Ang Kabataan 2021 | Tomo XCVI, Bilang 1

Page 1

angkabataan TOMO XCVI BILANG 1 • Opisyal na Pahayagang Filipino ng mga mag-aaral ng Isabela National High School • Pebrero - Disyembre 2021

Tinig ng makabagong mag-aaral

PAHINA 2 • BALITA • Bayanihan, pinalakas sa BE ‘21 • Samahan ang magigiting na mga guro sa kanilang pagbabayanihan para sa paaralan. PAHINA 6 • LATHALAIN • ML: Ang Panandaliang Saya sa Hubad na Maskara • Ano nga ba ang tunay na tagumpay sa labas ng talapindutan? PAHINA 9 • AGHAM AT TEKNOLOHIYA • Iba’t Ibang Mukha ng Teknolohiya • Alamin ang papel na ginagampanan ng teknolohiya sa pag-usbong ng bagong normal

Programang RBI, bagong istratehiya ng pagkatuto sa bagong normal

ni KATHERENE G. AUSTRIA

SAGIP KINABUKASAN. Pinatutunayan ni Mark Roland P. Liggayu, mag-aaral ng Baitang 9 ng paaralan na hindi kailanman magiging hadlang ang pandemya upang makapagpatuloy sa pag-aaral sa tulong ng Radio-based Instruction (RBI) na maghahatid ng alternatibong paraan ng pagkatuto para sa taong panuruan 20212022. (Kuha ni Rolando Liggayu)

Mga mag-aaral, umaaray sa distance learning ni RICHMON JASPER C. MANCAO

Sa layuning makapaghatid ng dekalidad na edukasyon sa mga magaaral sa gitna ng pandemya, inilunsad ng Isabela National High School (INHS) ang programang Radio-based Instruction (RBI) para sa taong panuruan 2021-2022. Naniniwala ang paaralan na kaya nitong tugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa kabila ng mga pagbabago sa iskema ng pagkatuto dahil sa hamong dala ng bagong normal. Kaugnay nito, ihahatid ng RBI ang alternatibong edukasyon kung saan itatampok ang pagsasahimpapawid ng mga aralin sa pamamagitan ng radyo sa mga mag-aaral, ayon kay G. Silvino B. Cabangan, Punongguro IV ng INHS. “May mga bata na pumupunta sa mga bukid upang tumulong, doon ay pwede silang makapag-aral dahil maaari nilang pakinggan lang ang ating istasyon,” saad ni Cabangan. Sa pagkakalunsad ng RBI, itinatag ang dalawang istasyon ng radyo sa paaralan

para sa Junior High School at Senior High School na tatawaging ‘INHS ON AIR.’ Magsisilbing tagapangasiwa ng RBI ang mga kawani ng paaralan mula sa departamento ng communication arts sa pangunguna nina G. Lorenzo R. Quiaoit Jr., ulongguro V ng Kagawaran ng Filipino at G. Elias A. Abella, ulongguro V ng Kagawaran ng Ingles. Samantala, naging tagapanguna sa pagimplementa ng naturang programa sa Schools Divison Office (SDO) ng Ilagan ang San Antonio Agro-Industrial Vocational School (SANAIVS). Lumabas sa isinagawang pagsusuri ng mga guro sa SANAIVS na malaking bilang ng mga mag-aaral ang kapos sa cellphone load at mahina ang koneksyon sa internet hinggil sa modalidad na blended learning na inilatag ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). “Mas marami ‘yung lumabas sa survey na estudyanteng pwedeng-pwede sa modality na radio-based, kaya ni-push through na namin ito dahil accessible din siya sa mga

City-Wide Vaccination

android o smart phones,” pahayag ni Bb. Abigail L. Montereal, guro III sa SANAIVS. Nauna nang ikinasa ng SDO Ilagan ang pagpapatupad ng RBI sa 14 na paaralang sakop ng dibisyon kasama ang SANAIVS, Isabela School of Arts and Trades (ISAT)Main, Dappat Integrated School, San Antonio Elementary School (SAES), San Lorenzo Integrated School (SLIS), RangAyan National High School (RNHS), Gayong-Gayong Sur Integrated School, Sta. Isabela Sur Elementary School, Sta. Isabel National High School (SINHS), Naguilan Baculud Elementary School (NBES), ISAT Cabannungan Annex, Agro Integrated School, San Pedro Integrated School, at Alinguigan 2nd Integrated School. Inaasahan namang magkakaloob ang Panlungsod na Pamahalaan ng Ilagan sa pamamagitan ni City Mayor Josemarie L. Diaz ng 35,000 na radyo sa mga estudyante sa siyudad.

sa Lungsod ng Ilagan, isinagawa Upang maisalba ang mga mamamayan laban sa mapanuksang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), isinagawa ng Lungsod ng Ilagan ang malawakang pagbabakuna para sa mga Ilagueño nitong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021. “Malugod pong umaapela ang ating Punong Lunsod na tayo’y magpabakuna na upang tayo’y makapamuhay ng matiwasay laban sa COVID virus. Ang ating kabataang edad 12-17 ay maaari na ring bakunahan,” saad sa isang post ng MyCity Pio, ang opisyal na Facebook account ng Public Information Office ng lungsod. Mayroong itinalagang mahigit 20 na pasilidad na ginamit para sa naganap na City-Wide Vaccination kabilang ang City of Ilagan Medical Health Center, Gov. Faustino N. Dy Hospital, San Antonio Hospital at iba’t ibang Barangay tulad ng

ni RESHELLE ANNE AUSTRIA/ CHRISTIAN NEBALASCA

Baculud, Alibagu, Osmena, Malalam, Bliss, Sta. Isabel Sur, Carikkikan Norte, Cabannungan 1st, Marana 1st, Alinguigan 2nd, Cabisera 4, Cabisera 10, Cabisera 17-21, at Centro San Antonio. Ayon naman sa isa pang Facebook post ng MyCity Pio, nakapagbigay ng 17,356 first doses ang lungsod samantalang 3,144 naman para sa second doses sa isinagawang 3-day vaccination ng lungsod. Sumatotal, nakapamahagi ang pamahalaan ng 20,500 doses ng bakuna kung saan nahigitan ang kanilang target sa nasabing programa na 17,214 sa loob ng tatlong araw. Sa isa pang ulat, umabot na ng 93.60% ng populasyon sa lungsod ang nabigyan ng first dose at 57% naman ang kumpletong bakunado na. Umaasa naman si City Mayor Josemarie L. Diaz na bago matapos ang taong ito ay makakamit na ng lungsod ang status ng pagiging malaya sa banta ng COVID-19. Hindi naman tumitigil sa pagpapaalala ang Alkalde na sundin ng mga Ilagueño ang mga pangkalusugang protokol na ipinatutupad dahil ang COVID-19 ay patuloy sa pagdadala ng banta.

BAYANIHAN SA BAKUNAHAN. Binigyan ng unang dose kontra COVID-19 ang 12 taong gulang na si Brandon Cambe, mag-aaral ng INHS, sa unang araw ng 3-day Vaccination Program ng Lungsod ng Ilagan na ginanap sa Brgy. Camunatan Health Center nitong Nobyembre 23, 2021. (Larawan ni Grace Talaue)

Pinangangambahan ngayon ng mga mag-aaral ng Isabela National High School (INHS) ang patung-patong na mga aktidibad na ibinibigay sa kanila ng mga guro sa ilalim ng distance learning, ayon sa sarbey ng patnugutang Ang Kabataan (AK). Sa 97 respondante mula sa Junior High School at Senior High School, 86 ang nagpahayag na hindi nila kayang pagsabaysabaying gawin ang kanilang mga takdang-aralin sa iba’t ibang asignatura habang 11 naman dito ang nagsabing kaya nilang pangasiwaan ang oras nila sa paggawa ng kanilang aktibidades. Nabatid kay Kathleen Mae Quillopas, Baitang ABM 12-Business, na nagiging banta na sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral ang mga gawaing kailangan nilang tapusin, aniya, dapat umanong magtakda ang mga guro ng ‘deadline’ na naaayon sa kanilang kapasidad. “Hindi lahat ng estudyante ay parehas ng level of intelligence, sana maintindihan din nila,” banggit ni Quillopas. Sa kabilang banda, sumang-ayon naman ang isang estudyante ng paaralan na nararapat lamang tapusin ng mga mag-aaral sa nakatakdang oras ang kanilang gawain dahil kailangan ito ng mga guro sa pagbibigay ng grado. “Teachers provide tasks in order for us to learn, tasks will only stack up if you don’t do it on its alloted time,” saad ni Julius Balayan, Baitang 10-SPJ. Isinagawa ang nasabing sarbey upang malaman at maunawaan ng mga guro at magulang ang sitwasyong dinaranas ng mga mag-aaral.

Proyektong help desk ng SSG, isinulong

ni JIA MAE BAGUNU

Isinakatuparan ng Supreme Student Government (SSG) ng Isabela National High School (INHS) ang proyektong INHS SSG: Help desk na may layuning tugunan ang iba’t ibang laganap na isyung-aralin ng mga mag-aaral na inilunsad nitong Nobyembre 22, 2021. Binubuo ng dalawang bahagi ang proyekto, una rito ang SSG I.N BOX, Malaking tulong ang kabilang din ang Project LAMPARA. proyektong ito para sa Magsisilbing plataporma ang kapakanan naming mga SSG I.N BOX sa paghimok ng mga mag-aaral. mag-aaral na sanayin ang kanilang tungkulin sa malayang pagpapahayag habang nakasentro naman ang Project LAMPARA sa paglinang sa sikolohikal, emosyonal, at sosyal na kamalayan ng mga mag-aaral. “We can be stronger through working together as we serve as light and lend our ears to other students as we continue to raise awareness on mental health,” saad ng pamunuan ng SSG. Maipapahayag ng mga mag-aaral buwan-buwan ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagtugon sa Facebook Page at Google Forms ng naturang proyekto.


02

BALITA

OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL NG ISABELA NATIONAL HIGH SCHOOL

MAKAMASANG LUNGSOD

CIMC, itinatag kontra pandemya ni MARIA BERNADETTE C. ASUNCION Bilang tugon sa lumalalang pangkalusugang krisis sa lalawigan dala ng pandemyang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), itinatag ng Lungsod ng Ilagan ang City of Ilagan Medical Center (CIMC) na pormal na binuksan kaalinsabay sa pagdiriwang ng ika-siyam na Cityhood Anniversary ng siyudad nitong Agosto 11, 2021. Ayon kay Public Information Officer Paul Bacungan, ang tatlong palapag na hospital ay nasa 150 bed capacity 2nd level classification ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH). Matatandaang nagsilbing isolation unit para sa mga mild at moderate na mga kaso ng COVID-19 ang ikatlong palapag ng CIMC nang magkaroon ng surge ng naturang sakit noong buwan ng Marso, taong kasalukuyan. Kaugnay nito, bukas ang hospital para sa mga pasyente ng COVID-19 na nasa kritikal na kondisyon sa sandaling maging fully operational

na ito. Sa pahayag naman ni City Mayor Jose Marie L. Diaz, malaking tulong ang maibibigay ng CIMC hindi lamang sa mga mamamayan ng lungsod kundi pati na rin sa mga karatig bayan nito. Samantala, pinangunahan ni Dr. Glenn Mathew G. Baggao, Medical Center Chief II ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang pagpapakila sa mga doktor na magserserbisyo sa hospital kung saan magsisilbing direktor ng CIMC si Dra. Herbie Barrios. Dumalo rin sa naturang aktibidad sina Isabela Governor Rodito Albano III, PRO2 Regional Director PBGen. Steve Ludan, Isabela Provwincial Health Officer Dr. Nelson Paguirigan, at Atty. Gelacio Bongngat, ang National Bureau of Investigation (NBI) Regional Director ng Rehiyon 02.

Kuha ni Chester Ivan Lim

Larawan ni Glenn Matthew Baggao

PARA SA MAMAMAYAN. Pinasinayaan na ang bagong City of Ilagan Medical Center (CIMC) na patatakbuhin ng LGU ng Lungsod ng Ilagan na tatanggap ng mga pasensya sa Lalawigang Isabela lalo na ngayong panahon ng pandemya nitong Agosto 11, 2021.

GREEN ACT Malawakang tree planting sa paaralan, pinaigting ni RESHELLE ANNE AUSTRIA

KAAYA-AYANG BUKAS. Nakiisa ang mga guro at kawani ng paaralan sa isinagawang pagtatanim ng mga puno na proyekto ng SDO ng Lungsod ng Ilagan nitong Hulyo 26, 2021.

REGIONAL SCIMATHLYMPICS Fernandez, kampeon sa Math Quiz Bee

ni ROLANDO LIGGAYU

Nakamit ni Lord Benedick Fernandez, mag-aaral ng Baitang 10-Einstein ng Isabela National High School (INHS) ang kampeonato sa kategoryang Math Quiz Bee sa isinagawang 2021 Regional SciMathLympics na ginanap online nitong Hulyo 27, 2021. Nanguna si Fernandez sa walo pang kalahok mula sa iba’t ibang dibisyon ng Rehiyon 02 matapos itong makatanggap ng 45 puntos habang sinundan siya ng kinatawan ng Tuguegarao na may 37 puntos samantalang pumangatlo naman ang kinatawan ng Santiago na may 31 puntos. Naging masusi umano ang paghahanda ni Fernandez sa nasabing patimpalak tulad na lamang ng pag-aaral sa iba’t ibang konsepto ng matematika, aniya, nagsagawa siya ng

‘mock quiz bee’ kaagapay ang kanyang ama na si G. Benidick M. Fernandez, guro sa Matematika ng INHS. Labis naman ang galak na naramdaman ni Fernandez sa kanyang pagkapanalo. “Sa totoo lang, mas maganda kung hindi ka nag-eexpect ng malaki… sa paraang ito, mas masaya ang panalo at hindi gaano masakit ang pagkabigo,” pahayag ni Fernandez. Kasunod nito, tahasang hinimok ni Fernandez ang mga mag-aaral na patuloy lang linangin ang kanilang kakayahan sa kahit anumang larangan. Nagsilbing tagasanay ni Fernandez si Gng. Geraldine Cabanos, guro sa Matematika.

Hindi natinag ang mga guro ng Isabela National High School (INHS) sa matinding sikat ng araw sa pagsasagawa ng malawakang pagtatanim ng mga puno sa loob ng paaralan sa ginanap na 2nd Division Wide Simultaneous Tree Planting and Tree Caring Activity ng Schools Division Office (SDO) ng Ilagan nitong Hulyo 26, 2021. Ayon kay National Greening

Program (NGP) Coordinator Maria Luz M. Socan, humiling ang paaralan ng 2,000 na mga punla ng Mahogany na agad namang ipinagkaloob ng National Tobacco Administration (NTA). Kasunod nito, matagumpay na itinanim ng mga kawani ng Junior High School at Senior High School ang 100 na punla ng nasabing puno sa piling mga lugar sa paaralan.

Naglalayong maipamalas ng Project Trees 2.0 ang patuloy na pagtatanim upang mapalitan ang mga namatay na puno at mabawasan ang hindi kanais-nais na mga epekto ng pagbabago ng klima. Bukas naman ang paaralan para sa mga nais humingi ng mga natirang punla upang itanim.

Bayanihan, pinalakas sa BE ‘21

ni RESHELLE ANNE AUSTRIA

Ipinamalas ng mga kawani ng Isabela National High School (INHS) at mga stakeholder ang kahulugan ng pagbabayanihan para sa paaralan sa kasagsagan ng 2021 Brigada Eskwela (BE) nitong Agosto 3 hanggang Setyembre 30, 2021.. Sa pagkakakasa ng BE, nakiisa ang Parole and Probation Office – Department of Justice ng Lalawigan ng Isabela at Lungsod ng Ilagan sa paaralan sa pagsasagawa ng iba’t ibang aktibidades kaugnay sa BE tulad na lamang ng paglilinis sa kapaligiran at values formation na pinangunahan ng Guidance and Counselling office ng INHS, ayon sa pamunuuan ng paaralan. Pinatitibay nito ang adhikain ng paaralan na magbigay ng kalidad na serbisyo sa mga mag-aaral sa kabila ng hamong dala ng pandemyang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). “We are conducting Brigada Eskwela to promote a safe learning environment and engage partnership with stakeholders,” saad ni BE Coordinator Arlene V. Maynigo Ang pagsasakatuparan ng naturang aktibidad ay nakaangkla sa layunin ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na mapaigting ang pagtutulungan at pakikipagugnayan ng mga paaralan sa mga kasosyo nito na umaayon sa implementasyon ng Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) habang tinitiyak ang kaligtasan ng mga magaaral at guro sa gitna ng COVID-19. Samantala, matatandaang hinirang ang paaralan bilang Most Sustained BE Implementer sa Virtual Regional BE 2020 Awards noong Mayo 3, 2021. Kaugnay nito, nagpapasalamat si G. Silvino B. Cabangan, Punongguro IV ng INHS, sa mga tumulong upang makamit ang nasabing karangalan.

Proyektong HERT, malaking tulong sa komunidad ni GWEN SHINETTE PASTOR

Upang matugunan ang suliranin ng komuninad pagdating sa transportasyon, ilulunsad ng Lungsod ng Ilagan ang proyektong Hybrid Electric Road Train (HERT) matapos lagdaan ang

memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng Local Government Unit (LGU), Department of Science and Technology (DOST), at Isabela State University (ISU) nitong Agosto 11, 2021.

Larawan mula sa DOST – Region 2

HERT PARA SA ILAGUEÑO. Pinipirmahan ni City Mayor Josemarie L. Diaz ang memorandum of understanding ng proyektong Hybrid Electric Road Train (HERT) na tutulong sa suliranin ng transportasyon sa Lungsod ng Ilagan nitong Agosto 11, 2021.

Ihahatid ng proyekto ang e nv i r o n m e n t- f r i e n d ly at alternatibong moda ng transportasyon sa mga frontliner at mamamayan sa siyudad, ayon kay DOST Secretary Fortunato “Boy” T.

de la Peña. “It can be a great complement to the existing public transportation system in Ilagan… also, during this time of pandemic, HERT can be used by the frontliners, especially during lockdowns, when there is limited public transport,” saad ni de la Peña. Binuo ng mga inhinyero ng Metals Industry Research and Development Center (MIRDC) ng DOST, ang HERT ay may haba na 40 metro at may limang magkakaugnay na coach. “It was called ‘hybrid’ because instead of just running on diesel fuel, HERT is also powered by electric batteries, therefore creating lesser carbon emission compared to vehicles that run purely on gasoline or diesel,” dagdag pa ni de la Peña. Bahagi rin sa layunin ng HERT na magbukas ng oportunidad para sa mga lokal na manggagawa katulad ng mga welder at mapahusay ang kakayahan ng mga mag-aaral sa siyudad sa pamamagitan ng pagsasaliksik ukol sa proyekto. Sa pahayag naman ni City Mayor Jose Marie L. Diaz, ang hakbanging ito ay isa lamang sa kanilang hangarin na maging isang ‘liveable city’ pagdating ng taong 2030.


