MPLD Ang Baranggay 2023-2024 Official School Paper

Page 1

PETANGHAL

Dramatics Club, imbitado sa “Walang Aray”

IAshley Joy Orpilla

nanyayahan ang Dramatics Club (DC) Mataas na Paaralang

Lakan Dula na mapanood ang re-run show ng ‘Walang Aray’ ng Philippine Educational Theater Association (PETA), na ginanap sa PETA Theater Center sa Quezon City, nitong Oktubre 13, 2023.

Sa pagsasama ng ACS Manufacturing Corporation at PETA, naipadala ang mahigit 400 magaaral mula sa 13 paaralan, kasama ang 43 estudyante ng MPLD at ang tagapayo ng Dramatics Club na si G. Edberg Morales, pati na rin ang anim pang guro.

Ayon sa Presidente ng Dramatics Club, Camille Rose Aquino, malaking bagay na maimbitahan upang mapanood ang play dahil nagkaroon sila ng kalaaman na maaari nilang magamit sa kanilang

Dramatics Workshop at school play.

“Sobrang tumatak sa akin ang Walang Aray. Isang pribilehiyo na makapanood ng isang likhang sining lalo na makatutulong ang napulot naming kaalaman mula rito sa paggawa namin ng school play production at workshop na kung saan matututo rin ang ibang mag-aaral sa pagsasagawa ng play na maaari nilang gamitin sa kanilang pag-aaral,” ani Aquino.

sundan sa p. 3

Tingnan ang kabuuan ng diyaryo sa sumusunod na

QR Code:

D.E.A.R LOLA BASYANG

Catch-up Friday, umaarangkada na

Inimplementa ng Department of Education ang ‘Catch-up Friday’ o DepEd Memorandum 001 series 2024 nitong Enero 12, 2024 sa mga pampublikong paaralan upang ipatupad ang ‘Drop Everything and Read (D.E.A.R.)matapos bumaba ang Pilipinas pagdating sa numeracy at literacy base sa inilabas ng Program for International Student Assessment (PISA).

Batay sa memorandum, naka tuon ang buong araw ng Biyernes sa pagbasa at iba pang kaalaman na may kaugnayan sa pag bilang, pagpapakatao, kalusugan, at komunikasyon na mapakikinabangan ng bawat estudyante.

Layunin ng DepEd na pataasin ang literacy at numeracy rate o kakayahang sumagot ng mga simpleng matematika at abilidad na umintindi ng binabasa, upang mapaangat pa ang pwesto ng Pilipinas matapos rumanggong ika-77 sa literacy at ika-79 sa agham sa nagdaang PISA. Ayon sa punong kagawaran ng English, Gng. Yolanda

B. Linaja, isa pang dahilan kung bakit ipinatupad ang Catch-up Friday ay dahil sa learning losses o paghina ng kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral dulot ng pandemya.

“Bukod pa sa Catch-up Friday patuloy na isinasagawa ang Development Reading Program ng Lakan Dula sa mga mag-aaral na nasa non-reader at frustration reading level, nakapokus ang ating mga development reading teachers sa pagpapaunlad ng reading comprehension ng mga estudyante,” aniya.

“Sobrang halaga ng Catch-up Friday hindi lang sa akin kundi sa lahat ng mga estudyanteng hindi makasabay sa kanilang klase dahil

sa kakulangan ng pagtutok ng mga guro sa mga mag-aaral na nahihirapang bumasa at umunawa ng mga reading materials,” pahayag ni Cassandra Mei Ramos, 10-2. Giit pa niya, hindi lamang mga guro sa asignaturang Ingles o Filipino ang magsasakatuparan ng programang ito, kundi lahat ng guro sa iba pang mga asignatura na mapaunlad ang overall academic performance ng mga estudyante. Samantala patuloy na ipatutupad ang Catch-up Friday hanggang sa katapusan ng panuruang taon 20232024, at sa pagpasok ng Pebrero ay tiniyak na magkakaroon ng iba’t ibang aktibidad na may kinalaman naman sa literatura at pagbilang.

Jhared Carlo Cornes
TAONG MMXIV BLG II|PEBRERO 2024 MATAAS NA PAARALANG LAKAN DULA|JUAN LUNA ST., TUNDO MANILA
Obra ni John Cedrick Absulio

Kami ang huhulma ng mga kabataan at mag-aaral na MATATAG - Sara Duterte Vice President at Secretary of Education “

Girl Scouts, nakiisa

sa Int’l Coastal Clean-up

Patricia Dhenise B. Pacunayen

Tirik man ang sikat ng araw, hindi nagpapigil ang mga piling Girl Scouts ng Mataas na Paaralang Lakan

Dula na nakiisa sa 38th International Coastal Clean-up (ICC) alinsunod sa Memorandum 088 series 2023 sa Manila Bay na may temang “Clean Seas for Healthy Fisheries”, noong ika-16 ng Setyembre 2023. Layunin ng memo na buhayin ang bayanihan at pangalagaan ang kalikasan sa dumaraming basura sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) katuwang ang SM Cares.

Ayon sa kanilang gurong tagapayo, Gng. Elen Pineda, isang malaking tulong sa kalikasan ang mga aktibidad na kanilang ginawa lalo na’t sobrang daming kalat ang kanilang nakolekta sa Manila Bay. “That activity is really a very good one to help our environment, like our Manila Bay, we have to keep that clean for us Filipinos. The trash that we got from that area was really terrible,” aniya.

Saad naman ng pangulo ng MPLD-Girl Scout, Rayzen Ann

Espinosa, malaking tagumpay para sakaniya ang nasabing programa matapos makakolekta ng tone-toneladang basura at upang mahasa ang kaniyang husay sa pagiging lider na maaaring maibahagi sa paaralan.

Kaugnay nito, nakiisa sa programa si Manila Mayor Maria Sheilah Honrado Lacuna at DENR Assistant Secretary for Field Operation and Director Gilbert Gonzales at Fifth District Representative Irwin Tieng, kasapi ang ibang boluntaryo mula sa iba’t ibang Non-Government Organization (NGO), at organisasyong pampaaralan.

Samantala, ibinahagi rin ni Gng.Pineda ang kanilang isasagawang aktibidad sa buwan ng Nobyembre, ang “The Savers”, na may layuning magturo ng mga survival tips upang masigurado ang kaligtasan ng iba pang mag-aaral sa biglaang sakuna.

Pagtaas ng Inflation Rate, Pasakit sa Lakan Dulans

Patuloy ang pag-angat ng inflation rate sa Pilipinas o pagsipa ng presyo ng mga bilihin na nagpapahirap sa mga Pilipino lalo na sa mga estudyante.

Kaugnay nito, nagsagawa ng sarbey kamakailan ang patnugutan ng ‘Ang Baranggay’ sa 829 estudyante ng Mataas na Paaralang Lakan Dula hinggil sa epekto nito sa kanilang baon.

TEENTREPRENEUR

TIP, NAGHATID TULONG SA MPLD

Madaling magtayo ng negosyo, pero mahirap maging negosyante

- Chinkee Tan

Pinatunayang may ibubuga pagdating sa negosyo ang 40 mag-aaral na binubuo ng walong grupo mula sa Mataas na Paaralang Lakan Dula at Tondo High matapos makiisa sa programang ‘Teentrepreneur’ na inilunsad ng TELUS International Philippines (TIP) upang hasain ang husay ng bawat estudyante pagdating sa pagpapaikot ng pera, Nobyembre 2023.

Ayon kay Corporate Social Responsibility Team Leader ng TELUS Ph, Ivette Lynn Ramos layunin ng programang magbahagi ng kaalaman sa mga estudyante tungkol sa marketing strategies, financial management, online selling, values formation at iba pa na may kaugnayan sa pagnenegosyo.

“We saw the potential of high school students. We like them to see that there is another path in terms of career choice not just as a corporate job, they can also be entrepreneurs,” aniya.

Kaakibat nito, namahagi ang TIP ng P3,000 ‘seed money’ o puhunan sa itatayong negosyo ng bawat grupo upang masukat ang kakayahan ng mga estudyante sa pagpapaikot ng pera at mapalago ito.

Kaugnay nito, ibinida ng bawat pangkat ang kanilang mga produkto sa pamamagitan ng online at physical selling sa paaralan kasabay ng pagdiriwang ng United Nations 2023 na siya namang ginamit upang magpresenta ng ‘Business Model Canvas’ sa huling araw ng sesyon.

Pasakit sa mga komyuter PCO, ipinagpatuloy ang jeepney phase-out

Naitala na mahigit 69.7% o 578 estudyante ang nagsabing hindi sumasapat ang P100 na kadalasang baon, habang 30.3% o 251 na mag-aaral naman ay napagkakasya ang kanilang baon para sa buong araw.

Batay sa resulta ng sarbey, 54.2% mag-aaral ang naglalaan ng kanilang baon para sa pagkain habang 25.8% naman ang napupunta sa pamasahe at 20% ay nakalaan sa iba pang gastusin sa paaralan.

“150 ang baon ko sa isang araw and mostly sa pagkain ko ito ginagastos at dumagdag pa ang mataas na presyo ng pamasahe dahil sa pagtaas ng rate ng inflation habang nagkakaroon din ng biglaang bayarin sa paaralan. Kaya hindi talaga sumasapat ang baon ko sa isang araw,” ani ni James Agosto, 10-1. Bukod pa rito, iginiit ng Canteen Manager, Bb. Monica Rosales, umaabot sa P35 hanggang P65 ang presyo ng mga bilihin tumaas kumpara noong nakaraang taon dahil sa pag-angat ng inflation.

“Oo, malaki ang epekto ng inflation sapagkat naaapektuhan nito ang pagbu-budget ng pang araw-araw na nilulutong putahe sa canteen para sa mga guro at estudyante. Sa kabila nito, tinitiyak namin na hindi masa-

Pasakit

sa ilang mag-aaral at guro ng Mataas na Paaralang Lakan Dula ang mangyayaring ‘Jeepney Phase-out’ sa Abril 30, 2023 na inanunsiyo ng Presidential Communications Office (PCO), nitong ika-24 ng Enero, 2024.

Ayon sa PCO, inaprubahan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang rekomendasyon ni Transportation Secretary Jaime Bautista na bigyan pa ng tatlong buwang palugid ang mga unconsolidated jeepneys.

Sa kabilang banda, nagsagawa ng sarbey ang opisyal na pahayagang ‘Ang Baranggay’ sa mga Lakan Dulans patungkol sa mangyayaring ‘jeepney phase-out’ at lumabas na 77.9% ng mga estudyante ang apektado nito habang 22.9% naman ang hindi. Kaugnay nito, 65.3% din ng mga mag-aaral ang hindi sang-ayon sa programang modernisasyon, habang 13.7% dito ang sang-ayon, at 21.1% naman ang wala pang pasiya.

Pahayag ni Heather Sochayseng, 10-2, isa sa mga apektado ng ‘Jeepney Phase-out’, malaki ang epekto ng jeepney phase-out lalo na sa mga komyuter katulad niya dahil sa pahirapang pagsakay at hindi na magiging sapat ang kanyang baon dahil sa patuloy na pag

“As a student na nag start ng mag business ng jelly milk mas natutunan kong kung gaano kahalaga ang may kaaalaman pagdating sa negosyo. Mas natuto akong mag handle ng pera at mas napalago ko ito sa tulong na rin ng mga lessons sa Teentrepreneneur,” pahayag ni Yurie Mae R. Cardona, 10-1.

Samantala, naiuwi ng grupong ‘Aesticky’ mula sa MPLD ang panalo na nagkakahalaga ng P5,000 bilang pang dagdag puhunan sa ibinida nilang produktong kakanin delicacy matapos masungkit ang titulong ‘Best Business Model’.

“Malaki ang tulong ng pinaghati-hatian naming panalo na P5,000, sapagkat ibinigay ko ‘to sa aking nanay upang puhunan para sa kanyang negosyo,” ani Lenin Zendix Azar Carpio, 10-2.

TDOG ng TIP, isinagawa

Sa kabilang dako, pagod at puyat naman ay hindi naging balakid sa 1,000 mga boluntaryo ng TIP at 60 guro matapos ilunsad ang ‘TELUS Days of Giving’ (TDOG) sa MPLD upang ayusin at pagandahin ang paaralan sa pagsalubong ng Brigada Eskwela, Agosto 12, 2023.

Isinaayos ng TIP ang paaralan sa pamamagitan ng paglalagay ng mural sa bawat pader at pagpipintura ng 200 upuan at hagdanan, upang mabigyan ng komportableng silid-aralan ang mag-aaral habang namigay rin sila ng 120 stand fan na ibinahagi sa kada kwarto.

Sa kabilang banda, nagbigay ng pahayag si TELUS International President and Chief Executive Officer (CEO), Jeff Puritt, patungkol sa kanilang paniniwala na ang kabataan ay tunay na pag-asa ng bayan na magpapakalat ng kabutihan sa mga taong nangangailangan at magpapamalas ng husay.

“Children truly are the most precious resource that has been entrusted to us, not only as parents and family members, but also as a global community,” saad niya.

NEric

akapagtala ang Department of Education (DepEd) ng pagbaba ng mahigit limang milyong enrollees bago magsimula ang panuruang taon 2023-2024, isa ang Mataas na Paaralang Lakan Dula na apektado nito nang mabawasan ng 197 mag-aaral o 3.8% kumpara noong school year 2019-2023. Batay sa Departamento ng Sipnayan ng MPLD, nakapagtala ang paaralan noong 2019-2020 ng 5,227 enrollees at bumaba ito sa 5,112 noong 2020-2021, at patuloy pang bumababa ngayong panuruang taon dahil na rin sa pagpapatupad ng lockdown at modyular na pagkatuto noon.

Ayon kay Gng. Eleonor Celestiano, guro sa Pilipino, posibleng rason ang pagkakaroon ng problema sa pinansyal, mental health, at maagang pagbubuntis sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga magaaral.

