulong sa takbo ng mundo, dahil sa kanila dumaraan ang lahat ng mga batang balang araw ay magbubunga ng mga propesyonal na nagpatitibay sa pag-usad ng pagbabago.
Puwede na kayong maupo. Naka-upo na kami at handang makinig, ngunit siya ay nananatiling nakatindig. Ang resulta ng pagsusumikap ng mga guro ay nararapat lamang na ipagmalaki ng ating paaralang Tibag High School, sapagkat hindi lamanng dalawa sa ating mga minamahal na guro ang nakatanggap ng parangal mula rito. Kahanga-hangang nasungkit ng ating guro na si G. Harvey Tabamo ang Outstanding Teacher II, habang nakamit naman ni G. Alejandro Lingat ang karangalang
bata, para sa bayan.” Nagagalak na sagot sa panayam kay G. Lingat. Nakakamangha paano kaya nila nagagawa iyon? “Ang katangian na meron ako ay ang pagkakaroon ng magandang pag-uugali at asal walang kwenta ang lahat kung ma-attitude ang tao,” ani ni G. Lingat bilang kanyang kasagutan sa nararapat na katangian ng isang outstanding teacher.
Sa patuloy nilang pagtuturo, ang pagtindig ay mananatili hanggang matapos ang klase. Kagaya ng maraming bagay ang parangal na ito ay hindi madaling mapasakamay. Ayon nga kay G. Tabamo, “Ang aking maliit at malaking nagawa sa departamento sa loob ng limang taon sa serbisyo ang nagpaangat sa akin upang makamit ang parangal ngunit ang research ang pinaniniwalaan kong naging aking puhunan upang siguradong makamtan ko ang parangal.” Tunay nga na ang kanilang pagsisikap ay nakakaantig ng puso, ito sana ay magsilbing inspirasyon sa nakakabasa nito.
Nananatiling nakatayo.
Sa bawat pagpasok ng aming mga guro sa aming silid-aralan, masisilayan na sila ay tumitindig para sa amin. Kagaya ni G. Alejandro Lingat at G. Harvey Tabamo na binansagang natatanging guro ay marapat
Gantimpala At Tagumpay
kwentong nabuo at umangat. Ang mga naranasang muntikan nang napundi ay bahagi ng proseso sa pagpapakahulugan ng pagiging isang matagumpay, kwento sa likod ng paghahangad at pag-abot sa tinatawag na tagumpay.
11 ANG KANLUNGAN
1 | Isyu 1 | Agosto 2022 - Pebrero 2023
Tomo
Ni Stephanie Villena
akamtang
Sa bawat pagpasok ng aming mga guro sa aming silid-aralan, masisilayan na sila ay tumitindig para sa amin.”
Hiwagang taglay ng pagbabasa
#vloggeristngTHS
ANG KARANASAN SA MUNDO NG TEKNOLOHIYA
Ako… Ako… Lagi na lang ako!
Sa bawat gumagalaw na larawan, ang mga mata ng madla ay nakaabang. Bago pa man ang kasagsagan ng pandemya nang magsimula ang pagpasok ni Marcus Juster Ibañez sa mundo ng YouTube, gayon din ang isa pang mag-aaral ng Tibag High School (THS) na si Allaine Avillanoza na dala ng pagkainip sa panahon ng pandemya ay sinukbukang tahakin ang naturang mundo. Kaya sa nauuso noong mga laro at naglitanang mga anime na pelikula o serye, sa daloy ng panahon sila ay umayon at kalaunan ay tinahak ang landas ng pagiging isang content creator. For today’s bidyo
“Yung una kong account is for gaming and entertainment, Pangalawang account ko is comedy and entertainment.” sambit ni Marcus. Ang pagiging isang content creator ay kinakailangan ng malawak na imahinasyon upang makuha ang atensyon ng mga manonood. “Ang genre ng aking content ay pag-eedit ng anime characters at kpop groups” ayon naman kay Allaine, kinakailangan din na napapanahon ang mga bidyong nilalathala sa YouTube (yt) nang sa gayon ay hindi lumisan ang iyong mga subscribers.
Sa kasalukuyan, umani na ang dalawang mag-aaral ng Tibag High School ng mahigit libo-libong subscribers. Si Marcus na gumagawa ng content patungkol sa gaming ay umani ng mahigit 2.8k subscribers, habang si Allaine naman na ang dating libangan na pag-edit ng mga anime at kpop ay umabot na sa halos 2.7k ang subscribers. Ngunit hindi ito madali, hindi katulad ng isang bidyo na halos nasa tatlo hanggang apat na minute, dahil gumugugol ang dalawang batang estudyante ng Tibag High School (THS) nang halos mahigit isang oras para lamang matapos ang isang bidyo.
Ako ang naglapat ng musika
Ang pagiging content creator ay pinag-aaralan upang pumatok sa manonood. “Ang aking videos ay may copyright claim dahil sa ginagamit kong music sa aking edits, kaya hindi ako kumikita ng pera mula rito” itinuran naman ni Allaine, tunay ngang kung ang hatid mo ay ang makapag-pasaya hindi mo kailangan ng kapalit na salapi. Gayon pa man, kinakailangan pa rin ng mabusising pag-aaral kung ninanais mong tahakin ang ganitong landas. Ayon pa kay Allaine, “Nakadepende sa subscribers at sa watch hours. Para kumita, dapat na at least 1,000 ang iyong subscribers at 4,000 watch hours sa nakaraang taon. Hindi ito madali, kaya kailangan na ang iyong content ay entertaining o kaya naman ang topic mo ay sikat para makapukaw ng atensyon ng mga manonood.”
Ako ang nagplano ng pakulo
Ang mga THSians na sumubok sa pagiging content creator, katulad ni Marcus na nasa ika-12 baitang at isang Technical Vocational LivelihoodInformation Communication and Technology (TVL-ICT) na estudyante, nais niyang “Maging I.T pa rin para ‘yun naman next kong iba-vlog sa YT channel ko” ibig sabihin ay isa lamang si Marcus na may nais payabungin ang makabagong mundo ng teknolohiya. Sa kabilang banda, si Allaine naman ay “Nais kong magkaroon ng trabaho may kinalaman sa marketing,” na hindi rin malayo sa naging libangan niya bilang isang content creator.
Ako ang nagpasaya
“Naranasan ko na rin kumita sa yt, worth it rin ang pagod pag sumahod kana sa yt.” Pahayag ni Marcus, noong nalaman din ng mga magulang niya ang tungkol sa pagiging content creator ay proud sila dahil ang oras at pagod niya sa paggawa ng mga videos ay nagbubunga na. Ang paggugol niya ng oras para lamang makapag-lunsad ng isang bidyo ay sulit, lalo pa dahil masusuklian din ang pag-iisip ng makabagong content na makapagpapasaya sa mga manonood, “Enjoy lang ang pag gawa ng videos dahil masaya rin mag-entertain ng mga tao,” pahabol pa na pahayag ni Marcus.
Ako, Ako, Lagi na lang ako!
Ang pagiging isang content creator ay kinakailangan ng mapasensyang utak. Kailangan mag-isip ng mga makabago at napapanahong content na siguradong papatok sa mga manonood, may mga pagkakataon na ikaw ang gagawa ng lahat upang mailunsad lamang ang isang bidyo. Sa bawat paggalaw ng larawan ang mga mata ng madla ay nakaabang at ang tangi mong kakampi ay sarili mo. Ikaw!
Oo, ikaw!
Hindi na sila kabilang sa mga batang nakikipagunahan
Buklatin ang libro, basahin ang bawat pahina, at ipikit ang iyong mata. Maghanda ka sa paglalakbay tungo sa mundo ng imahinasyon. “Bawat Bata, Bumabasa...” Ito ang misyon ng Kagawaran ng Edukasyon sapagkat nakalulungkot na napakataas ng kaso ng non-reader sa ating bansa. Ayon sa datos ng Tarlac City Schools Division (TCSD), mahigit 3,000 ang hindi nakapagbabasa sa elementarya at kumulang 500 ang nasa sekondarya. Kaya naman iba’t ibang proyekto ang isinusulong ng kagawaran upang matuldukan ang suliraning ito.
Sa gitna ng mga hindi nakapagbabasa ay may mga bata pa ring nalulong na rito. Mga taong nakarating na sa iba’t ibang mundo at saksi sa samu’t saring kwento ng mga karakter.
Isa ang mag-aaral ng Tibag High School (THS) na si Alexa Niño sa mga ito. Anim na taong gulang siya nang nagsimulang magbasa ng mga babasahing Abakada hanggang sa pagtanda niya na napunta sa pagbabasa ng mga Nobela. Libangan niya ang pagbabasa at sa pamamagitan nito ay natututo siya ng maraming kaalaman.
Tulad ni Cezynee Tique na isa ring mag-aaral ng THS na mahal ang pagbabasa. Hindi lang daw kasi libangan ang libro, isa rin itong guro na magbibigay sa iyo ng maraming karanasan sa buhay.
Mga pangyayaring hindi mo kinasangkutan ngunit dahil sa libro ay alam mo na ang pakiramdam. Isang paghahanda upang kapag nangyari sa’yo ay alam mo na ang mga hakbang.
Sa katunayan ay mahigit isang daang libro na ang nabasa nila. Mula sa mga maikling kwento, epiko, hanggang sa nobela. Iba’t ibang genre na rin ang kanilang nakita, romansa, drama, aksyon, at pantasya.
Ang pagbabasa ay nakatutulong sa maraming paraan. Tulad ng pagpapalawak ng iyong bokabularyo, at upang pansamantalang matakasan ang mga suliranin sa mundo. Nakatutulong itong bawasan ang stress ng isang tao at nagbibigay ng mga paraan upang lutasin ang problemang taglay.
Tumulong na kitilin ang kaso ng non-reader. Kaya naman humanap ng babasahin at ibigay ito sa kapwa. Tulungan silang buklatin ang libro, basahin ang bawat pahina, at ipikit ang kanilang mga mata. Payuhang sila’y maghanda sa paglalakbay tungo sa mundo ng imahinasyon.
Dating espongha ng kaalaman, ngayon ay tagapagpanday ng karunungan
a simpleng pintuang-daan, mababanaag ang mga mag-aaral na nag-uunahan dahil malapit ng kumalembag ang tila nakabibinging tunog Pagpasok sa loob, naroon ang mabibilang sa daliri na silid-aralan, ang payak na bihis ng Maliwalo National High School (MNHSAnnex) na kapareho ng mga kulay ng paaralan, ang pinagsamang dilaw at luntian. Sa paghampas ng hangin, ang alikabok sa malaking espasyo sa gitna ng mga gusali ay nakakapuwing sa mga mag-aaral na paroo’t parito. Kabilang na rito sina Bb. Jamima Victorio, Bb. Kenzie Ancheta at G. Harvey Tabamo, mga mag-aaral ng MNHS-Annex, saksi ang kanilang mga mata sa dating anyo ng paaralan. Sa muling paghakbang nila sa loob ng pinasukang sekondarya matapos ang mahigit limang taon, marami nang nagbago, iyon lamang naman ang permanente sa mundo. Hindi na bilang mga mag-aaral na nakikipag-unahan at palakadlakad sa bawat sulok ng paaralan, kundi mga tagapaghubog ng
kaalaman at tagapanday ng karunungan. Ang dating kilalang MNHS-Annex ay napalitan na rin, kinilala na itong Tibag High School (THS). Sa kanilang pagpasok, mababanaag na ang bagong anyo at may kulay na pintuang-daan. Hindi na sila kabilang sa mga batang nakikipag-unahan, napakarami ng silid at gusali bagamat makipot na ang iilang daan. Malaki na nga ang naging pagbabago, maging sila. Kung dati ay sila ang sumisipsip ng kaalaman sa mga gurong tinitingala, ngayon naman sila na ang nagsisilbing tagapagdaloy ng karunungan sa mga magaaral na minsang kagaya rin nila na uhaw na makahigop ng kaalaman. Si G. Harvey Tabamo ay isang ganap ng Guro II, Aralin Panlipunan ang kanyang medyor subalit maging Agham ay kanyang itinuturo. Si Bb. Kenzie Ancheta naman ay nagtapos noong 2013 sa THS, at dito rin nagpakitang-turo, ang kanyang asignaturang tinuturuan ay Technology and Livelihood Education (TLE). At, si Bb. Jamima Victorio naman kumuha ng pagpapakadalubhasa sa Sipnayan o Matematika, at nagtapos sa THS sa taong 2014. Pawang mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan at nagbigay ng karangalan sa THS, na maituturing na yaman ng paaralan.
