Villeno: Mahirap mamasada dahil sa tricycle coding
Ibinahagi ng ilang tricycle drivers ang kanilang hindi pagsang-ayon sa Municipal Ordinance No. 290-2015 o The Daet Comprehensive Tricycle and Regulatory Code of 2015 sa Daet, Camarines Norte kung saan isa sa limang mga tricycle ang hindi maaaring mamasada bawat araw. Ayon sa isa sa mga tsuper na si Ronnel Villeno, 50, mahirap para sa kanilang mga namamasada ang coding dahil nabawasan sila ng isang araw upang mag hanapbuhay lalo na ngayon na nadagdagan pa ng 300 ang prangkisang iginawad ng Local Government Unit (LGU) sa tulong ng Tricycle Regulatory Unit (TRU) mula sa dating bilang na 2500.
Samantala, inihayag naman ni Romeo Orendain Candelaria,
Transportation Regulatory Officer II, na mahalaga ang sistemang ipinatupad mula 2015 sapagkat malaki ang naitulong nito sa pagluwag ng daloy ng trapiko sa munisipalidad.
Sa pamamagitan ng tricycle coding scheme, 500 sa 2500 tricycle na may prangkisa na inuuri base sa numero at kulay ang hindi maaaring lumabas sa kalsada ng isang araw mula Lunes hanggang Biyernes, pagpatak ng ika-6 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi.
Gayunpaman, nilinaw ni Candelaria na pinapayagan ang lahat ng tsuper na mamasada tuwing Sabado, Linggo, at sa mga lokal at legal na holiday tulad ng Daet Foundation Day, Pista sa Bayan ng Daet, Semana Santa, Undas, Pasko, at Bagong Taon.
Mga komyuter, inireklamo ang sistema ng transportasyon sa Daet
Nagbigay ng hinaing ang ilang estudyante ng Mabini Colleges (MC) sa araw-araw na pakikibaka nila sa malubhang trapiko sa bayan ng Daet, Camarines Norte noong ika-21 ng Marso, 2024.
Kabilang ang mga mag-aaral sa mga komyuters na sumasakay sa traysikel patungo sa paaralan na tumatagal nang halos tatlo hanggang 15 minuto kada araw dahil sa mabagal na pag-usad ng mga sasakyan.
“Nakapagdudulot ng matinding perwisyo sa mga tao ang trapiko dahil na rin sa mga pasaway na drayber,” saad ni Francine Quintela mula ika-11 baitang.
Ayon naman kay Chris Mark Payla, magulo ang sitwasyon ng trapik dahil bukod sa maraming harang, marami rin sa traffic lights sa Daet ang sira kaya’t hindi alam kung alin ang susundin.
Kaugnay nito, ibinahagi rin ni Rhedz Andrei Rosales na depende sa oras ang pagdagsa ng
mga sasakyan sa Daet kung saan madalas maranasan ang trapik tuwing oras ng pagpasok at pag-uwi o hindi naman kaya ay “rush hour.”
“Pumapasok ako halos 10 minuto na lamang bago magsimula ang klase dahil matindi ang trapik sa daan papunta sa aking paaralan dahil sa dami ng mga mag-aaral na pumapasok at sa kipot ng daraanan,” dagdag pa ni Rosales.
Matatandaang matagal nang inaksyunan ng Local Government Unit (LGU) Daet ang kalagayan ng trapiko sa pamamagitan ng pagpapatupad ng tricycle coding sa ilalim ng Tricycle Regulatory Board (TRB) kung saan nilimitahan sa 2000 ang mga namamasadang traysikel bawat araw.
Sa kabila nito, mas tumindi ang pagkabahala ng mga pasaherong nakikipagsapalaran sa pagsakay sa mga pampublikong transportasyon tulad ng traysikel na nananatiling lugmok sa mabigat na daloy ng trapiko.
Mag-aaral sa MC, binatikos ang daloy ng trapiko
Samu’t saring reklamo ang natanggap mula sa isang estudyante ng Mabini Colleges (MC) sa isinagawang panayam tungkol sa mga problemang pantrapiko na danas na danas sa bayan ng Daet, Camarines Norte noong ika-22 ng Marso, 2024.
Inihayag ni alyas ‘Terrence’, 16, isang estudyante sa MC na nasa baitang 11, ang napakaraming reklamo sa nararanasang matinding daloy ng trapiko sa Daet bilang non-commuter na gumagamit ng pribadong sasakyan sa pagpasok.
Mayroong sariling sasakyan sina Terrence upang mas mapabilis ang kanilang pagpasok sa eskwelahan ngunit apektado pa rin sila ng napakabagal na daloy ng trapiko sa sentro ng Daet.
“Actually, lagi kaming nakararanas ng matinding daloy ng trapiko lalo na tuwing uuwi ako galing school. Naiintindihan naman namin na bunsod ito ng maraming sasakyan ngunit hindi lang ito ang nakikita naming ugat ng pagkakaroon ng heavy traffic,” saad ni Terrence.
Ayon sa kaniya, nagiging dahilan ng trapiko ang mga pribadong sasakyan na nakaparada sa tabing kalsada at binigyang-diin niya na kadalasang hindi nasusunod ang patakarang ‘slow moving vehicle must keep right’, lalo na sa highway.
Inaasam niya na magkaroon sana ng motorlane sa highway at provincial road upang nakabuklod sa isang daanan ang mga four-wheel vehicles at idinagdag niya rin na nagdudulot ng trapiko sa lansangan ang mga traysikel na dumadaan mismo sa gitnang kalsada dahil ito ay nakakapagpabagal sa kotse.
Samantala, nagbigay ng payo si Terrence upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa mga dapat gawin o sa mga paraan na makatutulong upang
Ikalimang taon ng Gift Giving, Red Phoenix Party, isinagawa sa MC
Ipinagpatuloy ng Pansekundaryang Departamento ng Mabini Colleges (MC) ang taunang Gift Giving and Red Phoenix Party sa Flora Ibana Campus na binigyan ng temang “We love our community! #HSMABINICARES” nitong ika-18 ng Disyembre, taong 2023.
Dumalo ang ilang mga mamamayan mula sa Barangay VII sa programang inihanda ng mga opisyales ng Citizenship Advancement Training (CAT) Community Service Students.
“Ang mga nandito at mga indigents ay makakatanggap ng munting grasya na pamamahalaan ng buong departamento o High School Department dito sa Mabini Colleges,” saad ni Perlito Quindara, puno ng Agham Panlipunan sa institusyon.
Dagdag pa niya, nais nilang ipagpatuloy ang kasunduang magpapaabot ng serbisyo ang pansekundaryang departamento ng institusyon sa mga residente ng Barangay VII.
Sinimulan ng mga mag-aaral ang pamamahagi ng grocery sa umaga habang sa hapon naman ay idinaos ang Christmas Party para sa mga kabataan ng nabanggit na barangay.
“Sa preparation po namin para sa event is nagkaroon po kami ng deliberation para sa actual na program and flow pati na rin po yung mga committee. Then after po nun is yung preparation na sa program, yung mga needed materials, school supplies and yung mga essentials po para sa mga families,” ani Alfonso Aguirre, isa sa mga mag-aaral na bahagi ng Community Service Committee.
Batay naman sa pahayag ni Gelian Mojo, kasapi rin ng Community Service Committee, sinimulan ang pagplano mula noong nagsimula ang klase kaya nag karoon sila ng higit na oras upang paghandaan ang selebrasyon.
“It was planned po sa pinakastart pa ng classes namin kaya marami po kaming oras para makapagprepare para doon. The event ended smoothly naman po and all people that attended were able to have fun and obtain their necessities,” dagdag pa niya.
Limang taon nang isinasagawa ng paaralan ang proyekto na nagsisilbing daan upang magbigay saya at tulong sa mga mamamayan maging sa labas ng institusy on.
Students' Day, ipinagdiwang sa MC
Isinagawa ang inaasam-asam na Students’ Day Celebration para sa mga mag-aaral mula sa junior high school (JHS) at senior high school (SHS) sa Mabini Colleges, Flora Ibana Campus noong ika-24 ng Nobyembre, 2023. Hindi maikakaila ang dedikasyon ng Supreme Student Government (SSG) sa pangangasiwa nito sa pagdiriwang na inihandog para sa mga estudyanteng bahagi ng pansekundaryang departmento.
“We are gathered here to acknowledge the accomplishments of every student of our institution from academic excellence to extra-curricular activities, it is a chance for us to show gratitude and recognition for our dedication and hardwork,” ani Timmy Anne Lee, pangulo ng SSG, sa kaniyang pambungad na mensahe.
Pagdating sa mga paligsahan tulad ng Battle of The Bands, Outstanding Students, at E-Games ay hindi pinalampas ng mga mag-aaral ang pagpapakitang-gilas, habang agaw-pansin naman ang mga aktibidad na Movie Marathon, Balloon Dart, at Students’ Day Raffle sa mga estudyanteng ninanais lamang maglibang.
Kinilala bilang Outstanding Students si Richard Carl Mago mula sa Human ities and Social Sciences (HUMSS), Gerry B. Dela Rosa Jr. sa Science, Technol ogy, Engineering, and Mathematics (STEM), Lanz Francis Gabriel 1. Agpalo sa Technical-Vocational-Livelihood (TVL), at sina Giane Antonette A. Labarro at Gian Carlo S. Napa naman sa Accountancy, Business and Management (ABM). Wagi bilang unang puwesto ang bandang ‘Kukurikapo’, ikalawang puwesto ang ‘Bandang Nameless’, at ikatlong puwesto naman ang ‘United Seven’ sa Battle of The Bands.
Nasungkit naman nina Stephanie Llavanes, Abigail Dcol, Kimberly Bravo, Timothy Allen Briones, Angel Cris Aguilar, Christian Ivan Marco, Shaniah Zyla Asuilla, Francine Isabella Ramirez, at Bienar Debelen ang mga raffle prizes. Patuloy pa ring nakatatak ang pagtatagisan ng kahusayan maging sa anumang sitwasyon sapagkat ito ang kusang lumilitaw sa kanil ang pagkakakilanlan bilang isang estudyante.
Nagkamit ng ikalawang karangalan si Ken Rein Samuelle I. Factor, kinatawan ng Mabini Colleges - High School Department, sa Oratorical Contest na itinaguyod ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa Provincial Library nitong ika-5 ng Disyembre.
Lumahok ang 12 mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Cama rines Norte upang ilahad ang kanilang mga oratorical piece na hango sa temang “Rizal and The Filipino Spirit: A Journey Through Filipino History, Identity, and Freedom.”
Binigyang-diin ni Abel C. Icatlo, Museum Curator, hepe ng Museo at Aklatan, ang kahalagahan sa pagbabalik-tanaw sa alaala ni Dr. Rizal.
“Today we are having a very important event that will highlight the separation of our national hero’s self oblation to the motherland,” saad ni Icatlo sa kaniyang pambungad na mensahe.
Ginanap ang patimpalak upang gunitain ang ika-125 na anibersaryo ng itinayong kauna-unahang monumento ni Rizal sa bayan ng Daet. Itinalang kampeon si Iola Yvonne R. Caneba mula sa Camarines Norte State College (CNSC) Abaño Laboratory High School habang ikatlo naman si Marinel Flores Bayani ng Basud National High School.
Nag-uwi ng iba’t ibang parangal ang mga kalahok ng Mabini Colleges (MC) sa katatapos lamang na 2nd National Youth Leadership Congress (NYLC) sa Teachers’ Camp, Baguio City, noong ika-6 hanggang ika-8 ng Disyembre, 2023.
Ginanap ang tatlong araw na aktibidad na may temang “Youth Empowerment in a Digital World, Shaping Tomorrow’s Leaders” sa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Association of Private Schools Administrators, Teachers, and Students, Inc. (PAPSATSI).
Nasungkit ng pambato ng institusyon ang korona at itinanghal sina Alfonso T. Aguirre bilang Mr. PAPSATSI 2023 habang si Giane Antonette A. Labarro naman bilang Ms. PAPSATSI 2023 - 2nd Ayon kay Labarro, “Although it was my first time joining a pageant, it really helped me improve my leadership skills a lot by communicating with other people all over the nation despite having different cultures and languages.”
Kampeon din sa Best Literary Character si Aldwin Jake Caramoan habang nagkamit naman ng unang puwesto sina Timmy Anne L. Lee sa Pagsulat ng Sanaysay, Jaryn Joe L. Arriola sa Essay Writing, at Dianne E. Elvira sa Spoken Poetry (Filipino).
Inihanda ng nasabing organisasyon ang mga aktibidad at seminar upang magbigay kaalaman sa mga kabataang kalahok tungkol sa kahalagahan at mga paraan tungo sa maayos na pamumuno.
Ang Mabinian, nakamit ang unang puwesto sa Liyab X 2023
Namayagpag ang publikasyong Ang Mabinian ng Mabini Colleges (MC) High School Department matapos magkamit ng unang puwesto sa Liyab X: Regional Journalism and Arts Festival sa Ateneo de Naga University, Naga City, noong ika-15 hanggang ika-18 ng Nobyembre, 2023.
Sa temang “TALINGKAS: Ink Unchained, Exposing the Shadows of Suppression,” 15 mag-aaral mula sa MC ang nakibahagi kung saan nanguna si Sidney Sheldan M. Denum sa Photojournalism, ikalawa naman si Ivan Daniel L. Pilapil sa Pagkuha ng Larawang Pampahayagan, gayundin si Roan Ashaneth A. Barlas sa Editorial Writing.
Nanalo naman ng Best Script at ikalawang pwesto ang mga miyembro ng Mobile Journalism-Filipino na sina Clark James N. Abihay, Aldwin Jake Caramoan, Gem Hilary P. Pentecostes, Sophia Renaud R. Sacriz, at Danna Paola E. Calnea habang pangatlo sa Pagsulat ng Lathalain si Gian Carlo S. Napa at Marc Terrence E. Adante sa Pagsulat ng Editoryal. Lumahok din sina Giane Antonette A. Labarro sa News Writing, Angela A. Badinas para sa Editorial Cartooning, Zyra Saculsan sa Feature Writing, Cristine Gaile D. Nano sa Pagsulat ng Balita, at Abriel L. Balean sa Paglalarawang Tudling kasama ang dalawang tagapayo na sina Gwen A. Dans at Ernesto M. Obing.
Tumagal ang kompetisyon sa loob ng apat na araw bilang paggunita sa Ampatuan Massacre na naganap noong ika-23 ng Nobyembre, 2009 kung saan tinalakay sa gawain ang iba’t ibang uri ng pang-aaping nararanasan ng mga mamamahayag sa Pilipinas partikular na sa Rehiyong Bikol.
Ayon kay Caramoan, “Marami kaming natutuhan, pero ang pinakatampok na karanasan para sa akin ay yung namulat kami sa katotohanang hinaharap ng mga mamamahayag sa Pilipinas.”
Kaugnay nito, pinag-usapan din ang Alternative Press, Philippine Social Realities, at Bicol and Philippine Youth Situationer bilang pagtugon sa mga karahasang dinaranas ng mga peryodista sa bansa.