BALITA 03

ANG KABATAAN • Tinig ng makabagong mag-aaral • TOMO XCVI BILANG 1 • Pebrero - Disyembre 2021

42.3% ng mga INHSian, pumabor sa online kaysa sa ibang moda ng pag-aaral ni ROLANDO LIGGAYU Hindi kataka-taka na sumangayon ang mga mag-aaral ng Isabela National High School (INHS) na mas epektibo ang pagpapatupad ng Online Distance Learning kumpara sa iba pang modalidad na inilatag ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) para sa taong panuruan 2020-2021. Ito ang naging reaksyon ng pangulo ng Supreme Student Government (SSG) na si Daryll C. Jacob matapos malaman ang resulta ng sarbey na isinagawa ng patnugutang Ang Kabataan na nagpapakita na 42.3 porsyento ng buong populasyon ng INHS ay higit na nakasasabay sa Online Distance Learning. “Marahil dahil mayroong

presensya ang guro at mga kapwa mag-aaral na nagdudulot ng mas pagkakaengganyo ng estudyante upang makapagtamo ng mga aral at pagsaulo ng mga panibagong konseptong pang-akademiko… ‘di umano sa online learning ay may pagkakataon ang mag-aaral na magtanong,” saad ni Jacob. Bukod sa naturang modalidad, pumabor ang 35.2 bahagdan ng mga mag-aaral sa Modular Distance Learning samantalang umabot lamang sa 22.4 porsyento ng mga estudyante ang pumili sa Blended Distance Learning o pinaghalong online at offline learning. Samantala, umaasa si G. Silvino

ni ROLANDO LIGGAYU

nasungkit nina Carl Joshua Ramos, Lord Benedick Fernandez, at Chareeze Raiza Bayad, pawang mga mag-aaral ng Baitang 10-Einstein, ang pangalawang puwesto. Inuwi ni Persis Agape Madduma, Baitang 10-Einstein, ang kampeonato sa Dagliang Talumpati sa dibisyon ng JHS habang pumang-anim naman si Princess Lerie Ammugauan, Baitang 12-Diamond, sa Dagliang Talumpati sa dibisyon ng SHS. Nakuha naman ni Adriel Hannz Ramiro, Baitang 10-Einstein, ang pangalawang puwesto sa kategoryang Extemporaneous Speech sa dibisyon ng JHS habang pumangatlo naman si Heart Lago, Baitang 12-Accountancy, sa Extemporaneous Speech sa dibisyon ng SHS. Nakopo ni Kaye Catherine Laggui, Baitang 10-Einstein, ang ikasampung puwesto sa Pagsulat ng Sanaysay sa dibisyon ng JHS

42.3%

B. Cabangan, Punogguro IV ng INHS, katuwang ang DepEd, sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kawani ng paaralan sa pagbubukas ng klase para sa taong panuruan 2021-2022 upang maghatid ng tama at sapat na edukasyon sa mga mag-aaral. “Ang INHS ay naghahanda na para sa pagbubukas ng klase at ang Radiobased Instruction, Modular, Online, at Blended Learning ay ang mga modality na gagamitin sa mga magaaral upang patuloy ang pagbibigay ng wastong edukasyon sa panahon ng pandemya,” banggit ni Cabangan.

INHS, namitwin sa ISAW

Iginawad sa Junior High School (JHS) ng Isabela National High School (INHS) ang titulong pangkalahatang kampeon habang nakamit naman ng Senior High School (SHS) ang pangalawang puwesto sa 22nd Isabela SocioCultural Awareness Week (ISAW) na isinagawa online sa pamamagitan ng Facebook, Zoom, at Discord noong Pebrero 21-23, 2021. Natamo ng dibisyon ng JHS ang pangkalahatang puntos na 56 samantalang nakamit naman ng dibisyon ng SHS ang puntos na 50. Napagwagian ng grupong kumatawan sa kategoryang Debate na binubuo nina Mary Alexisse Calibo, Maxene Alliyah Malabad, at John Brylle Ubay, mga magaaral ng Baitang 10-Einstein, ang kampeonato. Naging mahigpit naman ang labanan ng mga koponan sa kategoryang Quiz Show kung saan

ONLINE DISTANCE LEARNING

habang nakuha naman ni Em-jay Jacoben, Baitang 11-Sambisig, ang pangalawang puwesto sa Pagsulat ng Sanaysay sa dibisyon ng SHS. Ibinulsa naman ni Rexschelle Mizzy Alejo, Baitang 12-Amethyst, ang pangatlong puwesto sa Digital Poster Making habang nakamtan naman ni Art Decilon Paat, Baitang 10-SPA L. San Pedro, ang ikasampung puwesto sa Traditional Poster Making. Layunin ng patimpalak na maitaguyod ang kamalayan patungkol sa kultura, sosyal, at maisulong ang mga kabataan ng Lalawigan ng Isabela. Naging tagasanay ng mga kalahok sina Francisca Guingab, Jhoana Charissa Cabrera, Joey Pasion, Lilia Nenita Acosta, Nicson Candelaria, at Victoria Mamuri, mga guro sa INHS.

35.2%

3 mag-aaral, nagwagi sa PatalaSanlahi debate ni RESHELLE ANNE AUSTRIA Tinanghal na kampeon ang tatlong mag-aaral ng Isabela National High School (INHS) na kumatawan sa paligsahang debate sa ginanap na PatalaSanlahi na isinagawa online sa pamamagitan ng Discord at Zoom noong Marso 27-29, 2021. Namitwin sina Mary Alexisse C. Calibo, Maxene Alliyah C. Malabad, at John Brylle B. Ubay, kapwa mga mag-aaral ng Baitang 10-Einstein ng INHS, matapos nilang talunin ang kinatawan ng Dr. Yanga’s Colleges Inc. habang pumangatlo naman ang kinatawan ng Ilocos Norte College of Arts and Trades. Napagwagian din ni Malabad

ni RESHELLE ANNE AUSTRIA

Nabatid pa kay Hilario na sipag, determinasyon, at tiyaga ang naging puhunan ng mga kalahok upang mapagtagumpayan ang nasabing kompetisyon.

“ P a n a g b a n g o n , Pannakapaimbag, Pagbagon, Paghilom” ang tema ng paligsahan na naglalayong tumuklas at luminang ng mga kabataang

35.2%

BLENDED DISTANCE LEARNING

Kinatawan ng paaralan sa rondalla, pasok sa semi-finals ng NAMCYA 2021 Nagpamalas ng galing sina Sophia Bernadette Duque, April Daphney Geronimo, Axientina Almoite, at Alexis Frankie Dela Luna bilang guitar accompaniment, kapwa mga mag-aaral ng Isabela National High School (INHS), na siyang kinatawan ng paaralan sa rondalla, matapos silang makapasok sa semi-finals ng Solo Rondalla Instrument Kategorya A ng National Music Competitions for Young Artists (NAMCYA) nitong Agosto 21, 2021. Naganap ang eliminasyon ng naturang patimpalak sa pamamagitan ng ipinasang recorded video ng pagtatanghal ng mga mag-aaral. Ayon kay G. Redenson Hilario, tagasanay ng grupo, na natutong tumugtog ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga online class noong nakaraang taon, aniya, lumahok sila sa iba’t ibang timpalak habang tinitiyak ang pagsunod sa mga pangkalusugang protokol.

MODULAR DISTANCE LEARNING

Pilipinong musikero sa gitna ng pandemya.

Kuha ni Redenson Hilario

GALING SA MUSIKA. Ipinaririnig nina April Daphney Geronimo (sa kaliwa) at Alexis Frankie Dela Luna ang kanilang piyesa na naging daan upang mapasali sila sa semi-finals ng NAMCYA 2021.

ang Best Finals Speaker at ni Ubay ang 2nd Best Eliminations Speaker. Ayon kay Malabad, sila ay nahirapan sa bagong pamamaraan ng paligsahan dahil malayo ito sa tradisyonal na konsepto ng patimpalak bunsod ng limitasyong hatid ng bagong normal dahilan upang magkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan at mga teknikal na isyu kaya naman, mas nagpursigi pa sila upang mapagtagumpayan ito. “Sa dalawang araw ng kompetisyon, kami ay kinakabahan at nagagalak sapagkat alam namin na ang mga pinakamahuhusay sa pagdedebate ang aming makakalaban; tuwing iniisip namin ang proseso upang makarating kami sa araw ng kompetisyon na

iyon ay mas nabibigyan kami ng inspirasyon na magpursigi sapagkat matagal na naming inaasam na makalahok sa national debate competitions,” saad ni Malabad. Nagsilbing tagasanay ng grupo si Gng. Lilia Nenita C. Acosta, guro sa Ingles. Bitbit naman ang temang “Tinig ng Kabataan sa Pandemya, Lakasan,” isinulong ng PatalaSanlahi sa pangunguna ng UP Sanlahi Alliance ang pinakamataas na antas ng kahusayang pang-akademiko at kamalayan sa iba’t ibang kultura at tradisyon ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya.

Punong patnugot ng AK, TI, nanguna sa SHS ni RESHELLE ANNE AUSTRIA Sa ipinamalas nilang kahusayan sa larangan ng akademiko, iginawad sa punong patnugot ng dalawang opisyal na pahayagan ng Isabela National High School (INHS) na Ang Kabataan (AK) at The Isabelan (TI) ang pinakamataas na karangalan sa isinagawang 4th Commencement Exercises nitong Hulyo 30, 2021. Kapwa mag-aaral ng paaralan sina Katherene G. Austria ng AK at Heart B. Lago ng TI sa strand na Accountancy, Business and Management (ABM). Hindi umano naging madali para kay Austria na abutin ang naturang karangalan dahil sa naging takbo ng kanyang pagaaral lalo na nang dumating ang pandemya kaya naman mas

nagpursigi pa siya upang makamit ito. “Katulad ng iba, naranasan ko kung gaanong nakakaubos ng lakas ang mag-aral sa gitna ng pandemyang ito; mentally at physically draining, pero nalampasan ko naman sa pamamagitan ng time management dobleng efforts sa mga ipinapasang output,” saad ni Austria. Binigyang-diin naman ni Lago na dapat taglayin ng mga magaaral ang mga salik na bubuo sa pagkamit ng tagumpay tulad ng pakikinig, pagkontrol sa sarili, pagkilala sa nararamdaman, at pagbibigay ng oras sa sarili. Samantala, umabot sa 985 mag-aaral ang mga natagpos para sa taong panuruan 2020-2021, ayon kay G. Silvino B. Cabangan, Punongguro IV ng INHS.


04

EDITORYAL

OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL NG ISABELA NATIONAL HIGH SCHOOL

EDITORYAL

KAPIT-BISIG

AKSYON SA LAYON

Ang epekto ng pandemyang Coronavirus Diesease 2019 (COVID-19) ay hindi natatapos sa pangkalusugang aspeto ng buhay, ito ay makikita rin sa pangkabuhayang sangay ng bansa. Buhat ng pagsiklab ng pandemya, maraming mga negosyo ang tuluyang nagsara at milyon-milyong manggagawa ang nagkukumahog sa dilim bunsod ng pagkakatanggal sa trabaho. Higit nitong naapektuhan ang mga mamamayang nasa laylayan ng lipunan. Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Abril 2020, umabot sa 17.7 porsyento o 7.3 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho- pinakamataas sa loob ng 15 taon. Bilang solusyon, nagbukas ng mga libreng online training program ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang umangat ang kakayahan sa pagtratrabaho ng mga manggagawa sa gitna ng pandemya. Dagdag pa ang isinulong ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na National Employment Strategy Task Force upang mapaigting ang layuning tulungan ang bawat trabahador. Ito ang naging tugon ng pamahalaan upang maisalba ang ating ekonomiya at mga mamamayang kabilang sa kahirapan. Sa pagkakakasa ng mga programang ito, naitalang 1.2 milyong Pilipino ang nakilahok sa nasabing pagsasanay. Maging ang mga nawalan ng hanapbuhay ay may tulong ding natanggap mula sa pamahalaan. Sa pamamagitan ng programang COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES), nakapaglabas ang gobyerno ng P988 milyong halaga ng loan para sa 14 na libong benipesyaryo na pinagbabatayan sa Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1. Sa ilalim naman ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2, napalawig ang P2.9 bilyong halaga ng loan na ipagkakaloob sa 12 na libong enterprise kabilang ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) at sa sektor ng turismo. Layunin nitong bigyan ng pagkakataong magsimula o sustentuhan ang kani-kanilang negosyo sa kabila ng pandemya. Ang tanging pangamba na lamang ay kung kailan mapupuksa ang COVID-19 dahil ito pa rin ang nagsisilbing batayan upang makabalik na tayo sa normal nating pamumuhay. Kalakip nito ang pagbubukas muli ng mga gusaling pang-industriya, mga lokal na tindahan at mga paaralan na siyang nagbibigay muli ng posibilidad sa pagtaas ng ekonomiya at employment rate sa bansa. Isa ring bagay na sinusuri ng mga eksperto ay kung sapat ba ang mga inisyatibong inilunsad ng gobyerno para sa mga mamamayan. Malalaman lang natin ito kung bumaba na ang bilang ng mga Pilipinong wala pa ring trabaho at mga negosyong wala pa sa operasyon. Makalipas ang isang taong pakikibaka sa pandemya, bahagyang bumaba na ang unemployment rate sa bansa dahil na rin sa pagluluwag ng lockdown at pagbabalik sa trabaho ng mga manggagawa. Sa tala ng PSA, 7.1% na lang ang walang trabaho noong Marso taong kasalukuyan, higit na mas mababa ito sa 8.8% noong Pebrero. Marami nang natulungan, ngunit hindi pa rito natutuldukan ang tungkulin ng pamahalaan upang aksyunan ang suliraning kinakaharap ng pangkalahatang mamamayan. Tangi sa riyan, nakasalalay man sa kamay ng gobyerno ang estado ng bansa,

Maging Responsable!

ni RONN ANTHONY CABRERA

“Mainam na tayo’y sumunod sa mga alituntunin ng pamahalaan sa pagtugon sa krisis na kasalukuyan nating kinakaharap.” Humigit isang taon nang ginagambala ng pandemya ang ating pamumuhay mula sa noo’y kinagisnan nating mundo. Magpahanggang sa ngayon, patuloy pa rin tayong nakikipaglaban kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at ang takot na tayo’y mahawaan ng naturang sakit ay naririyan pa rin sa ating mga Ilagueño. Kaugnay ng lumalalang pandemya, naglunsad ng malawakang contact tracing at mga local community lockdown si Hon. Jose Marie L. Diaz, ang alkalde ng Lungsod ng Ilagan. Napagalaman sa Local Government Unit (LGU) ng syudad na agarang dinadala sa mga pasilidad pangquarantine ang mga nahawaan ng virus at sila ay nagsasagawa ng mabusisi na pagmamanman sa kanila. Dagdag pa ang mahigpit na mga checkpoint sa bungad ng

LP

98 responsibilidad pa rin ng lahat na makiisa sa mga hakbangin ng adminstrasyon sa pagtugon sa krsis. Bilang isang Pilipino, ang pagsunod sa mga mandato at pangkalusugang protokol na ibinababa ng awtoridad ay isang nang malaking ambag. Hindi maikakaila na napakahirap ng buhay sa panahon ngayon, dagdag pa ang takot na dala ng COVID-19. Kaya naman, nararapat lamang na gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang maibsan ang epekto ng pandemya. Dapat nilang pag-igihin ang pagtataguyod ng mga programa na magsasalba sa buong mamamayang Pilipino sapagkat ang pag-asenso ng bansa ay nakasalalay din sa katayuan ng mga manggagawa.

