editoryal
Nakaw Palihim
Kinuwestiyon ang tinaguriang
“confidential funds” na hinihingi ng panig ni President Ferdinand Marcos Jr. at Bise Presidente si Sara Duterte. Sa halagang makapagpapabago...
ipagpatuloy sa pahina 4
lathalain
Supling ng ilaw sa tahanan
Tumatangis at nagpupumilit makuha ang pagkaing inaasam. Ang maaliwalas na anyo ng kaniyang mukha ay winarak ng emosyong namumutawi sa kaniyang damdamin. Ang paligid ay hindi na pinansin dahil...
ipagpatuloy sa pahina 6
Bilang ng
Mag-aaral na
'23-'24
HS Red Phoenix, muling nakuha ang kampeonato sa MC Sportsfest
Itinanghal ang High School (HS) Red Phoenix bilang pangkalahatang kampeon sa Mabini Colleges Sportsfest 2023 na ginanap bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-99 na anibersayo ng institusyon noong nakaraang linggo, ika-24 hanggang ika-30 ng Setyembre, 2023.
Nakuha ng departamento ang kabuuang 379 na puntos matapos makuha ang unang pwesto sa lahat ng kategorya ng dance sports at vocal competition, table tennis sa kategoryang men singles at doubles, at chess (women).
Nakamit din ng HS ang ikalawang pwesto sa women’s volleyball, badminton (men and women singles), 3x3 basketball girls,
Mga bagong silid sa MC, binendisyunan
Binigyang basbas ang sampung karagdagang silid-aralan at panibagong lounge sa Mabini Colleges (MC) noong ika-4 ng Agosto, taong 2023.
Lumahok ang iba’t ibang miyembro mula sa administrasyon ng MC, board of trustees, at pinuno ng mga departamento sa nasabing okasyon.
Gagamitin ng mga mag-aaral mula sa Pansekundaryang Departamento (G12-SHS), College of Nursing and Midwifery (CNM), at Graduate School (GS) ang mga bagong silid at lounge mula sa taong panuruan 2023-2024.
Isinagawa ang nasabing kaganapan upang maisakatuparan ang tradisyon na pagbasbas sa mga bagong gawang silid at lounge ng paaralan.
Matatagpuan ang mga nabanggit na silid at lounge sa may bandang likuran ng kanang bahagi ng gusali ng Main Campus ng institusyon.
Isa itong ganap na tagumpay para sa lahat ng kumakatawan sa institusyon at itinuturing na pagpupugay sa patuloy na lumalagong gusali ng MC.
chess (men and women), at table tennis (women singles and doubles), ikatlong pwesto sa men’s basketball at badminton (men doubles), at ikaapat na pwesto sa Sepak Takraw, chess (men), dance sports sa kategoryang Latin, at paligsahan ng Cheerdance.
Pumangalawa naman ang Blue Ravens mula sa College of Education (CE) na nakapagtamo ng 354 na puntos na sinundan ng College of Business Administration and Accountancy (CBAA) Yellow Lions na may 264, 252 sa Maroon Knights ng College of Criminal Justice Education (CCJE), 237 sa College of Nursing and Midwifery (CNM) White Tigers, at 112 naman sa College of Liberal Arts, College of Computer Studies, and Technical Education and Training Department (CLA, CCS, TETD) Green Cerberus.
Ni: Roan Ashaneth A. Barlas
Ni: Klara Mae A. Cardinal
Ni: Giane Antonette A. Labarro
Ni: Ken Rein Samuelle I. Factor
Nakapasa sa MC STEM at ABM Entrance Exams para sa S.Y.
PAG-AALAB
NG PULA. Matagumpay na nasungkit ng High School Department Red Phoenix ang tropeyo at itinanghal na Overall Champion sa naganap na 99th Founding Anniversary and Intramurals 2023 Agro Sports Center, Magallanes Iraya, Daet, Camarines Norte noong ika-30 ng Setyembre, 2023. Ang nasabing departamento ay binubuo ng 2, 579 na miyembro na buong lakas at tapang na nakiisa, lumaban at nagpakita ng buong lakas at suporta sa patimpalak. LARAWAN MULA KAY: John Rodel Badinas CAPTION NI: Sidney Sheldan M. Denum
IMPOGRAPIKO NI: Kristina Cassandra T. Gonzaga Impormasyon mula sa tala ng Mabini Colleges High School Department IMPOGRAPIKO NI: Mary Jane T. Fuertez Impormasyon mula sa tala ng Mabini Colleges High School Department
Back-to-School Program, inihanda ng MCHS
Idinaos ng Mabini Colleges High School Department ang Back-to-School Program upang salubungin ang pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral noong ika-11 ng Agosto, 2023.
Inihandog ng Junior High School (JHS) at Senior High School (SHS) Supreme Student Government (SSG) ang programa para sa mga mag-aaral ng institusyon bilang mainit na pagsalubong sa panibagong taong panuruan.
Sinalubong ng tugtugin mula sa Drum and Bugle Corps ang simula ng
programa na sinundan naman ng pagbabahagi ng sayaw at awiting inihanda ng mga mag-aaral sa nasabing departamento.
Namahagi rin ang SSG ng mga papremyo sa mga maswerteng nabunot sa raffle draw na siya namang ikinatuwa ng mga piling mag-aaral ng institusyon na nakatanggap ng mga papremyong handog ng organisasyon.
Tinuturing na ang pagtatapos ng programa ay isang hudyat ng opisyal na pagsisimula ng panibagong akademikong taon sa pansekundaryang departamento ng institusyon.
Bagong opisyales ng JHS, SHS SSG, inanunsyo
Inihayag ang resulta ng naganap na botohan para sa mga bagong opisyales ng Junior High School (JHS) at Senior High School (SHS) Supreme Student Government (SSG) ng Mabini Colleges, Inc. High School Department (MCHS) noong ika-30 at ika-31 ng Agosto, 2023.
Opisyal nang naluklok sa posisyon mula sa partidong SIKLAB sina Andrea Khim S. Bermundo bilang presidente; Nickson Nickholas O. Obiniana, bise presidente; Rheana Marica M. Paredes, kalihim; Ma. Denise Paz M. Abogado, ingat-yaman; at Mariah Jerose Vienice J. Ello, taga-suri ng JHS SSG.
Nagtagumpay naman si Brian D. Roll ng partidong Loud, Active, Brilliant, & Excellent Leaders (LABEL) bilang opisyal ng pampublikong impormasyon (PIO) ng JHS-SSG laban sa katunggali nito sa kabilang partido. Naitalang 13 sa mga opisyales ng JHS SSG ay galing sa SIKLAB, apat sa LABEL, at ang isa ay independent.
Inihalal si Denise Elaine B. De Lemios ng partidong Willingness to Inspire, Serve to Empower (WISE) para sa posisyong executive secretary ng SHS SSG laban sa independent candidate na si Prince Lord Cedric R. Calderon.
Nagwagi naman ni Ruth Margarette A. Balmes, isa ring independent candidate ang tungkulin bilang kinatawan ng Grade 12 Technical Vocational Livelihood (TVL).
Samantala, nakamit ng iba pang kandidato mula sa partidong WISE ang mga posisyon mula sa presidente hanggang sa iba’t iba pang kinatawan ng mga strand para sa SHS SSG.
Parent-Teacher Conference, eleksyon ng PTA, idinaos
Ginanap ang unang Parent-Teacher Conference at eleksyon ng mga opisyales para sa Homeroom at General Parents and Teachers’ Association (HRPTA at GPTA) ng Mabini Colleges High School Department sa Flora A. Ibana Campus para sa taong panuruan 2023-2024 noong ika-16 ng Setyembre, 2023.
Dumalo sa pagpupulong ang magulang ng mga mag-aaral mula ika-pito hanggang ika-12 baitang kung saan unang ibinahagi ang mahahalagang petsa ng mga kaganapan sa institusyon tulad ng buwanang pagsusulit at mga pagdiriwang.
Tinalakay rin ng mga guro ang mga tuntunin ng paaralan, mga serbisyo sa magaaral tulad ng dental check-ups at iba pang serbisyong medikal, at mga usapang
pinansyal gaya ng voucher program.
Nagkaroon ng halalan matapos ang pagpupulong upang pumili ng mga bagong opisyales ng bawat seksyon na mamamahala sa HRPTA.
Matapos ang pulong sa bawat silid na inihiwalay batay sa baitang at seksyon ng mga mag-aaral, inanyayahan din ang mga inihalal na magulang sa unang palapag ng gusali upang kumatawan sa kanilang pangkat sa pangkalahatang eleksyon ng GPTA ng pansekundaryang departamento ng institusyon.
Ayon kay Gail Dans Abasolo, ang tagapamahala ng ika-walong baitang, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga napipiling opisyal dahil sila ay kasama sa mga sumasagot ng mga hinaing ng mag-aaral at nagbibigay ng solusyon dito.
BNW 2023, ipinagdiwang sa MCHS
Isinagawa ng Pansekundaryang Departamento ng Mabini Colleges ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Flora Ibana Campus noong ika-30 ng Agosto, taong 2023.
Lumahok ang mga mag-aaral na nasa ika-pito hanggang 12 baitang sa iba’t ibang patimpalak na inihanda ng mga guro at ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL).
Ginanap ang isang maikling programa bago sinimulan ang iba’t ibang paligsahan gaya ng poster making, slogan making, awiting Filipino, cultural dance, modern dance, quiz bee, declamation, spoken poetry, at Laro ng Lahi.
“Sobrang excited na po ng bawat isa sa mga dito na kasali sa mga event po ngayong araw,” ani John Michael Brigola, pangulo ng SAMAFIL sa kanyang pambungad na mensahe.
Samantala, pinangunahan naman ni Fe V. Candelaria, pangalawang pangulong pang-akademiko ng MC, ang panunumpa ng mga opisyales ng organisasyon sa Filipino mula junior at senior high school.
Nilagdaan naman nina Gilena Rockel Nazarrea at Gian Carlo S. Napa, chairperson ng JHS at SHS Commission on Elections (COMELEC) ang resulta ng nasabing eleksyon.
Red Phoenix Songbirds, hakot medalya
Wagi sa lahat ng kategorya ang Red Phoenix Songbirds sa katatapos na vocal competition na ginanap sa SM City Daet noong ika26 ng Setyembre, 2023.
Tinanghal na kampeon ng vocal solo si Janlene Jhordz Jamito na muling nagwagi kasama naman si Ram Jethro Albao sa kategoryang duet.
Matagumpay ding nasungkit nila Charmace Diaz, Angelique Sabdao, Alessandra Gwen Gruz, at Samara Antonia Ubana ang kampeonato sa quartet.
Ibinandera ng nasabing grupo ang High School Department ng Mabini Colleges para makipagtunggali sa iba pang
mga departamento ng institusyon. Inihanda ng mga mag-aaral ang kanilang mga piyesa sa bawat temang binigay sa bawat larangan; ang tema sa vocal solo at duet ay jazz samantalang sa quartet naman ay Bohemian Rhapsody.
Lumahok ang mga estudyante sa ilalim ng gabay ng kanilang mga tagapagsanay na sina Syrom Miranda, Nelie Sangcap, Gelli Abando, at Catlyn Labrador.
Umani ng papuri ang Red Phoenix Songbirds matapos kilalaning pinakabata na grupong lumahok sa lahat kategorya ng patimpalak.
Nagwakas ang selebrasyon sa paglalahad ng mga wagi sa patimpalak at sa pangwakas na mensahe ni Dhea Cassandra M. Gadil, bise-gobernador ng SAMAFIL.
Ni: Joshua D. Babala
Ni: Carmela Sienna B. Naval
Ni: Cristine Gaile D. Nano
Ni: Vinze T. Abrera
Ni: Lovely Marie L. Rosas
MALIGAYANG PAGBABALIK ARAL. Masayang pagsaot ang ginagawa ni Kurt Aviel R. Santiago, 12, (kanan) isang mag-aaral ng Grade 7-Lemon sa mga katanungan ni Richard Carl R. Mago, 17, (kaliwa) tungkol sa nararamdaman niyang Back to School Program ng MCHS - SSG Junior and Senior High School Officers. Larawan kuha nitong ika- 11 ng Agosto, taong 2023.
LARAWAN KUHA NI: Rae Ashlene E. Mago CAPTION NI: John Ivan Daniel L. Pilapil
PANDANGGO SA
ILAW, SIGLA NG SAYAW. Pinatunayan ng mga mananayaw mula sa ika-9 na baitang pangkat Titanium, Mercury at Cadmium ang kanilang angking abilidad sa pag-indak sa mga tradisyunal na sayaw tulad ng Pandanggo sa Ilaw, Wasiwas at Sakuting sa ginanap na patimpalak sa Cultural Dance bilang parte ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Mabini Colleges Flora Ibana Campus, Kapitan Isko St., Brgy. VII, Daet, Camarines Norte noong ika-30 ng Agosto, 2023.
LARAWAN KUHA NI: Sidney Sheldan M. Denum
EDITORYAL
Bantay Manlalakbay Bantay Manlalakbay
Kaligtasan ang bagay na prayoridad ng mga siklista na hinahamon ng mapanganib at masikip na kalsada arawaraw, kaya naman mas pinaigting pa ng Department of Transportation (DOTr) ang paggawa ng mga bike lanes sa iba't ibang sulok ng bansa. Subalit kamakailan lamang ay naglabas ng mungkahi ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagpapahayag ng posibilidad na gawing shared lanes o sharrows ang mga bike lanes na nagbunga ng pagbatikos mula sa publiko.
Historyang Namayapa Historyang Namayapa
Noon pa man ay naging maluwang na ang usap-usapan kung dapat bang ilibing sa libingan ng mga bayani ang yumaong presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Sr. Kilala siya bilang isang mahigpit na pinuno at gumamit ng marahas na pamamaraan upang mapanatili ang katahimikan sa bansa, pati na rin sa kaniyang mga patakarang hindi makatarungan upang makontrol ang sambayanan. Naging rason ito upang magkaroon ng rebolusyon sa bansa, kung si Marcos man ay ituring bayani ng iba, ito ay dapat dahil sa kaniyang pagbibigay daan upang magkaroon ng pagkakaisa na patalsikin siya.