Kontra Teenage Pregnancy Kaakibat nito, nagsagawa ng isang seminar sa Multi-purpose Hall kasapi ang Manila Health Department (MHD) na tumatalakay sa Sex Education na may temang “Adolescent Sexuality and Reproductive Health (ASRH), Batang Ina, Batang Ama (BIBA)”, ika-8 ng Nobyembre 2023. Layunin nitong bigyang kaalaman ang mga estudyante patungkol sa mga pagbabago sa kabataan pagtungtong ng pagdadalaga’t pagbibinata, at magkaroon ng ideya tungkol sa pagdadalang-tao.

Pahayag ni Bb. Dessa Macaspac, mula sa Kagawaran ng Araling Panlipunan, dahilan ng pagtigil ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral ay ang maagang pagbubuntis.

“Dahil sa dulot ng modernong panahon, ang mga bata sa ngayon kahit nasa baitang pito pa lamang ay maalam na sa mga pagbubuntis,” aniya.

Batay sa isinagawang sarbey ng opisyal na pahayagang ‘Ang Baranggay’, mayroong 67% Lakan Dulans mula sa iba’t ibang baitang ang may kaalaman patungkol sa Sex Education at 33% naman ang walang kaalaman dito, habang 81% mag-aaral naman ang pabor na ituro ito sa mga pampublikong paaralan, 21% naman ang salungat dito.

Kaayusan sa Mentalidad

Samantala, nagsagawa rin ng panayam na nauukol sa Mental Health Program ang MPLD sa multi-purpose hall upang

mapagtuunan ang mental na kalusugan ng mga mag-aaral at mapabuti ito, ika-23 ng Oktubre 2023.

Tinalakay sa programa na isa sa dahilan ng paghinto ng pag-aaral ng mga mag-aaral ang problema sa mental health na patuloy na sumasagabal sa kanilang pagkatuto. Kaugnay nito, naipakita rin sa sarbey ng ‘Ang Baranggay’ mayroong 67% na magaaral ang sumasang-ayon na humahadlang sa kanilang pag-aaral ang problema sa mental health habang 49% naman ang hindi naaapektuhan nito.

TULONG SA PAGBANGON

Project Tugon ng SSLG, abot tulong sa mga nasunugan Camille Rose T. Aquino

Napatunayan naming hindi tayo nag-iisa kundi nakasuporta at patuloy na nakikiisa ang mga batang Lakan Dulans - SSLG Batch Liwayway

Damang-dama ang diwa ng kapaskuhan at bayanihan sa inilunsad ng Supreme Student Learners Government (SSLG) na ‘Proyektong Tulong sa Pagbangon’ (TuGon) upang maghatid ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Calumpit St., Tundo, Maynila, nitong Disyembre 2023.

Ayon sa gurong tagapayo ng SSLG, G. Christian Baleza, dalawang Lakan Dulans ang nabiktima ng insidente kaya kaagad silang naglunsad ng donation drive na layuning hikayatin ang mga mag-aaral at kaguruan na magbahagi ng kagamitang maibibigay bilang donasyon katulad na lamang ng pagkain, tubig, damit, toiletries at iba pa. Kaakibat nito, tinatayang nasa 12 kahon ng damit at 15 plastik ng hygiene kits at pagkain ang naipamahagi ng Project TuGon, habang patuloy naman ang pag-aarangkada ng mga proyekto ng SSLG Batch Liwayway para sa nalalabing buwan ng panuruan.

“In action kaagad ang SSLG pagdating sa pagtulong, lalo na at isa itong obligasyon. Yung mga maliliit na donasyon na nakalap natin, kapag pinagsama-sama ay malaki talaga ang maitutulong sa mga kababayan nating nangangailangan. Totoo ngang kapag nagtulong-tulong ang bawat isa sa atin, ang layunin ay maisasakatuparan,” ani Baleza. Sa kabilang banda, labis naman ang pasasalamat ni Edelberto Arellano, 10-1, sa mga hindi nakalimot at nagawang tumulong kahit sa maliit na paraan sa mga nasunugan katulad niya.

“Maraming salamat sa nakiisa sa proyektong ito dahil kahit na alam naman natin na pare-parehas tayong kapos nagawa pa rin ng iba tumulong,” aniya. Samantala, pinangunahan naman ni SSLG President, Tristan Gabriel De Lara, ang pakikipagkapit-bisig at pamamahagi ng donasyong nakalap ng Project TuGon sa mga mag-aaral na biktima ng sunog mula sa Florentino Torres High School.

BALITA 02 BALITA TAONG MMXIV BLG II|PEBRERO 2024 Kalasag ng Katotohanan 03 MATAAS NA PAARALANG LAKAN DULA|JUAN LUNA ST., TUNDO MANILA MATAAS NA PAARALANG LAKAN DULA|JUAN LUNA ST., TUNDO MANILA
Roselyn Mae G. Pasaforte
Crystal Jimeno at Heather Sochayseng 20% 25.7% 54.3% Pamasahe Pagkain Gastos sa School
Cassandra Mei I. Ramos
Dulot ng Mental Health at Teenage Pregnancy Enrollees, bumagsak ng 3.8% Shean
Mei Ramos TEENdahan Nagpakitang gilas ang piling mag-aaral ng Mataas na Paaralang Lakan Dula (MPLD) sa pagtatayo ng negosyo matapos lumahok sa ‘Teentrepreneur’ na itinatag ng TELUS International Philippines (TIP), Nobyembre 11,2023. Sa bagong karanasang nilakbay, nakita ang halaga ng bawat minuto, sipag, at sentimo na magiging daaan sa magandang kinabukasan.
Loma at Cassandra
Dibuho ni Penelope Tagasa Templaza
Shean Eric Loma
Dibuho
ni
Kuha ni Ramon Fernandez
Kuha ni John Cedrick Absulio

Teachers Got Talent, idinaos sa MPLD

Hindi pa kami laos!

Makalipas ang apat na taon nagpamalas muli ng iba’t ibang galing ang mga guro sa bawat departamento na nakisaya sa programang ‘Teacher’s Got Talent’ (TGT) kasabay nito ang paggunita ng 61st Foundation Day ng paaralan, Disyembre 2023. Ayon sa Faculty President ng paaralan, G. Jun R. Correa, ibinalik muli ang programang ‘Pinasaya’ na inihinto naman noong 2019 dahil sa pandemya at muling ibinalik nitong nakaraang taon at pinalitan ng TGT, isang kompetisyon sa pagitan ng mga guro na layuning maipamalas muli ang kahusayan at talento ng tagapagturo mula sa iba’t ibang departamento.

“Iba-iba ang ginagawa kong pamamaraan para maipamalas ng mga guro ang

kanilang mga kahusayan pagdating sa pagsasayaw, pagkanta at kung anumang talento na mayroon sila, dahil gusto kong maipadama sa kanila na hindi pa kami laos sa ganitong edad, may maibubuga pa rin kami pagdating sa pagtatanghal,” aniya.

Pinahayag naman ni Crystal Gem T. Jimeno, 10-2, lubos ang kaniyang lubos pagkatuwa nang makasama sa programa at masaksihan ang pagpapamalas ng mga guro ng kanilang kakayahan, ikinagulat din niya na hindi lamang sa pagtuturo kundi may ibubuga rin pagdating sa pagtatanghal.

Kaakibat nito, nagbahagi ng kaniyang karanasan si Bb. Mangel Caño, guro mula sa Kagawaran ng Edukasyon sa Pagpapakatao, sa kabila ng paghihirap sa paghahanda ng palabas nanaig pa rin ang tuwa ng masilayan ang tuwa ng mga Lakan Dulans.

“Fullfiling and happy dahil nakapagpasaya kami ng students, masaya because iyon ang side ng teacher na hindi nakikita ng students. Not just basing from the way we teach but also with the skills na meron kami and talents,” ani Caño.

Kaugnay nito, naiuwi ng Kagawaran ng Filipino ang gantimpalang P10,000; MAPEH Department, P7,000 sa ikalawang pwesto; AP Department, P5,000 naman sa ikatlong karangalan.

Samantala, naging matagumpay ang pagdaraos ng Foundation Day matapos magtanghal ang mga estudyante mula sa iba’t ibang baitang sa isinagawang field demo.

Pagtatanim, pamasko ng DepEd sa kabataan; isinagawa na

Matagumpay na nakilahok ang Mataas na Paaralang Lakan

Dula sa DepEd Memorandum 069 o “DepEd’S 236,000 Trees A Christmas Gift for the Children” bilang regalo sa mga kabataang Pilipino, at pagsuporta sa pagtatanim ng mga puno upang pangalagaan ang kalikasan, Disyembre 6, 2023. Nakiisa rito ang Youth for Environment

in School Organization (YES-O), Supreme Secondary Learners Government (SSLG), kasama ang punongguro ng paaralan na si Bb.

Merle B. Angon at mga piling guro mula sa bawat departamento kung saan nagtanim sila sa bakanteng lupa ng Building 5. Sa pamamagitan ng praktikal na pagtuturo, naninindigan ang DepEd na mas mapapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga problemang pangkapaligiran upang matututuhan

mula sa pahina 1

Paliwanag ng isa sa mga prodyuser, Jun Reyes na apo ni Severino Reyes, kilala bilang ‘Father of Philippine Zarzuela’, isang paraan ang teatro upang maghatid ng mensahe at magbigay linaw sa mga mamamayan tungkol sa mga kaganapan sa lipunan.

“This is another way of communicating that idea. So yung mga sinasabi nila, mga ginawa ni Rizal, it’s another form of saying the same message, in an entertaining way. It’s a nice way to actually open our eyes through the entertaining way as opposed to lecture,” aniya.

Kaugnay nito, hinango ang Walang Aray sa sikat na sarsuwelang ‘Walang Sugat’ ni Severino Reyes na tumatalakay sa pag-iibigan ng dalawang magkasintahan noong panahon ng kastila na hinadlangan ng rebolusyon at higmagsikang naganap.

Batay kay Morales, nakikita niya sa Walang Aray ang nararanasang panggigipit ng mga nasa posisyon sa panahon pati ang kaso ng pagpapakulong at pagpatay sa mga Pilipino.

“I’m going to be honest. The politicians, the leaders that are supposed to be the one governing us, leading us, are also the ones who are serving as our oppressors, restraining us from speaking our mind, restraining us from

freely expressing what we think there had been a lot of incidences where people who spoke their minds have been abducted, have been kidnapped, have been arrested, some of them were detained and unfortunately there are a few who were murdered,” giit ni Morales. Bukod pa rito, inihayag niyang malaking kaginhawaan na makapanood ng live stage play upang maibahagi sa mga estudyante ang mga paggalaw na ginagawa sa loob ng production.

“I realized that we need to start learning how to arrange songs. It’s important to have this skills of arranging song, ‘yung skills of musicality so that we can utilized this tracks that we’ll be using and make sure that it will fit well to every scene. Hindi lang basta-basta salpak nang salpak ng kanta,” ani Morales.

Samantala, naging parte rin ng tagapanood ang mga bida ng Hamilton Musical, isang sikat na palabas sa teatro, na nasa Pilipinas pansamantala para sa kanilang World Tour.

Sa kabilang banda, naimbi

Building 4 at 7, balik operasyon na

Makalipas ang limang taong balakid, napakinabangan muli ng Mataas na Paaralang Lakan Dula ang Building 4 at 7 matapos maisaayos ang daloy ng kuryente para maging ‘fullyfunctional’ upang magamit ng mga mag-aaral, Nobyembre 2023.

Matatandaang giniba ang gusali noong 2018 at muling binuksan nitong 2020 upang masolusyunan ang paglobo ng populasyon ng mga mag-aaral sa paaralan.

Iginiit ni Bb. Merle B. Angon, punongguro ng MPLD, ang sanhi ng pagkawala ng kuryente ay ang pagkasira ng circuit breaker sa mga nasabing gusali na dahilan ng pag-iinda ng mga mag-aaral sa init.

“Nakipag-ugnay ang paaralan sa mga contractors at alumni na nagbigay ng tulong kung kaya’t napabilis ang proseso ng pagbili ng circuit breaker,” aniya.

Ayon naman kay Gng. Grace Servano, guro sa agham na nagtuturo sa Building 7, malaking bagay ang pagbabalik ng kuryente dahil lubos na apektado nito ang kalusugan ng mga mag-aaral at kaguruan dahil sa sobrang init ng panahon.

“Dahil sa pagkawala ng kuryente sa building 4 at 7, nagkaroon ng hika at iba’t ibang komplikasyon sa kaguruan at mga mag-aaral buhat ng walang sa functioning electric fans at air ventilations,” saad pa ni Ginang Servano.

ng bawat estudyante na maging responsable sa kanilang tungkulin bilang parte ng komunidad.

“Mahalaga ang pagtatanim ng puno sa mga paaralan dahil sa dumaraming mga basurang nakakalat sa ating eskwelahang na nagsasanhi ng climate change. Tayo’y makiisa para sa maging maganda ang ating paaralan,” pahayag ni Lenin Zendix Carpio, 10-2.

BALIK TANAW

Retired Teachers at Alumni muling

Tunay na masarap balikan ang nakaraan matapos na idaos ang ‘LDHS Grand Alumni Homecoming 2023’ nang makiisa mahigit 1,000 alumni mula sa Batch ‘67 hanggang ‘07, Nobyembre 18, 2023. Ayon kay Alumni Chairman at Pangulo ng Batch 2001, G. Christopher Carlos III, lubusan ang kanilang paghahanda upang maisasakatuparan ang nasabing programa at maibalik ang diwa ng pagkakaibigan at masilayan muli ang kanilang paaralan. Kaugnay nito, binigyang papuri ng mga Alumni ang Mataas na Paaralang Lakan Dula nang makita ang matataas na gusali, makukulay na pader at mga renobasyong isinagawa sa paaralan.

