PARA SA KALIGTASAN. Tinalakay ni School Nurse
Grace Refuncion, mula sa PCEHS ang tamang pangangalaga ng kalusugan ng mag-aaral bilang pagsasagawa ng CatchUp Friday noong ika-2 ng Pebrero, 2024 Kuha ni: Kurt Ganaden
PARA SA KALIGTASAN. Tinalakay ni School Nurse
Grace Refuncion, mula sa PCEHS ang tamang pangangalaga ng kalusugan ng mag-aaral bilang pagsasagawa ng CatchUp Friday noong ika-2 ng Pebrero, 2024 Kuha ni: Kurt Ganaden
Pangangalaga sa kalusugan, ibinida sa Catch-up
Fridays Orientation
Binigyang diin ni Nurse Mary Grace Refuncion, School Nurse ng Pasay City East High School (PCEHS) ang wastong pag-aalaga ng kabuuang pangkalasugan bilang pagsasagawa ng Catch-Up Fridays sa PCEHS na dinaluhan ng mga Grade 8 learners ng paaralan.
Ginanap ang naturang implementasyon sa gymnasium ng paaralan sa ganap na ika-9 ng umaga na binuksan ni Gng. Penafrancia Canonoy, Mathematics Teacher ng paaralan.
Ayon kay Nurse Grace dapat laging mag hugas ng mga kamay lalo na kung laging nasa labas ng bahay at maraming hinahawakang mga bagay.
“Syempre sa mga hinahawakan natin ‘di natin alam maraming mga bacteria dyan, kung ano ano pa naman hinahawakan natin kaya dapat after, tayo ay nag huhugas ng kamay” Ani Nurse Refuncion.
Pinaalalahanan din ni Nurse Refuncion ang mga mag-aaral na palaging uminom ng vitamins bilang depensa sa mga viruses at sakit na maari nilang makuha.
“Dapat uminom tayo ng vitamins araw-araw upang ‘di tayo magkasakit, lalo na yung mga napupunta sa clinic natin, madalas masasakit ang ulo pati ‘yung katawan daw nila masakit” dagdag pa ni Nurse Refuncion.
Gayundin, kasama sa itinuro ni Nurse Refuncion ang pagkakaroon ng 8 hanggang 10 oras na tulog, uminom ng maraming tubig, umiwas sa mga masasamang bisyo gaya ng pag-inom ng alak, maligo araw-araw, iwasang humiram ng mga gamit tulad ng suklay, ugaliing pagsuot ng tsinenals o sapatos,
Isports Silangan Archers, Hataw sa Unang Salang sa Division Meet
takpan ang ilong at bibig sa tuwing babahing at marami pang iba.
Kaugnay nito, kasabay ng Grade 8 students sa gymnasium ng paaralan, nakiisa rin ang mga grade 10 learners sa kani-kanilang mga silid-aralan upang magsagawa ng Catch-Up Friday bilang pagsunod sa implementasyon ng programang ito.
Dagdag pa rito, ang naturang programa ay naglalayong maglaan sa mga mag-aaral ng kaalaman at bigyan sila ng pahinga upang mapangalagaan ang kanilang kabuuang kalusugan.
PCEHS, nag-uwi ng unang pwesto sa 42nd PCSPCC
MPunong Patnugot ng Ang Libay, Lumahok sa paglulunsad ng MATATAG Curriculum
Pormal na inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon noong Agosto 10, ang MATATAG Curriculum para sa mga Kinder hanggang Grade 10 (K to 10) sa ilalim ng K to 12 Program. Inilunsad ang MATATAG Agenda bilang bagong direksyon ng DepEd sa pagresolba sa mga hamon sa Basic Education.
Isa sa mga layunin sa MATATAG Curriculum ay ang “Makabansa.”
Ayon kay Gng. Jocelyn Andaya, “Layunin ng makabansa na maikintal sa murang kaisipan ng mga magaaral ang malalim na pag-unawa sa sarili at kolektibong pagkakakilanlan bilang isang Pilipino na nakaugat sa kaniyang pagiging bahagi ng komunidad, bayan, lungsod, lalawigan at maging rehiyon.” Matapos ipaliwanag ni Gng. Andaya ang mga layunin ng MATATAG Curriculum, iniabot ni Bise Presidente Sara Duterte ang gabay ng MATATAG curriculum sa mga piling guro, magulang at magaaral. Mapalad ang mag-aaral at Punong Patnugot ng Ang Libay na si John Matthew Mendoza kasama ang iba pang mga guro
at mag-aaral ng Pasay City East High School na makiisa at maging bahagi ng nasabing paglulunsad.
Ayon sa Bise Presidente “MATATAG, “Bansang Makabata, Batang Makabansa” meaning, DepEd’s programs and reforms are intentionally tailored to produce competent, job ready, active, responsible and patriotic citizens.” Ipinahayag ni Sec. Duterte ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa mga tumulong at sumuporta sa kaniya na gawing posible ang MATATAG curriculum para sa mga batang Pilipino.
Sa panayam kay John Matthew Mendoza, Punong Patnugot ng Ang Libay na dumalo sa pagdiriwang, naging masaya at makabuluhan ang nasabing paglulungsad. Aniya, “Naging masaya, makabuluhan at makasaysayan yung paglulungsad dahil mapalad ako na maging parte nito. Isang karangalan din bilang mamamahayag ng aming paaralan ang makadaupang palad ang ating Bise Presidente at Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Hon. Sara Duterte. Nais ko pong pasalamatan ang SDO Pasay, dating punongguro ng aming paaralan na si Dr. Felina Patagan at SSLG Adviser na si Gng. Jocelyn Facelo sa pagpili sa akin na maging kinatawan ng Silangan at ng buong Batang Pilipino.”
atagumpay na nai-uwi ng Pasay City East High School (PCEHS) ang unang pwesto para sa pangkalahatang kategorya sa katatapos na 42nd Pasay City Schools Press Conference and Contest na may temang “The Role of Campus Journalism in Fostering DepEd MATATAG: Addressing Literacy, Characting a News Path” na ginanap sa Epifanio Delos Santos Elementary School nitong Enero 27, 2024.
Nakamit ng PCEHS ang unang pwesto para sa Collaborative Desktop Publishing, Pagsulat ng Kolum, at Kartuning habang ikalawang pwesto sa Paguulo’t Pagwawasto ng Balita, ikatlong pwesto para sa Pagsulat ng Lathalain, at Pagsulat ng Balitang Isports, at ikaapat na pwesto naman para sa Pagsulat ng Editoryal, Pagsulat ng Balita, at Pagsulat ng Balitang Agham.
Samantala, kapwa naman nag-uwi ng parangal ang Pasay City National High School na siyang kinilala bilang champion habang pumangalawa naman ang Pasay City South High School na nakakuha ng ikalawang pwesto sa pangkalahatang kategorya sa 42nd PCSPCC
“In this field, there are no winners or losers, there are just learners” pahayag ni Gng. Imelda Boquiren, Educational Program Adviser na siya ring nagbukas ng programa sa DSPC.
Kaugnay nito, ang patimpalak ay may 20 na kategorya, kasama ang pang grupo at indibidwal ng Pagsulat ng Balita, Pagsulat ng Balitang Isports, Pagsulat ng Balitang Agham, Pagsulat ng Lathalain, Pagsulat ng Editoryal, Pagkuha ng Larawan, Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita, Collaborative Desktop Publishing at Radio Broadcasting, sa Filipino at English. Dagdag pa rito, ang naturang patimpalak ay naglalayong linangin ang bawat talento ng mga batang manunulat at ito na rin ay magsisilbing panimula ng kanilang pagsabak sa tunay na buhay bilang mga mamamahayag.
mga nilalaman NI ELCY GONGAY > NI LORENZ DELGADO AT HAILEY RATO > NI ELCY GONGAY >Nakatanggap ng parangal ang isang Girl Scout galing sa Pasay City East High School na si Mikaella Dannese Malaga sa idinaos na Chief Girl Scouts Medal Presentation Ceremony sa Plenary Hall of The Philippine International Convention Center (PICC), CCP Complex, Pasay City noong ika-15 ng Nobyembre, 2023
Si Malaga ay nakatanggap ng award na Chief Girl Scout Medalist dahil sa kanyang Livelihood Project na nagngangalang “Sining at Disenyo ang susi sa Produktibong ekonomiya ng mga Pilipino” na naglalayong tumulong sa Kabataan sa labas ng paaralan na magkaroon ng kaalaman sa pagbebenta gamit ang arts and crafts.
“Yung project namin na ito trinabaho namin siya for a whole year. So, after accomplishing that nung aawardan na kami as one of the national awardee syempre nalula ako and masaya.” Saad ni Malaga
Ayon pa kay Malaga na nakakapagod ang ganitong mga proyekto ngunit kapag ito ay iyong nalagpasan ito rin ay magiging matagumpay
Samakatuwid hindi lamang sila naging inspirasyon sa kanilang mga kapwa Girl Scout kundi pati na rin sa buong komunidad dahil sa kanilang dedikasyon sa paglilingkod at pagunlad ay nagpapakita ng halimbawa kung paano ang kabataan ay maaaring maging instrumento ng pagbabago at pag-asa para sa kinabukasan ng bansa.
4th Quarter Nationwide
Simultaneous Earthquake Drill, isinagawa
NI MATTHEW MENDOZA >
Nakilahok sa 4th Quarter Nationawide Simultaneous Earthquake Drill ang Pasay City East High School noong Nobyembre 09, 2023 sa ganap na ika-9 ng umaga. Sabay-sabay na isinagawa ng mga mag-aaral, guro at kawani ng PCEHS ay ang Duck, Cover and Hold. Nanguna sa gawaing ito ang School Disaster Risk Reduction and Management Council na pinangangasiwaan ni G. Edgardo Templanza, kasama si G. Benedict Cruz. Umalalay rin ang organisasyon tulad ng Batang Empowered and Resilient Team o BERT, Boys Scout of the Philippines, Girls Scout of the Philippines at PCEHS Red Cross Youth Council.
Sa panayam kay G. Edgardo Templanza, SDRRMC Coordinator, naging maayos ang nasabing drill. Aniya “The drill was done well. The learners were able to understand the value of the exercise and their roles if the event occurs. We hope to be able to level up our response to such emergency with the participation of all the stakeholders in the future.”
Ito ay ginawa upang paghandaan ang “The Big One” at magkaroon ng kamalayan ang mga mag-aaral sa maaaring gawin kapag mayroong lindol.
Hangad ng bawat isa ang magkaroon ng kamalayan upang maging ligtas sa ganitong mga sitwasyon na walang makapagsasabi kung kailan magaganap. Tandaan, Ligtas ang may Alam
PBBM, inutusan ang DepEd ukol sa bagsak na resulta ng PISA
Pinakilos ni President Bongbong Marcos ang Department of Education na pagtuunan ng pansin ang resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) upang mapataas ang mababang performance ng mga mag-aaral dito.
Ayon sa pangulo, tutukan aniya ang pagsasanay pa ng mga guro, nutrisyon ng mga estudyante at pagpapahinto sa mga kaso ng bullying.
Dagdag pa ni Marcos, ang epekto ng paggamit ng mga gadgets, kakulangan ng espesyalisasyon ng mga guro, bullying at ang salita sa bahay ng mga estudyante ang naging
dahilan ng bagsak na grado sa pagsusulit.
Gayunpaman, saad nina
DepEd Undersecretaries Michael Poa at Gina Gonong na may ginagawa na silang paraan upang makatugon sa naturang problema.
Sa ngayon, tuloy-tuloy ang mga programa para sa mga guro na sinasanay na nagsusulong ng specialization at masters degree
Inumpisahan ang pagpapatupad ng Catch-Up Fridays sa PCEHS noong Enero 12, 2024 na tutugon sa learning gaps lalo na ang mababang antas ng pagunawa sa pagbasa sa mga mag-aaral sa elementarya, sekundarya at sa lahat ng community learning centers sa buong bansa.
Nilalayong palakasin ng programa ang edukasyon na prayoridad sa MATATAG Agenda, pataasin at pabilisin ang pagtatamo ng edukasyon na pangunahing target sa National Learning Recovery Program (NLRP) ayon na rin sa nilalaman ng Deped Memorandum No.001, s. 2024.
Kaya naman, alinsunod sa mga gawain sa Catch-Up Fridays, hindi nagpahuli ang ating paaralan na bigyang-buhay ang mga programang ito tulad ng DEAR na sa unang pagpapatupad nito, dalawang iskedyul ang ibinigay sa oras ng pagpapabasa sa mga magaaral, isa sa umaga at isa sa hapon na dalawampung minuto ang inilaan.
Sa kasunod na Biyernes, Enero 19, inabisuhan ang mga guro na magpadala sa mga mag-aaral ng anumang babasahin at naghanda rin ang mga guro ng sariling mga babasahin para sa
habang ang DSWD naman ay gumagawa na ng hakbang upang mapabuti ang sistema ng feeding program para sa mga mag-aaral. Gayundin, sa usaping bullying naman ay nakikipagugnayan na ang DepEd sa binuong child protection committee sa mga paaralan upang patuloy na mapaigting ang pagkontrol sa mga kaso nito.
tulong ng mga larawan sa mga araw ng Biyernes, nasa paaralan o bahay man ang mga mag-aaral.
ayon sa survey ng Pulse Asia Research Inc. Larawan mula sa: Telegra.ph
Karamihan sa mga Pilipino ay hindi pabor na payagang manatili sa bansa ang pag-ooperate ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO)
Kamakailan ay naglabas ng suvery ang Pulse Asia Research Inc .na nilahokan ng 1,200 respondents
Ayon sa talang nakalap sa survey, 85% ng mga respondents ay tutol sa POGO operations sa bansa.
Batay sa survey, 82% sa National Capital Region, 88% sa Luzon, 93% sa Visayas at 75% sa Mindanao ay ayaw na manatili ang POGO operation sa bansa.
“Ipinakita ng survey na 6% lamang ng mga anasurvey sa buong bansa ang pabor sa operasyon
ng POGO” ani Sen. Win Gatchalian.
Saad ng ilan sa mga respondents, ang mga pangunahing dahilan ng kanilang sagot ay ang pagtaas ng isidente ng krimen (59%); paglaganap ng mga bisyo (56%) at tumataas na bilang ng mga Chinese national na nagtatrabaho sa bansa (48%).
Dagdag pa ng respondents, dapat agad na kumilos ang administrasyon ni Pangulong Marcos upang wakasan ang mga operasyon ng POGO sa ating bansa.
respondents tutol sa operasyon ng POGO sa bansa
WALANG PRENO. Patuloy pa rin ang pagpapasada ng mga tradisyunal na jeepney sa bansa kahit matapos ang konsolidasyon na ibinigay ng pangulo noong Disyembre, nakaraang taong 2023 Larawan mula sa: Philstar
Tinawag na magulo at minadali ang pagtatanggal ng Senior High School sa mga State Universities Colleges at Local University Colleges ng ilang grupo ng kabataan at guro
Matatandaang noong Disyembre 18, 2023 ay naglabas ng memorandum ang CHED na ititigil na ang SHS program sa mga SUCs at LUCs bunsod umano ng kawalan na ng legal na basehan para dito.
Ayon sa Teacher’s Dignity Coalition (TDC) at Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang bara-barang pagtanggal ng Senior High sa mga lokal na unibersidad ay magdadala lamang ng karagdagang problema para sa ating bansa at sa kalidad ng edukasyong dapat tinatamasa ng mga kabataan
Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang rekomendasyon na muling pagpapahaba ng konsolidasyon para sa PUV modernization program nang tatlo pang buwan.
Matatandaang lumipas na noong Disyembre, nakaraang taon ang deadline ng naturang konsolidasyon na sa ngayon ay muling pinapayagan na magpatuloy ng pagpapasada ng mga tradisyonal na jeepney hanggang ika- 30 ng Abril, 2024.
