Ang Lantao SY 23-24

Page 1

Guro harapang minura ng mag-aaral, inaksyunan ng Guidance Office

anginsulto ng guro at nanuntok ng kaklase ang Isang mag-aaral ng Agusan del Sur National High School matapos kinumpiska ang kanyang cellphone.

“Meron silang patakaran sa kanilang silid na bawal gumamit ng cellphone tuwing class hours kaya binalaan siya ng kaniyang adviser ngunit hindi ito nakinig”, paliwanag ni Rosa P. Goloran, Guidance Counselor ng ASNHS.

Dagdag pa dito, sinuntok niya ang kaniyang kaklase dahil pinagsabihan umano siya na respetuhin ang kanilang guro.

Inaksyunan na ng guidance office ang nasabing isyu sa pamamagitan ng pagpapatawag ng mga magulang.

Hindi lamang ito ang kaso na natala ng opisina tungkol sa pambabastos ng mga mag-aaral sa kanilang mga guro, matatandaan din na may dalawang mag-aaral na nag transferred-out kamakailan dahil nahuli sila kumukuha ng video na ginagalaw ang kanilang ari habang mayroong gurong nagkaklase sa harapan.

‘WALANG’ HIYA

“Ginabayan sila ng paaralan, lipunan

Dahil sa mas mataas na kaso na lumalaganap na s*x scandals sa social media at iba pang major offenses na kinasangkutan ng mga magaaral ng Agusan del Sur National High School, nagambala ang administrasyon at komunidad na dahilan kaya patuloy nila itong tinutugunan.

Naitala ng guidance office na mayroon ng tatlong scandal na napatunayan na kasali ang isang mag-aaral ng ASNHS, pitong kasong nahuling nagtatalik sa loob ng mga banyo at maraming kasong pambabastos sa mga guro.

“Ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya upang magabayan sila pero sa kanilang mga desisyon pa rin nakasalalay ang kanilang kinabukasan” ayon pa kay Rosa Goloran, Guidance Counselor ng nasabing paaralan.

Dagdag pa niya na ang malimit na dahilan na sinasabi ng mga mag-aaral na gumagawa ng mga

“indecent acts” ay broken family, peer pressure at impluwensiya ng social media.

“Binibigyan naman sila ng intervention tulad ng home counseling na tatlong araw silang hindi muna papasok sa paaralan, pagtalima sa memorandum of

agreement (MOA) na hindi na nila ito uulitin at kung gagawa na naman sila ng major offense ay papatawan na sila bilang transferred-out ng paaralan, paliwanag ng guidance counselor.

Sinabi rin niya na nagsisimula ang pagdidisiplina sa bahay at classroom kaya ang mga magulang at guro ang may responsibilidad na magsagawa ng mga aktibidad na nakapagpapataas ng kanilang moralidad at respeto sa kapwa at sarili.

Kabilang dito, inilahad din niya na meron ding mga seminars na sinsagawa ng paaralan tulad ng early pregnancy symposium, HIV prevention para sa mag-aaral at school policies orientation kasama ang mga magulang.

“Iba na talaga ang henerasyon ngayon, wala na silang respeto sa kanilang sarili, at di na nila binibigyang halaga ang morality, kailangan na talaga silang aksyunan” ani pa ni Gng. Goloran

Plano naman niyang ibalik muli ang retreat para magkaroon ng self-reflection at meditation ang mga mag-aaral upang mas mapaunlad ang kanilang kamalayang moralidad.

Bigong mapalawig ang pagiging ‘matapat’ ng mga mag-aaral ng Agusan del Sur National High School (ASNHS), matapos malugi ang Honesty Store na pinangunahan ng organisasyong We Advocate Time Consciousness and Honesty (WATCH) Club na naglalayong sukatin ang katapatan ng mga estudyante. Isinagawa ang programang ito noong Oktubre hanggang Nobyembre ng taong 2023 ngunit pansamantalang ipinatigil dahil hindi naging mainam ang takbo nito. “Hindi kami nakapaghanda sa mga unexpected circumstances, nawala na yung kita at naubos ang lahat ng stocks kaya hindi na kami makakagenerate pa,” ayon kay G. Jacob Ibojo, WATCH Club Coordinator. Layunin ng Honesty Store ang maghatid ng alternatibong pamamaraan ng pamimili na kung saan ang mga mamimili mismo ang kukuha ng pagkaing nais bilhin at mag-iiwan ng tamang halaga ng pera. Dagdag pa ng guro, isang kakulangan nila ay dapat umanong kinuha nila ang kita para sa araw-araw at mag-iiwan na lamang ng pang-sukli para sa susunod na benta. Sa kasalukuyan, patuloy na nakaabang ang WATCH club para sa posibleng pagbabalik ng programang ito at inaasahan na maisakatuparan ang planong maibalik ito sa darating na taon. Honesty Store, bigong maisakatuparan sa loob ng ASNHS Ang Lantao anglantao.asnhs@gmail.com Ang Lantao @anglantao @ang_lantao @AngLantao Ang Opisyal na Publikasyon ng Agusan del Sur National High School sa Filipino TOMO 18 ISYU 1 Agosto 2023 - Marso 2024 Nakatutok. Nagmumulat. Tapat © Icel Jay B. Torres N
ngunit sila pa rin ang may hawak sa direksyon na kanilang patutungohan” – Guidance Counselor SCAN ME LIVE 5.23k LASON MONG HALIK. Kumalat ang scandal video ng dalawang mag-aaral ng ASNHS na siyang nagpaalerto sa pamunuan ng paaralan tungkol sa pagpapalawig at pagpapatibay ng respeto’t moralidad ng mga mag-aaral. SHARE Write comment... Christian T. Casimero © Icel Jay B. Torres Nichole C. Serrano
Jhona Grace J. Barrete 14 04 Bangon Edukasyon EDITORYAL LATHALAIN AGHAM AT TEKNOLOHIYA ISPORTS 10 17 Nakaukit na alaala Sarap ng pahamak Paglalako’t Pagsasakripisyo 32 Registered Guidance Counselors KINAKAILANGAN upang matugunan ang 1:25 sa humigit-kumulang 8000 na populasyon ng paaralan © Neil Robert J. Besinga 20-25 Problematic cases ARAW-ARAW hinaharap ng Guidance Office
Kaye Ashley M. Macario

Ang Paglantao Survey ©

Problema sa kantina, patuloy natatamasa; mga mag-aaral, mas nadidismaya bumili

Espasyo, perwisyo

Nagsisiksikan araw-araw ang mga estudyante ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) tuwing recess time dahil sa kakulangan ng espasyo ng School Canteen na kung saan marami ang nagrereklamo sa init at ingay sa loob ng kantina.

Tinatayang halos 8,000 ang bilang ng mga estudyante ngayong taon, samantalang, humigit-kumulang 75 m² lamang ang lawak ng kantina.

“Palagi akong bumibili sa school canteen kaya napapansin ko na nagsisikan ang mga estudyante kahit sa labas ng canteen, napapansin ko ring hindi talaga sapat yung space ng canteen,” pahayag ni Emil Xilef Miranda, isang mag-aaral ng ASNHS.

Sa kabila nito, apektado rin ang oras ng mga estudyante sapagkat hindi sapat ang 15 minuto na recess dulot ng mahabang pila.

Ayon kay Joanafe, isang SHS na mag-aaral, marami ang hindi nakakabili sa karamihan ng mga estudyante sapagkat palaging punuan ang kantina, na naging hadlang upang hindi na lang tutuloy sa pagbili.

“Dapat magkaroon ng schedule of recess by grade level para maiwasan ang siksikan, isang posibleng solusyon na maaring gawin ng paaralan na tugon sa suliraning ito,” suhestiyon ng isang estudyante na si Sopia Apundar.

Sa ngayon, patuloy pa rin na naghahatid ng serbisyo ang school canteen at inaasahan ring makakahanap nang maayos na solusyon ang paaralan upang mapabuti ang sitwasyon ng kantina sa lalong madaling panahon.

Pagsunod sa canteen health protocols, bawas-kita sa manininda

U“No

Vendors Allowed”

Nanatili pa rin ang pagbebenta ng mga streetfood vendors sa labas ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) sa kasalukuyan, sa kabila ng mga nakapaskil at pagpapatupad ng “No vendors allowed”.

Napag-alaman na ilahad sa DepEd Order No & series of 2012 na ipinagbabawal ang pagbebenta sa palibot ng paaralan sa loob ng 30-metros.

“Noon pa man, palagi na namin sinisita ang mga nasabing maninında dahil nakakaabala sila sa mga estudyanteng dumadaan dito,” paliwanag pa ni Junny Uriarte, Prefect of Discipline (POD) ng ASNHS. Dagdag pa rito, mas pinapalala rin nila ang daloy ng traffic dahil humaharang ang mga magaaral sa daan sa tuwing bumibili sila sa kanila na dahilan sa pagkainit ng ulo sa mga tricycle drivers na namamasada at iba pang sasakyan.

Inilahad din ni POD Uriarte na ilang beses na silang binalaan ng ating mga shool guards at traffic enforcers ng Local Goverment Unit (LGU) ng San Francisco, Agusan del Sur ngunit lumalabag at bumabalik pa rin ang mga negosyante dahil ito ang kanilang kinikitaan pang araw- araw.

“Mas gusto kong bumili ng pagkain sa labas dahil mas mura ang mga bilihin at mas nakakatipid ako,” ani pa ni Jessy Bermudez, Grade-7 mag-aaral sa nasabing paaralan.

Pahayag pa ni Daniel Lordes, Grade-11 ABM na mas pinipili niyang kumain sa school canteen dahil mas nakakasiguro siyang malinis at masustansya ang mga paninda dito.

pang tiyakin ang kaligtasan ng mga magaaral hinggil sa mga pagkaing tinitinda sa loob ng paaralan, mahigpit na regulasyon ang ipinatupad ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) sa mga nagtitinda sa canteen dahilan nang pagbaba ng kita ng iilan sa mga tindera ng kantina.

Naging dagdag pasanin ito sa mga nagbebenta lalo pa’t ipinagbabawal ang pagtitinda ng mga pagkain at inumin na maaring makaapekto sa hindi magandang kalusugan ng mga estudyante tulad ng juice, mga junk foods, at iba pa.

“Naiintindihan namin ang layunin ng regulasyon ngunit mahirap para sa amin na mawalan ng mga produktong ito sa aming tindahan dahil malaki ang epekto nito sa aming kita at kabuhayan,” ayon sa isang tindera na pinatago sa pangalan na ‘Nena’ ng ASNHS.

Sa kabila ng pagiging strikto ng paaralan sa kanilang mga patakaran, hindi pa rin maiiwasan na mahigit 50 metro lamang mula sa gate ng paaralan, mabibili rin ang ibang mga tindang ipinagbabawal sa loob ng kampus.

“Mas pinopokusan kasi ng paaralan ang kaligtasan sa loob ng paaralan, sapagkat ang mga suliranin sa labas ay hindi na kontrolado ng paaralan,” saad pa ng tindera.

Dagdag pa niya, wala naman itong narinig na reklamo mula sa mga estudyante tungkol sa kanilang paninda, gayunpaman, mas mainam pa rin na sigurado ang mga ito na wala silang nilalabag na alituntunin o regulasyon.

Sa kasalukuyan, nananatiling maingat ang mga tindera ng ASNHS sa pagpili at paghahanda ng kanilang mga paninda upang matiyak na ang mga ito ay laging naaayon sa mga alituntunin ng paaralan at sa kalusugan ng mga mag-aaral.

Iilang mag-aaral lamang ang nakitaan ng pagsunod sa kanilang mga natutunan tuwing earthquake drill, sa sunod-sunod na malakas na paglindol sa unang tatlong buwan ng kasalukuyan taon.

“Mahalaga talaga na alam at kabisado na ng mga bata ang tamang aksyon gawain sa oras ng lindol sapagkat marami sa mga estudyante ang hindi sapat na naipapamalas ang wastong kaalaman at kahandaan sa oras ng lindol,” ayon kay

G. Edward Maestrado, isang magulang ng magaaral sa ikasampung baitang.

Dagdag pa niya, hindi talaga maiiwasang mag panic, kahit alam na ng mga estudyante ang dapat gawin, hindi pa rin talaga masisiguro kung ma-eexecute ito nang maayos sa tunay na sitwasyon ng lindol.

“Napapansin ko rin na hindi masyadong naaapply ang mga natutunan sa earthquake drill

Sa kasalukuyan, humihingi na ng tulong ang ASNHS sa LGU officials para may umaksyong awtoridad sa problemang ito.

561 sa 1000

na mga estudyante sa paaralan ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) ang pabor na mas maayos bilhan ang mga tinda sa labas ng campus kaysa sa mga paninda ng school canteen, samantalang 439 naman ang bilang ng mga sang-ayon sa canteen ng paaralan.

“Mas mura ang mga bilihin sa labas ng paaralan at mas makatipid ako dito,” saad ni Hanna Jean Ibardolaza, isang mag-aaral sa seksiyon Mangium.

Sinabi rin niya na maraming mga pagkain na tinitinda sa labas na wala sa canteen ng paaralan kung kaya’t marami siyang pagpipilian.

Sa kabilang banda, nagbigay din ng pahayag ang kabilang panig na mas mabuti kung sa mismong canteen sa loob ng campus ang mga bibilhan ng ‘snacks’.

“Mas malapit lamang ang canteen at mas okay siya dahil hindi pinahihintulutan ng paaralan na magbenta ng mga pagkaing nakasasama sa kalusugan,” sabi pa ni Khristianne Faith Tabudlong, isang mag-aaral sa seksiyon Mahogany.

Idinagdag pa niya na kahit mahal ang mga bilihin, masisigurado namang malinis at ligtas ang mga pagkaing tinitinda dito.

Gayunpaman, patuloy na isinusulong ng paaralan ng ASNHS ang kaligtasan ng mga pagkain sa loob ng paaralan at sinisigurado na ito ay makapagbigay ng masustansiyang pagkain para kalusugan ng bawat mag-aaral.

sapagkat nakikita ko na nagpapanic na ang mga kapwa niya estudyante kapag may lindol,” pahayag ng isang mag-aaral na si Tiffany Bolano. Samantala, mas lalo namang pinangangambahan ng isa sa SDRRM Coordinator ng paaralan, G. Gilbert Muanag ang pagkakaroon ng stampede sa ganitong mga sitwasyon lalo na sa mga 3rd story building na maaring nagbibigay trahedya sa mga mag-aaral.

“Mas dapat tayong matakot sa mga hazard kagaya ng stampede dahil yung ibang mga bata ay nagtutulakan at nagsisigawan,” dagdag pa ng Coordinator.

Sa ngayon, patuloy na tinitiyak ng ASNHS ang pagiging alerto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasagawa ng earthquake drill upang mapaghandaan ang posibleng pagyanig at masiguro na mayroong kaalaman ang bawat isa sa mga darating na sakuna.

139/500 Registerd SK voters ng ASNHS 2 Pahina.
‘Drop, Cover, and Hold’ bigong maisakatuparan tuwing lindol
Christine Erica M. Batausa Street Foods vs. School Canteen PIKIT MATA. Pilit na nilalabag ng mga vendors sa harap ng mga gate ng paaralan ang nakapaskil na paalala na bawal magtinda. Christine Hilary Joy Q. Mondejar PANLASA NG MASA. Kuhangkuha ng foodstall sa labas ng mga gate ang interes ng mga mag-aaral ng ASNHS. Danielle Therese A. Gelio-ano

SF Sk President, isinulong

ang Project ALAGAD

SKAPIT BISIG. Nagtutulungan ang miyembro ng SFYDC, SSLG, BKD, ANG LANTAO at iba pang organisasyon na makapaghatid ng relief goods sa mga mamamayan ng baranggay Caimpugan.

Guro: Tutol ako sa paggamit ng dump account

Tumitindi ang pangangailangan para sa kamalayan ng safe cyberspace sa mga mag-aaral lalo na sa paaralan ng Agusan del Sur National High School (ASNHS), dahil karamihan sa mga estudyante sa kasalukuyan ang gumagawa ng mga dummy accounts upang gamitin sa pang bubully, paninira sa kapwa, at pang-iiskam online.

a gitna ng mainit na araw, bumubuhos na ulan at maputik na daan, pursigidong tinawid ng San Francisco Youth Development Club (SFYDC) ang ilog patungo sa sitio Vatas Barangay Caimpugan San Francisco Agusan del Sur sa pamamagitan ng mga bangka kasabay sa inilunsad nilang Project Assistance, Love and Iad Given Adversity (ALAGAD) upang aktwal na maihatid ang tulong sa mga nasalanta ng baha sa pangunguna ni Emmanuel Kloyd Beldad, pangulo ng Sk Federation ng nasabing munisipyo noong Pebrero 9, 2024.

`“Ang SFYDC ay handang tumulong sa mamamayan ng San Francisco, kahit san kayo naroroon maaabot kayo ng ayuda” ani ni Emmanuel Beldad, SK President.

Nakibahagi ang ibang organisasyon tulad ng Interact at Rotaract San Francisco, Barkada Kontra Droga (BKD), Supreme Student Learning Government (SSLG), Agusan del Sur School and Community Emergency Response Team (ASSCERT), Ang Lantao at Burning Pen Publication, Eco Saver Club ng Agusan del Sur National High School at marami pang iba.

“Nag organisa kami ng isang donation drive sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng impormasyon sa sosyal medya upang makakalap kami ng donasyon”, paliwanag ni Sk Federation President.

Dagdag pa niya na naghahanap din sila ng mga boluntaryong maaaring makakatulong sa pagrerepak ng mga donasyon tulad ng pagkain, tubig at damit.

Nagsisigawan at naluluha sa saya ang mga ang mga kababayan sa nasabing komunidad nang natanggap nila ang tulong sa nasabing organisasyon.

Ayon pa kay Beldad, marami rin silang pagsubok na hinirap habang isinasagawa nila ang aktibidad.

“Umuulan boung byahe kaya’t ilan sa amin ay basang- basa pagdating namin doon, dagdag pa dito ay naligaw ang ilan sa mga kasamahan namin dahil dumaan sila sa ibang rota at sa huli hindi namin inaasahan na lubog pa rin sa baha ang ground zero kaya naapektuhan ang ilan naming aktibidades”, ani pa niya.

Nagpapasalamat pa rin siya dahil sa kabila ng kanilang mga karanasan ay nalagpasan nila lahat ito sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa.

Sa kasalukuyan, nanawagan si Sk Federation President sa lahat ng kabataan ng san Francisco na maging mas aktibo sa iba’t ibang organisasyon lalo na sa mga community service at tulungan ang kanilang adbokasiya sa paglikha ng pagbabago.

ASHNS, pinagtutuunan ang pagpapaunlad, pagkukumpuni ng paaralan

BFrederick

inigyang prayoridad ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) ang mga proyektong nakaka benepisyo sa mga mag-aaral ng Junior High School (JHS) at Senior High School (SHS), upang mas mapaunlad ang paaralan mula sa mga buildings, mga daanan, at ang bawat sulok ng mga silid-aralan.

Kabilang sa mga proyekto ang mga sumusunod; ICT partition, Vineyard Trellis, at all waterline reparation para sa JHS, samantalang Drainage Cover along G11-G12, Renovation of CR (3 story building), Covered Pathwalk (3 story - 2 story building), at Rehabilitation of Greenhouse Building for TVL para sa SHS.

“As of this moment because naghahanda tayo para sa CRAM 2024, we are preparing the school facilities with the cooperation with the LGU and the province,” ayon kay Sir Christopher King.

Kasama rito ang proyektong paghahanda ng mga silid-aralan para sa paparating na CARAGA Regional Athletic Meet (CRAM) 2024 kung saan gagamitin ang ASNHS bilang pansamantalang tahanan ng mga manlalaro.

Sa ngayon, kasalukuyan pa ring binubuo at pinaplanuhan ng paaralan ang iba pang mga proyektong mapapakinabangan ng mga mag-aaral at sinisugurado nila na ito’y matatapos sa lalong madaling panahon.

Nagdudulot ng kapahamakan ang pagkakaroon ng dump account hindi lamang sa mga indibidwal na target ng pang-aalipusta kundi maging sa kabuuang karanasan sa cyberspace sapagkat maari rin itong gamitin upang pagsamantalahan ang impormasyon ng mga tao.

“I can’t see any positive side of having dummy accounts,” ayon kay Jun Rey Meking, T-III, guro ng ASNHS.

Dagdag pa ng guro, walang mabuting maidudulot ang pagkakaroon ng dummy accounts sa mga mag-aaral lalong lalo na’t sa pamamagitan ng kanilang kalayaan na ihayag ang kani-kanilang sarili, maaari nila itong gamitin at abusuhin laban sa kanilang kapwa.

Dagdag pa ni Jocelyn Platero, isang mag-aaral sa ASNHS, “Nakakalungkot isipin na hindi ginagamit sa tamang paraan ng iilan sa mga

estudyante ang kanilang dump accounts, ang iba ginagamit nila ito sa pakikipag-away lalo na kapag hindi nila kayang harapin ang kaaway kaya pinopost nalang online,”

Kadalasan din ginagamit ang dump account upang mang-iskam ng kapwa, sapagkat dito, maaari mong itago ang tunay na pagkakakilanlan upang hindi sila makikilala ng kanilang bibiktimahin, ayon naman kay Janine, mag-aaral ng ika-10 baitang.

Gayunpaman, ang paggamit ng dump account ay nagsilbing katuwang ng ilan sa mga indibidwal at ginagamit ito sa pawang katuwaan lamang.

“Ang paggamit ng dump account ay maaaring maging isang paraan para sa mga mag-aaral upang maging mas bukas at malaya sa pagpapahayag ng kanilang sarili sa social media,” ayon pa kay Asianna Bustaliño.

Sa kasalukuyan, nananatili ang pag-usbong ng mga problema sa social media at cyberspace kaya’t inaasahan ang pagtutok ng mga kabataan lalo na ang mga mag-aaral sa kamalayan sa cybersecurity at pagpapalaganap ng responsableng paggamit sa online na mundo.

Guro, mag-aaral, isinabuhay ang 7S

Tinutukan ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) ang pag-implementa ng programang “Sort, Set in Order, Shine, Standardize, Sustain, Spirit and Safety” o 7S, upang panatilihin ang kaayusan sa loob ng paaralan na naglalayong maghatid ng mas maayos, produktibo, at ligtas na kapaligiran para sa mga guro at estudyante.

Sa pangunguna ni Principal IV Venus A. Decinilla-Bajao, aktibong nakilahok ang mga guro at mag-aaral sa pamamagitan ng pagtulong sa pagbabawas ng mga modyul na hindi na magagamit, mga cabinets, mga frame at bulletin board na nakapaskil sa pader, mga sira-sirang upuan, at iba pang mga kagamitan na nagpapasikip sa loob ng klasrum.

“Nang dahil sa 7S implementation, ang classroom ay naging harmonious and peaceful, hindi siya masyadong burden sa mga teachers during sa klase,” pahayag ni G. Reyman Lorica, isang guro ng ASNHS mula sa ikasampung baitang.