“Nakatataba ng puso ang muling pagbabalik ko sa Lakan Dula at mas lalo itong gumanda at muling bumabalik ang mga alaala ko noong highschool. Pero kahit na matagal na, patuloy

kong ipinagmamalaki na mula ako sa Lakan Dula,” ani Gng. Yvonne Daez, Batch 1981. Kaakibat nito, patuloy ang paghahatid ng donasyon ng mga alumni upang mapaigting ang kaligtasan ng bawat mag-aaral at pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga estudyante.

Batay sa Puno ng Kagawaran ng Agham, Gng. Joanne Fel H. Liwag, namahagi ng tulong ang mga alumni tulad na lamang ng CCTV, pintura, electric fan at mga scholarship simula baitang 7 hanggang sa magtapos sila ng sekondarya.

“Malaki ang naidudulot ng pagtulong nila sa paaralan dahil napaganda at isinaayos ang mga dapat ayusin sa school at nakatutuwa dahil hindi lang paaralan ang kanilang pinagtuunan kundi ang pangangailangan din ng mga kabataan,” aniya.

Retiradong guro, nagtipon Sa kabilang banda, muling nagsama-sama at nagbalik ang mga naging haligi ng MPLD

nagbalik

upang makiisa sa ‘Retired and Promoted Teachers Reunion’ na dinaluhan ng mga kawani at mga dating guro ng paaralan. Pahayag naman ng puno ng Kagawaran ng Araling Panlipunan, Gng. Eunice R. Deloso, nagkaisa ang mga retiradong guro at alumni upang maisakatuparan ang muli nilang pagkikita-kita.

“Nakatutuwa na makita at masilayan muli ang paaralan na humubog at humulma sa akin bilang isang guro, at masilayan muli ang mga tagumpay na iniwan ko sa paaralan at makita rin ang patuloy na pagkuha ng mga tagumpay ng publikadyong ‘Ang Baranggay’,” pahayag ni Yolanda Perez, dating tagapayo ng ‘Ang Baranggay’.

Brgy 163,

Pinaigting ng kawani ng Baranggay 163, Zone 14 ang pagbabantay sa bawat estudyanteng tatawid mula sa Mataas na Paaralang Lakan Dula upang matiyak ang kaligtasan ng mga magaaral.

Ayon kay Gng. Lourdes Gutierrez, punong-baranggay lalo pa nilang pinaiigting ang pagbabantay ng higit 5,000 mag-aaral na tumatawid at pagbabantay sa mga CCTV camera simula alas-sais ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

DUGONG LAKAN, patuloy

na namamayagpag

Muling nagpakitang gilas ang mga mag-aaral matapos humakot ng iba’t ibang parangal sa larangan ng matematika, agham at pamamahayag.

MATH-TATAG

Matagumpay na naiuwi ang gintong medalya nina Xylene Resha M. Terminio, Princess Junice U. Obreque at Jared Andrei Joval sa idinaos na 2024 Biggest Solver, Inter-School Math Olympiad na ginanap sa Philippine Cultural College, Enero 13, 2024.

Kaakibat nito, nakamit rin ni Terminio ang Gold Medal sa isinagawang Philippine International Math and Science Olympics (PIMSO) na isiginawa online, Agosto 2023.

Dagdag pa rito, nakuha rin nina Obreque, Jared Agosto, Jasper Agosto, ang Silver Awards, habang Bronze Award naman kay Julian Avi Mojica.

AGHAMazing

Nasungkit rin ni Jasper Agosto ang gintong medalya habang nabingwit din nina

Maryan Mavis Mascariña, Lenina Azar Carpio, James Agosto at Xylene Resha Terminio ang Silver Awards sa larangan naman ng Agham sa PIMSO. PLUMAlayag

Patuloy na lumalayag sa tagumpay ang opisyal na pahayagan ng Mataas na Ang

Baranggay at The Barangay matapos magkamit ng iba’t ibang parangal sa ginanap na Division School Press Conference (DSPC) na isinagawa sa Raja Soliman Science and Technology High School, nitong Marso 9, 2024.

Natamo ni Jhared Cornes, 10-1, ang unang pwesto sa Pagsulat ng Agham at Teknolohiya, nakuha rin ni Shajeena Mastura, 10-1 ang ikalawang pwesto para naman sa Pagsulat ng Editoryal habang nakamit ni Mark Jacob Mendoza, 10-1

at Clint Jeish Agustin, 10-5, ang ikatlong pwesto sa Copyreading and Headline Writing at Photojournalism. Sila ang magiging pambato sa Maynila para makipaglaban sa gaganaping Regional School Press Conference (RSPC).

Nabitbit din ni John Cedrick Absulio, 10-1 ang ikaapat na pwesto sa Pagguit ng Kartun Pang-editoryal at naiuwi rin ni Cassandra Mei Ramos, 10-2 , ang ikaanim na pwesto para naman sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita.

Samantala, nakamit rin nina Roselyn Mae Pasaforte at Charles Salatambos ang ikawalong pwesto para sa Pagsulat ng Balita at Editorial Cartooning.

Sa kabilang banda, patuloy na lumalayag ang ‘Ang Baranggay’ tungo sa tagumpay matapos magkamit ng iba’t ibang parangal sa ginanap na Hiraya National Literary and Journalism Conference na may temang ‘Unveiling the Unheard Narrative’.

“Bilang pinuno ng baranggay na ito, nagtalaga ako ng tatlong baranggay tanod upang gabayan at siguraduhing ligtas ang mga estudyanteng papasok at lalabas ng paaralan lalo na sa pagtawid ng kalsada,” dagdag pa niya. Batay naman kay Ashley Joy Orpilla, mula sa 10-5, malaking tulong ang ginagawang pagbabantay ng mga tanod sa tapat ng paaralan upang gabayan sila sa kanilang pagtawid at masigurado ang kanilang kaligtasan mula sa mga pasaway na drayber.

“May times na hirap akong tumawid lalo na kung maraming sasakyan kaya nakatutulong talaga yung mga tanod na nagbabantay,” Aniya. Kaakibat nito, mabilis na umaaksyon ang baranggay kapag may mga nagreklamong estudyante na nananakawan o ‘di kaya may nag-aaway sa labas ng eskwelahan. Dagdag pa niya, noong mga nakaraang taon, may mga outof-school youth na nag-aabang sa gate para makipag riot at nanghihingi ng pera sa lalabas ng Lakan Dula, ngayon wala nang ganoong kaso. Sa kabilang dako, natuwa si Gutierrez matapos na makipag-ugnayan ang guidance counselor ng paaralan sa Brgy. 163 upang mapanagutan ang mga pasimuno ng gulo sa labas ng MPLD. Samantala, magsasagawa ng proyekto ang Baranggay 163 para sa mga kabataan katulad na lamang ng ‘Prescription Eye Glasses’ para sa mga mag-aaral na malabo na ang mata at nagpaplano na silang magkaroon ng community library.

04 BALITA Kalasag ng Katotohanan BALITA 05
MATAAS NA PAARALANG LAKAN DULA|JUAN LUNA ST., TUNDO MANILA "Walang Aray"... Kathleen Anne Gonzales ss Ginalyn Maurillo at Ramon Fernandez Allana Grace De Leon at Cassey Samonte Roselyn Mae G. Pasaforte
tiniyak
ang seguridad sa Lakan
Crystal Gem Jimeno James A. Agosto Kuha ni John Cedrick Absulio IBALIK ANG NAKARAAN Idinaos ang ‘Grand Alumni Homecoming 2023’ ng mga 1,000 mag-aaral at mga retiradong guro upang magkita-kita at alalahanin ang mga alaala noong sila’y mga estudyante at guro pa lamang sa Mataas na Paaralang Lakan Dula, Nobyembre 18, 2023. APAT NA TAONG PAGKATULOG Muling binuhay ng mga guro ang kanilang talento matapos magpakitang gilas sa programang Teachers Got Talent (TGT) kung saan labis na ikinatuwa at ikinagulat ng kani-kanilang mag-aaral noong Disyembre 2023. Kuha ni Ramon Fernandez Kuha ni Ramon Fernandez Kuha ni Ramon Fernandez
DROP OUT RATE NG LAKAN DULA MATAAS NA PAARALANG LAKAN DULA|JUAN LUNA ST., TUNDO MANILA TAONG MMXIV BLG II|PEBRERO 2024
Obra ni Penelope Tagasa Templaza

ng Kasanayan

a pagmamasid ko sa paligid ay isang usok ang nakapagbabahala sa akin. Usok na nagmumula sa bibig ng isang kabataan na nalulong sa maling akalang ‘cool’ ang gawing ito. Sa kanilang paghithit ng nakasanayan, nagkukulay itim ang kinabukasan na kanilang ibinubuga.

Ayon sa Global Youth Tobacco Survey ng World Health Organization (WHO), isa sa kada pitong estudyante edad 13 hanggang 15 ang gumagamit na ng e-cigarettes. Nakagigimbal na mas lumala ang kaso ng ilegal na pagkahumaling ng sa kabataan dahil sa mapagbalat kayong propaganda sa likod nito, na mas ligtas at pupuwede ito sa menor-de-edad. Napag-alaman sa pag-aaral ng Institute for Global Tobacco Control, na 2,000 tindero ang nagbebenta ng e-cigarettes sa humigit kumulang 270 na paaralan. Malinaw na labag sa Batas Republika Blg. 9211 o Tobacco Regulation Act of pagbebenta ng produktong tobako sa loob ng 100 metro ng mga eskwelahan. Nakasusuklam na ganito kadesperado kompanya ng tobako magpayaman, pati ang mga inosenteng bata ay kanilang minamanipula at dinadamay. Isa pa, bagaman mas delikado ang tradisyonal na paninigarilyo kaysa sa e-cigarette, nakapanghahamak pa rin ang kemikal na nilalaman ng vape, katulad ng nikotina, sa kalusugan at pagkatuto ng bata. Maaari ring magdulot ng sakit sa baga, emphysema at chronic obstructive pulmonary disease (COPD) ang nilalaman nitong acetaldehyde at formaldehyde. Kaya, isang malaking miskonsepsyon ang sinasabing mas ligtas ang vapes kaysa sa sigarilyo dahil pareho lamang itong may malaking pahamak sa tagatangkilik nito, lalo na sa bata.

Ano ang pulso mo sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP)?

Hindi kailanman maituturing na maangas o ‘cool’ ang pagv-vape ng kabataan.

Ayon sa guidance counselor ng Mataas na Paaralang Lakandula, anim na estudyante ang nakumpiskahan ng vapes ngayong unang quarter ng panuruang taon. Nababahala ako sa mga kaibigan ko na kasing-edad ko lamang na gumagamit nito bilang kanilang ‘coping mechanism’ sa pag-aaral o personal na problema. Nakalulungkot na tila ba normal na lamang ang paggamit nito at hinahayaan lamang sila ng kanilang magulang sa ganitong bisyo.

Inaamin ko na isa rin ako sa mga napaniwala na mas mainam na alternatibo ang vape sa sigarilyo at ito ay pupuwede sa bata, ngunit namulat din ako sa panganib na dulot nito. Hindi na dapat natin hayaan pang mayroong mapahamak dahil sa maling akala na ito Magkaroon dapat ng malinaw na hakbangin ang pamahalaan sa pagsugpo ng lumalalang pagkalulong ng kabataan sa maling gawi. Panagutin dapat ang mga negosyanteng inilalapit sa kabataan ang ilegal na kasangkapan at higpitan ang pagpapatupad sa RA 9211. Huwag gawing mangmang ang kabataan, protektahan sila laban sa nananamantala ng kanilang kinabukasan. Itigil na ang paghithit sa kinasanayan.

Saling-pusa sa Pamamahala

Lumang tugtugin na ang gintong-aral ni Dr. Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Subalit, nawawalan ito ng saysay ngayong talamak ang mga kabataan na mas pinipili ang pagiging mapanghuwad na lider para lamang makisawsaw sa mundo ng pulitika.

Noong Oktubre nakaraang taon ay isinagawa ang 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Kaakibat dito ang pagsulpot ng mga baguhang politikong lubhang desperado na magpabango at magkaroon ng posisyon sa kanilang baranggay. Katulad ng pagkalat sa TikTok ng mga bidyo ng mga tinedyer na nagpapalaganap ng disimpormasyon sa pagbaba ng antas ng implasyon sa bansa noong Hulyo 2023. Ngunit, napatunayan na hindi lehitimo ang propaganda na ipinapakalat ng mga kandidato sa SK na ito.

Bilang isang batang mamamahayag, hindi kami basta naglalabas ng balita nang walang katotohanang pinanghahawakan. Kaya naman, kasuklam-suklam ang ibanabalandra ng kabataang kandidatong may maruming intensiyon sa pulitika. Sila dapat ang sandigan sa mga isyung panlipunan sa kanilang pamunuan, ngunit, sila pa ang nagpapalaganap ng walang saysay na bagay.

Sa kabilang banda, nakasusuklam isipin na nakagapi pa rin ang boto ng maraming Pilipino sa mga pamosong pulitiko na basketball liga at pageant lamang ang inaatupag kaysa sa karapat-dapat na kandidato. Patunay ang isang viral Facebook post ng Sangguniang Kabataan sa Palingon,

Tipas sa Taguig, kung saan umani ng atensyon ang pagkapanalo ng mga kandidatong walang plataporma, at pagkatalo ng mga katunggali nila na mataas ang kredensyal.

Bilang isang batang lider sa aming paaralan, napapalago ng mga aktibidad na kalakip sa programang ito ang kapasidad naming kabataan na mamuno at magpasya nang wais. Mainam ang programang SK dahil isa itong “training ground” para sa mga kabataan katulad ko na inaasahang maglilingkod sa bayan sa hinaharap. Subalit, sa estado ng SK ngayon, mas mabuti na lamang kung sibakin ito dahil maghuhulma ito ng mga pulitikong korap at mapagsamantala.

Kung magpapatuloy ang anomalya sa SK, sigurado akong mas malabo pa sa malabo ang kinabukasan.ating

Panagutin dapat ang mga kandidatong ginagawang plataporma ang social media sa panlilinlang. Mamulat tayo na hindi dapat mga sikat na kandidato ang laging binibilugan sa balota. Hasain dapat ng programang SK ang mga kabataan bilang tunay na lider. Hindi na dapat pa manatiling saling-pusa sa pamamahala ang pag-asa ng bayan.