12 ANG KANLUNGAN Tomo 1 | Isyu 1 | Agosto 2022 - Pebrero 2023 LATHALAIN
Ni JB Ramos
Ni JB Ramos
Ni Leiryl Cariño
Enjoy lang ang pag gawa ng videos dahil masaya rin mag-entertain ng mga tao,”
Ishtar ng THS:
May lahing Banyagang nagmahal sa Bansa
Ni Leiryl Carino
Kaya kayang sambitin ng isang dugong banyaga ang linya ng Lupang Hinirang?
Nitong nagdaan na pagsasanay ng pagiging isang lider, umangat ang isang estudyante na tumugon sa katanungan ng isang ispiker noong ika-16 ng
Pebrero, sa husay at walang hinto ba naman niyang magsalita ng ingles, napatunganga na lamang ang karamihan kay Ishtar Bufi.
Mahahalata na sa apelyido ni Ishtar na mayroon siyang lahing banyaga.
Ngayong nasa ika-10 na baitang na siya sa pangkat ng Escuro, na-ipamalas niya ang kaniyang kahusayan sa larangan ng akademiko kung kaya naman siya ay ikalawa siya sa mga kapangkat niya ang nagawaran ng pagpapakita nang kahusayan sa paaralan.
Ngunit paano kaya niya nagawang makipag-komunika sa iba, gayong ingles ang kinagisnan niya? Ayon kay Ishtar “Socializing with classmates in class can be done in a variety of ways. One way that I did was to simply have conversations with them during breaks. Talk about shared interests and experiences, ask questions, and learn about each other. This helped us build relationships and boost morale.” Kahit pa siya ay isang bihasa sa salitang ingles dahil ito ay ang kaniyang kinagisnan, hindi pa rin niya kinakalimutan ang kaniyang dugong dumadaloy sa kaniyang pagka-Pilipino.
English fluent pero magaling sa asignaturang Filipino!
Ayon sa mga Pinoy kapag nasa
Pilipinas ka, dapat magsalita ka ng
Filipino. Si Ishtar ay palaging pinipili ang pagsasalita ng Filipino sa pangaraw-araw na buhay, patuloy niya itong hinahasa, “Although I am fluent in speaking in English, I would never forget to use my own language (Filipino). In order for me to understand the discussion of my teacher specifically in Filipino,” kaya hindi na nakapagtataka na ang kaniyang marka sa naturang asignatura ay halos tumuntong sa linya ng siyamnapu.
Ishtar ng Tibag High School. Hindi mahirap kausapin ang kagaya ng labing-
anim na taong gulang na si Ishtar Bufi, at kahit pa angat siya sa salitang ingles ay nananatili siyang mapagkumbaba katulad ng isang tunay na disiplinadong Pilipino, isa nga siyang THSians na may disiplina na lubos niya namang
I have helped my fellow classmates to learn English. I have tutored them in English grammar and pronunciation, discussed various topics in English, and provided feedback on their written assignments.”
ipinagmamalaki dahil ayon sa kaniya
“Tibag High School is a great place to be! We have a strong sense of community here, and the staff and teachers are dedicated to helping students reach their highest potential… The faculty and staff are supportive and encouraging, and the atmosphere is positive and welcoming.”
May puso rin siyang matuto ng Filipino at magturo sa kapwa niya kamag-aral ng wikang ingles “Yes, I have helped my fellow classmates to learn English. I have tutored them in English grammar and pronunciation, discussed various topics in English, and provided feedback on their written assignments” dagdag pa na pahayag ni Ishtar.
Sa taong kay bilis at bihasa sa pagturan ng mga wikang ingles, sukbukan natin silang intindihin na sila ay narito sa Pilipinas upang matuto, katulad ni Ishtar Bufi na may lahing banyaga na naninirahan sa ating bansa ngunit ang kaniyang dugong Pilipino ay patuloy na dumadaloy at hindi niya pinipigilang kalimutan ang pagiging isang disiplinadong Pilipino. Taas noo siyang aawit ng Lupang Hinirang. Dugong banyaga, mahal ang bansa.
Tuloy ang awit ng buhay
Ang ritmo ng musika ay nakakaliw sa tainga nilipas man ng panahon iisa pa rin ang nais nitong iparating. Halina’t ating dinggin— Nagsimula sa pag-isip ng liriko. Ang mga salitang binitawan ng ating magulang na “Tanging pag-aaral mo lamang ang maipapamana namin sa iyo,” ay nakatanim na sa ating puso at isipan, kung kaya naman hindi na nakapagtataka na si Evelyn A. Ibarra na kasalukuyang may edad na apatnapu’t dawala ay patuloy pa rin ang pag-indayog matapos lamang ang pag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS). Paglapat ng tono
Buhayin ang sinumpaang pangarap sa pamamagitan ng nakawiwiling pagtaas at pagbaba ng tono. Sa buhay ng tao, hindi maiiwasang nasa rurok ka ng iyong tagumpay ngunit tulad ng mapapansin sa patuloy na pagtugtog ng buhay ay higit na marami ang panahon na nasa baba ang buhay ng isang tao, “Family problem, ang problema ko,” itinuran ni Evelyn sa isang panayam nang sa kaniya ay itanong kung bakit nga ba siya huminto sa pag-aaral noong siya ay nasa ika-9 na baitang noon. Ngunit kahit na bumaba ang tono ng buhay ni Evelyn noon, pinilit niyang siya ang kumontrol sa kaniyang awit ng buhay.
Hanggang saan ka dadalhin ng pagbabasa?
ni Leiryl Cariño
muling masilayan ang pag-asa sa pagbasa na mga bata ang pupunan.
Hiwaga ng mga letra
Ang tugtog ng tagumpay ay nalalapit na. “Kaya ko po ipinagpatuloy ang pag-aaral ko kasi gusto ko na mas lalong lumawak ang kaalaman ko kahit na mas matanda na ako at isa pa hindi po hadlang ang kahirapan at edad para hindi ka magpatuloy sa pag-aaral.” Ito ang nakakaantig na pahayag ni Evelyn, bawat estudyante ay nais umakyat sa entablado habang naririnig ang pagtatapos na tugtugin, hindi man ito naranasan ni Evelyn, naririnig niya pa rin ang determinasyon sa kaniyang puso na magpatuloy hanggang matapos ang kaniyang pag-aaral, kahit pa isa na siyang asawa at ina.
Sirang plaka
Kahit paulit-ulit ay hindi magsasawa. Sa pag-ikot ng plaka, ang tono ay minsan ay nasa baba o nasa taas, “Ang masasabi ko lang po ay hanggat may edukasyon na nakatutok hanggat matanda o bata pa, kung gusto ninyo pang mag-aral. Mag-aral pa, marami pa pong opportunity na darating sa atin kahit matanda ka na o bata pa kailangan magpatuloy pa rin, kasi ‘yan ang edukasyon ay isang pinakamalaking kayamanan sa atin, pamilya mo pa rin ang makikinabang balang-araw,” ipinahayag pang mensahe ni Evelyn. Tuloy lang, dahil katulad ng musika ay malipasan man ng panahon, ang nilalaman ng iyong awitin ay mananatiling buhay.
Hindi namamatay ang musika
“Kaya ko ipinagpatuloy ang pagaaral ko kasi gusto ko na mas lalong lumawak ang kaalaman ko kahit na matanda na ako at isa pa hindi po hadlang ang kahirapan at edad para hindi ka magpatuloy,” karagdagan na pahayag pa ni Evelyn, ang aral ng kaniyang buhay ay patuloy na tutugtog habang buhay, katulad ng kaniyang edad ang mga mata ay unti-unti ng nanlalabo, ngunit ang pangarap na makapagtapos ay nanatiling malinaw sa kaniyang hangarin.
Ang pamagat ng komposisyon
Nang mabuo ang musikang kinatha, kailangan ng mabusising pag-iisip sa pamagat. Ang pangalan ni Evelyn ay nangangahulugang ‘desired child’ sa Ingles, kaya marahil ay ipinagmamalaki si Evelyn ng kaniyang mga magulang, dahil pinilit niyang maabot ang rurok ng pagtatapos sa pag-aaral, kahit pa may permanente na siyang trabaho kung kaya naman wala na siyang ibang hinahangad pa kundi ang makapagtapos ng sekondarya. Ang ritmo ng musika ay nakakaaliw sa tainga nilipas man ng panahon iisa pa rin ang nais nitong iparating. Ngayong atin ng narinig ang musika ng kaniyang buhay, nawa ay patuloy nating lapatan ng tono gamit ang mga pangaral na liriko galing sa mga ating mga magulang, nang tuluyang mabuo ang musikang ni minsan ay hindi malilipasan ng panahon, katulad ng awit ng buhay ni Evelyn A. Ibarra.
Ang Unang Yugto: Nakatitik na lakbayin
Kapag ang pinto ay pinihit at tuluyang nabuksan, ihanda mo na ang iyong balintataw at magsisimula na ang paglalakbay tungo sa mahiwagang lugar na libre lamang puntahan. Ikaw, nais mo bang sumama?
Nagsimula ang istorya sa pagpapakilala ng mga tauhan. Ang mga mumunting estudyante ng Tibag High School (THS) na kilala rin sa tawag na THSians ay walang humpay ang pagpasok nang buksan ang tarangkahan ng naturang paaralan, bawat estudyante ay nagmamadali na hindi mahuli sa kanilang mga kaniya-kaniyang klase. Habang kalong-kalong ang mga kaalaman na nanggaling sa kanilang pagbabasa.
Pagpihit sa susunod na pahina
Unti-unti nang nauupos ang pagningas ng kahiligan sa pagbabasa. Ang mga salitang kay lungkot ang kahulugan ay kapares ng sarbey na naisagawa sa loob ng paaralang THS, binubuo lamang ng halos 221 na mga estudyante ang nananatiling nagniningas ang puso sa pagkahilig sa pagbabasa, ibig sabihin ay nasa 11 na bahagdan lamang ang mga THSians ang kinokonsiderang libangan ang pagbabasa. Ngunit kahit na nagsimula sa suliranin ang istorya maniwala pa rin sa pag-asa na marahil sa katapusan ay maging masaya.
Pag-asa sa Pagbasa
Nang mapalitan ng letrang ‘B’ ang gitling sa pag-asa. Bawat bata nang isilang ay marapat lamang hindi ipagkaila ang karapatan sa edukasyon, ngunit sa pag-usad ng makabagong henerasyon ang inaasam-asam noon na karunungan sa edukasyon ay siya na ngayong iniiwasan ng mga kabataang mala-ningas kugon ang sistema. Kaya habang ipinagpapatuloy ang kwento ng mga THSians patuloy pa rin ang paglaban sa kamangmangan, upang
Ang sasakyan patungo sa pangarap. Kahit na unti-unting nauupos ang pagniningas ng pagkahilig sa pagbabasa, hindi pa rin mawawala ang bakas ng isang malakas na apoy na dahilan ng liwanag sa nakakapandilim na nasa 11 % mula sa resulta ng mga THSians na libangan ang pagbabasa. Isa sa patuloy na nagpapaandar ng behikulo ay si Pricilla Pacheco na kasalukuyang nasa Baitang 7, kaniyang itinuran upang ipayo sa ibang mag-aaral, “Pag-aralan at tuklasin ninyo ang mundo ng pagbabasa, ito ay magpapalawak ng inyong bokabularyo bilang isang estudyante, ito ay malaking tulong sa iyong pag-iisip at pag-unawa.”