USAPANG SOCIAL MEDIA

Responsableng paggamit, isulong! sa birtwal na komunidad upang huthutan ang biktima nito. Bukod dito, nagtatangka pa silang maglalabas ng mga hindi kanais-nais na mga litrato na maaaring magdala ng kahihiyan sa pagkakataong hindi sinang-ayunan ng biktima ang kanilang mga kahilingan. Ayon sa ulat ng Statistica

“Gamitin sana nang tama ang social media upang maging kapakipakinabang tayong mamamayan sa bansang kasalukuyang kumakaharap sa pangkalusugang krisis.” nagagamit din ang social media sa pagpapalaganap ng mga ilegal na gawain na hindi katanggap-tanggap sa lipunan. Sa paglipas ng panahon, isa na ang social media sa mga pinakamapanganib na lugar kung wala kang kamalayan sa tamang paggamit nito. Umusbong na kasi rito ang mga transaksyon at iba pang mga gawain na maaaring ikapahamak ng mga tao. Gamit ng mga ‘hackers’ ang kanilang abilidad, nagagawa nilang makapasok

Research Department noong Agosto 12, umaabot sa apat hanggang 15 minuto ang iginugugol ng mga Pinoy sa paggamit ng social media bawat araw. Higit na mas mataas ito sa sa global average na dalawang oras at 25 minuto para sa social media usage kung kaya hindi na maipagkakailang nangunguna ang Pilipinas sa buong mundo sa haba ng iginugugol at pagtutok sa internet. Sa tala noong 2020, 80 milyon mula sa 108 milyong populasyon ng Pilipinas ang may kakayahang maka-acess sa

LIHAM SA PATNUGOT Ginoong Patnugot, Bilang isang masugid na mambabasa ng Ang Kabataan, isinusulat ko ang liham na ito nang may mapagsaludong hangarin. Humahanga ako sa buong pamunuan ng pahayagan sapagka’t patuloy ninyong naitataguyod ang gayong tungkulin bilang tagapaghatid ng balita, sa kabila ng samu’t saring sagabal bunsod ng pandemya. Bagama’t hindi madalvi, inaasahan ko, at ng lahat ng aking kapwa mag-aaral, ang walang kupas ninyong pagpupunyagi upang maghayag ng tapat at mapagkakatiwalaang impormasyon. Isang magiting na pagpupugay para sa mga manunulat ng INHS! Lubos na gumagalang, Benjamin E. Lim

Sa iyo Benjamin,

ni EM-JAY JACOBEN Kasingbilis nang umaatikabong kidlat kung gamitin na ng mga tao ang social media sa panahon ngayon. Nagsisilbi itong daluyan ng komunikasyon at nagbibigay daan sa mga ‘user’ upang makapagpahayag ng reaksyon at suhesyon sa isang usapin. Subalit, sa kabila ng mga benepisyong hatid nito,

lungsod upang makontrol ang mga pumapasok o dumarayo rito. Sa kabilang dako, maraming mamamayang Ilagueño ang nagpaparehistro sa kani-kanilang barangay upang mabakunahan bilang proteksyon sa COVID-19. Isinusulong ang kampanyang RESBAKUNA: Kasangga ng Bida na naglalayong mapadali ang pagbabakuna nang ligtas, mabisa, at libre. Base sa datos ng Department of Health (DOH), pitong milyon mula sa 109 milyong mamamayang Pilipino pa lamang ang nababakunahan o kung susumahin ay 6 porsyento. Ito ay malayo pa sa 70% na target ng pamahalaan dahil may kakulangan sa suplay ng bakuna kaya natatagalan tayo sa herd immunity phase. Gayunpaman, tila hindi sapat ang mga hakbang na inilatag at ipinanukala ng lokal na pamahalaan upang matugunan ang pandemya

dahil sa kabila ng lahat, patuloy na kumakalat ang virus sa lungsod. Marahil ay maraming pasaway na mamamayan o kulang sa ngipin ang mga protokol na inilunsad ng LGU. Kinakailangan pa ng mas mahigpit na pagmamanman sa mga taong gumagala sa syudad. Ang pagsusuot ng face mask at face shield ay dapat panatilihin ng bawat isa sa mga pampublikong lugar—maging ang pagpapanatili ng physical distancing ay dapat ding bantayan. Nararapat na bigyan ng kaukulang parusa ang mga lalabag sa protokol na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF). Hindi sa hindi epektibo ang mga hakbangin ng lokal na pamahalaan, kundi ang bisa ng kanilang pagsisikap na mapuksa ang COVID-19 ay masasalamin sa disiplina ng mga mamamayan nito. Ang mga hakbang ng gobyerno ay dapat bigyang-pansin para sa kaligtasan nating lahat. Atin ding isaisip na nasa kasagsagan pa rin tayo ng pandemya. Kaya naman, mainam na tayo’y sumunod sa mga alituntunin ng pamahalaan sa pagtugon sa krisis na kasalukuyan nating kinakaharap

Labis na nakalulugod ang iyong munting mensahe. Tunay nga na laganap ang panganib sa ating kalusugan at kabuhayan, lalo na’t tila malayo pa ang ganap na wakas ng naturang pandemya. Gayunpaman, makatitiyak ang lahat na patuloy na ipagtatanggol ng Ang Kabataan ang kredibilidad at layunin nito bilang pinunong angkora ng balita, at bilang boses ng mga INHSian. Katigan ang diwa ng pamamahayag.

internet. Sa taong 2021, lumalabas na 81.53 milyon na ang gumagamit ng social media sa bansa. Sa bilang na ito, hindi malayong lumubha pa ang krimeng nagaganap sa social Sumasainyo, media. Patnugot Sa araw-araw kong paggamit ng social media, aminado akong nababahiran din ako ng takot at pangamba sa oras na ako naman ang pagdiskitahan. Madalas ko kasing napapanood sa mga balita’t panayam ang mga naging karanasan ng mga biktima sa kamay ng mga mapagsamantalang mga tao. Upang maiwasan ang mga ganitong Ang opisyal na pahayagang Filipino ng Isabela pangyayari, suriing mabuti ang mga National High School ilalathalalang litrato, komento at Lupong Editoryal TP - 2020-2021 rekasyson sa social media. Iwasan din ang direktang pagbibigay ng personal na impormasyon sa ibang Punong Patnugot: Katherene Austria Pangalawang Patnugot: Ronn Anthony Cabrera Patnugot ng Balita: Reshelle tao dahil maaari nila itong gamitin Austria; Patnugot ng Editoryal: Christian Daniel Binag; Patnugot ng Lathalain: Em-Jay Jacoben; Patnugot ng Isports: sa pansariling interes upang Christian Nebalasca; Patnugot ng Agham at Teknolohiya: Jhon Paul Dugay; Mga Tagakuha ng Larawan: Rolando makapanlamang. Gamitin sana nang tama ang Liggayu; Tagaguhit: Modrhey Boce; Taga-anyo: Mischa Catindig; Tagapamahalang Sirkulasyon: Maria Bernadette social media upang maging kapakiAsuncion; Mga Taga-ambag: Gwen Shinette Pastor Jia Mae Bagunu, Xam Gonzales, Johanna Mari Babaran, Selene pakinabang tayong mamamayan sa bansang kasalukuyang Dy, Francis Matthew Jiminez, Emian Jofette Guiyab, Benjamin Lim, Aliya Drew Mercado, Roland Josh Bangug. kumakaharap sa pangkalusugang krisis. “Think before you click” upang maiwasang maging biktima ng hindi MARIA LUISA C. AGSUNOD makataong paggamit nito at lagi RICKY C. LAGGUI Pangulo ng GPTA Tagapayo isaalang-alang ang iyong kaligtasan sa tuwing nakatutok sa birtwal na Mga Kasangguni komunidad.

angkabataan

LORENZO R QUIAOIT, JR. Ulongguro V

SILVINO B. CABANGAN Punongguro IV


OPINYON

ANG KABATAAN • Tinig ng makabagong mag-aaral • TOMO XCVI BILANG 1 • Pebrero - Disyembre 2021

05

INSTRUMENTO SA PAGBABAGO

Rehistrado ka na ba? ni CHRISTIAN DANIEL BINAG

politiko—ang katwiran sa pampublikong paghahalal. Mula sa kurso ng kasaysayan, ang pagganap bilang isang botante ay nagsisilbing pribilehiyo na ipinaglaban at ipinagkaloob ng ating mga ninuno. Ang layunin ng demokratikong bansa ay upang lahat ng mamamayan ay mabigyan ng tindig. Subalit, sa ganap na higit kalahating populasyon lamang ng taumbayan ang bumoboto, hindi lahat ng boses ay nadidinig; at kung hindi lahat ng Pilipino ay napapakinggan, taliwas na ito sa diwa ng demokrasya. Naniniwala ako na lahat ay datapwat bumoto sapagka’t lahat ay mayroong opinyon. Napakarami ngayon ang saksakan ng “ingay” sa social media, na kung saan libo-libong netizen ang tila nangongomentaryo, nagbabahagi, nanggigigil, at buong tapang na naghahayag ng kanilang damdamin sa pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon—na aking iginagalang bilang kanilang karapatan. Ngunit, sa halip na

“Ang bansang ito ay nangangailangan ng matalinong pagboto ngayon higit kailanman.” Sa maikling panahon na natitira bago iraos ang Halalan 2022, malaking porsyento pa rin ng kwalipikadong populasyon ang hindi pa nakapag-paparehistro bilang botante. Maaaring ito’y sanhi ng panganib dulot ng kasulukuyang pandemya, o sa kadahilanan lamang na pagkawala ng ganang bumoto. Gayunpaman, bilang mamamayang Pilipino, bakit nga ba natin kailangang bigyang-diin ang ating karapatan sa pagboto? Suprahiyo, o prangkisang

magbatuhan ng hindi lamang masasakit na salita, magbatuhan din tayo ng tanong; bumoboto ka ba? Labis na mainam kung ating mga puna ay maitawid sa pamamagitan ng balota. Bilang mamamayan, bahagi ng ating karaniwang kredo na ang pagiging lehitimo ng pamahalaan ay batay sa pahintulot ng pinamamahalaan. Ang mismong kilos ng pagboto ay isang uri ng pansibikong tungkulin na nakapagpapatataas ng ating panlipunang kamalayan, sa gayong para sa ibang Pilipino, ang pakikiisa sa elektoral na proseso ay ang natatanging pagkakataon upang timbangin at ipahayag ang kanilang kagustuhan sa direksyon ng gobyerno. Habang ang iba ay urong-sulong sa pagdalaw ng presinto, kulob na mayroon pa rin talagang mga taong huminto na sa pag-eehersisyo ng kanilang karapatang bumoto marahil ay nawalan na ng pag-asa na may magbabago pa sa sistema ng ating sosyedad. Kung isa ka sa mga iyon, hindi pa huli upang magbago ang iyong isip. Bilang maliit na pakunswelo, ang halalan ay isa sa

mga tinaguriang “great equalizer.” Sa isang malinis na eleksyon, patas ang laban—walang lamang at dehado, walang paghati sa lipunan. Huwag masiraan ng loob sapagka’t ang iyong boto ay isa lang, maging ang boto ng mayaman o ng mahirap. Inaamin at nauunawaan ko na isang malaking bakod ang COVID-19 upang maayos na maipatakbo ang Halalan 2022. Ngunit, kung hindi naman tayo kabilang sa mga vulnerable sector, at susunod lamang tayo sa mga itinatakdang protokol at hakbang pangkaligtasan, lubos kong hinihikayat na simulan na ang proseso ng pagpaparehistro bilang botante. Tangi sa roon, maraming inihandang panukala ang COMELEC (Commission on Elections) upang epektibong matugunan ang mga isyu dulot ng pandemya, tulad ng online registration forms, at hybrid election systems na ipinaghalong moda na manual at automated bilang paraan ng pagkakaltasan ng mga resulta ng eleksyon. Bagong botante man o hindi, ang bansang ito ay nangangailangan ng matalinong pagboto ngayon higit kailanman, lalo na at napakalaki

ang hamon ng napapanahong krisis sa ating kalusugan. Kung nais mo ng mas mabisang pagtugon sa hinaharap na pandemya, o kaya’y mas makatarungan na mga batas, patakaran, at programang medikal, bumoto ng mga taong may ganitong panayam o plataporma, nang sa gayon ay matitiyak na tapat at mapaglingkod lamang na mga pinuno ang maka-uupo sa pwesto. Sa katunayan, ang paghahalal ay hindi basta karapatan lamang, may kaakibat rin itong pananagutan upang pumili ng nararapat na kandidato para sa bawat posisyon sa gobyerno. Tayo’y muling maghahalal ng mga mukhang bubuo sa gabinete ng susunod na administrasyon; mula sa pangulo hanggang sa mga konsehal sa ating mga lokal na distrito. Samakatwid, habang may oras pa, huwag na maghintayan ng last-minute o huling araw ng pagpaparehistro upang maiwasan ang pagkukumahog. Para sa mga dati nang nakapagtala sa eleksyon, panatilihin ang pagiging aktibong botante at kumbinsihin ang mga tao sa paligid na makilahok sa Halalan 2020.

Maging sa lahat, ang pagboto ay isang karapatan at responsibilidad na itinakda ng ating Saligang Batas; pinahihintulutang bumoto ang sinumang mamamayan ng Pilipinas na hindi inalisan ng angkop sa batas, at nasa wastong edad na labingwalong (18) taong gulang pataas. Maaaring gampanan ang naturang tungkulin sa batayan na ang indibidwal ay nakapanirahan na sa bansa sa loob ng isang taon man lamang, at anim na buwan man lamang sa lugar na kaniyang bobotohan kagyat bago maghalalan (Seksyon 1, Artikulo 5: Karapatan sa Halal, Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas). Ang huling araw ng pagpapaparehistro ay ipinetsa sa ika30 ng Setyembre, 2021. Panahon na upang buksan ang ating mga mata at ibukod ang mga karapat-dapat sa mga mapagpanggap. Huwag luhuran ang inhustisya at katiwalian. Ang kailangan natin ngayon ay tunay na lider—hindi diktador, hindi huwad. #Halalan2020 #MagparehistroNa

PUKAWIN ANG KAMANGMANGAN

COVID-19: Teorya vs Katotohanan ni KATHERENE AUSTRIA

kilalang conspirators o mga taong nagsasabwatan upang gumawa ng mga teoryang magpapaliwanag sa mga bagay-bagay. Ang mga conspiracy theory sa mga kritikal na panahong tulad ng pandemya ay delikado. Isa sa mga imbentong teorya na labis na nagbibigay ng pekeng kapanatagan ng loob sa mga tao ay ang conspiracy theory na isiniwalat ng magkasabwat na David Icke at Alex Jones. Ayon sa kanilang kuro-kuro, ang COVID-19 ay hindi totoo at isa lamang balangkas ng makapangyarihang mga tao’t mga elitista upang alisin at ipagkait ang ating mga kalayaan. Dahil

“Para sa mga nagpapaniwala’t mulat sa mga haka-haka ngunit bulag sa mga katotohanan, turuan ninyo ang inyong mga sarili.” Ika-29 ng Abril taong kasalukuyan nang tamaan ako ng Corona Virus Disease (COVID-19), ang virus na nagdulot ng malawakang pandemya—nagpasakit, nagpahirap, at kumitil ng maraming buhay. Magbabahagi ako bitbit ang personal na karanasang sasalungat sa maraming maling kuro-kuro at gawa-gawang mga teorya na naghahatid ng maling mga impormasyon sa mga tao. Ang

COVID-19 ay hindi isang biro. Ang ipinamamalas nitong karamdaman ay nagtataglay ng pagbabanta sa iyong buhay. Ang mga teoryang magkakasabwat na ginagawa, o conspiracy theories ay isang uri ng teorya na ayon sa Merriam-Webster Dictionary ay nagpapaliwanag ng isang kaganapan o hanay ng mga pangyayari bilang resulta ng isang lihim na pagbabalangkas ng mga

sa kaisipang ito, nag-iwan ng impresyon sa mga tao ang teorya na ang COVID-19 ay isa lamang normal na trangkaso. Bilang dating pasyente ng nasabing virus, hindi normal na trangkaso lamang ang aking naramdaman. Kabilang sa mga sintomas na nagpakita sa akin ay ang lagnat, dry cough, panghihina, labis na pananakit ng katawan, pananakit ng lalamunan, pagtatae, pananakit ng ulo, pagkawala ng pang-amoy, at kahirapan sa paghinga. Kung isang trangkaso lamang ang COVID-19, bakit mayroong mga nasasawi? Isa pang teorya ang inilabas ni Dr. Annie Bukacek kung saan ayon sa kaniya, ang bilang sa datos ng mga namamatay sa COVID-19 ay

KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG

Paano na tayo?

ni RESHELLE ANNE AUSTRIA

pagsasalita, at pamamahayag. Subalit, sa mga nagdaang kaganapan sa estado ng pamamahayag sa bansa, tila nakalimutan at nasalungatan ng konsepto ng nasabing batas. Sa mga nakalipas na taon, nagpakita ang administrasyong Duterte ng pagpapasya na takutin at ipasara ang Rappler, isang online news website, dahil sa kritikal na pag-uulat nito sa “drug war” ng pangulo na kumitil ng libolibong buhay. Nangyari ang pang-aaping ito matapos hatulan si Maria Ressa, ang nagtatag ng Rappler, na may sala ng Cyber Libel. Ang pagsusulat ng mga artikulong naglalaman ng mga kritisismo sa Pangulo ay isa sa mga halimbawa ng malayang pamamahayag; matapos nga ang mga naging opresyon sa press freedom, natagpuan ding walang sala ang Rappler Website.

“Kung nagawang pagbantaan ng gobyerno ang mga malalaking pahayagan sa ating bansa, paano pa kaya ang pamahayagang pampaaralan lamang?” Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Agosto 28, 2019 ang Republic Act No. 11440 o mas kilala bilang “National Campus Press Freedom Day Act” na ipinagdiriwang tuwing Hulyo 25. Sinasabi sa ipinanukalang batas na ang pangangalaga sa dyornalismo ay bahagi ng tungkulin ng pamahalaan sa pagprotekta sa kalayaan ng pagpapahayag,

Maliban sa Rappler, personal rin na tinakot ni Pangulong Duterte ang Philippine Daily Inquirer, ang pinakaprestihiyosong pahayagan sa Pilipinas na kritikal din na naguulat tungkol sa laban kontra droga ng pamahalaang Duterte ng mga kaso sa maling pagbayad ng buwis. Ayon sa isang patnugot ng nasabing pahayagan, maaaring usisain ng mga editor kung ang isang kuwento ay “talaga bang kinakailangan,” at nauuwi na lamang sila sa pagaaksaya ng oras na binibigyang katwiran ang mga inakda. Dahil dito, makikita natin ang pagkupas ng kalayaan sa pamamahayag na kung saan ay napakadelikado para sa demokrasya ng bansa. Samantala, ang network franchise ng ABS-CBN Corporation, ang pinakamalaking kumpanya ng media at entertainment sa bansa, ay maaalalang magtatapos na noon ang prangkingsa ngunit tinanggihan ng House Committee on Legislative Franchises ang pagpapanibago sa prangkisa nito. Gayunpaman, hindi ko maipagkakailang maraming

naging batayan ang kongreso sa pagtanggi sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN Corporation. Isa na sa mga naging batayan ay ang pagkakaroon ni Eugenio Lopez III, ChairmanEmeritus ng korporasyon, ng Dual Citizenship na labag sa Filipino Requirement para sa pagmamay-ari at pamamahala ng mass media ayon sa itinakda ng 1987 Constitution. Naging dahilan ang mga opresyon na nagaganap sa ating bansa para tanawin ng ating mga kababayan ang mga pamilyar din na pangyayari noong diktadura ng Rehimeng Marcos. Unti-unti nang naglalaho ang kahalagahan ng kalayaan sa pamamahayag sa buong bansa. At iisa lang din ang naging tugon ng mga mag-aaral na manunulat sa paaralan – Kung nagawang pagbantaan ng gobyerno ang mga malalaking pahayagan sa ating bansa, paano pa kaya ang pamahayagang pampaaralan lamang?

minamanipula at pinalalaki lamang ang numero upang palabasin na ito’y napakadelikadong sakit. Aniya, walang dahilan upang obserbahan ang mga pagpapatupad ng lockdown o ang regulasyon sa social distancing. Sa isang artikulong inilabas ni Lynas, Mark (2020) ng Alliance For Science, sa isang YouTube video, si Bukacek ay makikitang nakasuot ng puting lab coat at mayroon ding stethoscope sa leeg habang ibinabahagi ang kaniyang teorya— mistula siyang isang awtoridad na mapagkukuhanan ng konkretong mga impormasyong medikal, ngunit lumalabas sa pagsusuri ni Lynas na si Bucakek ay isang aktibistang kontra sa pagpapabukuna.

Sa kabuuan, mayroon nang naitalang 4.38 milyong kaso ng mga namatay sa COVID-19 sa mundo, pinakamarami sa Estados Unidos kung saan nakadestino ang mga nabanggit na conspirators. Para sa mga nagpapaniwala’t mulat sa mga haka-haka ngunit bulag sa mga katotohanan, turuan ninyo ang inyong mga sarili. Hindi isang pangkaraniwang sakit ang COVID-19. Magpabakuna’t huwag isantabi ang mga protokol na ipinanunukala ng Inter-agency Task Force (IATF). Hindi isang batang nakikipaglaro si COVID-19. Kung mananatili kang bulag, kamangmangan ang siyang papatay sa iyo at hindi ang COVID-19.