Mahal na Punong Patnugot,

Isang mapagpalang araw po! Tunay nga na kasabay ng pagbalik natin sa face-to-face classes ay ang pagiging aktibo ng mga clubs at organizations sa paaralan. Lubos akong nababahala sa ilang mga estudyante, guro at magulang na hindi nakikita ang esensya ng ‘extracurricular activities’. Sinasabi nila na dagdag trabaho at pagod lamang ito. Ngunit, ang totoo ay malaking papel ang ginagampanan nito sa aming estudyante. Hindi lamang nakatutulong ang mga aktibidad na ito sa amin, mas napalalawak din ang aming kasanayan sa pamumuno, nailalabas namin ang aming talento sa tuwing may programa at nahahasa rin ang aming kahusayan sa iba't ibang larangan. Bilang isang mamamahayag, paano po ninyo maimumulat ang ilang mga estudyante, guro at magulang sa importansya ng extracurricular activities sa paaralan? Inaasahan ko po ang inyong pagtugon. Maraming salamat po!

Para sa iyo, Stelle, Magandang araw din sa iyo!

Batid kong nahaharap sa pagkundena ang kapuwa nating Lakan Dulans na naging kanlungan ang pagsali sa mga organisasyon, pampalakasan at kompetisyon. Bilang batang peryodista, layunin naming ipakalat ang bawat gawain o proyekto na iniimplementa at isinasakatuparan ng mga 'extracurricular activities' na ito. Pinupursigi naming maglathala ng napapanahon at tumpak na dokumentaryo, mapa-larawan man o artikulo, upang mabigyan sila ng tamang representasyon.

Sa aming buong puwersa, makaaasa ka na makikipag-ugnayan kami sa punongguro at mga maimpluwensyang organisasyon sa paaralan, upang itaas ang pagkilala sa extracurricular activities sa ating paaralan at mga mag-aaral na kasapi nito.

Opinyon sa Larawan

BUSINA KONTRA PANG-AALIPUSTA Dalawang araw bago sumapit ang Pasko, nagtipon-tipon ang iba’t ibang transport group sa Monumento Circle, Caloocan City, upang magprotesta kontra consolidation deadline ng Public Utility Vehicle Modernization Program, noong ika-23 ng Disyembre 2023. “Huwag lapastanganin ang kabuhayan. Ibasura ang pekeng kaunlaran!” Ito ang sigaw ng mga tsuper at komyuter sa huwad na modernisasyon. (Kuha ni Ramon H. Fernandez)

Komentaryo Dinungisang Bahaghari

Ashley Sophia Joy G. Orpilla at Lorraine L. Jaurigue

Sa paulit-ulit na pakikibaka ng LGBTQIA+ community para sa kanilang karapatan, dadaan muli sila sa bakbakan matapos ang kontrobersiyal na pagtatanghal ng isang miyembro nito. Naging delubyo sa kanila ang ginawang pagdawit sa bandilang bahaghari, maging ang kanilang dangal at karapatan ay nadungisan. Kamakailan, naging usapin ang pagpapasikat ni Amadeus Fernando Pagente, kilala bilang si Pura Luka Vega, ng sagradong dasal na "Ama Namin" at pagbibihis bilang si Hesu Kristo noong Hulyo. Kasabay ng pambabatikos ng mga relihiyosong tao sa naging asal ni Pura ay ang mga nagsilantarang paninira sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community. Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat ang naging sistema ng netizens sa pamumuna. Sapul nila ang panlalait kahit wala naman silang ginawang mali. Walang preno sa pananalita ang mga netizens, kahit na inosente ay sinasagasaan. Sila ay nadamay lamang sa ikinilos ni Pura, pati sa pagharap sa kalbaryo ng kasong ito ay damay sila. Nakapanlulumo na dahil sa walang ingat na galaw ni Pura, pati ang industriya ng Drag Race ay nadungisan. Nagmistulang isang krimen ito sa bansa kahit tanging nais nila ay maipahayag lamang ang kanilang sarili. Katulad ni Taylor Sheesh, isang Taylor Swift impersonator na pang-aaliw at pagpapasaya ang ginagawa. Isa siyang halimbawa ng isang drag artist na namumuhay ng walang inaapakang tao o paniniwala. Bilang parte ng LGBTQIA+ community, masakit isipin na mas lalong bumababa ang tingin sa amin. Nakababastos na maranasang malait ang aming pagkatao, gusto lang naman naming magkaroon ng karapatan sa malayang pagpapahayag katulad ng ibang tao. Duguan na nga kami sa hindi tanggap na pagkakakilanlan, papaulanan pa ng komentong akala nila ay masarap sa tainga, ngunit ang totoo ay bato sa damdamin namin. Buksan ang ating mga mata, wala na tayo sa panahon kung saan ang pagsusuot ng palda ay pambabae lamang. Itigil ang paglaganap ng hiprokitong ideya. Isabatas na ang Sexual Orientation, Gender Identity, and Expression (SOGIE) Equality Bill upang mas maprotektahan ang mga parte ng LGBTQIA+ laban sa abuso at diskriminasyon. Kasukdulang kahangalan ang pambabatikos na kung saan ay nilalahat ang pagkakamali ng isang tao dahil lamang katulad siya nito. Huwag nating hayaang mapigilan ng mga baluktot na pananaw ang karapatan ng LGBTQIA+ sa malayang pagpapahayag ng kanilang sarili. Huwag nating hayaang patuloy na madungisan ang bahaghari ng kanilang pagkatao.

Mabilis ang paglaganap ng basurang sistema. Karamiha’y walang ibang ginawa kung hindi magsayang ng oras sa kani-kanilang telepono. Ngayong palala nang palala ang paglaganap ng hindi mabuting impluwensya, nilalason na naman ng modernisasyon ang isip ng bawat isa, bata man o matanda.

Walang kabuluhan ang mga content ng influencers kagaya ni Rendon Labador na madalas bigyang puna ang mga maling gawi, sa mali ring pamamaraan. Katulad nalang ng paninira niya sa pagiging “sweet” ng magkasintahang Vice Ganda at Ion Perez sa noontime show na It’s Showtime. Kapag straight couple ang gumawa ng simpleng pagpapahiran ng keyk ay walang imik, ngunit kapag gay couple ang gumawa ay todo ang puna. Lalong nalalason ang isip ng mga manonood dahil sa influencer katulad niya na dinudumihan ang imahe ng LGBTQIA+ members.

Kita naman sa halos lahat ng social media platforms ang mga content na inilalabas ng mga influencers na ito ay negatibo. Totoong minsan ay nakaaaliw ang birong kanilang ginagawa ngunit hindi na natin napapansin ang masamang dulot nito. Sa pagnanasang makasabay sa pangmalawakang uso, ipinagpapalit nila ang kanilang dangal para sa salaping kinikita nila sa kanilang mga content. Katulad nalang ng isang “prank” na ginawa ng tatlong vloggers na kilala bilang Tukomi sa kanilang “Kidnap Prank” nitong 2023 sa Las Pinas. Nakahanap sila ng katapat, nang mabiktima nila ang isang off-duty na pulis. Nakamumuhi na bagaman ipinakulong sila, nakalaya pa rin ang tatlong ito at patuloy na nanlalason ng isip ng milyon-milyon nilang subscribers sa YouTube at Facebook.

Bilang kabataan sa makabagong teknolohiya, habang tumatagal ay napapansin ko na nagiging negatibo ang epekto nito sa buhay natin. Araw-araw nakikita ko sa aking selpon ang mga basurang content ng influencers Nakalulungkot na malaki ang naibibigay na impluwensya nito sa mga kabataang kagaya ko na madalas nauuwi sa hindi magandang mentalidad.

Sa halip na sumalungat sila sa mabuting mandato ng social media platforms, dapat na gamitin ng mga influencers na ito ang kanilang plataporma sa tama at naaayon sa hangarin ng modernisasyon. Hindi dapat

OPINYON
MATAAS NA PAARALANG LAKAN DULA|JUAN LUNA ST., TUNDO MANILA 08 OPINYON TAONG MMXIV BLG II|PEBRERO 2024 Kalasag ng Katotohanan 09
Pananaw James A. Agosto Liham sa Patnugot Stelle Ianica G. Gregorio, 8-1 Shajeena S. Mastura, Punong Patnugot
Tsina-bog na Watergun Dibuho ni Shean Eric M. Loma
Obra ni Cassandra Angela B. Samonte Bukas Mata Hithit John Cedrick R. Absulio
nila inaabuso ang kanilang karapatan sa malayang pagpapahayag. Paigtingin ang Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, nang mapanagot ang mga influencers na nangunguna sa pagpapalaganap ng hindi magandang biro at paninirang puri. Maging mausisa rin tayong netizens sa paggamit ng social media platforms nang hindi mabiktima ng panlilinlang. Putulin na ang kamangmangan. Wala na dapat pang lugar ang panlalason sa modernisasyon. Shekinah Danielle Nicanor Uhaw sa Atensyon Lason sa Modernisasyon Pulso ng Lakan: 66% ‘Di Sang-ayon 21% Walang Kasiguraduhan Sumasang-ayon 13% 4 sa kada 5 estudyante ay komyuter 2 sa kada 5 guro ay komyuter
TAONG MMXIV BLG II|PEBRERO 2024 MATAAS NA PAARALANG LAKAN DULA|JUAN LUNA ST., TUNDO MANILA MATAAS NA PAARALANG LAKAN DULA|JUAN LUNA ST., TUNDO MANILA
Sanggunian: Ang Baranggay Sarbey

lamang ang laman.

lakas ng loob na maiangat ang katayuan sa buhay, patuloy siyang nagpapagal humadlang man ang tanikala ng kahirapan. Ang mga tulad niyang anak-dalita ay patuloy na nagtitiis sa kakulangan ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tirahan, at ng edukasyong mag-aalis sa kanilang pagkakagapos sa kahirapan.

TANGLAW SA KARIMLAN

“Ang edukasyon ang pundasyon ng isang matatag na kinabukasan.”

naglalakihang suliranin kabilang ang kakapusang pinansyal, suliraning pang-ekonomiya at pangsistema ng edukasyon na nagiging sanhi ng hindi pagpasok ng mga estudyante sa paaralan.

Education (DepEd) MATATAG Curriculum na naglalayong magbigay ng makabuluhan at komprehensibong edukasyon na magbibigay-diin sa mga mahahalagang kasanayan at kaalaman na kinakailangan upang makamit ang kaunlaran.

MATATAG: HINUHULMANG KASANAYAN

patriotic citizen.” Kay sarap pakinggan ng mga katagang ito, isang malaking pangarap para iangat sa laylayan ang mga Pilipino.

pagsusuri, at pagsulat ang nais bigyang pansin ng MATATAG Curriculum. Sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa mga

“Squammy na squammy ang datingan”

Ksinumang makaririnig nito. Isang makamandag na pagkakakilanlang kumalat na sa marami. Nakatanim na sa kanilang mga isipan na ang taong may ganitong pagkatao ay kulang sa paggalang at may pananalitang walang respeto.

Ngunit biktima lang din kami ng ideyang binuo ng nakararami. Hinusgahan kami sa katangian ng lugar na aming pinagmulan. Mailalarawan ang aming tirahan na magkakatabi, nangingibabaw ang ingay mula sa aming mga kapit-bahay at mayroong masikip na daanan. Inakalang kagaya nito ay ganito rin ang aming personalidad, makitid ang pag-iisip at magulo kung umakto. Gayunpaman, hindi dapat gawing basehan ang kinagisnang tahanan ng isang tao ang kaniyang pag-uugali.

LAKING KALYE, HINDI UGALING KALYE

“Ay, nakatira sa squatter? Malamang pabaya ‘yan.” Paratang na pinabulaanan ni “Mr. Sipag at Tiyaga” at tiniyak na wala itong katotohanan, pinatunayan niya sa atin na tayo ang gumuguhit ng ating kapalaran. Ayon sa pag-aaral ng UN-Habitat Philippines Country, tinatayang 3.7 milyong Pilipino ang walang maayos na tirahan at nakatira sa mga squatter areas. Hindi lahat ay pinagpala sa kalagayan sa buhay at masuwerte sa pinansyal, isa si Manny Villar doon. Siya ay nanirahan sa Moriones, Tondo, Manila kasama ang kaniyang pamilya. Payak lang din ang kanilang hanap-buhay, isang tindera ng isda sa Divisoria ang kaniyang ina na si Curita Bamba at

mailayo ang mga tao sa ganitong estado ng tahanan. Indikasyon lamang ito na malaki ang naitutulong ng mga namumuno sa papapabago ng kalagayan ng kanilang nasasakupan sa pamamagitan lamang ng kanilang kilos at aksyon na isinasagawa. Mistulang ang

tinutulungan niya ito sa kabila ng kaniyang murang edad, ito ang isa sa tumulong sa kaniya upang magawa niyang

Ginamit niya bilang daan ang edukasyon upang maging isang tanyag at mayamang negosyante sa buong mundo ngayon. Kahanga-hangang sa kabila ng paninirahan sa kalye ay hindi siya pinanghinaan ng loob. Bagkus, ginamit niyang instrumento ito upang magpursigi at magtulak sa kaniya patungo sa rurok ng tagumpay.

Sa kabilang banda, ang inakalang nakabibinging ingay mula sa mga tahanang halos pader lamang ang pagitan sa isa’t isa ay siya palang dahilan kung bakit iba ang saya at pamumuhay sa kanilang komunidad para kay Almhira Natasha C. Nepomuceno, 8-1. Mga kapit-bahay na maaasahan lalo na sa panahon ng pangangailangan. Dinungisan man ang kanilang imahe, saksi si Almhira na nananalaytay pa rin sa kanila ang katangian na pagiging mapagbigay. Kapag sila ang kasama mo ay hindi mo na kailangan pang mag-alala sapagkat kusa ka nilang babahagian kahit na sila mismo ay nakararanas ng kasalatan.