Taong 2016 nang pinagbigyan ng kamara ang panig ni Marcos upang ilibing ang namayapang pinuno sa libingan ng mga bayani. Simple at pribado ang hiniling ng pamilyang Marcos at mga kakilala lamang ang pinayagang makita sa hangganan ang yumaong presidente. Sapagkat alam nila na kapag ginawa nilang pampubliko ang libing ay magkakaroon ng kaguluhan at protesta dahil sa hindi katanggap-tanggap ang desisyon ng dating Pangulong Duterte. Tila nirurumihan nila ang mga pangalang nakaukit sa bawat lapida na matatawag na mga totoong bayani.
Higit pa, hindi naman kabayanihan ang tawag sa kaniyang paglikom ng kaperahan galing sa bayan at nagsilbing kanilang puhunan sa pagyaman. “How can we allow a hero’s burial for a man who plundered our country and responsible for the death and disappearance of many Filipinos,” panayam ng dating Bise Presidente Leni Robredo. Hindi mawawala ang historya na itinatag noong kasagsagan ng kamay na bakal ni Marcos, ang kaniyang mga krimen ay habambuhay na nakatayak sa isipan ng sambayanan at hindi kailanman kukupas.
Gayunman, sinasabing ang libingan ng mga bayani ay itinatag noong 1947 para sa mga sundalong namatay noong kasagsagan nang World War II laban sa mga hapon. Ayon sa dating pangulong Duterte, si Marcos ay nakipagsapalaran noong kasagsagan ng pananakop ng mga Hapon. Ngunit sadyang hindi timbang ang kaniyang mga kamalian kahit na siya pa ay may pagmamahal sa kaniyang bansa.
Matatawag bang pagmamahal sa bansa ang pagpatay sa kaniyang mga mamayan at pangungurakot sa pondo na nakalaan para sa pag-asenso ng komunidad? Sa kaniya pa lamang na paglabag sa mga karapatang pantao, sa pagpapatahimik sa mga mamamahayag, at sa kaniyang pagiging diktador ay isang marka ng isang buhong.
Kung ganito lang din ang basehan ng mga bayani sa bansang Pilipinas, bakit hindi na rin ilibing ang mga namayapang magnanakaw, mamamatay tao, at mga kriminal sa libingan ng mga bayani. Hindi dapat itinuloy ang paglibing sa libingan ng mga bayani ang namayapang pangulo, isang maling bahagi ng kasaysayan ang pinagbigyang magkaroon ng mainam na wakas. Isa itong kahihiyan para sa mga tunay na bayani.
Hinaing ng Move As One Coalition (MAOC) group, hindi dapat pahintulutan na pagsamahin ang mga motorista at siklista sapagkat nakasalalay rito ang kaligtasan ng dalawang panig. Sinimulan ng DOTr ang pagpapatayo ng mga bike lanes sa mga lugar kagaya ng kahabaan ng EDSA upang masigurong maayos na mabagtas ng mga siklista ang mga kalsada. Sa pamamagitan ng mungkahi na ito ay mailalagay sa kapahamakan ang napakaraming tao; madadagdagan din ang mga perwisyo kung magkakaroon ng mga aksidente sa daan.
Katuwiran naman ng MMDA, ang mga bike lanes ay kadalasang hindi nagagamit ng mga siklista at mga motorista na rin ang gumagamit ng mga ito. Ayon
din sa datos na nakalap ng MMDA
Traffic Engineering Center, umaabot sa humigit-kumulang na 165,000 na motorsiklo ang dumadaan sa EDSA kada araw kaya naman kanilang ikinokonsidera ang pagpapahintulot na magamit ng mga motorista ang bike lanes. Ngunit ang bagay na ito ay magiging dagdag pasakit, hindi lamang sa mga siklista kundi pati na rin sa mga motorista.
Bagamat may mga pagkakataon na walang gumagamit ng mga bike lanes, hindi ito dahilan upang magmungkahi ng panibagong ordinansa na walang tiyak na benepisyo. Mayroong iba pang mga solusyon sa mga kamoteng motorista na gumagamit ng bike lane kahit ito ay hindi naman para sa kanila. Isa na rito ang palagiang pagsiyasat sa mga bike lanes upang maiwasan na mabahala ang mga siklistang gumagamit nito.
Samakatuwid, mas nakabubuti kung mananatiling mga siklista ang mapahihintulang bumagtas sa mga bike lanes sa bansa. Sa pamamagitan nito, masisigurado na ligtas at nalalayo sa pahamak ang mga Pilipino na gagamit ng mga bike lanes. Sapagkat wala nang mas tiyak at batid na kaligtasan sa pagkakaroon ng hiwalay na linya para sa mga siklista.
By: Alden Joshua V. Caceres
Sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa bansa ay patuloy rin ang pagtaas ng isang pangangailangan na masasabing parte na ng ating buhay-ang bigas. Umaabot na sa 60 pesos ang presyo nito sa mga pamilihan sa bansa na nagiging sanhi upang ito ay maging sentro ng usap-usapan ng mga mamamayang Pilipino.
Ayon sa Department of Agriculture
Undersecretary Leocadio Sebastian na hindi kayang ibaba sa P20 ang presyo ng bigas. Ito ay bunsod ng pagpasok ng imported na bigas sa bansa na nagiging sanhi ng pagtaas ng presyo ng lokal na bigas sa mga pamilihan. Bunsod ng patuloy na pag-taas ng presyo, nahihirapan ang mga nagtitinda ng bigas sapagkat lumalaki ang kanilang puhunan habang lumiliit naman ang kanilang tubo sa araw-araw. Lumiliit dahil pati and mga mamimili ay napipilitan magtipid na rin dahil sa mataas na presyo ng bigas. Bilang tugon sa suliraning ito, ipinatupad ng pamahalaan ang price ceiling para sa bigas upang ma-stabilize ang presyo ng bigas na siyang magiging dahilan upang untiunting tumaas ang tubo ng mga negosyante sapagkat hindi na sila gagastos ng malaki sa puhunan at mailalaan pa nila ito sa ibang gastusin. Hindi lang ang mga negosyante ang matutulungan ng price ceiling, kundi ang
ANG MABINIAN | PATNUGUTAN
mga mamimili sapagkat may kakayahan na sila na bumili ng sasapat sa kanilang pamilya ng hindi iniisip ang badyet na hawak nila. Subalit sa halip na makatulong sa mga negosyante lalo na sa mga maliliit at nagsisimula pa lamang ay mas pinahina nito ang kanilang loob na magbenta dahil sa may nakatakdang pinakamataas na presyo na maaaring ibenta ang bigas. Mauubos ang mga nagbebenta sa pamilihan at mahihirapan naman ang mga mamimili na maghanap ng mapagbibilhan.
Pagdating sa mga magsasaka, hindi lang ang bilihin ang kanilang iniinda kundi ang mataas na presyo ng mga pataba, fertilizer, pesticide, at iba pang kagamitan na kailangan sa pagsasaka samahan pa ng mahaba at mahirap na proseso na kanilang pinagdaraanan. Matapos ng lahat ng ito ay ibebenta lang ang kanilang mga inaning palay sa mababang halaga na naglalaro lamang P20 at may umaabot pa sa P17. Kaya nais ng mga magsasaka na alisin ang price ceiling dahil sila rin ay nadadamay at nasasakripisyo.
Ang presyo ng mga bigas o anumang bagay na may koneksyon sa ekonomiya ay nangangailangan ng masusing pananaliksik, pag-aaral, at pag-oobserba ng mga datos upang makabuo ng tamang mga hakbang at batas na talagang aayos sa suliranin kinakaharap ng bawat isa.
PUNONG PATNUGOT: GIANE ANTONETTE A. LABARRO | KATUWANG NA PATNUGOT: ALDWIN
JAKE CARAMOAN | TAGAPAMAHALANG PATNUGOT: GIAN CARLO S. NAPA | TAGAPAMAHALA SA
PRODUKSYON: JETHER B. VILLAFRANCA, JETHRO PETALIO & SOPHIA RENAUD R. SACRIZ | TAGAWASTO
NG SIPI: CARMELA SIENNA B. NAVAL, CLARA FRANCESCA G. LAGANSON & FIONNA MARIE G. BACOMO
MGA PANGUNAHING PATNUGOT PATNUGOT SA BALITA: LOVELY MARIE L. ROSAS | PATNUGOT SA OPINYON: CLARK JAMES
N. ABIHAY | PATNUGOT SA LATHALAIN: KLARA MAE CARDINAL | PATNUGOT SA AGHAM AT TEKNOLOHIYA: GEM HILARY P. PENTECOSTES | PATNUGOT SA PAMPALAKASAN: CHRIS-J RAMOS
E. ADANTE, AMANDA NICOLE T. URBANO, CELYN DANICA Z. LACSON, ROAN ASHANETH A. BARLAS, ALDEN
JOSHUA V. CACERES & JARYN JOE L. ARRIOLA | LATHALAIN: ZYRA S. SACULSAN, CHRISTINE JOY L. ESPINOSA, KHRIXIA GRACE
D. TORERO, DANNA PAOLA CALNEA, JULIANNE LORLYN R. CUSI
Pagtaas ng Pangangailangan Pagtaas ng Pangangailangan
ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG DALUBHASAANG MABINI,
DEPARTAMENTO, DAET, CAMARINES NORTE, REHIYON V - BICOL, | TOMO 2 BLG 2 | AGOSTO - SETYEMBRE 2023
PANSEKUNDARYANG
T.
| PATNUGOT SA PANLARAWANG PAMAMAHAYAG: JOHN IVAN DANIEL L. PILAPIL | PATNUGOT SA PAG-AANYO: KRISTINA CASSANDRA T. GONZAGA | PATNUGOT SA SINING: ANGELA MAE A.
BADINAS | PATNUGOT SA DISENYO: REDDICK MCCHESTER S. CONTRERAS & MARY JANE
FUERTEZ MGA TAGAPANGASIWA
MGA MANUNULAT AT NAG-AMBAG
TAGAPAYO: BB. GWEN A. DANS & G. ERNESTO M. OBING | KASANGGUNI: GNG. MARIA CONSUELO S. QUINDARA | PUNONG GURO: G. ELMER A. DELOS ANGELES JR., MM
MGA TAGAPAYO
Ni: Jeanelle Faye A. Gallego
Ni: Clark James N. Abihay
GUHIT NI: A NGELA MAE A. BADINAS
BALITA: KEN REIN SAMUELLE I. FACTOR, CRISTINE GAILE D. NANO, VINZE T. ABRERA, JOSHUA D. BABALA,
ALESSANDRA GWEN C. CRUZ, FRINCESS JOY O. CACHO, SHANDYMER C. BACURIN, JAN DENVER S. ABANES, EZIKYLA JOYZ B. DY, GILENA ROCKEL R. NAZARREA, MIGUEL G. BERNAL, JOHN RAY ANDANA & HOPE VHYNCENT L. DETENCIO | OPINYON: JEANELLE FAYE A. GALLEGO, MARC TERRENCE
& ANGEL LEONISSE L. ABANTO | AG-TEK: TYRONE DE LOS SANTOS, CLARENCE M. TEMPLONUEVO, FRANCINE ISABELLE Z. RAMIREZ & ALLIA B. VILLEJO | ISPORTS: ALTHEA DENISE R. DELOS REYES, DOROTHY JUNES G. PARONE, KARL ANTONI ERA, JEFFREY D. PAOR & ASHTON MANUEL B. ALFORQUE | DIBUHO: BIEN LOUIS A. ASIS, ABRIEL L. BALEAN, JEDRICK SOLARES & FLORIAN EYDI C. RAMOS | LARAWAN: NIÑA YZABELLE H. LLOVIT, LANZ FRANCIS GABRIEL I. AGPALO, SIDNEY SHELDAN M. DENUM, SAMANTHA V. CAAYAO, GIAN V. VILLAFLORES & RAE ASHLENE E. MAGO ANG MABINIAN ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG DALUBHASAANG MABINI, PANSEKUNDARYANG DEPARTAMENTO l TOMO 2 BLG 2 EDITORYAL 3
Panahon Bilang Hamon Panahon Bilang Hamon
I sa sa mga naging epekto ng pagtama ng pandemya sa bansa ay ang paglipat sa pagbubukas ng taong panuruan ng mga paaralan sa Pilipinas. Sa mahigit isang taong sarado ang mga paaralan dala ng pagkalat ng CoVid-19 virus sa bansa, pansamantalang nawala sa loob ng silidaralan ang mga mag-aaral at ang kaguruan at ipinagpatuloy ang pag-aaral sa loob ng kanilang mga tahanan. Ngunit sa bagong school calendar na sinusunod ng mga paaralan ngayon, napansin ng nakararami ang hindi magandang epekto na dala ng tag-init na panahon sa mga estudyante at guro. Ito nga ba ay tamang direksyon para sa bagong pag-aaral o isang hadlang sa pagkatuto ng mga mag-aaral?
Sa pagbubukas ng taong panuruan sa bagong school calendar, isa sa mga hinaing ng mga paaralan ay ang pagkakaroon ng pasok sa buwan ng Abril hanggang Mayo na dati ay panahon ng bakasyon. Tindi ng init ang nadarama ng mga estudyante at guro sa araw-araw nilang pagpasok sa paaralan. Marami ang nagsasabi na hindi naaayon na nasa loob ng paaralan ang mga kabataan sa ganitong panahon dahil sa hindi komportableng kapaligiran na kanilang ginagalawan. Nababawasan anya nito ang lubos na pagkatuto ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan dahil nawawala sa tamang katumbukan ang kanilang isip para makaintindi ng iba-ibang aralin na ibinibigay ng mga guro.
