ANG PAROLA 2023-2024 NEWSPAPER

Page 1

Lumahok ang Quezon City High School (QCHS) sa ‘Tree Planting’ na Proyekto ng Department of Education (DepEd) na may temang “236k Trees: A Christmas Gift for Children”, idinaos ang aktibidad na ito sa likod ng DPWH Building noong Disyembre 6, 2023.

Kasamang lumahok dito ang Punongguro ng paaralan na si Dr. Josehpine M. Maningas, katuwang ang mga guro mula sa Kagawaran ng Agham sa pangunguna ni G. Fidel O. Guantero Puno ng Kagawaran sa Agham.

Naging mahalaga rin ang pakikiisa ng iba’t ibang organisasyon ng QCHS, tulad ng YES-O Club, Eureka Club, JEAP Club, Ang Parola, The Capitol, Samaka Club, Project Plant, Gulayan sa Paaralan, at Supreme Secondary Learner Government (SSLG), upang matagumpay na maisakatuparan ang proyekto sa paaralan.

Matagumpay na natapos ang proyekto sa pamamagitan ng pagpunla ng anim na puno na bubuo sa kabuuang 236k na punongkahoy.

Reyes, Resma, Cagahastian, dumalo sa ‘IKAW PA’ seminar/workshop

Bilang paghahanda sa darating na Division

Secondary Schools Press Conference (DSSPC) ay naglunsad ang ‘Ang Parola’ ng seminar/workshop na IKAW

PA: “Isulong ang Katotohanan

At Walang kinikilingang

PAmamahayag” noong Pebrero

1 sa Audio Visual Room (AVR)

36.7%

63.3%

ISPORTS

QCHS Men’s Volleyball,

ang CGEAHS

Bilang pagtatapos ng programa ay nagbitaw ng pangwakas na mensahe sina Gng. Christy F. Baccoy, Tagapayo ng ‘Ang Parola’ at G. John Patrick C. Clavo na Pangulo at Punong Pagnugot ng nasabing publikasyon.

Ang nasabing programa ay pinangunahan nina John Patrick C. Clavo Pangulo at Punong Patnugot at Reika Anjeli Juratil Tagapamayapa

‘‘

Para sa huli at ikalawang araw, nagsagawa muli ang ‘Ang

Parola’ at ‘The Capitol’ ng ‘PATAS DAPAT’: “PAgsulong ng Tumpak At Sistematikong pagsulat DAan sa Progresibo At Tamang dyornalismo” noong ika-10 ng Nobyembre taong 2023 sa Conference Room ng Quezon City High School (QCHS).

Pinangunahan ni G. John Patrick C. Clavo, Punong Patnugot at Pangulo ng ‘Ang Parola’ publikasyon sa Filipino at Via Venice Tiongson, Punong Patnugot ng ‘The Capitol’ publikasyon sa Ingles ang palatuntunan na dinaluhan ng mga piling mamamahayag pangkampus.

Unang nagbahagi ng kaniyang mga kaalaman si Bb. Carmela Joy Naa, dating Punong Patnugot ng ‘Ang Parola’, itinuro niya ang mga ginagamit na pananda sa kategoryang Pagwawasto ng Sipi at Paguulo ng Balita.

Nagkaroon din ng pagkakataon na magbahagi ng kaalaman si G. Jesus Nathaniel Valdez na dating Ka-Patnugot ng ‘Ang Parola’ at isa nang Radio Broadcaster ngayon na nagturo sa kategoryang Balitang Isports at Radio Broadcasting.

Nilinang rin ang kakayahan ng mga dumalo sa nasabing palihan sa pamamagitan ng pagbuo ng isang Radio Broadcasting program sa kanila.

Tinalakay naman ni G. Dan Gonzaga, Far East Broadcasting Company (FEBC) Announcer/Producer ang Copy Editing at News Writing, Bilang panapos ng programa, ginawaran ng sertipiko ng pagpapahalaga ang mga naging tagapagsalita sa nasabing palihan kasabay din nito ang pagbibigay ng maliit na token,ginawaran din ng sertipiko ng partisipasyon ang mga mag-aaral na lumahok sa palihan.

Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Quezon City High School | Tomo LXX | Blg. 1 Setyembre 2023 - Marso 2024 Quezon City | National Capital Region SCAN HERE Online digital platform
PATAS DAPAT, ikinasa ng ‘Ang Parola’ at ‘The Capitol’ Samantha Hendrix Esposo Pinaghadaan ng dalawang opisyal na pampahayagan pangkampus ng Quezon City High School (QCHS) na ‘Ang Parola’ at ‘The Capitol’ para sa kanilang pagsasanay na may pamagat na PATAS DAPAT: ‘PAgsulong ng Tumpak at Sistematikong DAan sa Progresibo at Tamang dyornalismo’ sa 17 QCHS, nakibahagi sa proyekto ng DepEd na 'Tree Planting' 15 LATHALAIN BALITA EKSPRESS ChatGPT, ang iyong sidekick sa bawat gawain ang parola Heat Index, nagdadala ng banta sa kalusugan pahina 02 pahina 05 pahina 09 pahina 14 pahina 18 CATCH ME I’M FALLING Lobo sa Alapaap Ngiting Kalinga QCHS Wushu team, nagnining sa QC Division Atheltics Meet NILALAMAN
babalita
sa mga numero voted NO voted YES In satisfaction with the performance of the Department of Education under VP Sara Duterte out of 120 students.
pinuruhan
SINAG TALA Pag-
Denzel Valdez, Carl Cedrick Clavo

BALITA

QCHS, Cool-Lab QC Robotics

Team, Nagwagi sa 13th First Lego League Philippines

Samantha Hendrix Esposo

Nagtagumpay ang pagsasanibpwersa ng Betty-Go Elementary School at Quezon City High School (Cool-Lab QC Robotics Team) nang masungkit ng dalawang paaralan ang ika-6 na pwesto sa nakaraang 13th First Lego League Philippines, na ginanap sa Subic Bay Gymnasium noong Pebrero 17, 2024.

Dahil sa ipinamalas nilang husay, ang ‘cool-lab team’ ng dalawang paaralan ay magiging kinatawan sa FLL Hongkong International

Championship sa darating na Agosto. Nagbunga ang ipinamalas na husay, determinasyon, at galing ng mga mag-aaral sa pangunguna ng kanilang mga tagapagsanay na sina Gng. Arianne D. Catibog at G. Mike Armentia. Hindi naman matatawaran ang ibinigay na suporta para sa mga delegado nina G. Fidel O. Guantero Jr., Puno ng Kagawaran ng Agham at Dr. Josehpine M. Maningas, punongguro ng nasabing paaralan.

Magiliw na tinawag na “hari ng mga kalsada”, ang uri ng pampublikong sasakyan na ito ay lumitaw mula sa pagiging maparaan noong panahon ng post-World War II, nang ang mga lokal na mekaniko ay nag-convert ng malaking bilang ng mga jeep na inabandona ng mga Amerikano na nagko-customize ng mga ito upang mapaunlakan ang mga sibilyang pasahero.

Ito ay isang mahalagang bahagi ng sistema ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas dahil ang kanilang mga ruta ay flexible na may mas murang bayad kaysa sa mga taxi, tren, o de-motor na tricycle.

Sa humigit-kumulang 200,000 jeepney sa buong bansa, nananatili silang isang abot-kayang paraan ng transportasyon sa isang bansa kung saan ang average na taunang kita ay humigit-kumulang $3,500.

Ang pamasahe ng jeep ay nagsisimula sa 20 cents (13 Philippine pesos), na naghahatid ng humigit-kumulang 40% ng mga commuter saan man mula sa mga lugar ng trabaho, paaralan at mall, ayon sa datos ng Department of Transportation.

Ngunit nais ng gobyerno na palitan ang mga madalas na pagod, lubhang nakakadumi sa mga sasakyang pinapagana ng diesel ng mga bagong mini bus.

Unang inihayag noong 2017 na ang “jeepney phase-out” ay ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Itinuturing ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang mga tradisyunal na jeepney ay hindi ligtas at nakakapinsala sa kapaligiran.

Nais nitong palitan ang mga jeepney na 15 taong gulang pataas ng mga bago na sumusunod sa Philippine National Standards at pinapagana ng electric powertrain o isang Euro 4-compliant na diesel engine.

Ang phase-out na ito ay humihiling sa mga jeepney operator na sumali sa mga kooperatiba o korporasyon sa pagtatapos ng 2023.

Ito ay dapat makatulong sa kanila na makakuha ng mga pautang at mga plano sa pagbabayad upang makabili ng “modernong mga jeepney”.

Samantala, inaalala naman ngayon ng mga mag-aaral kung ito ba ay abot-kaya sa kanilang baon, dahil madadagdagan o lalo pang magiging mahal ang pamasahe kung mapapatupad ang “jeepney phaseout”.

Ang programa ay naglalayon na magbigay ng 5.6% subsidy na may 6% na rate ng interes para sa pitong taon ng pagbabayad.

Para sa mga mag-aaral at indibidwal, ang pag-phaseout ay nagdudulot ng mga hamon na gaya ng pagbabawas ng access sa mga opsyon na abot-kayang transportasyon, nakakaapekto rin ito sa kanilang pang-araw-araw na buhay at dahil ang mga jeepney ay pangunahing paraan ng transportasyon para sa maraming Pilipino.

Patuloy ang pagtaas ng temperatura na hindi lamang nagdudulot ng mainit na panahon kundi maging ng mga kondisyong panganib sa kalusugan, kamakailan lamang, umabot na sa mahigit 40 degrees celsius ang init na nararamdaman ng ating katawan, ito

Ang ganitong antas ng temperatura ay maaaring magdulot ng mga problema sa Ayon sa mga eksperto mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mataas na heat index ay nagdudulot ng mga kabataan, ang mainit na panahon ay maaaring magdulot ng pagkapagod, pagkahilo, Ang mga tao na mayroong mga kondisyon disorders ay lalo pang nanganganib sa

Ayon sa Department of Health (DOH), mahalaga ang pag-inom nang maraming tubig upang maiwasan dehydration. “Pagka ang summer andito na, ang lagi nating

paalala sa mamamayan ay lagi ‘yung dehydration. Laging uminom ng tubig, iwasan ‘yung sobra o labis na exposure sa init ng araw dahil magkakaroon po tayo ng heat stroke o heat exhaustion,” saad ni DOH Secretary Francisco Duque III

Dahil sa pagtaas ng temperatura, maaaring magdulot ito ng iba’t ibang epekto sa mga estudyante.

Ang labis na init ay magdudulot ng pagkahilo at pagkabalisa na maaaring makaapekto sa kanilang kakayahang mag-isip at mag pokus sa mga gawain pampaaralan.

Bukod pa rito, ang mataas na temperatura ay maaaring magdulot ng mga problema sa kalusugan ng mga estudyante tulad ng pagkahilo pagka-uhaw at panghihina ng katawan, na maaaring makaapekto sa kanilang pagpasok sa paaralan.

Upang maiwasan ang mga negatibong epekto ng mataas na temperatura, bawasan ang oras na ginugugol sa labas at magtakda ng limitasyon sa pananatili sa init.

Siguraduhing uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration, iwasan ang pag-inom ng mga inumin tulad ng tsaa, kape, soda, at alak na maaaring makadagdag sa pagkauhaw.

Kapag lumalabas, magsuot ng payong o sumbrero upang maprotektahan ang sarili sa init, ito ay mahalagang paalala mula sa PAGASA.

Sa kabila ng pagtaas ng temperatura, patuloy pa rin ang mga gawain sa paaralan, kaya naman pinapayuhan ang bawat isa na maging handa at maging maalam ang bawat isa sa mga epekto ng heat index.

Laging uminom ng tubig, iwasan ‘yung sobra o labis na exposure sa init ng araw dahil magkakaroon po tayo ng heat stroke o heat exhaustion

Aktibong nagbahagi ng kaalaman ang Punong Patnugot ng Ang Parola na si John Patrick C. Clavo sa palihan na BREATHE (Balancing Responsibilities:

Easing Academic Tension through Healthy Empowerment).

Ang nasabing palatuntunan ay pinangunahan nina Zeinab Tubojan, SSLG Grade 12 Representative at si Khreynan Duka na SSLG

Nakiisa ang mga estudyante mula sa baitang-7, sa isinagawang Mental Health Awareness Against DepressionBattle of Thoughts and Victory Youth Group (VYG), sa Covered Court ng Quezon City High School (QCHS). Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Quezon City High School Tomo LXX Blg. 1 Setyembre 2023Marso 2024 | Quezon City | National Capital Region 02 parola ang
Grade 11 Representative. Bago magsimula ang palatuntunan ay nagkaroon muna ng aktibidad na ‘Treasure Hunting’ na layuning mapaunlad ang kakayahang makipagugnayan ng mga mag-aaral. Nagbahagi naman ng kaalaman si G. Raymond Neil Manaois, QC Youthrivers campus coordinator tungkol sa ‘passion’ ng mga mag-aaral. Naging tagapagsalita rin ang Punong Patnugot ng ‘Ang Parola’ na si John Patrick Clavo na kung saan pinagtuunan niya ng pansin ang mental na kalusugan’
mga tagapakinig. Pinagtuunan naman ng pansin ni Nikki Claire Brillante, SSLG President ang kalagayan ng mga mag-aaral sa likod ng kanilang mga karangalan. Ginawaran naman ng sertipiko ang lahat ng mga naging tagapagsalita ng naturang palatuntunan. KAMPUS EKPRES Jeepney Phase-out, makakaapekto sa mga estudyante Samantha Hendrix Esposo NAKABABAHALANG INIT Mental Health Awareness seminar, nagbigay kaalaman sa ilang Quezonians Juddeas Rosaldo at Samantha Hendrix Esposo Heat Index, nagdadala ng banta sa kalusugan Nagbigay-kaalaman sa mga Quezonians ang proyekto ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) katuwang ang Center for Excellence for Research and Student Leadership (CENTREC) Batch 25 na Mental Health Seminar: BREATHE (Balancing Responsibilities: Easing Academic Tension through Healthy Empowerment) noong Nobyembre 24, 2023 sa AVR ng Quezon City High School (QCHS).
ng

MUKHA NG TELEBISYON

Unang TV Broadcasting team ng ANG PAROLA, umarangkada sa D4SSPC

Michaela

Nagkamit ng mga karangalan ang kauna-unahang TV Broadcasting team ng opisyal na pahayagan sa Filipino ng Paaralang Sekondarya ng Lungsod Quezon na ‘Ang Parola’ sa ginanap na District IV Secondary Schools Press Conference (D4SSPC) at Division Secondary Schools Press Conference (DSSPC) sa Holy Family School of Quezon City at Quirino High School Pinangungunahan ang nasabing Broadcasting team ng tagapayo ng publikasyon na si Gng. Christy F. Baccoy at ang Pinuno na si John Robin D. Nicolas; binubuo naman ito ng mga miyembro na sina Arianne Grace Tamares, Lianne Llanes, Michaela Esteban at Denzel Valdez.

Nakuha ng “Republika: Himpilan ng nagkakaisang bayan” Broadcasting team ang mga sumusunod na karangalan sa D4SSPC:

Tuloy-tuloy pa rin naman ang pagsasanay at paghuhubog sa kakayahan ng mga bumubuo sa Broadcasting team bilang paghahanda sa susunod na D4SSPC ngayong taon, 2024.

Mga bagong Scouts ng QCHS, pormal nang naitalaga

Sinimulan ang Investiture Ceremony ng isang pambungad na panalangin ni Eagle Scout (ES) Mary Ann Bayot at makabayang awitin na pinangunahan ni ES John Dagle. Nagbigay naman ng isang pampasiglang mensahe si Sctr. Errol Eugenio Garcia, Council Scout Executive na sinundan ng panunumpa ng mga punong gabay sa pangunguna ni Sctr. Ariel Agluba, Field Scout Executive, CD IV. Pinangunahan naman ni ES Geneza Garcia ang seremonya ng pagtatalaga ng mga bagong Scouts. Tinapos ang programa sa pamamagitan ng Scout Benediction, Paglalabas ng Kulay, Scout, ng mga magulang at mga panauhing pandangal.

Ginanap

to Climate Change Resiliency Through Mobilization Of School Communities An Action for All!”, sa Rizal High School, noong

Nangibabaw naman ang kahusayan ng Muntinlupa matapos magkamit ng 1st place, 2nd place para sa Manila at 3rd place na nasilat ng Marikina City. Layunin ng nasabing proyekto na magkaroon ng kaalaman ang bawat magaaral sa pamamagitan ng ‘ecological park’ na tumutulong sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at kaalaman sa pagbabago ng klima.

Kalahok din sa naturang patimpalak ang 10 na mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan ng Lungsod Quezon, kasama si John Robin D. Nicolas, kinatawan ng Yes-O mula sa baitang 11 ng Quezon City High School (QCHS). Ginawaran naman ng Plaque of Recognition ang lahat ng mga paaralan na nasa NCR.

Dumalo rin sa nasabing programa ang mga magaaral ng mga paaralang mula sa iba’t ibang distrito ng lungsod kasama ng ilang atleta.

