Ang Paham Tomo XI, Blg. 01

Page 1

paham ang

Papel ng Katotohanan. Tinta ng Katapatan.

TOMO XI | BLG. 01

Agosto 2023 - Hunyo 2024

Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LAS PIÑAS

Dibisyon ng Las Piñas, NCR

‘Libreng Wi-Fi’ sa LPSci, tulay sa pagpapaigting ng digitalization

Ginhawa kung ituring ng mga mag-aaral at guro ang pagkakaloob ng H Philippines Control Station Incorporation (HPCS Inc.) ng 26 na Wireless Local Area Network Device (WLAN) sa Las Piñas City National Science High School nitong buwan.

Matapos ang ilang taong paghihintay, magkakaroon na ng libreng internet access ang mga Lapisyano sa pamamagitan ng kolaborasyon ng Barangay Talon Dos na pinamumunuan ni Punong Brgy. Arnold “Jojo” Reyes at ng HPCS Inc. Layon nitong maisulong ang mas mataas na kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng teknolohiya ng DepEd Computerization Program Packages na ipinagkaloob nila sa paaralan.

“Nakakatuwa, kasi I know na [usually] most students [ay] humihingi pa ng extra allowance just for data. So, kung sa bahay man hindi sila makagagawa, at least dito sa school, ‘pag may time sila, pwede sila gumawa,” pagmamalaki ni Yanni Trinidad, mag-aaral mula sa ika-11 baitang. Para naman sa mga kaguruan, oportunidad anila ang inisyatibong ito upang maging mas interaktibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral, kasabay ng pag-usbong ng mga makabagong “learning modalities.”

“Ngayon, pwede na kaming magpapanood [diretso] sa YouTube or ‘yung mga educational websites na mas maa-appreciate at mas mareretain ngayon sa memory ng bata, kasi more on visual na sila eh,” saad ni Gng. Mary Grace Uminga, guro sa ICT ng paaralan. Mahigit 903 estudyante at 71 guro ang makikinabang sa Wi-Fi installation na ito, na siyang magsisilbing tulong sa pagpapaigting ng Online Resource Integrated Learning System, alinsunod sa DepEd Digital Education 2028 National Program.

Banta sa kabuhayan dulot ng Manila Bay Reclamation pinangangambahan ng mga mananahong ng Bernabe

“Ang dagat ay para sa isda, hindi para sa mga building.”

Ito ang bwelta ni Aling Nene (tumangging magpakilala), isang mananahong sa Bernabe Market Las Piñas, kasunod ng naiulat na pagpapatuloy sa reklamasyon ng Manila Bay nitong Marso.

Kaugnay ito ng pagbibigay ng gosignal ni Philippine Reclamation Authority Assistant

“Huwag nang magtambak kasi kawawa naman ang mga mangingisda at residente,” giit ni Aling Nene.

PAGKITIL SA KABUHAYAN

Ayon kay Aling Nene, ngayon pa lamang ay dama na nila ang epekto ng pagtatambak ng lupa sa kahabaan ng Manila Bay. Kabilang dito ang pagtumal ng ani ng tahong, pagtaas ng presyo ng benta, at pag-atras ng ilang mga mananahong sa Bernabe.

ng Las Piñas - Pulanglupa Uno (TUMALAS) Vice President Danilo Perez.

Sinegundahan naman ito ng mga mananahong na itinuturo itong dahilan sa bahagyang pagsadsad sa bilang ng mga tindero ng tahong.

“Tumumal lang ang bagsak ng suplay ng tahong, kaya may mga nawalan ng interes na magtinda,” hayag pa ni Aling Nene.

AKSYON NG SAMAHAN

anong anyo ng tulong ang mga apektadong residente at maglalako mula sa gobyerno sa kabila ng matagal na nilang dinadaing na epekto nito sa kanilang kabuhayan at kalikasan.

“Wala nang kapit ngayon ang mga tahong. Kung dati tila kamias ito na namumutiktik, ngayon ay wala na… walang kapit,” daing ni Tulungan ng mga Mangingisda

School calendar mas pinaaga ng DepEd

Dagdag suporta sa mag-aaral,

“Sana marinig ‘yung feedback ng students; ano pa yung kailangan nila for a smoother implementation ng gradual calendar shift.”

Ito ang mungkahi ni Las Piñas City National Science High School Senior High School Coordinator Marjorie A. Nariz sa isang panayam nitong Martes, kasunod ng pagkasa ng Department of Education sa “dahan-dahang” pagbalik sa lumang academic calendar bilang tugon sa init na nararanasan ng mga estudyante. Bagama’t sang-ayon sa naturang mosyon, humirit ang guro na pagtuunan din ng pansin ang pangangailangan ng mga guro para sa mas maayos na implementasyon ng “biglaang” pagpapaikli sa kasalukuyang taong panuruan.

makapigil sa kanila],” dagdag pa ni

guro

hirit ng SHS Coordinator

“Since sa gitna siya ng school year ginawa, hindi kami ganoon ka-prepared for the gradual shift,” giit ng guro.

Ipinunto rin ni Nariz na dapat matugunan ang dati pang mga suliranin sa klasrum tulad ng kakulangan sa probisyon ng mga learning materials upang mas masiguro ang dekalidad na edukasyon kasabay ng pagbabagong ito.

“Mas maganda lang kung mai-provide pa rin ‘yung ibang materials na kailangan ng mga estudyante at mga dati pa nating hinihingi. Kasi sa pagsunod, ‘di naman mahirap ‘yun. Ang

kailangan lang is yung iba pa nating needs, maaddress din,” ani Nariz.

Gayunpaman, tiniyak pa rin ng tagapag-ugnay na sisiguraduhin nilang maituturo ang lahat ng mahahalagang bahagi ng mga aralin, sa kabila ng pagbabagong ito.

“Isa sa mga kailangan kong gawin is I need to speed up (lectures) and focus sa mas importanteng matutunan ng mga students para makasabay sa schedule ng adjustment. Siguro macocompensate lang yung time pero we will make sure na all competencies will be covered pa rin,” saad ni Nariz.

15
Nene. 20 108 mangingisda ang maapektuhan 30-50 GALON NG TAHONG ang naani ng mga mananahong bawat araw mula sa dating 200 galon bago ang reklamasyon sa Manila Bay noong 2020 BANTAY NUMERO Dagan ng huwad na kalupaan Sa gitna ng patuloy na operasyon ng reklamasyon sa Manila Bay, matinding pag-aray ang umaalingawngaw sa bawat bira ng mga mangingisda at mananahong sa Bernabe, Pulang Lupa Uno sa lungsod ng Las Piñas. Kahit na matatandaang sinuspinde ng kasalukuyang administrasyon ang mga operasyong pagtatambak ng lupa sa nasabing look, ramdam pa rin ng mga Las Piñero ang nakasusuklam na epekto nito sa kanilang kabuhayan. Saan na lang sila pupulutin kung ang tahanang itinuturing nila ay siyang lugar kung saan maghihikapos din sila dulot ng dagan ng huwad na kalupaan? Basahin ang buong ulat ukol sa hamong kinakaharap ngayon ng mga taga-Bernabe gayundin ang kanilang panawagan. opinyon | 6 Pekeng Impormasyon mula sa Makabagong Inobasyon LIPUNAN JAMES CAPONPON, JEROME CAPONPON, AT LEORISSE STO. TOMAS PAARALAN
SOLSONA
TRISHA JERAFUSCO PAARALAN YSABELLA CAMUS ipagpatuloy sa pahina 2 Likha ni Denise De Vera TAMPOK SA ANG PAHAM PAKPAK NG PAG-ASA ISPORTS Lapiscian figure skater, humakot ng medalya sa Skates Bangkok 2023 10 ALAB NG ALAALA LATHALAIN Pulang Bahid sa Laso na Dilaw INOBASYONG MAPAMINSALA AGHAM
Aling
ABBY
AT

balita

23 NCR Universities, lumahok sa Career Day 2024

Pangarap. Posibilidad. Pag-asa.

Ganito inilarawan ni Bb. Aprilyn Miranda, guidance counselor ng Las Piñas City National Science High School, ang oportunidad na handog ng 23 unibersidad na nakiisa sa Career Day 2024 noong Disyembre 13, 2023 sa Disaster Risk Reduction and Management Building, Las Piñas City.

Dumalo ang ilang mga pamantasan mula sa NCR tulad ng National University, University of the East, at Adamson University, upang ibida ang mga programa at kurikulum na kanikanilang ipinagkakaloob sa kolehiyo.

Sa kaniyang talumpati, idiniin ni Miranda ang adhikain ng Guidance Office na pandayin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa ika-12 baitang sa iba’t ibang mga larangan na maaari nilang tahakin sa hinaharap, at gabayan sila tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

“Kahit ngayon, marami pa ring undecided [sa kanilang career] kaya ito ang way natin para [gabayan sila] sa kanilang kinabukasan.”

- Bb. Aprilyn Miranda

Dagdag pa niya, ito rin ang paraan nila upang suportahan ang Kagawaran ng Edukasyon sa kanilang layon na makabuo ng mga kabataan na handang humarap sa hamon ng trabaho.

“This is in support of the MATATAG Agenda of making the curriculum relevant to produce competent, job-ready, active and responsible citizens… by strengthening the academic, social, emotional, and career development of students,” hayag ng guro.

Kaugnay nito, ang programang ito ay inilunsad alinsunod sa DepEd Career Guidance Program for School Year 2023-2024, sa bisa ng DepEd Memo 2023-03-8149.

LIPUNAN

Banta sa kabuhayan

dulot ng Manila Bay Reclamation pinangangambahan ng mga mananahong ng Bernabe

JAMES CAPONPON

JEROME CAPONPON

LEORISSE STO. TOMAS

SIGAW NG MGA RESIDENTE NG BERNABE

Nakababahala. Nakaaantala. Nakapipinsala. Kabi-kabilang hinaing ang natanggap ng Barangay Pulanglupa Uno matapos umabot hanggang baywang ang pagbaha bunsod ng patuloy na reklamasyon.

“[Kapag] tuloy ang reklamasyon, apektado ang Las Piñas kasi tumaas yung tubig, babahain kami ‘pag nag-overflow… wala nang daan para mailabas [‘yung tubig],” paliwanag ng bise presidente.

Kamakailan, nagpahayag din ng pagkabahala si Senadora Cynthia Villar sakaling umapaw ang apat na ilog sa Las Piñas.

“‘Pag itinuloy po ang reclamation in our part of Manila Bay, wala pong lalabasan ‘yung tubig ng ating apat na river at prinedict na po na babahain kami ng six to eight meters. Ang six meters po is three-story building,” paglalahad ni Villar.

Bilang tugon, iminungkahi ng mga residente ang paglalagay ng pumping station sa barangay. Ito ang hihigop pababa sa tubig upang maibsan ang pagbaha.

BANTA SA KARAPATAN

Sen. Villar vs Cha-Cha: ‘Filipinos should vote for their President’
JAMES CAPONPON

Itinuturo ni Senator Cynthia Villar na balakid sa karapatan ng mamamayang Pilipino ang isinusulong na hakbang sa pagamyenda ng saligang batas, mas kilala sa katawagang Charter Change (Cha-cha).

Sa idinaos na pagpasinaya sa bagong covered court sa Las Piñas City National Science High School nitong ika-7 ng Marso, kwinestiyon ng senadora sa harap ng mga mag-aaral ang pagtatangka ng mga politiko na mapalitan ang sistema ng gobyerno sa bansa sakaling maging matagumpay ang pagrerepaso ng konstitusyon.

“Tama ba yon? Hindi na tayo mabibigyan ng right to vote for our President? Mga senador na

BANSA

lamang ang boboto para mahalal sila,” giit niya.

Sa bisa kasi ng panukalang ito, maaaring mapahaba ang termino ng mga nahalal na kawani ng gobyerno at ang paghalal sa Pangulo, na siyang kaniyang ikinadismaya.

“Gusto ng speaker natin na maging head ng Pilipinas in the next generation. They want to change from presidential form of government to parliamentary form of government kaya nila gustong mangyari iyon,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, nanindigan si Villar na wala siyang nakitang dahilan upang rebisahin ang 1987

Constitution kung ito ay para lamang sa

SIGAW NI TITSER

Panawagan ng mga guro sa DepEd: Huwag puro pangako

Pangakong napapako.

Ganito inilarawan nina alias Luzviminda Reyes at Susan Santos (tumangging magpakilala), mga guro sa Mababang Paaralan ng Moonwalk, ang mga plano ng Department of Education (DepEd) matapos ang pahayag ni DepEd Deputy Spokesperson Assistant Secretary Francis Bringas nitong Biyernes na kanilang pagaaralan muna ang panukalang dagdag sahod ng mga guro.

Nitong Miyerkules, inihain nina Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, at ACT Teachers Rep. France Castro sa kamara ang panawagang itaas ang sahod ng mga guro sa 50,000 piso.

Naghayag na rin ng suporta sa nasabing panawagan ang mga kaguruan sa bansa gayong hindi raw nabibigyang-katwiran ng kanilang kasalukuyang sinasahod ang dami ng trabahong nakabinbin sakanila.

“Hindi talaga enough dahil sa totoo lang ay napakarami ng dapat naming gawin bilang guro. Kasama pa ‘yung mga tasks na ginagawa namin

sa bahay kahit pa early out kami,” saad ni Ma. Cristina Simpao, guro sa Mababang Paaralan ng CAA.

Idiniin naman ni Asec. Bringas na hindi tumutol ang DepEd sa isinusulong ng mga mambabatas.

pagluwag ng ekonomiya dahil maaari naman itong idaan sa pamamagitan ng mga batas tulad umano ng amiyenda sa Public Services Act na kasalukuyang nakabinbin sa Korte Suprema.

Sa huli, hinimok niya ang mga Lapisyano na ‘wag purmima sa “People’s Intiative” dahil ito ay para rin umano sa kapakanan ng mga Pilipino.

Gayunpaman, kinakailangan munang pag-aralan ito gayong marami pang dapat paglaanan ng budget ang kagawaran.

“Hindi naman tayo nag-ooppose na magkaroon ng increase ang mga teacher sa salary nila, it’s just that ano ‘yung appropriate amount na i-iincrease natin,” aniya.

Daing pa ni Luzviminda “thank you-thank you lang” lamang umano ang natatanggap nila mula sa DepEd sa kabila ng bigat ng gawaing binibigay sa kanila.

Dagdag pa rito, hindi umano sila nakatatanggap ng benepisyo para sa overtime at kulang ang mga kagamitang binibigay sa kanila sa isang taon.

LIPUNAN

Ito ay sa kabila ng mga pangako ng DepEd na kanilang mas bibigyang-halaga ang kalagayan ng mga guro.

Depensa naman ng DepEd, suportado nila ang mga panukala na isulong ang dagdag benepisyo para sa mga guro.

“Ang ating administration ay never nag-oppose sa mga benefits... In fact, we are advocating for that at lahat ng mga bills na nakabinbin sa senado at Congress, we are always submitting our position paper,” panawagan niya.

Samantala, hiling din ng DepEd sa World Bank na huwag gaanong magtagal ang pag-aaral sa dagdag sahod ng mga guro upang umabot ito sa deliberasyon ng Kongreso.

Brgy. Talon Dos umaksyon sa magkasunod na aksidente sa LPSci

Inilatag ng pamunuan ng Talon Dos ang iba’t ibang aksyon upang mas mapaigting ang kaligtasan sa kalsada ng mga mag-aaral bilang tugon sa pangamba ng aksidente sa tapat ng Las Piñas City National Science High School. Ito ay matapos masangkot ang dalawang magaaral mula sa ika-pitong baitang ng paaralan sa magkasunod na aksidente sa tapat nitong kalsada noong nakaraang taon.

Sa isang panayam noong ika-siyam ng Marso, inihayag ni Barangay Talon Dos Administrator Crispin Dela Cruz na umarangkada na ang mga plano at hakbang ng Talon Dos Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) upang maagapan ang ganitong mga insidente.

“You are experiencing it already; you are now able to observe the things we are doing: paglalagay ng humps, traffic signs, announcements, trabaho para makaiwas sa aksidente at mga advocacy din,” saad ng Talon Dos Administrator.

Isa rin aniya sa mga pangunahing aksyon ng barangay ang paglimita ng mga konstruksyon sa kalsada sa lugar dahil, ayon kay Dela Cruz, ito ay nagdudulot ng matinding trapik at gitgitan ng mga sasakyan, na kadalasang nauuwi sa aksidente.

“Kapag hindi napapansin ang road

constructions, nagkakaroon ng aksidente. ‘Yon ang unang tinatanggal natin: mawala ang mga construction along the road,” ani Dela Cruz. Upang mapanatili ang mga nasimulang hakbang, hinihikayat ng Barangay Talon Dos ang partisipasyon ng mga kabataan sa mga umiiral na patakaran sa kalsada.

“There are existing laws, pero sumusunod ba tayo? Kailangan mag-ingat ka, use pedestrian lanes, walk on the sidewalks, and slow down,” giit ni Dela Cruz.

Sa huli, pinaalalahanan din niya ang mga mag-aaral na maging maingat sa pagtawid sa nasabing lugar.

paham
BANSA
REHIYON
YSABELLA CAMUS AT ELLESHA SANTILLAN PAGPAPASA NG CHA-CHA BANTAY NUMERO 183 sa 197 na estudyante ang hindi sang-ayon 2 - SANG-AYON 12 - NEUTRAL
LEORISSE STO. TOMAS
SUPER GURO.
Bagama’t Sabado, matiyagang naghihintay sina Luzviminda Reyes (sa kaliwa) at Susan Santos (sa kanan) sa kanilang mga estudyante sa Division Schools Press Conference 2024 sa Las Piñas Elementary School- Central. KuhaniDARLAGUERRERO

PAG-ASA SA PAGBASA

‘Catch-up

EKONOMIYA

IInilunsad ng Department of Education (DepEd) ngayong Enero ang “Catch-Up Fridays” upang tuldukan ang kabi-kabilang tala ng mababang proficiency levels ng mga mag-aaral na Pilipino sa pagbasa, agham, at

“These assessment results necessitate prompt attention to address learning gaps and strengthen the reading proficiency of every learner,” saad sa Deped Memorandum No. 001

Bibigyang-pokus ng programang ito ang pagpapatibay sa pagpapahalaga, kalusugan, at kapayapaan, alinsunod sa MATATAG Agenda.

remains a pervasive problem in public schools… while Health Education demands stronger advocacy to ensure the overall health and wellbeing of learners,” alinsunod sa memo.

Samantala, nilinaw ng DepEd na hindi kasama sa markahan ang mga aktibidad sa ilalim ng CatchUp Friday. Ito ay upang masiguro na matututukan ang indibidwal na pagkatuto ng bawat mag-aaral.

Gayunpaman, dagdag trabaho na maituturing ng mga mag-aaral ang Catch-Up Fridays.

“Nawawalan na ng oras para sa iba pang importanteng gawain sa ibang subjects,” ani isang mag-aaral ng Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS).

Lapiscians, kinatigan ang mosyong ‘global boycott’ vs Israel

Inihayag ng 80% na mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas ang kanilang pagkondena gamit ang kanilang kapangyarihan sa pagbili, na piniling i-boycott ang mga produkto at serbisyo na sumusuporta sa Israel, batay sa isinagawang sarbey ng Ang Paham nitong ika-14 ng Marso. Nagresulta sa isang matinding pagkubkob sa Gaza ang paglusob ng Hamas sa Israel noong Oktubre 7, 2023 na nagtulak sa pagsigla ng kilusang Boycott, Divestment and Sanctions (BDS) upang hikayatin ang isang ceasefire, at tulungan ang mga Palestinian.

Ayon kay Supreme Student Learner Government President (SSLG) Joshua Santos, hindi makatarungan ang pagsalakay sa mga buhay at ang pagbili ng mga produkto mula sa mga gumagawa nito ay hindi makatarungan.

“The urgency for Peace Education is a prompt response to the 2022 Program for International Students Assessment (PISA) results which reveal that bullying

Ayon naman kay Johanna Carvajal, Faculty President ng LPCNSHS, bagamat sapat na ang husay sa pagbabasa at pagsusulat ng mga Lapisyano, nakatutulong pa rin ang naturang programa sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga mag-aaral.

Sa kabilang banda, panawagan naman niya ang paghahandog ng mga materyales para sa mga guro upang ganap na maipatupad ang mga tuntunin.

Tiniyak naman ng DepEd na patuloy nilang pagbubutihin ang implementasyon ng programa sa pamamagitan ng pagkalap ng mga suhestiyon.

Lapiscians umaaray sa presyo ng mga bilihin

sa kantina

Canteen Staff sa epekto ng implasyon: ‘Apektado rin kami’

nuudyok ng Canteen Manager ng Las Piñas City National Science High School na si Gng. Antonia Beri ang mga mag-aaral ng kanilang paaralan na lawakan ang kanilang pang-unawa sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa school Canteen.

Sa isang panayam, ibinunyag ni Beri na dulot ng implasyon sa bansa ay hindi naging madali sa kaniya ang pangangasiwa ng kantina bilang bagong talagang manager nito makaraan ang pandemya.

“Malaking challenge talaga sa’min yung inflation. Nung nagsimula ako [matapos ang pandemya], nag-back to zero talaga kami. Nanghiram muna kami, pinalago, hangga’t sa mabayaran na namin,” paglalahad niya.

Samantala, dinepenshan naman ni Beri ang

Tumaas ng 4-10 PISO ang bilihin sa canteen noong 2024 kumpara noong 2020. SILID-ARALAN,

“mataas” na presyo ng mga pagkain sa kantina. Aniya, hindi daw ito maiiwasan dahil buong bansa ang nakararanas sa suliraning dulot ng implasyon.

“Madalas marinig sa mga estudyante na masakit sa bulsa yung presyuhan namin. Pero kung icocompare mo sa labas, same lang naman [ang presyo], walang pinagkaiba,” saad ng guro.

Sinegunduhan naman ito ni Lelibeth Gapol, kapwa niyang staff sa kantina, na nanindigang tama lamang ang patong sa presyo sa mga tinda upang sila ay magkasahod.

“Mataas yung presyo dahil sa inflation, tataas talaga yung patong [sa presyo]. Hindi naman puwedeng wala kaming tubo dahil syempre

54.5% hindi nasisiyahan

doon kukuhain ang sahod namin,” hayag niya. Sa kabilang banda, kasabay ng paglobo ng presyo ng mga pagkain sa kantina ay patuloy na tumataas ang bilang ng mga Lapisyanong bumibili sa mga food delivery apps tulad ng Grab at Food Panda, bagay na ikinalulungkot ng mga nagtitinda sa kantina.

“Marami kasi nagpapadeliver sa labas, kaya walang pumapansin [sa mga tinda]. Ang tendency, limitado lang ang ihahanda namin, tapos wala pang hapon, ubos na yung tinda,” giit ni Gapol.

