Tripleng Husay, Iisang Tagumpay
WAGI ANG NAKIBAHAGI
NIYANIG ANG ASYA


Tripleng Husay, Iisang Tagumpay
WAGI ANG NAKIBAHAGI
Daing ng SHS Head sa DepEd: ‘I-finalize
sa mas mahaba at maiging pag-aaral bago ipatupad ang pagpapalit sa SHS curriculum.
Umani ng reaksyon mula
kay Las Piñas City National Science High School
Senior High School (LPSci-SHS)
Coordinator Marjorie A. Nariz ang pagbabawas ng core subjects sa lima hanggang pito mula sa dating 15, kasabay ng anunsyo ng Department of Education (DepEd) na ikasa ang revised curriculum para sa Senior High School (SHS) simula sa taong panuruan 2025-2026.
Giit niya, makatutulong naman umano ang implementasyon ng programa kung bibigyan nila ng tuon ang bawat competencies na kinakailangan maabot ng mag-aaral. Dahil unang maaapektuhan ang mga mag-aaral at magulang sa nakatakdang pagbabago na ito.
“Ang reason naman kung bakit tayo nag K-12 is we were one of the last countries in the whole wide world na hindi naka K-12 ‘di ba?” saad ng guro. “At the end of the day, [sa mga matatanggal na subjects] ay sana makeep ‘yong mga importante. Baka kasi nagbawas tayo pero ‘yong mga graduates natin ay kulang sa skills, kulang sa number of years,” aniya.
na mas usisain pa ang panukala bago iimplementa sa lahat ng paaralan sa bansa.
“Sa akin, makatutulong ‘yon pero kailangan pa siguro ng mas mahabang pagrereview, pag-aaral kasi curriculum ‘yong binabago natin,” punto ni Nariz.
Nauna nang sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara, na naka-”phase” ang paglulunsad ng programa upang hindi umano mahirapan ang mga mag-aaral at guro na mag-adapt sa pagbabago.
“Actually, ang plano diyan 2026 pa i-implement ‘yan pero tinatarget namin ngayon 2025. Although nakikiusap ‘yung ibang mga eskwelahan na napakahirap daw no’n, so i-phase natin ang implementation. So tayo, open naman tayo diyan,” ani Angara.
Giit niya, nasa paaralan na ang desisyon kung magdadagdag pa sila ng mga asignatura at electives na ihahandog para sa mga mag-aaral.
“Ibibigay lang natin ang basic curriculum tapos bahala na ‘yung mga schools kung ano ‘yung mga gusto nilang idagdag, ano ‘yung gusto nilang i-offer na mga electives, etc., especially sa private sector. We will give them a lot
BAGONG SHS CURRICULUM
Sang-ayon o Hindi?
Puls ng Bayan
7 sa 8 Mag-aaral ang SANG-AYON sa bagong SHS Curriculum Sanggunian | Ang Paham Sarbey
na guro sa high school sa buong bansa ang nagtuturo ng asignaturang hindi akma sa kanilang espesyalisasyon. Sanggunian | The Second Congressional Comission on Education
Mainit na pinaunlakan ng
Las Piñas City National Science High School (LPSci) ang 20 na pamantasan mula sa NCR nitong Disyembre 9, kabilang na ang University of Santo Tomas, Mapua University, at iACADEMY, upang ibandera ang mga programa, tuition fee, at scholarships na ihahandog ng bawat isa.
Nagbigay-payo naman si Las Piñas City National Science High School (LPSci) Senior High Campus Guidance Advocate Aprilyn M. Cristoba, na nanguna sa pamamahala ng naturang programa, sa mga mag-aaral matapos tanungin kung ano-ano ang dapat ipamalas sa mga Grade 12 students ngayong tatahak na sila ng bagong
landas bilang college freshmen sa darating na S.Y. 2025-2026.
“Without the career day, parang ‘yong options na alam mo [ay] limited lang. Iba [pa rin] ‘yong first-hand information ng taong doon talaga [nagtatrabaho]. [Kaya] mas nagkakaroon ng deeper appreciation kapag talagang nagcconduct ng career day every year,” wika ni Cristobal. “Kasi [ang] kailangan sa pag-introduce ng career concepts [ay] developmental.” dagdag nito.
Inilunsad ang programa alinsunod sa School Year 2024-2025 Career Guidance Program (CGP) ng Department of Education (DepEd) sa bisa ng DepEd Memo No. 378, s. 2024, bilang pagsuporta sa layuning pandayin ang mga kabataan para sa hamon ng trabaho sa loob at labas ng Pilipinas.
“Kung hindi namin alam ‘yong ituturo namin, paano pa ‘yong mga bata?”
Iyan ang naging pahayag ni Marjorie A. Nariz, Senior High School Coordinator ng Las Piñas City National Science High School (LPSci), ukol sa patuloy na hamon sa pamantayan ng edukasyon na dulot ng teacher-subject mismatch na kasalukuyang nararanasan ng paaralan.
Binigyang diin ni Nariz na ang mismatched teaching assignments ay hindi lamang nakaapekto sa guro, kundi nagiging hadlang din sa pag-unlad ng mga mag-aaral.
“Kasi nililimit ‘yong creativity ng mga bata,
ugnay. “So kahit sabihin mo gaano ka kagaling, iba pa rin ‘yong magaling ka, magaling teacher mo, mas gagaling ka pa,” dagdag pa nito.
Kwantidad vs Kalidad
Nanawagan naman si LPSci Supreme Secondary Learner Government (SSLG) President Dennize Gabrinao sa Department of Education (DepEd) tungkol sa lumalagong isyu ng teacher-subject mismatch.
Aniya, nararapat lamang na mabigyan ng kalidad na edukasyon ang mga magaaral, bagay na nasasakripisyo dahil sa pagkakaiba ng asignaturang itinuturo ng guro sa kanilang espesyalisasyon.
“Dahil nga tayo ay nasa isang science high school, inaaasahan ng mga estudyante na sila ay mabigyan ng may kalidad na edukasyon,” giit ni Gabrinao.
Hindi maikakailang nakababahala ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga menor de edad na nabubuntis sa panahon ngayon. Kaya naman, pinagtibay ng mga mambabatas ang pagpapatupad ng komprehensibong edukasyong pansekswal upang bigyan ng proteksyon ang mga kabataan sa ating bansa. Ngunit sa ilalim ng iisang layuning pangalagaan ang mga kabataan at babaan ang kaso ng mga batang ina, bakit pa ito hahadlangan sa halip na suportahan?
“Kaya naman ay mas kailangan taasan ng DepEd, pati na rin ng paaralan ang kanilang standards pagdating sa pagpili ng mga gurong pumapasok at nagtuturo dito,” dagdag nito.
Kurikulum sa Kolehiyo Hindi lamang ang mga guro ng LPSci ang nakakaranas ng problema sa teachersubject mismatch. Ayon sa mga tala ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), 62% ng kabuuang 900,000 guro sa Pilipinas ang nakararanas ng ganitong problema.
Kasama na rito si Emerina Clarisse Bernante, dating guro ng LPSci, na nagpapatunay sa hirap na dulot ng hindi akmang asignatura sa mga guro.
Ibinahagi ni Bernante na nahirapan siyang ituro ang Disaster Risk Reduction and Readiness (DRRR) at Work Immersion
Adolescence Pregnancy Prevention Bill,
ni SHANIA MASINAS, NATHANIEL TIBLE
Ikinabahala ni Las Piñas City
National Science High School
Supreme Secondary Learners Government (LPSci-SSLG)
President Dennize Gabrinao ang kakulangan ng pansin sa sex education sa mga paaralan.
Aniya, sa pamamagitan nito malalaman ng mga mag-aaral kung ano ang tama o mali pagdating sa aspektong sekswalidad.
“Dapat na binibigyan pansin ng paaralan ang pagbibigay ng sex education sa kabataan sapagkat dito ay malalaman nila kung ano ang dapat at hindi dapat, pati na rin kung ano ang mga kahihinatnan
ng kanilang mga aksyon,” punto ni Gabrinao.
Kasabay nito ang pagkondena ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Senate Bill (S.B.) 1979 o Prevention of Adolescent Pregnancy Act na naglalayong matugunan ang krisis ng teenage pregnancy sa bansa.
Hirit ng Pangulo, naglalaman ng “woke elements” ang naturang bill na hindi umano akma para sa mga kabataan.
“I was appalled by some elements of that. All this “woke” that they are trying to bring into our system … That every child has the
PANDAIGDIG
$1.3B sa WHO funds, pinangangambahang mawala sa pagtiwalag ng US
ni ELLESHA SANTILLAN
sa Grade 12 dahil wala naman itong kaugnayan sa kurso na kinuha niya sa kolehiyo.
“I admit, my first year of handling the subject is very frustrating at nakakawala ng confidence. Wala sa curriculum namin [‘yong exact subject] no’ng college ako and either subject na ‘yon pero somewhat related sa ibang meron kami,” ani ng guro. Aminado siyang ang mga unang taon bilang guro sa nasabing asignatura ay puno ng pagkabigo at kakulangan ng kumpiyansa, at inamin niyang ito ay isang malaking hamon na nakakaapekto hindi lamang sa guro kundi pati na rin sa kalidad ng pagtuturo.
Kulang sa Klaridad
Ayon kay EDCOM 2 Executive Director Karol Yee, isa sa mga dahilan ng pagtaas ng kaso ng teacher-subject mismatch
ay ang kawalan ng abiso mula sa DepEd tungkol sa posisyong tatahakin ng mga guro.
“When they apply for teacher vacancies, the subject they’re supposed to teach is not indicated… Several have complained of having to teach subjects they did not train for in college,” ani Yee.
Sinang-ayunan naman ni EDCOM 2
Co-Chairperson Rep. Roman Romulo ang komento ni Yee at sinabing nagiging biglaan na lamang para sa mga guro ang mga asignaturang ituturo nila kaya hindi umano sila nakapaghahanda.
“When you hire, ang posting po ninyo ay ‘Teacher 1’. Hindi niyo sinasabi kung ano ‘yung subject. And that is why a History major in college applies for that, pagdating nila, bigla na lang ang ipapaturo niyo ay Filipino,” pinunto ni
Romulo.
Buwelta naman ni Vladimer Quetua, Alliance of Concerned Teachers (ACT) Chairperson, umuugat umano ang isyu sa kakulangan ng permanenteng posisyon para sa mga guro.
“The budget [for hiring] is actually not enough. [DepEd’s schools division offices] know this. For example, for English, there’s a lack of teachers there, but because they hire a lot of teachers they believe to be ‘good enough,’ they let them teach,” saad ni Quetua sa isang panayam na inilabas ng Inquirer.
Sinabi naman ni Angara sa isang press briefing noong Setyembre 6 na gumagawa na sila ng hakbang upang matugunan ang krisis sa teacher-subject mismatch na nararanasan ng mga guro sa
right to try different sexualities. This is ridiculous. It is abhorrent. It is a travesty of what sexual and sex education should be to the children,” bwelta ng Pangulo.
Giit pa ni Marcos, iba ang itinuturong “sex education” sa kanila noon kaysa sa mga nakasaad sa S.B 1979.
“When I was talking about sex education, I remembered our sex education when I was in school. At ang itinuro sa amin ay anatomy. What are, what is the anatomy of male and female, reproductive systems. Naalaala ko pa, nanood kami ng video ng mga cell na nagdi-divide para maging baby. ‘Yun ang tinuro sa amin, kailangan
talagang malaman ng mga kabataan iyan,” dagdag nito.
Nanindigan naman si Gabrinao sa pagpapatupad ng maayos na sex education bill sa paaralan at giniit na ang kawalan nito ay nagiging sanhi ng hindi pagkatuto ng mga bata pagdating sa aspektong sekswal.
“Kadalasan ay nadadaanan lang ang sex education dahil sa mga topic na kailangang idiscuss sa asignaturang science, kaya naman para sa akin ay hindi ito natutugunan nang maayos,” giit ni Gabrinao sa kasalukuyang estado ng sex education sa kurikulum.
NA (W)HO. Ibinabahagi
Amerika
Tinatayang aabot sa $1.3 bilyon ang nanganganib na mawala sa pondo ng World Health Organization (WHO) matapos pirmahan ni 47th United States (US) President Donald Trump ang ordinansang nagpapabisa ng pagtiwalag nila sa ahensya.
Giit ni Trump, hindi naging makatwiran ang pagtrato ng WHO sa US dahil sa agwat ng binabayaran ng bansa kumpara sa tulad ng China.
“World Health ripped us off, everybody rips off the United States. It’s not going to happen anymore,” aniya.
Dagdag niya, patuloy pa rin ang US sa paghahanap ng mga bagong katuwang upang ipagpatuloy ang mga programa sa kalusugan.
Ang pagtiwalag ng US sa WHO ay inaasahang magpapahina sa health crisis response at maantala ang mga programang naghahanap ng lunas para sa HIV/AIDS, tuberculosis, at malaria.
Nagpahayag naman ng panghihinayang ang ahensya, na umaasang muling ikonsidera ng US
ang desisyon nito, lalo na at ang Amerika ang isa sa pinakamalaking tagasuportang pinansyal nito.
“We hope that the United States will reconsider, and we really hope that there will be constructive dialogue for the benefit of everyone, for Americans but also for people around the world,” daing ni WHO spokesperson Tarik Jasarevic.
Unang linggo sa termino Sa kabilang dako, muling linisan ng US ang Paris Treaty sa bisa ng ordinansang pinirmahan ni Trump nitong Enero 20 dahil sa “unfair economic burden,” umano na nararanasan ng mga mamamayang Amerikano.
Nauna nang humiwalay ang bansa noong 2017 sa kaparehong dahilan, batid na ikinadismaya ng ibang bansa dahil layon nitong matugunan ang krisis ng climate change sa mundo.
Nangako rin si Trump na tatanggalin lahat ng limitasyon ng U.S pagdating sa pagkuha at paggamit ng fossil fuels matapos niyang tawaging “the green new scam” ang pagpapalago ni dating President Joe Biden ng clean energy sector sa bansa.
nanunsyo ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na nakatakdang mag-invest ng mahigit 500 milyong piso ang kompanyang Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) sa bagong IT Center ng
Ayon sa PEZA, inabot ng isang bilyon ang pagpapagawa sa IT Center na natapos noong 2017, na kilala bilang One Townsquare Place.
“The fully built IT Center will host companies in various IT-BPM services, with one prospective locator expected to employ more than 500 Filipinos and invest more than P500 million,” pahayag ng ahensya.
Ipinalabas ni President Ferdinand Marcos noong Disyembre 20 ang Proclamation No. 765 kung saan itinalaga bilang IT Center ang 3,729 square meters ng lupa sa barangay Almanza Uno.
Alinsunod ito sa Republic Act (RA) 7916 o “Special Economic Zone Act of 1995” na inamyendahan ng RA 8748 kung saan ang special economic zones ay “highly developed” at maaaring maging sentro ng iba’t ibang mga industriya. Ayon sa batas, maaaring makatanggap ng tax incentives ang mga negosyong nakapailalim sa ecozones.
“The approval of this new ecozone will boost Las Piñas City’s growth and employment in the National Capital Region,” saad ng PEZA.
“ Malaking bagay [ang] paglilinis
ng mga
ilog at ‘yan po ay hindi lamang
‘yan isang programa na hindi dapat tutukan,
Dapat bigyan ng panahon, oras at pondo para maisagawa ang pagbabago ng culvert sa drainage system; kalinisan talaga ang kailangan.”
Ito ang mungkahi ni Talon Dos Punong
Brgy. Arnold “Jojo” F. Reyes sa isang panayam nitong Enero 29 matapos ang sunod-sunod na bagyo noong
Sa kabila ng mga programang ipinatupad ng lungsod—partikular na ang CleanUp Drive at paglilinis ng kanal maging ang mga estero, inilahad ni Reyes ang kahalagahan ng pagpapalit ng mga daluyan ng mga drainage system.
Aniya, dahil isa ito sa mga dahilan ng matinding pagbaha sa nasabing barangay.
kailangan ng palitan yung mga culvert kasi sa katagalan ay sira-sira na rin ‘yun at barado na,” ani Reyes.
Ipinunto niya rin na katuwang ng barangay ang mga ‘Estero Rangers’ mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga estero at ilog para mapaigting ang paghahanda sa mga susunod pang kalamidad.
Dagdag pa niya, hindi lamang ito isang programang dapat ipagsawalang-bahala sapagkat kinakailangan nito ng maigting na pagsunod at ‘weekly report’.
“Malaking bagay [ang] paglilinis ng
mga isinasagawa pagdating ng CleanUp Drive sa mga ilog,” giit pa niya.
Binigyang diin din ng kapitan ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagbabayanihan sa panahon ng sakuna.
“Ang maganda nito, tulad dito sa loob ng BF Resort, mayroon talaga kaming nailipat sa mas mataas na bahay sa kapitbahay; sila man din ay mayroon ding pagtulong [at] pagsalba sa mga binaha na,” punto ni Reyes.
Namahagi rin ang Department of Social Welfare and DevelopmentNational Capital Region (DSWD - NCR) at Las Piñas City Social Welfare and
Itinuturong dahilan ni Las Piñas City National Science High School Supreme Secondary Learner Government (LPSci SSLG) Adviser Raymundo Calimbas Jr. ang kawalan umano ng pagbabago sa ating bansa bilang pangunahing dahilan kung bakit nawawalan ng interes ang mga mag-aaral sa mga usaping pampolitika.
“Tinatamad na sila, kasi nga wala namang pagbabagong nangyayari.
Pero ini-insist ko sa kanila na kung nagkamali man kami, dapat kayo na ang magpapatuloy o magtama kasi kayo na ang susunod [na henerasyon, [kaya] dapat makipag-participate kayo,” saad niya sa isang panayam.
Hinimok din niya ang mga mag-aaral na maging mulat sa mga isyu at pangyayari sa kanilang paligid lalo na’t marami sa kanila ang nalalapit na sa edad ng pagboto.
ni TRISHA JERAFUSCO
K“Napakahalaga na aware kayo sa mga nangyayari sa paligid ninyo… kailangan maging mulat kayo sa katotohanan, kung ano ’yong nakikita ninyo… [nang sa gayon] maiintindihan niyo bakit nangyari ’to at makakagawa kayo ng solusyon,” dagdag pa niya.
Sa kabilang banda, kinumpirma ng Commission on Elections na gaganapin ang Philippine General Elections sa ika-12 ng Mayo ngayong taon, kung saan 12 senador ang ihahalal upang magsilbi sa loob ng anim na taon o hanggang 2031.
Kasama rin sa naturang halalan ang botohan para sa mga manunungkulan sa lokal na pamahalaan, na siyang magbibigay-daan sa mga mamamayan na pumili ng kanilang mga lider mula alkalde hanggang sa mga miyembro ng konseho.
Patnubay sa Pagtatagumpay Ipinaalala rin ng guro ang papel ng
SSLG sa pagpapayaman ng pangunawa ng mga estudyante sa tamang pagboto.
“Sa SSLG, nagagawa na ng mga estudyante kung ano ’yong dapat nilang gawin sa totoong buhay. Kaya nga merong learner government para dito pa lang, ma-experience na ninyo [at] mabuo na sa inyo kung ano ba ’yong dapat gawin kapag namimili ng isang lider,” ani Calimbas.
Nanawagan si Calimbas na dapat ugaliing magsaliksik at maging mabusisi upang matiyak ang katotohanan sa likod ng mga lumalaganap na isyu.