BOSES NG

INSHIANS

Payag ka ba na mabakunahan ang mga estudyante laban sa COVID-19? Bakit o bakit hindi?

“Pumapayag ako para bumalik na sa normal ang lahat.” Xam Gonzales - Grade 7 - Europa “Tumututol ako sa pagpapabakuna sa mga kabataang estudyante, dahil ang ibang mga bakuna ay hindi pa nagtataglay ng kasiguraduhan na nagbubunga ng hindi katiyakan kung ito ay ligtas.” Johanna Mari Babaran - Grade 8 - Platinum “Pumapayag ako sa tamang bakuna, para masiguro ang kaligtasan nating mga kabataan sa corona virus.” Selene Dy - Grade 9 - Schist “Sa aking opinyon, payag ako sa pagpapabakuna sa mga estudyante dahil ito’y para rin sa kaligtasan ng bawat isa.” Battung - ABM 11 - Kotler “Depende sa klase ng vacccine at kung saan ito nanggaling. Kung less threatening, papayag ako.” Francis Matthew Jimenez - ABM 12 - Accountancy “’Di ako sang-ayon sa pagbabakuna sa mga estudyante, dahil ‘di pa ito napapatunayang ligtas sa kalusugan ng mga bata kung sila’y nabakunahan ng pang COVID.” Emian Jofette D. Guiyab - Grade 10 - SPJ


06

LATHALAIN

OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL NG ISABELA NATIONAL HIGH SCHOOL

AGOS NA ‘DI NASABAYAN ni KATHERENE AUSTRIA

“Hindi na ikaw... Hindi na ikaw ang dating nakilala ko, ang dating kinamulatan at kinagisnan.” Isang kalabang walang wangis. Sakit at kamatayan ang nais iparating sa buong mundo. Kumitil, nagpahirap, at naghatid ng matinding pagbabago. Sa paglitaw ng isang kalabang

walang mukha, umusbong din ang napakaraming pagbabago kung saan hirap tayong sumabay. Ang Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 ay isang nakahahawa at nakamamatay na sakit. Hanggang sa mga sandaling ito, patuloy na nakikidigma ang ating mga frontliner laban sa isang virus na tuwirang su

musubok sa kanilang kakayahan. Madaling bigkasin na mas hustong yakapin na lamang ang isang pagbabagong darating kaysa ang manatili sa iyong kinakalagyan ‘pagkat hindi nais ang progreso at pagbabago. Ngunit magiging madali lamang ang pagtanggap kapag makabuluhan ang pagbabagong

paglalaro. “Five seconds before you reach the battlefield, smash them!” Tunog na nanggagaling mismo sa kanilang talapindutan. Hudyat na magsisimula na ang labanan ng mga napili nilang mga hero; narinig ko ang pagmumura ng iba. “Defeat!” Talo ka na sa laro. Hindi maiiwasan ang kantiyawan kung kaya’t ang talunan ay kailangang bumawi sa susunod na laro. Hindi ko pa rin maiwaglit sa aking isipan ang panaginip na tila ba’y inuusig ako sa hindi ko malamang dahilan. Bumibigat ang aking pakiramdam kapag naaalala ko ang madugong pakikibaka ng mga bayani na sa pakiramdam ko ay ako ang kumokontrol sa kanila. Binuksan ang sarili kong talapindutan at tumambad sa akin ang isang shared post ng isang estudyante sa Facebook. Hindi ko alam kung bakit may nag-udyok sa akin upang basahin iyon. Ito ay post ng isang guro na nagtuturo sa Sta. Lucia National High School sa Pasig City na si Lady Majalia Amor Diaz. Nakapaloob sa post na iyon ang pagkumpiska niya sa mga cellphone ng kanyang mga estudyante matapos mahuli niya itong naglalaro ng Mobile Legends habang kasalukuyan ang klase. Ayon sa kanya, tuwing bago magumpisa ang klase ay sinasabihan

umano niya ang kanyang mga estudyante na itago ang mga bagay na hindi kailangan gaya ng cellphones. Nahuli niya ang mga bata na naglalaro ng ML kahit may klase kung kaya’t agad niyang kinumpiska ang mga cellphone ng mga mag-aaral. Kwento pa ni Diaz, maluha-luha ang mga estudyante na pawang mga nasa ika-10 na baitang dahil tiyak na mababawasan ang mga star nila bunsod ng pagkatalo sa laro. Ayon sa mga pananaliksik, umabot na sa 2.47 bilyon ang mga manlalaro ng video game sa buong mundo. Sa pandaigdigang merkado, tumatayang $148. 8 bilyon ang kita sa mga video games taong 2019; 48% ay nagmumula sa Asya. Karaniwang edad 33 ng mga lalaki ang naglalaro samantalang nasa edad 37 naman sa mga babae. Mayroong mga negatibong epekto ang dulot ng mga video game: ilan sa mga ito ay ang pagkaudlot ng pagtulog, pagkapagod dahil sa mahabang oras na inilalaan sa paglalaro, at insomnia. Mayroon ding mga pagkakataon na ipinagpapaliban ang pagkain ng agahan at kawalan ng interes sa ibang tao pati na rin sa pag-aaral, karera, at tagumpay sa pananalapi. Kung hindi kaya ako naadik

ito. Walang nais sumabay sa isang agos ng pagbabago na ang dulot ay kahirapan, sakit, at kamatayan.

Trabaho

Limitado. Hindi sapat. Mahirap. Bago pa man nagpakilala ang COVID-19, marami nang mga Pilipino ang hirap na makahanap ng mapagkakakitaan. Kung ating lilingunin ang landas ng nakaraan, noon pa man ay marami na ang gumagapang upang makahanap ng trabaho, ngunit nakararaos kahit papaano. Pero nang mamulat sa panibagong umaga, panibago ring sitwasyon ang nasilayan. Ang mga salitang, “Kaya pa, makakaraos din tayo,” ay napalitan ng mga katagang, “Palimos, palimos po!” Sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 ay patuloy ring dumarami ang bilang ng mga nawawalan ng trabaho.

Edukasyon Limang buwang naipagpaliban ang taong panuruan ng 2020-2021. Bagama’t marami ang nalungkot sa balitang magbbukas ang klase sa ikalima ng Oktubre, mas marami pa rin ang natuwa. Nabawasan ang bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa pag-aaral ngayong

taon. Nababahala ‘pagkat walang nagagawa ang kanilang kagustuhan na makapag-aral. Sa ibang mga pribadong paaralan at mga unibersidad na nagbukas na ng klase ngayong taon, isa pa ring nakapalaking pagsubok ang pagpasok sa isang birtwal na silid sa bawat araw. Ngunit sa iba, isang pawang palaisipan ang pagpapatuloy sapagkat naiipit sa banta ng COVID-19.

Pang-Araw-Araw na Pamumuhay Sa kawalan ng trabaho, kalakip nito ang kahirapan. Sa presensiya ng kahirapan, naaapektuhan ang edukasyon. Apektado tayong lahat. Ang iba, nagpatuloy sa pamumuhay ngunit nabahiran na ng pagbabago. Samantalang ang iba, humihinto sapagkat hindi kayang sabayan ang pagbabagong ito. Ang bawat araw ay walang kasiguraduhan. Isang panandang pananong na walang katiyakan. Naging normal na ang pagluha sa gabi habang iniisip kung paano muling mabubuhay sa susunod na bukas. Sinusubok tayo ng napakaraming pagbabago upang mas lalo pang maging matatag. Magiging parte na lamang ng kasaysayan ang

panahong ito sa paglipas ng maraming taon. Isang pangyayari na ating tatanawin sa nakaraan at ibabahagi sa mga susunod na henerasyon. Sa digmaang ito, lahat tayo ay biktima. Ngunit tulad ng lahat ng digmaan, may nagwawagi. Ito ay lumilipas. Mamamalagi sa nakaraan. Magiging sandata. Magiging dahilan ng pagkamulat. Isang umaga nang ako’y magising, napagtanto kong hindi na ito ang buhay na aking nakasanayan. Nabahiran na ng napakaraming pagbabago. Nagbago na. Hindi na tulad ng dati. Bumangon ako at inabot ang aking asul na face mask na nakasabit sa likod ng pinto. Nagsuot ng sapin sa paa. Lumabas upang lumanghap ng sariwang hangin. Isinuot ang face mask. Naupo sa parihabang upuan, isang metro ang layo sa mamang nagtatambay. ‘Pag nakuntento, papasok at huhubarin ang face mask saka maghuhugas ng kamay. Haharap sa aking cellphone upang pumasok sa aming birtwal na silidaralan. Pipiliting intindihin ang mga turo ni Ma’am at Sir saka gagawin ang mga takdang aralin. Matutulog. Paggising sa susunod na umaga, gano’n muli ang magiging proseso. Paulit-ulit lang. Pabalik-balik. Nagbago na ngang talaga ang lahat.

ML: Ang Panandaliang Saya sa Hubad na Maskara ni EM-JAY JACOBEN

“An enemy has been slain!” “Double kill! Triple kill! Savage!” Mula sa mahimbing na pagkakatulog ay nagising na lamang ako sa hindi malamang dahilan. Mabigat ang aking pakiramdam habang sapo ang aking ulo. Nagmistulang kagagaling ko lamang sa pakikipaglaban kung kaya’t hinihingal ako ngayon. Sa mundong hindi ko masyadong kilala ang mga hero—naroon sina Zilong, Layla, Eudora, at iba pa ngunit sa pagkakatanda ko’y wala namang ganyang mga pangalan sa aklat ng kasaysayan na siyang binasa ko noong nakaraan. Mga bayaning hindi naman nakidigma sa mga nakalipas na bakbakan sa bansa. Sa pagkakatanda ko, sila ang mga hero sa sikat na online game ngayon na “Mobile Legends” o ML. Sa loob ng aming silidaralan ay naroon ang aking mga kaklase na may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Ang iba ay nag-aasaran samantala ang iba naman ay hawak ang kanilang mga talapindutan habang tutok sa

sa online games noon, hindi kaya maaapektuhan nang husto ang aking mata? Sariwa pa rin sa aking isipan ang mga alaalang pilit na ibinabaon sa limot. Mula sa pagtilaok ng manok ay hawak ko ang talapindutan hanggang sa magtakip-silim. Mas marami akong oras na iginugugol sa paglalaro kaysa sa pag-aaral. Hindi ko namamalayan ang takbo ng oras kung saan tutok pa rin ako sa paglalaro. Para sa akin, sa 75 na grado ay labis na akong natutuwa kaysa naman sa mas mababa pa ito. Habang tinatanaw ang luntiang paligid, biglang namanhid ang aking ulo kasabay ng panlalabo ng aking paningin.

Laban ni

JUANA ni KATHERENE AUSTRIA

Nililingon ko ang landas ng nakaraan at hindi maiwasang gunitahin ang mga makabuluhang kasaysayang ibinahagi sa akin mula nang ako ay magsimulang mamulat sa nagdaang panahon na naging daan upang ating matamasa ang mga bagay na meron tayo ngayon. Isa akong babae, hinahatak ng mga lathalaing nagbabaybay ng mga karanasan, suliranin, at tagumpay ng mga kababaihang Pilipino na noon pa man ay patuloy nang inihahayag

ang pagnanais ng kalayaan mula sa diskriminasyon at esteriotipong nagpapababa sa pansariling kaunlaran ng mga kababaihan. Sa pinakasulok ng aking diwa, ipinagpalagay ko sa aking kaisipan na marahil ay itinuturo at ibinabahagi sa aming mga estudyante ang mga suliraning kinakaharap ng mga kababaihan mula pa man noon dahil naroon ang pag-asang magiging susi kami sa pagsugpo ng mga suliraning ito. Dahil sa generation gap kaya’t mumunting mga hakbang lamang ang

naipamamalas ng mga nakatatanda upang aksyonan ang suliraning ito sapagkat namulat sila sa lipunang pinamumunuan ng mga kalalakihan, at sumabay na lamang sa takbo’t tinanggap ang mga deskripsyong nababagay sa mga kababaihan. Nagresulta ito sa malawak na diskriminasyon, nag-iwan ng mga maling katagang angkop umano sa mga babae tulad ng mahina, marupok, emosyonal at nababagay lamang sa loob ng tahanan. Nasa ating mga kabataan ngayon sa kasalukuyang

henerasyon nakasalalay ang isang kritikal na papel upang palawigin ang pagbibigay-pugay sa mga kababaihan at bigyan sila ng pagkilalang nararapat para magpabatid na kung anong taglay na kalakasan ng mga kalalakihan ay siya ring taglay nating mga kababaihan. Habang patuloy kong nasisilayan ang patuloy na lumalagong diskriminasyong nararanasan ng mga babae ay lalo lamang tumitibay ang aking adhikain na ipamalas ang pinakasimpleng paraan na nakapagbibigay ng malakas na

Humagulgol ako sa oras na iyon na siyang pagdating ng humahangos kong ina. Naging apat na ang aking mata. Isang pares nito ay mataas ang grado; grado na hindi ko naman pinaghirapan sa paaralan. Sa huli ay naisip ko na wala namang mabuting idinudulot ng paglalaro kundi panandaliang kasiyahan lamang. Pagkatapos ng aking pagninilay ay agad nang dumating ang aming guro para sa susunod na klase. Nagsiayusan na ang lahat maliban sa mga kaklase kong tutok pa rin sa paglalaro. Agad naman silang sinita upang makapagsimula na naman kami ng panibagong yugto ng mga aralin.

epekto ang pagtaas sa kalidad ng mga kababaihan sa pamamagitan ng pagtindig bilang isang mabisang ehemplong lider na may malakas na tinig na nais ibahagi ang pagbibigay ng empowerment sa mga kapwa ko babae upang kanilang mabatid nang husto na ang mga kababaihan ay may karapatang pantay sa mga kalalakihan. Sa pinakamahinang tinig ng isang babae, maririnig mo ito kung talagang nais mo itong pakinggan. Magkaibang konsepto ang mga salitang “naririnig” at “napakikinggan”. Ang naririnig ay isang tagpong nangyayari kahit hindi natin gawin, samantalang ang napakikinggan ay humahantong sa pagkakaintindihan at pagkakaunawan. Hindi namin gustong marinig lamang ang aming boses, bagkus ay nais naming ito ay mapakinggan at mabigyanngkabuluhan. Kayang-kaya ng iba ang marinig ang hinaing ng mga kababaihan, ngunit isang pagsubok sa kanila ang pakinggan ito nang may kagustuhan at bukas na tainga upang tumanggap ng suliranin ng iba. Hindi ito kaartehan tulad ng ibinabatong salita sa mga kababaihan, isa itong pagtindig sa

Sa laro ng buhay, kinakailangan mong lumaban at magkaroon ng tiwala sa sarili para sa minimithing pangarap. Narito ako ngayon, matiyagang nakikinig sa aming guro at natatawa na lamang ako kapag naaalala ko ang nakaraan. Hindi ko kailangan ng maraming star at umusad ang rank katulad sa larong ML. Kailangan kong magsunog ng kilay para lamang sa kapirasong papel na nagpapatunay na nakapagtapos ako—ito ang matatawag kong

“VICTORY!”

aming mga karapatan. Hindi ito isang bagay na nababalutan ng emosyon lamang; isa itong kritikal na bagay na tunay na nangyayari at nararapat lapatan ng askyon. Hindi ito isang kahinaan at karupukan; isa itong adhikain na may layong ipamalas ang aming kalakasan at kakayahan. Hindi ito tinig ng isang babae lang, tinig ito ng isang babaeng mas malakas at matibay pa sa isang lalaking takot mapantayan at maungusan ng isang babae. Nagbabahagi ako mula sa perspektibo ng isang babae. Nagsasalita ako para sa mga kababaihan, at may nais iparating sa pangkalahatan. Kung sa pamamagitan ng pagsulat, hindi lamang para sa sarili kundi para sa tinig ng lahat ng babaeng nais mapakinggan ay nakapagbibigay ako ng pagpapahalaga para sa mga kababaihan ay patuloy akong magsusulat hangga’t may dapat ilathala. Patuloy akong pupuna hangga’t mayroong dapat punahin.


LATHALAIN 07

ANG KABATAAN • Tinig ng makabagong mag-aaral • TOMO XCVI BILANG 1 • Pebrero - Disyembre 2021

BYAHE PATUNGO

SA PANGARAP ni EM-JAY JACOBEN

“Alibagu! Alibagu!” “Saan itong bente?” “Kuya, para po!” Malimit nating masaksihan ang ganitong mga tagpo sa tuwing papauwi na tayo galing sa paaralan o trabaho. Siksikan at pahirapan sa pagsakay ng dyip dahil mas makatitipid ka sa pamasahe kung ikukumpara sa pagsakay sa traysikel. Samo’t saring mga tao na may magkakaibang kwento sa likod ng mga maskarang nakakubli sa kanilang mga mukha. Mababanaag sa likod ng mga mukhang iyon ang kanilang naging karanasan sa buong maghapon. “Ineng paabot ng bayad, isang senior citizen at isang bata.” Kung susumahin, nakawiwili ngang panoorin ang mga ganap ng bawat pasahero. Makakasama mo sila sa isang mahaba-habang paglalakbay patungo sa sariling destinasyon ng bawat isa. Kung ililibot mo ang iyong tingin,

makikita ang iba’t ibang paninda ng mga tindero sa mga gilid-gilid; mga pagkaing iniihaw o isinasawsaw sa suka, mga kakanin, mani at itlog pugo na patok sa madla at swak sa bulsa ng mga komyuter. Pumapawi sa iyong gutom habang naghihintay ng sasakyan pauwi sa iyong tahanan. Iba’t ibang sasakyan ang iyong makikita na nag-aatubili rin sa pag-uwi. Matatanaw mula sa malayuan ang traffic enforcer na sumasabay sa tugtugin upang mapanatili ang kaayusan ng trapiko sa kalsada. Isang mapanghamong trabaho kung ituturing pero dahil sa kagustuhang kumita, gagawin lahat upang may maipantustos sa naghihintay na sikmura ng kaniyang uuwian. Ang maingay na busina ng mga sasakyan ang siyang nagpapasigla sa buong paligid – aminin mo man o hindi, mas ginaganahan kang gumayak at pagmasdan ang iba’t ibang klase ng tao.