Bunsod nito, nananawagan ang mga staff ng school canteen na tangkilikin ang sariling produkto ng paaralan sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga tinitinda rito dahil ang porsyento ng kita nito

38.6% neutral

6.9%

“When it comes to boycott, what we are trying to do is to open the minds of the Israel people na hindi tama ‘yung ginagawa nila—so ‘yung sa hindi natin pag-support sa mga company na nagfu-fund sa hindi tamang paggawa, is a sign na we can’t turn a blind eye sa malaking consequences ng actions nila,” giit ni Santos. Kaugnay nito, may ilang mag-aaral din na nanindigan bilang walang pinapanigan sa laganap na isyu dahil nauunawaan nila kung saan nanggagaling ang mga hindi nagsasagawa ng pag-boycott sa mga kilalang negosyo at korporasyon.

“Usually kasi ‘yung mga pag-boycott ng brands and big corporations, sila ‘yung mga mura or low value rin. Kahit na ine-encourage ‘yung mass boycott, ‘yung iba hindi maiwasan kasi they provide affordable means. Kaya gets ko where they are coming from,” saad ng mag-aaral sa ika-12 baitang na si Miguel Dabu.

Sa huli, ipinaalala muli ng SSLG president sa mga Lapiscians ang kahalagahan ng kritikal na pag-iisip sa mga isyu upang magkaroon ng kamalayan sa mga pangyayari, at itaas ang mga boses at kaisipan sa mga kasalukuyang isyu at

“Batid ko ang kahalagahan nito upang mas matugunan ang pangangailangang pangedukasyon ng mga minamahal kong mag-aaral ng Las Piñas.”

Kinatigan ni Las Piñas City Mayor Hon. Imelda T. Aguilar ang isinusulong na One NCR

Stronger Together: 3-Year Development Plan ng Department of Education National Capital Region sa isang paskil na bidyo ng DepEd Tayo Las Piñas sa kanilang Facebook page noong ika-2 ng Pebrero.

Ang naturang proyekto ng DepEd NCR ay naglalayong maibigay ang limang pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral sa susunod na tatlong taon bilang paraan ng pagpapabuti sa kanilang pagkatuto, saad ni Regional Director Joyce D.R. Andaya.

Kabilang sa mga pangangailangan na ito ay ang pagpapanatili ng school-age children

sa paaralan, pagpapabuti sa mga batayang kakayahan ng mga mag-aaral, pagpapalakas ng kakayahan ng mga guro at punong guro, pagbuo ng learner-centered na kapaligiran sa paaralan, at ang pagpapalakas ng mabuting pamamahala.

Hayag ng alkalde, ang hakbang na ito ay tanda ng dedikasyon ng mga kawani ng edukasyon sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon na kailangan ng mga mag-aaral.

“Nais kong iparating ang aking pagpapahalaga sa mga guro, principals, at mga opisyal ng Schools Divisions Office, dahil sila ang instrumento sa paghahatid ng maayos na edukasyon sa

mga kabataan,” hayag ni Aguilar. Naninindigan din siya na ang programang ito ay magiging tulay sa mas maayos na pamamahala sa National Capital Region upang malutas ang mga suliraning kinahaharap ngayon ng rehiyon sa sektor ng edukasyon.

Naniniwala ako na bilang kapwa niyo

guro ay maisasakatuparan ninyo ang aking hangarin sa mga kabataan na mabigyan sila ng legal na edukasyon na magagamit nila sa pagpapabuti ng kanilang kinabukasan,”

- Hon. Mayor Imelda Aguilar

Samantala, ipinamalas ng buong Schools Division Office of Las Piñas ang kanilang pagsuporta sa 3-Year Development Plan sa pamamagitan ng pagdalo sa opisyal na pagpapasinaya nito noong ika-2 ng Pebrero sa Government Service Insurance Systems Theater sa lungsod ng Pasay.

balita 3 ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LAS PIÑAS paham ang
DAIGDIG
‘3 Year Development Plan’ ng NCR aprub kay LP Mayor Aguilar
PAARALAN REHIYON
STO. TOMAS
ORAY BOSES NG KABATAAN
Fridays’ sagot sa mababang reading proficiency ng mga Pinoy – DepEd
LEORISSE
SHAYNE
CAMUS
NAOMI JAMES CAPONPON
PRESYO NG BILIHIN SA CANTEEN nasisiyahan
PUNDASYON NG KAALAMAN. Patuloy na nagaganap ang Catch-Up Friday sa LPSci kada Biyernes upang mas mapahasa ng mga Lapisyano ang kanilang galing sa pagbabasa. KuhaniJODIEPURIFICACION.
SA IMPLASYON. Umaasa si Helen Dela Cruz na suportahan ng mga Lapisyano ang kantina sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kuhani JODIEPURIFICACION.
HAMON
MulasaDivisionof LasPiñasCity.

71

Las Piñas LGU

suportado ang Women’s Month Libreng HPV vaccine, handog sa mga batang

Las Piñera vs cervical cancer

Nakakapangalaga, akatitipid, akagiginhawa

Mistulang biyayang handog sa mga batang

Las Piñero ang pamamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas ng Human Papilloma Virus (HPV) vaccine nitong Marso 13 hanggang 16 sa mga bababeng edad 9 hanggang 14 bilang pangontra sa Cervical Cancer.

Layunin ng proyektong ito na palalimin ang kamalayan ng mga batang babae sa usaping pangkalusugan at mapangalagaan ang mga ito laban sa Cervical Cancer sapagkat ang nasabing sakit ay kadalasang napapansin lamang kapag malubha na ang sintomas.

“Gusto natin mapangalagaan ang kababaihan kasi kahit sino pwede magkaroon ng cervical cancer kahit healthy ka at ang bakunang ito is to prevent na magkaroon ng Cervical Cancer kasi usually ang HPV, iyon ang nagiging sanhi ng Cervical Cancer,” paliwanag ni Justine Hernandez, Adolescent Health and Developemnt Program Medical Coordinator ng Las Piñas.

Batay sa datos, pumapangalawa ang cervix sa pinakasanhi ng cancer sa mga Pinay na kumikitil ng 4,098 na buhay sa 7,190 na naitatalang kaso kada taon.

Nababahala ang mga kababaihan dahil 9 sa 10 batang babae ang nakakalaam sa konteksto ng Cervical Cancer ngunit 2 lang sa mga ito ang may kamalayan na mayroong bakuna kontra sa nasabing sakit.

“Cervical Cancer kasi isa iyan sa mga unang may vaccines. Since available naman na, i-grab na ng mga kababaihan kasi mas safe na makapag-full dose para mabawasan ‘yung risk ng that kind of cancer. Mahal talaga ‘yan at ngayong libre na, malaking tulong sa mga bata kasi nakatitipid,” paghihimok ni Gng. Charisma Ferrer, guro mula sa Las Piñas City National Science High School na naturukan na ng HPV.

Samantala, binigyang diin ni Hernandez ang halaga ng pakikisangkot ng mga kabataang babae sa pagbabakuna sa murang edad pa lamang.

“Syempre main goal ng bakuna ay maprotektahan ang eligible population from cervical cancer ngunit ngayon ay sa kabataan pa lamang ina-administer dahil mas mabisa ito sa mga kabataang walang sexual experience,” ani Hernandez.

kaso ng sunog ang naitala sa Las Piñas mula Enero hanggang Marso 2024

KASANGGA SA KALIGTASAN

LP Fire Marshal: Kamalayan ng kabataan sa ‘fire response’ tugon sa kakulangan ng kawani sa BFP

“Kulang kami sa tao kaya mahalaga talaga ang awareness ng ating kabataan kasi kung handa sila sa pag-apula ng sunog, mas magaan ang trabaho at iyon ang magco-compliment sa kakulangan namin,” panawagan ni Isidro.

Tinitingnan ni Fire Superintendent Melchor B. Isidro, City Fire Marshal ng Las Piñas City, bilang “kritikal na pangangailangan” ang kamalayan ng mga estudyante upang matugunan ang sunodsunod na kaso ng sunog sa lungsod.

Dahil dito, pinaalalahanan ng city fire marshal ang mga residente, lalo na ang mga kabataan, na palawigin ang kanilang kamalayan upang hindi mauwi sa malalang pinsala at pagkasawi sa sunog.

“Hindi natin alam kung kailan darating ang sunog kaya iba ang may alam kasi posible pang maagapan ang sunog para maiwasan ang may masawi. Target talaga naming mamulat ang kabataan sa murang edad para hanggang pagtanda ay dala-dala nila iyan,” hayag ni Isidro.

OPLAN LIGTAS PAMAYANAN

Bagama’t matagal nang suliranin ang

kakulangan ng mga tauhan sa Bureau of Fire Protection (BFP), tiniyak ng ahensya na maaaring mapalawak sa komunidad ang kamalayan sa pamamagitan ng mga fire drills, fire safety seminars, at social media.

Karagdagan, ibinida ng fire city marshal ang proyekto ng BFP na “Oplan Ligtas na Pamayanan” (OLP) kung saan layunin nito na maturuan ang iba’t ibang komunidad sa Las Piñas lalo na ang mga “depressed areas” na siyang pinakanangangapa sakaling magkakaroon ng sunog.

“Dahil sa OLP, natuturo iyong mga bagay na kailangan matutuhan ng mga tao at naabot ang mga kasuluksulukan gaya ng mga barangay, malls, schools; especially depressed areas kasi sila ang madalas masunugan. Sila kasi ang madalas ng gumagawa ng bawal dahil ‘di nila alam na mali ang ginagawa nila,” pagtitibay ni Isidro.

Karagdagan, inaasahan ng BFP na ang mga ganitong klase ng proyekto ay hindi matatapos

Kakulangan sa klasrum daing ng ALS teacher

“Napapansin ko kasi na ‘yung mga bata na ‘to is sila na nga ‘yung hindi masyadong nabibigyan ng priority and nabibigyan ng opportunity tapos pagdating pa dito is, parang gano’n din ‘yung treatment.”

Ipinanawagan ni Alternative Learning System (ALS) Teacher Daryl Rama ang tamang pagpaplano, pamamahala, at paglalaan ng pondo para sa kanyang mga estudyante upang masolusyunan ang kakulangan ng pasilidad sa paaralan para sa kanila.

Ilang taon nang suliranin ng ALS ang kawalan ng ganap na silid-aralan sa Las Piñas City National Science High School na nagresulta sa panghihiram ng Learning Resource Center (LRC) ng paaralan bilang kanilang kasalukuyang klasrum.

“Noong na-hire ako ng 2019, wala pa kaming classroom kaya nanghiram muna kami sa Talon Dos Campus. Last year naman, do’n kami nagkaklase sa study area kung saan nakakaaffect sa learning capacity ng mga estudyante sa ingay ng kalsada.” - ALS Teacher Daryl Rama

Karagdagan, ibinahagi naman ni Shawn Vergel Famador, isa sa mga mag-aaral, na naapektuhan ang kanilang pagkatuto sa maya’t mayang paglipat ng silid-aralan.

“Naapektuhan po [kami], kasi minsan po during lessons, saka po kami sinasabihan na kailangan po namin lumipat ng classroom [dahil may event], so ‘yung schedule is hindi po nasusunod tapos nawawala po kami sa focus,” pagsasalaysay niya.

Nabanggit din ni Rama ang kakulangan ng espasyo para sa kanilang learning materials na hindi nila nagagamit sa oras na kanilang kailangan.

“‘Yung mga books kasi na meron tayo sa LRC, not intended for the ALS learners; iba’t iba sila ng pangangailangan na dapat maintindihan. Yung learning materials na suited for them, nasa auditorium lang, hindi nagagamit kasi andito [LRC] kami. Gayunpaman, iginiit ng guro na ang mga pangarap ng kanyang mga mag-aaral ang kanyang dinadalang inspirasyon upang patuloy na makapaghatid-aral sa kanyang mga estudyante sa kabila ng mga kinahaharap na balakid sa pagkatuto.

sa Fire Prevention Month dahil hindi umano natatapos ang bantang hatid ng sunog sa buwan ng Marso.

TUGON NG MAMAMAYAN

Pagdidiin ni Isidro, nahihirapan ang mga kawani ng BFP na rumesponde sapagkat tinatayang nasa 122 tauhan lamang ang bumubuo sa ahensya kumpara sa 13,000 na establisyamento ng lungsod.

“Seminar? Lagi namin ginagawa iyan. Hirap lang talaga kami mag-gather ng tao, iyon ang challenge namin. Nalalaman lang nila ang kahalagahan ng kamalayan sa sunog kapag naranasan na nila,” giit ng fire marshal.

Gayunpaman, hinimok ni Isidro ang mga Las Piñero na makilahok at seryosohin ang mga isinasagawang fire drill at seminar ng BFP sapagkat buhay umano ang nakataya sa bawat sunog na naitatala.

“Mahalaga na i-apply ang mga tinuro sa kanila kasi kung hindi sila magrerespond, balewala kahit anong impart namin,” giit ni Isidro.

PAARALAN

Naalarma ang Girl Scouts of the Philippines (GSP) sa patuloy na pagtaas ng naitatalang mga mag-aaral na nahuhuli sa pagpasok sa klase.

Ayon sa kanilang ulat sa Guidance Office, mahigit 70 mag-aaral sa ika-12 baitang ng paaralan ang nahuhuli bawat linggo.

Bilang responsable sa pagtatala ng mga nahuhuli sa klase, binigyang diin ni Ella Jean Salcedo, senior scout ng GSP sa Las Piñas City National Science High School, na kung hindi matanggal sa sistema ng mga mag-aaral ang pagiging huli sa klase ay magiging isang siklo lamang ito na hindi na matatapos.

“Sa tuwing nala-late ang mga lapiscians, maiisip na rin ng iba na ayos lang ma-late lalo pa’t walang binibigay na karampatang parusa, magiging domino effect na lang ito at masasanay ang lahat na ma-late.” paliwanag ni Salcedo.

Sa isang hiwalay na panayam, inihayag naman ni Faculty President Johanna Carvajal ang kaniyang pagkadismaya sa mga Lapiscians dahil patapos na ang taong panuruan ngunit hindi pa rin ito nagagawan ng paraan.

“Ilang beses na naming inunawa ‘yung iba’t

ibang mga rason kung bakit nala-late ang mga estudyante. Pero hindi dapat masanay ang mga Lapiscans dahil madadala nila ito paglabas sa school, sa kanilang trabaho,” katwiran ng guro.

Samantala, nabanggit din niya sa panayam ang kaso ng mga Lapisyanong tumatambay sa malapit na convenience store sa paaralan upang hindi mapasama sa mga nalilista ng GSP na nahuli sa flag ceremony, bagay na hindi anila palalampasin.

“Tinitingnan na namin ‘yung pagdedeploy ng girl scout doon sa convenience store para masigurado na patas lamang yun sa mga naabutang late ng GSP. Sisiguraduhin natin na dapat lahat a-attend ng flag ceremony sa umaga, late man o hindi,” ani Carvajal.

Upang matugunan ang suliraning ito, mas naghigpit ang Guidance Office sa kaso ng mga nahuhuli sa klase, kung saan ang tatlong magkakasunod na kaso ay inituturing ng pagliban sa klase at sapat na dahilan upang ipatawag ang mga magulang ng nahuling estudyante.

4 balita paham ang ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LAS PIÑAS LIPUNAN
KALUSUGAN
GSP dismayado sa paglobo ng late cases sa LPSci
JEROME CAPONPON
LIGTAS ANG MAY ALAM. Walang tigil ang pagsasagawa ng BFP ng fire drills sa mga kabataan bilang tugon sa paglobo ng mga kaso sa sunog sa lungsod ng Las Piñas. MulasaPHILIPPINENATIONAL AGENCY(PNA)|AVITOC.DALAN. JAMES CAPONPON
PAARALAN
BANTAY NUMERO 28 mag-aaral ang nakapagpatala sa ALS sa taong panuruang 2023-2024 MAHULI AY ‘DI BIRO. Binibigyang-diin ni Ella Jean Salcedo, isang Senior Scout ng Girls Scout of the Philippines, ang kanyang saloobin tungkol sa mga Lapisyanong nahuhuli sa klase. KuhaniJOHNDELACRUZ
JAMES CAPONPON AT SHAYNE ORAY

balitang lathalain

TATAK LAPISYANO

UPM Class Valedictorian sa mga kapwa Lapisyano: ‘Kailangan kayo ng bansa’

JEROME CAPONPON AT JAMES CAPONPON

Hanggang mayroon pang pag-asa, hindi pwedeng mawalan ng pag-asa

Hinimok ni Summa Cum Laude ng University of the Philippines Manila (UPM)College of Public Health Kyle Lyder Dimaapi sa isang panayam ang mga Lapisyano na huwag magsasawang magsilbi sa bayan sa kabila ng mga hamong nararanasan ng pampublikong kalusugan sa bansa.

“As much as I would like to say na magiging madali siya pero hindi kasi, ang akin lang is as long as may gusto pang tumulong sa Pilipinas for the improvement of healthcare system, okay pa tayo hanggang meron pa tayong patutunguhan kaysa sa wala,” pahayag ni Dimaapi.

Karagdagan ng 2019 Class Valedictorian ng Las

KALIKASAN

Piñas City National Science High School (LPCNSHS), inilahad niya ang halaga ng pampublikong kalusugan lalo na sa panahon kung saan ang Pilipinas ay nangangapa sa healthcare system nito.

“Ang goal is to create sustainable solutions, not short term solutions so dapat yung mga ginagawa is kayang tumagal, hindi dapat parang bandaid lang,” giit ni Dimaapi.

Binigyang diin din ng Summa Cum Laude ng UPM na ang Pilipinas ay malayo pa sa pag-abot ng Sustainable Development Goals sa 2030 (SDG) sapagkat humaharap ang bansa sa iba’t ibang krisis gaya ng pagtaas ng kaso ng maagang pagbubuntis at kakulangan ng doktor sa bansa.

“Based sa nakikita ko sa current leadership ng Pilipinas ngayon, malayo pa tayong ma-achieve

BANTA NG KALIKASAN. Ipinagbigay-alam ni Sherly Amparo mula sa CENRO na lalong lumalala ang banta

Lumalagong banta ng basura sa Las Piñas, tinutukan ng CENRO

NATHANIEL TIBLE

Pinagtuunan ng pansin ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Las Piñas ang lumalaking banta ng basura sa lungsod sa pamamagitan ng kanilang programang “Trash Talk” na naganap sa Auditorium ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Las Piñas nitong ikaanim ng Marso.

Ayon kay Sherly Amparo (CENRO), isa sa mga tagapagsalita sa nasabing seminar, nakaaalarma ang pagdami ng basura sa Las Piñas. Dagdag niya, nakakita na sila ng flat screen TV at kama sa isang sewage isang beses habang sila ay naglilinis.

“Minsan, naglilinis kami, ang nakita po namin, ako po, personal, isang malaking TV..., at ang isa pa, mayroon pang kama. Oh my gosh, 2 in 1 na. May kama na, may TV pa,” ika ni Amparo.

Nagbahagi rin si Amparo ng iba’t ibang paalala para sa mga mag-aaral. Isa na rito ang kakayahan nilang pigilan ang pagsisiga at pagsususunog ng basura.

“Kung hindi niyo kayang sitahin ang mga nagsusunog na ‘yan, puwede po kayong sumangguni sa magulang ninyo, o mismong sa barangay na. Mahirap ‘yan, kasi mamaya sinusunog na ‘yang mga tanso, maamoy ng isang kaanak mo na may hika, may sakit, may ubo, baka mas lalong lumala,” sabi niya.

Hinikayat naman ni Fritz Marvin Delizo, isa sa mga tagapagsalita ang tamang paggamit ng

PAARALAN

IIKA-200 TAON NG BAMBOO ORGAN IPINAGBUNYI

2024 SULAT NI JOJIE AGUILA

BAYAN 24 secs

ang pagbabago, especially the SDG sa 2030. Kahit na may improvements kasi, the Universal Healthcare Act is nice, but the implementation is controversial — pero progress, baby steps,” paliwanag ni Dimaapi.

Kaugnay nito, nanawagan ang dating Lapisyano na manatili sa bansa ang mga mga kasalukuyang mag-aaral ng LPCNSHS sapagkat tumataas ang bilang ng mga lumilipat na Pinoy na doktor patungong ibang bansa bunsod ng mababang benepisyo sa mga healthcare workers.

“I just hope na yung people from LPSci ay piliing magstay at tumulong sa bansa natin kasi yun ang first step na magagawa natin para makatulong tayo sa pag-unlad ng Pilipinas sa healthcare system,” hiling ni Dimaapi.

BATANG INOBEYTOR INOBASYON

Tang Salt Lamps tampok sa nagwaging imbensyon; nag-uwi ng 200k

NATHANIEL TIBLE

Mtubig, lalo na’t umano’y nagkukulang na ang supply nito sa bawat tao.

“2.5 billion people ang walang access for portable water. So again, you are privileged enough to have portable water. So [if] you will not practice improper waste disposal and segregation, time will come, baka tayo, maging tubig natin ‘yan. Kasi polluted, ‘di ba?” saad ni Delizo.

Nang tanungin si Delizo tungkol sa proyekto ng CENRO sa hinaharap, iminungkahi niya ang pag-iimplementa ng air pollution control, patuloy na clean-up operations, at kolaborasyon sa iba’t ibang pribadong sektor.

“Magkakaroon na kami ng air pollution control, since alam naman natin na polluted na rin ang air sa ating bansa, specifically sa Las Piñas since dumami rin ang tao sa Las Piñas. Second, patuloy pa rin ang clean-up operations namin. Declogging, every day ‘yun, and collaborations with other private sectors such as Maynilad,” wika niya.

Naninindigan si Delizo na malaki ang magiging ambag ng mga mag-aaral pagdating sa pananatili ng kalinisan sa kapaligiran.

“Kayo ang pag-asa ng bayan. Kasi, you’re the new generation, eh. So, as I’ve mentioned earlier, complacent enough. Kasi, nandiyan na eh, spoonfed na lahat eh. Nandiyan na ‘yung free education, ‘di ba?” aniya.

uling nagpakitang gilas ang mga Lapisyano nang masungkit nila ang dalawang pinakamataas na karangalan sa naganap na Tang Kidnovator’s Camp nitong Setyembre 30 hanggang Oktubre 7 sa Ayala Malls Trinoma, Quezon City.

Isa sa mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan ay si Jeanine Faith S. Refran ng 8-Connection na siyang bumulsa sa Grand Prize na nagkakahalagang 200,000 piso. Tampok sa kanyang nagwaging imbensyon ang isang salt lamp na maaaring gamitin bilang isang light source na kayang magtagal hanggang tatlong buwan.

“This salt lamp is powered by a battery that has magnesium and activated carbon which prolongs the source of energy of the lamp up to three months,” pagbibida ni Refran. Karagdagan, ibinahagi rin ng mag-aaral na nagsilbing inspirasyon ang mga mag-aaral na walang kuryente sa likod ng tagumpay na ito.