“Ang extension na ito ay para bigyan ng pagkakataon ang mga nagpahayag ng intensyon na konsolidasyon ngunit hindi ginawa ang nakaraang cut-off,” ayon sa Presidential Communications Office(PCO).
Samantala, ayon sa tala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mayroong 1,948 mga rutang wala pang
consolidated na jeepney at uv express sa ating bansa.
Gayunpaman, dagdag ng LTFRB na kahit maraming ruta na wala pang consolidated na jeepney at uv express ay walang mangyayaring shortage sa mga pampasaherong jeepney.
“Actually from the responds of the consolidation, ang meaning talaga noon ay may sasalo talaga sa mga ruta na mababakante because of the unconsolidated” ani Engr, Riza Marie Paches, board member ng LTFRB.
Sa ngayon, hindi muna itutuloy ang paghuhuli sa mga unconsolidated na tradisyonal na jeepney na dating nakatakda na dapat simulan sa Pebrero 1, 2024.
PAGSUSUMIKAP.
Patuloy ang pag-aaral ng mga senior high school sa pampublikong paaralan sa kabila ng naulat na pagtatanggal ng SHS sa mga lokal na unibersidad noong ika22 ng Pebrero, 2024 Kuha ni: Kurt Ganaden
“We, the Teacher’s Dignity Coalition (TDC) and Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK), assert that haphazardly discontinuing the Senior High School program in State and Local Universities and Colleges,
without guaranteeing improved access and quality of our education system, will lead to economic displacement for our teachers and threaten our learners’ right to accessible and quality education,” ani dalawang grupo sa isang panayam Dagdag pa ng TDC at SPARK na sila ay nababahala para sa 17,700 na mag-aaral na maaring maapektohan ng desisyong pagtatanggal ng senior high sa mga lokal na unibersidad Samantala, depensa ng Department of Education na mayroon sapat na public schools sa bansa upang malipatan ng mahigit 17,000 na incoming Grade 12 students na maapektuhan ng nasabing pagaalis ng SHS program sa SUCs at LUCs.
Nakiisa ang Pasay
City East High School Youth for Environment in School Organization o YES-O club sa ginanap na 2023 National Capital Region Climate Change Caravan na may temang "Maneuvering to Climate Change Resiliency Through Mobilization of School Communities: An Action for All" na ginanap
noong ika- 10 ng Nobyembre 2023 sa Rizal High School, Pasig City. Nagpakitang gilas sa paggawa ng Ecological Park ang mga lungsod na kasapi ng National Capital Region tulad ng Lungsod ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Mandaluyong, Muntinlupa, Marikina, Manila, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, Taguig at Pateros, Quezon City at Valenzuela.
Narito ang talaan ng mga nagwagi para sa Ecological Park at Best Practices: Best Practices
1st Place – Lungsod ng Valenzuela
2nd Place – Lungsod ng Taguig at Pateros
3rd Place – Lungsod ng Pasig Best in Ecological Park 1st Place – Lungsod ng Muntinlupa
2nd Place – Lungsod ng Manila
3rd Place – Lungsod ng Marikina
Lubos ang pasasalamat ng Pasay City East High School sa mga tumulong at gumabay sa pagsabak ng mga mag-aaral sa ganitong patimpalak kabilang na sina Bb. Marilyn Gonzales, G. Edgardo Templanza, Puno ng Kagawaran ng Agham na si Bb. Emilie Esquivel, Bb. Jhing Macapagal ng SDO-Pasay at YES-O Focal Person at G. Maverrick Tuddao.
SAMA-SAMA. Dinalohan ng mga opisyales ng iba't-ibang lungsod ang paglulunsad ng 3-Year Development Plan ng NCR noong ika-2 ng Pebrero, 2024
Larawan mula sa: DepEd Tayo - NCR
Iba’t ibang isyu sa performance ng estudyante, binigyang pansin
NI ELCY GONGAY >
Matagumpay na inilunsad ang One-NCR Stronger Together: 3-Year Development Plan noong February 2, 2024 na ginanap sa Teatro ng GSIS, sa Pasay City na siyang sasagot sa mga problemang kinakaharap ukol sa kalagayan ng performance ng estudyante sa rehiyon.
Bilang tugon sa mga problemang kinakaharap, mayroong 5 top priorities para sa susunod na tatlong taon ang NCR DepEd. Ito ang Keep School-Age Children in School, Improve Fundamental Skills of Learners, Capacitate School Health and Teachers, Ensure Learner-Centered Environment, at Strengthen Governance.
“This are what we see as burning platform that we need in answering in persistent concerns I have enumerated on why we cannot wait, this 5 priorities will address when implemented will create a big change in the learning outcome of our learners” ani Regional Director Dr. Jocelyn Dr Andaya.
Kaugnay nito, binigyang diin din ni Dr. Andaya ng mga mababang result na nakalap ng NCR sa mga assessment tulad ng Program for International Assessment (PISA), Early Learning Literacy and Numeracy (ELLNA), National Achievement Test (NAT), Rapid Math Assessment at iba pang mga programang inilunsad ng DepEd NCR noong mga nagdaang taon.
Paliwanag ni Dr. Andaya ang dahilan kung bakit mababa ang resulta ng performance ng mga mag-aaral sa mga assessment, ito ay dahil sa: kakulangan ng learning resources, malakas na internet, functional libraries, ICT
tools, Bullying, at overcrowded na mga classroom.
“We need our education system to function we need to address the loopholes and gaps that currentl plague our education, the future of our society depends on a well functioned education system that equip students necessary skils and knowledge to thrive in our evolving world” saad ni Dr. Andaya.
Gayundin, ayon sa DepEd NCR na ang mga planong ito ay gagana lamang at magreresulta nang maganda kung ang bawat mag-aaral, guro, at school heads ay magkakaisa at magtutulungan.
>
Isinagawa ng SMASHED Philippines ang isang dula na naglalayong mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga Kabataang Pilipino tungkol sa pag-inom ng alak na ginanap noong ika-21 ng Nobyembre sa Pasay City East High School Gymnasium.
Nagbigay ng pambungad na pananalita ang dating punongguro na si Dr. Felina P. Patagan. Inilahad niya na hindi lamang sa loob ng paaralan maraming natututuhan kung hindi pati na rin sa labas ng ating paaralan. Maraming tukso ang lumalapit at dapat nating protektahan ang ating kinabukasan. Ang tanging mithiin ng PCEHS ay ang magbigyan ng sapat na kaalaman at makapagdesisyon ang mga mag-aaral para sa kanilang kinabukasan.
Isinagawa noong ika-6 ng
Umaga, Nobyembre 13, ang parada ng mga libro ng iba't ibang panitikan sa ating bansa at sa buong mundo sa Pasay City East High School Grounds at Gymnasium bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Reading Month ngayong taon. Ang Reading Month para sa taong ito ay mayroong tema na “PAGBASA: Pag-asa sa MATATAG na Kinabukasan.”
Ito ay pinangunahan ng English Department sa pangunguna ng kanilang Puno ng Kagawaran na si Gng. Marlyn Mamadod, English Club Adviser na si Gng. Karen Mortera, mga guro ng English Department at English Club Officers.
Lumahok sa parada ang mga mag-aaral mula sa baitang 8 at 10 na nagsuot ng kanilang mga gawang libro at kasuotan. Nagkaroon ang bawat pangkat ng kaniya-kaniyang mga kinatawan upang maipakita ang kanilang presentasyon.
Ang SMASHED Philippines ay lumilibot sa iba’t ibang panig ng Pilipinas upang ikampanya ang kanilang proyekto tungkol sa pagdedesisyon sa tamang pag-inom ng alak at pagbibigay kaalaman para sa mga kabataan. Naghandog sila ng isang dula upang mas maintindihan at makita ng bawat kabataan ng Silangan ang mga hindi magandang epekto ng pag-inom ng alak.
Nakiisa rito ang mga aktor sa Sining na sina
Sam Magno biglang Jella, Shun Gomez bilang Miko at James Ramada bilang PJ. Ipinakita sa dula ang mga epekto ng sobrang pag-inom ng alak tulad ng pagkasira
ng atay, alcohol poisoning, pagkawala ng pokus, anxiety, at marami pang iba. Ibinahagi sa dula ang mga pagpagsubok na nararanasan ng bawat isa kung kaya’t tayo ay natutukso sa mga maling gawain. Ang pagdedesisyon ng tama at paglayo sa tukso kahit na may dinadamdam ay ating ugaliin bilang kabataan.
Matapos ang kanilang pagsasadula, nabigyan ng oportunidad ang piling mga mag-aaral upang magtanong sa mga aktor na gumanap sa dulaan. Binigyang-diin ng mga aktor ang pag-iwas sa pag-inom ng alak na hindi akma sa edad at sobra sa kakayahan. Matutong tumanggi sa tukso at layuan ang mga taong may masamang impluwensya.
Kaugnay nito, ipinararating ng SMASHED Philippines ang pagsasagawa ng tamang desisyon sa ating buhay, binibigyang diin nito ang mga kaakibat na parusa sa mga aksyong ating ginagawa at pinipili. Bilang isang mag-aaral ng Silangan tulungan natin ang bawat isa na mamulat sa mga maling gawain at bisyo.
NTINULIGSA. Ipinahayag ni Sen. Estrada sa kongreso ang kaniyang pagkadismaya sa naulat na pamimigay ng ayuda kapalit ng ladga sa Cha-Cha Larawan mula sa: sportingthailand.com
agbigay ng komento si Senator Jinggoy Estrada tungkol sa napapaulat na pagbibigay ng mga mayors ng isang daang piso upang mangalap ng lagda para suportahan ang Charter Change o Cha-Cha.
Isinagawa ang ASEAN & UNESCO Heritage Sites and Local History Exhibit noong Nobyembre 6, 2023 na ginanap sa Pasay City East High School Gymnasium.
Nagbigay ng Pambungad na Pananalita si Dr. Felina Patagan na sinundan ng mga mensahe mula kina Dr. Joel Torrecampo, CESO VI, SDS, Dr. Arturo Tolentino, CESO VI, ASDS, G. Librado Torres, pinuno ng SGOD, at Dr. Andrew Tan na siyang Regional Education Program Supervisor ng Araling Panlipunan.
Nagbigay rin ng kanilang mensahe ang mga pinuno ng Lokal na Pamahalaan ng Pasay na sina Hon. Joey Calixto Isidro at Hon. Vice Mayor Ding Del Rosario. Kanilang pinuri ang kalinisan at kaayusan ng paaralan.
Nagbahagi naman ng ilang mga mahahalagang aral ang Panauhing Tagapagsalita na mula sa International Cooperation Office na si Dr. Margarita Consolacion Ballesteros.
Nagtanghal ang mga Eastians mula sa iba't ibang pangkat para sa isang Cultural Dance kasabay ang pagrampa ng mga piling lakambini na siyang may dala-dala ng mga watawat ng mga bansang sakop ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.
Matapos ng nasabing programa, agad na nagtungo ang mga bisita sa mga silid kung saan matatagpuan ang exhibit ng mga magagandang tanawin na makikita mula sa mga bansang Brunei, Cambodia, Indonesia, TimorLeste, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam at Pilipinas.
Sa isang panayam, tinawag ni Sen. Jinggoy na “unethical” at iligal ang pangangalap ng lagda kapalit ng P100 at ito ay nilalabag ang batas at binabalewala ang democratic process ng bansa.
“It is unethical and illegal to solicit signatures of constinuents to petition for Charter Change moves in exchance for P100, in the guise of supposed people’s initiative. This practice clearly violates our laws and undermines the democratic process” ani Estrada.
Matatandaan kamakailan ay may panawagan ang
mga Mayor sa Albay na amyendahan ang 1987 Philippines Constitution sa pamamagitan ng people initiative, isa sa tatlong paraan upang mabago ang Saligang Batas sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagkalap ng sapat na bilang ng lagda ng taong sumusuporta dito. Dinagdag pa ng Senador na ang people’s initiative ay isang constitutional rights na ginagawa ng walang kapalit o kahit anumang pananakot at aniya kung sinuman ang nasabing nasa likod nito ay dapat imbestigahan.
Umarangkada ang botohan para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Pasay City East High School noong Oktubre 30, 2023.
Dinagsa ito ng daan-daang tao na nais bumoto at maghalal ng mga susunod na mamamahala sa ating mga barangay. "Ngayong taon ay masasabi kong payapa naman. Wala namang major problem, minor lang naman. All in all payapa naman" ani ng isang watcher. Ayon sa mga pulisya, walang naitatalang insidente kaugnay ng botohan.
Para naman sa ating punongguro na si Dr. Felina Patagan, "Politically educated na nga ang ating mga kababayan" Dagdag pa niya, “Ang Election na ito ay isang patunay ng malayang pagpili at paghalal natin sa ating mga lingkod bayan. Itong nagaganap sa ating komunidad ay nakakahanga sapagkat mapayapang lumalahok ang ating mga kababayan sa ating political”.
“
It is unethical and illegal to solicit signatures of constinuents to petition for Charter Change moves in exchance for P100, in the guise of supposed people’s initiative. This practice clearly violates our laws and undermines the democratic process
- Sen. Jinggoy Estrada
SAKRIPISYO. Boluntaryong pakikpagkaisa ni John Ralph Arnado sa pagtulong sa mga bumoboto sa SK Elections Kuha ni John Mendoza
Kumportableng pag-aaral, karapatan ng mga mag-aaral. Matapos ang ilang taon na makabagong pag-aaral sa panahon ng pandemya, itinalaga ng ahensyang pang edukasyon (Deped) ang pagbabalik ng dating petsa ng pasukan na nagsisimula sa hunyo at nagtatapos ng Abril o mayo para sa susunod na taon.
Kung ating matatandaan, sa unang dalawang taon matapos ang pagbabalik ng face-to -face classes ay ito’y sinimulan natin sa buwan ng Agosto. Dahil sa ganitong iskedyul ng pagpasok lumutang ang mga nagbabagang problema tulad na lamang ng matinding init ng panahon na nagdulot ng hindi kumportableng sitwasyon para sa mga mag-aaral at guro sa loob ng silid-aralan.
mahihirapan ang karamihan sa pagbabalik ng klase dahil sa maikling bakasyon. Oo, mahirap dahil tayo’y kinakailangan nanamang mag-adjust subalit hindi dapat natin ito gawing dahilan upang hindi bigyang pansin ang paghihirap at pagkatuyo ng mga utak ng mga estudyanteng nasa pampublikong mga paaralan, lalong lalo na at sa karamihan ng paaralan ay kulang-kulang palagi ang electricfans at mala sardinas pa sa siksikan.
JOHN MATTHEW MENDOZA
Punong Patnugot
JOHN LORENZ DELGADO
Pangalawang Punong Panugot
TRACY ANGELINE MANGAO Tagapamanihala
ELCY GONGAY Patnugot ng Balita
HAILEY FLESH RATO Katuwang na Patnugot ng Balita
FRANCESCA NIVERBA
Patnugot ng Balita
KRISTEN RAINE TAN Katuwang na Patnugot ng Editoryal
ALEXIES MHAE DARO
Patnugot ng Paglalarawang Tudling
JAMES RYAN MAHINA Katuwang na Patnugot ng Paglalarawang Tudling
NATHAN DANIEL RAVENA Patnugot ng Agham at Teknolohiya
JOHN GABRIEL TIU
Katuwang na Patnugot ng Agham at Teknolohiya
PRINCESS MEA DIZON Patnugot ng Lathalain
ARNIE TUMACAS Patnugot ng Isports
FHEL RICA SUMODLAYON
Katuwang na Patnugot ng Isports
KURT NIKKO GANADEN
Patnugot ng Pagkuha ng Larawan
KAMILA PANDAAN
Katuwang na Patnugot ng Pagkuha ng Larawan
KLINT HERMOSURA
Patnugot ng Pag-aanyo ng Pahina
ELIJAH RAFAEL PATAO
Katuwang na Patnugot ng Pag-aanyo ng Pahina
PRINCESS ANNE GUEVARRA
Patnugot ng Pag-uulo’t Pagwawasto
CLAREN RODOLFO Tagapayo
MARIBETH ARANTON Katuwang na Tagapayo
BELLO CAMACHO
Puno ng Kagawaran
DR. MARIPAZ T. MENDOZA OIC Principal
Nararapat lang na ibalik na natin sa dating kalendaryo ang pasukan dahil maliban sa hindi kumportableng pag-aaral ay naging daan din ang lumiliyab na init upang maapektuhan ang pisikal na kalusugan ng mga nag-aaral dahil sa dami ng mga nahihimatay, na heat stroke at nadehydrate ng mga panahong ito. Isa pa, kung ipagpapatuloy natin ang Agosto hanggang Hunyo na iskedyul ay panigurado hindi na lang pisikal na kalusugan ang maapektuhan kundi pati na rin ang maaring class schedule ng mga estudyante, tulad na lamang sa Pasay City East High School. BIlang pagtugon nila sa isyu na ito ay iniba nila ang oras at bilang ng araw na papasok ang mga estudyante na naging dahilan upang mangarag sa pagtuturo at pag-aaral ang mga ito.
