1 minute read
BITUING ISINILANG SAEarth
from Ang Balawas-Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Payompon Elementary School, SDO Occidental Mindoro
Tagumpay! Iyan ang napatunayan ng mga siyentipiko ang isang malaking pagbabago na maaring magbigay daan sa maraming malinis at abot-kayang enerhiya sa hinaharap. Matapos ang mahigit na kalahating siglo ng pananaliksik tungkol sa nuclear fusion, nagawa ng mga mananaliksik sa National Ignition Facility sa California ang mas malaking output ng enerhiya mula sa fusion experiments kaysa sa energy na ipinasok sa pamamagitan ng lab’s high-powered lasers, isang kahanga-hangang tagumpay na kilala bilang ignition o energy gain.
Ito ay malaki ang magiging epekto sa komunidad ng paaralan dahil sa mga benepisyong maaring makuha ng mga mag-aaral at guro sa pagkakaroon ng malinis at abot-kayang enerhiya. Ang mga reaksyon mula sa nuclear fusion ay hindi nagpapakalat ng greenhouse gases at radioactive waste by-products. Isang kilo lamang ng fusion fuel, na binubuo ng mga heavy forms ng hydrogen tulad ng deuterium at tritium, ay nagbibigay ng parehong enerhiya ng sampung milyong kilo ng fossil fuel.
Advertisement
Ang National Ignition Facility ay isang malawak at kumpleks ng mga laboratoryo na matatagpuan sa Lawrence Livermore National Laboratory sa Estados Unidos. Ito ay itinayo upang magsagawa ng mga eksperimento na nagpapakita ng mga proseso sa loob ng mga nuclear bombs. Sa tulong ng high-powered lasers, nagagawa ng mga siyentipiko na baguhin ang mga reaksyon sa loob ng nuclear bombs at ito ay malaking tulong sa pagpapanatili ng nuclear warheads na hindi na kailangang magpa-conduct ng nuclear tests.
Sa kabila ng tagumpay na ito, malayo pa ang landas na tatahakin upang mapalawak ang nuclear fusion bilang isang epektibong paraan ng enerhiya. Subalit, dahil sa tagumpay na ito, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng malinis at abot-kayang enerhiya sa hinaharap.
Ang matagumpay na pagtuklas ng nuclear fusion sa National Ignition Facility ay nagpapakita ng kakayahan ng tao na magamit ang enerhiya na galing sa mga bituin. Sa pamamagitan ng pagsisikap at pagsasakripisyo ng mga siyentipiko, maari na nating maabot ang isang malinis at masaganang enerhiya para sa ating mga paaralan at buong komunidad.
Na Napatunayan Ng Mga Siyentipiko Ang Isang Malaking Pagbabago
DOE National LAboratory Makes History by Achieving Ignition, U.S. Department of Energy, December 13, 2022. Retrieved from : https://www. energy.gov/articles/doe-national-laboratory-makes-history-achiev ing-fusion-ignition
Press Conference: Secretary Granholm & DOE leaders Announced Fusion Breakthrough by DOE National Lab, U.S. Department of energy, December 13, 2022. Retrieved from : https://www.youtube.com/ watch?v=K2ktAL4rGuY&t=4s
Scientists Achieved Nuclear Fusion Breaktrough With Blast 192 Lasers, Kenneth Chang, The New York Times, December 13, 2022. Retrieved from https://www.nytimes.com/2022/12/13/science/nucle ar-fusion-energy-breakthrough.html
U.S. scientists reach long-awaited nuclear fusion breakthrough, sources says, Ella Nelsen, CNN, December 13, 2022. Retreived from https:// edition.cnn.com/2022/12/12/politics/nuclear-fusion-energy-us-scien tists-climate/index.html
Nuclear-fusion lab achieves “ignition” : what does this mean?, Jeff Tollefson and Elizabeth Gibney, nature.com, December 13, 2022. Retreived from https://www.nature.com/articles/d41586-022-04440-7