Ayon pa kay Bb. Ann Czaramae Caranguian, guro sa seksyon Robredo, isa sa magandang hangarin ng programang ito ay ang maturuan ang bawat guro at estudyante na panatilihing kaaya-aya ang kapaligiran ng paaralan.

Gayunpaman, naghatid din ito ng suliranin at dagdag na gawain para sa mga guro lalo pa’t naging parte na ito ng mga estudyante sa mga nakaraang taon.

“The thing that makes it difficult is the decision-making to let go of old stuff inside the classroom, especially the things that are sentimental to us and had a big impact inside the classroom,” dagdag pa ni Bb. Caranguian.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ring abala ang lahat ng mag-aaral sa pagsasaayos ng bawat silidaralan, inaasahang ring makikita ang positibong bunga ng pagpapatupad ng 7S program para sa patuloy na pag-unlad at pagpapabuti sa loob ng paaralan.

3 Pahina.
BAGONG BIHIS. Masusing nililinis ng mga mag-aaral ng ASNHS ang kanilang silid aralan upang maimplementa ang 7s. Mikhaella C. Garcia James Van M. Buyante Josche S. Gerodias © SFYDC FB page Jzyth Kyrl D. Chatto
ENROLMENT RATE 2022-2023 5,064 10,432 8,520 4,640 2023-2024 SHS SHS JHS JHS 2,738 2,630 1st sem 2nd sem 2,566 1,314 1st sem 2nd sem TOTAL TOTAL Ang Paglantao Survey ©
King Rodneyfer B. Tombiga

Puhunang inutang

Rumaragasang utang para sa nangangapang kabataan

Bilang pagtugon sa naghihingalong edukasyon, walang tigil ang pamahalaan sa pagbabalangkas ng solusyon kung saan kinakailangan pang mangutang ng Pilipinas sa ibang sektor. Ayon sa Philippine News Agency (PNA) noong Hunyo 2023, rumagasa sa 1.14 bilyong dolyar ang loan ng ating bansa sa World Bank at malaking bahagi nito ang nakalaan para mapabuti ang akses sa dekalidad na pagtuturo at pagkatuto. Subalit, nasasayang lamang ang bumubulusok na utang ng gobyerno dahil nananatiling nangangapa ang maraming kabataang Pilipino.

Matapos ang “learning loss” na hatid ng pandemya, naging abala ang Department of Education (DepEd) sa pagpapatupad ng National Educational Portal (NEP) at National Learning Recovery Plan (NLRP). Sa pagsisimula naman ng bagong taon, naisakatuparan ang Catch-Up Fridays alisunod sa DepEd Order No. 001, s. 2024 na umaasang mapaunland ang “kakayahan ng mag-aaral sa pagbabasa, critical thinking, analytical, at pagsusulat.” Nangahuhulugan lamang ito na hindi humihinto ang kinauukulan sa pagsasagawa ng paraan para mapahusay ang pag-aaral ng kabataan.

Gayunpaman, ito talaga ang totoong problema ng mga mag-aaral – hindi mabisa ang ilang hakbang ng kagawaran. Ayon sa ulat ng inquirer nitong Nobyembre 2023, sumipa sa 1.74 % ang national elementary nonreader incidence simula nang ipatanggal ang “No Read, No Move” policy. Kaya naman, sunod nito ay inilabas ang DepEd Order No. 39, s. 2012 na nagsasaad sa policy guidelines kaugnay sa reading and writing program sa mga paaralan sa sekundarya. Kahit mismo ang nasa kinauukulan ay alam na may mali na talaga sa sistema.

Ayon naman sa World Bank report noong 2022, nasa 90.9% ang learning poverty rate ng Pilipinas na siyang pinakamataas sa buong Asya. Dagdag pa rito, marami ang nagtatanong kung nasaan ang pondo para sa pasilidad sapagkat sa pagsisimula ng School Year 2023-2024 ay may shortage ng 159,000 classrooms sa mga pampublikong paaralan.

Bangon edukasyon

KSa katunayan, wala pa ring pinagbago sa resulta ng Program for International Student Assessment (PISA). Noong 2019, nasa 80% ng mga Filipino learners ang hindi umabot sa minimum competence levels sa edukasyon habang nitong 2022 naman ay nasa ika-77 pwesto ang Pilipinas sa kabuuang 81 na bansa sa buong mundo na may mababang marka. Hindi nakagugulat, ngunit nakababahala dahil sa madaling salita, hindi epektibo ang “Sulong Edukalidad” at ibang intervention ng kagawaran.

Nasa 16% ng kabuuang 2024 National Budget ang nakatakda para sa sektor ng edukasyon, ang P758.6 billion nito ay para sa kagawaran ng edukasyon. Dagdag pa rito, kahit pa noong 2021 ay pumalo na sa 110 milyong pisong dolyar ang hiniram n gating bansa sa World Bank Subalit, ayon naman sa World Bank report noong 2022 sa State of Global Learning Poverty, nasa 90.9% ang learning poverty rate ng Pilipinas na siyang pinakamataas sa buong Asya. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit marami ang hindi kumbinsidong magiging kapaki-pakinabang pa ang inilalaan na pondo ng gobyerno.

Malaking hamon para sa bansa ang kasulukuyang estado ng edukasyon, kaya mahalaga na bilang isang Pilipino ay makiisa sa pagpapaunlad nito. Kinakailangan ang lakas ng bawat isa lalo na ng mga magulang at nasa kinauukulan sa pagbuo ng bagong pag-asa para sa mga mag-aaral. Mahalaga rin na ang bawat piso na inilalabas para sa edukasyon ay talagang napakikinabangan ng kabataan.

Hindi na bago ang mga ipinapatupad na programa na may layuning maiahon ang edukasyon sa ating bansa. Malalaking pondo ang pinupuhunan ng sektor na ito taontaon na isa sa dahilan ng lumalaking utang ng Pilipinas. Mahirap mang paniwalaan ngunit nababalewala lamang ito dahil ang patuloy na mababang marka ng ating bansa pagdating sa mga nasyonal na pagtataya ay sumasalamin lamang sa pigang-pigang pagkatuto ng kabataan.

Nakababahalang mababang marka ng Pilipinas

Leomi Faith Z. Aligway

asabay ng mga pagbabago sa kurikulum at matapos ag pandemya ay ang paglabas ng 2022 Program for International Student Assessment (PISA) results noong Disyembre, 2023 kung saan tumuntong ang Pilipinas sa ika77 pwesto sa kabuuang 81 na bansa sa buong mund. Ayon sa Department of Education (DepEd), nangangahulugan ito na nasa 5 hanggang 6 na taon na nahuhuli ang sistema ng edukasyon sa bansa na labis ikinababahala ng mga iba’t ibang grupo sa sektor ng edukasyon. Sa kabila nito, mahalaga na tinitingnan rin natin ang ibang aspeto na dati pang problema na nakaapekto sa komprehensyon at pag-aaral ng mga kabataan.

15 taong gulang o mga mag-aaral sa Grade 10. Nakakuha ang Pilipinas ng mahigit kumulang

120 na mas mababang iskor kung ikukumpara sa average score; pumalo ang iskor ng bansa sa 355 sa Math, 347 sa reading, at 373 sa science. Base sa paliwanag ng OECD, ang ibig-sabihin ng bawat 20-point deficit mula sa average score ay one-year lag sa annual learning pace ng kabataan.

Ang 2022 PISA results ay mula sa isang pagsusuri ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) tungkol sa komprehensyon ng mga kabataan na nasa

Ang 2022 PISA results ay mula sa isang pagsusuri ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) tungkol sa komprehensyon ng mga kabataan na nasa

15 taong gulang o mga mag-aaral sa Grade 10.

Nakakuha ang Pilipinas ng mahigit kumulang 120 na mas mababang iskor kung ikukumpara sa average score; pumalo ang iskor ng bansa sa 355 sa Math, 347 sa reading, at 373 sa science. Base sa paliwanag ng OECD, ang ibig-sabihin ng bawat

20-point deficit mula sa average score ay one-year lag sa annual learning pace ng kabataan.

Subalit, hindi sapat ang “aid” ng kagawaran kung nakaliligtaan ang dati pang mga problema sa mga paaralan kagaya ng kakulangan sa mga pasilidad, guro, learning at teaching materials. Hindi rin maikakaila na nangangapa ang mga mag-aaral na makahabol sa mga lessons lalo pa’t maraming araw ang walang pasok at galing pa

tayo sa pakikipagbakbakan sa pandemya. Sa halip na hayaan ito na makagambala sa pagtuturo at pagkatuto, dapat na mas tinututukan ng gobyerno ang ganitong mga aspeto na maaaring dahilan ng bagsak na komprehensyon ng mga estudyante.

Marami ang nagulantang sa inilabas na PISA results at nababahala sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Kung patuloy na nababalewala ang “maliliit” na problema na dati pang kinakaharap sa sektor ng edukasyon ay pahirapan ang pag-usad ng komprehensyon ng mga kabataang Pilipino. Iisa lang ang ipinapahiwatig nito, ang panawagan sa gobyerno na makiramdam sa totoong sitwasyon upang siguradong maibangon ang edukasyon.

BATANG MAGILIW

OPINYON

Blangkong rostrum

Pagsialisan ng mga guro mula sa lugmok na sistema

Ed Ian Jay O. Baguio

Hindi pala madali ang magtapos bilang isang Grade 12 student sa Agusan del Sur National High School (ASNHS) para sa Taong Panuruan 20232024. Bilang pagtalima sa suhestiyon ng DepEd Memorandum No. 023, s. 2024 o ang “Conduct of the K TO 12 Basic Education Program End-Of-School-Year Rites for the School Year 2023-2024”, kinailangan ng aming institusyon na magbalangkas ng lugar kung saan maiiwasan na maibilad ang mga mag-aaral sa init. Gayunpaman, ‘outdoor venue’ pa rin ang napili para sa seremonya na nagdulot sa pagdagsa ng kritiko laban sa kasalukuyang administrasyon sa paaralan

Matagal nang umaapela ang mga guro sa Pilipinas kaugnay sa dagdag na sweldo at mas magaan na trabaho. Sa katunayan, ayon sa Education Workers’ Alliance for Greater and Equitable Salary (Educ WAGES), hindi sapat ang P27,000 na entry-level pay para maabot ang nire-rekumendang family living wage na P35,640 kada buwan. Mahirap mang paniwalaan, ngunit ang matagal na pagbabalewala sa boses nila ay dahilan sa pag-alis sa mga silid-aralan.

Sa kabilang banda, nito lamang Pebrero 2024 ay ipinasa ng Makabayan bloc sa Kamara ang panukalang gawing P50,000 ang minimum wage ng mga pampublikong guro.  Inilabas naman ang Department of Education (DepEd) Order No. 002, s.2024 na nag-aalis sa mga ‘nonteaching o administrative tasks’ ng mga guro. Sa madaling salita, alam ng karamihan na hindi patas ang kasalukuyang sistema para sa kanila.

Gayunpaman, dati nang marami ang kulang sa loob ng paaralan kung saan ayon sa balita ng inquirer noong 2019, ilan sa iniindang problema ng kaguruan ay ang kawalan ng suplay ng aklat, resource material, upuan, at silid-aralan na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nasosolusyonan. Hindi sapat ang kasalukuyang P5,000 na Teaching Supply Allowance (TSA) para abunohan ang ganitong mga pangangailangan. Kung iisipin, kawawa sila na kadalasang gumagastos mula sa sariling bulsa para lang matugunan ito.

Ito pa ang mas nakalulungkot, sila ang nasisi tuwing makakukuha ng mabababang iskor ang mga mag-aaral pagdating sa mga international assessment. Sa totoo lang, masyadong ‘overloaded’ ang mga guro dahil sa mismatched teacher specialization at paulit-ulit na ‘clerical works’ na hindi naman talaga nila dapat trabaho. Higit sa lahat, nahihirapan silang maisakatuparan ang inaasahan ng gobyerno na inklusibong edukasyon dahil hindi naman nasusunod ang lebel ng “institutional” bilang isa sa mahahalagang bahagi ng pagtatatag ng inclusivity; malaki ang class sizes na pumapalo sa mahigit 50 bawat klasrum.

Dagdag pa rito, ayon sa Department of Budget and Management (DBM) noong Setyembre 2023, nasa 24,254 ang bakante na teaching position sa DepEd. Pagkatapos ng graduation, kukuha lang ng ilang taon na “experience” sa Pilipinas at lilipad na sa ibang bansa dahil “mas maganda ang kita”. Nangahuhulugan lang ito na marami sa ating mga guro ang hindi na talaga kontento sa pasweldo at bigat ng trabaho sa sektor ng edukasyon.

Panahon na para ang mga nakaliligtaang “bayani” naman ang ating pinakikinggan. Buksan ang pikit-matang sistema na bumabalakid sa pagdinig ng kanilang karaingan. Huwag nating hintayin na wala nang matitirang guro sa bawat sulok na pinagkukuhanan ng kaalaman ng bawat Pilipinong kabataan.

PAKIKIMARTSA

Kumplikadong pagtatapos

kahit hindi naman nila naiintindihan ang mga pinagdaanan sa pagbuo ng desisyon na ito.

Pinabulaanan ni ASNHS Principal Venus Bajao na isa itong ‘collaborative decision’ ng mga kaguruan at opisyal ng School, Parent, Teachers Association (SPTA) kung saan ayon sa kaniya na “I assure that outdoor, but they will not be exposed to the heat of the sun.” Hindi maaaring gamitin ang Datu Lipus Makapandong Cultural Center na dating lugar ng graduation rites dahil sa preparasyon para sa taonang ‘Naliyagan Festival’ sa probinsiya. Kaya kinailangan ng institusyon na maghanap pa ng ibang

option dahil kahit ang sports complex ay hindi pwedeng gamitin dahil sa kasalukuyang isinasagawang soil testing conference.

Dagdag pa rito, isiniwalat naman ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na hindi ligtas gamitin ang covered court ng paaralan para sa ganitong malaking kaganapan bunsod ng matinding paglindol noong mga nagdaang buwan. Sinisiguro naman ng paaralan na sumusunod ito sa Mahagsay Monitoring Tool ng dibisyon at sa utos ng DepEd kaugnay sa “no collection policy”. Kaya naman, hindi praktikal na gumastos ang isang pampublikong paaralan

Search

Iresponsableng pamamahayag

Pagpapalaganap ng mga mamamahayag sa hindi tiyak na balita

Marami nang mamamahayag ang naging pabaya sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko na naging dahilan sa hindi pagkakaintindihan ng mga mambabasa. Hindi pa man nailalabas ang opisyal na memorandum kaugnay sa papalapit na pagtatapos ng taong panuruan sa Agusan del Sur National High School (ASNHS), nauna nang ipinakalat ng mga lokal na mga mamamahayag ang lugar at oras kung saan gaganapin ang moving-up and graduation ceremonies. Nakadidismaya lang na itong pagiging iresponsable sa larangan ng pamamahayag ay nagtulak upang magkagulo ang mga magulang at pagbuntungan ang paaralan.

Sa isinagawang Press Conference sa loob ng covered court ng paaralan, ipinaliwanag ni ASNHS Principal Venus Bajao na wala pang opisyal na anunsyo na inilabas ang institusyon taliwas sa sinasabing magsisimula ang mga programa sa alas dos ng hapon sa open ground na siguradong mabibilad sa matinding init. Kasabay nito ang paglilinaw sa mga alegasyon sa paaralan na nagdulot sa pagkalito at pangamba ng mga magulang at mag-aaral na baka hindi magiging maayos ang pinakamahalagang araw ng bawat estudyante na ang makapagtapos. Sa madaling salita, ang simpleng paglathala ng isang maling balita ay makapagdudulot ng hindi kaaya-ayang resulta sa mga mamamayan.

Ang pagiging isang tagapagbalita ay isa ring pagiging tagapaglingkod sa bayan na walang kinikilingan habang maingat sa bawat impormasyon na isinasapubliko. Dagdag pa rito, hindi pinahihintulutan ng tapat na peryodismo ang iresponsableng pamamahayag. Kasunod ng sinumpaang pangako bilang isang mamamahayag ay huwag kalimutan ang konsiderasyon sa etika at palaging pagtalima sa kung ano ang tamang pagbabalita.

Inbox

Starred

Snoozed

Sent

Draft

More

<maagangIbon@gmail .com>

Mahal na Patnugot

na limitado ang

Maraming mga personalidad ang umaalma dahil labag sa kanila ang desisyon ng paaralan na isagawa sa outdoor venue ang graduation rites. Subalit, hindi kaya ng institusyon na isakripisyo ang sapat lamang na pondo at kaligtasan ng kabataan, magulang, panauhin, at ng sinomang dadalo. Nakalulungkot ngunit sa halip na saya sana ang dulot ng pag-arangkada sa kolehiyo ay napapalitan ito ng pagkadismaya dahil sa kumplikadong mga pangyayari bago ang pagtatapos.

Ako po ay isang mag-aaral sa ika-siyam na baitang at hindi po ako nahuhuli sa klase.

Alam ko na sumusunod lang po ang ating paaralan sa nakatatataas na kagawaran kaugnay sa pagsasagawa ng flag ceremony tuwing lingo. Naiintindihan ko rin kung bakit kinakailangan ng ating mga opisyal na maging mahigpit sa pagpapatupad ng oras. Subalit, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakarating ako ng 7:01 ng umaga ng Lunes ngunit naharangan ako sa gate. Nais ko lang pong malaman kung bakit kailangan ng mga mag-aaral na pumunta nang napakaaga kada lingo kung pwede namang magkaroon tayo ng televised broadcast flag ceremony sa kanya-kanyang klasrum upang hindi magsiksikan at mabilad sa initan.

Sumasainyo, Maagang Ibon

<anglantao.asnhs@gmail.com>

Mahal naming Maagang Ibon, Naiintindihan namin ang inyong hinaing bilang magaaral na nabibilad sa initan at kailangang pumunta nang maaga tuwing flag ceremony. Nagagalak kami sa inyong suhestiyon na maaarixng makatulong sa ating paaralan na makaisip ng ibang paraan kung papaano mapaunlad ang pagiging “makabayan” ng mga kabataan. Huwag mabahala dahil ang inyong hinaing ay agad naming ipapadala sa mga opisyal ng ating paaralan.

pondo sa mahal na private venues para sa iisang gamit lamang.
Forward Reply Forward Reply
to me to me
Maagang Ibon
AngLantao
Balita
5 Pahina
ONE MINUS ONE
ng kritiko ng paaralan kontra ‘outdoor graduation venue’ KAYE ASHLEY M. MACARIO NICHOLE C. SERRANO JHONA GRACE J. BARRETE ED IAN JAY O. BAGUIO Punong Patnugot JASMINE LOISE C. ARROYO Ikalawang Patnugot AVRIL LOVE I. MAESTRADO MARDY D. MAY-AS JOSEPH LENOEL J. BARRETE Lathalain TRISHA MAE E. AGOCEJO LEOMI FAITH Z. ALIGWAY RONNEL P. RIVAS Editoryal ANDREY CHARLES P. DUMAPLIN EONA ARWEN C. AGUNTING Isports LEAN ANTONETTE M. PANAGUITON Agham at Teknolohiya CHRISTIAN T. CASIMERO REYVEIN ASHLEY M. DUCE Kartun ICEL JAY B. TORRES Disenyo CHRISTINE HILARY JOY Q. MONDEJAR DANIELLE THERESE A. GELIO-ANO ELZEIDE M. ALATRACA Larawan APRIL JADE L. BANDOY | JAMES VAN M. BUYANTE | CHRISTINE ERICA M. BATAUSA | MIKHAELLA C. GARCIA | JOSCHE FREDERICK S. GERODIAS | JULIA ASHLY J. LACHICA | PRINCESS FIONAH B. SERRANO | KING RODNEYFER B. TOMBIGA | JOHN | HERO T. APRESTO | NEIL ROBERT J. BESINGA | JZYTH KYRL D. CHATTO | DAN RUSSEL L. GUMA | MARIAM OBEDOZA | ALYSA KATE C. PARBA | XYRRA ALTHEA NICOLE A. SAMPANG | JELLIAN ARTIGO Kontribyutor Bb. RIOLYN B. BANLAT School Paper Adviser NORBERTO O. CULLANTES, Jr., MT-I Asst. School Principal in JHS BALTAZAR R. SAUSA, MT-II Asst. School Principal in SHS VENUS A. DECINILLA-BAJAO Pincipal IV Ang Opisyal na Publikasyon ng Agusan del Sur National High School sa Filipino ANG LANTAO TOMO 17 ISYU 1 AGOSTO 2023 - MARSO 2024
Pagdagsa
TAPAT
DAPAT
Trisha Mae E. Agocejo Ronnel P. Rivas

na mga mag-aaral ng ASNHS, aprubado ang bagong school calendar na itinakda ng DepEd

Dagdag kakulangan

Pagtatanggal ng SHS voucher sa SUCs, LUCs

Kasunod ng mga pagbabago na itinuon ng Department of Education (DepEd) sa kasalukuyang kurikulum, ipinatatanggal ang Senior High School (SHS) sa mga Higher Education Institution (HEI). Sa inilabas na DepEd Order No. 20, s. 2023, pinatitigil ang State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs) sa pagtanggap ng mga new enrollees sa SHS. Subalit ang desisyong ito ng kagawaran ay hindi praktikal ngayon na kulang ang pasilidad, kagamitang panturo, at mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Nilinaw ng DepEd nitong ika-16 ng Enero 2024 na patuloy pa rin na magagamit ang SHS Voucher Program (SHSVP) ng mga naka-enrol nang Grade 11 students sa SUCs at LUCs. Ito ang naging solusyon ng kagawaran upang maiwasan ang anomang displacement ng mga bagiong SHS enrollees sa Universities at Colleges para sa School Year (S.Y.) 2023-2024. Sa katunayan mapakinanabangan pa rin ng mga mag-aaral ang benepisyo ng voucher hanggang makapagtapos ng Grade 12 sa susunod na taon.

Sa kabilang dako, tutol ang Teachers Dignity Coalition (TDC) at Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) sa kautusan ng kagawaran. Naniniwala sila na mas mahalagang pagtuunan ang mga problema na dati nang nasa nararanasan sa pagpapatupad ng kurikulum. Sa totoo lang,ang tuluyang pagpapatigil ng SHS voucher program ay malaking kawalan sa mga mag-aaral na malayo sa mga pampublikong paaralan dahil sa halip na gamitin ang pera sa ibang mahalagang bagay ay ubos na kaagad para sa transportasyon.

Matinding pahirap din sa mga guro ang dagdag na bilang ng mga estudyante na makikipagsiksikan sa iisang klasrum bunsod ng mahigit 165,000 na classroom backlogs sa DepEd. Ayon pa kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Chairman Vladimir Queta, mas mahalagang pagtuunan ang educational needs ng mga mag-aaral at guro tulad ng sapat na klasrum at learning materials. Sa kasalukuyang K-12 program, dapat aminin ng mga nasa kinauukulan na marami ang butas sa pagpapatupad nito na lubos nakakaapekto sa mga mag-aaral lalong-lalo na sa mga nasa Senior High School.