Sa kabila ng mga pagsang-ayon ay mayroong iilan na sumalungat sa sinabing pagbabago, inilalahad na
Maliban sa hindi na natin poproblemahin ang malaimpyernong mga silid aralan, ang pagbabalik ng dating petsa ng pasukan ay nagbibigay din ng pagkakataon sa mga studyante gayundin sa mga guro para makapag pahinga at upang makasama ang kanilang pamilya lalo’t ngayong panahon ay tag-init o ang tinatawag na summer season.
“Edukasyon ang susi ng magandang kinabukasan” iyan ang madalas na pahayag ng mga matatanda, kung totoong edukasyon ang susi nararapat na bilang mga awtoridad ay gawin natin ang lahat ng ating makakaya at bigyan ng kumportableng pag-aaral ang mga mag-aaral sa ating bansa kahit pa kapalit nito ay kakakailanganin natin isakripisyo ang oras ng ating mga bakasyon. Ika nga “sa buhay kailangan mong magsakripisyo ng iilang bagay upang makamit ang tagumpay.”
Isang malaking usapin ngayon ang walang pagbabago sa pasahod na ibinibigay sa mga guro ng Department of Budget and Management na siyang idinadaing ng mga guro lalo na’t inaasahan pa ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Lubhang apektado ang mga guro sa hindi pagbibigay ng DBM na mas mataas na pasahod para sakanila na matagal ng kahilingan ng mga ito. Palaisipan sakanila kung bakit ang presyo ng mga bilihin ay malaya nilang pinakikialaman at kinokontrol, samantalang ang pagtaas sa pasahod ng mga guro ay hindi nila binibigyang pansin. Ayon kay Ruby Bernardo, ACT NCR Union President, hindi na makatarungan kung patuloy pa ring aalisan ng atensyon at tatanggihan ang hinihiling na pagtaas ng sahod ng mga guro at mga empleyado. “ Napakawalang-puso na ng
gobyernong ito kung patuloy pang tatanggihan ang hiling na umento ng mga guro at kawanj, samantalang inutil naman silang kontrolin ang presyo ng pagkain at mga batayang pangangailangan” ani Bernardo Magiging mahirap ito para sa mga guro’t empleyado, gayundin sa mga pamilya na kanilang binibigyan ng pinansyal suporta sa arawaraw. Sa karaniwang sahod pa lamang ay nahihirapan na silang pagkasyahin para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin, paano pa kung hindi ito itatatas? Hindi ba’t nararapat silang bigyan ng patas na sahod? Paano na lamang nila pagkakasyahin ang mababang sahod para sa pagkain ng pamilya at mga pangangailangan sa paaralan?
Pahayag ni Bernardo, matagal ng ‘underpaid’ ang mga guro na kung tutuusin ay maliit na halaga lamang ang kanilang
naiuuwi sa kanilang mga pamilya na kadalasan ay hindi pa sumasapat. “ The reality is that our teachers have been underpaid for too long that we are so deep in debt and majority only gets a take home pay of Php 5,000 monthly. This is not even enough to sustain the food needs of a family of five, how else can we afford other essentials and school needs? “ saad nito. Hindi kailan man naging pasanin ang mga guro sa pamahalaan at lalong hindi ito ang dahilan sa pagkaubos ng pondo ng gobyerno. Sinasabi ng iba na makasasama ang pagtataas ng sahod sa mga guro para sa ekonomiya na kung tutuusin ay walang sawa ang kanilang paglilingkod sa bayan para sa ikabubuti ng kanilang mga estudyante. Dagdag ni Bernardo, DBM ang nangunguna sa pagkontra sa pagtataas ng
suweldo ng guro dahil wala raw sapat na pondo ang pamahalaan. “ Numero uno itong DBM na kumukontra sa umento sa sweldo dahil wala raw sapat na pondo ang pamahalaan. Sumegunda pa ang NEDA sa pagsasabing makakasama sa ekonomiya ang pagtataas ng sahod. Sino ba ang pinaglilingkuran ng ahensiyang ito? “ ani nito. Mainam na mabigyan ng patas at makatarungang sahod ang mga guro kapalit ng walang sawa at puspusan nilang paglilingkod sa bayan. Ika nga nila, maituturing na bayani ang mga guro dahil sa pagsasakripisyo’t pagmamahal nila sa mga estudyante’t kapwa guro. Kaya’t mabuti lamang na bigyan sila ng nararapat na suporta ng pamahalaan dahil hanggang ngayon ay nakatali pa rin sila sa pag-asang mabibigyang umento ang kanilang sahod.
SA TOTOO LANG
Trapiko sa Pilipinas, dapat ng bigyan aksyon
NI SHAJA DAIRO >
Pagkabagal ng usad ng mga sasakyan sa ating lunsod, ay isa sa mga nagiging problema ng ating bansa.
Para sa ating mga Pilipino, hindi na bago o nakakagulat ang sitwasyon na trapik sa Pilipinas, dahil madalas na natin itong maranasan, katulad na lamang tuwing papasok sa paaralan ang mga istudyanteng malalayo ang tahanan o kaya ang mga guro na malalayo ang kanilang mga pinapasukan na paaralan o trabaho. At ayon nga sa mga report ng ating bansa, nangunguna ang Pilipinas sa may pinakamalalang trapik sa Southeast Asia. Pumapangalawa sa Pilipinas ang Indonesia na sinundan ng Thailand, Malaysia, Singapore at Vietnam, at sa buong mundo, pangsiyam ang Pilipinas. Nasa top ang Nigeria na sinundan ng Sri Lanka, Kenya, Bangladesh, Egypt, Iran, Peru, India, Pilipinas at Columbia. Matindi ang trapiko sa Metro Manila, patikular na sa EDSA na inaabot ng tatlo hanggan apat na oras ang biyahe mula Monumento hanggan Taft Avenue. Usad pagong nga ang ating mga sasakyan dito sa ating bansa, kaya marami sa ating mga empleyado at mga istudyante ang hindi nakakarating sa takdang oras. Huli nating naranasan ang pagkababa ng trapiko noong panahon ng pandemya, dahil sa Lockdown subalit ngayon ay nararanasan na ulit natin ito.
Dagdag pa rito, noong nakaraang taon, lumalabas sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency ( JICA ), na P5.4 bilyon araw-araw ang nawawala sa Pilipinas dahil sa matinding trapik sa Metro Manila. Taon-taon ay nagsasagawa ng pagaaral ang JICA at lagi nang malaking pera ang nasasayang sa bansa dahil sa trapik. Talaga namang manghihinayang tayo sa mga bilyones na nawawala sa ating bansa. Dahil sa halaga nito, marami ng pwedeng matulungan ang ating pamahalaan na mga pilipinong nangangailangan ng tulong.
Para maisaayos natin ang ganitong problema ng ating bansa, katulad na lamang ng ginawa ng Department of Transportation ( DOTr ) sa edsa upang mapaluwag ang ating mga kalsada. Lahat ng bus ay ilalagay sa kaliwang lane at doon magsasakay at magbaba ng mga pasahero. Hindi nakagagambala sa mga pribadong sasakyan na inilipat naman sa kanang lane. Marami pa ang isinagawang pagbabago kagaya na lang ng pagpapasara sa ibang mga U-Turn Slot, upang hindi na makasagabal sa mga kalsada. At para makiisa rito dapat natin sundin ang mga ito, matuto tayong maging responsableng Pilipino. Dapat nang gumawa ng aksiyon ang MMDA para mapagaan ito. Buksan ang mga alternate route. Alisin ang mga sagabal sa kalsada, at atasan ang mga traffic enforcers na ayusin ang daloy ng trapiko at hindi ang pagkukumpulan sa malilim na bahagi ng flyover o footbridge. Hindi na maaalis ang pagbubuhul-buhol ng trapiko sa ating bansa, ngunit sa tamang sistema at mahusay na pamumuno ng ating pamahalaan, ay masosolusyunan natin ang mga ito. At kung matuto lahat ng Pilipino na sundin at gawin ang lahat ng mga nakikita sa kalsada o sa Edsa, ay mas magiging maganda ang daloy ng mga sasakyan sa ating bansa. Mahalin natin ang ating mga Kalsada, Kagaya ng pagmamahal natin sa ating bansa.
NI AERHIEL BALUNGAYA >
Nakaaalarmang kaso ng “mental health issues” sa kabataan nakakapagkabagabag na.
Ayon sa Survey ng DOH, 3.6 milyong pilipino ang nakararanas ng mga issue sa kalusugan ng pagiisip, at karamihan sa kanila ay nakararanas ng Depresyon. Depresyon ang isa sa pinakamahirap na problema na hindi lang kabataan ang nakararanas kundi lahat ng tao naaapektuhan nito. Ayon sa datos mula sa WHO ay mayroong 16.8% ng mga estudyante ang nagkakaroon ng depresyon sa isang taon. Ito ay dahil maraming estudyante ang nakakaranas ng pressure mula sa iba’t ibang tao sa kanilang paligid pati na rin mula sa kanilang sarili. Maliban sa pressure isa
ring napakalaking factor ang stress at kawalan nila ng oras magpahinga o gawin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa kanila, dahil sa dami ng gawain.
Isa pa, hindi lang stress at pressure ang dahilan bakit tumataas at lumalala ang kaso ng ganitong sakit sa ating bansa. Kundi dahil na rin sa kakulangan ng atensyon at tulong para sa mga taong nakararanas nito.
Maaaring para sa ibang tao ay iniisip na ito’y madaling lagpasan. Ang iba nga ay ginagawa pa itong biro dahil para sa kanila hindi ito seryoso at gawa-gawa lamang ito, ngunit hindi nila alam na ito’y napakahirap kaya importanteng imbis na pagtawanan ay atin na
”Sang ayon ako dahil tatama na talaga sa panahon ng summer ang oras ng bakasyon ng mga estudyante at guro kung sakaling bumalik sa hunyo ang bukas ng klase
- Joseph Jared Q. Lampinez
lang silang suportahan. Maliban pa rito, hindi rin dapat nating kalimutan na alagaan ang ating sarili at palaging maglaan ng oras para sa mga ikasasaya natin at pahinga. Sa buhay. may mga tao na masaya sila sa kanilang pisikal na anyo ngunit sa kanilang kalooban ay mayroon pala silang matinding pinagdadaanan. Kaya naman napaka importanteng magsaliksik tayo ng mga paraan paano makatutulong sa mahal natin sa buhay na sumasabak sa ganitong problema, at maliban dito nararapat din na habang maaga pa ay humanap na tayo ng paraan upang maiwasan ang pagiging depress tulad na lamang ng paglalahad ng ating emosyon at problema sa
iba at paghingi ng saklolo. Makukuha lamang ang kaginhawaan kapag nag dadamayan, kaya naman sa madugong laban ng depresyon at ibang mental illness napakahalagang magtulungan tayong protektahan at gabayan ang isa’t isa. Ika nga nila “helping others is also helping yourself”
”
Sa oras ng matinding kalungkutan, malasakit at pagmamahalan ng isa’t isa ang kinakailangan.
ang pasukan ng klase?
Magandang ideya ito dahil sobrang init sa room kapag summer, pero magkakaroon ba ng sapat na bakasyon ang mga estudyante at mga guro kung sakali. Kaya depende pa rin sa desisyong isasagawa ng DepEd, kung ito ba ay makabubuti - Razel Cister
Ako po ay sang ayon dahil mas magkakaroon ng mahabang bakasyon ang mga estudyante pati na rin guro kung sakaling bumalik sa dating iskedyul ang pasukan
- Thara Francess A. Chavez
Agad-agaran ang pagpapasya ng Commission on Higher Education (CHEd) at Department of Education (DepEd) na hindi na ipagpapatuloy ang pagtanggap ng Senior High School Programs sa mga state universities and colleges sa school year 2024-2025.
Iniuutos ng CHED sa mga unibersidad at mga koyelihiyong pag-aari ng estado na huwag ng tumanggap ng mga senior high school students. Dahil sa anunsyo, maraming nabigla sa desisyong ito ng CHED lalong-lalo na para sa mga magulang at estudyante na incoming Grade 11 sa susunod na mga pasukan.
Sabi nga ng Isang estudyanteng incoming grade 11 mula sa Pasay City East highschool na si Jhon Albert Lubag ”Hindi po talaga ako sang ayon, nakakapanghinayang rin po kasi isang oportunidad ang makapasok o makapag-aral sa mga SUC.” Kung hindi na sila papayagan sa state and local universities and colleges ano ang kahahantungan ng mga baitang 11? Saan sila pupulutin? Para kay Rep. Arlene Brosas Gabriela ng Women’s Party-list. ”Mapipilitan ang mga estudyante na pumasok sa mga pribadong paaralan na mas mahal ang matrikula o kaya naman ay tumigil sa pag-aaral kung kulang na kulang pa rin ang pasilidad sa public schools.”
Ayon sa DepEd, ang mga maaapektuhang estudyanteng nasa baitang 11 ay maaaring mag-enrol sa public schools at ang iba ay sa pribadong eskuwelahan. Ang mga sinasabing Voucher Program ay maaari naman daw iavail para sa mga mag
babaitang 11 ngayong taon.Hindi muna dapat nagdesisyon agad ang DepEd at CHEd sa bagay na ito, ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), dahil malaki ang magiging kahihinatnan nito. Kaugnay, ang DepEd ay nahaharap sa iba pang mga isyu, kabilang ang kakapusan ng classrooms at kakulangan sa guro sa mga pampublikong eskuwelahan. Habang sa pribadong eskwelahan, tiyak na malaking pasanin dahil mahal ang kailangang bayaran sa tuition fees. Ang naunang desisyon ng CHEd at DepEd na itigil ang SHSP sa mga state universities and colleges ay dapat na ipawalang-bisa, aniya
”Malaking hakbang ang ibukod ang mga senior high school mula sa pagpasok sa mga kolehiyo at unibersidad ng estado na magdudulot ng malalaking isyu para sa mga magulang at mag-aaral. Bilang karagdagan sa mga paghihirap
ng kanilang mga magulang, may posibilidad na magdusa ang pagganap ng akademiko ng mga kabataan, na humahantong sa kanila na sumuko sa kanilang pag-aaral. Mawawalan na sila ng gana mag-aral lalo pa nga’t magkukulang sa budget ang kanilang mga magulang. Kaysa naman mabaon sa utang at magutom, titigil na lang sila at tutulong sa mga magulang sa pagtratrabaho”.
Kung ganito pala ang kahihinatnan ng Senior High mas mainam na tanggalin na lang ang K12 program, na ipinatupad noong 2013. Kung wala nang pakialam ang CHEd at DepEd sa programa, ano pa ang silbi ng ipagpatuloy ito? Ibalik na lang sa tradisyonal na sistema na mas organisado ang pag-aaral mula kindergarten hanggang grade 10.