“Saan itong bente?” “Isang estudyante lang po.” Para sa mga hindi nakaririwasa, malaking bagay na ang benteng papel upang mairaos ang buong maghapon. Ang pangarap na minimithi ay untiunting natutupad dahil sa tulong ng bente pesos na iyong baon. Ang pamasaheng iniaabot papuntang paaralan ay pinagkakasya ng iilan dahil aniya’y, mahirap ang buhay kung kaya’t ang perang ito ang siyang magiging daan para sa mas matamis na tagumpay. Tiis-tiis lang makakarating ka rin. Mayroong mga pagkakataong ang behikulong sinasaklan ng ating mga paa ay naaantala. Sa patuloy nitong pagtakbo’y wala tayong kamalay-malay kung ang daang tinatahak natin ay may kaakibat na mga hamon. Tulad na lamang nang kung paanong sinindak ng pandemyang COVID-19 ang ating pamumuhay. Kasabay ng pagtigil ng pag-ikot ng mundo’y ang inog

ng manubela ng mga dyip ay nahinto rin. Gayunpaman, muling sumiklab ang kinang ng pagasa sa pag-usbong ng bagong kadaywan at pareho ng pagarangkada muli ng mga dyip, byabyahe tayong bitbit ang bawat bagay na nagmulat sa atin upang magpatuloy. Ano man ang iyong pinagdaanan sa biyahe ng buhay, nakatitiyak akong makararating ka pa rin sa iyong paroroonan. Ang pag-abot sa iyong pangarap ay tulad ng pagsakay sa mga pampublikong transportasyon – pahirapan subalit nakawiwiling karanasan na iyong magiging sandata sa pagtapak sa rurok ng tagumpay. Tulad ng pagsakay ng dyip, sasakay ka dala ang iyong naging karanasan. Mabagal ang usad, subalit sa paglalakbay na iyon, marami kang matututuhan. Makakasama ang iba’t ibang klase ng tao; maaaring makatulong sila o balakid lamang sa iyong pagsakay. Higit na mas matamis ang tagumpay kung ito ay iyong pinaghirapan, kaya magpatuloy ka at sumabay sa byahe ng tagumpay. “Manong para po!” “Saan itong isang libo? Isang propesyunal po manong, sa inyo na po ang sukli”

larawan ng sunstar.com

ni EM-JAY JACOBEN Ang marahang haplos ng malamig na hanging dumadampi sa balat kasabay ng pagtunog ng kampana mula sa simbahan ay hudyat na magsisimula na ang misa. Sa pagsapit ng buwan ng Setyembre, makikita na ang kumukutikutipap na mga Christmas light sa mga lansangan na dati ay isang ordinaryong kalye lamang. Ang mga parol na nakasabit sa mga kabahayan ay nagbibigay saya sa

LIWANAG SA GITNA NG KARIMLAN bawat taong dumaraan. Ang mga batang masayang kumakanta ng mga awiting pamasko kapalit ng sampung piso at mga kending sadyang binili ni inay upang ipamahagi sa mga ito. Sa pagtatapos ng Misa de Gallo, may kasabikan na namumutawi sa mga matang natatakam sa mga kakanin na siyang mabibili lamang sa labas ng simbahan. Pagpatak ng alas dose ng hating

gabi, karamihan sa mga Pilipino ay nagsasama-sama sa hapag kainan para sa Noche Buena - isang tradisyon na dinala ng mga Españyol sa bansa na siyang nagpakilala rin sa relihiyong Kristiyanismo. Nagpapalitan ng mga regalo at masayang sayawan ng mga bata pagkatapos buksan ang mga regalong natanggap mula kay ninong at ninang. Isang tagpo bago pa man dumating ang pandemya; tuluyan

na nitong binura ang mga ngiti sa labi at pinalitan na ng mga matang nangingilid na sa luha at pangamba. Ang Pilipinas ay tahanan ng mahigit 100 milyong tao, karamihan sa mga ito ay katoliko. Simula nang ipatupad ang community quarantine sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas, ang pagkasabik ng mga Pinoy sa pasko ay tuluyan nang nawala. Ang iba ay mas pinagtutuunan kung paano mairaraos ang bawat umaga.

Kamaong Pinatatag ng mga Pagsubok ni KATHERENE AUSTRIA Hindi masama ang mahuli at hindi rin naman sukatan ang edad. Ang mahalaga, mayroon kang determinasyon na lakbayin ang ‘yong karera.” Sampung taon ang kaniyang inabot bago magtapos sa kolehiyo, isang dekadang puno ng aral na dulot ng mga pagsubok, at isang kwentong dadalhin at tuwirang ibabahagi sa loob ng silid-aralan na kaniyang pinagtratrabahuan—upang bumuhay ng determinasyon, upang magbahagi ng inspirasyon, at magpamalas ng mabuting aral sa mga estudyanteng nasa kalagitnaan pa lamang ng kanilang paglalakbay. Nagsisilbi na sa simbahan ng Ilagan Parish Cathedral si Sir Carlos Cauilan mula pa

nang tumuntong sa sekondarya at naiwan sa pangangalaga ng kaniyang tiyuhin na si Father Orlando Lopez. Nang mangibangbansa ang tiyuhin ay naiwan ang batang Carlos sa simbahan ngunit nagpatuloy pa rin sa pag-aaral. Habang nasa sekondarya ay nagsimula siyang maglaro at magsanay sa pagboboksing at naging manlalaro ng Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA). Bilang bahagi ng kaniyang pagsasanay, tinatakbo niya mula Rizal Park sa Centro Poblacion hanggang sa Junction Upi. Aniya, tila siya’y magkakasakit tuwing hindi nakakapag-jogging. Taong 1981 nang magtapos ng hayskul si Sir Carlos sa Isabela National High School (INHS) na kilala bilang Isabela High School

Larawan ni CHESTER IVAN LIM

noong kaniyang kapanahunan. Pagka-gradweyt ay agad siyang lumuwas ng Maynila upang magtrabaho, ngunit bumalik sapagkat nais simulan ang kolehiyo. Nang madestino sa Santa

Maria, Isabela habang nagsisilbi sa simbahan bilang paraan upang maitaguyod ang sarili sa pag-aaral ay muli siyang bumalik sapagkat walang unibersidad sa lugar kung saan maaari niya sanang

Dibuho ni PJ ALLAUIGAN

Karamihan sa mga Pilipino ay nangangapa sa dilim bunsod na rin ng pagkatanggal sa mga pinapasukang trabaho. Tuluyan na nitong binago ang takbo ng ekonomiya, turismo, at buhay ng mga tao. Nangangamba ang lahat sa kanilang kalusugan. Hindi lahat ay may gintong kutsara sa kanilang bibig dahil ang iba ay isang kahig, isang tuka lamang. Hindi lahat ay may kayang bumili ng mga kagamitan at handa sa paparating na pasko. Pinapawi ang patuloy na pagkalam ng sikmura at itinatawid ang rumaragasang problema sa pinansyal. Naririnig sa mga taong maykaya sa buhay ang kanilang plano sa pasko samantalang ang mga maralita ay napapatingin sa mga ito nang may halong inggit. Walang kasiguraduhan kung maipagdiriwang ba nila ang Araw ng Kapanganakan ng ating Panginoong Hesus. Lumabas sa sarbey ng Social Weather Stations na 4.2 milyong mga pamilyang Pilipino ay nakaranas ng kagutuman sa mga nagdaang buwan sa gitna ng pandemya. Sa kabila ng dinaranas ng mga Pilipino sa patuloy na pagbayo ng pandemya, hindi mawawala ang tunay na diwa ng kapaskuhan. Pagibig ang ang siyang mangunguna sa pusong uhaw sa kasiyahan. Tulad ng isang viral sa internet na si Armand Bengua Frasco na naglagay ng kanilang Christmas Light at paglalagay ng parol sa harap ng kanilang tahanan upang ang lahat ay makita ito bilang simbolo ng pag-asa

para sa lahat. Kilala ang mga Pinoy sa iba’t ibang kapistahan at pati na rin sa pinakamatagal na nagdiriwang ng kapaskuhan sa buong mundo. Dahil sa pandemya, hindi na muling masisilayan ang pagkanta ng mga bata sa lansangan; ang sabayang pagbilang sa buwan ng Setyembre sa kapanganakan ni Hesus at pagdalo sa Misa de Gallo. Ang pagpapalitan ng mga regalo, pagtitipon, at pagyakap sa isa’t isa dahil sa pangungulila sa kanilang kapamilya ay hindi na maaari dahil sa ipinapatupad na health protocol ng Inter Agency Task Force (IATF). Ayon sa isang interview kay Frasco, “it (lantern) is a symbol of light at the end of the tunnel and a reminder that, with massive effort, modern medicines and prayers the coming holidays will turn out to be bright.” Marami nang naantalang pagdiriwang sa taong ito; magwawakas na ang pahina ng pagsubok at sisibol muli ang bukangliwayway. Muling magpapatuloy ang mga naudlot na kasiyahan at muli nang maririnig ang tunog ng kampana ng simbahan bilang hudyat ng pagsisimula ng lahat. Wala mang mga pagtitipon sa taong ito, hindi pa rin maiwawaksi ang tunay na kahulugan at diwa nito ang pagmamahal, pagbibigayan, pagmamalasakit at pagsuporta sa isa’t isa.

ipagpatuloy ang pagkokolehiyo. Taong 1987 nang magkapamilya ang ginoo, ngunit hinangad niya pa ring makapagtapos, kaya naman sa taong 1991 ay tuluyan nang nagtapos si G. Cauilan sa Kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa Saint Ferdinand College (SFC), Lungsod ng Ilagan, Isabela. Naging Regional Trainor ng Rehiyon Dos sa larangan ng pagboboksing si Sir, at makailang beses ding naging Tournament Manager ng boksing tuwing ginaganap ang CAVRAA. Nagtuturo siya sa INHS hanggang sa mga panahong ito, ngunit malayo na ang kondisyon sa dati’y malusog na boksingero. Taong 1988 nang makitaan ng sakit na Ankylosing Spine ang guro. Ani Doctor Jun R. Malana, isasalang sa operasyon si Sir Carlos ngunit walang kasiguraduhang babalik sa normal ang kaniyang paglakad. Ayon kay G. Cauilan, naabuso ang kaniyang katawan noong mga panahong siya ay nag-eensayo’t nag-eehersisyo bilang isang atleta kaya’t nagkaoon siya ng sakit na ito. “Pero kahit na ganon, nananatili pa rin akong positibo. Diyos na ang bahala sa akin dahil siya ang pinakamatinding doktor nating

lahat, ano mang kapansanan ang meron tayo.” Sa kabila ng kaniyang karamdaman, nagagawa pa rin niyang pumasok sa paaralan upang magturo, sapagkat ayon sa kaniya, sapat na ang ngiti ng bawat estudyanteng kaniyang tinuturuan upang bahagyang pumawi sa sakit na nararamdaman. Subalit, sa kaniyang pag-uwi, hindi man niya sabihin sa harapan ng kaniyang klase, ay bumabalik ang tunay na sakit sa kaniyang katawan— napapadasal na lamang sa mga sandaling nag-uumapaw ang kirot na nararamdaman. Walang madaling paraan sa pag-abot ng pangarap. Wala ring mabuting dulot ang kagustuhang lumago kung hindi hahaluan ng disiplina. Sa pagtahak ng napiling daan patungo sa pangarap, ilang beses tayong madadapa, masusugatan at matutumba. Kung sampung beses man tayong madadapa, sampung beses din tayong b a b a n g o n — m a g p a p a t u l o y, magsusumikap, maglalakbay.


08

LATHALAIN

OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL NG ISABELA NATIONAL HIGH SCHOOL

Punong Patnugot, Punong Patuloy Lalago

isa siyang magnet na humikayat ng isa-isa sa mga kapwa ko manunulat upang lumahok dala ang pangalan ng aming paaralan. Sinalo niya rin ang ilan sa aking responsibilidad na palakasin ang loob ng mga kapwa naming manunulat. Doon ko napagtanto na marahil ay hindi pa sapat ang aking kakayahan upang maging punong patnugot sapagkat hindi ko nagawa ang mga nagawa ni Kuya Chester. “Hindi ito panahon upang panghinaan ng loob,” ito ang unang sumagi sa aking isipan. Itinatak ko sa aking sarili na mabuti sapagkat batid ko ang pagkukulang kong ito kaya’t batid ko rin kung paano ito pupunan batay sa aking kakayahan. Malimit kong palatandaan sa aking sarili ang mga katagang, “Hangga’t alam mong may may dapat kang palaguin sa iyong sarili, palaguin mo.” Ang mga pagkukulang na ito ang hudyat na mayroon pa akong dapat matutuhan, sapagkat ang pagkatuto ay isang prosesong nagaganap nang patuloy hangga’t ako’y nabubuhay. Marahil, ang pinakamakabuluhang karanasan ko sa paghahanda sa patimpalak na ito ay ang mga karunungang aking nakuha sa kabila ng aking pagkukulang. Dahil dito ay

mabilis kong nabatid kung saang aspeto ang dapat ko pang paunlarin bilang isang lider. Siguro ay mababaw ako noon nang pangarapin kong maging punong patnugot at maging gabay sa aking mga kapwa manunulat, kaya naman nang maupo ako sa posisyong iyon ay namulat ako nang husto na hindi lamang isang adhikain ang pagiging lider. Isa rin itong reponsibilidad. Isang susi ng pagmulat si Kuya Chester sapagkat inihanda niya ako sa mas marami pang responsibilidad, at masasabi kong handa na ako upang gampanin at bigyang dedikasyon ang ipinagkatiwalang posisyon sa akin. Katulad ng pagsulat ko hindi lamang para sa aking sarili kundi para sa kaalaman ng nakararami, namumuno rin ako hindi lamang dahil pinangarap ko ito kundi para na rin isabay sa aking paglago ang mga kapwa ko manunulat. Ang isang campus journalist ay nagbibigay saloobin at pumupuna. Kabilang dapat dito ang pagpuna sa ating mga sarili kung mayroon pa tayong dapat na baguhin.

Provincial Director sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Isabela na nag-aalok sa mga tao upang sanayin ang kanilang mga sarili sa iba’t ibang trabaho. Sa kanyang panunungkulan, ibinida niya ang project DEMI at TEACH na nailathala at napanood sa The Filipino Channel (TFC) at Europa, Amerika at Middle East. Ang masusing pananaliksik sa proyektong ito ay ginawaran at kinilala bilang Best paper sa National Conference sa syudad ng Sugbo. Marami pang parangal ang natanggap ni Sir Demi sa kanyang karera tulad ng Outstanding National Volunteer Award ng NEDA, Outstanding Educational Leader sa Thailand, Outstanding Ilagueño at Outstanding alumnus ng INHS. Nakamit din niya ang Galing Probinsya National Award na ipinagkaloob sa kasagsagan ng TESDA Organizational Award 2018. Ilan pa sa mga nagintg proyekto niya ang ang Project PAGSIBOL, Project SIKAP, TRaining in Organic agriculture Production Among Teacher – Implementers of School in a GArden (TROPA TI SIGA), pagtuturo sa mga kabataan patungkol sa organikong pagsasaka, pagsuporta at pagtuturo ng mga bagong kaalaman sa welding sa mga dating rebelde sa pamamagitan ng Abot-LAHAT project at marami pang iba na labis na nakatulong sa komunidad at mga

residente.

pandemya, tuluyan nang nabago ang pamamaraan ng pagtuturo ng mga guro sa pamamagitan ng Blended, Online, Distance at Offline learning upang maihatid ang karunungan sa kabataan. Inihanda nila ang mga guro sa pamamagitan ng pagsasanay sa pagbabagong nagaganap dulot pa rin ng pandemya. Sa kasalukuyan, may 12 ng Kolehiyo at Unibersidad sa CAR para sa limited face-toface ngunit susunod pa rin sila sa itinakdang pangkalusugang protokol ng gobyerno. Tulad ng isang lapis, hinasa at nilinang nang maigi nang sa gayon ay mapakinabangan at maging susi sa tagumpay ng iba tulad ni Sir Demi na pinanday ang kanyang kakayahan at talino sa tulong ng kanyang naging mga guro sa INHS. Isa siyang sugo upang magabot ng kanyang serbisyo sa pagtulong sa iba sa abot ng kanyang makakaya. Sa ngayon, siya naman ang humahasa at lumilinang sa kakayahan ng mga kabataan upang maging handa sa susunod na bakbakan sa pagabot ng kanilang mga pangarap. Mangarap at manatiling positibo sa buhay, magtiwala sa sarili at sa Panginoon, at maglingkod ng buong puso at walang pag-iimbot ang tanging mensahe ni Sir Demi sa mga kabataang patuloy na nangangarap sa buhay.

naging inspirasyon sa pagsali kung saan pinanghawakan niya ang kanyang misyon subalit bigo siyang maiuwi ang korona. Gayunman, malaking karangalan pa rin ang makatungtong sa internasyonal na patimpalak at maging bahagi ng Top 5. Sa kanyang kabiguan, naglakas loob siyang sumali muli sa patimpalak ng kagandahan. Sinanay at inihanda ang kanyang sarili sa kung paano siya maglakad at sumagot sa mga katanungan para sa muli niyang pagbabalik sa entablado. Sumalang siya sa Binibining Pilipinas taong 2018 na isang prestihiyosong patimpalak para sa mga kababaihan na pinamamahalaan ni Stella Marquez-Araneta. Baon ang kanyang mga pinagdaanan at ang kanyang mga layunin, determinado siyang manalo at makakuha muli ng korona. Hindi siya nagpatinag sa kompetisyon kaya naman hindi siya nabigong maiuwi ang pinakapangunahing titulo sa lahat – Ang Miss Universe Philippines. Malaking papel ang kanyang pasanin sa pagtapak niya sa entablado ng Miss Universe kasama ang 93 pang kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Lakas loob siyang lumaban kasama ang 104 milyong Pilipino na sumusuporta at tahasang iwinagayway ang bandila ng bansa. Sa kasagsagan ng kompetisyon, ibinida niya ang kanyang misyon at inisip ang

mga maralita partikular na ang mga bata. Sa huli, kinoronahan siya bilang bagong Miss Universe sa ika-67 edisyon sa Bangkok, Thailand. Sa pagkamit ng korona, inilatag niya ang kanyang plataporma upang maging boses ng kababaihan dahil naniniwala siyang kaya ng isang babae na makagawa ng pagbabago, kahalagahan ng edukasyon sa mga bata, karapatan ng mga taong nabibilang sa LGBTQ+ community at paglaban sa HIV AIDS sa pamamagitan ng Love Yourself Campaign. Naging malawak ang kanyang sakop at layon niyang abutin ang kasuluksulukan ng mundo upang maging inspirasyon at tulungan ang mga tao sa tulong at gabay na rin ng organisasyon. Naging liwanag siya at simbolo ng pag-asa na kahit ano man ang iyong daang tatahakin, hanapin mo lamang ang iyong layunin at isipin sa kung paano ka makagagawa ng kabutihan sa iyong kapwa. Hindi kinakailangan ng korona upang maituring na isang hari o reyna – lahat tayo ay may abilidad sa iba’t ibang paraan upang maabot ang ating mga pangarap. Tulad ng aking naging karanasan, unti-unti akong iniangat ni Catriona mula sa isang malalim

na hukay kahit na ako ay isang maralita. Ginamit niya ang kanyang lakas upang magkaroon muli ako ng pag-asang matunghayan ang muling pagbubukang liwayway at ganda ng mundo. Naging tanglaw sa pagbaybay ng isang madilim na daan patungo sa mas maliwanag na bukas.

ni KATHERENE AUSTRIA

Ang bagong kadaywang idinulot ng pandemya ay nagbunga ng maraming pagbabago sa aspeto ng ating pamumuhay. Bilang isang hakbang upang magpatuloy at sumabay batay sa angkop na pamamaraang naaayon sa ating sitwasyon, higit na umusbong ang kahalagahan ng teknolohiya upang maging instrumento ng ating komunikasyon. Isa akong estudyanteng mulat at nadatnan kung paanong untiunting binago ng pandemya ang mga dating nakasanayan ko bilang isang mag-aaral. Nang magsimula ang taong panuruan ay buhat ko na ang maraming katanungan kung paano magpapatuloy at kung paano isa-isang bibigyang solusyon ang bawat pagsubok na dadantal. Bilang isang manunulat, batid kong sa mga panahong tulad nito ay higit na kailangan ang aking pananaw sa maraming mga kaganapan.