Kinabukasan ng kabataan ang nakalaan sa bawat desisyon na binibitawan ng kagawaran ng edukasyon at kabilang na ang pagpapatanggal ng SHS sa HEIs. Malinaw na hindi ito praktikal para sa kaguruan at kabataan. Walang masama kung diyan muna sa ibang institusyon ang ilang mga mag-aaral habang inaayos pa, na sana inaayos talaga, ang mga kakulangan at butas sa mga pampublikong paaralan.

Matapos ang ilang taon na pagtitiis ng mga kabataan sa mga pagbabago sa pasukan, unti-unti nang ibinabalik ng kagawaran sa edukasyon ang Hunyo hanggang Marso na taong panuruan. Batay sa DepEd Order no. 003 s., 2024 na inilabas noong Pebrero 20, 2024, ideneklara ang May 31, 2024 bilang new adjusted end date ng kasalukuyang S.Y., kaugnay nito, inihayag din ang simula ng S.Y. 2023-2024 sa Hulyo 29, 2024 at magtatapos sa Mayo 16, 2024. Napakalaking pakinabang nito para maibalik sa normal ang pag-aaral kung saan magiging mas malawak ang panahon na magagamit ng mga mag-aaral at guro sa pagtatamasa ng mga leksyon

Sa mga pagababagong nagawa bunsod ng pandemya, ang mga guro maging ang mga mag-aaral ay nakakatamasa sa matinding init pagdating ng tag-init subalit walang magawa kundi pumasok sa paaralan dahil may tinupad na hangarin at ginagampanang tungkulin. Layunin

BACK TO NORMAL

Paunti-unting solusyon

Pagbabalik sa dating kalendaryo ng pasukan, panibagong pag-asa sa mga paaralan

ng inilabas na anunsyo na maibsan ang pasanin ng mga mag-aaral, guro, at institusyong pangedukasyon na nahaharap sa mga problemang nakaapekto sa kapaligiran ng pag-aaral.

Gayunpaman, dahil dito ang mga guro ─ maging ang mga mag-aaral ay hindi magkakaroon ng sapat na pahinga para sa susunod na taong panuruan. Kung kaya nabanggit ni DepEd spokesperson Michael Poa ang desisyong maibalik sa dati ang taong panuruan ay base sa kagustuhan ng karamihang mamamayan. Mas nanaisin ng karamihan na matamasa ang pahinga kaysa sa normal na daloy ng taong panuruan na hindi naman talaga naging “normal” sa kanila.

Dagdag pa rito, napag-alaman sa isang survey ng GMA News na mahigit 67% na mga guro ang nakaranas ng “intolerable heat” sa kanilang silid-aralan sa kasagsagan ng mga tag-init pagdating ng Marso. Nagdulot ito ng pagkawala ng atensyon ng mga mag-aaral pati na rin ang mas

madalas na pagliban ng mga mag-aaral. Na kung saan at inaksyonan ng kagawaran ngunit inu-untiunti pa lamang.

Gingawa ng DepEd kung ano sa tingin nila ay tama. Ang hakbang na ito ay pinaghandaan ng husto ng departamento sapagka’t sa pagkakataong ito, inuuna ng kagawaran ang kalusugan ng mga mag-aaral, lalong lalo na ang mga guro at mga trabahanteng kasapi sa larangang ito. Inaasahan nating maglahad agad ng solusyon ang kagawaran sa mga problemang napuna nang umusbong ang pandemya, ngunit, ang totoo ay isa tayo sa nga dahilan kung bakit minsan hindi tama ang naging resulta dahil sa kulong tayo sa ideyang husto na ang mga pagbabagong hindi kailanman pumapasok sa isip na binago. Kung kaya, bigyan natin ng pagkakataon ang Kagawaran na pagbutihin ang kanilang gawain para sa ikabubuti ng nakararami.

PAGMAMALABIS

Dinudungisang lisensya

Bangungot sa biktima hatid ng di mapagkatiwalaang guro

Nanawagan ang grupo ng kabataan sa Professional Regulation Commission (PRC) na ipagpawalang bisa ang mga lisesya ng nga gurong nagpatunayang nagmomolestiya, ayon sa ulat ng Rappler nitong Marso 8, 2024. Sa kabila ng pagkakaroon ng mga batas gaya ng Safe Spaces Act at Republic Act 7877, ay may mga kaso pa ring panghahalay ng mga guro sa mga estudyante. Bilang isang mag-aaral, ang mga gawaing ito ay nakakadismaya dahil inaasahan natin ang mga guro na magturo at hindi mang-abuso.

Nakababahala dahil napapansin ang kaso ng pangmomolestiya ng mga guro sa iba’t ibang paaralan, lalo na sa Agusan del Sur National High

aging abala ang buong Agusan Del Sur National High school (ASNHS) bilang pagsunod sa programang Catch-Up Friday ng Department of Education. Ayon sa DepEd Order no. 001, s. 2024, layunin nito na matugunan ang lumalalang learning gap na labis ikinabahala matapos ang mababang marka ng Pilipinas sa 2022 Program for International Student Assessment (PISA). Sa tulong na ito ng pamahalaan, mabibigyan ng daan ang kabataan sa kanilang sariling kaunlaran.

Samantala, alinsunod sa DepEd Memorandum No. 001 s. 2024 ang pag implementa ng Catch-Up Friday sa lahat ng pampublikong paaralan upang mas mapabuti ang pagganap ng mga kabataan sa iba’t ibang subject lalong-lalo na sa Reading Comprehension. Alam naman natin na naging mababa ang naging pagganap ng mga kabataan sa isinagawang student assessment

School (ASNHS) na kung saan ay itinuturing pa namang isang tanyag na paaralan sa lalawigan ng Agusan del Sur. Kung titiyakin, may relasyon ang isang guro sa isa ng mag-aaral sa paaralang ito. Ang ipinagtataka ng karamihan ay sa kabila ng kumakalat na mga alegasyon, ang iba sa kanila ay parang walang ginagawa ng sulosyon sa mga ganitong sitwasyon.

Sa katunayan, ayon sa kamakailang ulat ng Rappler, umaalis ang mga guro sa mga naturang paaralan bago pa man kumalat ng husto ang isyu. Ang iba ay lumilipat na lamang sa ibang paaralan maaaring pasukan. Nakakadismaya dahil bilang isang mag-aaral sa paaralang mayroong kaso nito ay nakakawalang gana pumasok kahit

pa man tanyag ang paaralang ito, na sa kabila ng pagkakaroon batas ay may guro pa ring tumataliwas dito.

Sa napakaraming problemang kinakaharap ng Kagawaran ng Edukasyon at ng hukuman, nakakaligtaan na nila ang mga bagay na malaki ang epekto sa lipunan. Nasisira ang reputasyon ng mga guro dahil lamang sa iilang guro na ang nais ay masunod ang kanilang gusto kahit pa hindi na ito husto. Walang guro ang kakasuhan kung ang batas ay kinakatakutan, may respetong namumuno kahit pa lisensyado at hindi pinapairal ang labis na pagmamalabis.

Progresibong edukasyon

Makabagong programa para mag-aaral ng DepEd sa pagsalba ng pagkatuto

ngunit kung magpapatuloy ang programang ito mapapabuti ang learning competency ng mga kabataan.

Dagdag pa rito, naging layuning e implementa ang programang ito upang mas matutukan ang mga kabataang “non-readers” at mapabuti ang kanilang antas ng pagkatuto sa iba’t ibang subject. Tunay na malaking tulong para sa mga kabataan ang ganitong solusyon lalo na at nanghihingalo na namn ang ating lipunan sa magandang edukasyon.

Gayunpaman, ayon sa Philippine Business for Education (PBEd) na dahil sa programang ito maraming guro ang nag naghihirap sa pag implementa dahil sa hindi sapat na paghahanda. Naging kawawa mn ang mga guro ngunit sa sistema ngayon ng kabataan ay mas mahalagang matutukan dahil kung magpapatuloy ang

programang ito hindi lang ang kabataan ang matutulungan ngunit pati na rin ang mga guro.

Sa kabila ng mga suliraning panlipunan na kinakaharap ng mga mag-aaral ay nananatili pa rin silang bukas isipang matuto, ang Catch-Up Friday ay isang magandang paraan upang mas umangat ang antas ng kaalaman ng mga kabataan. Malaking tulong ang ganitong paraan upang masanay ang sariling kakayahan ng mga kabataan.

Mahalaga na natututukan ang edukasyon ng mga kabataan sapagkat sa kanila nakasalalay ang magandang kinabukasan na hinahangad ng lipunan. Sa mga panibagong yugto ng pagkatuto, matutuklasan ang kahalagahan ng kaalaman. Sa progresibong programa na Catch-up Friday ay magiging solusyon ito para sa bagong henerasyon.

SA TOTOO LANG
Christian T. Casimero Christine Hilary Joy Q. Mondejar Nichole C. Serrano
N
EDU-AKSYON Julia Ashly J. Lachica
600
Pahina. OPINYON
321 sa
6
© Icel Jay B. Torres Ang Paglantao Survey ©

Magkaibang hukuman

Panghihimasok ng politikang internasyunal sa pambansang problema

Kahit tapos na ang termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, nakabuntot pa rin sa kaniyang apilyedo ang naisagawang War on Drugs. Ayon sa datos na nakalap ng gobyerno, mayroong 6,252 katao ang sawi sa operasyong kontra-droga simula noong Hulyo 1, 2016 hanggang Mayo 31, 2022 na pinamumunuan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Nararapat lamang na pansinin ng International Criminal Court (ICC) ang nakakagambalang kalagayan ng ating bansa, ngunit, wala silang karapatan panghimasukan ang ating sariling hukuman.

Pormal na ipinahayag ni Duterte ang pag-alis ng Pilipinas sa Rome Statute ng ICC noong Marso 17, 2018. Gayunpaman, naging mabisa ito noong Marso 17, 2019 na kung saan ay makalipas rin lamang ang dalawang taon— noong Mayo 24,2021 ay humingi ng permiso ang Office of the Philippines (OTP) upang imbestigahan ang sitwasyon ng Pilipinas. Ang pagnanais ni Duterte na mapaalis sa Statute ay nagbigay lamang ng labis na kagustuhan sa ICC na maimbestigahan ang bansa.

Dagdag pa rito, naniniwala ang Human Rights Group na ang bilang na 6, 252 ay hindi pa

kasama ng mga biktimang vigilante ang pagpatay, na nagpapataas ng tinatayang bilang sa pagitan 12,000 at 30,000. Kaugnay nito, nag simula nang pumapatay si Duterte sa mga mamamayang sangkot sa droga noon pa lamang hinirang siyang Alkalde ng Davao City at nabanggit na siya pa mismo ang pumapatay sa iilan nito. Na kung saan ay nag-udyok sa ICC na tanggihan ang apela ng Pilipinas na huwag ipagpatuloy ang pagimbestigahan ng bansa.

Sa kabilang dako, tinanggihan ng ICC noong Hulyo ang apela ng Pilipinas at nagpasiyang ang ipagpatuloy ang imbestigasyon sa libu-libong pagpatay sa panahon ng ‘War on Drug’ ni dating Duterte at iba pang hinihinalang pang-aabuso sa karapatan. Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang mga imbestigador ng ICC ay maaaring pumunta at bumisita “bilang ordinaryong tao” ngunit hindi sila tutulungan ng gobyerno. Iginiit naman ng politiko na hindi maaaring manghimasukan ang internasyonal na hukuman sapagkat ang sitwasyong ito ang masusulosyonan sa parang nasyonal lamang.

Kaugnay nito, ayon sa panayam ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa isang ulat ng CNN, hindi ipinatupad ng gobyerno ng Pilipinas

POSISYON

Sa muling pag-alingasaw ng Charter Change (Cha-Cha), naglitawan ang mga sentimentong nais pababain si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pwesto. Sa isang prayer rally na Hakbang ng Maisug, hinamon ni Davao City Mayor Sebastian Duterte na mag-resign na lang ang Pangulo kasabay ng mga patutsada ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na “bangag” at “adik” umano si Marcos. Kasunod ng mga malalaking personalidad na kumu-kwestyon sa liderato, mahalagang makita siya ng sambayanan na may sariling paninindigan at hindi lang nakasunod sa mga bumubuntot na politiko.

Sa prayer rally sa Davao City na pinangunahan ng pamilya Duterte, inakusahan ng dating pangulo ang presidente na dati umanong

ang mga warrant of arrest na in isyu ng ICC kung magpapatuloy ito sa imbestigasyon. Inakusahan ni Remulla ang ICC na mayroong “political agenda” para ipagpatuloy ang imbestigasyon, at ito ay isang panghihimasok sa kalayaan at soberanya ng bansa. Mainam lamang idiniin na ang bansa ay may sariling legal na sistema upang mahawakan ang sitwasyon tungkol sa iginigiit nilang madungog pamumuno ni Duterte.

Walang ibang layunin ang ICC kung hindi mapabuti ang kalagayan ng isang bansa. Na kung saan ay binigyang pansin ang nakakaalarmang sitwasyon ng basa. Bagaman, sa panghihimasok ng ICC sa sistema ng Pilipinas ay hindi kailan man naging makatarungan sa mata ng politika.

Mapapabuti ng husto ang katayuan ng Pilipinas kung magtutulungan ang mga nasa posisyon. Gisingin ang mga politikong pikit-matang namamahala kahit na tayo ay nagagambala. Naging madugo ang huling laban ng mga Pilipino ngunit ang mga mamamayang Pilipino rin ang nararapat umayos nito, dahil tayo ang naiipit sa isang bagay na kanilang pilit iginigiit.

Bigong Pilipinas

Pagkwestyon sa pamamahala ng pangulo sa bansa

kasama sa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA). Tinawag pa nga niya itong “bangag” at hinamon na magpa-drug testing silang dalawa. Naging ugat ng mainit na salita na ito ang pagkadismaya at pagtutol ni exPres. Duterte sa People’s Initiative (PI) para sa ChaCha o ang layuning baguhin ang 1987 Constitution.

Sa kahina-hinala at mabilisang pagdami ng mga pumirma sa ilalim ng PI, tikum-bibig pa rin ang ating Pangulo sa kung ano ang dapat niya na ginagawa tungkol dito. Dagdag pa ni ex-Pres. Duterte, kung patuloy na isusulong ng Pangulo ang Cha-Cha ay mapipilitan ang mga taumbayan na paalisin si Marcos sa kanyang posisyon. Maliliwanagan lamang tayo kung ang Pangulo ay makikinig sa mga panawagan gaya ng pakiusap ni

Speaker Alvarez na mag- “Step in. Step up. Assert” sa posisyon.

Sa kabilang dako, sabi naman ng ilan ay huwag daw makialam ang iba dahil “away ito ng mga nanalo”, pero sa mga pangyayaring ito, ang bawat Pilipino ang talo. Pinipili pa rin ng maraming tao na magpakaadik at magpakabangag sa mga pangyayaring ito sa ating bansa. Hinahamon na tayo ngayon ng panahon upang kumilos at buklatin ang ang nagpupumilit-pumikit na mga mamamayan.

Gisingin na ang pangulo at buwagin ang bayan mula sa pagkakagulo sapagkat ang ating hangarin ay isang bagong Pilipinas at hindi isang bigong Pilipinas

Dismayadong Pilipino sa isinusulong na rebisyun sa konstitusyon

Matagal nang pinagdidiskitahan ng maraming politiko ang 1987 Constitution. Umabot na sa halos 400 measures ang naipasa sa Senado para maisulong ang Charter Change (Cha-Cha) at kabilang sa layunin nito ang “economic amendments” at pagtatanggal ng term limits. Subalit, hindi malinaw ang tunay na hangarin at ang maaaring maging epekto nito sa mga Pilipino maging sa mga kabataan na posibleng gamitin sa pananamantala ng mga nasa kapangyarihan.

Paliwanag naman ni Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rodriguez tungkol sa layunin ng economic amendments sa konstitusyon na makatutulong ito upang makapagbukas ng maraming trabaho, madagdagan ang corporate taxes sa social programs, pag-develop ng edukasyon at iba pang mga resources sa bansa.

Mangyayari ito sa pamamagitan ng pagpapasok ng Foreign Direct Investments (FDIs) sa Pilipinas. Sa madaling salita, isa itong agenda na pumapabor sa mga banyaga.

Dagdag pa rito, kasama ang ‘political changes’ sa isinusulong ng Cha-Cha kung saan base sa inihaing Resolution of Both Houses (RBH) No. 5 nitong Disyembre nang nakaraang taon ay magkakaroon ng 54 na Senador na may walong taong termino taliwas sa dapat na 24 na Senador na may anim na taon lamang na termino batay sa nakasaad sa konstitusyon. Sa parehong panukala, binibigyan ang posisyon sa pagka Pangulo at Bise Presidente ng dalawang termino. Pangatwiran naman ni Sen. Robin Padilla na kailangan ito para sa “policy continuity” at “long-term, meaningful changes”.

Sa halip na hayaan ang mga dayuhan na makinabang, mas maigi na maglaan ng sapat na pondo ang gobyerno sa pagpapaunlad ng mga lokal na produkto, pag-aaral, at teknolohiya sa Pilipinas. Maari na ngayon ay pagtatanggal pa ito ng term-limit hanggang sa humantong ito sa diktadura kung walang mabusising pag-aaral na gagawin kaugnay sa Cha-Cha.

Ang konstitusyon ay konstitusyon at hindi agad-agad napapalitan maliban na lamang kung ito ay lumalabag sa karapatang pantao, etika, o may malalim na dahilan para baguhin ito. Nagsusumikap tayo para sa kinabukasan ng ating kabataan at hindi para maungusan lang ng mga dayuhan sa sariling bayan, kaya dapat Pilipinas at Pilipino muna. Tuligsain kung ano ang totoong magulo –sakim na mga politiko – bago ang pagbabago.

446 / 600

na mga magaaral ng ASNHS, hindi sang-ayon na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas

Ang Paglantao Survey ©

Matapos paratangang “bangag” at “adik” ang pangulo ng Pilipinas, lumutang ang balita na bubuwagin ang mga pulo sa bansa. Nasa 16, 600 tao ang nakilahok sa Hakbang ng Maisug rally sa Davao City nang inihayag ni ex-President Rodrigo Duterte ang sentimentong ito laban sa pangulo at tungkol sa mungkahi na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas. Sa kabila nito, hindi magpapatibag ang taumbayan na silang nagmamay-ari ng ating bayan at hindi ang mga nagbabangayang malalaking pangalan

Tutol si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ‘Mindanao Secession’ at sinisiguro na hindi ito matutuloy. Base sa kanyang naging talumpati sa Makati City para sa Constitution Day 2024, inilarawan niya ang panawagan na buwagin ang bansa bilang paglabag sa batas na ayon sa Department of Justice (DOJ) ay taliwas sa democratic society na nakasaad sa Article II, Section II ng 1987 Constitution. Isa itong hudyat na dapat tumahimik nalang ang kampo nila Duterte.

Dagdag pa ng Pangulo, hindi magiging kumpleto ang “Bagong Pilipinas” kung wala ang Mindanao. Tulad ng iba’t ibang grupo, tutol din ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dito sapagkat masasayang lamang ang nakamit na ‘peace process’ sa bansa. Maliban dito, ang sektor at kurikulum ng edukasyon kasamang mabubuwag na may malaking epekto sa mga kabataan.

Iniulat ng GMA News nitong ika-12 ng Pebrero na nasa 60% ng Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas ay galing sa kapuluan ng Mindanao. Gayunpaman, malaking sagabal sa economic arrangements ang secession na ito kung saan mas magiging kritikal ang proseso ng pagpapapasok ng mga investor. Iginigiit man ni Duterte na kaya nang magsarili ng Mindanao, ngunit hindi maikakaila na malala ang magiging social at economic cost nito na magpapamahal sa gastos ng pangangalakal sa parehong hilaga at timog na parte ng bansa.

Isang maunlad na pulo ang nais ng kampo ni Duterte, ngunit ang panawagang ihiwalay ang Mindanao sa bansa ay sumasalungat lamang sa hangarin ng kampo ni Pangulong Marcos na “unity”. Hindi kailangan na magkaroon ng parehong pananaw sa pulitika, ngunit responsibilidad nilang magdesisyon para sa ikauunlad ng buong bansa. Sa halip na secession, mas mahalagang pagtuunan ang mga programa na hihila pataas sa ating ekonomiya at lalong-lalo na sa pagpapaunlad ng edukasyon ng mga kabataan.

Tahimik na nagbabangayan ngayon ang dalawang malalaking pangalan sa ating bansa na Marcos at Duterte. Hinahatak ng magkabilang kampo ang mga sariling paninindigan na kung saan nadadamay ang ating kapuluan. Gayunpaman, buo pa rin ang katatagan ng bawat Pilipino para mapigilan ang pagbubuwag sa ating lupang sinilangan.

Pagwatak ng LuzViMinda hatid ay gambala
7 Pahina. OPINYON
Jhona Grace J. Barrete
Lupang hinila
PAGBUBUWAG
PAMUKAW-PANSIN
Bago pagbabago
Avril Love L. Maestrado SAYAW POLITIKA Christian T. Casimero ©

Nababasurang disiplina

Dumaraming single-use plastic sa paaralan kahit ipinagbabawal

Layunin ng bawat paaralan ang isang ecofriendly na eskwelahan, kung kaya, mahigpit isinasakatuparan ang “Clean + Green” sa loob nito. Kaliwa’t kanang mga karatula ang nakalagay loob ng paaralan upang madisiplina ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabawal ng single use plastics, alinsunod sa National Solid Waste Management Commission (NSWMC) Resolution No. 1363, s. 2020. Sa kabila nito, kung ano ang naisakatuparan ay na nanatili lamang sa loob ng paaralan at tone-toneladang plastics pa rin ang nikikita sa labas nito.

Gayunpaman, tunguhin ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) na pamahalaan nang maayos ang dumadaming basura at hustong maisakatuparan ang “No plastics allowed”. Kaya, noong ika-23 ng Nobyembre 2022, naghayag ang institusyon ng pagbabawal sa pagbenta o paggamit ng plastic water bottle, plastic straws, plastic spoons, cellophane at food wrap sa loob ng paaralan. Sa kagustuhang maisakatuparan ito ng maayos ay hanggang ngayon, makikita ang basurahan sa bawat sulok ng eskwelahan.

Dagdag pa rito, upang masiguro ang kalinisan ng ASNHS, kada Miyerkules ay kinukolekta ng Materials Recovery Facility (MRF) ang plastic wrappers habang ang biodegradable waste ay maiiwan lamang sa silid-aralan. Upang maibsan ito, pagsapit ng Disyembre, ang ASNHS Eco-Saver club ay gumagawa ng isang patimpalak gaya ng Parol Making gamit ang recyclable at biodegradable waste bilang materials na makikita lamang sa paaralan. Sa ganitong paraan, gaganahan— hindi lang mga mag-aaral, pati na rin ang mga guro na makilahok sa patimpalak na ito, na kung saan ay unti-unting nababawasan ang suliranin sa paaralan.

