Ang Lantao 22-23

Page 1

Ang Lantao Nakatutok. Nagmumulat. Tapat. Ang Opisyal na Publikasyon sa Filipino ng Agusan del Sur National High School

Agosto 2022 - Mayo 2023 Tomo 16 | Bilang 1

https://www.facebook.com/ang.lantao/ anglantao.asnhs@gmail.com

https://twitter.com/AngLantao ang_lantao

Elzeide M. Alatraca

BASAHIN P. 2

SULONG ‘WAG URONG. Sa gitna nang malakas na ulan at pag-apaw ng ilog at kanal, pinili pa rin ng iilang mag-aaral ng Agusan del Sur National High School na sumulong papuntang paaralan dahil wala pang natatanggap na anunsyo sa pagsuspende ng klase kahit malapit nang mag-alas-otso ng umaga.

Positibong Disiplina

Polisiya ng paaralan mas hinigpitan Jhona Grace J. Barrete

N

aglunsad ng pagpupulong ang Guidance Counselors, Major Police at Head School Discipline Team, sa paaralan ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) tungkol sa programang kontra bullying, paggamit ng pinagbabawal na gamot at maling pag-uugali ng mag-aaral na ginanap noong Nobyembre 28, 2022.

at maraming kabataan pa ang maapektohan.

Inimbitahan ang lahat ng Class Presidents ng bawat sections mula junior at senior high school upang sumali at makinig sa mga inilungsad na programa sa nasabing Seminar.

"Mahalagang disiplinahin talaga natin ang ating mga mag-aaral at sa murang edad pa lamang ay mahubog na natin ang kanilang isipan at malaman nila kung ano ang tama at mali", paliwanag pa ni Uriarte.

“Kasabay ng full-blast, naging full-blast na rin ang kaso ng pang-aapi na ikinababahala ng paaralan”, ani ng School Principal na si Gng. Marilou P. Curugan.

Dagdag pa rito, Isiniwalat din ang School Disciplinary Measures ng paaralan na pinangunahan ni G. Junny Uriarte, Prefect of Discipline ng ASNHS upang magsilbing gabay at paalala kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng campus.

Ipinaabot naman ni (name sa police) chuchu sa mga estudyante na nararapat na pumili talaga sila ng barkadang makakatulong sa kanilang pag unlad estudyante at mamamayan hindi yung nagbibigay ng masamang impluwensya.

"Huwag niyong hayaang masira ang kinabukasan ninyo, maging tamang modelo kayo sa mga kapwa nyong mag-aaral at sa susunod pang henerasyon", payo pa ni (police chuchu) Sa kabilang banda, ipinahayag naman nina Gng. Luzviminda Polinar, Guidance Counselor at G. Gil Aquino, Administrative Officer IV sa mga mag-aaral ang mga Minor at Major Violations at mga parusa nito kung sila ay lalabag sa School Policies and Guidelines. Naniniwala naman ang paaralan na sa pamamagitan nang mahusay na pamumuno at disiplina ay makakamit ang tunay na pagkakaisa at magandang pakikitungo.

4 6 11 14 Sinabi rin niya na kailangan na itong maaksyunan kaagad bago pa lumala ang sitwasyon

BALITA PROJECT LAKANG

EDITORYAL EDU-AKSYON

LATHALAIN BAHA

AG-TEK

PULANG BUWAN


02 Balita

TOMO 16 BILANG 1 AGOSTO 2022 - MAYO 2023

MULA SA P.1

ORANGE RAINFALL WARNING

Pagpapatuloy ng klase bagama’t baha, ikinabahala; Blended Learning imbis suspensyon, tugon ng DepEd

N

Elzeide Alatraca

Jhona Grace J. Barrete

apapasubok na lumusong sa baha ang mga mag-aaral ng Agusan del Sur National High School(ASNHS) dahil sa kasalukuyang nararanasan na palagiang malakas na pagbuhos ng ulan sa San Francisco Agusan del Sur na humantong sa pagkabaha ng iilabf barangay sapagkat naapektohan nito ang pag-aral ng mga estudyante sa nasabing institusyon.

modyul/gawain.

Base sa mandato ng Department of Education (DepEd), kapag mataas na ang tubig sa lugar, ang solusyon nila sa ganitong problema ay ang pagpapatupad ng blended learning na kung saan ang mga estudyanteng apektado ay hindi na kailangan pumunta sa paaralan ngunit dapat pa rin silang pumasok sa online class o magpasa ng

Ngunit sinabi naman ni Municipal Mayor Grace Bravo-Paredes, “kung hindi pa nakakatanggap ng Orange Rainfall Warning at maraming lugar na ang nakaranas ng pagbaha, nasa Punong Guro pa rin ang desisyon kung ano ang nararapat gawin sa mga estudyanteng apektado”.

Dagdag pa dito, ang mga local chief executives o Local Government Unit (LGU) ng munisipyo ang mag dedesiyon sa class suspension kung ang Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration (PAGASA) ay mag deklara na ng Yellow Warning.

Ipinaliwanag din niya na bumabase

lamang ang munisipyo sa anunsyo ng (PAGASA) kaya responsibilidad ng Punong Guro ng mga paaralan ang desisyon upang makaiwas sa kapahamakan.

mga lugar bago nila ideklarang walang pasok dahil may mga estudyanteng katulad ko na malayo pa ang lalakarin upang makapunta sa paaralan”, ayon pa kay April Verano mag-aaral ng ASNHS.

“Kapag nakaranas na ng pagbaha ang estudyante sa kanilang lugar, dapat ipaalam nila ito sa kanilang mga guro para maisali sila sa blended learning at hindi sila mahuli sa kanilang talakayin”, paliwanag ni Punong Guro ng ASNHS, Marilou P. Curugan.

Sinabi pa ng estudyante na sana hindi na maulit ang nangyari dati na baha na sa kanilang lugar ngunit pinilit pa rin niyang pumasok at pagdating niya sa paaralan dineklarang wala na palang pasok.

Nananawagan din sya sa mga guro na dapat konsiderahin ang mga mag-aaral lalo na sa ganitong panahon at makinig sa kanilang mga paliwanag. “Nais kong ipaabot sa ating Local Government Unit (LGU) na wag na sana nilang hintayin na bumaha sa

Sa kasalukuyan, sinusunod pa rin ng ASNHS ang Deped Order No. 37, S. 2022 na kapag ang Munisipyo ay nasa Orange Rainfall Warning na, wala na talagang pasok ang mga paaralan.

Public Display of Affection, higit na ipinagbabawal, kinadidismaya ng pamunuan ng paaralan Princess Sophia B. Briones

B

inigyang diin ng Agusan Del Sur National High School (ASNHS) ang isyu tungkol sa Public Display Affection (PDA) ng mga mag-aaral na maaaring makagambala sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagpapatupad ng polisiyang “No PDA Policy”. “Nakasaad sa student’s handbook na ang kissing, holding hands, hugging at pag-upo sa kandungan ay isa sa mga minor offense at hindi naman ito binibigyan ng mabigat na parusa ngunit’ 'di ibig sabihin na malaya na nila itong gagawin lalo na sa loob ng paaralan”, ayon kay Guidance Councilor, Rosa Goloran.

Dagdag pa niya kapag may isyung katulad nito ay binibigyang aksyon kaagad ng mga guro sa pamamagitan ng pagbibigay abiso at pagpapatawag ng mga magulang.

© Jayson H. Poliran

Modular Modality ng mga mag-aaral na buntis

“Sa kasalukuyan, isa ito sa problemang hinaharap namin ngayon at kabilang dito, may isang pangyayari na pinatawag naming ang magulang ngunit di siya naniwala sa ginawa ng kanyang anak kaya nahirapan kaming solusyonan ang isyu” pahiwatig ni Grade 10 Chairman Grace N. Alburo. Patuloy pa niya na sa 10 na kaso nito sa Junior High ay wala pang napatawag sa Guidance office dahil lahat ay napag usapan at naayos sa pagitan ng mga guro at magulang ng estudyante. “Bilang student leader, pinapaala ko talaga sa kanila na alamin ang mga limitasyon lalo na kapag nasa publiko kasi kadalasan na sa atin dito ay minor de edad pa lamang , maging angkop tayo na mag aaral at magsilbing mabuting modelo sa iba,” ani ni Supreme Student Government (SSG)

Daphne B. Gepiga

H

inihimok ng paaralang Agusan del Sur National High School ang mga magaaral na nagdadalang-tao na ipagpatuloy pa rin ang kanilang pag-aaral ayon sa bagong ipinalabas na school policies ng paaralan sa S.Y. 2022-2023. Naitalang isa sa bawat 10 mag-aaral ang nabubuntis at humihinto na sa pag-aaral dahil sila ay nagdadalang-tao ayon sa datos ng Guidance Office ng paaralan. “Hinihikayat natin ang mga estudyanteng buntis na ipagpatuloy pa rin ang kanilang pag-aaral sa kabila ng kanilang sitwasyon. Kaya ay may mga ipinatupad na Learning Modalities ang paaralan na magsisilbing tulong sa mga mag-aaral na hindi komportableng pumasok sa paaralan habang sila ay buntis.” pahayag ni Gng. Rosa Goloran, Guidance Counselor.

“Bilang mag-aaral at babae, nasiyahan ako sa nagawang desisyon at polisiya ng paaralan na huwag patigilin ang mga mag-aaral na nabuntis sa taong panuntunan na ito, dahil karapatan pa rin naming mga babae ang makapag-aral kung gustuhin namin.” ani ni Precious Monic B. Milar, mag-aaral sa Grade 11. Gamit ang Modular Learning Modality ang mga kumpirmadong mag-aaral na nagdadalang-tao ay maaaring mag-aral lamang sa loob ng kanilang bahay, Printed man o Digitized, at patnunubayan ito ng kanilang tagapayo. Sa ngayon, kinikilala na ng mga tagapayo ang mga mag-aaral sa loob ng kanilang silid-aralan ang mga kumpirmadong nagdadalang-tao at ipapasa ang mga datos sa Guidance Office upang mabigyan ng gabay para sa susunod nila na hakbangin.

“Pinapaabot ko sa mga magulang na maaring patuloy pa rin nilang paalalahan ang kanilang mga anak sa mga bagay-bagay dahil alam naman natin na ang mga kabataan ngayon ay mahilig mag-explore , wag tayong magkulang sa paggabay”, sabi pani SSG Adviser Arnino L. Suat. Sinabi rin nya na okay lang magkaroon ng relasyon habang nag aaral ngunit siguraduhing mabalansi ang oras para sa pag-aaral, sarili, pamilya at iba pang mga top priorities. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin paggabay ng mga guro at pamunuan ng paaralan sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng Homeroom Guidance Program at iba pang programa ng paaralan.

Kakulangan sa silid-aralan, upuan, binigyang-aksiyon ng ASNHS, PTA

© Angelo M. Baylon

Modular Learning Modality, tugon ng ASNHS sa mga Mag-aaral na Nagdadalang-tao

President, Drix Nicolas P. Concepcion.

Jhona Grace J. Barrete

N

ireresolba ngayon ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) ang kanilang pangunahing problema na kakulangan ng mga silid-aralan at upuan dahil alinsunod sa inilabas na DO No. 34 S. 2022, mahigpit na ipinagbabawal ang pag-antala sa klase ng mga estudyante kung kaya’y napawalang-bisa ang shifting of classes na naging solusyon ng paaralan sa krisis na ito bago nagkapandemya. “Kinakailangan na sa silid-aralan, nasa 40-45 lamang ang bilang ng mga estudyante. Ngunit, dahil sa pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral sa ASNHS, nakukulangan na ng upuan at silid-aralan ang ating paaralan,” pahayag ni ASNHS Property Custodian Rolly Q. Palacio. Tinatayang nasa 1,500 na ang bilang ng upuan at 30 na silid-aralan ang kulang sa naturang paaralan. Ayon pa kay Palacio, “Nakahanda na ang isang Site Development Plan kung saan ipinapahayag kung saang mga lugar sa loob ng kampus ang maaaring

pagtayuan ng mga gusali na gagamitin upang madagdagan ang mga silid-aralan.” Idinagdag pa ni Gng. Analisa Tuble, PTA President, na sa kasalukuyan ay may mga paaralan o institusyon na nagbigay-donasyon sa nasabing paaralan, ang Southway College of Technology (SOCOTECH), St. Francis Xavier College, at ang dating STI College at nagbigay ng mga upuan upang magamit ng mga magaaral. “Kinakailangan na maresolba ang problemang ito sa lalong madaling panahon kaya binibigyang-aksiyon na ng paaralan ang tungkol dito upang magkaroon na ng komportable at maayos na lugar ang mga mag-aaral para magaral” ani ni Gng. Marilou P. Curugan, School Principal. Sa kasalukuyan, naghahanap pa rin na iba pang solusyon ang pamunuan at patuloy ang pag-aaral sa loob ng paaralan.


03 Balita

TOMO 16 BILANG 1 AGOSTO 2022 - MAYO 2023

PROJECT LAKANG Pathwalk ng paaralan, inilakad ng SPTA Paulen R. Domin-eng, Romil V. Cortina

D

ahil sa ulan at init na nararanasan ng mga mag-aaral sa tuwing dadaan sa gate 3 ng Agusan del Sur National High School (ASNHS), isinagawa ang Project Lakang na pinangunahan ni Analisa Tuble, Supreme Parent and Teachers Administration (SPTA) President ng nasabing institusyon. Ito ay ang fund raising activity na ginanap noong 49th Founding Anniversary ng paaralan sa pamamagitan ng pagbebenta ng raffle tickets sa halagang 100 piso bawat isa. “Naaawa ako sa mga estudyanteng nababasa sa ulan at naiinitan sa tuwing dumadaan dito patungo sa kanilang mga silid-aralan, kaya bilang SPTA President responsibilidad kong tugunan ang mga pangangailangan ng mga magaaral,” paliwanag ni Tuble.

Christine Mae C. Buenaflor

proyekto dahil ayon sa kaniya, kung di dahil sa kanila ay hindi matutupad ang nasabing gawain. Sa kasalukuyan, napapakinabangan na ng lahat ang nasabing proyekto maging estudyante man, guro at bisita na dadaan sa nasabing pathwalk ay hinding hindi na sila mababasa ng ulan at mabibilad sa araw. “Laking pasasalamat namin sa mga stakeholders na walang tigil na suporta at pagbibigay diin sa aming mga pangangailangan dito sa paaralan", ayon sa isang mag-aaral na si Alexis Arroyo. Dagdag pa niya na mas magiging komportable na silang dumaan sa nasabing gate dahil sementado at may masisilungan na ito.

Umabot sa Php 603,460 ang halagang nalikom sa nasabing programa, ayon pa sa SPTA President.

"Saludo ako sa mga SPTA officers dahil palagi talaga nilang iniisip ang kapakanan ng ating mga estudyante", ayon pa kay Punong Guro.

Nagpaabot naman siya ng pasasalamat sa Punong Guro Marilou P. Curugan, mga guro, estudyante at mga magulang na sumuporta sa nasabing

Nagpapasalamat din siya sa pagiging aktibo at paglilingkod ng mga opisyal sa ano mang gawain at proyekto ng nasabing paaralan.

HAKBANG. Malapit nang matapos ang proyektong pathwalk ng ASNHS ngayong taong panuntunan ng Parents-Teachers Association (PTA). Ang pathwalk na ito ay ang magbibigay lilim sa mga dadaan mula Gate 3 ng paaralan tungo sa kanilang destino.

Bilang ng mga mag-aaral na nawawalan nang malay, pinangambahan Jhona Grace J. Barrete Elzeide M. Alatraca

sugar madali lang talaga silang nahihilo”, ayon kay School Nurse, Nariz Antoinette Delos Santos. Dagdag pa niya, bumababa ang oxygen sa utak kapag matagal nabilad sa araw dahilan ng pagkahilo, pagsakit ng ulo at yung iba ay natutumba, kabilang dito, mayroong ibang estudyante na may dinadala nang medikal na kundisyon na ‘di alam ng kanilang guro kaya napapasali sa Flag Ceremony.

ALAY-TULONG. Agad na tinulungan ni Lexie Jeen Leyson isang blank ASSCERT OFFICER ang isang mag-aaral matapos mahimatay sa paaralan. Maraming mga mag-aaral ang nakaranas nang pagkahilo dahil sila'y nabababad sa matinding init ng araw.

D

ahil sa patuloy na kaso ng mga magaaral na nahihimatay tuwing Flag Ceremony sa Agusan del Sur National High School (ASNHS), maraming mga magulang ang nababahala para sa kapakanan ng mga mag-aaral. Sa kasalukuyan, ang flag ceremony ng paaralan ay ginaganap lamang tuwing unang lunes ng buwan dahil sa pagkaroon ng malaking populasyon ng mga mag-aaral, sinisimulan ito tuwing ika-7 ng umaga at kadalasang nagtatapos hanggang ika-9 ng

umaga kadalasang nagtatapos, kaya ang mag- aaral ay babad sa init ng araw. “Nasa 70-80 na mag-aaral ang nakaranas ng pagkahilo at pagsakit ng ulo sa tuwing ginaganap ang Flag Ceremony. May iba’t ibang rason kung bakit nahihimatay ang tao. Una, alas-7 ng umaga sinisimulan ang Flag Ceremony kaya halos lahat ng mga estudyante ay gumigising nang maaga para maghanda at yung iba ay nagmamadali na kaya di na nila naisipang kumain. Lalo na yung mga low ang blood

Mandatory School Uniform © Angelo M. Baylon

“Sa tingin ko, dahil ito sa dalawang taon na pagkatigil ng face to face classes, ‘di na sila nasanay sa mga physical activities lalo na sa pagkabilad sa araw, nasa kanilang mga bahay lang sila at nakababad sa iba’t ibang gadgets buong maghapon,” sabi naman ni Agusan del Sur National High School and Community Emergency Response Team (ASSCERT), adviser Guilbert G. Muanag. Patuloy niya, malaking tulong ang pagsasagawa nila ng ASSCERT camp dahil nadagdagan ang kanilang mga aspirants sa paaralan at lahat ng miyembro nila ay nakakatulong sa pag responde ng mga mag-aaral na nahihimatay sa ilalim ng init ng araw. “Nanawagan ako sa mga estudyante na sana dumalo sila sa mga isinasagawang libreng training ng ASSCERT, dahil ang populasyon natin ngayon ay nasa 7,710 at kulang ang mga responders na makatutulong sa nangangailangan,”

paliwanag ni Muanag. “Kinakabahan ako dahil biglang sumama aking pakiramdam at 'di ko alam ang aking gagawin dahil halos wala na akong nakita, dumilim na aking paningin at napakasakit ng ulo ko,” pahiwatig ni Grade 11 student Jana King, isang mag-aaral na naalan ng malay sa flag ceremony. “Sana huwag umabot ng tig dadalawang oras ang flag ceremony para 'di matagalan ang pagbabad ng mga estudyante sa araw” ani pa ng ina sa nahimatay na estudyante, Nennete A. Miranda. “Sa isinagawa namin na pagpupulong ng mga staff, napag-usapan namin na 'di na dapat talaga pinapasali sa flag ceremony yung mga batang may health conditions, dahil hindi maiiwasan na mabilad sa araw ang mga estudyante kasi natin ngayon ay umabot na sa 7,710, 'di talaga tayo kasya sa ating school covered court kaya sa open ground nalang natin isinasagawa ang Flag Ceremony,” paliwanag ni Principal IV Marilou P. Curugan. Pinapaabot naman ni School Nurse Delos Santos na dapat bago magsimula ang flag ceremony, kilatisin ang mga estudyante kung ano ang kanilang pakiramdam, ipaalala na magdala ng tubig at payong; 'wag nang piliting dumalo sa seremonya kung meron nang dinaramdam na masama sa kanilang katawan.