Ayon kay QC Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) Vice Chair Hon.Gian Carlo G. Sotto, ang nasabing proyekto ay layuning palawigin pa ang ‘AntiDrug Campaign’ kasabay ng selebrasyon ng 2023 Drug Abuse Prevention and Control Month.

Esteban
Place OVERALL BEST IN INFOMERCIAL BEST IN TECHNICAL APPLICATION BEST IN ANCHOR (JOHN ROBIN D. NICOLAS) BEST IN PRESENTER (MICHAELA ESTEBAN) BEST SCRIPT 2nd 2nd 2nd 2nd 2nd 2nd Ilang Quezonians, lumahok sa ‘BKD Fun Run’
Lumahok ang piling mag-aaral ng Quezon City High School (QCHS) sa ginanap na Barkada Kontra Droga (BKD) Fun Run na may temang, “BUHAY INGATAN, DROGA’Y AYAWAN; Bida Ka daBARKADS! Takbo Laban sa Droga: Malusog na pangangatawan at Matalas na kaisipan”. sa Quezon Memorial Circle. Lumahok ang ilang mag-aaral ng Quezon City High School (QCHS) sa ginanap na Barkada Kontra Droga (BKD) Fun Run na may temang, “BUHAY INGATAN, DROGA’Y AYAWAN; Bida Ka daBARKADS! Takbo Laban sa Droga: Malusog na pangangatawan at Matalas na kaisipan”, na pinangunahan ng Office of the Vice Mayor Gian Sotto at Quezon City Local Government Unit (LGU) noong Nobyembre 19, 2023 sa Quezon City Memorial Circle.
ang National Capital Region (NCR) Climate Change Caravan: “Maneuvering
Nobyembre 10, 2023. Pormal nang naitalaga ang mga bagong Scouts ng Quezon City High School (QCHS) sa ginanap na Seremonya ng Pagtatalaga ng mga Scout noong Disyembre 1, 2023 sa QCHS na pinangunahan ni G. JonJon L. Encomienda.
Dan Cedric V. Latasa Carl Cedrick Clavo John Robin D. Nicolas QCHS, nakiisa sa NCR Climate Change Caravan 03 Tomo LXX | Blg. 1 | Sept 2023 - Mar 2024 BALITA Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Quezon City High School ang parola
Kuhang larawan matapos magkamit ng mga karangalan ang unang TV Broadcasting team ng Ang Parola sa Congressional District IV Secondary Schools Press Conference (D4SSPC) at Division Secondary Schools Press Conference (DSSPC). Lumahok ang ilang mag-aaral ng Lungsod Quezon sa NCR Climate Change Caravan.

CENTREX leadership training, isinagawa sa QCHS

Nagsama-sama ang mga piling mag-aaral ng Quezon City High School (QCHS) at Eugenio Lopez Jr. Center For Media Arts Senior High School (ELJCMASHS) bilang pakikiisa sa National Childrens Month para sa isang leadership training: Center of Excellence for Research and Student Leadership (CENTREX) Batch 25, Nobyembre 8, 2023 sa Audio Visual Room (AVR) ng QCHS.

Pinangunahan nina Ezra Carumba, ELJCSHS at SSLG President at Nikki Claire T. Brillante, QCHS SSLG President ang

naturang palatuntunan. Nagsimula ang programa sa isang panalangin na pinangunahan ni Zeinab Tubojan, Grade- 12 representative.

Nagbigay naman ng pambungad na pananalita si Dr. Josehpine M. Maningas (Principal III) ng QCHS tungkol sa layunin ng programa.

“To learn and showcase your talent”, ayon kay Dr. Maningas. Nagbigay rin ng Statement of purpose ang Punong Guro ng Flora A. Ylagan (FAYHS) na si G. Noel M. Delos Reyes.

Nagkaroon din ng iba’t ibang aktibidad

tulad ng ‘scavenger hunt’ at ‘find a recipe’ na pinangunahan ni Engr. Msrc V. Padilla, Quezon City Schools Division Superintendent. Nagbahagi rin ng kaalaman si G. Erwin Apostol, Dalubguro 1 ng ELJCMASHS kung ano ang kailangan at inaasahan sa paggawa ng maayos at makabuluhang proyekto. Paggawa naman ng direksyon sa paggawa ng proyekto ang ibinahagi ni Gng. Catherine Barrientos, Puno ng Kagawaran sa FAYHS. Bilang panapos ng programa, nagbahagi si Bb. Regie Katherine Idago FAYHS, ICT Coordinator patungkol sa pagdidisenyo ng bidyo.

QCHS, ipinagdiwang ang Global Hand Washing Day 2023

To learn and showcase your talent ‘‘

Esposo

Nakiisa sa pagdiriwang ng World Hand Washing Day 2023 ang Quezon City High School (QCHS) nitong ika-13 ng Oktubre 2023 sa New Covered Court, nakilahok sa nasabing programa ang mga piling mag-aaral kasama ang kanilang guro sa asignaturang MAPEH.

Pinangunahan nina Mary Sophia Castillo at Rommel Rosel ng 10-STE

Photon, kasama ni Gng. Gina Lyn Rasco guro sa MAPEH, sinimulan ang programa sa isang awitin na Pilipinas kong Mahal at Ikaw na ang bahala by Aiza Seguerra. Nagpahayag ng mensahe si G. Freddie Cayabyab ukol sa kahalagahan ng paghuhugas ng kamay na sinundan naman ng isang ‘video presentation’ tungkol sa proper hand washing

sa pangunguna ni Gng. Rasco. tungkol sa proper hand washing.

Nagpakita naman ng kahusayan sa pagsayaw ang mga mag aaral ng 7-SPA na sinabayan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang baitang.

Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng hand washing activity.

Leadership Training Workshop, isinagawa ng CBCP

Nagkaroon ng kolaborasyon sa pagitan ng Christian Bible Church of the Philippines (CBCP) at Supreme Secondary Learner Government (SSLG) sa pangunguna nina Bb. Ma. Cristina Doloso at Gng. Aida Tolibas ngayong Biyernes, Nobyembre 1O, 2023 sa library ng Quezon City High School (QCHS).

Dinaluhan ang naturang palatuntunan ng mga piling

Quezonians sa bawat club ng QCHS.

Nagbigay rin ang CBCP ng mga ‘loot bags’ sa mga tagapakinig bilang pasasalamat sa kanilang pagdalo.

Ginawaran naman ng Sertipiko ng Pagkikila ang mga naging tagapanayam ng naturang palatuntunan na sina Pastor Michael R. Cariño at Joseph Brian Ouano.

BLAZE: Building Leaders A Zest for Excellence na may temang “Kabataang Quezonian, Lider ng Kinabukasan”
G. Marc V. Padilla, Quezon City Schools Division Superintendent. Nagbahagi ng kanyang mga karanasan sa Leadership Training na inorganisa ng Center of Excellence for Research and Student Leadership. Nakiisa ang Quezonians sa ipinagdiriwang na World Hand Washing Day 2023 sa loob ng Covered Court ng Quezon City High School (QCHS). G. Joseph Brian Ouano, G. Michael R. Cariño. Mga kinatawan mula Christian Bible Churches of the Philippines. Nagbahagi ng kanilang mga kasanayan at karanasan sa pagiging isang epektibong pinuno
Samantha Hendrix Dan Cedric V. Latasa
Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Quezon City High School 04 Tomo LXX | Blg. 1 | Sept 2023 - Mar 2024 BALITA ang parola

‘‘ CATCH ME! I’M FALLING

Kayong mga nakaupo siguraduhing hindi ningas kugon ang mga inilalatag sa laylayan.

Catch me, I’m falling for you” ay teka mali! hindi pala kanta ni Toni G. ang tinutukoy ko. Marahil nalilito na rin kayo ngunit tila isang kabuteng biglang sumulpot ang programa ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na “Catch Up Friday” na walang maayos na direktiba sa mga kaguruan. Kung kaya’t paano magiging matagumpay ang programang ito kung hindi handa ang mga kaguruan sa pagpapatupad nito. Tila isa na naman itong panakip butas sa mas malalaking suliraning kinahaharap ng kagawaran.

Kung kaya’t kung kami ang tatanungin ukol sa proyektong ito ng ating kagawaran, wala kaming nakikitang magiging positibong resulta sapagkat lumalabas na isa itong malaking panakip butas sa kung ano ang tunay na kalagayan ng mga mag-aaral. Hindi ba’t ang nararapat ay ang pagpapaigting ng mga ganitong programa sa antas ng elementarya nang sa gayon ay pagtungtong ng mga mag-aaral sa sekondarya ay bihasa na ang mga ito sa pagsulat, pagbasa at pag-intindi. Isa pang nakikita naming epekto nito ay ang pagkahuli ng mga guro sa pagtalakay ng kani-kanilang mga paksa dahil sa pagbibigay ng isang araw kada linggo upang pagtuuan ang pagbabasa na sa halip ay nagagamit upang matapos ang mga kinakailangang maisakatuparang mga aralin. Hindi ba’t binago ng DepEd ang “School Calendar” kung kaya’t inaasahan na mababawasan ang araw ng pasok at mas magiging limitado ang pagtuturo ng mga aralin. Nitong ika-5 ng Disyembre 2023, inilabas ng Programme for International Student Assessment

na ang ating bansa ay 77th sa 81 na mga bansang lumahok dito base sa pagsusuri na isinagawa ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), sa aming panananaw isa ito sa naging malaking daan sa kung bakit binuo ng DepEd ang Memorandum Order No. 001, s. 2024 na layuning masolusyunan ang mababang estado ng mga mag-aaral sa larangan ng pagbasa. Ngunit tila ginagamit lamang ito upang makita na may aksyon na ginagawa ang kagawaran na sa katunayan ay mayroon naman nang naunang programa, at ito ay ang DepEd Memorandum No. 064, s. 2023 o “Every Child A Reader Program” na layuning paigtingin ang kakayahan ng mga mag-aaral na Pilipino sa kasanayang pagbasa. Tila ang biktima na naman sa ganitong mga hakbang ng kagawaran ay ang mga guro at mag-aaral sapagkat binuo ang “Catch Up Friday” ng hindi tinitingnan ang tunay na kalagayan ng mga nasa loob ng paaralan. Bakit pa kinakailangang bumuo ng isang programa kung

namang layunin. Hindi ba dapat ay pinaigting na lamang ito kaysa sa bumuo pa ng panibago. Kung kaya’t sino ba ang tunay na sinasalo ng “CATCH UP” ang mga mag-aaral ba o ang kagawaran. Para sa amin makabubuti kung ang naunang programa ng kagawaran ay pinaigting na lamang kaysa bumubuo ng panibagong programa sa halip ang programang “Catch Up Friday” ay mas magiging Maganda kung ang layunin nito ay balikan ang mga tinalakay ng mga guro mula araw ng Lunes hanggang Huwebes nang sa gayon sa pagsapit ng Biyernes ay bumuo ng mga pagtataya, pagsusulit, at mga gawain na kung saan ay magagamit ang mga araling natalakay sa naunang apat na araw na sa tingin namin ay mas epektibo upang mapagyaman ang kaalaman ng mga mag-aaral hindi lamang sa pagbasa kundi sa lahat ng asignatura. Kayong mga nakaupo siguraduhing hindi ningas kugon ang mga inilalatag sa laylayan. Hindi maging panakip butas sa mga nireremedyuhang kalidad na

MOBILE

MGA

MGA

Juratil

MANUNULAT NG

AGHAM

Ella Mae Ochua

Denzel Valdez, Lance E. Benlayo

MGA MANUNULAT NG ISPORTS

Dan Cedric V. Latasa, Emmanuel Valdez, Czacharie Francisco

Denlo Mariano

KONTRIBUTOR

Reggie Arienda Aishan Ebuenga jhanine Legarda Khea Castro Farhanna Sanday Hannah Toling

Treizzy Castro

TAGAPAYO Gng. Christy F. Baccoy

PUNO NG

KAGAWARAN NG FILIPINO

G. Jesse R. Vicente

PUNONGGURO

Dr. Josehpine M. Maningas

VOX POPULI

Ang seguridad ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan ay isang mahalagang aspeto na dapat bigyang pansin ng bawat institusyon. Sa paglipas ng panahon, mas lumalala ang mga hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral pagdating sa kanilang kaligtasan.

Isa sa mga pangunahing isyu ay ang kakulangan sa matibay na seguridad tulad ng malamig na pagtanggap ng bisita at pagmomonitor ng mga estranghero. Mahalaga ang pagtutok sa mga security measures upang mapanatili ang matiwasay at ligtas na kapaligiran para sa lahat. Ang pagtaas ng kaso ng pang-aabuso sa loob ng paaralan, mula sa pang bu-

‘‘

Mahalaga ang patuloy na pagsusuri at pagpapabuti ng seguridad sa mga paaralan para sa kaligtasan ng bawat isa.

Ligtas ka nga ba talaga?

bully hanggang sa mas malupit na mga krimen, ay nagbibigay-diin sa pangangailangan ng masusing pagbabantay at pangangasiwa. Ang mga paaralan ay dapat maging lugar ng edukasyon at hindi ng takot.

Sa aking palagay, kailangang maging produktibo ang mga paaralan sa pagpapatupad ng mas matibay na seguridad. Dapat ay may malinaw na plano at sistema upang masiguro ang kapakanan ng mga mag-aaral at kawani ng paaralan. Naranasan ko ang kakulangan ng seguridad sa paaralan, kung kaya’t mas lumalim pa ang aking pang-unawa sa kahalagahan ng malakas na seguridad para sa lahat.

Mahalaga ang patuloy na pagsusuri at pagpapabuti ng seguridad sa mga paaralan para sa kaligtasan ng bawat isa.

Ang bawat hakbang na ating gagawin ay magbubunga ng mas maayos at kaayaayang karanasan para sa bawat magaaral.

Nananawagan ako sa pamunuan ng paaralan na maging mas produktibo sa pagpapatupad ng mga hakbang upang mapabuti ang seguridad. Kailangang maging bahagi ng pang- araw-araw na pamumuhay ang malakas na seguridad upang masiguro ang kapakanan ng bawat isa.

opinyon Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Quezon City High School | Tomo LXX | Blg. 1 Setyembre 2023Marso 2024 | Quezon City | National Capital Region 05 parola ang
PATNUGOT John Patrick C. Clavo
Cedric V. Latasa
SA BALITA Samantha Hendrix Esposo
SA KOLUM Carl Cedrick C. Clavo PATNUGOT SA LATHALAIN Mark Gerick Tolentino
SA AGHAM Jhon Christian Patiga
NG LARAWAN Carl Eupeña
patnugutan PUNONG
KA-PATNUGOT Dan
PATNUGOT
PATNUGOT
PATNUGOT
TAGAKUHA
JOURNALIST John Robin D. Nicolas Elaiza Babon
Mondragon Gilberto Panelo Jr. Alexi
Carl
KARTUNISTA Xyruz
Vince Pajac
Jesril Sanchez
PAG-UULO
BALITA
Montalban Ianne
NG BALITA Juddeas Rosaldo
TAGAWASTO NG SIPI AT
NG
Lady
Courney Bondoc MANUNULAT
MANUNULAT NG EDITORYAL John Patrick C. Clavo, Aliyah Caparal
KOLUM Jasmine
MANUNULAT NG
Mañoza
MANUNULAT
LATHALAIN Lorenz Alfonso Alva, John Robin
Nicolas, Lianne Llanes, Arianne Grace Tamares, Reika Anjeli
NG
D.
EDITORYAL
John Patrick C. Clavo
Cedrick Clavo
Carl
VOX POPULI KAPAKANANKALIGTASAN

Pamumuhunan sa kinabukasan

Ang pondo ng paaralan ay isang mahalagang aspeto sa pagpapaunlad ng edukasyon. Sa pamamagitan nito, maaaring mapabuti ang pasilidad, matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral at palakasin ang kalidad ng pagtuturo.

Ang sapat na pondo ay makakatulong sa pagpapagawa at pagsasaayos ng mga silid-aralan, mga laboratoryo, at iba pang pasilidad na kinakailangan para sa mas epektibong pag-aaral. Ang pondo ay nagbibigay ng pagkakataon na matugunan ang mga pangangailangan ng mga magaaral tulad ng mga libro, kagamitang pampaaralan, at mga proyektong pangedukasyon na nagpapalawak ng kanilang kaalaman at kakayahan. Sa pamamagitan ng tamang pondo, maaaring mapalakas ang kakayahan ng paaralan na magbigay ng sapat at de-kalidad na mga kagamitan tulad ng mga teknolohiya at gamit sa pagtuturo na makakatulong sa mas mabisang pagtuturo.

Sa aking palagay, ang sapat at tamang paggamit ng pondo ng paaralan ay isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng edukasyon. Kapag may sapat na pondo, mas

Sa huli, ang pondo ng paaralan ay isang pundasyon ng pag-unlad ng edukasyon. ‘‘

Panibagong yugto ng pag-asa

maraming oportunidad ang maibibigay sa mga mag-aaral at guro upang makamit ang kanilang mga layunin at pangarap sa larangan ng edukasyon.