Ayon sa pag-aaral ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), 87% ng mga guro ang nagsasabi na hirap umintindi ng mga gawaing pang aralin ang mga bata at dumarami ang lumiliban na mga mag-aaral dahil sa kagustuhang manatili sa loob ng bahay at hindi na mainitan pa sa labas. Bilang tropical climate na bansa, nananatiling hamon pa rin sa lahat ang kalabanin ang kapaligiran mula sa init na kaya nitong ibigay hanggang sa mga bagyong naidudulot nito. Nadagdag ang init ng panahon sa mga salik na nakakaapekto sa kung paano makibahagi ang isang estudyante sa loob ng paaralan. Tunay na mahirap pakinggan ang tawag ng panahon lalo’t higit kung may mga importanteng bagay na dapat maisagawa kaya nararapat ang agarang aksyon sa malaking hamong kinakaharap ng bansa.
Ang parehas na samahan na ACT ay siya ring naghain ng Panukalang Batas para maibalik sa dating hunyo hanggang marso ang school calendar sa bansa. Ayon kay ACT Representative France Castro, hindi lang nakakaapekto ang matinding init ng panahon sa pag-aaral ng mga estudyante kundi sa kanilang sariling pangkalusugan din. Marami sa mga estudyante at guro ang madalas na lumiliban sa klase dahil sa sakit ng ulo na nararamdaman. Kung pati ang kalusugan ng mga tao ay napapasama dahil dito, mabuting pagtuunan na ng pansin kung paano ito maiiwasan sa paraang ikakabuti ng lahat.
Sa kabilang dako, sinabi ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC)
Chairperson Benjo Basas na hindi magiging madali ang pagsasakatuparan ng pagbabalik sa school calendar ng mga paaralan. Aabutin ng mahigit limang taon bago ito tuluyang mangyari sa kadahilanang ang buwan ng hunyo na dating simula ng pasukan, ngayon ay pagtatapos pa lamang ng taong panuruan. Hindi magiging bastabasta ang isasagawang transition dahil hindi kayang madaliin ng paaralan ang pagtatapos ng taong panuruan para makabalik sa dati nitong simula. Dagdag pa ni Basas, hindi naman daw problema ng mga estudyante ang pagpasok sa tag-init na panahon dahil maraming solusyon na puwedeng gawin tulad ng pagdadagdag ng mga bentilador o aircon sa mga silid-aralan para sa maayos na bentilasyon sa loob nito. Subalit sa maraming guro at mga estudyante na nagkakaroon ng heat exhaustion at heat stroke tuwing pumapasok sa paaralan, hindi sapat ang mga bagay na nakakapag palamig sa kapaligiran sa mataas na temperatura na dala ng panahon.
Tunay na napakahirap ng pinagdadaanan ng mga paaralan sa bansa kaya hiling nila ang agarang aksiyon mula sa kagawaran ng edukasyon. Dapat na gawin sa problemang ito ay ang pagbabawas sa school hours sa isang araw. Papasukin ang mga estudyante ng 6 hanggang 10 sa umaga at 2 hanggang 5 naman sa hapon para iwas sa mga oras kung saan tirik ang araw at sobrang init ng temperatura. Isa pang maaaring gawin ay bawasan ang araw ng pasok sa loob ng isang linggo para kahit papaano hindi bitin sa pahinga ang mga estudyante at mas may enerhiya at lakas sa pagpasok sa paaralan. Sa mga ganitong paraan, mas magkakaroon ng patas na panahon ang mga bata at mga guro sa pagpasok sa eskwelahan at pamamahinga sa kanilang mga tahanan at, mapapahaba ang panahong makasama ang buong pamilya at magkaroon ng mas malalim na samahan sa bawat isa. Nararapat lamang na pakinggan ng pamahalaan ang mga taong nasa loob ng paaralan dahil sila ang nakakaranas ng paghihirap at sila ang unang apektado sa nasabing problema. Bagamat dadaan sa masusing proseso kung ibabalik sa dating panahon ng pagsisimula ang school calendar sa bansa, marapat lamang na ito ay agarang pagaralan at dahan-dahang simulan dahil sa hindi magandang dulot sa mga mag-aaral at kaguruan ng kasalukuyang school calendar. Mahalagang pakinggan ang boses ng mga taong nakakaranas ng matinding epekto ng problema dahil kung sila ay mapapabayaan, tuluyang masisira ang kinabukasang hawak ng mga kabataan. Ang matinding init na nadarama sa loob ng eskwelahan ay isang bagay na hindi dapat isinasawalang bahala dahil ito ay tunay na kalaban sa pagkatuto ng mga estudyante. At kung patuloy na pagtitiisin ang mga tao sa taas ng temperatura sa apat na sulok ng mga silid-aralan, hindi lamang pera o bisyo ang maaaring humadlang sa pag-aaral kundi ang matinding hamon ng panahon.
Tunay Na Agaw-Atensiyon Tunay Na Agaw-Atensiyon
Dating makulay at mga magagandang disenyo ng mga pampublikong silid-aralan ay naging simple at walang gayak na ngayon, iyan ay dahil sa isyu na ang dekorasyon sa mga paaralan ay itinuturing na distraksiyon lamang sa mga bata. Nito lamang ika-3 ng Agosto taong 2023, inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon ang DepEd Order No. 21, Series of 2023, na nag-utos na dapat tiyakin ng mga paaralan sa Pilipinas na malinis at walang nakapaskil na mga hindi kinakailangang mga artworks, dekorasyon, tarpaulin, at mga poster sa mga dingding ng mga silid-aralan at sa mga pasilidad nito upang makapagpokus ang mga mag-aaral sa klase. Marami namang mga salik kung bakit na-aabala ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral, subalit wasto ba na ang dekorasyon ay dapat tingnan bilang pangunahing distraksiyon sa kanilang pagkatuto?
Hinggil sa pahayag ni Bise Presidente Sara Duterte, ang Kalihim ng DepEd, ang pag-aalis ng mga nakapaskil na dekorasyon sa mga silid-aralan ay magbibigay-daan sa mga mag-aaral na tumutok sa mga aralin mula sa mga guro. Aniya, ang mga dekorasyong ito ay nakasasagabal sa pagpokus ng mga estudyante sa kanilang aralin at kailangang maging maaliwalas ang mga silid-aralan para maginhawa ang pagaaral. Subalit, ang mga dekorasyong ito ay may malaking benepisyo na dapat mas bigyang diin dahil ito ang nagpapasigla at nakatutulong sa paghubog ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Sa katunayan, ang karamihan sa mga dekorasyong nakakabit o nakadikit sa dingding ng mga pampublikong silid-aralan ay ang mga
Nakaw Palihim Nakaw Palihim
Kinuwestiyon ang tinaguriang “confidential funds” na hinihingi ng panig ni President Ferdinand Marcos Jr. at Bise Presidente si Sara Duterte. Sa halagang makapagpapabago ng mga daan, paaralan, at lipunan, dapat lamang na sabihin kung para saan ang bilyon-bilyong piso upang hindi mabalot sa pangamba ang mga Pilipino. Tinatalang P4.5 billion piso ang hinihingi ng kampo ni Marcos at P500 million naman kay Duterte na para sa kanilang budget na hindi mawari kung saan ang paggagamitan. Tila umiiwas din palagi sa mga pakikipanayam si Duterte tuwing nasa senado at tuwing tinatanong ukol sa kaniyang Confidential Fund. Si Duterte bilang isang DepEd (Department of Education) Secretary, ay dapat na mailaan ang pondo na ganito kalaki sa mga paaralan mula elementarya hanggang sekondarya. Ngunit sa mga ipinapakitang kilos ng dalawa, hindi malaman kung saan ito papunta. Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang mga dating pangulo ay humingi rin ng mga confidential funds na para sa mga pagkuha ng mga impormasyon at intelligence sa labas at loob ng bansa. Ngunit hindi ito gaanong kalaki at mayroon silang mainam na panayam ukol dito, at kahit na gaano ito kalaki, kung hindi maayos ang pagpapaliwanag kung para saan ang pondo, malamang may tinatagong kapusukan ang mga pinuno at maaari nila itong nakawin. Katulad ng dating Presidenteng si Gloria Macapagal Arroyo na halos P600 million na intelligence fund ang nilikom, at siya ay inakusahan ng pandarambong kaagapay sa pondong nakuha. Ang confidential funds na tinatawag ay ang pinaghalong pakikipagtulungan ng mga departamentong tulad ng DBM, Comission on Audit, at iba pang government owned and controlled corporation upang mapalakas ang puwersa ng National Defense laban sa mga terorista. Dito maipapakita kung gaano kaligtas ang bansa pagdating sa mga krimen na makapagdadala ng national level threats at iba pa. Ngunit, kung iisipin ay hindi naman kailangan ang pagpapaigting ng surveillance para sa mga paaralang pansekondarya at elementarya. Kanilang ipinapahiwatig na ang mga mag-aaral ay posibleng maging kaaway ng gobyerno na kasalungat ng tunay na layunin ng paaralan. Higit pa rito, kailangang mapatunayan muna ng dalawang panig ang kanilang paggagamitan ay para sa ikabubuti ng bansa at hindi lamang upang kanilang nakawin. Isang mapangahas na desisyon ng dalawang pinuno na ihiyaw agad ang ganito kalaking pondo na hindi klarado kung para saan nga ba talaga ito. Sa kanilang dalawang taong pag-upo sa kanilang mga puwesto ay tila hindi ramdam ang kanilang serbisyo para sa tao at tumataas pa nga ang presyo ng mga bilihin.
Kaya hindi dapat payagan ang confidential funds na hinihingi ng dalawang panig. Nanggaling ang pera na binubuo ang pondo kung kaya naman ay kailangang malaman ng tao kung saan ito magsisilbe para sa kanila. Hindi naman kailangan ng mataas na surveillance system para sa mga paaralan dahil hindi naman ito ang pugad ng mga terorista, ito ay ang ikalawang bahay ng mga bata kung saan sila ay nag-aaral at natututo. Mas magiging mataas lamang ang tyansa na ang pera mula sa pondo ay kanilang makukurakot.
alpabeto, mga numero, mga litrato at maikling impormasyon tungkol sa mga bayani, mga kasabihan o salawikain, at mga impormasyong may kinalaman sa mga asignatura. Nangangahulugan na hindi basta distraksiyon lamang ang mga dekorasyong ito sapagkat naglalaman pa rin ito ng mga makabuluhang impormasyon na nagsisilbing dagdag-kaalaman para sa mga mag-aaral at nagbibigay inspirasyon upang matuto. At ayon pa sa panayam ng tatlo mula sa apat na magulang ng mga mag-aaral ng ika-2 baitang, malaking tulong ang mga dekorasyon sapagkat mas napapabilis ang pagkatuto at pagkintal sa isipan ng kanilang mga anak ang mga aral, partikular na ang mga alpabeto, dahil ito ang lagi nilang nakikita sa araw-araw na pagpasok nila sa silid-aralan. Higit pa rito, dapat maunawaan ng kagawaran na may iba-ibang estilo ang mga bata sa pagkatuto, maaari itong maging berbal, biswal, kinesthetic, lohikal, solitary, at sosyal na pamamaraan, na dapat hindi alisin o baguhin mula sa mga estudyante. Batay sa isang pananaliksik mula sa International Journal of English Literature and Social Sciences, 64 na porsiyento ng mag-aaral mula sa pribado at pampublikong paaralan ang natututo mula sa biswal at 36 na porisyento nito ang natututo sa ibang estilo. Nagpapahiwatig ito na mas nakatutulong ang mga dekorasyon sa silid-aralan para sa mga estudyanteng visual learners. Ang mga naka-aaliw na educational poster at visual aids ay mahalagang mga kasangkapan upang gawing mas madaling maunawaan at matandaan ang mga kumplikadong konsepto. Ang mga
dekorasyon ay maaaring maghubog at magtulak sa kanila sa kuryosidad, pagsimula ng mga diskusyon, at pagsiyasat ng mga bagong ideya. Samantala, hindi naman matatanggi na ang dekorasyon ay may iba-ibang kulay, anyo, disenyo, at estilo na maaaring makuha ang atensiyon at atraksiyon ng bawat tao. Ayon sa natuklasan mula sa pag-aaral nina Anna V. Fisher, ang mga mag-aaral ng kindergarten mula sa silid-aralan na walang dekorasyon ay mas nakapagtutok sa kanilang aralin sa klase kumpara sa mga silid-aralan na may dekorasyon dahil napupunta ang atensiyon ng mga mag-aaral sa mga kulay at disenyo ng mga nakadikit sa dingding sanhi upang magdulot ng distraksiyon sa kanilang mga tungkulin. Gayunpaman, maliit pa rin na dahilan ang dekorasyon upang ituring na distraksiyon ito kumpara sa iba pang mga problemang tunay na nakasasagabal sa pagkatuto ng mga mag-aaral, tulad na lamang ng gutom, siksiksan sa isang silid-aralan, sira-sirang mga muwebles, kakulangan sa mga kagamitan, at ang mainit na temperatura. Kaya sa puntong ito, dapat lamang ilagay ang mga dekorasyong naglalaman ng makabuluhan at edukasyonal na impormasyon sa silid-aralan kasama ang mga quotes o kasabihan na nagbibigay ng inspirasyon at motibasyon sa pag-aaral. Bawasan lamang ang mga kulay at disenyo na nagdudulot ng pagbaling ng kanilang atensiyon mula sa klase. Dapat din magkaroon ng mahusay at epektibong teknik ang mga guro upang makuha ang atensiyon ng kanilang mga estudyante, tulad ng pagkakaroon ng lakas at linaw ng boses
habang nagtuturo, pagkakaroon ng masaya at interaktibong diskusyon, pagkukuwento ng mga istoryang may kinalaman sa leksiyon, at paggamit ng mga presentasyon sa pagtuturo. Bukod dito, ang pagkakaroon ng feeding program sa bawat paaralan ay makatutulong lalo na sa mga batang mahihirap upang masigurong may laman ang sikmura bago pumasok sa klase na magbibigay daan upang makapagpokus sa aralin. Dapat ding bigyan diin ng gobyerno ang pagpapalawak ng espasyo sa mga silid-aralan, pagsasaayos ng mga muwebles nito, at pagbibigay ng sapat na kagamitan sa mga mag-aaral upang maging komportable sa klase ang mga estudyante at walang maging sagabal sa kanilang pag-aaral. Samakatuwid, kung nais ng Kagawaran ng Edukasyon na tumutok nang husto ang bawat mga mag-aaral sa klase, hindi dapat tingnan bilang solusyon ang pagtanggal ng dekorasyon sa silid-aralan. Hindi dapat ituring na nakasasagabal ang mga bagay na may malaking kontribusyon sa aspeto ng pagunlad, pagkatuto, at pagbibigay ng kasiglahan at inspirasyon sa mga mag-aaral. Kung may panahon para mapansin at gawing dahilan ng problema ang ganitong maliliit na bagay, dapat ding maglaan ng panahon para buksan ang mga mata sa kung ano ang tunay na malalaking problema at sagabal. Sapagkat, wala nang mas malaking distraksiyon pa sa walang laman na sikmura, sa sira-sira at kakulangan sa kagamitan, at sa siksikan at init sa silid-aralan na siyang tunay at pangunahing umaagaw ng atensiyon mula sa klase. Kaya, dapat buksan ang mga mata sa kung ano ang tunay na agaw-atensiyon.