“We seized this chance to innovate, aiming to assist fellow students in remote areas lacking access to electricity,” wika ng mag-aaral.

Nagwagi ang pangkat nina Refran sa ilalim ng pagsasanay Bb. Leslie Ann Villegas, guro sa Research II, katuwang sina Dr. Dureza Dancal at G. Reynaldo Gayas Jr., mga guro sa Agham ng paaralan.

Samantala, ibinulsa naman ng kaniyang mga kamag-aral na sina Jameela Caborda at Jude Isaac S. James ang ikalawang karangalan sa parehas na kompetisyon.

Bagong Covered Court para sa mga atleta pinasinayaan

ASIA CABRERA AT YLLAIZA POTENCIANO

sinagawa ang Turnover Ceremony ng Multi-Purpose Building (Covered Court) sa pangunguna nina Sen. Cynthia A. Villar at Congw. Camille A. Villar sa Las Piñas City National Science High School, nitong ika-7 ng Marso.

Saad ni Sen. Villar sa kaniyang mensahe, nais nilang lumikha ng isang kaaya-ayang kapaligiran at magbigay ng pasilidad para sa ikagiginhawa ng mga mag-aaral, guro at iba pang kasapi ng paaralan.

“It has always been our priority to create a conducive learning environment and provide facilities that prioritize the well-being and comfort of our students, teachers, including the administrators and non-teaching personnel,” hayag ni Villar.

“Kaya, it is very important that we have this school facility. It is also ideal for PE classes as well as sports activities like basketball and volleyball,” dagdag pa niya.

Ibinunyag din ni Miguel Erwin Y. Dabu, kasalukuyang team captain ng men’s volleyball team, ang hamon na kanilang kinaharap bilang koponan noong wala pang covered court sa naturang paaralan.

“Magsimula ‘nung pumasok ako sa LPSci volleyball team, lagi na kaming nag-eensayo sa improvised court na walang silong, maliit at may building na kadikit, kaya naman nasisira ‘yung laro kapag tumatama yung bola,” paglalarawan ng atleta.

Paglilinaw niya, lubos na makatutulong ang pagpapatayo ng bagong court upang magbibigay daan sa pagsasanay ng mga manlalaro ng volleyball at talagang mahasa ang kanilang kakayahan.

“Ngayong mayroong volleyball court na, syempre isang malaking bagay

‘yon, lalo na sa mga susunod na manlalaro ng volleyball sa LPSci. Court kung saan hindi na rin kailangan pa na magbabad sa init ng araw sa tuwing naglalaro,” aniya sa isang panayam. Karagdagan, ang ipinatayong court ay hindi lamang makatutulong sa mga atleta, kundi pati na rin sa mga Lapiscians na nangangailangan ng pook pagdarausan ng mga programa at aktibidad.

Lumahok ang mga Las Piñeros sa International Bamboo Organ Festival (IBOF) bilang pagpupugay sa Ika-200 taong anibersaryo ng Bamboo Organ nitong Pebrero sa Saint Joseph Parish Church.

Isinagawa ang selebrasyon upang ipagbunyi ang makasaysayang bahagi nito sa kultura at musika ng Pilipinas, at ipakita ang angking galing ng musikerong Las Piñeros sa paggamit ng naturang instrumento.

Inaasahang magpapatuloy ang pagpapalawak sa kamalayan sa musika at kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng Bamboo Organ bilang sagisag ng kahusayan at pagtangkilik sa sining.

♡ LIKE? ☆ ☆ ☆ ☆ ☆

GRADE 10 STUDENTS WAGI SA UP ALCHEMES RESEARCH

2024 SULAT NI

FAIR 2024

LOUISA BETINA RAMIREZ

PAARALAN 43 secs

Nasungkit ng mga mag-aaral ng Las Piñas City National Science High School na sina Cyree Elisha Pamplona, Aki Gabriel Hernandez, at Danette Ramiel Elias ang 1st Runner-up sa unang pagkakataon sa UP ALCHEMES’ Research Fair 2024 Physical Science Category na may temang “PERSPICAX: Unleashing the Scientific Prowess of the Filipino Youth” na ginanap noong Pebrero 1-3, 2024 sa UP Diliman. Nilahukan ito ng mga paaralan mula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas, dahilan upang maging mahigpit ang kompetisyon, ngunit sa pamamagitan ng gabay ng kanilang research adviser na si Ms. Lyneth Cabria, matagumpay nilang naisagawa ang research study na pinamagatang “Snake Plant Optimized Fiber as Tresses (SPOFT): A Sustainable Substitute for Synthetic Hair” na may layuning makagawa ng wigs na ecofriendly, matibay, at pangmatagalan. Kaakibat ng pagkapanalong ito ang karangalang dulot nito sa LPSci at inspirasyon sa mga kapwa lapiscians na ipagpatuloy ang pagtuklas sa siyensiya’t agham upang makapagbahagi ng mahalagang kontribusyon sa komunidad.

♡ LIKE? ☆ ☆ ☆

‘BIBE TREND’ TINANGKILIK NG LAPISCIANS

2024 SULAT NI JAMES PELECIA AT SHAYNE ORAY

PAARALAN 25 secs

Sinabayan ng mga mag-aaral ng Las Piñas City National Science High School ang nauusong “bibe clips” sa pamamagitan ng pagsusuot nito sa loob ng paaralan simula noong nakaraang buwan.

Sinuportahan din ito ng mga guro sapagkat nakikita nila ito bilang isang ‘nakatutuwang’ aksesorya para sa mga estudyante.

“Ayos lang naman kahit magsuot ang mga estudyante ng ano, [bibe clips], kasi hindi naman siya nakaka-distract at ang kyut-kyut nga ‘pag gumagalaw eh,” tugon ni G. Raymundo Calimbas Jr., isa sa mga guro ng LPSci.

balita 5 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LAS PIÑAS paham ang NEWS BITS
BALITANG DAGLI
ng basura sa lungsod ng Las Piñas sa Trash Talk Seminar na naganap noong Marso 6, 2024 sa LPSci. KuhaniABBYSOLSONA
ng Multi-Purpose Building, binuksan na ang bagong pasilidad para sa malawakang paggamit ng mga Lapisyano. MulasaTALON DOS CHRONICLESANDVIBES
PANIBAGONG HANDOG. Matapos ang Turnover Ceremony
☆ ☆
♡ LIKE? ☆ ☆ ☆ ☆ ☆

opinyon Dagan ng huwad na kalupaan

Nauna nang naibaba ng Korte

Suprema noong Oktubre 2021 ang kanilang desisyon na pahintulutan ang reclamation project sa bahaging Las Piñas-Parañaque ng Manila Bay. Sa botong 11-2, pinayagan ng hukuman na matambakan ang nasa 530 ektaryang baybaying dagat ng naturang look bunsod ng depensang hindi naman umano kalala ang banta nito sa kalikasan. Dahil dito, kaliwa’t kanan ang pagaray ng mga mangingisda at mananahong sa Bernabe, Pulang Lupa Uno sa lungsod ng Las Piñas dahil sa nakasusuklam na epekto ng pagtambak ng lupa sa dagat.

Sino ba naman ang hindi aaray kung nagiging limitado na ang pinagmumulan ng produkto ng mga Las Piñerong umaasa sa yamang tubig ng naturang lungsod? Isang halimbawa nito ang pagtumal ng suplay ng tahong sa merkado. Gayundin ay dumagsa ang nawalan ng interes na umasa sa ganitong uri ng kabuhayan.

Malinaw na humupa ang pag-asa ng masa sa biyayang alay ng dagat.

Sigaw tuloy ng mga taga-Bernabe ngayon, kailan ba sila huling pinakinggan? Ang patuloy na pagtatambak ng buhangin ng AllTech

Contractors simula pa noong 2009 at China

Communications Construction Company simula noong 2022 sa nasasakop na katubigan ng Las Piñas ay nakikita ng mga mangingisda bilang isang tanda na patuloy na nakalulusot sa gobyerno ang ganitong klase ng mga proyekto. Nagiging isang malaking palatanungan tuloy kung kanino ba kumakampi ang gobyerno sa lagay na ito? Binebenta na nga lang ba talaga nila ang katubigan ng Las Piñas para sa personal na hangaring gawing negosyo na lamang ang lahat?

Nakababahala ito dahil hindi pa naman maikakailang malaki ang papel ng industriya ng tahungan ng lungsod Las Piñas. Sa pahayag ni Parañaque City Agriculture Officer-in-Charge (OIC) Nilo Germedia sa panayam nito sa DZBB, umaabot sa P1.5 milyon hanggang P2 milyon ang kinikita ng mga mananahong tuwing nagkakaroon ng magandang ani nito. Malaking malaki na ito sa kadalasan nilang puhunan na umaabot sa P300,000 hanggang P500,000. Kung tuluyang hihina ang anihan ng tahong sa naturang lungsod na magtutulak na rin sa pagtigil sa operasyon ng mga nagtitinda nito, hindi nakapagtatakang gutom ang aabutin ng mga Las Piñerong malaki ang tiwala sa industriyang ito.

Hindi lang ubusan ng suplay ng tahong ang sakit sa ulo ng mga naninirahan sa Bernabe dulot ng nakapeperwisyong reklamasyon. Sa katunayan, kahit si

Senator Cynthia Villar ay tutol sa nasabing proyekto dahil sa posibilidad na lumubog din ang Metro Manila, lalo na ang bahaging Las Piñas-Parañaque dala ng pangmatagalang epekto nito. Naikumpara pa niya ang lungsod ng Las Piñas sa Jakarta, Indonesia na unti-unti nang nilalamon ng katubigan. Sa sitwasyong ito, literal na hindi imposibleng lumubog na sa mga susunod na dekada at magmistulang “Lost City of Atlantis” ang lungsod ng Las Piñas. Hindi rin nakapagtatakang mabatid kung maglalaho na rin kalaunan ang dating mayabong na bagsakan ng tahong at isda sa Bernabe. Kung tutuusin, dati na ring sinubukan ng mga grupo ng mangingisda sa Las Piñas na ipaglaban ang alam nilang karapatan nila sa kahit man lang maliit na bahagi ng Manila Bay. Ayon sa Vice President ng Tulungan ng mga Mangingisda ng Las Piñas – Pulang Lupa Uno na si Danilo Alapa Perez, kasama nila ang mga samahan mula sa iba’t ibang karatig lungsod noong mga nakaraang taon upang sumangguni sa mga ahensyang tulad ng Department of Environment and Natural Resources at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang magprotesta at humiling na sana’y mapatigil ang reklamasyon. Umaalma kasi sila na sa hamong ito, tila gobyerno na rin mismo ang kanilang kalaban. Ngunit, wala rin naman umanong nangyari matapos ang kanilang pagtindig dahil patuloy pa rin ang operasyon sa pagpilit na maging kalupaan ang katubigan. Dagdag din ni Perez, kung tuluyan ngang maglaho ang tahungan sa Bernabe, mapipilitan silang sa probinsiya ng Palawan pa kumuha ng mga suplay nito.

Hindi rin naman makatotohanang sabihin na ni katiting ay wala nga talagang aksyon na ginawa ang kasalukuyang administrasyon ukol sa suliraning ito. Sa totoo lang, noong Agosto 2023, pansamantalang sinuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos ang mga proyektong may kinalaman sa reklamasyon sa Manila Bay upang muling maimbestigahan ang epekto nito sa kalikasan. Ngunit, dahil wala namang inilabas ang administrasyon na opisyal na

kautusan o dokumento o kahit man saligang batas na ipinagtibay ng Malacañang upang permanenteng matuldukan ang mga reklamasyon, tuloy-tuloy pa rin ang pamemerwisyo ng mga pribadong kompanya sa dating tahimik at mapayapang kalagayan ng Manila Bay. Umasa lamang ang lahat sa pasalitang pangako ng pangulo.

Nitong huling linggo nga lang ng Pebrero, naglabas ng anunsyo ang Philippine Reclamation Authority na nagsasabing marami pa silang nakikitang reclamation projects sa nalalabing buwan ng 2024 sa Manila Bay. Kahit man sabihing may mga nasuspinde na, hindi pa rin maitatanggi ang katotohanang mayroong mga kompanya na nagpapatuloy pa rin. Nabawasan man, patuloy pa rin ang operasyong pumipigil sa mga mandaragat ng Las Piñas na galugarin ang look na noon pa man ay tahanan na ng kanilang nakasanayang kabuhayan.

Isa lang naman ang hangarin ng lahat – ang maisalba ang kabuhayan ng mga mangingisda at mananahong sa lungsod ng Las Piñas. Walang masama sa pagtatakda ng reklamasyon dahil sa oras na maging matagumpay ito, ang kita mula sa mga itatayong establisyemento rito ay makatutulong din upang mapaangat ang Gross National Product ng Pilipinas. Ngunit, nararapat na panatilihin pa rin ang limitasyon kung hanggang saang bahagi lamang ng Manila Bay maaaring magtambak ng lupa. Nararapat na maging patas ang hatian ng katubigang malayang mapapasok ng mga mandaragat at yaong itatakda para sa mga nagtataasang gusali balang araw.

Sana’y magkaroon din ng mas organisadong sistema ang gobyerno patungkol sa pagbebenta sa ibang bansa o pampribadong kompanyang ng mga parte ng katubigan ng Manila Bay. Isipin na lang sana ng mga nasa itaas na hindi lang kapakanan ng kalikasan ang nalalagay sa peligro pagdating sa usaping ito dahil mas mabigat ang epekto nito sa mga karatig probinsiya at lungsod, lalo na sa aspekto ng ekonomiya. Tahanan ang Manila Bay sa mga mangingisda at mananahong na nagnanasang pagyamanin pa ang mga produktong lamang dagat ng mga Las Piñero. Inaasahan na ang kanilang pag-aray ay mapapalitan ng dumadaloy na ginhawa sa katubigan ng Las Piñas – ang daloy kung saan wala nang matatambakan, maaagawan o mananakawan ng angking yaman. Dahil saan na lang sila pupulutin kung ang tahanang itinuturing nila ay siyang lugar kung saan maghihikapos din sila dulot ng dagan ng huwad na kalupaan?

paham ang ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LAS PIÑAS
Likha ni Zoe Arde
EDITORYAL

DURUNGAWAN

Tinapalang Butas sa Edukasyon ng Pilipino

Isa na namang bagong pauso ang inilapag ng Department of Education (DepEd) bilang umano’y solusyon sa mababang antas ng edukasyon sa bansa. Ngayong nagdaang mga linggo’y kapansin-pansin ang pagpapatupad ng programang Catch-Up Friday sa lahat ng paaralan sa bansa, mapa-elementarya man o sekundarya. Ito ay ayon sa bagong-labas na DepEd Memo 001 s. 2024 kung saan kalahati ng bawat Biyernes sa taong panuruan 2023-2024 ay ibibigay sa pag-iimplementa ng reading programs at ang natirang bahagi naman sa bagong mga learning areas ng Values, Peace, at Health. Bagaman maganda ang hangad ng Catch-Up Fridays, hindi naging maganda ang implementasyon ng ganitong klase ng programa sa ating bansa. Sa halip na magpatupad ng programang pupuksain ang problema sa sanhi’y parang tinapalan lang ng DepEd ang malaking butas ng educational discrepancy sa bansa.

Bunga nito, tinatantyang 5-6 taon nang nahuhuli ang Pilipinas sa tatlong pangunahing learning areas ng reading, mathematics, at science. Sa katunayan, bumaba ang iskor ng Pilipinas noong 2022 PISA kumpara noong 2018. Mula sa 353 puntos, naging 347 puntos na lamang ang performance ng bawat mag-aaral na nakilahok.

Sa halip na pagtuunan ito nang may masusing pagsisiyasat ay ginawa lang “positibong” pangyayari ang kapalpakan ng Pilipinas sa mga standardized assessments. Hindi palusot ang pagpapanatili ng mababang marka sa istandardisadong pagsusulit upang bigyangkatuwiran ang kapalpakan ng pamahalaan na ayusin ang pinakanakababahalang suliranin sa edukasyong Pilipino – ang patuloy na pagsulong sa mga non-readers at illiterate na mag-aaral.

Liham sa Patnugot

Ilang linggo lamang ang nakalilipas nang maglabas ng samu’t saring opinyon ang mga Pilipinong mag-aaral dulot ng pagbabago sa academic calendar na inilabas ng Department of Education (DepEd). Sa memorandum na ito, magtatapos ang kasalukuyang taong panuruan sa ika-31 ng Mayo, mas maaga ng dalawang linggo kumpara sa naunang petsa na Hunyo 14. Mukha man itong hindi ganoon kahaba, marami pa sanang aralin ang maaaring talakayin sa 14 na araw o dalawang linggong iyon.

Magmula nang ilabas ang anunsyong ito, hindi na rin maikakailang kapansin-pansin na ang pagod mula sa mabilisang paraan ng pag-aaral at pagkabalisang kanilang nadarama para sa kalidad ng edukasyong kanilang natatanggap. Nadarama ko ito hindi lamang sa apat na sulok ng aming silid-aralan, ngunit pati na rin sa kanilang mga pansariling buhay. Mula pa lamang sa aking natatanaw ngayon, pangamba para sa Pilipinong mag-aaral ang nananaig sa aking puso. Paano na lang ang kalidad ng edukasyon at ang kapakanan ng mga kabataang Pilipino na apektado sa ibinabang anunsyo?

Tugon ng Patnugot

Salamat sa pagbabahagi ng iyong personal na saloobin hinggil sa nakabibiglang pagbabago sa opisyal na kalendaryo ng kasalukuyang taong panuruan. Tunay na ang namumutawing hamon dito ay kung paano epektibong matutugunan ang kalidad ng edukasyon sa bansa kung mas pinaikli ang panahon para sa pag-aaral ngunit hindi pa rin naman nagbago ang sakop ng mga araling nararapat ituro ng kaguruan at nararapat matutuhan ng mga mag-aaral. Kahit dalawang linggo lamang ang ibinawas sa orihinal na kalendaryo ay malaki pa rin ang epekto nito lalo na sa mga pampublikong paaralan na may iba ring nararanasang hamong pang-edukasyon tulad ng kakulangan sa bilang ng mga guro.

Gayunpaman, kahit nakagugulat ang naturang balita, higit na makabubuti kung magtutulungan ang mga guro at mag-aaral na mas maging produktibo sa mga nalalabing araw ng klase. Wala nang panahon upang magsayang pa ng oras. Nararapat na ilaan sa pagkatuto ang oras ng kabataan sa silid-aralan. Ngunit, hindi ibig sabihin nito na isasakripisyo ang kanilang pansariling kapakanan, lalo na ang kalusugang pangkaisipan ng mga magaaral. Mahalaga pa rin na mabalanse ang buhay sa loob at labas ng paaralan.

Ayon sa ilang may-akda tulad ni Estanislao

C. Albano Jr., mayroong mga taong hindi nakababasa na nakalulusot sa senior high school at kolehiyo.

Ayon pa rito, ito ay bunga ng pagtanggal sa No Read No Move policy ng DepEd kung saan hindi makatutungtong ng sekundarya ang mga illiterate students nang matuunan ang pagbabasa at literasya habang nasa elementarya pa lang ang mga ito. Nararapat na ibalik ang programang ito upang mapigilan ang mass promotion ng mga mag-aaral na nonreader, illiterate at numerically illiterate. Sa pamamagitan din nito ay mapupuksa ang mas malalang bilang ng mga estudyanteng hindi nakababasa at nakasusulat sa hinaharap.

“Bukod sa seguridad ng mga mag-aaral sa loob ng mga silid-aralan, dulot din ng pagbabagong ito ang pag-iwas sa mga karamdamang maaaring makuha sa papalit-palit na panahon.

Isa pang pandagdagkalituhan ay ang pag-aatas ng mga gurong iba ang college major o specialization sa mga asignaturang walang kaugnayan sa kanilang inaral. Halimbawa, ang

gurong MAPEH ang inaral noong kolehiyo ay nagtuturo ng Science. Paano maituturo sa bata ang tamang learning competencies kung hindi kwalipikado ang guro na ituro ito? Taliwas sa isip ng karamihan, hindi ligtas ang LPSci sa ganitong klaseng isyu. Ito ba talaga ay angkop para sa mga paaralang pambansa? Sayang ang pinag-aralan ng mga dalubhasang guro kung hindi nila ito maipatutupad sa totoong-buhay. Higit na makabubuti sa taumbayan kung maglalaan ng pondo ang DepEd nang makapaghanap talaga ng mga gurong mayroong sapat na kwalipikasyon para ituro ang mga naturang learning areas sa halip na magpumilit magatas ng mga titser sa mga subject na hindi naman konektado sa kanilang practice.

Bunga ng kasalukuyang suliranin ng edukasyong pambansa, mapapaisip na lang talaga ang ordinaryong Pilipino – ito na ba ang matagal na nating hinahangad na solusyon o isa nanaman itong dagdag problema sa edukasyon? Sana ay matustusan na ng DepEd ang pangangailangan ng mismong sistema ng edukasyon para sa kinabukasan ng bansa at isaalaang-alang ang totoong dekalidad na sistemang pampagkatuto. Tila bodabil lamang ang nagiging epekto ng Catch-Up Friday dahil hindi ito isang solusyon sa paulit-ulit na kapalpakan ng Pilipinas sa larangang edukasyon. Ang panahon at oras ang magsisilbing pagsusulit sa epektibidad ng programang ito, at nawa’y maging solusyon na ito sa halip na pansamantalang pangtapal sa butas – isang butas na lumalim at patuloy na lalalim kung walang aksyon ang gagawin upang masolusyunan ang sistemikong problema ng edukasyon sa bansa.

Imprastrakturang ikinagalak

Para sa mga Lapisyano, nakatatak na hindi sa akademiko ang hangganan ng mga kakayahan ngunit pati na rin sa mga extra curricular na gawain tulad ng athletics, dance sport, at iba pang mga paraan upang ipakita ang kanilang mga talento. Isang suliraning kinahaharap ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng akmang lokasyon kung saan mag-eensayo na siyang natugunan naman ng bagong covered court ng Las Piñas City National Science High School (LPSci) na naitayo sa tulong nina Senator Cynthia A. Villar at Las Piñas City Congresswoman Camille A. Villar. Ang tanong para rito, lahat ba ng mga estudyante at guro ay talagang sumasang-ayon dito?