Bilang isang mag-aaral, naranasan ko ang epekto ng limitadong pondo sa aming paaralan. Madalas kaming nagkukulang sa mga kagamitang pampaaralan at ang ilan sa mga silid-aralan ay hindi sapat ang kondisyon para sa mabisang pag-aaral. Sa huli, ang pondo ng paaralan ay isang pundasyon ng pag-unlad ng edukasyon. Sa pamamagitan ng wastong paggamit at pagtugon sa pangangailangan ng paaralan, mas mapapalakas ang kalidad ng pag-aaral at matutulungan nito ang mga mag-aaral na maabot ang kanilang mga pangarap. Kaya naman, mariin nating suportahan at bantayan ang tamang paggamit ng pondo ng paaralan. Ang bawat pondo na inilaan para sa edukasyon ay isang pamumuhunan sa kinabukasan ng ating bansa. Magtulungan tayo upang siguruhing ang bawat paaralan ay may sapat na suporta at mapangalagaan ang kapakanan ng mga mag-aaral at guro.

Sa paglipas ng mga buwan, nararamdaman natin ang pag-usbong ng bagong pag-asa sa pagbabalik eskwela. Ang Hunyo ay hindi lamang simpleng pagbubukas ng klase; ito ay isang pagsilang ng mga bagong ideya, kaalaman, at pagkakataon para sa ating lahat.

Sa panahon ngayon, lumilitaw ang mga bagong paraan ng pagtuturo gamit ang teknolohiya. Mula sa online classes hanggang sa interactive learning tools, nabubuksan ang ating kaisipan sa mga modernong paraan ng pag-aaral. Ang pagsasanib ng tradisyunal na klase at online learning ay nagbibigay ng mas malawak na oportunidad para sa lahat na magtagumpay. Ito

ay nagbubukas ng pintuan sa mas maraming magaaral, anuman ang kanilang estado at lokasyon. Sa aking palagay, ang pagiging bukas sa mga inobatibong ideya sa edukasyon ay nagdadala ng malaking potensyal para sa mas malalim na pangunawa at mas mataas na antas ng paghahanda para sa hinaharap. Bilang isang magaaral sa isang moderno at

mapanghamong panahon, napagtanto ko ang kahalagahan ng pagiging handa sa pagbabago. Ang aking karanasan ay nagturo sa akin na maging malikhain at adaptibo sa iba’t ibang paraan ng pag-aaral. Sa pagtahak natin sa bagong yugto ng edukasyon, tayo ay humaharap sa masalimuot na landas ngunit puno ng pag-asa. Ang pagsasama-sama ng mga bagong ideya at tradisyunal

na konsepto ay nagbubukas ng mas malapad na pintuan para sa tagumpay. Ating tahakin ang landas ng bagong pag-asa sa edukasyon. Huwag tayong maging hadlang sa pagbabago, bagkus magtulungan upang mapabuti ang kalidad ng ating pag-aaral. Sa pagiging bukas at aktibo sa mga bagong oportunidad, tungo sa kongkreto at “MATATAG” na pundasyon ng bukas.

Ang kawalan ng mga nurse sa mga clinic ng paaralan ay nagdudulot ng banta sa kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral.

Masakit na katotohanan Ang Tinig ng Masa

Ang mga nurse ay may kasanayan sa emergency response at pagbibigay ng unang tulong sa mga naaksidente o sakuna sa paaralan. Ang mga nurse ay nagbibigay ng regular na pangangalaga at pagmomonitor sa kalusugan ng mga magaaral, tulad ng pagbibigay ng gamot sa mga may regular na kondisyon tulad ng asthma o diabetes. Ang nurse ay nagbibigay ng edukasyon sa kalusugan ng mga mag-aaral, tulad ng pagtuturo sa tamang nutrisyon at pangangalaga sa sarili, tila hindi ito nakikita ng ating kinauukulan at hindi ito pinapahalagahan. Sa aking palagay, napakahalaga ng pagkakaroon ng mga nurse sa mga clinic ng paaralan upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral. Ang kanilang

kasanayan at kaalaman ay mahalaga para sa agarang pagtugon sa mga aksidente at pangangailangan sa kalusugan ng mga magaaral.

Bilang isang mag-aaral, naranasan ko ang kawalan ng nurse sa clinic ng aming paaralan. Sa ilang pagkakataon ng mga aksidente o mga pangangailangan sa kalusugan, hindi kami agad na nabibigyan ng tamang tulong dahil kulang sa kaalaman at kasanayan ang mga staff na naroon. Sa kabuuan, ang pagkakaroon ng mga nurse sa mga clinic ng paaralan ay hindi dapat balewalain. Ito ay isang pangunahing bahagi ng pag-aalaga sa kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral. Hinihikayat ko ang mga paaralan at mga kinauukulan na bigyan ng sapat na pansin at suporta ang pagkakaroon ng mga nurse sa mga clinic ng paaralan. Ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral ay hindi dapat ipagsawalang bahala.

‘‘

ang pagkakaroon ng mga nurse sa mga clinic ng paaralan ay hindi dapat balewalain.

Sa kasalukuyang panahon, ang Artificial Intelligence (AI) ay nagiging bahagi na ng ating pang araw-araw na buhay. Sa loob ng ilang dekada, ito ay naging isang kapana-panabik na teknolohiya na nagbubukas ng maraming posibilidad. Ngunit sa kabila ng mga potensyal na benepisyo nito, mayroon din akong mga nararamdaman at opinyon ukol dito.

Bagama’t may mga pagunlad na dulot ang AI, mayroon din akong pangangamba sa kaligtasan at seguridad. Ang kakayahan ng AI na magtamo ng malawak na impormasyon at mag desisyon ay maaaring magdulot ng mga hindi inaasahang epekto. Halimbawa, ang paggamit ng AI sa pagsasagawa ng autonomous na mga sasakyan ay maaaring magdulot ng mga aksidente sa kalsada. Ang panganib ng monopolyo o kontrol sa AI ng ilang mga korporasyon o bansa ay maaaring magdulot ng labis na pag-aangkin sa impormasyon at kapangyarihan. Ito ay maaaring magresulta sa

pagkakaroon ng mas maraming pagkakaiba-iba sa lipunan at potensyal na diskriminasyon sa mga walang kakayahan na sumabay sa teknolohiya. Sa aking palagay, ang AI ay isang kapaki-pakinabang na teknolohiya kung ito ay ginagamit nang maayos at may responsibilidad. Bilang isang software developer, ako ay nakakita ng mga positibong epekto ng AI sa larangan ng kalusugan, edukasyon, at industriya. Gayunpaman, bilang isang mamamayan, ako ay may pag-aalala sa mga etikal at moral na isyu na kaakibat ng pag-unlad ng AI. Samakatuwid, ang aking pananaw sa Artificial Intelligence ay may halong pangamba at pagasa. Sa tamang pangangasiwa at regulasyon, maaari nating masiguro ang pag-unlad ng AI na magdudulot ng kabutihan sa lipunan at hindi maglalagay sa mga tao sa panganib. Upang mapanatili ang balanse sa pag-unlad ng AI, mahalaga na maging mulat at makilahok sa mga diskusyon at desisyon patungkol dito. Ang pagsasagawa ng mga regulasyon at patakaran na nagbibigay proteksyon sa mga indibidwal at lipunan mula sa mga posibleng negatibong epekto ng AI ay isang mahalagang hakbang tungo sa isang mas makatarungan at ligtas na kinabukasan.

Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Quezon City High School 06 Tomo LXX | Blg. 1 | Sept 2023 - Mar 2024 OPINYON ang parola
sa mga numero total respondents 1559 students 441 students Wants Old Academic Calendar Wants New School Year 2000
VOX POPULI VOX POPULI
Lorenz A. Alva
Jacob Ebuenga
Aishan Reika Anjeli G. Juratil Ella Mae Ochua
78% 22%
VOX POPULI BOSSESMASA
TO!
TOTOO LANG!
ATIN

K-popaganda o K-popagulo?

Bakit nga ba nakakapukaw-damdamin ang K-Pop o Korean Pop? Dahil sa mga nag gagandaha’t nag-gwapuhang mga mukha o Dahil sa sayaw na inihahandog nila? Malalaman natin.

Iba ang Korean pop sa kadalasang naririnig sa mga kanlurang tugtog o western music, madaling makita kung bakit maraming tao ang naadik dito. Ang mga kaakit-akit na melodya, kahangahangang koreograpia, at walang kamali-mali na mga aktibidad ng grupo ay nag-aambag sa kasikatan na ito. Ang mga grupong ito ay may ilang partikular

na istilo na tumutulong sa kanila na tumayo sa gitna ng karamihan.

Bilang isang mag-aaral, kahit ako ay mayroong mga kantang pag naririnig tumugtog ay di hamak na gagalaw at gigimik ang aking katawan.

Pero bakit nga ba ayaw ng ibang Pilipino sa K-pop?

Marahil maraming mas tumatangkilik sa kultura ng Korea at nalilimutan ang

sariling kultura nating mga Pinoy. Nawala na rin ang pag yakap ng ibang Pinoy sa ating kulay, nagiging panuntunan din ang ganda ay dapat mala-koreana, nasaan ang sinasabi ng marami na “Filipino pride”?

Ikaw, ano sa tingin mo?

Liham sa Patnugot

“MINDANESE”

‘Oras na upang magkaisa, maging mapanuri sa mga inaasta ng na mahala.

Nabalitaan mo na ba ang mga away politika nitong mga nakaraang araw? Dating Pangulong Rodrigo R. Duterte at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., mukhang nagkakainitan na. Nang dahil sa pagpayag ni PBBM na makapasok ang International Criminal Court o ICC upang

pangulo na ihihiwalay na lamang daw ang Mindanao sa Luzon at Visayas dahil “magulo” raw sa Luzon at Visayas. Ngi? Ano na ang nangyayari?

Hindi ko maiwasang mangamba. Kung ang pamahalaan natin ay nagkakagulo-gulo na, paano na mapapamahalaan nang maayos ang ating bansa?

Dapat bang tanggapin ang ganitong tila ba’y “awaybata” sa politika o hahayaan nalang natin sila?

Oras na upang magkaisa, maging mapanuri sa mga inaasta ng mga namamahala. Suriing

Bye Philippines, hello Mindanao! Naghiwalay na nga ang Kathniel, sasabay pa ang paghihiwalay ng Luzon, Visayas, at Mindanao? Nakakatawang isipin, kaya ito na nga ang chika, silipin natin!

mabuti kung ang kanilang mga aksyon ay katanggaptanggap pa ba? Away bata sa politika, ayusin na. Nawa’y ang mga pangyayaring ito ay maging aral sa ating mga kababayan. Bumoto nang naaayon sa katotohanan. ‘Wag mong ibenta ang iyong kalayaan.

Madelaine Shannah F. Ojano

Nitong mga nakakaraang araw, kapansin-pansin ang labis na init sa loob ng aming silid-aralan. Hindi na po nagiging madali ang pakikinig sa klase dahil sa init ng silid. Kahit pa magpaypay nang tuloy-tuloy, tila hindi pa rin napapawi ang init. Dahil dito ay pinagpapawisan po ako, at ang aking mga kamag-aral bunsod ng napakainit naming silid-aralan.

Hiling ko po, sana’y bigyang pansin ng Administrasyon ng paaralan ang init sa loob ng mga silid-aralan at sana ay magkaroon na ng sapat na bilang ng bintilador ang aming silid. Nang sa gayon, hindi na kami magtitiis sa aming mga silid dahil sa init ng panahon at tunay na mapagtuunan ang araling tinatalakay at hindi na kinakailangang magpaypay, at magpunas ng pawis nang dahil sa init ng aming silid-aralan.

PISA! ANG PINAS

Economic Cooperation and Development (OECD)

Kung ating titingnan at pagmamasdan ang kalagayan ng sistema ng edukasyon sa ating bansa tila hindi maipagkakaila na ang mga mag-aaral ay hindi kayang sumabay sa pandaigdigang istandard ng PISA sa larangan ng Matematika, Agham at pagbasa. Kung ako ang tatanungin nararapat ang naging resulta ng assessment na ito upang mabigyan ng atensyon ng ating pamahalaan ang lumalalang isyu sa edukasyon. Matatag nga bang maituturing ang ganitong sistema ng edukasyon kung ang bansa natin ay kutelat sa larangan ng Matematika Agham at pagbasa. Tila hindi nabibigyang pansin ang

ganitong mga klase ng mga isyu sa ating bansa, sapagkat nakatuon ang pansin at atensyon sa pagwaldas ng pondo sa Kagawaran ng Edukasyon.

Base sa ginawang assessment ng PISA, ang ating bansa ay nasa Ika-77 ang estado sa 81 na mga bansang lumahok. lubhang nakadidismaya ang ngunit ito ang realidad. Sapagkat hindi man lang naabot ang average na iskor ng (OECD) na 472 sa larangan ng matematika gayundin sa agham at pagbasa. Naitala lamang ng ating bansa ang 353 na iskor tunay na nakagigimbal na katotohanan. Nakalulungkot ngunit ito ang realidad na kinakaharap ng ating bansa na kahit sa kabila ng lahat ng pagpupursigi ng mga guro at magaaral ay hindi pinagtutuunan ng

pansin ng ating pamahalaan ang pagpapayaman ng kaalaman para sa ating batang pilipino, sapagkat ang pondo na para sana sa edukasyon ay “confidential” Hindi Gadget o Teknolohiya ang problema kundi ang sistema. Hindi lang din natin ito ginagamit upang pagyamanin ang kaalaman ng bawat bata. Matatag tayong mga pilipino, ngunit ang kasalukuyang estado ng edukasyon ay hindi. Paigtingin ang programa ng kagawaran nang sa gayon lahat ay mag bunga. Ayusin ang plano at isaalang alang ang kapakanan ng bawat mag-aaral na Pilipino. Halina’t pati ang mga nasa pamahalaan at kagawaan ay pumasok sa paaralan para makita ang totoong kalagayan.

Tugon sa Liham

Ang Parola

Mahal na Patnugot, Mapagpalang araw,

Ipinaaabot ng aming publikasyon ang pagtanggap ng iyong liham.

Lubos naming nauunawaan ang iyong inihatag na kondisyon ng mga mag-aaral higit lalo na sa panahong ito. Kagaya mo/ ninyo ay dinaranas nating lahat ang tindi ng init dahilan sa “apparent temperature” o heat index na umaabot ng 31 degrees o higit pa kada araw. Ang liham mo ay sinisiguro naming makakarating sa kinauukulan. Gayunpaman, magkaroon na lamang muna ng mga alternatibong pamamaraan upang maibsan ang init sa silid-aralan. Sikaping magdala ng tubig, pamaypay at pampunas ng pawis. Isipin natin na “Init lang ‘yan, Quezonian ka.” Tayong mga Quezonian ay lubos na matiyaga at maparaan. Nawa, sa kabila ng init ng panahon ay hindi mawala ang init ng iyong kagustuhang matuto at maging produktibong mag-aaral.

OPINYON
VOX POPULI VOX POPULI VOX POPULI
John Patrick C. Clavo
Jasmine Mañoza
07 Tomo LXX | Blg. 1 | Sept 2023 - Mar 2024 Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Quezon City High School ang parola
One plus One equals Two, Two plus Two equals Four. Ang simple kung titingnan pero bagsak pala sa kasalukuyan. Nitong mga nakaraang araw naglabas ng datos ang Programmers for International Student Assessment (PISA) na ang pilipinas ay nasa Ika-17 ang estado sa 87 na mga bansang lumahok sa Assessment ng PISA. Ito ay batay rin sa Organization for Khea Katriel O Castro POPINYON DIRETSAHAN

SOTHISISMESWALLOWINGMYPRIDE

Uy, aminin. Kinanta mo headline ko ‘no? Kung Swiftie ka, gets na gets mo ‘yan pero nabalitaan mo na ba? Na ang mga kanta ng ating INANG, inooffer na bilang kurso sa kolehiyo!

Naku! Kumapit ka! Unibersidad ng Pilipinas lang naman ang nagpauso n’yan! “Taylor Swift Course”, papalampasin mo pa ba ‘yan? Ang sarap pumasok kung ang pagaaralan mo lang naman ay ang mga musika ni Inang, ‘di na lugi ‘di ba?

Nakaka-engganyo magaral, magandang paraan ito upang mahikayat ang mga Pilipino na mahalin pa ang asignaturang

Musika. Anong walang pera sa arts? Kaltukan kita r’yan. Magaling tayo sa larangan na ‘yan, muli nating ibalik ang bahaghari sa mga ating mga napapakinggan. Wala namang

nagtatanong pero ang mga kanta rin ni Taylor Swift ang gumagabay sa akin sa panahon ng kalungkutan, kasiyahan, at ano ano pang karanasan. Tila ba sa kahit anong panahon

Bandalismo’y itigil nyo!

Isa sa mga problema ng ating paaralan ang bandalismo sa loob at labas, upuan, dingding o CR man iyan ay hindi tinatantanan ng iilang magaaral, ngunit naisip niyo ba kung sino ang nahihirapan?