Pababang kasukdulan
Nang matapos ang pakikibaka noon para sa kalayaan ng edukasyon ng mga Pilipino, patuloy pa rin ang laban sa loob ng kwento. Ang kahalagahan ng pagbabasa ay patuloy na nagpapatuloy para masilayan ang katapusan, hindinghindi pa rin mawawala at hihinto ang pagniningas ng kahiligan sa pagbabasa, dahil kahit pakaunti nang pakaunti ang bilang ng mga THSians na libangan ang pagbabasa, patuloy lang ang kwento, para saan pa at hindi rin mananakaw ang kaalaman na nakatanim sa ating mga utak.
Ang katapusan
Nang buksan ang mahiwagang aklat, nakatitik na ang katapusan, at sa bawat pagpihit ng susunod na pahina nagbabago ang panahon, at kahit pa ang 11 na porsyento na libangan ang pagbabasa ng THSians ay maaring magbago, ibig sabihin sa katapusan ay hindi na tatapos sa isang babasahin ang aral dahil nasa kamay na ng mambabasa ang paraan ng paggamit ng mga napulot niyang aral sa paglalakbay niya sa kaniyang binasang istorya. Nakatuon man ang paningin sa mga salitang nakatatak sa bawat pahina, malinaw pa rin ang hakbang ng mga paa sa daang tumutungo sa nais na tahakin… Nais mo bang sumama?
Kaya ko ipinagpatuloy ang pag-aaral ko kasi gusto ko na mas lalong lumawak ang kaalaman ko kahit na matanda na ako at isa pa hindi po hadlang ang kahirapan at edad para hindi ka magpatuloy,”
13 ANG KANLUNGAN Tomo 1 | Isyu 1 | Agosto 2022 - Pebrero 2023
LATHALAIN
Ni Leiryl Carino
Nang mawalan ng pakpak si Darna
Ding! Ang Pluma…
Kahit mawalan ng pakpak si Darna Hindi ko kakayanin makapagpamulat kung hindi ako makapagsusulat. Sabihin man nila na dapat kung piliin ang dapat kong banggain ay hindi ako matatakot, maisalba lamang sila. Magaya man ako kay Percy Lapid.
May tainga ang lupa, may pakpak ang balita
Labimpitong taon na akong nakikipagsagupa sa bawat maling balita na kumakalat sa sosyla midya. Hindi ko man masilayan ang mukha ng aking kalaban, natatama ko naman ang mali sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon.
Tweet, tweet, tweet
Ako si Darna, mukhang maamo ngunit may itinatagong tapang para sa aking kapwa. Ipalilipad ko ang tamang artikulo, mapabagsak lang si scammer, trolls at mga lilitaw pa na kalaban.
Laban! Darna!
ANG PAGLALAYAG: NANG BAYBAYIN ANG MGA HALIMAW NA ALON
Hindi ako maaaring tumigil isangga ang mga dala kong sandata upang mapigilan ang mitsa ng pagsabog ng maling katotohanan. Lalo pa at sinasabi ng mga humihingi ng tulong sa akin na halos 58 % ang kumbinsido na ang mga sosyal midya impluwenser ay nagpapalaganap daw ng maling balita.
Wala man akong pakpak, ako ay lilipad
Hindi ko na hahayaang makapagpalaganap pa sila ng lagim. Wala na ang dapat na maging biktima ng mga masasama higit lalo ang mga bata.
Halos 18 hanggang 39 na taong gulang ang gumagamit ng sosyal midya, kaya panahon na upang ituro ko sa kanila ang tamang paraan sa pag-iwas na maging biktima.
Hindi man nila ako kilala sa tunay kong wangis, lilipad ako sa himpapawid upang magpamulat ng tapat na balita. Handa na ang aking pluma bilang kalasag at ang bala ng katotohanan bilang sandata. Handa na ako sa araw-araw na laban, bilang tagapagbalita, dahil may laya akong lumipad tulad ng ibon, ako si Darna!
KAYOD. ARAL. KAYOD. ARAL
Bawat tao na isinilang sa mundong ibabaw ay may mga pangarap. Maaring iba-iba, magkakapareho, pero may kanyakanyang kaparaanan sa pagtupad nito. Isa ang Pilipinas sa bansang papaunlad pa lamang. Halos karamihan ng mga naninirahan dito ay mahihirap. Ayon sa datos na ipinakita ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mahigit 5.6 milyong pamilya ng mga Pilipino ang mahirap sa taong 2022. Ang mga taong ito ay binunuo ng mga walang trabaho at mga maliliit lamang ang kita sa kanilang mga trabaho. Sa patuloy na pagtaas ng mga gastusin ay ang suweldong walang pagbabago. Dulot nito ay napipilitan ang mga magulang na wasakin ang ambisyon ng kanilang mga supling. Subalit ang mg sisiw na nagnanais maging isang agilang nasa tuktok ay hindi basta-bastang bibitiw. Ito ang sanhi ng malawakang paglaganap ng mga working students.
Sa datos na inilabas ng Commission on Higher Education (CHED), nasa 216,000 na estudyante sa bansa ang naghahanap buhay sa gitna ng kanilang
pagpasok sa paaralan. Ang matatapang na mga mag-aaral na kumakayod habang nag-aaral. Mga nilalang na desidido sa pag-abot ng tagumpay. Isa sa nakaranas dito ay ang isang estudyante ng Tibag High School na nasa ika-11 na baitang, si Regina Mae Santos.
Nagsimula siyang magtrabaho sa isang Milk tea shop noong siya ay nasa
Baitang 10. Sa bawat kuha ng lagayan at pagbuhos ng mga rekado ay kaniyang pinagmamasdan ang mga ito. Kung paanong ang lagayan ay unti-unti niyang napupuno sa pamamagitan ng paglalagay ng mga sangkap. Pagkatapos ay tatakpan at ibibigay sa kustomer na natatakam. Ang buhay ni Regina ay maihahalintulad dito. Pagtatrabaho habang nag-aaral, ang kaniyang mga sakripisyo at determinasyon ay rekado na unti-unting puno sa kaniyang buhay. Ang mga ito ay ang sangkap na kailangan niya upang makamit ang tagumpay. Bawat tao na isinilang sa mundong ibabaw ay may mga pangarap. Maaring iba-iba o magkakapareho, subalit ang mahalaga ay ang determinasyon upang makamit ang mga ito. Hindi kailanman magiging hadlang ang mga pagsubok upang magpatuloy sa pagtupad ng mga ito.
Ang muling paglalayag. Matatanaw ko ang muling paglayag nang minsan ay naging aking Ang Kanlungan”
Nang sumampa ako sa barko kasama ko ang ibang manlalayag na may hawak na panulat at buong tapang sumuong para harapin ang alon ng mga maling balita. Tandang-tanda ko pa kung kailan ako nadiskubre sa pagsulat, panahon pa noon ng pandemya. Namulat ako sa isang bagay na alam kong may kakayahan ako, biglang nagsulputan ang mga kahindik-hindik at hindi makatotohanang mga balita. Sa edad kong labinlima, pinanghawakan ko nang mahigpit ang pluma, at hinayaan ko na ang mga nakasulat upang magpahayag ng tama at angkop na salita sa panahon noon ng pandemya.
Ang oportunidad na mas palawakin ang pagpapahayag. Nang ako ay nakumpirma na bilang isang kasapi ng pahayagan ng Tibag High School na kilala rin sa tawag na Ang Kanlungan, ay mas higit kong natutuhan na ang pagsusulat ay upang magpamulat katulad nang winika ng aming tagapayo sa pahayagan ng paaralang THS, ang aming mga tagapayo ay parang kapitan ng barko na handa gumabay sa amin makita lamang ang pampang na kung saan makikita ang mga taong sa aming mga mamamahayag ay umaasa. Habang patuloy ang pagbaybay, nakakalong sa amin ang mga
mapagkakatiwalaang balita na kailangan namin idala sa mga tao. Ngunit ngayong papalapit na ako nang papalapit sa huling destinasyon, ihihinto ko ba ang paglalayag bilang isang mamamahayag ng katotohanan?
Malapit ko nang masilayan ang pagtatapos. Ako ay nasa huling baitang na ng sekondarya, kay rami ko na palang naranasang mga halimaw na maling balita ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang aking matibay paninindigan upang huwag bitawan ang pluma at maghatid ng tamang balita. Nang lumapag sa pampang at ibinaba ang angkla. Simbolo ang angkla ng pananatili, kaya kahit wala na ako sa loob ng barko na aking naging Ang Kanlungan sa halos tatlong taon, baon-baon ko pa rin ang pangaral ng aming mga tagapayo na si Bb. Tristine Peach R. Navarro at si G. Norlan G. Agdepa na nagpayong huwag bitawan ang pluma.
Ang muling paglalayag. Matatanaw ko ang muling paglayag ng minsan ay naging aking Ang Kanlungan, ngunit wala na ako sa loob ng barko, dahil bagong mga mamamahayag ang kalong ng mga ito, sila ay susuong sa mga malalaking alon ng maling balita at batid kong sila ay gagabayan ng mga kapitan o tagapayo ng pahayagan. Samantalang ako ay magpapatuloy sa paglalayag at babaybayin ang pagpapahayag ng tama at mapagkakatiwalaang balita, ako ay susuong nang may tapang habang nagpapamulat.
TELESERYE REVIEW
Maria Clara at Ibarra: Pasukin ang mundo ng Noli Me Tangere
Kilala mo ba sina Maria Clara at Ibarra?
Sa panahon ngayon na nabibilang na lamang ang nakakaalam ng ating kasaysayan, hatid ng GMA Drama ang isang historical-portal teleserye sa madla—Ang Maria Clara at Ibarra.
Ang Simula
Ito ay umere noong ika-3 ng Oktubre taong 2022 sa GMA Telebabad. Ang kwento ng dramang ito ay umiikot sa isang Nursing student na si Klay. Isang mag-aaral na nakaligtaang gawin ang kaniyang takdang-aralin sa asignaturang Rizal at nagrereklamo sa katuturan ng pag-aaral sa buhay ng bayani na si Jose Rizal, dahilan kung bakit ipinasok siya ng kaniyang gurong si G. Tores sa mundo ng Noli Me Tangere. Isang mundo kung saan makikilala at makasasalamuha niya ang mga karakter ng akda ng ating bayaning si Jose Rizal. Baguhin ang Kapalaran
Sa kaniyang pananatili sa mundo ay mapapalapit ang kaniyang loob sa mga tauhan
partikular kina Maria Clara at Ibarra; at kay Fidel, susubukan din niyang baguhin ang kanilang kapalaran. Subalit ang inaabangan ay kung mapagtatagumpayan kaya niya ang mga ito? Sanhi nang ipinamalas na husay sa pagarte at galing sa paghahatid ng istorya ay talaga namang tinangkilik ng buong bansa ang drama. Sa mata ng manonood
Kasama nga sa mga nahuhumaling sa historical-portal serye ang mga THSian o ang mga mag-aaral sa Tibag High School. Isa sa mga nakasubaybay rito ay ang estudyante ng ika-12 baitang na si Daniella Narcisso. Ayon sa kaniya, ang panonood ng palabas na ito ay isang paraan upang makabalik tayo sa nakaraan at malaman ang katotohanan ng ating kasaysayan. Liban dito ay ang reyalisasyon kung gaano kahalaga ang pagmamahal sa ating bansa.