Mapanagot na Pamamahagi
Yamang balot sa kanluran
Isang arkipelagong bansa ang
Pilipinas na mayroong malawak na sakop sa mga yaman mula sa kalupaan hanggang sa karagatan. Ang pagiging isla ng bansa ay nagbibigay ng malaking kapakinabangan sa mamamayang Pilipino dahil nagbibigay ito ng pagkakataon upang iangat ang salik ng kanilang pamumuhay. Ngunit paano na lamang kung may isang manlulupid na pilit ninanakaw ang balot na yamang pangkabuhayan? Matagal nang usapin ang pag-aagawan ng Pilipinas at ng bansang China sa West Philippine Sea o kinikilala nila bilang South China Sea. Ang bahaging iyon ng karagatan ay pilit na inaangkin ng China bilang kanilang teritoryo ngunit ito ay sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas na may layong 200 nautical miles mula sa pambaybaying batayang guhit ng bansa. Ito ay nakasaad sa batas ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na may karapatan ang isang estado na galugarin ang mga likas na yaman na sakop ng EEZ nito. Kung ang korte na sa mga usaping pandagat ang nagsasaad na ang mga Pilipino ang may karapatang gamitin ang yamang tinataglay ng lugar, marapat na walang pangamba ang
buong bansa na gamitin ito para sa ikauunlad ng buhay ng bawat isa.
Bilang karagdagan, naghain ng apila ang Pilipinas kontra China sa Permanent Court of Arbitration sa The Netherlands noong 2013 tungkol sa usaping ito. Matapos ang ilang taong pag-aaral sa karapatan sa lugar, napatunayan na sakop ng Pilipinas ang West Philippine Sea. July 12, 2016 nang manalo ang bansa sa International Tribunal na nagpalabas na walang katunayan o basehan ang pang-aangkin ng China sa lugar na ginamitan nila ng pamamaraang pagguhit ng 9 Dash
Philippine Sea. Gayunman, sa lakas ng puwersang Tsino, may pinanghahawakan pa rin ang mga Pilipino.]“Hindi ko papayagan na alinmang bahagi ng ating teritoryo ay ipamigay sa anumang bansa,” saad ni Marcos sa kaniyang State of the Nation Address bilang tugon sa mga pang-aabuso. Malakas na babangon at patuloy na ipagtatanggol ng bansa kung ano ang nararapat para sa mga mamamayan nito.
Dahil dito, marapat na palakasin ng bansa ang strong political will o ang matinding paninindigan na tunay na sa Pilipinas ang
“Wearefirmindefendingoursovereignty,sovereignrights,and jurisdictionagainstanyprovocations.Butatthesametime,we arealsoseekingtoaddresstheseissueswithChinathrough peacefuldialogueandconsultationsastwoequalsovereign states,”-PresidentFerdinand“Bongbong”MarcosJr. Bagong
Lines. Maliwanag na binitawan ng batas ang matinding pagbabawal sa China na pasukin, gamitin, at abusuhin ang yamang mayroon sa lugar.
Patuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan ang pambubusabos ng China sa mga mangingisdang Pilipino sa sarili nating teritoryo. Tulad na lamang ng insidenteng nangyari noong ika-9 ng Hunyo taong 2019 na 22 na mangingisdang Pilipino na sakay ng F/B Gemver ang hinayaang palutang-lutang matapos banggain ng Chinese Vessel sa Recto Bank sa West
Lupang ipinaglaban ang tawag sa bansang Pilipinas dahil sa malubak na kasaysayang pinagdaanan nito bago maging ganap na malaya at may soberanyang bansa. Kamakailan lang ay naging malaking usap-usapan ang naging pahayag ng dating Pangulong Rodrigo R. Duterte sa plano nitong paghihiwalayin ang Mindanao sa Pilipinas. Kung iisipin, hindi mabibigyang katuwiran ang sinakripisyo ng mga magigiting na bayani ng bansa sa pag-aaklas na ito.
Sa gitna ng masusing pag-audit ng mga pondo ng gobyerno, lumilitaw ang isang paksang patuloy na bumabalot ng misteryo at kontrobersiya—ang Confidential Fund. Ang naturang pondo, na may layuning pangalagaan ang mga sensitibong impormasyon at pangangailangan ng seguridad, ay nagiging sentro ng panganganib sa integridad ng pamahalaan.
Sa kabila ng hangarin na mapanatili ang kaligtasan ng bansa, nakakalungkot na madalas itong nagiging instrumento ng di-makatarungang transaksyon. Ang kakulangan sa kalinawan at mapanagot na pamamahagi sa paggamit ng Confidential Fund ay nagbubunsod ng agam-agam hinggil sa integridad ng mga namumuno. Ang pag-iingat sa paghahatid ng mga sensitibong impormasyon ay kinakailangan, ngunit dapat maging balanse ang pagiging kompidensiyal at pampublikong pananagutan.
Ang mga mamamayan ay may karapatang malaman kung paano ginagastos o anong pakinabang ng kanilang buwis. Dahil sa kakulangan ng malinaw na regulasyon at mekanismo sa paggamit ng Confidential Fund, ito ay naging mahirap para sa mga mamamayan na makumbinsi na ang pondo ay ginagamit lamang sa wastong paraan at layunin at hindi nauuwi sa pag-aaksaya at korapsyon. Kung ipapaubaya na lamang ng gobyerno sa publiko ang paghusga ukol sa paggamit nila ng mga pondo ay maaaring itong lumikha ng isang kapaligiran kung saan ang mga indibidwal ay magsisipasok sa mga karumaldumal na gawain. Dahil sa kakulangan ng mga malalakas na control o seguridad, mataas ang posibilidad na ang mga pondo ay napupunta sa mga personal na pakinabang, bribery, o iba pang mga ilegal na gawain.
Bilang mamamayan, kailangan nating isulong ang pagkakaroon ng responsible at makatuwid na opisiyal na magbibigay kalinawan ukol sa paggamit ng mga pondo at iba pang pampublikong resources. Hindi sapat ang layunin na mapanatili ang kaligtasan ng bansa; dapat ding pangalagaan ang katiyakan ng mamamayan sa tamang paggamit ng kanilang buwis. Ang Confidential Fund ay dapat na maging bahagi ng pampublikong transperensya at hindi instrumento ng pang-aabuso.
Matapos bitawan ni dating Pangulong Duterte sa prayer rally na ginanap sa Davao City ang harapharapang kataksilan, umani ito ng pambabatikos at pagtutol mula sa mga Pilipino. Ang layunin aniya ng paghihiwalay ng Mindanao sa buong bansa ay para sa mas maayos at mayamang islang mayroon sila. Winika rin ni Duterte na kayang tumayo mag-isa ng Mindanao dahil sa yamang taglay ng kanilang kalikasan at mahuhusay na mamamayan. Subalit, taliwas ito sa kung ano ang nakasaad sa konstitusyon patungkol sa teritoryo ng bansa kaya masasabing walang matibay na batayan ang adhikaing ito ng dating pangulo.
Ayon kay Duterte, sa dami-dami ng mga nahalal na presidente, hindi man lamang umunlad ang Mindanao. Kaya panahon na upang bigyan ito ng maayos na aruga at pagkilala dahil hindi lang puro gulo ang nananahan sa lugar ngunit yamang kayang buhayin ang mga mamamayang naninirahan doon.
Kung nabitawan ng dating Pangulong Duterte ang mga linyang iyon, ibig sabihin siya mismo, sa kaniyang administrasyon, ay napagkaitan niya ng pansin ang Mindanao.
Sa kabilang panig, nakikita niya ang paghihirap ng mga mamamayan sa ilalim ng pamamahala ng kasalukuyang administrasyon kaya para sa kaniya, mas makabubuti kung ihihiwalay ito at magkakaroon ng sariling pamahalaan na siyang susundin ng mga naninirahan sa nasabing lugar. Nais din nilang gawing ehemplo ang bansang Singapore na isang
West Philippine Sea. Kailangan ding makipag-ugnayan sa ibang bansa upang mapalakas ang puwersa ng Pilipinas na harapin ang malakas ding bansa tulad ng China. Sa ganitong pamamaraan ay hindi na maaabuso ang mga Pilipinong pumupunta lumalaot dahil hindi na sila titingnan bilang isang puwersang hindi kayang makipagbanggaan. Pakatandaan na wala man tayong kompletong soberanya sa sakop ng ating EEZ ngunit mayroon naman tayong Sovereign Rights sa mga likas na yaman na makikita rito.
maliit na bansa ngunit may magandang pamamahala na nagiging tulay sa pagiging progresibo nito. Tunay na hindi nasusukat ang lagay ng isang bansa sa laki o lawak na saklaw nito ngunit sa panahon ngayon, mabuti nang magkaisa ang Pilipinas na harapin ang mga isyung panlipunan na laganap at huwag ipagdamot ang tulong na maaaring ibigay ng mga Pilipino para sa Pilipinas.
Sa dami ng problemang kinakaharap ngayon ng bansa, hindi kakayahin ng Pilipinas na problemahin ang pag-aalsa na isinusulong ng dating presidente. Nakapagtataka na kung sino pa ang nanumpa noon bilang Presidente ng Pilipinas na kaniyang
EDITORYAL
Salaming Hindi Mababasag
Sa patuloy na pagbabagong nagaganap sa mundo, sumasabay ang mga tao sa agos nito. Ngunit sa kabila ng pagbabago, may isang bagay na hindi napapalitan, bagkus nadadagdagan at napapatibay lamang— ito ay ang karapatan ng isang tao. Sunodsunod pa rin ang mga pangyayari sa loob at labas ng bansa na nagpapakita ng matinding diskriminasyon at pang-aabuso sa mga miyembro ng LGBTQIA+ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual) community na hindi batid ang ilan. Pinakatanyag na pagpapakita ng diskriminasyon at ang pinagmulan ng pangmalawakang debate sa mga parte ng LGBTQIA+ community dito sa bansa ay noong ika-13 ng Agosto taong 2018, nang ang isang transwoman na si Gretchen Custodio Diez ay hindi pinayagan ng isang janitor sa Cubao mall na gamitin ang kaniyang piniling palikuran. Hindi kailanman magiging sanhi ng anumang gulo ang kanilang kasarian kung hindi poproblemahin ng mundo kung ano kanilang katayuan kaya patuloy ang kanilang sigaw para sa hiling nilang proteksyon.
Si Senator Risa Hontiveros bilang Chairman ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ay siyang nagsusulong ng Senate Bill No. 1271 o mas kilala sa bilang SOGIE Bill (Sexual Orientation and Gender
Identity or Expression). Layunin nitong bigyan ng sapat na proteksyon ang lahat ng tao lalo at higit ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community saan mang sulok ng bansa. Iba man sa nakararami ang kanilang kagustuhan ngunit ang isip at adhikain para sa mas masaya at progresibong komunidad ay walang pinagkaiba sa kanilang mga kababayan.
Bukod dito, kinalakihan ng lahat na ang mga babae lamang ang may kakayahan na maging twirler o majorette sa isang banda, at ang mga lalaki ay para lamang sa pagtugtog ng ibaibang instrumento. Isa si Khyzer C. Dolorias, Grade 12 student sa Jose Panganiban National High School (JPNHS), at parte ng JPNHS MArching Blue Dragons Percussions na lumaking may ganitong paniniwala. Ngunit pinatunayan niya na hindi hadlang ang kasarian sa pag-abot ng pangarap.“Pangarap ko na kasi siya dati pa. Gustong gusato ko noon sumali elementary pa lang pero alam kong bawal dahil hindi pa masyadong open ang school sa ganoong usapan,” pahayag ni Khyzea. Sa ganitong pagbubukas ng pinto sa pantay na pagtrato at pagtingin sa mga miyembro ng komunidad, nakatulong ito sa mga taong tulad ni Khyzea na gamutin ang matagal nang sugat sa kaniyang puso at ipamalas ang natatanging talento.
Subalit sa lahat ng pagbabagong nagaganap, nahihirapan pa rin ang bansa sa lubusang pagtanggap sa kanila. Kilala ang Pilipinas bilang bansang may malaking populasyon ng mga kristiyano at sa relihiyong ito, tinuturo na dalawa lamang ang kasariang nagmamahalan— babae at lalake. Ito and sanhi nang mabagal na pagpapasa ng SOGIE Bill. Matindi ang paniniwala ng maraming religious sectors sa bansa na sapat na ang mga umiiral na batas para proteksyunan ang lalaki at babae sa ano mang masamang pangyayari. Ngunit ang hindi nila makita ay ang abusong nararanasan ng mga parte ng LGBTQIA+ community mula sa mga taong hindi sila tinatanggap.
Marapat lamang na tutukan ng ilaw ng pamahalaan ang komunidad na walang ibang hangad kung hindi ang mapabuti ang lagay nila sa loob ng bansa. Ang SOGIE Bill na ipinaglalaban sa senado ay hindi lamang para protektahan ang mga parte ng komunidad ngunit para sa lahat ng tao sa kabila ng kanilang kasarian. Hindi tunay na maiintindihan ng lahat ang kanilang katayuan kung hindi ilalagay ng mga tao ang kanilang paa sa sapatos ng mga kabahagi ng komunidad. Kaunting pag-intindi at malasakit lamang sa kanila para ang makulay nilang bandila ay patuloy na maiwagayway nang may pagmamahal at buong pagtanggap.
Pag-asa ng bahagharing pusyaw
a patuloy na pagbabagong nagaganap sa mundo, sumasabay ang mga tao sa agos nito. Ngunit sa kabila ng pagbabago, may isang bagay na hindi napapalitan, bagkus nadadagdagan at napapatibay lamang— ito ay ang karapatan ng isang tao. Sunod-sunod pa rin ang mga pangyayari sa loob at labas ng bansa na nagpapakita ng matinding diskriminasyon at pang-aabuso sa mga miyembro ng LGBTQIA+ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual) community na hindi batid ang ilan. Pinakatanyag na pagpapakita ng diskriminasyon at ang pinagmulan ng pangmalawakang debate sa mga parte ng LGBTQIA+ community dito sa bansa ay noong ika-13 ng Agosto taong 2018, nang ang isang transwoman na si Gretchen Custodio Diez ay hindi pinayagan ng isang janitor sa Cubao mall na gamitin ang kaniyang piniling palikuran. Hindi kailanman magiging sanhi ng anumang gulo ang kanilang kasarian kung hindi poproblemahin ng mundo kung ano kanilang katayuan kaya patuloy ang kanilang sigaw para sa hiling nilang proteksyon.
Si Senator Risa Hontiveros bilang Chairman ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ay siyang nagsusulong ng Senate Bill No. 1271 o mas kilala sa bilang SOGIE Bill (Sexual Orientation and Gender Identity or Expression). Layunin nitong bigyan ng sapat na proteksyon ang lahat ng tao lalo at higit ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community saan mang sulok ng bansa. Iba man sa nakararami ang kanilang kagustuhan ngunit ang isip at adhikain para sa mas masaya at progresibong komunidad ay walang pinagkaiba sa kanilang mga kababayan.