Isa sa nahihirapan dito ang mga taga-linis ng paaralan, nahihirapan silang linisin ito dahil permanent marker, at spray paint ang ginagamit ng ilang mag-aaral upang mag bandalismo.

Ang mga guro at utility workers na naatasang panatilihing maayos ang pagmamay-ari ng paaralan ang nagdudusa dahil sa kagagawan ng mga magaaral, sila ay nahihirapan na patigilin ang bandalismo sa paligid ng campus.

Mismong paaralan na rin ang nahihirapan na solusyunan ang mga ganitong uri ng suliranin, kagaya na lamang ng suliranin sa mga upuan,lamesa’t pinto at palikuran na marurumi dahil sa bandalismo.

Para sa akin ito ay hindi makatarungan, ginawa ang upuan upang atin itong upuan at hindi sulatan, mayroon din tayong papel na sinusulatan ngunit mas pinipili pa nila na sumulat sa hindi nila pagmamayari, hindi ba nila na isip na ang kanilang ginawa ay lubosan na!,nag-aaral na nga sa paaralang walang binabayaran binababoy pa ang kagamitan, asan doon ang katarungan?

Sabi ng iilan, nagagawa ng iilang studyante na magbandalismo dahil nagpapasikat ito sa kanyang kaibigan at iparating na maangas ito, isa pa ginagawa raw nila ito dahil gusto nilang ipakita nila ang kanilang talento.

159,000

Beke Nemen!

ay swak na swak ang mga kanta n’ya kaya hindi natin masisi kung bakit mahal na mahal s’ya ng masa at kung bakit pinili ng Unibersidad ng Pilipinas na ituro ito sa masa.

Ang angas ‘di ba?

Kaya i-break na natin ang stigma na hindi pwedeng magsaya sa pag-aaral, pati na rin ang sabi- sabi na walang pera sa musika o arts. Hindi naman totoo

Ating isipin na pahalagahan ang ipinahiram na kagamitan nang sa gayon ito ay magamit pa ng iba, huwag nating sirain para lang tayo ay maging bida, isipin na ang pagbabandalismo ay lubos na nakakaapekto sa pagpapanatili ng maayos na lugar sa pagkatuto.

EDITORYAL

‘yan, sa dulo ng araw, ang magiging mahalaga lang naman ay kung saan ka masaya, ‘di ba?

Kaya hikayatin natin ang bawat isa, malay mo may tinatagong talento ka pala. Kung mahal mo ang musika, subukan mo na. Andiyan na ang Taylor Swift Course, inaabangan ka.

91% ng batang Pilipino ang hindi pa bihasa sa pagbasa at pagsulat.

#CHACHAROT

Ate! Kuya! Narinig mo na ba? Charter Change ng mga kongresista, magandang bagay nga ba?

CHACHA. Hindi isang sayaw! Hindi ‘to AYUDA! Alam mo kung ano? PETISYON, petisyon na naglalayong baguhin ang Saligang Batas sa gamit ang People’s Initiative! Paraan upang ang mga tao mismo ang manguna upang baguhin ng bahagya ang Saligang Batas ng Pilipinas. Papirma ang teknik nila, para sa masama o para sa maganda? Kung G ka sa 100% land ownership ng mga ‘porenjer’, eh bahala ka pero makinig ka muna. Narinig mo na ang bigas para sa pirma, isang daan para sa pirma, kakasa ka pa ba? Nakakatawa, hindi ba? Sino ang makikinabang? Ang dayuhan at ang may kapangyarihan. Nasaan sa plano ang kabutihan ng mamamayan?

Bilang isang kolumnista, lunod ako sa iba’t ibang klase ng balita. Hindi lingid sa aking isipan ang mga nangyayari sa ating lipunan. Nakakapagtaka, bakit uunahin ang mga ganiyang pabida kung yukongyuko na ang ating mga magsasaka. Bakit hindi unahin ang kalidad ng edukasyon, bingi-bingihan sa katotohanan na ang bansa natin ay nahuhuli na?

Tuluyan tayong magiging luhudluhuran sa mga dayuhan. Imbes na talakayin ang mga kaban ng bayan na napupunta sa bulsa ng mga nakaupo sa pamahalaan,iyan ang solusyon nila. Imbes na bigyang sagot ang mga paghihirap ng ating lipunan, mas binibigyang tuon ang kanilang sariling kapakanan.

Murang bigas? Kalidad na edukasyon?

Imbes na iiyak mo ‘yan, ikain mo nalang ‘yan.

Tara! Saan? Kain muna tayo! Ih, wala akong pera. Libre na kita! “Libre na kita”, katagang ang sarap pakinggan ano? Beke nemen! Kwek-kwek, Fishball, at palamig lang diyan sa kanto ng Quazo, oks na oks na ako!

Bungad palang ng Quazo, bang! Babahain ka na ng iba’t ibang klaseng putahe. Lugaw, Donuts, Kikiam, at marami pang iba. Oh diba? Bukod sa mura, hindi naman natin maitatanggi na iba talaga ang sarap na iyong malalasap sa mga street food sa harap ng ating eskwelahan. Saktong sakto lang dahil hindi naman natin maipagkakaila na dahil magaaral pa lamang ay minsan kapos sa pera pero dahil sa mga street food sa harap ng Quazo, talaga naman ang Quezonians ay busog na

busog na sa murang halaga! Bilang mag-aaral, hindi naman natin maiiwasang ma-haggard sa mga gawain sa eskwelahan. Swerte lang ng mga Quezonian dahil ang stress pwedeng idaan sa kain ‘yan! Kaya naman, ‘wag ka na mag inarte diyan. Imbes na iiyak mo ‘yan, ikain mo nalang ‘yan.

Dahil ISAW lang sapat na. Ngunit sa pagkain ay magingat pa rin, masarap man ngunit maging masuri pa rin. Mag ingat sa mga kinakain ngunit ang pagpapalipas ng gutom ay ‘wag na ‘wag gawin.

WER NA U? Kapag CHACHA ang usapan ay nagsasayawan sila ngunit kapag totoong problema na ang hinahain, tahimik na sila. Bago pumirma, magkumpirma. Baka iyong ‘di namamalayan, binebenta mo na pala ang iyong kalayaan.

Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Quezon City High School 08 Tomo LXX | Blg. 1 | Sept 2023 - Mar 2024 OPINYON ang parola
Aliyah Salonga
VOX POPULI VOX POPULI Reggie S. Arienda Jasmine Mañoza
‘‘
Ayon sa World Bank (2022) VOX POPULI PALAGAY KO TULDUKAN NA
mga numero
DIRETSAHAN sa
Ayon sa DepEd (2023), nasa
ang classroom shortage sa bansa

Kahit liwanag ng buwan sa gabi, ‘di ko na masisita Iisa lang ang naghaharing tala sa mundo, tanging ikaw ang liwanag sa buhay ko

(Bahagi ng Awitin mula sa “Tunay na Ligaya” ni Ariel Rivera)

Tol! May patutunguhan pa ba ang mayroon tayo? Ang aking nararamdaman ay tila isang rosas sa hardin, nagbubunga kapag ito’y naaalagaan.

Maniniwala ka bang kaibigan lamang ang turing sa’yo ng iyong kaibigan kung sa likod nito ay ipinapakita ang mga bagay na hindi pangkaraniwan sa isang pagkakaibigan tulad ng ‘instant update’ kasama ang katagang “kumain ka na ba?” ka-fling sa umaga, katulugan sa gabi. Hindi maikakaila na ang iba sa atin ay nakakaranas ng ganitong pagkakataon sa ating buhay.

Marahil ay mapapaisip ka kung ano nga ba ang kahulugan nito at ang magiging epekto nito sa’yo kung walang katiyakan ang lalim ng mga salitang binibitawan.

Ang pagkakaroon ng isang kaibigan na maituturing mong espesyal ay nakagagalak sa ating mga puso na para bang isang matamis

na kendi, umuukit at nananatili ang tamis sa ating panlasa. Sa sarap nito ay hindi mo magawang hindi ulit-ulitin, balik-balikan ang bawat segundong dama ang ligaya at halaga sa iyong puso.

Naramdaman niyo na rin ba ‘yung mga pagkakataong pakiramdam ninyo ay nakalutang kayo sa mga ulap? Sa halimuyak ng bawat sandali, sa pagsilip ng buwan tuwing gabi, sa harana ng mga bulaklak, at sa haplos ng pagmamahal.

Kay sarap isipin na mayroong nagpapahalaga sa atin, bumubuo sa atin, umaalalay sa atin, nais tayong makapiling at handang ialay ang buhay para sa atin. Maligaya ang ating puso lalo’t kapag kapiling natin siya, siya na nakadaragdag ng ngiti sa ating mga labi, siya na hindi mawala-wala sa ating isipan sa tuwing tayo’y nananabik na makasama siya na bumubuo ng araw natin kapag tayo’y nababalot ng pagod at lungkot, siya na nagpaparamdam na tayo’y espesyal at handang lakbayin ang dalampasigan nang magkasama.

Ikaw, anong handa mong isakripisyo para sa iyong minamahal?

Sana, ikaw na ang aking BFF Premium!

Ikalawang tahanan na kung saan ay nakakasalamuha ng mga bagong kaibigan. Naghahatid sa mga musmos na bata tungo sa kanilang minimithing pangarap.”Masdan mo ang aking mata ,’di mo ba nakikita. Ako ngayo’y lumilipad at nasa langit na, gusto mo bang sumama.” Mula sa awitin ng Eraserheads na Alapaap. Ka’y sarap lumagpas sa mga alapaap, malawak, matayog at damangdama ang kalayaan.

Parihaba, matatayog na mga gusali at maraming silid, gan’yan ilarawan ang tahanan na punong-puno ng kaalaman. Bukas para sa lahat, walang pinipiling edad o kasarian. Isang tahanan na nakatira ang mga munting lobo, lobo na gustong lumipad sa alapaap. Lilipad patungo sa minimithing pangarap.

Ang mga magulang sa tahanan na ito ay hinuhubog ang mga lobo upang maging matayog ang lipad, nilalagyan ito ng hangin na nagsisilbing kaalaman. Simula sa pagtungtong sa paaralang sekondarya, mga lobo na kaming patuloy na hinahanginan.

Ang pipit na lobo ay napupunuan

ng kaalaman at pagmamahal. Lobo na hindi nag-iisa dahil kasama ang mga kaibigan. Nasa isang bigkis ng samahan, nagtutulungan para sa kinabukasan.

Paaralan ang tawag sa ikalawang tahanan ng mga mag-aaral. Lugar kung saan marami silang natututuhan, lugar kung saan maraming nakikilala o nakakasalamuha.

Malaya, puno ng kaalaman at kasanayan lilipad sa himpapawirin, hihipan ng hangin sa ibang direksyon tungo sa masaganang kinabukasan. Ka’y ganda pagmasdaan ang mga lobong lumilipad sa alapaap o mga mag-aaral na lumilipad patungo sa mga minimithing pangarap.

Pahina ng Buhay

Sa paglipas ng panahon, nagbabago ang mundo, tayo ay bumubuklat ng mga bagong pahina tungo sa kaunlaran. Bawat pahina ng buhay, may taong nakaalalay, gumagabay at nagbibigay aral sa sanlibutan. Kamay ang tumutulong upang mapadali ang paglipat ng mga pahina ng kasalukuyan.

Kaibigan ang aklat, nagtuturo ng mga bagong kaalaman, bibigyan ka ng ideya at tamang paraan upang ang aralin ay maunawan. Kung nahihirapan sa aralin maaaring lumapit at magbasa sa aklat upang ang problema ay masagot agad, ang aklat ay maaasahan sa oras ng pangangailangan. Pangalawang magulang kung tawagin, sila ay ang liwanag na nagsisilbing gabay para sa landas na tatahakin. Turo nila ay papakinggan upang ang bagong pahina ay masulatan.

Bakya kong kay Taas

Ingay ng mga takong sa padausdos nitong latak.

Mga yapak sa pagitan ng mga kawayan, tatak ng mga kababaihan. Sa tunog nitong ka’y lakas, aba’t kisig ko’y bumibigkas.

Ang tatak niya’y kinagigiliwan sa tibay nitong taglay, sinisimbolo’y tapang at kisig ng mga kababaihan sa kasaysayan. Nakapilipit sa ating pinagmulan noon at magpakailanman. Pangunahing sapin sa paa ng mga Pilipino, iniingatan at pinupunyagi ng ating mga sinaunang mamamayan, ang kuwento sa likod ng

daan-daang hakbang tungo sa kasalukuyan. Ang ating mga bayani ang siyang nanilbihan sa ating bayan at nagbigay ng importansya sa atin mga Pilipino. Ang tibay ng bakya ang siya’ng naging pundasyon upang itayo ang mga paa ng mga kababaihan sa takot at karuwagan.

Ang bakya ang nagsilbing kasangga natin sa pag-apak ng mga hamon at tulad ng mga mamamahayag, sila ang ating kakampi sa pagharap at ipaglaban ang katarungan.

Gintong Regalo

Gintong regalo na padala ni ina. Pagdating ng araw ito ay magagamit at gagana.

“Pag nawala ako, pa’no ka na?” Tinig ni ina na ayaw kong naririnig. Para bang nagpapaalam at nagbabadyang siya’y lilisan na. Gastos dito, gastos kahit saan, gastos kahit hindi kailangan, ito’y binibili ng isang pindot lamang. Nauuso na ngayon ang online shopping, basta promo agad itong bibilhin. “Nak ano na naman itong parcel mo?” ‘Sing bilis dumating ng parcel ang paglisan ng pera sa aking pitaka. “Mag iipon na talaga, last na” Paulit-ulit na sinasabi, pero bakit tila’y walang pagbabago?

Pakiwari ko’y parang ibon na umalpas mula sa

hawla ang mga kwarta na nasa pitaka ko, sana pala sinunod ko ang payo ni ina.Payong mag-ipon at magtayo ng negosyo, mag-ipon para sa kinabukasan, hindi sa mga bisyo. Hindi pa huli ang lahat para gamitin ang gintong payo na pabaon ni ina. Puwede itong iimpok at paikutin para sa magandang simula ng matagumpay na kinabukasang malayo sa pagkakasadlak sa utang. Sa bawat yugto ng buhay may isang turo si ina na laging kaagapay. Nagsisilbing liwanag sa madilim na landas, laging kasama sa paglalakbay na nagbibigay gabay sa bawat yugto ng aking buhay.

Laging kasama mula umaga hanggang dapit-hapon. Laging maraming dala papuntang silid-aralan, dala-dala ang inihandang presentasyon para sa mga minamahal nilang mag-aaral.

Simula na ang oras ng klase, handa nang makinig sa panibagong turo niya, handa nang magtaas ng kamay sa tuwing sasagot sa kaniya. Laging handang pumasok dahil alam namin na nariyan siya.

Hindi makaila na sila ay pursigidong nagtuturo upang ang mga mag-aaral ay may matutuhan, kanilang pinaninindigan ang kanilang mga gampanin, sa eskwelahan man o sa kanilang pamilya. Sa likod ng mga presentasyon nila sa klase, hindi nila nakakalimutan ang kanilang pamilya na nagsisilbing tungkod upang manatiling nakatayo at tumindig sa harapan ng mga estudyanteng gustong matuto at lumawak ang isipan.

“Hindi lang ako pumapasok sa paaralan para magturo, kundi humubog ng isang indibidwal na may maayos na karakter’’G.Peter Tagab. Pagninilay na nagbibigay inspirasyon upang mas lalong magpursigi at magtrabaho ng may pananagutan at magtrabaho dahil sa hangarin ng pusong maglingkod ng walang alinlangan. Hindi maiiwasan na mapunta sa pangkat na magulo, maingay at makalat. Dadating sa silid na tila ba ‘y nasa palengke ka sa ingay

na umalingawngaw sa apat na sulok ng silid-aralan. Araw-araw na kalbaryo, ngunit kailangan gumawa ng paraan para mabago ang nakasanayan.

Lahat ng diskarte gagawin upang ang mga estudyante ay makinig at tumutok sa aralin. Pagsasabihan nang maayos at lahat ng inaing ay papakinggan, lahat ng mga hindi makasabay aalalayan. Iba-iba ang ating dahilan kung bakit tayo’y nasa kinatatayuan natin, bawat pahina may kwento, bawat tala sa kalawakan may ibig sabihin, hindi natin hawak ang tadhana natin, ngunit kaya natin mamili kung anong daan ang ating tatahakin. Pinipili natin kung ano ba ang katayuan natin sa hinaharap, tadhana lang ang kayang mag dikta ng kapalaran ng sinuman, ngunit kaya rin ng tadhana sumang-ayon sa nais mong marating sa buhay.

Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Quezon City High School | Tomo LXX | Blg. 1 Setyembre 2023Marso 2024 | Quezon City | National Capital Region 09 parola ang LATHALAIN
Reika Anjeli G. Juratil Lorenz A. Alva
‘‘

Piliing maging maingat, ‘pagkat ang padalos-dalos kadalasa’y nalulunod.