“Alam naman natin na sa social media, hindi lahat totoo. Kaya dapat bilang estudyante, kapag sinabing ito ’yong isyu, hindi bastang naniniwala kayo agad. Dapat alam niyong hanapin kung ano ba ’yong totoo,” pagtitibay ni Calimbas. SSLG Adviser sa paparating na Halalan 2025: ‘Kung hindi tayo gagalaw, walang
ni NATHANIEL TIBLE
Nanghihinayang ako.”
Ipinananawagan ni Las Pinas City
National Science High School Disaster Risk and Reduction Management (LPSci – SDRRM) Chief Jonnel Aristosa ang kakulangan ng emergency exits ng paaralan sa gitna ng mga bagong pasilidad sa paaralan.
“Nanghihinayang ako sa tuwing nakikita ko ‘yong [bagong] storage facilities.
Iniisip ko na sana, fire exit na lang [ang] ginawa nila,” ani Aristosa.
Bagamat pabor sa pagpapatayo ng bagong storage facilities sa Senior High School (SHS), hindi maiwasang
mabahala ni Aristosa sa tuwing nagkakaroon ng fire at earthquake
drills ang paaralan dahil nagsisiksikan na umano ang mga mag-aaral.
“Wala kasi kayong fire exits kaya nagsisiksikan kayo [mag-aaral ng Grade 11 at 12] kung may earthquake drills,” hayag ng guro.
Kahandaan sa Lindol
Samantala, ikinalungkot naman ni Aristosa ang kawalan ng kahandaan ng paaralan pagdating sa pinangangambahang pagtama ng “The Big One” sa Metro Manila.
“I think the teachers are ready na, pero ‘yong mga students hindi, may naglalaro pa nga sa field ‘pag may earthquake drill eh,” aniya.
Ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tinatayang aabot sa 47,000 katao ang masasawi habang 150,000 naman ang malubhang masusugatan sa pagtama ng “The Big One” sa kalakhang Maynila.
Sinabi naman ni Batang Emergency Response Team (BERT) President Rufino James Palajoren na handa ang organisasyon sa anumang uri ng delubyo na maaaring kahaharapin ng paaralan.
“Compared sa last year, mas marami kang mapapansin na proyekto ng BERT, tulad ng Earthquake drills, gano’n,” ani Palajoren
asalukuyang nahaharap ang Las Piñas City National Science High School (LPSci) sa malubhang krisis sa pondo na nagdulot ng malawakang epekto sa mga mag-aaral, guro, at pasilidad ng paaralan.
Ayon sa ulat ng Commission on Audit (COA) nitong Disyembre 2024, bagama’t kinilala ang Las Piñas City bilang isa sa mga lungsod na may mataas na utilization rate, bigo pa rin ito sa paggamit ng mahigit P75 milyon na Special Education Fund (SEF).
“[Itong] ‘di nagamit na education fund ng Las Piñas ay p’wede pa sanang [makapag-ambag] sa kakulangan sa pondo ng LP Science para masolusyunan ‘yong kakulangan sa equipment [at mga] softwares,” giit ng isang magulang na tumangging magpakilala.
Bukod rito, nagbigay naman ng komento ang iilang mag-aaral sa tila pagtaas ng agwat sa pagitan ng mga batang nagmula sa pampubliko at pampribadong paaralan ukol sa oportunidad na makapasok at makapag--aral sa LPSci.
“[Noong] una kong nalaman na halos wala pa sa 50 ‘yong mga ka-batch ko na galing sa public, nagulat ako…
Although academic performance ang pangunahing tinitingnan sa entrance exam, halatang may edge talaga ang mga galing private schools,” ani Kyelle Cruz, mag-aaral ng LPSci.
Tinaguriang “bourgeoisie” o “burgis” ng iilang mag-aaral ang pagdami ng mga batang nagmumula sa mga pampribadong paaralan sa LPSci. Hirit pa ni Cruz, tanging mga mag-aaral ng LPSci lamang ang walang sustento mula sa LGU kumpara sa mga pangagham na paaralan sa buong Metro Manila.
“Ang laking tulong [ng allowance] sa mga estudyante, especially since andami nating ginagawa na kailangang gumastos… [Lalo na’t] ngayon sa Grade 12, hindi lahat ng universities libre ang entrance exams at malaking gastos din ang pamasahe,” dagdag pa ni Cruz. Nananatiling palaisipan kung kailan mareresolba ang mga suliranin ng LPSci. Gayunpaman, ngunit patuloy na nagsusumikap ang komunidad ng paaralan na mapanatili ang mataas na kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang inisyetiba at donasyon upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa gitna ng limitadong kagamitan.
HERNANDEZ
ni AKI
Aprub na sa Senado ang Senate Bill (SB) 1536, o ang LPPWP Protection Act of 2025, na layong palawakin ang proteksyon para sa Las Piñas–Parañaque Wetland Park (LPPWP) sa pamamagitan ng pagtatag ng 3-kilometrong buffer zone mula sa shoreline nito.
Ang panukalang batas na isinulong nina Senadora Cynthia Villar, Loren Legarda, Ronald “Bato” Dela Rosa, at Joel Villanueva ay naglalayong higit pang palakasin ang proteksyon para sa mahigit
5,000 migratory at resident birds, pati na rin ang iba’t ibang uri ng isda at mollusks na nanganganib dulot ng patuloy na
pagkasira ng kanilang likas na tirahan. Pagpapaliwanag ni Villar, ang LPPWP ay kasalukuyang nahaharap sa mga banta dulot ng iminungkahing reclamation projects sa nalalapit na mga lugar.
Batay sa isang pag-aaral noong 2021, inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang mga reclamation activities sa Manila Bay ay nagdudulot ng pinsala sa mga mudflats at spawning grounds ng mga hayop sa LPPWP.
Dahil dito, itinutulak ng panukala ang pagpapalawak ng protektadong area upang mapanatili ang ekolohikal na
Ang 181.63-hektaryang wetland park ay tahanan ng endangered species tulad ng Philippine Duck at Chinese Egret, kaya’t mahalaga ang mga hakbang para sa kanilang proteksyon.
Sa ilalim ng SB 1536, magtataguyod ang LPPWP Protected Area Management Board ng mga polisiya upang mapamahalaan ang mga aktibidad sa parke at matiyak na mananatiling buo ang kalikasan nito.
Palalakasin din nito ang konserbasyon at ecotourism sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga aktibidad tulad ng reclamation at pangingisda sa panahon ng peak spawning.
Responsableng paggamit ng AI sa mag-aaral, guro hinaing ng SHS Coordinator
Ipinanawagan ni Las Piñas City National Science High School (LPSci) Senior Coordinator
Marjorie A. Nariz ang maayos na paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa kabila ng pagtaas ng kaso ng misuse nito.
Aniya, hindi na lamang mga mag-aaral — kundi maging ang mga guro na rin ay gumagamit ng AI bilang tulong sa pagpapabilis ng kanilang trabaho.
“Wag lang tayo maging too much dependent na nawawala na ‘yung skills natin,” kanyang paalala.
Sa isang sarbey, 92% ng mga magaaral ng LPSci Junior High School ang gumagamit ng AI katulad ng ChatGPT, QuillBot, Grammarly, at iba pa dahil malaking tulong umano sa pag-unawa ng kanilang mga inaaral sa bawat asignatura.
Ani Arnel Angeles, guro sa agham, delikado ang lubusang paggamit ng AI para sa mga mag-aaral dahil hindi umano mahahasa ang cerebral cortex — bahagi ng utak na responsable sa pag-iisip ng tao — nang maayos.
Gayunpaman, bukas naman ang mga guro sa pagpapahintulot ng paggamit ng
mga ganitong plataporma sa kanilang klase ngunit sinigurado nilang hanggang gabay lamang ang papel nito sa pagkatuto ng bawat estudyante.
AI para sa guro, mag-aaral Nauna nang sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na bukas sila sa posibilidad na gamitin ang AI para sa mga gawain sa paaralan.
“We at DepEd are really studying the possibilities with AI. It really has many benefits both for teachers and students. Teachers can save a lot of time with the help of AI. Also, students can go ahead with studying lessons in advance with the help of AI,” punto ni Angara sa isang panayam na inilabas ng Inquirer.
Sa kabila nito, sinabi rin ni DepEd Chief of Staff Fatima Lipp Panontongan na nakikipag-usap ang DepEd sa mga Education Tech companies sa paggamit ng AI sa paaralan.
“Let us champion the use of AI as a tool for empowerment, not replacement. Let us equip our youth with the wisdom to use it responsibly. Together, let us create a future where technology amplifies human potential rather than diminishes it,” wika nito.
Las Piñas pasok sa DILG SGLG sa unang pagkakataon
Hinirang sa unang pagkakataon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Las Piñas bilang isa sa mga kandidato ng Seal of Good Local Governance (SGLG) nitong Disyembre 9.
Kabilang ang lungsod sa 714 Local Government Units (LGU) sa buong Pilipinas na pinarangalan ng prestihiyosong gantimpala.
Sa isang Facebook post, naghayag ng pasasalamat ang opisyal na page ng Las Piñas para sa natanggap nitong parangal.
Ang Seal of Good Local Governance ay isang parangal na iginagawad ng DILG para sa mga lokal na pamahalaan na nagpakita ng kabutihang pamamahala sa kani-kanilang nasasakupan. PANLIPUNAN
“Isang karangalan para sa Lungsod ng Las Piñas, sa pamumuno ni Mayor
Mel Aguilar, na mapasama sa 14 na LGUs ng NCR na tumanggap ng Seal of Good Local Governance para sa CY 2024,” saad ng City of Las Piñas FB Page.
Sa kabilang banda, nakatanggap naman ng natatanging pagkilala ang Caloocan at Mandaluyong sa ikawalong pagkahirang ng mga lungsod sa nasabing parangal.
“The cities of Caloocan and Mandaluyong received special recognition for their unprecedented eight-time consecutive SGLG winning streak since 2015, underscoring their
enduring dedication to good governance,” wika ng DILG-NCR FB Page
Dumaan umano sa masusing pagsusuri ng DILG ang 14 na siyudad na nabanggit upang usisain kung karapat-dapat silang mapabilang sa mga pararangalan ng nasabing gantimpala.
Vice Mayor Aguilar, patuloy sa pagsulong ng
libreng serbisyong medikal sa Las Piñas
ni AKI HERNANDEZ
Sabi ko nga po, palagi naming prayoridad ang kalusugan ninyo.”
Ito ang mariing pahayag ni Vice Mayor April Aguilar sa gitna ng matagumpay na paglulunsad ng Health and Wellness Caravan noong Martes, Enero 21, sa Bambusetum Court ng Talon Dos.
Bitbit ang iba’t ibang libreng serbisyo tulad ng chest X-ray, dental care, ECG, libreng pneumonia vaccines, konsultasyon mula sa mga doktor, at mga gamot, muling nagtungo si Vice Mayor Aguilar sa Barangay Talon Dos upang magbahagi ng tulong sa mga Las Piñero.
Libreng Kalusugan
Isa sa mga dumalo sa caravan si Genelyn Calibut, residente ng Talon Dos, na lubos ang pasasalamat sa libreng serbisyong medikal.
“Malaki [ang naitulong nito] kasi syempre, [ang] mahal-mahal kaya ng mga gamot ngayon diba? Malaki talaga. Malaking tulong kasi gaya noon na ‘di tayo maka-afford [kapag] may nararamdaman tayo, ta’s ‘di natin kaya kasi mahal check-up, mahal gamot, eh dito libre ang checkup, libre mga gamot,” pagbabahagi ni Calibut habang nakapila.
Pagpapaliwanag naman ni Aguilar, isa sa mga rason kung bakit nila naisipan ang proyekto ay para sa kaginhawaan ng mga mamamayan.
“Alam mo naman ugali ng tao, minsan papuntahin mo sa health center tinatamad. ’Pag naka health caravan kami, it makes us closer to the people para ma-serve namin sila. Andito na lahat eh, andito na lahat ng equipments namin, so lahat magagawa na sa kanila sa isang upuan. Pati gamot, kung makita nyo gamot para kaming may mercury
drug, pati gamot inuuwi na nila,” aniya.
Hamon Sa Politika Habang tumutok sa kalusugan ang programa, nagbahagi rin ang bisealkalde ng kanyang saloobin kaugnay ng nalalapit na Halalan.
“Isa sa pinakamahirap na laban namin ang 2025. Napakahirap, napakasakit, lalo na kung ang kalaban mo ay kaanak mo mismo,” aniya.
Sa kabila nito, nanindigan si Vice Mayor Aguilar na ang kanyang mga layunin ay para sa kapakanan ng bawat mamamayan ng Las Piñas.
“Maraming taong umaasa sakin. Lahat po ng programa at proyekto
ako sa 2025, magagawa ko po [‘yan] kapag kaalyado ko ang kongreso at konseho,” pagtatapos niya.
GALAK SA PAG-INDAK.
Nagkakasiyahan ang mga mag-aaral ng ika-7 baitang habang masiglang sumasayaw sa pambungad na programa ng 15th Foundation Day ng
club ng paaralan ng kani-kanilang mga booths na nag-alok ng mga masasarap na pagkain, nakatutuwang mga anik-anik kung tawagin, at mga makabuluhang aktibidad para sa mga dumalo.
PAMPAARALAN ni RICHARD PAMATIAN
Makalipas ang limang taon, ARAL Law, isinabatas upang tugunan ang krisis sa edukasyon
Matapos ang limang taon ng paghihintay, muling ipinagdiwang ng Las Piñas
City National Science High School (LPSci) ang ika-15 anibersaryo nito noong Agosto 24, 2024.
Sinimulan ang pagdiriwang sa isang makulay at masiglang parada ng mga mag-aaral sa bawat baitang, kasama ang mga guro, alumni, at kanilang mga magulang.
Kabilang sa mga panauhing pandangal si Senator Cynthia Villar, na nagpaabot ng makabuluhang mensahe para sa mga Lapisyano.
“Talagang bilib na bilib po ako sa [Las
Piñas City National] Science High School, kasi ang aking panganay na anak po ay nag-aral sa Amerika. Doon siya nagcollege sa University of Pennsylvania, College of Business... Dapat mangarap kayo na balang araw magiging scholars kayo sa mga magagandang paaralan abroad.” saad ni Villar.
Sinundan ito ng isang banal na misa na pinangunahan ni Father Ernesto Sigan at handog awit papuri ng Coro Lapisciano. Kasunod nito ang mga aktibidad tulad ng paligsahan sa basketball at volleyball na nilahukan ng mga guro, mag-aaral, at alumni.
Bilang bahagi ng selebrasyon, nagdaos ang iba’t ibang organisasyon at mga
Isa sa mga pinakapatok na booth ay ang “Jail Booth” ng Teatro Lapisyano, na nagbigay ng kasiyahan sa mga walang ID dahil sila ang pangunahing punterya nito.
Hindi rin nagpahuli ang iba pang organisasyon, kabilang ang photobooth ng The LPSci Standard Press, ang masisiglang palaro ng Girl Scouts of the Philippines, at ang masasarap na cookies na inihandog ng Coro Lapisyano.
Samantala, ang mga performing clubs ng paaralan tulad ng LPSCI Dance Troupe, Bayle Lapisyano, mga banda tulad ng “Contented” at “Parokya ni AJ,” ay nagbigay ng masigla at makulay na pagtatanghal para sa mga dumalo.
Ang buong programa ay naging patunay ng di-mabilang na talento, pagkakaisa, at pagmamahal sa paaralan ng buong komunidad ng LPSCI.
Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Oktubre 18 ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) na naglalayong punan ang learning gaps na dulot ng nagdaang pandemya.
Sa ilalim ng ARAL, mas pagtutuunan ng pansin ang pagpapalago ng mga bata sa larangan ng pagbasa at matematika sa baitang 1 hanggang 10, agham naman sa baitang 3 hanggang 10, at ang kakayahang magbasa at magbilang ng mga bata
Dagdag representasyon ng kababaihan, LGBTQIA+ sa politika, hiling ng UPD Magna Cum Laude
Ikinadismaya ni University of the Philippines Diliman (UPD) College of Social Sciences and Philosophy Magna Cum Laude Carlos Torcellino ang kakulangan ng representasyon ng mga kababaihan at Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual (LGBTQIA+) community sa larangan ng politika.
“In terms of numerical representation, wala rin. Substantive, in a sense,” giit ni Torcellino. “Mayroong iilan, katulad nga ni Sen. Risa Hontiveros sa mga panukala niya, pero hindi pa rin natin nam-
meet ‘yong equality in terms of representation,” dagdag nito.
Aniya, nagmimistulang placeholder lamang ang mga kababaihan at LGBTQIA+ para sa mga politikong nakaluklok na at nagbabalak tumakbo.
“Not at this point, not even women in Philippine politics are not also that best represented kasi napapansin mo ‘pag mga Filipino female politicians, madalas kapalit lang sila ng asawa nilang politiko,” bwelta ni Torcellino.
Giit ng Las Piñas City National Science High School (LPSci) Batch 2020 Graduate, kaunti rin ang kasalukuyang namamahala sa bansa na kabilang sa
Pista ng Nazareno, opisyal nang pambansang kapistahan ngayong taon,
LGBTQIA+ community “tulad ni [First District of Bataan Representative] Geraldine Roman.”
Sa kabila nito, naniniwala ang alumnus na nagkakaroon na ng pagkilos ang mga nakaluklok sa pamahalaan at iba pang sangay tungo sa pagsusulong ng karapatan ng mga minorya.
“Pero nakikita ko naman sa trend ngayon [na] mas lalong nagiging active na ang LGBTQIA+ community in pushing for our rights, specifically ‘yong mga partylists like AKBAYAN, sila ‘yong nagpupush sa SOGIE bill,” saad ni Torcellino. “And also we have our senate champion Sen. [Risa] Hontiveros, the champions for the LGBTQIA+ community,” aniya.
ni ABBY SOLSONA Mas pinatibay. Mas pinaganda. Mas ligtas.
Ibinida ng Sarao Motors Inc. ang mas pinatibay nitong disenyo ng andas na ginamit para sa Traslacion 2025 mula sa apat na planta ng pagawaan ng dyip sa Pulang Lupa, Las Piñas ngayong taon.
Katuwang ang Hijos de Nazareno, naging matagumpay ang andas na ginamit sa imahen ng Nuestro Padre Hesus Nazareno noong ika-9 ng Enero.
Inihayag ni Nazareno 2025 Feast Adviser Alex Irasga na mas pinaigting ang ayos nito kumpara sa nakaraang taon.
“Nagkaroon po tayo ng major innovation sa ating disenyo ng andas. Ito po ay isang work in progress na isinagawa po natin,” aniya.
Mula sa dating nakaladlad na imahen, ngayon ay protektado na ito ng isang tempered glass casing na mabusising pinagplanuhan upang protektahan ang imahen.
Dagdag pa rito ang ventilation system sa loob na naglalayong iwasan ang pamumuo ng moisture sa loob tulad ng nangyari noong nakaraang taon, habang kapansin-pansin din ang padausdos na harapan para naman maiwasan ang pagsampa ng mga deboto, at mas pinarami pang batterypowered na ilaw.
“Ang lahat naman po ng ito ay sa hangarin natin na mas makita ang ating mahal na Hesus Nazareno ng milyon-milyon nating mga kapwa deboto, sa halip po na ang mga deboto [na nasa harapan] ang nakikita,” dagdag pa niya.