8 bawat 10 mag-aaral Sang-ayon sa pag-implementa ng Mini-Canteen sa loob ng Silid-Aralan

© Angelo M. Baylon


04 Balita

TOMO 16 BILANG 1 AGOSTO 2022 - MAYO 2023

BAYAN MO, IPATROL MO! Parol ng seksyon Hyacinth, bida sa social media Jhona Grace J. Barrete

I

binida ang kahusayan ng seskyon Hyacith ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) sa pamamagitan ng paglikha ng gandang parol na hango sa indigenous na umagaw sa pansin ng Bayan Mo, Ipatrol Mo (BMPM) ng ABS-CBN News noong Nobyembre 29, 2022. Humingi ng permiso ang isang tauhan ng BMPM na gamitin ang mga larawan at bidyo para sa kanilang plataporma at i-brodkast online matapos ibinahagi ni Maestra Kuizon ang ginagawang parol sa Facebook noong Nobyembre 16, na kumuha sa atensyon ng madla pati na rin ang korporasyon ng ABSCBN News. “Hindi namin inexpect na hahantong pala ito sa ganito, nakuha namin ang interes ng ABS at di inaasahang

may journalist na nag approach sa amin kaya bilang adviser, masayang masaya at proud talaga ako sa mga estudyante ko”, saad ng guro. Dagdag pa niya na hindi naman nila hinangad na ma feature sa nasabing korporasyon, nais lang nilang ibahagi sa lahat ng mga guro at mag-aaral na ang kanilang seksyon ay meron ding kakayahang wala sa iba. “Nagpapasalamat ako sa aming guro dahil sa motibasyon at inspirasyon na ibinigay nya sa amin, dahil sa kaniya nalaman namin na meron pala kaming ganitong abilidad sa pagiging malikhain”, sabi pa ng classroom President ng seksyon.

Paliwanag din niya na kahit crack section lang sila ay meron din silang kakayahang kanilang maipagmamalaki. Kabilang dito, hango lamang sa ginit ng niyog, mais, abaka, kawayan at iba pang indigenous materials ang ginamit sa paglikha ng parol na kinahahangaan ng BMPM at boung ASNHS. “Marami kaming narinig na chismis na ipinagawa daw namin ito sa eksperto at nagbayad daw kami ngunit hindi naman ito totoo dahil pinaglaanan talaga namin ito ng oras, hirap, at tyaga ng aking mga kaklase” paliwanag pa ni class President.

Inilunsad ang paligsahang gandang parol na pinangunahan ng Eco- Saver Club ASNHS para sa

pagsalubong sa pasko na sinumulan noong unang linggo ng Nobyembre, sa pamamagitan nito ay maibabahagi ng mga estudyante ang kanilang pagiging artistic sa paglikha ng parol gamit lamang ang mga recycle o indigenous materials. Bukod pa dito, isa rin sa hangarin ng Eco Saver Club ay matuto ang kapwa nilang estudyante na pangalagaan ang kalikasan at irecycle ang mga basurang pwedi pang mapakinabangan. Nagpaabot naman ng mensahe ang Punong Guro ng nasabing paaralan na sana ay ipagpatuloy pa rin nila ang kanilang programa para sa kalinisan hindi lamang sa ASNHS kundi sa boung kapaligiran.

Bilang ng estudyanteng lumalabag sa “No Piercing Policy,” patuloy sa pagtaas Daphne B. Gepiga

H

indi tumitigil sa pagtaas ang bahagdan ng mga mag-aaral sa Agusan del Sur National High School (ASNHS) na lumalabag sa polisiyang ipinagbabawal ang pagsuot ng hikaw ng mga lalaking mag-aaral at pagsobra ng pagsuot ng isang pares ng hikaw sa mga babae. “Sa kasalukuyan, marami pa rin kaming nahuhuling estudyanteng sumobra sa isa ang kanilang piercing sa tenga lalo na sa Senior High School,” pahayag ni Gng. Rosa M. Goloran, Guidance Counselor ng nasabing paaralan. Dagdag pa niya na ito ay isa sa mga Minor Violations ng paaralan

at patuloy nila itong tinututukan sa pamamagitan ng pagpapaalam sa guro ng mag-aaral. Ang pangatlo at pangapat na paglabag naman, kung hindi talaga sila makikinig ay ipapatawag na sila sa Guidance Office kasama ang kanilang magulang at papipirmahin ng Memorandum of Agreement (MOA).

“Naisip kong magpa-piercing dahil isa ito sa paraan ng pagpapahayag ng aking sarili. Isa pa, alam naman natin na uso ito sa kasalukuyang henerasyon kaya sumabay din ako,” ani ng isang mag-aaral ng Grade 11 na may piercing.

Paliwanag ni Security Guard Wiland Dagondon ng ASNHS, “Pagpasok nila sa kampus at nahuli namin silang may maraming butas sa tenga at may suot na maraming hikaw, sinisita namin sila at kinukuhanan ng mga hikaw.”

Ang mensahe naman ng Guidance Counselor sa mga estudyanteng may piercing at may planong magpa-piercing ay kailangan pa rin nilang sundin at respetuhin ang mga regulasyon ng paaralan dahil isa ito sa mga katangian ng isang angkop na magaaral.

Sabi pa niya na halos napuno na ang lalagyan ng mga nakuhang hikaw at iba ay tinatapon na lamang nila.

© Angelo M. Baylon

7 sa 10 na mag-aaral, suportado ang cross dressing ng mga LGBTQIA+ students Mikhaella C. Garcia

A

prubado ng mga mag-aaral ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) ang cross-dressing ng mga miyembro ng LGBTQIA+ sa loob ng paaralan na hindi naman sinang-ayunan ng karamihan sa mga guro at staff. Ayon sa isang mag-aaral mula sa Grade 11, dapat mas maging bukas ang mga guro at mag-aaral sa ganitong isyu upang maisulong ang gender equality. Salungat naman sa opinyon ng mag-aaral, di sang-ayon ang 8/10 ng mga guro sa nasabing paaralan dahil para sa kanila di raw talaga ito karapatdapat sa isang angkop na estudyante. Base sa DepEd order No. 32 “Gender Responsive Basic Education Policy” noong ika-6 ng Setyembre,

2022, inilihad na ang kautusang ito ay nagbibigay-daan sa Departamento upang makapagsagawa ng gender mainstreaming at matiyak na ang lahat ng mag-aaral ay protektado mula sa kung anomang uri ng karahasan tulad ng pang-aabuso, pagsasamantala, at diskriminasyon na may kaugnayan sa mga miyembro ng nasabing komunidad. Base sa School Policy and Guidelines ng ASNHS, 'di maaaring magsuot ng pambabaeng uniporme ang isang biological male gayundin ng panlalakeng uniporme ang isang biolical female na mag-aaral. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pakikibaka ng samahan sa mga LGBTQIA+ sa nasabing kampus para ipaglaban ang kanilang karapatan.

Christine Hilary Joy Q. Mondejar PIERCED. Mahigpit nang binabantayan ng pamunuan ang mga tainga ng mga mag-aaral bilang pagsunod sa "No Piercing Policy" na nakasaad sa Student's Handbook.


05 Balita

TOMO 16 BILANG 1 AGOSTO 2022 - MAYO 2023

School report card, Ibinida Jhona Grace J. Barrete

I

nilahad ni Marilou P. Curugan, DM-HRM Principal IV ng Agusan del Sur National High School ang kaniyang Accomplishment Report sa taong S.Y. 2022-2023 sa isinagawa na State of the School Address na ginanap noong Septyembre 28, 2023. Makikita sa taong panuntunan na mas bumaba ang bilang ng mga enrollees kumpara sa S.Y. 2021-2022, ang mga mag-aaral na ito ay nakitaan na 13.18% (490 ng 3772) ng mga lalaking mag-aaral ay nakabilang sa “normal health status” habang 11.61% (438 ng 3772) ng mga estudyanteng babae ang inilahad na “outside normal health status” at ang drop out rate naman ay bumaba sa 0.09% (7 sa 7490) kumpara sa 0.21 (16 sa 7674) noong S.Y. 2021-2022 dahil sa financial- Related Factors, samantala ang promotion rate noong S.Y. 2021-2022 ay 96.90% na kung tumaas sa 97.04 sa S.Y. 2022-2023.

© Analisa Tuble

Kaugnay dito, dahil sa bilang ng mga mag-aaral sa kasalukuyan ang learners classroom ratio ay naitala 43:1 sa mga special class at 50:1 sa regular class, habang umabot naman sa

learner sit ratio na 0.8:1 na nangangahulugan na kulang ng 1490 arm chairs ang boung paaralan, at ang learner-toilet ratio naman ay 50:1. Dagdag pa dito, ang magagamit na learmers-material ay umabot sa 69.44, habang lumabas naman sa Group Screening Test (GST) na kinakailangan na malinang ang kakahayahang literasi sa pamamagitan ng interbension sa pagbasa, ang Mean Percentile score ay umabot sa 89.30% sa Fgham, 84.96% sa Filipino, 83.65%sa English at ang pinakamababa naman ay Mathematics ayon sa National Achievement Test (NAT). Ang maintenance on other operating expenses (MOOE) Allication and Utilization simula Q1-Q3 Calendar year 2023 ay umabot sa 57.71% (₱61.47440.41) sa kabuuan nq kung saan ang JHS ay 81.74% (₱3565604.29) habang and SHS naman ay 47.04% (₱2581836.12). Iniulat naman ang ibat-ibang gantimpala na nakuha ng paaralan gaya ng National Awardee sa DEPED Edtech Innovation Award 2022, Advanced level III of practice in School Based Management, Gawad Banwag Outsatnding School Learning Resource Management Center at iba pa, nakapagtala rin ng ibat-ibang gantimpala ang mga guro at mag-aaral na ipinagbunyi ng paaralan. Patuloy ang pagsusumikap ng paaralan na nagpalago ang dekalidad ng edukasyon at maibigay ang mga gantimpala mula sa ibat-ibang patimpalak sa pamumuna ni Gng. Curugan ay naipakita ang pagiging magiting ng ASNSH.

“No Tattoo Policy” mas hinigpitan ng paaralan Daphne B. Gepiga

P

atuloy na binibigyang-diin ng Agusan Del Sur National High School ang pagbabawal ng tattoo sa kadahilanang marami ang nahuhuling mga mag-aaral na mayroon nito at kadalasang sila ay kasapi ng isang gang. “Base sa Student Handbook ng ASNHS, ‘di talaga namin pinapayagang magkaroon ng tattoo ang mga estudyante, ngunit sa nangyaring pandemya na dahilan sa pagtigil ng faceto-face classes, ilan sa mga mag-aaral ay nagpa-tattoo bilang “self-expression”, ayon kay Supreme Student Government (SSG) Adviser, Arniño Divino L. Suat. Dagdag pa niya, sa pagbalik ng face-to-face classes ngayong S.Y. 2022-2023, maraming mga mag-aaral

na nahuling may visible tattoo at sila ay binibigyang aksyon ng paaralan sa pamamagitan ng pagpapunta sa Guidance office at pagpapirma ng Memorandum of Agreement na nagsasaad na hindi na sila magpapatattoo ulit. “Kailangan talaga nila yang takpan o lagyan ng make up kung papasok sila sa paaralan para hindi makita, at bilang respeto sa ating school policy at disciplinary measures” paliwanag ni SSG President Drix Nicolas Concepcion. Sa isinagawa namang pagsisiyasat ng Ang Lantao, 90% ng mga guro at 40% ng mga mag aaral sa nasabing paaralan ang sang-ayon sa “No

Tattoo Policy.” “Bilang isang student leader, hindi ko talaga hinihikayat yung mga estudyanteng gustong magpatattoo. Pinapaala ko sa kanila na mas bigyang halaga ang ating kinabukasan kaysa sa ating mga personal na kagustuhan ngayon.” dagdag pa ni Concepcion. Mensahi naman ng SSG advisor sa mga mag aaral na may tattoo at sa mga gustong mag pa tattoo, na oo your body your choice ngunit bilang nasa proseso pa kayo sa pag aaral kung pano maging independent sa buhay, kailangan nyo munang sundin ang mga polisiyang pinapatupad sa inyo dahil ito rin ay para sa inyong kapakanan.

Christine Hilary Joy Q. Mondejar EKIS-PRESYON. Maraming mga mag-aaral sa ASNHS ang namataan na mayroong mga tattoo sa kani-kanilang katawan bilang pagpapahayag ng kanilang sarili, ngunit ito'y labag sa mandato ng paaralan. Ang mga mag-aaral na mayroong tattoo sa panahon pa ng pandemya ay pinapalagda sa isang MOA bilang tugon dito.

Maagap na pagresponde ng ASSCERT, SARAS sa naaksidenteng mag-aaral, sinaluduhan ng karamihan

Elziede M. Alatraca

Mikhaella C. Garcia

M

abilis ang pagresponde ng Agusan del Sur National High School and Community Emergency Response Team (ASSCERT) at San Francisco Rescue Agusan del Sur (SARAS), sa pamumuno ni G. Gilbert Muanag sa pagrescue sa isang babaeng mag-aaral sa ikawalong baitang A-LIST-TO. Maagap ang pagresponde ng ng Agusan Del Sur National High School ASSCERT at ng SARAS nang maaksidente (ASNHS) na na-discolate ang tuhod, ika-25 ang isang mag-aaral mula sa ika-8 baitang. ng Nobyembre, alas Kwatro ng hapon. Hinangaan naman nang marami ang kanilang mabilis na aksyon at hinihiling na marami pa ang kanilang matutulungan sa hinaharap.

Marami ang nasiyahan sa maagap

na pagresponde ng ASSCERT at SARAS sa estudyanteng si Chloe Amparado Caducoy, mag-aaral ng Grade 8 Section Daisy, dahil agad itong na-rescue at hindi na masyadong napuruhan ang mag-aaral. Ayon sa tagapayo ng naturang estudyante na si Gng. Rodelyn S Cadao, “Tinanong ko siya kung ano ang nangyari, ang sabi niya sa akin, nakatayo lang daw siya sa may pintuan, nagcramp sandali ang paa niya, pagkatapos ay natumba na lang

siya bigla, ganun lang yung pangyayari… wala namang nangyaring habulan o kung ano, nakatayo lang talaga siya”, aniya. Matapos mailagay sa stretcher si Chloe ay isinakay ito sa Patient Transport Vehicle, pagkatapos ay dinala sa D.O Plaza Memorial Hospital, at sa ngayon patuloy na nagpapagaling ang nasabing etudyante.


TOMO 16 BILANG 1 AGOSTO 2022 - MAYO 2023

Patnugutan SY 2022-2023

Ed Ian Jay O. Baguio Punong Patnugot Elzeide M. Alatraca, Alysa Kate C. Parba, Dan Russel L. Guma, Louisse Danielle E. Cañete, Christine Hilary Joy Q. Mondejar, Christine Mae C. Buenaflor,

Jayson M. Poliran

Mga Mga Manunulat: Manunulat: Jhona Grace J. Barrete, Daphne B. Gepiga, Romil V. Cortina, Paulen R. Domin-eng, Mikhaella C. Garcia

Ronnel P. Rivas, Leomi Faith Z. Aligway, Jonah Shayne V. Asis,

Lysandra Kyle B. Quijada, Joseph Lenoel J. Barrete, Trixcy Joyce P. Lagura

Mardy D. May-as

Jasmine Loise C. Arroyo

Angelo M. Baylon

Princess Sophia P. Briones, Kent Chester C. Raya, Venz Neian Acierto, Djaharah Cyril Marie Ombajin, Mariel P. Rivas, Dane Marco E. Macas, Bernadette Apreal T. Bas, John Rodge Sevilla, Ateena Nichol S. Dalumpines, Rz Mattheus P. Caybot, Prince Lovenn C. Driz Riolyn B. Banlat School Paper Adviser Susan P. Palacat Filipino Department Head Baltazar R. Sausa Assitant Principal for SHS-Designate Marilou P. Curugan, DM-HRM Principal IV

LIHAM SA PATNUGOT Mahal na Patnugot,

P

Ito ang totoong sitwasyon sa mga pampublikong paaralan — marami ang kulang. Base sa National School Building Inventory noong 2019, nasa 167,901 ang kulang na klasrum sa buong bansa kung saan nasa mahigit P420-bilyon ang kinakailangan para matugunan ito. Nakaaalarma lang na patuloy pa rin itong problema sa bansa dahil ayon sa isinagawang survey ng Pulse Asia noong ika-17 hanggang 21 ng Setyembre, 2022, nasa 52% sa 1,200 respondents ang naniniwalang “lack of classrooms” ang dapat na mas pinagtutuunan nang pansin ng DepEd. Dagdag pa rito, 49% sa survey ang nababahala sa kakulangan ng school learning resources tulad ng libro at kompyuter. Nakalulungkot mang isipin, ngunit iniulat ni Melvin Gascon ng Philippine Daily Inquirer nitong unang araw ng Mayo, nasasangkot ang DepEd sa korupsyon kaugnay sa P2.4-bilyon na budget para sa mga laptops na ipamimigay sana sa mga guro na

Pagbabago

Matagal na pong kinikimkim ng aking sarili at ng aking mga kaklase ang patuloy na problema na kinakaharap namin bilang mga estudyante patungkol sa overcrowded na mga canteen tuwing recess time simula nang magbukas ang face to face classes. Ako po ay isang estudyante mula sa Grade 11. Malapit naman kami sa main canteen ng paaralan ngunit hindi pa rin kami nakabibili nang maayos dahil sa tuwing binibitawan kami ng aming guro sa pangalawang asignatura kada araw ay punongpuno ng mga mag-aaral dito at nauubos lamang ang aming 15 minutong-break sa pakikipagsiksikan. Maliban dito, hindi rin nasusunod ang social distancing dahil halos sabay-sabay na nagsisidatingan para bumili ang mga estudyante mula sa Junior at Senior High School. Umaasa kami na sa pamamagitan ng liham na ito ay maipadala ang aming hinaing sa nakatataas na opisyal ng paaralan.

Nabasa namin ang inyong sulat at ikinagagalak naming matanggap ang inyong mensahe. Sa kasalukuyan, wala pa tayong solusyon dahil nga dalawa lang ang ating school canteen at alam naman natin na tumaas na ang ating populasyon dito sa paaralan kaya nagsisiksikan talaga kapag oras na ng recess. Huwag mag-alala, ang inyong hinaing ay ipaaabot namin sa kinauukulan upang agad na matugunan.

nakabatay sa Republic Act 11499 o ang “Bayanihan to Recover as One Act.” Ngayong balik face-to-face na ang mga paaralan, makikitang nagpupursige talaga ang bawat magaaral na makamit ang isang de-kalidad na edukasyon. Subalit, mabigat na pasan sa kanilang likuran ang mga pamantayan na itinatakda ng kagawaran sa tuwing magsasagawa nang ebalwasyon tulad ng SBM Water and Sanitation Hygiene (WASH) in Schools (WiNS) sa mga institusyon. Kabilang na rito ang dapat magkaroon ng resting area sa loob ng silid-aralan na mas nagpapasikip at nagpapainit dahil sa mahigit 45 na estudyante ang nasa isang klasrum at kulang pa ang mga functional electric fans na nakakabit dito. Hindi naman lahat ng klasrum ay may sariling telebisyon para sa pagtuturo, o magkahiwalay na banyo para sa lalaki at babae, at mga hygienic kits ng mga estudyante na hinahanap nila. Kung susumahin, napakalaking pakinabang ang palaging pag-monitor sa kalagayan ng bawat institusyon. Gayunpaman, tila nakawawalang gana sa bawat guro at mag-aaral na tumalima sa kanilang mga pamantayan dahil umaalma sila na dapat ang gobyerno ang mismong naghahanap ng pondo at solusyon sa mga problema sa mga paaralan at hindi sila. Nangahuhulugan lamang ito na panahon na para tuldukan na ang DI-KALIDAD na sistema upang ating tunay na maabot ang DE-KALIDAD na edukasyon.

education" at makapagpadala ng mga job-ready at globally-competitive graduates. Sa panahon pa ng administrasyong Benigno Aquino III ay binabatikos na ang K to 12 program. Ayon sa artikulo na inalabas ng ANAKBAYAN-University of the Philippines Los Baños noong 2012, isa itong “anti-mamamayan at makadayuhan.” Lalo lamang daw itong nagpapahirap sa mga magulang. Nakababahala para sa maraming pamilya na sa katatapos lamang na pandemya at patuloy na pagsipa ng piso kontra dolyar ay patuloy pa rin ang pagpapatupad ng kurikulum.