Sa kabilang dako, hindi talaga nasusunod ang NSWMC Resolution 1363, s. 2022 sa loob ng paaralan. Ang mga single use plastics maging ang plastic cellophanes ay makikitang pakalat-kalat sa labas ng eskwelahan. Sinusulong ng ASNHS ang “Clean + Green Environment” ngunit wala namang aplikasyon pagdating sa labas nito.

Isa sa mga dahilan kung bakit mahigpit ang paaralan ay dahil sa tumataas na bilang ng nalilikom na basura kada linggo. Na kung saan, kadalasang inuuwi nalang ng mga mag-aaral. Sa kabila ng gawaing naiulansad ng paaralan upang mabawasan ang basurang nalilikom, lalo lamang itong lumalala dala na rin ng tumataas na bilang ng mga mag-aaral.

Mainam lamang na makilahok ang mga mag-aaral sa mga maliliit na hakbang ng paaralan. Marami nang alternatibong gawain ang naipatupad ng ASNHS upang unti-unting makamit ang “Clean + Green Environment”. Malaking tulong rin ang naging anunsyo ng institusyon upang mas mapaunlad ang pamamahala pagdating sa basura.

Nararapat lamang na mas higpitan pa ng bawat eskwelahan pagpapatupad ng mga problema kabilang na ang pagresolba sa problema sa basura . Nababalewala ang mga paraan ng paaralan dahil sa mga personalidad na kulang sa disiplina. Hindi kakalat ang mga basura kung may respeto sa kapaligiran at sa kalikasan.

Pagkahumaling sa pornograpiya na umaabuso sa murang isipan

Nakaaalarma ang kasalukuyang sitwasyon ng mga kabataan kung saan madalas nang nagiging normal para sa kanila ang paggawa at pagtangkilik sa porno o sex scandal videos. Base sa pagsisiyasat ng Common Sense Media, umabot sa 73% ang bilang mga kabataang nagumon sa pornography sa edad na 13 hanggang 16 taong gulang pa lamang. Maraming murang isipan ang naaapektuhan habang natatalikuran ang respeto sa sarili at ang kani-kaniyang kinabukasan.

lalong-lalo na sa mga social media platforms, malaki ang posibilidad na dumami pa ang gumaya nito sa totoong buhay. Habang kumakalat ito kahit

saan maging sa mga kaklase nila, nahihiya na silang pumasok sa paaaralan. Sa madaling salita, edukasyon ang unang nadedehado dahil dito.

Snangangailangan lamang ng maayos na gabay mula sa kanilang mga magulang. Tunay na kailangang matutukan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa ganitong bagay ngunit responsibilidad din ng mga kabataang iwasan ang

Sa kabuuan, maraming hadlang ang nakapalibot sa magandang kinabukasan ng mga kabataan ngunit sa ganitong sitwasyon, maayos na gabay ng mga magulang at pagiging responsable sa sarili ang kailangang matutukan para mapanindigan ang dapat gampanan sa lipunan na baguhin ang sistema ng mga kabataan sa maayos

9 sa kada 10 mag-aaral, pinakikinabangan ang Artificial Intelligence para sa pag-aaral

Ang Paglantao Survey ©

Larangang nilalamangan

a pag usbong ng panahon, naging pangunahing takbuhan na ng halos sa mga kabataan ang, Artificial intelligence (AI) sa pagkuha ng mga impormasyon kaysa sa pamahayagan. Nakatatak na sa kanilang mga isipan ang pinaniniwalaang “100% AI, 100% Verified”. Lungkot mang isipin, ngunit naging kawawa na naman ang mga mamamahayag na naghahanap-buhay dahil AI na ang panibagong solusyon sa madaliang paghanap ng mga impormasyon.

Samantala, nitong Setyembre 24, 2023, gumawa ng isang matapang na hakbang patungo sa hinaharap ang sports broadcasting ng leading company GMA network sa pamamagitan ng paglunsad ng kauna-unahang AI-generated sports casters sa bansa na kilala sa pangalang Maia at Marco. Alam naman natin na makatutulong

NNadedehadong peryodismo sa maling paggamit ng AI Kaugalian ng

ang ganitong solusyon sa madaliang paghanap ng mga impormasyon ngunit kung patuloy tayong magpaparaya rito, hanap buhay ng mga mamamahayag ang mawawalan ng silbi sa lipunan.

Gayunpaman, base sa pag-aaral ni Head of Media Relations of Hardtalk Thilani Weerathna, na isa sa pinakakilalang naitulong ng AI sa pamamahayag ay ang kakayahang pahusayin ang bilis, katumpakan at damj ng saklaw ng balita, kilala pa ito bilang pinakamabilis magkuha ng mga impormasyon sa iilang segundo lamang. Marami mang maaaring maitulong ang AI sa ating pangangailangan, ngunit kung magpapatuloy tayong nakadepende rito, matatalikuran ang pawis at oras na nilalaan ng mga mamamahayag para makapaghatid lamang ng tamang balita.

Sa pag sakop ng AI sa isipan ng mga

mamamayan lalong-lalo na ang mga kabataan, masasabing nawawalan na ng silbi sa lipunan ang mga mamamahayag na todo kayod maghatid lang ng mga impormasyon. Kaya nararapat lamang na bigyang pansin ang nakasanayang pinagkukunan ng impormasyon upang masuklian ang kanilang sakripisyo sa isang lipunan.

Sa kabuuan, marami mang maaaring maging balakid na makakaapekto sa larangang pamahayagan, ngunit mananatili pa ring makabuluhan ang kanilang tungkulin sa lipunan na hindi mapapantayan ng kahit ano man. Sa mundong nababalot ng teknolohiya, nakakalimutan na ang halaga ng mga mamamahayag na nagsasakripisyo dahil AI na ang mas kilala, kaya huwag magparaya sa makabagong teknolohiya.

Tungkuling mapanindigan

agbabago man ang takbo ng panahon, ngunit nagbabago rin ang kaugalian ng mga kabataan lalong-lalo na sa kasalukuyang taon. Ang 20.150 milyong mga kabataan ay masasabing naiiba na kaysa sa nakaraang dekadang taon. Alam namn natin na patuloy na nagbabago ang sistema ng mga kabataan sa paglipas ng panahon, ngunit sa ganitong henerasyon inaabuso na nila ang kanilang kalayaan at nakakalimutan na ang disiplinang kailangan matutukan.

Samantala, ayon sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) na halos sa mga kabataan sa panahon ngayon ay mas nakatutuk

na sa teknolohiya na kung saan mayroong 62.6 bahagdan ng mga kabataan ay nakadepende na sa mga gadgets. Bilang isang kabataan, tunay na nakakagumon ang teknolohiya, ngunit sa panahon ngayon ay halos nakadikit na ang kanilang buhay sa mga ganitong bagay.

Gayunpaman, ayon sa Stanford Social Innovation Review na sa kabila ng pagsisi ng mga mamamayan sa mga kabataan sa kanilang pagkaadik sa teknolohiya ay hindi naman nila kasalanang pinanganak sila ganitong henerasyon. Tunay man na hindi nila kasalanan, ngunit sa panahon ngayon inaabuso na ng mga kabataan ang kalayaang kanilang hinahawakan.

Nakalulungkot mang isipin ang sitwasyon ng mga kabataan sa kasalukuyang taon lalonglalo na sa pag kumpara sa kanila sa mga kabataan mga noon, ngunit mahalaga ring matutukan ng mga magulang ang kilos at kapakanan ng mga kabataan upang maiayos ang kanilang sistema sa kasalukuyan.

Sa kabuuan, marami mang maging balakid sa kinabukasan ng mga kabataan ngunit kung mayroon silang maayos na gabay sa kanilang mga magulang mabibigyan nga maayos na sistema ang mga kabataan at mapaninindigan ang kanilang tungkulin sa bayan.

ORA MISMO
ONE CLICK
King Rodneyfer B. Tombiga ARKAYB
PM SENT Nababalewalang
Neil Robert J. Besinga
kinabukasan
Jzyth Kyrl D. Chatto
8 Pahina.
OPINYON
© Neil Robert J. Besinga
kabataan sa kasalukuyan
Daneille Therese A. Gelio-ano

MASA SA MASA

Inaning inanod

Matinding pagbaha na bumabara sa kita ng magsasaka

Sa panibagong taong 2024, nagiging kawawa na naman ang mga magsasakang nasasalanta ng baha sa bansa. Laking pagkabahala ng mahigit kumulang 2.37 milyong mga magsasaka matapos malunod and kanilang palayang pinaghirapan. Lungkot mang isipin, ngunit hindi lng ang pananim ang naapektuhan ngunit pati na rin ang kanilang pamumuhay lalong-lalo na ang pag-aaral ng kanilang mga estudyante.

Samantala, ayon pa Bombo Radyo Philippines, mahigit 6, 400 ang magsasakang apektado sa malawakang pagbaha iba’t ibang probinsiya sa Davao Region. Kung iisipin, dahil sa

Mahalagang bahagi ng pagiging handa ang pagkakaroon ng kaalaman sa ‘Duck Cover and Hold Practice’ kung saan ito ang ginagawa tuwing may lindol. Subalit, sa kabila ng pag-eensayo nito mula elementarya hanggang sa pagtanda, hindi ito mailapat kapag may lindol. Sa totoo lang, hindi maililigtas ang mga mamamayan kung sa mismong simpleng gawain ay hindi maisagawa.

Mula elementarya pa man ay ginagawa na ang earthquake drillsl upang maging handa ang mga guro, mag-aaral, at lahat ng personalidad kung sakali man na may biglaang pagindol. Ginagawa nila ito upang maging handa ang mga bata kapag may biglaag lindol na mangyayari. Bata paman ay

patuloy na daloy ng pagbaha, marami na namang mga pamilya ang lubis na naghihirap lalong-lalo na ang pamilya ng bawat magsasakang apektado.

Dagdag pa rito, naitalang mayroong 145 milyong danyos at 8k ektaryang pananim ang apektado ng naging pagbaha sa Davao Region. Lungkot mang isipin ngunit hindi lng ang mga palayan ang nagiging kawawa ngunit pati na rin ang libo-libong mga pamilya na mayroon pang mga kabataan pinapaaral.

Maraming problema ang nakabalot sa ating lipunan ngunit sa ganitong sistema ng ating bayan, pagtutulngan hindi lng ng mga mamamayan

KINABISADO

ngunit pati na rin ang tulong ng pamahalaan ang kailangan. Pondo para pang tulong sa mga nasalanta ay mahalagang matutukan ng kinatataasan upang masiguro ang seguridad ng mga mamamayan lalong-lalo na ang kapanan ng mga kabataan.

Nakalulunod man ang ganitong sistema ng bayan ngunit mahalagang gisingin ang isipan ng mga mamamayan at pamahalaan upang mag tulungang maiahon ang kasalukuyang sitwasyon ng ating lipunan lalong-lalo na ang mga magsasakang nagiging mas kawawa.

Pagkadismaya ng tagaMindanao sa mabagal na emergency response

ismayado sa pamahalaan at Pangulo ang iilang mga taga-Mindanao nang hindi kaagad nito tinugunan ang mga hinaing ng mamamamayan sa Mindanao sa pinsala na dulot ng pabalik-balik na pag-ulan at paglindol. Marami ang nawalan ng tahanan, at may iilang kalsada ang ipinasara dahil delikado na ito. Kaya naman kailangan ang mabilis na pagbibigay ng tulong at agarang solusyon sa mga sitwasyong ito.

Ikalawa ng Disyembre noong nakaraan na taon bandang alas 10 ng gabi, tumama ang mahigit 7.4 Magnitude na lindol sa San Francisco, Agusan del Sur, na puminsala sa mga tahanan, kalsada, gusali, paaralan, at mga mall. Naging dahilan din ito sa pagkasuspende ng mga klase at trabaho sapagkat maya-maya ang paglindol. Dahil sa lakas ng lindol na tumama sa San Francisco dinismiss ang klase at mga trabaho ng mga indibidwal dahil sa sunod-sunod na paglindol na dahilan sa pagkaalarma ng mga munisipalidad sa kaligtasan ng mga mamamayan.

tinuturuan na para maging alisto at handa kapag mayroong lindol na magaganap

Gayunpaman, umiiral ang takot na kanilang nadarama kapag may lindol na nangyayari, kaya naman hindi nila ito inilapat sa aktwal na sitwasyon. Nakakahinayang lamang dahil sa kagustuhan nilang makaligtas pinipili nila na tumakbo papalayo, ngunit nagpapalala lang ito sa sitwasyon dahil nag dudulot ito ng ‘stamepede’.

Mahalaga ang paggawa ng earthquake drill sa paaralan o sa pinagtatrabahoan, para maging handa ang mga tao sa maaring paglindol na mangyayari. Tumutulong naman ang departamento ng SARAS o SAFER sa paggawa

60 sa kada 100 na mga mag-aaral ng ASNHS, hindi satisfied sa emergency at calamity response ng lokal at nasyonal na pamahalaan

ng drill, gumagabay sila sa kung ano ang tamang gawin kapang biglang lumindol.

Sa kabuuan, kahit na sa napakamataas na paghahanda ay hindi parin nila ito mailapat sa aktwal na sitwasyon, praktisado man nila ito ngunit hindi nila ito kabisado sapagkat umiiral ang kanilang pagnanais na makaligtas kaya pinipili nilang lumayo para maging ligtas. Ngunit nagiging dahilan lang ito sa pagpapalala sa sitwasyon, kailangan na sundin ang mga tinuro upang hindi

Ika-pito ng Pebrero ngayong taon nag labas ng P265-Milyon ang Pangulo galing sa Presidential Social Fund (PSF) para sa mga nasalanta sa Mindanao. Ayon sa presentasyon ni Senator Sherwin Ting Gatchalian ang probinsya ng Davao del Norte, Davao Oriental, Agusan del Sur, at Davao de Oro ay makakatanggap ng P30-Milyon kada isa, samantala ang probinsya ng Surigao del Sur at Maguindanao del Sur ay may P25-Milyon bawat isa, habang may P15-Milyon ang Agusan del Norte, at P10-Milyon naman para sa Cotabato at Bukidnon.

Sa walang tigil na pag-ulan at lindol, nagmistulang walang katibay-tibay ang mga kalsada sa lalawigan ng Agusan del Sur dahil sa mga butas nito na naging sanhi rin ng mga aksidente. Kung tutuusin, ‘substandard’ ang paggawa ng mga kalsada sa probinsya kaya naman madali lang ito nasira sa pabalik-balik na pag-ulan at pag-lindol Dahil sa hindi magandang kalidad ng konstruksyon ng mga kalsada, ang tuluy-tuloy na pag-ulan at paglindol ay nagiging sanhi ng madaling pagkasira ng kalsada na nagreresulta sa mga lubak.

Ngunit kamakailan lamang ay nagbigay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng P3.19-Billion sa San Francisco Agusan del Sur para i-rehabilitate ang mga kalsada. Ang bahagi ng San Francisco Agusan del Sur ang nakatangggap ng pinakamalaking hati mula sa P4.4-Billion na badyet para sa ‘major road rehabilitation’ sa kahabaan ng national highway na nag-uugnay sa Surigao City at Davao city.

Sa kabuuan, nagdaan na ang mga pinsala na ito at lumala pa dahil sa kaliwa’t kanan na pag-ulan at paglindol, ngunit kamakailan lamang ito nabigyan ng aksyon ng pamahalaan. Kinakailangan na habang hindi pa gaano nakakaapekto sa karamihan ang isang problema ay matugunan at maaksyonan na upang hindi na ito lumaki.

Naging baliwala na namn sa mga manininda sa labas ng paaralang Agusan Del Sur National High School ang nakapaskil na karatulang “No vendors Allowed”. Alinsunod sa DepEd Order No. 8 Series of 2012 na ipinagbabawal ang pagbenta sa labas ng paaralan sa loob ng 30-metro. Lungkot mang isipin para sa mga nagtitinda ngunit matagal nang inilunsad ang DepEd Memorandum para rito at patuloy pa rin silang nag nenegosyo sa labas ng paaralan.

Ayon pa kay Prefect of Discipline (POD) ng ASNHS Junny Sm Uriarte, na matagal nang sinisita ang mga manininda dahil sa mga gulong

inireklamo tulad ng traffic dahil sa pagharang ng mga mag-aaral kapag bumibili ng pagkain, na kung saan binalaan na rin sila ng mga traffic enforcers ng Local Government Unit (LGU) ngunit patuloy pa rin sila sa kanilang gawain. Alam naman natin na sila ay naghahanap buhay lamang ngunit naging kawawa naman ang apektado ng kanilang ginagawa.

Gayunpa man, base sa isinagawang panayam sa mga mag-aaral ng ASNHS, naging pangunahing takbuhan ng mga kabataan ang mga paninda sa labas ng paaralan dahil ito ay mas mura at magaan sa bulsa. Tipid man sa pera ngunit ang kapakanan ng kalusugan ng mga kabataan ay mas

mahalaga.

Naging balakid ang mga nasabing manininda sa parehong paaralan at kalsada, ngunit kung bibigyang tulong ng LGU officials ang paaralan mabibigyang hanggan ang problemang matagal nang nirereklamo ng paaralan.

Sa kabuuan, paulit-ulit nang naging problema ng paaralan ang ganitong gawain ng mga manininda hanggang sa lumipas ang panahon at patuloy pa rin itong nilulutas ng paaralan, kaya nararapat lamang itong matutukan ng kinauukulan upang malutas ang matagal nang naging sagabal. April Jade L. Bandoy

9 Pahina.
OPINYON
kaligtasan
Nakaligtaang
Andrey Charles P. Dumaplin Icel Jay B. Torres Eona Arwen C. Agunting
Huling mareskyu TAO PO! Nakaaabalang pamumuhay LUMALABAG
Ang Paglantao Survey ©
Christian T. Casimero ©
D
Dumadagsang manininda sa “No Vendor Allowed” area
Bigong pagsasagawa sa ‘Duck, Cover, and Hold’ sa gitna ng sakuna

Natutuyong pag-asa

ng Mt. Magdiwata, unti-unting nawawala

Umaagos ang tubig mula sa bundok ng Magdiwata ay isang mahalagang biyaya na hindi maikukumpara sa iba. Kapag ito’y tumatama sa mga bato, naglalagaslas ito at nabubuo ang isang sariwang batis na nagiging simbolo ng buhay at pag-asa para sa buong Bayan ng San Francisco. Ngunit ang bundok, na dati-rati’y pinagmumulan ng malakas na agos ng tubig, ay inaabuso sanhi ng unti-unting humina at humihinto ang daloy ng tubig, na siyang nagiging dahilan ng takot na maging uhaw ang buong bayan at ang preskong tubig na bumubuhay sa kanila sa napakaraming taon ay magiging isang kwento na lamang para sa susunod na henerasyon.

Itinuturing ang bundok Magdiwatana isang “watershed area” na sarado sa anumang aktibidad ng pagmimina, alinsunod sa Presidential Proclamation 282 at Philippine Mining Act ng 1995. Ito ay hindi lamang isang likas na sagabal laban sa mga bagyo, ngunit naglalarawan din ng pagiging mahalaga ng kalikasan sa ating buhay. Sa kabila ng mga batas na ito, ang buong bayan ay nagiging saksi sa isang pagsalungat sa batas, na siyang nagdulot ng matapang na panawagan para sa pangangalaga at pagtatanggol sa kalikasan.

Naging usap usapan noon, ang pagmimina ng Diwata Bunrosa Sectoral Tribal Counci (DBSTC) isang organisasyon ng mga Manobo sa Bunawan, Rosario at San Francisco, Sinasabi ng organisasyon na ang Mt. Magdiwata ay bahagi ng kanilang ancestral domain. “Ito ang aming lupang ninuno at mayroon kaming karapatan na pangasiwaan ito sa ilalim ng isang Native title na nasa aming pag-aari.” Sambit ng organisasyon, Nakasulat sa Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997 (IPRA), na opisyal na itinuturing na Republic Act No. 8371, ay isang batas sa Pilipinas na kinikilala at nagtataguyod ng mga karapatan ng mga katutubong kultural na pamayanan at katutubong mga tao sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng kanilang sertipikadong CADT o Certificate of Ancestral Domain Claim, ang kanilang karapatan ay inilalantad sa mga tanglaw ng legalidad. Kaya aniya mayroon silang karapatan na gumawa ng kahit ano sa lupang ito.

Dating Gobernador na si Plaza ay nagpalabas ng cease and desist order na direkta naka-address kay Pintado. Dahil ayon sa memorandum mula sa Mines and Geosciences Bureau Regional Office, na salig sa mga resulta ng imbestigasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR’s) Community Environment and Natural Resources Office, ang ginawa nila ng pagmimina ay isang hudyat ng pagkakamali at paglabag sa batas. Ito’y parang tuka ng hunyango, mistulang kaaya-aya para sa kanila subalit mapanganib sa likod.

“Ikaw ay iniutos na epektibo kaagad na Itigil at Ihinto ang karagdagang pagpapatakbo sa nasabing lugar sa oras na matanggap ang kautusang ito, kung hindi man ay legal na parusa alinsunod sa kaukulang probisyon ng RA 7942 at ang Binagong Implementing Rules and Regulations nito (DAO 96-40, bilang susugan. ) at iba pang nauugnay na Environment Laws ay ipapataw sa iyo.” Dagdag ni Plaza ngunit, naging usap-usapan din noon ang tungkol sa pagmimina ng isang Chinese mining company at housing development. Na naging sanhi ng pagkadismaya ng buong bayan.

Maraming tao ang labis na nababahala dahil sa kanilang hindi tamang mga hakbang, kaya’t marami ang naglalabas ng kanilang pagkadismaya at nagpoprotesta upang itigil ang kanilang mga gawaing ito. May mga programa ang itinatag upang labanan ito, kabilang ang mga inisyatibong pinamumunuan ng mga, Church Priest at mga estudyante, na nag-aalala para sa kanilang henerasyon, tulad ng “I Love Mt. MagdiwataSave our Watershed Movement,” “Walk to Save our Watershed,” at iba pa. Ginagamit din ng mga ito ang kanilang mga social media platforms upang ipaalam sa iba na kailangan nilang tumulong sa pagprotekta sa bundok upang manatiling buhay at mapanatili ang likas na yaman nito.

Nawa’y malaman na ang totoong tagapagmay-ari ng bundok upang huminto na ang kaguluhan. Ang pag-aalinlangan tungkol sa tunay na nagmamay-ari ng Mt. Magdiwata ay patuloy na nagpapalaganap ng pagaalala sa isipan ng mga tao, ngunit para sa kanila, kung sino man, sana’y magkatotoo ang kanilang hangarin na mapanatili ang diwa ng Magdiwata na patuloy na nagpapabuhay at nagbibigay sa kanila ng pag-asa at kaginhawaan.