Isa ang Sarao Motors Inc. sa mga pinakaunang pagawaan ng dyip sa Pilipinas na ngayon ay isa na pangunahing tagapaggawa ng andas na ginagamit taon-taon sa Pista ng Itim na Nazareno.
Kasalukuyan nang naibalik at nasa pangangalaga ng nasabing kompanya ang andas na ginamit sa Traslacion 2025.
masiguro ang kanilang malusog na paglaki.
Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino
ng MATAAS NA PAARALANG
PANG-AGHAM NG LAS PIÑAS
TOMO XII | BLG. 01
Likha ni RIYANNA DACASIN
Edukasyon ang isa sa mga pinakamahalagang bagay para sa mga Pilipino sa kadahilanang ito ang tinaguriang susi upang maging matagumpay at makaangat sa buhay. Isa itong pahayag na matagal nang pinaniniwalaan ng mga mamamayang Pilipino. Ganito pa rin kaya ang paniniwala nila gayong nakararanas ng mga problema ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas? Masasabi pa kaya nating edukasyon ang susi sa tagumpay kung mismong sistema ng edukasyon ang siyang nagkakagulo at tila nababasag na?
Noong 2024, inilabas ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2 na 78% sa 900,000 ng mga guro sa mga pampublikong paaralan ng Pilipinas ang nagtuturo ng mga asignaturang malayo sa kursong kanilang kinuha sa kolehiyo. Higit sa kalahating bilang ng kabuoan ng mga guro ang nakararanas nito ngunit umaastang bulag pa rin ang Kagawaran ng Edukasyon dahil ani mo’y wala silang pakialam at hinahayaan lang ang kasalukuyan nilang sitwasyon. Isa lamang itong patunay na unti-unting nababasag ang pagkinang ng mga tinitingalang guro.
Bunga ng pangmalawakang problemang kinahaharap sa sektor ng edukasyon, halos ang buong pampublikong paaralan sa Pilipinas ang apektado rito — at hindi nakaligtas dito ang Las Piñas. Hindi lang subject-teacher mismatch ang kanilang inaaksyunan dahil kailangan din nilang bigyang-solusyon ang bilang ng mga gurong umaalis, na nagreresulta sa kakulangan sa mga guro.
Kamakailan lamang ay dumarami ang bilang ng mga guro sa Mataas na Paaralang PangAgham ng Las Piñas (LPSci) na nagsisialisan dito upang magtrabaho o kaya’y mangibang-bansa. Kung titingnan, sa bawat gurong umaalis ay mayroong posisyon na napababayaan at kailangang punan. Sa madaling salita, para mo lang tinuruan ang isang hayop na magbasa.
Ika nga ng karamihan: “You can’t do great on something you don’t master.” Isang pahayag na maaaring maihalintulad sa sitwasyon ng subject-teacher mismatch sa LPSci. Ayon pa sa Senior High School Coordinator ng paaralan na si Marjorie A. Nariz, magiging mahirap para sa kanilang mga guro ang magturo ng isang asignaturang hindi nila alam. Dagdag pa niya,
kung hindi nila alam ang ituturo nila, paano pa ang mga bata? Malilimitahan lamang ang kakayahan ng mga mag-aaral at ng mga guro sa pagtuturo at sa pagkatuto.
Nakakita ka na ba ng PE Teacher na nagtuturo ng asignaturang may kaugnayan sa agham? Ganito na lamang ang sitwasyon na kinakailangang punan ng mga gurong underload o kaya’y hindi gaanong karami ang trabaho ang nakaatas. Sino ba naman sila para tumanggi, dahil kinakailangan din naman nila na maging “sakto” lamang ang dami ng kanilang workload — pwera na lang kung gusto nilang hindi makatanggap ng sweldong magagamit nila upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa buhay. Kaya kahit hindi nila gamay, tatanggapin na lang nila ito.
Gawing halimbawa ang dating guro ng LPSci na si Emerina Clarisse Bernante, na siyang nagturo ng Disaster Risk, Reduction, and Readiness (DRRR) at Work Immersion sa ika-12 na baitang. Ayon sa kanya, nahirapan siyang magturo ng DRRR at Work Immersion dahil wala naman sa kanilang curriculum ang nasabing mga asignatura. Dagdag pa niya, para siyang umulit sa mga major subjects para lang matutuhan ang DRRR at Work Immersion. Kaya naman, matapos ang ilang taong pagtuturo sa paaralan ay katulad ng ibang mga guro sa LPSci, napagdesisyunan ni Bernante na lumisan sa paaralan.
Bilang isang guro, hindi pupuwedeng tanggap ka lang nang tanggap, dahil kapag napuno ka na, apektado ang mental, pisikal, at emosyonal na kalusugan mo.
Hindi siya ang una at paniguradong hindi siya ang huling gurong aalis sa paaralan. Ngunit, pakatandaan din na hindi lahat ng gurong lumilisan ay sa kadahilanang hindi makatuwiran ang benepisyong kanilang natatanggap bilang isang guro o kaya’y dahil sa subject-teacher mismatch. Sadyang mas nakahahanap sila ng mas magandang mga oportunidad sa labas ng paaralan, maging sa labas ng bansa. Hindi naman natin sila masisisi
kung mas pipiliin nila ito kaysa manatili sa pagtuturo kung para naman ito sa ikabubuti nila. Kung doon sila sasaya, sino ba naman tayo para humadlang, hindi ba?
Kung ganito na lamang ang naging epekto ng subject-teacher mismatch sa mga guro ay labis na paghihirap din ang kinakailangang harapin ng mga mag-aaral. Pahayag ng mga estudyante ng LPSci, nawawalan sila ng motibasyon at pokus kapag ang mismong guro ay hindi gaanong maalam sa kanyang itinuturo at para bang nagkakapaan sila sa paksang tinatalakay. Minsan pa nga’y may mga pagkakataon kung saan mas maalam pa ang mag-aaral, kaya imbis na guro ang nagtuturo ay sila pa ngayon ang tinuturuan.
Siguro nga, hindi tayo makakawala sa konsepto ng subject-mismatch, ngunit paniguradong may paraan upang matugunan ito. Bakit hindi baguhin ng Kagawaran ng Edukasyon at ng Schools Division Office ang sistema ng pagbibigay ng mga guro sa paaralan? Imbis na banggitin lamang ang posisyong kailangan sa tuwing hiring ang mga paaralan, bakit hindi rin banggitin kung anong asignatura ang nangangailangan ng ganitong posisyon? Gayundin ang tamang pagbabadyet ng pamahalaan, dahil kung patuloy nilang lilimitahan ang ilalaang pondo para sa sektor ng edukasyon ay mapipilitan ang kagawaran na limitahan din ang mga gurong papasok at makakapagturo. Ang mas nakalulungkot pa, imbis na manghikayat ng mga kabataang nagnanais maging guro ay mas nawawalan sila ng pag-asa dahil sa ginawang tugon ng gobyerno.
Sa ganitong kalagayan ng sistema ng edukasyon ay tunay ngang nangangalawang na ang susi sa tagumpay ng bawat kabataan, lalo na ng mga kabataang Las Piñero. Maging ang bilang ng mga guro, mula sa pagiging isa sa mga pinakamalaking propesyon, ngayo’y minamaliit na at tila tinatapakan ng madla. Hahayaan pa ba natin itong mangyari nang tuluyan?
Iilan lamang sa mga problemang kinahaharap ng sektor ng edukasyon ang kakulangan ng mga guro sa bansa na isa sa mga salik ng subject-teacher mismatch. Sa pagkakaroon ng basag na sistema, oras na para bawasan at wakasan ang bubog na handang makagalos — para sa mga gurong hatid ay kaalaman at maliwanag na kinabukasan sa mga kabataang nangangarap.
sa angpaham@gmail.com.
Ikapitong Baitang *
Sa aking palagay, ang AI ay nakakatulong sa atin sa ating pag aaral. Ngunit ang sobrang paggamit nito ay nakakasama sapagkat di na natin nagagamit ang ating isip ng tama.
2 out of 6
Ikawalong Baitang *
Para sa akin, magagamit ang AI sa mga kapaki-pakinabang na paraan dahil makakatulong ito sa pagpapaliwanag at pagbubuod ng impormasyon para sa mga mag-aaral na nahihirapang unawain ang isang piraso ng impormasyon.
3 out of 6
Ikasiyam na Baitang *
Sa aking palagay, natulungan ako ng AI dahil nakakatulong ito sa pagkalap ng impormasyon.
4 out of 6
Ikasampung Baitang *
Tunay na nakakatulong ang AI sa buhay ng isang mag-aaral na tulad ko, sapagkat nakakapagbigay ito ng bagong impormasyon at mas napadali ang pangunguha ng impormasyon sa online, ngunit nababawasan ang orihinalidad ng mga estudyante at nadadagdagan ang katamaran, importante parin itong AI dahil malaki parin ang tulong nito.
5 out of 6
Ikalabing-isang Baitang *
Sa aking palagay, ang paggamit ng AI ay bahagyang nakatutulong sa akin bilang mag-aaral. Sapakat, may mga larangan ng edukasyon na hindi maitatanggi na talagang nakatutulong ito. Ngunit, hindi rin maari na tayo ay palaging gumamit nito dahil para sa akin, ang sobrang paggamit ng AI ay nakababawas ng critical thinking skills.
Kung susumahin mo, oo nakatutulong ang AI sa akin bilang mag-aaral ngunit ay hindi nakatutulong sa lahat ng bagay.
6 out of 6
Ikalabindalawang Baitang *
ARTIFICIAL INTELLIGENCE
Sa panahon ngayon, tila’y wala nang tanong na hindi kayang sagutin sa isang pindot lamang. Mula sa mga simpleng katanungan hanggang sa malalalim na pananaliksik, sagot na ng Artificial Intelligence o AI ang halos lahat. Ngunit sa kabila ng kaginhawaang dulot, masama ba ang labis na pagdepende dito?
Sa paggamit ng AI sa edukasyon, sino nga ba ang tunay na natututo—ang mga mag-aaral o ang makina?
Hindi maikakaila ang husay ng AI tools tulad na lamang ng ChatGPT na madalas gamitin ng mga mag-aaral. Sa isang iglap lamang ay nagkakaroon agad sila ng sagot sa kanilang mga katanungan. Sa mga panahong sunod-sunod ang mga gawain, natural lamang na takbuhan ito ng mga mag-aaral. Hindi naman natin ito maituturing na isang kasalanan— sa katunayan, ito’y isang matalinong paggamit ng makabagong teknolohiya at malaking tulong ito sa mga mag-aaral. Ngunit dahil sa patuloy na paggamit
nito, masasabi bang natututo pa rin ang mga mag-aaral o magaling lang silang gumamit ng AI?
Dito pumapasok ang tunay na isyu: nasasanay na ang mga mag-aaral sa mabilisang sagot na hatid ng mga AI tools. Kung dati’y kinakailangang dumaan sa masusing pananaliksik, pagsusuri, at pagsasanay upang maunawaan ang isang aralin, ngayon ay tila sapat na ang simpleng pagpindot lamang.
“
Sa halip na maging katuwang, hinahadlangan lamang ng AI ang mga mag-aaral upang mahasa ang kanilang potensyal.
Ayon sa pag-aaral nina Kuss at Crowley (2018) at Röösli et al. (2018), ang paggamit ng AI ay nakakasama sa pag-aaral ng mga mag-aaral, lalo na sa
Pagod ka na bang makakita ng apelyidong paulit-ulit na lamang nakaimprenta sa balota?
Dahil nga papalapit na naman ang halalan na magtatakda kung sino ang mga magiging mambabatas ng bansa, nagsisiliparan na naman ang mga promosyon ng mga tumatakbo para sa posisyong kanilang inaasam. Sa bawat patalastas na aking napapanood sa telebisyon at sa bawat tarpaulin na aking nadadaanan sa kalsada, halos isa lamang ang napapansin ko sa kanilang lahat. Halos iisa lang ang kanilang mga apelyido. Wala na bang ibang tumatakbo kaya lumalaganap ang mga political dynasty na ani mo’y family business ang ginagawa sa serbisyong pampubliko? Sila-sila na nga lamang ang naluluklok, ngunit sa tagal ng kanilang panunungkulan ay parang wala pa ring nangyayaring pagbabago.
Iniatas ng Konstitusyong 1987 sa Kongreso na magpasa ng batas laban sa political dynasty 38 taon na ang nakalilipas, ngunit wala pa ring
naipapasang matatag na batas. Laksalaksang panukala at itirasyon na ang inihain pero hindi pa rin ito naisasabatas. Nakapagtatakang lubos kung bakit sa halos apat na dekadang pag-iral ng republika, buhay na buhay pa rin ang mga makapangyarihang mga angkan na minomonopolisa ang palingkurangbayan.
Sa bagay, paano nga naman maipapasa ang isang batas laban sa dinastiyang politikal kung karamihan ng mga mambabatas ay mula sa mga makapangyarihang angkan sa kanikanilang mga nasasakupan? Maging ang punong ehekutibo ng ating bansa ay kabilang sa pinakatanyag na dinastiyang politikal sa kasaysayan ng Pilipinas kaya tila walang anumang posisyon sa pamahalaan ang ligtas sa ganitong klase ng pamumulitika sa bansa.
Dahil sa kapangyarihan na madalas walang restriksiyon, lalong nagagamit ang pamahalaan upang ipalaganap ang kanilang kabulastugan, madalas kapalit ng paghihirap nating mga mamamayan. Halimbawa, ang dinastiyang Marcos
HIto ay nakakatulong sa akin bilang isang mag-aaral. Ito ay nakakatulong sapagkat, mas napapadali niya ang pagkaintindi ko sa mga konsepto sa mga iba’t ibang bansa, ngunit ito ay hindi inaabuso.
(hal. pagcopy paste ng mga sagot sa mga assignment galing AI)
indi maikakailang ang mga Science High School ay tahanan ng mga magaaral na may angking talino at dedikasyon sa agham, teknolohiya, at pananaliksik. Gayunpaman, sa kabila ng mga parangal, tagumpay, at potensyal ng mga estudyante, hindi rin maitatangging ang ilan sa mga paaralang ito ay nahaharap pa rin sa isang matinding suliranin—ang kakulangan sa mga pasilidad. Kabilang na rito ang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Las Piñas (LPSci) na para bang paulit-ulit na lamang hindi napakikinggan ang mga daing.
kanilang kakayahang makapagsulat. Ito ay maaaring humantong sa pagkawala ng kanilang kakayahang mag-organisa ng mga orihinal na ideya. Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay ng babala tungkol sa negatibong epekto ng AI sa pagunlad ng kanilang kasanayan.
Pinatunayan din ng cognitive psychology na ang labis na pagdepende sa AI ay maaaring magdulot ng paghina sa information retention. Dahil nga nabibigay ang mga sagot sa isang pindot lamang, hindi na kailangan ng mga mag-aaral na magbasa at mag-aral nang malalim. Maaaring magresulta ito sa kanilang kahinaang alalahanin ang impormasyong kanilang inaaral, at lalong maging dahilan ng kanilang patuloy na paggamit sa teknolohiyang maaaring makasama. Sa madaling salita, ang paggamit ng AI bilang isang shortcut sa pag-aaral ay maaaring magdulot ng pangmatagalang negatibong epekto sa kakayahan ng mga mag-aaral na matuto at umunawa.
Oo, kayang ipaliwanag ng AI ang isang
ay sikat sa buong daigdig dahil sa dami ng kanilang ninakaw buhat sa kaban ng bayan. Iilan lamang ang mga ito sa limpak-limpak na kasalanan ng mga dinastiya sa ating inang bayan. Gan’to ba ang gusto nating legasiya ng Pilipinas? Perlas ng kawatan? Duyan ng sinungaling?
Dagdag pa rito, sinasakal ng mga dinastiya ang pagnanais ng Saligang Batas sa pantay-pantay na pagkakataong maging lingkod-bayan. Aminin man natin o hindi, pinaghihintay lang nila tayo sa mga pekeng pangako ng pag-unlad at iniiwan tayong nakalutang sa ere. Magmula nang isilang ako sa mundong ito, iisang pamilya na ang nakikita kong namumuno sa Las Pinas kaya’t hindi na ako nagtataka kung bakit napakabagal ng pag-usad ng lungsod na ito.
Isang pamahalaang nakabatay sa talino at talento ang kailangan ng para umunlad ang bansa, hindi isang pamahalaang pinamumunuan ng isang pamilya.
gusto kong sisihin ang mga
konsepto sa loob ng ilang segundo lamang, ngunit hindi nito kayang palitan ang tunay na bunga ng malalim na pagninilay at pagsusumikap. Sa labis na paggamit ng AI, sinasabotahe ng mga mag-aaral ang kanilang mga sarili. Unti-unting nawawala ang kakayahan nilang mag-isip. Kung magpapatuloy ito, baka dumating ang panahon na maging ‘zombie’ na lamang sila—walang sariling pang-unawa at walang lalim ng kaalaman. Paano na lamang ang mga dumedepende sa AI kapag dumating ang panahon na wala na ito?
Sabi nga nila, lahat ng sobra, nakasasama. Kaya naman dapat nating ituring ang AI bilang lamang isang kaagapay, hindi isang panghalili sa tunay na edukasyon. Walang shortcut sa tunay na kaalaman, at ang labis na pagdepende sa teknolohiyang ito ay makasama pa sa mga isipang magpapatakbo sa susunod na henerasyong Pilipino. Kung kaya’t sa bawat pindot, itanong mo sa sarili mo: Ako ba talaga ang natututo, o ang makinang ito?
Pilipino kung bakit nilang patuloy iniluluklok sa posisyon ang mga mandarambong. Lalong-lalo pa noong Halalan 2022 kung saan naluklok ang tambalang Marcos-Duterte, kapwa mula sa mga pinakamakapangyarihang dinastiya sa bansa. Paano ba naman, sa kasagsagan ng pangangampanya at paghahain ng plataporma sa mga debate ay ni isang beses hindi sumipot ang pares. Sa kabila nito, kung sino pa ang walang kaplano-plano ay sila pa ang nanalo!
Kung nais talaga natin makamtan ang tunay na pagbabago, kinakailangan nating puksain ang mga pamilya ng buwaya. Sa Kongreso—ano’ng ikinatatakot ninyo at inyong ibininbin ang Anti-Dynasty Bill? Mawalan kayo ng kapangyarihan? Kung talagang nais ninyo ng masaganang lipunan, unahin niyong supilin ang banta ng political dynasty sa bansa. Kung hindi, pinapatunayan niyo lamang na sarili niyong interes ang inyong inuuna. Sa mga mambabasa nito, iisa lamang ang payo ko sa inyo—magmatiyag. Alamin ang kilos ng bawat kandidato na gustong maluklok sa puwesto at kung sangkot sila sa katiwalian, lalong-lalo na kung kasama ang kanilang pamilya. Tapatan na natin ang pagbabadya ng mga buwayang ito, at sa wakas, iahon mula sa kanilang mga bisig ang ating lupang tinubuan.
Paano makakamtan ng mga mag-aaral ang kanilang buong potensyal kung hindi sapat ang kagamitan sa kanilang mga laboratoryo? Maraming Science High School ang mayroong mga science laboratories, ngunit hindi lahat ay may sapat na gamit upang maisagawa nang maayos ang mga eksperimento. Sa halip na matutong magsagawa ng mga advanced na pananaliksik, maraming magaaral ang napipilitang gumamit ng lumang kagamitan. Dahil sa kakulangan ng pasilidad at kagamitan, napipilitan ang mga student researchers na pumunta sa iba’t ibang laboratoryo sa ibang unibersidad. Dahil dito, nagiging mas mahigpit at matrabaho ang proseso ng paghingi ng pahintulot bago maisakatuparan ang kanilang mga pag-aaral.