Sa paningin man ng iba ay delikado ang lugar na ito, ngunit para sa kanila ay paulit-ulit nilang pipiliin manirahan dito maranasan lamang nila na makasamang muli ang uri ng mga taong ito, mga kapitbahay na animo’y pamilya na rin ang turingan sa bawat isa.

palikuran at silid-aralan. Maging ang aming komunidad na puno ng bakal, bote at papel na hindi na napakikinabangan, aking nililinisan at pinagkakakitaan, kung minsan ay tumatanggap pa ng labada para lamang madagdagan ang aking kakarampot na kita. Masakit man sa ulo, manginig man ang mga tuhod o kahit mangalay pa ang balakang sa buong maghapon na pagkayod, isang yakap at halik lang ng aking pamilya ay manunumbalik na ang aking lakas at gana upang muling lumaban sa mga hamon

Iyan ang araw-araw na pinagdaraanan ng mga minimum wage earner at taga-iskwater na kagaya ko, lahat ng ito ay ginagawa ko sa ilalim man ng mainit na araw o sa malakas na buhos ng ulan. Nakapapagod at nakasasawa man ang paulit-ulit na ikot ng pagtatrabahong ito, sino ako para magreklamo? Paano ako magkakaroon ng dahilan para umayaw sa mga pagsubok na ito kung na riyan palagi ang aking asawa’t mga anak na palaging nakaalalay at handang dumamay sa aking mga paghihirap.

Sa halip na sumuko dapat pa nga akong magpasalamat sapagkat hindi lahat ng kagaya kong ama ay biniyayaan ng pamilyang binubuo ng mga anak na yayakapin ka pagkagaling mo sa mahabang oras ng pagtatrabaho at asawang maaari mong sabihan ng mga problemang kinikimkim mo sa kaloob-looban ng iyong puso. Palagi silang nakaalalay sa lahat ng bagay at maaari kong sandalan sa oras na ang aking mental na kalusugan at pisikal na katawan ay bumibigay na. Toyo, asin, mantika, tuyo at sardinas man ang ulam, puno pa rin ng ngiti at tawanan ang aming gabi-gabing hapunan, mahirap ang buhay ngunit masaya at puno ng pagmamahalan. Ito ang pangunahin kong dahilan kung bakit tila hindi ako napapagod sa araw-araw na pagkayod

Sila ang aking inspirasyon at pinagkukunan ng lakas, sila ang aking tunay na kayamanan, hindi ang perang aking kinikita. Wala man akong tinapos na kurso sa paaralan, diskarte at sipag ang aking puhunan sa araw-araw kong pakikipagsapalaran, patutunayan kong laking iskwater man, kayang-kaya pa rin na umahon sa kahirapan.

dating komunidad na hindi mo magawang manatili dahil sa nangingibabaw na ingay, masalimuot na itsura at hindi kaaya-ayang amoy ay unti-unti nang napalitan, nakakamtam ang kalinisan at mas maayos na kalagayan ng buhay. Mula sa hindi kongkretong bahay ay nabiyayaan sila ng isang tahanang masisilungan.
ni John Cedrick R. Absulio Obra ni Cassandra Angela B. Samonte
Obra Obra ni John Cedrick Absulio

Nagamit ng mga magaaral ang modyul na “Layers of Soil and Its Importance” at “Local of Mineral Deposits” na likha ni Gng. Mary Grace Servano matapos mailabas ito sa Manila E-library, nitong kasagsagan ng pendemya, taong 2019. Layunin ng modyul na punan ang kahinaan ng mga estudyante sa ‘visual learning’ na kakulangang napansin ni Gng. Servano. “Bago ko magamit ito, aminado akong hirap ako sa pag-unawa, hindi mabilis ang pagproseso ng mga impormasyon sa aking utak kung mahahabang tesksto ang gamit, ngunit dahil sa tulong ng mga larawan at komiks

strip na naroroon natulungan ako nitong mavisualize yung mga bagay, mas maintindihan yung lesson at magkaroon ng mas mataas ng marka,” ani Mikaela Mae Tychingko, dating taga Lakan Duka.

Naglalaman ang ito ng mga larawan, komiks at mga aktibidad na nakapupukaw ng atensyon at nakapaglilibang sa mga mag-aaral. “Nagtataka kasi ako, hawak ko ang section 1 at

section 30, pareho naman ang ginagawa kong turo pero hirap yung mga nasa dulong seksyon na umintindi ng tinuturo ko, yun pala ang problema ay hindi napoproseso ng kanilang pang-unawa ang mahahabang babasahin at talakayan, mas madali para sakanila na unawain ito kung isasabuhay gamit ang komiks at larawan,” saad ni Gng. Servano. Samantala, patuloy na napakikinabangan ang modyul na ito sa Manila E-library, hindi lamang Lakan Dulans ang nakagagamit kundi lahat ng mag-aaral sa lungsod ng Maynila.

Ehem!Ano ba iyong amoy na hindi kaayaaya? Doon ka nga sa far away! Basura na nga sa kalsada, masakit pa sa baga. Iyan ang sigarilyo, ngunit sinong magaakalang ang perwisyo ay maaari palang maging kongkretong nagbibigay serbisyo.

Batay sa isinakilos na pag-aaral ng mga Lakan Dulans na nagwagi ng ikalawang pwesto sa Division Science and Technology Fair mula sa Mataas na Paaralang Lakan Dula (MPLD) baitang 10 pangkat 1 na sina Shajeena Mastura, Kian Hubines at James Agosto. Maaaring gamitin na pamalit sa graba ang sigarilyo na makabubuo ng simento o hallowblocks. Bukod sa mas mura, ito rin ay epektibo at nakatutulong sa kalikasan.

Isa sa pangunahing kalat sa Pilipinas ang ‘Nicotiana Tabacum’ o sigarilyo. Ito ay naglalaman ng iba’t ibang kemikal tulad ng Arsenic, at Benzene na maaaring magdulot ng sakit gaya ng Tuberculosis, Mouth Can-

cer, at iba pa. Sa kabila ng panganib nitong dala, ito ay nagtataglay ng tinatawag na Cellulose Diacetate na may kakayahang pagdikit-dikitin ang properties ng semento at buhangin na magreresulta sa higit na pagtibay ng

Perwisyo-Semento, Real Quick! Una nila itong hinugasan gamit ang tubig, ibinabad sa alcohol. Matapos ang isang araw ay hahanguin, patutuyuin at maaari nang balatan. Sunod ay nilagay ang 100 gramo ng durog na sigarilyo sa isang lalagyan, haluan ng 100ml na tubig at 50ml na sodium hydroxide para sa pagtutunaw ng sigarilyo. Pagkatapos ay marahan itong ilagay sa isang steamer sa loob ng 10-15 minuto.Palamigin ang mixture, buhusan ng 50ml

Naitala ng Department of Health ang 2,895 kaso ng Chikungunya sa bansa, nitong Enero hanggang Nobyembre nakaraang taon, gayunpaman wala pang nakumpirmang kaso ng naturang sakit sa paaralan.

Ayon sa mga eksperto, ang sakit na Chikungunya ay isang viral disease na dala ng Aedes Aegypti, na sya ring may dala ng Dengue, mayron din itong parehong sintomas, paraan ng pag-iwas at lunas.

Kaakibat nito, wala pang naitalang kaso nito sa paaralan batay sa isinagawang sarbey ng pahayagang Ang Baranggay kamakailan, bagamat may mga nakararanas ng ilang sintomas ng naturang sakit gaya ng lagnat, sakit ng ulo at sakit

MUSHustansya

YES-O at BPI, nanguna sa Mushroom Culture Training

Labis ang tuwa na natamo ng ilang Lakan Dulans tapos makiisa sa ginanap na Mushroom Culture Training sa pangunguna ng Beeau of Plant Industry (BPI) kasama ang Youth for Environment in Schools Organization (YES-O), noong ika-12 mng Enero, 2023 sa Multipurpose Hall.

Layunin ng programang ito na itatag ang pagkakaroon ng food web o food chain na mayroong protina na umaabot sa 20% hanggang 50%, potassium, calcium at mga bitamina B, C at D na makatutulong sa kalusugan ng bawat mag-aaral.

Ayon kay Presidente ng YES-O club, Lenin Zendix Carpio, ikinagagalak nito na makiisa sa naturang programa dahil sa mga karanasan at kaalaman na natutunan na maaari niyang magamit sa hinaharap.

na sodium hypochlorite o bleach upang pumuti ang kulay nito. Sunod ay ilagay sa makapal na tissue o karton upang humiwalay ang likido sa cellulose diacetate bago pinuhin. Para sa huling hakbang, paghalu-haluin ang tubig, semento, buhangin, at ang cellulose diacetate na may ratio na 2:4:5:1. Ilagay sa hulmahang parisukat na may laking 3x3 at patuyuin. Patuloy na pinalalim ng grupo ang kanilang pagaaral upang makasiguro sa tibay nito sa Concrete and Materials Testing Laboratory upang masubukan ang tibay ng kanilang proyekto. Isinailalim ito sa Hydraulic Press at Drop test. Ibinabad rin ito sa tubig at tinimbang upang malaman ang dami ng tubig na nasisip-sip nito. Samakatuwid, lubos na kahanga-hanga ang ideyang ito ng aking kapwa Lakan Dulans na tumutugon sa problema ng sigarilyong salot sa kalusugan at kalikasan. Akalain mo nga namang ang perwisyong sumisira sa ating baga at planeta ay maaari rin palang maging polusyong kapaki-pakinabang.

sa kasu-kasuan, ngunit hindi naman ito nakumpirmang mula sa lamok. Ayon sa puno ng Kagawaran ng Agham, Gng. Joanne Liwag, dalawa sa mabisang paraan upang mabawasan ang lamok na nagdadala ng Dengue at Chikungunya ay fogging at misting, ang usok na ito ay may lamanng hydrogen peroxide, isang kemikal na kayang pumatay ng 90% na adult mosquito.

“S’yempre prayoridad ng paaralan ang kalinisan para sa kaligtasan ng mga estudyante, kaya bago pa lang ang school year nagsimula nang magsagawa ng fogging at misting sa buong paaralan, kasabay na rin sa pagtatanggal ng mga naimbak na tubig na maaaring pangitlugan ng mga lamok,” aniya. Kaugnay nito, 364 sa 535 na magaaral o 68% ang nagsabing kuntento sila sa kalinisan ng paaralan at panatag na hindi sila makakakuha ng sakit dito habang 171 o 32% naman

ang may pagdududa at pangamba pa rin para sa kanilang kalusugan.

“Kuntento naman ako sa kalinisang meron ang paaralan ngayon, nakikita kong maayos na napaghihiwalay ng mga school staff ang mga basura, walang nakaimbak na tubig at hindi malamok, medyo maalikabok lang dahil hindi pa tapos ayusin ang ilang building sa quadrangle 2 pero bukod don ay wala ng iba pang isyung pangkalinisan ang Lakan Dula,” ayon kay Nico Dancel, 10-1.

Samantala, patuloy na pinagbubuti ng pamunuan ng paaralan ang pagpapanatili ng kalinisan nito upang maging protektado ang mga Lakan Dulans.

Peklat ng nakaraan, Piitan ng kasalukuyan

Sa patuloy na pagtayog ng nakatutukso na modernisasyon, ito ay

Tatlong taon na rin ang nakalipas nang tayo ay magsimulang tumayo mula sa pagkakadapang dulot ng pandemya, sa larangan ng ekonomiya, edukasyon at mental na kalusugan. Habang patuloy na naghihilom ng mga sugat na mula sa matatalim na suliraning dulot ng COVID-19, isa rito ay nag-iwan ng peklat na ngayon ay nagsisilbing piitan sa kasalukuyan. MODERNONG PIITAN

Giit naman ni Research Specialist, Bb. Hazel Joy Pacis, naitatag ng BPI ang Mushroom Culture Training upang masolusyunan ang lahat ng problema na may kaugnayan sa fungi at mapangalagaan nang maayos.

“To put produce and distribute quality seeds na kung saan mag su-support sa ating food security and sufficiency dagdag pa ng additional learning and refreshment sa skills na taglay ng kada students natin, enthusiast, or researcher para makapag pa grow sila ng iba’t ibang klase ng gulay na mag su-support sa pang araw-araw na pagkain,” aniya.

Samantala, nakapwesto ang mga nakatanim na kabute sa tabi ng Building 7 at posibleng maaani sa Pebrero 3, 2024 na mapakikinabangan.

Nagsisilbing libangan komunikasyon, at minsan na ring naging paaralan, di natin maitatanggi ang ginhawang dala sa atin ng cellphone ngunit ang iresponsableng paggamit nito ay ang nagpipiit sa isipan, konsentrasyon at pakikisalamuha ng maraming kabataan ngayon. Ayon sa sarbey na isinagawa ng patnugutang Ang Baranggay, walo sa sampung Lakan Dulans ang hindi maiwasang gumamit ng cellphone sa loob ng isang oras, kumpara sa anim na sampung Lakan Dulans bago dumating ang pandemya.

Isang malaking kalapastanganan sa kalikasan ang walang habas na pagpaslang ng gobyerno sa Manila Bay bunsod ng muling pagsasagawa ng reklamasyon noong nakaraang Agosto 2023. Pinatutunayan lamang nito ang kapalpakan na isinisiil ng pamahalaan sa buhay ng mga mamamayan, estado ng ekonomiya, at maging sa mga yamang tubig na nagsilbing pundasyon tungo sa pagtataguyod ng sentro ng kalakalang Pilipino. Kamakailan, binigyang linaw ni Philippine Reclamation Authority (PRA) Asst. General Manager Joseph, literal na mayroong 22 reclamation projects sa Manila Bay. Ayon sa kaniya, humigit kumulang 200,000 ektarya ng semento at lupa ang kasalukuyang itinatambak na sumasakal sa kalagayan ng dagat. Dagdag pa nito, layunin ng reklamasyon na tayuan ng mga imprastraktura ang lupa dahil sa lumalalang population density ng Metro Manila at CALABARZON.