Tunay ngang matagumpay ang Maria Clara at Ibarra sa puso ng mga manonood. Hiling ng mga tagasubaybay ay dinggin sila ng mga prodyuser na gumawa pa ng maraming historical film ng ating bansa upang mas maging maalam at mapamahal sa ating bayan ang mga kabataan. Kaya ikaw na nagbabasa, nais mo bang makilala sina Maria Clara at Ibarra?
14 ANG KANLUNGAN Tomo 1 | Isyu 1 | Agosto 2022 - Pebrero 2023
LATHALAIN
Ni Leiryl Carino
Ni JB Ramos
Ni JB Ramos
Saklay Cafe
Nang Makatayo sa Sariling Paa
ugtong-bugtong: Ito ay uma-alalay, minsan tao, minsan bagay, kung bumuhat ay ‘di alintana ang bigat ng taong pinapasan.
Nang bumangon sa umaga bumungad ang araw ng pag-asa. Hindi makakalimutan ang araw na kung saan tuluyan ng inilunsad ng Caritas, Tarlac ang Saklay Café noong ika-24 ng Disyembre noong nakaraang taon, naisipan itong ipatayo ni Father Randy Salunga na director ng Parish Priest gamit ang kanilang mga donasyong nakalap, sa lupa ng Diosis Tarlacat Parroquia Del Espirito Santo naipatayo ang naturang kapehan. Ayon kay Father Salunga, mayroong 200 na Person with Disability (PWD) sa Tarlac City na miyembro ng Tarlac Strong Minds at 48 ang taga-San Luis.
“Tayo ang pinakasaklay ng PWD kapag nahihirapan sila.”
Bugtong-bugtong: Kayumanggi ang kulay, nag-iinit at amoy matapang, gugulatin ka hanggang sa ika’y magising. Minsan bagay, minsan inumin, minsan ay tao.
Sagot: Kape
Susuray-suray pa sa antok, ngunit nagulat nang dumampi sa kaniya ang init ng tubig. Biglaang nagising ang diwa ni Myrna Lorezana at nasilayan ang ganda sa paggising sa umaga ng malaman na may pagasa ang isang katulad niya na itinuturing na isa sa PWD na may edad na tatlumpu’t pito na nagkaroon ng tyansang magtrabaho sa Saklay Café.
“Maparamdam sa kanila na makakasabay sila sa normal na tao. Napapakita ang talento nila, makasabay sa normal na tao basta bigyan ng oportunidad.” Nakaka-antig na pahayag ni Meng Bacani, tagapamahala sa kapehan para sa katulad ni Ate Mryna na PWD, presidente rin ng PWD at barista na laging aktibo sa kapehan mula pagkabukas nito ng martes hanggang linggo, simula 4 ng umaga hanggang 9 ng gabi.
Bugtong: May polio pero nakatayo sa sariling paa, Sagot: Myrna
Si Myrna ay may polio at siya ang tumataguyod sa kanilang pamilya lalo pa’t ang kaniyang asawa at anak ay napapabilang rin sa miyembro ng PWD. Ang anak ni Myrna ay nasa 11 taon pa lamang, ayon sa kaniya “Naging inspirasyon ko ang anak ko. Kung wala akong gagawin, walang magandang mangyayari sa buhay namin. Proud daw siya sa akin dahil isa ako sa mga nakakuha ng trabahong ito” kaya napakalaking tulong ng kita ng kapehan na isa sa mapagkukuhanan para sa paglunsad ng bagong proyekto na pagbibigay ng iskolar sa mga bata.
“Ang aking kapansanan ay hindi naging hadlang sa akin na maabot ang puntong ito ng aking buhay,” pahayag ni Myrna. Tunay ngang napakalaki na ng
ng apelyido sa buong probinsiya ng Tarlac ay matatagpuan sa lungsod ng Tarlac
Koneksyong Hatid ng Pangalan
magkakapareho ng apelyido. Tulad na lamang ni Bb. Mariechris David, isang guro at si John David na mag-aaral sa THS.
Kapag nakatagpo ka ng taong ka-apelyido mo, ano ang iyong gagawin? Halos karamihan sa mga apelyidong taglay ng mga naninirahan sa ating bansa ay mula sa Espanya.
Ito ay dahil sa kanilang pananakop sa Pilipinas nang mahigit 333 na taon. Ang mga pangyayari noon ay nagbunga ng maraming bagay at isa na rito ay ang ating mga panghuling pangalan. Ang mga ito ay kumalat sa buong bansa na hanggang ngayon ay patuloy pa rin nating tinatamasa.
Maaring sa iyong kaliwa o kanan, sa lugar na iyong pupuntahan, at sa iyong paaralan ay may isang taong ka-apelyido mo. Ayon sa inilabas na datos ng Filipino Genealogy, 26% ng 77, 800 na apelyido ng buong probinsya ng Tarlac ay matatagpuan sa Lungsod ng Tarlac. Ilan sa mga ito ay ang Dela Cruz, Garcia, David, at marami pang iba.
Isa nga ang paaralan ng Tibag High School (THS) sa lugar na mayroong
Ayon kay Bb. Mariechris, namamangha siya sa tuwing may estudyanteng kapahero niya ng apelyido. Naiisip niya na isa itong paraan upang malaman ang kaniyang koneksyon sa bata. Tinuturing naman niyang kapatid ang mga ito sapagkat ang mga taong ito ay ipinadala ng Diyos upang makatagpo ng ating pamilya. Samantala, para kay John, malawak ang mundo at sa bilyong taong naninirahan dito ay hindi malabo na mayroon siyang kaparehong David. Ayon sa kaniya, tinuturing niyang guro ang mga maestra na kapareho niya ng panghuling ngalan. Sa ating mundong ginagalawan na puno ng misteryo at nakagugulat na katotohanan. Ang mga taong kapareho natin ng apelyido ay nararapat lamang na ituring sa tamang paraan. Kamag-anak man o hindi, sila pa rin ay taong nilikha ng Poong Maykapal. Anomang apelyidong tinataglay ng isang tao, kinakailangang manaig ang salitang respeto.
naitulong ng Saklay Café sa kaniyang buhay na naghahanda rin ng mga sariwang sangkap na nakukuha sa kalapit na mga magsasakang
Aeta sa ilalim ng Health and Development for All Foundation Inc. na malapit sa kinatatayuan ng Saklay Café.
Ang saklay Café ay tinapik din ang mga bulag na miyembro ng Tarlac Strong Minds para haranahin ang mga kostumer at magtanghal sa mga regular na iskedyul doon. Pahayag naman ni Oro sa mga miyembro ng Tarlac Strong Minds na nais niyang palakasin ang kumpyansa ng mga PWD sa pamamagitan ng pagkakaroon nila ng trabaho, na kung saan makakapagpahinga ang mga tao, at makakaugnay muli sa kalikasan habang tinutulungan ang mga may kapansanan at ang mga iskolar.
Bugtong: Ito ay uma-alalay, minsan tao, minsan bagay, kung bumuhat ay ‘di alintana ang bigat ng taong pinapasan.
Ang sagot ay saklay. Minsan tao dahil sila ang umaalalay sa mga PWD o taong may kapansanan. Minsan bagay, ang mga materyal na gamit na kasangkapan upang maisakatuparan ng mga PWD sa Saklay Café na kaya nilang makapagtrabaho at magbigay ng serbisyo. Sa bawat pagbungad ng umaga nakakapagpa-gising ng diwa ang kwento ng mga People with Determination kung ituring sila sa Saklay Café.
Maaari bawat isa sa atin ay magsilbing saklay sa iba’t ibang kaparaanan.
Sampung Hakbang Para sa
Matagumpay na Pagbabalikaral (Pag-re-review)
Mabilis ka bang nakalilimot sa isang aralin? Bagsak ba ang mga resulta ng iyong pagsusulit? O may pagkakataon ba na pigain mo man ang iyong utak ay hindi mo pa rin maalala ang isang paksa na inyong pinag-aralan? Kung nararanasan mo ang mga ito, narito ang sampung hakbang na makatutulong upang makapag-review nang epektibo. Halina’t taktika ay ating palitan nang ang paglalakbay bilang estudyante ay patuloy na umabante patungo sa tinatahak na pangarap.
Unang Hakbang
Isa-isip mo kung para saan ang iyong pagaaral.
Sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay sa dahilan kung bakit ka nagpapatuloy sa pagaaral, masisilayan mo kung ano nga ba ang mga benepisyo ng pagbabalik-aral o pag-re-review sa isang paksa, at dito mo rin mas mapalalawig ang iyong sarili na umabante patungo sa inaasam mong pag-asa na makapasa.
Ikalawang hakbang
Maging determinado sa pagbabasa. Habang nagbabasa ka, sabi nga sa kasabihan mas lalo kang nagiging maalam. Kung nais mong maipasa ang kasalukuyan mong baitang at makausad sa susunod na lebel, kinakailangan mo munang maipasa ang iyong mga pagsusulit. Kailangan mong maging determinado at intindihing maigi ang iyong binabasa.
Ikatlong Hakbang
Hanapin ang lugar kung saan ka komportable. Kung napalilibutan ka ng maiingay na kapaligiran na hindi mo kayang kontrolin, maaari kang magtungo sa ibang lugar na higit na mas tahimik, at maaari ka ring magsuot ng headset o earphone at makinig ng mga brown noise na musika upang kahit papaano ay mababawasan ang ingay sa iyong kapaligiran.
Ikaapat na Hakbang
Bigkasin nang higit sampung ulit. Huwag mong ikabisa ang mga nakasulat sa iyong kuwaderno o libro, intindihin mo ito. Kapag binigkas mo ito nang higit sampung ulit ay higit mo itong matatandaan at mauunawaan ng mas madali kaysa sa iyong inaasahan.
Ikalimang Hakbang
Isulat mong muli.
Sukbukan mong muling isulat habang ang nirereview mong kuwaderno o libro ay nakatago. Ito ay upang iyong malaman kung ano na ang
naaalala mo at ang iyong mga nakalimutan. Tandaan, ayos lamang kung hindi mo naisulat lahat, ang mahalaga ay ang mga mahahalaga at kung ano ang pagkakaunawa mo sa paksang iyon.
Ikaanim na Hakbang
Humagilap ng makakasama sa pagbabalikaral.
Higit mong mauunawaan kung may kasama kang magbabalik-tanaw ng iyong aralin. Maaaring magkaroon ng tanungan-sagutan upang lubusang pumasok sa iyong kaisipan ang mga paksang inyong tinatalakay.
Ikapitong Hakbang
Ituro mo sa iba.
Isa pa sa mga paraan upang higit mong maintindihan ang isang paksa ay ituro mo sa iba. Kapag naipaliwanag mo ito ng maayos sa iba, pagbati sa iyo, tuluyan mo nag naintindihan ang paksang iyong tinalakay.
Ikawalong Hakbang
Pokus, maglaan ng oras, gawing libangan. Ayon sa pag-aaral ng agham, mas nakasasagap ang utak ng mga aral na nais mong maunawaan sa tuwing alas kwatro ng umaga, dahil sa mga oras na ito ay hindi pa gaanong maingay ang kapaligiran at higit kang makakapagpokus na intindihin ang nakasulat sa iyong kuwaderno o libro. Sanayin mo ang iyong sarili na masiyahan sa pagbabalik-aral, nang hindi na maalis sa iyong sistema ang kagustuhang mag-aral at malaki pa ang tyansa mong makapasa.
Ikasiyam na Hakbang
Manatiling malusog. Gantimpalaan mo ang iyong sarili. Ang pagkain ng masusustansya ay higit na makatutulong sa iyong utak at pangangatawan upang hindi maantala ang iyong pag-aaral. Tiyak na higit mong mauunawaan ang inyong mga aralin kung may resistensya ang iyong isip. Kaya lagyan natin ng laman ang ating utak, mapamasustansyang pagkain man o mga karunungan.