Noong Oktubre 7, 2023, sumiklab ang giyera na kung saan maraming inosenteng tao ang nadamay, ito ay ang digmaan sa pagitan ng Israel at Palestine. Ito ay dahil sa pagkadismaya ng Palestine sa katiting na lupang kanilang natanggap. Walang sino man ang papayag sa hindi patas na hatian pagdating sa ari-arian.
Halos pitong daang libo (700,000) ang lumikas pagkatapos nilang matalo sa laban nila sa Israel na para bang tinanggalan na sila ng karapatan na tumira sa lupa na kung saan sila lumaki at tinirhan ng kanilang mga magulang. Kinuha ng Israel ang natitirang mga lupa ng mga Palestinian at halos tinanggalan na ng Israel ang mga ito sa karapatang mabuhay, hindi na sila natahimik at pati karapatang mabuhay nang maayos ay kanilang ipinagkait. Marami na ang nawalan ng buhay, bata man o matanda ay walang takas. Ilang inosenteng tao pa ba ang kailangang mawalan ng buhay? Ang ganitong mga balita ay nagiging masamang ehemplo para sa mga kabataan, papasok sa isipan nila na ang solusyon sa lahat ng bagay ay giyera. Sa dami nang giyerang nangyayari hindi na
NI JAY-AR ESPINO >
Pag-usbong ng usapusapang charter change lumutang muli ngayong bagong pasok ng taon.
Cha-cha o charter change, ito ang pagaamyenda sa 1987 konstitusyon na may layunin na mabigyan ng pagbabago o alterasyon ang overall structure nito.
”Ang ilan sa mga nais mabago ng cha-cha ay ang pagtaas ng restrictions ukol sa foreign ownership and investments, maliban pa rito nais ring mapaikli ng pag-aamyenda ang termino ng mga senador at mapahaba naman ang termino ng Local Government Officials.
ang solusyon na kailangan ng mga mamayanan. Oo, maari nitong maayos at mabuksan ang opportunidad para sa iba ngunit may posibilidad din itong maging daan upang maabuso ng mga gahaman at korupt na makapangyarihan para sa sarili nilang mga kagustuhan. Tulad na lamang ng mga balitang mayroong nagpapirma para sa people initiative na kailagan upang maamyendahan ang konstitusyon sa sorsogon bilang kapalit umano sa ayuda.
Ang pagunlad ng bansa’y magsisimula sa mga mambabatas at hindi sa pagbabago ng batas.
Maaring para sa iba maging malaking biyaya ang pagbabago sa konstitusyon, lalong lalo na para sa mga business men galing ibang bansa dahil maaring maiangat ng cha-cha ang restrictions sa foreign ownership na maaring maging daan para mas malawakang foreign investments at para sa mga pulitikong maaring mas humaba ang kaniang mga termino. Ngunit paano naman ang iilang mga mamayanan na mapipilitang manatili sa pamamahala ng mga kurakot na opisyales sa loob ng limang taon? At paano ang katutubo at magsasaka nating maagawan na naman ng mga lupa para sa mga ipatatayong imprastaktura ng mga banyaga.
Masasabi talagang may iilang layunin ang cha-cha na kaaya-aya pakinggan, subalit kung tutuusin hindi ito
”Kapayapaan ay nagsisimula sa bayanihan, sa laban ng mga palestinian pakikiramay ng bawat isa ang kanilang kailangan
imposibleng matutunan ng kabataan ang ganitong ugali, na lahat ng bagay ay gagamitan ng dahas. Dagdag pa rito, kahit na hindi ito sa ating bansa nangyayari, napaka importanteng gumawa tayo ng paraan upang matulungan ang ating kapwa, upang pagkakaisa ang mangibabaw sa mundo at maging magandang ehemplo sa mga tao. Ito ay magiging isang aral sa mga kabataan upang kapag sila ang namahala sa bansa ay paiiralin nila ang pagkakaisa at hindi ang giyera. Kung kaya’t importanteng tayo ay handa at mayroong kamalayan sa
nangyayari sa ating paligid, at alamin ang magkabilang panig nang sa gayon ay wala tayong kikilingan at magiging patas ang hidwaan. Nararapat na ayusin ang hindi pagkakaunawaan nang mapayapa, at hikayatin ang dalawang pinuno ng bansa na magkaisa. Dahil lamang sa agawan ng lupa, maraming tao ang inagawan ng karapatan mabuhay.
Sa kabuuan, lahat ng tao ay gusto ng kapayapaan, kaya ipaglaban natin kung ano ang tama, dahil sa digmaan walang talo at lalong walang panalo dahil parehas may namamatayan at nawalan ng mga ari-arian.
Pinagbabaril at nasawi ang isang radio anchor sa Misamis Occidental habang nag lilive broadcast. Isa lamang ito sa mapait na sulok na sinasapit ng mga journalist, ikaw, susubukan mo pa ba?
Kamakailan, ang nakakatakot na multo ng red tagging ay nagbigay ng anino sa landscape ng pamamahayag, na naglalagay ng matinding banta sa mga haligi ng isang malayang pamamahayag. Red tagging, ito ay isang kaugalian ng paglalagay ng label sa mga indibidwal o grupo bilang mga rebeldeng komunista o nakikiramay nang walang wastong ebidensya. Ang mga mamamahayag, bilang tagapaghatid ng katotohanan ay gumaganap sa isang mahalagang papel na paghahawak ng kapangyarihan upang bigyan ng liwanag ang mga kaso, balita at mapanagot ang dapat managot. Gayunpaman, habang sinisiyasat nila ang mga sensitibong isyu, ang kanilang trabaho ay nagiging isang tabak na may dalawang talim na umaakit sa galit ng mga taong naghahangad na patahimikin ang mga hindi sumasang-ayon na boses. Nararapat lamang na ito’y wakasan sa pamamagitan ng pagbibigay atensyon ng madla sa nangyayaring mga karahasan sa ating
Mula pa lamang sa mga ulat na ito ay nakikita natin kung paano inaabuso ng ilang mga pulitiko ang kanilang kapangyarihan upang mauto ang masa at makuha ang pansarili nilang layunin.
Makikita naman ngayon sa paligid na karamihan ng mga sumisikat na produkto ay ang mga galing sa ibang bansa kaya naman nahihirapan makahabol sa karera ang local shops. Kaya sa pamamagitan ng pagtaas sa foreign ownership restrictions maaring matabunan nito ang mga local shops at maagawan ng pwesto ang mga katutubo at lokal nating pamilihan. Hindi pagbabago sa konstitusyon ang solusyon, kundi ay ang pagbabago ng pag-uugali ng mga nasa posisyon, dahil walang saysay ang malalaking halaga ng investments at pera na papasok sa bansa kung ito ay didiretso lamang sa bulsa at hindi sa pangangailangan ng masa.
dapat magsimula sa bahay mo
NI LORENZ DElGAlDO >
Inaasahan ng Department of Education o DepEd na mataas ang magiging porsyento ng positibong pagbabago sa literacy ng mga pilipinong mag-aaral kapag tumagal na ang proyektong Catch-Up Friday. Ngunit hindi pa rin mawala sa kanila ang pagkabahala dahil hindi naman palaging nasa paaralan ang mga bata upang kanilang mamonitor at magabayan.
Ngunit kung titignan nating mabuti, hindi lang naman guro ang nagbibigay ng edukasyon sa mga bata. Tandaan natin na ang paaralan ay atin lamang ikalawang tahanan. Kung gayun, saan dapat magsimula ang pagkatuto?
Dagdag pa rito, lumalabas din sa statistics na mas nagiging produkto na matuto ang isang bata o ang isang mag- aaral kapag ang tumutulong sa kaniya ay kaniyang kalapit dahil hindi siya nahihirapan makipag interaksyon dito at malaya siyang sabihin ang kaniyang mga saloobin o damdamin. Kung saan siya nahihirapan at kung saan kailangan niya ng tulong.
Kung susumahin, mahalaga ang interaksyon at ugnayan sa pagkatuto ng isang mag-aaral. Sa pamamagitan nito, nailalabas nila ang kanilang mga kahinaan at kalakasan sa literatura at pamilya nito ang unang tutulong upang paunlarin pa ang kakayahan ng bawat estudyante. Malaki ang epekto ng pagkatuto sa tahanan, dahil dito nagkakaroon din ng quality time ang isang
Dapat na magsimula ang pagkatuto sa ating mga tahanan. Sinuportahan ito ng naging pahayag ni Sir Marcial Sison na, ”dapat pamilya o magulang ang unang gumagabay sa mga mag-aaral sa pagbasa dahil sila ang lagi nilang nakakasama sa loob ng tahanan.”
pamilya sa pamamagitan ng pagbabasa. Dito, sila ay natututo habang nakapaglilibang. Hindi lamang kaalaman ang hatid nito kundi pati na rin pagkakalapit ng loob ng magkakapamilya. Hindi sapat kung guro lamang ang gumagabay sa bawat mag-aaral. Dapat ay mapagtanto nating lahat na kinakailangan din ang tulong at kooperasyon ng bawat miyembro ng pamilya gaya ng magulang upang maging matagumpay ang programang Catch-up Friday.
Dapat pamilya o magulang ang unang gumagabay sa mga mag-aaral sa pagbasa dahil sila ang lagi nilang nakakasama sa loob ng tahanan
Ikinaalarma ng Department of Education (DepEd) ang nakababahalang resulta ng PISA sa mga nakaraang taon.
PISA o Program for International Assesment, ito ay uri ng pagsusulit na kung saan sinusukat ang kakayahan ng mga estudyante sa iba’t ibang subjects tulad ng math at science. Maliban sa Pilipinas ay kasama rin sa pagsusulit na ito ang iba’t ibang mga bansa tulad na lamang ng Japan, South Korea at Singapore. Ayon sa datos ang resulta ng ating PISA ay mababa pa rin kumpara sa mga karatig na bansa, kung tutuusin pangatlong beses na ng
ating bansa na sumabak sa PISA subalit pareho lang ang resulta at malaki ang tsansa na walang mababago dito ayon kay DepEd Sec at Vice President Sara Duterte dahil pareho lang ang estilo ng educational system ng bansa sa nakalipas na mga taon. Sa ngayon, sinabi ni VP Sara na pinatitibay na nila ang educational system ng bansa at kasama na rito ang muling pagpatutupad ng MATATAG K-10 curriculum.
Layunin nito ang maluwagan ang kasalukuyang curriculum ng mga bata at matututukan ang foundation skills. Kamakailan ay may naipatupad din na “Catch-
up Fridays” kung saan maaaring humabol ang mga kabataan sa kanilang mga aralin at mas matutukan ang kakulangan sa edukasyon ng mga estudyante. Maliban sa “Catch-up Friday” may tinatawag na rin tayong DEAR o Drop Everything and Read na layunin namang mamayabong ang kakayhan ng kabataan sa pagbasa at pag-intindi ng literatura. Talaga namang nararapat lang na gumawa na ng aksyon ang DepEd lalong lalo na at nakakahiya para sa ibang bansa kung palagi na lamang nila makikitang mababa ang ating mga resulta. Maliban pa rito, kailangan din talaga ng mga
mga mamahayag at pagsama sa kanilang laban tungo sa hustisya. Maliban pa rito dapat ding ituro kung ano nga ba talaga ang kahalagahan ng malayang pamamahayag at tamang kahulugan ng red tagging. Isa pa, oras na para magkaroon at palakasin na ang legal na proteksiyon sa mga manunulat upang mabigyan din ng matinding parusa ang kung sino mang lalabag nito. Sa kabuoan, ang banta ng red tagging at ang target na karahasan laban sa mga mamamahayag ay tumatama sa puso ng demokrasya. Ang pagbabantay at sama-samang pagkilos ay kinakailangan upang matiyak na ang pamamahayag ay nananatiling malaya, hindi nababalot ng mga anino ng takot at pananakot. Ang paglaban sa red tagging ay isang laban para sa mga pangunahing karapatan na nagpapatibay sa paghahanap ng isang lipunan para sa katotohanan, katarungan, at pananagutan. Ang nakakatakot na banta sa buhay ng mga manunulat ay nararapat lamang na wakasan, protektahan at wag silang kamuhian Ngayong alam mo na ang sinasapit nila, susubukan mo pa ba?
NI FRANCESCA NIVERBA >
Natapos na ang deadline na ibinigay ng gobyerno sa mga tsuper at jeepney operators upang mabigyang daan ang Public Utility Vehicle Management Program o PUVMP.
Sinula pa lamang sa taong 2017, layunin na ng PUVMP na palitan ang jeepney ng mga sasakyang mayroon na hindi bababa sa euro 4-compliant na makiba upang mabawasan ang polusyon. Oo nga naman, nararapat lang talagang bawasan ang mga nagsasanhi ng polusyon. Subalit hindi dapat ito maging dahilan upang ipagsawalang bahala ang alma ng mga drayber na maaring mawalan ng hanapbuhay dahil dito. Paano va naman, imbis na matulungan ng modernisasyon na umayos ang buhay ng mga tsuper ay ito pa mismo ang nagiging dahilan upang mahirapan silang makasakay sa byahe ng modernisasyon. Sabi nga ng Landbank at Development Bank of The Philippines, sila mismo ang nagdududa kung kakayanin ba ng mga tsuper ang tumataginting na 2.8 million pesos para sa
mini-buses. Maliban pa rito, nagpahayag din ang isang tsuper mula sa interbyu ng Philippine star ukol sa isyu. Ika niya “ikamamatay na lang namin ‘yan. ‘Di ‘yan makukuha.”
” Kung patuloy na
pinatatahimik
ang boses
ng mga mamahayag na tumitindig paano na lang ang masang naghihintay na madinig?
estudyante sa ating bansa ng focus at mas marami pang programa na makatutulong sa kanila upang mapalago ang kanilang mga kakayanan at makasabay sila sa iba’t ibang bansa sa mundo. Sa susunod na PISA assessment sa 2025, inaasahan na mas may maayos ng resulta kaysa sa nakaraang mga taon. At bago maibigay ang maayos na resulta ay sana hindi mawala ang supporta at atensyon na ibinibigay ng mga nakaitataas sa ating mga estudyante upang matulungan natin silang makahabol sa nakakapagod na karera ng pagaaral.
Minamahal naming Patnugot, Nais ko lamang ipagbigay alam sa inyo ang kalagayan ng mga silya sa ilang silid aralan sa ating paaralan. Sa aming silid aralan, walong kaklase ko ang nakaupo sa monoblock dahil hindi sapat ang dami ng upuan. Ang katabi naman naming pangkat ay nagrereklamo na rin dahil karamihan sa kanilang upuan ay sira ang armchair o di kaya’y bali ang paa ng upuan. Nawa’y mabigyang aksyon ito sa lalong madaling panahon.
Sumasaiyo, Jhen Andrei Daro
Minamahal kong mga kamag-aral,
Bilang inyong patnugot, aking pinapahalagahan ang inyong mga hinaing kaya naman gagawin ko ang aking makakaya upang iparating ang inyong mga boses sa ating principal para sa mas kumportable ninyong pag-aaral.
Naglilingkod, inyong punong patnugot.
kesa sa masa
mini-buses, ang mga ito rin ay sinasabing mga gamit
China at Japan. Ani nga ni MANIBELA President
umanong mahal ang
kanilang ipabili na kung tutuusin ay mga gawang China naman. Bukod
operators ay kinakailangan na magkaroon bg 15 units ng
daan upang mas maging pabor ang modernisasyon sa mga komunista
Kasunod ng pag-usbong ng mga balita ukol sa modernisadong dyip galing China ay siya ring paglitaw ng mga disensyo ng Pinoy na nagpapakita rin ng modernisadong disenyo ng dyip ngunit sa mas murang halaga. Tulad na lamang ng Francisco Motors na nagsagawa ng kanilang sariling version ng modernized jeeps. Ayon sa may-ari ng Francisco Motors na si Elmer Francisco, ang kanilang jeep ay pasado sa Philippine National Standard para sa modernized jeeps. Maliban pa rito ibinahagi rin ni Francisco na electric powered din ang kanilang disenyo tulad ng galing Tsina, ang kaibahan lamang ay mas mura ang mga ito. Dahil ika ni Francisco layunin nila na matulungan kahit papaano ang mga draybers na makahabol sa karera ng modernisasyon kaya ipagbibili nila ang mga ito sa halagang 985,000 each kada unit. Kung mayroon namang mga gawan Pinoy sa mas murang halaga, bakit kinakailangan pa rin nating magtiis sa gamit naman ng mga vehicles galing China at Japan? Ito na dapat ang maging daan upang matuto tayong suportahan ang mga manggagawang Pinoy. Dahil sa pamamagitan ng pagtangkilik ng sariling atin sigurado ang pag-unlad natin.