SAMANTHA BALIAO ALLAN CAPILLO SANDIGAN

Bagong Kalendaryo: Landas sa makabuluhang edukasyon

Sa pagharap natin sa patuloy na hamon ng edukasyon, isa sa mga diskusyon na patuloy na bumabalot sa mga mag-aaral at kaguruan ay ang pagbabago sa kalendaryo ng taong panuruan. Sa paglipas ng panahon, maraming paaralan at mga institusyon ng edukasyon ang nagsusulong ng paglipat mula sa tradisyonal na Setyembre hanggang Hulyo na kalendaryo patungo sa Setyembre hanggang Mayo. Ang pagbabagong ito ay hindi lamang simpleng paglipat ng petsa kundi isang malaking transpormasyon na may malalim na implikasyon sa sistema ng edukasyon. Sa pagpapalit-palit ng mga panahon, isang mahalagang hakbang ang pagbalik sa tradisyonal na April-May school break. Nitong buwan ng Pebrero ay nagpahayag nga ang Department of Education (DepEd) ukol sa pagbabago ng school calendar sa mga susunod na taong panuruan sa ating bansa. Ito ay naglalayong maibalik ang dating kalendaryo ng pagbubukas ng klase sa Hunyo para sa taong panuruan ng 20262027 alinsunod sa hangarin ng nakararami, ani DepEd spokesperson Michael Poa.

Ang desisyong ito ay may basehan din batay sa mga pananaliksik kabilang na ang isang pag-aaral mula sa Philippine Normal University (PNU), na nagpapakita ng parehong suporta mula sa komunidad. Sa panahon ngayon ng learning recovery mode, mahalaga ang maingat na pagbabalik sa dating sistema ng kalendaryo.

Hindi nga naman kasi maikakaila na sa pagbabago ng kalendaryo ng pasukan ay magsisilabasan din dito ang iba’t ibang problemang pang-edukasyon na nararapat bigyan ng solusyon. Masasabi nga rin naman na sa panibagong panimulang ito, panahon din ito upang bigyan ng pansin ang problema sa ating mga paaralan.

Gayunpaman, hindi lamang edukasyon ang nakataya sa pagbabalik sa dating kalendaryo. Ayon kay Rufus Rodriguez, ito rin ay isang hakbang upang pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral, lalo na ang mga batang nasa preschool at kindergarten. Bukod sa seguridad ng mga mag-aaral sa loob

ng mga silid-aralan, dulot din ng pagbabagong ito ang pag-iwas sa mga karamdamang maaaring makuha sa papalit-palit na panahon. Isang tiyak na halimbawa ay mas magiging maaga ang pahinga ng mga estudyante mula sa paaralan. Maiiwasan din ng mga guro at estudyante ang matinding panahon ng tag-init. Mapipigilan ang mga nangyari noong mga nakaraang taong panuruan kung saan laganap ang sakit at kapahamakan sa mga estudyante at guro gaya na lamang ng dehydration at heat stroke.

Matatandaang noong mga nakaraang taon ang paglobo ng kaso ng mga na-heat stroke sa ating bansa lalo na sa mga paaralan dahil sa napaka-init na panahon. Nagdulot naman ng pagkatakot sa mga magulang at kaguruan ang pangyayaring ito dahil sa mga report na nailabas mula sa mga paaralan ng mga magaaral na nahihimatay at biglaan na lamang na hindi makagalaw ang mga ito dulot ng init ng panahon. Bunsod nito, namroblema ang mga magulang, paaralan, maging ang pamahalaan sa seguridad ng mga mag-aaral. Sa kabila ng mga hamon mahalaga pa rin ang pagbalik sa dating kalendaryo para sa kabutihan ng mga mag-aaral, guro, at buong komunidad. Isa sa mga hamon na ito ay ang pag-adjust ng mga guro at mag-aaral sa biglang pagbabago ng kalendaryo na maaaring makaapekto sa kalidad ng edukasyon. Dahil sa pagbabalik ng lumang kalendaryo ay mas malaki ang posibilidad na makaharap o makaranas ang mga estudyante at ang mga guro ng pagkansela ng klase dahil sa tag-ulan. Bagaman tila nagsasabay-sabay ang mga problemang pang-edukasyon dulot ng biglaang pagbabago, nawa’y patuloy pa rin na maging determinado ang mga guro at magaaral na magturo at matuto.

Sa huli, ang pagbabago sa kalendaryo ng school year ay hindi lamang simpleng paglipat ng petsa. Ngunit kasabay nito, mahalagang isaalang-alang ang mga tradisyonal na karanasan at siguruhing ang lahat ng interesadong partido ay nabibigyan ng tamang boses at makonsulta bago magdesisyon. Ang pagbabago ay dapat na magdala ng positibong pag-unlad, hindi lamang sa sistema ng edukasyon kundi pati na rin sa kabuuang pagunlad ng mga mag-aaral.

Hindi lamang piling mag-aaral ang magkakaroon ng benepisyo sa proyektong nailunsad. Bawat linggo, lahat ng klase ay mayroong physical education o PE classes at bago maitayo ang nasabing court, kinakailangan nilang gawin ito sa matinding init na nakababawas sa kanilang enerhiya at maaari pang magdulot ng heat exhaustion at dehydration sa mas malalang kaso. Ngayong mayroon ng silong na pupuntahan ang mga estudyante, paniguradong maipagpapatuloy na ang mga nasabing klase, umulan man o umaraw. Kung mayroon mang hindi mawawala sa isang taong panuruan, ito ay mga presentasyon — bilang grupo man o klase tulad lamang ng naganap na Madulang Sabayang Pabigkas ng ika-10 na baitang noong nitong ika-8 ng Marso 2024. Ngunit, isa sa mga problema rito ay ang paghahanap ng mga lugar kung saan maaaring magpraktis ang mga estudyante. Posibleng hindi pamilyar ang ibang lokasyon, masyadong malayo, o hindi pumapayag ang mga magulang.

“Hindi lang naman materyal na bagay ang maipagmamalaki ng mga Lapisyano, ngunit gayundin ang kanilang mga tagumpay na pinaghirapan.

“Ngayong mayroon nang covered court ang paaralan, maaari nang magamit ito ng mga magaaral kung kailan nila ito kailangan habang nasa seguridad ng eskwelahan.

Bagamat malaking tulong ang pagpapatayo ng nasabing covered court, ilan sa mga mag-aaral pa rin ang tutol dito. Ayon pa sa kanila, nawala na ang field na isa sa mga kilalang katangian ng LPSci. Mas matimbang pa rin ang dulot na ginhawa at tulong ng napatayong imprastraktura. Magagamit pa ito at mas komportable kung ihahalintulad sa school field. Bukod pa rito, hindi lang naman materyal na bagay ang maipagmamalaki ng mga Lapisyano, ngunit gayundin ang kanilang mga tagumpay na pinaghirapan.

Bukas para sa lahat, nagbibigay ng seguridad, at nakatutulong. Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit isang magandang proyekto ang covered court ng LPSci. Pero higit sa lahat, ito ay maaaring magsilbi bilang patunay na lahat ng bagay ay nagbabago. Bilang mga Lapisyanong mag-aaral, gamitin natin ang ating mga kakayanan upang siguruhin na ang mga pagbabagong ito ay makabubuti hindi lamang para sa atin ngunit para na rin sa ating paaralan.

opinyon 7 ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LAS PIÑAS paham ang
Pagpapatupad ng
ARRYN DELOS REYES TUTOK TANAW
SANTINO MIGUEL SANTOS MEIGAN LARA CALDERAS
Catch-Up Friday SANG-AYON 57.1% DI-SANG-AYON 42.9% PU LSO NG LA PI SY AN O

“Kung ako ang tatanungin, kailangang isaayos ang mga aralin na dapat tapusin bago matapos ang itinakdang buwan ng pagsasarado ng klase. Ang biglaang pagbabago ng DepEd sa Academic Calendar SY 2023-2024 ang naging dahilan na madaliin at hindi na maisagawa ang mga gawain na nakasaad sa curriculum ng bawat antas, ngunit, ito ang magiging paraan upang maibalik nang unti-unti ang nakasanayang buwan ng pagsisimula at pagtatapos ng klase.”

– mag-aaral mula sa ika-7 baitang

“Para sa akin, tama naman ang desisyon ng DepEd na agahan ang pagtatapos ng klase sa Mayo 2024 upang ma-enjoy naman natin ang mas maagang summer vacation. Naoobserbahan ko na parang ibinibalik na nila ang lumang school calendar kung saan ako’y natuwa’t nasiyahan ngunit ako’y nag-aalinlangan sa talakayan ng klase sapagkat marapat na mabilis ang pagharap nito’t pag-unawa sa mga paksa pero sa tingin ko, makakapagadjust naman tayo sa lalong madaling panahon. Sana... “

– mag-aaral mula sa ika-8 baitang

“Para po sakin, medyo nahihirapan po kaming mga estudyante dahil sa mga pagbabago sa DepEd Calendar sapagkat mas maiiklian ang oras naming mga mag aaral upang lubos na matutunan at ma-master yung mga tinuturo samin. Tingin ko rin po ay medyo unfair po samin dahil hindi masyadong natuturo ng buo sapagkat pinapahapyawan lang yung mga aralin para masundan yung Deped Calender po natin.”

– mag-aaral mula sa ika-9 baitang

“Para sa akin, nakabibigla ang pagbabago ng academic calendar ngayong taon lalo na’t halos wala na kaming oras para matapos ang mga gawain. Dahil sa pagbabagong ito, halos lagi kaming naghahabol ng mga gawain at halos nagtatambak-tambak na rin.“

– mag-aaral mula sa ika-10 baitang

“Sa palagay ko, hindi magiging maayos ang pagtatapos ng taong ito dahil sa paghahabol. Sa bilis ng daloy, hindi natin matututuhan ang mga aralin nang wasto at nang buo.“ – mag-aaral mula sa ika-11 baitang

“Talagang mahihirapan din ang mga guro at mag-aaral na makapagadjust sa ganitong pagbabago, lalo na’t kung kaunti nalang ang panahon para maisiksik ang mga natitirang paksa sa bawat asignatura at sabay sabay na ang mga gawaing akademiko ng mga mag-aaral.“

– mag-aaral mula sa ika-12 baitang

LYNDHELLE RAMOS

Bitin sa oras, bitin sa kaalaman

Sa bawat pagpatak ng oras, isang mahalagang yugto ng pag-aaral ang nabubuo sa bawat sulok ng mga silidaralan. Ang bawat minuto ay may halaga, at ito ang naging pundasyon ng bagong polisiya ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa Pilipinas: ang “No Disruption of Classes Policy”.

Ang pinakapundasyon ng polisiyang ito ay ang pagsasaalang-alang sa halaga ng bawat oras ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng oras ng pag-aaral, ang mga mag-aaral ay nabibigyan ng hindi nasusupil na karanasan sa kanilang paglinang ng kaalaman at kasanayan. Ito ay isang hakbang patungo sa pagminimisa ng pagkaligaw ng kaalaman at pagtitiyak na ang bawat mag-aaral ay nakakamit ang tamang oras para sa kanilang edukasyon.

Ang pagsali sa iba’t ibang extracurricular na gawain ay mahalagang bahagi ng pag-unlad ng bawat mag-aaral. Gayunpaman, upang mapanatili ang balanse at hindi magdulot ng kakulangan sa kanilang mga akademikong gawain, nakabubuti ang polisiya upang hindi na

SIKLAB KABATAAN

kailangang habulin ng mga estudyante ang mga aktibidad na hindi nila nagawa dahil wala sila sa klase.

Ang maayos na pagdaloy ng mga klase ay nagbibigay daan sa mga mag-aaral upang ipagpapatuloy ang pag-aaral, at panatilihin ang pagtuon sa materyal at pag-unlad na pangakademiko kumpara kapag ang mga klase ay madalas na naaantala.

Walang puwang ang paaralan sa mga abala sa edukasyon.”

Ang maayos na pagdaloy ng mga klase ay nagbibigay daan sa mga mag-aaral upang ipagpapatuloy ang pag-aaral, at panatilihin ang pagtuon sa materyal at pag-unlad na pangakademiko kumpara kapag ang mga klase ay

ADRIELLA ALDAY

ARIANA GARCIA

madalas na naaantala.

Sa pamamagitan rin ng polisiyang ito, matutugunan ng mga guro ang anumang mga kakulangan sa pag-aaral at manatili sa loob ng kurikulum. Binibigyan nito ng karagdagang tulong ang mga mag-aaral kung kinakailangan, sa gayon ay mababawi ang mga pagkalugi sa pagkatuto tuwing mayroong kalamidad o hindiinaasahang pangyayari.

Ang pagkagambala ay kalaban ng pagkatuto. Kung magpapatuloy ito, ano kaya ang mangyayari sa mga mag-aaral? May matututunan pa ba sila? Makahahadlang ito sa pag-unlad ng kanilang edukasyon.

Sa huli, ang polisiyang ito ay hindi lamang nagpapatibay sa akademikong paglago kundi pati na rin sa kakayahan ng mga mag-aaral at ng sistema na humalaw at makisabay sa pagbabago. Hindi na kayang bayaran ng mga mag-aaral ang napakaraming pagkaantala ng mga klase. Walang puwang ang paaralan sa mga abala sa edukasyon.

PRINCESS BRIOL

Koneksyong Tulay

ng Edukasyon

Nang matapos ang pandemya at muling bumalik ang face-to-face classes sa mga paaralan, hindi maitatangging malaki ang naging papel ng paggamit ng teknolohiya sa mga guro at mag-aaral ng Las Piñas City National Science High School (LPSci). Hanggang sa kasalukuyan, ginagamit pa rin ito upang makapagsaliksik sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang mga gadyet at mobile data o kaya’y internet connection. Ngunit, sa kalagayan ng LPSci kung saan hindi na bago sa mga guro at mag-aaral ang pagkakaroon ng problema sa mobile phone signal, makararanas pa kaya ng kaginhawaan ang mga nakikinabang dito o mananatili na lamang ang perwisyong dulot nito sa komunidad ng LPSci?

Sa panahon ngayon, karamihan sa mga paaralan sa Pilipinas ay gumagamit na ng teknolohiya bilang kaakibat sa pagtuturo. Isang salik nito ang pagkonekta ng mga gadyet sa kanyakanyang internet gamit ang load o mobile data, samantala ang bilis naman nito ay naaayon sa lakas ng signal na nasasagap mula sa isang lugar. Sa kasamaang palad, isa sa mga problemang umusbong at patuloy na hinaharap sa LPSci ang pagdanas ng mahinang signal sa mga silidaralan.

Ayon sa ilang mga mag-aaral sa senior high school, mahina talaga ang kanilang nasasagap na signal dahil sa kanilang lokasyon, lalo na sa mga silid-aralang matatagpuan sa unang palapag ng Senior High School Building. Kadalasan, kinakailangan pa nilang lumabas ng silid upang mapabilis lamang ng kahit kaunti ang kanilang internet connection.

Dagdag nga ng mga mag-aaral mula sa 11-Benevolent, ang signal sa kanilang silidaralan ay paputol-putol at kadalasang nawawala. Ayon pa nga sa kanila, madalas ay hindi nila nakikita ang mga pinapasagutan ng mga guro na ipinapadala sa pamamagitan ng Messenger at Google Classroom dahil mahina ang signal kaya kinakailangan pa nilang maghanap ng ibang paraan upang masagutan ang mga ito, katulad na lamang ng pagkonek sa mobile data o sa internet connection ng kanilang mga kaklaseng mayroong mas maayos na signal.

Sa ganitong mga pamamaraan ay kapansinpansin kung paano ito nakadudulot ng perwisyo sa mga mag-aaral. Isa man itong pangyayaring matagal na at patuloy na nagaganap sa paaralan ay hindi pa rin ito nasosolusyunan. Imbis na ito’y bigyan ng atensyon ay tila nagbubulagbulagan ang mga nakatataas na para bang hinahayaan na lamang nila na maranasan ito ng mga guro at mag-aaral.

Kung titingnan ang bahagi ng junior high school buildings ay nakararanas naman sila ng maayos na pagsagap ng signal at nakakakonekta nang maayos sa kanilang mobile data gamit ang kanilang mga gadyet, ngunit hindi pa rin maiiwasan ang pagkakaroon ng mabagal at mahinang pagsagap ng signal para sa daloy ng kanilang internet connection.

Kung mayroong positibong dulot ang isang bagay ay hindi mawawala ang negatibong dulot nito. Iginigiit ng ilan, ang pagkakaroon ng maayos na signal o hindi kaya’y pagkakaroon ng WiFi sa paaralan ay magiging dahilan ng distraksyon sa mga mag-aaral. Dahil imbis na gamitin ito sa pananaliksik ay gamitin lamang nila ito sa paglalaro ng mobile games o kaya’y sa paggamit ng kanilang social media applications sa kalagitnaan ng pakikipagtalakayan sa guro. Maiiwasan lamang ito kung mayroong disiplina ang parehong guro at mag-aaral. Disiplina sa mag-aaral sa pamamagitan ng pag-alam sa tamang oras ng paggamit ng kanilang cellphone para sa pag-aaral at para sa social media. At sa kabilang banda, disiplina sa mga guro sa pamamagitan ng pagbabantay sa kanilang mga estudyante sa paggamit ng WiFi sa paaralan.

Sa g

Maitatawag mang simple lamang ang problemang ito, hindi ito dapat ituring na isang maliit na bagay lamang, lalo na para sa isang paaralan kung saan isang malaking salik ang teknolohiya para sa ikauunlad at pagpapalawak ng kanilang pagtuturo sa mga mag-aaral. Kaya naman, bakit hindi natin bigyang halaga at pagtuunan ng pansin ang paghahanap ng mga paraan upang mapalakas ang pagsagap ng signal sa mga silid-aralan?

Bilang tugon sa mga hinaing ng mga magaaral at guro, isa-isa nang kinabitan ang bawat silid-aralan ng wifi routers upang hindi na maranasan ang paputol-putol na signal connection. Ang pagkakaroon ng libreng WiFi sa paaralan ay isa sa mga kasalukuyang proyekto ng Barangay Talon Dos na pinamumunuan nina Kapitan Jojo Reyes at Konsehal Tony Garcia. Sa katunayan, sinimulan na ang pagkabit sa mga silid-aralan sa Senior High School Building. Sana ay sa susunod na araw o linggo ay magpatuloy na ang pagkabit ng wifi routers sa mga katabing building nito tulad na lamang ng DepEd Building, Aguilar Building, at Villar Building dahil nararapat lamang na magkaroon ng maayos na signal at koneksyon sa internet dahil ito ay lubos na makatutulong sa pag-aaral ng mga estudyante at pagtuturo ng mga guro. Malaki man ang papel ng makabagong teknolohiya sa edukasyon, ang internet connectivity o signal naman ay nagsisilbing hamon sa mga mag-aaral at guro sapagkat ito ay nagpapahirap upang makamit ang kalidad na edukasyon. Ang kawalan nito ay nagiging hadlang sa pagkalap ng mga impormasyon sa web at sa pagkakaroon ng komunikasyon sa mga guro at kapwa mag-aaral. Hindi na dapat ipagsawalang-bahala ang suliraning ito, bagkus ay bigyang halaga ito dahil ito ay nagsisilbing pangangailangan sa pagkatuto. Sa ganitong paraan, masisigurado ang epektibong pagtatalakay ng mga guro sa klase at ang mas malalim na pag-unawa ng mga mag-aaral sa kanilang mga aralin. Dahil sa katunayan, ang paaralang maayos ang daloy ng sistema ng koneksyon ay isang paaralang pinahahalagahan ang ikabubuti ng mga mag-aaral at guro na simbolo ng edukasyon.

“ Ang paaralang maayos ang daloy ng sistema ng koneksyon ay isang paaralang pinahahalagahan ang ikabubuti ng mga mag-aaral at guro na simbolo ng edukasyon.”
8 opinyon paham ang ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LAS PIÑAS Ano’ng Say Mo? LAPISYANO,
“ ALAB MENOR

Bawas aralin, pahinga’y layunin

Maraming Lapisyano ang nagbubunyi sapagkat unti-unting nababawasan ang mga gawaing-pampaaralan sa Senior High School. Higit na mapaparami ang oras ng pahinga at tulog kumpara sa nakaraan. Ito na nga ba ang pinaka epektibong desisyon na ipinatupad para sa Senior High?

Naglabas ng anunsyo ang Schools Division Office ng Las Piñas na nagsasaad ng tuluyang pagtanggal ng mga elective subjects sa Grade 11, Discrete Mathematics at Robotics, sa kasalukuyang taong panuruan, 2023-2024. Ito ay gumising sa samu’t saring opinyon, ngunit nangibabaw ang galak at sigaw ng mga estudyante nang kanila itong marinig.

Natuwa ang mga estudyante nang marinig ang anunsyo dahil kung iisipin nang mabuti, talagang mababawasan ang responsibilidad na nakaatang sa bawat mag-aaral. Ito ay isang magandang oportunidad upang magamit ang oras na dating nakalaan sa mga “removed courses” upang magbigay diin sa mga core subjects. Hindi lang ‘yan, ang mga natitirang oras ay maaaring igugol upang lalo pang mahasa ang kanilang kakayahan at mapabuti ang kanilang grado.

Literatura ng pag-asa

“Esophagus, esophagus. Habang tayo’y nasa hapag-kainan, hindi mawawala ang iyong esophagus.” Sa kasalukuyan, kalat at laganap sa ating bansa ang pahayag na ito ni Yasmin Marie M. Asistido o mas kilala bilang Kween Yasmin. Siyang tunay na malikhain ang ginawang pahayag na kinagiliwan naman ng sambayanan. Maski ako nga’y nakaramdam ng paghanga at kasiyahan sa tanyag na pahayag bunsod ng malikhaing pagsambit at istruktura nito.

Ang sikat na pahayag sa kasalukuyan ni “Kween Yasmin” ay isa sa mga itinuturing na halimbawa ng modernong literatura. Ang pag-usbong ng modernong literatura ay buhat ng patuloy na pag-unlad ng ating teknolohiya at mundong ating pinaninirahan. Dulot ng pag-usbong ng modernong literatura ang kasaganahan at pagkamalikhaing mga pahayag at/o impormasyon na makatutulong sa mga estudyante.

Dagdag pa rito, hindi lamang pagkaaliw ang hatid ng mga nailathalang literatura, bagkus mga pagkasabik at kagustuhan ng mga manonood na ito’y maisagawa rin lalo na ang mga inspiradong mga mag-aaral. Ang umuusbong na literatura ay masasabi kong kahit papaano ay mayroong malayang struktura ng pagsulat at pagpili ng mga salitang gagamitin kung ikukumpara sa klasikal na uri nito na isa sa mga nagbigaydaan sa mga mag-aaral na makaramdam ng determinasyong magsulat ng mga tinatawag nating tula, maigsing kuwento, spoken poetry, at marami pang iba. Kahit nga naman ako’y magagalak at masasabik sa pagsusulat kung ako’y gagawa ng isang modernong literatura sa kadahilanang mas malayang struktura ng pagsulat.