Subalit halata naman na ito’y isang walang kwentang palusot lamang, lalong lalo na kung kapitalismo ang pinag-uugatan ng kanilang itinutulak na modernisasyon.

Kung tutuusin, matagal na nilang ibinabato ang ganitong pangangatwiran. Sinasabi nila na sa pamamagitan ng pagpapalakas ng industriyalisasyon sa tulong ng Manila Bay, mas makaaakit pa ang bansa ng mga namumuhunang dayuhan. Ngunit, napakalayo nito sa reyalidad at ambisyon ng pamahalaan dahil unti-unting nawawasak ang mga likas na yaman na ating pinagkukunan bunsod ng kanilang kahangalan.

Ayon sa pananaliksik, nadiskubre ng mga volunteered professional divers ang 160 square meters na coral garden sa Manila Bay noong Hunyo 5, 2021 na pinaninirahan ng mga isda tulad ng sardinas at mackerels na nagpapanatiling buhay sa Manila Bay. Malaking banta ito sa kalagayan ng dagat dahil lubhang apektado ang sari-saring isda at coral reefs na nagsusustento sa kasaganahan ng karagatan. Idagdag pa ang tindi ng polusyong may pinakamalaking ambag kung bakit nanganganib ang buhay ng yamang dagat at ang kabuhayan ng mga mangingisda rito.

Samantala, ayon sa Partnerships in Environmental Management for the Seas of East Asia (PEMSEA), umabot na sa 21% ang mga organikong polusyon na nanggagaling sa Pasig River basin, habang ang 70 porsyento nito ay nagmumula sa mga kabahayan. Kung aanalisahin, matagal na itong proble-

Maituturing ang mga ito na kaso ng No Mobile Phone Phobia o Nomophobia, na tinatawag ding cellphone addiction, ito ay kondisyon kung saan lubusan ng naiimpluwensyahan ng cellphone ang pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao dahil sa labis-labis na paggamit nito na umaabot sa puntong ikinatatakot na nila ang pagkawalay dito. Kaya naman makikita ang pagtaas ng kaso nito matapos ang panahon ng online learning.

Batay sa pananaliksik ng mga eksperto, humaharap ang mga estudyanteng nasa baitang dalawa hanggang walo ng matinding pagkahumaling sa paggamit ng cellphone. Nakitaan rin ang mga ito ng ilan sa mga sintomas ng mental na kondisyon na Nomophobia gaya ng anxiety, depression, at low self-esteem. Pinatunayan ni Aigelle Candelaria, isa sa mga Lakan Dulans na nakaranas ng Nomophobia matapos ang biglaang pagbalik ng face to face classes. Bago dumating ang pandemya ay gumagamit lang siya ng cellphone sa loob ng 2 hanggang 3 oras, samantalang sa kasalukuyan ay umaabot na ito sa 10 hanggang 12 oras sa isang araw. Ilan sa mga solusyon upang maiwasan ito ay sa halip na gugulin ang oras dito bilang libangan, maraming aktibidad ang maaaring gawin bilang alternatibo gaya ng pagbabasa ng libro, paglalaro ng board games, pakikisalamuha sa mga kaibigan at pamilya, pagguhit, pagpinta pag-awit at pag-eehersisyo. Mga gawaing nakabubuti sa inyong katawan at mental na kalusugan. Higit din itong pinakikinabangan ng iyong mata upang

mabigyan ng pagkakataong makapagpahinga at maiwasan ang iba pang kundisyon na maaaring maibunga nito katulad ng pagkakaroon ng dry eyes o ang panunuyo, pamumula at pangangati ng mata kung ito ay gagawin at isasabuhay lamang. Kung inaakala ng lahat na sa dalawang taong iyon ay matatapos ang pakikipagbuno natin sa pandemya, nagkakamali tayo dahil hanggang sa kasalukuyan ay nag-iwan ito ng peklat na nagngangalang Nomophobia. Bagamat maaasahan at maituturing na kaibigan ang cellphone, ang sobra- sobrang paggamit nito’y maaaring mauwi

ma ng Manila Bay ngunit hindi ito binibigyan ng aksiyon ng gobyerno. Isa lamang itong ebidensya kung paanong nagsisilbing karagdagang pasakit ang sagarang reklamasyon ng pamahalaan, partikular na sa larangan ng panlalason sa dagat. Kaya naman kung pagbabatayan ang pahayag ng mga eksperto, ang mga sementong itinatambak sa Manila Bay na naglalaman ng toxic chemicals tulad ng calcium oxide, crystalline silica, at chromium na nakasisira sa kalusugan ng mga tao sa pamamagitan ng mga iritasyon at implamasyon, ay isang malinaw na tangka ng panlalapastangan. Ibig-sabihin, hindi lang banta sa kalidad ng katubigan at naninirahan ang dala nito. Maski ang mga dukhang Pilipino na nakatira malapit sa sentro ay walang takas sa delubyong hatid nito. Imbis na magsayang ng pondo ang pamahalaan sa isang proyektong may nakababahalang epekto sa kalikasan, mas nakabubuti kung pagtutuunan nila ang mga programang naglalayong ipanumbalik ang kasaganahan ng dagat. Isa na rito ang Manila Bay Clean Up Program ng DENR na layuning maibalik ang kalidad ng tubig, mabawasan ang polusyon, at mapamahalaan ng matiwasay ang mga yamang lupa at tubig sa Manila Bay. Itatak natin sa ating mga isipan na walang magandang maidudulot sa biodiversity at ecosystem ng ating bansa ang Manila Bay Reclamation Project. Napaghahalataan ang pamahalaan na hindi nila ito pinag-isipan at sinuring mabuti. Wala silang pakialam sa magiging bunga nito sa kapaligiran, pati na rin sa kapakanan ng mga tao. Kung ito man ay itutuloy pa rin nila sa pagtagal ng panahon, nangangahulugan lamang ito na wala silang malasakit sa bayan, dahil pansariling benepisyo lamang nila ang kanilang isinasaalang-alang. Panahon na upang maging mapanuri tayo; Mamulat sa ibayong panlulunod ng gobyerno, umahon sa huwad na kalakalang ipinangyuyurak nila sa sentro.

Anumang

halaga ng modernisasyon, hindi makatarungan ang paniniil sa karapatan ng mga tsuper at kalagayan ng kalikasan matapos balewalain ang mga petisyon para sa pagbabago ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na nalalapit ang deadline ngayong Abril 2024. Sa kauhawan nila sa lapastangang pagbabago, halatang kapalpakan sa implementasyon at pagbusina sa karapatang pantao at pangkapaligiran ang sasagasaan nito.

Nitong ika-6 ng Marso 2024, ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na inihain ng transport group na pinangungunahan ng Bayyo Association Inc. sa Department of Transportation (DOTr) patungkol sa pagbabago ng mga probisyon sa ilalim ng PUVMP. Tanglaw sa kaunlaran sana ang nilalayon ng petisyon na ito, lalo na’t pangunahing tunguhin nito ang pag-iimplementa ng “environment-friendly’ jeepneys kaysa sa tuluyang pagpapahinto ng operasyon, na kung titingnan, ay hindi naman magiging malaking isyu para sa gobyerno. Sa totoo lang, napakabigat na responsibilidad ang ipinapasan nila sa bulsa ng mga drayber na ito. Kahit na gaano pa ka-episyente ang pagpapalit ng sasakyan, hindi kakasya ang hulugan sa pitong taon kung P2.4M-P2.5M ang halaga ng jeepney na ipinapataw ng gobyerno. Ito’y dahil sa P300-P400 lamang ang kadalasang kinikita ng mga tsuper kada-araw ayon sa Manila Standard.net. Kung kukwentahin, ang hindi sapat na P1,022,000 ang maiipon nila sa loob ng pitong taon, hindi pa bawas dito ang nakalululang gastusin sa pamilya, pangangailangan, at bayad sa gas o kuryente. Isa pa, hindi rin naman masasabing eco-friendly ang mga ine-endorso nilang pamalit sa tradisyunal na jeep. Lalo na’t ang mga bateryang ginagamit nito, kapag tinapon, ay dadagdag pa sa toxic wastes ng Pilipinas. Ayon sa Institute for Energy Research, 98.3%

ng lithium-ion na makikita sa baterya ay napupunta sa mga landfills. Ang kemikal na ito, kapag nasipsip ng lupa, ay magbubunga ng mga pagkasunog sa landfills na siyang magiging rason sa paglala ng climate change sa mundo. Imbis na tuluyang palitan ang mga tradisyonal na jeepney ng bansa, mas makabubuti kung makina lamang nito ang papalitan bilang environment friendly car engine at hindi ang kabuuang sistema. Isa sa mga alternatibong disenyo na pwedeng ipalit dito ay ang Modern Jeep na ibinida ng transport group na ACTONA. Hindi gaya ng PUV na iniindorso ng LTFRB na nagkakahalaga ng Php2.6M, umaabot ang ACTONA Jeep sa Php 1.3M-1.5M depende kung ito ay airconditioned o hindi. Nakasasawa na ang pang huhuwad ng gobyerno tuwing sinasabi nilang pagkakapantay pantay ng mayaman at mahirap ang nais nilang makamit sa mga pampublikong serbisyo. Gayong bulsa ng mga nasa laylayan ang madedehado, wala silang karapatang ibalandra ang kanilang mga pribilehiyo. Isang kahibangan, lalong nakatayo sila sa posisyong hindi ang pamumuhay nila ang masasagasaan. Nararapat lamang na maisip nilang hindi tamang ipilit ang modernisasyon kapalit ng sikmura ng mamamayan, hindi biro ang gutom ng taumbayan.

AGTEK 14 AGHAM AT TEKNOLOHIYA TAONG MMXIV BLG II|PEBRERO 2024 Kalasag ng Katotohanan 15 MATAAS NA PAARALANG LAKAN DULA|JUAN LUNA ST., TUNDO MANILA MATAAS NA PAARALANG LAKAN DULA|JUAN LUNA ST., TUNDO MANILA
Lakan Dulans, protektado sa Chikungunya
sa kapahamakan kaya imulat natin ang ating mga mata at huwag magpabihag sa bagay na mag-iiwan ng sa ating kalusugan ng peklat at ibibilanggo ang ating isipan.
Patricia Dhenise B. Pacunayen Cassandra Mei Ramos Jhared Carlo Cornes Ramon Fernandez Alliyah Joy Abarrientos Sentro ng Kapalpakan Allana Grace De Leon KRITIKO Obra ni Kathleen Gonzales Kuha ni Ramon Fernandez Kuha ni Ramon Fernandez Kuha ni Shajeena Mastura Obra ni Shean Eric Loma

AGHAM AT TEKNOLOHIYA

Libangan, pagkalap ng impormasyon, trabaho, komunikasyon at maging ang pagaaral; ito ang mga bagay na napapadali sa tulong ng teknolohiya, partikular na si Alexa isang uri ng conversational Artificial Intelligence (AI). Sa kabila ng pag-unlad nito, may hatid itong serbisyong dalawa ang mukha. Kaya naman mahirap nang tukuyin kung ano ang dala ni Alexa, tulong o ma la-gamot na nakalululong?

Makinarya at software na may tali nong maikukumpara sa mga tao na mas kilala bilang Artificial Intelligence. Ilan sa mga kakayahan at gamit nito ay ang makibagay sa mga napapanahong usapin at nagtataglay ng kakayahang kumabisa, mag-analisa ng napakaraming datos na matatagpuan sa internet, magpadala ng mensahe sa malalayong lugar sa maikling panahon.

NAKAKUBLING MUKHA

Bakas man sa kaniya ang mga ngi ti makikita mo sa kaniyang mga mata ang madidilim na lihim. Ang mga kalsadang dati ay puno ng saya dahil sa mga batang naglalaro ay nabalot na ng katahimikan dahil ang kasalukuyang henerasyon ay nakakulong na sa makabagong presinto ng social media at online games.

Servano, guro sa Agham, bagamat maganda at kagamit-gamit ang mga impormasyong ibinibigay ng Al, para sakanya ay nakapapagod at kumokonsumo ng maraming oras sa pagbasa ang labis-labis na ideya sapagkat nais ng mga gurong gaya niya ang pinakamahusay na sagot para sa kanilang mga mag-aaral.

Kaugnay nito ang unti-unting paglalaho ng mga mag-aaral na nagbabasa sa mga silid-aklatan dahil mas mabilis ang paghahanap ng impormasyon ngayon sa Google at mga online dictionaries.

Batay sa karanasan ni Gng.

“Although talagang useful for powerpoints yung mga informations galing sa AI, napaka time consuming basahin yung ganun karaming text lalo na gusto naming mailagay yungbest example para sa lesson,” aniya.

BILANGGONG PAG-ASA

Tinuturing na pag-asa ng bayan ni Dr. Jose P. Rizal ang mga kabataan, ngunit

ang komportableng buhay na ibinibigay ng Al ay maaaring magpiit sa kanilang natatagong potensyal.

Ayon kay Julian Avi Mojica, 9-1, apakalaki nang naitutulong ng mga karagdagang ideya mula sa Al dahil napapadali nito ang pagkalap ng impormasyon at kaalaman para sa kanilang mga takdang aralin upang tumugma ito sa kanilang time management ngunit nakasasama rin ang labis na paggamit nito dahil dito na dumedepende ang ilang mag-aaral.

“Tukso para sa mga itinuturing na pagasa ng bayan ang mapang-abusong paggamit ng AI sapagkat hinaharangan nito ang pag-unlad ng aming mga kakayahan at talento na malaki ang epekto sa amin bilang mga propesyonal at lider sa hinaharap,” saad niya.

Nilikha ang Artificial Intelligence upang maging katuwang lamang ng mga tao sa araw-araw na pamumuhay at para mas mapadali ang ating mga gawain. Hindi ito nilikha para palitan ang mga tao sa kanilang trabaho at lalong hindi para maging bilangguan ng galing at potensyal ng mga mag-aaral na ating itinuturing bilang pag-asa ng bayan. Kaya naman, mahalaga ang paggamit nito nang may pag-iingat at may limitasyon, sa larangan man ng industriya o edukasyon. Sapagkat maaaring ang kagamitang ating nilikha na tayo ang dapat na nakikinabang, ito na pala ang nagmamanipula sa atin.