Parte ng buhay ang mga pasakit na kinahaharap ng mga tao, ngunit hindi lahat ng indibidwal ay kayang wakasan ang personal na dilemang ito lalo na perspektibo ng hindi angkop na kaisipan. Maituturing mulat ang halos 30 milyong kabataang Pilipino, at lantad sa mga kaso ng depresyon at ilang isyu sa mental na pag-iisip. Isang salik ng suliraning ito ang kulturang ipinipilit ipalamon sa mga isip ng mga bata na sagrado kung ituring ng mga mayor de edad. “Masyadong emosyonal ang mga kabataan ngayon,” marami na ang nakarinig ng pariralang ito na galing pa mismo sa kaniya-kaniyang mga magulang. Sitwasyong halos hindi maipakita ang totoong nararamdaman dahil walang pagkakataong magpaliwanag. Makikita ang pagsagot bilang kawalan ng moralidad sa mga may edad na mag-uugat sa pag-aalinlangan ng mga kabataan sa kanilang mga karapatan at katayuan na mauuwi sa depresyon. Bukod dito, makikita sa isang tipikal na pamilyang Pilipino ang katayuan ng isang miyembro. Kung saan ang panganay ay dapat katulong ng magulang sa pagpapalaki ng kaniyang mga kapatid, isa rin ang pagpapahiya sa mga miyembrong walang naabot sa buhay, at pagtatakwil sa mga walang napag-aralan. Sumasalamin sa herarkiya ng sangkatauhan—ang maputi ay mayaman, ang marunong mag-ingles ay may mataas na kaalaman, at ang ayos ng pananamit ang saklaw ng karangyaan.
Ayon sa U.P. (University of the Philippines)
Population Institute, napagtanto ng Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFS5) gamit ang sarbey, na isa sa limang batang Pilipino, edad 15 hanggang 24 ay nakararanas ng depresyon at nais magpatiwakal bilang solusyon. Noong 2013, maitatayang 574,000 batang Pilipino ang naghangad na bawian ng buhay. 60% sa mga batang ito ang hindi humingi ng tulong kanino man, kahit sa hinaharap. Isang matayog na ehemplo ang dapat nilang ipakita at hindi ang paghahasik ng kasuklaman, upang naisin ng anak ang isang marangal na katayuan. Itinatanim ng mga nakatatanda ang importansya ng mas mataas na kredibilidad at pinapamukha na dapat ipagpasalamat ang mga katiting na problemang kinakaharap ng mga kabataan ngayon. Hindi ba’t iyon naman talaga ang layunin ng isang magulang? Na
Bukod dito, kinalakihan ng lahat na ang mga babae lamang ang may kakayahan na maging twirler o majorette sa isang banda, at ang mga lalaki ay para lamang sa pagtugtog ng iba-ibang instrumento. Isa si Khyzer C. Dolorias, Grade 12 student sa Jose Panganiban National High School (JPNHS), at parte ng JPNHS MArching Blue Dragons Percussions na lumaking may ganitong paniniwala. Ngunit pinatunayan niya na hindi hadlang ang kasarian sa pag-abot ng pangarap.“Pangarap ko na kasi siya dati pa. Gustong gusto ko noon sumali elementary pa lang pero alam kong bawal dahil hindi pa masyadong open ang school sa ganoong usapan,” pahayag ni Khyzea. Sa ganitong pagbubukas ng pinto sa pantay na pagtrato at pagtingin sa mga miyembro ng komunidad, nakatulong ito sa mga taong tulad ni Khyzea na gamutin ang matagal nang sugat sa kaniyang puso at ipamalas ang natatanging talento.
Subalit sa lahat ng pagbabagong nagaganap, nahihirapan pa rin ang bansa sa lubusang pagtanggap sa kanila. Kilala ang Pilipinas bilang bansang may malaking populasyon ng mga kristiyano at sa relihiyong ito, tinuturo na dalawa lamang ang kasariang nagmamahalan— babae at lalake. Ito and sanhi nang mabagal na pagpapasa ng SOGIE Bill. Matindi ang paniniwala ng maraming religious sectors sa bansa na sapat na ang mga umiiral na batas para proteksyunan ang lalaki at babae sa ano mang masamang pangyayari. Ngunit ang hindi nila makita ay ang abusong nararanasan ng mga parte ng LGBTQIA+ community mula sa mga taong hindi sila tinatanggap.
“Thereisalove/haterelationshipweallhavewithourfamilies.We’veallexperiencedthestruggleofdoingandsayingwhatwe knowisexpectedfromusversuswhatwepersonallyfeelweshoulddoorsay.”-AdiePieraz
Marapat lamang na tutukan ng ilaw ng pamahalaan ang komunidad na walang ibang hangad kung hindi ang mapabuti ang lagay nila sa loob ng bansa. Ang SOGIE Bill na ipinaglalaban sa senado ay hindi lamang para protektahan ang mga parte ng komunidad ngunit para sa lahat ng tao sa kabila ng kanilang kasarian. Hindi tunay na maiintindihan ng lahat ang kanilang katayuan kung hindi ilalagay ng mga tao ang kanilang paa sa sapatos ng mga kabahagi ng komunidad. Kaunting pag-intindi at malasakit lamang sa kanila para ang makulay nilang bandila ay patuloy na maiwagayway nang may pagmamahal at buong pagtanggap.
“Feelsohappyandgratefulnanagingpartako ngdlcngJPNHSandalsounangmemberng lgbtsabandanamin…gratefulakokaseako pinakaunangmemberngbandaandLGBT memberpaI’msohappyseeingmycoLGBT memberswayingflagandopenangmgaschool
ADagdag pasakit
isang maling landas ang tinahak ng pamahalaan ng Daet sa pag-asang matutugunan ang problema sa daloy ng transportasyon. Bunsod ng mabagal na usad ng trapiko sa sentro ng naturang bayan, nagtulak ito sa Local Government Unit (LGU) na dagdagan ng 300 tricycle na hindi maaaring magpasada mula sa coding na 500 yunit. Isang pagkakamaling daan ito sa dahil sa kaakibat nitong negatibong impak sa kabuhayan ng mga drayber.
Batay sa desisyon ng LGU ng Daet, kinakailangang bawasan ang bilang ng mga yunit na magpapasada kada araw dahil
sa dumadagsa na mga sasakyan na nagpapabagal sa daloy ng trapiko. Dahilan naman ito upang umapela ang ilan sa mga miyembro ng sektor ng tricycle. Palibhasa pikit-mata ang pamahalaan sa kung sino ang lubusang mahihirapan sa kanilang pasya. Abot-tanaw naman na ang pagtaas ng bilang ng mga tricycle na hindi maaaring magpasada, nangangahulugan na mas maraming drayber ang hindi makapagtatrabaho. Higit pa rito, maaaring magdulot ng pagkabawas sa kita ng mga drayber ng mga yunit dahil sa pagkakaroon ng limitasyon sa pasada at operasyon. Ayon sa panayam ni
Ronel Villeno, 50 taong gulang na tricycle driver mababawasan pa ang kanilang sapat na kita na para sana sa pangtustos sa pangangailangan ng kaniyang pamilya. Dagdag pa niya, hindi isinasaalang-alang ng LGU ang kapakananan ng mga drayber at operator dahil iginigiit pa rin nito ang pagdaragdag ng 300 yunit kahit na mayroong coding na 500
Samantala, tunay naman na isa sa mga problema sa sentro ng Daet ang mabagal na pag-usad ng trapiko na siyang sinosolusyonan ng LGU. Datapwat mapapaluwag nito ang daloy ng transportasyon, kita at kabuhayan naman ng mga drayber ang masasakripisyo dahil
sa naging pasya ng pamahalaan. Samakatuwid, kung nais ng LGU ng Daet na tugunan ang mabagal na trapiko, hindi kinakailangang maging kawawa ang mga drayber sa desisyong ito. Mas mainam kung magbibigay sila ng ayuda sa mga drayber na hindi maaaring mamasada sa kanilang itinakdang araw upang mayroon silang perang pangtustos kahit hindi sila makapagtrabaho. Ang pagdaragdag ng bilang ng tricycle ay maaaring sagot sa maluwag na daloy ng transportasyon ngunit magiging masikip naman ito sa dibdib ng mga drayber kung isasawalang bahala ng pamahalaan ang kanilang kabuhayan.
Guho ng katauhan
H abang tumataas ang tension sa daigdig, isang digmaan ang nagmulat sa mundo kung gaano kasahol ang katauhan. Noong Oktubre 2023 nang ipinaglalaban ang karapatan ukol sa lupain ng kasalukuyang mananakop na Israel, at ang inaaping Palestine. Kung maaalala sa kasaysayan ng lupaing ito, ika-20 siglo nang tanggapin ng Palestine ang Jewish Diasporsa dahil sa pagpapatapon mula sa kaganapan ng progrom at holocaust. Ang pinag-uusig na estadong Islam ang tunay na may karapatan sa lupalop ng kasaysayan.
Noong 1947, pinilit ng United Nations Resolution 181, o mas kilala bilang Partition Plan na ang mga naninirahan na hatiin ang lupain sa Arab at Jewish States na nagdulot ng pag-uusig sa grupong Islamiko. Noon lamang 1948 naitatag ang mga estadong Hudyo sa loob ng lupain ng Palestine, at sa unang pagkakataon, pinasiklab ang Digmaang Arab-Israeli. Senyales kung paano nila puksain ang mga hayagang tumanggap sa kanila sa panahon ng kahirapan hindi iba sa mga grupong magnanakaw na dinudungisan ang kayamanan at lupa sa kung ano ang masilayan ng kanilang mga mata. Higit pa rito, nagkaroon ng tensyon sa mga karatig na bansa dahil sa pangaabuso ng Israel na agad namang nasolusyunan sa mata ng Camp David Accords. Ngunit, ang hindi pa nalutas na kaso sa lupain ng Palestine ay umusbong sa isa pang digmaan na pumatay ng daan-daang libong buhay. Ang Oslo Accords ay nagdidikta na ang Palestine ay dapat na mamahala sa West Bank, Gaza at sa kabuuang
450 bayan at anim na lungsod kung saan ang Israel ay may ganap na kontrol. Ngayon, ang Palestine ay tila dayuhan lamang sa kanilang pinatatag na mga lupain.
Sa kasalukuyan, patuloy na inaapi ng Israeli ang mga katutubo, may kaharagan pa ang mga ito na gumawa ng pader sa palibot ng West Bank, at patuloy ang pagkitil sa mga sibilyang Palestinian na may bilang na lagpas 30,000 kabilang na ang mga bata ayon sa NBC News. Sa lahat ng paniniil na iyon, ang Hamas ay nakakuha ng katanyagan sa mga Palestinian upang bigyang-katwiran ang kanilang layunin at lumaban upang mabawi ang kanilang lupain. Ang kilusang ito ay hindi pa napupuksa sa mga taon ng pagsupil ng Israel.
Samakatuwid, mayroong layunin ang Palestine na sugpuin ang pananakal ng mga manlulupid sa kanilang kalupaan na humantong sa digmaan. Hindi kailanman magiging solusyon ang karahasan, ito ay karahasan lamang, pagpatay ng mga inosenteng buhay, pagsira sa mga pasilidad at kabuhayan na sumasaklaw sa pangangailangan ng mga tao. Isa pang kasunduan ang dapat isulat, panibagong paghahati ng lupa, at panibagong pagdinig para sa kung ano ang karapatan ng mga orihinal na mga naninirahan sa mga lupain. Hindi ito matatapos hangga’t hindi nagkakaroon ng kontrol ang mga matuwid para sa kung ano ang kanilang ibibigay upang maisakatuparan.
Grasyang baluktot
K ontrobersiya at pag-aalala, iyan ang ilan lamang sa mga bagay na naidulot ng pagsasabatas ng Republic Act 11954 o mas kilala bilang Maharlika Investment Fund. Mitsa ito ng ilang mga nakaraang isyu tungkol sa pondong nais ilaan sa mga proyektong pambansa gaya ng Confidential Funds. Sa pagkakataong ito, mayroong mga butas na nakita ang ilang mga eksperto at mamamayan sa nasabing batas na nagbunga ng mga paghihinala at negatibong reaksyon.
Ayon sa ilang eksperto mula sa Singapore, maaaring magamit nang hindi ayon para sa bansa ang Maharlika Fund at magkaroon ng kakulangan sa pamamahala nito. Ilan sa mga dahilan ay ang kawalan ng tiyak na proyekto na gagawin at mabubuo gamit ang nasabing pondo. Lubos na nakababahala ito sapagkat sariwa pa rin ang usapin tungkol sa Confidential Fund na ibinasura dahil ito ay nagmistulang napunta lamang sa wala.
Saliwat naman dito ang layunin ng Maharlika Fund na maipatayo at makumpleto ang mga proyekto sa impraesktraktura sa bansa. Saad ni Finance Secretary Benjamin Diokno, may halos 200 na proyekto na kinakailangan ng pondo. Subalit nararapat bang maituloy ito kung ang kasiguraduhan na mailalaan sa tama ang pondong ilalatag dito ay hindi tiyak?
Pagkakaroon ng bagong mga impraesktraktura ang layuning isinusulong ng Maharlika Fund kung saan ito ay makakatulong sa pagpapaunlad ng bansa. Gayunpaman, hindi maikakaila na ang bagay na ito ay may mga depekto sapagkat kagaya ng Confidential Funds, maaaring mapunta ang pera ng bayan sa mga tagong pamamahala ng gobyerno, kung saan mauuwi ito sa korapsyon at iba pang pagnanakaw mula sa pondo. May tiyansa rin na hindi maayos na magamit ang mga pondong ilalaan sa mga proyektong darating sa ilalim nito.
Kaunlaran sa bansa ang nais ng lahat, upang magkaroon ng mas payapa at madaling pamumuhay. Subalit hindi nararapat na gamitin ito upang makamit ang pansariling kagustohan ng isang indibidwal. Kaya naman, kinakailangan ng isang walang butas na batas na nasisigurado ang kabutihan; hindi lamang ng mga mamamayan, kundi pati na ang kaban ng bayan.
Manong? Manong …
Pudpod na ang mga gulong. Tahimik ang estero. Naghahari sa kalsada ang mga pribadong sasakyan.
Iyan ang maaaring kagimbal-gimbal na kalagayan ng Pilipinas sa mga susunod na taon.
Wala na ang mga pampublikong sasakyan na target ang mga komyuter. Hindi na rin bago ang mga 16-lane highways ng bansa ang malayang pampublikong transportasyon — ito ang kagila-gilalas na Pilipinas sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Layon ng PUVMP na palawigin at mas gawing sistematiko ang takbo ng pampublikong transportasyon.
Naglabas ng tinatawag na modernisadong dyip; at malaki. Ngunit marami ang tumututol sapagkat hinaharap nila ang nagkakahalagang ₱2.5 milyon na mga modernisadong dyip. Ngayong Enero 2024, nasa consolidation phase nito ang- mga tsuper at operator sa isang kooperatiba na may mga condition na nakaayon sa kanilang kontrata. Maaaring sabihin ng kooperatiba na sagot nila ang bagong bersyon ng dyip, maaari namang pabayaran nila ito sa mga tsuper at operator
Ang PUVMP ay usapin na at kinupos ang gulong ng mga dyip mula 2017. Hangarin din nitong baguhin ang industriya dahil sa mataas na mga dyip.