Bukod pa sa struktura ng pagsulat, siyang tunay nga namang nagkakaroon ako ng inspirasyong sumalat dahil na rin sa mga kilalang mga manunulat ng mga modernong literatura sa ating bansa na nakilala sa pamamagitan ng Facebook, Tiktok, X (dating Twitter), maging sa Instagram na rin; ilan nga sa kanila’y sina Kween Yasmin at Bb. Callisto na kadalasang sumusulat at bumibigkas ng kanilang orihinal na spoken word poetry. Masasabi kong ang mga magaaral na maaaring nakapapanood ng kanilang mga katha’y nakararamdam ng inspirasyong lumalagablab na pumupukaw sa interes ng mga Pilipino sa mga literaturang orihinal mula sa mga kapwa kabayan. Isang magandang paraan ang pag-usbong at pag-unlad ng mga

“Ang desisyon ay instructions ng Division Office, galing sa administrative ba,” ani Bb. Serrano, guro sa ika-11 na baitang. “Kumbaga pabor siya sa students — less subjects, less review na rin,” dagdag pa niya.

Hindi nalalayo sa mga

salita ng guro ang mga komento ng mga

estudyante. Karamihan

ay sumasang-ayon sa panukalang tanggalin ang mga electives. Bukod pa sa mga ito, ang mga asigna sa STEM ay hindi nalalayo sa salitang “mahirap”. Mahirap para sa mga mag-aaral na pagsabayin ang core at elective subjects, lalo na kung ang asignatura ay hindi akma sa kursong tatahakin.

TILAMSIK NG MASA

electives. Isang malaking pag-aaksaya ng oras kung ituturing. Sa halip na ialay ang buong atensyon sa paggawa ng mga takdang-aralin, nababaling ang kanilang atensyon sa mga pandagdag na gawain.

Lumuwag ang kani-kanilang iskedyul at nagbigay ng karagdagang panahon upang makapag pahinga.”

Nakalulungkot man, hindi opisyal na isinasama sa kompyutasyon ng huling grado ang mga

SANDIGAN

literaturang ito sa pagpukaw sa mga interes at pagsanay sa mga kasanayan ng mga magaaral na tangkilikin ang mga literaturang ating pagmamay-ari.

Mapapansin naman siguro natin na hindi lahat ng mga mag-aaral o kabataang Pilipino ay handang tangkilikin ang ating sariling mga katha kung kaya naman bakit hindi natin samantalahin na gamitin ang modernong literatura sa pag-agaw ng pansin ng mga kabataan o maging ang lahat ng mamamayan upang ipakita ang tunay na pagkamalikhain nating mga Pilipino? Kadalasang tinatangkilik ng mga mamamayan ang mga katha ng ibang bansa gaya ng mga Koreanovela at mga Intsik na literatura sapagkat ito’y umanong nakasisiya at nakakapanabik na subaybayan. Gayunpaman, bilang mga Pilipino ay dapat din nating katawanin ang mga literatura ng ating bansa na naglalaman ng makulay na kultura ng ating bayan na dapat na ipagmalaki sa sandaigdigan. Sa mga paaralan, napupukaw ang interes ng mga mag-aaral na sumulat ng iba’t ibang klase ng literatura bunsod ng impluwensiya ng malikhaing pagsulat ng literatura o minsa’y pati na rin sa kagalingang taglay ng mga kilalang manunulat sa henerasyon ngayon, gaya ni Kween Yasmin. Hangga’t ninanais ng mga mag-aaral ang ganitong klase ng literatura, isang suhestiyon na bakit hindi kaya isama ang patungkol sa modernong literatura sa tatalakaying mga aralin? Kung ganito ang mangyayari, may posibilidad na maging determinado sa talakayan ang mga mag-aaral at makaramdam ng pagkaaliw sa kanilang buhaypang-akademiko.

Para naman sa mga kaguruan, nawa’y buong sigla nilang turuan at gabayan ang mga magaaral sa paglalakbay ukol sa literaturang naglalaman ng kultura ng ating bayan. Impluwensiyahan nawa nila ang mga kabataan na tangkilikin at pahalagahan ang sariling atin kumpara sa mga kathang banyaga. Hindi naman ipinagbabawal na aliwin ang sarili gamit ang mga banyagang literatura ngunit sana’y mas ingatan at pahalagahan pa rin ang sarili nating literatura.

Gayunpaman, hindi rin dapat nating kalimutan ang mga klasikal nating literatura; hindi dahil nariyan na ang modernong literatura ay kalilimutan na lamang natin ang nauna rito. Tandaan na ang umuusbong na literatura ay gagawing daan lamang sa kasalukuyan upang pukawin ang atensyon ng mga mag-aaral upang kamtin ang kaunlaran ng bayan. Maraming paraan upang kamtanin ang kaunlaran ng ating bansa ngunit atin itong umpisahan sa lugar kung saan hahasain ang kaalaman at pagkatao ng mga pag-asa ng ating bayan.

Sa kabila ng mga magagandang komento, ang ilan ay sumasalungat sa panukala ng Schools Division Office ng lungsod ng Las Piñas. Ang mga electives ay naging simbolo karangalan ng ating paaralan. Ayon sa mga nakapanayam naming mag-aaral sa LPSci, ito pa naman ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng “regular” at “science” high schools na higit na maghahanda sa mga mag-aaral para sa kolehiyo kaya’t nakalulungkot ding isipin na tuluyang inalis ang mga ito.

“Supposedly, tayong mga taga-Science, dapat advance tayo and level-up ang education natin from the rest,” ani isang mag-aaral mula sa ika11 na baitang.

“No, kasi ‘yun nalang nagiging unique sa’tin,” dagdag pa ng isang estudyante.

Magkakaiba man ang saloobin, tanging kapakanan ng mga mag-aaral ang dapat unahin. Ito ay higit nakabubuti hindi lamang para sa kanila, kundi pati na rin sa mga guro. Lumuwag ang kani-kanilang iskedyul at nagbigay ng karagdagang panahon upang makapag pahinga. Ika nga nila, “mas madadalian ang lahat”. Ang pag-aaral ay sagrado, ngunit nakakatiyak nga ba na ang bawat pahina ng libro ay nakapagbibigay ng ninanais na kaalaman?

Senior High School ang pinakahuling hakbang bago mag-kolehiyo, kaya dapat bigyan ng masusing pagsusuri ang mga asignatura upang masiguradong akma ito sa landas na kanilang tatahakin. Bagaman walang nakababatid sa tunay na rason ng nasabing anunsyo, kapansinpansin ang dagdag kaginhawaan sa isip ng mga estudyante.

Ugat ng palsipikasyon para sa Cha-Cha:

kahangalan

Ano ang mararamdaman mo kung napaoo ka sa isang bagay na taliwas naman sa una mong nalaman? Malamang sa malamang purong pagsisi, huwag mo nang itanggi.

Iniisip ko, ganito na lang din siguro ang naramdaman ng ilang mga residente sa Quezon City at ilang bahagi ng bansa matapos nilang pirmahan ang papel na inakala nilang para sa pagtanggap ng ayuda mula sa kanilang mga barangay noong Enero nitong taon lamang. Sa huli, saka na lang nila napagtanto na para pala ito sa panukalang pagbabago sa Konstitusyon ng 1987 na ang iba sa kanila ay hindi naman talaga sang-ayon pero napilitang sumang-ayon nang walang kamalay-malay.

Kamakailan lang, kinondena ng mga mambabatas ang panunuhol sa mga distrito at lokal na pamahalaan upang pumirma sa isang “people’s initiative” na naglalayong amyendahan ang Konstitusyon. Sa pahayag kay Senator Imee Marcos, nilinaw niya na dismayado sila sa naturang balita dahil ang Konstitusyon ay hindi naman talaga naipagbibili. Sa katunayan, maging si Senator Cynthia Villar din ay tutol na repasuhin ang konstitusyon ng bansa dahil sa dala nitong banta sa karapatan ng mga Pilipino. Sa kaniyang pahayag nitong ika-7 ng Marso sa Las Piñas City National Science High School, ibinunyag niya na sa oras na maamyendahan ito, mahahadlangan ang kalayaan ng mga mamamayan na pumili ng ninanais nilang mamuno sa buong bansa. Dahil dito, hinimok niya rin ang mga Las Piñero na huwag lumagda sa people’s initiative. May punto naman. Kung sakaling matuloy, hindi ba’t magiging isang kalapastanganan kasi ito sa ating mga ninunong naglaan ng dugo’t pawis noon para lamang maipaglaban ang karapatan sa makatarungang paghalal ng mga mamamayan?

Nitong mga nagdaang araw, paulit-ulit kong pinag-aralan kung bakit kaya ganoon na lang kadali para sa mga nasa pamahalaan na utuin ang mga Pinoy na tila ba isang patunay na kahit ang integridad ng tao ay maaaring mayurakan sa pamamagitan lamang ng pera. Ganoon na ba kahangal ang mga Pilipino? Sa totoo lang, hindi ako naniniwalang may hangal na tao. Maaaring hindi lamang nila natikman ang isang matino at pormal na edukasyon kaya wala silang nalalaman o hindi sapat ang kanilang kaalaman sa mga komplikadong takbo ng gobyerno at batas tulad nito. Kaya ayun, inakala nila sa una na wala namang mawawala kung ibibigay nila ang kanilang pirma.

Karagdagan, mukhang nakaliligtaan natin na sa ulat ng Philippine Statistics Authority, isa sa

at kahirapan

sampung mga Pilipino na nasa edad 10 hanggang 64 ang hindi pa makabasa at makasulat sa pagpasok ng 21st century kaya hindi nakapagtatakang may ilang hindi talaga nalalaman ang mga impormasyong nararapat nilang malaman. Kahit gustuhin man nila, ano ang magagawa kung wala silang kapabilidad na maipaalam sa sarili ang mga teknikal na bagay na nakapaloob sa sistema ng gobyerno. Isa pang nakikita kong pinakaugat na suliranin kung bakit nagkaroon ng ganitong insidente ay ang nananatiling lugmok na estado ng mga Pilipino. Sa huling ulat ng Nikkei Asia nitong nakaraang taon, nasa 25 milyong mga Pilipino ang kabilang pa rin sa pangkat ng mga mahihirap na mamamayan. Dahil nga sa kawalan ng maayos na pagkukuhanan ng pantustos sa pang-araw-araw, saan pa ba sila kakapit? Ganoon kasaklap ang kalagayan ng mga nasa laylayan kaya hindi ko rin masisi kung bakit sila nagpapadala sa mga ganitong klaseng estratehiya ng mga nasa tuktok ng piramide. Naiintindihan kong lubusan kung bakit ganoon na lang kung pumutak ang mga mambabatas at ilang mga edukadong mamamayan sa mga taong nagpaloko at pumirma sa panukalang pagbabago sa Cha-Cha dahil buong bansa nga naman ang madadamay dito kung sakali. Ngunit, tingnan din sana nila kung saan umuugat ang naturang aksyon ni Juan. Naniniwala pa rin naman ako na may puso at wastong pag-iisip para sa kapakanan ng mas nakararami ang mga Pilipino kaya imposible na pumirma lamang sila para sa salapi at maruming intensiyon. Malay natin na baka ang iba nga naman talaga sa kanila ay walang sapat na pinag-aralan, hindi makabasa o makapag-analisa nang maayos. Ang isyung ito ay isang panawagan sa ibang ahensya na paigitingin ang papel ng edukasyon gayundin ang pagkilos para sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng bawat Pilipino upang hindi na muling maulit pa, ang ganitong klaseng insidente. Sa paaralan pa lang ay hasain na nang paulit-ulit ang mga kabataan tungkol sa pamahalaan ng Pilipinas! Maging hudyat sana ito upang mas sanayin ang mga kabataan na kilatisin ang mga dokumentong hinaharap sa kanila, lalo na kung kinakailangan ito ng kanilang pirma. Gayundin ay magbukas ng mas maraming oportunidad para sa sambayanan! Oo, hindi madali na maiwaksi ang estratehiyang ginagamit ng ilang mga buwaya sa gobyerno lalo na kung mautak silang gamitin ang kaban ng bayan. Ngunit, hindi pa rin naman imposible na unti-unting matauhan ang mga Pinoy sa tunay na kulay ng mga mandurugas na nasa pwesto na hindi rin marunong umaksyon nang patas at naaayon sa tunay na batas.

opinyon 9 ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LAS PIÑAS paham ang
SALINDIWA
SOPHIA MABANSAG SAMANTHA BALIAO ARRYN DELOS REYES JOHN RICHARD OLETE

Tatlumpu’t

walo. Ito ang mga

bilang ng mga nagdaang taon noong ipinakita ng mga Pilipino ang pagiging makabayan noong Rebolusyon sa EDSA. Ang pagkakaisa ng mga mamamayan ay nagsiwalat ng kalayaan mula sa mahigpit na batas-militar, at ang pagtatag ng panibagong konstitusyon na hanggang ngayon ay walang pinagbago at kasalukuyang itong ginagamit. Darating kaya ang araw na maaari itong magkaroon ng pagbabago?

Unang taon ng paninilbihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., iginiit niya sa madla ang hindi pagkaroon ng mga rebisyon sa 1987 Konstitusyon ni dating Pangulong Corazon Aquino. Ngunit, noong Disyembre lamang ng nakaraang taon ay nais niyang magkaroon ng mga reporma sa kasalukuyang konstitusyon, partikular sa ekonomikong sektor nito.

Hindi

Ayon sa mga kritiko, hindi lamang sa ekonomiya ang magiging motibo ng enyimenda dahil sa mga spekulasyon sa posibleng paghaba ng mga termino sa pamahalaan at pagbanta nito sa karapatang pantao ng Pilipinas. Dito nagbunsod ang mga protesta sa iba’t ibang panig ng bansa, kasama na nitong ika-38 anibersaryo ng Rebolusyon sa EDSA.

Matapos ang kanyang pahayag tungkol sa plataporma para sa Charter Change, mangilang organisasyon ang tutol dito. Ayon sa kinatawan ng Gabriela Women’s Party na si Arlene Brosas, ang pagbabago ng konstitusyon ay hindi magiging patas sa kapakanan ng mga Pilipino. Dagdag pa ni Brosas, ang pinakamabuting paraan ng pagsuporta sa ekonomiya ng bansa ay ang pagtaas ng sahod at pagbibigay ng lupa para sa mga magsasaka. Ang pananaw naman ni Bicolana Gabriela regional director na si Nica Ombao, isinasagawa ang kilusan upang mapalaganap ang mga inisyatibong “anti-people” tulad ng Jeepney Modernization Law at Rice Libertization Law.

lamang ang mga organisasyon ang nagpahayag ng kanilang pagtutol sa kontrobersyal na ChaCha. Katunayan, ipinahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi rin prayoridad ng senado ang nasabing enyimenda. Higit sa lahat, hindi nakakaakit ng mga dayuhang investors ang pagpapalit ng konstitusyon. Ayon pa kay Zubiri, may mga naipasang batas na ang kongreso para sa pagnenegosyo ng mga dayuhan sa Pilipinas at kung minsan ay pinapayagan pa ang 100% na pag-aari nito sa mga dayuhan.

May ilang senador din ang tutol sa ChaCha kagaya ni Senador Grace Poe, kung saan naniniwala siyang may malubhang epekto sa bansa ang pagpalit ng konstitusyon. Ganoon na rin ang opinyon ng iba pang nasa senado kagaya ni Senador Risa Hontiveros, at Senador Cynthia Villar.

Subalit, ito lang ba ang naging proposisyon sa loob ng 37 taon ng konstitusyon? Hindi lamang ang ating pangulo ang nagkaroon ng panukala, kundi apat sa limang nakaraang administrasyon ang nagtangkang baguhin ang saligang batas. Isa na rito ay ang matalik na kaibigan ni dating Pangulong Corazon Aquino at kanyang kaagapay sa pagtalsik ng diktaturyang awtoritaryan, si Fidel Ramos. Si Ramos ay matatandaang naglatag ng susog kung saan mabibigyan ng karapatan na muling mahalal bilang Presidente. Dahil din dito,

Constitutional Reform, isa lamang ang hiling ng mga Pilipino, na hindi baguhin ang saligang batas at tumutok sa pangangailangan ng Bayan. Bukod pa rito, karamihan ng mensahe ng mga organisasyon ay ang sumuporta sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Tatlumput walo. Ito ang mga taong nakalipas noong isinakripisyo ng ating mamamayan ang kanilang kapakanan para sa ngalan ng kalayaan. Ngayon, patuloy ang taumbayan na nananawagan na ibsan ang kilusan dahil may posibilidad na balang araw, magkakaroon ng Pulang Bahid sa Laso na Dilaw.

Pulang Bahid sa Laso na Dilaw

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LAS PIÑAS lathalain paham ang NG MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM
Jibrail Balato at Mary Dionaldo John Steven Calara, Rowela Pineda, at Jibrail Balato MulasaEDSAShrine -ShrineofMary, QueenOfPeace,Our LadyofEDSA |FacebookPage. MulasaRappler.

Pagsamo sa Pambansang Pagbabago

Rowela pineda, Sophia silguera, at john martin hulipas

LikhaniZoeArde

Bagong inisyatibo sa edukasyon ngunit hindi sapat upang palawakin ang kasanayan ng mga kabataan sa matematika, agham, at lalo na sa komprehensyon. Inilatag ng Program For International Assessment (PISA) na ang Pilipinas ang 77th na bansa na nahuhuli sa edukasyon kumpara sa ibang bansa sa taong 2022. Kaya naman inilunsad ni VP Duterte ang “MATATAG” kurikulum at “Catch-Up Fridays” upang mahasa ang kabataan sa iba’t ibang kasanayan upang sila ang

Ang bawat palay na aanihin ay magbubunga ng kalayaan mula sa gutom at kahirapan. Sa naganap na rally noong Enero, ipinaliwanag din ng pangulo ang karagdagang subsidiya sa sektor ng agrikultura. Tulad ng matagumpay na Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security (RISE) Project, nangako ang pangulo na sila ay maglalaan ng mga lupa kung saan sila ay makatanim ng maraming produkto. Ngunit ilang ektarya pa ang kailangan upang mabawasan ang 3.1% implasyon sa bansa dahil sa mga presyo ng bigas, na nagbubunga ng

tagumpay. Nais ng mga Pilipino ang isang administrasyong hindi nasa tinitingala sa ibabaw ng mga ulap. Gusto ng bayan ay isang pamumuno na masasandalan sa mga panahong kinakailangan nila ng kaagapay. Sa mga nagdaang taon, ninanais ng mga Pilipino ang isang bagong pamamalakad para sa kaunlaran ng inang bayan. Nawa’y maibigay ng administrasyong ito ang tunay na pagbabago sa Pilipinas.

“Bagong Pilipinas, bagong bansa. May prinsipyo, may isang salita,” kung tiyak na makabuluhan ang lirikong ginamit sa kanilang pangangampanya, sana ay matupad ang adhikaing ito para sa bansa.

Liham mula sa Balota

agam-agam ng mga Pilipino matapos makita ang nangunguna ang mga kandidatong napabilang sa ginugusto ng masa.

Sa mga nagdaang taon, iba’t ibang kontrobersiya ang lumilitaw tuwing nababanggit ang mga pangalan sa nasabing listahan. Palaisipan pa rin sa ibang mamamayan kung bakit patuloy pa rin napupusuan ng iba ang ilan sa mga ito sa kabila ng mga isyung naririnig natin mula sa mga taong nabanggit.

Kung ating titignan, karaniwan sa mga nakaupo ngayon sa senado ay mga bantog sa ating mga kababayan. Isang halimbawa na rito si Senador Robin Padilla. Kilala si Padilla sa pagiging patok sa takilya pagdating sa kaniyang pag-arte. Hindi rin kaduda-duda ang talento nito sa industriya ng showbiz, kung kaya’t pati sa senado, blockbuster din sa mga boto mula sa mga Pinoy.

Hindi naman nakasaad sa batas kung may kwalipikasyon ba ang pagtakbo sa senado pagdating sa mga kursong natapos ng mga tumatakbo, o kung ano ang una nilang trabaho bago sumabak sa pagiging senador. Ngunit, tinitignan din dapat ang kredensyal ng bawat kandidato kung nararapat ba talaga sila maging senador ng bansa. Hindi porket artista, o kilalang personalidad ay swak na sila para sa senado. Kung talagang hangarin nila ang tumulong sa taong bayan ay may iba’t ibang paraan pa, hindi lamang sa aspeto ng politika.

Kaya sa ating minamahal na botante, ating tignan ang pagkatao ng mga kandidatong nais nating iboto. Hindi maipagkakaila na hangarin ng lahat ng tumatakbo ang pagbabago para sa ating bansa. Subalit, maging maingat pa rin sa ating pagboto, dahil nakasalalay sa ating mga kamay ang kaunlaran ng bansa. Maging tuwid tayo sa ating layunin at huwag nang muling ipikit pa ang mga matang naghahangad ng kabutihan para sa Pilipinas. At nawa’y sa susunod na eleksyon, ang aking nilalaman ay ang mga kandidatong karapat-dapat para sa gobyerno.

lathalain 11 ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LAS PIÑAS paham ang
Rowela Pineda, Anya Gomez, at Kate Soberano
Likha ni Denise De Vera
Likha ni Jett Aliwanag at Emilla Tazyon

Ang kabuluhan ng mga kulay na pula, puti at asul sa watawat ng Pilipinas ay kabayanihan, kapatiran, at kapayapaan. Samantala, ang mga sinag ng araw ay sumisimbolo sa mga probinsyang lumaban noong tayo ay sakop ng mga Espanyol, habang ang tatlong bituin ay sumisimbolo sa tatlong pulo ng bansa— Luzon, Panay at Mindanao.

Bituing Mawawalan ng Ningning

Rowela Pineda

Naomi Camus

Ngunit, paano kung mawala ang ningning ng isa sa mga bituin?

Sa masiglang lansangan ng Maynila, sa gitna ng tawanan at daldalan ng mga batang naglalaro, may malalim na aral sa pagkakaisa na sumasalamin sa patuloy na diskurso na pumapalibot sa panawagan para sa paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas. Habang nakikisali ang mga kabataang Pilipino sa kanilang mga laro, mayroong likas na pag-unawa sa pagsasama, pagtutulungan, at pagkakaiba-iba. Ang bawat bata ay mahalaga na maging kasapi sa mga laro, gayundin ang bawat rehiyon ng bansa.

Pinasimulan ng mga panukala ang mga kamakailang debate ukol sa paghihiwalay ng Mindanao. Gayunpaman, sa gitna ng hiyawan ng retorika sa pulitika, umusbong ang isang matunog na mensahe: Ang kahalagahan ng pangangalaga sa pagkakaisa ng Pilipinas. Dagdag pa sa dahilan ng nais na hiwalayan ng Pilipinas at Mindanao ay ang hindi pagsama ng proyekto para sa pagbaha sa Mindanao na dapat galing sa kaban ng bayan. Ito ay naganap noong 2023 sa ilalim ng administrasyon ni Marcos, dahilan ng pagkasawi ng 18 na tao at

Sa tuwing may sinusundo, madalas nating sinasambit ang ating mga pasasalamat at paghiling sa kanilang kaluluwa na lumisan nang mapayapa. Sa kalungkutang palad, may mga namamatay sa kamay na bakal, kahit na hindi nalilitis para sa kanilang pagkasala.