Sasakyang

Sumagwang Marahan PANDAGAT

tungo sa Kaunlaran

Marahan, mabagsik, nakalulunod at walang katiyakan ang bawat hampas ng alon sa karagatan ng ating buhay. Dumarating ang iilang mga sandali, na ang mga alon sa buhay natin ay walang kasing tayog. Nakatatakot, at nakapangangamba na baka ang ating mumunting sasakyang pandagat ay magapi ng naglalakihang mga alon na ito.

Wala ngang katiyakan kung kalian ba papayapa ang alon sa karagatan kung saan tayo’y lumalaot at umaasang gaganda ang antas ng pamumuhay; ang ating sasakyang pandagat. Hindi natin tukoy kung saan patungo ang mga alon, subalit tayo’y sumasabay sa lagaslas nito.

Marahang nagsasagwan, marahang naniniwala na makararating din tayo sa dalampasigan at makasusumpong ng kalupaan. Ano’ng ligaya kaya kung sa ating matagal at nakapapagod na pagsagwa’y ating matagpuan ang dalampasigan nating pinaka-aasam.

Tunay ngang walang katiyakan, ngunit ang bawat isa’y makaaasa na darating ang araw, yaong mga alo’y mapayapang hahampas, dadampi, at hahalik sa dalampasigan. Ang tangi na lamang natin kayang gawi’y umasa at maniwala sa tatag ng ating sasakyang pandagat.

Piliing maging maingat, ‘pagkat ang padalos-dalos kadalasa’y nalulunod. Marapatin, mabutihin, at siguruhin nating sa pagsabay sa alon nitong karagatan ng buhay, sasakyang pandagat nati’y iingatan at susuhayin gamit ang buong kakayahan.

Tulad ng alon sa karagatan, papayapa rin at mananahan ang ating mga problema at suliranin na malulutas nating tuluyan. Kung may buong determinasyon, pagpupursigi, at paninindigan, anumang liit o laki ng sasakyang pandagat at mapagtatagumpayan nating harapin ang nakalulunod na mga hampas ng alon.

Sibil ng Katapatan

Reika

“Taas noong naninindigan, Sa katuparang sinumpaan, Isang tinig mula sa himig ng mamamayang Pilipino”

Tulad ng bakal, ang mga Pilipino ay yari sa tibay at lakas, minsan mang ito’y bumaluktot, hindi kailanman masisira dahil ito’y matibay ang pundasyon.

Sa likod ng awiti’y isang kabataang manlalakbay at naglalayag na ang hangari’y makapaglingkod, makapaghatid ng inspirasyon, pag-asa at maging huwaran sa kaniyang kapwa. Tunay nga na isang grasyang nagbibigay lakas upang mapagtagumpayan ang bawat laban sa rumaragasa’t nakatatakot na mga alon ng karagatan nitong ating buhay. Ang kalipunan ng salita sa isang himig ang siyang sumasagisag sa kapangyarihang tinataglay ng bawat Pilipinong lumalaban sa nakalulunod na alon ng pagsubok sa ating buhay. Umaalimusom ang diwa ng bawat Pilipino, siyang nagpapatunay na sa kabila ng pagdarahop ay tumitibay ang bisig nito at handang liparin ang himpapawirin, taglay ang paninindigang taglay simula’t mula pa lamang. Walang salaysay kung wala ang mananalaysay, walang anak kung wala ang mga magulang, walang kulay kung wala ang pangkulay, hindi mabubuo ang kasaysayan kung wala ang kabayanihan. Mga bayaning isinulong ang kalayaan mula sa tanikala ng pagkakasadlak sa mga dayuhan. Sa tungkulin at pagkamamamayang kanilang sinumpaan habang saksi ang kalangitan. Gaya ng ating mga bayani ay naging sibil ng katapatan ang ating mga mamamahayag; sila’y tumindig, nanungkulan, naglingkod, lumaban, at kaban ng karunungan. Handang pagsilbihan ang bayan anuman ang laban. Tulad ng bakal, ang mga Pilipino ay yari sa tibay at lakas, minsan mang ito’y bumaluktot, hindi kailanman masisira dahil ito’y matibay ang pundasyon. Tunay ngang nagsisilbi ang awitin bilang sagisag sa ating patuloy na pakikipagsapalaran, pagharap sa alon ng karagatan, at pag-asa na ang katapatan ay ating patuloy na panindigan.

“Ang naglalakad nang matulin, kung matinik nama’y malalim.”

-Salawikaing Pilipino

Mula sa salawikaing mamamasdan sa itaas, ang ating pagyapak ay dapat na paka-timbangin at isipin nang ang paa’y ‘di matinik at katawa’y ‘di sumalagmak sa kalupaan. Sa ating pagsagwan sa karagatan nitong buhay, dapat lagi nating gawing marahan ang pagsagwan upang hindi rumagasa’t ang direksyong tinutungo’y maglahong tuluyan; maligaw ng landasing nais puntahan.

Oo, dumaratal ang iilang mga sandali na nais na nating makaalpas mula sa balsang ginagaamit sa pagharap sa mga alon ng pagsubok sa karagatan nitong buhay. Isang kakintalan ang nais iwan ng salawikain sa lahat; tayo’y h’wag magpadalos-dalos, ang lahat ng hakbang at kilos ay paka-isiping lubos. Marahan man ang pagsagwan, mabagal man ang kaunlaran, mas maigi na ang nag-iingat, kaysa subukin ang kapalara’t mabigo, sa karagata’y malunod at mawalan ng pag-asang muling makababalik sa mumunting balsang sinasagwan. Munting yapak, sa bawat sandali at pagkakataon. Huwag madaliin ang agos ng kapalaran sa karagatan ng ating buhay. Parating isapuso ang kadakilaang matatamo kung pagsusumikap at katatagan ang sentro ng ating pakikibaka’t marahang pagsagwan. Hindi natin kakayaning sa rumaragasang tubig at lagaslas ng karagata’y matabunan, ‘pagkat kung mangyari yaon, ang lahat nating pinaghirapa’y parang bula, maglalahong biglaan. Lumakad tayo, dahan-dahan. Sumagwan at maglayag nang marahan. Ating panghawakan ang katapatan at matatag na gampanan ang tungkuling sinumpaan. Saang bahagi man ng buhay olarangan, dapat tayong magdahan-dahan. Upang kung matinik man, hindi tayo mapipigilan na muling lumakad, sumagwan tungo sa mas maunlad na kinabukasan.

Tatak ng Nakaraang di Malilimutan

Lianne P.

“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan”

-Dr. Jose Rizal

Sa karagatan at agos ng panahon, may mga simbolo na tumatagos sa puso’t isipan ng bawat henerasyon. Ang mga ito, hindi lamang larawan, kundi alaala rin ng ating kasaysayan. Ang bawat tuldok, linya, at hugis ay may ikinukubling kwento na nagbibigay buhay sa mga istoryang nakatatak sa ating nakaraan. Mga simbolo na parang susi sa kahapon at nakaraan, ibabalik tayo sa mga nagdaan na at muling alalahanin ang aral na natamo mula sa kanila. Kapag tayo ay dumaranas ng kawalan ng direksyon at kaguluhan sa kung ano ang ating dapat na puntahan, ang balikan ang mga alaala ng ating nakaraan ay tulad ng

Dalawang Panata Parehong Dakila!

“Ako’y naniniwala na ang isang mamamahayag ay dapat lamang sumulat ng isang bagay na sa kaibuturan ng kanyang puso’y makatotohanan.” (Mga kataga mula sa: “Kredo ng Pamamahayag”)

Mula sa ‘Sibil ng Katatagan,’ na hinango mula sa Kredo ng Pamamahayag, tunay ngang pangako na ‘di mabubura nino man. Bilang isang mamamahayag, ang tungkuli’y di malilimitahan sa loob ng paaralan. Ang mamamahayag pangkampus ay hindi na pangkampus lamang. Siya ri’y kaalinsabay sa pagsusuhay ng katotohana’t pagpapalaganap ng impormasyong maaasahan. Sila ang tunay na tanglaw sa karimlan ng karagatan. Mga Parola na sa mga manlalayag ay tumatanglaw, mga tagapamalita at tagapamahagi ng impormasyon gamit ang iba’t ibang hatirang pangmadla. Sa kanililang paninindigan sa tungkuling sinumpaan, nababatid nila ang kaganapan ng kanilang katauhan; hindi nalilimitahan sa patimpalak ang gampanin bilang mamamahayag. Kung ano’ng puno sa puso ng isa, ay siyang madirinig sa kaniyang mga salita. Panata ng isang mamamahayag, pangako sa sintang bayan at pahayagan. Paninindigan ang tungkulin anumang pagsubok at unos ang dumaan. Isang patunay, na ang bapor ng pamamahayag ay ‘di magagapi nino’t alinman!

“Dahil mahal ko ang Pilipinas, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang, susundin ko ang tuntunin ng paaralan, tutuparin ko ang tungkulinng mamamayang makabayan; naglilingkod, nag-aaral, at nananalangin nang buong katapatan.” (Bahagi ng “Panatang Makabayan”) Giliw, mahal mo ba ang bansang Pilipinas? Taglay mo ba ang mga pagpapahalagang natutuhan sa apat

na sulok ng silid-aralan? O kaya’y, dinirinig mo kaya ang payo ng ‘yong mga magulang? Sana, mahal mo nga ang bansang sinilangan. Tayo’y namamanata sa pagiging makabayan sa bawat linggong dumaraan, pero, batid ba natin ang panata nating binibigkas saksi ang kalangitan? Siyang pagsibol ng isang katanungan: “Sineryoso mo kaya kahit minsan?”

Kahabag-habag t’wing mamasdan natin ang kasalukuyan ‘pagkat iilan sa ating mga kabataa’y ‘di na memoryado ang Panatang Makabayan. Linggo-linggo mang binibigkas at winiwika, hindi tanto ng iilan ang diwa sa kabila ng naturang panata. Kahabag-habag.

Subalit ito nga tayo bilang liwanag sa kabila ng kadiliman, parola, na handang tumanglaw sa mga manlalayag na naliligaw. Kung mayroong paninindigan sa sinumpaang kredo’t tungkulin, ay siya ring pagtanaw natin sa mas malaking misyon; ang pagmulat at muling pagtanglaw sa mga landasi’y naliligaw.

Pagpapasibol sa bawat isa ng pananagutang gampanan ang panata sa pagiging tunay na makabayan. Hindi pa huli ang lahat, hindi pa nagagapi ng alon ang ating balsa’t mga sasakyang pandagat. Mayroon pa tayong pagkakataon upang sagipin, tanglawan ang mga manlalayag upang kanilang matutuhan, ang tunay na kinakailangan, ang dapat na gampanan sa pamamanata bilang isang makabayan.

Tunay nga na dalawang panata, iisa ang diwa; parehong dakila, parehong kabayaniha’y makikita. Ngunit, subalit, makita nga lang ba? Ating panindigan, gampanan ang dalawang panata. Nang sa gayon, tayo nga ay magpamalas ng katangian sa pagiging totoong dakila.

Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino 06 OPINYON ang parola 10 LATHALAIN ako
Tolentino
Mark Gerick R. Tolentino Mark Gerick R.
Llanes
‘‘
Juratil
Anjeli G.
Tolentino
Mark Gerick R.

pagtingin sa liwanag na nagmumula sa isang parola. Ito’y gabay na nagtuturo sa ating mga manlalayag ng tamang landas tungo sa ating mga pangarap; tungo sa pagsapit sa pampang at dalampasigan. Ang nakaraa’y tumatatak sa ating karanasan. Ito’ng nagtuturo sa atin upang hindi na muling ulitin ang pagkakamali sa mga nagdaang pangyayari. Sana, tunay ngang tayo’y mayroong natutuhan mula sa mga natatanging karanasan, nang sa gayon, ating malaman na ang pinakamahusay na guro ay ang karanasan.

Sa bawat karanasan, atin nawang balikan ang nakaraan, naroon ang yaman ng ating kasaysayan. Ang mga ito, hindi lamang dekorasyon, kundi yugto ng ating paglalakbay bilang isang sibilisasyon. Sa ating paglaot sa karagatan ng buhay, hindi dapat natin malimutan kung sa’n tayo nagmula. Ako, ikaw, at ang bawat-isa, ay dapat na taglayin ang pangarap na winika ni Rizal. Hindi dapat natin malimutan ang ating pinanggalingan, nang sa paglaot sa karagatan ng buhay, hindi tayo maligaw at malaman ang ating pinagmulan upang gabayan ang ating landas tungo sa mas matatag, makabayang bukas na tanging kabayanihan ang mamamasdan.

Kinang ng Medalya

Lorenz A. Alva

Sa karagatang nilalakbay ay may mga dagok na kinahaharap, dagok na tutulungan ka upang higit na maging malakas at matatag para sa ating minimithing pangarap. Bawat alon na humahampas sa balsa, ito’y ating kahaharapin.

Maglalayag tayo tungo sa liwanag; tungo sa dalampasigan. Upang ating maihatid at magampanan ang sinumpaang tungkulin. Anumang okasyon, ang mamamahayag ay handang maglayag tungo sa kaganapan ng ating kredo at pagyamanin ang katatagan. Kung may paninindigan sa sinumpaan, walang anumang ‘di kayang pagtagumpayan. Walang anumang alon ang sa ati’y makatitinag. Susulat nang buong puso; may pananagutan. Tangan ang papel at panulat, marahang naglalayag upang katotohana’y isiwalat. Mula sa pagpapahayag ng katotohanan, ang masa, ay tunay ngang mamumulat. Yaring tungkulin ang pinagtitibay at ginagampanan ng ‘Ang Parola.’ Gamit ang sagwan, tutungo sa laban upang ang medalya ay masungkit nang tukuyan. Sa kararaan lamang na ‘District Press Conference,’ ang ‘Ang Parola’ ay nakasungkit ng medalya’t pagkilala. Medalyang pinagsumukapang abutin mahirap man.

Galing at husay ng ‘Ang Parola’ ang ipinamamalas sa bawat alon sa karagatan na kinakaharap at pinagsusumikapang lagpasan. ‘Ang Parola’ ay tunay ngang isang tahanan ng mga taong matiyaga at nag sisikap. Ang tahanan na ito ay nakabuo ng pamilya, puro kulitan, tawanan at minsan pa ay iyakan. Hinubog ng tahanan na ito ang mga mamamahayag na malalakas at matatapang na kahit sa patimpalak ito’y nakikipagsabayan.

Sa likod ng mga medalya, may taong nagsisikap at mabusising nag eensayo. Kahit maraming problema, hindi natatakot harapin kung may pangarap na gustong tuparin. Ang medalya ay isang materyal na bagay, ito rin ay sumisimbolo sa katatagan ng loob at determinasyon ng isang mamamahayag na handang lumaban. Lahat ng medalya ay may pinagdaanan, ito’y pinagpaguran at pinaghandaan. Kahit walang nakuhang medalya ay okay lang, ang mahalaga ikaw ay may natutuhan at ang mga karanasan mo sa laban ay ang guro ng iyong buhay, tuturuan ka nito paunlarin ang iyong kakayahan. Kinang ng medalya ang nagbibigay liwanag sa madilim na pag-asa. Huwag matakot magsagwan at lumaban sa buhay, laging isaisip ang paghihirap at suliranin na pinagdaanan. Maglalayag tungo sa liwanang ng kinabukasan. Malawak pa ang karagatan na lalayagin, marami pa ang alon ang kakaharapin. Sipag at tibay ng loob ang papaunlarin, patuloy pa rin sa paglalayag at pagsusumikap.

#Husay parola.

Ako ay Tanglaw: Ako ang Parola!

Salat, Gipit, at Kulang

Lorenz A. Alva

Minsan ka na bang pumasok sa eskwlehan na kulang ang ‘yong baon? Tumingin sa sinehan ngunit kulang ang pera para makapanood? Manghiram o di kaya’y mangutang upang matustusan ang iyong pangangailangan? Pumasok na rin ba sa iyong isipan na mag Audition sa isang programa at magbakasakaling ika’y makilala at sumikat? Sa sandaling yaon, ang balsa nati’y para bang patuloy na sinasampal at pinatutumba ng dambuhalang alon ng kahirapan ng buhay.

Minsan mo na nga bang pinangarap makita sa kamera? O kay ligaya siguro natin kung ang balsa’y magtagumpay sa mga alon ng pagsubok sa ating buhay. Isang halimbawa na riyan ang mapadaan ka sa isang kalyeng puno ng ilaw at kamera, mga taong may suot na mikropono at tangan-tangan ang mga papel at nakasampa sa munting entablado. Noo’y nanood ng balita ang balang araw ay siya na pala ang magbabalita.

Ikaw ang bida sa iyong storya. Anumang pagsubok, gaano man kalaki ang nagbabadyang mga alon, darating ang panahon, ang lahat ng yao’y sa pampang hihinahon. Sa karagatang puno ng kagipitan may mga mag-aaral pa rin na sinubukan pasukin ang mundo ng pantelebisyong pagbabalita. Kung mamasda’y

kulang sa kagamitan subalit busog naman sa karunungan. Tulad ng ating mga bayani na nakagawa ng kasaysayan, sila na ating mga mamamahayag din ay nakagawa ng di matatawarang tagumpay na mas matimbang pa kaysa medalya, sertipiko at tropeyo.