Isipin mo na lang kung ilang Lapisyano na sana ang nakabuo ng mga pambihirang akademikong papel kung malaya lamang silang gawin ito sa loob ng paaralan.
Isa sa mga pangunahing dahilan ng problemang ito ay ang kakulangan ng badyet para sa pananaliksik. Ayon kay G. Reynaldo Gayas, isang guro ng agham mula sa LPSci, ang pondo mula sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ay hindi sumasaklaw sa pananaliksik. May inilaan para sa mga suplay, ngunit hindi ito eksklusibo para sa research. May posibilidad na makakuha ng pondo mula sa kinikita ng kantina, ngunit mas malaking bahagi nito ang inilalaan sa feeding programs at medical supplies. Dahil dito, maraming mag-aaral ang napipilitang
maggugol ng sariling pondo o kaya’y magsolicit upang maipagpatuloy ang kanilang pananaliksik.
Kung tunay na layunin ng Department of Education (DepEd) at Department of Science and Technology (DOST) na linangin ang kahusayan ng mga kabataang Pilipino sa agham, hindi ba’t nararapat lamang na magkaroon ng tiyak at sapat na badyet para sa pananaliksik? Dahil sa kakulangan ng pondo, hindi naipapatupad ang mga malalawak at dekalidad na pananaliksik. Sa halip, nalilimitahan ang imahinasyon at kakayahan ng mga estudyante. Panahon na upang pakinggan ang hinaing ng mga mag-aaral. Hindi sapat ang maglagay ng titulong “Science High School” kung ang mismong suporta para sa agham at pananaliksik ay hindi lubos na naibibigay. Kung tunay nating nais na magkaroon ng mga dekalidad na pag-aaral at inobasyon mula sa mga kabataang Pilipino, kailangang simulan ito sa pagbibigay ng sapat na pondo at pasilidad na magpapalakas sa kanilang kakayahan at kahusayan sa pananaliksik.
Bali-baliktarin man natin ang mundo, pare-pareho pa rin tayong mayroong karapatan upang makatanggap ng kalidad na edukasyon.
Bilang isang hamak na magaaral na nag-aasam ng kalidad na edukasyon, talaga nga namang nagmistulang hulog ng langit para sa akin ang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Las Piñas (LPSci). Sabi kasi nila, kahit pampubliko ito, kapantay nito ang mga pribadong paaralan o ‘di kaya’y higit pa. Ika nga nila, kapag dito ka, siguradong pasok ka na sa Big 4. Pero ngayong nakapasok na ako sa nakapapanibagong mundong ito, dama kong naiiba ako sa mga kamag-aral ko. Bakit parang hindi sapat ang katalinuhan dito? Bakit parang wala akong puwang kung walang laman ang bulsa ko?
Sa iilang lungsod, kabilang ang Las Piñas, mayroong pribilehiyo ang mga mag-aaral na may mga pinakamataas na grado sa ikaanim na baitang sa mga pampublikong paaralan kung saan hindi na nila kailangang sumailalim sa pagsusulit upang makapasok sa LPSci. Ngunit sa loob ng limang taon mula 2017, labis na ibinaba ang bilang ng mga estudyanteng makatatanggap ng pribilehiyong ito. Kung dati, top 10 ang dederetso bilang Lapisyano, top 3 na lamang ngayon.
Kasabay ng pagbaba ng bilang ng mga mag-aaral na diretso ang biyahe
patungo sa buhay-Lapisyano ay ang pagtaas ng bilang ng mga Lapisyanong mas mayaman. Bakit? Kumpara sa mga mag-aaral na utak at sipag lamang ang sandata sa labanan, magagamit nila ang mga karagdagang libro at tiyutor bilang kasangga dahil alam naman nating lahat na mas may kakayahan sila upang makuha ang mga ito, kaya mas makakalamang sila sa iba.
Mukha man itong hamak na isyung pampaaralan, sinasalamin din ng suliraning ito ang mababang kalidad ng edukasyon sa pampublikong elementarya. Dulot ng iba’t ibang problema tulad ng malaking pagkakaiba sa teacher-student ratio at hindi epektibong kurikulum, hindi nila natatanggap ang pundasyong kinakailangan para maipasa ang paunang pagsusulit. Sa ganitong klaseng labanan, ang tanging sandatang iyong makakapitan ay kung ano ang itinuro sa iyo. Ano na lang ang mangyayari sa’yo kung kulang-kulang ang mga ito? Kung hindi mapupunan ng mga pamunuan ang kakulangang ito, patuloy silang malalamangan ng mga nagtapos sa pribadong paaralan na mas natutukan ng kanilang mga guro.
Idagdag mo pa na may bayad na ang nasabing pagsusulit. Noong panahon ko, libre pa ito. Pero ngayon, P350 na ang halaga ng unang tapak sa kanilang mga
pangarap. Maaaring maliit lamang sa iba ito, ngunit higit pa ito sa kalahati ng itinakdang minimum wage. Dahil dito, lalo lamang humihigpit ang tagisan para sa puwesto sa paaralang kanilang inaasam.
Hindi ko pinupuna ang mga Lapisyanong hatid-sundo sa kanilang mga kotse o ‘di kaya’y may Apple ecosystem, o ang mga kadalasang nailalarawan bilang ‘burgis’.
Hindi naman nila kasalanang naghangad sila para sa kanilang ikauunlad, kaya marapat lamang na hindi sila sisihin dito. Kung gusto nating matamasa ang kaginhawaang kanilang kasalukuyang nararanasan, bakit naman natin sila pilit ibababa? Ang tanging nais lamang naman natin ay pantay at patas na edukasyon para sa lahat na bawat magaaral ang makatatamasa.
Hindi maaari at hindi dapat pigilan ang mga batang mag-aaral at ang kanilang mga magulang kung sakaling sumabak sila sa proseso upang maging Lapisyano dahil may kalayaan namin sila upang gawin ito. Sabi ko nga, lahat tayo ay may karapatan maging mag-aaral dito. Magkakatalo na lamang talaga sa admissions process ng paaralan na talagang kailangan ng pagsasaayos at pagrerepaso. Kailangang masiguro na ang kanilang pagsasala sa mga posibleng susunod na henerasyon ng mga Lapisyano ay maigi at alalahanin
ang mga dapat na isaalang-alang bago sila bigyan ng pwesto sa paaralan. Kung ako ang tatanungin, marapat lamang na mayroong itinakdang bilang ng mga tatanggaping estudyante mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan—at pantay dapat ito. Higit pa lalong dapat ibalik ang itinakdang pribilehiyo ng mga top 10 na mag-aaral sa mga pampublikong elementarya upang masigurong may puwang pa rin ang paaralan sa kanila, lalo na’t hindi madaling makuha ang mga gradong kanilang naabot. Dito pa lamang, nasasaksihan nang nararapat silang mapabilang sa prestilhiyosong paaralang ito.
Ang pagiging prestilhiyoso ng isang paaralan ay hindi masusukat sa materyal na bagay, ngunit sa mga kalidad ng edukasyon at mga aral na mapupulot ng kanilang mga mag-aaral. Ang tanong ko, kailan kaya matatamasa ng karaniwang batang Las Piñero ang kanilang pangarap na maging Lapisyano?
Sa pagitan ng kabi-kabilang balakid na aking nabanggit, paniguradong may isang batang tumitingala sa nagtataasang gusali ng paaralan at mga naglalakihang tarpaulin ng mga gradweyt na samu’t saring tagumpay na ang nakamit. Isa rin ako sa mga nangarap noon na mapabilang dito, at sana’y maparami pa ang mga tulad ko.
Akala ko ba, you are for quality education, bakit aalisin ninyo ang mga subject na maayos naman at kalidad ang content?”
Isa ito sa mga naging reaksyon ng sambayanang Pilipino ukol sa isinusulong ng Department of Education (DepEd) na pagbabawas ng core subjects sa Senior High School (SHS). Sa pagharap sa hamon ng buhay, ano nga ba talaga ang dapat na isaalang-alang? Ang pagiging praktikal o ang pagiging maalam? Sa planong bawasan ang core subjects sa SHS mula 15 patungo sa lima o pito, malinaw na mas maraming tanong kaysa sagot ang lumalabas. Maaari man itong magmukhang praktikal sa unang tingin, ngunit ang masusing pagsusuri ay nagpapakita ng masalimuot na epekto nito sa mga guro, mag-aaral, at sa sistema ng edukasyon mismo.
Milyon-milyong kabataan ang napilitang sumabak sa naturang programa ng DepEd sa pangakong makalalamang sila sa aspeto ng “Employment, Entrepreneurship, and Advanced Education and Training.” Galing na mismo sa pulso ng kabataan, hindi sila masaya sa desisyong ito ng pamahalaan. Ating masasabi na karamihan sa mga mag-aaral ng Senior High School ay hindi kuntento sa kasalukuyang implementasyon ng K-12 kurikulum.
Lalo itong pinagtibay sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), tanging apat mula sa 10 mag-aaral lamang ang nasisiyahan sa kasalukuyang K-12 kurikulum.
Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang isyu sa pagbawas ng core subjects sa Senior High School (SHS). Simula nang pumutok ang balita ukol dito, hindi maikakaila ang pangambang nadarama ng mga darating na mag-aaral para sa ika-11 baitang. Nakikita ko sa aking mga ate at kuya ang pagkatakot sa pagsuong sa kanilang paglalakbay sa SHS dahil sa dagliang pagbabago. Kung tutuusin, isang mahalagang yugto ang SHS upang hubugin pang maigi ang kasanayan ng mga mag-aaral at ihanda sila sa pagtahak ng kolehiyo. Sa gayon, paano na ang kalidad ng pampagkatuto at kapakanan ng mga Pilipinong mag-aaral?
Salamat sa pagbabahagi ng iyong personal na saloobin ukol sa nakabibiglang pagbabagong ito. Talaga nga namang hindi katakataka ang pangamba ng mga mag-aaral para sa kalidad ng edukasyon na kanilang matatanggap sa panahong mabawasan na ang mga core subjects na kanilang tatalakayin. Sa pangalan pa lang nito, alam agad na ito ang pundasyon ng kaalaman ng mga magaaral kaya hindi makakaila ang pagkatakot ng mga mag-aaral.
Dagdag pa rito, hinirit ni Sen. Sherwin Gatchalian na hindi aabot sa kalahati ng 1000 estudyante ang kuntento sa implementasyon ng Senior High School. Hindi natin mapagkakailang pumalpak ang DepEd sa pangako nilang humubog ng mga “job-ready students.”
Ang pagbawas sa mga asignatura ay tanging makapagpapababa sa kahandaan ng mga kabataan para sa kolehiyo o sa larangang propesyonal, lalo na at ang mga asignaturang ito tulad na lamang ng Media Information Literacy (MIL) at English for Academic and Professional Purposes (EAPP) ay nakatutulong lalo na sa panahon ngayong karamihan sa mga kabataan ay nakatutok sa teknolohiya tulad na lamang ng social media.
Maling implementasyon, pamamaraan, at pamamalakad ang ilan sa mga pinakamalaking sanhi kung bakit hindi epektibo ang kurikulum na ginagamit ngayon. Hindi lamang listahan ng mga asignatura ang isang kurikulum, dahil kabilang din dito kung paano matagumpay na isasagawa ng mga paaralan ito. Kaya naman, talagang maayos muna dapat ito bago tuluyang ipakilala sa mga Pilipinong mag-aaral. Hindi ngayon na sinusulong nilang baguhin ito matapos ang ilang taong pagpapatupad nito. Kaya sa halip na baguhin, naninindigan kami na dapat itong mas linangin at paunlarin.
Maiisip mong maganda ang layunin nila na bawasan ang bigat ng mga asignatura, dahil gusto nilang magpokus sa mga praktikal na aspeto ng kurikulum
at paunlarin ang mga kakayahang kanilang magagamit sa trabaho. Ngunit kailangan nating tandaan na ang mga asignaturang ito ang mga natatangi at pangunahing preparasyong mayroon ang mga mag-aaral para sa propesyong nais nilang tahakin.
Hindi solusyon ang pagbawas sa kalidad ng edukasyon— ito ay isang hakbang paatras sa pag-abot ng pinapangarap na mas maunlad at edukadong bansa.
Ang edukasyon ay para sa kabataan, ngunit tila ang kanilang interes at kinabukasan ang unang nasasakripisyo sa ganitong mga polisiya.
Sa halip na bawasan ang core subjects, bakit hindi nalang natin pagtuunan ng pansin ang pagpapabuti sa kasalukuyang sistema? Sa pangunguna ng DepEd, katuwang ang mga guro, mag-aaral, at magulang ay dapat silang magtulungan upang palawigin pa ang mga mahahalagang core subjects sa edukasyon. Nangangailangan ito ng pagkakaisa upang higit pang mapaunlad ang mga asignaturang may malaking papel sa pagpapanday ng kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng ating sama-samang pagsisikap, masisigurong mananatili ang kalidad at kapaki-pakinabang na kurikulum para sa mga kabataan.
Ayon sa kagawaran, mahuhubog nito ang kakayahan ng mga magaaral sa oras ng trabaho. Sa ngayon, mainam na maghintay ang mga magaaral at mga guro sa mga susunod na hakbang ukol sa isyung ito. Anuman ang tatahakin nila, panatilihin pa rin bilang pangunahing prayoridad ang kanilang kapakanan, gayun na rin ang kalidad ng edukasyon na kanilang matatanggap.
Sang-ayon ba ang mga mag-aaral sa pagbabago ng Senior High School Curriculum sa taong panuruang 2025 - 2026?
Hindi maikakailang nakababahala ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga menor de edad na nabubuntis sa panahon ngayon. Ang iba pa, mistulang ipinagmamalaki pa ito at hindi alam ang tunay na bigat na kanilang kahaharapin. Kaya naman, pinapatupad ang komprehensibong edukasyong pansekswal upang bigyan ng proteksyon ang mga kabataan sa ating bansa. Ngunit sa iisang layuning pangalagaan ang mga kabataan, bakit ito hahadlangan sa halip na suportahan?
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang mga live birth mula sa mga batang nasa edad na 10 hanggang 14 ay tumaas mula sa bilang na 2,411 hanggang sa 3,343 sa pagitan ng 2019 at 2023. Ito ay isang pagtaas na pinabababa lamang ang pangarap at kinabukasan ng mga kabataan.
Isa sa mga pagbabagong idinagdag sa Senate Bill No. 1979 o Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2023 ay ang “sexuality education” bilang bahagi ng comprehensive sexual education o CSE. Nais itong ipatupad sa layuning magbigay ng karagdagang kaalaman sa mga kabataan upang malutas ang teenage pregnancy sa ating bansa. Ngunit, maraming mambabatas ang taliwas sa pagbabagong ito, kabilang na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mismo’y nagulat sa mga “woke” na elemento nito.
Binibigyang-diin ng panukalang batas ang papel na ginagampanan ng mga pamilya sa comprehensive sexual education. Isa pa, hindi salungat sa relihiyon ang pagtuturo nila dahil sinusuportahan nito ang mga prinsipyong moral tulad ng pagpapahalaga sa sarili at ang responsableng pamumuhay. Ang pagtuturo sa mga kabataan ng komprehensibong impormasyon patungkol sa kanilang mga katawan at sekswalidad ay nararapat lamang sapagkat ito ang nagsisilbing daan sa mga kabataan tungo sa kamalayan. Bagamat hindi lamang kawalan ng sex education ang dahilan ng teenage pregnancy, kabilang pa rin ito sa mga dahilan kung bakit ito laganap.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 1979, matatalakay ang mga paksang gaya ng wastong pahintulot, contraceptives, sexually transmitted infections, at ibang mga dapat matutunan ng bawat kabataan para sa kanilang kaligtasan. Dito, tiyak na makukuha ng mga estudyante ang mga kaalaman na kinakailangan kumpara sa mga hindi beripikadong pinanggagalingan, tulad ng mga porn sites. Dahil puno ng kuryusidad, mahalaga na magabay sila sa tamang landas.
Ang pagtuturo ng sex education sa mga paaralan ay hindi nangangahulugang minumulat ang kabataan na maging malaya sa gawaing sekswal. Bagkus, sila ay hinuhubog na maging responsableng para sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang maagang kaalaman tungkol sa kanilang katawan at ang mga kaakibat na mga responsibilidad nito ay makatutulong upang hindi nila ito matutunan pa sa maling paraan. Ang pagkait sa kanila ng sapat na kaalaman ay tila pagtalikod sa responsibilidad at tungkulin na pangalagaan ang kanilang kapakanan at kinabukasan. Ang wastong sekswal na edukasyon ay isang karapatan ng bawat mamamayan at responsibilidad natin tiyaking maibibigay ito sa lahat ng kabataan.
Parangal, insentibo, karangalan.
Ganiyan kung maituturing ang Seal of Good Local Governance (SGLG) para sa mga makatatanggap nito. Pero, ano nga ba ito? Nabuo at nakaangkla mula sa Republic Act No. 11292, isa itong batas na nagtatatag sa SGLG bilang isang programa para sa mga local government units (LGUs), kabilang na ang paglalaan ng akmang pondo para rito. Sa pamamagitan ng nasabing batas, mayroong kaukulang pagkilalang natatanggap ang mga lokal na pamahalaan sa kanilang mabuti at magandang paglilingkod katulad ng pananagutan sa paggamit ng pondo ng publiko, kahandaan sa kalamidad, pagiging sensitibo sa pangangailangan ng mga vulnerable at marginalized na sektor ng lipunan, at pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan bilang ilan. Kaya namang ang pagkamit ng Las Piñas City ng SGLG ay hindi lamang isang karangalan, ngunit isang simbolo
Dagat-dagatang
Balitang-balita na huhulihin daw ‘yung mga mangingisda sa West Philippine Sea. Kaya po natakot kami, kahit mahirap, talagang tiniis namin para lang hindi mahuli, hindi muna pumalaot.”
Hindi maipagkakailang hitik sa yamang likas ang napakalawak na katubigang binansagang West Philippine Sea. Noon pa man, napakaraming mangingisda na ang nakikinabang sa mga biyayang nagmumula sa mga tubig nito. Patuloy na iginigiit ng Tsina na sa kanila ang WPS dahil sa umanong ‘matagal na kasaysayan’ ukol sa pamamalakaya sa katubigan. Gayunpaman, hindi iyon sapat na batayan upang kamkamin ang buong karagatan na, ayon sa batas, ay kabahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang isang bansa ay may ekslusibong karapatan sa rehiyong 200 nautical miles lagpas ng coastal baseline nito; ang isang EEZ ay bahagi ng karagatan kung saan ang isang bansa ay may natatanging karapatan upang pamahalaan ang mga likas-yamang nakapaloob dito. Pasok sa limitasyon ng UNCLOS ang lokasyon ng WPS kaya’t tama lamang na pangisdaan ito ng mga Pilipino nang walang kahati dahil ito ay para sa mga Pilipino lamang. Gayunpaman, sa halip na malayang makapangisda, panggigipit ang natanggap ng mga Pilipino. Halimbawa ang mahirap na desisyong ginawa ng kapitan ng isang fishing boat sa Pilipinas na si Arnel Lepalem,
bagaman may karapatan na mamalaot sa katubigang bahagi ng EEZ ng Pilipinas ay umuwi na lamang nang walang nahuling lamang-dagat.