Maiibsan daw ng programa ang problema sa polusyon at aksidente, subalit maraming debate pa rin laban sa pamahalaan ang umaarangkada.
“Tinatanggalan ka ng karapatan na hawakan ang [iyong] prangkisa,” ani Mody Floranda, National President ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON).
Pukaw-GUTOM:
Habang umiikot ang gulong ng dyip ay patuloy din ang pagpapaikot ng narsistikong gobyerno sa mga naghihirap. Sa baku-bakong daan ng Pilipinas pumapasada ang mga hari ng kalsada.
at nakalatag na ang lahat. Kung malayo ang narating mo sa buhay, tandaan mo na may isang jeepney driver na naghatid kung nasaan ka man ngayon. Labanan ang kahirapan na nararanasan ng kapwa Pilipino. Kumakapal na ang kalyo ng mga tsuper. Ngunit sa bulok na sistema, uupo na lamang sa hapagkainan at susubuan ng gobyerno ang mga may pribilehiyo gamit ang kumikinang na kutsara nitong ginto habang ang mga naghihirap ay dumidila sa butas-butas na kutsaritang tanso.
Puksain natin ang kahirapan, huwag ang mga nahihirapan.Tik. Tak. Boom. Tunog ng mga ligaw na balang puputok mula sa itaas. Mga baril na ipinuputok lamang sa mga kawawang kaluluwa na biktima ng pang-aabuso ng kapangyarihan at pagbabanta sa kalayaan. Demokratikong bansa ngunit walang demokrasya. Ilang beses na ginamitan ng dahas at puwersang itikom ang mga bibig ng mga biktimang pilit kumakawala sa ingay.
Dahas at Pamamahayag
Nananatiling nasa panganib ang estado ng midya sa Pilipinas sa kabila ng pagbabago sa mga namumuno sa bansa mula noong 2022. Patuloy na nakararanas ang mga mamamahayag ng pang-aapi na lumala noong pagkapangulo ni Rodrigo Duterte – sugo ng extrajudicial killings – hanggang sa kasalukuyang termino ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang red-tagging ay laganap kung saan ang mga mamamahayag ay itinuturing na terorista, kung saan madalas na apektado ang mainstream at alternatibong midya. Ang mga pagsisikap na solusyunan ang mga problemang ito, tulad ng pagtatatag ng Presidential Task Force on Media Security noong 2016, ay hindi gaanong epektibo sa paglutas ng patuloy na karahasan laban sa mga mamamahayag. Kung titingnan ang World Press Freedom Index , bumaba ang ranggo ng Pilipinas sa pagitan ng 180 bansa; mula 127 noong 2017, bumulusok ito sa 147 noong 2022. Tunay ngang namamayani pa rin ang mga hamong patuloy na hinaharap ng kalayaan sa midya at ang kaligtasan ng mga mamamahayag sa Pilipinas.
Libo-libong Sundalo ng
Bang! Kilalanin ang mga mamamahayag na namaalam sa administrasyong Marcos Jr.
Renato Blanco
Ayon sa tala ng Committee to Protect Journalists, si Blanco ay isang radio broadcaster ng Power 102.1 DYRY RFM sa bayan ng Mabinay, tanyag sa kaniyang mga pagkalantad at pananaw tungkol sa politikal at sosyal na mga isyu. Ayon sa Police Investigators ng Negros Oriental, kinikilala ang pagkamatay ni Blanco bilang ‘politikal’ at malapit sa kaniyang trabaho. Noong ika-18 ng Setyembre, 2022 ay natagpuang nakahilata ang radio reporter dahil sa mga saksak nito sa may dakong leeg, sinasabing ang biktima ay bumisita lamang sa bahay ni Wilbert Amada, kapatid ng suspek, sa Barangay Himocdongan sa nasabing bayan nang siya ay saksakin. Ayon sa mga ulat, idineklara ang biktima na dead on arrival sa Mabinay Community Hospital.
Nalaman at umamin ang suspek na si Charles Amada, rason niya sa likod ng krimen ay dahil sa paglalahad ni Blanco sa kaniyang regular na programang “Rakrakan sa Hapon Bulls Eye with Rey Blanco” na nahataw si Amada at ang kaniyang mga miyembro ng pamilya sa pagkakasangkot sa isang lokal na katiwalian at korupsyon, kabilang ang isang overpricing scheme na nagresulta sa pagkawala ng kuryente sa lokal na lugar.
Percival Mabasa Si Percival Mabasa, o mas kilala sa tawag na Percy Lapid, ay isang radio commentator at host ng programang “Lapid Fire” sa radyo ng DWBL 1242. Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), isa siyang kilalang kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng kaniyang hinalinhan na si dating pangulong Rodrigo Duterte. Noong ika-3 ng Oktubre, 2022 ay natagpuang walang buhay ang broadcaster Cause of death? Gunshots. Pinutukan ng baril ang biktima habang nasa loob ng sariling sasakyan. Dumaan
ang ika-18 ng Oktubre, ang suspek na si Estorial ay sumuko sa pulisya, umamin sa pagpatay kay Mabasa, at nag-abot ng baril na inaangkin niyang ginamit sa pagpatay. Kinikilala ang iba pang mga suspek na sina Edmon at Israel Dimaculangan, at isa pang kilala sa tawag na Orly o Orlando. Kanilang inamin na ang rason sa pagpatay ay iniutos sa kanila ng hepe ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag at ang prison security official na si Ricardo Zulueta noong ika-7 ng Nobyembre, 2022. Sinabi na ang pagpatay ay bilang tugon sa pagkokomento ni Mabasa ng mga alegasyon ng korupsyon laban kay Bantag sa kaniyang late-night radio show
Cresenciano Bunduquin Mula sa ulat ng Philippine National Police (PNP) MIMAROPA, pumanaw ang isang radio host ng DWXR 101.7 Kalahi FM na si Cresenciano Bunduquin. Kilala bilang kritiko ng ilegal na pagsusugal, politika, at oil spill na naaapektuhan ang Calapan City. Noong ika-31 ng Mayo, 2023 ay binaril at pinatay habang siya ay magbubukas ng kaniyang tindahan, sa Barangay Sta. Isabel sa nasabing bayan. Ayon sa mga ulat, siya ay idineklarang dead on arrival sa pinakamalapit na ospital. Namatay ang isa sa mga suspek na si Narciso Ignacio Guntan, habang ang kaniyang kasamang suspek ay nakatakas pagkatapos banggain ng sasakyan ng anak ni Bunduquin. Ayon sa kaniyang station manager na si Jester Joaquin, matagal nang nakatatanggap si Bunduquin ng mga pagbabanta sa kaniyang buhay.
Juan Jumalon
Si Juan Jumalon, mas kilala na si “Johnny Walker,” ay isang radio broadcaster ng 94.7 Gold FM Calamba. Ayon sa Rappler, siya ay kilala sa pagbibigay ng “morning entertainment at good vibes” at mahilig magbiro on air habang ang Yoyoy Villame at Max Surban-style novelty songs ay
Pagsibol sa tinubuang bayan
Mula nang gawing kolonya ng Kastila ang Pilipinas, dito na rin pumasok ang ideya ng sentral na relihiyon sa bansa.
Malakas ang puwersa ng relihiyon, kaya nitong bumuo ng isang lipunan – kaya rin nitong sirain ang bayang binuo. Ito ang kaso sa pagitan ng Israel at Palestine, nagmula sa tunggalian sa pagitan ng dalawang relihiyon, at hindi pa rin natatapos hanggang ngayon.
Sinakop na ng Israel halos ang kabuuan ng Palestine, at tinira na lamang ang Gaza Strip at Westbank dahil sa paniniwala ng mga hudyo mula sa Israel na kailangan nila ng “holy land.” Minsan, bunsod ng relihiyon, maraming buhay ang nasasakripisyo.
Ayon sa Reuters, 17,000 na ang nawalan ng buhay, 100,000 tahanan at mga gusali, at 1.9 milyong tao ang nawalan ng tirahan sa Gaza. At sa loob ng lupaing ito, maraming mga mamamahayag ang nagbubuwis ng kanilang buhay para lamang maihayag ang on-the-ground na mga pangyayari.
Isa si Motaz Azaiza sa mga mamamahayag na araw-araw ay naglalabas ng mga litrato sa tunay na kalagayan sa loob ng Gaza, mga litratong hindi nakikita sa datos.
Marami na ang nawalan ng buhay at marami rin ang nabubuhay upang pasanin ang paghihirap na dala ng pagkawala ng mahal sa buhay. Isa si Azaiza rito, patuloy pa ring nagbabalita kahit kargo lahat ng emosyon.
Pangambang dadalhin niya habambuhay.
Sa Pilipinas naman, marami rin ang nangangamba hindi lang para sa kalalabasan ng lahat ng pangyayari. Ginagalugod ng pangamba ang mga may kapamilyang overseas Filipino worker (OFW) sa Palestine at Israel. Naglabas na ng pahayag ang Presidential Communications Office (PCO) ukol rito. Ani PCO, “The President has instructed the Department of Migrant Workers (DMW) and the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) to locate and account for all OFWs and their families in Israel.”
(Inutusan ng Pangulo ang DMW at OWWA na hanapin at itala ang lahat ng mga OFW at ang kanilang pamilya sa Israel).
Sa harap ng mga pangyayaring ito, kapit ng mga Pilipino ang kanilang mga rosaryo at ang panalangin na maging maayos ang kalagayan ng kanilang mga mahal sa buhay – muling sumasandal sa relihiyon. Relihiyon na naman. Sa tunggaliang bunsod ng relihiyon, ito rin ang pinagkukuhaan ng lakas at paniniwala ng nakararami. Kung mananatiling positibo ang epekto ng relihiyon, hindi maipagkakailang ang dala nitong pagkakaisa ay hindi masasakripisyo. Sa mga pasanin ng mamamahayag, mga OFW, at mga naninirahan sa Palestine, patuloy na mamumutawi ang binhing dati nang itinanim.
Sana, sa pagitan ng Israel at Palestine, mamayani ang tunay na naisin ng relihiyon, ang pag-iisa ng mamamayan at hindi ang paninira sa sarili.
Sana, sa mga susunod na panahon libre ang mangarap.
pinapatugtog sa background Noong ika-5 ng Nobyembre, 2023 ay natagpuang nakahandusay ang broadcaster dulot ng pagbaril habang siya ay on air Nagbigay pahayag sa isang Twitter post si Pangulo Ferdinand Marcos Jr. na inutusan niya ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng imbestigasyon upang magkaroon ng hustisya. Naglaan ang Department of Justice (DOJ) ng imbestigasyon sa mga suspek. Ang National board ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ay hinatulan ang pagpatay kay Jumalon at sinabi na ang insidente ay nagpapakita ng lubos na pagwawalang-bahala sa buhay ng tao at ang panuntunan ng batas.
Karapatang Inaabuso Sa ilalim ng pamumuno ni Duterte, ang mga mamamahayag ay nakaranas ng matinding verbal abuse at judicial harassment dahil sa kanilang paglalahad ng katotohanan ukol sa administrasyon.
Ngayong si Marcos ang namumuno, pangamba pa rin ang bumabalot sa mundo ng pahayagan.
Mula 1986, ang Pilipinas ay nakaranas ng pagpatay ng 197 na mamamahayag. Nakalulungkot pa rito ay ang mga mamamahayag na may mababang profile o mga nasa probinsya ay mas matindi ang panganib na ikinahaharap.
Demokrasyang Patay Sa harap ng libo-libong sundalong ipinaglalaban ang katotohanan at ang malayang pahayagan, halos 200 beses nang ipinutok ang baril at patuloy na nagpapaulan ng bala ang administrasyon na bulag sa nangyayari sa sariling bayan. Ang mga boses ay nawawala na at ang mga bibig ay kusa nang tumitiklop. Unti-unting namamatay ang demokrasya. Ilang bala pa ba ang kailangan sayangin para mamulat ang mga matang tulog at nagmamataas?
Hipak o Ti pak?
Ni: Clark James N. Abihay
Alternatibong
makabubuti kung ituring ng karamihan, subalit isa palang bisyo na mas nagpapatindi ng mga karamdaman. Ang flavored vape ay sumikat dahil kilala ito bilang pamalit sa mga sigarilyong napatunayan bilang pinagmulan ng mga sakit tulad ng kanser, stillbirth, at stroke. Sa paniniwala ng karamihan ay mas mabuti ang gumamit nito kaysa manigarilyo, ngunit hindi ito naaayon sa kalusugan ng mga indibidwal lalo na sa mga kabataan.
Nanawagan ang World Health Organization (WHO) na tigilan na ang paggamit ng mga e-cigarettes o vape dahil walang sapat na ebidensiya upang patunayan na ito ay nakatutulong sa mga nalulong sa bisyo na paninigarilyo. Ayon sa kanila, ang paggamit ng mga ito ay katumbas ng paggamit ng anumang uri ng tabako na talagang maaaring magdulot ng matinding nicotine addiction. Pahiwatig na isa itong bisyo na dapat iwasan, lalo na’t madali lamang ito mabili sa mga tindahan na agaw-pansin para sa mga bata.
Higit pa rito, nakababahala na makikita sa mga silid o sa mga pampublikong lugar na mayroong mga estudyanteng nagpapausok ng kanilang mga vape at sa malakas na ben bansa. Higit 6.7% ng mga mag-aaral mula sa ikapitong baitang hanggang ikasiyam na baitang ang nakikitang gumagamit ng vape ayon sa datos ng Philippi Pediatric Society. Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng mga estudyanteng mayroong vape ay ang internet na talamak ang bentahan sa mga online shop, social media, at sa mga convenience store.
Pinagbawalan naman ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatayo ng tindahan o pagtitinda ng mga vape malapit sa mga paaralan, ayon ito sa Republic Act No. 9211, Tobacco Regulation Act of 2003, at Executive Order No. 106. Subalit, kahit ano pa man ang isinagawang babala ng dating administrasyon, patuloy pa rin ang pagtaas ng mga estudyanteng gumagamit nito. Umaabot sa 43 ang bilang ng mga tindahan nito na malapit sa mga paaralan sa mga piling lugar sa bansa.
Naaakit ang mga kabataan sa ganitong bisyo dahil sa mga nakikita nila hindi lamang sa internet kundi dahil din sa mga impluwensya ng mga taong malapit sa kanila—kaklase, kaibigan, o kaanak. Sa kasalukuyan, may mangilan-ilang batas na rin ang nagpipigil sa paggamit nito, subalit hindi pa rin naiisip ng mga tao na nakasasama ito sa kalusugan, na nakadidismaya kung iisipin.