“Mag-ingat sa paggamit, baka ikaw ang magamit”

Mabilis na lumipas ang panahon, hindi na makilala ng nagdaang henerasyon ang mga bagong kaugalian, hanap-buhay at libangan dahil lahat ngayon ay namumuhay sa tulong ng teknolohiya. Ang patuloy na pag-unlad nito ay tila panaginip na mahirap paniwalaan, ngunit paano kung ang mismong haring araw na ang gumising sa atin pabalik sa reyalidad na walang tulong ni siyensya

Kaugnay nito, nagbabala na National Aeronautics Space Administration (NASA) nitong Nobyembre 2023 tungkol sa isang solar super storm na maaaring tumama sa Earth sa loob ng 10 taon na magiging sanhi ng pagkawala ng cellphone signal, internet connection at kuryente sa buong mundo.

Batay sa kanila ang solar super storm ay ang sunod- sunod na pagsabog ng milyon-milyong solar flare sa araw, ito ay naglalaman ng mga kemikal na lumilikha ng high amount of frequency. Bagaman pangkaraniwang pangyayari ito, ayon sa kanila ang sabay-sabay na pagputok nito ay maaaring umabot sa atmospera ng ating planeta, na puno ng electro magnetic field na siyang responsable sa pagdaloy ng signal at kuryente sa mundo.

SULYAP NG KAHAPON

Tiyak na sa pagtama ng trahedyang ito ay masisilayan natin ang pagsulyap ng nagdaang henerasyon; sulyap ng kahapon na sulat pa ang paraan ng komunikasyon at hindi pa telepono ang pangunahing libangan

Malaking pagbabago sa buhay ng lahat ang sakunang ito, lalo na sa mga mag-aaral sapag-

kat batay sa pag-aaral 90% ng mga makabagong impormasyon ay matatagpuan sa internet at hindi pa naililimbag sa mga tradisyunal na aklat. Maaari itong magresulta sa kasalatan ng kaalaman at pagbagal ng daloy ng sistema sa edukasyon. Bukod pa rito ay inaasahan ang pagdami ng mga makararanas ng depresyon dahil sa biglaang pagkawala ng pangunahing paraan ng komunikasyon at libangan ngayong panahon.

“Malaking adjustment ito para sa akin kasi as a modern student google talaga ang main source of information ko, tsaka for sure sobrang init nyan sa loob ng room, mahirap makafocus at magiging prone din kaming mga studyante sa heat stroke, at para naman sa mental health, siguro mas dadalasan ko na lang ang paglabas kasama ang aking pamilya at kaibigan,” ayon kay Jared Joval, isang Lakan Dulans. HIMIG NI INA Hindi natin maitatanggi na ang paggising sa atin ng araw dito sa komportableng panag inip na ating kinagisnan ay nakababahala. Kaya naman mahalaga ang paghahanda upang mabawasan natin ang nagbabagang galit ng araw sa pamamagitan ng awiting hele ni ina. Dagdag pa ng mga siyentipiko mula sa America, wala tayong magagawa upang pigilan ang napipintong sakuna na ito. Sa ngayon kaya lamang madetect ng NASA ang solar storm 30 minuto bago ito tumama sa Earth, sinisikap nilang pahabain pa ang oras na ito.

Payo ng mga eksperto paghahanda ng sapat na man power ang mabisang paraan

SINARGONG KAPALARAN

Sinindak ni Kurt Gonzales ang kanyang mga katunggali matapos ibida ang mahusay na pagtudla ng tako at determinadong pagsipat ng bola.

Chess Team, tumikada sa Division

Mupang mabawasan ang magiging epekto nito sa mga industriya dahil sa hindi paggana ng mga makinaryang de kuryente. Paglilimbag naman ng sapat na modyul at aklat para sa mga paaralan. Habang paggamit ng iba pang paraan upang makalikha ng kuryente gaya ng solar panel, windmill at hydropower. Mukhang ito na ang tugon ni haring araw sa tanong ng bandang Ben&Ben—maaari ba tayong bumalik sa umpisa? Gigisingin niya na tayo sa mahabang pagkakahimbing mula rito sa komportableng panaginip na handong ng teknolohiya. Hindi man natin kayang pigilin ang pagdating ng solar super storm, kaya naman nating mapaliit ang pinsalang idudulot nito sa ating ekonomiya, edukasyon at mental na kalusugan kung ito ay paghahandaan, maaari rin itong magbukas ng maraming oportunidad sa hanapbuhay at kasiyahan, dahil diyan tiyak akong hindi tayo magsisisi sa ating pagbalik mula sa simula.

NCR Meet Billiards 8-ball at 9-ball category

Gonzales, sinikwat Top 8 sa Quarterfinals

Matapos ang anim na buwang dikdikang preparasyon, sa wakas, lumapat din ang mga bituin sa langit at umayon sa kapalaran ni Kurt Gonzales nang madagit niya ang ika-walong kartada sa NCR Meet Billiards 8-ball and 9-ball category, sa Mataas na Paaralang Pambansa’t Pang-agham ng Parañaque, noong Abril 22-26. Bitbit ang pulidong pagtudla ng tako at mga mala-Efren Reyes na taktika, matagumpay niyang ibinandera ang pangalan ng Lakan Dula at Maynila sa parehong event categories.

“Nagbunga ‘yung mga walang sawang training na nakakaburn-out, worth it lahat kasi ‘di man ako nakaabot sa semis or sa finals, nairepresenta ko naman ang paaralan at ang lungsod nang maayos”, ani Gonzales.

Naging tinik para kay Gonzales ang 3-0 na bentahe ng kaniyang katunggali mula sa Lungsod ng Pasig sa quarterfinals ng 9-ball category.

Ngunit, nanibasib ang kanyang naghihilik na bangis matapos pairalin ang determinadong pagsipat ng bola upang itarak ang 3-2 na iskor, gayunpaman, hindi ito naging sapat upang matangay ni Gonzales ang pasaporte tungo sa semis.

“Sobrang nagpapasalamat ako kay sa Coach ko na si Sir Darwin Oña, dahil siya yung naging inspirasyon ko sa journey ko rito sa NCR Meet, gayundin, sa mga pamilya at kaibigan ko...parte sila ng tagumpay ko”, sambit pa niya. Idinagdag niya rin na sigurado siya na sa susunod na taon ay makakabawi ang Lakan Dula dahil sa mas mahabang preparasyon at pag-eensayo.

Hindi naging hadlang para sa Lakan Dula High School Chess Team ang nakalululang balwarte ng Manila Science High School matapos maghari ang kanilang nakasisindak na mga piyesa at kalusin ang mga paaralan sa iba’t ibang distrito upang madagit ang ikalawang puwesto sa Division Meet, Enero 24 - 29.

Ibinalandra ni Mikhron Sosa ang kaniyang malaMagnus Carlsen na taktika tangan ang 4.5 na puntos habang matikas namang binuksan ni Eunice Cambe ang girls category sa kanyang malulupit na Caro-Kann Openings dahilan para mabitbit ang apat na puntos at akayin ang koponan sa tagumpay.

“Dahil sa walang sawang suporta ng aming Coach at

alinaw na pagpaslang sa dangal ng pampalakasan ang paglabag ng mga atleta sa simpleng patakarang huwag maging madaya. Ang pagdungis ni Justin Brownlee, import player ng Gilas Pilipinas, sa doping reputation ng bansa ay sagarang pagpapatunay na nagpapakasasa tayo sa huwad na karangalan; isang panlululong sa kasinungalingang umuusad tayo sa maling kaparaanan.

Nakaraang Oktubre 2023, umalingawngaw ang usapin ukol sa pagpalya ni Brownlee sa doping test na ikinasa ng International Testing Agency (ITA), habang isinasagawa ang Asian Games sa Heinzhou, China. Kalakip nito ang nakahihiyang pagpositibo ni Pinay cyclist Ariana Thea Patrice Dormitorio sa parehas na aspekto. Nakasusuklam isipin na sa sampung lumabag sa polisiya ng World Anti-Doping Agency (WADA) sa nasabing kompetisyon, dalawa dito ang kumakatawan sa ating bansa. Ang mas malala pa rito, wala man lang kumundena sa mga hindi makatarungang gawi nila. Sa totoo lang, hindi na nakagugulat na tinotolera ng taumbayan ang doping ng mga manlalaro sa bansa. Lalo na kung sa pagsapit pa lang ng rehimeng Marcos, umarangkada na agad sa 56,495 ang bilang ng mga inaresto mula Enero hanggang Disyembre 2023 bunsod ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165. Kung dito pa lang ay binabalewala na ng mga Pilipino ang gabundok na kaso ng ilegal na droga, wala nang mukhang maihaharap ang mga Pilipino sa tunay na mundo na itinatago ng pampalakasan.

Kaugnay na nito ang pagturing ng taumbayan sa doping case ni Kiefer Ravena bilang isang pumutok na bula. Matatandaang noong 2018, sinuspinde ng International Basketball Association (FIBA) ang manlalaro sa loob ng 18 buwan matapos nitong magpositibo sa paggamit ng

tatlong dope substance. Ngunit magpahanggang ngayon, itinuturing pa rin ng mga mamamayan si Ravena bilang ‘The Phenom’ ng Filipino Basketball; isang malinaw na pruwebang winawalis nila at isinasawalang bahala ang masaklap na ka totohanan sa kasaysayan ng Pilipinas.

Kung nais talaga ng mga Pilipino na busugin ang kanilang delusyon sa nirang konsepto ng ‘Filipino Pride’, lamang na bigyang-tuon din nila ang rep utasyon ng mga atletang Pinoy pagdating sa mga ilegal na taktika. Ipagpatuloy ng gobyerno ang pagkakasa ng RA 9165 at palawakin ang sakop nito sa sektor ng pampalakasan. Sana ay magbababa ang mga national sports association ng striktong sistema pagdating sa pagpapatupad ng mga patakaran sa ilalim ng doping at mga kaakibat ni tong illegal sports practices. Pangunahing kalakaran ng pampal akasan ang patas na kompetisyon. Kaya naman walang saysay kung mas pipiliin nating mabitbit ang medalya sa tulong ng kahindik-hindik na pandaraya. Ituwid na natin ang baluktot na siste ma, hindi na tayo alila ng nakaraan para magpakasasa sa mga tagumpay na sinikwat nang walang karangalan. Lagi nating tandaan na bandera ng Pili pinas ang pinanghahawakan ng ating mga atleta sa bawat kompetisyon; hindi ang pagkakalulong, at hindi ang kasinungal ingang yumuyurak sa reputasyon nating nasa bingit ng daluyong.

ng paaralan, naging daan ito upang makamit namin ang panalo sa DivMeet, next year, susubukan namin na sikwatin ang gold medal,” ayon kay Sosa. Talas naman ng isip ang nanibasib sa Lakan Dulans nang magpakawala ng mga magigiting na piyesa sina King Edward Leal na nagtikwas ng tatlong puntos; Jian Cedrick Bautista na tumabo ng dalawa; at Fiona Pagkaliwangan na nag-ukit ng 1.5 sa loob ng limang round. Samantala, hindi pinaubra ng LDHS Chess Team ang nagpapasiklabang paaralan sa Distrito Dos noong Disyembre 2-3, 2023 matapos nilang dominahin ang chess board gamit ang mga mautak na stratehiya na naging daan upang magtarak ng legasiya ang Lakan Dula sa nasabing pandibisyong paligsahan.

16 TAONG MMXIV BLG II|PEBRERO 2024 MATAAS NA PAARALANG LAKAN DULA|JUAN LUNA ST., TUNDO MANILA
Obra ni John Cedrick Absulio Jhared Carlo Cornes James Agosto
Kalasag ng Katotohanan
17 MATAAS NA PAARALANG LAKAN DULA|JUAN LUNA ST., TUNDO MANILA
Obra ni Shean Eric Loma
ISPORTS
editoryal
Camille Aquino Kuha ni Ramon Fernandez Jhared Carlo Cornes Obra ni John Cedrick Absulio

KAMPEONMANSHIP

Kampeon–isang salita, kay daling bigkasin ngunit milyong atleta ang handang bagtasin ang karahasang nakakubli sa karangalan. Gumuhit ang larawan ng kuwentong nagmula sa bibliya ng lalaking nagngangalang Cain habang hawak ang batong may daplis ng dugo galing sa kapatid na si Abel. Dahil sa tukso, napilitan ang taong kumitil; kahit pa ang kanilang sariling kadugo. Sa pagkumpas ng panahon ay ang unti-unting pagkabaon ng magandang samahan sa isports. Hinayaang mabulag ang sarili sa nakasisilaw na liwanag ng karangalan kaya pati ang kaniyang kakampi ay nahihila na pababa. Ngunit ang sumunod na pangyayari ay hindi inaasahan, ang ihip ng hangin ay nagiba, at ang mga paang humakbang ay tumalima’t piniling hawakan ang kamay upang itayo ang katawan ng kalabang lumagapak sa sahig. PAGKALINGA, ‘DI PAMBABARA

“Isa pa!” Sigaw ng modelong tagapagsanay, ang taong humulma ng daan upang rurok ng tagumpay ay kanilang maabot. Kaysa bigyan ng mabibigat na kritisismo, papuring mga salita gaya na lamang ng “Keep it up!” “kaya mo ‘yan” at “magaling!” ang kumiliti sa pandinig. Ito ang bumuo sa lakas ng loob na tuklasin ang talento’t kakayahang nakakubli.