Sa kasalukuyan, ang mga mangingisdang Pilipino ay mayroong karapatan sa papel ngunit nakatali ang kamay sa totoong buhay.
Kung tutuusin, sino nga ba ang aambang magpatuloy na mamalaot kung makaharap ng bakurang Chinese Coast Guard (CCG) at naglalakihang mga barko ng Tsina? Ani Lepalem, ang kanilang mga bangka ay hinarang, inilawan ng malalaking barko, tinabihan ng dalawang speedboat ng CCG at pinagbawalang pumasok sa Sabina Shoal, binangga, tinaboy, at binusinahan nang malakas. Ang malala pa, hindi lamang si Lepalem ang nakararanas nito, bagkus laksa-laksa ring mangingisdang Pilipino.
Kung batayang historikal ang paglalabanan, siyempre hindi kulang ang Pilipinas sa patunay na atin ang WPS. Isa sa mga pinakamalakas na ebidensya ng kampong Pinoy laban sa pang-aangkin ng mga Tsino ay ang 1734 MurilloVelarde map, ang pinakamatandang mapa ng Pilipinas. Kung susuriin ito, makikitang kabilang na sa mga isla ng Pilipinas ang Kalayaan Island Group
(Spratlys) maging ang Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) magmula pa lamang noong ika-18 siglo.
Samantala, ang 9-dash line na laging sambit ng kampong Tsino ang pinakamalakas nilang patunay na ipinalabas lamang noong 1947, kung saan hinatulang walang saysay ng Permanent Court of Arbitration sa pandaigdigang hukuman ang hindi makatarungang pagkamkam ng Tsina dahil walang matatag na batayan ang pag-aangkin sa WPS. Siyempre, hindi kinilala ng Tsina ang hatol ng pandaigdigang hukuman, anila’y hindi balido ang kapasiyahan dahil tumanggi ang kanilang kampo magpadala ng kinatawan. Nakatatawa dahil sa totoong buhay ay hindi titigil ang paglilitis ng hukuman, may abogado man o wala. Sa madaling salita—hindi nabibinbin ang hustisya.
Mananatili na lang ba tayong walang kibo? Harap-harapan na tayong inaabuso sa sarili nating teritoryo kaya’t panahon na upang hasain ang mapurol na ngipin ng batas.
Panawagan sa mga opisyal ng ating pamahalaan––palakasin ninyo ang ugnayan sa ating mga kaalyadong bansa at isaalang-alang ang mga mamamayan. Ito ay isang isyung pandaigdigan, kaya’t hindi malayong pandaigdigan din ang paraan upang solusyunan ito. Humahanga ako sa tapang ng ating mga kawani na iniakyat sa entabladong pandaigdig ang abuso ng Tsina noong 2016, at sana naman, tularan ito ng ating kasalukuyang pamahalaan, nang sa gayon, sama-sama tayong makaahon mula sa dagat-dagatang dayaan.
Tuwing iniisip ko, talagang ang kalinawan o transparency ang pinakamahalagang dahilan kung bakit nakamit ito ng Las Piñas. Ang pagiging bukas ng pamahalaan sa paggamit ng kanilang pondo para sa kapakanan ng pinaglilingkuran ang nagbibigay ng tiwala sa kanilang mga residente. Ang mga proyekto tulad ng Green Card, Clean and Green, “Educare” program ay ilan lamang sa mga kongkretong patunay ng kanilang malinaw at maayos na pamamahala at layunin.
Tunay at hindi matatawaran ang pagsisikap ng lungsod para sa mga Las Piñerong mag-aaral. Ang libreng pagpapaaral at mga gamit pangeskwela na kanilang binabahagi ay nagbibigay ng oportunidad sa kabataan na makapagtapos at ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap sa buhay. Ang Las Piñas ay isang magandang halimbawa ng pamahalaang lokal na na may tunay na malasakit sa kinabukasan ng kabataan na nagbibigay ng inspirasyon sa mga ibang pamahalaan
na tumulad sa mabuting kawanggawa na tiyak na may mabuting resulta.
Para sa isang bansang hindi maikakailang may hinaharap na krisis sa sektor ng kalusugan, ikinagaan ng puso kong hindi napag-iwanan ang suliranin na ito sa tinutugunan ng lokal na pamahalaan. Ang pagkakaroon ng libreng check-ups at gamot, gayun na rin ang pagkakaroon ng mga maayos na health centers ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pangangalaga ng kalusugan ng bawat pamilya. Malaking kaginhawaan ng loob ang nagiging resulta nito, isang pakiramdamang hindi matatawaran o matutumbasan.
Talaga rin namang naging kahangahanga ang kanilang pangangalaga sa kalikasan. Bilang halimbawa, ang patuloy na proyekto ng urban greening at solid waste management ay sumasalamin sa prayoridad ng lungsod na panindigan ang pagiging ‘Clean and Green’ ng Las Piñas. Ang ganitong hakbang ay hindi lamang nagpapaganda ng lungsod kundi
tumutulong din sa paglaban sa mga epekto ng climate change. Kinilala na rin ang Las Piñas sa mga taunang Water Lily Festival at tiyak na nagkakaroon ng malaking ambag sa pagbabawas ng polusyon at mas napaiigting ang kapakinabangan ng Water Lily.
Bukod sa pagiging isang parangal, ang SGLG ay isa ring hamon para sa Las Piñas na ipagpatuloy ang legasiya ng mabuting pamamahala.
Dahil bawat Las Piñero ang apektado sa kanilang mga programa, mahalaga na kanilang tiyakin na lahat ng ito ay kapaki-pakinabang at ang kanilang serbisyo ay may mabuting epekto. At dahil paparating na naman ang halalan ngayong taon, nawa’y hindi ito maging hadlang upang matigil ang nabuong legasiyang ang mga mamamayan
ang saksing buhay sa mabuting dulot. Sa kung sinong mananalo, sana’y mapagtibay, mapalago niyo ang nakasanayan na ng lungsod.
Kung tutuusin, ang Seal of Good Local Governance ay isang patunay na posible ang progreso kung may tapat, maayos, at responsableng pamamahala. Hindi lamang inspirasyon ang tagumpay na ito ng lungsod, kundi pati na rin sa mga kasalukuyan at susunod na tagapamahala nito—upang kanilang panatilihin at tapatan ang mabuting pamamahalang natamasa na ng mga Las Piñero. Nawa’y ang dedikasyon ng lungsod sa larangan ng pampublikong serbisyo ay patuloy na magbibigay ng liwanag sa daan tungo sa mas maunlad na kinabukasan.
ni JOHN HULIPAS
Alam naman nating walang shortcut patungong tagumpay. Ngunit, hindi ibig sabihin nito ay imposible na ang pagabot ng iyong mga pangarap. Ika nga, walang imposible sa taong naniniwala. Hindi lamang talino ang sukatan sa pagiging matagumpay sa buhay, bagkus ang paniniwala mo sa sarili mong kakayahan. Ipinakita ito ni Cyree Elisha Pamplona o ‘Cy’, isang 16-taong gulang na iskolar sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas na kamakailan lamang ay nakapasa sa U.S. Embassy College Prep Program.
Disyembre, bago mag-wakas ang taong 2024 nalaman ni Cy ang balitang isa siya sa mga napili mula sa mahigit 300 mag-aaral na minimithing makapasok sa prestihiyosong programa. 15 lamang sa kanila ang napili dahil hindi madali ang makakuha ng puwesto rito lalo’t na iba ang pamantayan ng edukasyon sa Amerika.
Kung inaakala mong katulad ni Young Sheldon si Cy dahil sa tagumpay na ito, nagkakamali ka.
“Normal student lang naman, mahilig mag-cram.”
Ganito inilarawan ni Cy ang sarili bilang estudyante na ngayo’y nasa ika-11 na baitang. Tulad lamang siya ng karaniwang estudyante na may mga kaibigan, mahilig gumala, at arawaraw na gumagamit ng social media.
“I spend most of my time socializing pa rin and working on myself,” giit niya. Naniniwala siyang dapat din nating gawin ang ating mga hilig dahil pinapasaya tayo nito at hindi naman mawawala ang pag-aaral basta’t mayroong disiplina.
Subalit, bago pa man mag-aral ang iskolar sa LPSci, ibang-iba siya noong elementarya.
“Ako ‘yung perfect student on paper.” Mula noon, mahusay na si Cy sa pag-aaral. Inamin niyang halos lahat ng kaniyang marka ay mas mataas pa sa 95. Tuloy-tuloy siyang naging with highest honors hanggang sa nagtapos siya bilang valedictorian noong elementarya. Subalit, hindi niya naipamalas ang kaniyang talento sa midya at literatura dahil mas nagpokus siya sa agham at matematika. Hindi roon natatapos ang buhayestudyante dahil isang ruta muli ang kaniyang tatahakin—ang buhayhayskul. Sa katunayan, noon pa lang ay umalab na sa kaniyang puso ang LPSci dahil saksi siya sa kung paano umunlad ang kaniyang pinsan na alumni ng paaralan at ngayo’y beterinaryan na.
“Dahil sa LPSci, natuto akong i-pursue ‘yung interest and hobby ko.”
Bagamat pandemya nang magsimula siya sa sekondarya, hindi ito naging hadlang upang mas makilala niya ang kaniyang papel bilang estudyante. Ipinakita niya agad ang pagiging student leader nang siya ay mahalal na class president mula ika-7 hanggang ika-9 na baitang. Nanilbihan din siya bilang batch representative sa Supreme Student Government (SSG) ng paaralan.
Hindi man madali ang kaliwa’t kanang responsibilidad, hindi niya gaano naramdaman ang pagod dahil mahal niya ang kaniyang ginagawa. Nananalaytay pa rin sa kaniya ang alab ng isang lider kaya naman siya ay mapagkatitiwalaan ng mga guro at kapwa mag-aaral.
“One thing about me is, I’m a dreamer.”
Upang umunlad, hindi siya nagkaila na sumali sa iba’t ibang patimpalak at organisasyon. Siya ay isang student researcher, batang dyorno, direktor ng Teatro Lapisyano, at iba pang mga organisasyon. Karamihan sa mga ito ay hango sa pagmamahal niya sa pagbabasa at pagsusulat. Dito niya rin nahasa ang pagiging malikhain sa mga tula at iba pang anyo ng literatura.
Isa siyang tao na hindi takot tanggapin ang mga oportunidad bagkus, hinaharap niya ito nang buong tapang. Pangarap niya kasi ang mag-migrate patungong United States, kaya naman nang madiskubre niya ang tungkol sa programa, sinubukan niya ito sa kabila ng pangambang hindi mapili.
Isa siyang risk taker dahil naniniwala siyang walang mawawala sa kaniya kung ito ay kaniyang sinubukan.
Hindi isang ‘nerd’ si Cyree gaya ng aakalain ng iba dahil sa kaniyang nakamit. Siya ay estudyanteng malakas ang tiwala sa sarili at walang takot na tumatanggap ng mga karanasan sa kabila ng hirap nito. Sa murang edad, matagumpay na siya dahil bukod sa kinang ng mga medalyang natatanggap, nagniningning ang kaniyang talento sa mga gawain na malapit sa puso niya.
“ In the real world, you won’t succeed without your passion.
ala nang mas hihigit pa sa ligayang nararamdaman tuwing magtatagumpay matapos ang hirap at puspusang paghahanda. Minsan nga, bigla-bigla na lamang lalapit sa iyo ang oportunidad nang hindi mo inaasahan.
Ganito ang karanasan ng tatlong guro mula sa Mataas na Paaralang
Pang-Agham ng Las Piñas (LPSci) na sina Bb. Ruth Bonagua, G. Rizaldy Medina, at Gng. Marjorie Nariz nang mabalitaan nilang pumasa sila sa National Qualifying Examination for School Heads (NQESH) noong Oktubre 2024. Maituturing na mahirap ang pagsusulit ng NQESH dahil sinusuri nito ang kakayahan ng mga guro na maging punongguro ng isang pampublikong paaralan. Kaya naman, hindi nila inasahan ang naging resulta.
Biyayang Wagas sa Tamang Oras
“God makes everything happen at the right time,” ani Bb. Bonagua. Marahil ang tadhana ay mapagbiro dahil oras pa ng pagtatrabaho nang nalaman niya ang resulta, dagdag pa na sa loob pa ito ng LPSci. Gulat man, nangibabaw pa rin ang tuwa dahil matagal na rin niyang pinapangarap ang maging isang punongguro. Kung sakali mang mabigyan ng oportunidad na pamunuan ang isang paaralan, tatanggapin niya ito dahil naniniwala siyang may papel siyang kailangan gampanan kung kaya’t ibinigay sa kaniya ito ng Diyos.
sarili, nagawa niyang magbasa at makinig ng mga review ukol sa NQESH habang ginagampanan ang papel sa paaralan.
“I really want to help the school,” sagot ni Bb. Bonagua sa kung anong inspirasyon niya.
Sa Ngalan ng Puso’t Isipan Nakasalalay sa iyong sarili kung oras na ba para sa panibagong yugto. Bago ang taong 2024, gustuhin mang sumubok ni G. Medina sa NQESH, hindi nagkakasundo ang kaniyang utak at katawan. “Gusto ng isip ko gawin, pero ‘yung katawan ko, tinatamad,” paliwanag niya. Nag-iba naman ito noong 2024 at naramdaman na niyang iyon na ang tamang oras.
Nakatutuwa pang isipin na sa kalagitnaan pa ng raffle nabalitaan ni G. Medina ang resulta. Sa halip na manalo sa pa-raffle, higit pa ang binigay sa kaniya dahil isang email ang nagpapatunay na siya ay kabilang sa mga nakapasa ng NQESH. Hindi niya ito inaasahan dahil sinubukan niya lamang ang pagsusulit upang makita kung kakayanin niya ang hirap na sinasabi ng kapwa guro.
Hindi lamang buwan, kundi isang taon ang paghahanda ni Bb. Bonagua. Bilang admin at Head Teacher I ng LPSci, mabigat ang kaniyang responsibilidad. Noong panahon ng kaniyang pag-aaral para sa NQESH, sumabay ang mga kaganapan sa LPSci tulad ng movingup at graduation ceremony na kailangan niyang tutukan, asikasuhin, at pamunuan. Subalit, inamin niyang nakatutulong din ang pagiging admin dahil mayroon siyang kaalaman sa iba’t ibang memorandum ng Department of Education (DepEd). Sa pamamagitan ng time management at pag-aalaga sa
Sa kabila ng mga tungkulin bilang Master Teacher I, nagawa niya pa ring paghandaan ang NQESH. Ibinahagi niya na kapag may oras tulad ng break time, nakikinig siya sa mga lecture series ng pagsusulit. Tuwing Sabado at Linggo naman, nagbabasa siya ng iba’t ibang mga aralin. Sunod, sinasagutan niya ang mga tanong sa mock test ng libro at inamin na bagsak siya rito. “Sabi ko, ay wala nang chance para pumasa,” aniya habang inaalala ang marka nito.
“Ang importante, nandoon ‘yung acceptance to the challenge,” diin niya. Walang masama kung susubukan mo ang mga bagay lalo na kung ikaw ay determinado. Para kay G. Medina,
isa itong paraan nang sa gayon ay malalaman mo kung ano ang mga magiging hakbang mo at kung anong paniniwala ang dapat pairalin sa sarili. Sakali mang may oportunidad na maging punongguro, tatanggapin niya ito.
Alab ng Tuwa’t Kakayahan Sa katunayan, sa iisang kasal nalaman nina G. Medina at G. Nariz ang resulta. Subalit, ibang-iba ang kanilang reaksiyon at kuwento sa likod ng tagumpay.
“‘Yong isang bagay kasi na masaya ako e kapag may kaharap akong estudyante.”
Iyan ang pahayag ni Gng. Nariz, Master Teacher II, ukol sa kaniyang naging karanasan sa pagkuha at pagpasa sa nasabing pagsusulit. Ayon sa guro, hindi naman talaga siya kukuha ng NQESH, ngunit dahil sa panghihikayat sa kaniya, sinubukan niyang magpasa ng mga requirements—kahit isang araw na lang bago ang itinakdang deadline.
Dagdag pa niya, hindi siya gaanong nakapag-aral dahil sa kaniyang mga trabaho sa loob ng paaralan. Kaya naman ang naging alas niya lamang ay ang pagbabasa ng mga DepEd Orders at ang kaniyang mga karanasan sa pagtuturo. Para nga sa kaniya, iyon ang isang bagay na nagbibigay sa kaniya ng kasiyahan. “Feeling ko, mas napapakita ko ‘yung skills ko kapag nakakapagturo ako. Mas nakakapag-inspire,” saad ni Gng. Nariz.
Hindi lamang isa, kundi tatlong tagumpay ang nakamit ng LPSci dahil sa mga mahuhusay na guro nito. Iba-iba man ang naging paghahanda at plano, pare-pareho lamang silang nagulat sa biyayang ito. Tulad lamang sila ng kanilang mga estudyante na sa gitna ng pag-aaral, nabubuo ang kanilang mga pangarap at determinasyon tungo roon.
nina KATE SOBERANO at FAYE SINIGUIAN
Bawat anik-anik o “kung ano-ano” ay may mga nakatagong alaala. Mga memoryang piniling ikubli at iimbak sa isang sulok ng kuwarto habang ang iba nama’y nakabukadkad sa pang araw-araw na sisidlan at malayang umaalog kasabay ng bawat paghakbang.
Nakakabit na sa mga anik-anik ang alaala ng nakaraan. Ngunit, sa pagdami ng mga nakatambak na resibo’t mga papel ay ang pagdagdag naman ng mga panibagong ideya sa kung ano nga ba ang tunay na depinisyon ng mga “kung ano-ano”. Kaya ang malaking katanungan ngayon sa mga Pilipino ay — ano nga ba ang tunay na diwa ng isang anik-anik?
Kinalakihang mukha ng anik-anik
Bago pa mauso ang mga kinagigiliwang mga Labubus at Hironos, gawang kahoy na keychains at may ukit ng “I HEART BAGUIO” muna ang naging anik-anik ng karamihan; ito ang kadalasang inireregalo ng mga kamag-anak o kaibigan na nakasilay na sa ganda ng probinsya. Nariyan din ang mga makukulay na hairpins at mga pantali na madalas na itinatago sa metal na lagayan ng mga biscuit. Karaniwan kung iisipin, ngunit, sa katotohana’y kakaibang kaluguran ang naihahandog nito sa kaibuturan ng dibdib.
Memory unlocked. Iyan ang naihahatid ng pangongolekta ng mga resibo para kay Diane V. Barretto - isang anik-anik girlie at estudyante. Kahit saan man magpunta ay hindi niya nalilimutang itabi ang mga resibong inilalabas ng imprentador, dahil para sa kanya nanunumbalik ang mga pamilyar na sandali sa oras na muli niya itong tingnan. Ang mga papel na itinatapon lamang ng iba ay hindi basura para sa kanya, kundi isang bagay na kailangang pahalagahan at maaari niyang balik-balikan.
Noon, ang salitang anik-anik ay sumasalamin sa kalembang ng mga sentimental na keychains, papel, at mga pinaglumaang paper bags. Mumurahin at hindi
mabigat sa bulsa, dahil mas pinahahalagahan ang mga mumunting alaala na nakapaloob dito. Ngunit, ngayong unti-unti ng umuunlad ang mundo ay mukhang lumalago na rin ang presyo ng mga anik-anik at nadaragdagan na ang konsepto nito.