Kritikal + 10 + 2 Ed Ian Jay O. Baguio

Sumasainyo, Tina Kantina

Mahal naming Tina,

'Di Kalidad

atuloy ang mga isinasagawang ebalwasyon at inspeksyon ng kagawaran ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan. Bilang pagsunod ng mga institusyon sa mga mandato ng pamunuan para makapagbigay ng “kalidad” na edukasyon, naging abala ag mga guro at mag-aaral sa paglilinis, pagpipintura, at pagpapalit ng mga instructional materials at mahahalagang kagamitan. Ngunit hinaing nila sa loob mismo ng mga silid na sa kabila nang kagustuhang maisakatuparan ito ay hindi sapat ang pondo na ibinibigay ng gobyerno para rito.

Mapagpalang araw po.

EDITORYAL

06 Editoryal

M

akalipas ang ilang taong implementasyon ng K-12 program, nagsulputan ang iba’t ibang panukala na baguhin o rebesahin ang kasalukuyang kurikulum. Ayon kay VP at DepEd Sec. Sara Duterte na ang K to 12 ay "not for all" kaya kinokonsidera ng gobyerno ang mungkahi na gawin itong "K + 10 + 2" kung saan ang pag-aaral sa Senior High School (SHS) ay voluntary na lamang. Binabago nito ang mga probisyon na itinakda ng Republic Act 10533 o ang "Enhanced Basic Education Act of 2013." Subalit, nangahuhulugan lamang ito na ang mga namamahala mismo ay hindi kumbinsido na epektibo ang pagpapatupad ng kontrobersyal na K-12 program na makamit ang "quality

Pahayag naman ni Sen. Nancy Binay nitong Abril, 2023 na kinakailangan nang magkaroon ng masusing pagsusuri kaugnay sa kasalukuyang kurikulum dahil base sa report ng Comission on Human Rights (CHR), tagilid ang mga new K to 12 graduates sa usaping “soft skills at job readiness.” Ito ang dahilan kung bakit naitatag ang Congressional Commission on Education (EDCOM) upang mas mapagaralan ang kurikulum sa loob ng tatlong taon. Maliban pa rito, ang mas nakababahala pa ay ang hindi sapat na budget, kulang na mga classroom at pasweldo sa mga guro na may malaking epekto sa pag-aaral ng bawat magaaral. Kahirapan at hindi maayos na sistema ang problema kung bakit nahihirapang makausad ang bawat estudyante sa pagtamasa ng edukasyon. Habang patuloy ang pagbabago o pagrerebisa sa kurikulum ay lalong nagiging kritikal ang kalagayan ng ating sistema sa edukason.


07 Editoryal

Ligtas sa Kalamidad Jonah Shayne V. Asis

N

akalulunos ang sinasapit ng mga mag-aaral at guro na lumulusong sa baha para pumasok dahil sa mabagal na pagsuspinde ng mga klase. Naglabas ang Kagawaran ng Edukasyon ng D.O. No. 37, s. 2022 o ang “Guidelines on the Cancellation or Suspension of Classes and Work in schools in the Event of Natural Disasters, Power Outages/Interruptions, and other Calamities.” Subalit, hindi ito nasusunod ng ilang Local Government Units (LGUs) dahil ang kadalasang nangyayari ay inaantay pa nilang tumaas ang tubig kahit malakas na ang ulan.

S

a pagbabalik ng full f2f classes, abala ang mga paaralan sa pagpapatupad ng mga utos mula sa nakatataas na opisina. Inilabas ni VP at Education Sec. Sara Duterte ang Department Order No. 49, s. 2022 — Amendments to D. O. 47, s. 2022 o “Promotion of Professionalism in the Implementation and Delivery of Basic Education Programs and Services”. Ipinalawig din ang AntiBullying Policy alinsunod sa Republic Act 10627 o ang Anti-Bullying Act of 2013, habang maraming organisasyon ang nabubuo sa loob ng paaralan. Sa kabila ng mga programa na nailalabas ng departamento, ang mga totoong problema sa loob ng paaralan ay natatakpan dahil hindi naman talaga nasosolusyonan. Ayon kay VP Duterte, ang paglilimita sa interaksyon ng mag-aaral at guro ay mabisang hakbang para maiwasan ang posibleng krimen sa loob at labas ng kampus. Iniuugnay ito sa kasong sexual harassment na kinasasangkutan ng anim na school personnel sa Cavite. Itinataguyod ang Anti-Bullying Policy sa paaralan upang mapigilan ang lumulubong kaso ng pang-aapi. Sa kabilang dako, ipinapatupad ng EcoSaver Club ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) ang No Single-Use Plastic Policy. Subalit, kailangan ng mga mag-aaral na makipaghalubilo sa kani-kanilang mga guro kahit pa sa social media lalo pa’t hindi sila natututukan lahat araw-araw dahil sa dami ng populasyon, at kulang na klasrum at reading materials. Lalong mahihirapan ang mga estudyante na kumausap sa kanilang mga guro tungkol sa mga personal na problema lalo na kapag nabiktima ng pambu-bully. Dagdag pa rito, bawal ang mga single-use plastic ngunit patuloy na problema ang basura dahil may naiibenta pa ring mga assorted na pagkain.

Handang pagsasanay Leomi Faith Z. Aligway

Plastikan

Nakapaloob sa utos ng DepEd na kailangang ipatigil ang klase at trabaho sa paaralan tuwing maglalabas ng babala ang PAGASA ng Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) 1 - 5. Lahat ng pasok sa K-12 at Alternative Learning System (ALS) ay kinakailangang “automatically cancelled” kung may flood warning na. Kapaki-pakinabang sana ang agarang pagkansela ng klase sa oras ng kalamidad para makaiwas sa abala at disgrasya.

Aksyon

Tugon

TOMO 16 BILANG 1 AGOSTO 2022 - MAYO 2023

Bandang alas 8:10 ng umaga nitong ika-5 ng Disyembre nang nagpadala ng Emergency alert text message ang NDRRMC na nasa Orange Rainfall warning na ang Agusan del Sur, ngunit bago pa man ito ay nakararanas na nang matinding pagbaha ang iilang lugar sa nasabing probinsiya lalo na sa mga lugar na nasa paanan ng Mt. Magdiwata. Masidhi man ang naging karanasan, ngunit napilitan pa ring pumasok ang mga mag-aaral ng San Francisco, Agusan del Sur dahil huli nang nagpalabas ng deklarasyon ang LGU nito kaugnay sa suspensyon ng mga klase sa lungsod. Seguridad at kapakanan ng mga kabataan ang dapat tutukan. Mas makasisiguro sana tayo sa kaligtasan nila kung ang mga namamahala sa lokal na pamunuan ay agarang nakabantay sa banta ng kalamidad at may konkretong plano para maiwasan ang maaaring maidulot nitong kapahamakan.

Order

Kalihim Joseph Lenoel J. Barrete Sa katunayan, umaasa nalang ang mga estudyante sa mga pdf modules na nakapaloob online dahil sa kakulangan ng suplay ng libro at reading materials. Hindi naman sapat ang mga naka-assign na guidance counselors para maipalawig ang pagpapatupad ng Anti-Bullying Policy lalong-lalo na sa mga over-populated na pampublikong paaralan. Napipilitan din sila na magsunog ng mga basura mula sa mga ginamit ng bawat klasrum. Kaunlaran man sa edukasyon ang hangad ng mga ipinapatupad na patakaran at programa ng kagawaran ay labis na nakadidismaya para sa mga guro at mag-aaral ang pagtatago sa likod ng maskara ng mga namamahala at pagiging tikumbibig sa mga totoong kalbaryo sa likod ng itinataguyod na “makatarungan, payapa, at malinis” na paaralan.

N

asyonalismo, patriyotismo, pambansang depensa at paghahanda sa anomang sakuna ay kabilang sa mga dahilan kung bakit kasalukuyang itinutulak ng mga opisyal ng gobyerno na ibalik ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) para sa mga mag-aaral sa Senior High School (SHS) maging sa Junior High School (JHS). Ngunit, ang pagkakaroon nito sa isang paaralan ay parehong mabuti at nakasasama. Sapagkat, sa pamamagitan ng pagsali dito ay marami kang makukuhang panibagong kaalaman na maaari mong gamitin sa pagpapaunlad ng lipunan. Dagdag pa rito nararapat lamang na magkaroon ng istriktong ordinansa ang pamahalaan upang maprotektahan ang programa na ang layunin lamang ay mapabuti ang bayan. Ang pagpapanatili o ang pagtigil ng ROTC ay isang malaking pinagtatalunang isyu sa bansa. May mga sumusuporta at may mga oposisyonista rin na parehong may makabuluhang datos na pinagbabatayan kung bakit nararapat itong ipagpatuloy o mas mabuting tanggalin na lamang nang tuluyan. Gayunpaman, nararapat na bigyang pansin ang mga nakararanas, nagdudusa at nagtitiis dahil dito. Ito man ay may negatibo o positibong epekto, nagtataglay pa rin ito ng malaking parte sa ating lipunan.

Nababasurang Solusyon Daphne B. Gepiga

T

one-toneladang basura ang nalilikom arawaraw sa kabila nang inilabas na National Solid Waste Management Commission (NSWMC) Resolution No. 1363, s. 2020 na nag-uutos sa pagpababawal sa paggamit ng mga single-use plastic. Batay sa calrecycled.com, nasa 0.75 million metric-ton ng mga plastik na basura ang nakokolekta kada taon kung saan ang 50% dito ay mula sa mga paaralan. Nakababahala man, ngunit hindi pa rin sapat ang ginagawang hakbang ng gobyerno upang masolusyonan ito. Layunin ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) na makontrol ang basura at kalinisan sa loob ng kampus. Kaya naman, inanunsyo ng institusyon nitong ika-23 ng Nobyembre, 2022 ang pagbabawal sa pagbenta o paggamit ng plastic water bottle, plastic straws, plastic spoons, cellophane at food wrap sa loob ng paaralan. Gayunpaman, patuloy pa rin na balakid ang pagdami ng mga plastik na basura sa kabila ng ipinapatupad na single-use plastic ban. Kasabay nito, madalas ding naiipon ang mga paper wastes mula sa bawat klasrum at wala nang kumukolekta dito kaya napipilitan ang mga magaaral na dalhin ito sa kani-kanilang mga bahay. Sa kabuuan, laking galak nang inanunsyo ang pag-ban ng single-use plastic waste sa bawat paaralan, dahil naitala na ang ating bansa ay pangatlo sa pinakamalaking nagbibigay o nagaambag ng plastic na basura sa buong mundo. Nakatutulong ang anunsyong ito sa ating maganda at malinis na kapaligiran, kaya marapat lamang na disiplinahin ang sarili at iwasan ang pagiging sutil na magtapon ng plastik o cellophane kahit saan, dahil tayo lamang ang maaapektuhan nito. Kaya ang panibagong solusyon ay suportahan. Sa kabuuan, nakapanghihina ng loob na hindi talaga matapos-tapos ang suliranin patungkol sa basura na kahit sa mga paaralan ay pinoproblema ito. Alam natin na ang disiplina sa sarili ay ang tanging paraan upang matuldukan ito ngunit paulit-ulit lamang nababasura ang solusyong ito.

Kasabay nang pagnanais ng mga mamamayan na mapabuti ang lipunan, nais ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na gawing mandatory muli ang ROTC na makalipas ang ilang taon ay naging elective. Sang-ayon naman si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. dito bilang bahagi ng legislative agenda na iniharap niya sa Kongreso sa kanyang July 25th State of the Nation Address (SONA). Hinimok niya ang pag-apruba sa isang panukalang batas na gagawing requirement ang ROTC para sa mga estudyante sa baitang ng SHS. Subalit, ang ROTC ay may kasaysayan ng pangaabuso at panliligalig. Ang mga opisyal na nararapat umintindi at handang tumulong sa mga baguhan ay nagmamalupit, nagpapahiya at walang ginawa kung hindi labagin ang kanilang mga karapatan at pilit na binabali ang kanilang sinumpaang katapatan. Inaasahan na ang ROTC ay gagabay at hahasa sa kanilang mga kakayahan para sa kanilang sarili, lalong-lalo na sa ating bayan. Makatarungan lamang ang pagkakaroon ng ROTC sa bansa, ngunit nararapat na huwag itong abusuhin. Kinakailangan na maituro sa kanila ang mga pagpapahalaga ng pagkamamamayan, pamumuno, at pagiging mabuting mamamayan na hindi naapakan ang kanilang pagkatao.


08 Editoryal Bata po ako

Malayang Bata, Hindi Manggagawa Ronnel P. Rivas

S

a pagtaas ng mga presyo ng pamilihin at paghina ng piso laban sa dolyar, maraming mahihirap na pamilyang Pilipino ang mas lalong naghihirap. Base sa pinakahuling tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 872, 000 o 2.8% ng kabuuang 31.17 milyong kabataang Pilipino na nasa edad 5 hanggang 17 sa taong 2020 ang nagtatrabaho. Dahil dito, nanganganib ang kinabukasan ng mga kabataang napipilitang maghanap-buhay at isinasantabi nalang ang oportunidad na makapag-aral.

N

akaririmarim isipin na ang mga biktima pa ng pambabastos at panggagahasa ang madalas na nakikita, nasisisi, at may kasalanan. Sa inilabas na datos ng Philippine National Police (PNP) noong Agosto 2022, umabot sa 149 ang kaso ng rape kung saan kadalasan sa mga naging biktima ay bata at kababaihan. Mahirap isipin na kapag sila ay nangatwiran ay napapagalitan, ‘di alam ang gagawin at nagiging sunud-sunuran dahil ayaw man lang pakinggan. Sa kabilang dako, maagap namang inaksyunan ng Kagarawan ng Edukasyon ang mga reklamong natatanggap kaugnay sa sexual assaults na namumuo sa loob ng mga paaralan. Lubusan din ang pagpapalawig sa Republic Act 11313 o ang Bawal Bastos Law para mas maprotektahan ang bawat isa mula sa mga pambabastos. Sa kabila nito, nagsusulputan pa rin ang mga genderbased sexual harrassments kabilang na ang catcalling na nakapagdudulot ng matinding pangamba. Ang mas nakalulungkot pa rito ay ang itinuturong "kasuotan at pang-aakit" ng biktima lalo na ng mga babae bilang dahilan umano kung bakit sila nababastos at nagagahasa. Ayon naman sa Food Nutrition and Resarch Institute’s health survey, nasa 15% ng kabataan edad 10-19 ang naitalang lulong sa alak at inuman. Nakaaalarma ito sapagkat dito madalas nagsisimula ang mga krimen na nangyayari sa bansa. Marami naman ang makikitid ang isip na kapag nalasing ay nagiging mapang-abuso lalong-lalo na sa mga bata at kababaihan.

Alinsunod sa Republic Act No. 9231 o ang “Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination Act”, ang child labor ay ilegal at ipinagbabawal. Layunin ng batas na ito na protektahan ang karapatan ng mga kabataan na mailayo sa kapahamakan na maaaring maidulot ng pagtatrabaho sa murang edad.

In or Out

Sa ilalim ng Department of Labor and Development (DOLE), naitatag ang Child Labor Prevention and Elimination Program upang maidulog sa bawat indibidwal at maisulong ang kampanya laban sa child labor. Subalit, nakalulungkot isipin na malaking bilang pa rin ng kabataan ang nagiging manggagawa. Sa inilabas na artikulo ng alliance.87.org na “Understanding Child Labor Statistics”, nasa mahigit 160 milyon ang child laborers sa buong mundo simula noong 2016. Nakapanlulumo man, ngunit ayon sa United Nations Children Funds (UNICEF), nasa 79 milyon dito ang nasa “hazardous work”. Naisakatuparan naman ang “livelihood assistance to parents of child laborers” ng DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP). Naglaan ang departamento ng P580,000 na tulong pinansyal sa mga magulang ng mga narescue na child laborers na magsimula nang mapagkakikitaan. Sa kabilang banda, napakalaking balakid para sa mga kabataan ang krisis sa ekonomiya. Ayon sa PSA, sumipa sa 8.0% ang inflation rate sa Pilipinas nitong Nobyembre 2022. Bumaba naman ang employment rate mula sa 94.8 % sa buwan ng Hulyo at 94.7 % sa Agosto. Sinasalamin nito ang mga pagsubok na kinakaharap ng kabataan na nag-uudyok sa kanila na magtrabaho at maging out-ofschool youth. Lubhang apektado ang mga kabataan na kabilang sa mahihirap na pamilya at napipilitang magtrabaho kung saan ang pagtamasa ng edukasyon ay nadedehado. Magiging mas matagumpay ang mga kabataan kapag may sapat na solusyon ang pamahalaan sa pagsugpo ng kahirapan. Karapatan ng bawat kabataan na magkaroon ng akses sa pagkatuto at maging malaya; hindi sila karapat-dapat na maging bilanggong manggagawa.

TOMO 16 BILANG 1 AGOSTO 2022 - MAYO 2023

Lakas na Makaaangat Alysa Kate C. Parba

S

a gitna ng isyung pang-ekonomiya sa Pilipinas, marami sa mga kabataan ang hindi nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral. Ayon sa US Agency for International Development (USAID), nasa mahigit 3 milyon na Pilipino edad 16 hanggang 24 ang kabilang sa Out of School Youth (OSY) o hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Sa kabila nito, marami pa rin ang umaasa sa nag-aalab na lakas ng kabataan na magiging kapakipakinabang sa ating bayan. Nakipagtutulungan naman ang US government sa 900 employers at 40 educations at training institutions

L

ungkot isipin na naging malaking pasanin ng mga kabataan ang nanganganib na mental na kalusugan. Base sa tala ng World Health Organization (WHO), nasa edad 13 hanngang 17 ang madalas na nahahantong sa pagkitil sa sariling buhay. Ang mas nakaaalarma pa rito ay nahihirapan silang magsumbong ng nararamdaman dahil sa takot na mabalewala lang din ito. Kasabay ng pagpasok ng blended learning, inatasan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng paaralan na makilahok sa “National Mental Health Week” na nakasaad sa DepEd Order no. 34, s. 2022 o ang “School Calendar and Activities for School Year 2022-2023.” Sa pamamagitan nito, inaasahan na mas mapagtutuunan nang pansin ang kapakanan ng mga mag-aaral pati na ng mga guro. Subalit, hindi maitatanggi na isa ang mga tambak na gawain sa akademiks sa mga nagpapahirap sa mga estudyante. Nagpapalala pa rito ang mga pambu-bully at diskriminasyon na kanilang nararanasan sa loob mismo ng paaralan.