Ayon sa Human Rights Watch, umabot ng 12 000 mga Pilipino ang napaslang bunsod ng drug war ng dating Pangulong Rodrigo Duterte. Matapos ang madugong giyera para sa hustisyang kinikilala ng nakaraang administrasyon, nagsimulang manungkulan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa pagugong ng panahon, muling naungkat ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa dumaang giyera kontra droga ni Duterte.

Ayon sa mga balita, nanindigan si Marcos na walang hurisdiksyon ang ICC sa bansa. Matatandaang hindi na kabilang ang Pilipinas sa ICC matapos maganap ang mga pagpatay. Sa kabilang banda, naniniwala ang ICC na may karapatan silang ipagpatuloy ang imbestigasyon dahil naganap ang giyera kontra droga sa panahong bahagi ang bansa ng organisasyon. Alalahanin natin ang mga biktimang may kinalaman dito.

Isa si Edward Narvarte na mula sa Caloocan City sa mga libo-libong biktima ng extrajudicial killings noong panahon ng Philippines’ War on Drugs sa termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Setyembre 2016, nilooban ng mga armadong lalaki na kasapi ng Philippines’ drug enforcement agency ang bayan ng Caloocan at nagsimula ng ingay mula sa paputok ng mga baril upang mabawasan ang mga ‘drug addicts.’

“Go to your husband because he was killed, he was shot a lot of times by the police,” mga katagang nagmula sa kabilang linya ng telepono. Inalala ng 55-taong-gulang na si Amelia Santos ang isang tawag na nagdulot ng madugong sugat sa buhay ng kaniyang pamilya, ang pagpanaw ng asawang si Narvarte. Hawak ang larawan ng kaniyang asawa, humarap si Santos sa EJK (extrajudicial killing) Teatro upang ipaglaban ang hustisya. Itinanggi rin nito ang akusasyon sa asawa na kasabwat ito sa isang Philippines drug lord,

naapektuhan ang halos 72,000 na pamilya sa naganap na pagbaha.

Iginiit ni Pantaleon Alvarez, ang tagapagsalita at mambabatas sa Davao Del Norte, walang batas na nakapaloob sa konstitusyon tungkol sa paghihiwalay ng isang estado sa kanilang bansa. Ang panawagang ito ay walang halong gulo at para lamang sa kaunlaran ng Mindanao.

Kinondena ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paniniwala ng paghihiwalay ng Mindanao. Sa kanyang talumpati sa kaganapan ng “Araw ng Konstitusyon”, binigyang-diin niya ang kalapastanganan ng naturang panukala na nag-ugat sa mga maling prinsipyo at nakatakdang mabigo nang walang suporta ng gobyerno ng Bangsamoro.

Ang Mindanao, kasama ang magkakaibang kultura, mayamang pamana, at mga kontribusyon sa ekonomiya, ay isang malaking bahagi ng pagkakakilanlan ng bansa. Ang pagsasama nito sa loob ng Pilipinas ay hindi lamang legal na mandato kundi isang patunay ng pagkakaisa na tumutukoy sa diwa ng Pilipino.

Sa paglubog ng araw sa mataong mga lansangan ng Maynila at ang tawanan ng mga bata ay unti-unting nawawala pagsapit ng gabi, ang panawagan para sa paghihiwalay ng Mindanao ay tulad ng pag-atras ng isang mahalagang kalahok sa laro. Sa pagbitbit ng kabataan ng kanilang natatanging lakas at pananaw sa palaruan, gayundin ang bawat rehiyon, tayo ay umaambag sa sama-samang pag-unlad at kaunlaran ng bansa. Nananatiling malinaw ang aral: Sa bawat bansa, ang pagkakaisa ay hindi lamang isang pagpipilian kundi isang sagradong tungkulin—isa na higit sa pulitika at binibigyang-diin ang lakas ng ang diwang Pilipino. Ang tatlong bituin ng ating watawat ay nagsisilbing sinag ng ating mga kababayan sa dilim. Kung mawawalan ng ningning ang isa sa mga ito, hindi malalaman kung ano ang ilaw ng mga Pilipino tungo sa kaunlaran ng bansa.

Sa muling pagbukas ng imbestigasyon ng ICC sa Philippines drug on war, kahit na nalulumo ang boses, buong pusong sinisigaw at hinihingi ni Santos ang hustisya para sa namayapa niyang asawa. Dahil kahit na lumipas na ang ilang taon, hindinghindi niya malilimot ang sakit at takot na naranasan ng kaniyang pamilya matapos madatnan ang walang malay na asawa sa sarili nilang tahanan.

Kian Delos Santos

Labing-pitong taong gulang si Kian Delos Santos sa araw ng kanyang kamatayan noong gabi ng Agosto 16, 2017 mula sa operasyon ng Oplan Galugad sa Barangay 169, lungsod ng Caloocan. Ayon sa imbestigasyon, nakita ang biktima sa panahon ng operasyon bandang 8 ng gabi. Natagpuan sa kanyang bangkay ang isang 45-caliber na baril, apat na bala, at dalawang sachet ng pinaghihinalaang methamphetamine.

Sinabi ng pulisya na tumakas siya nang makita niyang lumalapit sila at sinubukan niyang lumaban gamit ang kaniyang baril. Subalit, ayon sa isang kamag-anak ng biktima ay walang katotohanan ang mga paratang nito. Ayon sa ibang mga saksi, binanta si Delos Santos at dinaan sa paghihirap ilang minuto bago ang kanyang pagpanaw. Sari-saring mga spekulasyon at reaksyon ang mga mamamayang Pilipino, lalo na sa mga magulang ng biktima.

Limang taon na ang nakalipas mula sa paglibing ng biktima at ibinunyag ni Dra. Raquel Fortun ang hindi maayos na pagsagawa ng autopsy sa katawan ni Delos Santos. Ayon sa kanya, mayroong nakuhang isang bala ng baril mula sa leeg ng biktima, na posibleng maikonekta sa baril na naiputok noon pa. Dahil sa mga pagduda, hiniling ng mga kamag-anak, pati na ring mga magulang ng biktima ang pagpasok ng ICC sa ating bansa upang tunay nilang makamit ang hustisya para sa kanilang anak.

Sila ay dalawa lang sa 12 000 mga kababayang kapayapaan ang kailangan. Sa kahit anumang krimen, mahalaga ang paglilitis dahil sa pamamagitan nito, napangangalagaan natin ang katotohanan at hustisya para sa masang nangangailangan. Balang araw, nawa masabi talaga natin sa iba na sila ay masundo na na nang mapayapa.

Chismax

Jiannah Siniguian

Julia Mae Buagas

Madeline Ortega

“Buhay pa ba ang showbiz kung walang chismis?”

Kilalang patok sa masa si Ogie Diaz bilang isa sa mga tinatawag natin na “Online Marites”, kasama sina Xian Gaza at Cristy Fermin. Maipapakita dito ang paraan ni Ogie sa pagbabahagi ng mga isyu o chismis habang kinikilala din ang posibilidad ng maling impormasyon o pagmamalabis sa industriya ng entertainment. Kamakailan, ang sikat at pinakamamahal na loveteam ng mga Filipino netizens na KathNiel ay naghiwalay matapos tuldukan ang 11 na taong pagsasama. Marami ang tumanggi sa mga lumaganap na chismis at nais maghintay sa dalawa na magsalita ukol dito. Chika lang, walang personalan. Matatandaang sina Ogie Diaz at Cristy Fermin ang mga nangunang magsalita tungkol sa hiwalayang KathNiel ngunit, hindi sumang-ayon ang mga netizens sa nasabing isyu. Dahil dito, sina Ogie Diaz at Cristy Fermin ay tinawag binansagang fake news peddler sa gitna ng paglaganap ng isyu. Sumunod naman dito si Xian Gaza na nagkaroon ng Instagram Live tungkol sa hiwalayan ng magkasintahan. Nasabi sa live ni Xian Gaza na mayroong nagloko sa relasyon ng KathNiel at tama ang mga sinasabing chismis ni Ogie Diaz. Sa bawat isyu, may kwento! Pagkaraan ng ilang araw, lumutang naman ang mga sinasabing ebidensya na nagpapatunay sa mga ibinahagi nina Ogie, Cristy, at Xian. Kasama na rito ang mga umanong sampid ni Daniel Padilla habang sila pa ni Kathryn Bernardo. Dahil sa mga pangyayaring ito. Samu’t saring emosyon ang binahagi ng mga netizens. Ang iba ay tuluyang naniwala sa mga binitawan nilang salita sa midya, at ang iba naman ay patuloy pa ring naniniwala na malabong gawin ito ni Daniel. Ang mga pangyayaring ito ay maaaring mangyari rin sa ating gobyerno. Maraming tao ang nagpapakalat ng iba’t ibang impormasyon na hindi totoo, o kaya naman ay mga kwentong may halo nang ibang kwento o dagdag impormasyon na walang katotohanan. Dahil dito, tila pinapaikot ang mga mamamayan sa mga palsong impormasyon na maaaring makaapekto sa kanilang buhay at mas malala ay humantong sa malaking delubyo dahil sa mga maling impormasyong ipinapakalat ngayon.

Kung may alam ka, ‘wag mong itago, ibahagi mo! Nararapat nating maunawaan ang malaking agwat ng makatotohanang balita at mga walang kabuluhang kwento. Kung kaya’t alinsunod sa payo ni Xian Gaza, tayo ay maging responsableng marites. Sa ganitong paraan, maaari nating paigtingin ang antas ng kaalaman at mapanatili ang katotohanan at integridad ng impormasyon na ating natatanggap. Tandaan natin na kahit bali-baliktarin man ang mundo, ang totoo ay mananaig. Buhay na buhay ang showbiz dahil sa chismis, ngunit sana buhayin natin ang pagmamahal para sa katotohanan.

12 lathalain paham ang ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LAS PIÑAS
Kababayang Kapayapaan ang Kailangan Rafael Quilling III
KKK:
John Steven Calara
John Martin Hulipas
Edward Navarte
Sent

Kate Soberano at Qianne Enriquez

Wala siyang kaharian gaya ng ibang reyna, Puso’y laging durog at wala ring haring kinikilala

Siya si Kween Yasmin, na hindi kinakailangan ng korona

Dahil bibig at isipan pa lamang, panalo na siya

Pantog pantog pantog,

Modern Makata na hindi nagpapigil sa pagiging bantog, Nagpatawa mula tuktok ng arinola hanggang sa timog, Hindi lamang tubig mula sa bato ang kamuntikang mapasabog.

Gaya ng sikmurang puno ng asido at pakla, Hindi pa rin nagpapiga ang mga mala-ampalayang batikos ng madla, Mga komentong nagmula sa esophagus ng panghuhusga, Ay wapakelz sa reyna ng komedya.

Sa bawat pagbigkas sa Tiktok at pagsulat sa Facebook, Nabibigyang-daan ang literatura na maging patok; Hindi lamang kaalaman at pagpapahalaga ang naitatampok, Kundi pati kamalayan ng kabataan ay nailililok.

Kilala na ang mga Pilipino sa larangan ng komedya, Purong natural at ‘di na bago ang ganitong istilo ng paggawa, Hindi man nakatatawa para sa iilang tagapakinig at mambabasa, ‘Di pa rin dapat itinutulak sa hukay ng pagkalimot ang tinapay ng pagkilala..

Kaya’t sa paglipas ng panahon, Huwag hahayaang literatura’y mabaon. Dahil tulad ng pag-asang binibigay nito sa reyna ng mga tula, Pagmamahal sa bayan, sa literatura nagmumula.

Sa walang tigatig na himig

Simoy ng hanging kay lamig

Sa mga mata niyang bahagyang nakapikit, Malamig, at asul na nagmistulang walang ulap na langit.

Ritmong walang sigla, at mahinang hampas ng hangin, Mainit na siklab ng pagmamahal ay ‘di pinapansin.

Sa drama ng buhay, isang dalagita ang nasa entablado.

Babaeng OA, nabihag ang kaniyang puso.

Sa teatro ng kaguluhan, Ang dalaga ang pangunahing tauhan.

Ngunit sa dula-dulaang ito, oh pusong dalisay, Siya’y natatakot sa pagkalumbay.

‘Sing liwanag ng araw kung siya’y magpasikat

Ang isa’y walang imik at malamig, kaniyang kumpletong salungat

Ngunit sa likod ng kaniyang kalmadong dayag

Puso’y tuluyang nahulog at kaniyang nabihag.

Sa gitna ng kawalang-interes, isang tunay na pagsusumamo.

Pakikiramay, at unawa ng dalaga’y nais matamo.

Sa ilalim ng kalmadong ito, isang misteryo ang nakatago.

Tahimik na inihayag ang isang kawalang-bahalang puso.

Sa kabila ng mga pagkakaibang kanilang taglay

Tila’y perpektong tugma ang malayang mapagmamasdan

Siya’y nagbibigay-kulay at saya sa kaniyang buhay

Sa mundong walang tigatig na kaniyang nakasanayan.

Ang Pato ng mga Bentrilokwo

MRowela Pineda at Rafael Quilling III

ay isang lungsod na may matatayog na mga gusali at mamamayang madalang maabala, kahit na nakabibingi ang busina ng mga behikulo sa kalsada. Dito sa lungsod na ito, pinaniniwalaang makakamit mo ang iyong ninanais. Minsang nauso ang pagsabit ng mga Pilipino ng pato sa kanilang mga ulo bilang palamuti. Ang mga bibeng ito ay may iba’t ibang disenyo. May mga patong sinasabitan ng munting bulaklak o ‘di kaya’y sumbrero. Ito ang ginusto ng masa kung kaya naging bantog ang ideyang ito.

Dito sa lungsod, pinaniniwalaang makakamit

binalita ito sa telebisyon at naging paksa ng katuwaan para sa masa.

Sa iyong pamamalagi rito sa lungsod sa loob ng napakahabang panahon, makakamit mo rin ang iyong gusto.

Halos lahat na ay may nakasabit na bibe sa kanilang mga ulo, kahit na ito ay hindi masyadong pinag-isipang kung para saan ang pagagamitan. Ang lahat ng ito ay nangyayari kung saan tila pinaglalaruaan ng mga bentrilokwo ang kanilang mga manikang taong may sinulid na mga pato at ang buong bansa ay isang teatro.

Sa pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga patong ito, ang mga kababayan din natin sumusunod sa iskrip ng mga makapangyarihang bentrilokwo, kahit na taliwas sa kabutihan at hustisya ang katawan ng kuwentong akda

Maestra ng

Likha ni Emilla Tayzon

Kathang Obra

Mary Dionaldo at John Steven Calara

“Huwag na huwag mong sasabihin,” mga katagang paulit-ulit na naririnig sa isang awiting hindi mo akalaing puso mo’y mapapapintig. Puno ng napakaraming musika na tinernohan pa ng malamyos na himig ng isang dalaga. Dalagang hindi mo alam kung ano ang hitsura, pormang hindi mo mahihinuha, at damdaming ipaparating sa lahat gamit ang kanyang obra. Isang dilag na akala mo’y naranasan na ang lahat at kung kumanta ay wari tumatangis para sa kanyang mahal. Isang binibining namamayagpag muli sa industriya dahil sa kanyang lumalagablab na huning mas umaalab pa sa ibong lumilipad.

Nakaaawang tignan ang mga mamamayang sumasabay sa uso nang hindi namamalayan na sila ay kontrolado na ng isang tuso— tusong bentrilokwo na nagdadala ng panganib sa mga Pilipino, at inaabuso ang mga walang kamalayan sa totoong sitwasyon ng ating bansa. Lingid sa kaalaman ng mga ito ang patuloy na panlilinlang ng mga makapangyarihang tao, para lamang sa kaluguran ng kanilang luho. Dahil para sa kanila, tayo ay mga disenyo lamang na nagbibigay kasiyahan sa kanilang mundo.

“May gusto ka bang sabihin? Ba’t ‘di mapakali, ni hindi makatingin,” liriko ng isang musikang pumukaw ng aking atensyon habang tinatahak ang daang pawang walang katapusan. Sa kabila ng katahimikan sa loob ng aming sinasakyan, nagdulot ito ng kakaibang alab sa aking puso’t isipan. Bawat katagang winika ng kaniyang tinig na kamangha-mangha ay tila isang himig ng kaalaman na hinihintay kong mapakinggan. Unti-unting kumakapal ang kadilimang hatid ng mga suliraning hindi ko matuldukan, mga lihim na ibinaon sa kaibuturan ng aking katauhan.

“Iba’ng nararapat sa akin, na tunay kong mamahalin,” mga linya sa kantang alam kong ang punto ay kaniyang kasintahan, ngunit sa akin nabuksan nito ang aking tinatapalang kalungkutan. Sinubukan kong pigilan ang mga luhang pilit kumakawala sa aking mga mata, ngunit ako ay nabigla, ito ay tumulo nang kusa. Akala ko ayos lang tapalan ang lahat basta walang butas ang naiwang bukas, subalit napagtanto kong masyado na pa lang mabigat ang lahat.

“At sa gabi sinong duduyan sa’yo, at sa umaga ang hangin na’ng hahaplos sa’yo,” naging malinaw sa akin ang lahat, hindi sa lahat ng pagkakataon may taong pupunas ng luhang sa aking mga mata ay bumubuhos. Dito ako nagising sa reyalidad na hindi sapat ang aking mga galaw tungo sa kaligayahang hinahangad. Isang awiting hindi sinsadyang mapakinggan, ngunit binigyan ako ng pagkakataong pagnilayan ang lahat. Aking hinanap ang ngalan ng dilag sa likod ng maingay na radyo na lulan ng aming sasakyan. Kitchie. Kitchie Nadal, ngalang bagay sa maestrang kumatha ng isang obrang pawang sinulat para dumaldal o kaya naman para ang lahat ay may mapakinggan habang komportableng nakasandal.

ni Jiannah Siniguian at Madeline Ortega
panitikan ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LAS PIÑAS
Ang Liwanag sa Nakatagong Lalim ng Puso
paham ang
Likha ni Jett Aliwanag

DEPEDXMASTREES:

Pagtatanim ng pag-asa para sa kinabukasan ng bayan

oong nakaraang Disyembre, nagkaroon ng makabuluhang kaganapan sa Las Piñas City National Science High School (LPSci) sa pamamagitan ng proyektong “#DepEdXmasTrees”. Layunin ng proyekto ito na magtanim ng 236,000 na mga puno bilang isang regalo sa mga bata noong Kapaskuhan. Sa pamamagitan ng mga aktibidad sa pagtatanim ng mga puno, hangarin nitong mas palawakin pa ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa mga isyung pangkalikasan. Ayon kay Miguel Dabu, “Tunay na ang pagtatanim ng puno ay pagtatanim ng pag-asa para sa kinabukasan ng bayan.” Sa pangunguna ng LPSci, nakiisa siya kasama na rin ang ilang mga piling mag-aaral sa proyektong ito upang magkaroon ng malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng pangangalaga ng kalikasan. Ang proyektong ito ay kaakibat ng mga tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa rehiyon. Ito ay isang malaking hakbang para sa bansa sa ilalim ng National Greening Program, na naglalayong muling taniman ng mga puno ang isa hanggang dalawang milyong ektarya ng lupa bago matapos ang taong 2028. Sa pamumuno ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte, inaasahan ang lahat na pangalagaan ang mga itinanim upang ito ay magkaroon ng pakinabang sa hinaharap at magamit pa ng mga susunod na henerasyon ng mag-aaral ng LPSci. Noong ika-6 ng Disyembre, idinaos ang aktibidad ng pagtatanim ng mga puno. Ang aktibidad na ito ay isinasagawa bilang regalo sa mga batang Pilipino na naglalayong mabigyan ng mas magandang kinabukasan. Kabilang sa mga grupo na dumalo sa aktibidad ay ang Secondary Supreme Learners, Boy at Girl Scouts of the Philippines, Youth For Environment For The Schools Organization, at mga guro mula sa iba’t ibang departamento ng

Alternatibo sa Breast Cancer Screening, nadetect na

Iminungkahi ng mga estudyante ng Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) na sina Cambal, Domingo, Ruin, at Siervo sa programang I Make We Make ng Department of Science and Technology (DOST) ang Thermosense o learning-based thermal radiomics approach na gumagamit ng Arduino, isang electronics platform na gumagamit ng mga easy-to-use hardware at software, bilang alternatibo sa pagdiagnose ng breast cancer.

Ayon sa kanilang sinumiteng research proposal, umaabot ng 70% ang detection rate ng breast cancers stages 1 at 2 sa mga high-income na mga bansa, samantalang sa mga middle-income at low-income na mga bansa naman ay tinatayang nasa 20% hanggang 30% lamang. Ang sinasabing dahilan para rito ay ang financial constraints at kawalan ng mga advanced medical equipment.

Naging inspirasyon din ng kanilang proyekto ang mga kasalukuyang limitasyon ng mammogram na karaniwang ginagamit sa pag-screen sa posibleng breast cancer. Gaya ng kadalasan ay hindi nito pagdetect sa mga tumor lumps na mas maliit sa 5mm. Mas masakit din ang testing procedure na dulot ng mammogram sa pasyente dahil iniipit ang dibdib ng pasyente sa pagitan ng dalawang metal plates. Dagdag pa rito, hindi rin lahat ng pasyente ay maaaring sumailalim sa mammogram kung kaya’t nagkakaroon din ito ng bias.

Mababa rin ang success rate ng mammogram sa pagtukoy ng breast cancer, kaya naman kadalasan ang mga pasyente ay kinakailangan pa na sumailalim muli sa repeated testing. Ang repeated testing ay isang proseso kung saan ang isang indibidwal ay i-e-expose sa X-ray waves upang ma-trigger ang Cancer Cells at malaman kung ito ay positibo sa Breast Cancer.

Ang alternatibong suwestiyon naman diyan ng mga mananaliksik mula sa LPCNSHS ay ang paggamit ng Thermosense na magsisilbing mas magandang screening test, sapagkat mas madali itong makuha ng mga middle-to-low economy na mga bansa at gumagamit ito ng cost-effective components ng Arduino. Maliban pa rito, sinasabing mas ligtas ang testing procedure nito kaysa sa mammography dahil hindi ito masakit at inclusive para sa lahat.