Nang maatasan ako bilang punong patnugot ng aming pahayagan ay mabilis ko itong tinanggap kahit na nababahala sa dami ng gawain at takdang-aralin sa paaralan. Mula nang ako’y lumahok at opisyal na naging campus journalist ay pinangarap ko nang maging isang punong patnugot at gabayan ang mga kapwa ko manunulat. Kaya nang ako’y maatasan sa posisyong ito sa panahon kung kailan pumasok na ang pandemya sa sistema ay hindi ko pa rin ito tinanggihan. Nang mabalitaan ko sa aking guro ang pagsasagawa ng kauna-unahang online na kompetisyon ng mga campus journalist na tinawag nilang Online Division Journalympics ay nasubok ang aking pagiging lider. Katulad ko, lunod sa maraming gawain ang ibang manunulat ng aming organisasyon kaya’t nahirapan akong humanap ng mga papalit sa kanilang posisyon kung

kaya ay nilawawakan ko ang aking paghahanap para lamang kami ay makumpleto. Naaalala ko si Kuya Chester

PINANDAY NA KAKAYAHAN AT TALINO SA PAMUMUNO ni EM-JAY JACOBEN

Tasain mo nang maigi hanggang sa maaari na itong gamiting panulat. Pandayin at linangin mo ito at nang sa gayon ay mapakinabangan din ito ng iba. Tulad ng isang panulat, untiunting nilinang ang kakayahan at pinanday nang husto ang talino ni Ginoong Demetrio P. Anduyan Jr. na kilala rin bilang “Sir Demi,” sa tulong ng kanyang mga guro mula nang nag-aaral pa ito sa Isabela National High School (INHS) taong 1989 hanggang 1992. Sa kanyang pagbabaliktanaw, malaki ang naging ambag ng INHS sa pag-abot ng kanyang minimithing pangarap. Naging pundasyon ang kanyang mga natutuhan sa bawat hamon na dumarating upang manatili siyang matatag sukbit ang mga kasanayan at kakayahan na ibinahagi ng mga taong nasa likod ng kanyang tagumpay. Bago siya itinalaga bilang Regional Director ng Commission on Higher Education – Cordillera Administrative Region (CHED-CAR), nanungkulan muna siya bilang

Larawan ni DEMETRIO ANDUYAN

ANGAT ANG

GANDANG PILIPINA ni EM-JAY JACOBEN

Aandap-andap man ang iyong liwanag ngunit sapat na iyon upang makita kong muli ang pagbubukang liwayway mula sa bangungot ng kasalukuyan. Hindi man purong maharlika ang dugong nananalaytay sa iyong pagkatao subalit naging boses ka naman ng mga maralitang katulad ko. Nakuha ko mula sa iyong tampipi ang talaan ng iyong pagkakakilanlan kaya’t hayaan mo akong ipakilala ka sa kanila upang magsilbing inspirasyon ang iyong mga nagawa. Catriona Elisa Magnayon Gray ang kaniyang pangalan na isang Filipino-Australian at ikaapat na Pilipinang nakapag-uwi ng korona ng Miss Universe. Siya ay ipinanganak noong Enero 6, 1994 mula sa Pilipinang ina na tubong Albay. Sa Australia man siya lumaki, nananalaytay pa rin sa kanyang pagkatao ang pagiging isang Pinoy. Naging mahirap sa kanya ang magkaroon ng mga kaibigan dahil na rin sa trabaho ng kanyang ama.

Bago siya nakatuntong sa edad na walo, lima hanggang anim na beses na silang nagpalipat-lipat ng tirahan. Gayunpaman, hindi nagkulang ang kanyang mga magulang na suportahan si Catriona sa mga oportunidad na dumarating sa kanya. Sinubukan ang kanyang hilig sa musika gayundin ang pagsasayaw at pagkanta. Sa edad na 12, naging “black belter” siya sa kanyang isports na karate. Sa paglipas ng mga taon, naging “breadwinner” siya ng pamilya sa edad na 20. Sinusuportahan niya ang kanyang mga magulang sa pamamagitan ng pagbibigay pinansyal mula sa kanyang mga kinikita sa pagiging modelo, pagtatanghal at pagiging host. Wala sa kanyang plano ang pasukin ang mundo ng pageantry subalit nang matunghayan niya ang kalagayan ng mga batang nakatira sa Tondo, Manila ay ninais niyang tulungan ang mga mahihirap

at maging boses ng mga ito. Boluntaryo siyang tumutulong sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga batang pinagkaitan ng pribiliheyong makapag-aral dahil na rin sa katayuan nila sa buhay. Nag-ipon siya ng pondo mula sa mga charity at benefit concerts na ginanap sa loob ng bansa at ibayong dagat. Inilatag niya ang programang Paraiso: Beginning’s Project. Binili niya ang isang lumang gusali sa Maynila at binagong-anyo upang maging Young Childcare Plus Center; isang paaralan na nagaalok ng libreng edukasyon para sa mga bata. Una siyang sumalang sa Miss World Philippines taong 2016 kung saan nakuha niya ang korona at inirepresenta ang bansa sa internasyonal na entablado. Sa kanyang pagsali, inilatag niya ang kanyang layunin sa pamamagitan ng “beauty with a purpose” ng organisasyon. Ang mga batang tondo ang kanyang

at ang papel na ginampanan niya sa aking paglago bilang isang ganap na lider. Dati siyang manunulat ng aming pahayagan—Chester Ivan Lim. Tila ba

Hindi matatawaran ang naging serbisyo at kakayahang manungkulan ni Sir Demi kaya naman taong 2019 nang itinalaga na siya bilang Acting Regional Director ng Rehiyon Dos. Sa kanyang buong pusong paglilingkod, hinakot niya ang National Award bilang TESDA’S Best Regional Office. Tuluyan na ngang naabot ang tugatog ng tagumpay nang magsilbi na siyang Regional Director ng TESDA-CAR gabay ng kanyang personal mantra sa paglilingkod: Dedication Excellence Magnanimity and Integrity in Public Service. Nakamit niya ang mga ito dahil sa kanyang tiyaga at sigasig sa karerang kanyang tinatahak. Gamit ang kanilang tagline na “Championing Accessible and Relevant Education Services,” sinisigurong mataas ang antas ng edukasyon na natatamo ng mga kabataan. Ang edukasyong ito ay naipaabot sa kanila sa pamagitan ng scholarship and grants-in aid programs. Sapagkat mga katutubo ang karamihang naninirahan sa sa CAR, masigasig niya ring isinusulong ang edukasyong akma sa kultura ng mga katutubo at sa pagpapalaganap at pagpapanatili ng kanilang pagkakakilanlan. Nakapaloob sa kanilang 10 point agenda ang iba pa nilang layunin upang makapagbigay ng garantisadong serbisyo para sa mga katutubo. Sa patuloy na pagbayo ng


AGHAM AT TEKNOLOHIYA 09

ANG KABATAAN • Tinig ng makabagong mag-aaral • TOMO XCVI BILANG 1 • Pebrero - Disyembre 2021

HIWAGANG HANDOG MULA SA PUNO NG BUHAY ni ALIYA DREW MERCADO Habang ako’y nagmumunimuni sa aming kapaligiran, isang tanghaling tapat, bumaling sa aking atensyon ang isang puno ng niyog na hitik sa bunga. Karamihan sa mga ito ay pahinog na at maaari nang anihin. Subalit, sa aking pagmamasid sa punong iyon ay agad kong binawi ang aking tingin. Nang ako’y pumasok sa aking silid, nakita ko si Ina na may ipinapahid sa kanyang buhok maging sa kanyang mga kamay at paa. Agad ko siyang tinanong kung ano ang kanyang ipinapahid. Ang sabi niya, ito raw ay nilutong langis mula sa niyog na nanggaling sa pinagmasdan kong puno sa aming bakuran. Buhat ng aking kuryisidad, agad kong binuksan ang internet at nagsimulang magsaliksik. Mula sa aking pagsasaliksik tungkol sa katas ng niyog, nakita ko ang isang impormasyon patungkol sa pinakuluang katas nito na maaaring solusyon upang labanan ang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na sadyang puminsala sa buong sambayanan. Hinggil sa impormasyong aking nasaliksik, patuloy pa ring pinag-aaralan sa ngayon ng mga siyentistang Pinoy ang potensyal ng Virgin Coconut Oil bilang pantulong na gamot laban sa COVID-19. Isang benepisyong makukuha mula sa puno ng buhay, ang niyog ay makatutulong sa pagbibigay ng paunang lunas sa mga tinamaan ng COVID-19. Mula sa pag-scroll ko sa website na aking nahanap ay naging bugtong sa isipan ko kung ano nga ba ang mayroon sa Virgin Coconut Oil (VCO).

Katangian ng VCO Ang natatanging katangian ng VCO ang dahilan upang maikonsidera itong pantulong na theraphy o pangunahing lunas. Ang kernel o ang puting karne ng niyog ay nagtataglay ng lauric acid at manaulorin, na ayon sa mga naunang pagaaral, ang mga kemikal na ito ay maaaring makapagpahinto sa pagreplika ng corona virus at pagbubuklod ng mga protina ng virus sa cell membrane ng host. Patuloy akong naghanap ng ibang impormasyon tungkol sa VCO at nakita ko ang natatanging benepisyo nito para sa masa.

Hiwagang hatid ng VCO sa masa

photo from NETMEDS.COM

Mula sa proyektong Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng DOST, ang VCO ay ibinibigay sa mga pinanghihinalaang tinamaan ng COVID-19 na naka-quarantine sa isang center o ospital upang hindi na lumalala ang sakit. Sa pangunguna ng Direktor ng FNRI na si Dr. Imelda AngelesAgdeppa, ang proyektong ito na PHP3.6M ay naglalayong suriin ang mga kapaki-pakinabang na epekto ng VCO ayon sa lebel ng C-Reactive Protein (CRP), hematology test (CBC differential count), pulmonary function, viral load o CD4 +, lipid profile, resolusyon sa mga palatandaan at sintomas ng naturang sakit, at bilang ng mga araw na naquarantine ang isang pasyente. Sa huling yugto ng aking pagsasaliksik ay bigla akong napatanong sa aking sarili kung paano nga ba maisasakatuparan ang proyektong ito? Subalit, sa tulong ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya at iba pang mga ahensiya ay nabuhayan ako ng loob dahil kahit sa kaunting panahon lamang, maaari itong magbunga ng kalutasan sa kinahaharap nating pandemya.

Ang mga hakbangin Ayon sa DOST, ang proyektong FNRI ay nagkakahalaga ng 4.8 milyon kung saan isasailalim sa mga pag-aaral ang 74 na piling mga pasyente mula sa Philippine General Hospital upang malaman kung ligtas bang gamitin ang VCO. Makatatanggap ang pangkat ng gamot ng 15mL o halos isang kutsarang VCO bawat pagkaing ihahain sa kanila sa loob ng dalawang linggo. Sa panahong ito, ang kanilang lipid profile, fasting blood sugar, creatinine, at bisa ng VCO ay masusing susubaybayan. Ang proyektong ito ay nasa ilalim ng pangangasiwa ni Dr. Marissa M. Alejandria ng Unibersidad ng Pilipinas Manila. Sa pagtatapos ng aking pagsasaliksik, agad kong nawari kay Ina ang hiwaga ng VCO at mula sa mga impormasyong aking nakalap, masasabi kong sa paligid lamang pala makikita ang posibleng magsasalba sa atin sa buhay pandemya. Kung magtagumpay ang mga siyentipiko na gawing isang pantulong na lunas sa COVID-19 ang kanilang proyekto, maaari itong makatulong sa pagpapalawak ng industriya ng niyog sa Pilipinas. Tunay ngang sa huli, sa hirap ng panahon at lawak ng teknolohiya na hawak ng henerasyong ito, kalikasan pa rin ang ating kanlungan. Ito ang hiwaga mula sa puno ng buhay.

HUKAYIN ANG KAMALAYAN

PAGKATUTO VS PAGKATAKOT ni JHON PAUL DUGAY

mga grupo ng populasyon saan mang panig ng mundo, anumang edad, lahi, at katayuang panlipunan. Karamihan sa mga taong may epilepsy ay nagkakaroon ng pangingisay bago humantong sa edad na 21 o mas higit pa. Ang epilepsy ay hindi tulad ng ibang mga sakit na nakukuha sa klima o anumang kinakain sapagkat ito ay nasa lahi. Sa ibang salita, kung ang mga ninuno ng isang pamilya ay may kasaysayan ng ganitong uri ng sakit, may posibilidad na ito’y manahin ng mga susunod na henerasyon. Isa sa mga karanasang hindi ko malilimutan ay nang minsa’y nakasaksi ako ng isang taong inaatake ng epilepsy na naganap mismo sa loob ng silid-aralan. Isa siya sa mga malalapit kong kaibigan— Maria Bernadette C. Asuncion, magaaral ng Isabela National High School

“Nararapat na mapuksa ang stigma at mabago ang oryentasyon at pananaw ng bawat isa ukol sa isyung ito.” Sa mundong walang kasiguraduhan, maraming pangyayari ang hindi natin batid kung kailan magaganap. Tulad na lamang ng iba’t ibang mga sakit na tumatama sa ating katawan. Epilepsy, isa ito sa mga kagimbal-gimbal na mga karamdamang biglaan kung umatake sa isang tao. Ayon sa New York City Department of Health and Mental Hygiene Bureau of Development Disabilities, isang kagawaran na responsable sa Epilepsy Foundation, nagaganap ang epilepsy sa lahat ng

(INHS) at manunulat ng pahayagang Ang Kabataan (AK). Nasa tabi ko siya nang mga panahong iyon ngunit nanaig ang takot sa akin kaya naman sa halip na tulungan at alalayan siya, kumaripas na lamang ako ng takbo dahil na rin sa kulang ako sa kamalayan ukol sa ganitong hindi inaasahang kaganapan. “Mahirap para sa akin… tuwing aatakihin ako, ‘di ko alam ang nangyayari sa akin at huli kong naaalala ‘yung paninigas ng kamay at paa ko. Pagkatapos naman ng atake ko ay sobrang sakit ng ulo ko na umaabot ng tatlo hanggang apat na araw tapos masakit ang katawan ko at parang sobrang pagod,” ito ang naging pahayag ni Asuncion nang akin siyang tanungin patungkol sa kanyang karamdaman. Mahirap umanong mamuhay nang normal tulad ng iba sanhi ng kanyang sakit na naging pangunahing dahilan upang maging laman siya ng pangungutya at bullying ng kapwa niya mag-aaral. Ang mga ito ang nag-

udyok sa kanya sa ilang beses niyang pagtigil sa pag-aaral. Lumabas sa datos ng www. pubmed.gov na ang mga batang may epilepsy ay mas madalas na nagiging biktima ng bullying (42%) kumpara sa mga nasa kontrol ang kalusugan (21%). “Hindi maiiwasan na i-bully ako… Kung ano-anong tinatawag nila sa akin at ‘di rin madali para sa akin na magkaroon ng kaibigan dahil takot sila sa akin,” dagdag pa ni Asuncion. Sa bawat karanasan natin, tayo ay natututo. Nararapat na mapuksa ang stigma at mabago ang oryentasyon at pananaw ng bawat isa ukol sa isyung ito. Tangkilikin din ang pagkalap ng sapat na impormasyon upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa sakit na ito. Walang pag-usad na magaganap kung patuloy tayong matatakot. Huwag mangamba, bagkus ay matuto’t taglayin ang kabatiran.