Ikasampung Hakbang
Huwag sobra-sobra. Magpahinga ka. Magdasal ka.
Kapag alam mong nagawa mo na ang iyong makakaya, magpahinga ka na, ipahinga mo ang iyong utak sa pagbabalik-aral ng inyong mga tinalakay sa inyong loob ng silid aralan, huwag mong abusuhin ang iyong isip, kaya matulog ng maaga at magdasal ka bago ang iyong pagsusulit.
Tandaan: Sa pagbabalik-aral, asahan mong uusad ka sa susunod na baitang.
15 ANG KANLUNGAN Tomo 1 | Isyu 1 | Agosto 2022 - Pebrero 2023
LATHALAIN
BNi Leiryl Carino
Ni Leiryl Carino
Ni Leiryl Carino
Ni JB Ramos
Ang Taktika ng manlalakbay na estudyante
AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Bagong Campus ng Pisay, itatayo sa NCC
Center, Dormitories, Administration Building at isang camp area.
Sa New Clark City (NCC) Capas, Lungsod ng Tarlac ang lugar na pagtatayuan ng Philippine Science High School (PSHS) Infinitum Campus.
Noong Oktubre 2002 ay nagsagawa ng groundbreaking ceremony sa pakikipag-ugnayan ng PSHS sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA), ang nasabing campus ay may sukat na 4.6 ektarya.
Ang infinitive Campus ay magkakaroon ng dalawampu’t apat na silid-aralan, case rooms, silid-aklatan, faculty room, dining hall, research center para sa Chemistry, Physics, Environmental Science, at Biology. Kasali rin dito ang technology hub para sa Computer Science, Mathematics, Humanities, Innovation Center, Training
Sa isang pahayag ng Presidente ng BCDA at Chief Executive Officer Vince Dizon, ang pagkakatatag ng Pisay ay sa NCC ay makatutulong sa pag-unlad at pagsasanay ng mga guro at sa mga magiging propesyonal sa bansa larawan ng agham at teknolohiya.
“We hope that with the new PSHS campus, we will be able to give more opportunities for quality education to deserving Filipino students especially in Central and Northern Luzon,” dagdag pa ni Dizon.
Target na mabuksan ang Pisay sa taong 2026, at mga Pilipinong magaaral na may kakayahan sa larangan ng Matematika at Agham ang makakapasok sa PSHS upang makakuha ng espesyal na pag-aaral at oportunidad sa mga nabanggit na larangan.
Problema sa Mental Health
Psycho-social support sa mga magulang, ipinatupad
Echo Club, tutok sa proyektong pangkalikasan
Sa pagpapanatili ng kalinisan sa Tibag High School (THS), naitatag ang Echo Club sa pangunguna ni G. Michael Ocoma upang higit na paigtingin at tutukan ang mga proyektong may kaugnayan sa kalikasan.
Isa sa mga layuning ng organisasyon ay mapanatili ang kalinisan sa loob ng mga silid-aralan at buong paaralan ng THS at mabigyan nang sapat na kaalaman ang mga mag-aaral sa tamang pagtatapon ng basura, kasama ang
Ipinanood sa mga magulang ang bidyo ukol sa psycho-social support kung saan itinuturo ang mga bagay na dapat tandaan at gawin upang mapangalagaan ang pag-iisip ng mga magulang at sa kanilang mga anak noong ika-2 ng Setyembre taong 2022 sa Tibag High School.
Isinagawa ang naturang aktibidad sa oras alas-8 ng umaga para sa mga magulang na may mga mag-aaral sa ika7, 9at 11 baitang samantalang ala-una naman ng hapon ang mga magulang na may mga mag-aaral na nasa ika-8, 10 at 12 na baitang.
Layunin ng psycho-social support ang mabigyang-tugon ang pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral lalo na sa mental health dahil sa katatapos lamang na mahabang pag-aaral sa bahay dahil sa pandemya dahil kinikilala ng paaralan ang malaking bahagi ng pagkatuto at maliksing pag-iisip ng mga
estudyante ay nakasalalay sa kanilang mga magulang.
“Ibinibigay natin ang psychosocial support sa mga magulang upang malaman nila ang kanilang gagawin kung paano mapangalagaan ang mental health ng kanilang mga anak lalo na’t tayo ay kakagaling lamang sa pandemya,” saad ni Gng. Joan Maninang, guidance counselor ng THS.
Bukod sa psycho-social support nagkaroon din ng oryentasyon sa mga magulang ukol sa patakaran ng paaralan tulad ng tamang uniporme, tamang gupit sa lalaki at ang mga pinagbabawal na gawin sa loob ng paaralan at mga karampatang pagtatama na katumbas ng mga ito kung sila ay lalabag sa panuntunan.
Nagkaroon din ng papili ng opisyales sa mga bawat silid-aralan at lahat ng mga naihalal na pangulo ay sila nama’y pumili ng mga opisyales ng General Parent-Teacher Association ng THS.
pagpapaunlad ng kanilang karakter sa pagkakaroon ng kusa sa pagpulot ng mga kalat. Ang mga proyektong sinimula nang isagawa ay ang Plastic Bottle Rings at Paper Bins, kung saan nakahiwalay ang basurahan para sa mga boteng plastik at mga papel. Magkakaroon din ng karagdagang basurahan para sa mga face mask na tinatawag na Infectious Waste upang hindi maihalo sa ibang uri ng basura.
Katuwang din ng Echo Club ang Materials Recovery Facilities (MRF) sa pagpapaigting ng disiplina ng mga magaaral sa tamang pagtatapon ng basura.
Dagdag pa nito, makalilikom ng pondo ang organisasyon sa pagbebenta ng mga basura upang maisakatuparan din ang iba pang programa.
“Maisasakatuparan ang proyekto ng Echo Club sa tulong ng mga magaaral maging mga guro na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating paaralan,” saad ni Gian Conception, pangulo ng Echo Club.
Patuloy na isusulong ng Echo Club ang pagpapanatili ng kalinisan sa paaralan na pangunahing layunin ng pagkakatatag nito..
IGP ng THS, pangunahing pinagkukunan ng pondo sa Gulayan; Manukan, Palaisdaan, pinalalago
Pangunahing pinagkukunan ng pondo ng gulayan sa paaralan ng Tibag High School (THS) ang naitayong manukan o poultry na nagsimula sa pagpaparami ng hito sa maliit na palaisdaan.
Bahagi ang mga ito ng Income Generating Project (IGP) ng paaralan upang patuloy na mapalago at mapaikot ang pondo ng gulayan na pangunahing pinagkukunan ng mga gulay na ipinapakain sa mga THSians na nasa ilalim ng severely wasted.
Nasa ilalim ng programang
Sustainable Garden Program (SGP) ang gulayan sa paaralan na may layuning makapagtanim at makapag-ani ng mga gulay sa loob ng paaralan.
“Nagsimula sa gulayan, then fishery at napalaki at naparami ang mga hito hanggang naibenta sa kapwa ko guro. Ipinaikot ang pondo at nag-put up ng poultry, at sa susunod ay bibili naman ng biik.” Saad ni G. Romeo Macahlio, National Greening Program focal person. Karagdagan pa, nakatutulong ang dumi ng mga manok bilang pataba sa mga halaman na siyang inaani at ibinabahagi sa pagkain ng Feeding Program ng paaralan.
Kinaaliwan ng Tibag High School (THS) ang ginanap na Science Fair nitong ika-14 ng Pebrero, 2023 na pinamunuan ng Departamento ng Agham, kabilang sa nasabing programa ay ang SYMBO at Science Exhibit.
Alinsunod sa School Memorandum
46, s. 2023, inilabas ang School Calendar of activities for January & February 2023, kabilang dito ang pagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad ng departamento ng Agham bilang pakikiisa sa Science Fair ng THS.
Isa ang SYMBO game sa nagbigay aliw at kaalaman sa THSians, kung saan hinango sa larong BINGO. May kanya-kanyang hawak na card ang mga mag-aaral na kanilang binili at sa halip na numero, mga simbolo ng elemento ang nakalagay. Ayon kay Gng. Michelle Teofilo, isa sa mga namahala sa programa, “SYMBO game is a fun way of re-introducing elements.”
Nagsagawa rin ng Science Exhibit, at ito’y pinamahalaan ni G. Monsour Balmes, kabilang ang mga piling magaaral ng Grade 10 Rizal.
Ilan sa mga eskperimentong isinagawa ay ang pagpapakita ng
pagputok ng bulkan, Maglev, at ang Glitter Rapel. Ipinakita ng mga Grade 10 Rizal ang mga eksperimentong ito at ipinaliwanag sa mga THSians na manonood habang ipinapakita ang ginagawang proseso.
“Magiging masaya ito dahil makakakita ng iba’t ibang klase ng eksperimento ang mga mag-aaral ng THS. Matutuwa sila dahil pagkatapos ng pandemya ay makakakikita silang muli ng ganitong uri ng aktibidad,” Ayon kay Cyrus Tiqui, mag-aaral ng Rizal. Layunin ng programa na hikayatin ang mga mag-aaral ng THS na magkaroon ng interes sa Agham at maging maalam sa nakawiwiling paraan.
16 ANG KANLUNGAN Tomo 1 | Isyu 1 | Agosto 2022 - Pebrero 2023
SYMBO, Science Exhibit, kinaaliwan ng THS
Ni Juliana D. Castro
Ni Gabriella Apolinario
Ni Ellithan D. Rillo
ni Kate Lyn Villanueva
Ni Yra Jane Tubig
nakalagay sa lagayan ng white colored paper upang hindi maghalo-halo ang mga basura at makita ang maaari pang pakinabangan. Kuha ni Ayezia Chloe
Isa ang manukan sa programa ng THS na bahagi ng IGP upang pangunahing pagkuhanan ng pondo para sa gulayan ng paaralan. Kuha ni Ayezia
Pontanes
10
ISULONG! PROYEKTONG PANGKALIKASAN! Hinihiwalay ng isang mag-aaral ng Baitang 11 ang mga
basurang
Pontanes
Chloe
Si Diana Tubig, isa sa mag-aaral ng Baitang
Rizal ang nagbahagi ng kaalaman sa eksperimentong Bouncing Bubble na bahagi ng Science Exhibit. Kuha ni Ayezia Chloe Pontanes Si Gng. Analyn Espinosa, tagapayo ng Baitang 8 ay nagbibigay ng mga paunang impormasyon ukol sa pyscho social support sa mga magulang at nakiisa sa Parent-Teacher Association. Kuha ni Kristal Gale Navarro
‘Duck, Cover at Hold’: Ginawa ng mga THSians sa pagtama ng intensity 4 na lindol
Biglang lumikas ang mga mag-aaral at guro ng Tibag High School (THS) habang nagsasagawa ng enrolment nang maramdaman ang intensity 4 ng lindol noong ika-27 ng Hulyo 2022 sa ganap 8:43 ng umaga.
Nakasentro ang lindol sa Tayum, Abra na nakaranas ng 7.3 magnitude na kung saan ramdam ang malakas na pagyanig ng lupa. Hindi nakaligtas dito ang Tarlac City kasama rito ang THS
kung kaya’t agad namang isinagawa ng mga mag-aaral ang duck, cover and hold na palagiang sinasanay tuwing tatluhangbuwan sa programang Simultaneous National Earthquake Drill. “Pina-reinforce ang buildings para ma-assure ang parents at teachers na safe pa rin sila dahil nasa building sila ng school.” Ayon sa panayam ni Gng. Michelle Teofilo, focal person ng School Disaster Risak Reduction and Management Committee.