Mula sa harap at likod ng kamera ating makikita na kahit kulang man sa kagamitan, magtatagumpay ang taong may pangarap at dedikasyon sa buhay. Malaya at matagumpay na naglayag sa karagatang puno ng pagsubok at problema.

Sa kabila ng mga balakid na kinaharap at kakaharapin pa, makikita talaga sa kanilang iba’t ibang mga istorya kung paano nila kayang magtagumpay sa kabila ng kahirapan, kasalatan, at kagipitang dinaranas. Ang tunay na panalo ay yaong may natutuhan subukin man ng mga alon sa karagatan.

“Isigaw mo sa hangin, tumindig at magsilbing, Liwanag, liwanag sa dilim!”

-Rivermaya: “Liwanag Sa Dilim”

Sa pagsagwan sa karagatan, tanglaw natin ang Parola. Ang balsa ma’y patumbahing pilit, hindi tayo pagagapi! ‘Pagkat tayo ang Parola. Sa malakas na paghampas ng alon, patuloy ang marahang pagsagwan tungo sa kinabukasan na ang balsa ko, niya, at ng bawat-isa ay ‘di na mapatutumba ng nakalulunod na mga alon sa karagatan ng buhay.

Ang liwanag ko’y tanglaw sa kadiliman, siyang tunay na nag-iiwan ng gabay sa paglakbay. Nasisinagan nang kaliwanagan ang karimlan, sa pagsagwan sa hampas ng alon ay nasisilayan ang banaag na nagmumula sa ang Parola. Tanglaw at gabay ang Parola sa kaliwanagan ng karagatan tungo sa dalampasigan, ang siglang nagmumula rito ay naghahatid ng pagasa sa mga nagsasagwan sa pagsalubong nila sa mga alon.

Dumaan man ang bagsik ng mga alon ay ‘di magpapatangay, sa kaliwanagang taglay ng ‘Ang Parola’ ay maipipinta sa kanilang isip ang kaliwanagan. Ang agos ng tubig ay lumalakas at pumapayapa; piliing maging tanglaw sa kabila ng kadiliman upang mabatid ng bawat isa ang kanilang dapat na gampanan. Piliing maging Parola!

Pawi Karimlan

Reika Anjeli G. Juratil Lianne Llanes at Reika Anjeli Juratil

Sa karimlan, ang tanglaw ang siyang nagbibigay liwanag upang mapawi ang kadiliman tungo sa tagumpay na ating tinatahak.

SAng sinag sa karimlan ang nagtutulak sa atin upang ipagpatuloy ang marahang pagsagwan sa agos ng karagatan. Ito’y nagbibigay daan sa ating paglalakbay patungo sa ating minimithing sinag ng araw, at pagdatal natin sa dalampasigan.

Sa tanglaw na nagbibigay liwanag sa ating paglalakbay, tumitibay ang ating paghawak ng sagwan at siyang nagbibigay direksyon sa ating patutunguhan. Kung mahigpit ang kapit sa sagwang tangan-tangan, hindi mapapawi sa’tin ang pagnanasang magtagumpay. Sa liwanag na ating gabay ay magbubukas ang panibagong yugto ng ating buhay, kung saan matutunghayan ang bagong karanasan at aral na maipamamana natin sa mga bagong silang.

Ang pakikipagsapalaran sa gitna ng karagatan ay hindi madaling mapagtagumpayan. Sa paghampas pa lamang ng alon ay siyang pagsalubong ng iba’t ibang hamon. Subalit sa bawat pagsubok, ang liwanag ng pagasa ay patuloy na sumisilay, nagbibigay lakas upang harapin at tamasahin ang masagana’t mapayapang agos ng buhay. Tuloy ang pagharap sa alon ng buhay, sa paghahatid ng katotohanan, at tulay sa pagbukas ng panibagong mundo para sa mga manlalakbay ng karagatan patungo sa dalampasigan ng tagumpay. Napapawi ang karimlan sa sinag ng tanglaw na umaagapay sa ating pagsagwan, sa pagsikat ng araw ay unti-unting lumilitaw ang mga yugto ng tagumpay at siyang pagdating sa pampang. Ang pagpawi sa kadilima’y makapagpapamulat sa bawat isa sa kinang ng medalya; liwanag ng umaga, bagong simula, bagong pag-asa, bagong paglalayag.

‘‘ ‘‘

Ang agos

ng tubig

ay lumalakas at pumapayapa; piliing maging tanglaw sa kabila ng kadiliman upang mabatid ng bawat isa ang kanilang dapat na gampanan.

Ang pakikipagsapalaran sa gitna ng karagatan ay hindi madaling mapagtagumpayan.

Filipino ng Quezon City High School OPINYON parola 11
ang
LATHALAIN

SAYAW NG SANDATA

Pawi

Karimlan

Ikalawang tahanan na kung saan ay nakakasalamuha ng mga bagong kaibigan. Naghahatid sa mga musmos na bata tungo sa kanilang minimithing pangarap.”Masdan mo ang aking mata ,’di mo ba nakikita. Ako ngayo’y lumilipad at nasa langit na, gusto mo bang sumama.” Mula sa awitin ng Eraserheads na Alapaap. Ka’y sarap lumagpas sa mga alapaap, malawak, matayog at damang-dama ang kalayaan.

Ang sinag sa karimlan ang nagtutulak sa atin upang ipagpatuloy ang marahang pagsagwan sa agos ng karagatan, nagbibigay daan sa ating paglalakbay patungo sa ating minimithing sinag ng araw.

Sa tanglaw na nagbibigay liwanag sa ating paglalakbay, tumitibay ang ating paghawak ng sagwan at siyang nagbibigay direksyon sa ating patutunguhan.

Sa liwanag na ating gabay ay magbubukas ang panibagong yugto ng ating buhay, kung saan matutunghayan ang bagong karanasan at aral na maipamamana natin sa panibagong henerasyon.

Ang pakikipagsapalaran sa kalagitnaan ng karagatan ay hindi maituturing na maalwan, sa hampas ng alon ay siyang pagsalubong ng iba’t ibang hamon. Subalit sa bawat pagsubok, ang liwanag ng pag-asa ay patuloy na sumisilay, nagbibigay lakas upang harapin ang agos ng buhay.

Tuloy ang pagharap sa alon ng buhay, sa paghahatid ng katotohanan at tulay sa pagbukas ng panibagong mundo para sa mga manlalakbay ng karagatan patungo sa dalampasigan ng tagumpay.

Napapawi ang karimlan sa sinag ng tanglaw na umaagapay sa ating pagsagwan, sa pagsikat ng araw ay unti-unting lumilitaw ang mga yugto ng tagumpay at siyang pagdating sa daungan ng dalampasigan.

Sa Duyan nina Lolo’t Lola

Dan Cedric V. Latasa

Sino ang pinakaunang taong itinuring ka na isang prinsesa/prinsipe?

Nakakandong tayo sa saya ni lola, ang mga pisnging namumula sa paglalambing ni lolo. Sa mga kuwentong ibinabahagi tuwing gabi, mga halakhak na pinagmumulan ng mga ala-ala.

Ang tinig ng matandang dala ang sisidlan ng karunungan, gabay sa tamang gamot sa sugat ng buhay. Sa pait ay siyang malasakit ng lolo’t lola. Nakaukit sa aking isipan ang bawat larawan na nilikha namin nina lolo’t lola, kinalulugdan ang abotlangit na pagmamahal ng aking lolo’t lola.

Sa pagtungtong natin sa mas mataas na bahagi ng ating buhay, sina lolo’t lola ay laging nakaagapay, kaya naman tiwala sa kanila’y nakalagak. Handa ka na bang lakbayin ang alon sa karagatan?

Sa malawak na tanghalan ng buhay, ang oras ay isang nakapangyayari ng manlalakbay na patuloy na nagsusulong.

Sa bawat pag-ikot ng kamay ng orasan, isang bagong yugto ang naglalaho, isang hibla ng kasaysayan na nagbabadya ng mga pagbabago at pag-unlad.

Sa sayawan ng sandata, ang bawat hakbang ay isang pagpapasya, isang paghahanda sa laban na nag-aabang. Ang bawat galaw ay isang pagpapakita ng kahandaan at katalinuhan. Ngunit sa likod ng bawat pag-indak at pagtalima, nagtatago ang isang mas malalim na aral—ang kahalagahan ng oras at ang kaniyang walangpagmamaliw na kapangyarihan. Ang bawat katawan na umaaligid sa

Sinag sa

tanghalan ay isang tala sa himpapawid ng panahon. Ang kanilang mga kilos at galaw ay taimtim na inuukit ang kasaysayan ng pagpapasiya at pagpupunyagi. Sa bawat piraso ng musika na umaagos, isang kuwento ng pagasa at paglalaban ang isinisilid.

Sa gitna ng sigla ng sayaw, isang mahiwagang orasan ang biglang lumitaw, ang kanyang mga kamay ay tulad ng mga sinag ng bukang-liwayway na nagbibigay-liwanag sa dilim. Ipinapakita ng orasan ang kan’yang mga makinang na kamay, ang kabuluhan ng bawat sandali. Ang bawat tik-tak nito ay isang paalala

sa bawat isa na ang oras ay walang kinikilalang pagkakataon—bawat sandali ay dapat punan ng kahalagahan at kabuluhan. Sa huli, sa pagtatapos ng sayaw, ang orasan ay bumalik sa kan’yang lihim na taguan. Ngunit ang mensahe nito ay nanatiling buhay—ang oras ay hindi lamang basta sandata, ito rin ay gabay at patnubay sa paglalakbay ng bawat isa sa buhay. Sa bawat hakbang, sa bawat indak, ang kahalagahan ng oras at ang pamamahala rito ay mananatili’t magpapatuloy sa mga puso’t isipan ng mga tumestigo sa paglalakbay ng buhay.

Sa pagmulat ng aking mga mata, liwanag ng mga ngiti’y masisilayan ko na.

Sa pagbuklat ng aklat, nagniningning ang bawat larawan sa aking isipan, tunay ngang daan sa makabuluhang agos at daloy nitong buhay. Dito’y nakasalalay ang liwanag ng panibagong simula, daan sa maliwanag na kinabukasan.

Tulay sa malawak na kaisipan ang iniiwang aral ng mga aklat; nagsisilbing susi sa pagbubukas ng panibagong mundo kung saan mayroong lugar ang ipinapamalas ng

malikhaing isip, sa paglipat ng bagong kabanata ay matutunghayan ang iba’t ibang kuwentong nagmumulat sa ating puso’t isipan na masilayan ang bawat halaga ng mga bagay na nakikita o hindi ng mga matang ito at bilang taong isinilang sa mundong ito ay binigyan tayo ng pagkakataon at karapatan na magkaroon ng makabuluhang buhay.

Iilan sa atin ang ‘di mapagtanto ang reyalidad ng buhay, nakadepende na lamang sa sariling kaalaman at kakayahan, ayaw sumubok ng panibagong hamon, at basta na lamang makahinga at makatayo sa isang sulok. Hindi ba natin nanaising magkaroon ng panibagong

Laging Handa!

Laging kahandaan, pagtugon sa pangangailangan, pagtulong kahit ‘di na sabihan. Nagkukusa, kumikilos at humahakbang tungo sa mabuting kinabukasan. Ito ang mga katagang masasaksihan sa kabutihang ipinamalas ni Quezon City High School Scout Sharmel Villarubia nang minsan niyang tulungan ang isang Senior Citizen sa pagbubuhat ng isang mabigat na dalahin tungo sa silid-aralan ng 8-Avocado.

Marami tayong mga ugali at mga katangian na mas napapatingkad sa ating pagka-Pilipino at ng ating pagkakakilanlan. Mga katangian na mas lalong naglalarawan at nagpakita ng tunay na mga Pilipino At walang sinuman ang makakapagbago djti dahil jti ang nga kaugalian nating mga Pilipino ma sa simula hanggang sa modernong panahon.

Bilang pasasalamat kay Villarubia, kinabukasan ay nagpadala ng munting regalo ang tinulungan niyang Senior.

Tingin mo sa sarili mo ay iba sa tingin ng iba sa iyo. Maaaring may pagkakapareho ng tingin ngunit may pagkakaiba pa rin.

kaalaman at mabuhay ng makabuluhan? Sa pagkakataong tayo’y humakbang at humawak sa itaas ay nagpapatunay ng determinasyon, katapangan, katatagan at handang lakbayin ang agos ng buhay.

Mahalaga ang pagbabasa, hindi basang nabasa lang, hindi basang ayos na, hindi basang upang may mabasa, at basang walang puso at dedikasyon kung hindi pagbasang dala ang mga aral na natutuhan na siyang magmumulat sa ating mga isipan upang tayo’y maging handa at maging mamamayang maaasahan, makatwiran, mapagkakatiwalaan, at hindi natatakot na sumubok ng panibagong kaalaman.

Walang kabutihang makapapantay sa paglilingkod sa ating kapwa nang may buong pagkukusa. Tunay ngang laging handa. Nawa, tayo rin ay tulad niya. Isang hakbang bawat araw tungo sa maunlad na kinabukasan. Walang gantimpalang makahihigit pa sa pansariling kaunlaran tungo sa kaganapan ng ating pagkatao’t pagkamamamayan.

Sabi nga nila mas masaya ang dulot ng pagtulong na bokal sa puso at hindi ipinipilit

“Aanhin pa ang damo, Kung patay na ang kabayo” Isang katagang magpapatotoo

Sa kabutihan ng isang tao. Ang pagtulong sa kapwa ay isang mabuting gawa butihing pusong may awa upang ang iba’y guminhawa

Ikaw rin ba ay ‘Laging handa’? Sana ikaw nga!

Tingnan mula ulo hanggang paa. Tingnan sa loob at labas na anyo. Tingnan mula kanan papuntang kaliwa. Iba-iba ang tingin natin sa mga bagay-bagay. Naalala ko noon kung paano ko tingnan ang ibang tao at ikumpara ito sa sarili kong pagtingin. Noon, tinitingnan ko ang mga kalalakihan na dapat sila ay matipuno, malakas, walang bahid ng kahinaan at kayang prumotekta ng tao, habang ang mga kababaihan naman ay dapat malambot, masunurin sa mas may kapangyarihan, iyakin at mahina. Pero ito ay nagbago mula nang ako ay mamulat sa katotohanan na dapat ang mga tao ay dapat tingnan sa pantay na paraan.

Sa panahon ngayon, hindi pa rin talaga nawawala ang kabastusan ng mga Pilipino, p’wera sa pelikula, nandoon din ang kabastusan sa pamumuhay ng mga tao. Ang pagiging mataas ng mga lalaki ay nandoon pa rin tulad na lang ng sa ating gobyerno na tila bang ang mga may kaya at mayayaman lamang ang laging napapasama sa mga bagay-bagay at ang mga walang kaya o mahihirap ay nakakalimutan na lang.

Kahirapan, usapang kabastusan na nangyari sa ating bansa. Hindi nabibigyang pansin o minsan naman ay papansinin pero pagkatapos noon ay wala na.

Isa sa magandang halimbawa ‘pag ito ay ang pagsasalita ng matalim ng isang ama sa isang pamilya kung saan ipinagmamalaki na may halong paghihimutok ng galit na siya ang bumubuhay sa kan’yang pamilya at may maliit na kinikita ng kan’yang asawa kung saan, para sa kaniya, hindi mabubuhay ang kaniyang pamilya ng wala siya.

Kakaiba rin talaga ang tingin ng mga kalalakihan sa kanilang sarili. Isama pa rito ang pang-aapi nila sa mga kababaihan, hindi lahat pero may iilan lamang, na dapat sa bawat aspeto ng buhay nila ay siya lamang ang sinusunod.

Pero ano nga ba talaga ang pinakapunto ng akda? ng manunulat? Bakit nga ba ganito ang istraktura ng buhay sa ating bansa? Maaari pa bang matuldukan ang ganitong sistema? Magkakaroon pa ba ng pagbabago kung ito ay nakasanayan na? Sana sa susunod na panahon, lahat ng tanong na ito ay masagot na. Sa susunod na henerasyon, pantay-pantay na.

ang parola Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Quezon City High School 12 Tomo LXX | Blg. 1 | Sept 2023 - Mar 2024 LATHALAIN
Lianne P. Llanes
Arianne Grace Tamares Arianne Grace Tamares

Ang paggamit ng lab-modified na lamok o ‘Aedes aegypti’ ay isang napakatalinong eksperimento na nagbigay ng napakalaking epekto sa pagbabawas ng kaso ng dengue.

Ang ‘Aedes aegypti’ na binuo at sinubok ng non-profit World Mosquito Program (WMP), ay nagdadala ng isang baktiryang ‘Wolbachia pipientis’ na pumipigil sa pagpaparami at paglalaganap nito ng iba’t ibang mga virus kapag ito ay sinubukang magparami o mag ‘mate’ sa mga ligaw na lamok.