ANG MABINIAN EDITORYAL ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG DALUBHASAANG MABINI, PANSEKUNDARYANG DEPARTAMENTO l TOMO 2 BLG 2 4
GUHIT NI: BIEN LOUIS A. ASIS
Ni: Marc Terrence E. Adante
Ni: Jaryn Joe L. Arriola
Ni: Roan Ashaneth A. Barlas
CIF: Peste sa bagong hardin
“Trabaho lang, walang drama. Akala ko ba, VP Sara, the OVP can live without confidential funds? Bakit parang pinapawisan na yata kayo diyan, budget hearing pa lang?” ani Senator Risa Hontiveros.
OVP Confidential Funds?
Matatandaan na binanggit ni Vice President at Secretary of Education Sara Duterte na hindi pinagpipilitan ng Office of the Vice President (OVP) na magkaroon ng confidential and intelligence funds (CIF) sa kanilang badyet, “mapadadali” lamang nito ang kanilang trabaho.
“We can only propose but we are not insisting. We can live without confidential funds but of course our work will be much easier if we have the flexibility of confidential funds in monitoring the safe, secure, and successful implementations of the programs and projects and activities of the OVP,” ani Duterte sa isang Senate budget deliberations sa OVP noong Ika-4 ng Setyembre, 2023.
(Maaari lang kaming magmungkahi ngunit hindi kami nagpupumilit. Kaya naming gumalaw kahit walang confidential funds, subalit mas mapadadali ang aming trabaho kung mayroon nito para sa ligtas at maayos na implementasyon ng mga programa, proyekto, at aktibidad ng OVP)
Sa kasaysayan ng OVP, pinakamataas na ang confidential funds sa panahon nina former Vice President Noli de Castro at Jejomar Binay na umabot sa P6 na milyon ang alloted ng General Appropriations para sa confidential funds.
Hindi kailanman nag-request ng confidential funds si former Vice President Leni Robredo.
Taong 2022 – kung saan magkahati si Duterte at Robredo – mayroong heading para sa “Confidential, Intelligence, and Extraordinary Expenses” sa badyet ng OVP, ngunit walang line item para sa confidential and intelligence funds.
Pero ayon sa Commission on Audit (COA), lumalabas na gumastos ng P125 milyon ang OVP mula ika-20 ng Disyembre hanggang ika-31 ng Disyembre – sa loob lamang ng 11 na araw.
Ayon sa mga tagapagtanggol ni Duterte, ang pinanggalingan ng pondo ay mula sa contingent funds ng 2022 national budget, na nilabas ng Department of Budget and Management (DBM) sa OVP matapos aprubahan ng Office of the President.
P125M sa 11 araw.
Kagila-gilalas na ang P125 milyon ay magagastos lamang sa loob ng 11 na araw, at walang paraan ang taumbayan upang malaman ang tunay na pinaggastusan nito dahil hindi parte ang confidential funds sa normal na auditing process ng COA.
Dahil kung ang intelligence funds ay ginagamit ng mga ahensya ng gobyerno para sa information gathering activities na may direktang relasyon sa national security, and confidential funds naman ay ginagamit para sa “surveillance activities in civilian government agencies that are intended to support the mandate or operations of the said agency.”
OVP and DepEd 2024 CIF.
Para sa 2024 national budget, ang OVP ay humihiling ng P500 milyon at P150 milyon naman sa Department of Education (DepEd) para sa confidential funds – parehong ahensya na pinamumunuan ni Duterte.
Malaking “question mark” ito dahil para sa 2024 national budget, P97 milyon lamang ang hiningi ng Department of National Defense at P341.2 milyon sa National Intelligence Coordinating Agency, na kung tutuusin, sila ang mas nangangailangan ng pondo para sa national security, at hindi ang OVP at DepEd.
Matapos ang ilang linggong talakayan sa social media at mahabang debate sa Kongreso, ang P650 milyon na proposed CIF ng OVP at DepEd (at pati na rin ang ilang ahensya) ay i-re-realign para sa ahensya na sangkot sa intelligence work.
Kasunod nito ay ang pahayag Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa isang press statement na dapat i-abolish and P10.14 bilyon na CIF para sa 2024 at dapat i-rechannel sa edukasyon at mga pangunahing serbisyo.
Kung patuloy na sasamantalahin ang pera na mula sa buwis ng mga mamamayang Pilipino, at patuloy ring hahayaan ng mga mambabatas ang harap-harapang panloloko, tila isang peste ang CIF na ngayon lamang piniling pansinin. Ngayon pa lamang, nararapat na itong gamutin.
Taling Umaalalay
Ni: Zyra S. Saculsan
Iba’t ibang wika, iba’t ibang salita ang nagbubuklod sa mga mamamayan ng bansang Pilipinas. Mahigit 130 na wika ang nagmula at bumuo sa 7,107 na pulo sa bansa.
Ika-30 ng Agosto nang ipinagdiwang ng paaralang Mabini Colleges, Inc. ang Buwan ng Wika na may temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.”
Ilang taon na ang nakalipas nang maging identidad at simbolo ang wikang Filipino sa Pilipinas. Ngunit, bago mahanap ang pagkakakilanlan nagkaroon ng madaming mukha ang bansa. Halos buong pagkatao ang ninakaw at bagong kaluluwa ang hinulma ng tatlong pigura na umaligid sa bayan. Nang mawala ang mga Kastila, Hapones, at Amerikano, unti-unting nabuo at nagkaroon ng sariling katawan at mukha ang bansa.
Malubak at mahabang daan ang tinahak at sinimulan ni dating pangulong Manuel L. Quezon.
Taong 1935, sa panahon ng paghahanda para sa kalayaan ng Pilipinas mula
sa mga kolonyal na mananakop, ipinag-utos ni Pangulong Quezon sa Kongreso na bumuo ng isang pambansang wika para sa bansa. Sa pag-aalab ng nasyonalismo, noong 1940, ipinatupad ang Commonwealth Act No. 570, kung saan itinalaga ang Tagalog-based Filipino bilang opisyal na wika. Nang makamit ang kalayaan mula sa mga mananakop noong 1946, itinuring nang pambansang wika ang Filipino. Noong 1959, ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Jose E. Romero ay inilabas ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na ang opisyal na wika ng Pilipinas ay tatawagin ng Pilipino. Ngunit, sa taong 1973, isinulong ng Committee on National Language ang pagbabalik ng Filipino bilang opisyal na wika. Sa huli, noong 1987, itinatag na opisyal ang Filipino bilang pambansang wika ng Pilipinas.
Filipino ang pambansang wika—ang matibay na tali na hanggang sa kasalukuyan ay bumubuklod at sumusuporta sa milyonmilyong Pilipino sa bansa.
Tulong! AY TUTULONG PA BA ? M
Ni: Danna Paula E. Calnea
SiJerhode Jemboy Baltazar, isang 17 taong gulang, “mistook” ng Navotas police bilang suspek sa isang krimen. Binaril ng grupo ng anim na pulisya at binawian ng buhay sa isang bangka sa ilog.
Si John Frances Ompad, isang 15 taong gulang, nang mabaril ni Corporal Arnulfo Sabillo. Ayon sa ulat, ang “warning shot” ay para sa kapatid ni John Frances na si John Ace Ompad matapos na lampasan lamang ang isang police checkpoint.
Dalawang menor de edad ang binawian ng buhay sa kamay ng mga pulis sa loob lamang ng Agosto, 2023. Tila ba nakalimutan na ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang responsibilidad na protektahan ang mga mamamayan at ang kapayapaan.
Ang mga “aksidenteng” ito ay mariin na paglabag sa karapatang mabuhay ng mga kabataang nasangkot sa gulo ng mundong pangmatanda.
Bumaliktad na ba ang mundo? Ang dapat na mangalaga sa buhay, pangarap, at kinabukasan ang siya ring kikitil dito?
Ang Commission on Human Rights (CHR) ay nagpahayag ng pag-aalala para sa insidenteng ito. Kung saan dalawang beses sa buwan ng Agosto na ang salarin ay isang pulis at ang biktima, menor de edad.
“The country has seen enough human rights violations that warrant serious reforms from duty-bearer institutions, such as the police, so they may fully and faithfully uphold their obligation to respect, protect, and fulfill human rights,” saad ng komisyon.
(Maraming paglabag sa karapatang pantao ang naranasan ng bansang ito kung saan nararapat na magkaroon ng mga reporma sa mga institusyong may malaking tungkulin, tulad ng pulis, para ganap at tapat na maisagawa ang kanilang obligasyon na respetuhin, pangalagaan, at tuparin ang karapatang pantao.)
Pinaalalahanan din ng CHR ang polisya na nararapat na sila ay nakasuot ng uniporme kung nasa police checkpoints, na hindi sinunod ni Sabillo.
Sa ilalim ng Philippine National Police
Manual:
Rule 2.1 Agency Prescribed Uniform.
A police officer shall always wear the agency-prescribed uniform which is appropriate for the kind of operation to be undertaken.
Rule 6.1 Basic Requirements.
Police Operations like arrest, search and seizure, checkpoint, roadblocks, demolition, and civil disturbance management shall be conducted as follows:
c. With personnel in prescribed police uniform or attire
Rulew 6.3 Warning shots prohibited. The police shall not use warning shots during police intervention operations.
Rule 7.1 Use of excessive force prohibited. The excessive use of force during police operation is prohibited.
Ang mga Rules ng PNP manual ang nakasaad sa complaints laban kay Sabillo. Ang anim na pulis naman sa kaso ni Jemboy ay nakadetain na.
Nakalulungkot na kahit ano pa mang aksyon ang gawin ng PNP para sa mga pamilyang Baltazar at Ompad, hindi na nito maibabalik pa ang dalawang menor de edad. Marka na sana ang Agosto ng huling kaso kung saan biktima ang inosente.
Huwag na sanang maulit pa ang pagkarga ng kaibigan ni Jemboy sa kaniya sa ibabaw ng bangka.
Huwag na samang maulit pa ang pagtakip ni Dianne Ompad sa sugat ni John Frances kasabay ng pagsigaw nito ng “Tulong! Tulong!”
LARAWAN MULA SA RAPPLER.COM
PAGPATAK NG ALAS D SE
Tanghaling tapat, dali-daling pagpunas ng mga kamay sa tuwalya matapos hugasan ang mga pinagkainan at agad nang umupo sa sofa upang manood sa telebisyon – ang ikinahihintay na “It’s Showtime” Kataka-takang wala ito ngayon, maaari bang may sira ang channel?
Matapos makatanggap ng maraming reklamo tungkol sa programa na “It’s Showtime” pinatawan ng 12-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang nasabing noontime show na nakatala nitong ika-4 ng Setyembre. Ang dahilan nito ay ang umano’y malaswang gawi ng mag-asawang sina Vice Ganda at Ion Perez sa isang episode na ginanap noong ika-25 ng Hulyo. Ipinakita sa eksenang iyon ang pag-aalok ni Ion Perez ng cake icing sa asawang si Vice Ganda gamit ang daliri nito.
Ayon sa MTRCB, ang eksena na nangyari sa variety show na “Isip Bata” ay paglabag sa Section 3 (c) Presidential Decree No. 1986 - nagsasabing may kapangyarihan ang MTRCB aprubahan o tanggalin ang mga hindi
kanais-nais na bahagi sa mga TV broadcast sa kadahilanang pagiging imoral, malaswa, at paglabag sa batas.
Bukod pa rito ay dumagdag din ang iba pang mga report tungkol sa mga gawing imoral ng mga TV host. Dagdag pa ng regulatory board sa kanilang pahayag ay hindi lamang ito ang unang pagsasaalang-alang ng pag suspinde sa programa dahil sa “multiple complaints” na kanila pang natanggap.
Sa isang opisyal na pahayag ng media company na ABS-CBN, sila ay maghahain ng motion for reconsideration bilang pag depensa na nagsasabing walang nilabag na batas ang anumang bahagi ng palabas at inaasahan ang paglubog ng suspensyon.
Diretsong tumingin sa orasan na nakasabit sa dingding, ito ay nakaturo sa ikalabing isa, mag-aalas onse pa lang. Masyadong napa-aga ang pagmamadali at pagtataka, ngumisi na lamang at napagtanto na tagumpay ang pagdepensa ng programa sa pagpasa ng kanilang motion of reconsideration.