Siniguro naman ng mga guro na
ligtas ang lahat at gayon din ang Tarlac City Schools Division sa pamamagitan ng palagiang pagsusuri sa mga gusali ng paaralan.
LIGTAS ANG LAGING HANDA
Isinagawa ng mga mag-aaral at guro ng THS ang duck, cover and hold at agarang lumikas nang maramdaman ang lindol habang nagpapatala para sa pagbubukas ng klase.
MAG-FACE MASK KAHIT HINDI NA MUST
Lumipas na ang dalawang taong pasakit na dulot ng pandemyang Covid-19. Subalit patuloy pa rin tayong nakatali sa mga protokol na kailangang sundin tulad ng pagsusuot ng face mask. Marahil sa iilan ito ay pasakit subalit malaki ang naitutulong ng mga protokol sa hangad nating kaligtasan. Taong 2020 nang nagsimula ang pandemya sa buong mundo.
Unti-unti nang bumabalik na sa normal na pamumuhay ang mga mamamayan, ngunit sa likod nito ay ang reyalidad na hindi pa rin natatapos ang pandemyang dulot ng Covid. Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), noong ika-26 ng Pebrero 2023, mayroong 370 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,163 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 291(13.5%) ang okupado.
Samantala, 3,191(17.9%) ng 17,830
non-ICU COVID-19 beds naman ang
Tamang kaalaman ay kahandaan
MGA DAPAT GAWIN KAPAG LUMINDOL
• Maging mahinahon. Gawin ang Duck, Cover, and hold technique: Yumuko, magtago sa ilalim ng matibay na mesa, at humawak sa mga paa nito.
• Kung walang lamesa, pumunta sa matibay na bahagi ng bahay, lumuhod o mag squat, takpan ang ulo at batok ng iyong kamay.
• Umiwas sa mga bagay na madaling mabasag, mabibigat at maaring bumagsak.
• Kapag nasa labas - lumayo sa mga poste, puno, gusali, pader at iba pang maaring matumba o bumagsak. Mainam na pumunta sa OPEN SPACE.
• Kapag nagmamaneho - Itabi at ihinto ang sasakyan.
• Huwag tumawid ng tulay, overpass at flyover.
• Kung malapit sa dagat, mabilis na lumikas palayo dito at tumungo sa mataas na lugar dahil sa panganib ng tsunami.
Maliit na espasyo para sa gulayan; Vertical Gardening, solusyon
Malaking pagsubok sa Tibag High School (THS) ang pagkakaroon ng maliit na espasyo upang mapalawak ang gulayan ng paaralan ngunit hindi naging hadlang ito upang makakamit ng puwesto ang THS sa 2022 Division
Search for Best Enhanced Gulayan sa Paaralan (EGPP) ayon sa isinagawang balidasyon ng dibisyon noong ika-25 ng Oktubre 2022.
Vertical gardening ang naging solusyon ng THS upang maipatupad ang gulayan sa paaralan na binisita ng dibisyon sa pangunguna nina Gng.
Catherine Gomez at G. Renniel Arvin
Pineda. Sa pamamagitan ng pag-recycle ng bote at drum na ginawang taniman ng mga gulay at pagsasaayos ng irigasyon ay nag-improvise rin ng irrigation system bilang solusyon sa tubig na kailangan ng mga gulay. Ito ay pinamumunuan ni G. Wenzlee Laus.
Ginagamit ang bunga schoolbased food feeding na pinamumunuan ng Bb. Kenzie Ancheta, tagapagtaguyod. Layunin ng gulayan na matustusan ang gagamiting pagkain ng mga undernourished na mag-aaral ng THS. Sa kabila nito, nagpaabot din ng tulong ang Caritas, Tarlac Inc. sa pamamagitan ng pagbibigay ng apat na kahon ng bitamina na Celin Plus (Ascorbic Acid with Zinc) sa mga bata na ibinahagi sa mga mag-aaral na nasa edad
11 hanggang 13. Nagbigay suporta rin ang Campus Movers for Christ (CMC) sa pamamagitan ng pag-sponsor ng pagkain sa mga piling mag-aaral sa Baitang 7. Nagpaabot din ng tulong pinansyal ang isang alumus ng THS na si G. Jaymark Escaño upang masuportahan ang programa.
“Manalo man o matalo ang THS, ginagawa namin ang aming makakaya upang makatulong sa mga mag-aaral na kulang ang nutrisyon, gayunpaman malaking tulong ang gulayan sa paaralan dahil doon kinukuha ang ibang sangkap sa mga pinapakain sa mag-aaral,” ani Gng. Evangeline Espiritu, ulong-guro ng TLE.
kasalukuyan ding ginagamit.
Gayunpaman, nito lamang mga nakaraang buwan, noong Setyembre 2022, naghayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng isang executive order na nagpapahintulot sa mga mamamayan ang hindi na pagsusuot ng face masks sa mga pampublikong lugar.
Sa kabilang dako, magiging magaan ito sa masa dahil mababawasan ang gastusin sa palaging pagbili ng face masks. Ngunit sa likod nito, pinaghaharian pa rin tayo ng takot sa maaaring maging dulot ng pandemya lalo na at nagkakaroon pa rin ng mga kaso ng virus sa bansa, sa madaling sabi hindi pa rin ligtas.
Mas mabuting magsuot pa rin ng face mask bilang proteksyon sa anomang sakit na maaaring kumapit at nang hindi mapagastos nang malala. Kaya habang hindi pa tapos ang pandemya, patuloy pa rin sana tayong magdoble ingat sa lahat ng oras.
‘Due to high rate of electric bill’
-Dr. Juvelyn sa pagpapalagay ng
Solar Power sa THS
Nagpalagay ng solar power ang Tibag High School (THS) bilang mabisang solusyon sa patuloy na pagtaas ng bayad sa kuryente ng paaralan. Sa kasalukuyan, mayroon ng 25 solar na nakalagay sa palibot ng paaralan. Ang mga unang solar ay nailagay noong 2021, at muling nakabitan nito lamang ika-27 ng Pebrero.
Ang standard ng Solar Power para sa school ay mahigit 100 watts, at ang preso nito’y umaabot ng P3,600.00 at kung mas tataas naman ang wattage
na magagamit, mas mahal ang magiging presyo nito, subalit higit na makakatipid sa kuryente sa paraang ito.
Si G. Michael Chua ang nangangasiwa sa pagpapalagay ng mga Solar, ayon sa kanya, “Yung solar power ay ikinabit dahil unang-una dyan ay para makapag-conserve ng kuryente sa school kasi syempre kapag may solar tayo, maaaring ma-lessen ang bayad sa electricity.”
“Due to high rate of electric bill ntin we need to do something to lessen it,” panayam kay Dr. Juvelyn L. Esteban, punongguro ng THS. Inaasahan na sa pamamagitan ng Solar Power ay bababa o mababawasan ang bayad sa kuryente ng paaralan.
17 ANG KANLUNGAN Tomo 1 | Isyu 1 | Agosto 2022 - Pebrero 2023
AT TEKNOLOHIYA
AGHAM
Ni Jaycell Pulmano
Ni Jaycell Pulmano
Ni Juliana D. Castro Pinagsusumikapang ilagay ng mga manggagawa ang Solar Power Generator sa bawat bubong ng mga silid-aralan sa THS. Kuha ni Kristal Gale Navarro
LIGTAS ANG LAGING HANDA. Isinagawa ng mga mag-aaral at guro ng THS ang duck, cover and hold at agarang lumikas nang maramdaman ang lindol habang nagpapatala para sa pagbubukas ng klase. Kuha ni Stephen Cabanlong
Ni Juliana Castro
EDITORYAL
Ang Gulay ay Buhay
Sa panahon natin ngayon na nakararanas ng kahirapan, napapansin ninyong malnutrisyon ang isa sa ating problema lalo na ng mga batang Pilipino. Kadalasan, nakikita natin ang mga bata na malnourished sa eskwelahan. Tila sila’y hindi na talaga nakakakain nang maayos.
Kaya naman napakaraming mag-aaral ang pumapasok sa paaralan nang walang laman ang tiyan. Bunga nito’y hindi sila masyadong nakapagbibigay-pokus sa mga aralin. Dapat itong masolusyunan para sa ikabubuti ng mga batang Pilipino.
Tulad na lamang sa paaralan ng Tibag High School (THS), sa lungsod ng Tarlac, nasosolusyunan nito ang suliraning malnutrisyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng feeding program para matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante lalong-lalo na sa kalusugan.
Malapit ng ang Deadline
“Oras na, tayo’y kumilos na!”
Mundo nati’y babaguhin, climate change ay nararapat na pigilin. Pitong taon pa ang natitira, mahaba-habang panahon pa para gumawa ng paraan na makapagpapabuti sa mundong tinitirhan. Subukan na pagmasdan ang kapaligiran, mga suliranin ay simulan nang solusyunan.
Sa paglipas ng panahon, unti-unti nang lumilitaw ang mga epekto ng climate change. Ayon sa mga climate scientist, kinakailangang mapigilan ang pagtaas ng temperatura ng mundo. Nararapat na panatilihing mababa pa sa 1.5 degree Celsius ang global temperature average, magagawa ito sa pamamagitan ng pagbawas ng carbon dioxide.
Mga malalaking bansa ang
Sa kabila nito, mayroon ding ibang tumutulong sa kanila upang maisagawa ito, at ito ay ang Rise and Rebuild Foundation – isang foundation na maghahatid ng tulong sa pamamagitan ng pagsu-suplay ng mga gulay sa mga mamamayan, pati na rin sa mga feeding programs sa paaralan.
Sa panayam kay Gng. Edelyn Palara , ang Nutrition Coordinator ng Rise and Rebuild Foundation, sinabi niya na ang vision at mission ng foundation ay “to help the children especially yung mga poor and the needy para lahat ng place dito sa Tarlac ay mabigyan sila, maging healthy yung kanilang pangangatawan so walang magugutom na bata. Nagtanim kami ng ganito para makakain sila ang they will learn how to eat vegetables kasi medyo picky na yung mga bata ngayon.”
Napakaganda ng layunin ng Rise and Rebuild Foundation, maraming tao ang natutulungan nito sa ating bayan. Lagi nating isaisip na hahaba ang buhay sa pagkain ng gulay.
nangunguna sa carbon dioxide emission, kaya dapat din na sila ang manguna sa pagbabawas ng emission ayon sa mga eksperto. Wika pa ni Dr. Mahar Lagmay, ang executive director sa UP resilience institute and Noah center “We encourage them to do those things because the effect will not be limited to their countries. It affects entire world.”
Ang bansang America ay nagbabawas ng green house gas emission habang ang China naman ay babawasan ang coal consumptions, hindi lang naman iyan ang kanilang gagawin dahil marami pang paraan para antas ng climate change ay mababawasan.
Kung hindi ito maaagapan ayon sa mga siyentipiko, maaaring magkaroon ng malalang kalamidad at pangyayari sa
kalikasan na hindi na masosolusyunan. Tulad na lamang ng Australia, Brazil, Amazon, USA at China. Sila’y nakararanas ng matinding kalamidad. Ang climate change ay may kinalaman din sa bansang pilipinas. Ayon pa nga sa Global Climate Risk Indez 2021, pangapat pa ito sa sampung bansa na lubhang nasalanta ng extreme weather events.
Dapat itong magsilbing aral sa lahat ng tao sa mundo na hindi dapat balewalain ang kapaligiran na tinitirhan. Nararapat na ito’y pangalagaan at hindi pabayaan. Dahil pitong taon na lang, pitong taon na natitira upang mga problemang pangkalikasan ay masolusyunan. Huwag mangamba dahil may pag-asa.
Integrated solar power generator and water irrigation pump
HATID NA BENEPISYO NG
TEKNOLOHIYA
“We’re changing the world with technology.”