”
Daanan ng tsuper at komyuter tungo sa modernisasyon hindi nararapat hadlangan ng kahit sinuman.
ang nararapat at maging matapang na harapin ang mga pagsubok na maari kong danasin.
sa kanila ng praktikal na karanasan at mga pagkakataon upang ipakita ang kanilang mga kasanayan bilang mga mamamahayag.
Sa pagiging bahagi ng kanilang pahayagan sa paaralan, radyo, o telebisyon, natututo silang magtrabaho bilang mga tunay na mamamahayag.
Sa kanilang paglalakbay bilang mga estudyanteng mamamahayag, hindi nila maiiwasan ang mga hamon at pagsubok. Maaaring harapin nila ang mga isyu tulad ng mga problema sa etika, pangaabuso sa kapangyarihan, o kawalan ng kalayaan sa pamamahayag. Gayunpaman, ang bawat tagumpay na kanilang
tagapagtaguyod ng mga kaganapan at isyu sa lipunan, napakahalaga para sa kanila na maging bahagi ng komunidad at makisali sa iba't ibang sektor. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon sila ng mas malalim na pag-unawa sa mga isyung panlipunan at naiintindihan ang mga pangangailangan ng kanilang mga mambabasa o tagapakinig. Sa huli, pagkatapos ng kanilang kurso, ang ilan sa kanila ay piniling pumasok sa larangan ng pamamahayag, habang ang iba ay piniling maglingkod sa bayan. Ang kanilang mga karanasan sa pag-aaral ay bumubuo ng pundasyon para sila ay maging
TEKNOLOHIYA’Y SINASAMBA
Sa kalagitnaan ng makulimlim na gabi, ang silong ng ilaw mula sa mga gadget ay nagiging mas maliwanag kaysa sa mga pahinang papel. Sa pagtitig sa mga ilaw ng screen, masidhing nasisilayan ng mga kabataan ang diwa ng virtual na mundong kanilang kinabubuhayan. Habang ang mga libro ay nananatiling naghihintay, may pagkakamit ng agad na kasiyahan sa pag-scroll at pag-tap sa mga touchscreen.
Ang bawat “like” at “share,” nadarama ng mga kabataan ang isang patuloy na koneksyon sa kanilang online na komunidad. Ipinagpapalit ang kahulugan ng pahina sa kakaibang algoritmo ng likes at follows. Sa halip na mabasa ang mga saloobin ng iba, mas hinahanap ang instant na pag search dulot ng digital na interaksyon.
na nag-uudyok ng kamalayan
> Mea Dizon
Samalubhang usapin ng Charter Change sa Pilipinas, ang makabagong yugto ng ating kasaysayan ay naglalaman ng mga misteryo at pagbabago. Ang pag-aamyenda ng ating Saligang Batas ay nagdadala ng malalim na pangarap at naglalantad ng mga lihim na maitim na tagong iniimbak sa pundasyon ng ating bansa.
Sa bawat hakbang tungo sa Charter Change, parang isang kaharian na nagsusumikap sa pagpapalit ng mga sagisag at estruktura, nililikha nito ang dimabilang na tanong. Ano ang tunay na layunin ng pagbabago?
Ang pagnanais na ito ay isang masalimuot na paglalakbay sa kalikasan ng politika, nagtatanim ng butil ng duda sa isipan ng mga mamamayan.
Sa ilalim ng manipis na bihirang araw, lumulutang ang diwa ng pagtatanong “sino ang tunay na makikinabang sa pagbabago?”
Ang malikhaing pagsusuri ay nagbibigay-linaw sa dayalogo ng kapangyarihan, itinatanghal ang mga katawan na nakabalot sa balabal ng kapangyarihan, handang kaladkarin ang bayan sa isang bagong kasaysayan.
Ang hirap basahin ng mga letra ng isang libro ay nagiging hamon, samantalang ang mga touchscreen ay nagaalok ng kakaibang uri ng agham. Iba ang pag-init ng loob na dulot ng mga pag-tap sa keyboard kaysa sa paglikha ng mga tuldok sa isang pahinang papel. Ang masusing pagninilaynilay ay napapalitan ng mabilisang pindot at swipe.
Sa paglipas ng panahon, ang unang hakbang patungo sa isang makabuluhang aklat ay napapalitan ng pagusbong ng isang digital na pagsasanay. Dahil dito, ang mga kabataan ay nahihirapang magbasa, subalit ang mga display ay patuloy na nagbibigay ng malinaw na landasin sa
Sa bigat ng pagsubok na sa araw-araw ay pasan, Ito’y nasasabing suliranin na lahat ay dumadanas.
Isang bilihin lamang ang tumaas ay mayroon ng komplikasyon sa lipunan. Dala-dala ang malaking gampanin na kahit pa’y sugatan ay naniniwalang presyo ay bababaan at sumisimbolo sa mga mamamayang mayayaman na handang bumaba para sa mahihirap. Sa kalaunan ay naging marka na rin ito ng katatagan para sa mga taong puno ng pagsasakripisyo sa trabaho sanhi ng pakikibaka sa masaklap na karanasan sa buhay kaugnay ng siyang kinakatawan ng lahat.
Unti-unti nating hinigit ang sarili sa pagiging isang
konsyumer sa panahon na tayo ay maluwag pa sa pera. Ngunit sa pamamagitan ng tuluyang pagkaluwag ay hindi natin namamalayan na tayo ay naghihirap na muli.
Ang pagtaas ng mga gastos sa produksiyon ay maaari ring magresulta sa inflation dahil ang mga kumpanya ay maaaring magtaas ng kanilang mga presyo upang matugunan ang mas mataas na gastos. Ang pagbaba ng halaga ng pera ay maaari magresulta sa inflation dahil ang tao ay maaaring magkaroon ng mas kaunting pera upang bumili ng mga kalakal at serbisyo.
“Bakit ang taas ng bilihin?”
Iyan ang laging sambit ng mga
Pilipinong kulang ang badyet, ngunit ito ang nagiging daan sa malawak na tatahakin
sa kadahilanang kapag mataas ang bilihin tayo’y lalong magsusumikap para makaipon, at mabili o makamit ang ating minimithing pangangailangan.
Ang Charter Change ay parang isang makasaysayang pintig na nag-uudyok ng kamalayan, nagaalok ng magandang pangako, subalit may bahid ng panganib. Ang mga di-pantay-pantay na puwersa ay tila mga pagsusuri sa mga lihim na silong ng lipunan, na may layuning makamit ang mas malaking bahagi ng pastulan.
Sa harap ng usaping ito, ang mga mamamayan ay hinahamon na maging mapanuri, maging tagapagbantay sa dilim ng gabi. Isang serye ng sikretong pagsasaliksik, isang paglalakbay na dapat gawin ng may katiyakan at lubos na kaalaman.
Kung noon ay boses lamang sa tabi-tabi ang ngalan ng Inflation, masasabi nating ngayon ay ang ngalang ito na ang nagpapanatili ng katatagan, pag-asa, pagsamba at buhay sa ating pang araw-araw, puso at bukal na kalooban at siyang nagdadala sa pasaning nararanasan.
Dahil sa lahat ng hamon, mahirap o mayaman ito’y ating magagampanan sa pamamagitan ng pagtutulungan sa gitna ng kahirapan.
ara po!" "Makikisuyo po ng bayad" "Barya lamang po sa umaga" - mga katagang kadalasang naririnig sa pagsakay sa pampublikong transportasyon na dyipney. "Beep! Beep! Beep!"
Beep! Ang sabi ng tsuper sa pamahalaan. Sa pagusbong ng makabagong teknolohiya, umuusbong na rin ang usapin tungkol sa pagbabago ng pampublikong transportasyon sa bansa. Sa Administrasyong Duterte nagsimulang balangkasin ang usapin tungkol sa Public Utility Modernization Program na naglalayong gawing moderno at makasabay sa pag-unlad ng makabagong teknolohiya ang mga transportasyong sinasakyan ng bawat komyuter. Kumakatok sa pintuan ng gobyerno ang mga tsuper na ipagpaliban muna ito o hindi naman kaya ay payagan ang pagbili sa mga lokal na nagbebenta ng makabagong dyipney dahil higit na mas mura ito kaysa sa mga imported.
BEEP! Sigaw ng mga tsuper na lubos na maapektuhan ng pagbabagong ito. Ang mga tsuper ang siyang makararanas ng hirap dahil kinakailangang palitan ang mga tradisyunal na dyip patungo sa isang maganda, moderno at makabagong dyip. Maapektuhan ang kanilang kita na iniuuwi sa kanilang pamilya. Hindi sasapat ang kita para sa gastusin sa bahay, baon ng mga anak at pangkain sa pang araw-araw na pamumuhay. Nawa'y mapakinggan ang mga saloobin at suhestiyon ng mga tsuper dahil sa dulo, sila ang lubos na maapektuhan at maaaring magdulot pa ito ng kawalan ng trabaho at kita na siyang bumubuhay sa isang pamilya.
BEEEP!!! Hiyaw ng mga komyuter na araw-araw sumasakay sa tradisyunal na dyipney. Ang pagsakay sa dyipney ay kasama sa pang araw-araw na gastusin na binabadyet ng mga komyuter. Kung papaigtingin ang pagbabago at itaas ang antas ng transportasyon sa bansa, tataas din ang pamasahe. Kung dati ay nasa PHP 13 ang pamasahe, aakyat ito sa mahigit PHP 40 dahil na rin sa pagbabago dala ng modernong dyipney. Ito ay hahantong sa butas na bulsa ng mga pasahero dahil na rin sa maaapektuhan ang pagbabadyet ng pamilya. Kinakailangang ayusin ang badyet upang hindi mabaon sa utang at matustusan ang pangangailangan. Lubhang apektado ang mga tsuper at komyuter sa panukalang pagsabay sa makabagong teknolohiya ng mga transportasyon sa bansa. Pakinggan nawa
aagang Biyaya – ito ang mga katagang kadalasang naririnig sa tuwing mayroong nabubuntis na mga kababaihan na Kabataan. Ano nga ba ang epekto ng maagang biyayang ito sa buhay at lipunan sa isang bansa?
Ang pagiging isang batang ina o “teenage mother” sa Pilipinas ay may malalim at komplikadong mga kahihinatnan, hindi lamang para sa ina kung hindi pati na rin sa kaniyang anak at sa lipunan. Ang edukasyon ng batang ina ang isa sa maaapektuhan. Maraming batang ina ang napipilitang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang kanilang anak. Ito ay nagreresulta sa limitadong oportunidad sa trabaho at mas mababang potensyal na kita sa kanilang hinaharap.
Ang batang ina ay nahaharap sa mga hamong pangkalusugan. Ang pagbubuntis sa murang edad ay may kaakibat na mas mataas na panganib sa kalusugan hindi lamang para sa ina kung hindi pati na rin sa sanggol. Kasama dito ang mga komplikasyon sa panganganak at mas mataas na tsansa ng mga isyu sa kalusugan sa hinaharap.
Ang batang ina ay maaaring makaranas ng social stigma at isolation. Ang pagiging buntis sa murang edad ay madalas na hinuhusgahan sa maraming komunidad, na nagdudulot ng paglayo ng mga kaibigan at maging ng pamilya. Ang mga anak ng batang ina ay may mas mataas na posibilidad na makaranas ng mga problema sa kalusugan, edukasyon, at sosyal na aspeto. Ang kakulangan sa pinansyal at emosyonal na suporta ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa kanilang paglaki.
Marahil hindi pa huli ang lahat, maaari pang iwasan ang ganitong isyu
a bawat pagtatapos ng linggo, narito ang "CatchUp Friday" na naglalayong magbigay-daan para sa masusing pag-aaral at pag-unlad. Ang ideya ng "Drop Everything and Read" ay nagbibigay-daan sa lahat, anuman ang kanilang tungkulin o gawain, na itigil pansamantala ang kanilang ginagawa upang bigyang-pansin ang pag-unlad kaalaman. Tuwing Biyernes, naglalakbay tayo sa mundong aklatan at kaisipan. Ang paglaan ng oras ay isang pagpapahalaga sa sariling pag-unlad at edukasyon. Isang simpleng hakbang lamang, itigil ang lahat ng
sa lipunan. Ang pag-iisip nang mabuti ay makatutulong upang matigil ang ganitong kalagayan ng mga kabataang kababaihan. Nawa’y itatak sa puso’t isipan ang mga maaaaring kahihinatnan ng mga desisyon kung hindi ito pagiisipan.
Sa kabuuan, ang pagiging batang ina ay isang mahirap na sitwasyon na nangangailangan ng komprehensibong suporta mula sa pamilya, komunidad, at pamahalaan upang matulungan ang mga batang ina at kanilang mga anak na magkaroon ng mas magandang kinabukasan. Maaaring iwasan ito sa pagkakaroon ng malawak na pag-iisip at hindi pagpapadala sa tukso. Sulitin ang buhay at oras sa pag-aaral, pagmamahal sa pamilya at pagiging isang kabataan dahil minsan lang maging bata at kailanman ay hindi mo na mababalikan ang panahong ito.
gawain, buksan ang isang aklat, at magsanib-puwersa sa paglalakbay ng mga pahina. Maaaring ito'y sa isang silenciosong kanto, sa ilalim ng puno, o kahit sa loob ng sariling silid.
Para sa lahat. Ang lahat ay inaanyayahan na makiisa sa layuning ito. ang kaalaman ay hindi limitado sa trabaho o paaralan, ito'y isang karapatan at responsibilidad ng bawat isa. Ang Catch-Up Friday ay maaaring ganapin kahit saang lugar. Ang mahalaga'y mahanap ang katahimikan at kapayapaan upang maging masugid na tagapagtanghal ang aklat na napili.
Ang Catch-Up Friday ay pagkakataon para makipagugnayan sa mga ideya, makipagangkop sa iba't ibang kultura, at mapalawak ang pang-unawa. Ito'y hindi lamang pagbabasa kundi paglalakbay sa mga saloobin at karanasan ng iba.
indi naman tayo makikita." "Okay lang yan." "Itago mo" –ganiyan ang kadalasang maririnig mo sa mga mag-aaral na hindi sumusunod sa alituntunin ng paaralan. Tila ba’t hirap na hirap na sumunod at makinig. Para saan ba ang mga batas na ipinapatupad sa loob ng paaralan?
Kaligtasan. Layunin ng mga guro ang kaligtasan para sa kanilang mga minamahal na mag-aaral. Bilang pangalawang magulang sa pangalawang tahanan, ang batas paaralan ay nakalaan para sa ikabubuti ng bawat mag-aaral. Ang pagdadala ng patalim, vape at iba pang mga nakasasama at nagdudulot ng karahasan sa paaralan ay ang isa sa mga dahilan ng pagsagawa ng batas pampaaralan.
Kaayusan. Ipinapatupad ang mga batas paaralan hindi lamang para sa mga mag-aaral kung hindi pati na rin sa mga manggagawa nito. Ang kaayusan ang siyang magiging simbolo ng kapayapaan at pagkakabuklod ng mga mag-aaral. Ang kaayusan ay makikita sa simpleng pagpila ng mga mag-aaral at paghihintay sa kanilang kasunod.