Ni: Angel Leonisse Abanto
GUHIT NI: FLORIAN EYDI C. RAMOS
GUHIT NI:
ABRIEL L. BALEAN
ANG MABINIAN ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG DALUBHASAANG MABINI, PANSEKUNDARYANG DEPARTAMENTO l TOMO 2 BLG 2 LATHALAIN 5
Ni: Gian Carlo S. Napa
Kapirasong Telang Inilagak sa Lupa
Sagisag sa kahalagahan ng kaligtasang pansarili at kalusugang pangkabuuan ang maayos na katawan, maayos na pag-iisip, at maayos na pakikipagkapwa. Ipinamalas ng Red Cross Youth (RCY) Camp 2023 noong ika-14 hanggang ika-17 ng Agosto, taong kasalukuyan sa Tulay na Lupa National High School ang kahalagahan ng kabataan sa iba’t ibang aspeto ng pamayanan.
Maraming kabataang nanggaling sa iba’t ibang eskwelahan ang nakilahok sa camping na idinaos nang apat na araw sa isang pook. Mayroong 12 na paaralang nakilahok na mayroong 84 mga kalahok para sa buong camp. Pagod man ang kanilang katawan dahil sa byahe, namutawi pa rin ang pagkagalak at pagkasabik sa mga aktibidad na napagkasunduan.
Nirepresenta ng bawat kulay ang mga mag-aaral na naging dahilan ng pagkakaroon nila ng pangkat. Sa prosesong kanilang ginawa ay nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng interaksiyon ang bawat isa.
Sinimulang ipamahagi sa bawat indibidwal ang kagamitang pangkaligtasan. Marahil ang iba sa nakilahok ay mga baguhan lamang at ngayon ay nabigyan ng pagkakataon upang maranasan ang Red Cross Youth Camp na bihira lamang maganap sa loob ng isang taon. Sa ikalawang araw ay inihayag ang gampanin ng isang indibidwal sa kanilang komunidad o sa ibang lugar, bilang mamamayan na marunong at may alam sa gagawing aksiyon kung sakaling makaengkwentro ng pangyayaring kinakailangan ang kanilang serbisyo.
Nagkaisa ang bawat indibidwal sa pagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad. Dumaloy ang malakas na enerhiya sa kanilang katawan na naging rason ng matagumpay na resulta para sa grupong kinabibilangan. Ibinahagi ng ilan ang kanilang mga talento at ginamit upang kumatawan sa kanilang maliit na samahan.
Ipinamalas ng bawat isa ang husay pagdating sa mga laro ng lahi sa ikatlong araw ng kanilang pamamalagi sa lugar. Nagsilbing pamawi ng pagod ang ilang banda na naghandog ng kanta. Sari-saring emosyon ang bumalot sa kapaligiran at sa pagtatapos ng tugtugan ay kanila nang inilapat ang katawan sa nakatakdang paghihigaan.
Sa ikaapat at huling araw ginanap ang awardingA ceremony. Kung saan binigyan ng rekognisyon ang mga iba’t ibang kulay na pangkat na nakilahok at pati na rin ang mga organisasyon na naging bahagi upang masigurong maayos ang daloy ng mga aktibidad. Tunay ngang masasabi na ang Pag-Usbong: The RCY Camp 2023 na muling ginanap matapos ang siyam na taon ay matagumpay.
Sa harap man ng dibersidad, kapansin-pansin kung gaano kalawak ang sakop ng RCY – hindi lang sa pamayanan, sa paaralan, at pati na rin sa kabataan. Siyam na taon mang hindi naganap ang RCY Camp, sana ay umusbong at magtuloy-tuloy ang triangular bandage na tinali at iniwan sa puno ng Tulay na Lupa National High School.
Parokyano ang Pinuno
Sa pagpili ng bagong namumuno, dapat na nakatanim sa isip ang kapakanan ng kinabukasan bilang mag-aaral sa sarili at sa paaralan.
Gamit ang midyum at sariling boses, sagisag ng kalayaang pang-demokratiko ang karapatang makapagboto. Sa sulok ng mga pasilyo ng paaralang Mabini Colleges, Inc., marami ang nagtatangka na mamuno sa Supreme Student Government (SSG) bilang isang student leader.
Noong ika-25 ng Agosto, nasimulan ang halalan para sa taong 2023 sa High School Department. Nagkaroon ang paaralan ng Miting de Avance nakaraang Agusto dalawanpu’t apat at nagpakita ang mga napiling kandidato ng kanilang plataporma at mga iminungkahing proyekto upang makuha ang tiwala ng kapwa mag-aaral sa pagpili sa mga magiging student leaders sa kinabukasan ng mga mag-aaral at ang paaralan.
Naganap ang botohan gamit ang Google Forms at manwal na botohan.
Pinamunuan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga presinto upang mapanatili ang maayos na daloy ng botohan. Pagkatapos makapagboto ng mga mag-aaral, ang bilangan sa mga manwal na boto para sa Junior High School (JHS) ay sinimulan.
Ang mga bagong hinirang na student leaders ay may malaking epekto sa pagpapaunlad ng pamumuno at pag-uudyok ng pagbabago sa loob ng kanilang paaralan. Ang mga bagong pinuno ng mag-aaral ay hindi lamang gumagabay sa mga organisasyon at aktibidad ng paaralan ngunit tinutugunan din ang mga alalahanin ng lipunan. Sa pamamagitan ng kanilang hindi natitinag na pangako at debosyon, nagsisilbi sila bilang isang modelo ng nakabubuo na pagbabago at pakikipagtulungan sa loob ng kanilang paaralan.
Siguraduhing maging tunay sa ating pamimili, sa maisusulat sa balota, at sa kinabukasan. Ilagay sa isip ang mga kandidato na nararapat na bigyan ng kapangyarihan upang irepresenta ang mga mag-aaral.
Sa mga sandali na ang karamihan ng eleksyon ay puno ng parokyano na paulitulit ang mukha tuwing tatlo at anim na taon, tunguhing mapuno ang paaralan ng mga pinuno – hindi parokyano.
Pamilyar na Umaga
Handa ka na ba sa kaniyang muling pagbabalik?
Pinipilahan, nakikipagsiksikan at direktang nakatutok ang mga mata sa malapit nang maubos na kagamitan. Bitbit ang lagayan ay handa nang lagpasan ang bawat kalabang humaharang sa kaniyang paroroonan. Sa dulo ay hindi inaasahang may maghihintay.
Nagkaroon ng kasangga at nakamit ang sandatang gagamitin sa lugar ng mga palabang indibidwal.
Gamit ang mahiwagang orasan ay hinintay ang pagkalabit nito sa oras na kaniyang inilagay. Halo-halong emosyon ay kaniyang naramdaman. Takot, pangamba, at pagkagalak. Umugong sa loob ng silid ang tunog na nagsilbing hudyat upang siya ay maghanda. Sumapit na sa ika-5 ang oras sa umaga, at dito ay kaniyang naamoy ang luto ng ina.
Isinuot ang kaniyang damit habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Sa wakas ay muli na niyang nagamit ang unipormeng puti. Sa
kaniyang pagtatapos na ayusin ang mga kagamitan ay saktong bumusina ang sasakyan sa labas ng kanilang tahanan. Ngayon ay kaniyang nasaksihang muli ang mala prusisyong haba ng pila ng mga sasakyan.
Unang bumungad ay ang mga di pamilyar na mukha. Nangibabaw ang kaba sa dibdib sabay yumuko sa sahig upang maiwasan ang titig ng mga kapwa niya estudyante. Sa patuloy niyang paglalakbay ay nakita ang kaniyang dating kaklase, bakas sa labi ang pagkagalak dahil sa wakas ay hindi na niya naramdaman ang pag-iisa.
Pagpasok sa kanilang silid ay nadatnan ang isang pamilyar na pigurang kaniyang kinatatakutan. Sila ay nagkatinginan ng guro sa harapan. Namumulat sa bawat asignatura, kaniyang nakikita ang pagbabalik ng mga gurong may dalang bagong kaalaman at magdidisiplina sa arawaraw na pagpasok niya sa eskwelahan.
Ni: Christine Joy L. Espinosa
Ni: Julianne Lorlyn R. Cusi
GUHIT
Ni: Klara Mae A. Cardinal
NI: ANGELA MAE A. BADINAS
Ni: Khrixia Grace D. Torero
klase
sa unang araw ng pasukan.
mga mag-aaral
nagpapakilala rin sa buong klase at pati na rin sa kanilang guro upang mas makilala nila ang bawat isa. Larawan kuha nitong ika-8 ng Agosto sa Mabini Colleges -
Ibana Campus.
KUHA
ANG MABINIAN LATHALAIN
DEPARTAMENTO l TOMO 2 BLG 2 6
MASIGLANG SIMULA. Mga mag-aaral mula sa baitang 9 pangkat Titanium, sabik na nakikinig sa kanilang guro na si Sir Ernesto Obing habang siya ay nagpapakilala sa
para
Ang
ay
Flora
LARAWAN
NI: Niña Yzabelle H. Llovit
ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG DALUBHASAANG MABINI, PANSEKUNDARYANG
Patay na Ilaw sa Isang Araw
Alam mo ba na ang mga tao ay tila isang bumbilya sa mga kisameng nagsisitaasan?
Ang mga bumbilya ay madalas na nakabukas upang magsilbi sa may kailangan at magbigay liwanag sa kapaligiran, at maihahalintulad natin dito tayong mga tao, nagsisilbi sa mundong ginagalawan at nagbibigay liwanag sa ating sarili at kapwa. At hindi lang iyan, maging sa pagpatay sa sindi ng bumbilya ay katulad din tayo nito, katulad tayo nito
na kailangang ipahinga ang sarili. Halos dalawang buwan pa lamang ang nakalipas magmula ng unang araw ng klase, ang balik eskwela ng mag-aaral sa institusyon ng Mabini Colleges Inc., Daet, Camarines Norte. Sa mga nagdaang araw mula nito ay nadama ang samut-saring stress sa pamumuhay ng mga guro at iba’t ibang grado sa mga mag-aaral. Marami ang subsob sa trabaho at pag-aaral kaya sa ginanap ang Buwan ng Wika o BNW 2023 noong ika-30 ng Agosto,
Mulat sa Bukang Liwayway
Sa mga paglubog ng araw ay makikita ang pagdating ng liwanag ng buwan sa dilim ng kapaligiran at tayong mga tao ay kadalasan nang nasa tahanan mula sa isang nakakapagod na paligsahan ng buhay sa paaralan man o pook na pinagtatrabahuhan. Kung kaya’t sa gabi ay nararapat na magpahinga nang matiwasay at ipikit ang mga mata kahit madalas ay marami pang kailangang gawin at may mga ilan sa atin na nahihirapan sa pagtulog nang maaga kaya natutulog na sa umaga.
Isa ka ba sa bilang ng mga taong may insomnia?
Ang insomnia ay isang sleep disorder na mailalarawan sa pamamagitan ng patuloy na paghihirap sa pagtulog, pananatiling tulog, o pagkakaroon ng maayos na tulog. Ang mga taong may insomnia ay madalas na nag-uulat ng pakiramdam na hindi nasisiyahan sa kanilang paghiga sa mga kama at maaaring nakakaranas ng iba’t ibang mga sintomas tulad ng pagkapagod, pagka gambala, pagkamayamutin, kahirapan sa pagkakaroon ng konsentrasyon, kawalan ng pasensya, at kapansanan sa pagganap sa pang-araw-araw na aktibidad ng buhay.
“Silent killer ang insomnia,” ito ay mula sa isang doktor na si Samuel Pangestu na kaniyang nabatid sa isang broadcast sa channel na “Philippines TV.”
Nasa 50 hanggang 70 milyong matatanda sa Estados Unidos ang may mga karamdaman sa pagtulog, ayon sa National Institutes of Health.
Maaaring mukhang sa panlabas, ang insomnia ay isa pa lamang maliit na problema sa kalusugan para sa mga Pilipino na nahaharap sa samu’t saring karamdaman, sakit, at potensyal na salot, hindi pa banggitin ang gutom at kawalan ng pera sa buhay ng marami. Subalit, ang mga karamdaman sa pagtulog ay hindi tatak ng isang maliit na problema dahil ito ay nagdudulot ng malubhang hamon sa kalusugan at maaaring humantong sa iba pang mga kondisyong nagbabanta sa buhay ng mga indibidwal na nakakaranas nito.
Bilang panangga, marami ang nagaakalang masosolusyonan ng pag- inom ng sleeping pills at iba pang mga alternatibong gamot ang kahirapan sa pagtulog ngunit, hindi nila alam na ang pagkakaroon ng ganiyang isipan ay maaaring magdulot ng mas malalang sitwasyong na kanilang maaaring pagsisihan.
Mula sa isang doctor, ang mga sleeping pills ay gumagana lamang sa maikling panahon at ito ay naglalaman ng mga nakakalason na kemikal na tumatagos sa balat at sumisira sa katawan. Patutulugin lamang nito ang tao at kapag naggising na, kadalasan ay pagkahilo at pananakit ng ulo ang pangunahing madarama.
Ayon sa mga pag-aaral, ang kaso kapag ang labis na dosis o pangmatagalang paggamit ng pills ay maaaring magdulot na ito ng mga mas mapanganib na sintomas katulad ng: mababang presyon ng dugo, mabagal at mababaw na paghinga, irregular na tibok ng puso, at mabagal na reflexes. Ito ay hindi ligtas para sa kalusugan kaya hindi dapat umasa ang mga tao sa pansamantalang ginhawang dala nito.
Gayunpaman, ang hindi pagkakatulog ay maaaring isa sa mga sanhi ng problema, stress, sakit at iba pa. Kaya naman ito ay maaaring magbunga ng panganib ng mga sakit tulad ng labis na katabaan, diabetes, mataas na presyon ng dugo, sakit sa puso, stroke, at mahinang kalusugan ng isip o “poor mental health” na mainit na isyu sa bansa. At ang mas malala ay kung magkakaroon ng depresyon ang tao dahil ang kaso nito sa bansa ay nasa mahigit 35% sa edad na 18 hanggang 24 at marami na ang bilang ng mga namatay dahil dito.