Hindi hamak na kailangang ipagbawal muna ang paggamit ng e-cigarettes habang wala pang sapat na patunay na hindi nito inaatake ang kalusugan. Noon pa man ay nauso rin ang paggamit ng sigarilyo na pinaniniwalaan na nakagagamot sa mga sakit, ngunit ngayon na may mga pag-aaral na ukol dito, iniiwasan na ito ng mga tao. Huwag hintayin na isa sa mga kabataan ang magdusa sa mga sakit mula sa paggamit ng vape sa sitwasyon at piliting maging maingat upang hindi magkaroon ng tipak sa kalusugan.
Pinggang pang-eskuwela: hitik sa sustansiya’t bitamina
Ni: Aldwin Jake Caramoan
“GO, GROW, at GLOW.” Tatlong sangkap upang makamit ang perpekto at malusog na Pilipino.
Subalit, sa ilang mga eskuwelahan sa Pilipinas, hindi matatagpuan ang mga sustansiyang inaasahang makuha ng mga mag-aaral dahil mismong sa kantina sa mga paaralan, balot ng mga chichirya at matatamis na kendi ang inihahalok sa mga estudyante.
Destinasyong
Mo D ernisasyon Bilang s olusyon
Habang lumilipas ang panahon, ang dating mga sasakyang naghahari sa kalsada, tulad ng ibang bagay, ay unti-unti nang kinakalawang at nasisira. Kaya sa kanilang destinasyon, isa sa kanilang paghihintuan ay ang modernisasyon. Sa kalsadang ito, kinakailangang sumailalim ang mga sasakyan sa mga pagbabagong hindi kailanman maiiwasan.
Solusyon sa bumibilis na takbo ng panahon o sagabal sa ideyal na kalsada ng hinaharap, ano ang patutunguhan ng makabagong mga sasakyan?
Bunsod ng hirap na kinakaharap ng mga mamamayang Pilipino, naging tugon ang tricycle sa kanilang pang-arawaraw na pamumuhay. Sa kakulangan ng sapat na kakayahang bumili ng kanilang mga sariling sasakyan, ito ang ginagamit nila bilang paraan ng transportasyon. Ngunit sa parehong pamamaraan, naging sanhi ito ng panibagong problema dahil sa mga ingay at usok nitong dinadala — ang polusyon.
Sa kagustuhan na ito ay maresolba, dito nagsimula ang E-trike o ang modernisadong bersyon na sasalungat sa mga masasamang dulot ng tradisyunal na tricycle. Ngunit, ito rin ay nagbigay lamang ng panibagong problema sa mga drayber sa kadahilanang isa itong electronized vehicle kung saan mas malaking halaga ng pera ang kakailanganin nila upang mapanatili itong maayos at maganda, presyong hindi
lamang basta-basta makukuha sa kanilang araw-araw na kita sa pamamasada.
Ang E-trike ay may kakayahang maglakbay ng hanggang 80,000 kilometro ang layo at kaya nitong maakumoda ang maximum road at i-charge sa traditional o fastcharging equipment. Kung ang mga motorized tricycles ay pinapatakbo sa tulong ng gasolina, ang mga e-trike naman ay pinapaandar gamit ang kuryente na nagkakahalaga ng P11.00 kWh. Para sa kada kilometrong nilalakbay ng motorized tricycle, ang gastos sa gasolina ay P1.20 at ang gastos naman sa kuryente ay P 0.30. Kaya naman nakakatipid ng tinatayang P0.90 ang e-trike.
Sa bawat kalyeng madadaanan hindi maiiwasan ang mga bako-bakong daan na pumipigil sa pag-arangkada, ngunit gamit ang tamang solusyon, ito ay mapapalitan ng sementadong daang magpapabilis at magpapadali sa pamamasada.
Ayon sa Department of Education (DepEd) order no.13 series of 2017 - Policy and Guidelines on Healthy Food and Beverage Choices in Schools and in DepEd Offices, ang mga pribadong eskuwelahan ay hinihikayat na ipagbawal ang pagbenta ng mga pagkaing masiyadong matamis at maalat sa mga kantina at sa mga pampublikong naman, ito ay talagang ipinagbabawal na. Isa itong magandang bagay, lalo na’t makabubuti ito sa kalusugan. Dagdag pa rito, nararapat lamang na bigyang importansiya ng mga eskuwelahan, pampubliko man o pribado, ang kalusugan ng bawat estudyante, sapagkat apat hanggang walong oras silang naroon, na kung minsan nga ay higit pa. Ibig sabihin, ang malaking porsiyento ng nutrisyong nakukuha nila ay nakadepende sa kung ano ang makikita sa mga kainan sa loob ng paaralan.
Sa pag-aaral ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) napagalamang 74% ng mga batang edad 13-15 ay malimit lamang kumain ng gulay, habang 38% naman ang halos araw-araw umiinom ng isang bote ng softdrinks. Lubha itong nakatatakot sapagkat kapag ito ay nakasanayan, maaari itong magdulot ng iba’t ibang sakit tulad ng: diabetes mellitus, hypertension, heart disease, at iba pang mga noncommunicable diseases (NCDs), ayon sa UNICEF.
Subalit, nakalulungkot na isiping sa ilang mga pribadong eskuwelahan ay hindi nila pinipiling sumunod sa ordinansang inilatag ng DepEd tungkol sa mga pagkaing bawal ihain sa kantina kahit na posible itong maging mapanganib para sa kalusugan ng kanilang mga estudyante.
Gayunpaman, maaari naman na ang rason kung bakit patuloy pa rin sa pagbebenta ng mga pagkaing mataas sa asukal at sodium ang ilang paaralan ay dahil higit na mas mura at mas binibili ang mga ito kumpara sa mga pagkaing siksik sa nutrisyon. Kaya naman, upang siguradong may kinikita ang kantina, mas pinipili ng administrasyon ng mga eskuwelahan na payagan ang ganitong uri ng mga pagkain na mas patok sa mga mag-aaral.
Ngunit hindi tama ang ganitong kaisipan, sapagkat hindi kinakailangang maging mahal ang presyo ng pagkain upang ito ay maging masustansya. Kinakailangan lamang maging malikhain ng mga tagapamahala ng kantina, tulad na lamang ng pagluto ng fishball na gawa sa kalabasa at harina. Masustansya at masarap na, abot kaya pa.
Sa Mabini Colleges, Inc. — isang pribadong paaralan mula sa probinsya ng Camarines Norte — madalas makita na mga pagkain sa kantina ay mga chichirya at softdrinks. Bagaman mayroong mga lutong bahay na kung minsan ay gulay, karamihan pa rin sa mga ibinebenta ay itinuturing na junk foods dahil sa mataas na sugar, sodium, at fats na nilalaman ng mga ito nang walang sustansya para sa kalusugan.
Ayon sa ginawang pag-aaral ng DOST-funded E-trike Deployment and Utilization Project at ang Demonstration of Electric Vehicle Fast Charging Station Project ng Cagayan State University, mas makatutulong ang nasabing sasakyan na mabawasan ang polusyon at gumagamit ito ng mas mababang enerhiya na kaunti lamang ang ibinubuga na carbon dioxide. Samantalang ang mga motorized o gasoline-fuelled tricycle ay higit sa ⅔ ng polusyon sa hangin ang dulot nito.
Modernisasyon, malaki ang posibilidad na ito ay maging isang solusyon sa lumalaganap na polusyong nagiging salot sa nakararami, hindi lamang sa tao. Kung mapapalitan ang mga lumang sasakyang nagbibigay ng masamang epekto sa kapaligiran at kalusugan, tiyak na makakatulong ang modernisasyon sa preserbasyon na ikagaganda ng lipunan.
Upang marating ng lahat ang kanilang nais patunguhan, pag-arangkada sa isang kontroladong sasakyan ay kailangang isaalangalang. Tulad ng mga sirang sasakyang pilit inaayos ng mga tao gamit ang kanilang kakayahan at talino, hindi imposibleng magamit nila ang mga ito upang marating ang daan tungo sa kanilang destinasyong inaasam.
Dahil dito, nararapat na ang bawat administrasyon ng paaralan ay magbigay rin ng tuon sa kalusugan ng mga estudyante, hindi lamang sa akademikong aspeto. Sapagkat kung nais ng paaralang Mabini, maging ng ibang mga eskuwelahan, na magkaroon ng matatalino at malalakas na estudyante, kinakailangang mapanatili nilang busog lusog ang mga ito sa mga pagkaing hitik sa sustansiya at bitamina. Upang mas masiguro na makamit ang mga diplomang
Sagipin o Tanggapin?
Sa mga bagong konstruksyon ng mga nagsisitaasang gusali sa Pilipinas, ilan sa mga ito ay para sa kapakinabangan ng sambayanan. Subalit, hindi lahat ng nakatutulong upang magkaroon tayo ng mas maunlad na pamumuhay ay maganda para sa kalikasan. Lingid sa kaalaman ng marami, ang dating payapa at matiwasay na berdeng kapaligiran ay unti- unti nang niyuyurakan ng mga taong nakikinabang lamang sa mga ito. Marami ang nagiging mangmang at abuso dahil sa angking pagkagahaman kung kaya’t tila hindi na malabo kung darating ang panahon na susukuan na tayo ng kalikasan.
Ang lungsod ng Cebu sa Pilipinas ay tanyag bilang lugar na madalas puntahan ng mga turista dahil sa mga baybayin at iba pang mga magagandang tanawin kagaya ng mga kabundukan o bulubundukin. Ito ay kilala rin bilang pinakamatandang lungsod sa bansa. Hindi man kasing unlad ng Metro Manila — kapital na lungsod ng Pilipinas — ang Cebu City ay nalalapit na rin patungo sa isang maunlad na lugar ng sibilisasyon kagaya nito.
Noong taong 2023, nagsimulang magsagawa ng bagong mukha ng Kapitolyo sa Barangay Cambuhawe, Bayan ng Balamban, Cebu. Samantala, sa kasalukuyang taon, ito’y naging matunog dahil sa progresibong proseso sa pagsasagawa ng gusali na nakakapinsala sa anyong lupa.
Panangga sa mga kalamidad at tahanan ng samu’t saring hayop, puno, at halaman. Ito ay ang pakinabang ng mga bundok bukod sa sariwang hanging hatid nito sa lahat. Ngayon, ano kaya
Ni: Francine Isabelle Z. Ramirez
isang kabundukan?
Layon ng isinasagawang Kapitolyo na mapagaan ang trapikong nararanasan sa Cebu at ito ay naging usap- usapin ng masa dahil marami ang nagsasabing hindi talaga ito ang pinaka maayos na solusyon sa problema at hindi ito kailangan dahil hindi pa naman sira ang dating kapitolyo. Sa kabila ng mga pagtutol ng mga tao, may ilang sumang- ayon sa pagpapatayo nito, kanilang sinuportahan ang desisyon ni Gobernador Gwendolyn Garcia.
Tinatayang mahigit 700 milyong piso ang kailangan sa proyektong ito at kahit malaki na ang ginastos dito, mahirap pa ring iwasan ang katotohanang malaki ang potensyal na ito ay makadudulot ng mas malalang sitwasyon sa pagdaan ng panahon kagaya ng paglubog ng lupa at iba pang isyung pangkapaligiran. Kapag ang mga ito ay nangyari, hindi lang bundok ang kawawa dahil maraming buhay ang paniguradong mapipinsala.
Imposibleng hindi alam ng gobyerno ang negatibong epekto ng proyekto sa kapaligiran, kung kaya’t nakadidismaya sapagkat ito ay tila balewala lang dahil kanila pa ring itinutuloy ang pagsasagawa ng Kapitolyo. Ito ay simbolo ng isang makasariling pamamaraan ng paggawa ng isang desisyon dahil lamang sa kagustuhang maibsan ang problemang trapiko at para rin sa mga interes na maibubunga nito sa mga tao sa politika maging sa ilang mamamayang walang pakialam sa likas na yaman.
Bilang tugon ni Garcia sa mga kumokontra sa konstruksyon sa Balamban, kaniyang sinabi sa isang panayam noong ika-22 ng Marso, 2024 na ang pagpapatayo ng Kapitolyo ay parte ng ginagawang pagpapaunlad at pagsasagawa ng konstruksyon ng daan sa bundok na pinondohan ng bansa at isinasagawa ng Department of Public Works and Highways in Central Visayas (DPWH 7)
Habang patuloy na ipinapatayo ang gusali, ang tanging maaaring magawa ng sangkatauhan ay ang pagsagip o pagtanggap sa nangyayari. Sa katunayan, hindi naman masama ang pag-asam sa bagong imprastraktura, ngunit dapat munang isaalang-alang ang kapaligiran sapagkat walang kahalagahan ang mga pagbabagong inaasam kung may parte sa ating pagkatao na gahaman at walang pakialam sa kalikasang ating pinakikinabangan. Kung marami ang magiging mulat sa masamang epektong dulot ng sarili, may kapangyarihan tayong bumoses at ipaglaban ang mas maayos na paninindigan.
Ningas ng kand
Ni: Aldwin Jake Caramoan
Hapong-hapo ang hininga — subalit patuloy na sumusubok paringin ang kandila. Si Ralph Vincent Ablaza ay isang mag-aaral mula sa Mabini Colleges, Inc., bagaman wala ng magulang, isa pa ring huwarang anak, pinsan, kuya, at kaibigan. Hilig niya ang pagluluto, maging ang pag-awit ng “Ang Huling El Bimbo” ng Eraserheads kasama ang mga kaibigan.
Ngunit sa pag-awit ng awiting ito, sinong mag-aakalang sa panaginip na lang makikita ang apoy ng kaniyang musika.
Setyembre 2023, nagsimulang makaramdam ng kakaiba sa kaniyang katawan si Ralph. Madalas magkaroon ng mataas na lagnat, na naging dahilan ng ilang linggong pagliban niya sa klase. Nang bumuti na ang kaniyang kalagayan, naisipan siyang ipakunsulta ng kaniyang pamilya sa ospital — upang makasiguro na maayos lamang ang lahat.
Lumabas ang resulta at napag-alamang wala namang karamdamang iniinda si Ralph. Subalit, patuloy pa rin ang ningas ng apoy ng kaniyang kandila, sapagkat matapos ang ilang normal na mga linggo ay nakaramdam na naman ng kakaiba si Ralph. Tila ba pinaglalaruan ng tadhana, dahil hindi matanto ang tunay na kalagayan. Nagpatuloy ang kaniyang iniindang sakit, hanggang unti-unti na siyang nahirapang maglakad. Disyembre, habang ang lahat ay nagdiriwang ng pasko, si Ralph ay binubuhat ng mga bisig ng kaniyang pinsan. Pinipilit na makawala sa pagkabugkos ng kama sa kaniyang mga paa.
Sa pagsalubong ng bagong taon, abang-abang niya ang pagdiriwang ng sariling kaarawan. Sa kadahilanang sa pagdiriwang nito, ay makakasama niya ang mga taong malapit sa kaniyang puso.
Subalit, nang hipan niya ang kandilang nakapatong sa pandekremang may nakasulat na “Maligayang Kaarawan,” imbes na mamatay ay
Sulong Lakad Palayo
Ni: Gem Hilary P. Pentecostes
alakad-lakad kung iisipin, maraming mga paa ang pumupunta sa ating harapan at nagbibigay ng masamang epekto sa kalusugan. Lahat ay naghihintay na sila ay makapaglakbay sa loob ng resistensya ng mga taong mahihina ang katawan. Ito ay ang mga virus na patuloy na umiiral sa iba’t ibang bansa sa kasalukuyang panahon, naghihintay sa tamang pagatake hanggang sa sila ay lumakas at dumami.