Paglalako'tPagsasakripisyo;

Pagtitinda ni JunJun para sa edukasyon

Dausdos na ang pawis, dahang-dahang dumudulas sa katawang ilang oras na bilad sa init at ang mga kamay ay magaspang na mula sa walang tigil na pagkayod. Hinagod ng aking mga mata ang nagsisiksikang mga estudyanteng paunahan upang makabili sa aking paninda. Samantala, tila ay nakadikit na ang aking paningin sa kanilang mga unipormeng bagay na bagay sa kanila. Ngunit, hindi nakatakas sa aking isipan kung bagay rin kaya ito sa akin.

Hindi man halata sa aking mukha ang bigat ng mga katagang na pumupuno sa aking isipan, tila walang pangamba o pag-aalinlangan sa aking kinabukasan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, sumisiksik ang mga katagang na hindi man lang masagot nino man. “Ganito ba talaga ang buhay, bakit sa may kaya, lahat tila’y nasa kanila, samantalang kami, Kahit pa pawisan, bakit ang layo ng aming bituin, walang liwanag na nagniningning” ito ang mga katagang tumatakbo sa aking isipan sa loob ng 29 taon.

Kung mayroon lamang sana akong mga suportadong magulang at kung marami lang sana ang kanilang pera, malapit ko na sanang matapos ang aking pag-aaral at marating ang tuktok ng aking mga pangarap. Ngunit, bakit hindi ako nabiyayaan ng katulad ng suporta na nakikita ko sa iba, bakit ako ang napagkaitan ng pagkakataong maranasan ang ginhawa na kailangan tumigil sa pag-aaral, lumuwas ng Maynila at mag benta ng mani at chicharon, hindi dahil gusto ko, kundi kailangan para mabuhay. Ang propesyong pagiging abogado, ang pangarap na matagal ko nang inalay sa aking puso, tila lumalabo sa harap ng kakulangan at kahirapan.

Kasama ang aking pamilya sa naitala sa 25.24 milyong Pilipinong nasa ilalim ng Poverty line ayon sa Philippine Statistic Authority, kinakailangan na aabot ang kita ng halos 25,000 pesos pataas sa isang buwan ng bawat sampung miyembro ng pamilya para matugunan ang pangunahing pangangailangan na pagkain ngunit, hindi man lang namin maabot ang halos kalahati nito, hindi kasya ang kita ng aking ama’t ina sa pagbebenta ng chicharon para buhayin ang pamilya. Siyam ang bilang ng miyembro ng aking pamilya, pito kaming magkapatid, ang panganay, pangatlo, at pang apat kong kapatid ay nabuntis sa murang edad, panglima kong kapatid ay kasalukuyang nagtatrabaho sa palengke bilang isang tindera at ang bunso namin ay labing limang taong gulang tumutulong sa aming magulang sa pag titinda.

Noong 2007, sa gulang ng 12 taon kasali ako sa sinabi ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) na 94 milyon ang bilang ng child laborer sa pagitan ng 2000 at 2016. Samantala, mula sa artikulo ni Zahid Naeem, Faiza Shaukat, and Zubair Ahmed na inilathala sa International Journal of Health and Sciences ang mga pangunahing karapatan ko bilang bata tulad ng kaligtasan, edukasyon, proteksyon at pag-unlad ay labis na nilalabag ng child labor. Ang ugat ng child labor ay ang matinding kahirapan na nagpipilit sa aking magulang na gamitin ako para sa karagdagang pera para sa pang-arawaraw na pamumuhay.

Sa kasalukuyang taon 29 taong gulang na ako, narito ako, isang G12 estudyante sa Agusan Del Sur National High School, patuloy na nagsusumikap at nagaaral. Hindi hadlang ang aking edad sa pagtahak ng landas ng edukasyon. Sa kabila ng mga pagdududa mula sa iba, patuloy akong nagtitinda ng chicharon at mani sa paaralan, ayokong umasa sa aking mga magulang, kaya’t pinipiling maging mapagkakatiwalaan at mapanagutan sa aking sariling kabuhayan.

Kahit na may mga boses ng panlalait at panghuhusga, hindi ito nagpapabagal sa aking layunin kaakibat nito ako’y nagtatrabaho bilang construction worker at nagpipinta kapag walang pasok upang kumita ng sapat na pera para sa aking pangangailangan. Mga barya na kanilang binabayad sa aking mga paninda ay tila tuldok lamang ng kanilang kakayahan, ay siyang kinakailangan ko upang makapag-aral at makakain lamang sa umagahan hanggang hapunan.

Ganito ba talaga ang buhay, Bakit sa may kaya, lahat tila’y nasa kanila, samantalang kami, Kahit pa pawisan, bakit ang layo ng aming bituin, walang liwanag na nagniningning

Kailangan man ialay ang mga butil ng aking pawis, luha’t dugo para ako’y makapagtapos sanay na ang aking isipan na hindi sumuko. Ako si Ernesto Sanchez Butron

aking
10 Pahina
Jr. kilala sa pangalan na JunJun, kahit puputi na ang
buhok naniniwala pa rin ako na ang Edukasyon ay daan sa Magandang kinabukasan.
Diwa Elzeide M. Alatraca © Richard Grande Joseph Lenoel J. Barrete Danielle Therese A. Gelio-ano

Pasang pinapasan; Arugang hinihiling ni Mae mula sa magulang, mahirap makamtan

Ilang oras na siyang lumuhod sa kanyang silid, mga mata’y ayaw ng bumuka dahil sa higpit ng kanyang pagpikit, mga luha ay namumuo sa kaniyang mga mata—nagbabantang dumadausdos pababa sa kaniyang mukha. At mga palad niya mula sa kanyang dalawang kamay ay kapit na kapit, mga bituin ang kanyang mga saksi sa kanyang tanging mithi; ang langit ay kanyang kinakatok dahil nais na niyang marinig ang tugon mula sa itaas na siya’y makapasok na.

kanyang masayang mukha ay tila isang mahusay na maskara na ginagamit upang hindi mapagtanto ng iba ang tunay niyang nadarama. Kahit sa maliit na pagkakamali lamang, ang kulindang at mga kamay ng kanyang mga magulang ang patuloy na humahampas at sumasalanta sa kanya, na tila ba nais na siyang bawian ng buhay. Gayundin, ang kanyang panganay na kapatid ay hindi nagpapahuli sa paghampas at pang-aabuso sa kanya.

Bote ng Pangarap

Kaginhawaan unti-unting nakamit dahil sa Eco-Bricks

agkatapos ng skwela, agad na mga basura’y aking pinupunta, cellophane at plastik na bote ay siyang aking kinokolekta para may paninda at perang makita. Aking mga kamay ay hindi nagpapahinga sa paggamit ng gunting at patalim, kahit namumula na at nagdurugo sa pagsisikap, sanay na ako, tila nakaukit na sa aking palad na araw-araw dapat mayroon akong eco bricks na magawa upang may ma benta para ang pagakin ay nakaharap na sa aming lamesa.

Sa inilathala ng Philippine Statistics Authority (PSA) kabilang ako sa 1.37 milyong mga batang pilipino na nagtatrabaho, o kaakibat sa child labor, ayon sa International Labour Organization ang kahirapan ay tiyak na ang pinakamalaking puwersang pumipilit sa akin na magtrabaho. Hindi kasi namin makakaya ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, edukasyon, o pangangalaga sa kalusugan, wala kaming pagpipilian kundi ipadala ako para magtrabaho upang magdagdag ng kita sa tahanan. Itinuturing ang kahirapan bilang isa sa pinakamahalagang sanhi ng Child Labor.

Nagkakahalagang 80 pesos ang aking paninda minsan, nakakabenta ako ng apat bawat araw, ngunit kung wala, walang laman ang aming bulsa. Sa ganitong kalagayan, ang aming tiyan ay nakakakain lamang ng toyo at mantika mula umagahan hanggang hapunan.

Kasama ang aking pamilya sa mga numerong bumabandera sa kalunos-lunos na estadistika ng kahirapan sa Pilipinas. Nakalista kami sa 25.24 milyong Pilipino na nabibilang sa poverty line. Samakatuwid, bahagi rin kami ng 5.9% o humigit-kumulang 1.62 milyong pamilyang Pilipino na nahihirapang kumita ng sapat na pera para sa pang-araw-araw na pangangailangan, lalo na sa pagkain, ang gutom ay laging kumakatok sa aming tiyan.

Kung wala akong benta naglalapag ako ng aking paninda sa mga daanan sa aming paaralan kasama ang aking Ina. Mahirap ang aking ginagwa lalona’t kinakailangan kong mapuno ang isang litrong bote ng plastik na kinakailangan na maraming pagtutugpi ng mga hindi malalata na

Ako si Maria Junah Sigaya sa edad na 17 at isang G12 na estudyante, patuloy kong pinipiling magbenta ng eco bricks sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa aming buhay. Ang aking pagtitinda ay hindi lamang para sa aking sarili, kundi pati na rin para sa aking pamilya, ito’y aking pinagmamalaki sapagkat sa murang edad, ako’y nakakatulong na sa aming kabuhayan at nakapag-aral nang hindi umaasa nang labis sa aking

11 Pahina
Christian T. Casimero © Avril Love I. Maestrado Mardy May-as Christine Hilary Joy Q. Mondejar

12 Pagpapalaya sa pinagpaguran

Linamnam na hatid ng unang samgyeopsal house ng San Francisco

Napapaos na ang boses kakasigaw at mga paa’y nangangalay sa kakasayaw, sabay sa bawat tugtog ng musika at ang mga ilaw na sumisigla. Bawat pag-inom sa bote na puno ng alak ay naging paraan upang sila’y makaramdam ng labis na kaluguran.

Ayon sa National Survey on Drug Use and Health (NSDUH) noong nakaraang taong 2022, nasa 19.7% na mga kabataan na nasa 14 hanggang 15 taong gulang na nasubukan nang uminom ng alak sa murang edad. Kabilang na rito 17 taong gulang na tawagin nalang natin sa pangalan na “Mark.” Ayon pa niya, noong 14 o 15 taong gulang pa lamang siya nang simulan niyang matikman ang lasa ng alak. Aminado siya na siya’y nanibago dahil bago pa lamang ito sa kaniyang panlasa, ngunit habang tumatagal nagiging matamis na sa kaniyang dila ang mapait na lasa na hatid nito.

Masasabi niya na ito’y kaniyang nagsilbing “stress reliever” at paraan upang magpakasaya o makihalubilo kasama ang kaniyang mga kaibigan, ang pag-iinom sa bar. Sa mura niyang edad, nagagawa na niyang makapasok sa iba’t ibang lugar nang hindi nagpapakita ng patunay na siya’y hindi isang menor de edad. Tuwing pagsapit ng madilim at malamig na simoy ng hangin ng gabi, ang 8501, Rooftop at Barrio ang nagsilbi niyang silong na matatagpuan sa loob ng bayan ng San Francisco, Agusan del Sur kung saan naninirahan si Mark.

“During bonding with family and friends nakakahype talaga ang alcohol. Nagsisimula siyang mag buildup ng kasiyahan during occasions.

dagdag niyang pahayag. Sa bawat tama ng alak at halakhak ng mga kasamahan, nakakaramdam si Mark ng kalayaan upang magpakasaya sa gusto niyang paraan. Umiinom lamang siya ng alak kapag may pahintulot mula sa kaniyang mga magulang, ngunit may pagkakataon ding sumusuway si Mark.

Habang tumatagal, ang paglasap niya kahit kaunting patak lamang ng alak mula sa bote ay talagang nakakapagbigay sa kaniya ng saya. Maraming mga bar ang nakapalibot sa bayan ng San Francisco, na talagang kay hirap maiwasan ni Mark. Pagpatak ng alas Dyes na curfew hour ng bayan, hindi inaalintana ni Mark kahit na umabot pa ng madaling araw dahil mulat na mulat lamang ang kaniyang mga mata sa alak.

Gayunpaman, alam niya sa kaniyang sarili na hindi kailanman niya naging “comfort place” ang pagpunta sa bar. “Hindi, hindi siya comfort place. Dahil kapag may problema ako, hindi naman ako pumupunta sa bar.” sabi pa niya. Talagang napupuno ng kaingayan ang loob ng bar na kung saan makakalimutan talaga ang mga problema, ngunit ang mga problemang bitbit ni Mark ay hindi niya idinadaan sa paglaklak ng alak.

Sa pagtalikod sa mga ilaw ng bar at pag-iwan sa nabubuong kaingayan, bawat pagpasok ay pansamantalang lugar lamang kasiyahan, maaaring maging kanlungan mula sa pagtakas sa reyalidad ng mundo, ngunit hindi ang huling destinasyon para sa tunay na kaligayahan.

pagsusumikap na naging paraan upang unti-unting makamtan ang ‘dii inaasahang paglago ng kabuhayan. Ang bawat kasipagan na inilaan sa bawat araw ay tila nagsisilbing pundasyon ng isang makabuluhang pagusbong. Ngunit sa kasamaang palad, bigla na lamang naglaho na parang bula ang lahat ng sikap dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, nasa tinatayang 72.5% ang mga businesses na naapektuhan noong pandemya at kabilang na rito ang sikat na sikat at kauna-unahang samgyupsal sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur, ang Pawsome’s Place.

Nabuo ang negosyong ito dahil sa pamamahala ni Aureah M. Arroyo - Kim, isang Registered Nurse na kapatid ng totoong may-ari na kasalukuyan ngayong nakatira sa South Korea. Ayon pa kay Ma’am Kim, siya ang naatasan ng kaniyang kapatid upang mangasiwa sa kanilang business, kasama na rin ang tulong ng pamangkin niyang korean na lumuwas papuntang Pilipinas galing sa Korea upang masimulan ang kanilang negosyo.

Noong Agosto 2, 2018, dito nagsimula ang pagbubukas ng Pawsome’s Place. Nagmula ang salitang “Paw” dahil sa kanilang mga alagang aso. Kinikilala sila bilang isang “pet-friendly” na kainan. Malapit si Ma’am Kim sa mga aso kaya dahil dito, napag-isipan nila na iakma ang ipapangalan nila sa negosyo sa kanilang mga aso.

Ngunit bago pa man nabuo ang Pawsome Place, nagsimula lamang sila sa pagtitinda ng barbecue sa labas ng kanilang bahay at ito’y kanilang pinangalanan bilang “Saranghae”. Ang pagpapatayo nila ng business na ito ay naging daan upang unti-unti nilang matuklasan ang

Bago pa nagka pandemya, talagang usapusapan na ng mga kabataan ang kainan ng samgyupsal na ito, lalong lalo na sa mga mahilig ng kdrama at kpop. Pero kahit na ang mga taong walang hilig sa pagkaing korean ay dumadayo pa rin dito, dahil hindi maitatangging nakakatakam ang kanilang nilulutong pagkaing korean dito.

“Unfortunately, isa mi sa mga businesses na affected during pandemic. Aside pud ana, ang tagiya sa pawsome, naa siyay sakit. Mao tung nagdecide siya na ibaligya nalang ang Pawsome’s.” ito ang naging madamdaming pahayag ni Ma’am Kim dahil sa naging karanasan nila noong labis na dala na krisis ng pandemya.

Hindi naging madali para kay Ma’am Kim na ibenta ang kanilang Pawsome’s Place dahil labis ang kaniyang pagkatutok at pagpupursigeng maitayo ang kanilang negosyo. Sa kaniyang pagiging isang co-owner, napagtanto niya sa kaniyang sarili na talagang totoo ang katagang “Nothing is Impossible.” Dagdag pang sabi niya na hindi niya inakalang magiging successful at kikilalanin ng mga tao ang kanilang negosyo.

Mag a-anim na taon na ang nakalipas magmula noong binuksan nila ang Pawsome’s Place, ngunit magpahanggang ngayon ay patuloy pa ring kinikilala at kinakainan ng mga tao. Nananatili pa rin ang saya’t galak ni Ma’am Kim na sa kabila ng lahat ng nangyari, patuloy pa rin ang pagtayo ng Pawsome’s Place kahit na hindi na sila ang nagmamay-ari nito ngayon. Ang kwento ng kanilang negosyo ay nagpapatunay na walang imposible sa posible.

Pahina
John Hero T. Apresto © Ivy C. Arroyo Uhaw sa ligaya na hatid ng alak Trisha Mae E. Agocejo Alysa Kate C. Parba

Palasyo ng alapaap Pagbukas

ng Hotel La Perla

Btila hindi mababaling ang tingin sa isang gusali na parang bumabagtas sa ulap, tila isang palasyo na buhat sa mga alamat. Ang bawat sulok nito’y humuhugos ng imahinasyon at naglalakbay sa kasaysayan ng bayan. Sa bawat dumadaang tagaroon, ito ay umaakit sa mga mata at puso ng mga nagmamasid. Ang ganda nito’y patuloy na nagbibigaybuhay sa diwa ng bayan maging sa nasasakupan.

Noong nakaraang linggo, trending ang pagpopost ng mga mamamayan sa bayan ng San Francisco, sa kadahilanang ipinakilala na ang totoong pangalan ng hotel, at ito ay tinatawag na “Hotel La Perla” o binansagan ng iba bilang “Hotel del Luna” na hango mula sa Korean Drama.

Hindi pa man tapos ang paggawa sa Hotel na ito, ikinatatakot ng ilang tao dahil sa tanyag nitong laki at walang tao inaakala nila ito ay isang Haunted Mansion dahil sa pagpigil ng paggawa nito ng ilang taon. Kaya binansagan din nila itong Hotel de Luna hango sa Korean Drama dahil ayon sa iba baka mayroong mga multo na hindi natin makita. Umaapaw sa isipan ng tao kung ano nga talaga ang palasyo na ito

Bago pa ito naging usap-usapan sa facebook ngayon, dati’y nagtataka na ang mga tao kung ano

Captured by An’s, isang photo at videographer, ibinahagi niya ang kaniyang kuhang bidyo ng hotel. “First time kong nakapasok sa loob ng under construction na hotel na ito, binigyan ako ng pagkakataon ng owner na masilayan ang development sa loob.” pahayag niya. Lubos rin siyang namangha nang makita niya ang iba’t ibang disenyo nito na para bang nasa palasyo o ibang bansa daw siya.

Isang mag-aaral mula sa paaralan ng Agusan del Sur National High School na nagngangalang Cristal Jean T. Trimidal ang nakapagsabing “nasagot na talaga ang matagal ko nang itinatanong.” Isa si Cristal sa mga mamamayang sabik na sabik na ring malaman kung ano nga ba talaga ang mala palasyong ito. Dagdag pa niya, bata pa lamang siya noong sinimulan itong itinayo at namangha siya nang makita niya ang mga litrato sa facebook na tapos na ang ipinapagawang gusali. Sabik na rin siyang pasukin at bisitahin ang Hotel La Perla.

Saang angulo man ang iyong tingnan, bibihagin ka pa rin ng kagandahan ng hotel na trending kamakailan, tila nasisinagan ang ating mga mata sa tuwing ito’y nasisilayan, ang pagbukas ng Hotel La Perla, palasyong umaabot sa alapaap.

Kahulugan ng kaligayahan

Pagtanaw sa karanasan ni Gel Hernandez

Jellian Artigo

Habang tayo’y tumatanda, may pagkakataong tayo’y nakaupo’t nakatingalang nakatingin sa mga ulap habang tinatanong ang ating mga sarili kung hanggang kailan pa kaya natin matatamasa ang kaligayahan sa gitna ng pagtitiis sa bawat hinagpis na ating nararanasan sa buhay.

Kagandahan niyang simple ngunit nanunuklaw, sa mapupungay at nakakaakit niyang mga mata, may isang kwento ng kaniyang buhay na bumabalot sa kaniya. Sa paaralan ng Agusan del Sur National High School (ASNHS), may isang dating mag-aaral na nagngangalang Precious Angel Hernandez o mas kilala ng iba bilang “Gel”, 20 taong gulang. Siya ay kilalang-kilala ng kaniyang mga kapwa estudyante dahil sa kaniyang pagiging sikat sa facebook at sa iba’t ibang online platforms, umaani ng malalaking likes ang kaniyang bawat ipinopost.

Sa kabila ng karansan niya sa mundo ng kasikatan sa social media, mayroong kwento na nakabaon sa kaniyang talambuhay. “I wasn’t sure of my ambitions in life. I had a small business before that I used to fund things such as my school needs. I worked for the things that I wanted and didn’t ask my parents for it. I spent more time working and doing chores than having free time for myself,” ito ang kaniyang naging madamdaming pahayag nang maalala niya ang kaniyang paghihirap bilang isang anak na nagpupursigeng mag-aral. May kaya at may maibibigay naman ang kaniyang mga magulang upang ipangtustos para sa kaniyang pag-aaral, ngunit ang nais niya ay matutong mamuhay nang hindi umaasa sa kaniyang mga magulang.

Dumaan man ang ‘di mabilang na mga dagok na hinarap at nilabanan ni Precious, ngunit hindi ito naging hadlang para sa kaniya upang itigil at lugmokin na lamang ang kaniyang sarili. Ang kaniyang naranasang hinagpis ay napalitan ng kasiyahan nang makilala niya ang isang lalaking British. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) noong Disyembre 1, 2023, nasa 13,733 na mga babaeng pilipino (93.4% share) na nakapag-asawa ng Non-Filipino Men, at kabilang na rito si Precious bilang isang babaeng nakapangasawa ng hindi Pilipino. Noong bago pa lamang sila magkakilala, taliwas sa kaisipan ni Precious ang mag-asawa ng isang hindi pinoy o tinatawag bilang “AFAM” ng nakararami.

Nang sila’y tuluyan nang magkakilala ng lubusan, namulat si Precious sa kulturang hindi niya nakasanayan bilang isang pilipino at mga pagkaing bago pa lamang sa kaniyang panlasa. Maliban pa dito, nabigyan siya ng pagkakataong libutin ang iba’t ibang bansa sa buong daigdig. Dagdag pa niya, unti-unti niyang sinusubukan ang mga bagay na hindi niya nasubukan noon. Nabigyan siya ng kalayaan na gawin ang mga bagay na kaniyang nais.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, mas lumabis ang dimakapantayang kasiyahan na kaniyang patuloy na natatamasa ngayon dahil sila ay nagka-anak. Isang bagong silang na sanggol na tila nagbigay abot langit na tuwa’t galak para kay Precious.

I’m living the best version of my life and now I’m the mother of our beautiful son having a lot more responsibility as a mother.

Ang mga nakaakay na mga responsibilidad sa kaniya bilang isang ina ay hindi naging madali para sa kaniya. Hindi maikakaila na makaramdam talaga siya ng pagkatakot at pangamba. Ngunit habang akay-akay niya ang kaniyang anak sa kaniyang mga bisig, ang kaniyang pagmamahal at pag-aaruga ay nangingibabaw. Buong puso niyang paniniwalaan ang kaniyang sarili na kakayanin niyang harapin ang bawat pagsubok na kanyang dadanasin para lamang maibigay ang magandang kinabukasan para sa kaniyang anak.