Isang batas sa senado, Senate Bill No. 2063, ang ipinasa ni Senator Mark Villar dahil sa kakulangan ng data sa mga taong may sleep disorder sa bansa at dahil marami raw ang hindi mulat sa ganitong sitwasyon sa Pilipinas ngayong 45% ng populasyon sa buong mundo ay nakakaranas na nito.
“To craft programs to improve the identification of patients who have sleep disorders, increase awareness of such disorders with the public, and train educators on effective sleep disorder assistance methods and the prevention of this disorder.” Ito ang paniniwala ni Sen. Villar na kaniyang sinabi sa Department of Health o DOH dahil sa kaniyang kagustuhang magkaroon ng kamalayan ang lahat tungkol sa sleep disorder.
Dagdag pa ni Sen. Villar na ang DOH ay maaari rin daw magbigay ng libreng medical assistance at therapy sa mga taong nasa ganitong sitwasyon o nagdurusa sa insomnia upang sila ay agad na matulungan na magkaroon ng maayos at payapang pagtulog palagi.
Ang pagtulog ay mahalaga at tayo ay dapat gumawa ng paraan maging gising sa malalang sitwasyon na dala ng pagiging mulat madalas kahit bukang liwayway na. Hindi maganda ang matulog sa umaga kaysa sa matulog nang maaga, kaya mainam na alamin natin ang mga dahilan kung bakit tayo nahihirapan matulog at kaakibat nito ay ang paghahanap din natin ng paraan upang ito ay masolusyunan para sa sariling kalusugan at kapakanan.
ang pagdiriwang na ito ay nagsilbing takas ng marami mula sa mga kaganapang nangyari sa kani-kaniyang mga buhay. Bukod sa ibinigay nitong isang araw na pahinga, nagbigay din ito ng samut-saring enganyo sa mga magaaral at guro sa paaralan. Ang mga inihandang patimpalak ng mga nanguna sa BNW na Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino o SAMAFIL ay nakatulong sa pisikal na pangangatawan ng marami. Ilan sa mga ito ay ang laro ng lahi na sack race, paluan ng paso, tumbang preso, luksong lubid, patintero at hilahan sa tali na nagpagalaw sa katawan ng maraming mga mag-aaral at mga gurong sumama sa kasiyahan.
Bukod pa rito, ilan pa sa mga highlight ng pagdiriwang ay ang paligsahan sa pag-awit na kung saan nasa 31 na magaaral ang lumahok, pagalingan sa pagsayaw ng moderno, at pagalingan sa pagsayaw ng katutubong paraan na bumuhay sa enerhiya ng lahat. At ang mga premyo sa mga ito ay ang mas nagbigay motibasyon sa lahat upang makiisa.
“Pahinga para sa isip namin ang araw na ito! Ganito pala ang Buwan ng Wika sa Mabini, ang saya, ang gagaling ng performances nila.” Ito ay ayon kay Gabrielle Alba, isang mag-aaral sa nasabing institusyon. Ang ganitong mga pagdiriwang ay mahalaga dahil sa mga araw na ganito lamang minsan nakakakuha ng pahinga ang mga mag-aaral at guro kahit na kailangan pa rin dito na magbigay enerhiya sa paggalaw ng katawan upang makiisa sa kapwa at
sa selebrasyon. Dahil din sa BNW ay nagkaroon ng pagkakataon na maiwasan ang samut-saring isipin ng lahat tungkol sa mga impormasyong pinag-aaralan, iniintindi, at kinakabisa sa mga silid na madalas pinapasukan.
Sa mga kaganapan sa BNW, ang endorphins o mga hormone na nakakatanggal ng stress ay na-trigger kasama ng serotonin at dopamine na kinokonsidera bilang mga hormones na nakakapasaya o nakapagbibigay ng positibong epekto sa mood ng mga tao. Dagdag pa rito ay, nagkaroon ng dagdag na oxygen ang utak na nakatutulong upang mas makapag-isip nang malawak nakatutulong upang mabawasan ang stress.
Mula sa isang pag-aaral, “A little downtime is important for your brain health.” Ito ay isang paalala na ang pahinga ay may halaga and ang mga aktibidad na kagaya ng BNW ay isang halimbawa sa pahinga na kailangan natin. Ngunit, mas mabuti kung palaging may kasamang pagpapahalaga sa pagkakaroon ng sapat na tulog, kung uugaliing kumain nang tama at kung hindi kalilimutan na uminom ng maraming tubig.
Lahat ng tao ay tila isang bumbilyang pinapatay ang sindi paminsan at ito ay dapat alalahanin palagi upang habang tayo ay patuloy sa buhay ay may kakayahan tayong magbigay ng liwanag at kulay para sa sarili at para sa mga taong nakapaligid sa atin.
Lakbay Bahaghari, sa Kalinisan Makibahagi
Ni: Jether B. Villafranca
“Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran?” Isang linya mula sa tanyag na kanta ng Asin na “Masdan mo ang Kapaligiran,” ngunit ang kantang ito ay hindi lamang karaniwang kanta, sapagkat sa liriko nito masisilayan ang mapait na estado ng kapaligiran sa kasalukuyan. Ang Pilipinas ay responsable sa 2.7 milyong tonelada ng plastic waste at 20% nito ay napupunta sa mga karatig karagatan taon-taon. Nakalulungkot na isiping ito ang nangyayari sa bansa lalo pa at kilala ang Pilipinas sa mga nagpuputiang-pinong mga buhangin at diyamanteng-asul na mga tubig. Ngunit ang mga taong naninirahan dito ay siya rin mismong lumalason sa sarili nilang tirahan.
Ang plastic — isang materyal na gawa sa organikong polimer — ay karaniwang ginagamit sa iba’t ibang aspeto ng buhay ng tao dala na rin ng modernisasyon. Ginagamit ito sa pamimili para lagyan ng mga pinalengke, sa mga packaging ng mga produktong matatagpuan sa super market at maging sa mga bagay na ginagamit ng mga doktor.
Subalit, ang malaking tulong at benepisyo nito sa sangkatauhan ay siya namang pasakit sa kapaligiran at iba pang mga hayop na naninirahan dito. Ang plastic ay maaring magdulot ng polusyon sapagkat inaabot ito ng napakatagal na panahon bago tuluyang mabulok. Sa katunayan ayon sa Sciencing.com maaring umabot ng 1,000 taon bago tuluyang mabulok ang isang plastic, depende sa mga nakapaligid dito.
Kaya naman maraming tao ang nais magbigay pansin tungkol sa problemang ito. Sa katunayan, noong 2022 naisakatuparan ng pamahalaan ang Extended Producer Responsibility Law (EPR) upang maging responsable ang mga kompanyang pinanggagalingan ng mga plastic na ito sa bawat plastic packaging na kanilang inilalabas sa publiko.
Ito ay isa sa mga paraan upang kahit papaano ay matulungan ng mga tao ang kapaligiran. Subalit, hindi naman kinakailangan na gumawa ng mga batas katulad nito ang lahat para makatulong sa sitwasyong pangkalikasan ng bansa. Sapagkat kahit sa maliliit na paraan maaaring makatulong ang isang tao sa pagpapanatili ng kalinisan.
Sa Mabini Colleges, Inc. nagsagawa ng isang Color Fun Walk na may temang “Lakaw Siring sa Karahayan, Tabang sa Kadaklan,” kaugnay ng selebrasyon ng 99th anniversary ng institusyon. Ang programang ito ay naglalayong hikayatin ang mga magaaral na galing sa iba’t ibang departamento na makatulong sa kapaligiran, dahil pagkatapos ng masayang paglalakad at sabuyan ng makulay na mga tubig ay sabay-sabay na nagpulot ng basura ang mga estudyante sa dalampasigan ng Bagasbas beach. Isa itong patunay na kayang makatulong at mapanatili ang kalinisan sa kapaligiran, kahit na sa sariling paraan lamang. Kung ang lahat ng tao ay sama-samang gagawa ng aksiyon tulad ng pagsama-sama ng mga estudyante ng Mabini Colleges para malinis ang Bagasbas beach, hindi imposibleng malinis din ang iba pang parte ng bansa kung lahat ng Filipino ay handang makiisa at maging responsable sa basura. Huwag dapat hayaan ng kasalukuyang mga tao na lumangoy ang mga bata sa mga susunod na henerasyon na hindi mga isda ang kanilang makakasalamuha, kung hindi mga plastic at basura na galing sa mga iresponsableng mga kamay. Hikayating makiisa at sumama ang bawat isa sa pagmamasid sa mga bahaghari sa kalangitan, pagkatapos ng mahabang paglalakbay tungo sa berdeng kapaligiran. Maaabot lamang ito kung ang lahat ng tao, ay handang magpakatao.
ANG MABINIAN ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG DALUBHASAANG MABINI, PANSEKUNDARYANG DEPARTAMENTO l TOMO 2 BLG 2 AG-TEK 7
Ni: Tyrone James Z. De Los Santos
Ni: Francine Isabelle Z. Ramirez
KILOS PARA SA KALIKASAN. Dala-dala ng mga miyembro ng Bagasbas Beach Cleaners (BBC) ang maraming sako ng basura na nakuha nila sa Bagasbas Beach, Daet, Camarines Norte, noong ika-24 ng Setyembre, 2023. Ito ay isinagawa para Color Fun Walk at Clean-Up Drive para sa pagdiriwang ng ika-99 na anibersaryo ng Dalubhasaang Mabini. LARAWAN KUHA NI: Sophia Renaud R. Sacriz CAPTION NI: John Ivan Daniel L. Pilapil SUMASAYAW, SUMIGLA, SUMAYA. Bakas sa ngiti ng mga mag-aaral mula sa Baitang 9 Pangkat Titanium, Mercury at Cadmium ang labis na galak sa pag-indak bilang mga kalahok sa Cultural Dance na bahagi pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023 sa Mabini Colleges Inc., Flora Ibana Campus, Kapitan Isko St., Brgy. VII, Daet, Camarines Norte noong ika-30 ng Agosto, 2023. Patunay ito na ang selebrasyon ay hindi lamang nakatutulong upang mapayabong ang kultura at tradisyon ng ating bansa, kundi isang paraan din ng pahinga upang maibsan ang pagod o stress at magdulot ng kasiyahan. CAPTION AT LARAWAN KUHA NI: Sidney Sheldan M. Denum
Kamalayan at Disiplina Kontra Trahedya
Ni: Gem Hilary P. Pentecostes
Maliit na Hakbang Makabuluhan
Ni: Allia B. Villejo
Ang paglikha ng mga imbensyon ay isang hakbang tungo sa pagkakaroon ng maayos na buhay. Hindi tayo mabubuhay sa makabagong panahon ngayon kung wala ang mga imbensyong likha ng mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo. Kamakailan lamang ay isa na namang imbentor sa Pilipinas ang lumikha ng panibagong imbensyong maaaring magamit ng maraming tao lalo na ng mga mag-aaral sa bansa. Siya ay si Jeremy De Leon, nanalo sa 2023 James Dyson Award sa pamamagitan ng kaniyang imbensyong keychain microscope.
Kakaiba ang keychain microscope na nilikha ni Jeremy at ito ay kaniyang tinatawag na “MAKE-roscope.” Layunin ng MAKE-roscope na ito na mas mapadali ang buhay ng mga mag-aaral lalo na sa pagkuha ng mga samples dahil ang isang microscope sa mga laboratoryo ng paaralan ay ginagamit ng 5 hanggang 10 estudyante, isa-isa at ito ang pagkakaiba nila dahil ang MAKE-roscope ay maaaring maging pag-aari ng lahat ng magaaral nang hindi kinakailangang makipag-hiraman sa iba.
Sa paggamit ng MAKE-roscope, makikita agad ang mga basa at tuyong specimen nang hindi na kinakailangan ng maraming komplikadong mga kagamitan kagaya ng mga ginagamit sa normal na microscope. Ito ay dinesenyo bilang simple lamang upang madali itong magamit. Ang kailangan lamang gawin dito ay ilagay ang MAKE-roscope sa harap na camera ng isang cellphone at pagkatapos nito ay buksan ang application ng camera. Ito ay maliit na keychain madali lang at kayang-kayang gamitin at gawin maski ng mga batang nasa edad 7, ayon kay De Leon.
Si De Leon ay nanalo ng P330,000 na halaga mula sa award ng MAKE-roscope. Ang kaniyang wagi ay patunay daw na ang Pilipinas ay may kakayahan sa pag-imbento at pag-innovate ng mga gadyet o kung ano pang uri ng teknolohiya na mayroong kakayahang magbigay benepisyo sa marami at may kakayahang makapag-resolba ng problema sa lipunan. Ang kaniyang imbensyon ay nanalo sa kabila ng 50 mga imbensyon ng mga imbentor na lumahok sa nasyonal na patimpalak.
Bago nanalo ang MAKE-roscope sa James Dyson Award ngayong 2023, ang research ni De Leon tungkol sa microscope ay nagwagi ng unang pwesto sa TikTok Hashtag Challenge ng Mapua University noong 2021 at nasa P25,000 ang premyo na kaniyang natamo mula rito. Sa nangyari noon ay nakuha niya ang pagpupuri ng Department of Science and Technology - Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development o DOST-PCIEERD Executive Director, Dr. Enrico Paringit at ang napanalunan ay ginawa niyang puhunan para sa kaniyang iba pang mga imbensyon.
Dahil sa award na natanggap ni De Leon sa MAKE-roscope, kaniyang sinabi na nais niyang palawakin kasama ng kaniyang team ang layunin na makatulong hindi lamang sa mga estudyanteng Pilipino kundi ang maging sa ibang mga estudyante sa mundo.
Kasabay ng paniniwala niya na ito ay kaya, buo ang kaniyang loob na mas paramihin ang mga mananaliksik, siyentipiko, inhinyero, innovator, at lalo na ang mga gumagawa ng pagbabago na kaniyang kasama sa paglikha ng marami pang imbensyon.