Nang matapos ang matinding pinagdaanan ng mga tao sa buong mundo dahil sa pandemya noong mga nakaraang taon, ang mga pagsubok na may kinalaman sa kalusugan ay hindi pa rin nagpapatinag kagaya ng mga hamon sa iba’t ibang sektor ng gobyerno at maging sa antas ng pamumuhay ng mga tao. Walang tigil ang mga pinagdadaanan ng lahat sa kahit saang sulok ng mundo.
Kamakailan lamang ay nagbigay ng anunsyo ang Department of Health (DOH) na tumaas ng 45% ang influenzalike illnesses (ILI) sa bansang Pilipinas, kung kaya’t binibigyang pansin ngayon ang mga infectious disease pati na ang mga virus na hindi pa rin nasusugpo mula noon hanggang ngayon at isa rito ang Mycoplasma Pneumonia na mas kilala bilang “Walking Pneumonia.”
Noong Disyembre, taong 2023 ay tinatayang nasa apat ang kaso ng walking pneumonia sa bansa. Walang binawian ng buhay sa mga ito, ngunit kung hindi naagapan ay mayroong mataas na potensyal na nakamamatay ito lalo na sa kabataan dahil sa tiyansang hindi ito kayanin ng kanilang resistensya. Subalit, sa mga matatanda ay kayangkaya pa itong malagpasan. Ayon sa DOH, hindi pa naman ito dapat katakutan dahil kumpara rito, mas malala pa rin ang Coronavirus (COVID-19).
Bukod pa rito, ang walking pneumonia ay iba kaysa sa mga karaniwang viral infection na tumatagal ng limang araw, sa kadahilanang maaari itong maranasan ng higit pa rito. Maaari ding malaman ng isang tao na siya ay infected kung siya ay may masakit na lalamunan, naninikip na dibdib, nilalagnat, nakararanas ng panginginig, pag-ubo, pagbahing, pagkapagod, at pananakit ng ulo, na maaaring tumagal ng tatlong linggo pataas.
Upang malaman kung mayroon nang walking pneumonia ang isang tao, mas mainam na magpakonsulta agad sa doktor lalo na kung may mga malalang sintomas dahil kahit ano pa man ang nararamdaman na hindi maganda sa sariling mga katawan, ang mga doktor lamang ang makapagdidikta kung ano ang karamdaman ng isang tao at sila lamang ang makatutulong upang hindi ito maging malala.
Ang iba’t ibang klase ng impeksyon, sakit, at karamdaman ay natural na nararanasan ng sangkatauhan dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya nating panatilihin ang katatagan at lakas ng katawan. Subalit hangga’t maaari ay subukang pangalagaan ang sarili lalo na ang kalusugan ng kabataang sa kasalukuyang panahon ay mahina ang laban sa mga panganib na dala ng kapaligiran, hangin, hayop, at maging ng kapwa mamamayan.
Mainam naman na kahit walang masamang nararamdaman ay panatilihin pa rin ang maayos na pangangatawan. Pag-inom ng bitamina, pag-ehersisyo, pagkain ng prutas at gulay, pagsuot ng face mask, at pagtulog sa loob ng anim pataas na oras ay huwag kalimutan.
Walang kasiguraduhan ang wakas ng mga suliraning pangkalusugan hangga’t maraming virus ang palakad-lakad sa kapaligiran. Kaya para sa ikabubuti ng mga kapwa, lalo na sa kabataan, ay gawin ang pagsulong lakad palayo tuwing may masamang nararamdaman upang maiwasan ang matinding hawaan at mapanatili ang malusog at masiglang pangangatawan.
kand lang upos
patuloy na nangningas ang apoy nito.
Enero 2, 2024 — kinaumagahan matapos ang kaniyang kaarawan ay tuluyan nang naconfine sa ospital si Ralph. Dito nakumpirma ng kaniyang pamilya na Hepatitis ang sakit na kaniyang iniinda.
Ang Hepatitis — ayon sa National Institute of Health — ay isang uri ng viral infection na nagiging dahilan para mamaga ang atay, ito ay madalas makuha sa mga viruses katulad ng: hepatitis A, B, C, D, at E, na mahahanap sa mga kontaminadong tubig at pagkain, maging sa mga infected na dugo at iba pang uri ng body fluid.
Bukod pa rito, marami rin ang nagsasabing malaki ang kaugnayan ng pagkain ng maraming junk foods o mga pagkaing mataas ang lebel ng sugar, sodium, at fats sa pagkakaroon ng Hepatitis. Ngunit walang mga pag-aaral na sumusuporta rito.
Subalit hindi ibig sabihin nito na wala na itong kinalaman, sapagkat ang lubusang pagkain ng mga ganitong uri ng pagkain ay maaari ding magresulta sa Non-alcoholic Fatty Liver Disease (NAFLD) at Jaundice, maging ng iba pang liver diseases ayon sa National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases.
Sa kasamaang palad, ito ang rason kung bakit tuluyang naupos ang kandila ni Ralph.
Umaga ng Enero 7, 2024, hindi araw ang bumati sa mga taong malapit sa kaniya, bagkus, bumulaga sa kanila ang balita ng pagpanaw ni Ralph. Isang liwanag sa silid na tuluyang nilamon ng dilim.
Marahil ang buhay ng tao ay tinadhana na ng sila ay isilang. Sapagkat kahit anong subok na paringin ang nakasinding kandila, kung oras na para ito ay maupos, patuloy lamang lalaki ang ningas ng apoy hanggang sa ito ay unti-unting matupok. Tulad na lamang ng kuwento ni Ralph, na hapong-hapo sa pakikipagbuno sa kaniyang sakit, ngunit kalaunan ay nilamon din ng dilim.
Abot - Tanaw Iwas Salot Sa Lipunan
Napalitan ng kasiyahan ang mga katawang pagod makipagsapalaran sa gitna ng malupit na karagatan nang matanaw nila ang kagiliran (horizon), isang lugar na pilit nilang sinusubukang abutin.
Unti-unting sumisikat ang araw at papalayo na sa kagiliran ang mga mangingisda ng bayan ng Mercedes, Camarines Norte. Papalapit sa daungan, sabik na salubungin ang mga batang naghihintay na matapos ang kanilang pakikipagsapalaran sa malalaking hagupit ng alon.
Mga itinuturing na bayani ng malupit na karagatan, kanilang buhay lang nga ba ang binubuwis o pati ang kanilang biyayang pinagkukunan?
Kilala ang Mercedes bilang tahanan ng maraming mangingisda. Dahil dito, tampok sa mata ng masa ang kanilang mga sariwang huli na siyang pinoproseso at binebenta sa palengkeng tinatawag nilang “Pandawan.” Isa sa ilang mga mangingisda na narito ay si Mang Allan na sa edad na 59 ay halos 47 na taon nang nangingisda sa bayan ng Mercedes.
Maraming mga pagsubok ang darating sa pagiging isang mangingisda, kinakailangan ditong suungin kahit ang malulupit na hampas ng alon may maihain lamang sa hapagkainan. Bilang mangingisda, dala nila ang mga kamay na kikitil sa biyayang itinuturing nilang sumpa. Sa katunayan, binanggit ni Mang Allan na mahirap at nakatatakot ang kanilang ginagawa, subalit ito ay kailangan para sila ay mabuhay.
Ayon kay Ruperto Aleroza, ang Vice Chairperson for the Basis
“S
aklolo!” Ito siguro ang sigaw na maririnig kung mayroon siyang kakayahang magreklamo sa sangkatauhan. Saklolong daing dahil sa kawalan ng kontrol sa pagdami ng populasyon ng mga salot sa lipunan na naninirahan sa kaniyang lupain at katubigan. Walang ibang ginawa ang mga ito kung hindi ang pahirapan siya kahit pa siya ay magmukmok at magwala. Higit sa lahat, hindi man lang niya kayang ipagdamot ang sarili dahil sa angking kapakinabangan.
Saan nga ba napupunta ang ating mga basura kapag ito ay itinapon na?
Isinagawa sa Dalubhasaang Mabini Colleges, Inc. ang Science Fair 2024 o Araw ng Agham na may temang “Sustainable Synergy: Students as Agents of Scientific Prowess and Environmental Stewardship, Forging a Path Towards a Resilient and Ecoconscious Future” noong ika-19 ng Pebrero, 2024. Sa pangangasiwa ng Science Club at mga guro, naging matagumpay ang mga aktibidad na Science Exhibit, Photosynthesis, Black hole, Microscope Viewing, at Science Quiz Bee.
Dagdag pa rito, ang naging highlight na inabangan ng mga mag-aaral ng departamento ay ang Mr. and Ms. Trashion Show, imbes na “Fashion Show,” kung saan ibinida ng mga kalahok mula sa iba’t ibang baitang ang kanilang mga kasuotan na hango at ginamitan ng mga basura o recycled materials.
Bilang kaalaman, magandang aktibidad ang pagreresiklo dahil dito natututo ang mga tao na maging masining at gawing kapaki-pakinabang ang mga bagay na yari na kaysa ang gumamit ng mga bago na magbubunga ng pagkakaroon ng mas maraming produksyon ng polusyon na dapat nang iwasan dahil ayon sa mga pag-aaral, mahigit 1.3 bilyon na ang basura ng mga tao kada taon. Ito ay magiging waste, air, at water pollution na mayroong bacteria na nakakasama at nakasisira sa kalusugan ng mga tao, hayop, at nakapipinsala sa Inang Kalikasan.
Kung iisipin, ang madalas na isinasagawang solusyon upang maiwasan o masugpo ang basura ay ang pagsusunog o pagtatambak nito sa isang malawak na lupain kung saan ito ay pinababayaan na lamang. Ito ay suliraning mahirap masolusyunan
Ni: Clarence M. Templonuevo
sapagkat kahit ang ganitong aksyon ay mayroong masamang epekto, ito lang talaga ang nagagawa ng marami kaysa sa pagreresiklo o iba pa. Subalit, may ilan na patuloy na naghahanap ng paraan upang makatulong sa kalikasan, isa na rito ang paaralan ng Mabini.
Dala ang tapang at layuning makatulong sa suliraning basura, nasaksihan ng marami ang mga kalahok sa Trashion Show na ibinida ang nagsitagisang magagandang damit na gawa sa bote ng plastik, delatang inumin, plastic cups, disposable na kutsara at tinidor, paper plates, kahon ng sigarilyo, sachet, sako, lumang CDs, lambat, bubble wraps, at iba pa na madalas makitang pakalat-kalat sa kapaligiran. Ang pangyayari ay naging pinto sa realisasyon na ang mga bagay na akala nati’y patapon na ay maaari pa palang magamit sa ibang paraan kung ating gugustuhin.
Sa bayan ng Daet, Camarines Norte, mahigpit na ipinatupad ang Republic Act 9003 o mas kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000, simula nitong Enero ng kasalukuyang taon. Naglalayon itong pagbawalan ang mga tindero’t tindera, maging ang mga mamimili na gumamit ng single-used plastics sa pamamalengke. Sa halip, inaabisuhang gumamit ang lahat ng eco-friendly bags o iba pang alternatibo sa plastik. Kamakailan lamang ay ipinatupad na rin sa ang “No Plastic Policy” bilang pakikiisa upang maiwasan ang basura.
Gayunman, mainam na matutong makinig sa saklolong daing ng kalikasan kagaya ng matinding pagbabago ng klima at iba pang uri ng krisis sa kapaligiran. Bukod pa rito, huwag maging bulag sa sariling kapabayaan dahil sa mga basurang napupunta sa karagatan o kung saan man sapagkat tunay na hindi lamang basura ang salot sa lipunan, kundi pati na rin ang sambayanan.
Habang may panahon pa ay marami pa tayong kayang gawin para sa pag-unlad at pagbabagong nararapat kagaya ng Trashion Show, batas, at ilang polisiya. Kung ang mga mga ito at ang iba pang proyektong pangkapaligiran ay kayang isulong at isakatuparan ng lahat ng tao, hindi malabo ang pagsugpo sa mga isyung tao lamang din ang may gawa at may kakayahang masolusyunan ito.
Sectors ng National Anti-Poverty Commission, ang mga pagbabagong ito ay hindi maiiwasan dahil sa lumalaking banta ng pagbabago ng klima sa kabuuang sektor ng pangingisda. Ito ay maaaring maging dahilan ng pag-init ng tubig sa karagatan na nagdudulot ng coral bleaching o pagputi ng mga bahura. Ang sitwasyon na ito ay nagreresulta sa pagkamatay ng mga natural na tahanan at pagkain ng mga isda—rason ng kanilang biglaang pagkawala at paglayo. Sa mga mangingisda naman, mas mataas ang kanilang tiyansang magkaroon ng kanser at iba pang sakit sa balat dahil sa matagalang pagkalantad sa matinding sikat ng araw sa gitna ng karagatan
Nang tanungin ng isang grupo ng mamamahayag mula sa Ang Mabinian—ang opisyal na publikasyon ng Mabini Colleges, Inc.—si Mang Allan at ang ilan pang mangingisda kung sila ay may ginagawang makasisira sa karagatan, kanila itong itinanggi at sinabing wala silang ginagamit na kahit ano na makasisira rito.
Ito nga ba ang katotohanan o kasinungalingan na nakabaon sa pinakamalalim na parte ng karagatan? Sa paglipas ng panahon, napatunayan ng ilang mananaliksik na ang mga mangingisda mismo ang
gumagawa ng sitwasyong nakadaragdag sa kanilang paghihirap. Sa paggamit ng dinamita, lambat sa ilalim ng karagatan, petrolyo, at ilan pang kagamitan, ito ay nagdudulot ng mga pagbabago na siya ring kanilang kinasusuklaman.
Ayon sa Food and Agriculture Organization, 70 porsiyento ng pandaigdigang populasyon ng isda ay naubos na dahil sa labis na pag-asa ng mga tao rito. Kung magpapatuloy ang ganitong estilo ng pangingisda, inaasahan na sa pagdating ng taong 2048, ang mga halaman at hayop na naninirahan sa karagatan ay posibleng maging extinct. Isang senyales na ang maibibigay ng karagatan ay limitado lamang at mauubos din sa tagal ng panahon kung hindi maaksyunan.
Greenhouse gases emissions at biodiversity loss, ilan ito sa mga naidudulot ng masamang gawi sa pangingisda. Subalit, tulad ng mga eskripturang nakasulat sa buhangin, ang mga problema rin pagdating ng panahon ay mabubura at matatabunan ng mga alon. Dahil ang karagatan ay isang biyayang ipinagkaloob sa sangkatauhan, hindi pa huli ang lahat upang ito ay masalba.