Pagkakaisa. Ang pagsunod sa batas paaralan ay hindi lang gawain ng isa, kung hindi gawain ng lahat. Ang pakikilahok ng mga mag-aaral, mga guro, punongguro, pati na rin ang mga magulang ay mahalaga sapagkat kapag sumunod ay nangangahulugan lamang na nagkakaroon ng pagkakaisa. Sa bawat partisipasyon sa pagsunod ng mag-aaral ay nagbubunga ng pagkakaisa na makatutulong upang magkaroon ng isang maayos at masaganang paaralan na kung saan nagtutulungan ang lahat.
Isinasaalang-alang sa pagsagawa ng mga batas sa paaralan ang kaligtasan, kaayusan at pagkakaisa na kinakailangang sundin ng mga magaaral. Sumunod, makinig at makiisa sa mga batas na ito dahil ito ay para sa sariling kapakanan at upang magkaroon ng disiplina ang isang tao. Sa paaralan may pagkatuto kung kaya’t matututo nawa na sumunod sa mga batas na ipinapairal sa paaralan. Tandaan na “Hindi mahirap makinig, pero hindi rin mahirap sumunod.”
Tila ang buong kalikasan ay bumabalot sa malupit na tag-init dito sa Pilipinas. Ang nakakadiring alingawngaw ng kagubatan, na dati’y puno ng buhay at huni ng ibon, ay tila naging malamlam. Ang sinag ng araw, sa halip na maging kaaya-aya, ay para bang isang pangalawang apoy na umaalipin sa lupang hinirang.
Paano nila hinaharap ang araw-araw na pagpasok sa isang mas mainit na kapaligiran? Ano ang mga hakbang na kanilang ginagawa upang mapanatili ang focus at kahandaan sa pag-aaral?
Sa likod ng mainit na simoy ng hangin, Ang mga palad ng mga mag aaral ay para bang nanunuyot at nawawalan ng ganang pumasok sa eskwela. Para bang nakakawalang gana ang pumasok sa mga silid. Sa kabila ng lahat ng ito, naglagay ng maraming electric fan ang paaralan. Natutulungan nito ang mga mag-aaral lalo na sa may mga sakit.
Sa mga komunidad, ang init ay nagiging tila bagong anyo ng hamon sa kanilang pagkakaisa. Ang likas na
pagkamalikhain ng mga
Pilipino ay naglalabas ng bagong ideya at solusyon para sa problema ng kawalan ng tubig at init. Ang pagtutulungan sa paghahanap ng malasakit at pag-unawa ay nagiging sagisag ng lakas ng bayan na nagtataguyod para sa bawat isa.
Sa harap ng matindi at matagalang el Niño, hindi lang ito isang isyu ng klima kundi isang hamon na kailangang harapin ng buong sambayanan. Ang pagmamahalan at pagkakaisa, tila mga butil ng ulan, ay maaaring magdala ng lunas sa init na ito, at pabuklatin ang damdaming makakatulong sa pagbabago.
4%
ng populasyon sa mundo, nakakaranas ng Anxiety
27.6 %
lamang o isa sa apat na taong kumpirmadong may Anxiety disorder, ang sumasailalim sa panggagamot
NI DIANA RELENTE >
Karamihan sa mga kabataan ngayon ang nakakaranas ng anxiety sa kanilang pang araw-araw na buhay. Kahit gaano ito kadanas, maaaring maging hamon ito sa para sa iba. Kabataan man o matanda ay mayroong anxiety. Sa tingin niyo? Ano kaya ang sanhi at epekto at paraan ng pagharap sa anxiety?
Ang anxiety ay isang uri ng emosyonal na reaksyon na maaaring mabilanggo ang isang tao sa takot at nerbyos. Maaaring mangyari ito sa anumang oras. Tulad na lang kapag hindi ka sanay magsalita sa harap ng maraming tao o hindi kaya ay ikaw ay sumali sa isang patimpalak at ikaw ay tinamaan ng takot at nerbyos. Maraming sanhi ang anxiety, lalo na ang trauma na may masamang karanasan sa nakaraan ang tao tulad ng pagkakaroon ng trauma ay pwede ito magdulot ng matindi at pangmatagalang anxiety. Epekto rin ng anxiety ang pagkakaroon ng emosyonal na epekto kung saan ang isang tao ay nag-iisip ng negatibo, pag aalinlangan sa sarili, at kawalan ng tiwala. Isa rin ang sosyal na pag apekto na maaaring magdulot din ng pag urong sa pakikihalubilo sa iba na maging hadlang sa pakikipagkaibigan
Masosolusyonan lamang ito sa pamamagitan ng pag unawa sa sarili, pagtakas sa mga negatibong naiiisip, pagbibigay ng suporta sa sarili at sa ibang tao na meron din anxiety, at pag ehersisyo upang
mabawasan ang stress at anxiety.
Ang mga therapeutic interventions, tulad ng cognitivebehavioral therapy, ay maaaring makatulong sa pagpapabawas ng mga sintomas at pagbuo ng mas magandang na paraan ng koneksyon sa ibang tao.
Tinatayang 1 sa 4 na tao na may mga karamdaman sa pagkabalisa ay tumatanggap ng paggamot para sa kundisyong ito. Tinatayang 4% ng pandaigdigang populasyon ang kasalukuyang nakakaranas ng anxiety disorder. Noong 2019, 301 milyong tao sa mundo ang nagkaroon ng anxiety disorder, na ginagawang pinakakaraniwan ang mga anxiety disorder sa lahat ng mental disorder.
Bagama‘t umiiral ang napakabisang paggamot para sa mga sakit sa pagkabalisa, humigit-kumulang 1 sa 4 na taong nangangailangan (27.6%) lamang ang tumatanggap ng anumang paggamot. Kasama sa mga hadlang sa pangangalaga ang kawalan ng kamalayan na ito ay isang kondisyong pangkalusugan na magagamot, kakulangan ng pamumuhunan sa mga serbisyo sa kalusugan ng isip, kakulangan ng mga sinanay na tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan, at panlipunang stigma. Pahayag ng World Health Organization.
Sa kabuuan, hindi ito dapat maging hadlang sa pag-usbong at pag-unlad ng isang tao. Sa pamamagitan ng wastong pagunawa at pag tanggap, kaya dapat ay bigyan natin ito ng suporta at pag intindi sa mga taong may anxiety dahil kahit sa anong panahon ay pwedeng maranasan ito at maging matatag lang ang loob at pagtiwala palagi sa sarili. Huwag natin hayaang manatili ang anxiety, palampasin natin ito at magpatuloy sa ating paglalakbay.
NI GABRIEL TIU >
Karamihan na sa kabataan ngayon ay mayroong e-cigarette o mas kilala sa tawag na “vape”. Marami rin dito ay gumagamit nito upang maiwasan na ang pag gamit ng sigarilyo.
Ngunit ano nga ba muna ang e-cigarette? Ito’y isang elektronikang aparato na ginagamit upang manigarilyo. Bagamat ito’y ginagamit upang maiwasan ang sigarilyo, ito ay lubha paring nakakasama sa ating kalusugan dahil sa nikotinang laman nito. Ito rin ay nakakalason para sa mga bata dahil kapag kanilang nalunok ang e-liquid o juice ay maari silang malason.
Ani ng RiteMed, Ang isang alternatibong isinusulong ng iba ay ang paggamit ng electronic cigarette o vape. Napapadali raw nito ang untiunting paglipat mula sa sigarilyo hanggang sa tuluyang pagtigil sa paninigarilyo. Dagdag pa nila, Pito sa sampung taong naninigarilyo ang nagnanais na tumigil. Ang pagtigil sa paninigarilyo ang isa sa pinakamagandang maaaring gawin para sa kalusugan ng tao. Ang paninigarilyo ay nakakasama sa halos lahat ng parte ng katawan, kabilang na ang puso.
Ayon sa California Department of Public Health(CDPH) ang e-cigarette ay
lubhang nakakahumaling kaya’t tumaas ng sampung beses ang paggamit nito sa mga magaaral na hayskul. At ang mga gumagamit naman nito ay apat na beses pang lamang sa mga naninigarilyo. Ito rin ay may peligrong sumabog o umapoy habang ginagamit. Wika naman ng Hello Doctor Philippines, pagdating sa pagkukumpara ng sigarilyo at vape ay mas lubhang mapanganib ang nauna, ngunit hindi ito nangangahulugan na ligtas na ang paggamit ng vape, ito ay hindi gaanong nakakapinsala, na nangangahulugan na maaari pa rin itong magdulot ng banta sa iyong buhay kung ikaw ay nalulong sa vaping.
Dapat nating tandaan na di porket sinabing bawas ang nikotina sa e-cigarette ay tatangkilikin na natin ito. Marami paring side effects o epekto ito sa ating katawan.
2.7M
milyong tao sa Pilipinas, gumagamit ng e-cigarette
Larawan mula sa: pinclipart.com
Gamer ka ba? Konting trivia muna mula sa The Global Filipino Investors, Alam nyo ba na E-Sports is becoming one of the most profitable sidelines in the world of online gaming community sa panahon ngayon. Minsan pa ngang umaabot ng higit $10,000,000 ang prize money sa mga tournaments na ito! Kung kaya naman ay padami na nang padami ang naglalaro at mga sumasali rito!
Alam mo ba? Nagsimulang dumaan ang mga jeepney sa mga lansangan ng Maynila pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nang iwan ng mga sundalo ng US ang libu-libong hindi nagagamit wna mga jeep. Isang entrepreneurial Caviteño na nagngangalang Leonardo Sarao ang nakakita sa kanila ng isang business opportunity para sa mass transport. Mula sa panahon ng kolonyal na Amerikano hanggang sa ilang sandali matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga dyip ay kilala bilang “auto calesa” (o “AC” para sa maikli), na pinangalanan sa mga kabayong calesas ng Maynila, o simpleng “jitney” o “baby bus. “ Ang terminong “auto calesa” ay unang pinatunayan noong 1910, at orihinal na tinukoy sa medyo murang mga imported na sasakyan. Ayon sa datos ng gobyerno, ang e-jeepney ay ginawa ng mga inhinyero ng EVAP, habang ang
Alam mo ba? Mula sa ika-19 na siglo hanggang sa ika-20 siglo, ang mga terminong ginamit upang masuri ang pangkalahatang pagkabalisa ay kasama ang “pantophobia” at “anxiety neurosis.” Ang mga nasabing termino ay nagtalaga ng mga paroxysmal na manifestations (panic attacks) pati na rin ang interparoxysmal phenomenology (ang nakakatakot na estado ng pag-iisip). Ito ay kadalasang nagmula sa mahihirap na karanasan sa pagkabata, ang pagbibinata o pagtanda ay isang karaniwang trigger para sa mga problema sa pagkabalisa. Ang mga karamdaman sa pagkabalisa ay palaging bahagi ng karanasan ng tao. Kahit noon pang 5,000 BC, ang mga paglalarawan ng isang bagay na parang post-traumatic stress disorder (PTSD) ay lumilitaw sa sinaunang mga sulatin ng India. Ngunit ang pag-aaral ng pagkabalisa ay talagang nagsimula mga 2,000 taon na ang nakalilipas sa mundo ng Greco-Romano.
Alam mo ba? Hindi lang Japan ang may virtual assistant na robot, meron narin ang Jollibee! Alam nyo ba na may tinatawag na “Jollibot” sa ilang branches ng Jollibee? Ito ay nagsisilbing waiter o taga hatid ng mga order ng bumili. Ito ay nakakausap at alam ang destinasyon ng bawat order ng pagkain. Nakakabilib! Parami na nang parami ang teknolohiya na
Alam mo ba? Ang salitang “Depression” ay nagmula sa salitang Latin na “to press down”. Mula noong ika-14 na siglo, ang ibig sabihin ng “mag-depress” ay magpasakop o magpababa ng espiritu. Ang pinakamaagang mga ulat ng depresyon ay tiningnan ang kondisyon bilang isang espirituwal kaysa sa isang problema sa pag-iisip. Sa gitnang edad, ito ay tiningnan bilang may supernatural o kahit na mga demonyong sanhi. Ito ay hindi hanggang sa 1970s na ang mga doktor at mga mananaliksik ay nagbigay-diin sa mga biyolohikal na salik na nag-aambag sa depresyon. Ang “Melancholia” ay isang mas matandang termino para sa depression at kung minsan ay ginagamit pa rin upang ilarawan ang isang mas matinding anyo ng depression na may matibay na biological na batayan, kung saan marami sa mga pisikal na sintomas ng depression ay partikular na nakikita.
Defeat! Request backup! You have been slain! Mga katagang madalas nating naririnig mula sa mga naglalaro ng online games. Isa ka rin ba sa naglalaro nito? Ano na ang ranggo mo sa bawat laro? Tigil muna yan at dito muna tayo sa katotohanan. Ano nga ba ang e-games at ano-ano ang mga maganda at masamang epekto nito sa atin.
Naisip mo naba kung ano ang nilalaman ng e-games? E-games ay isang uri rin ng competitive video gaming kung saan tumatakbo ang laro sa loob ng isang gadyet tulad ng selpon o kompyuter. Nagsimula ang mas kilala bilang “video games” noong 1950 hanggang 1960 nang magsimulang magdisenyo ang mga computer scientist ng mga simpleng laro at simulations. Ang video game na naimbento ay tinatawag na “Spacewar!” na nabuo ng Massachusetts Institute of Technology (MIT) noong 1962.
Maraming uri ng e-games mayroong pang-libangan tulad ng Mobile Legends, League of Legends, DOTA, at marami pang iba. Mayroon din namang mga laro na ginagamit bilang sugalan o pera ang labanan tulad ng mga online sabong, POGO, at mga casino online. Nakakalaunch attack! o nakakaenganyo man ang mga ito subalit hindi natin maiiwasan ang mga masamang epekto nito dahil ang karamihan sa biktima ng e-games ay ang mga kaya madalas na nauubos ang kanilang oras kakalaro nito na nagreresulta ng masamang epekto sa pag-aaral, kalusugan, pati narin sa oras sa pamilya. Nawawala narin ang nakasanayan ng mga bata na maglaro sa labas at makisalamuha sa ibang bata dahil sa sobrang pagkababad sa gadyets.
Para naman sa laro na
kasali ng pera, isa ito sa maraming dahilan upang maubusan ng pera at mabaon sa utang ang mga tumatangkilik dito. Umaabot sa libo-libo ang taya ng mga manlalaro dito dahil sa inaasahang mas malaking balik kapag nanalo.
Nakakainitiate retreat o nakakatakot ba ang mga di magandang epekto?
Syempre hindi parin mawawala ang mabuting panig nito. Nagsisilbing libangan, pampawala ng stress, o pampalipas oras ang mga larong tulad nito. Kahit pa kayo ay malayo sa isa’t-isa ay hindi ito problema dahil sa online games na oneclick away na lamang at kayo ay makakapaglaro na ng iyong mga kaibigan o kamag-anak. Ilan sa magandang epekto rin ng mga sugalan online ay ang pagbalik ng malaking pera sa kanila na maaari nilang magamit para sa kanilang pangangailangan o pangtustos sa kanilang pamilya.
Hindi mapagkakaila ngayon na marami na ang tumatangkilik sa mga ganitong bagay dulot ng pagbabago sa teknolohiya ngunit iwasan parin nating malulong o matuktok dito lalo na sa mga sugalan. Matuto parin tayong magbalanse ng mabuti at masamang epekto nito sa atin at iwasan na dito na umikot ang mundo natin. Alamin parin natin kung paano mamuhay at maglaro sa totoong buhay nang sa gayon ay makamit natin ang Victory!
Ang Artificial Intelligence o mas kilala sa tawag na AI ay nakaraan lang sumikat, ngunit aakalain niyo ba nagsimula na ito noong 1900’s? Oo, nung 1957 unang lumabas ang AI at kasalukuyang lang ito naging sikat sa pandinig ng tao. Ngayon lang rin tayo naging mulat sa salitang AI at halos lahat ng tao ay gumagamit na rin AI para sa kanilang pang araw-araw na buhay. Ano nga ba ang AI? Ano ano ba ang mga halimbawa ng AI?