Babae blues

Sisi Lysandra B. Quijada

Maliban sa pagpapatibay ng mga programa ng pamunuan sa pagtuturo ng Basic Martial Arts bilang self-defense o kung paano protektahan ang sarili, kinakailangan ding magkaroon ng masusing imbestigasyon laban sa mga nambabastos at nanggagahasa. Kinakailangan na maisaalang-alang ang kapakanan at nararamdaman ng mga naging biktima nito sa halip na ibunton sa kanila ang nangyari. Nakababahala ang patuloy na estigma ng victim-blaming na nakabalot na sa ating lipunan. Ang hindi maintindihan ng ilan ay may nababastos dahil may nambabastos at hindi dahil ginusto nila ito. Sila ang biktima at ang sisihin sila sa nangyari ay hindi makatarungan.

upang maisakatuparan ang “opportunity 2.0” nito na naglalayong matulungan ang 180,000 OSY sa ating bansa. Sa pamamagitan nito, maglalaan ng P1.9 bilyon na pondo ang USAID para mapagkalooban ng iba’t ibang oportunidad ang mga kabataan na hindi makapag-aral. Napakalaking tulong nito, ngunit nakababahala ang patuloy na pagtaas ng implasyon na ayon sa rappler. com ay sumipa na sa 8.7 posyento sa buwan ng Enero 2023. Nasa 9.7 porsyento naman ng mga Pilipino ang kabilang sa 30%-income household o pamilya na may mababang kita. Dagdag pa rito, inilabas ng Department of Education (DepEd) na nasa halos 4 milyon na mag-aaral ang hindi nagpatuloy sa taong panuntunan 2020-2021. Base naman sa 2016 Annual Poverty Indicators Survey (APIS) ng Philippine Statistics Authority (PSA), 20.2 porsyento ng mga itinuturong dahilan nito ay ang ‘high cost of education’ at ‘financial concerns’. Nakasalalay sa ating pamahalaan ang kinabukasan ng ating kabataan. Ang patuloy na pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin at ang lumalalang kahirapan ay nagpapahirap sa kanila na makamit ang mga pangarap. Gayunpaman, ang bagong henerasyon ng mga Pilipino ay hindi susuko na ibandera ang lakas bilang kabataan at nakasisiguro tayo na sila ang mag-aangat sa ating bayan.

Isip, isipin

Saloobin bigyang pansin Elzeide M. Alatraca Mahalagang nakatitiyak tayong nasa mabuting kondisyon ang mental na kalusugan ng ating mga mag-aaral, guro, o kahit ninuman. Buhay ang nagiging dehado kung hindi agad naaagapan ang problemang ito. Kinakailangan na maging sensitibo sa mga sinasabi at ginagawa; bigyang pansin ang saloobin.


09 Editoryal Pagkilos

Pumapaligid sa silid Christine Hilary Joy Q. Mondejar

N

angangailangan ng P419 bilyon na pondo ang Kagawaran ng Edukasyon upang matugunan ang kakulangan ng mga silid-aralan at upuan sa mga paaralan, kabilang na dito ang Agusan del Sur National High School (ASNHS). Hindi sapat ang mahigit kumulang 150 na silid para sa mas komportableng pagaaral ng 7, 710 na estudyante ng paaralan. Nakaaawang matunghayan ang mga mag-aaral na nahihirapang makapag-pokus sa kanilang pag-aaral dahil dito. Malaking hamon para sa DepEd ang kakulangan ng bilang ng mga silid-aralan sa paaralan lalo na at maiuugnay ito sa pagbabalik ng face-to-face classes. Ayon sa pahayag ni Angel Lobog, isang mag-aaral sa ASNHS, nakababagabag daw sa pag-aaral ang

S

a kakayahang magsulat, magbasa, at umintindi ng mga mag-aaral naisasalamin ang iba’t ibang paaralan, kabilang na ang Agusan del Sur National High School (ASNHS). Sa kabuuang lebel sa Pagbasa at Komprehensyon ng mga mag-aaral sa Junior High School (JHS) dito ay mayroong 3,217 bilang ang nasa Malaya (independent), 1,054 sa Pampagkatuto at 682 sa Pagkabigo (frustrated readers). Nakapangangamba na malaking bilang pa rin ang nangangapa sa pagkatuto na maaaring makaapekto sa kanilang kinabukasan. Sa kabila nito, isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na antas ng literacy sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN). Ayon naman sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa ilalim ng Functional Literacy, Education, Mass Media Survey (FLEMMS) noong 2019, nasa 91.6 porsyento ng mga Pilipino na edad 10 hanggang 65 taong gulang ang ‘functional literate’. Subalit, nasa anim na milyong Pilipino pa rin ang hindi marunong bumasa at sumulat base sa survey. Batay naman sa datos ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2018, 1 sa 4 na mag-aaral ang nahihirapan sa pagbabasa. Matinding hamon ito para sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) lalo na at maisasalamin ito sa pagbalik ng face-to-face classes. Ayon naman kay Gng. Judy Cordero, isang guro sa ASNHS-JHS, mayroong mga reading materials mula sa manwal ng Philippine Informal Reading

Bata pa ako

TOMO 16 BILANG 1 AGOSTO 2022 - MAYO 2023

kakulangan ng silid lalo na at nakaaapekto ang "atmosphere" sa pag-iintindi ng mga aralin dahil na rin sa mainit na panahon ngayon. Aniya, nakaaabala rin ito sapagkat kailangan pa nilang magdala ng extra T-shirt dahil sa pagsapit ng tanghali ay hindi maisasalaysay ang natatamasang matinding init. Gayunpaman, tiniyak ng DepEd na nakahanda ang ahensiya upang matugunan ang problemang pampaaralan na ito para mas maging komportable ang mga mag-aaral at guro. Ginawan naman ng pansamantalang solusyon ng ASNHS ang mga kakulangang ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga silid-aralan na gawa sa amakan. Binibigyan naman ito ng halaga ng mga estudyante, ngunit hindi maiiwasan na ang ilang mga estudyante ay magreklamo dahil dito. Sa paglalaan nang sapat na pondo sa sektor ng edukasyon at sa tamang pangangasiwa sa paggamit nito ay tiyak na masosolusyonan ang problemang hinaharap ng paaralan. Kinakailangan ding maging transparent ang mga kinauukulan lalo pa’t mayroong taunang binabayarang PTA fees ang mga estudyante. Nakatutok ang mga paaralan sa pagre-resolba ng mga kasalukuyang suliranin na kinakaharap sa larangan ng edukasyon ngunit ang kakulangan nang sapat na mga silid-aralan at upuan ay patuloy na dagdag pasakit. Kinakailangan talagang maaksyunan kaagad ang mga nagpapahirap sa mga estudyante lalo pa’t ang edukasyon ay pumapaligid.

Literate

Pagbaba sa pagbasa Angelo M. Baylon Inventory (Phil-IRI) na ginagamit ng paaralan sa pagsusulong ng pagtatasang may kaugnay sa pagbasa at komprehensyon na isinasagawa tuwing biyernes. Pahayag din ni G. Juvanie Pontillas, isang guro sa senior high school, “Sa kasalukuyan, puspusan ang paghahanda ng mga guro upang maagapan ang learning gap na nangyayari sa mga mag-aaral.” Bahagi sa tungkulin ng pamahalaan at ng mga paaralan na siguruhin ang pagkatuto ng bawat kabataan. Kinakailangan na matuto ang mga nasa kinauukulan na basahin ang mga dahilan kung bakit mababa ang komprehensiyon ng maraming kabataan. nakaaalarmang balitang ito ay hindi solusyon ang pagkukulong sa kanila upang masolusyonan ito. Nakasaad sa Artikulo 37 at 40 ng Convention of the Rights of the Child (1989) na ang pagkukulong sa mga bata ay hindi hinihikayat. Ayon sa United Nations Children’s Funds (UNICEF), mahigit 1-milyong kabataan sa buong mundo ang nailalagay sa juvenile facilities na nagiging sanhi ng kanilang mga psychological at emotional trauma.

Deliquent Princess Sophia B. Briones

S

a lumalalang kahirapan, nasa 11,324 insidente ng krimen ang kinasangkutan ng mga menor de edad noong 2018, ayon sa Philippine National Police (PNP). Kaya naman, naipasa sa ika-17 na Kongreso ang House Bill 002 o ang panukalang nagbababa sa criminal liability sa 12 taong gulang. Sa kabila nang

Base naman sa inilabas na datos ng National Economic and Development Authority (NEPA), nasa 18.1% ang itinaas ng poverty incidence noong 2021. Masakit mang isipin, ngunit kahirapan ang pangunahing dahilan kung bakit kumakapit sa patalim ang ilang mga kabataan. Kaya, dapat na maging kasangga ng ating bansa ang mga magulang na tulungang makabangon ang naghihingalong lipunan para sa kabataan. Kinakailangan na mas maitatag ang “diversion at restorative justice” kaysa sa batas na mag-uudyok sa kanila tungo sa bilanggong kinabukasan.

Bulgaran

Oo, hindi pwede Jayson H. Poliran

T

alamak na sa kabataan ang pagmumura at paglalapastangan o profanity kahit nasa loob ng paaralan. Unti-unting nababalewala ang Core Values dahil dito na ayon sa Republic Act No. 8491 ay dapat taglayin ng bawat Pilipino. Nakalulungkot na ang pagiging makatao at maka-Diyos ay nalimot na sa panibagong henerasyon. Kalakip sa pagiging makatao ang hindi manakit ng kapwa sa anomang paraan, maging pisikal, mental o emosyonal man. Sa nauugaling pagmumura at paglalapastangan ng mga taong sinasanay ito, nakasasakit na sila ng damdamin partikular na ng mga taong itinuturing na mali at kasalanan ang profanity. Sa kabila nito, pinabulaanan naman ito ng mga nagmumura na may karapatan silang maipahayag ang kanilang damdamin. Nakapagbibigay din umano ito ng satispaksyon matapos silang makapagbahagi ng kanilang nararamdaman o makapagmura lalo na sa tuwing nagiging emosyonal sila. Nagiging paraan lamang ito ng ekspresyon bilang likas na mga nilalang. Sa kabilang dako, kalakip sa pagiging makatao na dapat maging sensitibo tayo sa ating kapwa kung ano ang maaari niyang maramdaman bunga ng ating mga gawa at pananalita. Nangangahulugan lamang ito na ang paggamit ng karapatan sa pagkakaroon ng kalayaan sa pananalita at ekspresyon ay may limitasyon lalong lalo na’t hindi lahat ng tao ay may pare-parehong antas ng pagkasensitibo. Sabi pa nga nila, na-normalize na ng karamihan ang pagbitaw nang mapanakit na mga salita na para sa iba ay biro lang. Patok rin sa mga kabataan ang Social Media na minsang nagiging lugar din ng mga paglalapastangan at palitan ng mga pahayag na nakapananakit sa kapwa. Kitang-kita na sa kahit saang lugar ay talamak ang nagmumura, namumura, at paglalapastangan. Nakapagbigay bahala ito na tuluyan nang makalimutan at maisabuhay ang pagiging maka-Diyos at makatao nating mga Pilipino. Sa pangkalahatan, ang pananakit sa kapwa gamit ang pagmumura at paglalapastangan ay nararapat lamang na matigil. Sikapin sana na masanay ang bawat isa sa kung paano mamuhay nang may takot sa Diyos at pakialam sa kapwa. Kinakailangang mas pairalin ng pamahalaan maging ng Department of Education (DepEd) ang mga programang makatutulong na maibahagi at maituro sa mga mag-aaral ang Core Values. Kinakailangan na magkaroon ng aksiyon na naglalayong maaari pa ring maipahayag ng isang indibidwal ang kaniyang emosyon, damdamin at saloobin nang walang nasasaktan at natatapakang karapatan ng kanilang kapwa sapagkat kahit bali-baliktarin man ang mundo, ang mali ay mali at ang pagiging palamura at mapaglapastangan ay oo, hindi pwede.


10 Editoryal

Batang Giliw

E

dukasyon ang unang nadedehado sa lumulubong kaso ng teenage pregnancy. Mabuti nalang at tugon ng Republic Act No. 7910 o ang Magna Carta for Women para sa mga adolescent mothers na mabigyan sila ng oportunidad na makapagpatuloy pa rin sa pag-aaral. Hindi nararapat na matanggalan ng pagkakataon ang kabataan na makatamasa ng kaalaman mula sa paaralan sa kabila nang maagang pagkabuntis.

Patuloy Christine Mae C. Buenaflor

Nagsasagawa naman ang Department of Education (DepEd) ng mga symposium at Comprehensive Sexual Orientation kung saan nabubuksan ang isyung ito sa mga kabataan. Sa pamamagitan nito, matututuhan nila kung paano maiwasan at malampasan ang teenage pregnancy. Maliban dito, bukas din ang Blended Modular Learning Modality na inaalok ng kagawaran sa mga mag-aaral na maagang nabuntis. Sa paraan na ito, mababantayan nila ang kanilang anak habang nag-aaral at makaiiwas rin sila sa mga pangungutya at pambu-bully ng mga kaklase na alam nating talamak sa ganitong mga kaso. Dagdag pa rito, patuloy namang nagkakaroon ng counseling mula sa mga opisina ng guidance ng paaralan para ma-monitor pa rin ang kalagayan at pag-aaral ng mga kabataang maagang nabuntis. Sa Agusan del Sur National High School (ASNHS), ginagamit ang flag ceremonies bilang pagkakataon na mapaalalahan ang mga mag-aaral tungkol sa pinsala sa buhay na naidudulot ng teenage pregnancy. Sa pamamagitan ng mga batas na nailalabas ng pamahalaaan at mga inisyatiba ng mga insitusyong pang-edukasyon, napoprotektahan ang karapatan ng mga kabataan lalo na ang pag-aaral ng mga batang ina. Hindi hinihikayat ang maagang pagbubuntis, ngunit hindi ito rason upang matanggalan sila ng karapatang makapag-aral. Nararapat lamang na pagtuunan nang pansin ang edukasyon ng mga adolescent mothers dahil magiging maayos ang kanilang buhay at mas kapaki-pakinabang din sa lipunan kung patuloy ang kanilang pagkatuto.

Gender Power

Ayon naman sa ulat ng Philippine Daily Inquirer, nananatiling "male-dominanated" ang larangan ng Science,Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) sa buong mundo. Iwasan man nating balewalain ito, ngunit nakakabit na sa isipan ng ating bansa ang "gender sterotype".

Hindi naman maikakaila na ang lakas at katatagan ng mga babaeng Filipina ay nangingibabaw sa buong Dan Russel L. Guma mundo. Pinakasikat sa aaabuso at namamaliit ang mga kababaihan sa listahan ang unang Pilipinong nagkamit ng gintong medalya anomang panahon at larangan. Base sa Civil Service Commission (CSC) Resolution No. 01-0940 sa olympics para sa Pilipinas na si Hidilyn Diaz. Dagdag pa o ang Administrative Disciplinary Rules on Sexual Harassment Cases, ‘gender-bias’ ang pangunahing rito, base sa facebook post ng DepEd, kinikilala si Audrey Pe dahilan ng karahasan at diskriminasyon sa mga na nagtaguyod ng Women in sektor ng lipunan. Sa patuloy na patriyarka, Technology o Witech, Madmalaking pangamba na maging bitag na rin eleine Rodriguez at Gabby ang mga kabataan sa hawla ng mga takot sa Llanillo na mga game develkakayahan ng kababaihan. oper sa sequel ng PlayStation game na “The Last of Us” Inaprubahan noong 2009 ang Republic Act No. mula sa Naughty Dog Studios, 9710 o ang “Magna Carta for Women” kung saan at Rebecca Kersch na bumuo naitatag ang non-discriminatory at pro-gender ng digital platform na “TANGequality at equity measures. Kaakibat nito, gap” kung saan nakapagpanabibigyan nang mas malawak na "oportunidad" ang kababaihan na makilahok sa pangangasiwa sa padala ang mga OFWs sa kanilang mga mahal sa buhay gobyerno. dito sa bansa na walang dagdag na binabayaran. Subalit, nitong eleksyon 2022, mahigit 14 na babae lamang ang tumakbo para sa matataas na Balakid man sa pagkamit ng puwesto sa bansa kung saan 83 ang binubuo ng tagumpay ng kababaihan ang mga kandidatong lalaki habang tatlo lang din sa isang lipunan na bulag sa 11 female candiates sa pagka-presidente,bise pre katotohanan ay magbubukas sidente at senador noong 2016 ang nanalo. Base ang panibagong henerasyon rin sa Philippine Commission on Women (PCW), ng makabagong panahon mas lumala ang gender inequality at gender kung saan sila ay kinikilala bilgaps pagdating sa aspetong sosyal, politikal, at ang babae na nakalalamang ekonomiya dahil sa paglaganap ng pandemya. at hindi “babae lang”.

Babae, Lamang!

N

TOMO 16 BILANG 1 AGOSTO 2022 - MAYO 2023

K

apakanan ng mga adolescent mothers at kalusugan ng kanilang anak ang apektado kung magpapatuloy sila sa pagpasok sa paaralan. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 2,299 ang kaso ng teenage pregnancy sa bansa noong 2021 at paliwanag ng World Health Organization (WHO), kadalasan na nasa edad 15 hanggang 19 na mga nabubuntis ang madalas nakararanas nang malulubhang karamdaman katulad ng eclampsia o pagko-kombulsyon sa Jhona Grace J. Barrete panganganak. Patunay lamang ito na ang panganganak sa murang edad ay mahirap at nakagigimbala sa pagkamit ng pangarap.

Pag-alam

Sa pagpasok sa paaralan, hindi maiiwasan ang stress na naidudulot ng tambak na mga gawain. Dagdag pa rito, iba’t ibang klaseng tao ang makasasalumuha kung saan maaari pang makakuha ng sakit mula sa paligid. Peligro ang maaaring kahantungan nito para sa magulang at anak. Base pa sa datos na inilabas ng United Nations Interagency Group for Child Mortality Estimation, mahigit 60,000 kabataan ang namamatay bago pa sumapit ang kanilang ikalimang kaarawan. Kadalasan na dahilan nito ang mga impeksiyong nakukuha bunga nang hindi tamang pag-alaga ng magulang. Ang kalusugan ng ina ay kalusugan rin ng anak. Kung patuloy na papasok sa paaralan ang mga kabataang maagang nabuntis at nanganak, napakalaki nang posibilidad na malagay sa peligro ang kanilang kalusugan at ng magiging anak nila. Kinakailangan na matutukan ng pamahalaan ang medikal at pinansyal na suporta para sa mga kabataang kababaihan na kabilang sa lumulubong kaso ng teenage pregnancy at kasabay nito ang pag-iimplementa ng sex education sa mga paaralan. Hindi maikakaila na matinding panganib ang dala ng maagang pagbubuntis. Kung sasabak sa pisikal na klase o sa pag-aaral ang isang batang ina, mahihirapan itong pagsabayin ang pag-aalaga sa anak habang inaasikaso ang mga aralin. Mahalaga ang edukasyon ngunit mahalaga din ang kalusugan, kaya mas makabubuti na maging praktikal at pansamantalang paALAM muna.