Ngayon, marami nang paraan ang isinasagawa upang kontrahin ang mga epektong dulot ng maling gawi sa pangingisda. Ang halimbawa nito ay ang ginagamit ng mga taga-Tagbanua Tribe sa Palawan na hook-andline, kung saan hinuhuli lamang nila ang mga kailangan upang maitaguyod ang kanilang mga pamilya mula sa kagutuman. Isang paraang makatutulong sa mga mangingisda ng hindi nakapipinsala sa karagatan.
Sa panahong ang karagatan ay muling kalmado na, ang mga pangarap ng tulad ni Mang Allan na dating natatanaw lamang sa ilalim ng ilusyon ng kagiliran na siyang nagsisilbing hangganan ng kanilang mga mithiin sa karagatan, gamit ang tamang pamamaraan sa pangingisda ay maaabot at maasam.
halos tatlong linggong lamang
Mabini Colleges, ginulpi ang Capalonga sa CANAPS
Pinulbos ng Mabini Colleges Red Phoenix ang koponan ng Capalonga Institute sa Camarines Norte Association of Private Schools (CANAPS) women’s basketball 3x3 nang tuluyan nitong pasukuin ang kalaban sa dominasyon na 22-2, na ginanap sa Devs Court nitong Huwebes, January 4.
Pinangunahan ni Suzaneth Domogma ang humahagupit na laro ng Red Phoenix matapos nitong makapagtamo ng kabuuang 14 na puntos, nakapaglikom naman ng 8 puntos ang pinagsamang opensa ni Suzhyn Requejo at Kaizel Mocon.
Sinimulan ng lumalagablab na steal ni Mocon ang laro ng Mabini, upang tumira para sa dalawang puntos ngunit bitin, pumasok si Requejo matapos lagpasan sina Bacero at Mariano para magbaon ng unang puntos para sa Mabini, agad din itong sinundan ng isa pa, 2-0.
Nagpakawala ang Mabini ng sunod-sunod na tira ngunit lahat ay sumablay, nang mapasakamay ni De Leon ang bola para tapusin ang pagtatangka ng Mabini na pumuntos, matapos nitong masungkit ang unang puntos ng Capalonga, sa loob ng apat na minuto at 38 segundo ng laro, 11-1.
Sinagot ng Red Phoenix ang pag-iskor ng Capalonga nang magpasabog ang duo
nina Mocon at Domogma, ipinasa ni Domogma ang bola tungo kay Mocon para ipasok ang isang puntos upang makumpleto ang 3-0 run, nakamit ng Mabini ang 14-1 na kalamangan.
Umagaw si Domogma mula kay Diaz bago ito sumubok magpapasok ng isa at nagpakawala ito ng dalawang puntos, mula naman sa turnover ni De Leon, dalawang minuto’t 24 na segundo na lamang ang natitira, habang ang iskor ay nasa kondisyon pa rin ng Mabini, 16-2.
Naibigay ni Mariano sa Red Phoenix ang huling 40 segundo matapos niyang magkaroon ng turnover, agad naman itong sinungkit ni Domogma upang magbitaw ng dalawang puntos, hanggang umabot sa siyam na segundo, ngunit humabol pang muli si Domogma ng panapos na double.
“Okay lang naman po, hindi naman po masyadong mahirap” ani ng MVP ng Mabini Colleges Red Phoenix na si Suzaneth Domogma matapos ang mabilisang dominasyon sa laro laban sa Capalonga Institute.
MC Red Phoenix, pinataob ang La Consolacion
Ni: Dorothy Junes G. Parone
Namayagpag ang panig ng Mabini matapos nitong durugin ang La Consolacion, 25-19, 25-20, 25-17, gamit ang kanilang matitinding service at spike sa Women’s Volleyball CANAPS Meet na ginanap sa Bagasbas, Covered Court noong Enero 3, 2024.
Sa huling dalawang minutong nalalabi sa kanilang laban, sunod-sunod ang naku-hang puntos ng Mabini sa pamamagitan ng pagpapakitang gilas ni Capillo at dahil na rin sa mga service error ng La Consolacion.
Nanguna naman si Capillo sa pagpinta ng sunod-sunod na puntos dahilan upang malamangan nito ang La Consolacion na sinabayan ng matitinding spike ni Jordas at block ni Nobleta na naging daan upang kanilang mapasakamay ang pagkapanalo.
Sa unang set ng labanan, nakuha ng Mabini ang unang tatlong puntos mula sa service ace ni Carillo, agad namang sinubukan ng La Consolacion na bawiin ang nasabing puntos ngunit sa pangalawang subok ay nabigo na itong gapiin, nang magtuloy-tuloy ang pamamayani ng Mabini sinusubukan ng kalaban na palakasin
Talentong NatatawaranHindi
Sa pagbabagong dala ng teknolohiya sa buong mundo, hatid nito na makabuo ng mga bagay na tunay na magpapadali sa buhay ng mga tao. Mula sa gawain sa bahay, sa paaralan, o maging sa trabaho, nagagawa ng makabagong teknolohiya ang pagaanin ang mga bagay na manomanong isinasakatuparan ng mga tao. Ngunit hanggang saan lang ba dapat ang kayang gawin ng teknolohiya sa paggawa ng mga bagay na dapat ginagawa ng mga tao?
Patuloy ang pag-usbong ng mga AI o Artificial Intelligence sa buong mundo sa kakayahan nitong makapag bahagi ng iba-ibang datos sa mga manonood o mambabasa nang mabilis. Kamakailan lamang ay inilunsad ng GMA Network ang kauna-unahang Artificial Intelligence-generated sportscasters sa bansa. Pinangalanan sila bilang si Maia at Marco at trabaho nilang magbigay sa mga manonood ng mga bagong balita patungkol sa isports. Ang dalawa ang nagiging courtside reporters sa ginaganap na NCAA (National Collegiate Athletic Association) Season 99. Kakaibang atake ang dala ng makabagong sportscaster sa paghahatid ng balita sa nasabing palaro ngunit hindi lahat ng tao ay naging masaya sa makabagong imbensyong hatid ng teknolohiya sa mundo ng pamamahayag.
“Mas malaking misyon, mas malawak na paglilingkod sa bayan. It aligns with our mission to serve all communities within the nation and promote inclusivity in our reporting.” pahayag ng Vice President at Head of Integrated News, Regional TV, at Synergy na si Oliver Victor B. Amoroso. Pinapahiwatig dito na mas magiging malawak ang saklaw ng pamamahayag sa pagiging bukas ng bansa sa pagpasok ng mga teknolohiya rito. Ang palitan ng mga balita ay magkakaroon ng mas malawak na plataporma nang sa gayon ay makarating ito sa mga mamamayan para sa kanilang kamalayan. Nasabi pa na hindi nito intensyong palitan ang katalinuhang taglay ng mga tao ngunit para mas palakasin pa lalo nito ang pamamahayag ng balita sa bansa.
Sa pagpasok ng AI sa bansa, magbibigay ito ng tulong para mas makakatipid ang mga kompanya sa pagpapasuweldo sa mga empleyado na kanilang kukunin para isagawa ang trabaho. Isa pang nasabing kagandahan nito sa pamamahayag ay kaya nitong bumato ng impormasyon sa isang buong araw na kung gagawin ng isang tao ay tunay na nakakapagod. Nababawasan din ng AI ang pagiging bias sa pamamahayag na nakakaapekto kung paano maiintindihan at kung paano magkakaroon ng sariling pananaw ang mga mambabasa o manonood sa isang partikular na balita. Ngunit hindi nasabi ng lahat na sapat ang mga ito para palitan ang mga magagaling na mamamahayag sa bansa dahil hindi rin biro ang kanilang pinagdaanan para makuha ang kani-kanilang trabaho.
Hati ang reaksyon ng mga Pilipino sa ganitong teknolohiya kung kaya umani ito ng maraming batikos sa mga tao at sa ilang mga mamamahayag sa bansa. Ayon kay Anthony Suntay na isang sportscaster sa bansa, “There’s an abundance of talented sportscaster, why would we need AI?” Dagdag pa niya “AI cannot replicate the passion and love for game. The game is played with so much energy and emotion which AI cannot convey.” Sinasabi ng nakararami na mas kaya pa ring ipakita ng mga tunay na mamamahayag ang damdamin ng kanilang binabalita at meron pa ring koneksyon na nabubuo sa pagitan ng tagapagbalita at ng mga manonood kaya ito pa rin ang mas nakabubuti sa kanilang pananaw.
Napansin din ng nakararami na hindi maganda ang AI sa pamamahayag dahil ang mga ibinabalita nito ay galing lang din sa internet kaya hindi minsan ito makatotohanan dahil hindi nasasala nang maayos kung ano ang tamang datos sa mali, totoong bagay sa hindi, at importanteng impormasyon sa hindi gaano. Bukod pa dito, isang malaking alalahanin din ang posibleng kawalan ng trabaho ng nakararami. Ang imbis na hanapbuhay ng tao sa pagpapahayag ay mapupunta pa sa isang bagay na wala namang buhay. Paano na lamang ang pamilyang na dapat buhayin ng isang tao kung pati sa trabahong alam niya gawin ay maipapagkait sa kanya.
Sa pagpapahayag ng balita gamit ang AI, walang aangal, walang kokontra, at walang sariling pananaw ang direksyon ng pagbibigay ng balita sa madla. Isa sa mga trabaho ng mamamahayag ay tumindig at itama kung may mali sa kapaligiran. Imbes na patatagin ang teknolohiya sa ganitong larangan, mas mabuting hubugin na lamang ang talentong kayang ibigay ng mga manggagawa sa propesyong ito. Tandaan na ang talento ay hinuhubog din sa matagal na panahon para ito’y maibahagi sa nakararami at ang hindi
College of Daet
ang kanilang depensa at habulin ang kalamangan, ngunit nagpakawala si Jordas ng malalakas na spike na nagpatinag sa pagtatapos ng unang set ng laban.
Nakita sa pangalawang set ang kabiguan sa panig ng La Consolacion dahil sa pagsisimula nito ng service error, nakapag-wagayway naman ng panibagong tatlong puntos si Carillo at matinding block si Cardano na nagsilbing daan upang maipon ang kalamangan nito sa kanilang kalaban, dumating sa salitan ang naging puntos sa dalawang panig nang inilabas ni Aysara ang malalakas na spike sa pagtatapos ng pangalawang set.
Dumating ang pangatlong set na ang Mabini pa rin ang namamayani sa labanan,sinubukan habulin ng La Consolacion at gawin ang kanilang makakaya upang umabot sa matching point ang labanan, ngunit sa kabila nito ay napalakas ang puwersa ng La Consolacion at nagservice error sa huling puntos na naging daan upang makamit ng Mabini ang nasabing kampeonato.
EDITORYAL
KampeonSementosa
Sa maiingay na kalye at lansangan sa bawat sulok ng bansa masisilayan ang matanda o makalumang uri ng atletisismo at pagkakaibigan. Isang mundo kung saan sa aspalto at mga improbisadong kagamitan umuusbong ang pambihirang klase ng isport. Ang mga larong kalye ay kadalasang nakakaligtaan ng mga institusyon sa isport, kahit na ito ay kumakatawan bilang pundasyon ng atletisismo at pagkakaisa. Oras na para hamunin ang estado at pagkakakilanlan ng mga larong kalye sa kung ano ba talaga ito: tunay na isport na nararapat bigyan ng pantay na respeto at pagpapahalaga tulad ng organisadong isports. Maraming pilipino ang naging parte ang mga larong kalye sa kanilang pagkabata. Naka-ukit sa puso nito ang tradisyon ng galing, pagkamalikhain, at pagiging para sa lahat. Mula sa pinagtagpi-tagping palaruan, ang mga kalye ang nagsilbing pugad sa mga batang hinahasa ang kanilang talento. Sa larong kalye, walang engradeng mga pasilidad o kaukulang bayad para sa membership—pagpupursigi lamang at pagkukusa upang lumaban.
Higit sa lahat, pinauunlad ng mga larong kalye ang sense of belongingness at pagkakasundo. Hindi alintana rito ang edad, kasarian o pinagmulan, pumupunta ang mga manlalaro upang makibahagi at magsaya sa laro. Nakabubuo ito ng koneksyon o pagkakaibigan na hindi lamang sa loob ng court. Sa mga sandaling ito napagdaramayan ang tagumpay at napagtatanto ang tunay na diwa ng sport.
Subalit ang pagkakakilanlan ng larong kalye ay humihigit sa basta sentimental; pagiging patas at makatarungan ang mahalaga. Tulad lamang sa mga nakasanayang isport, ang mga atleta ay mahigpit na nag eensayo tungo sa mas mataas na lebel, ganito rin sa mga larong kalye na hinahasa ang kanilang mga kakayahan upang higitan ang kanilang lakas. Makikita ito sa mga asintadong tapon ng mga bata sa tumbang preso sa kalye, pati na rin ang bilis sa patintero na ginagawa sa ordinaryong patag na palaruan, hindi maitatanggi rito ang tinatanghal na atletisismo. Para mapaunlad ang mga larong kalye sa mundo ng mga nakasanayang isports, kinakailangan na magkaroon ng mga pasilidad at suporta upang maengganyo ang mga manlalaro at magkaroon ng iba’t ibang oportunidad. Sa pagkakaroon ng ganitong proyekto, magkakaroon ng mas maayos na sistema ang mga larong kalye at maitatanghal sa hindi lamang bastang lansangan. Sa pagsasalin ng mga larong kalye sa modernong sistema, mapaparangalan at masisigurado ang preserbasyon ng mga larong kalye para sa mga susunod na henerasyon. Sa bandang huli, hindi lamang lugar kung saan nilalaro at kung ano ang nakahandang gamit ang dumidikta sa kategoryang isport—ang dedikasyon at husay ng mga manlalaro ang nagbibigay buhay rito. Ang mga larong kalye ay higit pa sa basta laro lamang; ito ay ang pagdiriwang ng potensyal ng mga tao at essensya ng kompetisyon. Panahon na para bigyan itong muli ng pagkakakilanlan at maging parte ng umuunlad na
Kapit hiningang pagpapaKawala
Nock, draw, lose…
Sa tahimik na umagang mahamog, habang dahan-dahang nagpapakawala ng silweta, lumilitaw ang kumakatawan sa pagsasama ng presisyon at pokus ng tao. Isang pampalakasan na nanatili sa pag-usad ng panahon, naghahalo ng sinaunang pinagmulan sa modernong pamamaraan upang makabuo ng nakamamanghang tanawin ng galing at determinasyon.
Hindi lamang dahil sa target nangingibabaw ang isport na Archery, tinutumpok nito koneksyon ng isip at katawan, paghahasa ng konsentrasyon, ang pagkakatugma ng sarili sa pana. Kinakalkula ng mamamana paghinga, sinisigurado ang bawat kilos, mula sa sandali ng paghatak hanggang sa pagpapakawala ng palaso.
Nagsisimula ang ekspedisyon sa larangang Archery sa pagkakaroon ng koneksyon at malawak na pag-intindi sa mga kagamitan nito - ang pana, ang mga palaso, mga accessories - bawat isa masusing pinili upang pagtibayin ang estilo at bikas ng mamamana. Mapatradisyonal na longbow o state-of-the-art compound bow, nangingibabaw sa lahat ang synergy sa pagitan ng mga archers at kanilang mga kagamitan, upang maipamalas ang kagalingan sa pagasinta, pag-nock, paghila, at hanggang sa pagpapakawala ng palaso.