PAG-ASA SA PANDEMYA ni JHON PAUL DUGAY “Ayaw ko, baka ikamatay ko pa ‘yan!” Ito ang tanyag na katagang sinasambit ng mga tao sa panahon ngayon dahil sa takot at pangamba na maturukan ng mga bakunang makapagdudulot ng proteksyon laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Marahil, isang pangunahing sanhi ng pagsibol ng takot sa mga tao ay ang katotohanang bawat bakunang inilalabas ng mga dalubhasa ay may katumbas na “side effects.” Tulad ng anumang bakuna, ang bakuna kontra COVID-19 ay nagtataglay ng side effects batay sa ulat ng World Health Organization (WHO): ang pangkaraniwang epekto nito ay pananakit sa lugar ng pag-iiniksyon, pagkapagod, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, lagnat, panginginig at pagtatae. Ang mga nasabing epekto ay tanda na ang bakuna

ay gumagana. Ayon sa pag-aaral ng Food and Drug Administration (FDA), ligtas at mabisa ang mga bakuna kontra COVID-19. Milyun-milyong bilang ng mga bakuna na ang nabuo ng mga eksperto upang matugunan ang pandemya at ang bawat isa sa mga ito ay sumasailalim sa masinsinang pagsubaybay ng FDA. Sinuri ng FDA ang datos mula sa mga klinikal na pag-aaral kasama ang libu-libong tao. Ang datos sa pag-aaral na ito ay malinaw na nagpapakita na ang mga potensyal na benepisyo ng mga bakuna na pinahintulutan ng FDA ay lubos na mas higit kaysa sa mga potensyal na peligro. Napag-alaman sa pna.gov. ph na pangalawa ang Pilipinas sa mga bansa sa Timog-silangang Asya ukol sa kabuuang dosis ng mga bakunang naibigay sa mga mamamayan nito base sa ulat ng National Task Force (NTF). Lumalabas sa pinakabagong datos ng NTF noong Hunyo 13, 2021 na

nagawa nang mapangasiwaan ng bansa ang mamahagi ng 6, 948, 549 na dosis at inaasahang patuloy pa itong madadagdagan sa pagdaan ng panahon. Sa mga bilang na ito, bihira lamang ang mga nakaranas ng ‘di kanais-nais na pangyayari pagkatapos mabakunahan. Isang mahalagang salik ang pagpapabakuna upang maprotektahan ang sarili laban sa

IBA’T IBANG MUKHA NG TEKNOLOHIYA ni ROLAND JOSH BANGUG Humigit isang taon na ang lumipas nang maitala ang unang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa ating bansa na sadyang nagbigay ng malaking epekto sa pang-arawaraw nating pamumuhay. Tila ba tumigil ang takbo ng mundo dahil sa mga pagbabagong naganap sa ating nakagawiang mga gawain. Gayumpaman, muling sumibol ang bagong pagasa’t ang pagkumpas ng oras ay hindi natigil dahil tayo na ngayo’y gumagalaw sa “new normal.” Nang unang ipatupad ng pamahalaan ang Republic Act No. 11496 o mas kilala bilang “Bayanihan to Heal as One Act,” naging limitado ang ating mga galaw; subalit, dahil sa ibayong pag-aaral sa larangan ng Agham at Teknolohiya, hindi naging imposibleng tayo’y makasabay sa takbo ng mundo sa kabila ng naghaharing pandemya. Napag-alaman sa isang artikulo ng pewresearch.org na maaari pa umanong tumaas ang bilang ng mga gumagamit ng teknolohiya pagkarating ng taong 2025 batay sa pag-aaral ng mga dalubhasa. Masasalamin na sa patuloy na

paglipas ng oras ay higit na nagiging makabuluhan ang papel na ginagampanan ng teknolohiya sa pabago-bagong panahon. Ayon sa Statista Philippines, 63.6 porsiyento ng populasyon sa Pilipinas ang gumagamit ng mobile smartphone sa pang araw-araw. Inaasahan ding umangat ito ng 77.06 bahagdan pagkarating ng taong 2025 dahil sa patuloy na pag-unlad at pagpasok ng teknolohiya sa ating bansa. Hindi maipagkakailang naging komplikado ang ating mga gawain sa pag-usbong ng bagong kadaywan: kung dati’y malaya tayong nakagagalaw, ngayon naman ay kinakailangan natin ng ibayong pag-iingat upang manatili tayong ligtas. Kabilang sa mga pagbabagong dala ng pandemya ay ang kalakaran ng edukasyon, maging ang pagtatrabaho ng mga manggagawa at pagpasok sa mga opisina. Bilang pagtantsa sa mga pagbabago, nagkaroon ng isang sarbey sa isa sa mga lugar sa Estados Unidos at nakitang 51 na bahagdan sa mga sumagot ang nagpahayag na nabago umano ang kanilang pamumuhay at mas

dumepende sila sa teknolohiya nang magsimula ang new normal. Ang dating eskima ng edukasyon kung saan ipinaiiral ang face-to-face classes ay napalitan ng blended learning – sa pamamagitan ng talapindtutan nagaganap ang noo’y isinasagawa sa loob ng silid-aralan. Maituturing na sa pagsisimula ng pandemya, lingid sa ating kaalaman kung paanong muling sisimulan ang klase sa ating bansa gayong hindi maaaring magkaroon ng harap-harapang klase, ngunit nang dahil sa teknolohiya ay nairaos pa rin ang taong panuruan. Kahanay na ng komunikasyon ang teknolohiya; tinutulay nito ang pagkakaunawaan sa kabila ng namamagitang distansiya na idinulot din ng pasakit na pandemya. Sa aspeto ng hanapbuhay, teknolohiya ang nagsilbing plataporma upang masiguro pa rin ang komunikasyon sa pagitan ng

naturang sakit; ito ang magsisilbing sandata ng pangkalahatan upang tuluyan nang mapuksa ang nasabing virus. Gayunpaman, mahalaga pa ring isakatuparan ang pagsusuot ng face mask, face shield, palagiang paghuhugas ng kamay, at pagpapanatili ng pisikal na distansya kahit pa naturukan na ng bakuna.

mga empleyado at manggagawa. Ang ispesipikong pasaporte ng koneksyon ay ang Internet na nagdala sa atin ng birtwal na lipunan na naging isa ring oportunidad upang higit na pairalin ang online selling na siyang naaayon sa makabagong p a n a h o n . Sa bawat araw na lumilipas ay daan-daang impormasyon ang kinakailangan na mailahad sa bawat katauhan. Ang pagkakaroon ng telebisyon at radyo sa ating tahanan ang nagpapanatili sa pagiging mulat sa mga nangyayari. Sa naitalang datos ng Nielsen Phils, tumatayang 98.5 porsiyento ng manonood ang nakasubaybay sa telebisyon sa kanilang bahay. Ang iba’t ibang mukhang taglay ng teknolohiya ay nagbibigaykabuluhang higit na nabigyangdiin sa pandemyang kasalukuyan. Gayunpaman, mayroon pa ring masamang dulot ang teknolohiya ngunit hindi rin natin maitatatwa sa ating isipan ang mga bagay na naitutulong nito sa atin, kaya’t patuloy lamang ang mga dalubhasa sa pagdiskubre ng mga bagay na makatutulong at aayon sa pabago-bagong panahon.


10

AGHAM AT TEKNOLOHIYA

OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL NG ISABELA NATIONAL HIGH SCHOOL

LUNAS NI MAYON ni ALIYA DREW MERCADO

Perpekto. Kaakit-akit. Komposito. Iyan lamang ang mga simpleng paglalarawan sa dinarayong si Daragang Magayon o mas kilala sa bansag na Bulkang Mayon. Simula pagkabata at hanggang natutuhan ko ang heograpiya ng ating bansa ay hindi ko maikakaila na ang isang aktibong bulkan na nagdudulot ng kapahamakan ay siya rin pa lang magbibigay sa atin ng kaligtasan. Kaligtasan mula sa sakit na mapaminsala sa kalusugan ng sangkatauhan - ang cancer. Taong 2018, halos tatlong taon na ang nakararaan nang muling nagising si Magayon. Puminsala siya kanyang sinsidlan na halos nakaapekto sa 62,000 na katao sa kanyang lugar. Subalit, sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya maging ang pag-usbong ng kaalaman ng mga tao, nadiskubre nila na ang mga bakterya mula sa lupa sa paanan ng bulkan ay may natatanging katangian. Sa kabila ng perwisyong dala ng mga pagsabog ng Bulkang Mayon sa mga nakalipas na panahon, pagasa naman ang hatid nito ngayon matapos isiwalat ng mga mananaliksik mula sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB) ang natuklasan nilang potensyal ng mga bakterya mula sa bulkan na nagtataglay ng mga antibiotic at anti-colecteral cancer activities. Kaugnay nito, isang ispesipikong bakterya na tinatawag na Streptomyces sp. A1-08 ang nagpakita ng antibiotic activity laban sa mga pathogenic microorganism o mga organismong may kakayahang makapagdulot ng sakit sa isang host, na potensyal upang maging anti-colecteral cancer batay sa pagsusuri ng Department of Science and Techology Philippines (DOST). Pinagpauna na rin ng mga

mananaliksik ang pagbubukod ng 30 bacterial species mula sa lupa ng bulkan kung saan 13 dito ang nagpakita ng pagkakaiba ng antibiotic sa iba’t ibang organismo na kilala bilang pathogenic para sa mga tao at halaman. Gayunpaman, bukod-tangi ang ipinakita ng resulta ng test na ginawa para sa Streptomyces sp. A1-08 dahil sa mga antagonistic na epekto nito sa lahat ng isingawang pag-aaral sa mga mikroorganismo at ang methicillin-resistant Staphylococcus aureus (MSRA). Ito ang nagtulak sa grupo ni Asst. Prof. Oliveros upang mas palawakin pa ang kanilang pag-aaral para sa Streptomyces sp. A1-08. Ipinakita nito na katulad ng Magayon ay may ibubuga ang Pinoy sa larangan ng pananaliksik. Ayon pa nga kay Asst. Prof. Oliveros, isa itong karangalan at paraan na rin upang maipakita ang kilala at dakilang potensyal ng Pilipinas bilang isang promising land na nagtataglay ng natural na mga produkto para sa pagtuklas ng mga gamot. Kung magtatagumpay ang pananaliksik, makakatulong ito upang matugunan ang sakit na cancer dahil sa mga anti-colecteral cancer activities na ipinapakita nito sa mga naunang pag-aaral. Mula sa pagiging perpekto, kaakit-akit at pagiging komposito ni Magayon, masasabing siya ay nagtataglay din katangiang magsalba laban sa pinakamapanghamong sakit sa sangkatauhan. Tunay ngang sa likod ng mapanghamong katangian nito, patuloy pa rin ang mga eksperto sa pag-aaral upang makamit ang mithing labanan ang cancer. Sa pamamagitan nito, si Magayon na mapaminsala ay magdudulot ng kaligtasan sa bawat isa.

LIGTAS ANG MAY ALAM ni ROLAND JOSH BANGUG

Isa ang Pilipinas sa mga bansang matinding naapektuhan ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Mula nang yanigin ng pandemya ang katahimikan ng bawat mamamayan, sumibol din ang samu’t saring impormasyon at mga kuro-kuro patungkol sa virus na nagpasalin-salin sa iba’t ibang tao. Sa humigit isang taon nating pakikibaka sa naturang sakit, ikaw ba ay may sapat nang kaalaman ukol dito? Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang uri ng Coronavirus na lubhang mapanganib at nakakahawa sanhi ng Severe Acute Respiratory Syndrome Corona Virus 2 (SARS-CoV-2). Nakararanas ang mga “carrier” nito ng kainaman hanggang katamtamang sintomas tulad ng lagnat, tuyong ubo, at

pagkapagod. Ilan sa mga paraan upang maisalin ang virus ay pagbahing o pag-ubo at paghawak sa mga kontaminadong bagay na maaaring mapunta sa bibig o sa ilong ng isang tao. Ang pagtama ng COVID-19 ay madalas sa mga bata at matatanda. Subalit, kumakalat sa kasalukuyan ang mga sabi-sabing matatanda lamang ang nagkakasakit nito. Batay sa pag-aaral ni Jennifer Chesak, isang medikal na mamamahayag, mas mataas ang tsansa na mahawaan ng virus ang mga matatanda mula sa edad na 60 pataas dahil sa mahina na ang kanilang immune system. Gayunpaman, hindi nito sinasalungatan ang katotohanang lahat ay maaaring tamaan ng virus anumang gulang o edad. Lumalaganap din ang mga haka-haka patungkol sa COVID-19 na pinaniniwalaan ng masa, ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

A. Namamatay ang COVID-19 sa mga lugar na mainit ang klima. B. Maaaring maipasa ang virus sa pamamagitan ng kagat ng lamok. C. Tumataas ang bilang kaso ng COVID-19 sa isang lugar dahil sumailalim ang mamamayan sa mass testing. D. Ang pag-inom ng alak ay maghahatid ng immunity sa isang tao laban sa virus. Ang mga nabanggit ay mariing pinawawalan ng bisa ng mga dalubhasa dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya. Tangi sa ryan, bagama’t impormasyon lamang ang mga ito, may kakayahan pa rin itong magdala ng panganib sa mga tao. Kaya naman, tayo’y maging maingat sa ating nababasa, napapanood, at nalalamang mga balitang dulot ng pagsasalin-dila. Mahalagang magkaroon ng kamalayan ang ating isipan sa mga kaganapan sa ating bansa at laging isaalang-alang ang

pagkuha ng mga impormarsyon sa beripikadong ahensya ng pamahalaan at mga maasahang tao hinggil sa COVID-19. Isa ang opisyal na website ng WHO na www.who.int at Kagawaran ng Kalusugan (DOH) na doh.gov. ph, sa mga source na maaari nating pagkatiwalaan. Bukod dito, ang pakikinig sa radyo at panonood ng mga balita sa telebisyon ay hinihimok ding gawin, at kung sa social media naman, siguraduhing ang mga impormasyong lumalabas ay may sapat na basehan kaugnay sa pag-aaral ng mga mananaliksik at iba pang eksperto sa larangan ng medisina. Ang buhay ng tao sa panahon ngayon ay nakapinid pa rin sa tanikala ng pandemya. Kasabay ng patuloy pagsugpo ng bansa sa sakit na nito ay ang pagsupil din sa mga gawa-gawang paniniwala.

SANDATA NG KINABUKASAN ni JHON PAUL DUGAY

Ang matinding sikat ng araw na dumadampi sa kanyang balat ay hudyat na tinatawag na siya ng kalikasan. Sariwa ang hangin, nakaririwasa ang kapaligaran, at nagtatayugan ang iba’t ibang klase ng mga puno; saan man itungo ng bata ang kanya mga mata, nababanaag niya pa rin ang yaman ng kagubatan. Ang buhay na alaalang ito sa gunita ng bata ay malayo na sa kasalukuyang kalagayan ng kagubatan. Tapat na tapat ang araw at kumaripas siya ng takbo upang maghanap ng masisilungan, ngunit siya’y bigo dahil wala na ang kanyang tagapagkanlong. Nang pumasok siya sa kanyang tahanan, agad niyang binuksan ang kanyang talapindutan at nagsimulang magsaliksik kung paano siya makatutulong upang pangalagaan ang natitira pang bakas ni nang kalikasan— Sinasaklaw ng kagubatan ang humigit-kumulang 30 porsyento ng mundo. Dito nagmumula ang halos lahat ng ating pangangailangan upang mabuhay; mula sa hangin na ating hinihinga hanggang sa mga kahoy na nagsisilbing pundasyon ng ating mga bahay. Subalit, dahil sa patuloy na pang-aabuso ng

mga tao, unti-unti nang naglalaho ang dating sigla ng kalikasan. Ayon sa National Geographic, umabot na sa 502,000 square miles ng kagubatan sa buong daigdig ang nakalbo sa pagitan ng taong 1990 at 2016. May pag-asa pa. Isang internet search engine na tinatawag na “Ecosia” na nilikha ni Christian Kroll mula sa Berlin, Germani ang nagbibigay ng 80 bahagdan ng kita nito sa mga organisasyong nakatuon sa “reforestation,” ayon sa Ecosia. org. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik ng mga impormasyon at awtomatikong paglabas ng mga “advertistement” sa Ecosia, nakabubuo ito ng kita na siyang ginagamit sa pagtatanim ng mga puno. Itinipa muli ng bata ang kanyang mga daliri sa talapindutan at sinimulang gamitin ang “Ecosia.” Batid niyang sa simpleng bagay na iyon ay nakatulong na siya sa inang kalikasan. Ikaw, ako, siya, muling sisibol ang pag-asa upang maibalik ang kalikasan sa dati nitong anyo. Ito ang magsisilbing sandata para sa kaayaayang kinabukasan ng mga susunod pang henerasyon.


PALAKASAN 11

ANG KABATAAN • Tinig ng makabagong mag-aaral • TOMO XCVI BILANG 1 • Pebrero - Disyembre 2021

ISPORTS EDITORYAL

OLYMPICS SA GITNA NG PANDEMYA Maging sa gitna ng pandemya, nagawa pa ring maisulong ang 2020 Tokyo Summer Olympics. Magugunitang napagdesisyunang ipagliban ang kaganapang pampalakasan noong 2020 dahil sa pangamba sa kaligtasan ng bawat atleta. Batid ito ng Punong Ministro ng Japan, Shinzo Abe at ni Thomas Bach, ang pangulo ng International Olympic Committee (IOC). Mabusising paghahanda ang ipinamalas ng bansang Japan habang nakapailalim ang buong mundo sa banta ng COVID-19. Mahigit 20 bilyong dolyar ang inilaan na pondo ng Japan sa preparasyon ng mga imprastraktura at pasilidad para sa Olympics. Kabilang dito ang Tokyo Aquatics Center, Musashino Forest Sport Plaza, Ariake Arena, Oi Hockey Stadium, at ang pinagandang Japan National Stadium. Isang magandang adbokasiyang ipinamalas ng Japan ang kanilang angking pasyon sa pagkukumpuni. Kalakip ng mga medalyang ipinagkaloob sa mga nanalo, yari ito sa electronic waste ng mga mamamayan ng bansa. Ang mga metal na matatagpuan sa mga cellphone ang siyang naging pangunahing sangkap sa medalya.

Sa kabilang dako, ang mga delegado ay obligadong sumunod sa testing protocols bago pa man ito makilahok sa Olympics. Kinakailangan nilang sumailalim sa dalawang COVID-19 test na negatibo ang resulta. Samantalang kapag positibo naman ang isang atleta sa COVID-19, ito ay mawawalan ng pagkakataong lumahok. Bukod dito, ipinatupad din ng pamunuan ng Japan na dapat panatilihin ang physical distance at palagiang pagsusuot ng face mask. Ilang hakbang na tukoy sa isports ay naidagdag din, tulad ng pagpalakpak sa halip na kumanta o sumigaw upang suportahan ang mga kasamahan sa koponan. Dagdag pa, binabawalan ang mga kalahok na sumakay sa mga pampublikong transportasyon. Marami ang humanga sa mahigpit na pag-implementa ng Japan sa Anti-Virus rules ng mga organizer ng Tokyo Olympics. Malaking tulong din ang pagsunod ng mga delegado sa ipinatupad na panuntunan upang sila’y maging ligtas. Ito ang patunay na sa mabusising pagsusuri, pagpaplano, at pamamalakad, magiging matagumpay ang anumang inisyatibo ng bansa. Maging ehemplo sana ito sa mga bansang layunin ay mapuksa ang COVID-19.

KALAGAYAN SA LIKOD NG MEDALYA

Pilipinas, saan ba nagkukulang?

ni CHRISTIAN NEBALASCA

mga Pilipinong atleta sa entablado ng Olympics, sampung medalya pa lamang ang nakakamit nito na sadyang nakapagtataka sa kabila ng haba ng p a n a h o n g iginugugol ng ating mga atleta sa pagsasanay. Kakulangan sa pinansiyal na suporta sa mga manlalarong Pinoy ang unang pumapasok sa aking isipan patungkol sa usaping ito na sinangayunan ng dating Olympian na si Monsour Del Rosario, isang

“Mataas ang tyansa ng Pilipinas na makapagtamo ng maraming medalya sa Olympics kung sakaling mapunan ang mga nasabing pagkukulang.”