Ang mga imbensyon kasama ng mga inobasyon ay mahalaga upang ang pamumuhay ay mas bumuti at mas masaya. At sa tulong ng gumawa ng MAKE-roscope, malaki ang posibilidad na mas dumami ang mga taong may motibasyon at interesado sa paggawa ng mga pagbabagong makakatulong upang mas maging maunlad ang mundong ginagalawan ng sangkatauhan.
Mabinians: Handa sa Banta, Ligtas sa Sakuna
Ni: Clarence M. Templonuevo
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nakararanas ng iba’t ibang klase ng mga natural na kalamidad, tulad ng lindol, pagsabog ng bulkan, at bagyo. Isa sa pinaka dahilan nito ay ang heograpikal na lokasyon ng bansa, na kung saan matatagpuan ito sa Pacific Ring of Fire — isang rehiyon na malapit sa Pacific Ocean na kung saan madalas makaranas ng pag-alburoto ng bulkan at pagyanig ng lupa. Sa katunayan noong 2020, ayon sa Statista Research Department 737,000 na Pilipino ang apektado ng mga aktibidad ng bulkan, hindi pa kasama rito ang mga naapektuhan ng iba pang mga kalamidad. Hindi ito lingid sa kaalaman ng maraming Pilipino na siyang mismong nakararanas ng mga sakuna. Tila ba nasanay na ang mga ito sa mga kalamidad na sumusulpot buwan-buwan, dahil nawalan na ng pakialam ang karamihan sa mga ito pagdating sa paghahanda tuwing may mga bagyong paparating o tuwing may mga programa na isinasagawa sa kung paano masisigurado ang kaligtasan.
Subalit, sa ilang institusyon katulad ng Mabini Colleges, Inc. binibigyang diin ang paghahanda sa mga estudyante sa ganitong mga sitwasyon. Sa katunayan, nitong Septyembre 7, 2023 naki-isa ang institusyon sa National Simultaneous Earthquake Drill para sa 3rd Quarter ng 2023.
Bukod pa rito, noong ika-23 ng Septyembre 2023, nagsagawa naman ang Red Cross Youth (RCY) ng Department of the Philippine Red Cross – Camarines Norte Chapter ng isang orientation seminar tungkol sa Youth Volunteer Module (YVOM) sa Flora Ibana Campus ng Mabini Colleges. Ang mga kalahok dito ay mga estudyante na galing sa Junior High School (JHS) at Senior High School (SHS) ng High School
Department ng institusyon. Sa seminar na ito na pinangunahan ni Matt Jeno Balce isang Youth Instructor, binigyang pansin ang kasaysayan ng Red Cross, kung paano ito nabuo at ano-ano ang mga responsibilidad na ginagampanan nito sa bansa. Bukod pa rito nagkaroon din ng halalan para sa Senior Red Cross Youth Council (SRCY) at Senior Plus Red Cross Youth Council (SPRCY) na magsisilbing kinatawan ng institusyon sa RCY. Ang mga programa at aktibidad na nilahukan ng institusyon ay ilan lamang sa mga paraan upang mapanatili ang kahandaan ng mga estudyante sa mga sakuna. Ngunit, sa simpleng aksiyong ito malaki ang pagbabagong magaganap pagdating sa kahandaan ng mga mag-aaral ng Mabini Colleges sa panahon ng mga Kalamidad.
Sabi nga nila “Kasalanan ang maging mangmang” isang paraan para mapanatili ang seguridad at malayo ang sarili sa kapahamakan ay malaman muna kung ano ba ang mga bantang nakapaligid sa isang indibidwal. Kung patuloy na hindi magbibigay ng pakialam ang maraming Pilipino pagdating sa kahandaan, kapahamakan lamang ang naghihintay sa mga ito.
Ang mga natural na kalamidad na hinaharap ng Pilipinas ay hindi maiiwasan, sa kadahilanang wala sa tao ang kontrol pagdating dito. Subalit mayroon pa ring mga paraan para masiguro ang kaligtasan ng lahat, at iyon ay ang pagalam sa kung paano maproprotektahan ang sarili sa gitna ng trahedya. Laging tatandaan na upang maging handa sa mga banta ng kalikasan at maging ligtas sa mga sakuna dapat mayroon kang ideya patungkol dito sapagkat “ligtas ang may alam.”
Kamalayan sa iba’t ibang karamdaman ay dapat isakatuparan sa pang araw-araw na pamumuhay ng lahat dahil hindi porket nakausad na ang bansa mula sa pandemyang COVID-19 ay dapat na tayong maging pabaya sa mga nangyayari sa ating paligid. Ito ay dahil iba’t ibang nakahahawang sakit pa rin ang buhay at lantad sa ilang mga dako ng bansa kagaya ng influenza, cholera, hepatitis, e.coli, malaria, tuberculosis, at chickenpox na kung saan kapag hindi naagapan ay 90% ng mga taong nakapaligid sa may sakit ay maaaring maapektuhan at mahawaan. Ang chickenpox o mas kilala bilang “bulutong” ay isang nakahahawang sakit dala ng Varicella-Zoster Virus o VZV na nagdudulot ng 1 hanggang 500 o mas mataas pa na makakating pantal sa katawan o blisters. Sa umpisa ng virus ay sa mukha, dibdib, braso, at likuran muna ang mga pantal ngunit malaki ang potensyal na kumalat ang virus sa buong katawan ng isang tao hanggang sa maging sugat ito at maging marka ng peklat o scars.
Nalalaman na may bulutong ang isang tao kapag napansin na ang mga pantal sa katawan na may laman ay kumakalat. Ang laman na ito ay tubig na tinitirahan ng virus kaya kapag may direct contact ang ibang tao o nahawakan nila ang pantal o sugat na dala ng bulutong ay maaari na siyang magkaroon nito o maging infected. Bukod pa rito ay maaari rin mahawa ang isang tao kapag masyado siyang malapit kapag nag-ubo ang taong may sakit, dahil ang bulutong ay airborne o may VZV mula sa kanilang ubo, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, Saving Lives, Protecting People. Sintomas ng pagkakaroon ng bulutong ay ang pananakit ng ulo, lagnat, pagkaramdam ng matinding pagod, minsan ay may kasamang ubo, at higit sa lahat ay ang mga pantal sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mahalagang malaman ang mga sintomas na
ito upang maging mulat sa kung ano ang kailangang gawin kagaya ng pagsuot ng mask, pagpunta sa doktor, pag-inom ng gamot, pagpahid ng mga anti-viral na ointment, at pag-iwas sa mga tao.
Ngayong panahon ay mayroon nang umiiral na bakuna kontra bulutong, subalit maaari pa rin magkaroon ng bulutong ang mga tao kahit may bakuna na- ang tanging benepisyo lamang ng bakuna sa mga bakunado ay ang hindi gaanong pagiging malala ng kaniyang sitwasyon at mas mabilis ang kaniyang paggaling kumpara sa mga taong walang bakuna na kailangang magpahinga at manatili lamang sa tahanan sa loob ng mahigit 2 linggo hanggang ilang buwan.
Hindi malala ang bulutong kung malakas ang resistensya ng isang tao, ngunit ayon sa pag-aaral ay maaari itong magdulot ng mas matinding sitwasyon kagaya ng pneumonia, dehydration, skin infections, encephalitis, o kamatayan para sa mga matatanda, bata, buntis, sanggol at sa mga taong mahina ang immune system. Subalit, kahit hindi ito gaanong malala ay mas mabuti kung hindi muna makikisalamuha sa ibang tao ang may sakit upang hindi na madamay ang kaniyang
Mainam na kapag may sakit ang isang tao, nakahahawa man o hindi, ay magpahinga at tumigil muna sa paggawa ng mga gawaing nakapagbibigay ng stress upang sariling kalusugan ang mapagtuunan ng pansin. Ang disiplina sa sarili ay pairalin at huwag nang mandamay ng kapwa kapag alam nang nakahahawa ang karamdamang dala ng sariling katawan kagaya ng bulutong, sapagkat ang kawalan ng disiplina ay simbolo ng pagiging makasarili na maaaring makapag sanhi ng mas malalang sitwasyon o trahedya. Bagkus, ang kalusugan ay dapat ingatan at pangalagaan lalo na sa panahong lagamak ang iba’t ibang uri ng karamdaman sa kapaligiran.
Germaphobia: Havey o Waley?
Hindi bago sa pandinig ng maraming Pilipino ang tagline na “kills 99.9% of germs” ng isang sikat na brand ng sabon sa Pilipinas, naging katatawanan at meme pa nga ito sa ilang social media platforms tulad na lamang ng Facebook. Subalit, sa reyalidad ng milyong-milyong Pilipino ang kalinisan sa paligid at pangangatawan ay hindi prayoridad. Sa katunayan, ayon sa National Water Resources Board (NWRB) 11 milyong pamilya sa bansa ay walang access sa malinis at maayos na pinagkukunan ng tubig.
Tubig ang isa sa mga basic necessities ng tao, kung walang pagkukunan ng malinis na tubig, malaki ang tiyansang magkasakit ang isang indibidwal tulad ng cholera, typhoid at polio. Dahil mayroon itong dala na mga bacteria na galing sa maruming pinagkukunan, halimbawa na lamang ang mga tubig na nanggaling sa poso at balon.
Subalit, ang tubig ay isa lamang mababaw na paraan upang mapuksa ang mga bad bacteria at germs na nananahanan sa kapaligiran. Noong 2020, nang lumaganap ang coronavirus (COVID-19), nakita ng mga tao sa buong mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na hygiene at sanitation.
Ang COVID-19 ay isang uri ng bayrus na nagdudulot ng masamang epekto sa respiratory system ng isang indibidwal at kung hindi maagapan, maaari itong magresulta sa kamatayan katulad na lamang ng 6,958,499 na mga namatay sa sakit na ito ayon sa World Health Organization (WHO). Ang bayrus na ito ay wala pang lunas, at hindi sapat na gumamit lamang ng tubig para ito ay maiwasan. Isa ito sa mga naging problema ng maraming bansa, kasama na ang Pilipinas nang biglaang lumaganap ang COVID-19. Walang maayos at sapat na pinagkukunan ng mga sanitary supplies, na naging dahilan para tumaas ang presyo ng mga gamit para sa hygiene at sanitation noong kasagsagan ng pandemya, ilan sa mga bilihing ito ay alcohol, facemask, faceshield, maging ang simpleng sabon ay nagkaroon din nang pagtaas sa presyo.
maitatanggi na ang kakulangan sa supply ang naging hamon kung bakit halos hindi nagawang mapanatili ng maraming Pilipino ang seguridad ng kani-kaniya nilang pamilya sa mga panahong iyon. Ngunit, sa mga lugar na hindi naabot ng kabihasnan hindi lamang supply, kung hindi pati access sa mga ganitong bagay ay salat sa kanila. Na ultimong malinis na tubig ay pahirapan makuha. Sa institusyon ng Mabini Colleges, mapalad na ibinibigay ang mga supply para mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran, lalo na sa mga comfort room na ginagamit ng mga estudyante. Subalit, hindi napapanatili ang kalinisan nito sa kadahilanang hindi maayos na napapamahalaan — dala na rin ng dami ng estudyante. Importante na panatilihing malinis ang palikuran, sapagkat prone ito sa mga germs at bacteria na maaaring magdulot ng iba-ibang sakit. Dahil sa pandemya, maraming tao ang nabahala pagdating sa kalinisan. Kani-kaniyang paraan ang bawat indibidwal upang mapanatiling malusog ang kanilang pangangatawan. Katulad na lamang sa ibang mga paaralan at sa institusyon ng Mabini Colleges na kung saan hinihikayat ang mga mag-aaral na magdala ng kanikaniyang alcohol at sumunod sa minimum health protocols ng Department of Health (DOH).
Ang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain, paglalagay ng alcohol, pagsisipilyo, pagpapanatili ng kalinisan sa paligid at iba pa, ay magandang paraan na upang maiwasan ang iba-ibang germs, bacteria at viruses. Ang pagkatakot sa mga ito ay hindi maiiwasan lalo na kung kalusugan na ang naapektuhan, kaya naman hinihikayat na maging malinis sa pangangatawan ang bawat indibidwal. Sa pamamagitan nito, naproprotektahan hindi lamang ang pansariling kalusugan kung hindi pati na rin ang kalusugan ng mga tao sa paligid ng bawat isa. Kaya naman ang pagiging “germaphobe” ay hindi dapat tawaging kaartehan, sapagkat maaaring ang isang tao ay concerned citizen lamang.
ANG MABINIAN AG-TEK ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG DALUBHASAANG MABINI, PANSEKUNDARYANG DEPARTAMENTO l TOMO 2 BLG 2 8
Hindi
Ni: Aldwin Jake Caramoan
LARAWAN MULA SA: businessmirror.com.ph
Pagkakamaling hindi na mauulit Red Phoenix, sinungkit ang kampeonato sa board 2
Nakamit ni Mary Shane Lagrosa mula sa Red Phoenix (HS) ang kampeonato matapos magpaulan ng checkmate sa board 2 sa record na anim na panalo at isang talo sa Chess Women’s Category, Intramurals 2023 na ginanap sa Eco Athletic Field Conference Room nitong ika-27 ng Setyembre, 2023.
Unang round pa lang ay naging mainit na ang labanan ng magkatapat ang dalawang manlalaro sa Red Phoenix na si Shane Lagrosa at si Chelsey Esguerra ngunit dahil lamang sa isang blunder ay nakuhanan ng piyesa si Lagrosa na nagresulta sa pagkatalo nito sa unang round.
Hindi na hinayaan ni Lagrosa na matalo ulit kaya pinigilan na muna nito ang kaniyang mala-blitz na galawan upang isipin ang bawat tira sa ikalawang round at agad namang binawi niya ang kanyang talo matapos bigyan ng masakit na checkmate si Hannah Mercaida ng Blue Ravens (CE) na resulta sa tig-isang panalo at talo.