Pagsibol ng doble kara? Mga panibagong mukha na hindi lamang nagbibigay ng kiliti sa mga puso ng Pilipino kundi unti-unti ring bumubutas ng kanilang bulsa. Isa sa halimbawa nito ay ang mga Labubu na nagkakahalaga ng Php 500.00 - Php 1,000.00 at minsa’y humihigit pa depende sa laki at uri. Kung kaya nama’y may iilang mga Pilipino ang nag-aalangan na ituring ito bilang isang anikanik.
Para sa karamihan, hindi lamang simpleng aksesorya ang kanilang mga Hironos at Labubus, kundi isa rin itong bata na nangangailangan ng mga kasuotan at komportableng tirahan. Nang dumami na ang mga nahumaling dito ay nagsimula ng gamitin ng mayorya ang salitang “anik-anik girlie”, na naglalarawan sa mga taong nagmamay-ari ng sandamakmak na Labubus, Smiskis, at Sonny Angels.
Subalit, sa kabilaang paglabas at biglaang pagdami ng mga sumusuporta sa kinang ng mga ito ay hindi rin nagpatinag sa pagsapaw ng mga negatibong komento ang iilan. Kabilaang
nauusong koleksyon na ito sa mga anik-anik at nararapat lamang na itigil na ng mga kolektor ang pagtatak sa kanilang mga sarili bilang mga anik-anik girlies. Paniniwala pa ng iba na ang pagtangkilik ng karamihan sa mga overpriced collectibles na ito ay bunga lamang ng kapitalismo at napilitan ang iilan na bumili dahil sa ito ang nauuso.
Mukha ng tunay na anikanik
Ngunit, hati man ang opinyon ng mga Pilipino patungkol sa tunay na kahulugan ng anik-anik, ay hindi maiaalis ang katotohanan na ang mga mumurahin at sentimental na “kung ano-ano” at mamahaling mga Labubus, ay parehong nakapagbibigay ng walang katumbas na saya, at iyon ang mahalaga.
Ang mga keychains, resibo, at mga balat ng kendi noon, mga Labubus at Sonny Angels ngayon, ay parehong anik-anik; hindi dahil sa presyo ng mga ito, kundi dahil sa mga alaalang maaari nitong mabuo at maitago. Hindi uri, itsura, o halaga ang magdidikta kung ano nga ba ang dapat na ituring na anik-anik, dahil ang tunay na diwa ng mga ito ay kahit anong kagamitan — mahal man o mumurahin — na makapagbibigay ng kakaibang saya sa kaibuturan ng ating mga
anda ka bang humataw habang binabasa ang artikulong ito? sakaling ikaw na ang sumunod sa yapak ng mga kinikilalang bakit tampok sila sa masa? Tara, ating tawagin ang mahiwagang
Kaya, walang huwad. Dahil ang pagmamay-ari mo at pag-aari ko ay parehong anik-anikanik, dahil
Salamin salamin sa dingding, ang PPop ay
Lingid sa kaalaman ng iba, matagal na sa industriya ang PPOP. Matatandaang 2019 nang sumikat ang ‘Tala’ ni Sarah Geronimo kung saan hindi nagpatalo ang mga Pilipino sa pag-hataw. Subalit, ang iba sa atin ay walang ideya na makokonsidera ito billang PPop. Kailan nga ba talaga ito
Panahon ng “Golden Age” nang nagsimula ang PPop sa industriya. Ang mga awitin ay mayroong malikhaing liriko, masiglang kumpas, at mga elementong impluwensya ng Western Music. Ilan sa mga unang sumikat ay ang bandang Hotdog, sina Sharon Cuneta, Gary Veleciano, at marami pang iba. Gayon na panahon pa ito ng mga matatanda, tayo naman ay magtungo sa makabagong
Salamin salamin sa dingding, simulan natin sa mga BINIbini
Mistulang mga Diyosa kaya sila ay tinitingala, ‘blooms’ kung tawagin nila ang kanilang taga-suporta. 2021 nang nag-simula ang “The Nation’s P-Pop Girl Group” na BINI na may walong miyembro. Hango ang kanilang pangalan sa salitang ‘binibini’ dahil simbolo sila ng mga kababaihan sa Pilipinas. Bukod kasi sa angking kagandahan, sila ay nagsumikap para sa pangarap noong sila ay nagsasanay pa lamang sa Star Hunt Academy kung saan hindi biro ang mga hakbang upang palaguin ang kanilang talento sa pagsayaw at pag-awit. Ang ‘Pantropiko’ ang pinaka sikat at kauna-unahang kanta nila na umani ng 100 milyong streams sa Spotify. Nasungkit nila ang kanilang kauna-unahang International Award mula sa 2023 BreakTudo Awards sa Brazil.
Ikaw? Ni minsan ba ay sinabihan ka na ng mga kaibigan mo na may kamukha kang kakilala nila? O kaya naman ay mas nakatutuwa kung ang ibabato nilang papuri sa iyo ay “may kamukha kang artista!” Na tila ba kumikislap na ang kanilang mga mata habang ikinukumpara ang iyong mukha kay Anne Curtis o kaya naman kay Piolo Pascual.
Kung oo, maaaring ikaw ay kwalipikado para sumali sa paligsahang ito. Dahil malay mo, marahil ito na ang maging daan upang ikaw ay makilala rin sa buong mundo katulad ng mga artistang iniidolo mo.
Kamakailan lamang, naging tampok na sa masa ang mga look-alike contests na ginaganap sa iba’t ibang bansa. Isa sa mga artistang naitampok dito ay si Timothée Chalamet na isang FrenchAmerican actor at isa ring film producer. Ginanap ang nasabing contest sa Washington Square Park noong Oktubre 27, 2024.
Marahil ay hindi na mabilang ang mga manonood dahil sa dami ng mga sigawan, hiyawan, at palakpakan na umaalingawngaw sa paligid ng entablado. Bagamat sinubukan ng mga awtoridad na ayusin ang kumpol-kumpol na mga tao, mas lumakas lamang ang madla nang surpresang bumisita ang aktwal na si Timothée Chalamet.
Mas lalong naging usap-usapan sa iba’t ibang social media platforms ang naturang look-alike contest dahil sa surpresang pagpunta ni Timothée. Ito rin ang naging sanhi ng mas lalong pag-usbong ng mga paligsahan na ito sa New York. Itinampok naman ang iba pang mga artisa, katulad nina: Jeon Jungkook, Harry Styles, at Zayn Malik. Mas lumaganap ang mga nakatutuwang tweets at posts tungkol sa sunod-sunod na mga kompetisyon sa New York. Mas nakahahalina pang sumali
ito? Samahan mo na rin ito ng pag-awit sa harap ng salamin at baka kinikilalang Pinoy Pop (PPOP) artists.W Una sa lahat, sino nga ba sila at mahiwagang salamin para tayo ay kaniyang tulungan
Salamin salamin sa dingding, A’TINg ipagpatuloy sa SB19
Hango ang pangalan na SB19 na binubuo ng limang miyembro sa initials ng dati nilang kumpanya sa Korea. Hatid nila ang mga kantang makabagbag damdamin na pupukaw sa emosyon ng mga Pilipino. Isa rito ang ‘Mapa’ na nakamit ang 14th Star Awards for Music Song of the Year sa Philippine Movie Press Club’s (PMPC) Star Awards for Music noong 2024. Sinasalamin ng awiting ito ang kaugalian ng mga Pilipino na mapagmahal at mapagpasalamat sa sakripisyo ng mga magulang.
“Hindi lang kami ang nagpeperform, kundi ang A’TIN din, dahil palagi silang kasama sa bawat hakbang,” giit ni Stell sa isang panayam. A’TIN ang tawag ng SB19 sa kanilang mga taga-suporta na kanilang lakas sa pagbuo ng makabuluhang mga awitin.
mga Pilipino. Bahagi na rin ito ng kultura ng bansa at isang daloy upang bigyan ng makabuluhang mensahe ang bayan. Sa bawat liriko ng kanilang kanta, htulong ng salamin, masisilayan mo pa ang repleksyon ng kahulugan at kasaysayan ng PPop.
mayroong pito o higit pang kamukha ang isang tao. Napakahiwaga kung ito na sa walong bilyong tao sa ating planeta, posibleng ikaw ay mayroong
makatatanggap sila ng $50 at magkakaroon na rin ng karapatan para ipagmalaki na sila ang kamukha ng mga artistang kanilang itinampok.
Kung iyong inaakala na sa ibang bansa lamang ito nagaganap, pwes nagkakamali ka! Kinagigiliwan din ito ng mga Pilipino, dahil nito lamang Setyembre 2024 pagkatapos ng walong taon, nagbalik ang segment na “Kalokalike” sa “It’s Showtime” na naging tampok sa masa, lalo na sa mga Pilipino.
Iba’t ibang kalahok ang naglakas-loob na nagpasikat at ipinakita na sila ay tila anino ng kanilang mga iniidolong artista, ngunit mas pinatunayan nila ito sa pamamagitan ng kanilang pagpapamalas ng mga talento na siya ring talento ng kanilang mga ginagayang artista.
Nagaganap sa iba’t ibang panig ng mundo ang mga look-alike contests na ito hindi lamang dahil tungkol ito sa kung sinong hinahangaang artista ang kamukha mo, kundi isa itong paraan upang magpakitang-gilas ng
natatanging talento. Bagamat ginagaya ng mga kalahok ang panlabas na kaanyuan ng idolo, sariling kakayahan pa rin ang kanilang ipinapamalas. May mga pagkakataon kasing inuulan sila ng mga hate comments dahil sa hindi umano’y panggagaya nila. Subalit, sa likod ng maskarang kanilang sinusuot para sa entablado ay ang taong nagpapakitanggilas para abutin ang mga pangarap at makalikom ng pera. Sino bang hindi maaaliw kung mayroon pang isang version ang iniidolo mo? Sa tulong nila, maaari mo na ring mahanap ang sarili mong talento.
Bukod dito, isa rin itong daan upang sama-samang magsaya ang mga tao at bumuo ng mga masasayang alaala.
Kaya’t kung hindi ka man kamukha ni Anne Curtis, Piolo Pascual o ng kahit sino mang artista ay huwag kang malungkot!
Sapagkat ibig sabihin lamang nito ay natatangi ang iyong kagandahan, dahil kung titignan man ang buong kalawakan, ikaw ang bituing mahirap malimutan.
Bago matapos ang 2024, natanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Unang Philippine Polymer Banknote Series mula kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli M. Remolona, Jr. sa isang seremonya sa Malacañang noong Disyembre 19. Ito ay binubuo ng P1000 polymer banknote na ipinakilala noong Abril 2022, pati na rin ang mga bagong polymer denominations: P500, P100,
Katulad ng P1000 polymer banknote na itinatampok ang Philippine Eagle, ang ibang mga banknote ay may larawan din ng mga endangered species sa Pilipinas. Sa P500 note, makikita ang Visayan spotted deer na sumisimbolo sa kalinawan at talas. Ang P100 note naman ay may imahe ng Palawan peacock-pheasant na kumakatawan sa biyaya ng mga Pilipino sa kabila ng mga hamon ng buhay. Samantala, sa P50 note makikita ang Visayan leopard cat, isang simbolo ng kalayaan at liksi.
sa integridad ng salapi, ugnayan sa lipunan, at ang kahalagahan ng kultura at kagandahan ng Pilipinas.
Isang mahalagang bahagi rin ng serye ang pagbibigaydiin sa kalikasan ng bansa sa pamamagitan ng pagpapaalala sa mga Pilipino sa kanilang tungkulin bilang mga responsableng tagapangalaga ng kalikasan, partikular na sa gitna ng patuloy na banta ng climate change at iba pang suliranin sa kapaligiran. “The polymer series raises awareness of the country’s threatened species, serves as a symbol of Filipino identity, and fosters national pride,” ani BSP Governor Remula
Kaugnay nito, ipinagmamalaki rin ng serye ang mga disenyo ng habi mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa na nagpapamalas ng mga kapana-panabik at makukulay na mga tradisyon na pamana pa ng mga ninuno.
Tinta ng pagbabago
“Polymer banknotes are designed to keep up with the demands of everyday life. Unlike paper bills, which wear out after about a year or a year and a half, polymer banknotes can last up to seven and a half years—five times longer. And that means we no longer need to replace them as often, saving money, cutting down on waste, and making
dahil ang mga polymer banknote ay may mas mahabang buhay kaysa sa ibang materyales na ginagamit sa paggawa ng salapi. Mahalagang gamitin at itago nang maayos ang ating salapi upang mapanatili ang tibay, halaga, at ganda nito. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), dapat hawakan ang mga banknote nang may paggalang—iwasang tupiin, gusutin, sulatan, o punitin ang mga ito. Para naman mapanatili ang aktibong daloy ng pera sa ekonomiya, mainam na ipapalit sa bangko ang mga lumang perang papel at baryang hindi na ginagamit. Siguraduhin ding malinis ang pera at malayo sa tubig at mga kemikal na maaaring makasira sa kalidad nito.
Higit sa lahat, kaakibat ng salapi ay ang tungkulin ng bawat Pilipino na maging responsable sa paggamit nito. Hindi biro ang mahabang proseso at masusing pag-aaral na isinagawa upang makabuo ng perang nagiging simbolo ng ating pagkakakilanlan bilang isang bansa. Tandaan, ang bawat detalye mula sa mga likas na yaman hanggang sa mga hugis at mga palamuting nakaimprenta rito ay repleksyon ng bayan sa nakaraan at representasyon ng kasalukuyan. Kaya, para sa mga Pilipino, bigyang pagpapahalaga ang bawat halaga.
Sa mga oras na ako ay namamalagi sa tahanang ito, minsan na akong napagod. Iba’t ibang mga gawain kasi ang kailangan kong tapusin bago ako makapagpahinga. Subalit, hindi ko maikakaila na mismong tahanang ito ang nagsilbi kong pahinga. Hindi ko kasi ramdam na ako ay mag-isa dahil marami akong mga kasama sa pag-buo ng masasayang alaala.
Kaya naman, samahan niyo akong libutin ang Las Piñas City National Science High School (LPSci) ang nagsilbing tahanan ng mga iskolar ng Las Piñas sa loob ng 15 taon. Ano-ano nga ba ang mga natatanging bahagi nito at iba’t ibang henerasyon ang ipinagmamalaki ito?
Bago ang lahat, hayaan niyo akong ipakilala ang ating magulang sa tahanang ito.
Oh, halina’t pumasok na! Handa ka na bang bisitahin ang tahanan ng mga Lapisyano?
“Ma’m/Sir, ¼ po?” Sa walang katapusang tanong tulad nito, hindi nagkulang ang mga guro upang sagutin ito. Iniisip man ng iba na sila ang barikada sa kaligayahan dahil sa kanilang bulubunduking mga pinapagawa, ang totoo ay sila ang barikada upang hindi manaig ang kamangmangan at magwagi ang magandang kinabukasan ng kabataan.
Nagugutom ka ba? Mayroon akong alam na kainan!
Sa laki ng tahanang ito, dalawa ang makikita mong kusina. Bukod sa sala, ito ang go-to pahingahan ng lahat dahil sa handog nitong masasarap at malulusog na putahe. Kaya nga binibiro kong paborito kong subject ang recess dahil nabubusog ako, hindi nga lang sa kaalaman, kundi sa mga inumin at pagkain na kanilang hinahanda.
Maihahambing ang kwarto sa isang silid-aralan. Ito kasi ang silid kung saan malaya kang makapagninilay tungkol sa iyong kaunlaran. Bawat pader nito ay gawa sa edukasyon, na nagpapatibay sa misyon ng paaralan na maghatid ng kaalaman at mabuting asal sa kabataan. Higit sa lahat, maaari ka ritong magpahinga kasama ang iyong mga guro at kaklase na babaunan ka ng mga alaala.
Kung tutuusin, ang bahay at paaralan ay ‘di gaano nagkakaiba sa isa’t isa.
Nanahan sa kanila ang mga memorya na humulma kung sino sila at bubuo sa susunod na henerasyon ng mga Lapisyano. “
Patunay nito ang pagbalik ng mga alumni ng LPSci sa nakaraang pagdiriwang. Sila lamang ay parang mga kapamilyang bumabalik sa kanilang pinagmulang bahay, pinagmulang tahanan.
Maibahagi, Pag-asa, Mapagmana.”
Ganito kung ilarawan ng dalawang direktor ang kanilang likhang pelikula para sa Department Of Science and Technology-Science Education Institute (DOST-SEI) 8th Indie-Siyensya. Ang mga salitang ito ay tunog may paninindigan sa kanilang mga natuklasang aral, na maaaring makatulong sa komunidad. Kilala ang Pilipinas sa mga tanyag at pinakakilalang mga pelikula sa mundo. Samu’t saring palabas gaya ng komedya at aksyon na talaga namang kinagigiliwan ng mga manonood.
Ang Indie-Siyensya ay ang kaunaunahang sinematograpiyang pangagham na patimpalak na isinagawa ng DOST-SEI na may layuning bigyangpansin ang siyensya sa mga kabataan at ang pangkalahatan sa pamamagitan ng pelikula. Noong Marso, opisyal na inilabas ng DOST ang kanilang
panawagan sa mga gustong makilahok sa nasabing patimpalak.
Dalawang produksyon mula sa Mataas na Paaralan na Pang-Agham ng Las Piñas ang nagpakitang-gilas sa kompetisyon — ang Laan Productions na pinangunahan ni Lara Joy Gayeta at ang Tanaw Productions na pinangunahan ni Lance Kiane Saludo.
Ang dalawang productions ay may magkaibang konsepto sa kanilang ginawang pelikula, sa Laan Productions ang pelikula nila ay pinamagatang “Putak: Landas patungong Lunas”, nais ipabatid ang kahalagahan ng Codiaeum Iuzonicum Merr o “Putak” sa mga eksperto upang pag-aralan ang kanilang natuklasan na maaaring makagamot sa mga taong may mapaminsalang karamdaman partikular ang cancer.
Sa kabilang banda, ang Tanaw Productions na may pelikulang
pinamagatang “Dirty Coffee” ay isang pag-aaral tungkol sa dumi ng musang na maaaring maging kape, tinatawag itong “Civet Coffee” na karaniwang makikita sa Mt. Manabu sa Sto. Tomas, Batangas. Layunin nilang pag-aralan ang kapeng ito na posibleng maging alternatibo sa karaniwang kape na binebenta.
Hindi naging madali ang pinagdaanan ng dalawang productions para sa pelikula, ito ay dahil sa kakulangang pinansyal. Ito ang naging isang malaking suliranin na kailangang harapin ngunit dahil sa kanilang pagiging masigasig at may determinasyon ito ay nagdala sa kanila tungo sa matagumpay na proyekto. Naging suliranin din nila ang kakulangan sa oras ng pag-uulat ng kanilang pelikula. Kung dati umaabot ng 10 minuto ang isang pelikula, ngayon ay limang minuto na lamang, kaya’t kinakailangan ng mga direktor na isiksik ang mga impormasyon sa itinakdang oras.
Bagamat bigong makapasok ang dalawang pelikula sa Top 10 sa katatapos lamang na patimpalak, layon naman nila na makibahagi sa komunidad at maisakatuparan ang mga pag-aaral. Sa kanilang mga ginawang pag-aaral, ang naging hangarin nila ay ang maipakita ang husay at talino ng mga Lapisyano sa larangan ng siyensya at kultura.