Pinakaprestihiyosong kaganapan pagdating sa larangan ng palakasan ang Olympics na dinadaluhan ng iba’t ibang nasyon, kabilang ang Pilipinas. Sa halos 100 taong pagpapakita ng husay ng

taekwondo player. Ayon sa kaniya, hindi lahat ng atleta ay anakmayaman, kaya’t paano na lamang ang mga mahihirap na atletang may taglay na potensyal ngunit salat sa pera? Aminado ang Malacañang sa suliraning ito na ang pagpopondo ng gobyerno para sa mga atleta ng bansa ay hindi sapat, bagay na mas lalong nabigyang-diin sa katatapos lamang na 2020 Tokyo Olympics. Isa rin itong hadlang na tuwirang kinaharap ng kaunaunahang Olympics gold medalist ng bansa na si Hidilyn Diaz bago siya gumawa ng kasaysayan sa larangan ng weightlifting. Ani tagapagsalita ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Harry

Roque, “Naipakita natin na ganoong kulang talaga ang suporta natin, nananalo pa rin ng ginto. Siguro, mas maraming mananalo ng ginto kung medyo itataas natin ang tulong na maibibigay natin sa mga atleta.” Bukod sa kakulangan ng tulong pinansiyal, isa pang suliraning nakikita ko ang kakulangan ng pasilidad para sa mga Pilipinong manlalaro. Isa pang posibleng dahilan kung bakit bihira lamang makakuha ng medalya ang mga atletang Pinoy. Inamin naman ng pangulo ng Philippine Sports Commission (PSC) na si William Ramirez na merong mga pasilidad para sa mga manlalaro upang magsanay at mag-ensayo ngunit

kulang talaga para sa mga atletang sumasabak sa internasyonal na entablado. Isa pang salik sa usaping ito ang kawalan ng kumpiyansa ng mga manlalaro sa sarili tuwing sumasabak sa pambansang paligsahan. Inilahad ni Philippine Olympic Committee Athlete (POCA) Representative Nikko Huelgas na marami o ilan sa mga Pinoy ang nakararanas ng pressure bago o tuwing sumasalang sa kani-kanilang laro, dahil kapag nakakakita ng mga dayuhang atleta ay bumababa ang kanilang tiwala sa sarili, isang mahalagang sangkap na kailangang dalhin ng isang atleta. Sa isang artikulong isinulat ni

Susan Papa ng The Manila Times, ang PSC ay may ginagampanang napakahalagang papel sa pagpapaunlad ng isports sa bansa. Kailangan matupad ang misyon nitong humanap at humubog ng mga manlalarong may taglay na potensiyal at sanayin sila hanggang sa mahinog bilang paghahanda sa mga internasyonal na paligsahan. Mataas ang tyansa ng Pilipinas na makapagtamo pa ng maraming medalya sa Olympics kung sakaling mapunan ang mga nasabing pagkukulang, sa kadahilanang hinog na ang mga manlalaro natin sa lahat ng mga napatunayan ng mga ito sa mga nagdaang kaganapan sa isports.

Sapagkat isa siyang makulay na paru-paro; kung sa tubig ay malaya siyang nakagagalaw patungo sa dulo ng kaniyang karera, gayon din sa kaniyang paglaya mula sa matagal niyang pagkanlong at paglaban sa kaniyang karamdaman. Isang mahusay na manlalangoy si Ericson James Velasco na makailang beses nang binitbit ang pangalan ng Isabela National High School (INHS) at ng Siyudad ng Ilagan sa mga kompetisyon sa larangan ng paglangoy sa iba’t ibang lebel. Ayon sa ina ni Ericson na si Gng. Jesusa Velasco, nasa ikalimang baitang pa lamang siya sa Ilagan South Central School (ISCS) nang magsimula siyang magsanay at lumahok sa mga paligsahan. Sa pagkakataon ding iyon, nagawa niyang makasikwat ng medalya sa Palarong Panlungsod at Cagayan Valley Regional Association (CaVRAA). Sa sumunod naman na baitang, bumiyahe patungong Antique si Ericson upang lumahok

sa Palarong Pambansa. Nang pasukin ni Ericson ang mundo ng buhay-hayskul sa INHS, nabigyan muli siya ng pagkakataong magpakitang-gilas. Napasama siya sa pambansang kompetisyon na Batang Pinoy taong 2016 kung saan ibinulsa niya ang tansong medalya at nagsilbi ring torch bearer sa nasabing patimpalak. Taong 2017, muling naging kalahok sa Palarong Pambansa si Ericson at taong 2018 nang muli siyang mapasali sa Batang Pinoy. Naging personal na tagasanay ni Ericson ang kaniyang amang si G. Eric Velasco at ang opisyal niya namang tagasanay ay si G. Hajan Alsimar. Mula sa kutyang isa siyang langoy-ilog nang nagsisimula pa lamang sa larangan ng paglangoy ay binansagan siya ngayon bilang Most Outstanding Swimmer of the City of Ilagan mula 2016 hanggang 2020. Bagama’t isang mahusay na manlalangoy, nalunod pa rin sa isang malubhang karamdaman

si Ericson. Sinubukan niyang lumangoy, umahon, sumagap ng hangin, at magpalutang sa ibabaw, ngunit isang mabigat na puwersa ang tuluyang naglubog sa isang batang pumanaw sa napakaagang panahon; ang kalabang puwersa, Acute Lymphoblastic Leukemia. Ikalawang araw ng Marso, taong kasalukuyan nang ma-diagnose ang sakit na ito kay Ericson sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) Tuguegarao kung saan isinalang siya sa labindalawang chemotherapy. Ikalawa ng Hunyo sa parehong taon, pumanaw si Ericson James. Tatlong buwang paglaban, at tatlong buwang pagbitbit ng pag-asa sa kabila ng kaniyang karamdaman. Si Son—palayaw na mayroon nang bakas ng pangungulila sa tuwing ibinibigkas ang nag-iisang pantig na taglay nito. Nakulayan ng maraming alaalang ngayo’y nananatili na lamang bilang mga pawang alaalang naipon sa loob ng labing-anim na taong namulat at

lumakad siya sa mundong ibabaw. Sa kaniyang paglisan, pinakawalan niya ang bigat na sumubok sa kaniya upang mabuhay, at iniwan ang maraming kuwento na siyang lubos na pinanghahawakan at bitbit ng mga taong minsan ay naging malapit sa kaniya; mga taong tinulungan siyang ihaon mula sa pagkatangay sa isang pasakit na dala ng maalong karagatang tila nagsilbing tagpuan ng kaniyang paglaban. Dalawang beses nang nailathala sa opisyal na pahayagang Filipino ng INHS na Ang Kabataan (AK) si Ericson. Gumawa siya ng maraming karangalan sa larangan ng paglangoy at itinaas ang kalidad ng kaniyang pangalan. Sa pagkakataong ito, bagong pangyayari, bagong paksa, bagong hatak, ngunit nananatiling iisa ang tauhan: Ericson James Velasco, nasa pinakadulo na ng kaniyang karera sa paglangoy.

VELASCO: ANG HULING KARERA ni KATHERENE AUSTRIA

Larawan mula kay ERIC VELASCO


palakasan

ang

kabataan

SIKLAB SA PALAKASAN Apat na Pinoy, nag-uwi ng medalya sa Tokyo Olympics ni CHRISTIAN NEBALASCA

Umani ng ginto, pilak at tansong medalya ang apat na determinadong manlalarong Pilipino sa Tokyo Olympics 2020 noong Hulyo 23-Agosto 8, 2021. Gumawa ng kasaysayan si Hidilyn Diaz nang angkinin ang kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas matapos maitala ang total lift na 224 kilograms sa women’s 55kg weightlifting competition. Nagawang manaig ni Diaz kontra sa walong ibang atleta para sa naturang kategorya kabilang ang Chinese weightlifter na si Liao Qiuyun na record holder sa Olympics, matapos niyang matagumpay na buhatin ang 127 kilograms sa clean and jerk. Bagama’t abot-kamay na ng dalawang atletang Pinoy na sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam ang gintong medalya, tanging pilak lamang ang kanilang natamo at naiuwi para sa bansa. Nabigong mangibabaw ni Paalam sa pambato ng Great Britain na si Galal Yafai matapos matalo sa isang dikit at dikdikang tatlong round ng laro na nagresulta sa isang split decision pabor sa kalaban, 1-4. Hindi naging maganda ang naging bungad para kay Paalam matapos hindi inaasahang matumba ito sa unang minuto ng unang round kaya naman pumabor ito sa Britong boksingero, 4-1. Tila nabuhayan naman sa pangalawang round si Paalam ngunit hindi nagpatinag si Yafai nang mangibabaw ang kanyang malalakas na suntok kontra kay Paalam dahilan para malinis na mapasakamay niya ang round na ito, 5-0. Nangibabaw ang pambato ng Pinas sa huling round ng laban matapos maghari ito at paboran ng limang hurado ngunit tila huli na ito dahil abante pa rin si Yafai sa tinotal na puntos kaya’t siya ang tinanghal na panalo at kampeon sa kanilang kategorya, 29-28, 28-29, 29-28, 29-28, 29-28.

Bigo ring masungkit ni Petecio ang gintong medalya kontra sa Japanese hometown bet na si Sena Irie matapos ang isang malinis na unanimous decision. Ulan ng mga kombinasyon ng suntok ng dalawang manlalaro ang nasaysayan sa unang round pa lamang ng laro ngunit buong sumang-ayon ang mga hurado sa pambato ng Japan, 5-0. Nagawa namang umarangkada ni Petecio sa pangalawang round ng kompetisyon matapos nitong ungasan ang liksi at bilis ng kanyang kalaban na nagresulta ng pagpabor ng apat na hurado sa kanya sa pagtatapos ng round, 4-1. Matinding tensyon at dikit na huling round ang pinamalas ng dalawang boksingera sa kanilang pagpapamalas ng pagmamahal sa isports at ang dedikasyong manalo at makamit ang gintong medalya ngunit sa kinasamaang palad, hinirang na kampyon si Sena matapos pagharian ang huling yugto ng laban, 5-0. Sa kabilang banda naman, nasungkit ni Eumir Marcial ang nag-iisang tansong medalya nang hindi magawang umabante sa gold match ng kompetisyon matapos matalo kay Oleksandr Khyzhniak ng Ukraine sa isang dikit at matinding harapan, 2-3. Naging matindi agad ang bakbakan ng dalawang manlalaro sa unang round ng laro dahilan upang magtamo ng putok sa ulo si Marcial ngunit sa kabala nito nasa pabor pa rin niya ang mga hurado, 3-2. Hindi pa rin nagpasindak si Marcial at nagawa naman niyang paduguin ang ilong ng kalaban rason para muli niyang maangkin ang pangalawang round ng laban. Sa huling round naman, tila nagbago ang ihip ng hangin nang ito’y kapusin samantalang nagpakitanggilas at nagpaulan naman ng samu’t saring kombinasyon ng suntok si Khyzhniak dahilan para pumabor sa kanya ang lahat ng hurado at tanghalin itong panalo at aabante para sa gold match.

Larawan ni CHRISTIAN ROLA GALING ILAGUEÑO! Ipinamalas ng mga gurong kalahok ng SDO ng Lungsod ng Ilagan ang kanilang husay sa larangan ng pagsayaw nang sunggaban nila ang titulong pangkalahatang kampeon sa kauna-unahang Folk Dance Competition sa isinagawang 46th Founding Anniversary ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) Rehiyon 02 nitong Hulyo 23, 2021.

Arangkada sa sayawan Lahing Ilagueño Folkloric Ensemble, naghari sa Folk Dance ni CHRISTIAN NEBALASCA/MARIA

BERNADETTE ASUNCION

Dinomina ng Lahing Ilagueño Folkloric Ensemble ng Dibisyon ng Lungsod ng Ilagan ang kategoryang Folk Dance sa 46th Founding Anniversary ng Kagawaran ng Edukayson Rehiyon 2 matapos nitong masungkit ang kampeonato laban sa walo na iba pang dibisyon sa rehiyon noong Hulyo 23, 2021. Umarangkada ang anim na pambato ng koponan na binubuo ng mga guro mula sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod ng Ilagan na sina Cherry Ann P. Tolentino, Melisa M. Graces, Mylene A. Gazzingan ng Isabela National High School (INHS), Roger S. Allam Jr. ng San Antonio National High School Agro-Industrial and Vocational High School (SANAIVHS), Bobby Robert

G. Maltizo ng San Pedro Integrated School (SPIS), at Leymar G. Magudang ng Sindun Bayabo Integrated School (SBIS), matapos nilang talunin ang mga mananayaw na kinatawan ng Cagayan samantalang pumangatlo naman ang kinatawan ng Tuguegarao. Nagawa nga na manaig ng mga mananayaw sa naturang kompetisyon sa kabila ng mga patungpatong na mga aktibidades ng mga manlalahok sa kani-kanilang paaralan at mga hamon sa preperasyon sa paligsahan tulad na lamang ng pagsunod sa mga pangkalusugang protokol na ipinanukala ng InterAgency Task Force (IATF) tuwing nagsasanay

Koponan ng Ilagan, dinomina ang Hip Hop Competiton ni CARL JOSHUA RAMOS

Nilinis ng Dibisyon ng Lungsod ng Ilagan ang entablado sa sayawan sa kategoryang Hip Hop Competition matapos nitong ibulsa ang kampeonato kontra sa walong iba pang dibisyon sa ginanap na 46th Founding Anniversary ng Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 2 na idinaos sa Cabarroguis, Quirino noong Hulyo 23, 2021. Naganap ang qualifying rounds sa pamamagitan ng virtual competition kung saan pinalad na nakapasok ang grupo sa tatlong pangkat mula sa Dibisyon ng Lalawigan ng Isabela at Quirino na naglalaban-laban sa grand finals. Ipinamalas ng grupo ang

kanilang kahusayan sa grand finals na isinagawa nang face-to-face sa Quirino function hall at sa huli ay nasikwat nga ang inaasamasam na panalo, sinundan ito ng Dibisyon ng Quirino samantalang pumangatlo naman ang Dibisyon ng Isabela. “Masaya at nagalak ang grupo, pati na rin ang mga opisyal ng SDO ay nagpakita ng pagpupugay sa tagumpay na natamo ng buong dibisyon ng Siyudad ng Ilagan,” ani G. Jose P. Doria, ang co-chairman ng grupo. Binubuo ang koponan ng mga guro mula sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod ng Ilagan na sina

Jimmy T. Villavert Jr., Nazer S. Sagun ng Isabela National High School (INHS), Neil John B. Yabao ng Dappat Integrated School, Rom John A. Gazzingan at ni Rocky Ace Palalay ng Rang-ayan National High School (RNHS). Nagsagawa ang mga kalahok ng mga pag-eensayo tatlong beses sa isang linggo mula noong buwan ng Hunyo hanggang Hulyo na pinamunuan ng kanilang tagasanay na si Gazzingan. Dagdag sa bigat sa kanilang mga balikat ang kakulangan ng pondo, ngunit hindi ito naging dahilan upang mairaos ang paligasahan kung saan nagsagawa

Larawan ni Maylene Crisostomo

ang koponan ng cost-cutting upang makakalap ng sapat na pondo, ayon kay Doria. Maliban sa hiphop team ng syudad, nagawa ring maiuwi ng folk dance team ang unang puwesto at vocal soloist na nakamit ang ikatlong pagpapala. Ipinamalas ng grupo ang kanilang kahusayan sa grand finals na isinagawa nang face-to-face sa Quirino function hall at sa huli ay nasikwat nga ang inaasamasam na panalo, sinundan ito ng Dibisyon ng Quirino samantalang pumangatlo naman ang Dibisyon ng Isabela. “Masaya at nagalak ang grupo,

pati na rin ang mga opisyal ng SDO ay nagpakita ng pagpupugay sa tagumpay na natamo ng buong dibisyon ng Siyudad ng Ilagan,” ani G. Jose P. Doria, ang co-chairman ng grupo. Binubuo ang koponan ng mga guro mula sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod ng Ilagan na sina Jimmy T. Villavert Jr., Nazer S. Sagun ng Isabela National High School (INHS), Neil John B. Yabao ng Dappat Integrated School, Rom John A. Gazzingan at ni Rocky Ace Palalay ng Rang-ayan National High School (RNHS). Nagsagawa ang mga kalahok ng mga pag-eensayo tatlong beses

sa isang linggo mula noong buwan ng Hunyo hanggang Hulyo na pinamunuan ng kanilang tagasanay na si Gazzingan. Dagdag sa bigat sa kanilang mga balikat ang kakulangan ng pondo, ngunit hindi ito naging dahilan upang mairaos ang paligasahan kung saan nagsagawa ang koponan ng cost-cutting upang makakalap ng sapat na pondo, ayon kay Doria. Maliban sa hiphop team ng syudad, nagawa ring maiuwi ng folk dance team ang unang puwesto at vocal soloist na nakamit ang ikatlong pagpapala.

Pencak Silat team ng siyudad, umariba sa WMAF ni CHRISTIAN NEBALASCA

Nag-uwi ng pilak na medalya ang koponan ng Siyudad ng Ilagan sa larong Pencak Silat matapos makipagsabayan sa pitong grupong kalahok mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas sa ginanap na Women’s Martial Arts Festival (WMAF) noong Hulyo 10, 2021. Binubuo nina Ma. Kristine Nicole Aggabao at Caira Mae Bulibol, kapwa mag-aaral ng Isabela National High School (INHS), kasangga ang isa pang estudyante mula sa Saint Ferdinand College (SFC) na si Queen Mayild Bernardo ang grupo na isinabak ng lungsod sa paligsahan na pinamumunuan ng kanilang tagasanay na si Gng. Maylene Crisostomo, guro sa Isabela School of Arts and Trade (ISAT). Nagawang malamangan ng grupo ang mga katunggali nito matapos itong makapagtala ng 9.48 na puntos kontra sa 9.7 na puntos ng Team Iloilo habang sinigurado naman ng Team Aklan ang gintong medalya nang angkinin ang puntos na 9.85. Hindi nagpatinag ang pangkat na umarangkada sa naturang patimpalak sa kabila ng kulang-kulang dalawang linggong pagsasanay at limitadong mga galaw dahil sa mga panukalang pangkalusugang protokol dulot ng pandemya. TAGUMPAY SA PENCAK SILAT. Nagkamit ng pilak na medalya ang koponan ng Lungsod ng Ilagan sa isinagawang Women’s Martial Art Festival nitong Hulyo 10, 2021.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.