P

atuloy na tinutuligsa ang diskriminasyon sa ating bansa lalong-lalo na sa mga paaralan. Sa inilabas na memorandum ng Department of Education (DepEd) kaugnay sa Executive Order no. 32, s. 2017 o ang Gender Responsive Basic Education Policy, nakikiisa ang Agusan del Sur National High School (ASNHS) sa pagtatag ng gender inclusivity bilang pagsasabuhay sa mantra nitong “Our Best Always!.” Nakapagtataka lang na sa kabila ng suporta, hindi naman kinikilala ng institusyon ang karapatan ng mga mag-aaral sa malayang ‘cross dressing’. Malinaw na nakapaloob sa memorandum na ang bawat sangay ng kagawaran sa edukasyon ay dapat maging bukas sa gender equality, gender equity, gender positivity, non-discrimination, at “human rights in the provision and governance in basic education.” Dagdag pa rito, layunin nito na mapanatiling ligtas ang bawat mag-aaral mula sa anomang uri ng genderrelated discrimination at bullying. Subalit, nitong ika-2 ng Setyembre, 2022 kung saan epektibo na ang

Paglalantad

X-Presyon Venz Neian M. Acierto inilabas na memorandum ay naging matunog ang post ni Ella Caballero, isang estudyante ng ASNHS tungkol sa hindi pagpapapasok sa kaniya ng guwardiya dahil nakasuot siya nang pambabae. Nakalulungkot man isipin, ngunit “may sariling memo umano silang sinusunod mula sa paaralan,” ayon pa sa kaniya. Sa pagsisiyasat naman ng Ang Lantao, ang opisyal na publikasyon sa Filipino ng ASNHS, 8 sa 10 guro ng paaralan ay hindi sang-ayon sa pagpapahintulot ng mga estudyante na mag-cross dress sa loob ng kampus. Base sa School Policy and Guidelines ng institusyon, hindi pinahihintulutan ang pagsusuot ng pambabaeng uniporme kapag biologicallymale o ng panlalakeng uniporme kapag isang biologically-female ang mag-aaral. Nahihirapan pa rin ang maraming mag-aaral na magpahayag ng kanilang ‘gender expression’ dahil ang cross dressing ay itinuturing na kasalanan sa mata ng lipunan. Layunin ng mga paaralan na itaguyod ang pantay na karaparan ngunit ang namamayaning diskriminasyon laban sa mga magaaral ay sumasalungat sa paninidihan nitong “Our Best Always!”.


11

Lathalain

TOMO 16 BILANG 1 AGOSTO 2022 - MAYO 2023

Elziede M. Altraca

Ragas a n a Binal ew al a

Lysandra Kyle B. Quijada

Makulimlim ang kalangitan; simoy ng hangin ay napakalamig, mga puno ay nagsasayawan dahil sa hampas ng hangin na siyang napakalakas; pagbuhos nang malakas na ulan ay unti-unting nakapagpataas ng tubig sa bawat daanan—ni hindi na halos makita ang mga kalupaan at bato-batong daan na kanilang tinatapakan. Ang agos ng sapa ay kanilang sinusundan; mga tubig ay halos umaabot na hanggang beywang, mga kagamitan ay mahigpit na hinawakan— takot na baka ito ay mabitawan at mabasa. Ngunit, hindi nila inalintana ito dahil ang naiisip lang nila ay dapat silang pumasok sa paaralan upang hindi sila makakuha ng mababang marka. Edukasyon ang syang susi para sa kinabukasan, ika nga nila. Kahit gaano pa kahirap ang buhay, daanan man ng bagyo, determinado ang dalawang estudyante ng Agusan del Sur National High School na sina April Verano at si Rea Verano na makapagtapos ng pag-aaral. Sa Alegria, San Francisco, Agusan del Sur, nakatira ang pamilya Verano. Ang kanilang pangunahing pinagkukunan ng kita ay mula sa pag-quarry at ginugugol nila ang lahat ng kanilang lakas sa paghuhukay ng buhangin upang kumita ng pera, ngunit ang lahat ng ito ay magiging walang silbi sa

Nawa'y hindi mabalewala ng kalangitan ang aking kahilingan; kahilingang mapakain nang masasarap na pagkain ang aking mga magulang

tuwing umuulan sapagkat ang buhangin na kanilang hinuhukay ay nababaon, kaya wala silang magawa kundi magsimula muli. Pinapatigil silang magtrabaho, na nag-udyok sa kanilang ama na patigilin sila sa pag-aaral dahil hindi na kaya ng kanilang mga magulang ang gastos sa kanilang transportasyon sa paaralan. Dahil sa hirap ng buhay, mas nananaig ang kanilang pagnanais na makapagtapos ng pagaaral upang matulungan ng lubusan ang kanilang mga magulang at upang mai-ahon nila mula sa kahirapan ang kanilang pamilya. Hangarin ni Rea na makapagtapos ng Hotel and Restaurant Management o HRM upang makaranas ang kaniyang mga magulang ng mga masasarap na pagkain. Nais naman ni April na makapagtapos ng Agriculture sa kolehiyo. Maraming bagyo at kadiliman man ang darating sa buhay, huwag mawalan ng pag-asa, magaral ng mabuti huwag sumuko at maabot mo rin ang iyong mga pangarap balang araw.


12

Lathalain

Alysa Kate C. Parba

TOMO 16 BILANG 1 AGOSTO 2022 - MAYO 2023

PANGALAWANG INA:

Ang Pagbubukaspalad ni Ma’am kay

Gang-Gang

Mardy D. May-as

"Ang Guro Ang Ikalawang Magulang” madalas mong maririnig yan, ika nga nila sila ang isa sa mga taong nagsilbing hagdan upang makamit natin ang tuktok ng ating magandang kinabukasan, na ultimo kinabukasan ng kabataan pakiramdam nila ito'y kanila’y pasan. GURO may apat na letra katumbas ng SUPERHERO propesyong hindi isang biro.

Sa bawat hakbang ng kaniyang mga paa, dalawang tuhod niya ay gusto nang bumigay; mga kalamnan niya’y nanginginig; ang pagtatambol ng kaniyang dibdib ay dinig na dinig. Mga pawis ay tumatagaktak, nais niyang umiyak sa dami ng taong nagsipasukan sa lugar na ito. Ngunit, nagpapatuloy pa rin siya sa pagkanta upang makabisado niya ang mga liriko. Nakakahilo’t nakakasuka; mga malalalim na paghinga ay hindi na mabisa sa pagpapakalma. Isa, dalawa, tatlo, mga bilang niya ay umabot ng sampu nang biglang tinawag ang kaniyang pangalan upang pumunta sa entablado. Nang pinatugtog na ang kaniyang aawiting kanta para sa paligsahan na ito, humigpit ang kaniyang kapit sa mikroponong ibinigay na para bang dito nakasalalay ang kaniyang buhay. Mga kamay ay naginginig; unti-unting nawawala ang lirikong kaniyang menemorya. Nagbabadya ang kaniyang mga luha, katawan ay hindi halos maigalaw, at lahat ng dugo ay dumaloy papunta sa kaniyang mga mukha—kahihiyan ay ang kanyang nadarama na parang nais na niyang magpakain sa lupa. Napuno ng panghihinayang ang kaniyang isipan ‘pagkat lahat ng kaniyang paghahanda para sa patimpalak na ito ay bigla nalang nawala na parang bula.

Sa isang metapora, si Ma'am Glecil, isang guro sa Agusan Del Sur National High School,Inihalimbawa niya kung paano nauugnay ang quota "Ang Guro Ang Ikalawang Magulang" sa kanyang mga aksyon sa isang estudyante na tatawagin nalang natin sa pangalan na “Gang-gang” na kanyang nakilala habang naglalakad sa mga daanan sa isang mainit na sikat ng araw, kasabay ang magagandang sayaw ng mga dahon, ang maaliwalas na hangin, tuno mula sa bawat padyak ng mga paa at maiingay na pukpok ng mga panday. Kahit abala na ang mga tao, pumapatak ang pawis at hingal na hingal sa kakagapas sa matataas na damo at kakapinta sa mga matatayog na pader hindi niya sila pinansin at itinuon ang atensyon sa nakamamanghang estudyante lamang na papunta sa pasilyo. Sa bawat lakad ng mga paa ay untiunting lumilinaw ang mga mata sa isang estudyante na dala-dala ang kanyang isang buwang anak na tila pinasan ang malalaking bahay habang dinadala ang mga gamit para sa Brigada Eskwela at anak, sa murang edad ay imbes na ballpen at papel ang dala-dala, kanyang sanggol ang laging hawak ng maingat sa kanyang mga bisig bitbit ang boteng may lamang gatas upang ito ay mapatahan sa pagiyak. Isa si "Gang-Gang" sa 2,299 nakaranas ng teenage pregnancy ayon sa Department of Health (DOH) noong 2022 na tumaaas mula sa 2,113 na natala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2020. Mga masasayang ngiti na guhit sa kanyang mga labi ay tila naglalaho ngunit binabalik ng kanyang anak. Hindi man niya sabihin ngunit kitang-kita sa kanyang mukha ang paghihirap na dinaranas niya.

Ayon sa National Institutes of Mental Health, 75% sa mga tao ay nagunguna sa kanilang listahan ang takot sa pampublikong pagsasalita. Batay sa isang website na speakandconquer, kapag mayroon kang takot sa pagsasalita sa publiko, maaari kang makaranas ng isang hanay ng mga physiological at psychological na sintomas na maaaring maging lubhang nakakagambala. Marami kang mararamdaman kapag ikaw ay nakararanas ng matinding takot sa pagharap sa publiko, ilan sa mga ito ay ang panginginig, pamamawis, mabilisang pagtibok ng puso, at iba pa. Lahat ng neurons sa kaniyang katawan ay nagkawatakwatak, hindi maipagkakaila ang kan

KAKABA-KABA

KA BA?

Lysandra Kyle B. Quijada

iyang kabang naramdaman kaya napagdesisyonan niya na lang na bumaba ng entablado. Ngunit, sa kaniyang paghakbang paatras, may isang babaeng dali-daling pumunta sa kaniyang harapan at kinuha ang kaniyang atensyon. Sumenyas ang babae na sumabay sa kaniya. At sa pagkakataong ito, nakuha niya ang daloy ng awitin at biglang nagkaisa ang mga manonood sa pag-awit upang sabayan ang kalahok na nakatayo sa gitna ng entablado. Nang matapos ang kanta, malakas na palakpakan ang sumalubong sa kaniya. Sa aking nasaksihan, ako’y namangha sa kaniyang ginawang pagtulong sa isang kalahok. Napag-alaman ko ang kaniyang pangalan at siya ay si Jellian Bayo, isang grade 11 student ng Agusan del Sur National High School. Kaniyang nabahagi na alam niyang bago pa lamang ang kalahok sa mga paligsahan at nakikita niyang kinakabahan talaga siya kaya tinulungan niya ito. Nakikita niya rin ang kaniyang sarili sa estudyanteng iyon kaya walang pagaalinlangan siyang tumakbo sa harapan. Lahat tayo ay nagkakamali, sapagkat tayo ay tao at hindi natin likas ang pagiging perpekto kaya huwag matakot magkamali sa harapan ng publiko dahil ito ay parte ng isang proseso sa iyong pag-unlad bilang isang indibidwal, ayon ni Bayo. Dagdag pa niya, “kapag hindi perpekto ang iyong ginawa, huwag mong isipin na hindi mo kaya o hindi ka na uulit pa, kundi isipin mo na marami pang oportunidad ang dadating sa iyo. Face your fears ika nga nila, at huwag matakot na gawin ang lahat na kinatatakutan mo, dahil hindi mo na mamamalayan sa susunod na hindi ka na takot sa mga bagay na ayaw mo.”

Joseph Lenoel J. Barrete

PetMalu

"Nanay din ako, naiintindihan ko ang pakiramdam sa sitwasyong iyon, kaya tinanong ko ang mag-aaral kung maaari ko munang kunin ang kanyang anak at makipag-ugnay na lamang sa akin kapag natapos na © Jayson H. Poliran siya dahil labis akong naawa". Alam ni Ma'am Glecil kung gaano kahirap para sa batang estudyante na ipagkatiwala sa kanya Sa kabalintunaan ng mga pusa at aso na kilala bilang mortal na mag kaaway, ngunit ang ang kanyang nag-iisang anak, sa sandaling iyon ay naramdaman niya kung pares na ito ay tila isang hindi mapaghihiwalay na kaibigan. Magkahalong gulat at nabighani. gaano ka labis ang pagmamahal at pagmamalasakit ni "Gang-gang" sa Magkasama silang kumakain, natutulog, at naglalaro nang may kagalakan. kanyang anak. Hindi alintana ang pagtakbo ng oras, siya'y nakatitig lang sa anak ni “Gang-gang” walang kaproble-problemang nagaaruga para Takbo doon..takbo dito.. higa doon..higa dito.. malilikot ang mga galaw at isip lahat na yata ay bang nanay na labis ang pag-aalala sa kalagayan ng anak, lubos itong tumitingala sa kanila dahil sa natatanging katangian. Natatawa. Nabubuhayan. inalalayan at binabantayan ng may pagmamahal at ingat ngunit ilang oras na ang lumipas nag-aalala na si Ma'am Glecil sapagkat hindi pa Kitang kita mula sa mga mata ng pusa’t aso ang saya ng bawat halakhak. Ikaw talaga’y mapahanga bumabalik ang batang estudyante. sa kaakit-akit na aura ng dalawang gala na hayop, mapapanganga ka talaga! napaka bet na pet! talagang malupet! Nababahala si Ma'am Glecil sa sinapit ng mag-aaral dahil matagal na siyang nawala, bagama't kamakailan lang ay sumali Madarama mo ang isang pusong natutunaw sa magagandang siya sa programang Brigada-Basa, na tumutulong sa sensasyon kapag makikita ng mata mo ang pusa na natutulog mga mag-aaral na mapabuti ang kanilang kakayahan nang may kagalakan at komportableng balahibo ng aso sa pagbabasa. Agad niyang ibinigay ang sanggol na habang ninanamnam ang maaraw na araw at ang simoy ng ligtas, humanga siya sa tiyaga at sigasig ni Gang-gang sa hangin ng Disyembre. Akala mo na isang balitang kutsero kanyang pag-aaral. Pinatunayan ni Ma'am Glecil ang ngunit hindi! mapapa WOW! ka talaga salitang "Ang Guro Ang Ikalawang Magulang", tumulong siya hindi lang bilang guro o ina, kundi bilang tao na Nakapagtataka kung paano sila nagsimula, Ang mga biniyayaan ng Diyos ng mabuting kalooban. Walang guro ang hayop na karaniwang hindi nakikipag-ugnayan sa isa’t isa gustong makita ang kanilang mga estudyante na tumalikod sa ay naging matalik na kaibigan ay kakaiba, May relasyon mabuting daan, wala ring ina na gustong mapahamak ang ba talaga sila, Nakapagtataka... Nakapagtataka.. Walang kanilang anak o maligaw sa madilim na daan. Sa bawat ideya kung bakit hindi kapanipaniwala isipin na ang iba’t dilim ng paligid, may sinag pa ring darating upang iyong ibang hayop ay maaaring magbahagi ng pagmamahal na masilayan ang daan na dapat mong tahakin. hindi natin inaasahan. Maaaring hindi ka maniwala, ngunit sila ay malupet na kaibigang karnal. Dan Russel L. Guma

Pagkakaibigan ng aso’t pusang gala


13

Joseph Lenoel J. Barrete

Lathalain

TOMO 16 BILANG 1 AGOSTO 2022 - MAYO 2023

AK Ang Kalayaang Natamasa ni Ella

Pinagdaanang Daan:

Ang karera ni Rafie kasama ang kanyang KAWAYAN

Lysandra Kyle B. Quijada

Mardy D. May-as

“Naniniwala ako sa aking puso na ako ay ipinanganak na babae, hindi lamang pisikal kundi pati na rin sa puso.” Hinahampas ng ihip ng hangin ang makinis at malasutla niyang buhok. Mga luha ay namumuo sa kaniyang mga mata— nagbabantang dumadaosdos pababa sa kaniyang mukha. Hindi mawari ang nadarama habang nakaupo sa harap ng salamin at unti-unting pinuputol ang matagal na niyang pinapahabang buhok. Sa bawat pagbagsak ng mga hibla ng kaniyang buhok ay kasabay nito ang katanungang: Kailan kami matatanggap ng buong-buo?

City. Ako si Rafie Llego at nag-iiwan ng paalala na huwag mag-alala kung ikaw ay hindi katalinuhan sapagkat may patutunguhan ka gamit ang iyong abilidad lamang. Gawin mo ang lahat ng nais mong gawin sa buhay, huwag ikompara ang iyong sarili sa iba sapagkat kakayahan natin ay ibaiba.

Kumikinang ang kaniyang mga mata at nagtatalon sa tuwa tuwing siya’y binibilihan ng pangbabaeng kagamitan ng kaniyang ina; hindi maipagkaila ang lubos na suportang ipinapakita ng mga magulang niya sa kaniya. Simula pagkabata, nabibighani na si Jeddo P. Caballero o mas kilala bilang Ella Caballero sa mga bagay na pambabae—barbie dolls, make-up at iba pa. Hindi naging mahirap para sa kaniya na ipakita at ipahayag ang kaniyang pagkakailanlan sa kaniyang mga magulang sapagkat buong puso siyang tinanggap. Sa katunayan, ang pangalang Ella ay bigay sa kaniya ng kaniyang ina.

e

Ll

eg

o

Labing anim na taong gulang si Ella nang nagsimula ang kaniyang transitioning phase. Sa pagtungtong ng labing walong taong gulang, siya ay nagsimulang uminom ng hormones—na suportado naman ng kaniyang mga magulang. Ayon sa kaniya, naging inspirasyon niya ang nakikitang mga transwoman na ipinagmamalaki kung ano sila nang hindi tinatago ang kanilang tunay na pagkatao.

afi

Labis ang aking tuwa dahil hindi ko inakala na mapapansin ang aking inembentong robot at mapasali sa robotics team at sumalang sa kontest. Mayroon kaming apat na robot na ipe-present sa darating na patimpalak, ang dalawa ay galing sa bulsa ko at sa kabutihang palad, nanalo sa division at regional contest ang robot na aking ginawa. Ilang taon ang nakalipas, ang aking pagkamalikhain ay hindi ako iniwan at pinabayaan sapagkat noong pandemya naisipan kong gumawa ng bihira na kung saan ito ay isang kumbinasyon ng isports at kalikasan na kung saan ang mga kagamitan ay makikita lamang sa kapaligiran. Bamboo bike—ito ang naisipan kong gawin, dahil na rin mahilig ako sa isports at mahilig sumubok ng mga bagong pamamaraan. Lahat ng pagod at oras na ibinuhos ay naging sulit dahil ako ang naging

pinakabatang bamboo bike builder sa Pilipinas at ang bamboo bike ang aking ginamit sa Ironman 70.3 triathlon at ako rin ay naging guest speaker sa pinakamalaking Cycling Festival sa Ilo-ilo

©R

Simula’t sapul aminado ako sa sarili kong hindi ako katalinuhan— pangkaraniwang estudyante lang at kumbaga ‘yong classroom clown, ngunit sa diskarte at pagiging malikhain tiyak na ako ay pasado riyan. At iyon ang nakakalungkot sapagkat hindi ako kwalipikadong sumali sa robotics team. Ngunit sa kabila ng lahat, kahit hindi ako napili ay gumawa pa rin ako ng aking imbensyon ng palihim at dinala sa paaralan para ipagmayabang sa mga kaklase ko ang aking ginawa.

Sa kaniyang bawat paghakbang, dinadaanan niya’y lumiliwanag. Kumpiyansa sa sarili ay nag-uumapaw; mga ngiti ay umabot na sa kaniyang mga mata—madarama mo ang kaniyang kasiyahan sapagkat kaniya nang maipapahayag at maipapakita ang kaniyang pagkakakilanlan hindi lang sa kaniyang pamilya’t mga kaibigan kundi sa lahat ng tao. Suot-suot ni Ella ang unipormeng pangbabae ng paaralan na siyang nagpapatunay na siya nga ay isang babae. Subalit, ang kaniyang kalayaan sa pagpapahayag ng kaniyang sarili sa loob ng paaralan ay biglang pinutol nang pinasuot na siya ng panglalakeng uniporme sapagkat hindi pa approbado ang cross-dressing sa paaralang Agusan del Sur National High School (ASNHS).