Kung titignan niyang muli ang kaniyang pinagmulan, wala pa rin namang nagbago dahil Ipinagpatuloy niya lamang ang kaniyang kwento nang sa gayon ay magkaroon ng kabuluhan. Habang tumatagal, ang mga katanungan niya sa kaniyang sarili dati’y unti-unti nang nabibigyan ng kasagutan ngayon. Dahan-dahan na niyang natutuklasan kung ano talaga ang totoong kahulugan ng kaligayahan.

13 Pahina
© Precious Angel Hernandez © Captured by AN’s FB page Lean Antonette M. Panaguiton

Sangkap sa paggaling

Palagi tayong pinapaalalahanan ng ating mga magulang na kumain ng gulay upang magkaroon ng malusog na katawan. Sa tuwing tayo ay kumakain ng gulay, pamilyar na amoy at lasa ang nalalasap mula sa mga sangkap. Ngunit, taliwas sa ating nakagisnan, ang mga gulay at pampalasa na ito ay magiging daan din ng lunas sa atake ng kamatayan. Napag-alaman sa pananaliksik na pinamagatang “Myocardial Ischemia Prophylaxis of Bamboo (Bambusa vulgaris) and Lemongrass (Cymbopogon citratus) Leaves, and Lady’s Finger (Abelmoschus esculentus) Fruits via In-vitro and Rabbit-Based Clinical Simulations” nina Vynz Elijah E. Orilla, Joa Gelacio, Claudette Bardillas, at iba pang mag-aaral mula sa Agusan del Sur National High School ang potensyal na taglay ng Lemongrass (Cymbopogon citratus) at Lady’s Finger (Abelmoschus esculentus), o mas kilala bilang Tanglad at Okra, kabilang na rin ang kawayan, bilang alternatibo upang kumontra sa Myocardial Ischemia.

Ang Myocardial Ischemia, na kilala rin bilang Cardiac Ischemia, ay isang kondisyon na inilalarawan sa kakulangan ng daloy ng dugo mula sa mga coronary arteries patungo sa puso. Ito ay nagreresulta upang hindi makatanggap ng sapat na oxygen, na maaaring humantong sa iba’t ibang sintomas tulad ng pananakit ng dibdib, igsi ng paghinga, at iba pa, ayon sa Mayo Foundation for Medical Education and Research (MFMER). Dagdag pa ng American Heart Association, mahigit 244.1 Milyong mga kaso ng Myocardial Ischemia ang naitala sa buong mundo noong taong 2020. Nangunguna naman nang mahigit 121, 558, o 18% sa mga kaso sa buong daigdig ang Pilipinas.

Lipase assay ang proseso ng kanilang eksperimento, kung saan ang mga katas mula sa mga test sample ay isinubok sa pamamagitan ng In-vitro at Rabbit-based clinical simulations. Ito ay upang sukatin ang kakayahan ng mga katas na ito upang mag-break down ng mga fats o lipids na siyang bumabara sa daloy ng dugo. Sa huli, ipinakita ng resulta na may pinakamataas na lipolytic activity ang 100% Lady’s Finger Fruit o Okra extract kung saan ito ay may 24.66mm na Zone of Inhibition kumpara sa Astrovastatin na 20.00mm.

Ayon kay Cynthia Nelson, isang manunulat mula sa The Spruce Eats, ang Okra ay isang masustansyang gulay na mayaman sa protina, carbohydrates, mineral, bitamina, dietary fiber, at iba pang phytonutrients. Ito ay madulas at malutong kapag mabilis na niluto. Karaniwang nakikita ang Okra sa palengke, na isinasahog sa mga putahe tulad ng sabaw na inihahanda sa hapagkainan.

Ang phytonutrients ay karaniwang makikita sa pagkain na may mga katangian ng antioxidant na makakatulong na maiwasan ang pagkasira ng cell sa buong katawan. Napagalaman na ang ilang phytonutrients ay maaring maging daan upang mabawasan ang panganib ng kanser, sakit sa puso, stroke, Alzheimer’s, at Parkinson’s disease. Naniniwala ang mga eksperto na ang pagkain ng maraming gulay na mayaman sa phytonutrient ay nagiging daan sa healthy aging, dagdag pa ng Dietitians of Canada, UnlockFood.ca.

“Curiosity unlocks the doors of discovery, where challenges become stepping stones and passion fuels the journey. In research, I find not just answers but the extraordinary within myself. So if I can, then so can you,” mensahe ni Orilla sa kanyang kapwa mananaliksik na may parehong hangarin, na hindi hadlang ang iyong edad, o ang mga limitasyon sa iyong kasalukuyang katayuan upang makamit ang rurok ng mga posibilidad.

Sa tulong ng pananaliksik, ang mga nakagisnang sangkap ay maaaring maging daan upang malutas ang mga malubhang sakit tulad ng Myocardial Ischemia, na laganap sa bansa. Katulad ng Okra na inihahalo sa mga sabaw, o ng binatilyong nagnanais na gumawa ng pagbabago sa murang edad, maaaring ang pinakamahalagang bagay ay matatagpuan sa kung saan hindi natin inaasahan. Okra, isang gulay na ‘di pinapansin ng karamihan, ngunit sinong mag-aakala na ito pala ay maaring maging daan upang malutas ang sakit na laganap sa bayan, ang Myocardial Ischemia.

Sariling bulsa

Hungkag na suportang pinansyal sa pagtataguyod ng mga pananaliksik

Patuloy na umuunlad ang mundo ng pananaliksik sa loob man o labas ng paaralan. Kasabay nito ang tugon ng Republic Act No. 7687 Sec. 2. Statement of Policy na gawing prayoridad ang pagpapaunlad nito upang mas mapakinabangan sa edukasyon, pagsasanay at serbisyo sa agham at teknolohiya. Bagaman, alintana pa rin ang kulang na badyet na nakukuha ng mga student-researchers kung saan nababalewala lamang ang halaga ng kanilang mga gawa. Samantala, marami naman sa mga batang mananaliksik ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) ang matagumpay na nairerepresenta ang kanilang mga research paper maging sa mga international competition. Gayunpaman, kadalasan ay sa sariling bulsa sila kumukuha ng pondo dahil sa limitadong suportang pinansyal ng paaralan. Bilang isang mag-aaral ng institusyon, nakadidismaya na hindi abot ang sustentong inaasahan mula sa tanyag at kinikilalang paaralan bilang isa sa pinakamalaki sa lalawigan. Sa nagdaang National Science Quest (NSQ) na ginanap sa Baguio CIty, namayagpag ang mga mag-aaral at guro ng ASNHS sa iba’t ibang patimpalak sa larangan ng agham at teknolohiya kabilang na ang pananaliksik. Ayon sa mga nakilahok na mga mag-aaral, may natanggap silang

Mapinsalang

Paglasap sa lasa ng

Karaniwang makikita ang iba’t ibang luto ng isda sa isang salo-salo ng pamilyang Pilipino. Inosenteng linalasap ang sarap ng isdang binili mula sa merkado, subalit sa simpleng salosalong ito, lingid sa kaalaman na ang ulam na pinag-aakalang ligtas at presko, ay may halong peligro.

“Mamuhay kayo ng makatarungan!” Ito ang mariing tugon ng isang mamamahayag sa PTV - Agusan del Sur na si Alexis Cabardo sa kaniyang Facebook post, dahil sa kaniyang napag-alamang paglalagay ng pekeng dugo sa mga isda ng mga nagtitinda sa San Francisco Public Market upang magmistula itong presko. Ayon sa kaniya, ang mga bagong tadtad na isda ay inilagay ng mga nagtitinda sa isang supot na mayroong pulang likidong nagsisilbing pekeng dugo, at binebenta sa mga mamimiling walang kamalay-malay. Kwento niya sa parehong post, habang bumibili siya sa isdaan ng nasabing merkado, makikita raw ang preskong dugo mula sa bagong tadtad na mga isda, ngunit kung titingnan naman ang pinanggagalingan ng mga ito ay frozen at wala namang dugo. Nagkaroon siya ng pagsusuri dahil sa matinding paghihinala hanggang sa napag-alaman niya ang sistema nito. Hindi pa natitiyak kung anong klaseng likido ang ginagamit ngunit posibleng dugo ng baboy o food coloring.

Lawa ng kayamanan

Katubigang nabuo sa hindi

suportang pinasyal mula sa paaralan na isa sa mga dahilan ng kanilang pagpupursige na manalo. Patunay lamang ito na mas maayos na maibabandera ng studentrepresentative ang pangalan ng paaralan kung sapat ang natatamasang pansin at suporta.

Totoo na limitado lamang

mananaliksik.

Balakid sa pagkamit ng tagumpay ng mga pananaliksik ang kakulangan sa pondo at suporta na naibibigay. Kinakailangan pa ng mga studentresearchers na humatak mula sa sarili nilang mga bulsa para matustusan ang mga pangangailangan. Sa totoo lang, hindi

Nangniningning ang kagandahang taglay ng katubigan sa bayan na kinabibilangan. Napapalibutan ng naglalakihang bato, sumasabay sa agos ng hangin ang mala luntiang dahon, binabantayan ng matatayog na kahoy at pinupuntahan ng ‘di mabilang na tao. Kasabay sa pag-agos ng tubig nito, ang nakaraan kung paano ito nabuo. Kilala ang ating bayan sa iba’t ibang mineral na makikita sa kailalimlaliman ng lupa na ating tinutungtungan, lalo na sa gintong kumikinang na tiyak uhaw ang bawat mata’t isipan. Sa katunayan, ayon sa datos ng Inquirer Business noong 2015, ang Pilipinas ay nakatala ng 46.8 metrikong tonelada ng ginto at ika-5 nangungunang tagagawa ng ginto sa Asya. Dagdag pa rito, naitala sa Agusan del Sur, partikular ang Co-O Mine, isang subsidiary na pinamamahalaan ng Philsaga Mining Corporation (PMC), isang rehistradong korporasyon sa Pilipinas, ang 108,578 ounces ng ginto sa taong ng pananalapi noong 2016, ayon kay Ronnel W. Domingo, isang manunulat mula sa inquirer.net.

Sa kabila ng ningning ng gintong hitik sa bayan na kinabibilangan, bitbit nito ang dilim na hatid ng kapahamakan. Walang tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan kamakailan, kasabay nito ang paglutang ng balitang may nangyaring landslide o pagguho ng lupa sa Maco, Davao de Oro noong ika-6 ng Pebrero. Pinaghihinalaan ng Kilusang Maya Uno, na naging tulay ang large scale mining operations at

SA TOTOO LANG
AGHAM AT TEKNOLOHIYA Pahina 14 TOMO 17 Ang Opisyal na Publikasyon ng Agusan del Sur National High School sa Filipino ISYU AGOSTO 2023 MARSO 2024
Mardy Lean Antonette M. Panaguiton Mardy D. May-as GULAY BUHAY. Kumpol ng okra na ginagamit ni Vynz Elijah E. Orilla, para sa kanilang pananaliksik
Okra solusyon sa sakit sa puso
Ang pagkain ng mga bulok na isda ay maaaring maging sanhi ng Scombroid poisoning. Ito ay nangyayari dahil sa kemikal na histidine, isang amino acid na natural na namumuo sa isda at dumadami kapag hindi ito Avril Love I. Maestrado © Captured by AN’s 2.0 FB page © Vynz Elijah E. Oriila

Mapinsalang balak

ng ulam na dinaya

napag-alamang mas mapanganib ang food dye kumpara sa ibang kategorya ng mga food additives. Maaari itong humantong sa hypersensitivity at maari nitong palakasin ang inflammation process ng iyong immune system kapag

kayamanan

hindi pangkaraniwang paraan

labor practices ng Apex Mining Co., sa malaking bilang ng buhay na nawala, ayon kay James Relativo, isang mamamahayag mula sa Philstar. com.

Ngunit, pinaniniwalaan na ang katubigan na nabuo sa Brgy. Sumogbong, Alegria, San Francisco, Agusan del Sur ay diumano nabuo dahil sa pagmimina. Ayon kay Edwin Kiester, Jr., isang manunulat mula sa Smithsonian Magazine, ang isang lumang minahan ay posibleng lumikha ng isang magandang anyong tubig sa pamamagitan ng isang proseso na kilala bilang pit lake formation.

mga indibidwal na may mga kondisyon tulad ng mataas na kolesterol, mataas na presyon, cirrhosis sa atay, gastrointestinal bleeding, o mga umiinom ng warfarin ay dapat maging maingat kapag kumakain ng dugo ng baboy, dahil maaari nitong palalain ang mga sakit na ito sa kalusugan, ayon kay Rachel Caspari, isang manunulat ng Longevity. Bukod pa pagkain ng bulok na isda, food dye, at dugo ng baboy, idinagdag din ni Cabardo na isang malaking kawalan ng respeto ito sa mga relihiyong ipinagbabawal ang pagkain ng baboy katulad ng Hudaismo at Islam. Hindi man isaalang-alang ang panrelihiyong paniniwala, lahat ng mamimili ay may karapatang masuri at malaman kung ano ang kinakain at inilalagay nila sa kanilang katawan, upang maiwasan ang iba’t ibang hindi Kamangmangan ay ‘di sana pagsamantalahan, sapagkat kahit pa sa paghihirap mas kasiya-siya ang bunga ng tiyaga kapag idadaan sa tama. ‘Di man akalain ng iilan ito pala ang maghahatid ng kapahamakan, sa isang simpleng kainan. Bawat haplos ng lasa ng mga pangkaraniwang ulam na pinapadaloy sa mga lalamunan, hatid nito’y sarap na tiyak na nilalasap, kakambal ang epekto ng masamang balak, na dala ay peligro sa ating

Hindi alintana na sa isang kisapmata lang maaaring mawala ang lahat ng iyong pinaghirapan. Naging hudyat ng panganib ang matinding init na humaplos sa mga balat, tumutulo na ang pawis mula sa mga noo, ngunit, ‘di pa rin maapula ang sunog na unti-unting lumalamon sa paligid. Sa makabagong mundo na ating kinabibilangan, ang kahina-hinayang na trahedyang ito ay nabibigyang katapusan na sa pamamagitan ng isang instrumentong ginawa sa modernong panahon.

Ayon sa CTIF International Association of Fire Services, mahigit 70,000 ang napipinsala mula sa sunog at mahigit 20,700 ang namamatay dahil dito sa buong mundo. Sa bansa naman, mayroong 3,991 ka mga aksidente sa sunog ang naitala sa pagitan noong ika-1 ng Enero hanggang ika-17 ng Abril sa taong 2023. Gayunpaman, sa kabila ng mga umiiral na mga pamatay-apoy katulad ng fire sprinklers o fire extinguishers, ito ay manwal lamang na magagamit, at mayroong mga limitasyon.

Samantala, upang tugunan ang suliraning ito, sa pananaliksik na ibinahagi ng mag-aaral mula sa Agusan del Sur National High School (ASNHS) na si Francess Gabrielle R. Plaza, ika-10 baitang ang kanilang prototype na pinangalanang PYRO-SAFE. Ito ay isang Arduino-based fire detection and distinguishing system na ipinograma upang mag-detect ng sunog mula sa iba’t-

Ligtas sa isang pindot

Paglunsad sa Emergency Rescue App ng San Francisco

Trisha Mae E. Agocejo

Kilala ang ating bayan na pangkaraniwang naaapektuhan ng iba’t ibang kalamidad. Bakas sa mga mukha ng mamamayan ng San Francisco, Agusan del Sur ang pagkadismaya mula sa sunod-sunod na pagkaranas ng mga trahedya sa mga nakaraang buwan. Ngunit, sa panahong kasalukuyan, walang mag aakala na sa isang pindot lang, mapakikingan na ang sigaw ng saklolo ng ating mga kababayan.

Naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang bagyo kasabay ang matitinding pag-ulan, at ayon pa sa Volcano Discovery, mahigit 2,915 ka mga lindol ang sumalanta sa bayan, sa nagdaang 90 araw. Sa talang ito, magkahalong pagkabigo at pagkabigla ang naramdaman ng mga mamamayan mula sa hindi inaasahang dami ng kalamidad sa maikling panahon na ito sa lungsod.

Upang magsilbing solusyon, inilunsad ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) kasama ang suporta mula sa Local Government Unit ng San Francisco, Agusan del Sur ang San Francisco Emergency Rescue App. ito ay inilunsad noong Nobyembre 2023 at opisyal na maaari nang gamitin noong Enero lamang. Ang emergency rescue app ay isang local disaster reporting and response system mobile application, ipinrograma upang matugunan ang pagkukulang sa pagresponde sa mga nasalanta, at mas mapadali ang pag-uulat sa mga emergency o kapahamakan darating sa lungsod.

Nabubuo ang mga pit lakes, kapag huminto sa pagmimina, ang mga nahukay na lugar ay maaaring mapuno ng tubig sa paglipas ng panahon. Ang mga lawa na ito ay maaaring nakamamanghang tingnan dahil sa malinaw na tubig at kapaligiran, ang tubig sa mga lawa na ito ay madalas ay napapalibutan ng mga mineral, na nagbibigay ng kakaibang kulay. Bitbit ang kumikinang nitong istorya, ang lawang naka konekta sa sapa, ay patuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon. Dumaan man sa iba’t ibang makinarya, paghuhukay at pagsasala, ‘di man natin inaakala, ngunit maari palang maging daan ang pagmimina, upang bumuo ng isang lawa. Sa patuloy na pag agos ng tubig, bitbit ang makinang na nakaraan ng lawa ng Sumugbong, sana ay patuloy natin itong ibida at pangalagaan, dahil ang lawa na ito ay nabuo sa ‘di pangkaraniwang paraan.

“Ito ay upang mas mabigyan natin ng mas mabilis na pagresponda ang ating mga constituence sa San Francisco. Ngayon, patuloy ang pag-update ng ating teknolohiya, kaya kailangan din natin itong i-apply sa pagpapalakas sa seguridad ng ating lungsod.” Ayon kay, Anna Fe B. De Asis, OIC MDRRMO ng San Francisco.

Kasama rin ng MDRRMO sa aplikasyon na ito ang ibang ahensya na ang BFP, PNP, at DSWD, kung saan maaari nang magsumbong sa mga insidenteng tulad ng sunog, Violence Against Women and Children (VAWC), mga krimen, at iba pang nangangailangan ng aksyon mula sa awtoridad.

Maaari itong i-download sa mga Android phones, maliban lamang sa mga iPhone at Huawei users. Mayroon ding mga operators na nakatutok 24 oras, upang mag-monitor sa mga tawag o mensahe na matatanggap. I-scan lamang ang QR code o bisitahin ang Emergency Dispatching System Registration Page at punan ang online form ng iyong kompletong pangalan, birthdate, cell phone number, at address.

Patuloy pa rin ang progreso ng pagpapalago sa aplikasyong ito, at maaaring hindi pa naaabot ang lahat ng mamamayan sa San Francisco. Gayunpaman, kung makakamit ang rurok ng potensyal nito, magiging mas madali ang paghatid ng tulong sa mga napinsala

ibang distansya at magpadala ng text sa mga cellphone upang ipaalam ito. Ayon sa mag-aaral, ang kanilang pananaliksik ay naghahangad na gumawa ng fire extinguishing system na mas mabisa, eco-friendly, ligtas, at madaling gamitin sa panahon ng trahedya.

“Not many people know how to use fire extinguishers. As for me, like any other ordinary person, my impression on fire extinguishers would be that it could be scary and difficult to use,” dagdag pa ni Plaza. Maaari rin daw na maging mahirap ang wastong paggamit ng mga safety equipment para sa isang ordinaryong indibidwal na walang karanasan nito, sa gayon, ito ay isang malaking dahilan upang mabuo ang kanilang pananaliksik.

Ang PYRO-SAFE ay pumapawi ng sunog sa pamamagitan ng MLX90614 Infrared Camera Flame sensor. Kapag may napansin ang sensor, awtomatikong itong nagpapaandar sa water pump na konektado sa water reservoir, at decyl glucoside. Ang tubig naman ay iniipon sa mga tubo patungo sa may high-pressure nozzle, na nagpapalabas ng surfactant sa apoy. Kasunod ng pag-detect ng sunog ay ang pagpapadala ng text sa mga cellphone sa pamamagitan ng Global System for Mobile Communications (GSM) Module. Gumagamit naman ang PYRO-SAFE ng natural at biodegradable na surfactant, ang decyl glucoside, na nagmumula sa niyog at iba pang mga renewable raw material. Ito ay inaasahang hindi nakakapag dulot ng cancer, at nakapipinsala sa anumang bahagi ng katawan o sa reproductive health. Ito rin ay inaasahang maging ligtas para sa lahat ng uri ng balat.

Pinagkalooban ng iba’t ibang gantimpala ang pananaliksik ni Plaza sa National Science Quest 2024 Science Innovation Project (SIP). Mensahe rin niya sa kaniyang kapwa mananaliksik, na ang dahilan sa likod ng kaniyang pagsisikap, ay ang pagnanais na makatulong at gumawa ng solusyon sa mga pangkaraniwang problema ng modernong panahon.

Nakakatulong ang pagbuo ng iba’t ibang proyekto sa tulong ng pananaliksik, upang maresolba ang trahedya kagaya ng sunog na karaniwan sa ating bansa. Sa isang kisapmata lang maaaring mawala ang lahat ng ating pinaghirapan, sana ay suportahan ang modernong solusyon gaya ng PYRO-SAFE upang proteksyon ay makamit ng ating bayan.

o nabiktima maging sa kalamidad, pang-aabuso, krimen, at marami pang iba. Ang pagpapaalam at pagresponda ng mga awtoridad ay mas magiging magaan at mabilis. Nakakatulong ang makabagong teknolohiya sa pang arawaraw na gawain, ngunit, ‘di man alam ng iilan, ang teknolohiyang bitbit nila sa pang araw-araw, seguridad ang dala sa buhay na binibigyang bahala. Isang malaking hakbang ang aksyong ito tungo sa kinabukasang lahat ay protektado. Ang sigaw ng saklolo na hindi naririnig sa panahong nakaraan, tiyak na mabilis ang pag responde, sa isang pindot lamang.

Christian T. Casimero © Mardy D. May-as
PYRO-SAFE:
Proteksyon upang maiwasan ang matinding sunog
15 Pahina Ang Opisyal na Publikasyon ng Agusan del Sur National High School sa Filipino TOMO 17 ISYU AGOSTO 2023 MARSO 2024
AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Scan the QR code and register or use this link: https://profiles. obxsolution.com/ register (must have QR code scanner) Once Registered, the app will automaticaly download. Locate the downloaded App files and tap to install. Once installed, go to settings, find the San Francisco Emergency Rescue App, and grant all permissions Enter your contact number to activate the San Francisco Emergency App. In order to successfully use the application, wait for the Satellite Accuracy Turns to Blue 01 STEP: 05 STEP: 02STEP: 04 STEP: 03 STEP: SAN FRANCISCO EMERGENCY RESCUE APP
Eona Arwen C. Agunting KABIT KABLE. Pinagdudugtong ni Kairos Carlos, isang mag-aaral ng ASNHS, ang mga kawad ng kuryente para sa kanilang pananaliksik. Christian T. Casimero © © Ronnelly Intano Carlos

ASNHS Gymnasts, hahataw sa Regionals; 5 ginto naibulsa

Bitbit nina Jeams Lingo, Althea Robles,Angeline Berongoy,at Christian Tayab ang limang ginto matapos nilang manguna sa Gymnastics Championship sa isunagawang Unleashing Sports Skills by embracing Inclusivity for best Agsurnon Athletes (USSIBA) Division Meet 2024 na isinagawa sa Gaisano Grand, San Francisco, Agusan del Sur, ika-25 ng Enero.