Ang teknolohiya ay malaking kapakinabangan sa mga marunong gumamit nito. Sa patuloy na pag-inog ng mundo, napalilibutan na tayo ng mga kagamitang panteknolohiya na makatutulong upang mapadali ang buhay ng bawat isa. Unang napaunlad ang solar power generator and water irrigation pump noong 2017 sa Tarlac state University (TSU) na pinondohan ng Department of Agriculture Region III. Naging proponent sa proyektong ito si G. Rodel Botio, isang propesor sa nasabing Unibersidad. Layunin nito na masolusyunan ang krisis sa kuryente at enerhiya na pangunahing pangangailangan sa agricultural industry.
MAY POWER SA SOLAR POWER
Ang Solar Power Generator ang nagsisilbing gasolina o pinaka-power. Ang sikat ng araw ang kinakailangan ng teknolohiyang ito, kung saan dadako o tatama sa tatlong main component; ang solar panel, solar generator at solar pump ang sikat ng araw ay magsisilbing kuryente.
Kapaki-pakinabang at kagamit-gamit ang solar powered water pump sa mga gawaing pang-agrikultura, maging sa kalikasan.
TAGUMPAY SA TEKNOLOHIYANG TAGLAY
Naging matagumpay ang pagdebelop dito kaya muling nag-abot ng pinansyal na tulong ang TSU sa pamumuno ni Pangulo ng Unibersidad at Project Manager DA Region III na si Dr. Arnold E. Velasco noong 2019. Nagkaroon ng actual pilot testing at tech-demo sa mga magsasaka sa Brgy. Balanti, Tarlac City sa 2 yunit ng Integrated Solar Pumps; Brgy. Dalayap, Tarlac City na may 2 yunit; Brgy. Nambalan, Sta. Ignacia, Tarlac na 1 yunit; San Jose, San Antonio, Nueva Ecija na may 1 yunit; Bgry. Turu, Magalang, Pampanga na isang yunit; at, isang yunit ng San Marcelino, Zambales. Naging malaking tulong at pakibanang ang proyektong ito sa mga magsasaka dahil nagamit ang solar panel generator.
“As an alternative solution sa tumataas na presyo ng diesel/gas at kuryente,” Ayon kay Prof. Botio sa paglikha ng makabagong teknolohiya.
Ang pagiging malikhain ay isa sa mga katangian ng Pinoy, lalo na sa mga naiimbentong makabagong teknolohiya. Labis na makapagbibigay ng kapakinabangan sa mga kababayan na Pilipino ang dahilan sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at pag-unlad ng kanilang buhay.
18 ANG KANLUNGAN Tomo 1 | Isyu 1 | Agosto 2022 - Pebrero 2023
AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Ni Yra Jane Tubig
Ni Juliana D. Castro
Ni Juliana D. Castro
THS, Tinibag ang BIS
Matatalaib Athletic Club, Tarlac City – Dumagundong ang apat na sulok ng kurto matapos gibain ng Tibag High School (THS) ang Burot Integrated School (BIS) sa iskor na 52-36, nagresulta sa pag-abante ng THS sa susunod na laban kasabay ng pagbabalik ng Intersecondary 2023 kaninang tanghali.
Kasing-init ng timpla ng panahon ang sagupaan sa pagitan ng dalawang koponan nang magsimula ang unang yugto. Kumamada agad ng apat na puntos ang panig ng BIS na siya namang sinagot ng THSians matapos sumalaksak si Kyle Ignacio sa ilalim at ang magandang pasa nito kay Benedict Sagum upang maitabla ang iskor sa nalalabing limang minuto.
Inilayo ng panig ng Burot ang kalamangan sa iskor na 8-4 ngunit nagbitaw ng lumalagablab na tres si Ignacio sa huling tatlong minuto. Kaliwa’t kanang opensa ang ipinakita ng magkabilang panig at tinapos ang unang yugto sa iskor na 11 tabla.
Pagsapit ng ikalawang yugto ay counted foul agad ang sumalubong kay Espinosa ngunit bigo na maipasok ang libreng tira. Sinagot agad ito ng BIS at nagpakawala si Lozano ng mainit na tres.
Patuloy ang pagpapakitang gilas ng mga manlalaro kasabay ng agresibong opensa at depensa na ipinapakita nila sa loob ng kurto.
Sa nalalabing tatlong minuto at anim na segundo ng yugto ay naagaw ni Lebron James Reyes ang bola at gumawa ng fast break play, nagresulta sa pag-abante ng THS sa laban sa iskor na 20-17.
Dinagdagan pa ni Espinosa ang kalamangan sa pamamagitan ng free throw shot nito at pina-ingay pa ang loob ng MAC matapos supalpalin ni Sagum ang big man ng BIS, natapos ang ikalawang yugto sa iskor na 22-17.
Inilayo na ng THSians ang kalamangan sa simula ng ikalawang kalahati nang hablutin ni Sagum ang bola at nagbitaw ng dalawang puntos. Bahagyang
kampo ng BIS at bumira ng sunudsunod na puntos upang hindi lumobo ang kalamangan ng THS sa iskor na 27-24.
Sa nalalabing apat na minuto ng ikatlong kwarter ay isang magandang pasa ang binitawan ni Reyes kay Ignacio na nagresulta sa paglayo ng iskor ng Tibag HS sa BIS.
Patuloy pa rin ang paghabol ng BIS sa laban ngunit nagpakawala ng mabigat na tres si Sagum sa huling dalawang minuto ng yugto na siya ring sinagot ng kampo ng Burot.
Nailapit ng BIS ang iskor sa 34-32 sa pagtatapos ng ikatlong yugto sa pamamagitan ng buzzer beater.
Pagdating ng huling kwarter ay sinimulan na ng THS ang pagpapalobo sa kanilang kalamangan matapos nilang magtala ng 14-0 run sa pamamagitan ng agresibong depensa nina Reyes at Medina at ang sunudsunod na pagbira ni Sagum at Ignacio na nagresulta sa pagpigil sa BIS na umiskor.
Inilapit pa ng BIS ang kanilang puntos ngunit sinagot agad ito ni Reyes na nagmarka ng dalawang puntos mula sa kanyang lay up gamit ang kanyang kaliwang kamay sa nalalabing dalawang minuto ng laban.
Pinilit pang ilapit ng Burot ang kanilang iskor sa 50-36 ngunit sinagot din ito ni Sagum ng dalawang puntos.
Bumira si Sagum ng 19 puntos, kabilang dito ang pitong rebounds, dalawang assist at isang block.
EDITORYAL
Sarili o Paaralan? Karunungan o Karangalan?
“Checkmate!”
Itinanghal na nagwagi ang binibini na nasa kaliwang bahagi. Siya ang tinaguriang reyna ng taktika.
Talas ng isip, bilis ng mga galaw, at diskarte ang baon niyang mga estratehiya. Lahat ay kanyang gagawin upang proteksyunan ang reyna at hindi maagaw ng iba.
Muling bumalik sa kanyang gunita, sa edad na walo, hindi mga manika ang hawak ng kanyang mga kamay kundi mga piyesa na may mga letra at kaharap ay tabla.
Tulad sa ibang mga laro, mayroon laging panalo at talo. Siya ay laging nasa ikalawang resulta, laging talo. Subalit hindi ito naging hadlang upang siya ay huminto, nagpatuloy sa paglalaro at ganoon pa rin, parte na marahil ang pagkabigo.
Ang pagmamahal sa paglalaro ng chess ang pinakapangunahing dahilan niya upang hindi sumuko. Hindi na mabilang ang mga pagkakataong siya ay natalo, subalit isa rin ito sa mga dahilan sa tagumpay na tinamasa niya ngayong taon. Kailangan
Bryan Enriquez at G. Joel
Ayon kay Sagum, teamwork umano ang naging susi sa kanilang pagkapanalo at maayos na ipinakitang laro. Pinasalamatan din niya ang kanilang tagapagsanay na sina G. Christopher
REYNA NG TAKTIKA
talagang dumaan sa proseso, at ang mga pagkabigong kanyang naranasan ay isang mahabang proseso. Sa kabila ng mga mahuhusay na manlalaro ng Chess, mula sa iba’t ibang paaralan ng sekondarya, sa wakas natikman na rin niya ang matagal na inaasam na tagumpay. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng pinaghalong tuwa at pagdududa. Natural na matuwa sa naging pagkapanalo at pagdududa kung para sa kanya ba talaga ang pwestong iyon. Gayunpaman, ninamnam niya sa bawat sandali ang pagiging reyna ng taktika. Sa likod ng kanyang tagumpay na tinamasa ay ang mga taong patuloy na naniwala sa kanyang kakayahan mula nang siya’y magsimula – ang kanyang magulang, mga gurong tagapagsanay at kaibigang hindi tumigil sa pagsuporta.
“Checkmate!”
Itinanghal na nagwagi ang binibini na nasa kaliwang bahagi. Siya ang tinaguriang reyna ng taktika, si MJ Valerie Sapuay, manlalaro at mag-aaral ng Tibag High School.
Ang pagpasok sa loob ng silid-aralan at pag-aaral ay isang katunayan ng pagiging mabuting mag-aaral. Sa kabilang banda, ang isang mag-aaral na may katungkulan sa larangan ng extra-curricular at nirerepresenta ang paaralan sa mga patimpalak ay isang malaking karangalan. Ngunit, sa panahon na kung saan ay sumasabay ang pag-aaral at pagsasanay, paano ito babalansehin? Kung sa kalagayan ngayon na ipinagbabawal ang pagkansela ng klase upang makapag-ensayo ang mga atleta ay maituturing na isang
malaking pagsubok, nararapat ba na magkaroon ng takdang iskedyul upang sa gayon ay hindi naiipit ang mga mag-aaral sa pagpasok sa klase at pag-eensayo?
Aral, ensayo, pahinga, ulit… Ganyan ang naging takbo ng buhay ng mga mag-aaral na nahahati ang atensyon sa dalawang mahahalagang tungkulin sa paaralan; bilang isang estudyante at atleta. Sa kabila ng patuloy na pageensayo ng mga napiling atleta, madalas ay sumasabay ito sa oras ng kanilang klase kung kaya’t humahantong sa pagliban nila sa klase, alang-alang sa paghahanda
para sa papalapit nilang paligsahan at upang irepresenta ang paaralan. Ito ay alinsunod sa DepEd Order (DO) No. 9, s. 2005 na inilabas ng Department of Education (DEPED) na nagsasaad na “Participation of public and private schools shall be subject to the no disruption of classes titled Instituting Measures to Increase Engaged Time-on-Task and Ensuring Compliance Therewith, and the policy on off-campus activities stated in DO 66, s.”
Kaya naman, hati ang opinyon ng nakararami dahil sa aabuting presyur ng mga atleta, pagod na sa pangangatawan at pag-iisip.
Tingkayad, hingang malalim, sipa! Patuloy na pag-arangkada sa larangan ng Taekwondo ang naging susi sa kampanya ng 23 anyos na binatilyo at kasalukuyang nageensayo sa propesyon ng pagtuturo.
Bagamat malusog at madalas na natutukso noong kabataan niya, ginamit niya ito bilang motibasyon hanggang sa nakilala ang larangan na magpoprotekta sa kanya. Sa murang edad na pitong taon, naging bukas ang isip at kalauna’y nakahiligan niya. Nagpatuloy ang kanyang libangan hanggang sa magkaroon ng parangal noong pagtungtong sa sekundarya.
Sipag ang pinakasusi niya upang mabalanse ang kanyang pag-aaral at pag-eensayo, sinisiguradong ang bawat partisipasyon sa loob ng silid aralan ay sumasalamin sa bawat sipa na kanyang binibitawan sa pagsasanay.