Hindi Mapigilan HS Red Phoenix pinulbos ang CBAA Yellow Lions
Isang matinding labanan ng tactics sa endgame ang naganap sa ikatlong round kung saan nakalaban ni Lagrosa si Girlie
Ann Tagulabong ng Yellow Lions (CBAA) ngunit dahil sa kakulangan sa oras at piyesa ay nag-resign si Tagulabong na nagresulta sa dalawang panalo at isang talo kay Lagrosa.
Ipinagpatuloy ni Lagrosa ang kanyang dominasyon sa board 2 nang sunod-sunod nitong dinurog sila Arlyn Amoroso ng Green Cerberus (CCE), Princess Maive Rullon ng White Tigers (CNM), Rain Layusa ng Maroon Knights (CCJE) at sa huling round nang makaharap niya si Cyrel Cinco ng Green Cerberus (CCE) na nagresulta ng anim na panalo at isang talo kay Lagrosa.
“Proud ako sa kanila kahit moral support lang at kaunting encouragement” pahayag ng coach sa Red Phoenix na si Jolina Delos Santos.
Red Phoenix, inuwi ang gintong medalya laban sa Maroon Knights, CCJE
Matapos ipamalas ang nagsisiklabang mga forehand, pinatulog ng labindalawang taong gulang na si Glennzel Klein “Teedonn” Deloso mula sa High School Department (Red Phoenix) ang second-year college at dati rin nitong mentor na si Marvin Clark “Migoy” Cereno mula sa College of Criminal Justice Education (CCJE) sa Table Tennis Men’s Singles Championship, Intramurals 2023 sa iskor na 7-11, 11-8, 13-11, 11-4 na ginanap sa PE Lobby, Mabini Colleges nitong ika-28 ng Setyembre, 2023.
“Tuwing nag lalaro po ako nafifeel ko po at lumalakas ang pakiramdam ko na mananalo po” ani Teedonn, mula sa Red Phoenix.
Unang set pa lamang ay agad na nagpakita ng matinding bakbakan ang dalawang departamento gamit ang kanilang matalinong estratehiya sa paglalaro na siyang yumayanig sa isa’t isa ngunit hindi nagpatalo ang Maroon Knights at iniwan sa siyete ang Red Phoenix, 11-7.
Nabigo man sa unang set si Teedonn, hindi pa rin ito pinanghinaan ng loob at mas pinatibay nito ang kanyang depensa laban sa mga malabulalakaw na tirada ni Marvin na siyang naging dahilan upang mabawi ni Teedonn ang unang set.
Lalong uminit ang bakbakan matapos magpalitan ng lumalagablab na tirada ang dalawang manlalaro sa ikalawang set ngunit sa huli ay nanaig ang Red Phoenix na nagpakita ng mahuhusay na placing at halimaw na forehand at nagresulta ng iskor na 11-8.
Nakaukit sa mukha ni Marvin ang panghihinayang matapos nitong mag-error sa mainit na rally nila sa ikatlong set ngunit hindi natinag ang kanyang determinasyong magwagi at hindi nito hinayaang makalayo ang kalaban kaya nagresulta ito ng tie break.
Ginulantang naman ng Red Phoenix ang kalabang departamento matapos nitong magkamit ng puntos dahil sa kanyang lumilikong service ace na siyang naging dahilan ng malakas na palakpakan mula sa kanyang kapwa Red Phoenix at tinuldukan ang tie break sa iskor na 13-11.
Sa huling set ay tila nawala na sa kondisyon ang Maroon Knights at sunod-sunod itong nag-error samantala, hindi nawawala ang determinasyong manalo ng Red Phoenix kung kaya’t naipanalo nito ang kanilang bakbakan sa iskor na 11-4.
“Champion! Champion! Champion!” sigaw ng mga taga suporta ni Glennzel kasama ang kanyang coach na siyang tuwang-tuwa rin sa pagkakamit ng kampeonato ng Red Phoenix.
“Given na siya talaga ang pinakabata, pero bilib ako sa galing niya. Nag pambansa na siya kaya alam kong magagaling na nakalaban nya, nagworry lang ako na baka napag-aralan yung technique niya since yung nakalaban niya sa championship is dati niyang coach/ mentor nung elmentary siya pero sabi nya naman sa akin, ‘Ma’am basa at alam ko po laro nun ni kuya Migoy’ kaya yun kampante man sabi ko nalang is pagfocusan niya yun kasi it’s about strategies din sa laro nila and presence of mind. Over all super happy and so proud hindi lang kay Teedonn, pati sa lahat” pahayag ni Ms. Madeline Solares, coach ng Red Phoenix sa Table Tennis.
Ang tatlong beses na manlalaro sa Palarong Panlalawigan na si Francie Mae Rait ng HS Red Phoenix ay pinakita ang kaniyang bagsik matapos talunin si Margie Gadil ng CBAA Yellow Lions 21-4,21-6, upang maitanghal sa laro ng kampeonato sa ginanap na Mabini Colleges Inc. 99th Founding Anniversary and Intramurals 2023 Women’s Singles Semi-finals noong ika27 ng Setyembre na nangyari sa Mabini Colleges Gym.
Sa simula ng laban ay agad-agad na ipinakita ni Francie ang kaniyang angking talento sa laro matapos pangunahan ng 6-0 run nang pagurin ang kaniyang kalaban sa pamamagitan ng matitinding placing at back line attacks at iniwan na may kaba ang kabilang panig matapos hindi kayaning maipaglapit ang kanilang puntos, 11-3.
Mataas na lebel ng tapang mula sa Red Phoenix, iniwang may kaba ang Yellow Lions, pinagpatuloy nito ang kaniyang init sa laro at inilabas ang kaniyang mga hindi masabay-sabayan na palo na nagresulta sa pagkatalo ni Gadil sa unang set ng laban matapos hindi mapigilan ang 9-0 run ni Francie.
Sa simula ng ikalawang set ay sinalamin ang nangyari sa nauna matapos durugin ni Francie ang kaniyang kalaban bago ang 30-segundong interbal, kaliwa’t kanan na mga palo at sinabayan pa ng mga malilinis na drop shots upang ma ace ang kalahati ng ikalawang set, 11-0.
Walang-awa na pinagpatuloy ni Rait ang kaniyang kadalubhasaan, patuloy na pinapagod ang Leon ng CBAA hindi na mapigilan ang kinatawan ng Red Phoenix matapos ang sunod-sunod nitong puntos gamit ang kaniyang magagandang palo at naisagawang plano matapos pagurin si Margie na naging sanhi sa dominante g pagkawagi ni Francie Mae ng departamento ng HS.
“Masaya, worth it ang pagod sa training,” sabi ni Ms. Rait, “tapos, thank you, Lord!” kaniyang idinagdag.
Kay tagal na nang huli kang masilayan ng mga taong naeengganyo sa iyong ligayang ibinibigay. Araw-araw inaasam ang iyong pagbabalik upang matapos na ang pananabik. Kung kaya’t tanging ligaya ang nadarama nang muling makita ang mga tila ibong sumasayaw sa himpapawid. Matapos ang tatlong taon, heto na ang pinakahihintay ng lahat! Bumalik na ang inaabang-abangan ng mga mag-aaral ng Mabini Colleges, ang Cheerdance Competition.
Nagdagsaan ang mga tao sa Agro Sports Center kung saan gaganapin ang kompetisyon na siyang naging tradisyon na rin ng paaralan sa tuwing sasapit ang kaarawan nito. Nakapalibot ang mga manonood sa isang malawak na espasyo kung saan naroon ang mga mananayaw na ibinuhos ang dugo’t pawis para sa pangyayaring naudlot matapos magkaroon ng pandemiya.
Sa pagsisimula ng tagisan husay sa pagsasayaw, matinding galak na may halong kaba ang madarama. Makikita sa mga mukha at tindig ng mga kalahok ang kumpyansa na bunga ng kanilang matinding pagsisikap. Tagaktak ang pawis sa katawan ng mga kalahok ngunit makikita pa rin ang ngiti sa kabila ng pagkaubos ng kanilang enerhiya. Sa bawat matatayog na hagis, balahibo’y tumitindig kasabay ang makapamaos na hiyawan na binibigay ng mga mag-aaral sa bawat departamentong kanilang sinusuportahan.
Umuwing malagkit ang balat, ubos ang boses ngunit mayroong ngiting nakapinta sa bawat mukha ng mga taong nanggaling sa Agro Sports Center, dala ang masayang ala-alang hatid ng Cheerdance Competition. Hindi sayang ang boses at enerhiya na inilaan para sa malaking pangyayaring ito. Sulit ang tiniis na init at ang tatlong taong paghihintay. Talagang namang kapanapanabik ang Cheerdance Competition ng Mabini Colleges.
Ni: Dorothy Junes G. Parone
Ni: Jeffrey D. Paor
Ni: Ashton Manuel B. Alforque
Ni: Karl Antoni A. Era
Isa na lang, tiwala lang
HS Red Phoenix nalusutan ang CNM White Tigers
Nakatapak sa 1st runner up ang High School (HS) Red Phoenix matapos nitong malagpasan ang College of Nursing and Midwifery (CNM) White Tigers sa Women’s Volleyball, 22-25, 25-19, 16-14, sa gitna ng pagdiriwang ng ika-99 na anibersaryo ng Mabini Colleges at ng MC Sportsfest 2023, na ginanap sa Eco Athletic Field sa bayan ng Daet noong Biyernes, ika-29 ng Sityembre, taong 2023.
Nagsunod-sunod ang faults and errors ng White Tigers sa pangatlong set, ito ay sinabayan ng pagbawi ng Red Phoenix na nagkaroon ng maraming errors sa mga naunang set, na nagresulta sa pagbago ng ihip ng laro at paglipat ng kalamangan sa High School.
“Yung mindset namin dapat nakafocus lang kami sa laro, wala kaming ibang iisipin, yung crowd andyan yan, siyempre lagi ‘man” sagot ni Aleyah Capillo, team captain ng Red Phoenix sa malakasang crowd ng CNM, dagdag pa niya “siyempre yung teamwork namin dapat andun pa rin, focus lang sa laro, tiwala sa sarili tapos sa team, kapag may teamwork nagagawa lahat, tapos tiwala lang talaga”.
Bumangon muli ang Red Phoenix sa pangalawang set mula sa pagkatalo nito sa unang set, nang simulan ito ng mga mapaghiganting atake ni Precious Gasta at winakasan naman ito ng regalo ni Nicole Moya na hindi nadepensahan ng White Tigers, nauwi sa 25-19 na panalo ng High School sa ikalawang set.
Nakahabol nang muli ang Red Phoenix nang magpakawala ng balbadong service si Moya, service ace matapos itong hindi makontra ni Joy Alimorong ng White Tigers, napagdikit nito ang laban sa ikatlong set sa 12-all deadlock, ilang sandali lamang bago tuluyang madagit ng HS ang panalo.
“Ang sinabi ko lang sa kanila, ibalik nila yung dating sila, na maglaro sila sa court nang tama i-apply lang nila yung ginagawa namin sa training and the rest marereward sila panalo sila sa set” panayam ni Mr. Blaise Henry Ilan, coach ng Red Phoenix, “Hindi naming ineexpect, talagang nagulat kami dun sa playing style nila, talagang kinakailangan naming ilabas lahat ng bala namin para lang matalo sila ngayon, so big respect talaga sa kanila” puri niya sa White Tigers.
Humataw dahil ayaw magpa-agaw
HS Red Phoenix Groovers dinomina ang dance floor
Nagtagisan ang mga kalahok ng iba’t ibang departamento ng Mabini Colleges sa kompetisyon ng Dance Sport sa loob ng pagdiriwang ng 99th Foundation Day at Sportsfest 2023 na ginanap sa Agro Sports Center nitong Sabado, September 30, 2023
Tinakawan at nakuha ng Red Phoenix Groovers mula sa departamento ng High School ang unang pwesto sa Latin at Standard category matapos nitong simutin ang mga parangal sa parehong kategorya.
Nagtagisan ang mga kalahok ng Latin category sa mga sayaw na Cha-Cha, Samba, Jive, Rhumba at Pasa doble, at sa Standard category naman ay sa mga sayaw na Slow waltz, Viennese waltz, Quickstep, Foxtrot, at Tango.
Tinalo ng tambalan ni Shuzane Love Rieza at R-Jay Tabalan Paynado ang – pares na katapat nito sa Latin category at nakuha ang pangkalahatang kampyonato rito at ang mga parangal na best in Cha-Cha, Samba, Jive, Rhumba, at Pasa doble, nasundan ito ng pagtapak sa 3rd runner up ng pares nila Eunice Torquator at Eman Ralph Mesa.
Mula naman sa – na pares, nakamit ng pares nila Joanna Gabriel Juguilon at Jermaine Emsly Baraquiel ang mga titulo sa Standard category na best in Slow waltz, Viennese waltz, Quickstep, Foxtrot, at Tango.
Ni:
Chris-J D. Ramos
Ni: Althea Denise R. Delos Reyes
GALAK SA PAG-INDAK. Ipinamalas nina Joanna Gabriel D. Juguilon at Jermaine Emsly T. Baraquiel, kinatawan ng Red Phoenix, ang kanilang angking husay sa paglahok sa patimpalak na Dancesport bilang bahagi ng 99th Founding Anniversary and Intramurals’ Cheerdance and Dancesports Competition sa Agro Sports Center, Magallanes Iraya, Daet, Camarines Norte noong ika-30 ng Setyembre, 2023. Sila ang itinanghal na Overall Champion (Standard Category) at nag-uwi ng Special Awards tulad ng Best in Slow Waltz, Best in Tango, Best in Quickstep, Best in Foxtrot at Best in Vienese Waltz. LARAWAN KUHA NI: John Ivan Daniel L. Pilapil CAPTION NI: Sidney Sheldan M. Denum
Impograpiko ni: Sophia Renaud R. Sacriz