Masayang iwinagayway ni Lingo ang bandera ng San Francisco matapos niyang durugin ang kaniyang mga katunggali at inuwi ang dalawang gintong medalya sa Men’s Artistic Gymnast.

Samantala, nagpapakitang gilas naman si Robles ng kaniyang mga matinding galawan sa Women’s Artistic Gymnastics at ipinoste ang kaniyang pangunguna sa kompetisyon.

Hindi naman nagpapatalo ang dalawang pares na sina Tayab at Berongoy pagkatapos hablutin ang dalawang ginto sa kategoryang Aerobic Gymnastic duo.a

Aarangkada sa Caraga Regional Athletic Meet 2024(CRAM’24) ang mga kampeon na isasagawa sa Prosperidad, Agusan del Sur ngayong ika- 5 hanggang 11 ng Mayo.

ASNHS billiard player hinablot ang ginto; winalis ang Veruela, 6-0

San Francisco, Agusan del Sur– Walang kahirap-hirap na sinungkit ni Geremy E. Azarcon ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) ang panalo pagkatapos niyang hinadlangan ang pwersa ng Veruela,6-0 sa Biliards singles 9 ball Championship Match sa Unleashing Sports Skills by embracing Inclusivity

Pumader ng hindi mapantayang depensa ang Agusan del Sur National High School (ASNHS) Royals na nagtala ng 85-72 na siyang naging resulta sa kanilang pangunguna sa paghaharap nila laban sa San Luis National High School (SLNHS) kaugnay sa isinagawang Women’s Basketball Championship Match sa Unleashing Sports Skills by embracing Inclusivity for best Agsurnon Athletes (USSIBA) Division Meet sa Sta. Ana Covered Court noong ika-25 ng Enero.

Bitbit ng Royals ang determinasyon at kahusayan na naging dahilan sa pagkabigo ng SLNHS sa pagkamit ng panalo sa laro.

Impresibong lay-up shots ang ipinamalas ng ASNHS bilang magandang panimula, 6-4.

Maangas na tres ng Royals ang nagpatigil sa maigting na palitan ng depensa at rebounds ng dalawang koponan sa nagdaang tatlong minuto sa laro,12-8

Pumoste ng isang dunk at dalawang 3 point shot ang SLNHS pero agad namang

laro sa pamagitan ng break shot na agad namang nakapocket ng isang bola,1-0

Hindi nagbigay ng pagkakataon si Azarcon nang pinaulanan niya ng sunod-sunod na draw shot at combination shot na siyang nagtala sa tatlong puntos na lamang,3-0

Patuloy ipinamalas ni Azarcon ang kaniyang lakas at determinasyon hanggang sa huling bahagi ng kompetisyon at itinapos ang laro sa anim na lamang, 6 -0. Kung saan siya’y itinanghal na kampeon.

“Sa kompetisyon tanaw mo talaga ang pressure lalo na kung championship game na ang magaganap pero mas focus ko pa ang manalo kaya laking pasalamat ko sa Diyos na nanalo ako,” saad pa ni Azarcon.

Lalaban sa nalalapit na Caraga Regional Athletic Meet 2024 (CRAM’24) si Azarcon ngayong Mayo 5 hanggang 11 sa Prosperidad, Agusan del Sur.

ASNHS Arnis players, namayagpag sa Exhibition Anyo

Charles P. Dumaplin

Matagumpay na napasakamay ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) Arnis Players ang pamamayani sa Exhibitin Anyo ng ,matapos ibida ang kanilang nakakamanghang performance sa isinagawang Arnis finals ng Unleashing Sports Skills by Embracing Inclusivity for best Agsurnon Athletes (USSIBA) Division Meet 2024 , na idinaos sa ASNHS covered court, Enero 27.

Walang habas na nakamit nina Junard Preglo at Harvey Mausisa ang tagumpay sa kategoryang Individual Likha Anyo Single Weapon, gayundin sa girl category na pinangungunahan nina April Malazarte at Mary Tinaja.

Nadagdagan naman ito nila Mausisa, Preglo, Malazarte at Tinaja ng

karagdagang tagumpay sa Single Weapon, maging sina Stave Roma at Diane Rua para sa kanilang unang panlo.

Samantala, patuloy pa ring nanguna ang pwersa nina Malzarte at Tinaja sa Double weapons at naikubli ang kanilang pangatlong panalo sa labanan subalit, nahulog naman sa pangalawang pwesto sina, Preglo, Mausisa, at Roma matapos malamangan ng katunggali

Bigo man sa Double Weapons, ay nagawa namang mabawi nila Preglo, Mausisa at Roma sa kategoryang Espada Y Daga, maging sina Malazarte Tinaja at Ruta sa Female category.

binakbakan ng ASNHS ng tatlong 3 point shot at jumpshot sa pangunguna nina Hello Villain at Grazel Molina bilang panapos sa unang kwarter, 2120.

Kabila ng kanilang kabiguan sa Unang bahagi ng laro ay ipinagpatuloy pa rin ng SLNHS ang pagtala ng puntos nang nagpakawala ng matitikas na jumpshots at dunks sa pag-asang malampasan ang iskor ng ASNHS, 26-23.

Hindi nagpasindak ang Royals at pinaulanan ng sunod-sunod na lay-up shots at jump shots na sinundan naman ng matitikas na steals upang di tuluyang makapantay ang SLNHS, 31 -27.

Nagsidatingan naman ang mga rebounds at lay-up shots galing sa mga manlalaro ng SLNHS pero hindi ito naging sapat para pantayan ang maigting na depensa ng Royals sa natitirang 30 segundo ng pangalawang kwarter, 35-30

Determinadong manalo naglahad ng mga mababagsik na 3 point shot ang Royals sa pagumpisa ng pangatlong kwarter, 42-31

Patuloy na ipinakitang-gilas ng ASNHS sa nalalabing 20 segundo ng kwarter ang kanilang determinasyon sa pamamagitan ng kanilang depensa at mga lay-ups na siyang nagresulta sa anim na agwat ng dalawang koponan, 58-52.

Hindi na hinayaan pa ng ASNHS na makahabol ang SLNHS sa puntos na kanilang pinaghirapan sa panghuling bahagi ng laro kaya’t pinakawalan na nila ang tatlong 3 point shots at limang lay-up shots, 72-64

Mas pinaigting pa ng Royals ang kanilang depensa at opensa upang masiguro at maiuwi ang gintong medalya sa natitirang 2 minuto sa hulong kwarter na siyang nagresulta sa kanilang pamamayagpag, 85-72.

Bubuslo muli ang ASNHS Royals sa darating na Caraga Regional Athletic Meet 2024(CRAM’24) na igaganap sa Prosperidad, Agusan del Sur ngayong ika- 5 hanggang 11 ng Mayo.

Eona Arwen C. Agunting COMBINATION SHOT. Nakatutok sa bariles na bola si Geremy Azarcon sa ginanap na championship round ng Billiards sa USSIBA, sa My’Y Accommodation, San Francisco.
16 Pahina
Dan Russel L. Guma
ASNHS Royals dinukot ang ginto,85-72; bibida sa Regionals
Eona Arwen C. Agunting Eona Arwen C. Agunting Andrey BAGSIK NG KALASAG. Pinapapakita ng mga Arnis players ang kanilang dalubhasaan sa Arnis Finals ng USSIBA, sa ASNHS covered court. HATAW SA GALAW. Ibinibida ni Angeline Berongoy ang kanyang kakayahan para sa championship round ng gymnastics sa USSIBA, na idinaos sa Gaisano Grand, San Francisco, Agusan del Sur. OPENSA’T DEPENSA.Linalampasan ni Antara Villan ang mga manlalaro ng kabilang team sa isinagawang Women’s Basketball Championship match ng USSIBA, sa Sta. Ana Covered Court. Christine Hilary Joy Q. Mondejar Dan Russel L. Guma Dan Russel L. Guma

WINNING STREAK. Naghahari ang grade 12 students na nagwagi sa Mobile Legends Tournament sa nakaraang Intramurals ng ASNHS.

Grade 12, pinataob ang Grade 10 sa ML Tournament; nahablot ang kampeonato

Pinalugmok ng Grade 12 ang ibinaderang pwersa ng Grade 10 sanhi ng kanilang 3-0 na maaliwalas na tagumpay sa Mobile Legends Championships kaugnay ang Agusan del Sur National High School (ASNHS) Intramurals 2023 sa ASNHS Computer Lab, ika10 ng Nobyembre.

Taglay ng mga manlalaro ang kadalubhasaan sa paggamit ng mga skills ng mga heroes kasabay ang kanilang pagtutulungan upang maisiguro ang pwesto nila sa kampeonato.

Pinangunahan ni Milter Umbaña ang koponan tungo sa pagkapanalo matapos tapyasin ang huling turret ng kalaban gamit ang Magic Shockwave ni Lylia at naitala ang 21-15 na iskor bilang wakas sa tatlong naging bahagi ng labanan.

Ipinamalas naman ng Grade 10

representatives ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang kapangyarihan ng gamit nilang mga heroes sa pag-asang mababawi pa nila ang nalalabing bahagi ng kanilang labanan.

Subalit hindi naging sapat ang Holy Baptism mula sa Estes hero ng Grade 10 upang maisalba ang kasamahang nakapalibot nito sa naging sagupaan ng mga manlalaro sa mid lane, resulta sa 2-0 lead ng Grade 12.

Malaki ang naging impluwensiya ang kakulangan sa retribution battle spell ng Martis hero mula sa Grade 10 kung saan nagsilbi itong daan sa mabilisang pamamayagpag ng Grade 12 sa unang match.

Magpapakitang-gilas ang mga nanalo sa darating na Municipal Athletic Meet 2023 ngayong ika-22 ng kasalukuyang buwan sa ASNHS.

SuPORTa

Matagal nang nananawagan sa gobyerno ang mga mag-aaral, guro, at magulang para sa sapat na suporta sa larangan ng isports. Naitatag man ang Republic Act No.10699 o mas kilala bilang “Philippine Sports Commission Act”, hindi ito eksklusibo para sa mga kabataang atleta. Mahirap mang isipin, ngunit kadalasan sa nangyayari ay umaabuno nalang ang mga manlalaro at tagapayo para matugunan ang pangangailangan.

kurikulum ng isports sa sekondaryang paaralan sa Pilipinas. Base naman sa DepEd Memorandum No. 044, s. 2021, nagsisimula na rin ang kagawaran sa paghahanap ng mga Student-Athlete Scholars. Kung tutuusin, malaki naman na sana ang kinabukasan ng larangan ng isports sa mga paaralan sa bansa.

Gayunpaman, umaalma pa rin ang maraming coaches at atleta dahil ultimo meryenda tuwing magkaroroon ng training ay hindi kayang maibigay ng paaralan dahil kulang sa pondo. Sa katunayan, ayon sa mga manlalaro sa Exhibition Game ng Division Schools Press Conference (DSPC) ng Agusan del Sur nitong ika-2 ng Marso, may pondo naman ang kanilang paaralan para sa isports ngunit hindi ito sapat upang matugunan ang kanilang kinakailangan na pagkain, vitamins, at iba pa. Hindi lang naman sila kumakain, umiinom, at pinagpapawisan sa mismong araw ng kompetisyon dahil nababasa rin ang kanilang likuran sa halos araw-araw na pag-eensayo.

Sa kabilang banda, inaatasan ang National Academy of Sports (NAS) na paigtingin ang

LAKAS. Ipinapamalas ng mga arnis players ng Agusan del Sur National High School ang kanilang galing pakikipaglaban sa ginanap na USSIBA sa ASNHS Covered Court.

Arnis players, papalo sa Regionals; kampeonato sa Arnis Combat, kinamkam

Matatalim na palo at mahuhusay na atake ang naging daan upang masikwat ng Agusan del Sur National High School, Arnis players ang panalo sa isinagawang, Arnis Exhibition ng Unleashing Sports Skills by Embracing Inclusivity for Best Agsurnon Athletes (USSIBA),Division Meet 2024, sa Agusan del Sur National High School (ASNHS), covered court, ika 27 ng Enero.

Matitikas na atake at matatalim na palo ang sinandalan ng mga atleta mula ASNHS, upang masaklot ang panalo sa Arnis Combat, na naging daan rin sa pagsiguro sa kanilang pwesto sa nalalapit na CRAM ‘24 na gaganapin ngayong Mayo 5-11.

Nauna rito, nasungkit ni April Venice Malazarte ang tagumpay sa kategoryang

Combative Light weight category samantala, namayani rin sina Mary Tinaja at Harvey Karl Mausisa sa Betamweight.

Mahusay na atake naman ang ipinamalas ni Junard Preglo sa labanan nang masikwat ang pangunguna sa pinweight category, nang sa gayun ay pumangatlo rin si Roselyn Resando sa kategorya.

Nagawa ring iselyu ni Princess Lonzaga ang panalo sa kategoryang Extra Feather Weight subalit, nahulog naman sa pangalawang pwesto sina Mateoz Roma at Diane Rota matapos maghikaos sa labanan.

Nakakalungkot lang isipin na kinakailangan pa ng ating mga manlalaro na manalo sa laro bago mapakitaan ng suporta. Hindi naman lahat sa kanila ay nabibigyan ng pagkakataon na maging iskolar dahil tulad ng lahat ng kompetisyon – may nananalo at natatalo. Hindi isyu kung magaling man sila o hindi sapagkat dapat sa una pa lang ay pingangalagaan na sila.

Nakaukit na alaala

Pag-alay ng medalya ni Dong Rey sa kanyang Lola

Kasing tayog ng kaniyang pangarap ang bawat pagpalo niya ng raketa. ‘Di mabilang ang mga taong nagtitiwala sa kaniyang kakayahan, walang kupas ang pagpapakita nila ng suporta. Ngunit paano na kaya kung ang taong lubos na pinakikitaan siya ng pagsuporta ay bigla bigla na lamang mawawala?

Isang batang manlalaro ng Lawn Tennis mula sa paaralan ng Agusan del Sur National High School na si Pete Andrie Padilla o mas kilala bilang “Dong Rey”, 16 taong gulang. Ayon niya, pitong taon na raw siyang naglalaro ng Lawn Tennis. Ngayong nasa ika-11 na baitang na siya, nananatili pa rin ang kaniyang interes pagdating sa paglalaro nito.

Hindi mabubuo ang lakas na bitbit niya kung wala ang suporta mula sa mga taong malapit sa kaniya, lalong lalo na ang kaniyang pamilya; ang natatangi niyang inspirasyon. Sa bawat pagpatak ng kaniyang mga pawis at buong dedikasyon sa paglalaro ay inilaan niya para sa kanila. Sa loob ng kanilang pamilya, marami silang miyembro, ngunit ang mas labis na sumuporta sa kaniya ay ang kaniyang minamahal na Lola.

Sabi pa ni Dong Rey, siya at ang kaniyang kapatid ay sobrang malapit sa kaniyang Lola, kung kayat ang bawat bonding kasama ang kaniyang Lola ay binibigyan nila ng pagpapahalaga. Walang araw ang dumaan na naging madamot ang kanilang Lola, dahil lahat ng kanilang gusto ay palaging inilalaan. Ngunit ang mas ibinibigay ng kanilang Lola na hindi man nila kusang hinihingi ay ang pagmamahal at pag-aaruga, palaging labis at hindi kailanman nagkulang.

Ngayong taon, sumabak si Dong Rey sa kompetisyon ng Unleashing Sports Skills by embracing Inclusivity for Best Agsurnon Athletes (USSIBA) bilang isang manlalahok para sa Lawn Tennis. Nakahanda na ang kaniyang mga kagamitan para sa kaniyang laro at sinisiguro niyang handa na rin ang kaniyang sarili. Kay tagal

niyang hinintay ang makasalang muli sa patagisan ng galing pagdating sa raketa, ngunit lahat ng buong preparasyon niya’y tila naglaho nang may nalaman siyang hindi kaaya-aya, eksaktong gabi na siya ay handa na sana para sa laro.

Luha’y agad na dumaloy kasabay ng pagpatak ng alas nuwebe ng Enero 23, 2023 ng gabi, dahil sa kasawiang palad, pumanaw ang taong malapit sa puso ni Dong Rey, ang kaniyang pinakamamahal na Lola. Napalitan ng pagkalungkot ang kaniyang pusong sabik na sabik sana para sa kaniyang laro kinaumagahan. “Alam na naming lahat sa pamilya na hindi na magtatagal si Lola kasi ang liver niya ay bumitaw na talaga, ang cancer niya wala pang buwan lumala.” dagdag niya.

Bagamat puso’y nasawi, ngunit ang pagkamit niya sa Gold medal sa USSIBA ay namutawi. Sa kabila ng kasiyahang naramdaman ni Dong Rey sa kaniyang pagkapanalo, nangingibabaw pa rin ang labis niyang pagkalugmok nang nilapitan niya ang kabaong. Doon, inilagay niya ang kaniyang gintong medalya kasama sa paglibing ng kaniyang Lola. Nais niyang ipabatid na ang kaniyang pagkapanalo ay iniaalay niya para sa Lola niyang namayapa na. Sariwang sariwa pa ang paghihinagpis na magpahanggang ngayon ay patuloy na dinaramdam ng pamilya ni Dong Rey, maging siya ay ‘di pa rin lubos matanggap ang tuluyang paglisan ng kaniyang Lola sa mundong ito. “Noong laro ko kinaumagahan, I fought until the endl and dedicated my game for her, since she was my no.1 fan since I started my tennis career.” pagdamdam niyang ani.

Dalawang buwan na ang nakalipas magmula nang sila’y iniwan, ngunit magpahanggang ngayon wala pa ring kupas ang pangungulila sa kanilang Lola. Nangyari man ang lahat ng iyon sa isang iglap, ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang pakikipaglaban sa Lawn Tennis dahil ayaw niyang mabigo para sa kaniyang Lola. Nawala man sa kanilang pananaw, ngunit aaasahang ang mga alaala’y mananatiling nakaukit sa kanilang puso’t isipan.

17 Pahina
Jasmine Loise C. Arroyo Avril Love I. Maestrado
E-SPORTS E-SPORTS
Alaga mula simula Jasmine Loise C. Arroyo KOLUM
ASNHS
HAMPAS Andrey Charles P. Dumaplin Danielle Therese A. Gelio-ano John Hero T. Apresto Danielle Therese A. Gelio-ano

San Francisco, pinadapa ang Talacogon,31-24;

Betaisar, Caplis aarangkada sa Regionals

Bumida at hinablot nina Prince Betaisar at Chester Caplis ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) ang gintong medalya laban sa pwersa ng Talacogon matapos nilang binakbakan ang kanilang katunggali sa Badminton Men’s Double Championship Match,31-24 sa isinagawang Unleashing Sports Skills by embracing Inclusivity for best Agsurnon Athletes (USSIBA) Division Meet 2024 sa Datu Lipus Makapandong Gov.D.O. Plaza Sports Complex, ika-26 ng Enero.

Tanaw sa dalawang atleta ang determinasyon na mangunguna kaya’t nagpakawala ang dalawang atleta ng mga drive shots, drop shots at smashes na siyang nagpasiguro sa kanilang pagkapanalo kalaban ang Talacogon.

Nagtanim agad ng puntos si Betaisar na sinundan naman ng pwersa ng Talacogon sa pamagitan ng dalawang Drop Shots at smashes sa pagbubukas ng unang set, 2-5.

Lumutang ang galing ng pwersa ng Talacogon nang pinaulanan nila ang dalawang atleta ng San Francisco ng 3 drive shots at 2 net lift dahilan upang marehistro ang anim na agwat sa dalawang koponan,10-16.

Kahit man sumablay ang ASNHS sa unang parte ng laro ay agad naman silang bumawi nang magpalitan na ng court.

KPatuloy na ipinamalas nila

Caplis at Betaisar ang kanilang lakas at determinasyon sa pamamagitan ng mga mainit na clear shot at drive shot na siyang naging sanhi ng pagkabahala sa kanilang katunggali,25-20.

Determinadong manalo, naglaan ulit ng mga mainit na apat na smashes at dalawang drop shots na tinapatan naman ng dalawang clear shot mula sa pwersa ng Talacogon subalit hindi ito naging sapat na patumbahin ang dalawang dedikadong manlalaro ng San Francisco,31-24.

“Ang layo ng gap sa score pero kailangan naming kumalma hanggang nagpalitan na ng court, kailangan naming humanap ng paraan para maka diskarte at makahabol sa kanila. Parang sa isang iglap lang ay nakahabol kami sa kalaban at nanalo. Nang nanalo kami gumaan agad ang pakiramdam naming dalawa ni PJ dahil parang lahat nang aming sinakripisyo ay napalitan ng biyaya” saad pa ni Caplis.

Dala-dala ang dalawang ginto, hahampas muli sina Caplis at Betaisar sa nalalapit na Caraga Regional Athletic Meet 2024 (CRAM’24) para iwagayway ang bandera ng Agusan del sur sa Mayo 5 hanggang 11.

USSIBA Division Meet 2024

San Francisco, nangibabaw sa kampeonato kontra Talacogon, 3-0; papalo sa Regionals

atikasan ng solidong block nina Jhake Caw-is at Zyrus Maguinda ang naging daan upang tutluyan nang makopo ng San Francisco Men’s Volleyball Team ang kampeonato laban sa Talacogon kung saan naitala ang 3-0 (25-22, 25-20, 2514) na panalo sa San Isidro Bliss Covered Court, ika-27 ng Enero.

Naiselyo ng San Francisco ang pangalawang korona matapos magdomina sa nagdaang Division Meet 2023 dahilan upang sila ay sasabak sa darating na Caraga Regional Athletic Meet (CRAM) ngayong Abril 22-27 sa Prosperidad, Agusan del Sur.

“ We will because we can! We can because we will! San Francisco, Bravo!”, pagpapalakas-loob ni Jesriel Jumamoy, captain ball, sa kaniyang kaponan.

Patuloy ang naging palitan ng mga tig-iisang puntos na lamang ang nagka-tunggaling kaponan sa unang set nang ipinalasap nila ang kanilang mababagsik na kills at cross court attacks, 8-8.

Nagtanim agad ng 2 kills at 2 spike sina Andrei Almonte at Earl Astillo nga Talacogon upang lamangan ng 4 na puntos ang kalaban, 10-14.

Mabilis na bumawi si Jumamoy ng service aces at kills at matagumpay na maipantay ang iskor sa 20-20.