Pagsisikap ni Ama sa Gitna ng Pandemya

Sumisilip pa lamang ang araw, sila ay abala na sa kanilang ginagawa. Katawan ay balot na balot mula ulo hanggang paa upang makasigurong maproteksiyonan ang balat mayamaya sa nakakapasong sikat ng araw. Tagaktak ng mga pawis ay dahan-dahang dumudulas sa katawang nabilad ng ilang oras sa init. Sa bawat patak ng oras, punong puno ng determinasyon ang kanilang mga galaw upang kumita ng marami. Hindi mapagkaila ang pagod sa kanilang nadarama, ngunit nababalot ng ngiti at saya ang kanilang mga mukha sapagkat alam nilang may maiuuwi sila sa kanilang mga pamilya na pasalubong. Gayon pa man, sa likod ng kanilang mga ngiti at sipag, pangmamaliit at pang-iinsulto ang natatanggap nila dahil lang sa kanilang mga trabaho. Hind man sinabi ng direktahan ngunit halata naman sa mga tingin ng karamihan sa mamamayan ang disgusto sa ganitong trabaho daig pa si Donya Victorina sa katabilan ng dila at kung maka-atsa ay parang niluluhuran ng lahat. Dapat maipasok ito sa isipan ng lahat na walang maling trabaho sa matiyagang tao. Tulad nalang nila Neptali Laid, isang magsasaka at Elpedio Villan Jr., isang delivery man ng LBC Express— na parehong ama ng dalawang mag-aaral sa Agusan del Sur National High School (ASNHS). Madilaw-dilaw na mga kulay ang sumakop sa isang malapad na kalupaan na tinaniman ng palayan sa isang lugar sa Hubang, San Francisco, Agusan del Sur. Masipag na tinaniman ni Mang Neptali ang kalupaan. Simula pa noon, pag-aani na ng mga palay ang

pinagmumulan ng kita ng pamilyang Laid. Hindi mo maitatanggi na malaki ang tulong ng pagsasaka sakanilang pamumuhay sapagkat pinag-aaral nilang sabay-sabay ang anim nilang mga anak na kung saan ang nakakatanda ay nakapagtapos na ng pag-aaral at naging isang guro sa ASNHS. Samantalang si Mang Elpedio naman ay mahigit tatlong taon nang pumapasok sa trabaho bilang delivery man sapagkat siya lang ang tanging miyembro ng pamilya na nagbibigay kaya para mapag-aral ang mga anak at mabigay ang mga pangangailangan nila. Kahit na mahirap at maraming umaasa sa kaniya, ay nagawa niya pa ring magtrabaho ng maigi at tama. Parehong nakararanas ng pagkadismaya at pagod ang dalawang ama sa kanilang trabaho dahil hindi arawaraw sila ay nakakatanggap ng salapi at pasensya.

Sa paglubog ng araw, sila ay unti-unting nawawalan ng gana at nauubusan ng lakas habang dahan-dahang nilisan ang kanilang pinagtatrabahuan. Katawan ay balot na balot ng pawis. Hindi mapagkaila ang pagod na kanilang nadarama. Mga mukha ay nababalot ng pagkadismaya at kalungkutan sapagkat kung gaano ka sagana ang kanilang na aning palay, at kung gaano sila mapag-unawa sa kanilang naka-transakyson, kabaliktaran naman nito ang kanilang kita na natatanggap.

Kasabay ng pagpapakatotoo niya sa sarili ay ang mga matang nangungutya. Simula noon hanggang ngayon, hindi pa rin bukas ang ibang mga tao patungkol sa karapatan ng LGBTQIA+. Nakakadurog ng damdaming isipin ang lahat ng kanilang pinagdadaanan sa arawaraw nilang pamumuhay sapagkat wala silang magawa kundi harapin ang mga matatabil na dila ng mga tao. Sa kabila ng lahat, taos pusong nagpapasalamat si Ella sa lahat ng taong sumusuporta sa kaniya. Mundo natin ay patuloy na nagbabago ngunit ang pagiisip ng karamihan ay hindi kalianman nagbago. Puno pa rin ng pangungutya at pang-iinsulto ang binabato ng mga tao sa mga miyembro ng LGBTQIA+. Ngunit si Ella ay nag-iiwan ng paalala sa kaniyang kapwa LGBTQIA+ na sa kabila ng diskriminasyon na kanilang kinakaharap, maging matatag at huwag matakot na ipakita ang tunay na pagkatao; magpakatotoo ka sa iyong sarili at maging isang taong tinitingala ng mga tao.

© Ella Caballero


14

Agham at Teknolohiya

TOMO 16 BILANG 1 AGOSTO 2022 - MAYO 2023

‘Sikad’ ng Ngayon

Christine Mae C. Buenaflor

Mardy D. May-as

S

ikad, pangkaraniwnag salita na ibig sabihin ay patuloy na pagusad, kung saan nangggaling ang salitang traysikad, behikulong de pedal na patuloy na pumipedal at nakikipagkarera sa mundo ng mga makina. Ang pagiging sikad drayber ang hanapbuhay ni Mang Arvin, 50 taong gulang at may 2 anak. Ang mga anak niya ay nag-aaral sa Agusan del Sur National High School. Ayon kay Mang Arvin, nalampasan niya ang bawat pagsubok sa buhay, napapakain

niya ng tatlong beses kada araw ang kaniyang mga anak, at sila ay nagaaral, may bahay silang natitirahan, dahil sa kaniyang hanapbuhay ang pagiging sikad drayber. Ngunit ang sikad na nagsisilbing hanap buhay ni mang Arvin ay unti-unti nang nalilimutan ng karamihan sa atin. “Nakakalungkot man isipin na karamihan sa mga tao ay di na kami pinapansin, ngunit nag papatuloy parin ang arangkada namin kada araw upang may makain" Malungkot na ibinahagi ni Mang Arvin.

Patuloy ang arangkada ng mga sikad sa kasalukuyan, ang pagpapanatili nito sa daan ay mahalaga upang magsilbing transportasyon ng mamamayan. Sa mundong puno ng makina, iisa lang ang behikulong maka masa na nagbibigay pagasa sa bawat pasahero at motorista. Nagpapatuloy pa rin si Mang Arvin sa pagiging Sikad Drayber, ‘di niya pinapansin na unti-unti na silang kinakalimutan, sa halip ito ang nagsisilbing inspirasyon niya, na ipatuloy ang arangkada ng Sikad sa daanan ng Ngayon.

PAPA-DYAK. Malapit mang mawala ang 'sikad' sa San Francisco, Agusan del Sur dahil sa pag-usbong nang maraming mga tricycles bilang paraan ng transportasyon ay hindi pa rin ito nagpahuli sa karera ng daan. Makatutulong rin ang nasabing sasakyan sa kalikasan dahil wala itong binubugang usok.

Hiwaga ng Paniniwala:

Kariktan ng Kalangitan tuwing Titingala Joseph Lenoel J. Barrete sa atmosphere ng mundo at tumatama sa buwan. Ito ang dahilan kung bakit ang total lunar eclipse ay kadalasan tinatawag na ‘Redmoon’.

TINGALA SA MGA TALA. Maraming mga pangyayari sa kalawakan ang masasaksihan sa ating planeta ngunit ito'y matagal pang mauulit. Kaya, marami ang nasiyahan nang makita nila ang pulang buwan, solar eclipse, at meteor shower.

© Vince Eman Bañas

P

inaniniwalaan na lumalabas si 'Laho'; isang serpentong makaliskis at mabangis, tuwing bilog ang buwan. Sa bawat pagkakataong lumitaw ang buwan sinisikap ni Laho na abutin ito sa kalangitan, upang maging malakas at makontrol ang lahat ng bagay sa kanyang mundong ginagalawan. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pulang buwan.

Noong Nobyembre 8, 2022 nasaksihan ng buong mundo ang pulang buwan o tinatawag natin na 'Red moon'; Magaganap lang ang ito kapag mayroong isang lunar eclipse, sa panahon ng lunar eclipse ang tanging sikat ng araw na umaabot sa Buwan ay dumadaan sa atmospera ng ating Mundo na nagsasala sa karamihan ng kulay asul at nag-iiwan ng mapusyaw na pula. Tumatagos ang pulang ilaw na ito

Samantala, sa sinaunang panahon, pinaniniwalaan din ng mga Pilipino na lumalabas din si 'Sawa'; isang malaking ahas na sa halip na buwan ang kanyang puntirya, ito ay ang Araw. Napapahanga ito sa kagandahan at kariktan ng araw ito ang naging dahilan sa pag-usbong niya mula sa kagubatan, lumulutang papalapit sa kalangitan at kinakain ng buo ang araw na naging dahilan ng ‘Solar Eclipese', ngunit sa tuwing naririnig niya ang napapawing musika, mga tambol at hiyaw unti-unti niya itong linuluwa at tuluyang natutunaw. Sa ika ng 20 ng Abril, isang partial solar eclipse ang nakita sa iba’t ibang

Research Proposal

bahagi ng Pilipinas, ito ay nangyayari dahil napapagitnaan ng Araw at ating planeta ang buwan, kapag nangyari ito hinaharangan ng buwan ang liwanag na patungo sa ating mundo. Maswerteng nasilayan ang bihirang pagkakataon na mga ito na inaasahang muling mangyayari sa susunod pang 3 taon o sa Marso 2025 at sa Hunyo 28, 2028. Mga pangyayaring ito ay nagaganap lang paminsan-minsan, bigyan pansin, tuklasin at galugarin ang kagandahan na iniaalay ng kalangitan. Sa bawat paglitaw ng buwan sa kalangitan. Iwanan muna ang mga bagay na maaring maging hadlang, huwag hayaang malampasan ang ibat-ibang anyo ng buwan sa isang iglap lang.

© Ma'am Rona Bañas

‘Umalis nang Walang Paalam’: Research Title, kinagigiliwan Lysandra Kyle B. Quijada

N

aaliw ang mga panel sa ginawang pananaliksik ng mga Grade 12 na mga mag-aaral kamakailan sa kanilang Research Proposal, na pinamagatang “Umalis nang Walang Paalam, Iniwan ang Pusong Luhaan: A Quantitative Study of the Impact of Ghosting in Mental Wellbeing of Senior High School Students”, ito ay isinagawa nina Jeyford Monteza, Shynalie Cahapon, Jesson Banluta, Raymond Bayon, Frederick Macarayo at Rico Remis, sa patnubay ni Gng. Josephine Cuizon. Makikita palang sa pamagat, masasabing qualitative ito, qualitative na klase ng research, tila isang karanasan ng mga indibidwal. Gaya ng case study, kailangan niya ng indepth na pananaliksik kung ano nga ba talaga ang nangyari. Ang unang naging reaksyon ni Gng. Cuizon sa kanilang research. Giit ni Monteza, ang titulo ng kanilang pananaliksik ay tungkol sa biglang

paglaho ng isang karelasyon o ghosting. Ito ay nagawa nila upang mahanap, tulungan at payohan, ang mga kababatang nakararanas at nakaranas na nito. “Nagawa namin ang research para maiwasan, at kung nakaranas na, malaman at maintindihan, kung ano ang iba’t ibang epekto na hatid ng ghosting. Para magkaroon ng kamalayan, para maiwasan.” Ayon kay Monteza Mahalaga ang research upang matugunan ang isang partikular na problema, o puwang na nakita mo sa naunang isinagawang pananaliksik, dahil ito ang unang hakbang. May’ umiiral na mga problema at para matugunan ang mga problemang iyon, kailangang magsaliksik, di’ pwedeng magbigay ng solusyon ng walang katotohanan at ebidensya. Dapat may data at doon nakabase, kung kaya’t may research. Dagdag pa ni Ma’am Cuizon.

OTLUM. Nagiliwan ang maraming netizens na mga mag-aaral ng ASNHS nang makita ang pamagat ng isang grupo sa kanilang Title Proposal. Ang nasabing gawain ay isang hakbang ng kanilang klase upang makabuo sila ng isang Research Project.

“Sabi nila research is the most challenging subject, karamihan ng mga estudyante ay 'di gusto ang research dahil mahirap ito. Ngunit sabi din nila, kailangan mo lang sabihan ang iyong sarili I love research, I love research, I love research parang kino-kondisyon mo lang ang sarili mo, nagagawa naman ng iba bakit hindi mo magawa, habang natututo ka sa konsepto unti unti mong maiintindihan ang research, unti unti

mo rin itong mamahalin.” Taos pusong ibinahagi ni Ma’am Cuizon. Ginagawa ang research o pananaliksik upang umunlad ngunit, di man namalayan ito pala ay nagdulot ng kasiyahan at pagmulat, pagmulat sa kung ano ang totoo at tunay na nangyayari sa mundo.


15

Agham at Teknolohiya

Bongga ka bike Mardy D. May-as

BIKE LODI. Ang bisekletang gawa sa kawayan ay siyang panlaban ng pinoy sa mga gawang dayuhan. Magaan, mura, at 'di kailangan ng gasolina, iyan ang kalakasan ng kawayang bisekleta.

M

istulang hindi kapani-paniwala pero mayroon nang bisekletang gawa sa kawayan na nanggaling sa Pilipinas. Ito ay matibay, natural, at garantisadong hindi nakasasama sa kapaligiran. Ating pagmasdan ang iba’t ibang epekto at dahilan upang labanan ang pagbabago ng klima at gamitin ang Bamboo Bike. Ayon kay Charlotte Broughton, isang cyclista at manunulat sa Discerning Cyclist, ang mga bamboo bike ay sustainable dahil sa mabilis na lumalagong kalikasan ng kawayan, na nagbibigay daan sa mabilis na pagbabagong buhay. Ang pagsasaka ng kawayan ay sustainable dahil sumisipsip ito ng maraming carbon dioxide, at naglalabas ng maraming oxygen. Nakatulong ito upang labanan ang pagbabago ng klima. Matibay ang frame ng bamboo bike ito ay gawa sa kawayan at mahirap itong masira o maputol. Ang anumang pagbanga ay hindi nakakapinsala sa bike, di tulad ng Carbon na bisekleta na madaling matupi. Mas malambot ang byahe sa bamboo bike na nagbibigay din ng mas komportableng biyahe, dagdag pa ni Broughton.

Ayon din kay Bryan Benitez McClelland, Ang tagapagtatag ng Bambike, isang enterprise na nakabase sa Pilipinas na gumagawa ng bisekletang kawayan, Ang kawayan ay may likas na katangian na perpekto para sa pag bi-bisekleta. Ang mga katangiang ito ay inilagay sa isang frame ng bisekleta na sapat na matigas, upang talagang umaandar at ginawa para sa isang maayos na byahe. Patuloy na umuunlad ang ating mundo, kasabay nito patuloy din ang pagkasira ng ating kalikasan dahil sa mga sasakyang makabago na nagiging sanhi ng polusyon. Mahalaga ang pagkakaroon ng kagamitang nakakabuti sa ating kapaligiran at sa kalikasan na ating pinapahalagahan. Mahalaga ang paglipat sa alternatibong paraan ng transportasyon, hinihiling na mas suportahan pa ng mga kababayan ang Bamboo Bike na nakatutulong sa kalikasan. Tangkilikin ang kawayan ng Pinas, tangkilikin ang bisekletang Pinoy, mahalin ang kalikasan, lumipat na sa mas luntiang paraan, gamitin ang Bamboo Bike.

aganap ang Hormone Replacement Therapy (HRT) sa mga transgender, hindi upang mapawi ang mga sintomas ng menopause, kundi para palitan at dagdagan ang natural na hormone ng katawan sa nais na kilalaning kasarian. Pinupunan nito ang hormones na testosterone sa mga transman at estrogen naman sa mga transwoman. Isa sa mga uri ng Hormone Replacement Therapy (HRT) ay ang oral contraceptives o birth control pills na naglalaman ng progestogen at estrogen hormones na natural na inilalabas ng obaryo upang panatilihing malusog ang sistema ng reproduksiyon ng mga kababaihan. Sa panayam kay Ella, isang transwoman na mag-aaral ng Agusan del Sur National High School (ASNHS), ibinahagi niya ang kaniyang karanasan sa pag-inom ng Micro pills at Marvelon pills, mga uri ng contraceptives na tumutulong upang maiwasan ang pagbubuntis, kontrolin ang irregular na menstruation at anemya. Ngunit para sa mga katulad ni Ella, nakatutulong ito upang lumaki ang kanilang hinaharap, pagdepina sa balakang, pagbaba ng libido at unti-unting pag-iiba ng hormones sa katawan. Sinasabayan din ito ng pag-inom ng anti-androgen pills gaya ng Dianne 35 at Althea na nagpapababa ng produksiyon ng hormones ng mga kalalakihan. Mayroong side effects at pangamba sa kalusugan ang Hormone Replacement Therapy (HRT), sapagkat maaaring magdulot ito ng malalang mga karamdaman gaya ng deep

Tuga-TOOG

Mga Nalagpasang Dagok sa Paglipas ng Panahon

Joseph Lenoel J. Barrete

S

aksi ako sa kung paano umunlad ang lugar na ito. Hindi man nila alam ngunit tandangtanda ko pa bawat mukhang dumadayo upang ako ay makita. Halos mabali na ang kanilang leeg kakatingin sa mataas at matayog kong anyo. Madaming turista na ang dumagsa sapagkat ako ay naitala na sa kasaysayan bilang ikatlo sa pinakamataas at pinakamatandang puno na nabubuhay hanggang ngayon dito sa Pilipinas. Sa bawat paghampas ng hangin, mga dahon ko ay sumasabay at sumasayaw rito. Sa pagtama ng bagyo, mga tao ay nabahala at natakot na baka ako ay matumba at makapinsala kaya aking naiintindihan ang kanilang mga hinaing tungkol sa aking kalagayan. Ako rin ay makakaintindi kung nais na nila akong putulin huwag lang masira ang kanilang mga pag-aaari at mapalagay sa kapahamakan ang kanilang buhay.

Naging usap-usapan ako sa social media dahil nakatakda sana akong putulin noong Agosto 8, 2020 sa pinalabas na dokumento ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Agusan del Sur. Ang pagputol saakin ay binase sa pag-aaral ng Forest Wetlands Research Development Center Noong 2019.

© Rafie Llego

Lysandra Kyle B. Quijada

L

Elziede M. Alatraca

Sa bayan ng Alegria San Francisco, Agusan del Sur matatagpuan ang aking kaakit- akit na kagandahan at halos 300 gulang na akong nanatiling nakatayo dito. Tinanyag ako bilang pinakamahaba at pinakamatandang Philippine Rosewood Tree sa bansa na may 54 metro ang haba at kilala ako sa pangalan na 'Toog Tree'.

Pagkamit sa Panaginip Responsableng Pagamit ng HRT Ipinanganak na lalaki, dalaga nang ika’y lumaki.

TOMO 16 BILANG 1 AGOSTO 2022 - MAYO 2023

vein thrombosis o isang medikal na kondisyon ng namuong dugo sa malalim na parte ng ugat, pagtaas ng lebel ng triglycerides o uri ng taba na makikita sa dugo na nagdudulot ng arteriosclerosis o pagkapal ng artery walls, hypertension, type 2 diabetes, breast cancer, sakit sa puso at stroke. Pagbabago sa anyo base sa identidad ng kasariang ninanais ay nangangailangan ng mahabang pasensya at pag-iingat. Matagal ang proseso upang lubos na mapuna ang pagbabago sa pangangatawan sapagkat ang medikasyon ay hindi isang mahika o milagro na nagaganap sa loob ng isang araw lamang. Huwag ugaliin ang self-medication at mas mabuting komunsulta sa espesyalista upang lubos na maunawaan at mabigyan ng kaalaman sa Hormone Replacement Therapy (HRT) nang maiwasan ang mga karamdaman. Mayroong iba't ibang epekto sa kalusugan ngunit ito ang nagbibigay kasiyahan sa iilan, ang pagbabagong inaasam-asam ay makakamit sa panandaliang paraan, ngunit maging matalino hinay hinay lang sa paggamit ng HRT at magpatulong sa mga eksperto. Makakamit ang kasariang ninanais, ngunit sa responsableng paraan Sist!