Walang naging balakid upang ipadama ang kanilang pagkalinga sa mga atleta. Ang paraan ng pagtrato ay nadala ng mga manlalaro sa bawat kalabang nakakatunggali. Minsan nang ginapos ng takot at

pagdududa sa sarili, subalit nagawang makalaya sa dilim sa tulong ng mga boses na humihiyaw ng suporta at kamay na umaakay sa kanila para maniwala at mangarap. Animo’y tinapalan nito ang mga komentong mapangmaliit at maging diskriminasyon ay hindi naging alintana sa pag-usad.

GINTONG PATAKARAN

“Know your role and don’t stray from it”. Ito ang pinanghahawakan ng milyon-milyong manlalaro upang integridad sa laro ay maisakatuparan. Ang epektibong komunikasyon sa pagitan ng mga atleta ang magbibigay daan upang makwintas ang kampeonato, ito ang paniniwalang kinakapitan ni Aissle N. Marcos, 10-4 na bahagi ng Volleyball Team.

Pinagniningas ng hiyawan ng mga tagasubaybay at palakpak ng kanilang mga kamay ang apoy na bumubuhay sa determinasyon ng mga atleta na magpakita ng isang larong tatatak sa kasaysayan at magkamit ng tropeyong magpapaganda sa legasiya ng kanilang pagkakakilanlan.

Mapaglarong ikot ng bola ay kagaya ng kapalaran ng isang manlalaro. Maaaring magakay sa koponan tungo sa tagumpay at pati na rin sa pagkalugmok, ngunit ang pagtanggap ng pagkatalo at palakpakan ang husay ng kalaban ay isang senyas ng magandang asal. Hindi lamang medalyon at tropeo ang naglalagay ng ngiti sa mga atleta bagkus ay pati ang samahan na nabuo at pinagtibay ng respeto na kailanman ay hindi matutumbasan at mapapantayan ng sandamakmak na kampeonato.

YAPOS NG KAMPEON

Yinakap ni Futsal Defense Steph Eustaquio ang karibal mula sa ibang koponan pagkatapos ng laro, upang bigyang-pugay ang kanilang naging bakbakan sa District Meet.

Futsal Girls, pumailanglang sa Distrito Dos

Makalipas ang apat na taon, walang kupas ang pagpagaspas ng MPLD Futsal Girls Team patungo sa rurok ng tagumpay matapos nilang masikwat ang mailap na 4-peat at maka-alpas sa determinadong Mataas na Paaralang Jose P. Laurel (MPJPL), 6-0 sa J.P. Laurel HS, Nobyembre 2023.

Nakipagtagisan si Angel Miranda, Defense/Striker at Alessandra Luntayao, Striker sa nagbabagang init ng panahon nang magpakawala sila ng mga mala-sinulid na atake at magbalandra ng mga nakalululang feints at spin moves na nag-akay sa kanila para masungkit ang panalo. Nanibasib ang bangis ni Anne Manzon, GoalKeeper, nang matikas na ibalandra ang kaniyang mala-blokeng depensa na nagresulta sa pagpurol ng mga atake ng MPJPL; pinagsamantalahan naman ni Miranda ang kanilang momentum matapos bumira ng mga matutulis na kicks na kumalampag sa diwa ng Laurel at tumabo ng 2-0 sa first half.

Ngunit, hindi bumaling ang tingin ng Laurel HS sa kumikinang na tronong makisig na binabakuran ng Lakan Dula nang paigtingin nila ang kanilang depensa sa unang dalawang minuto ng second half na tuluyang nagtapal sa momentum ng katunggali.

Gayunpaman, pumalya ang mapanglusob na depensa ng MPJPL na pigilan

ang bangis ni Luntayao matapos siyang magsalansan ng isang long range kick dahilan para maipako ang iskor sa 3-0. Dinomina ng MPLD ang second half nang ibida nina Mindara-Luntayao ang kanilang chemistry sa pamamagitan ng sunod-sunod na mapanusok na one-two play kaakibat ng matatag na ball control ni Eujhalaine Gonzales at depensa ni Steph Eustaquio para iukit ang iskor sa 5-0.

Nagngingitngit na kinandado ni Miranda ang bakbakan matapos magpakawala ng pamatay na power kick na nagresulta sa tuluyang pagkalunod ng karibal sa matinding pagkalugmok, 6-0, at makwintas ang pasaporte sa Division Meet.

“Nawala ang defense namin kasi nauna ang kaba…Laurel is improving pa pero babawi kami next time, malakas talaga ang Lakan Dula”, pahayag ni David Chomi, Trainer ng MPJPL. Samantala, kinapos ang MPLD na mabingwit ang unang puwesto sa Division Meet matapos lumagapak kontra sa Mataas na Paaralang Tondo, 2-1 at dumausdos sa ikatlong gantimpala bunsod ng kanilang pagratsada kontra sa Mataas na Paaralang Victorino Mapa, 2-0, na ginanap sa Araullo High School, Enero 25.

Ibinida ni Alessandra Luntayao ang kaniyang maliksing reflexes at mala-kadenang depensa na naging dahilan upang hindi makaporma ang

A STRIKERS’ CREED: PAGSIPAT SA TAGUMPAY

Bilog ang bola. Maaaring busog ang tainga sa matamis na rapsodiko ng pagkapanalo. Ngunit, baka bukas ay mabingi sa simponiya ng pagkalugmok. Ang mga ganitong senaryo ay naka-ukit na sa palakasan; nakapako na lamang sa utak ng manlalaro ang kasagutan sa katanungang—”paano mo haharapin ang mapaglarong kapalaran?”

Mga halimaw ang umaapak sa isang football field, mga nagnanasang mapinturahan ng ginto ang pangalan. Kaugnay dito, kung paguusapan ang mga tigre sa football field, matunog ang mga pangalan nina Cristiano “CR7” Ronaldo at Lionel “GOAT” Messi bunsod ng kanilang kakayahan na nagpanday ng kanilang imahe sa buong mundo.

ANG SALAMANGKERO

Dahil sa impluwensiya ni Ronaldo sa football players, naging inspirasyon ito para sa isang manlalaro ng futsal team sa Mataas na Paaralang Lakan Dula. Sa katunayan, reinkarnasyon na siya ni CR7 sa segundong umapak siya sa field bunsod ng kaniyang dribbling. Siya si Angel “Ronaldo” Miranda ng Futsal girls team, na tila salamangkero rin dahil sa kakayahan niyang imanipula ang bola palayo sa kaniyang mga katunggali.

“Huminto ka na sa paglalaro ng football!” Iyan ang kumaskas sa kaniyang mga tainga. Ginapi siya ng isang malubhang injury

sa parehas niyang binti na dahilan upang tumigil siya sa paglalaro ng football ng tatlong taon. Sa kabila nito, ginamit niyang inspirasyon si Ronaldo upang magpatuloy sa pagsipat ng buhay.

ANG MESSIah

Bitbit ang walong taong karanasan sa larangan ng pagsipa, sinapian ni Messi ang katawang lupa ni Kenneth Dela Cruz ng Football Boys nang magpasiklab ng pulidong ball control sa field. Ngunit, totoong hindi mo maiilagan ang mga pagsubok; natutuhan ito ni Dela Cruz sa mahirap na paraan nang magapi siya ng mga sprain at bruises. Ang mga senaryong ito ay pasakit sa kaniyang pasyon na umunlad bilang isang football player. Sa kabila nito, pinanghawakan niya ang mga salita ng Diyos at ang mentalidad ni Messi upang maka-alpas sa mga pagsubok sa kaniyang buhay.

ANG KREDO

Mahirap na kalaban ang agos ng buhay. Ito ang napagtanto nina Miranda at Dela Cruz—magkakambal ang pagkapanalo’t pagkalugmok at kalaunan ay maaapula ang tagumpay. Kung kaya’t nararapat na nakatatak sa bawat utak at puso ng mga manlalaro ang kredo ng tagumpay—ang sagot sa hagupit ng mapaglarong tadhana; “‘Wag sumuko bangon lang nang bangon.”

HINDI MATITIBAG

Raja Soliman ginapi ang Lakandula sa Manila Meet

Lumihis ang mga nagngingitngit na mala-si bat na suntok ng Mataas na Paaralang Lakan Dula (MPLD) sa matigas na depensa ng Mataas na Paaralang Rajah Soliman (MPRS) dahilan para dumausdos ang MPLD sa ikalawa at ikatlong karta da sa iba’t ibang kategorya sa Manila Meet, Pebrero 8-9 sa Raja Soliman Science and Technology High School. Ibinalandra ng Lakan Boxing Team ang kanilang matibay na fighting spirit at maliliksing jabs ngunit hindi ito naging sapat upang apulahin ang naninibasib na bangis ng mga katunggali.

“Nagkulang kami sa mga training equipments, preparations at training kaya kami naoverwhelm sa mga kalaban subalit, babawi kami next year at patuloy na mamatahin namin ang gintong medalya,” ani Gian Caguintuan, 51-54 kg category boxer.

Nakipagtagisan si Hayden Dela Cruz sa hiyawan ng mga manonood matapos eksplosibong magbitaw ng mga -mabibigat na atake na sumindak sa pambato ng Raja Soli man sa round 1 at magtarak ng pressure sa ring. Ngunit, agad na bumawi ang Soliman nang magpakawala ito ng mala-Manny Pacquiao na left-hook na nagtuldok ng bakbakan sa round 3 at naglagapak kay Dela Cruz sa Silver Medal sa 48kg category. Nagmistula namang ‘see-saw’ game ang tagisan sa Junior Boys 50-52 kg mula sa ika-una at ikatlong round matapos magsalitan ng mga straight jabs at body blows sina Paulo Sanchez ng Lakan at Nash Cabudsal ng Soliman; subalit, nag baga ang baga ni Sanchez dulot ng mga mapanglusob na atake ng karibal dahilan upang mapasakamay kay Cabudsal ang gintong medalya.

MATINDING KOMBINASYON Suntok ng katotohanan ang natamo ng Lakandula sa kanilang pakikipaggirian sa kampeonato matapos magpakawala ng mga nagliliyab na kombinasyon ng mga jabs ang katunggali.

Hindi naman pinaporma ni Jeremy Balino ng MPRS si Caguintuan, Captain ng Boxing Team ng MPLD nang dikdikin niya ito ng mga mapanusok na jabs na bumasag sa diwa ni Caguintuan at nagpalugmok sa kaniya sa technical knockout.

18 ISPORTS TAONG MMXIV BLG II|PEBRERO 2024 Kalasag ng Katotohanan MATAAS NA PAARALANG LAKAN DULA|JUAN LUNA ST., TUNDO MANILA
Obra ni Cassandra Samonte Crystal Gem Jimeno James Agosto Kuha ni John Cedrick Absulio
ISPORTS 19 MATAAS NA PAARALANG LAKAN DULA|JUAN LUNA ST., TUNDO MANILA
Jhared Carlo Cornes Shajeena Mastura SARADO-KANDADO kalaban.
para sa 48-50 kg; hindi rin nagpahuli sina Asianti Dela Cruz at Snaf Neel Angco nang madawit nila ang
sa 44-46 kg,
at
Samantala, sinikwat ni Caguintuan ang silver medal sa 51-54 kg habang si Sanchez
sa 50-52 kg at Angelo M. Loria
bronze medal
school boys
junior boys category.
Kuha ni Shajeena Mastura Kuha ni Shajeena Mastura

Lim, rumagasa sa AOSI Bangkok 2024

Sa kabila ng iinindang scoliosis at nakatarak na pressure sa bawat dagundong ng mga manonood, patuloy pa rin ang pagpagaspas ng mga pakpak ni Claine Briana “Biang” Lim patungo sa tugatog ng tagumpay nang madagit niya ang tanso sa ASEAN Open School Invitational (AOSI) sa Assumption University Aquatic Center, sa Bangkok, Thailand noong Pebrero 2-4.

Bitbit ang bandera ng Swim League Philippines (SLP), ipinalasap ni Lim mula sa baitang pito pangkat apat ng Mataas na Paaralang Lakan Dula, sa kaniyang mga katunggali sa iba’t ibang bansa ang pait ng pagkalugmok gamit ang kaniyang mga mala-Michael Phelps na pagratsada sa tubig at mahahabang limbs.

“I made friends sa mga nakasama ko in the tournament, especially ‘yung naka second and first sa heat na galing Thailand at isa lang ang masasabi ko—malalakas sila….there’s a story of how I got that medal. Hindi ko yan ni “la-lang” dahil pagod, kaba, at luha ang dinala ko bago ko makuha ‘yan,” ani Biang.

Nilamon ng kamalasan si Lim at ang 13 delegato mula sa iba’t ibang bansa matapos magkaroon ng anomalya sa ‘buzzer dive signal’ dahilan para magkaroon ng ‘delay’ sa pag-dive ng mga manlalaro at maging tinik para sa 13 anyos na pambato ng Pilipinas sa 100m backstroke race.

Ngunit, hindi ito dumurog sa mentalidad ni Claine matapos umiral ang kaniyang dugong Pilipino sa huling 50m ng karera nang ibandera niya ang matinding pagbulusok ng kamay at paa na nagsikwat ng 1:16 segundong kartada at tansong medalya.

“Hindi ko inaakalang makakakuha ako ng medalya dahil mahigit 50 ang mga swimmers na nakalahok sa kompetisyon mula sa 14 na mga bansa…I had 9 events at isang relay— sobrang competitive at tough ng bakbakan,” dagdag pa ni Lim.

Samantala, naitampok din ang angking bagsik ng Lakan Dulan sa isports segment ng PTV News matapos niyang ialay ang kanyang gold medal sa 50m backstroke at silver medal sa 100m backstoke para sa namayapang Coach ng SLP na si Ferdinand “Mando” Yumol sa Palarong Pambansa 2023.

“I see the dedication ng anak ko, sulit ang isinasakripisyo niyang oras sa tuwing nanalo siya… patuloy ko siyang susuportahan dahil ito ang landas na nais niyang tahakin,” pahayag ni Teddy Lim, ama ni Claine.

64% Bilang ng student-athletes na ipagpapatuloy ang sports career sa senior high school: Hindi Magpapatuloy 22% Hindi Sigurado 14%
James Agosto Kuha ni John Cedrick Absulio

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.