Ang mga uri ng puno na itinanim ay: calamansi, santol, langka, avocado, atis, at kamias. Sa pamamagitan ng pagtatanim sa mga ito, umaasa ang lahat na mabawasan ang epekto ng pagbabago ng klima at pagkakaroon ng mas malinis at sariwang hangin sa LPSci. Dagdag pa rito, adhikain din ng proyektong ito na magbigay nang kamalayan sa mga mag-aaral at magturo ng praktikal na paggamit ng konsepto sa kalikasan para sa matatag na kinabukasan. Layon din ng programang ito na mas palawakin ang kaalaman at pag-unawa ng mga magaaral tungkol sa mga isyung pangkalikasan sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga aktibidad tulad ng pagtatanim ng mga puno. Inaasahan ring mabibigyan ang mga mag-aaral ng LPSci ng oportunidad na maging aktibong bahagi sa pangangalaga ng kalikasan bilang bahagi ng National Greening Program ng DENR. Bukod pa rito, ang mga guro at mag-aaral ay hinimok din na maging miyembro ng mga pang-kalikasan na organisasyon tulad ng Youth for Environment for the Schools Organization (YES-O), at boy at Girl Scouts ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng pagiging bahagi sa mga ito ay maaari silang magkaroon ng pagkakataon na makilahok sa iba’t ibang proyekto at aktibidad para sa kalikasan at maipakita ang kanilang liderato at pagmamalasakit sa kapaligiran. Ang epekto ng proyektong ito sa hardin ng LPSci ay inaasahang magiging positibo, lalo na at dahil sa programang ito ay mas mapapalawak ang biodiversity ng paaralan at magkakaroon ng mas maraming puno na siyang magbibigay ng lilim at sariwang hangin para sa mga mag-aaral. Bukod pa rito, malaki rin ang benepisyong hatid nito para sa mga mag-aaral lalo na at magkakaroon sila ng ideya sa mga praktikal na halimbawang nagpapakita ng kahalagahan ng pagtatanim ng puno at pangangalaga sa kalikasan.

STYLISH WIGS:

Snake Plant bilang pamalit sa mga Synthetic Wigs

Stylish na mga Wigs gamit ang halaman sa iyong tahanan

Matagumpay na ibinida ng mga piling magaaral mula sa Las Piñas City National Science High School ang Snake Plant bilang isang alternatibo sa mga Synthetic Wigs, sa naganap na Research Fair na inorganisa ng UP Alchemes noong Pebrero 1-3, 2024 sa UP Diliman.

Sa pangunguna nina Aki Gabriel A. Hernandez, Cyree Elisha B. Pamplona, at Danette Ramiel S. Elias kasama ng kanilang coach na si Bb. Lyneth Z. Cabria, matagumpay nilang nakuha ang 1st Runner Up sa tulong ng kanilang pananaliksik na may titulong “Snake Plant Optimized Fiber as Tresses (SPOFT): A Sustainable Substitute for Synthetic Hair.” Kung saan naglalayon itong tugunan ang lumalalang sitwasyon ng ating kalikasan sa pamamagitan ng paggamit ng Snake Plant bilang pamalit sa mga Synthetic Wigs, na karaniwang gawa sa mga ultra-fine na plastik at petrochemical na materyal gaya ng polyester at PVC na siyang nagiging dahilan ng pagkasira ng ating kalikasan.

Kilala ang Snake Plant o Draceana

trifasciata bilang isa sa mga halamang dekorasyon na kadalasang makikita sa loob ng mga tahanan. Maliban sa nakakapag-pagaan ito ng ambiance, may ilang mga benepisyo rin itong dala partikular na sa kalusugan. Gaya ng kaya nitong i-filter ang carbon dioxide para maging isang oxygen, i-absorb ang mga cancer-causing pollutants tulad ng xylene, benzene, formaldehyde, at iba pa. Madali rin itong alagaan at low maintenance kaya naman isa ito sa mga sikat na halaman. Ang Snake Plant ay isa sa mga materyal na matagal nang ginagamit lalo na sa larangan ng clothing, paper at produksyon ng fiberglass, dahil ang mga dahon nito ay binubuo ng lignocellulose, isang biopolymer complex na nagsisilbing suporta sa tissue ng halaman. Karaniwan itong binubuo ng cellulose, hemicellulose, at lignin na siyang nagpapatibay sa komposisyon ng dahon na nagiging dahilan upang hindi ito madaling masira.

Sa naging resulta ng kanilang pananaliksik matapos isagawa ang proseso ng fiber extraction, collection, straightening, at

i-expose sa mga kemikal gaya ng dye solution at fabric conditioner upang masiguro ang kalidad nito bilang pamalit sa mga Synthetic Wigs. Lumalabas na ang tensile strength ng Snake Plant o ang maximum na pwersa na kayang i-resist ng isang produkto kapag hinila bago ito mapunit o masira ay umaabot ng 29.66 kgf/g.m. Habang ang elongation strength nito, o ang haba na kayang iunat ng isang bagay bago ito masira na karaniwang ikinukumpara sa orihinal na sukat ng isang materyal ay nasa 3.82%. Wala ring nakitang damage o negatibong epekto sa produkto matapos i-expose sa mga nasabing proseso.

Hangad naman ng grupo na sa tulong ng pananaliksik na kanilang isinagawa ay magbibigay daan ito upang mas gawing accessible ang mga Wigs para sa lahat sa pamamagitan ng paggamit sa Snake Plant. Dagdag pa rito, nais din nitong siguruhin ang kaligtasan ng kalikasan at bawasan ang basura lalo na ang mga plastik, na matagal ng suliranin ng bansa habang sinisigurado ang pagkakaroon ng dekalidad at stylish na wigs para sa mga Pilipino.

paham ang ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LAS PIÑAS
JANELLA GUTIERREZ
agham
JAZMIN BALTAZAR ABEGAIL POLOAN PANANALIKSIK SA KALIKASAN. Inuwi nina Aki Gabriel A. Hernandez, Cyree Elisha B. Pamplona, at Danette Ramiel S. Elias ang 1st Runner Up sa Research Fair ng UP Alchemes noong Pebrero 3, 2024. MulakayAkiGabrielHernandez.

iilang mga indibidwal na ginagamit ito sa kanilang mga negatibong gawain para makapanloko ng ibang tao.

Kamakailan lamang ay naging laman ng usapan sa Social Media, ang balita tungkol sa naging post ng isang News Anchor ng kilalang istasyon sa telebisyon. Sa kanyang ibinahaging larawan, makikita ang kanyang bidyo na nagrereport umano tungkol sa programa ng kilalang Senador. Subalit sa kanyang caption, kanyang sinabi na hindi ito totoo. Ninakaw lamang ang kanyang larawan pati ang logo ng istasyon ng kanyang pinagtatrabahuhan at isinailalim sa Deepfake, isang uri ng AI na kayang gayahin ang itsura, galaw, pananalita, at boses ng isang tao.

Dahil dito, hindi maiwasang mabahala ng ilang mga mamamahayag, gayong hindi ito ang

“Isipin mo naman ang iyong kalusugan” Walang tigil natin itong naririnig sa tuwing nakakakita tayo ng isang taong naninigarilyo at gumagamit ng vape. Kumpara sa sigarilyo, ang paggamit ng vape ay mas malala dahil ito ay binubuo ng mga kemikal tulad ng nicotine, propylene glycol, carbonyls, at carbon monoxide na siyang nagiging dahilan upang ma-addict ang isang tao. Dahil dito ay hindi talaga natin maitatanggi na ito ay nakakasira sa ating kalusugan.

Ang henerasyon natin ngayon ay puno ng problema na hindi matapos-tapos at hindi masolusyunan, isa na rito ang mga masasamang bisyo na hanggang ngayon ay walang tigil na lumalaganap. Ayon sa isang artikulo, hindi lamang matatanda ang ang may masamang mga bisyo kundi pati na rin ang mga batang edad 13-15 na wala pang kamalay-malay kung ano ang magiging kalabasan ng kanilang ginagawa.

Maaaring

“Hindi madali ang pagpepelikula.

Sobrang hirap, talagang passion and determination ‘yon and yung genuine na purpose mo bakit ka nagpepelikula at ano ba ang gusto mong maipakita sa mga manonood. ‘Yun talaga yung pinanghawakan namin,” ayan ang naging komento ng direktor ng Alukkana Productions na si James Mark Caponpon sa isang pahayag ukol sa kanyang naging karanasan sa pagbuo ng pelikula na “Ruta”. Bagama’t nagawang makapasok ng Alukkana Productions bilang finalist sa ilalim ng Youth category sa prestihiyosong 7th Indie-Siyensya Film Festival, na inorganisa ng Department of Science and Technology - Science Education Institute, marami silang pinagdaanan bago makamit ang tagumpay na ito.

Pekeng Impormasyon mula sa Makabagong Inobasyon

ating pamumuhay. Subalit imbes na solusyonan ang ganitong mga bagay, madalas ang mga may posisyon pa sa taas, na siyang dapat magsilbing mabuting gabay sa mga mamamayan, ang nangunguna sa paggawa at pagpapakalat ng mga pekeng bidyo. Kaya naman dahil dito, napatunayan natin na malakas ang hatak ng AI upang makuha ang boto ng mga Pilipino kahit na sa paraan ito ng panloloko.

tinatalakay ang mga pangyayari noon.

kung saan makikita siya na nag-e-enderso ng isang produkto na nakatutulong umano makapagpabawas ng timbang. Aniya wala siyang alam at kahit kailan ay hindi niya pa narinig o ginamit ang produktong ito.

Kaya naman nangangamba ang karamihan, partikular na ang mga sikat na personalidad sa kakayahan at kapangyarihang taglay ng Deepfake na maaaring gamitin upang manloko o manira ng reputasyon ng ibang tao. Lalo na at isa rin sa mga pangunahing puntirya ng ganitong teknolohiya ay ang mga K-pop Idols, kung saan sa isang pindot lang ay kaya na nitong gamitin ang kanilang mukha, itsura, at boses sa maling pamamaraan.

Tunay na sa mga ganitong sitwasyon, hindi maikakaila ang negatibong epekto ng mga AI sa

nasaksihan nila ang hindi mabuting gawaing ito sa kanilang kapaligiran at hindi maayos na pamayanan.

Bunga rin ng hindi magandang gawain na ito, maaari ring maapektuhan ang mga “secondhand smokers” o ang mga taong nakakalanghap ng usok na ito kagaya na lamang ng mga bata, matatanda, at ang mga may sakit, kung saan maaaring magkaroon sila ng asthma, chronic bronchitis, lung cancer, at iba pa. May posibilidad rin na mas lalong lumala ang kanilang karamdaman tulad ng ulcer, sinusitis, sakit sa puso, at iba pa.

Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, umaabot sa 2.8 milyon ang mga

Ang Ruta

Kilala ang Las Piñas sa produksyon nito ng bamboo. Ito ang naging daan upang mabuo ng grupo ang konsepto ng kanilang shortfilm documentary na pinamagatang “Ruta” na tumututok sa temang “Sustainability, Innovation, and Entrepreneurship”. Layunin ng grupo na ipakita sa global na komunidad ang potensyal ng Las Piñas pagdating sa paggamit ng kawayan bilang isang pangunahing materyal sa iba’t ibang industriya, patunay sa kakayahan ng lungsod na maging isang sentro ng pagbabago at pag-unlad.

Madalas nakikita ng mga tao ang kawayan bilang palamuti o di kaya’y isang materyal lamang na gamit sa paggawa ng mga kasangkapan. Lingid sa

Sa kabila ng negatibo nitong dala, hindi maitatanggi na malaki ang tulong ng Deepfake sa pag-unlad ng ilang mga larangan. Gaya na lang ng Entertainment, kung saan malaki ang naging ambag nito upang mabawasan ang gastusin ng mga kumpanya sa produksyon ng isang pelikula. Sapagkat mas madali nang i-edit ang audio at video ng bawat scenes at hindi na kinakailangan ng CGI para magawa ito. Para naman sa ilang mga brands na ang produkto ay skincare at make-up, mas madali nang gawing marketable ang kanilang mga ibinebenta. Sapagkat dahil dito nakagagawa na sila ng mga bidyo na curated at personalize sa kanilang mga target audience na siyang nakaiimpluwensya sa emosyon nila, na nagiging dahilan upang sila ay bumili.

Maliban pa rito, malaki rin ang ambag ng Deepfake sa Larangan ng Edukasyon, sapagkat maaari na nitong gawing mas nakakapukaw atensyon at interactive ang mga talakayan na nagaganap sa silid-aralan. Halimbawa na lamang ay ang paggawa ng real-life simulation tungkol sa kasaysayan ng ating bansa, o kaya naman ay paggawa ng isang bidyo gamit ang larawan ng isang kilalang bayani kung saan kanyang

populasyon sa Pilipinas. Napakalaking bahagi ng buhay kung titignan ang nailalagay sa panganib dahil lamang sa pagkalulong ng mga indibidwal sa hindi magandang gawaing ito.

kalalakihang gumagamit vape habang 1.8 milyon naman sa mga kababaihan, na tinatayang may kabuuang 4.6 milyon ang

Dagdag pa rito, ilan sa mga negatibong epekto na ating makukuha sa paggamit ng Vape ay pagkakaroon ng sakit sa utak. Dahil sa paninigarilyo, tumataas ng dalawa hanggang apat na beses ang posibilidad na makaranas ng stroke ang isang tao. Maaari rin itong magdulot ng pinsala sa utak na mauwi sa kamatayan. Bukod pa rito, posible rin itong magdulot ng sakit sa puso dahil ang mga kemikal na mayroon ang vape ay maaaring maging dahilan ng mga problema sa puso at daluyan ng dugo. Gaya ng Atherosclerosis, kung saan magkakaroon ng pamumuo ng dugo na

Bukod pa rito, ang mga Deepfake technology ay maaari ring gamitin para bigyang atensyon ang mga suliranin na kinahaharap ng ating lipunan at bigyang boses ang mga walang kakayahan na tumindig. Tulad na lamang ng paggawa ng bidyo tungkol sa magiging epekto ng Climate Change sa ating bansa kung ito ay hindi maagapan, o kaya naman ay sa sitwasyon na kinahaharap ng mga tao partikular na ng mga kababaihan at kabataan sa Palestine.

Ilan lamang iyan sa mga benepisyong hatid ng Deepfake.

“Subalit dahil sa mga makasariling tao, ang mga benepisyong ito ay natatabunan lamang ng mga negatibong epekto dahil sa iresponsableng paggamit nito. ”

Kaya naman mahalaga na ang mga nakatataas ay bumuo ng polisiya at batas na tatalakay sa tamang paggamit ng mga AI technology upang maiwasan ang pang-aabuso sa mga ito na maaaring mauwi sa hindi magandang pangyayari.

Mahalaga rin na magkaroon ng pananagutan ang bawat tao sa paggamit ng ganitong teknolohiya, sapagkat ang Breakthrough Innovation na ito ay makapangyarihan at maaaring gamitin upang sirain ang ating buhay.

nagbabara sa mga ugat ng katawan. Ayon sa datos ng World Health Organizaton (WHO), ang paninigarilyo ay responsable sa anim na milyong pagkamatay ng mga tao sa buong mundo taun-taon, at karamihan sa mga ito ay kabataan. Ang Pilipinas ay isa sa labinlimang bansa sa buong mundo na may mabigat na problema bunga ng masamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan. Dagdag pa rito, 87,600 na Pilipino ang namamatay kada taon dahil sa sakit na kaugnay ng paninigarilyo. Hindi man natin ito maiiwasan, ngunit mayroon pa rin tayong panahon upang ito ay hadlangan. Atin laging tatandaan na hindi pa huli para magbago at maayos ang ating mga pagkakamali. Tayo rin lang ang makakapag-isip ng solusyon sa problemang ating ginawa. May pag-asa pa ba? Hindi pa ‘man natin maibibigay ang eksaktong sagot ngunit mayroon pa ring umaasang mayroon pa, na baka sakaling mayroon pa.

sa Likod ng Pagpepelikula

kaalaman ng karamihan, ang kawayan rin ay nakatutulong sa pagbabawas ng dami ng carbon dioxide sa atmospera at pagpigil ng climate change. Kaya naman naisipan ng grupo na tahakin ang ruta kung saan maipapakita nila sa kanilang dokumentaryo ang development ng bamboo sector sa Pilipinas at kung paano ito nakatulong hindi lamang sa kapaligiran, kundi pati na rin sa iba pang aspeto.

Ang short-film documentary na Ruta ay nahahati sa tatlong parte. Ang unang parte ay kinuha mula sa Lubao, Pampanga kung saan binisita ng grupo ang Lubao Bamboo Hub and Eco Park upang ipakita sa mga manonood kung paano ang pag ma-manufacture ng mga kawayan. Dahil sa kakayahan ng kawayan na sumipsip ng Carbon Dioxide (Carbon sequestration), maituturing na nakalalason ang loob nito. Upang mapanatili ang kaligtasan ng kalusugan, kinakailangang isailalim ang mga kawayan sa tamang treatment process bago ito gawing furniture.

Sa pangalawang bahagi ng dokumentaryo, itinampok ang “Bambike”, isang negosyong nakabase sa Intramuros, Manila, na naglalayong ipakita ang praktikal na aplikasyon ng kawayan sa pang-araw-araw na buhay. Sa pamamagitan ng kanilang mga bisikleta at mga laruang gawa sa kawayan, naipakita ang potensyal ng materyal na ito hindi lamang bilang alternatibong materyal sa konstruksyon at paggawa ng kagamitan, kundi pati na rin sa pagpapaunlad sa sektor ng turismo, Sa paggamit ng kawayan, napapangalagaan

natin ang kalikasan at nabibigyang pagkakataon ang mga lokal na komunidad na umunlad at magkaroon ng hanapbuhay.

At sa huling parte, na kinunan sa Cagayan de Oro, ipinakita ng grupo na mayroon palang pang-internasyonal na kilusan na naglalayong magtanim ng higit pang kawayan para sa konstruksyon. Naniniwala kasi ang construction company na Rizome Philippines na mas matibay ang kawayan kumpara sa tabla (lumber), kaya’t nakatuon sila sa pagsulong ng paggamit ng kawayan sa industriya ng konstruksyon.

Ang Alukkana Productions ay nagpamalas ng determinasyon sa paglikha ng kanilang shortfilm documentary sa loob lamang ng isang buwan, isang hamon na kanilang hinarap ng may pagtitiyaga. “Muntik na nga rin kami magquit kasi wala kaming makuhang i-iinterview. Kaya nagbakasakali nalang kami na pumunta ng Pampanga kahit hindi namin sure kung may maiinterview kami,” pahayag ng direktor.

Idinagdag pa niya na nagkulang rin sila sa tulong pinansyal, higit pa’t sila ay isang independent film production group. Gayunpaman, masaya ang grupo sa kanilang tinahak na ruta. Naging masaya ang kanilang paglalakbay at marami rin silang ibabaon na karanasan pagtapos ng kanilang landas sa pagpepelikula.

Oktubre 25, 2023 nang malaman

Christine Padilla

ng

grupo na sila ay nakapasok bilang finalist sa ilalim ng Youth Category. Mula Nobyembre 27 hanggang sa unang araw ng Disyembre, binuksan ng 7th Indie-Siyensya Film Festival ang kanilang website para sa streaming ng mga piling pelikula. Sawi man makapasok sa top 3, naging maganda parin ang pananaw nila. “The fact that we were able to step on the Philippine International Convention Center is a big award to mention,” saad ng direktor na si James. Sa pagsali rin nila sa isang nasyonal na patimpalak, nabuhay nila ang diwa ng pagpepelikula sa mataas na paaralang pang-agham ng Las Piñas.

agham 15 ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM paham ang B
TALE
RODILYN
EDITORYAL
Likha ni Riyanna Dacasin
KuhaniJOHNDELACRUZ.

PUSONG LIYAB!

JOHN NICHOLAS DELA CRUZ
...ay isang katalinuhan na hindi hihigit sa kababaang-loob na nagbibigay liwanag sa kinabukasan ng bayan. paham ang ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LAS PIÑAS dibuho
Sa likod ng bawat buhay ng isang Lapisyano...
“Lato-Lato“ Likha ni: Emilla Tazyon Likha ni: Riyanna Dacasin “Santan“ “National Book Store“ Likha ni: Juliana Malabayababas ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LAS PIÑAS “Bed Bugs“ Likha ni: Denise De Vera “Bibe Hair Clip“ Likha ni: Zoe Arde “CHA-CHA!“ Likha ni: Jett Aliwanag komiks paham ang 17

paham isports B

“Kung alam mong kunin ang bola, kunin mo. Kung kaya mong paluin, paluin mo”

Sa bawat pag-angat ng posisyon, sa bawat lundag at sa bawat pagtama sa bolang kanilang hinahangad na patalsikin, kanilang nakikita sa tuktok, ang isa pang matarik na tunguhin na hindi pa nararating. Sa pag iwan ng bakas ng ilang pagkawagi ng kanilang mga paa sa torneyo ng Cluster Meet, nagkakaroon na ng pag-asa ang lahat ng mga Lapisyano na masungkit ang di-masungkit sa buong kasaysayan ng paaralan, ang makatapak sa Division Meet ang mga kababaihan na atleta sa larangan ng balibol. Madalas magunita ng bawat Lapisyano kung bakit naglaho sa kamay ng paaralan ang inaasam sa naturang pampalakasan nitong taon?

PAGHANDA

Sa isang panayam kay Samantha Ladores, kapitana at Open Spiker ng Las Piñas City National Science High School Women’s Volleyball, ipinabatid niya na ang paglalaro sa loob at labas ng paaralan kahit na bakasyon ay naging sanhi upang masanay sa laruan ng mga taga-ibang paaralan. Isinama na rin nila

Mahabang preparasyon, mas pulidong galaw, at matinding ensayo. Mga bagay na kinulang umano sa Dancesports Team ng Las Piñas City National Science (LPSci) High School noong nakaraang taon dahilan upang mapatid sila tungo sa titulo ng Division Meet 2023. Araw-araw sa nakalipas na dalawang buwan natutunghayan ng Lapiscians ang apat na mananayaw sa covered court ng paaralan na pursigido sa kanilang pag-eensayo. Hindi alintana ang mainit na panahon, bigay-todo ang apat sa papalapit nang paligsahan sapagkat sila’y may nais patunayan.

MAHABANG PREPARASYON

Walang inatupag kundi magsayaw sa loob ng apat na linggo ang LPSci Dancesports. Ayon kay Ronald Kadine Valdez, pares ni Matthew E. Mangulabnan sa Latin-American, mas mahaba ang kanilang preparasyon ngayon kumapara noon. “Siguro two weeks lang ung

ang paghahalo ng men’s at women’s volleyball ng paaralan sa kanilang mga ensayo. Isa ito sa mga pagbabagong ginawa ng koponan para manibago sa mga laruan ng ibang tao lalo na’t hindi nila kilala ang kanilang makakatapat sa Cluster Meet.

PAG-AKYAT

Ayon sa kapitana ng kababaihang balebolista, kaniyang inihayag na mas ramdam ang gutom ng koponan na maabot ang inaasam na puwesto sa DivMeet, lalo na’t kauna-unahan ito ng LPSCI Womens’ Vball na makarating sa Finals ng Cluster Meet sa mismong larong iyon. Sa katunayan, hindi inalintana ng kapitana ang nakayayamot na simula sa pangalawang araw kasabay ng kantyaw sa kanila ng ibang manonood sa kanilang twice-to-beat advantage nang bumalikwas sa mga atletang Lapisyano ang nangyari sa kauna-unahang laro at gulatin ang Verdant Court sa iskor na 2-0.