Ayon sa Biomechanics o Structural Analysis na ginanap noong Hulyo 2019, nakalagay sa findings na lumuluma na ang aking ground cavity. Sa ginawa na hazard rating na 0-6 nasa 5.4 ang hazard rating, ibig sabihin mataas ang potensyal hazard na may posibilidad na maputol o matumba na ako. Ito ang naging rason kung bakit ako puputulin, subalit matapos ang isang petisyon ng aking mga mamamayan para isuspende, ito na ang ikalawang pagkakataon na niligtas ako sa huling minutong ‘Salvage Cutting’. Sa kabilang banda, ayon kay Tommy Valdez isang National Council President ng Society Filipino Foresters "Pwede pang mabuhay ang Toog tree, kailangan lang talaga na ito ay magamot at maalagaan ng husto lalo na’t lumalala na ang sira na nasa 4.5 metrong haba at 16 metro ang kahabaan ng sira". Ayon na man sa isang Civil Engineer na si Marjun Ursus dapat na lagyan ng straktura ang paligid ko para mapreserba at maprotektahan ang aking kinalakihang tanawin at malayo sa disgrasya sa naninirahan kong mga mamamayan na malapit sa akin lalo na’t sa dumadaan na motorista at sasakyan. Nakadudurog ng puso ang makita niyong inilalansag na ang aking tanawing masyado nang nasanay ang iyong paningin. Ngunit ang pagtanda ay hindi maiiwasan. Lahat ay dadating at aalis. Lahat ay magtatapos. Subalit ang katapusan ay kinakailangan upang makapagsimula muli. Hayaan natin ang iyong sariling hangaan ang aking kinalakhang tanawin: ang punong Toog, sa natitirang sandali. 'DI MATUTUMBA. Pilit mang pinapatupad ang mga planong ipatumba na ang Toog Tree ng San Francisco, Agusan del Sur ay matayog pa rin itong nakatayo sa sarili

© Jayson H. Poliran


16

Agham at Teknolohiya

TOMO 16 BILANG 1 AGOSTO 2022 - MAYO 2023

Kuro-Kuro Lysandra Kyle B. Quijada

S

Elziede M. Alatraca

a likod ng kaniyang tinitirahan. laboratory Ang mga pader building, na nagsisilbing matatagpuan tahanan ay naging ang lumang rehas na para sa abandonadong kaniya na siyang sanctuary na naging dahilan ng dati ay puno ng kaniyang madalas mabulaklaking na pagtakas. Puno mga halaman. ng gasgas at sugat Mga hindi ang kaniyang kataasang kaliskis sa minsang bakod ay pagkaladkad nanatiling sapagkat hindi na nakatayo sa siya mabuhat sa KULUNGANG WALANG PRESO. Makikita pa rin sa loob ng Agusan del Sur National paglipas ng kaniyang bigat. High School ang abandonadong sanctuary ni Crokie - isang buwayang kanilang panahon kahit inalagaan noon. Ngunit, ang kaniyang alaala ay nakakintal pa rin sa puso't utak nang wala na ang Ayon sa Animals iilang mga guro at mag-aaral ng paaralan. pinaglalaanan Network Team, nito. Lingid karamihan sa mga sa kaalaman ng iba, dito pala nakatira si Crokie, isang reptilya ay namumuhay nang nag-iisa, ngunit maraming buwayang inalagaan dati ng Agusan del Sur National mga uri ng buwaya ang madalas na magkasama sa High School (ASNHS). malalaking grupo. Hindi kayang mabuhay ni Crokie kung hindi niya nakakasama ang kaniyang mga ka-uri Isang Crocodylus mindorensis ang buwaya. Si Crokie ay sapagkat ito rin ang mga panahon ng kaniyang mating bigay ng isang estudyante na binili galing pa sa Davao season. at umaabot ng isang talampakan ang haba niya. Dahil sa liit nito, nailagay pa ang buwaya sa isang aquarium at Walang magawa ang Science Department nang magdito nililinisan ng tagapangalaga habang gamit lamang desisyon ang Municipal Environment and Natural ang sipilyo. Resources Office (MENRO) na kunin na ang buwaya dahil hindi raw nababagay ang hayop sa lugar na “Crokie, come here, eat your food,” tawag ni kaniyang kinalakihan. Dinala si Crocy sa lugar na hindi Gng. Perez, tagapangalaga ni Crokie, walang pagna kayang makumusta at makita ng mga nag-alaga sa aalinlangang lumingon si Crokie sa pinaggalingan ng kaniya. boses nang madinig niya ito. Sa paghagis ng kaniyang tagapangalaga ng tulingan at dressed chicken, mabilis Sa paglipas ng taon, unti-unti nang nalilimutan ng niya itong nilamon at nagpakabusog. Labing 16 taong karamihan na minsan nang nagkaroon ng buhay ang nanirahan si Crokie sa paaralan, sa pangangalaga sanctuary sa likod ng laboratory building—na minsan ng Science Department. Hindi man karaniwan ang nang may inaalagaan ang Science Department na pagkupkop ng buwaya ngunit kagaya ng iba pang mga pambihirang hayop. Hindi man alam ng karamihan ang tao, si Crokie ay napalapit na sa puso ng mga nagkaranasan ni Crokie, ngunit sa mga taong nag-alaga aalaga sa kaniya at itinuring nila itong alaga. sa kaniya, mananatili siyang nakaukit sa puso’t isipan nila. Ang karanasan ni Crokie at ng mga nangalaga sa Ngunit, sa paglipas ng panahon, ang dating masiglang si kaniya ay mananatili nalang na ala-ala ng Paraisong Crokie ay unti-unti nang nawawalan ng gana sa loob ng naabandona.

Basura ng Teknolohiya Joseph Lenoel J. Barrete

S

a bawat pag-ikot ng mundo, ito ay nagbabago pati na rin ang mga teknolohiyang inembento ng mga tao. Talagang napatunayan ng henerasyon na ito ang kasabihang: Makabagong teknolohiya sa makabagong panahon. Sa iilang pag-pindot mo lang sa iyong selpon upang ma-delete ang mga hindi na kinakailanagan na mga email ay nakatulong ka na mabawasan ang polusyon sa mundo. Akalain mo iyon, pati basura digital na ngayon.

High School (ASNHS) sa paggamit ng Ecosia, naniniwala sila na ang search engine na ito ay nakakatulong di lang sa pag-aaral, pati na rin sa kalikasan.

Ayon kay Mike Hazas, isang mananaliksik sa Lancaster University, ang mga didyital na teknolohiya ay nagkakaloob ng humigit-kumulang 4% ng mga pandaigdigang carbon emissions, medyo maliit ngunit, talagang katulad ng kontribusyon ng industriya ng aviation, at kung ang Internet ay isang bansa, ito ang magiging ika-anim na pinakamalaking kontributor ng polusyon sa mundo.

Ating gamitin ang mga eco-friendly websites at search engines kagaya ng Ecosia, dahil ito ay nakakatulong ‘di lang sa pag-aaral kundi sa kalikasan din, nakakatulong sa atin ang paggamit ng isang eco-friendly na search engine para labanan ang climate change.

Kamakailan lamang, naging malaking isyu sa Social Media ang pag-delete ng mga unread emails dahil sa Digital Waste. Naging viral ang mga post ukol dito at ginamit ng mga netizens ang “Ecosia” upang makatulong sa kapaligiran. Dagdag pa ni Cheryl Vaugh, isang manunulat sa agham pang teknolohiya at kalikasan, Ang paggamit ng isang search engine na aktibong nagsusumikap patungo sa eco- friendly na mga kasanayan, ay ginagawang posible para sayo na mag-ambag sa pangangalaga sa mundo. Nakiisa ang mga mag-aaral ng Agusan del Sur National

Noong Hunyo, sa tulong ng mga gumagamit, nakatanim ang Ecosia ng higit sa 153, 382, 000 na puno sa 35 na bansa, nagresulta ito sa mahigit 50,000 metrikong tonelada ng CO2 (Carbon Dioxide) na inaalis sa atmospera bawat buwan.

Hinihikayat ang bawat mag-aaral na gamitin at ipagpatuloy ang paggamit ng Ecosia, dahil malaki na ang nagawang pagbabago at marami pa itong magagawa sa mundo. Pinaalalahanan ang bawat mamamayan sa pagiging hindi sabay sa uso, gagawin lang ang mga bagay dahil ito ay trending, at kakalimutan na kamakailan. Nakakalungkot man isipin na sa simpleng paggamit ng internet, magiging sanhi na ito ng malaking suliraning pangkalikasan sa ating mundo, kung kaya’t mahalaga ang pakikilahok at paggamit ng search engines at websites na nakabubuti sa ating kapaligiran, para maiwasan ang paglala at paglaki ng Digital Waste o Basura ng Teknolohiya.

AI: Ako-Ikaw Mardy D. May-as

K

asabay ng pagdating ng modernong panahon, nabuo ang iba’t ibang A.I upang makatulong, ngunit paano na kung ito ay ginagamit sa 'di tamang paraan? Ayon kay Jake Frankenfield, isang manunulat sa Investopedia, ang Artificial Intellegience (AI) ay tumutukoy sa simulation ng katalinuhan ng tao sa mga makina na naka-program upang mag-isip tulad ng mga tao at gayahin ang mga aksyon nito. Ang taong 2022 ang naging tulay upang sumikat ang AI sa mainstream media. Ang pinakasikat na application ng OpenAI na ChatGPT, isang A.I na sinanay upang sundin ang isang tagubilin sa isang prompt at magbigay ng isang detalyadong tugon. Gayunpaman, kinakatawan lamang ng ChatGPT ang isang maliit na bahagi ng mga paraan kung paano ginagamit ang teknolohiya ng AI sa kasalukuyang panahon, dagdag pa ni Frankenfield. Ang mga aplikasyon para sa A.I ay walang katapusan, ito ay maaaring magamit sa iba’t ibang sektor at industriya. Ayon pa kay Frankenfield, Ang AI ay sinusuri at ginagamit sa industriya ng kalusugan para sa pagbabahagi ng mga dosis ng gamot, pagtukoy ng maaring maging gamot, at pagtulong sa mga surgical procedure sa operating room. Tumutulong din ang A.I sa ibat ibang financial industry, ito ay ginagamit upang matukoy ang hindi pangkaraniwang paggamit ng debit card, pinapadali din ng A.I. ang pakikipagpalitan. Ito ay nakakatulong din sa pag-aaral, nagiging daan ang A.I upang maresolba ang mga knowledge gaps, o ang di sapat na pagkatuto. Karamihan ng mga estudyante ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) ay gumagamit ng AI, upang magsilbing gabay, tulong at kaagapay sa mga araling mahirap intindihin, at mga gawaing mahirap gawin. Ngunit sa likod ng magagandang katangian, magiging daan pala ito ng kasinungalingan, sa isang panayam sa The New York Times, sinabi ni Geoffrey Hinton, isang Google AI Pioneer, nagaalala siya tungkol sa kapasidad ng AI na lumikha ng mga nakakakumbinsi na maling larawan at teksto, na lumilikha ng isang mundo kung saan ang mga tao ay “hindi na alam kung ano ang totoo”. Imbis na kasangga sa pag-aaral, nagiging kasabwat sa panglilinlang. Nakakatulong ang A.I sa pag-aaral, ngunit may ibang mag-aaral na ginagamit ito upang manlinlang ng guro at kapwa mag-aaral. Nagpapagawa sila ng teksto, sagot sa mga proyekto, at iba pa sa AI, at ito ay kinokopya, nakakakuha sila ng malalaking puntos, mga puntos na nagbibigay galak, ngunit nasasayang dahil sa panlilinlang. Sa mundong puno ng hindi totoo, mahalagang I factcheck ang bawat impormasyong nababasa at umaaabot sa kamay, iwasan sana ng mga kamagaral na gumamit at magpagawa sa A.I ng sagot sa iba’t ibang paksa, makinig na lang sana at magpatulong sa guro kung may di natutunan at kuro-kuro. Hindi sa bawat pagkakataon naroroon ang A.I upang maging solusyon, Tandaan! Huwag umasa sa mga A.I o makina, gawin kung ano ang tama at huwag mawalang bahala. Malaki ang ambag sa mga industriya, at nakakatulong sa mundo, ngunit nagiging paraan upang manlinlang ng tao, A.I. — Ako, Ikaw.


17

SuPORTa

Isports

TOMO 16 BILANG 1 AGOSTO 2022 - MAYO 2023

© Miel Fajardo

BAGSIK NG KAMAO Venz Neian M. Acierto

U

gong ng hiyaw ang madidinig sa nakapinid na espasyo ng arena na ito. Dalawang pangalan ang isinisigaw ng manonood; puno ng tensyon ang kapaligiran—madadama mo ang kasabikan at kaba ng karamihan. Iilang minuto lang ang nakalipas, isa-isang nagsipasukan ang manlalaro sa isang parisukat na entablado na siyang mas lalong nagpadagundong ng ingay sa loob.

Tatlong PUNTOs Jasmine Loise C. Arroyo

M

araming estudyante ang pursigidong maging atleta ngunit nababahala sa mga “disadvantage” nito. Sa pag-arangkada ng Municipal Meet ng San Francisco, Agusan del Sur na nilahukan ng mga magaaral mula sa Agusan del Sur National High School (ASNHS), naging pasanin nila ang kakulangan ng pondo, kawalan ng sariling training ground, at komplikadong iskedyul sa klase lalo pa’t may mga hinahabol na leksyon. Nakapanghihinayang na ang husay at galing ng ating mga batang manlalaro ay para na ring nababalewala dahil hindi sapat ang natatamasang suporta.

Matinis na tunog ng kampana ang nagpapatahimik sa maingay na paligid. Lahat ng mga tao ay nag-aantay sa kung sino ang unang aatake. Pigil-hiniga ang mga madla nang biglang may malakas na pagbagsak ang madidinig sa loob lamang ng pitong segundo. Labis na pagkagitla ang makikita sa mga madla sapagkat mabilis na napatumba ni Miel Fajardo ang kaniyang kalaban. Sa determinasyon at sikap, ang imposible ay magiging posible, ika nga nila. Kahit mahirap at delikado ang kanilang isport, hindi ito naging hadlang sa kaniyang pangarap na makakuha ng titulo sa larangan ng boxing. Mula sa mapayapang probinsya ng Agusan Del Sur nakatira si Miel Fajardo. Si Miel ay labing tatlong taong gulang at siya ay naging isang mag-aaral sa paaralan ng Agusan del Sur National High School (ASNHS). Nasa ikawalong baitang si Miel nang siya’y inanyayahan na sumali sa boxing. Dahil hindi maipagkaila ang kaniyang kagalingan sa pag boboxing, siya ay napili na maging manlalaro sa palarong pambansa.

Matinding hamon para sa paaralan ang limitadong pondo, ngunit hindi ito nangangahulugang dapat sumuko nalang din nang tuluyan ang mga nasa larangan ng isports. Pangarap ng maraming batang atleta na magwagi, mapabuti ang kanilang kadalubhasaan at makilala sa buong mundo. Marami sa kanila ang isinasakripisyo ang oras para sa sarili, pamilya, maging ang oras para sa pahinga. Ngunit, ang lahat ng ito ay nababalewala nang dahil lang sa kakulangan ng suporta mula sa kanilang guro, sa grado at maging sa kakulangan ng pondo. Malaki ang posibilidad na matupad ito kung ang tatlong punto na ipinanawagan nila ay mapakikinggan.

Bagsik ng kamao, liksi ng katawan at mabilisang pagkalkula sa mga susunod na galaw ang siyang nagpapanalo kay Miel.

Bernadette Apreal T. Bas Save one, save all. Kahit noon pa man ay nilalaro na ito ng karamihan sa mga bata, at sumasali pa nga minsan ang mga matatanda nang sila ay maaliw din habang naglalaro.

A

ng grupo namin ay muli na namang panalo. Sa susunod na antas naman, sa mas mataas at mas mahirap abutin.

Ito ay laro ng kabataan noon, lalo na ng mga babae at binabae, na patuloy pa ring nilalaro hanggang ngayon.

Isang laro na kinakailangan ang abilidad ng mga paa kung saan tatalon sa garter ang manlalaro mula rito patungo doon, sa kabilang dako.

Hinaing ng mga atleta ang kulang na suportang pinansyal kung saan sila nalang ang gumagastos tulad sa swimming na P50 hanggang P75 ang binabayaran tuwing magkakaroon sila ng training at maging mismo sa araw ng kanilang patimpalak. Habang nasa P200 ang binabayaran ng mga badminton players kada oras para lang makapaglaro sa mas maayos na court.

Ayon naman kay ASNHS Sepak Takraw Coach at San Francisco-ST Club (SF-STC) president Reyman Gil Lorica, hindi na sila umaasa na magkakaroon ng badyet para sa kanilang training at lessons. Sa isinagawang kauna-unahang SEPAK TAKRAW classroots program sa Agusan del Sur kung saan naimbitahan sina G. Espiridion Rodriguez, Philippine National ST coach at Elly Jan Nituda, Philippine National ST player ay tanging si G. Lorica, at sa tulong ng ibang coaches, ang umasikaso at naglaan ng sariling badyet para rito.

Maliksi ang kaniyang mga galaw na siyang nagpapalito sa kaniyang mga kalaban na sasamahan pa ng mababagsik niyang kamao, tiyak na matutumba ang kalaban. Katulad nalang ng nangyari noong Desyembre 28, 2022 na kung saan sa loob lamang ng pitong segundo ay napabagsak niya ang kaniyang kalaban na siyang nagpapatunay na siya si Silent Assassin.

Pinoy Garter: Ligaya ng batang Pinoy

Gayunpaman, may sarili namang basketball at covered court ang paaralan na nagagamit ng mga manlalaro bilang lugar sa pageensayo. Sa nagdaan ring Cluster Athletic Meet na ginanap nitong ika-17 ng Pebrero, 2023 ay may pondong nakalaan sa kanilang miryenda at pananghalian. Ngunit, umaalma ang mga atleta dito dahil hindi naman talaga ito sapat para mapanagutan ang pawis, pagod, at gastusin na kinukuha lang nila mula sa sariling mga bulsa.

Dagdag pa rito, ang libreng snacks sana sa mga panahon ng pagsasanay ay hindi rin naibibigay. Nahihirapan din silang maibalanse ang kanilang oras lalo pa’t tuwing alas 4 o 5 lamang ng hapon sila maaaring makaalis sa klasrum at konting panahon lang ang naigugugol sa kanilang mga training.

LEFT HOOK. Nalampasan ni Miel Fajardo ang fastest knockout record na sampung segundo ni Phil Williams matapos patumbahin si Sarawut Jiamthong sa loob ng pitong segundo sa Thailand noong ika-28 ng Disyembre, 2022.

Kapana-panabik ngunit masayang laro na hinahamon ang kalakasan ng pagtalon ng bawat manlalaro nito.

Sinasalba at tinutubos ng “mother” ng grupo kapag lahat ng miyembro ay natalo at nasa alanganin na.

TUBOS. Buhay pa rin pala ang mga larong pambata sa panahong digital.