Ito ay isang matagumpay na sining na likha ng mga kabataang may adhikain sa bayan.
Lahat ng possible sa pelikula, ito ang makikita sa mga pelikula na kahit hindi gaanong kilala ang kanilang mga natuklasan sa kalikasan at kahit mukhang imposible ang mga ito na
mapag-aralan, sa kanilang pagiging masikap, ito ay nahanap sa ating likas na yaman.
Ito ay hindi lamang para sa mga eksperto kundi para rin sa komunidad at sa mga taong higit na umaasa na magkaroon ng mga alternatibong solusyon sa kanilang mga problema. Hindi pa man naisasapubliko ang mga likhang proyekto ng mga ito, may kaakibat naman na boses para sa mga taong naghahangad ng pagbabago na magkaroon ng koneksyon ang siyensya at kultura, dahil ang ninanais ng mga productions ay hindi lamang upang magwagi ngunit upang makibahagi.
Sa huli, ito ay nagsilbing inspirasyon sa lahat na hindi lamang sa pamamagitan ng teknolohiya matatamasa ang mga suliraning kinakaharap ng bansa, bagkus magkaroon nawa ng pag-asa na ang lahat ng ito ay maaaring masolusyunan gamit ang ating Inang Kalikasan.
Sa unang pagkakataon,
Tinig para sa Kalikasan: Santillan Siblings, namayagpag sa ‘Voices of the Planet’ ni JAZMIN BALTAZAR
Isa sa pinakamalaking hamon ng ating mundo ang pagbabago ng klima, kung saan ito ay nagdudulot ng malawakang epekto sa kapaligiran, ekonomiya at kaligtasan ng tao.
Sa gitna ng hamong ito, lumitaw ang kahanga-hangang kwento nina Ellesha at Elijah Santillian, kapwa mag-aaral ng Las Piñas City National Science High School, na nagbigay boses sa napapanahong isyu sa kompetisyon na “Voices for the Planet” ng Green Aura.
Isang organisasyong nakabase sa Pakistan, ang Green Aura ay kilala sa pagbibigay-kaalaman at paghimok sa mga tao na kumilos para sa kalikasan. Sa pamamagitan ng kanilang proyekto, layunin nilang palawakin ang kamalayan tungkol sa mga isyu ng climate change at hikayatin ang mga tao sa solusyong makakalikasan.
Ang short film nina Ellesha at Elijah na nagngangalang “Solastalgia” ay isang makapangyarihang pahayag na nagpapakita ng kagyat na pangangailangan ng pagkilos laban
sa pagbabago ng klima. Taglay nito ang mensaheng: “When the climate changes, so should we.” Ang kanilang proyekto ay hindi lamang pagsasalaysay ng isyu, kundi paghihimok din ng konkretong solusyon. Ang visual storytelling sa kanilang bidyo ay malinaw at puno ng damdamin, tumutugon sa puso ng bawat manonood.
Higit pa sa karangalan ng pagkapanalo, nagsisilbi itong isang markang pagpapaalala na ang pagbabago ay di hamak na maaaring magsimula lamang sa isang tinig o isang ideya. Patunay ang mga estudyanteng ito na sa kabila ng pagiging simple, ang pagkakaisa at dedikasyon ay maaaring lumikha ng malaking epekto.
Inspirasyon kung ituring para sa atin na magkaisa at gumawa ng mga hakbang para sa ating planeta. Bilang bahagi ng komunidad, tungkulin nating makinig, matuto, at kumilos upang mapanatili ang balanse ng kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.
Ang iyong tinig ang simula, at ang iyong mga ideya ang pagbabago.
Sa patuloy na pakikibaka para sa karunungan, taglay ng bawat kabataan ang natatanging liwanag—liwanag na tila kandila sa gitna ng dilim.
Ngunit sa likod ng liwanag na ito, may mga anino ng pag-aalinlangan, takot, at hamon ng makabagong panahon. Sa bawat hakbang ng kabataan tungo sa kaalaman, hindi lamang mga aralin ang kanilang binibitbit, kundi pati ang bigat ng damdaming dulot ng mabilis na takbo ng buhay.
Sa gitna ng hamong ito, isang programa ang isinulong ng Las Piñas City National Science High School (LPSci) sa pangunguna ni Principal Eleanor V. Honrales. Sa pakikipagtulungan ng Child Evangelism Fellowship (CEF) at ng Department of Education (DepEd), inilunsad ang proyektong “Religious and Spiritual Interventions in Mental Health Care.” Layunin ng proyektong ito na
bigyang-pansin ang moral at espiritwal na aspeto ng mental health, isang mahalagang bahagi ng kabuuang pagunlad ng mga kabataan.
Sa ilalim ng temang “Mamuhay Nang Tama,” ginagabayan ng programa ang mga mag-aaral upang harapin ang hamon ng buhay nang may tapang at malinaw na pananaw. Kasabay nito, tinutulungan din sila sa pagpapanatili ng kanilang mental health at pagpapalakas ng kanilang espiritwalidad.
Hindi lihim na ang mga kabataan ngayon ay nahaharap sa iba’t ibang uri ng pagsubok: stress mula sa akademikong presyon, mga isyu sa pamilya, at impluwensya ng social media. Ang proyektong ito ay isang tugon sa pangangailangan ng holistic na diskarte sa edukasyon.
Ayon kay Editha T. Roona, isang guro at rehistradong psychometrician,
SAng edukasyon ay hindi lamang tungkol sa kaalaman, kundi sa paghahanda sa kabataan upang maging emosyonal at espiritwal na matatag.
Sa pamamagitan ng ganitong pananaw, mas nagiging malalim at makabuluhan ang edukasyon, lampas sa tradisyonal na aspeto ng silid-aralan.
Ang proyektong ito ay isang patunay ng dedikasyon ng LPSci sa holistic development ng kanilang mga magaaral. Sa tulong ng DepEd, LPSci, at CEF, nabuo ang isang programang nagbibigay-daan para sa mas malalim na pagpapahalaga sa mental health, moralidad, at espiritwalidad ng kabataan.
makikita natin ang mga mag-aaral na nakasalamin
Sa pagpasok ng mga makabagong teknolohiya, halata ang pagsibol ng problema sa mata.
Sa panahon ngayon, nakararanas ang kabataan ng pagtaas sa problemang pangmata — isang sagabal sa kanilang pang-araw-araw na pagkilos. Ang mga nararanasang karamdaman ng mga estudyante ay maaaring simpleng paglabo ng mata, hanggang sa mga malalang sakit kagaya ng Katarata, Glaucoma at iba pa. Ang mga sakit na ganito ay maaaring balewalain ng mga bata kaya narito ang ilan sa mga payo ng mga eksperto.
Marami tayong paraan upang maiwasan natin ang problema sa mata. Una, ang pagkontrol ng oras sa paggamit ng gadyet dahil batay sa mga eksperto dapat ang oras ng paggamit ng gadyet ay isa hanggang tatlong oras lamang. Ikalawa, magpatingin sa doktor sa mata kapag may nararamdamang kakaiba sa mata; at ikatlo, dapat ingatan ang mata at iwasan ang pagkusot nito. Sa mga paraang ito, natitigil ang paglala ng problema sa mata, na magiging daan sa mas magandang kinabukasan.
Pagsilay sa Kinabukasan
Sa tulong ng Star-Finder Optical, nasulong ang Project LENS. Ito ay
isang programang may layuning matulungan ang kalusugan ng mata. Nilalaman nitong proyekto ay ang libreng pagtingin sa doktor, at diskwento na 20% sa pagbili ng salamin. Dahil dito, ang mga Lapisyano ay makakatipid. Mayroong mga tao na hindi kayang magbayad sa doktor, kaya ito ay magandang oportunidad para mapatingin ang kanilang mata.
Sa paglipas ng panahon, hindi tayo makakatakas sa anumang sakit. Ang paglabo ng mata’y maaaring makaapekto sa pag-aaral ngunit ito ay naibsan sa tulong ng sponsorship ng eskwela. Sa pagtingin ng doktor, makikita ang lunas. Ang mata’y dapat alagaan at hindi dapat pabayaan.
Nakamarka pa rin ang takot sa mga Pilipino dala ng mapanganib na sakit na ito, taon man ang nakalipas na.
Saksi ang mga bata’t matatanda noong 2016, kung saan naglabas ang Kagawarang Pangkalusugan ng bakuna na tinawag na Dengvaxia, subalit ito ay hindi na natuloy dahil sa kakulangan ng supply at pinagbawal dahil napapataas pa lalo nito ang bilang ng mga nabibiktima ng sakit. Layunin nitong mapigilan ang kaso ng dengue na partikular sa mga bata subalit ilang araw lamang ang makalipas maraming bata ang nasawi dahil nakita na hindi ito epektibo at mas lalong nagpapalubha ng sakit.
Ngunit sa kabila ng lahat, ito ay isang sakit na hindi dapat dumulas sa isipan ng mga mamamayang Pilipino. Ang dengue fever o mas kilala bilang dengue, ay sanhi ng isang virus na galing sa lamok, partikular na tinatawag na Aedesaegypti. Upang maiwasan at mabawasan ang epekto ng dengue, mahalaga ang pag-iingat at pagkakaroon ng kaalaman ukol dito. ng dengue virus ay kasapi sa Flavivirus, isang uri ng virus mula sa mga lamok, ito ay may apat na
lamok na Aedesaegypti ay ang pangunahing tagapagdala ng virus. Lumalabas ito tuwing hapon upang maghanap ng dugo para sa kanilang pagbubuntis. Matatagpuan ito sa mga lungsod at mga mahalaman na lugar at nangingitlog sa naipong tubig, tulad ng mga balde at gulong. Maaaring mahawa ang isang tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok na may dalang virus, ito ay nagdudulot ng matinding sintomas sa pamamagitan ng pag-atake sa mga selula ng immune system.
Sa Las Pinas City National Science High School, iilang estudyante na ang nakaranas ng dengue na kanilang nakuha mismo sa paaralan wala mang partikular na datos kung ilan na ang nakaranas subalit piliin pa ring magingat. Inabisuhan na rin ang mga magaaral na umuwi nang maaga dahil ang oras pagkatapos ng kanilang klase ay unti-unti ng lumalabas ang mga lamok sa kanilang kuta. Napagsabihan na rin ang mga ito na huwag lumapit sa halamanan lalo na’t dito laging matatagpuan ang mga lamok. Ang ilang sintomas nito ay ang lagnat, sakit ng ulo, pagpapantal ng balat,
pagsusuka at pagkahilo. Wala pang partikular na gamot para rito ngunit ang ilan ay gumagamit ng halamang gamot na kung tawagin ay TawaTawa na mayroong mga bioactive compounds tulad ng phenolics at flavonoids na maaaring makapag pagaling ng dengue.
Upang maiwasan ito siguradung malinis ang kapaligiran, huwag lalapit sa mahahalaman na lugar lalo na tuwing hapon, maglagay ng off lotion at mosquito repellant na nakapagtataboy sa lamok, uminom ng bitamina at palaging kumain gulay at prutas.
Paglinis ng kapaligiran, pagtanggal ng napag-ipunang tubig at paggamit ng kulambo at mosquito repellant ay ilan lamang paraan upang maiwasan ang mga lamok. Patuloy pa ang pananaliksik ng mga eksperto sa eksaktong gamot nito ngunit huwag tayong papakampante lalo na ang sakit na ito ay nakakamatay. Ito ay malaking hamon sa ating kalusugan para sa kaunlaran ng ating kalusugan subalit sa sapat na kaalaman at kalinisan siguradong makakamit natin ang kapayapaan para sa lahat.
Tuwing pumapasok ang mga mag-aaral ng Las Piñas City National Science High School (LPSci) ay agad na bubungad sa kanila ang talamak na basurang pakalat-kalat sa paligid. Kahit saan man lumingon, basura ang patuloy na sumasalubong sa kanila. Wala bang proyekto ang paaralan upang matugunan ito? Aanhin ang pagiging malaprestihiyoso ng paaralan kung ang kapaligiran naman ay hindi maalagaan?
Tinaguriang isa sa mga malaprestihiyosong paaralan ang LPSci dahil sa kalidad na edukasyong binibigay nito sa mga mag-aaral, ngunit sa katunayan, kabilang sa mga dahilan kung bakit mala-prestihiyoso ito ang itinuturong mga mga asal sa kabataan. Hindi ba’t nakakahiyang isipin na sa simpleng pagtugon sa ganitong mga suliranin ay nagbubulag-bulagan lang sila rito?
Hindi mo tuluyang masisisi ang mga mag-aaral sa mga kalat na naiiwan nila sa paligid sapagkat maiisip mo na baka kung anong oras na naman siguro nakauwi ang mga estudyante dulot ng mga aktibidad at pag-eensayo. Baka sa sobrang pagod hindi na nila ito naayos, wala silang kasalanan dito.
Mga nakakalat na balat ng pagkain, mga bote at ang samu’t saring plastik na
animo’y tinangay ng hangin — ito ang mga kadalasang basurang matatagpuan sa kapaligiran. Kapag itatapon mo nama’y malilito ka sa tamang tapunan dahil ang tinaguriang basurahan para sa mga recyclable materials ay napuno ng mga pagkain sa loob, habang ang ibang mga basurahan ay nag-uumapaw sa samu’t saring mga basura, halo-halo na ang mga kalat na dapat ay magkakahiwahiwalay. Baka hindi nila nakita ang mga label ‘pagkat kupas na ang nakalagay sa harapan ng bawat basura. Muli, wala silang kasalanan dito.
Kapag dadaanan naman ang ibang mga silidaralan, sasalubong sa iyo ang mga
nakatambak na materyales na ginamit sa mga nakaraang buwan, nakatambak
Sa gitna ng lumalalang problema ng basura sa ating bansa, ang mga guro ng Las Piñas City National Science High School (LPSci) ay nagsisilbing huwaran ng malasakit sa kalikasan sa pamamagitan ng isang inisyatibang nagpapakita ng lakas ng simpleng solusyon.
Sa simpleng pag-rerecycle ng papel, isang kwento ng pagsusumikap, pagkakaisa, at pagkamalikhain ang nabuo. Binunyag ng proyektong ito kung paano maaaring gawing kapakipakinabang muli ang mga bagay na kadalasang patapon na.
Noong nakaraang taon, nagsimula ang proyektong recycling ng papel sa paaralan bilang isang paraan ng pagbawas sa mga basura, lalo na ang mga papel na ginagamit sa araw-araw na gawain sa paaralan. Kaya naman, nag-isip sila ng paraan upang gawing kapaki-pakinabang muli ang mga papel na ito sa isang ligtas at eco-friendly na paraan.
Ang mga ginamit na papel na may mga dumi, tulad ng mga napkin ay kinokolekta at ginagawang supot na nagsisilbing tapunan. Pagkatapos ay itinatabi upang magamit sa paggawa ng mga bagong produkto, tulad ng art materials para sa mga proyekto ng estudyante o kaya naman ay ginagawang papel muli para sa mga pangangailangan ng paaralan.
Dagdag pa rito ang mga kinokoltektang gamit nang mga papel mula sa silid-aralan na siyang ginagamit bilang ‘Paper tissues;Sa ganitong paraan, nakakatulong ang paaralan sa pagbawas ng mga basura at sa parehong pagkakataon ay naituturo ang mga makabagong pamamaraan ng pamamahala ng basura sa mga kabataan.
Ang proyektong ito ay hindi lamang isang simpleng recycling project, ito rin ay isang paraan ng paghubog sa mga kabataan upang maging maalam sila ng mga hakbang para pangalagaan ang ating kapaligiran.
Bunga ng proyektong ito ay nakatulong hindi lamang sa pagbawas ng mga basura kundi pati na rin sa edukasyon ng mga kabataan sa tamang pangangalaga ng kalikasan.
Sa mga susunod na taon, ang LPSci ay magpapatuloy sa kanilang misyon ng edukasyon para sa kalikasan at magbibigay ng mga bagong paraan para mapalaganap ang proyektong recycling. Sa ganitong paraan, naipakita ng LPSci na ang edukasyon at tamang pangangalaga sa kalikasan ay hindi kailangang magtaglay ng komplikadong proseso.
Sa pamamagitan ng mga simpleng hakbang, makakamtan ang mas malinis at mas ligtas na kapaligiran para sa lahat.
lang sa gilid ng klase kasama ang ibang mga basura. Baka dahil maliit ang bawat silid at wala na silang mapaglagyan. Wala pa rin kasalanan dito ang mga
Hindi magkakaroon ng kalat sa kapaligiran kung mayroong disiplina sa pagtatapon ng basura ang mga magaaral. Bakit hindi sila panagutin para rito? Simpleng pagkilos na nga lang, hindi pa magawa nang maayos. Kalat dito, kalat doon, inihanda na nga ang lahat ng gamit para lang maging malinis, ilulusot na lang ang mga ang kalat doon pero wala pa rin. Nakailang paalala na ang Youth for Environment in Schools’
Organization (YES-O) at ang kaguruan na ayusin ang pagtatapon at maglinis ng kanya-kanyang silid-aralan ngunit hindi pa rin talaga ito epektibong paraan. Sabagay, maglilinis lang naman sila kapag nalaman nilang may katumbas na gantimpala ang pagiging malinis ng mga klasrum nila. Sa lahat ng paalala parang walang nasusunod, kahit pa ilang ulit na itong sinabi wala pa ring nagbabago.
Recycling daw ang solusyon, pero ano ang silbi nito kung ang mga plastik na marurumi ay kasama ng mga bote? Kung halo-halo na ang mga basura sa isang tapunan, paano ito magagamit upang recycle kung kontaminado na ang mga materyales. Ang pagreresiklo ng mga kagamitan upang makagawa ng panibagong produkto ay kadalasang may kaakibat na presyong may kamahalan sapagkat may ibang kagamitan na kailangan para lang malinis at maiayos ang mga bote at lata.
Bilang mga estudyante, hindi lamang dapat ang mga paksa na itinuturo ang inaaral, dapat ding alamin kung paano maging displinado para pulutin ang sariling kalat at malaman ang tamang tapunan. Ang hinaharap ay nakasalalay sa ating desisyon ngayon, at ang mga desisyon na ito ay dapat din magawa para makagawa ng pagbabago. Dahil sa huli, ang kapaligirang inaalagaan ay produkto ng mga mapagmahal at disiplinadong mamamayan.
Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LAS PIÑAS
TOMO XII | BLG. 01
Sa maingay at tirik na kalye ng Las Piñas, maririnig mo ang malakas na pagtalbog ng bola. Hindi ito tila simpleng tunog, ngunit ito ang pagkabog ng puso ng isang batang may mataas na pangarap. Ang kaniyang maliliit na kamay ay mahigpit na nakahawak sa bola na para bang ito ang susi sa isang mas magandang bukas. Para kay Gelo Alolino, ang bawat sandali ay hindi lamang mga pagsasanay, ngunit ang unang hakbang tungo sa tadhanang makasaysayan sa larangan ng pampalakasan.
ISTASYON NG KABATAAN
Mula sa pagkabata, batid na ng mga taong kasabay ni Alolino sa pagtanda ang kaniyang kagalingan sa larangan ng pampalakasan. Mula sa mga matitinding ensayong batid ng kaniyang ama, ang kaniyang talento, at puso mismo ang nahubog sa paglalaro ng basketbol. Tila ang mga kakayahan na kaniyang munting natutunan ay bitbit niya mismo hanggang sa pagtanda. Mula sa elementarya, hanggang sa kasalukuyan, saksi tila ang mga kababata’t kapamilya nito sa angkin nitong kakayahan.