Ginagamit niya ang kanyang
pambihirang abilidad sa kanyang larangan upang magbigay inspirasyon sa kanyang mga estudyante at ipinapaalala na ka sa
ang kanyang maituturing na sandata sa Taekwondo at ipinapayo niya rin ito sa kanyang mga magiging estudyante at kabataan na nais pasukin ang interesanteng larangan.
ang pagiging atleta sa larong Taekwondo, ay ang nag-aalab na tapang at determinasyon na nananalaytay sa kanyang dugo ilarawan ang takbo ng kanyang buhay.
Patuloy na pag-arangkada at sasabak sa Palarong Nasyunal, ang dating atleta ng Tibag at ngayo’y nirerepresenta ang Tarlac State University para sa Nasyunal na Palaro, ang Taekwondoin-Guro ng TSU, John Vladimir De Asis.
Hindi maikakaila na ang isport ay isa sa mga sukatan ng galing at lakas ng isang idibidwal. Hindi lang nakatuon sa malalaki ang katawan, at lalong hindi lang ang mga kalalakihan ang may kakayahan na makipagsabayan sa larangan ng pampalakasan.
Tulad ng 15-anyos na dalagita na pumasok sa isang responsibilidad sa udyok ng pagtataka.
Gamit ang isang mahabang sandata na magdidikta sa bawat puntos sa pakikidigma, dedikasyon at tapang na makipagsagupaan sa mga batikang kalaban maging sa mga kalalakihan.
Hindi naging hadlang ang kasarian upang ipagpatuloy ang kanyang
sinimulang kampanya sa larangan ng Arnis.
Bagamat isang baguhan, mabilis ang proseso ng kanyang karera at natamasa ang posisyon para sa Panrehiyong Palaro. Sa kanyang paghahanda ay masidhi ang nagiging takbo, hindi napapatumba ng simpleng sakit na kanyang natatamo bagkus ginawa niyang kasangkapan upang magpatuloy at irepresenta hindi lang ang paaralan maging ang probinsiya sa nalalapit na digmaan. Tikas… Pugay, para sa inaasam na tagumpay. Ang dalagitang nahumaling sa larangan ng Arnis, Glydel Fider ng Tibag.
19 ANG KANLUNGAN Tomo 1 | Isyu 1 | Agosto 2022 - Pebrero 2023 ISPORTS
SA INAASAM NA TAGUMPAY
PARA
TAKTIKA.
Cortez
Ni Hana P. Andes
Ni Andrei V.
ESTRATEHIYA. TIRA!
Ni Andrei V. Vortez
Ni Andrei V. Vortez
Tikas... Pugay, LIKSI. GILAS. LAKAS!
Isports
PARA SA INAASAM NA TAGUMPAY
Boksingero ng THS, puspusang naghahanda sa CLRAA
Puspusan ang isinasagawang paghahanda ng mga manlalaro ng boksingero sa nalalapit na Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA). Ang mga magaaral na sina Jake Paul Tanedo, John Matthew Olimba, Jerome Duay, Andrei Tabamo at Lucky Jay Elpedez mula sa Tibag High School (THS) ang magiging kinatawan ng Tarlac City sa larong boksing.
Sasabak ang mga boksingerong magaaral ng THS sa nalalapit na Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) na gaganapin sa ikalawang linggo ng Abril, wala pang eksaktong lugar at petsa.
Kabilang sa kanilang pag-eensayo ay ang Stretching, Jogging at Shadow Boxing bilang pagkokondisyon sa kanilang pag-iisip at katawan. Nagsimula ito nitong Pebrero 11 at magtatapos sa ikalawang linggo ng Abril.
“Nag-start silang nag training noong
February 11 at matatapos sila sa pagtetraining ng April second week, ang training nila na ginagawa ay endurance saka skills para matuto sila sa kanilang laban at para mahaba ang kanilang preparasyon.” Pahayag ni G. Arnel Ibañez, coach ng boxing team. Wala pang eksaktong lugar at petsa sa nasabing labanan. Inaasahan naman na magiging handa at buo ang loob ng mga kinatawan ng Tarlac City sa darating na laban sa CLRAA.
THS, naghari sa basketbol intersecondary 2023
Ni Andrei V. Cortez
Winakasan ng Tibag High School (THS) ang pangarap ng Balibago
Primero Integrated School (BPIS) na maghari sa Basketbol sa ginanap na Intersecondary Sports Competition noong ika-28 ng Pebrero.
Matapos ang 32 minutong sagupaan, pinatunayan ng THS na ang galing ng THSians sa loob ng kurto ang mananaig matapos makamit ang kampeonato.
Pinangunahan ni De Guzman ang kanilang koponan matapos bumira ng 15 puntos, anim na rebound at limang assist.
Sa unang yugto ay opensa ang pinairal ng THS matapos magmarka ng kabuuang pitong puntos sa pamamagitan nina Calimlim at Garcia sa loob ng tatlong minuto. Kumpiyansa ang BPIS at itinabla ang iskor sa pito matapos ang dalawang minuto.
Patuloy ang pagpapasiklaban ng dalawang koponan sa mga nalalabing minuto at tinapos ang unang kwarter sa iskor na 19-16, pabor sa panig ng THS.
Dikdikan ang naging simula ng ikalawang kwarter matapos ang pagpapalitan ng tira ng bawat manlalaro sa loob ng kurto, sa pag-aasam na makuha ang kampeonato. Sa pagtatapos ng unang kalahati ay lamang ng tatlong
puntos ang THS sa iskor na 35-32.
Pagsapit ng ikatlong yugto ay pinipilit ng BPIS na ungusan ang Tibag sa pamamagitan ng kaliwa’t kanang opensa nina Gonzales at Salas, dahilan upang maibangon ang kanilang koponan sa laban. Sa mga huling minuto ay itinabla ni Benedict Sagum ang iskor sa 44 at sinundan pa ng dalawang puntos matapos mag ala-Hanamichi Sakuragi na rebound maipasok ang bola sa pagtatapos ng yugto sa 46-44.
Sa sanib-pwersang opensa nina De Guzman at Castañeda ay matagumpay na naitala ang 8-0 run sa huling kwarter, dahilan upang umangat sa laban. Nagmarka pa ng walong puntos ang BPIS ngunit patuloy ang pag-arangkada ng THS at tinapos ang yugto sa iskor na 62-55.
“Team effort at diskarte sa loob kung paano sila gumalaw. Sumubok ako [sa mga players ko] kung sino ang may presence of mind. Sila lang ang ipinasok ko kahit na marami sa mga players ang may potensyal sa laro.” Ani G. Christopher Bryan Enriquez, punong tagapagsanay ng THS Basketball Team.
Dagdag pa ni Coach Enriquez, “More practice, at saka kulang pa ang training dahil rush ang paghahandang ginawa para rito sa Intersecondary pero thank you kay Lord dahil binigay Niya sa Tibag ang kampeonato.”
Kaugnay nito, pasok na ang Basketball Team ng THS sa Tarlac City Athletic Meet na nakatakdang idaos sa ika-11 ng Pebrero kontra sa koponan ng Don Bosco Technical Institute para sa kampeonato ng torneyo.
Filipinas, sisipa sa Pinatar Cup
Andrei V. Cortez
Ni
Sa unang pagkakataon, matagumpay na nakamit ng kababaihang putbolista ng Pilipinas ang tiket papuntang
Federation International Football Association (FIFA) World Cup matapos ang makasaysayang karera nito sa ginanap na AFC Women’s Asian Cup noong nakaraang taon.
Kinapos man ang Filipinas kontra sa koponan ng South Korea sa semifinals nang mamarkahan ng 2-0 sa pagtapos ng kanilang laban, kuwalipikado pa rin sila kasama ang mga kinatawan ng China at Japan sa World Cup na gaganapin sa Australia at New Zealand simula sa ika20 ng Hulyo.
Kaugnay nito, puspusan na ang paghahanda ng bansa para sa nalalapit na torneo.
SARBEY
E-PALARO, IPALARO NA RIN
Nitong nagdaang pandemya, naging patok na libangan ng mga kabataan ay ang paglalaro ng Online Games tulad ng larong Mobile Legends: Bang Bang (ML). Ginagawa na ring kompetisyon ang ML sa mga paaralang pampubliko o pampribado man. Kaya naman, ang tanong ng mga mag-aaral, maisasama na ba ang ML o online games sa Palarong Pambansa?
Ang Palarong Pambansa ay naitatag noong 1948 at unang ginanap sa Maynila. Ito ay naunang isinasagawa na pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Ang mga magaaral na manlalaro na mula sa labimpitong rehiyon sa Pilipinas ay
nagtutunggalian sa mga paligsahang pampalakasan.
Kinabibilangan sa Palarong Pambansa ang larong Arnis, Athletics, Badminton, Baseball, Basketball, Boxing, Chess, Football, Golf, Gymnastics, Sepak takraw, Softball, Swimming, Table tennis, Taekwondo, Tennis and Volleyball. Ang layunin ng palaro ay mahikayat ang bawat magaaral na maging malusog ang pangangatawan at maging aktibo ang pisikal na aspeto. Maliban dito, sinasanay rin ang bawat atleta sa paghasa sa kanilang kakayahan at talento upang maging kinatawan ng ating bansa sa pakikipagtunggali sa internasyonal na laban.
Bagamat hindi napag-uusapan
Datos ng pabor na isama ang online games/ML sa Palarong Pambansa
Kinatawan ng THS sa chess, kumasa sa intersecondary; Baltazar, Sapuay abante sa City Meet
Ni Andrei V. Cortez
Sto Cristo Integrated School, Tarlac City - Baon ang mga estratehiyang hinubog, sumabak ang mga estudyanteng atleta ng
Tibag High School (THS) sa chess sa ginanap na Intersecondary Sports Competition noong ika-28 ng Enero. Binubuo ang koponan ng THS ng apat na manlalaro; Sina Bhy-Jay
L. Baltazar ng 11-Pacioli at Clarence Aimel D. Panopio ng 9-Newton sa lalaki, samantalang ang kinatawan ng 12-Krashen na si Leiryl R. Cariño at MJ Valerie H. Sapuay ng 12-Drucker naman ang sa mga babae. Sa apat na kinatawan ng paaralan, nagwagi sina Baltazar at Sapuay, dahilan upang umabante sa Tarlac City Athletic Meet.
Napasakamay ni Baltazar ang gintong medalya sa torneyo matapos magburda ng dalawang panalo, walang
talo at isang tabla sa kanyang karera habang nakamit naman ni Sapuay ang ikalawang pwesto sa kababaihan matapos ang matinding tunggalian nila ng kanyang kabaro na si Carino sa tiebreaker round.
“Hindi ko po in-expect na ako po ang makakakuha sa first place, sobrang saya po.” Ani Baltazar.
Ayon naman kay Sapuay, “sobrang hirap kasi ikalawang pwesto ang pinaglalaban namin, tapos kami pa ang nagkaharap. Pero it was a nice match dahil naipanalo ko at irerepresent ang THS sa City Meet.”
Nagtapos naman sa ikatlong pwesto si Carino at nasa ikaapat na ranggo naman si Panopio.
Bakas sa mukha ng mga atleta ang galak dahil sa magandang resulta ng kani-kanilang laban sa kompetisyon.
Kaugnay nito, puspusan na ang pagsasanay ng dalawa para sa nalalapit na Tarlac City Athletic Meet sa ika-11 ng Pebrero.
Ni Lanz Gomez
Ni Hana P. Andes
Kabuoang bilang: 1521 G7 361 G8 151 G9 410 265 G10 189 G11 145 G12
K NLUNGAN ANG
KAMPEONATO SA KURTO Nagpasiklab ang basketbolista ng THSians sa Intersecondary Sports Competition 2023. Kuha ni Ayezia Chloe Pontanes
Tikas... Pugay,
Larawang kuha mula sa Rappler.com