Ayon sa Science.org, ang pagsubok na ito sa Indonesia ay tumulong sa pagbawas at pagbaba ng kaso ng dengue virus, ayon din sa mga mananaliksik nitong eksperimentong ito, ang kaso ng dengue ay bumaba ng 95% sa mga lugar na patuloy pang pinapakalat ang ‘modified mosquitoes’ sa Colombia Aburrá Valley.

Ang WMP na may proyekto sa 14 na bansa ay patuloy na lumalaki at nagbabalak na bumuo ng pinakamalaking ‘Wolbachia mosquito production facility’, sa brazil na sisimulan na ngayong

2024. Ayon sa WMP, inaasahan nilang maglalabas ng pormal na patnubay sa pagpapalaganap ng mga lamok ang World Health Organization (WHO) ngayong taon, isang hakbang na maaaring magtulak sa ibang bansa na gamitin ang pamamaraan na ito.

laban sa

LAMOK LAMOK?

Jhon Christian Patiga

Sa gitna ng agaran at makabagong pamumuhay, hindi dapat malimutan ang pangangalaga sa kalusugan, lalo na sa ating ngipin. Ang magandang ngiti ay hindi lamang nagpapakita ng kagandahan kundi pati na rin ng maayos na kalusugan. Sa pagsilip sa pangangalagang dental, hindi rin naiiwasan ang pangangailangan ng regular check-up upang maiwasan ang iba’t ibang problema sa oral health.

Napakahalaga ang mga ngipin sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sila ay nagiging kasangkapan sa pagkain, pang-agapay sa pagsasalita, at nagbibigay kaginhawahan sa ating pangangatawan. Subalit, marami sa atin ang hindi lubos na iniintindi ang pangangailangan ng malusog na ngipin.

Ang tamang oral hygiene tulad ng paggamit ng toothbrush, regular na pagsunod sa oras ng pagkain, at pag-iwas sa sobrang matatamis na pagkain ay ilan lamang sa mga paraan upang mapanatili ang malusog na kalagayan ng ating mga ngipin.

Sa pagsaludo sa pangangalaga sa oral health, katuwang ang Kagawaran ng Kalusugan (DOH) sa pagsusulong ng Dental Clinic bus na naglalayong magbigay serbisyo sa mga komunidad. Ang inisiyatibang ito ay naglalakbay sa iba’t ibang lugar, nagbibigay konsultasyon, oral prophylaxis, at iba pang

serbisyong dental ng libre o mababang halaga. Noong ika-16 ng Pebrero, ang DOH Dental Clinic bus ay nagtungo sa iba’t ibang lugar upang ipagpatuloy ang misyong ito. Ang araw na ito ay nagbigay-diin sa pagbibigay halaga sa pangangalaga sa ngipin at ang mobile dental clinic ay nagiging daan upang maraming tao ang makinabang sa mga serbisyong ito. Ayon sa mga eksperto, ang regular na dental check-up ay kasing halaga ng pangangalaga sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ito ay nagbibigay daan hindi lamang sa maayos na kalusugan ng ngipin kundi maging sa maaga at tamang pagkilala sa anumang problema na maaaring magdulot ng komplikasyon sa hinaharap. Sa panghuli, ang ating ngiti ay hindi lang ukay-ukay, kundi pati na rin tanda ng ating pangangalaga sa sarili. Ibinabalik natin ang pagpupugay sa Kagawaran ng Kalusugan sa kanilang pagsisikap na dalhin ang serbisyong pang-dental sa mas maraming Pilipino. Hindi lang ito simpleng

‘‘

Ang ating ngiti ay hindi lang ukayukay, kundi pati na rin tanda ng ating pangangalaga sa sarili.

pagpapaganda ng ngiti, kundi isang hakbang tungo sa mas malusog na pamumuhay. Sa ating pang-araw-araw na gawain, huwag natin itong kalilimutan. Alagaan natin ang ating ngipin, at tiyakin natin na lagi silang handang magbigayliwanag sa bawat ngiting Kalinga na ipinapakita natin sa mundong ginagalawan natin.

Gabay tungo sa

“Don’t touch me, kamay mo marumi”, ayan ang madalas nating sambitin sa ating mga kalaro noong tayo ay bata pa.

Ang kaisipang ito ay naglalarawan ng kamalayan sa kahalagahan ng kalinisan ng kamay upang maiwasan ang pagkalat ng sakit at mikrobyo.

Nang dahil dito, nakibahagi ang Paaralang Sekondarya ng Lungsod Quezon sa pagdiriwang na World Hand Washing Day na nilahukan ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.

Sa programang iyon, tinuruan ang mga magaaral sa kung ano ba ang tamang proseso sa paghuhugas ng ating kamay.

Ayon sa Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng County ng Los Angeles, ang mga kamay ay madalas na nagiging daanan ng mga mikrobyo mula sa iba’t ibang pinanggalingan tulad ng mga bagay na hinawakan, mga hayop at iba pang mga tao.

Ang simpleng paghawak ng maruming kamay sa mukha o sa pagkain ay maaaring magdulot ng pagkahawa sa mga sakit tulad ng sipon, trangkaso, at iba pang mga

impeksyon. Ayon din sa nasabing Kagawaran, may limang hakbang para sa paghuhugas ng kamay.

Sa unang hakbang ay kakailanganin munang basain ang mga kamay gamit ang malinis at maligamgam na tubig. Sunod ay pabulain ang mga kamay gamit ang sabon. Ang sabon ang nagtatanggal sa mga mikrobyo na dumidikit sa ating mga kamay.

Pangatlo ay kuskusin ang mga kamay nang magkasama ng hindi bababa sa 20 segundo. Kuskusin ang bawat sulok ng kamay, daliri o kuko upang makasigurong ang mga mikrobyo ay maglalaho.

Pang-apat ay banlawan ang mga kamay ng maligamgam na tubig.

Huli, ipunas sa isang malinis na tuwalya para sa pagpapatuyo ng ating mga kamay.

Mula sa mga proseso at tamang hakbang sa paghuhugas ng kamay ay matitigil ang pagkalat ng mga mikrobyo at panatilihin ang iyong sarili mula sa mga sakit.

Kaya para makasigurong sakit ay hindi dadapo, “mag wash-wash muna, bago touch me”.

Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Quezon City High School | Tomo LXX | Blg. 1 Setyembre 2023Marso 2024 | Quezon City | National Capital Region AGHAM
Ella Mae D.Ochua Photo from: Scitechdaily Photo from: Scitechdaily Photo from: Scitechdaily

Ayon sa mga pagsasaliksik, ang antas ng dagat ay umangat ng halos 8 pulgada (humigit-kumulang 20 sentimetro) mula noong 1880 hanggang 2009.

Sa mga susunod na dekada, inaasahang patuloy na tataas ang antas ng dagat ng humigit-kumulang

1-4

30-120

sa mga lugar tulad ng Pilipinas, base sa mga pag-aaral ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC).

Antas ng ‘groundwater’, mabilis na bumababa

Jhon Christian E. Patiga

Isa na namang Global Crisis ang nagbibigay perwisyo sa United States of America (USA) at ito ay ang labis na paggamit ng underground water.

Ayon sa mga pagaaral ng National Aeronautics and Space Administration (NASA), ang antas ng dagat ay patuloy na nagpapalakas, at maaaring umabot sa 1 metro o higit pa sa susunod na siglo kung hindi magbabago ang mga gawi sa paggamit ng enerhiya at hindi masugpo ang pag-init ng planeta.

Sa mga lugar tulad ng Pilipinas na may maraming baybayin at malalaking populasyon na nakatira malapit sa dagat, ang pagtaas na ito ay maaaring magdulot ng malubhang banta sa seguridad, ekonomiya, at kapaligiran.

Sa simula palang ng Nobyembre ay ibinalita na ng New York Times “America is using up its groundwater like there’s no tomorrow’, isiniwalat ito ng isang mamamahayag sa isang kilalang Media Outlet. Ngunit ang US ay hindi isang nakahiwalay na kaso na “Ang iba pang bahagi ng mundo ay nagwawaldas din ng tubig sa lupa na parang wala nang bukas,” sabi ni Hansjörg Seybold, Senior Scientist sa Department of Environmental Systems Science sa ETH Zurich. Sa mabilis na pagkaubos ng tubig lupa, kasama ang mga mananaliksik mula sa Unibersidad ng California, Santa Barbara (UCSB), pinatunayan nila ang mga nakakabahala na natuklasan ng mga mamamahayag Sa isang walang uliran na gawa ng maingat na pagsusuri, ang mga mananaliksik ay nagtipon at nagsuri ng datos mula sa higit sa 170,000 mga balon sa pagsubaybay ng tubig sa lupa at 1,700 na sistema ng tubig sa lupa sa nakalipas na 40 taon.

Sa datos pagsukat na ito ay nagpapakita na sa nakalipas na mga dekada, ang mga tao ay

malawakang pinalawig ang pagkuha ng tubig sa lupa sa buong mundo. Mga antas ng tubig sa karamihan sa mga layer ng bato na may tubig sa lupa, na kilala bilang mga aquifer, ay bumagsak nang husto halos saan man sa mundo mula noong 1980 at mula noong 2000, ang pagbaba sa mga reserbang tubig sa lupa ay bumilis, mga epekto ay pinakabinibigkas sa mga aquifer sa mga tuyong rehiyon ng mundo, kabilang ang California at ang High Plains sa US, kasama ang Spain, Iran, at Australia.

Dahil sa sobrang pagpump ng tubig lupa, nagiging malambot lalo ang lupa at baka sa hinaharap ay hindi na ito puwede pang patayuan ng mga imprastraktura.

Para matulungan natin ang ating inang kalikasan ay dapat tayong maging masinop sa paggamit ng tubig dahil ito’y nauubos din kung patuloy na aabusuhin. Layunin ng mga siyentipiko na bantayan ang antas ng tubig sa lupa upang maunawaan ang mga pagbabago sa klima, ekosistema, at kapaligiran.

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa antas ng tubig, maaari silang makalikom ng mahahalagang datos tungkol sa pag-usbong ng karagatan,

This victory is not just about winning a competition; it’s about breaking barriers ‘‘

Ella Mae Ochua

Sa isang lungsod, mahalaga ang kalidad ng hangin dahil ito ay lubos na nakakaapekto sa kalusugan ng mga naninirahan dito.

Ang pagkakaroon

usok, at pag-promote ng renewable energy sources.

ng malinis na hangin ay nagbibigay proteksyon laban sa mga respiratoryong sakit tulad ng asthma, bronchitis, at iba pang mga problema sa paghinga.

Kaya’t isang mabuti at positibong balita ang inilabas ng Quezon City Government, na base sa latest Air Quality Index, ang kalidad ng hangin sa Lungsod Quezon ay nananatili pa ring maayos at malinis.

Ayon sa Quezon

City Climate Change and Environmental Sustainability Department, ang AQI ay ginagamit upang malaman ang kalidad ng hangin sa isang lungsod at magbigay paalala para maiwasan ang mga masamang dulot nito sa kalusugan ng isang tao.

Kailangan nating mapanatili at mapabuti ang malinis na hangin sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno, pagbabawas sa paggamit ng mga sasakyang nagbubuga ng maraming

Sapagkat kung hindi natin ito gagawin tayo ay madadapuan ng sakit dahil ayon sa World Health Organization, ang polusyon sa hangin sa lungsod ay ang pinakamalaking panganib sa ating kalusugan.

Kung kaya’t kailangan nating panatilihing malinis ang kapaligiran sapagkat ito ay may maraming benepisyo sa ating katawan tulad na lamang ng malinis na baga, pagbabawas ng sintomas sa pagkakaroon ng hika at iba pa.

Sa pamamagitan ng pagiging responsable sa ating mga gawain at sa pagtutulungan ng bawat isa, maaari nating mapanatili ang malinis na hangin na nagbubuklod sa atin bilang komunidad.

Sa ating pagkilos ngayon para sa kalusugan ng hangin, tayo ay nagtatanim ng magandang kinabukasan hindi lamang para sa atin kundi pati na rin sa mga susunod pang henerasyon.

Kaya ating pahalagahan ang hangin, sapagkat ito’y napakahalaga’t nakabubuti sa atin.V

Moody

Denzel D. Valdez

Alam mo ba kung bakit malamig sa madaling araw at umaga habang sa tanghali at hapon naman ay napakainit?

Dahil ito sa climate change, pero ano nga ba itong isyu na kinakaharap natin ngayon?

Ito ang pabago-bago ng panahon na nararanasan ng panandalian o klima na nararanasan ng pangmatagalan.

sa panahon ngayon ay ang greenhouse effect.

Ito ang “pagkulong” ng mga greenhouse gases ng init sa ating planeta na lalong nagpapalala sa init ng mundo, isa sa mga kilala at alam ng karamihan na greenhouse gas ay ang carbon dioxide.

Isa pa sa mga dahilan nito ay ang paggamit ng fossil fuels o ang paggamit ng uling, langis, at natural na gas, na nag-aambag sa epekto ng greenhouse gases.

pag-unlad ng urbanisasyon, at epekto ng pagbabago ng klima sa mga ekosistema ng lupa. Sa impormasyong ito ay nagbibigay daan sa mas epektibong pangangasiwa ng yamang tubig, pagtugon sa mga natural na kalamidad, at pagbuo ng mga hakbang para mapanatili ang kalusugan ng ating planeta para sa mga henerasyong darating. EDITOR-IN-CHIEF Avery Nicole M. Edlagan

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) at National Resource Defense Council (NRDC), isa sa mga pinakainuugatan at dahilan ng climate change

Marami man ang naging masamang epekto nito sa ating planeta, maaari pa rin tayong tumulong na mabawasan ang mga dahilan ng climate change, dahil sa atin nagsisimula ang pagunlad.

Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Quezon City High School 14 Tomo LXX | Blg. 1 | Sept 2023 - Mar 2024 AGHAM ang parola
Kalidad ng hangin, nakabubuti nga ba sa’tin?
ISTATISTIKA
BITS
talampakan sentimetro NYUS
Photo from: Philstar

Dual Laser dinivelop para sa Computers

Jhon Christian E. Patiga

Isang makabagong hakbang sa larangan ng quantum computing ang naiulat ng isang siyentipikong quantum mula sa Delft University of Technology.

Si Natalia Chepiga ay nagtagumpay sa pagsasaayos ng quantum simulators, mga aparato na mahalaga para sa pagsusuri ng mga suliraning hindi pa nasasagot sa larangan ng quantum physics.

Sa pag-unlad na ito ay maaaring magdulot ng malaking epekto sa iba’t ibang larangan, kabilang ang pinansya, encryption, at imbakan ng datos, sa pamamagitan ng paggawa ng quantum simulators na mas kontrolado at mas maraming paggagamitan.

Sa pagbuo ng isang quantum computer na sapat na makakaya ang mga problema na hindi kayang sagutin ng kasalukuyang mga computer ay nananatiling malaking hamon para sa mga siyentipikong quantum.

Ang isang maayos na gumagana na quantum simulator - isang partikular na uri ng quantum

TARA KANTAHAN NA!

Sa bawat birit ng tono at pagsabay sa liriko ng mga kanta, ang karaoke ang isa sa pinaka klasikong uri ng pagsasaya tuwing gabi.

Sa sobrang kasikatan nito sa Pilipinas noong 2020, may isang probinsyal na gobernador na hiniling sa publiko na ireklamo sa mga awtoridad ang mga nagka-karaoke sa gabi upang matupad ang late night curfew.

Ngunit ano nga ba ang karaoke, sino ang gumawa nito at saan ito nagmula?

Ang karaoke ay nagmula sa dalawang salita sa wikang “japanese” na ang ibig sabihin ay “empty orchestra”, “karappo” na ang ibig sabihin ay “empty” at “okesutora” naman ay orchestra.

Mayroon ilang pagtatalo sa kung sino nga ba ang gumawa ng karaoke, ngunit sa pag-unlad ng ating mundo sa teknolohiya na nagpabago at nagpahusay rito, mayroong 3 lalaki na kinilala sa kanilang mga naimbento sa karaoke sa iba’t ibang panahon.

computer - ay maaaring magbunga ng mga bagong pagtuklas tungkol sa kung paano gumagana ang mundo sa pinakamaliit na antas.

Binuo ni Natalia Chepiga mula sa DUT ang isang paraan kung paano mapapabuti ang mga aparato na ito upang makakaya ang mas komplikadong quantum systems.

“Ang pagbuo ng mga kapaki-pakinabang na quantum computers at quantum simulators ay isa sa pinakamahalagang paksa at pinag-uusapan sa larangan ng quantum science ngayon na may potensyal na baguhin ang lipunan,” pahayag ni Chepiga.

Ayon sa kan’ya, ang mga quantum simulators ay isang uri ng quantum computer na layuning sagutin ang mga suliraning bukas pa sa larangan ng quantum physics upang mapalawak ang ating pag-unawa sa kalikasan.

“Ang quantum computers ay magkakaroon ng malawakang aplikasyon sa iba’t ibang bahagi ng lipunan, tulad ng sa pinansya, encryption, at imbakan ng data.”