ISTASYON NG PAMANTASAN
Sa kaniyang pagsisimula sa kolehiyo, napag-isipan ni Alolino kung para ba talaga sa kaniya ang tadhana ng pagiging isang basketbolero. Sa pagtapak niya sa kaniyang pamantasan, doon niya napagtanto na
ito pala ang nararapat para sa kaniyang sarili. Sa bawat pasa, dribble, at takbong tinatahak niya sa loob ng UAAP Court, ang siyang hakbang tungo sa kaniyang mga pangarap. Dahil sa kaniyang kagalingan, nakuha niya ang titulong “King of Bulldogs” para sa National University, isang parangal na nagbukas sa kaniya ng maraming pagkakataon sa hinaharap.
ISTASYON NG PALAKASAN
Panibagong oportunidad naman ang mismong kumapit sa talentadong atleta nang magtapos sa kolehiyo. Sa kaniyang pagsusumikap, nakamit niya ang puwesto para sa Philippine Basketball Association sa pamamagitan ng Draft Pick na naganap noong taong 2016. Kabuuan itong nagtapos sa ikalawang puwesto at unang sumabak sa koponan ng Phoenix Fuel Masters mula taong 2016 hanggang 2018.
Tila nahumaling sa ekspedisyon ang atleta sa loob ng PBA. Mula Blackwater Bossings, San Miguel Beermen hanggang sa napadpad ito sa barkadang samahan ng Terrafirma Dyip. Simula taong 2021 hanggang ngayon, nagdomina sa bawat
dedikasyon sa loob ng Terrafirma. Hindi madali ang magtagumpay sa isang koponan na laging nakakaharap ng matinding hamon, ngunit sa kabila ng mga pagsubok, patuloy na nagpapakita si Alolino, at ang buong koponan ng angking galing. Sa likod ng bawat datos na kaniyang nababatid ay ang kwento ng pag-asa.
Patuloy pa rin ang paglalakbay ni Alolino sa larangan ng pampalakasan. Hindi lamang siya isang manlalaro, ngunit isa ring simbolo ng dedikasyon, at malasakit na patuloy na
mga kabataang naghahangad ng wagas, tulad na lamang ng kaniyang maabot ang tuktok ng kaniyang pangarap.
Isa sa mga hangarin ng bawat tagapagsanay ng mga atleta sa pampalakasan ay ang kanilang maabot ang tugatog ng kanilang paglalakbay sa larangan na kanilang pinagsasanayan. Katulad na lamang ni G. Alfredo Santos, ang pag-unlad ng bawat atleta ay isa ring karangalan para sa patuloy niyang pagsubaybay sa mga atletang lapisyano. Bilang tumatayong gabay sa bawat atleta, kaniyang isinamo ang kaniyang mga batid para sa paghahanda sa mga susunod na kompetisyon.
ALAALANG WALANG KUPAS
Sa kaniyang pag-uumpisa sa paaralang
Las Piñas City National Science High School, napagtanto niya na ang landas ng pampalakasan ang kaniyang kailangang tahakin, sa pag-asang kaniyang mahahasa ang mga mag-aaral sa larangang ito, lalo na bilang isang guro na may kahusayan sa pangkalusugang aspeto.
Tila sambit ni G. Santos na kaniyang inspirasyon ang pag-unlad ng bawat kabataan sa loob ng larangang pampalakasan. Ang bawat determinasyon na ipinamamalas ng mga atleta ang tila nagiging dahilan upang mas maging determinado siya sa pagtulong, at pagturo niya sa mga kabataang may nais na matuklasan ang kanilang potensyal, at magtagumpay sa kanilang larangan.
ALINLANGANG WAGAS
May mga beses na pinanghihinaan ng loob ang tagapagsanay dahil sa mga limitasyong tumitigil sa kanilang pagpupursigi sa pagsasanay, katulad na lamang ng kakulangan ng oras sa pag-ensayo, at ang problema sa iskedyul ng mga estudyante. Ngunit ang kaniyang solusyon sa mga ito ay ang
Kaakibat ng bawat puntos na kaniyang nakamit sa karera ang pangarap ng bawat batang manlalaro na maging kasintanyag niya.
isang manlalaro. Maraming manlalaro ang kampeonato, ngunit para kay Peralta, hindi ganoon ang takbo ng kaniyang kwento. Tila nagpapatuloy ito sa pag-eensayo para makabawi, ngunit problema ang tila
Nagsimula si Peralta sa paglalaro ng chess nang makita niya ito sa kanyang lolo, kaya’t naging interesado siya sa laro. Nagsanay siya at paminsan-minsan ay hinahamon ang kaniyang galing. Sumali siya sa mga kompetisyon sa iba’t ibang eskwelahan. nanalo siya bilang 1st runner-up, at sa high school, kaniyang tinutok ang kaniyang pokus sa pagiging pagtitiwala niya sa kaniyang sarili ang pinakamataas na tagumpay na nakuha niya para sa sarili, hindi ang
ng
Ang bawat tagumpay ba ng anak ang panukat ng pagmamahal, o ito ba’y tila kanilang responsibilidad?”
Ating maaalala ang tagumpay ni Carlos Yulo sa Paris Olympics 2024. Natabunan ang lahat ng medalya na nauwi ni Yulo matapos kumalat sa publiko ang bawat komento ni Angelica Yulo kay Carlos na nagbigay ng pahiwatig ukol sa alitan ng mag-ina. Ayon kay Carlos, ginagamit ng kaniyang ina ang kaniyang kinikita para sa sariling kapakinabangan. Inakusahan niya ang kaniyang ina na sinamantala nito ang kaniyang mga napanalunan kung saan itinuturing siya bilang personal na ATM nito.
Kung iisipin, ang ugat ng away ni Carlos, at ng kanyang ina ay nagbibigay-liwanag sa isang mas malalim na usapin sa ating kultura, ang konsepto ng utang na loob. Ipinapakita ng isyung ito ang hirap na nararanasan ng mga anak na para bang nagiging obligado silang ibahagi ang kanilang tagumpay sa kanilang mga magulang, lalo na pagdating sa kayamanan.
Ang ganitong pananaw ay nagiging dahilan upang ang tagumpay ng isang indibidwal ay ituring na responsibilidad, sa halip na isang ambisyon na maaaring pagyamanin para sa sariling kapakanan. Tandaan sanang may limitasyon pa rin na inilalaan pagdating sa utang na loob.
Mahalaga ang magkaroon ng tamang balanse ng pagkilala sa ideya na ang tagumpay ng isang anak ay hindi awtomatikong solusyon sa pinansyal na problema ng pamilya.
Dapat maunawaan na habang mahalaga ang pagbibigay ng suporta, ito ay hindi dapat maging sapilitan. Karapatan ng lahat na buuin ang kanilang kinabukasan, at magdesisyon kung paano nila nais suportahan ang kanilang pamilya, batay sa kanilang kapasidad, at kagustuhan. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng mas mabuting relasyon sa pagitan ng mga magulang, at anak.
Katulad ng paninindigan ni Yulo, karapatan niya, at ng sinuman ang magpasya para sa kanilang sarili kung paano, kailan, at kung susuportahan nila ang kanilang mga pamilya. Hindi dahil sa utang na loob, hindi sa presyur ng kultura, kung hindi dahil sa tunay na pagmamahal na kanilang ipinagkaloob.
Isang mahalagang pagkakataon para sa mga paaralan ang ipakita ang angking galing, at husay ng kanilang atleta sa Cluster Meet. Gayunpaman, paulit-ulit na sikulo ang nararanasan ng Las Piñas City National Science High School pagdating sa kompetisyong ito—nangangamote. Bagaman at nakapag-uwi ng mga medalya ang paaralan sa mga larangang badminton, chess, volleyball, athletics, tennis, at dancesports, hindi pa rin maiiwasang maikumpara ito sa ibang paaralan. Marapat na mawakasan ang mga bagay na nakapanlulugmok para sa kasaysayan ng mga Lapisyanong atleta.
bawat pagsasanay na kanilang binabatid. Kanila mismong dinadala ang sarili nilang kagamitan upang makapaghanda ng mabuti sa parating na paligsahan.
Sa paglapit ng iba’t ibang mga paligsahan na isinasagawa sa Kagawaran ng Edukasyon, marami sa mga atleta ng bawat paaralan ang nagsisikap, at nagsasanay upang kanilang maihanda ang pisikal na lakas ng bawat isa.
Sa paghahangad na sumelyo ng puwesto, at makasabak sa Palarong Pambansa, tila walang tigil sa paggawa ng mga paraan ang mga atleta upang kanilang maihanda ang mga sarili sa mga palarong darating. Ngunit sa kasamaang palad, maraming mga suliranin ang kailangan pang lagpasan bago pa man makamit ang kanilang mga minimithi.
Isa sa pinakamalaking hamon na kanilang pinagdaraanan ay ang kakulangan sa pasilidad.
Sa kasalukuyan, ang bagong gawang court at auditorium lang ang ginagamit para sa lahat ng paghahanda sa laro. Ang mga espasyong ito ay pinaghahatian pa ng mga atleta’t mag-aaral, para sa pag-aaral, at pati na rin sa pag-eensayo. Hindi sapat ang mga ito para sa pagsasagawa ng mga programang para sa ikabubuti ng mga atletang lapisyano.
Problema rin sa ibang mga atleta ay ang kakulangan sa kagamitan. Sa halip na pagbigyan ang mga ito upang gamitin ang mga bagay na nakalaan para sa eskwelahan, mas lalong napipilitan ang mga ito dahil sa kawalan ng mga instrumentong maaaring gamitin sa
NIsa rin sa mga problema ay ang kakulangan ng mga tagapagsanay. Hindi lahat ng mga koponan ang nabibigyan ng tamang gabay at patnubay. Kung minsan naman ay hindi tumutugma ang oras ng mga atleta’t tagapagsanay sapagkat may klaseng kailangang paglaanan ang mga gurong umaalalay sa mga sasabak. Halata ang pangangailangan ng mga atleta ng karagdagang tagapagturo upang mahasa ang kanilang kakayahan. Dahil dito, marami sa kanila ang kailangang magtiyaga sa sariling pagsasanay, na hindi sapat sa ganitong antas ng kompetisyon.
Ang pagsisikap at disiplina ng bawat atleta ay tunay na mahalaga. Ngunit, paano natin aasahan ang sagad na pagpapamalas ng mga atleta kung hindi sapat ang oras ng ensayo dahil sa limitado ang espasyo? Kahit gaano pa kagaling ang mga atletang sinasabak ng paaralan, hindi nito matutumbasan ang pageensayo nang may tamang kagamitan, maayos na pasilidad, at mahusay na tagapagsanay. Marahil sanang paglaanan ng mas maraming mapagkukunan na bagay para sa
apuno ng kasiyahan ang mga mag-aaral nang muling ipagdiwang ang Palaro para sa taong panuruan 2024 - 2025 ng Las Piñas City National Science High School na ginanap noong ika-8 hanggang ika-18 ng Oktubre 2024.
Pormal itong sinimulan sa isang torch lighting ceremony na nilahukan ng mga koponan na Blazing Santelmos, Crimson Vulpines, Blue Minokawa, Azure Phoenixes, Yellow Bakunawa, Yellow Tigers, Green Magindara, at Green Buzzers.
Sinundan ito ng parada, at yell presentation kung saan nakamit ng Azure Phoenixes ang unang pwesto.
Nagtagisan naman ang bawat magaaral sa larangang basketball, volleyball, e-sports, dance sports, chess, tamaang tao, agawang bola, sangkayaw, patintero, 4x4 relay, at 100-meter Dash.
pampalakasang programa ng paaralan. Mula sa pagbibigay ng sapat na espasyo para sa pagsasanay hanggang sa pagkuha ng karagdagang tagapagsanay ay mabuting simula para sa mga atleta. Mahalaga rin na kilalanin ang mga pangangailangan ng mga atleta, at bigyan sila ng suportang nararapat upang maabot nila ang kanilang buong potensyal. Hindi lang ito tungkol sa pagkapanalo; ito ay tungkol sa pagbibigay ng pagkakataon sa bawat estudyanteng atleta ng LPSci na magningning. Marapat sanang hindi ikubli ang mga pangangailangan ng mga atleta upang kanilang maisagawa ang mga pagsasanay na nararapat sa paghahanda sa mga torneyo. Sa ganitong paraan, magsisimula ang kwento ng matinding pagbangon, at tagumpay ng bawat atletang Lapisyano.
Huwag nating ikubli ang mga pangangailangan ng mga atleta upang kanilang maisagawa ang mga pagsasanay na nararapat sa paghahanda sa mga kompetisyon.
Binigyang diin ng Senior High School
Intrams Organizer Gng. Angel De Vera ang kahalagahan ng palaro sa mga estudyante.
“Nakakabigay ‘to ng break sa mga hectic schedules at studies ng mga bata, not to mention na nakatulong ito para magkaroon ng bond - kumbaga, parang naging Ate at Kuya sila,” aniya.
Samantala, saad naman ng Junior High School Organizer na si G. Alfred Santos na may mga nais siyang ayusin sa pagdiriwang.
“Maraming hindi nakalaro samin (Junior High School), kaya mas better sana na mapaaga yung schedule at payagan tayo ng DO (Division Office) na maglaan talaga ng oras para sa Intrams,” giit ni G. Santos.
Itinanghal bilang mga kampeon ng patimpalak ang Green Magindaras, at Green Buzzers.
Koleksyon ng medalya ng mga kampeon sa LPSci Palaro ‘24-’25
JUNIOR HIGH SCHOOL GREEN MAGINDARAS
4 2 2
GINTO PILAK TANSO
%
PANLIPUNAN
nina AYESSA LOPEZ at DEAN BRAVO
TSTATISTICS
umarak ng kabuuang limang ginto, at isang tansong medalya si Julia Jean Plata na Lapisyanong mag-aaral ng Las Pinas City National Science High School nang pangatawanan ang Pilipinas, at makipagsapalaran sa Skate Asia 2024 na naganap noong ika-3 hanggang ika-11 ng Agosto 2024 sa loob ng Aurora Ice Rink sa Taipei, Taiwan.
determinasyon, sakripisyo, at pagaalay ng maraming oras sa buong pag-eensayo ang naging paraan niya upang makamit ang ginintuang parangal sa nasabing kompetisyon.
kaniyang buhay, bilang isang mag-aaral, at isang atleta.
“Yung ginagawa ko po is time management po talaga so for example, after school may training po ako as much as possible tinatry kong iminimize yung oras ko sa training para magawa ko po yung mga kailangan ko pong gawin sa school.” pagdidiin ni Plata.
suporta ang ibinigay sa atleta.
Sa pamamagitan ng mas maluwag na oras na inilalahad ng tagapagsanay para sa kaniya, mas gumaan ang dinadala niyang problema pagdating sa oras.
“Very flexible kasi schedule ng coach ko, and the schedule depended on me when I was available to go to the ring,” ani Plata.
Dantes, Golez, Miñoza, Sungkit-kampeonato sa Cluster Meet
Nasukbit nina Charlene Miñoza, Kurt Dantes, at Emyr Golez ang kampeonato sa ginanap na Cluster Meet Badminton nitong ika-14 ng Nobyembre 2024 sa Budz Badminton Court, Molino 2, Bacoor, Cavite.
Tinambakan ng duo nina Dantes at Golez ang lahat ng kalaban sa Men’s Doubles, samantala nalupig naman ni Miñoza ang twice-to-beat disadvantage sa huling laban kontra Las Piñas East National High School (LPENHS) sa Women’s Singles B Division.
Double elimination ang batayang sistema sa paligsahan kung saan isang set na hanggang 31 puntos lamang ang kinailangan para manalo. Ang magwawagi galing sa winner’s bracket ay nagkaroon ng twice-tobeat advantage kontra sa nagwagi sa loser’s bracket.
Napagtagumpayan nina Dantes at Golez ang LPENHS sa winners’ bracket match, 31-21, at ang laro para sa kampeonato, 31-16.
Samantala, naging buweltahan ang laro ni Miñoza kontra LPENHS, kung saan siya’y unang natalo, ngunit napangibabawan ang Las Piñas North National High School (LPNNHS) sa mutual do-or-die match, 31-23, patungo sa kaniyang dalawang sunod na panalo sa laro para sa kampeonato. Nakamit naman ng mga manlalaro mula sa Women’s Doubles na sina Frankie Garcia, at Era Alatraca, kung saan sila’y natalo kontra LPNNHS sa laro para sa kampeonato, 21-31.
Naging emosyonal din ang laro para sa dalawang pambato sapagkat kanilang nilabanan ang kapaguran sa huli nilang laro habang sinusubukang habulin ang palobong kalamangan.
Nagdomina sa buong rink ang walong taon nang atleta matapos magkamit ng mga gintong medalya para sa Freestyle 4, Artistic FS4, Drama Spotlight FS4, Solo Compulsories FS4, at Jump & Spin Silver events.
Sumelyo rin ng Pilak ang atleta para sa Light Entertainment PS4, at nagtapos din naman ang atleta sa ikaapat na pwesto para sa Footwork 4 event ng kompetisyon.
Base sa panayam ni Plata,
“Since po ‘yung competition na ‘yun is nasa, like, start po ng school year, pineprepare ko na po ‘yun nung summer break. Bago pa po nun, nagpreprepare na po talaga ako for the competition. Nagpaturo na po ako sa coach ko sa mga programs po. Kahit ‘yung school po pinagsabay ko po siya with training,” sambit niya.
Sa kabila ng mga paghihirap na naranasan niya sa pagitan ng pagaaral, at pag-eensayo, simpleng time management ang kaniyang isinagawa upang madalian sa pagsasalo ng
Matatandaang unang ipinamalas ng atleta ang kaniyang kakayahan sa figure skating nang sumungkit ng mga ginto mula sa Artistic Freestyle 4, Solo Compulsories, at Freestyle 4. Nagpasikat din naman ito sa Drama Spotlight na nagpauwi sa kaniya ng isang pilak, at tansong medalya naman para sa footwork sa nagdaang Skate Asia 2023.
Kasalukuyang naghahanda ang skater sa mga paparating na mga kompetisyon upang mahasa, at maangat ang lebel ng kaniyang program difficulty, at mas maging kakaiba ang kaniyang piyesa kumpara sa iba.
Hindi lamang ang kaniyang sarili ang nag-angat sa bansa kung hindi pati rin ang kanyang tagapagsanay na todo
Sunod namang magpapakitang gilas ang ika-10 baitang na skater sa darating na lokal na kompetisyon na Skate Philippines upang patuloy na maipamalas ang bagsik ng kaniyang galing.
Makapigil-hiningang foxtrot, at quickstep routines naman ang kanilang ipinakita dahilan upang kanilang maselyo ang unang puwesto sa lahat ng bahagi ng naturang paligsahan. Ito ang naging kauna-unang pagkakataon na nakamit nila Padilla, at Estrada ang puwesto upang rumesbak para sa Regionals Level sa loob ng kanilang tatlong taon ng pagiging mga mananayaw.
sa loob ng kaniyang tatlong taong pagsasayaw. “Kahit
Base sa panayam ni Padilla, dito lang niya naramdaman na naging sapat ang kaniyang naibuhos na pagsisikap