Sinubukan naman ng Talacogon na manguna muli at

SHOT FOR GOLD

naisiguro ang 2 puntos na lamang ngunit ipinakitang gilas ng San Francisco ang sunod-sunod sa kills at block upang matuldokan ang unang set, 25-22.

Mas pinaigting pa ng San Francisco at kanilang depensa at opensa nang agad nagtala ng 6 na puntos na lamang sa pamamagitan ng 3 blocks at 3 aces nila Eishal Pocon at Joshua Tud, 19-13.

Hindi agad nagpatinag ang Talacogon at kumamada ng aces at blocks si Astillo sa pag-asang masungkit ang pangalawang set subalit mariing inilatag nina Jumamoy at Tristan Espeso ang dagdag na kills upang mapasakamay ang 2-0 set point para sa koponan ng San Francisco, 25-20.

Nagsimulang dumagundong ang malakas na hiyawan ng mga manonood sa loob ng court nang bumigat ang tension ng dalawang koponan sa kanilang huling pagtutuos.

Kapansin-pansin ang paghihina ng Talacogon sa ikatlong set nang nagtambak ang mga service at net errors ng koponan kasabay na dito ang 3 services aces mula sa San Francisco dahilan upang maitanim ang 10 puntos na lamang para sa koponan, 17-17.

Naging maigting ang tabike ng San Francisco hanggag sa kanilang depensa sa kampeonato nang hindi sumagi ang cross court attack ni Almonte sa matibay na block nina Caw-is at Maguinda sa siyang nagsilbing panapos ng labanan, 25-14.

ASNHS Griffins, wagi kontra Prosperidad, 60-55;

aarangkada sa Regionals

Ginulantang ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) Griffins, ang Prosperidad National High School (PNHS) ,sa pangunguna ni Demar Cañon, 60-55, matapos niyang ibinida ang kaniyang mga lay-up shots at 3 point shots sa isinagawang Unleashing Sports Skills by Embracing Inclusivity for Best Agsurnon Athletes (USSIBA) Division Meet 2024, Basketball championship, na inilunsad sa Baranggay Sta. Ana Covered Court, , San Francisco, Agusan del Sur, ika 27 ng Enero.

Nagawang lugmokin ni Cañon ang koponan ng PNHS, matapos siyang magpakawala ng dalawang jump shots at Isang 3 point shots sa huling minuto ng labanan, dahilan upang bigong maisalba ni PNHS shooter, Nasher Castaño ang 5 point lead.

Matapos mapasailalim ang ASNHS Griffins sa tinik ng PNHS, nagawa naman nilang maangkin ang pamamayani sa pamamagitan ng pag ambag ni Judemar Ontua ng isang 3 point shot na nagkubli sa puntos na 22-19 sa unang kwarter.

Naidepensa rin naman ni Castaño ang magkasunodsunod na pag tapyas ni ASNHS Griffins, Leixcell Mabanag subalit, hindi ito naging sapat upang malamangan ang na 30 puntos ng ASNHS, laban sa 22 na naiposte ng PNHS.

Samantala, naging matikas ang PNHS sa second half quarter ng labanan nang naiangat ni Reyjhon Casino ang kaniyang

koponan sa dalawang agwat na puntos, 36-34, bunga sa kaniyang mga jump shots at lay-up shots.

Mas pinahigpitan ng ASNHS Griffins ang kanilang depensa, at sinalubong ni Cañon ng isang block si Casinao at nagawang mapantayan ang pwersa ng katunggali sa puntos na 39-39.

Hindi naman nagpadugahi ang panig ng PNHS nang mahablot ni Kirby Lacaba ang bola kay Karl Jas Sanchez at nagposte ng dalawang 3point shot subalit, hindi naisiguro ang kanilang pangunguna dahil sa walong puntos na lamang ng ASNHS, 48-40.

Tuluyang nasungkit ng ASNHS Griffins ang liderato sa kampeonato, nang maglatag nang isang komplikadong defensive plan ang kanilang coach na si Dennis Annanoria.

Dahil sa pagiging determinado ng mga atleta, ikinasa ng ASNHS Griffins ang 5 point lead, 60-55, buhat sa drive at free throw shots ni Demar Cañon, bilang panapos sa labanan.

Bitbit ang tagumpay, sasabak sa gaganaping Caraga Regional Athletic Meet 2024 ang grupo sa darating na Mayo 5-11, sa Prosperidad, Agusan del Sur.

ata’y umaapoy habang nakatoon ang buong atensyon, pwersa ng kamay ay ramdam na ramdam bitbit ang smartphone, manalo ang pangunahing layunin ng isipan, handa na ang buong katawan upang makipaglaban.

Trending kamakailan ang larong patuloy na nagbibigay saya sa bayan, larong tila ba nag glow up at patuloy na ibinabahagi ang kaniyang glow sa buong bansa, ang larong tila ba kasangga ng Mobile Legends sa kasalukuyang panahon, ang larong 8 Ball Pool.

Ang 8 Ball Pool ay isang online at mobile-based na billiardthemed pool simulation sports game na pinamamahalaan ng Miniclip, isang kumpanya ng mga laro na nakabase sa Switzerland, Portugal, Italy at England.

Gamit ang isang puting cue ball at 15 na may bilang na mga bola – kabilang ang isang itim na 8-ball, nilalaro ang 8-ball pool. Layunin ng isang manlalaro na ipasok ang solids, bolang may bilang na 1-7 habang layunin din ng isa pang manlalaro na ipasok ang mga bolang stripes, na may bilang na 9 -15. Hindi maaring ipasok ng isang manlalaro ang 8-ball hangga’t hindi niya naipasok ang lahat ng naaangkop na bola. Ang unang manlalaro na makakapasok ng 8-ball ang mananalo sa laro, ayon sa wikiHow.

Mas pinadali na ang paglalaro ng 8 Ball Pool, dahil maaari na itong laruin gamit lang ang iyong smartphone at sa simpleng pag pindot ng play. Mula sa larong Snake noon, ang mobile-based game ay patuloy na umuunlad, sa kasalukuyan nabuo na ang 3D at augmented reality games na talagang dadalhin ka sa loob ng laro, mula sa iyong mga mata hanggang sa pagpadyak mo gamit ang iyong paa.

Sa tulong ng teknolohiya madali mo nang maabot ang larong patuloy na nagbibigay saya sa bayan, ang larong trending kamakailan. Ihanda na ang iyong mga mata, atensyon at pwersa, upang masapul ang 8 Ball, at manalo sa labanan.

Pahina
18
Eona Arwen C. Agunting
8 BALL POOL MINICLIP OPEN 8 Ball Pool CANCEL 00:00 Larong 8 Ball Pool M
TINGIN SA KALABAN. Sinalubong ni Chester Caplis ang shuttle cock sa ginanap na Badminton Men’s Double Championship Match ng USSIBA,na idinaos sa D.O Plaza Sports Complex.
8
Mardy D. May-as Ball, sapul Jasmine Loise C. Arroyo © Chester Caplis

WALANG MINTIS

San Francisco Lady Griffins, wagi kontra Rosario, 3-0

Kinikilalang Women’s Volleyball Finals MVP si Glenda Curoda nang mariin niyang inilantag ang 17 attacks, 4 na service aces, at 7 receives sa naging matinding kampeonato ng San Francisco at Rosario kung saan naitala ang 3-0 (25-16, 25-14, 15-22) na panalo sa USSIBA (Unleashing Sports Skills by embracing Inclusivity for Best Agsurnon Athlethes) Division Meet 2024 sa Alegria covered court, Enero 27.

Ramdam ang mabigat na tension sa loob ng court nang muling nabigyan ng pagkakataon ang dalawang mababgsik na koponan na magpalitan ulit ng mga pamatay na depensa at opensa sa kampeonato matapos ang naging hidwaan nila sa Qualifying rounds.

ng

Kitang-kita naman ang pagpapatibay ng Rosario sa pangatlong set nang humabol sila ng 4 na aces at 2 kills upang marehistro ang 20-29 na iskor.

Umasa pa si Chaira Limbing na mahablot nila ang set point na 2-1 nang kumawala ang kaniyang 2 nakakapinsalang spikes, 20-22.

Samantala, binitawan ni Curada ang 3 maiigting na kill attacks at 1 service ace na siyang hudyat ng pagtatapos ng labanan, 25-22.

Naipuwersa agad ng San Francisco ang 7 puntos na lamang sa pangunguna ni Curada kasabay ang 2 service ace ni Kimberly Arcena

upang maisiguro ang kanilang pangunguna sa unang set, 19-12.

Bumandera naman ng sets at blocks ang Rosario subalit hindi na ito naging sapat upang palugmokin ang mga gigil na palo ni Curada, 2516.

Umikot sa buong court ang nakakabibinging hiyawan ng mga manonood bilang pagbibigay suporta at lakas ng loob sa kanilang pinapanigang koponan.

“Bawi! Bawi! Bawi!”, sigaw ng buong panig ng Rosario sa pagbubukas ng ikalawang set.

Muanag, naghari sa Chess Finals; uusad sa Regionals

Polinar twins, Socuano, bigo sa individual round

Andrey Charles P. Dumaplin

Humakot ng higit apat na gintong medalya ang dating Palarong Pambansa 2023 qualifier, na si Cemberain Muanag ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) matapos namayani sa isinagawang Unleashing Sports Skills by embracing Inclusivity for Best Agsurnon Athletes (USSIBA) Division Meet 2024, Chess Championship, sa ASNHS EMIS function hall, nitong ika 27 ng Enero.

Nagawang maipanalo ni Muanag ang Kategorya ng Blitz at Standard Individual, at naihablot ang dalawang tumatagingting na gintong medalya, kung saan naisiguro niya ang kaniyang pwesto sa nalalapit na Caraga Regional Athletic Meet ngayong 5-11 ng Mayo.

Sa kabilang banda, napasakamay naman nina

Cemberain kasama si Hans Socuano ang tagumpay sa Blitz at Standard team category, gayundin sa magkaparehong kategorya sa Female team play, kung saan naipanalo rin ng magkapatid na Lexa Polinar at Luzyl Polinar.

Subalit, bigo namang nasungkit nina Socuano kasama ang magkapatid na Polinar ang gintong medalya sa chess finals ng Individual Category, dahilan upang hindi sila lalaban sa nalalapit na CRAM 2024.

Samantala, iginiit ni Chess player, Lexa na kahit bigo nilang nakamit ang tagumpay, hindi pa rin nila tatalikuran ang paglaro, at mas pinapangakong pagbubutihin pa nila kasama ang kaniyang kakambal sa susunod na mga labanan.

Patin-ay, Agusan del Sur — Namayani sina

Abby Dampiganon at Llorainne Jea Martin ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) pagkatapos nilang manguna sa Breast stroke, Fly, Relays at nakopo ang anim na ginto sa ginanap na Unleashing Sports Skills by embracing Inclusivity for best Agsurnon Athletes (USSIBA) sa Datu Lipus Makapandong Gov.D.O. Plaza Sports Complex, Enero 25.

Pumoste ng limang gintong medalya si Dampiganon matapos niyang inilahad ang kaniyang angking galing sa pamagitan ng pagdumina sa 200,100 at 50 meter breast stroke, 50 meter fly, at relay.

Nagsimulang umiinit ang depensa ng Rosario sap ag-asang maipantay ang set point sa 1-1 at itinanim ang 3 blocks at 4 kills, 16-12.

Hindi na pinatagal pa nina Devine Corro at Fiel Abarca ang set at patuloy na hinaharangan ang mga cross court attacks ng Rosario at tinuldokan ang ikalawang bahagi ng laro, 25-14.

Bitbit ang tagumpay, magpapakitanggilas ang San Francisco Women’s Volleyball Team sa Caraga Regional Athletic Meet (CRAM) 2024 ngayong Abril 22-27 sa Prosperidad, Agusan del Sur.

Geronda, namayani sa boxing finals; susuntok sa Regionals

Andrey Charles P. Dumaplin

Patin-ay, Agusan del Sur — Matagumpay na pinatumba ni Kent Geronda ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) sina Jester Planco ng Trento at Ronmar Lomanta ng Esperanza matapos magpakawala ng matatalim na suntok sa 40-50 kg Flyweight Boxing Championship sa Unleashing Sports Skills by embracing Inclusivity for best Agsurnon Athletes (USSIBA) Division Meet 2024, Enero 27, Makapandong Cultural Center. Nagawang paluhudin ni Geronda sina Planco at Lomanta matapos niyang inilahad ang kaniyang mga mababagsik na mga uppercut, jabs, at hindi mapapantayang depensa na siyang nagbigay sigurado sa kaniyang pagkuha ng tagumpay.

Samantala, hindi naman nagpapahuli si Martin nang nagpakitang gilas din siya sa kategoryang Freestyle relay dahilan sa kaniyang pangunguna at sa paghablot ng ginto.

Lalangoy patungong Caraga Regional Athletic Meet 2024(CRAM’24) ang dalawang kampeonato sa Prosperidad, Agusan del Sur ngayong Mayo 5 hanggang 11.

“Sa Division Meet o USSIBA mas focus ko kung saan ako makaka gold at dahil mas more on speed ako kesa endurance kaya’t pinili kong sumali sa mga short distance at masasabi kong nahihigitan ko ang aking mga katunggali ko dahil sa mga intensive training gaya ng pagt-train ko bago at pagkatapos ng school hours,” saad pa ni Dampiganon

Hindi na nagbigay opurtunidadsi Geronda nang makitang naghirap si Planco sa pagsalba sa kaniyang sarili sa labanan, kaya’t hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at binakbakan niya ito ng mga maangas na suntok at jabs upang mapasakamay ang panalo.

Kahit man nagwagi siya laban kay Planco hindi siya nagpakumpyansa at sinigurado ang kaniyang pwesto para sa unang gantimpala sa pamamagitan ng pakikipagsagupaan niya kay Lomanta at pinalasap ang kaniyang mabangis na kamao at mahihigpit na depensa.

Uusad sa nalalapit na Caraga Regional Athletic Meet (CRAM) 2024 si Geronda kasama sina Christian Drix Espares at Ralph Canete ngayong Mayo 5-11 sa Prosperidad Agusan del Sur.

Jasmine Loise C. Arroyo
19 Pahina ASNHS
patungong Regionals;
nakopo
Swimmers sisisid
6 na Ginto,
TALINO’T DISKARTE. Makinis ang paggalaw mga piyesa ni Cemberain Muanag sa Chess Championship ng USSIBA, na ginanap sa Emis function hall ng ASNHS. SISID TO WIN. Pinatunayan ng atleta mula sa San Francisco ang kaniyang angking galing sa isinagawang USSIBA, sa D.O Plaza Sports Complex. Eona Arwen C. Agunting Christine Hilary Joy Q. Mondejar John Hero T. Apresto PAGBULUSOK NG SUNTOK. Ipinamalas ni Kent Geronda ang bagsik ng kaniyang kamao sanhi ng kanyang pamamayagpag sa USSIBA sa Patin-ay, Prosperidad, Naliyagan Grounds. Danielle Therese A. Gelio-ano HAMPAS SA WAKAS. Ibinabandera ni Glenda Curada ang kanyang kagalingan sa larangan ng Volleyball sa isinagawang USSIBA, sa Alegria, San Francisco Covered Court. Christine Hilary Joy Q. Mondejar

SINING SIPA

SF Kicker dumukot ng ginto sa Regionals

Namayani ang dating Palarong Pambansa 2023 qualifier, Jestyn Cabardo ng Agusan del Sur National High School matapos siyang magpakitang gilas sa Mens Secondary Poomsae Individual Event sa isinagawang Caraga Regional Athletic Games (CRAG) 2024 sa Aselco Gymnasium, San Isidro, Agusan del Sur, ika-9 ng Mayo.

Nagawang angkinin ni Cabardo ang atensiyon ng mga entablado gamit ang kaniyang mga matulis at maliksing sipa na naging biliyete niya

patungo sa Palarong Pambansa 2024.

Sa kabilang banda, bigong makuha nina Cabardo kasama sina Justin Lim at Lucas Moreno ang unang pwesto sa Mens Secondary Poomsae Team Event,dahilan upang hindi sila makikipaglaban sa nalalapit na Nationals bilang isang grupo.

“May error akong nagawa that made us silver medalists only, It was really unexpected kasi no one could imagine na magka-kaerror kami kasi hindi kami nagkulang sa preperation,” giit pa ni Cabardo

Pahirapan para kay Jestyn ang pagpeperform ng Pomsae lalo nang maalala niya ang error na kaniyang ginawa sa Team Event ngunit hindi siya nagpatinag at ipinikita niya ang kaniyang galing sa pagtadyak at pagsabay-sabay ng kaniyang mga galaw.

“In my individual performance, hindi ko made-deny na apektado parin ako sa nangyari to the point na hindi ko gaano maipakita ang best ko dahil ang tanging loob ng utak ko noon ay dapat hindi ko

ASNHS Archer, humakot ng pitong ginto sa regionals; bilyete sa Palaro’24, nakupo

Namayagpag si Gabriel Adrian Bernandez ng Agusan del Sur National High School (ASNHS), matapos ipamalas ang kaniyang mga matatalas na aimings na naging daan upang makalawit nito ang 1213 mark sa 2024 Caraga Regional Archery Individual Finals, sa Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur, Mayo 5-13.

Bumulusok ang mga nagsisiklabang palaso ni 17 taong gulang Bernandez daan upang maikambyo nito ang kaniyang winning ways bitbit ang kanyang golden feat na naging sanhi sa paggapi nito sa humigit 28 na kalaban sa kompetisiyon.

“It was tough, but all I did was to focus thoughout the game para makamit ko ang aking layunin na magtagumpay sa laro,” saad pa ni Bernadez.

Nagawang ibida ng atleta ang kaniyang angking lakas at determinasyon sa paglalaro, nang maipako niya ang gintong medalya sa 30 meter distance na may kabuuang 326 puntos at sinundan niya naman ito ng isa pang ginto nang masukbit ang panalo sa 50 meter na may bagong record na 320.

Nalikom rin ng Archery Prodigy ng ASNHS ang 306 imprisibong puntos sa 60 meter distance, daan sa pagsiguro

Mng karagdagang gintong medalya nito, gayundin sa 70 meter distance na may 276 points, sa tumagal na apat na oras na pakikipaglaban.

Walang habas naman niyang nakamit ang panalo sa Olympic round nang pumana ito ng unang anim na naitalang puntos, daan rin sa pagkamit ng pang huling ginto nito sa Fita.

Samantala, aarangkada sa nalalapit na Palarong Pambansa 2024 ang nag iisang Archery player ng AgsurHigh na isa sa mga atletang mag rerepresenta sa CARAGA region ngayong Hulyo sa Cebu City.

na mauulit ang error na ginawa ko sa Team Event,”

Patuloy na ipinakita ni Jestyn ang kaniyang lakas at determinasyon sa pagpe-perform sa harap ng entablado na nagresulta sa kanyang pag-uwi ng ginto para sa Agusan del Sur.

Samantala, tatadyak uli si Cabardo patungong Cebu sa nalalapit na Palarong Pambansa 2024 ngayong Hulyo 11-15, 2024.

sa mga gintong parangal ng mga atletang nagmula sa pugad ng Golden Tara.

akalipas ang ilang araw na pagtatapos ng Caraga Regional Athletic Games 2024 (CRAG’24), masayang nagsiuwian ang mga atleta mula Agusan del Sur na nakatanggap ng maraming gantimpala at pagpupuri galing sa mga tao. Mga ngiting namumuo sa mga bibig, kasabay ng pagsout ng mga tumatagingting na gintong medalya. Di kailanman matatawaran ang mga pawis at dugo na kanilang ibinuhos upang makamtan ang inaasam na tagumpay. Sa kabila ng hirap at tiyaga, napabilang ang Agusan del Sur sa mga dibisyong may pinakamaraming gintong medalya na naimpok sa mga kumpetisyon.

Sa ginanap na CRAG 2024, idineklara bilang pangalawa ang Agusan del Sur sa pangkabuuang kampeonato. Kasabay nito, nalikom rin ng dibisyon ang kabuuang 86 na gintong medalya sa parehong sekondarya at elementarya. Ngunit kung babalikan natin ang nakaraan, kapansin-pansin ang naging pag-babago sa antas ng dibisyon sa naipong gintong parangal ngayong taon, kumpara nung taong 2023.

naging pagbago at mas napabuti ang antas ng deligasyon.

Malaki ang naging pag-unlad ngayon ng Sports Organizations sa Agusan del Sur, maging sa mga training strategies ng mga atleta, gayundin sa mga pasilidad. Base nga sa naging resulta ng Caraga Regional Athletic Meet (CRAM) overall tally sa taong 2023, pang-apat lang ang Agusan del Sur na may kabuuang 46 na gintong medalyang naipon. Samantala ngayong taon, malaki ang

Isa sa mga dahilan sa mababang ranggo ng Agusan del Sur sa 2023 Caraga Regional Athletic Meet ay ang walang sapat na trainings at sa kakulangan ng mga pasilidad. Ito ay naglalayong di makapag ensayo ng maayos ang mga atleta at mawala sa kanilang isipang maka pag pokus sa training. Gayundin ang pagkukulang sa disiplina sa sarili na mag reresulta sa pagkabigo sa mga labanan.

Subalit kabaliktaran naman ngayong taong 2024, walang humpay na pag eensayo ang inilaan ng mga atleta upang mas maging madali para sa kanila na maipanalo ang laro. Sa pagbubukas din ng bulwagang D.O Plaza Memorial Sports Complex naging opurtunidad ito para sa mga atleta na makapag ensayo ng maayos para sa mga kumpetisyon. Di kailanman mawawala ang

Gintong pinaghirapan Pagkamit
2023 - MARSO 2024 TOMO 17 ISYU 1
Ang Opisyal na Publikasyon ng Agusan del Sur National High School sa Filipino AGOSTO
19BASAHIN. WALANG MINTIS
determinasyon at dedikasyon ng bawat isa sa kanila. Kaya sa pagtatapos ng isinagawang pagpapamalas ng liksi at lakas ng mga batang manlalaro sa Caraga, maraming mga Agsurnon na atleta ang labis na nasiyahan sa paglalaro at nakapagtagumpay sa pagkamit ng gintong medalya. Sa kalagitnaan ng mga nakakapagod na ensayo, nasuklian naman ito sa pamamagitan ng pagbigay karangalan sa dibisyon ng Agusan del Sur
SCAN ME
Andrey Charles P. Dumaplin Eona Arwen C. Agunting
ANALISIS
Andrey Charles P. Dumaplin KUHANG KUHA. Ginapi ni Gabriel Bernandez ang kaniyang mga katunggali sa ginanap na Archery Individual Finals ng CRAG. PAMANTAYANG GALAWAN. Pinapanatili ni Jestyn Cabardo ang kaniyang position bilang Palarong Pambansa qualifier sa Mens Secondary Poomsae Individual Event ng CRAG. DepEd Agusan delsur FB page © Ronald Galope Barniso FB page ©

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.