Ang virtual assistant na gamit natin ay nagmula sa isang AI, ano nga ba ang AI? Artificial Intelligence ay isang bagay na galing sa teknolohiya na nagsisilbing katulong o kasama ng isang tao na pwedeng mautusan para gumawa ng gawaing bagay o iba pa. Nagagamit na ang AI ngayon sa mga trabaho o industriya tulad ng Jollibee na may tinatawag na Jollibot ito ay tulad ng isang manggagawa sa Jollibee na nag aabot at nagbibigay ng pagkain sa mga tao, isang halimbawa pa ay ang mga makina na AI ang nagpapatakbo sa mga factory. Para sa mga taong naghahanap ng trabaho ay hindi ito magandang balita dahil sa patuloy na pagtaas ng bilihin sila’y mapapalitan pa ng AI sa kanilang trabaho kaya sila ay mahihirapan na maghanap ng pera pangbili ng kanilang mga pangangailangan.
Umusbong ito noong 1957-1974. Ang mga computer ay maaaring mag-imbak ng higit pang impormasyon at naging mas mabilis, mas mura, at mas madaling ma-access. Ang mga algorithm ng machine learning ay napabuti din at ang mga tao ay naging mas mahusay sa pag-alam kung aling algorithm ang ilalapat sa kanilang problema.
Mas lalong umunlad ito nang dumating ang mga nakaraang taon. Dahil dito ay nawawalan nadin Ang ibang tao Ng trabaho, at pwede itong maging malaking problema. Simula sa transportasyon, Hanggang sa pag m-manifacture. Madami na ding websites na ito ang mainly ginagamit, katulad Ng Character. Ai, Chat GPT, Deep AI, at madami pa Sa pangkalahatan, ang pagbuo at aplikasyon ng AI ay malamang na magkaroon ng malalim na epekto sa mundo sa maraming paraan, parehong positibo at negatibo. Habang patuloy na umuunlad ang AI, mahalagang maingat na isaalang-alang ang mga etikal na implikasyon ng paggamit nito at magtrabaho upang matiyak na ang mga benepisyo nito ay na-maximize habang ang mga kakulangan nito ay nababawasan.
Ano nga ba ang Hand, Foot and Mouth Disease? Ano-ano ang mga sintomas nito? Paano maiiwasan ang sakit na ito? At paano natin ito gagamutin sakaling magkaroon tayo ng ganitong sakit?
Ayon sa nakuhang datos ng Department of Health (DOH) ang Hand, Foot and Mouth Disease o (HFMD) ay isang pangkaraniwang nakakahawang sakit sa mga sanggol at bata na wala pang 5 taong gulang. Ito ay sanhi ng virus na tinatawag na nonpolio enteroviruses. Madalas naman ito ay nag sisimula sa simpleng lagnat at masamang pakiramdam. Karamihan naman ng nagkakaroon nito ay nag dudulot ng paglitaw ng mga sugat at mapupulang pantal makalipas ng isa o dalawang araw.
Ang sakit na HFMD ay kadalasang tumatagal ng isang
linggo ayon sa eksperto. Mga senyales at sintomas ng sakit ay: Lagnat, Kawalan ng ganang kumain, Malaise, at Sore throat.
Sa maiinit na bansa karaniwang naiuugnay ang HFMD tulad ng mga tropical na bansa gaya ng Pilipinas.
Sa unang bahagi ng 2018 surveillance report, natuklasan ng DOH na halos 156 ang naitatalang kaso, 70% ay nasa grupo ng 5 years old below, sumunod naman na pinaka mataas ay nasa pagitan ng edad 5 hanggang 9 na taong gulang at ang pinaka mababa naman ay nasa edad 20 pataas.
Ngunit ano nga ba ang dapat
nating gawin upang maiwasan ito?
Sundin lamang ang mga hakbang na ito upang maproteksyunan ang sarili mula sa disease na ito: Ugaliing maghugas ng kamay, Panatilihing malinis ang paligid, Palaging i-desinfect ang mga bagay na madalawa hawakan ng bata, Pag-iwas sa direktang contact sa mga taong nakikitaan ng mga palatandaan at sintomas ng HFMD.
May dapat bang inumin na gamot upang gumaling dito? Madalas ay mild lamang ang sintomas nito maaring gumaling sa bahay kahit walang gamutan. Sa ngayon wala pang
Ehem, Ehem, Singhot dito, Singhot doon. Marahil masasabi nating simpleng ubo't sipon lamang ito, ngunit iba na ang panahon ngayon. Marami na ang kumakalat na sakit lalo na ang kilalang ubo't sipon. Ngayon ay buwan na ng Disyembre, madalas sa panahon na ito ang pagkalat ng sakit na ubo't sipon. Mycoplasma Pneumoniae nga ba? Pag-usapan natin ang sakit na ito na galing sa sinasabing simpleng Ubo' Sipon lamang.
Tulad nga ng inaasahan ito'y kumakalat nanaman muli. Ngunit may bagong balita na umuusbong, ang Atypical Pneumonia o mas kilala bilang Walking Pneumonia. Ang kadalasang target ng sakit na ito ay ang mga bata, school-aged children, mga young adults, at mga taong 40 taong gulang pababa. Atin pang palalimin ang ating kaalaman dito simulan natin sa ano nga ba ito? Isa rin itong uri ng Pneumonia ngunit ito ay mild lamang, na ang pokus din ay ang ating baga. Sinasabi na ang mga batang may Walking Pneumonia ay maaaring makaramdam ng pagod, ngunit para sa pangkalahatang sintomas ay katulad lamang sa ubo, sipon, pagkakaron ng lagnat, sakit ng ulo, pagsakit ng lalamunan, baradong ilong, pagsakit ng tenga, at sakit sa dibdib dahilan ng pag ubo. At dahil nga ito ay mild lamang, hindi ito kasing lala ng talagang Pneumonia kaya't hindi na kailangan i-ospital pa ang taong may Atypical Pneumonia. Maaaring makahawa ang taong meron nito sa loob ng 2 hanggang 4 na linggo o kung hanggang kailan ang
mga sintomas na kanyang nararamdaman. Ngunit ito'y gagaling din naman sa loob ng anim na linggo. Sa ibang kaso naman ay gumagaling ito ng kusa at hindi kinakailangan ng maraming gamot.
Ayon sa Verywell Health may mga paraan naman upang maiwasan ang sakit na ito tulad ng pagpapabakuna, pagp-practice ng good hygiene, panatilihing malusog at balanse ang timbang, huwag uminom o manigarilyo, at iwasan ang mga taong mayroon nito. Mayroon ding apat na stage ang Walking Pneumonia, una ay Congestion, Red Hepatization, Gray Hepatization, at ang Resolution. Tatlo lamang ang pinakarason ng pagkakaroon ng Walking Pneumonia, Bacteria, Virus, at Fungi.
Ayon sa Department of Health noong November 25, 2023 nakapagtala na ng apat na kaso ng Walking Pneumonia sa Pilipinas. Iwasan na nating ito'y tumaas at kumalat pa dahil baka magkaron nanaman ito ng di magandang epekto sa ating bansa at ekonomiya. Karamihan sa mga tao ay iisipin na mild lamang to
natutuklasang gamot o lunas para rito. Kasalukuyang parin, sumasailalim pa sa pag-aaral ang mga antiviral agents upang ipanggamot sa sakit na ito.
Pahintulot ng DOH na iwasan muna ang paglabas kung ikaw ay infected ng sakit na ito, lalo na kung ikaw ay may mga bukas na sugat. Sa panahon ngayon ay simple na lamang ang mga nagiging sintomas ng sakit kaya maigi na tayo ay magpacheckup agad upang malaman kung ito ay normal pa nga =ba o isang infectious disease na.
Alam mo ba ang iyong gagawin kung sakaling may lalaking bumagsak sa iyong harapan? O kaya naman ay may biglang nangisay ang iyong katabi? Sa ating mga pang araw-araw na pamumuhay ay hindi natin maiiwasan ang mga pagsubok na ating nararanasan, minsan ito’y nagdudulot ng kapahamakan at kailangang agad agad maagapan. Ano nga ba ang dapat nating malaman sa First Aid at First Aid Kit?
First Aid, nagmula sa pinagsamang mga salita na “First Treatment” at “National Aid”ay tumutukoy sa pangunahin o madaliang paggamot sa mga sugat, sakit at mga karamdaman na kinakailangang maagapan upang ito’y hindi lumalala. Madalas itong binubuo ng isang beses,panandaliang paggamot at nangangailangan ng kaunting teknolohiya o pagsasanay upang maisagawa.
Halimbawa ng mga kayang gamutin gamit ang First Aid ay ang mga Lagnat, Hiwa, Paso Sugat at iba pang mga pinsala na kayang mabigyan ng medikal na atensyon bago ihatid sa mga hospital at mabigyan ng maayos na serbisyong medikal.
Maraming pamamaraan ang First Aid na sigurado ay ating narinig o nalaman na, katulad na lamang ng DRSABCD:
D- Danger
R- Response
S- Send
A- Airway
B- Breathing
C- CPR
D- Defibrillation
Ang iba pang mga halimbawa ay ang: FAST (Face, Arms, Speech, Time), ABC
(Airway, Breathing, Circulation.), RICE (Rest, Ice, Compression, Elevation), at marami pang iba.
Sa pagsasagawa ng First Aid ay hindi nakalimita sa mga propesyonal o mga nag-aaral sa larangang pang-medikal, ito ay pwedeng maganap sa ating mga tahanan, sa ating mga paaralan at iba pang mga lugar kaya mahalagang pag-aralan ang Basic First Aid.
Samantalang ang First Aid Kit naman ay ang mga kagamitan sa pagpoproseso ng mga pangunahing askyong medikal. Ito ay koleksyon o suplay na ginagamit sa madaliang medical treatment, tulad ng Injuries o katamtamang kondisyon lamang. Mahalaga na ang bawat lugar na ating pinupuntahan lalo na ang ating paaralan ay may nakapaloob na First Aid Kit upang sa panahon ng disgrasya ay kayang itong mapaghandaan. Ngunit ano nga ba ang nilalaman ng First Aid Kit?
Sa loob ng First Aid Kit ay dapat may nilalaman na mga sumusunod: Alcohol, Bandage, Betadine, Band-aid, Tweezer, Cold Compress, Cotton/ Cotton Buds, Thermometer, Resuscitation Manual, First Aid Instruction.
Yan ang mga kagamitan na dapat nakapaloob sa First Aid Kit, sa ganon ay maayos ang proseso ng pagsagawa ng First Aid. Nawa ay alalahanin nating lahat na sa bawat pagkakataon ay may pagsubok o kapahamakan na nakapaligid sa atin kaya mas ikabubuti natin kung tayo ay laging handa.
"Parang ang init ano? Ate manlibre ka naman ng halo-halo dyan!" "Naku, ako gusto ko ice cream! hahaha" Halo-halo? Ice cream? Ang mga ito ang kinakain natin upang mapreskuhan ang ating katawan tuwing tayo ay naiinitan. Lalo na ngayon na papalapit na ang El Niño ay mas marami ang maghahanap ng mga ito.
MERYENDA NA!
Ang El Niño ay ang pag-init ng panahon na maaaring magdulot ng pag-init ng karagatan, at pagkatuyo ng mga lupain. Ayon sa CNN Philippines inaasahang magtatagal ito hanggang sa susunod na buwan. Dagdag pa nila na maaari rin itong umabot ng Marso hanggang Abril ng taong ito. Ayon sa website ng PAGASA, ang El Niño ay isang malaking oceanographic o meteorological phenomenon na binuo sa Pacific Ocean. Ito ay konektado sa matinding pagkakaiba-iba ng klima tulad ng mapangwasak na pag-ulan, hangin, tagtuyot, at iba pa. Sabi rin nila na maaaring umabot sa 80% ang maaaring tamaan na mga probinsya. Ayon naman kay weather climate monitoring chief Ana Liza Solis, may 13 hanggang 19 na bagyo ang maaaring pumasok sa bansa ngayong taon, mas mababa kaysa sa normal na epekto ng El Niño na 19 hanggang 20.
Laban sa unang sipa ng buhay! Ano ang pinaka unang depensa ng isang sanggol sa mga sakit? Gamot o Herbal ba? O baka naman—kalasag, anghel, at ritwal? Charot! Syempre, bakuna! Alamin kung paano mabibigyan ng depensa ang iyong anak gamit ang bakuna para sa pang-matagalang proteksyon laban sa pitong mga karaniwang delikadong sakit ng mga sanggol bago pa man sila mag-1 taon. Paano at saan sila nakakakuha ng sakit, paano naging depensa ang bakuna, mahalaga ba talaga ito, ano ano ang mga bakunang dapat mayroon ang isang sanggol? Ating palalimin pa ating kaalaman! Bakit kailangan ng newborn vaccine? Siyempre, kailangan niyang maging super baby, hindi lang basta cute! Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention o CDC, ang mga bakuna ay tumutulong sa pagtuturo sa immune system kung paano lumaban laban sa mga mikrobyo. Ang mga bata ay nahaharap sa libu-libong mikrobyo arawaraw. Ito'y nagaganap sa pamamagitan ng pagkain, hangin na kanilang iniinhale, at mga bagay na kanilang iniipit sa kanilang bibig.
Base sa Wikipedia, ang pangkaraniwang iskedyul ng immunization para sa mga sanggol sa Pilipinas ay itinataguyod upang magbigay ng pinakamataas na resistensya laban sa pitong sakit na pwedeng maiwasan sa pamamagitan ng bakuna bago ang kaarawan ng bata. Ang isang lubusang iniimunisadong bata ay dapat nang nakumpleto ang BCG 1 (proteksiyon laban sa tuberculosis), DPT 1, DPT 2, DPT 3 (depensa laban sa diphtheria, whooping cough, at tetanus), OPV 1, OPV 2, OPV 3 (proteksiyon laban sa polio), HB 1, HB 2, HB 3 (depensa laban sa hepatitis B), at bakuna laban sa tigdas bago mag-12 buwan ang bata. Oh! Mga incoming mommies! Ngayon alam niyo na, ha? Alamin ang immunization schedule ng iyong anak sa Pilipinas at siguruhing nasusunod ito para sa kanilang pangmatagalang kalusugan. Tumawag sa iyong lokal na health center o pediatrician para sa karagdagang impormasyon at appointment. Ang regular na pagbabakuna ay susi sa pagiging "super baby" na ligtas at malusog. #ImmunizeForLife
Ang pangyayaring ito ay sinasabing hindi dulot ng climate change at natural lamang ito sa ating atmospera. Ito rin ay maraming hindi magandang epekto sa atin lalo na sa mga magsasaka. Tayo ay maaaring makaramdam ng matinding init sa katawan at mainit na simoy ng hangin. Agrikuktura naman ang pinakaapektado ng panahong ito. Dahil dito ay natutuyot ang mga palayan na nagbubunga sa kakulangan sa suplay ng pagkain, pagkamatay ng mga isda sa palaisdaan bunga ng kainitan, pagbaba ng lebel ng tubig sa mga dam, at pag antala sa pagsisimula ng tag-ulan.
Sa kabila ng malalang epekto nito sa atin, lahat naman ng problema ay may solusyon. Ang pwede nating gawin ay mag-imbak at maghanda ng maraming tubig, pag inom ng tubig sa tuwing nauuhaw, pagligo upang maibsan ang init, at pagtapat o pagbubukas ng aircon para mabawasan ang init sa katawan.
Alam nyo rin ba na ang ibig sabihin ng El Niño ay Christ Child, at ito ay ipinangalan dahil ito ay kadalasang nagsisimula tuwing panahon ng Pasko. Dahil nga ngayon ay tag init ay matuto rin tayong mag-ipon ng tubig upang tayo ay magamit sa oras ng pangangailangan. Palaging tandaan na "Ligtas ang may alam!"
ISineguro ng Silangan na mapasakanila ang tanso nang buhayin nito ang sagupaan sa ikalawang set gamit ang mga spike ni Nicole Tria at bigong save ni Venice Romero ng South bago itinira ni Yanni Jose ang kaniyang nag-aalab na set, isang puntos bago makuha ang matchpoint.