PAGSUBOK

na ang katawan ng kanilang mga katunggali. Sa napagdaanan ng Las Piñas North, nasa kanila na ang isang maningning na takbo, ang magmula sa pinakailalim ng double-elimination at makatungtong sa dulo ng kompetisyon. Nasa kanila na ang momentum sa isang laro na mentalidad, init ng katawan at, ang buwelo ay sangkap sa isang nagbabagang takbo ng LP North sa paligsahan, isang patunay na ang kanilang kaharap ay isang mas pinatibay na pader, ‘di tulad ng kanilang unang naging katapat.

PAGKALUGMOK

“Parang walang totoo. Parang ‘di ako makapagsalita”

Matapos ang huling pito ng opisyales, hindi parin naman maramdaman ng kapitana ang pagkabigo. Kahit man pasalamatan sila ng kanilang coach na si Alfredo Santos, sa mata ng ibang manlalaro, natakbo parin ang laro sa kanilang mga isipan.

miyembro, pati ni rin si Ladores na kinailangan muna maglabas ng mga luha upang makausad sa mapait na pagkabigo. Malinaw man sa kanila ang kanilang mga alaala sa kanilang huling araw sa paglalaro ng balibol para sa paaralan sa taong panuruan, itinarak naman nila ang pundasyon para sa mga susunod pang mga manlalaro naghahangad na maihatid ang paaralan sa mas mataas pang tuktok.

PAGTINGALA

“Practice lang ng practice, maniwala lang talaga sa sarili mo kasi once na maachieve mo yun, dire-diretso na ‘yung pag excel.”

Matindi naman ang paniniwala ng paalis na kapitana sa susunod na henerasyon ng mga balibolistang kababaihan ng LPSCI. Isang pangaral na kaniyang iniwan sa mga susunod na atleta ang determinasyon sa pag eensayo ay maghahatid sa iyo sa mataas na tunguhin na tinitingala ng mga atletang Lapisyana, ang makatapak sa matataas na lebel ng kumpetisyon sa bansa, bagong tugatog na ‘di pa nasisilayan ng mga kababaihang Lapisyano.

Romeo Sabanal

mindset niya sa parating na Division Meet. “Kahit pagod, pahinga muna tapos laban ulit kasi para all out na,” saad ni Kadine. Nang tanungin naman si Padilla sa kanilang kahandaan, “hindi pa kasi may isa pa po kaming sayaw na babaguhin po para po mas mapaganda,” hayag ni Arvin.

MATINIK NA KARIBAL

Gaya ng mga lumalaban, hindi maiiwasang magkaroon ng matinik na karibal sa mga paligsahan. Ayan ang turing nina Kadine sa CAA, ang pares na tumalo sa kanila sa Division Meet 2023. “Feel ko deserve naman namin manalo kaya na-disappoint ako nung sila yung tinawag na panalo,” paglalahad ni Kadine. Gayunman, siniguro ni Valdez na ang kanilang kemistri ang bentahe nila kumpara sa pares ng CAA, samantalang height difference naman ang kalamang ng tambalang Padilla at Estrada, patunay lang na handa na ang LPSci Dancesports para sa kanilang maalab na pagbabalik.

Pag-asa ng Pakpak Pandaigdig

Mula nang makita niya ang puting

gawin ang misyon ng isang natatanging agila. Iyon ay ang magtanghal at umikot sa rink na walang iniinda at ipakita na ang pag-skate ay ang kanyang larangan. Ito ay ang kwento Julia Jean Plata, isang batang agilang nagsimula lumipad at hagilapin ang mga medalyang kumikinang sa kanyang mga mata.

PAGKABIYAK

NG ITLOG Ayon sa isang panayam kay Julia, hindi agad nagsimula sa murang edad ang paglalakbay ni Julia, hindi naging pamilyar sa ice skating sa kaniyang pagkabata. Bago pa niya maibanat ang kanyang pakpak, hindi pa pumasok sa kanyang isipan ang magskate hanggang pinasubok ito ng

skater sa rink ang magbibigay daan upang maipakita ang mga nag-gagandahang routines nito. Habang tumatagal ang kanyang lipad sa kanyang paglalakbay, tumataas at lumalawak din ang kanyang tingin sa mga bagay na gustong

PAGSUBOK SA HIMPAPAWID

Sa kabila ng kagandahang panglabas ng mga routine ni Plata, hindi maitatanggi na may mga matitinding pagsubok ang agila habang siya ay sumasahimpapawid. Dahil sa bigat ng gawaing pang-akademiko sa paaralan, napipilitan si Julia na limitahan ang kaniyang pageensayo. “‘Pag may gusto kang gawin, may paraan talaga

Malaking hamon sa mga atleta na ibalanse ang akademikong gawain sa pag eensayo pero isang suhestiyon ni Julia na kapareha ng ibang atleta ay ang pagsasagawa ng time management. Naging mahalaga ang pagoorganisa ni Julia sa kanyang oras kasama ang kasipagan at dedikasyon na gawin ang mga kinakailangang aktibidades ng paaralan.

Muntikan narin lubayan ni Julia ang pag skate noong mga nagdaang taon dahil sa

pagkasarado ng mga ice skating rink sa bansa bunsod ng COVID-19. Sa mga sandaling iyon, nagdadalawang isip ang agila kung itutuloy niya pa ito ngunit, ipinagpatuloy at pumunta agad siya sa mga skating rink nang magbukas ang mga ito. Agad niya ring nilabas ang kanyang kagalingan pagkatapos mag bukas ang mga rinks at tumabo ng isang ginto at isang silver, senyales ng matinding gutom na ngayo’y malayang agila.

PAGREYNA SA ENTABLADO

“My goal is to compete in either the US or Japan” Minamatahan na ng batang agila ang mga susunod pang mga patimpalak sa figure skating. Nais din niyang umangat ang kaniyang ranggo sa pag figure skate sa pagabot ng Freestyle 7 at lumahok sa mga malalaking torneo sa labas ng bansa.

Samakatuwid, sa paghahamon ni Julia sa kaniyang sarili upang mas humataw pa sa pangarap na kaniyang inaasam, pinapanatili pa rin ni Julia ang talas ng isip at ang kagandahan ng kaniyang mga routines. Parang nagmistulisang agila na hindi nagpapahuli sa bilis at alab ng puso na mag reyna sa himpapawid.

ISRAFIL
MAALAB NA PAGBABALIK
VIRAY
Likha ni Denise De Vera KuhaniJODIEPURIFICACION.
MulakayJEANNIEQ.PLATA

19 isports

ISPORTS EDITORYAL

Pangkaunlaran Paligsahang

ang kultura ng mga Pilipino dahil maraming mag-aaral ang ma-eenganyong subukan ang mga

Sa dami nga ng pagpipiliang laro, halos kalahati (48%) sa sumagot sa sarbey ang mas piniling laruin ang mga larong Pinoy, samantalang 26.7% ang may gustong mag-mobile games, at 19.3% ang tumugon ng computer games.

Isulong ang pagpapayabong ng ating kultura sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga larong kinagisnan ng

Indikasyon mga tala sa itaas na sa panahong labis ang paglaganap ng teknolohiya, malaking bahagdan pa rin ng mga Lapiscians ang interesado sa Palarong Pinoy. Kaya naman, nararapat lang na lalong pasikatin ang laro ng ating lahi para mabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong maranasan ang

Bukod sa malaking interes ng mag-aaral sa larong Pinoy, nararapat pa itong tangkilikin dahil sa benepisyong dala nito. Halimbawa nito, nagdudulot ang larong Pinoy ng mas maigting na kooperasyon mula sa mga mag-aaral. “Likas

kasi sa Palarong Pinoy ang pagiging team-based

Palaro sa Petsa De Peligro

Imbis na kasabikan ng lahat ng mga magaaral ng Las Piñas City National Science High School ang Intramurals ngayong taon na maging mga araw ng katuwaan, nagdagdag pa ‘to ng pasakit na papasanin para sa mga mag-aaral nang patungan ang oras ng klase para mailunsad lamang ang programang ito. Sinabayan kasi nito ang pagpapatupad ng “no disruption of classes” na tiyak na magpapasakripisyo sa mga oras na makakapagpahinga ang mga Lapisyano. Kung kaya ay dapat lamang na isaayos ng Kagawaran ng Edukasyon ang paglalatag ng ganitong mga plano dahil, nagiging alipin ang mga magaaral na katulad ng kapwa kong Lapisyanong binabalanse ang pagod sa laro at pagod sa pagaaral.

Alinsunod sa DepEd Memorandum No. 005 s. 2023 na may nilalaman na Conduct of the 2023 Palarong Pambansa, kasama rito ang mga aktibidades pang-palakasan na kailangan isagawa ng paaralan upang madiskubre ang potensyal ng mga batang nakapaloob dito at ipanglalaban sa mga susunod na patimpalak na pampalakasan. Dagdag pa rito, isa sa mga misyon ng programang ito ay ipadama sa mga manlalaro ang pagmamahal sa isports para sa kabuuang pag unlad ng mga atleta na ‘di naman nangyayari. Mas laganap pa nga ang pag rereklamo ng mga kapwa kong estudyante sa pambihirang iskedyul na inilatag dahil sa

kakulangan sa kahandaan ng mga kaguruan sa biglaang pag-anunsyo ng mga nakatataas.

Lantad din naman ang naging resulta ng kakulangan ng kahandaan sa pamamahala at kapos na salapi upang makagamit ang mga paaralan ng nararapat na paggaganapan ng mga Palaro. Maraming hindi pagkakasakto ng mga iskedyul, pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa mga lugar na paggaganapan, biglaang pagkabago ng iskedyul at maraming gulo sa mga isipan ng mga mga lapisyano ang iniinda sa mga araw ng Intramurals.

Hindi nabibigyan ang mga mag-aaral ng nakatutuwang karanasan kung ang tagapaghatid ng aktibidad ay biglaang nausad at sisiksik lamang.”

Sa kabilang banda, hindi akma ang “no disruption of classes” ng DepEd sa mga kaganapang ninanais din nilang ipatupad. Iginiit nga ng isang mag-aaral na kapwa kong nasa ikalabing dalawang baitang, naging dagok ang iskedyul na inihanda dahil din sa kakulangan ng oras. “Siksik sa iskedyul, pinapasakto nila sa gitna ng kasagsagan ng hell week.” saad niya. Isa pa rito, kung ang misyon ng kagawaran ay magbigay ng isang kapaligirang pang-positibo sa mga mag-aaral, isaisip sana nila na hindi umaakma ang kanilang tunguhin sa kapakanan ng mga kabataang tulad namin na binabalanse pa ang gawaing pang-akademiko.

Sa dako naman ng kaguruan na nakahanay sa pisikal na edukasyon, maibigay dapat sa kanila ang oras na makapaghanda ng mga lugar na pag gaganapan ng mga laro, kinakailangang salapi, oras ng mga laro at, angkop na talaan ng mga laro. Nagagahol na nga sila sa oras para mailatag ang mga plano dahil sa kakulangan sa badyet, maari sana na bigyan sila ng paalala nang mas maaga pa na ang magaganap na Intramurals ay may tiyak na mga araw.

Samakatuwid, bigyan dapat ng karampatang pansin ng DepEd ang epekto ng kanilang mga pinapagawang aktibidades. Nawiwindang tuloy ang mga mag-aaral at ang kaguruan sa dami ng gawaing naatasan sa kanila, at nagpatong pa rito ang dagdag oras pagkatapos ng klase para lamang ilunsad ang nasabing programa.

gaya ng patintero kaya nade-develop talaga yung teamwork at cooperation ng bawat isa,” saad ni Reanne Contrevida, mag-aaral mula sa ika-12 baitang sa LPSci.

Nakasaad sa Republic Act No. 10588 ang paglulunsad ng Palarong Pambansa. Halos limang taon na ang nakararaan nang unang maipakilala ang Palarong Pinoy sa Palarong Pambansa matapos isama ito sa Davao. Noong nakaraang taon naman, isinali na rin ang “Laro ng Lahi” sa Palarong Pambansa na ginanap sa Makati City. Kaya naman napapanahon na talagang simulan na ng lungsod ng Las Piñas ang pagsama nito sa kanilang mga Palaro gaya ng Cluster Meet nang sa gayon ay hindi lamang ang baketbol at balibol ang laging pinaghahandaan sa mga naturang paligsahang ito.

Sa nagdaang Palarong Pambansa 2023, inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang Laro ng Lahi sa temang, “Batang Malakas, Bansang Matatag.” Bida ang tatlo sa mga larong Pinoy sa naturang event, gaya ng tumbang preso, kadang-kaddang, at patintero. Naka-usad na talaga ang bansa sa pagsulong ng laro ng ating lahi, tila ang Las Piñas ay isa sa mga lungsod na nahuhuli sa pagpapalawig ng ating kultura.

Tunay na karapat-dapat na mabigyang pansin at maisali ang Palarong Pinoy sa mga kompetisyon. Hindi lang nito mapagbubuti ang kakayahan ng mga mag-aaral lalo’t higit nitong mapa-uunlad ang kultura ng mga Pilipino. Marapat lamang na isulong ang pagpapayabong ng ating kultura sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga larong kinagisnan ng ating lahi noon. Ika nga nila, “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.”

9

sa 10 Lapisyano ay sang-ayon sa pagsama ng Palarong Pinoy sa

Palarong Pinoy na tumatak sa 150

Lapiscians
Cluster Meet PATINTERO TUMBANG PRESO AGAWANG BASE LUKSONG BAKA CHINESE GARTER SIPA 134 131 111 103 98 52
Likha ni Juliana Malabayabas
ROMEO
SABANAL ORASA

HUSAY NG LPSCI

Lapiscian figure skater, humakot ng medalya sa Skates Bangkok 2023

Tumipak ng kabuuang limang medalya, tatlong ginto, isang pilak, at isang tanso, ang Lapiscian, mag-aaral ng Las Piñas City National Science (LPSci) High School na si Julia Jean Q. Plata matapos niyang katawanin ang Pilipinas at makipagsapalaran sa Skates Bangkok 2023 sa Sub-zero Ice Skate Club Megabangna sa Bangkok, Thailand noong ika17 hanggang ika-19 ng Disyembre 2023.

Pinagreynahan ni Plata ang Artistic Freestyle 4, Solo Compulsories, at Freestyle 4 dahilan upang maiuwi niya ang tatlong ginto sa mga naturang event. Samantalang, pumangalawa naman siya sa Drama Spotlight para masigurado ang isang pilak at pumangatlo sa Footwork para sa tansong medalya.

Bago nito, nauna nang nagpamalas ang walong taon nang skater ng kanyang talento sa Skates Philippine Championships 2023, kung saan umani si Julia ng apat na ginto mula sa Artistic Freestyle 4, Open Freestyle Silver, Jump and

Huling Sayaw

LPSci DanceSports Team reresbak sa Division Meet 2024

“Ang plano namin ngayon itodo na ang lahat kasi ito na yung last year namin para sumama sa dancesport,”

Ito ang binunyag ni Ronald Kadine S. Valdez, mananayaw ng Latin-American, sa isang panayam at sa kasagsagan ng kanilang pageensayo para sa parating na Division Meet 2024 matapos mabigong sungkitin ang kampeonato sa nagdaang Division Meet 2023.

Ibinulsa ni Valdez kasama ang kapares niyang si Matthew E. Mangulabnan ang ginto sa LatinAmerica matapos magpasiklab sa samba, jive, at paso doble sa Cluster Meet 2024 Dancesport Competition sa Verdant Covered Court nitong ika-2 ng Pebrero.

Sa kabilang dako, nasikwat naman nina Arvin Josef Lyon P. Padilla at Sophia Ysabelle G.

Estrada ang ginto sa kategoryang ModernStandard nang magpamalas sila ng nakaaantig na slow waltz at tango sa naturang paligsahan.

Kapwa itinanghal na back-to-back champion sa Cluster Meet ang dalawang pares dahilan upang makamit nila ang tiket papuntang Division Meet 2024 kung saan tatangkain nilang maiuwi sa pangalawang pagkakataon ang unang puwesto at mairepresenta ang Las Piñas sa Regional Meet 2024.

“Sad to say, silver tayo nung Division [Meet 2023] pero ayon masasabi natin na babawi kami, babawi kami sa Division Meet.,” sambit ni G. Peter T. Bangug, coach ng LPSci Dancesport.

Sa kasalukuyan, araw-araw nang naghahanda ang koponan ng LPSci Dancesport sa paparating

UNPLACED 2019

Tna Division Meet upang higitan ang ibinida nilang sayaw noong nakaraang taon.

“Last year ang ginawa namin two weeks lang preparation namin for Division Meet and hindi siya enough para manalo kami,” ani Kadine.

Ayon pa kay Arvin, bagaman puspusan na ang kanilang pagsasanay, marami pa silang kailangang pagbutihin at ibahin sa kanilang sayaw dahil sa mali nilang figures sa kanilang foxtrot routine.

“Siguro kami po [ng partner ko, handa na kami] mga 60% kasi since may isa po kaming sayaw na babaguhin completely na sa Saturday (anim na araw bago ang Division Meet) pa namin magagawa,” pagsisiwalat ni Arvin.

UNPLACED 2023

FIRST RUNNER UP 2024

18 medalya, inukat

Kumubra ng 13 ginto, dalawang pilak, at tatlong tanso ang mga napiling kinatawan ng Las Piñas City National Science High School matapos makipagtagisan sa iba’t ibang isports sa nagdaang Cluster Meet 2024 na naganap nitong ika-2 hanggang ika-4 ng Pebrero.

Sinindak nina Ronald Kadine S. Valdez at Matthew E. Mangulabnan ang mga manonood sa kanilang pagtatanghal ng paso de blas sa kategoryang Latin American, malinis na routine naman ang ipinamalas nina Arvin Josef Lyon P. Padilla at Sophia Ysabelle G. Estrada para sa kategoryang Standard dahilan upang matiyak ng dalawang pares ang gintong medalya. Kapitbisig din na nakipaglaban sa sayawan sina Samantha Kylie S. Salvador at Jan Aelious R. Sapigao pati Niña Nunez at Emmanoel Raquedan para sa kategoryang Standard kasama sina John Louie Arejola at Angela Lorraine Juan sa Latin American na nagsipagkamit ng tansong medalya. Kumana naman ng tig iisang gintong medalya sina Rashelle Siao para sa Athletics Shot Put, Izher Marro Madayag para sa Table Tennis Singles Boys, at Mitzy Robinn Tabangcura para sa Singles Girls. Tumabo rin ng gintong medalya sina Sam Anastacio at Shatasha Bailey para sa Taekwondo. Nag-uwi rin ng ginto ang tambalan nina Kurt Dantes, at Emyr Golez sa Badminton Men Doubles, samantalang humakot din ng apat na ginto sina Daniel Glory, Geoffe Emman Gonzalo, Enzo Nunez, at Rey Angelo Gonzalo para sa swimming.

Pinainit din ng LPSci Volleyball ang court nang makakuha ng pilak ang Women’s Team, habang tanso naman sa Men’s Team. Sa chess, umani ng pilak si Lyden Mirrh M. Peralta Women’s Category at tanso naman si Pierce Joseph S. Santiago sa Men’s Category, samantalang pilak din ang naiuwi nila Niña Samantha Satarin, at Nian Nielle Nirza para sa Table Tennis Doubles. Ayon sa kanilang coach na si G. Alfredo Santos, matinding preparasyon ang kanilang isinagawa upang mas mapabuti ang kasanayan ng mga manlalaro.

“Masasabi naman natin na mas nag-improve sila, kasi nagpeprepare talaga kami para sa cluster meet. And even sa Division Meet ngayon nagpeprepare kami. Lahat naman umaano, hindi nga lang ganon kalakas katulad ng iba. Pero time will come, lalakas sila”, ani ni G. Santos.

inatak ng Las Piñas City National Science High School (LPSci) - Women’s Volleyball team ang pinakamahusay na tala ng naturang paaralan sa kasaysayan ng Cluster Meet, 2-2, na nagbunga ng pagkana ng unang gantimpala ngayong taon.

Maaalala na laging maaga nauwi ang LPSci

Women’s Vball team sa mga nagdaang cluster meet tulad na lamang noong nakaraang taon nang ‘di man lang sila paisahin ng LP East at noong 2020 na pinauwing luhaan ng Las Piñas National High School - Almanza.

Sa isang panayam, inihiyag ng Captain Ball ng LPSci Womens’ Volleyball na si Samantha Ladores ang kaniyang pagkagalak sa pagpapakita

ng paaralan sa Cluster Meet.

“Sobrang masaya sa feeling na umabot kami sa point na yun kasi dati, uwi agad eh. Isang laro, uwi agad.” ani Ladores.

Naging malaking parangal ito sa paaralan dahil natapos nila ang tagtuyot sa pagkakapanalo ng kababaihang balebolista sa Cluster Meet.

Sa kabilang banda, hindi nakamit ng LPSci ang kampeonato nang kanilang sapitin ang pagkatalo sa kabila ng kanilang twice-to-beat advantage kontra sa pambato ng Cluster 3 sa Division Meet na Las Piñas North National High School.

Ayon kay Ladores, isa ang pagiging kampante sa unang laro ng twice-to-beat advantage ang dahilan sa pagwalis ng LP North sa LPSci sa pangalawang araw.

“Feeling ko sa unang game namin sa twice-tobeat, naging kampante kami dun kasi nga ang unang game namin sa North, 2-0 tas tambak pa sila nun. Nagulat kaming lahat na, OMG may laro sila bigla, mainit katawan nila.” sambit ng open spiker ng LPSci Women’s Volleyball team. Samantala, inaasahan naman ang mga bagong kababaihang balibolista na palitan ang mga iiwanang posisyon ng mga magtatapos na mga seniors tulad ni Ladores sa susunod na Cluster Meet.

paham ang Papel ng Katotohanan. Tinta ng Katapatan. Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LAS PIÑAS TOMO XI | BLG. 01 Agosto 2023 - Hunyo 2024 Dibisyon ng Las Piñas, Rehiyon IV
GINTO
ISRAFIL VIRAY ISRAFIL VIRAY HANDANG MAGHAKOT. Matapos ang matinding preparasyon ng LPSci Dancesports
LPSci Women’s Vball, naharbat ang unang gantimpala sa Cluster Meet Umukit ng Kasaysayan Ranking ng LPSCI WVB sa Cluster Meet
ng LPSci
GININTUANG PAKPAK. Inihandog ni Julia Jean Q. Plata ang kanyang talento sa Artistic Freestyle 4 ng Skates Bangkok 2023 at inuwi ang gintong medalya. MulasaiClickDigital Photography. AYESSA LOPEZ 1 PILAK 1
sa Cluster Meet
TANSO Koleksyon ng medalya ni Julia Plata sa Skates Bangkok 2023 TUWA’T TAGUMPAY. Sa kabila ng mga hamon at pagsubok, nagtala ng kasaysayan ang LPSci Women’s Volleyball Team sa Cluster Meet 2024. MulakaySAMANTHALADORES
ROMEO SABANAL

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.