Sa teknik magniningning ang kasiningan ng mamamana. Ang bawat elemento mula sa pagtindig, sa paghawak, sa paghatak, sa pagtutok, at sa pagpakawala ay dapat dumaloy at maisagawa nang may hindi natitinag na katatagan. Nagmimistula na rin itong sayaw na binibigyang diin ang presisyon at kontrol na kinakailangan ding maperpekto mula sa matagala’t
nakakangalay na pag-ensayo.
Ngunit hindi lamang pisikal na pagsisikap ang nahihinuha sa Archery, ito rin ay labanan ng mental na kakayanan. Sa paghumpay ng kalahok sa shooting line, nawawala ang mga distraksyon, at kumikipot ang mga kaganapan hanggang sa pokus na lamang ang matira sa kaisipan nila. Pumapasok ang manlalaro sa state of flow, kung saan ang buong isip ay nakasipat na lamang sa target at ang bawat kalamnan ay nagkakaisa upang wakasan ang pagkapatag ng asintahan.
Nakadaragdag ng tindi ang kompetisyon sa archery. Maging Olympic stage naman ito o lokal na paligsahan, nasusubok dito ng mga mamamana ang kanilang galing sa pakikipagtunggali sa mga pinakamagaling mula sa buong mundo o maging sa kanilang mga kabayan na kalahok. Ito lamang ay tagisan na ang pagpapakawala ng palaso ang magdidikta sa katotohanan ng kanilang pagtanghal, na ibinunga ng maraming taon na pagsasany at dedikasyon. Subalit sa gitna ng pressure at adrenaline, ang pamamana ay nananatiling malalim na pansariling pagtitiyaga. Isang isport tungkol sa pagtuklas ng sariling kakayanan, kung saan ang tagumpay ay hindi nasusukat ng medalya ngunit ng sariling pag-unlad at kasanayan. Ang lahat ng sablay na pagpuntirya ay may kaakibat na aral at pagdiriwang naman sa tuwing tumpok ang bullseye.
Sa larangan ng isports na napakasidhi at napakabilis na agos sa mga aktibidad, naiaalok ng archery ang santuwaryo para sa pagkawalang tigatig at pokus. Isang isport na kung saan tumitigil ang oras, kinakalkula ang bawat paghinga, at ang bawat palaso ay nagiging pagninilay, isang pahimakan ng lakas ng pagpupursigi at disiplina.
Magkaroon ng sandali upang bigyang pugay sa matitinding mamamana at pahalagahan ang sining at disiplina sa Archery. Dahil sa bawat pagkurba ng pana at pagpakawala ng palaso, nasasalamin ang kuwento ng katatagan, pagsinta, at ang walang katapusang pag-asinta sa katumpakan.
Sayaw ng puso at lakas
3, 2, 1 … Pilantik ng bewang, mala-ibong pagaspas ng mga biyas, tagaktak ng pawis at bawat liyad — ito ang kontroladong mundo ng dancesports.
Sa larangan ng pampalakasan, kung saan madalas na nangingibabaw ang lakas, ginhawa, at kasanayan, ang dancesports ay marahas na sumusulpot sa entablado, nag-aalok ng natatanging halong sining at atletismo na kumukurot sa puso ng mga kalahok at manonood.
Ang dancesports, na sumasaklaw sa iba’t ibang estilo ng sayaw tulad ng ballroom, Latin, at swing, ay nagsimula bilang isang sosyal na aktibidad at umunlad upang maging isang mataas na tinatangkilik na kompetisyon sa mundo ng palakasan. Ang mga atleta sa larong ito ay hindi lamang nagtatanghal ng kanilang pisikal na galing kundi nagtataglay din ng bisa ng ekspresyon, musikalidad, at kimika sa kanilang mga kapwa mananayaw.
Sa puso ng dancesports, isang masalimuot na koreograpiya ng pag-angat, pag-ikot, at pag-angat, na lahat ay isinasagawa ng may kasanayan at tulis ng kilos.
Malawak ang saklaw ng mga kompetisyon sa dancesports, mula sa lokal na mga kaganapan hanggang sa prestihiyosong internasyonal na kumpetisyon, ay humihirang ng mga kalahok mula sa iba’t ibang likas na pinagmulan at kultura. Ang nakakaakit na damdamin para sa sayaw ay lumilikha ng isang pandaigdigang komunidad kung saan ang mga atleta ay bumubuo ng mga koneksyong hindi pangkaraniwan. Maging ito man ang elegansya ng waltz o ang mabagsik na intensidad ng cha-cha, ang dancesports ay lengguwaheng hindi kailangang ng wika, na nagpapalago ng isang pandaigdigang pagpapahalaga sa kagandahan ng kilos.
Sa likod ng mga eksena, nasa kamay ng mga coaches ang
Gaod Parangal
Baga na puno ng hangi’t antisipasyon, mga kalamnang umiigting, at utak na nanatiling matalas habang umaatungal ang pag-usad sa kumpas ng mga sagwang humihiwa sa tubig. Pinasok bilang pantustos, ngunit sa pagtagal ng panahon mistulang ayaw nang matapos. Kasiyahan sa pag-unlad, tumungo sa hinahangad.
pangunahing indayog sa pagbuo ng mga atleta sa dancesport tungo sa magagaling na mananayaw. Binibigyang-diin nila hindi lamang ang teknikal na aspeto ng sayaw kundi pati na rin ang emosyonal na koneksyon sa pagitan ng mga kapwa mananayaw. Ito ang natatanging kombinasyon ng pisikal na galing at emosyonal na ekspresyon na nagtataguyod sa dancesports pataas; hindi lamang bilang isang karera, kundi bilang isang pagdiriwang ng diwa ng tao.
Habang patuloy na lumalago ang dancesports, ito rin ay bumabasag sa mga estereotipo na kaugnay sa tradisyunal na pampalakasan. Ang pagbibigay-diin sa kolaborasyon at sining na pagsasalarawan ay gumagawa ng isang pambansang larangan kung saan ang mga tao ng lahat ng edad at pinagmulan ay maaaring makilahok at magtagumpay.
Sa isang mundong madalas na kumikilos nang mabilis, ipinaaalaala sa atin ng dancesports ang importansya na matatagpuan sa ritmo, koneksyon, at sariling pagsasabuhay. Ito ay isang pampalakasan na sumasalampak sa mga hangganan ng pangkaraniwang atletismo, inaanyayahan ang mga kalahok at manonood na masdang mabuti ang kagandahan ng kilos.
Ang dancesports, kung saan nagtatagpo ang pampalakasan at sining, patuloy na nang-aakit at nagsisilbing inspirasyon, iniwan ang isang hindi mabilang na marka sa tanawin ng mga tagisan na palakasan.
Hubog sa Pag-usbong
Sa larangan ng pampalakasan sa Pilipinas, kadalasan ay nakatuon ang atensyon sa glamoroso at pambansang liga at sa mga kilalang atleta. Bagama’t ang tagumpay ng ating mga idolo sa isports ay walang dudang nagbibigay inspirasyon at pagmamalaki, oras na upang ituon natin ang ating pansin sa isang aspeto ng pampalakasan na madalas ay hindi nabibigyang-pansin: ang grassroots development. Ang tanong na dapat nating itanong sa ating sarili ay ito—ano ang mga pangmatagalang bunga ng pagpapabaya sa pagpapalakas ng mga batang atleta kumpara sa pagtangkilik ng maagang tagumpay?
Ang pagpapalakas ng isports sa grassroots ay naglalarawan bilang pundasyon kung saan binibuo ang kinabukasan ng pampalakasan sa Pilipinas. Ito ang lupain kung saan nanggagaling ang mga susunod na kampeon, pinahuhusay ang kanilang kasanayan, disiplina, at pagmamahal sa isports mula sa murang edad. Gayunpaman, bagama’t mahalaga ito, madalas na nahihirapan ang grassroots development na makatanggap ng parehong antas ng pamumuhunan at pansin kumpara sa mga propesyonal na pampalakasan.
Kaya naman ang mga epekto ng hindi pagkakapantay-pantay na ito ay malalim at malawak. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng agarang tagumpay sa mga propesyonal na kompetisyon, nagrisk tayo na isakripisyo ang pangmatagalang kakayahan at pagiging kompetitibo ng pampalakasan sa Pilipinas. Nang walang matibay na sistema ng grassroots development, limitado ang pool ng talento na available para sa pagpasok sa propesyonal na liga, na nagpapahina sa ating pambansang larangan ng isports.
Bukod dito, ang isports sa grass roots ay naglilingkod bilang isang makapangyarihang kasangkapan para sa sosyal na pagsasama-sama at pag-unlad ng komunidad. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa istrakturadong mga programa sa isports, lalo na sa mga komunidad na hindi gaanong napapansin, binibigyan natin ng lakas ang mga kabataang Pilipino mula sa lahat ng uri ng buhay na tuparin ang kanilang mga pangarap sa isports. Ang mga programa na ito ay hindi lamang nagpapalakas ng pisikal na kalusugan at kundisyon, kundi nagtuturo rin ng mahahalagang life skills tulad ng teamwork, pagtitiyaga, at pamumuno.
Narito na ang panahon para sa isang pagbabago sa ating pamamaraan sa pagpapalakas ng isports. Kailangan nating tanggapin na ang tunay na tagumpay sa isports ay hindi lamang sinusukat sa bilang ng mga medalya o rekord na nabasag kundi sa lalim at lawak ng talento na binubuo sa antas ng grassroots. Ito ay tungkol sa pagpapainvest sa potensyal ng bawat batang Pilipino, ano man ang kanilang pinagmulan o kalagayan, at pagbibigay sa kanila ng mga oportunidad na kailangan nila upang umunlad.
Halos isang dekada nang nasa rowing si Melcah Jen Caballero, dalawang taon makalipas ang kaniyang pagtatapos ng high school sa Mabini Colleges taong 2012, pinasok niya ang mundo ng rowing. Sa paglipat niya ng Manila agad kinawit ni Melcah ang pag-aalok sa kaniya ng rowing. Sinubukan niya ito para sa nakapaloob na insentibong allowance kada buwan, subalit apat na buwan na ang nakalipas ay wala pa rin siyang natanggap. “But then nung nag start na ko mag training narealize ko na wala na ko dun because of the allowance lang. Nachachallenge ako sa mismong laro natutuwa ako everytime na napapaganda ko time sa race then yun nagtuloy-tuloy na” batid ni Melcah tungkol sa pagsisimula niya sa rowing.
Habang dumadausdos ang mga manggagaod sa katubigan, ang kanilang bawat sagwan ay nagbunga at tumatayog mula sa ilang taong dedikasyon sa pag-eensayo at walang humpay na disiplina. “Training is never easy. Minsan maiisip mo para sayo ba talaga yun? Minsan nakikita ko sarili ko, pinoy lang naman ako kanin lang kinakain ko anong laban ko sa mga yun? But then naisip ko, ‘No, tao ako, tao lang din sila, pare-parehas lang kanin kinakain natin.’ Depende na lang kung paano mo ibibigay ang 100% mo sa training” sambit niya. Walang lugar sa rowing ang mahihina ang loob. Ang adrenaline na dumadaloy sa tuwing dikit ang labanan habang patungo sa finish line ay isang karanasan na hindi matutumbasan. Ang bawat kompetisyon, mapa-sprint races sa tubig o paglulusong sa mapanghamong daan sa regatta, ay pinapalago ang katatagan ng isang manggagaod. Tinutulak ng bawat karera ang limitasyon ng bawat mananagwan upang masungkit ang panalo. Subalit sa kabila ng matinding karera, malaking bagay pa rin ang pasensya. Mapa-labanan naman sa mababangis na alon o pag-uusad palabas ng pain barrier sa matinding karera, ang pokus at determinasyon ay dapat nakapako na sa bawat manggagaod.
na and cool down, ako magpapahinga and water then banat ulit ng extra training. Again ‘di ko inaabuso katawan ko but I know na kaya ko pa so kahit pasampu-sampu na squat malaki magiging impact niya sayo if everyday mo siya ginagawa,” dagdag ng manggagaod.
Pinaka-ugat ng rowing ang pagkakaisa, malaking pundasyon din ang naibibigay ng tiwala, komunikasyon, at pagkakaisa. “Sobrang laking tulong din ng mga teammate ko dati na nagmomotivate sakin. So hindi ako sobrang napressure nung una na kailangan malakas agad ako. Gradually ‘di ko namamalayan lumalakas na ko, bumababa na time ko,” panayam ni Melcah sa importansya ng pagsasamahan.
Sa isang mali o kakulangan sa koordinasyon, magmimistula itong piyok sa ritmong tinatamasa ng buong pangkat. Mula sa hindi na mabilang na oras ng pag-eensayo, nakapagpundar na ang mga mananagwan ng koneksyon sa isa’t isa na higit sa salita, kundi umaasa na lamang sa pakiramdam at intuwisyon sa pagtulak ng bangka bilang isang kohesibong grupo.
“Siyempre dapat humble din palagi. Yung achievement blessing lang yun ni lord. Lumilipas din, importante pa rin na ‘wag ko kalimutan kung saan ka galing and kung sino ka talaga,” mensahe ni Melcah para sa mga humahabol sa tagumpay at parangal.
Sa pagdaloy ng rowing hindi lamang umaabot sa tibay ng pagsasagwan at tagumpay.
Hindi lang ito ang naging hangganan ng rowing para sa buhay ni Melcah. “Actually yung paglalaro ko yun din yung naging way para makapasok ako sa navy year 2015. Tapos ngayon nakapagtraining ulit ako as officer naman ng navy.” Sa bawat sagwan, mayroon pang mas malawak at mas nakakakilabot na dadaungin patungo sa walang hanggana’t puno ng posibilidad na hinaharap.
Upang makamit ang pangarap na ito, kailangan natin ng pagkakaisang pagsisikap mula sa lahat ng stakeholders—mga ahensya ng gobyerno, mga organisasyon sa isports, pribadong sektor, at ang mas malawak na komunidad. Kailangan nating bigyan ng prayoridad ang pagtangkilik ng mga grassroots isports initiatives, kabilang ang pagtatayo ng mga pasilidad sa isports, mga programa para sa pagsasanay ng mga coach at boluntaryo, at mga pagsisikap sa pagengage sa mga komunidad na nasa laylayan.
Sa ganitong paraan, hindi lang natin itinataguyod ang pundasyon para sa mga susunod na tagumpay sa isports kundi binibigyan din natin ng kahulugan ang kultura ng pagsasama-sama, pagbibigay-lakas, at pambansang pagmamalaki. Magkaisa tayo upang mag-invest sa kinabukasan ng isports sa Pilipinas, tiyakin na bawat bata ay may pagkakataong mangarap nang malaki, makamit ang kanilang buong potensyal, at nang may pagmamalaking i-represent ang ating bansa sa pandaigdigang entablado. Pagkatapos ng