Alysa Kate C. Parba

San Francisco, wagi sa Badminton Singles, Hahampas sa Division Athletic Meet '23 Djaharah Cyril Marie A. Ombajin

S

AN FRANCISCO, Agusan del Sur - Nagkampeon, ang mga manlalaro, sa Badminton mula San Francisco na sina Chester Caplis at Sarah Augusto na parehong nagtala, ng 2-0 iskor, sa Men at Women's Singles A Category pati sina, Prince Bataizar at Nicole Cortez ng Singles B sa iskor na 2-0 at 2-1 sa isinagawang, 2023 SAFROBUN Cluster Athletic Meet Championship Game sa Carson's Badminton Court, ika-17 ng Pebrero. Naangkin ni Caplis ang panalo laban kay Kenneth Abian mula Rosario sa Singles A Category na nagresulta sa iskor na 2-0 (21-5, 21-10), gayundin ang karanasan ni Angel Saldo, kontra kay Augusto na, may parehong puntos. Dagdas panalo, para sa San Francisco ang naiambag ni Bataizar sa Singles B Category nang siya ay naatasang. lumaban kay Jedrick Escobar mula, Rosario at nag-iwan ng 2-0 (21-5, 21-9) na iskor. Matinding laban naman ang napagdaanan ni Cortez sa parehong kategorya kontra kay Princess Gonzaga ng Rosario nan kakaiba ang kamandag, na ipinamalas ni Gonzaga sa korte ngunit ipinakitang-gilas ni Cortez ang lahat ng kaniyang natutunan sa ilang, araw na pagsasanav. na nagcesulta ng kaniang pamamavagpag, 2-1 (21-17, 18-21, 21-9). Sasabak muli ang mga manlalaro sa darating. na 2023 Division Athletic Meet ngayong Marso 3 hanggang, 5 sa kasalukuyang taon na gaganapin sa Loreto, Agusan del Sur.

Christine Hilary Joy Q. Mondejar

SMASH. Namayani si Sarah Augusto sa Badminton Singles A Category kontra kay Angel Saldo at naitala ang landslide na puntos sa Carson's Badminton Court, Pebrero 17, 2023.


18

Isports

TOMO 16 BILANG 1 AGOSTO 2022 - MAYO 2023

Elziede M. Alatraca CROSS-COURT. Matagumpay na nasikwat ng San Francisco Team ang kampeonato ng Cluster Athletic Meet Men's Volleyball laban sa Rosario sa Alegria Gymnasium, ika-17 ng Pebrero, 2023.

2023 SAFROBUN Cluster Athletic Meet

San Francisco, kumawala sa kamandag ng Rosario, 2-1 Jasmine Loise C. Arroyo

M

akapangyarihang spikes at matitibay na atake ang naging panghiganti ng mga manlalaro ng San Francisco upang tuluyang pabagsakin ang tabike ng Rosario, 2-1 (21-25, 26-24, 26-24) sa isinagawang Men’s Volleyball Championship Game sa Alegria Gymnasium, ika-17 ng Pebrero. Maaliwalas na nagdiwang ang mga kampeon nang bigong naisalba ni Ezer Regidor ng Rosario ang bola matapos matikman ang nakapipinsalang cross court attack ni Miko Cabanos, captain ball.

Naamoy na agad ng mga manonood ang matinding labanan ng dalawang panig nang magsimula ang pagpapalitan ng spikes at mahihigpit na blocks na siya ring dahilan nang paulitulit na tie sa iskor na 13-13,14-14, 15-15. Bumandera ng 3 blocks sina Xyler Miles Desoy at Eishal Pocon ng San Francisco ngunit nagpaulan ng 5 pamatay na kills si Lloyd Gacang ng Rosario bilang panapos ng unang set, 21-25. Patuloy na ipinalasap ng Rosario ang kanilang angking galing sa ikalawang

2023 SAFROBUN Cluster Athletic Meet

San Francisco, bumida sa Men’s Sepak Takraw Mariel P. Rivas

S

an Francisco, Agusan del Sur – Ginulantang ng koponan mula San Francisco ang Bunawan gamit ang mga sunback spikes kalakip ang kanilang mahusay na pagtutulungan sa ginanap na 2023 SAFROBUN Cluster Athletic Meet sa Agusan del Sur National High School (ASNHS) Covered Court sa may alas-nuwebe imedya at may ala-una imedya ng hapon, Pebrero 17. Kinakatawan nina Barney Baguio, Jaymark Dichosa, at Joshua Navale ang koponan San Francisco

ang siyang nagpaluhod sa Bunawan sa pamamagitan nang pamatay na headers at spikes para sa Regu A Category, 2-0 (21-7, 21-15). “Talagang strikto sa amin at pinagpapahirap kami ni sir… ginawa namin ito para sa aming paaralan at sa aming mga pamilya,” saad ng mga manlalaro ng San Francisco. Nagwagi pa rin sila sa Regu B na binubuo nina Hienrich Limpioso, Jon Din-awan, at Joshua Dela Cruz kontra Bunawan sa pagpasiklab nila ng mga mababagsik na knee kicks, 2-0 (21-12, 21-8).

“Nakakabog-damdamin at kapanipanabik, mapaghamon, at nakakakaba,” wika ni Lorylene B. Pedroso, tagasanay ng Team San Francisco.

SIKLAB-SIPA. Nagtagumpay ang Regu B ng San Francisco sa 2023 Cluster Athletic Meet Sepak Takraw sa ASNHS Covered Court, Pebrero 17, 2023.

nakabibinging hiyawan ng mga manonood nang mas bumigat ang tensyon sa pagbubukas ng huling set na sinimulan ng 1 ace mula kay Pocon, 1-0.

Naipuwersa ng Rosario na muling itala ang 22-22 na tie at dagling nagpaulan ng 2 spikes upang tapusin ang set ngunit gigil na mga palo mula kina Wackee Espacio at Joshua Tud ng San Francisco ang nagsilbing plot twist, 26-24.

Mainam na pinalipad ng Rosario ang kanilang nag-aalab na aces at mababagsik na blocks upang mahablot ang panalo ngunit hindi ito naging sapat nang pumasok muli si Cabanos at ipinakitang-gilas ang 3 ace at 2 cross court attacks na siyang dahilan upang maiuwi ng San Francisco ang tagumpay sa sariling tahanan, 26-24.

Umiikot sa loob ng gym ang

San Francisco, natameme sa Athletics; Ruiz, nag-iisang bida Mikhaella C. Garcia

Sumipa ulit ng panalo si Navales ng Regu A gamit ang kaniyang mababangis na kicks at maging si Limpioso na nagpainit sa laro ng Regu A at B ang siyang dahilan sa dalawang 2-0 (21-8, 21-10), (21-11, 21-17) ng San Francisco.

Christine Mae C. Buenaflor

bahagi ng laro at kumamada ng 3 puntos subalit agad na nagtanim ng sunod-sunod na atake si Red Arevado ng San Francisco na siyang nagresulta sa 2 puntos na lamang, 17-15.

Aarangkada ang mga nagwagi sa gaganaping 2023 Division Meet ngayong Marso 3-5 sa Loreto, Agusan del Sur.

N

aubusan ng lakas ang ilang atleta ng San Francisco sa ilang kategorya ng Men’s Athletics at tanging si Vincent Ruiz ang representante sa 2023 Division Athletic Meet na siyang pumangalawa sa pwesto ng 400 meter Dash kaugnay sa isinagawang 2023 SAFROBUN Cluster Meet sa Agusan del Sur National High School (ASNHS) Ground, Pebrero 17. Sunod-sunod na pwesto ang nanakaw ng mga manlalaro ng Rosario na sina Hervick Compoc at Christian Jopya sa Long Jump, Triple Jump, at High Jump na tila nagpapalitan sa una at ikalawang pwesto ng kategorya. Bigo rin na nakamit ng San Francisco ang dalawang tanghalan sa Shot Put, Discus, Javelin, 100 meter Dash, at 200

Louisse Danielle E. Cañete

meter Dash nang magtagumpay ang mababagsik na lakas nina Jerome Coeton at Alejandro Labada ng Rosario pati nina Richander Alba at Adrian Isdanis ng Bunawan. Naipuwersa ni Ruiz ang kaniyang katibayan sa 400 meter dash ngunit siya ay nalampasan ni Jerone Navales ng Rosario at tumuntong sa ikalawang pwesto ng kategorya. Dagdag sa listahan ng San Francisco ang kabiguan sa 800 meter, 1.5 kilometer, 3 kilometer, at 5 kilometer dash nang ito ay inangkin nina Mark Angcog, Navales, Paul Gomez, at James Maravilla ng Rosario, at ng atleta mula Bunawan na si Peter Bagante. TAKBO-TALON. Nag-iisang atleta ng San Francisco na sasabak sa 2023 Division Athletic Meet matapos pumangalawa sa 400-meter dash, Pebrero 17.


19

Isports

TOMO 16 BILANG 1 AGOSTO 2022 - MAYO 2023

MULA SA P.20 Dan Ru s s

Dampiganon, iniahon ang bandera sa Swimming Finals

el L.

Princess Sophia B. Briones

a Gum

N

apasakamay ni Abbie Dampiganon ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) ang kaniyang pwesto para sa paparating na Pre-Palarong Pambansa 2023 nang pumoste siya ng 3 gold, 3 silver, at 1 bronze medals sa isinagawang Caraga Athletic Association - Regional Sports Competition (CAA-RSC) sa Butuan City, Abril 25-27.

Djaharah Cyril Marie A. Ombajin

B

Napanatili ng atleta ang kaniyang husay sa paglangoy simula pa lang ng Cluster Meet hanggang sa pagdating ng Regionals. Nadukot ni Dampiganon ang 2 gintong medalya matapos talunin ang kaniyang mga kantunggali sa 4x100 Meter Medley Relay at 4x100 Meter Freestyle Relay. Nadagdagan pa ng isang ginto ang kaniyang naisuot dahil sa kaniyang pagpapakitang gilas sa 400 Meter Individual Medley. Kasabay nito, pumangalawa sa 400 Meter Freestyle, 200 Meter Butterfly, at 100 Meter Butterfly dahilan upang mailapag ng magaaral ang 3 silver medals. 7 medalya ang kaniyang nalikom nang dumagdag pa dito ang 1 bronze medal na kaniyang naibulsa sa kategorya na 50 Meter Butterfly. Christine Hilary Joy Q. Mondejar

ASNHS SF Kickers, tatadyak sa Palarong Pambansa 2023 itbit nila Ashleigh Sevilla, Jestyn Cabardo, at Dan Recitas ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) SF Kickers Taekwondo Gym ang 3 gintong medalya sa ginanap na Taekwondo Championships ng 2023 Caraga Athletic Association – Regional Sports Competition (CAA-RSC) sa Butuan City, Abril 25-27.

Samantala, maiging naiselyo ni Cabardo ang dagdag na tagumpay matapos durugin ang mga katunggali sa Poomsae Individual – Boys.

Maaliwalas na ibinandera ni Recitas ang nagniningning na medalya nang matagumpay niyang napangunahan ang Kyorugi-Feather Weight Category ng laro.

Sapat na ang 3 ginto upang maisiguro ang kanilang pwesto para sa Palarong Pambansa 2023 sa Marikina City ngayong Hulyo 29 hanggang Agosto 5.

Hindi naman nagpapahuli si Ashleigh Sevilla na ipamalas ang kanyang angking galing sa Poomsae Individual – Girls na siyang nagresulta ng kaniyang pamamayagpag.

POOMSAE. Napasakamay ni Dan Recitas ang gintong medalya ng 2023 CAA-RSC Taekwondo Kyorugi-Feather Weight Category sa Butuan City, Abril 25-27.

2023 Agusan del Sur Division Athletic Meet

SAFROBUN, nagwagi sa kampeonato; pasok sa Regionals Venz Neian M. Acierto

S SISID-LAK SA PALARO. 7 medalya ang nalikom ni Abbie Dampiganon mula sa magkahiwalay na kategorya ng 2023 CAA-RSC Swimming Finals sa Butuan City, Abril 25-27.

Pakikilahok ng mga Transgender Athletes sa Competitive Sports

21

SANG-AYON

79

'DI SANG-AYON

AN FRANCISCO, Agusan del Sur – Nasikwat ng Cluster 2 San Francisco Rosario Bunawan (SAFROBUN) ang gintong medalya kontra Cluster 4 Trento Sta. Josefa Veruela (TRESJOVER) at nakapagtala ng 2-0 (25-17, 25-20) sa isinagawang Men’s Volleyball Championship sa Alegria Covered Court, Marso 5.

aces ang mga balibolista ng SAFROBUN upang itakda ang panapos ng unang set, 25-17.

Umikot ang malalakas na hiyawan ng mga manlalaro at manonood nang matagumpay na naiselyo ng SAFROBUN ang 8 puntos na lamang sa huling sandali ng laro.

Naisiguro naman ng TRESJOVER na itala ang 16-16 na tie at mabilis na nagpaulan ng 3 aces upang ipantay sa 1-1 ang set score subalit makapangyarihang depensa at atake mula SAFROBUN ang kumandado sa set sa iskor na, 25-20.

Dala-dala ng Cluster 2 ang kanilang maiigting na depensa na siyang kumontra sa cross court attacks mula sa katunggali, 10-8. Naglapag ng 5 blocks ang TRESJOVER ngunit nagpaulan ng 3 aces, 3 kills, at 4 na service

Patuloy na ipinakitang-gilas ng ikaapat na cluster ang kanilang blocks at maiinit na spikes at lumamang ng 3 puntos at sa pag-asang mapasakamay ang ikalawang bahagi ng laro, 12-9.

Sasabak ang mga manlalaro sa 2023 Regional Athletic Meet na siyang gaganapin sa Butuan City ngayong Abril 24-28.

WOMEN’S VOLLEYBALL CHAMP

SAFROBUN, nagkampeon sa Women’s Volleyball; bibida sa Regionals John Rodge Sevilla Elziede M. Alatraca

maaliwalas na pagdiwang. Lumipad agad ang 2 aces at 1 block ng SAFROBUN at kumamada puntos sa unang mga sandal ng unang set, 5-2. Nagpaulan naman ng mga 4 na nagbabagang cross court attacks ang Cluster 4 upang maitala ang 5 puntos na lamang, 12-17.

EPIC COMEBACK. Sasabak sa 2023 CAA-RSC ang SAFROBUN matapos durugin ang TRESJOVER sa Division Athletic Meet sa San Francisco, ika-5 ng Marso.

S

AN FRANCISCO, Agusan del Sur - Naangkin ng Cluster 2 San Francico Rosario Bunawan (SAFROBUN) ang nagniningning na gintong medalya 2023 Agusan del Sur Division Athletic Meet Championship Game matapos durogin ang

Cluster 4 Trento Sta. Josefa Veruela (TRESJOVER), 2-1 (17-25, 25-21, 25-23) sa Alegria Covered Court, Marso 5. Ipinalasap ng SAFROBUN ang kanilang husay sa sets at ace loob ng court na siyang sanhi ng kanilang

Ipinatikim naman ng SAFROBUN ang 3 blocks at 2 spikes subalit nagresulta ito sa net errors kasabay ang 3 service aces ng TRESJOVER na siyang nagresulta pagkakabigo ng Cluster 2 sa set, 17-25. Hindi naman nagpakita ng kahinaan ang SAFROBUN at binitawan ang kanilang angking galing sa cross court attacks at aces upang pantayan ang puntos sa 9-9 sa pagbubukas pa lamang ng ikalawang set. Nagpakawala ng spikes ang

TRESJOVER at pumoste ng 3 puntos subalit tuluyang nagdomina ang SAFROBUN at mabilis na ibinuhos ang 3 kills, 2 digs, at 1 service ace upang bawiin ang pagkatalo sa unang set, 25-21. Nakabibinging hiyawan ng mga manonood ang nagpapalibot sa court nang mas bumigat ang tensyon ng magkatunggaling koponan. Kumawala ng maiinit na aces at matitinding blocks ang Cluster 4 sa pag-asang ibulsa na nang tuluyan ang panalo bilang kampeon subalit naging mahirap na para sa kanila ang pag kontra sa maliliksing spikes at 3 mahihigit na blocks mula sa SAFROBUN na naging dahilan upang maiuwi ng Cluster 2 ang maaliwalas na tagumpay, 25-23. Lalaban ang mga nagkampeon sa gagawing Regional Athletic Meet sa Butuan City ngayong Abril 24-28.


ISPORTS Christine Mae C. Buenaflor

HIYAW NG SAYAW. Ipinamalas nina Dane Marco Macas at Alysa Kate Parba ang kanilang kahusayan sa Dancesports Competition na ginanap sa CAA-RSC 2023. Puno nang hiyawan ang mga manonood matapos nilang masaksihan ang sayaw ng pares at nang makuha nila ang anim na gintong medalya.

GINTO TUNGO PALARO

Macas, Parba, sumaklot ng 6 na ginto sa CAA-RSC ‘23 Jasmine Loise C. Arroyo

B

UTUAN CITY – Namayani sina Alysa Parba at Dane Macas ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) sa Dance Sports Competition ng isinagawang Caraga Athletic Association – Regional Sports Competition (CAA-RSC) dahilan upang tuluyan nang mahablot ang 6 na gintong medalya sa magkahiwalay na kategorya at manatiling buhay para sa darating na Palarong Pambansa 2023, Abril 26. Taglay ng mga atleta ang mapinong

pagsasayaw at determinasyon upang tuluyan nang angkinin ang entablado.

Namayagpag sa kategoryang Paso Doble at Cha-Cha ang mga manlalaro bitbit ang winning sways at grooves na siyang nagrehistro sa unang 2 ginto ng ASNHS Dance Sports Team. Pahirapan para sa mga mananayaw ang pag-indak sa Samba ngunit naging sapat ang ilang oras na pag-eensayo upang

walisin ang mga katunggali sa kategorya. “Winning jud namo ang Paso Doble, weakest dance namo kay ang Samba. Wala mi nag expect nga pati sa kana nga category, madaog namo,” saad pa ni Parba. Hindi naman sila nagpapahuli sa pagpapakitang-gilas sa Rumba at Jive at matagumpay itong napangunahan bilang dagdag sa naitalang panalo.

Golden Move

Muanag, naghari sa Chess Finals CHECKMATE. Nakamit ni Cemberain Muanag ang iba't ibang medalya sa Chess Competition ng CAA-RSC 2023 noong ika-25 ng Abril. Lalaban naman siya sa Palarong Pambansa na mangyayari sa buwan ng Hunyo sa parehong taon.

Jhona Grace J. Barrete

Patuloy na ipinamalas nila Parba at Macas ang kanilang lakas at determinasyon sa pagsayaw sa loob ng 5 minuto sa huling bahagi ng kompetisyon na nagresulta sa kabuuang 6 na gintong medalya para sa Agusan del Sur. Lilipad patungo Marikina City ang mga manlalaro upang sila ay magparangya sa Palarong Pambansa 2023 ngayong Hulyo 29 hanggang Agosto 5.

Dampiganon, iniahon ang bandera sa Swimming Finals Princess Sophia B. Briones

B

UTUAN CITY - Naiuwi ni Cemberain Muanag ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) ang tagumpay sa Chess Finals matapos maibulsa ang 2 gold, at 2 bronze medals sa ginanap na 2023 Caraga Athletic Association – Regional Sports Competition (CAA-RSC) noong Abril 25.

BASAHIN P. 2

Isang ginto ang nairehistro ni Muanag nang napanalonan niya ang Standard Individual Category kung saan naiselyo nito ang pwesto para sa Palarong Pambansa 2023. Nakasama niya si Kent Jerry Muanag sa Standard Team Category at matagumpay na nakamit ang 2 gintong medalya.

Dan Russel L. Guma

Samantala, 1 bronze ang nahablot ni Cemberain sa kategoryang Blitz Individual Category kaugnay ang 2 pang parehong medalya para sa Blitz Team matapos ng kanilang pagsanib-pwersa ni Kent. Christine Hilary Joy Q. Mondejar


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.