“More training. Kasi mga bata pa sila. Kalahati, bago pa lang ang mga players ko, so ‘di ko ineexpect na ganyan. Makapagrecruit pa sana ako ng mga matatangkad... At kapit lang ‘yan. Gusto ng bata kaya pipilitin niyang manalo. It’s good kasi out of 14 or 15 schools, we made it to third,” ayon kay Gng. Jocelyn Cruz, coach sa PCEHS.
Pinulbos ng Eastians ang Southians sa kanilang 7-0 lead nang samantalahin ang mainit na tensyon na namagitan sa Timog dahil sa mga anim na
pinagsamang errors at misses nito, wala pa sa kalahati ng unang set.
Sinalpak ni Julianne Buaron ang matinding service ace nito na pinawalang-bisa ang malilinis na receive nina Thea Cruz at Mae Sinchongco ng PCSHS upang wakasan ang first set sa 25-16.
Hindi pinalagpas ng Timog ang magkasunod na save nina Queen Bacolod at Buaron nang pahintuin ang iskor ng Silangan, resulta ng pagsubok nito na umangat sa second set.
Nagapsiklab ng matitikas na mga toss si Gechelle Rodriguez at spikes si Buaron ngunit binigo ito ng attack error ni Tria na naging dahilan sa paglista ng iskor ng South at pagsikwat ng 3-0 lead na hawak ng East.
“Connection. Mas pinalakas po ng coach yung connection
at paglalaro namin para makapaglaro po nang mabilis”, saad ni Rodriguez, team captain at ginawarang Best Server sa buong dibisyon.
Hindi mapawi ang ngiti at saya ng mga kababaihang manlalaro ng Silangan nang magtipa ng 25-11 na iskor sa pangalawang set at ibulsa ang bronse pagkadaig sa Arellano University - Jose Abad Santos Campus noong semifinals.
Matinding pagsasanay ang kasalukuyang ginagawa ng bawat manlalaro ng Pasay City East High School sa gabay ng kanilang mga tagapagsanay para sa Division Palaro 2024 na sinimulan sa Athletics na isport noong ika12 ng Enero 2024 sa PhilSports Arena, Pasig.
Mabagsik na pagnanais na manalo at makuha ang mga medalya, tropeo’t karangalan –ang motibasyon ng mga atleta kung kaya’t pursigido silang husayan pa lalo ang kanilang pagtanghal sa kani-kanilang isports.
Ayon sa payo ni G. Lyndon Sanchez, Sports Club Coordinator at Master Teacher I para sa student-athletes ng paaralan, “Maglaro nang patas at nang may kababaang loob. Mag-enjoy at gawin ang buong makakaya.”
“Ang maipapayo ko po sa mga kapwa ko atleta ay ituloy niyo lang po yung nasimulan niyo and huwag na huwag kayong susuko. Palagi niyo pong ibigay yung buong lakas niyo sa lahat ng gagawin niyo, especially sa pag aaral kasi bago naman po tayo maging isang ganap na atleta ay naging isa tayong mabuting estudyante. ‘Yun lang po, pag-igihan niyo lang po sa pag aaral and sa bawat sport na kinabibilangan niyo po, best wishes and goodluck sa mga padating niyong laro,” saad ni Arjen De Guzman Pangan, manlalaro ng Athletics na nag-uwi ng dalawang gintong medalya sa high jump at long jump nito noong Enero 12.
Lubos na humahanga ang buong paaralan ng Silangan sa patuloy na pagpapakitang-gilas ng mga manlalaro nito sapat para buong puso nitong suportahan sila sa kanilang mga laban, nang sa gayon ay mas tumindi pa ang kanilang kalakasan at paniniwala sa sarili.
Kilala si Alexandra Maniego Eala, 17 taong gulang bilang isang manlalaro ng lawn tennis sa Pilipinas na humahawak ng pinakamataas na ranggo sa kasaysayan ng Women’s Tennis Association (WTA) Tour. Siya rin ang kauna-unahang pilipinong nanalo ng maraming titulo ng Junior Grand Slam pati na rin ang isang Junior Grand Slam singles championship.
Ang lawn tennis ay isang popular na isport sa Australia na maaaring laruin ng sinumang kayang humawak ng raketa, kabilang ang mga taong gumagamit ng wheelchair. Maaaring laruin ang tennis ng pang dalawang tao o singles at ng apatang tao na tinatawag na doubles.
Bukod dito, siya rin ang pinakabatang Pilipinong nanalo ng International Tennis Federation Pro Singles Title at ang pinakamataas na manlalarong pilipino sa kasaysayan ng pro circuit. Ayon kay Alex, ang kaniyang kapatid ay ang unang miyembro ng pamilya na nagsimulang maglaro ng tennis sa unang pagkakataon.
Noong una, diretsong paraan lang ito para makasama ang mga kapatid at ang kanilang lolo na gustong makita ng mas madalas ang kanyang mga apo. Ngunit nang mas naging sangkot ang dalawa sa isport, napunta ang pamilya sa sitwasyon kung saan kailangan nilang pag-usapan ang kinabukasan nina Miko at Alex.
Sinabi ni Mike Eala na nagtanong ang kanilang lolo kung ano ang inaasahan nilang makuha mula sa paglalaro ng tennis. Gumawa sila ng desisyon na ituloy ang isang scholarship sa kolehiyo at, kung pabor sa kanila ang kapalaran, maging pro.
PUWERSA. Spike ni Marcelino dahilan para makuha ang unang set ng laban
Kuha ni Kurt Ganaden
Nirapido ni Emmanuel Marcelino ng Pasay City East High School ang dumadagundong nitong mga spike sa Championship ng Division Palaro Boys’ Volleyball para ungusan ang Kalayaan National High School, 25-22, 25-22, 25-15 noong Pebrero 27, 2024 sa kurto ng PCEHS.
Pinabigat ng Kalayaan ang kabog ng dibdib ng mga manlalaro’t manonood nang pilit humabol sa iskor ng Silangan ngunit hinarangan ito nina Jezreel Valenzuela at Jonathan Aguado para mapunan ang kulang na four points bago mag-matchpoint muli.
Nilamon ni Marcelino ang KNHS sa kombinasyong spikes nito kalakip ang mga makapangyarihang save at digs ni Bryan Alvela na naging dahilan ng paggawad sa kanila ng Best Spiker at Most Valuable Player, at Best Digger, ayon sa pagkakabanggit.
“Intense na nagtraining kami and pray lang—pursigi sa pagtraining,” ang sikreto o paraan sa pagkawagi ng PCEHS ayon kay Marcelino.
Pinaasa ng Silangan ang Kalayaan sa unang set matapos lamangan sa wakas ang 1-0, 2-0 at 3-0 pangunguna ng KNHSians bago mag 23 puntos ang Eastians at makuha ang titulo sa iskor na 25-22.
Pinanatili ng dalawang koponan ang bola sa ere nang matagal habang patindi nang patindi ang mga pagsalba nina Gaton at Sulatra upang depensahan ang Kalayaan sa kanilang ika-20 puntos sa second set.
“Kailangan talaga ng preparation kasi NCR na ‘to eh. Actually 3-peat na namin ‘to. So, I’m hoping na makabawi kami sa NCR. Pangalawa, napakagandang regalo nito sa dalawang player ko na eexit na ng Pasay East dahil mga graduating na sila sa Senior High,” saad ng coach ng Silangan na si Gng. Jocelyn Cruz. Sabi naman ni Jemwel Manrique, “Sobrang sarap sa feeling yung nangyari na ito. Actually, chinallenge ko yung sarili ko na kapag ‘di nagchampion yung team ko ay wala. ‘Di ako marunong magsettle, ‘di ako malakas. Kasi ang inaalala ko lagi, ang sabi ng coach namin is malakas kami. Pero ‘di namin tinatake
‘yon hangga’t hindi kami nagchachampion.”
Bigo mang malusutan ng Kalayaan ang East, hindi nagpatinag sa mga pagsargo ng bola at pagbawi sa errors ng kakampi si Lumbao kaya’t napunta sa tropa nito ang mga parangal na Best Libero, Best Receiver, at Best Server. Pinatikim ng Eastians ang KNHSians ng mapait na kapalaran nito nang wakasin ang ikatlong set sa 25-15 para makaabante sa rehiyonal na palaro habang ang KNHS ay nag 1st runner up, sumunod ang Pasay City West High na nag 2nd runner up sa division.
ISPORTS OPINYON
Sa panahon ngayon mas pokus na ang mga tao lalo na ang mga awtoridad sa larong basketball at volleyball na kung saan ito na rin ang naging sentro ng isports sa bansa kung kaya’t nalilimutan na ang iba pang mga manlalaro kagaya nalang ng ilang badminton, gymnastics, at weightlifting players dito sa Pinas na kung saan hindi sila nabibigyan ng pagkakataon na makilala.
Ganap na sinimulan ang
Intramurals ng Pasay City East High School sa pamumuno ng mga guro ng MAPEH Department noong ika-20 araw ng Nobyembre taong 2023 sa grounds ng paaralan.
Pinangunahan ng presidente ng Silangan Sports Club na si Khymyr Syn Bane ang Oath of Sportsmanship na sinundan ng parada ng mga kalahok sa loob ng eskwelahan at sinalubong ito ng mga malalakas na hiyawan upang ipakita ang suporta sa mga manlalarong bahagi ng iba’t ibang baitang.
Nasaksihan din ang mga kasali sa Mister and Miss Intramurals, isang kompetisyon kung saan mayroong mga magkakatambal na mag-aaral na kumakatawan sa kanilang antas.
Ang Intramurals or intrams ay isang programa o okasyon na isinasagawa ng mga paaralan, na nakiisa ang PCEHS, at may layuning bigyang pagkakataon na maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan at talento, mapa-musika, sa sining o
pampalakasan man sa pamamagitan ng paligsahan.
Ngayong taong panuruan na lamang ulit naidaos sa mataas na paaralan ng Silangan ang kaganapang ito sa kadahilanang pagtigil nito ng tatlong taon matapos ang isang taon na nagsilbing “pahinga” mula sa dalawang taong pandemya.
Dagdag pa dito, ang intrams ay hindi lamang tungkol sa pisikal na paligsahan kundi pati na rin sa pagsusulong ng kahusayan at pagpapakita ng kahalagahan ng determinasyon kung saan ang mga atletang mag-aaral ay may pagkakataong magtagisan ng galing sa mga nasabing larangan.
Bukod sa pagbuo ng kasanayan sa palakasan, layunin din ng Intramurals na maging instrumento sa pagpapaunlad ng karakter ng bawat student-athlete.
Hindi lamang ang mga manlalaro ng paaralan ang nasasabik na maipakita ang kanilang angking talento, kundi pati ang mga hindi makapag-antay na iba pang manonood na mag-aaral at guro para sa isasagawang mga kompetisyon.
Nangangahulagan lang ito na hindi lang basketball at volleyball ang laro ng mga Pinoy at kung mas palalawakin pa ang mga patimpalak sa iba’t ibang isports, tiyak mas marami ang lalabas na mga potensyal at mas lalong makikilala ang bansa. SCOREBOARD
Magbukas na ang isip ng mga tao na hindi lang basketball at volleyball ang laro ng mga Pinoy dito sa bansa at dapat mas palawakin ang mga patimpalak sa iba’t ibang isports.
Kung matatandaan, may ilang mga Pilipino ang nagdala ng gintong medalya dito sa Pilipinas na hindi sports ang basketball at volleyball katulad nalang nina Ej Obiena na isang pole vaulter, Hidilyn Diaz ng weightlifting at Carlos yulo ng gymnastics na kung saan sumungkit sila ng gintong medalya sa pang-internasyonal na kompetisyon.
Silangan Archers, Hataw sa Unang Salang sa Division Meet
Humakot ang Pasay City East High School ng tatlong tanso at isang pilak sa tutok nitong mga tira sa Division Meet 2024 Boys’ and Girls’ Archery na ginanap noong Pebrero 16 sa Marcelo Green Village Parañaque at Pebrero 18 sa Kalayaan National High School, kasalukuyang taon.
Iniambag ni Russel Andreu Devarras ang isang bronze para sa boys kasama ang tansong naiuwi nina Melissa Mae Pio at Princess Mea Dizon habang tumipa ng pilak si Kirstie Louise Abejero para sa girls laban sa Pasay City West High School, Kalayaan National High School at Sta. Clara Parish School.
18,
“Well, very lucky talaga tayo kasi masisipag yung mga atleta natin when it comes to archery. Alam nila yung ginagawa nila ‘pag willing sila matuto at pinagsumikapan nila na makapasok sa regionals. At syempre iba na rin kapag meron talagang gamit ang school na gagamitin nila sa pagtetraining, kaya dun sila motivated. Yung motivation nila ay talagang malaking factor yan, kasi nakakapagboost yan mg moral nila, and of course, yung presence ng coach every training and yung encouragement for them na matuto is always there”, ani G. Lyndon Sanchez, coach sa archery, Master
Pinaghahandaan ng Silangan Shuttle Breakers ng Pasay City East High S chool na pinamumunuan ng kanilang gurong tagapagsanay na si G. Edwin Gabon na kung saan ito ang unang pakikibaka nito sa paparating Division Meet Palaro 2024.
Nananabik na ang mga manlalaro maging ang tagapagsanay nito na mapataob ang mga kalaban sa gaganaping Division Palaro dahil ito ang unang pagkakataon na mapabilang ang Silangan Shuttle Breakers sa mga paglalabanang isports.
Nagbalik-ensayo ang Silangan Shuttle Breakers, na pinangungunahan ni Carmelo Tingzon, galing sa pagsailalim sa matinding pagsasanay at paghahanda nito matapos ang intrams, ngayon para naman sa kompetisyon sa labas ng paaralan sa pamamagitan ng pagpapatibay ng kanilang katawan at isip upang magamit ang tamang teknik at diskarte sa paghataw ng raketa.
Teacher I ng MAPEH Department at Sports Club Adviser.
Hindi mapawi ang ngiti at saya ng Eastians matapos magbigay karangalan sa paaralan sa pagsabak nito sa kaunaunahang archery na paligsahan sa Division Palaro ng lungsod ng Pasay.
Ayon sa isang manlalaro, nagpatibay sila ng kanilang mga katawan at isip upang magamit ang tamang teknik at diskarte sa paglaro magmula noong nagbalik-ensayo ang Silangan Archers noong ika-19 ng Enero, 2024 matapos ang Intramurals.
“More trainings, syempre and medyo nahihirapan pa kaming magadjust since new ung coach namin
Ayon sa isang manlalaro nito galing Silangan, “Excited na kinakabahan [ako], kasi first time kaming lalaban [sa division]. Magtetraining kami hanggang sa makuha namin yung gold sa Division.”
“Maayos naman ang pag-eensayo namin para sa paparating na laban at para maitagumpay namin ito.” dagdag nito.
Ang Silangan Shuttle Breakers, ayon sa mga manlalaro ng East, ay tanging sariling isip at katawan lamang ang puhunan, kaya’t inaasahang magpapakita ang nasabing players ng kanilang pinakamahusay na paglalaro ng badminton
para sa regionals at hindi taga-Pasay East. Pero since andyan naman si sir Dhon, nag tutuloy-tuloy pa rin yung training namin kahit papaano”, saad ng Silangan Archery Club President at nakasungkit ng bronze na si Dizon patungkol sa kasalukuyang paghahanda nito para sa susunod na laban sa rehiyonal.
Muling reresbak ang mga manlalaro ng PCEHS kasama ang iba pang nagwagi sa dibisyon ng Pasay sa nasabing larangan ng isport sa NCR Meet sa ika-22 hanggang ika-26 na araw ng Abril.
Excited na kinakabahan [ako], kasi first time kaming lalaban [sa division]. Magtetraining kami hanggang sa makuha namin yung gold sa Division.
Bilang ng manlalaro ng PCEHS na lalaban sa Division Meet