“Ang isang pangunahing bahagi ng isang kapakipakinabang na quantum simulator ay ang kakayahan na kontrolin o manipulahin ito,” dagdag pa ni Chepiga. Sa kan’yang papel, ipinasasagot niya ang pangangailangan para sa isang “steering wheel” o manibela na magbibigaydaan upang ma-configure ang quantum simulator nang mas maraming beses.

Sa kan’yang protocol,

ChatGPT, ang iyong sidekick sa bawat gawain

Ella Mae D.Ochua

Sa panahon ngayon na patuloy ang pag-usbong ng Artificial Intelligence o AI, isa sa sumisikat kamakailan ay ang ChatGPT.

Ito ay isang uri ng teknolohiyang artificial intelligence (AI) na binuo ng AI Research and Development Firm na OpenAI at gumamit ng isang NLP model.

Ito ay nagbibigay-daan sa mga tao na makakuha ng mga impormasyon sa paraang madaling maintindihan at makakuha ng sagot sa kanilang mga katanungan.

Ano nga ba ang kayang gawin ng ChatGPT? Sa pamamagitan ng simpleng pag-uusap at pagtitipa ng iyong kailangan, kayang-kaya na ibigay ni ChatGPT ‘yan.

paraan ng interaksyon na siguradong magpapadali ng mga gawain pati na rin sa pagkuha ng mga impormasyon na kakailanganin.

Sa bawat araw, maraming mga indibidwal ang nakikita ang halaga ng AI, lalong-lalo na si ChatGPT.

Mula sa edukasyon o mapa negosyo ay makikinabang sa kakayahan nitong makapagbigay nang mas mabilis at epektibong solusyon sa mga problemang kakailanganin ng sagot.

Ayon sa LALA St. Pete, naimbento ng isang may ari ng pabrika ng electronics noong 1967 na si Shigeichi Negishi ang karaoke machine dahil sa hilig nito sa pagkanta habang naglalakad sa trabaho. Hiniling ni Negishi na isabit ng kan’yang head engineer ang microphone amp at mixing circuit sa isa sa 8-tape deck na gawa ng pabrika para marinig ng imbentor ang kan’yang pagkanta sa mga paborito nitong mga musika. Ang kan’yang likha kasama ang isang distributor ay tinaguriang “Sparko Box”, ito ay sinubukan nilang ipaarkila sa mga bar, kahit na nahihirapan silang makipag kompetisyon sa mga gitarista na tinatawag na “nagashi” Noong 1971 naman inimbento rin ng isang musikero mula sa kobe na si Daisuke Inoue ang

karaoke machine, ito ay kan’yang ginawan ng instrumental recording sa tono na hindi ganon kahirap kantahin para sa mga bisita, ito rin ay ginawa niyang coin-operated machine na magbibigay sa mga kliyente ng ilang minuto o oras sa pagkanta. At ang panghuli ay si Roberto del Rosario, ang imbentor ng karaoke sing-along system noong 1975, siya ang tanging may hawak ng patent ng karaoke machine at bahagyang responsable sa katanyagan nito sa Pilipinas ngayon.

Mahalaga na magkaroon tayo ng kamalayan sa mga bagay o gawain na ating kinagisnan, kaya sa bawat kanta na iyong aawitin, ating muling tandaan ang mga imbentor ng karaoke machine na nagbibigay kasiyahan sa atin tuwing pagdiriwang.

ipinakikita ni Chepiga ang kahalagahan ng paggamit ng dalawang lasers na may magkaibang mga frequency o kulay. Sa kaharian ng quantum physics, ang lasers na ito ay nagiging tulad ng isang manibela na nagbibigay ng pagkakataon na itono ang quantum simulator sa iba’t ibang mga setting.

“Ang protocol na ito ay nagbibigay-daan para sa isang karagdagang dimensyon ng kung ano ang maaaring ma-simulate. Ang pangarap ng pagtuklas ng bagong phenomena sa physics ay maaaring matupad kung magtataglay tayo ng ‘steering wheel’ na ito sa ating quantum simulator,” aniya.

Sa pamamagitan ng paggamit ng dalawang lasers, maaari nang simulan ng quantum simulator ang mas maraming kalkulasyon at simulasyon, lalo na kapag kinakailangan ang pagsusuri ng kolektibong pag-uugali ng isang quantum system na binubuo ng maraming partikulo.

Ang pangunahing hamon sa pagsusuri ng mas maraming partikulo, temperatura, at galaw ay malamang na masusulusyunan ng quantum simulators na binubuo ng quantum particles na maaring magkaruon ng “entanglement.”

Sa kan’yang pag-aaral, inilahad ni Chepiga ang potensyal ng quantum simulator na magdala ng bagong antas ng pang-unawa sa quantum physics at maging pundasyon sa mga bagong pagtuklas at aplikasyon.

paggamit ng AI.

Bagama’t ang AI ay napakalaking tulong sa ating pang-araw-araw na buhay, hindi natin dapat itong pagtakpan ang ating sariling kakayahan at responsibilidad bilang mga lumikha nito.

Ang ChatGPT ay maaari mong makausap, makatalastasan, magpatulong sa mga problema na kailangan mong lutasin, at maaari mo rin makausap nang kaswal na usapan.

Ito ay isang makabagong

Kaya ating tatandaan na sa paggamit ng AI ay kakailanganin nating mag-ingat upang masiguro na tama ang paggamit natin sa teknolohiyang ito.

Dagdag pa rito, mahalaga rin na tayo ay magkaroon ng kritikal na pagsusuri at kontrol sa

Sa kabuuan, ang paglago ng AI ay nagdadala ng malawakang positibong epekto sa ating lipunan upang mapalawak ang ating kaalaman at mapabilis ang mga proseso’t mapadali ang mga gawain.

Kaya’t i-chat mo na kay ChatGPT yan!

NJhon Christian E. Patiga

ilikha na ang unang one-stop mobile app na Mommyki sa Pilipinas na mayroong mga produkto at serbisyo para sa ating mga alagang hayop mula sa pagsilang hanggang sa panganganak.

Ito ay nilikha ng mag-asawang Geoffrey Ogang, isang finance director sa isang tech-company na Sprout Solutions at ang kaniyang asawa na si Pebbles Sanchez-Ogang, isang executive sa non-profit organization na NowPH (Not On Our Watch Philippines).

Sa likod naman ng MommyKi Super Pet App ay ang Magnus Maximus Solutions Inc. na katuwang ng mag-asawa sa pag-develop ng app na ito.

Ipinangalan ito kay Mommy Ki, isang 14-anyos na Yorkshire Terrier na alaga ng pamilya.

Gamit ang app na ito ay mas mabilis na matutugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga fur babies.

Libreng magagamit ang app na ito at pagkatapos i-download ay maaari ka ritong makapag-order ng mga shampoo, pagkain, sabon, vitamins at iba pang mga gamit para sa ating fur babies.

Sa app na ito ay maaari kang magpunta sa kanilang Veterinary Section at Pet Shop Section para sa appointments at iba pang serbisyong pang-pet care.

Ayon sa mag-asawang Ogang, nais nilang tulungan ang mga Co-Fur parents sa pag-aalaga at pagPAWprovide ng kanilang mga kailangan.

Layunin ng MommyKi Super App na mapadali ang mga Fur Parents sa kanilang mga bibilhin para sa kanilang mga Fur babies.

Kaya kung ikaw ay isa ring Co-Fur Parent, ang app na ito ay makabubuti para sa’yo.

go!
FUR da
15 Tomo LXX | Blg. 1 | Sept 2023 - Mar 2024 AGHAM Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Quezon City High School ang parola
Denzel D. Valdez

Masamang “gamot”

Sa panahon ngayon, ‘di na maiiwasan ang mga problema at balakid sa buhay, kaya maraming tao pati na rin mga mag-aaral ang gumagamit ng droga sa maling paraan.

Ang droga ay maaari rin tawaging ”gamot” o “medisina” sapagkat ito ay ating maaaring makuha o mabili sa mga parmasya upang makatulong na magamot, mapagaling, at mapigilan ang mga sakit.

Ngunit kailan nga ba nagiging masama ang paggamit ng droga, ano ang dahilan ng paggamit nito, at paano ito mapipigilan o maiiwasan?

Ayon sa Department of Health (DOH) at Aged Care ng Australian Government, ang ilan sa mga dahilan ng paggamit ng droga ay ang pagkakaroon kuryosidad, pakikibagay at pamimilit ng mga kabarkada (peer pressure), paggamit para sa sariling kasiyahan at para makatakas sa mga problemang kinakaharap.

Napakarami ang masamang epekto ng droga kung ito ay gagamitin sa hindi magandang bagay, tulad na lamang ng pagka “overdose” sa gamot at pagbuo ng mga sakit sa ‘yong katawan.

Bilang isang mag-aaral ano nga ba ang maaari mong gawin sa ganitong klase ng isyu upang ito ay mapigilan o maiwasan?

Ayon sa Pathfinders Recovery Center, ang pagkakaroon ng lakas ng loob na magsabi ng hindi at umiwas sa mga masamang impluwensya ng mga kabarkada ay malaking tulong sa pag-iwas sa maling paggamit ng droga.

Maaari ring maghanap ng ibang paraan upang malayo sa paggamit ng droga, tulad na lamang ng yoga, meditating at iba pa, ito ay mas magandang alternatibo kesa sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot upang makatakas sa mga problemang kinakaharap.

Tamang disiplina at wastong pag-unawa at pag-uugali lang ang kailangan upang mabawasan ang mga pang-aabuso sa droga, ‘wag hahayaang masira ang buhay at mga pangarap sa isang maling desisyon na iyong pagsisisihan sa huli.

1960s Pyrvinium, Bidang Bida Laban sa Kanser sa Bituka!

Sa pagsulong ng pananaliksik mula sa University of Auckland, natuklasan ng mga siyentipiko ang potensyal ng pyrvinium, isang murang gamot na nilikha noong dekada 1960s, bilang pangunahing elemento sa pambansang laban sa colon cancer.

Bilang tugon sa kahalagahan ng maayos at abot-kayang paggamot, sinubok ng mga mananaliksik ang posibilidad na ang mga lumang gamot ay maaaring muling gamitin sa bagong kombinasyon para labanan ang bowel cancer.

Ayon kay Professor Peter Shepherd, ang pangunahing mananaliksik, “Bagaman may mga pag-unlad sa mga gamot para sa sakit na ito sa mga nagdaang taon, ang pag-develop ng mga bagong gamot ay mahal at matagal.

Sa pagsusuri ng ilang gamot na malapit nang mawalan ng proteksiyon ng patent,

natuklasan ng mga siyentipiko na ang pag-combine ng axitinib, isang anticancer drug, at vemurafenib, isang lumang gamot na nakatuon sa BRAF, ay nagdudulot ng malaking epekto sa paggamot ng colorectal cancer.

Ibinubukas nito ang pinto sa mas abot-kayang paggamot para sa mas maraming pasyente.

Ang pyrvinium na unang nilikha para labanan ang bulate, ay lumutang din bilang isang posibleng gamot sa pambansang laban sa colon cancer.

Sa pagsasama ng pyrvinium at vemurafenib, nakita ng mga

mananaliksik ang potensyal na madagdagan ang epekto ng paggamot.

Sa mga susunod na hakbang, nagpaplano ang mga mananaliksik ng isang randomized, controlled clinical trial upang tiyakin ang kahusayan at kaligtasan ng nasabing mga kombinasyon ng gamot.

Ipinakikita ng pag-aaral na ito na maaaring maging sagot ang mga lumang gamot sa pangangailangan ng mas mabilis at mas abot-kayang paggamot ng colon cancer, nagdadala ng bagong pagasa para sa libu-libong mga pasyente.

Semaglutide, sagot na nga ba sa Dream Body?

Gamot na pampapayat, epektibo nga ba?

Jhon

Isang weight-loss drug na naman ang umaani ng maraming atensyon sa Social Media dahil sa potensyal nitong magpapayat.

Ito ay ang semaglutide na mula sa Ozempic at Wegovy na brand ng gamot para magamit ito ay kinakailangan mong sumailalim sa injection.

Pinamumunuan ito ng isang Pharmaceutical Company na Danish Pharmaceutical Giant Novo Nordisk.

Kilala ito dahil isa sa mga sikat na tao ay gumagamit nito gaya ni Elon Musk.

Sa tulong nito ay maaari mong mabawasan ang iyong timbang ng sampung porsyento, gumagana ito sa pag-replicate ng isa nating hormones na tinatawag na GLP - 1 (Glucagon-

like peptide 1).

“When you lose weight through a diet, you then start to feel hungry, miserable, tired and all the rest of it”, Ayon kay Dr. Simon Cork, Senior lecturer of Anglia Ruskin University.

Nais ng semaglutide na pigilan ang biological response ng ating katawan sa weight loss.

Layunin ng Pharmaceutical Company na ito na matulungan ang mga plus size people na magbawas ng timbang sa madaling paraan ng hindi nahihirapan.

Free na nga ba sa Cancer?

Ella Mae D. Ochua

Sinimulan na ng mga Pharmaceutical Company sa ibang bansa ang pagde-develop ng Cancer Pills na ang layunin ay patayin ang mga cancer cells at mabawasan ang pinsalang epekto nito.

Ano nga ba ang Cancer? Ito ay isang malubhang sakit na nagmumula sa pagdami ng mga abnormal na selula sa ating katawan na nakakapinsala sa mga normal na tisyu at selula.

Ito ay makakasira sa normal na paggalaw ng ating katawan at pagdudulot ng mga sintomas na magiging sanhi ng problema sa ating kalusugan.

Ang nasabing sakit ay pumapatay ng milyun-milyong katao kada taon ayon sa mga eksperto.

Dahil dito, nagkaroon ng pagtitipon ang industriya ng biotech at pharmaceutical sa JPMOrgan Healthcare Conference sa San Francisco na nagpapahiwatig ng kanilang sigasig para sa Antibody-Drug Conjugates (ADCs) na naghahatid ng cancer-killing therapy.

Layunin ng Cancer Pills na mapabagal ang pagkalat ng cancer cells sa katawan ng isang pasyenteng may kanser.

Sa pamamagitan ng makabagong lunas na ito, inaasahan na mapigilan ang pagsulong ng sakit at magbibigay daan sa mas epektibong paggamot at pagbibigay ng pag-asa sa mga indibidwal na nakikipaglaban sa karamdamang ito.

Jhon

Alam niyo ba na may bagong paraan sa paggamot para maiwasan ang pagkalat ng flu? Ngayon ay atin iyang aalamin.

Sa kamakailang pananaliksik, ipinakita ang pag-block sa pag-attach ng virus particles sa mga molekula sa ibabaw ng selula ng mga sanggol na mice ay maaaring magbawas ng transmisyon ng influenza.

Ito’y nagbubukas ng pinto sa bagong paraan ng pag-iwas sa seasonal flu na maaaring magdagdag sa mga umiiral nang bakuna at gamot sa pamamagitan ng pagsasantabi sa kakayahan ng host na nagpapalaganap ng virus.

Sa pagsusuri ng mga sanggol na mice ay ipinapakita na ang pagpigil sa pagattach ng virus particles sa mga sialic acids (SAs) sa ibabaw ng selula ay hindi lamang nagpapabawas sa pagpasok ng viral infections kundi pati na rin sa kanilang paglabas at pagkalat mula sa isang mouse patungo sa ibang mouse.

Ito ang pangunahing sanhi ng seasonal flu na nagiging sanhi ng pagkamatay ng higit sa 36,000 Amerikano taun-taon.

Sa pangunguna sa pananaliksik ay ginanap ng mga mananaliksik mula sa NYU Grossman School of Medicine.

Sa kanilang eksperimento, tinanggal ng team ang SA receptors sa pamamagitan ng paglalagay ng neuraminidase enzyme sa ilong ng mga mice.

Pagkatapos, ang mga sanggol na mice ay binaon sa influenza A.

Sa resulta na ito ay ipinakita na ang paggamot gamit ang neuraminidase enzyme ay dramatic na pumutol sa transmission rates mula 51% hanggang 100% sa anim na iba’t ibang influenza strains.

Bagaman ang pangunahing eksperimento ay isinagawa sa mga sanggol na mice, iniuugma ng mga mananaliksik ang kanilang mga natuklasan sa pag-aaral ng pagkalat ng sakit sa mga bata, na itinuturing ding mahalaga sa paglaganap ng flu sa tao.

Ngunit, iginiit ni Mila Ortigoza, ang pangunahing mananaliksik, na kinakailangan pa ng masusing clinical research bago mapagtibay ang neuraminidases bilang isang lunas sa mga tao.

Isang mahalagang tuklasan din sa pananaliksik ay ang potensyal na pagsulong ng pamamahagi ng sakit sa pamamagitan ng paggamot sa host, hindi lamang sa pag-target sa virus mismo.

Subalit, nagbigay babala si Ortigoza na ang serye ng masusing pagsusuri ay kinakailangan bago mapanagot ang neuraminidases bilang isang epektibong paraan ng pagsugpo sa mga nakakalat na nakakahawang sakit.

Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Quezon City High School 16 Tomo LXX | Blg. 1 | Sept 2023 - Mar 2024 AGHAM ang parola
D. Valdez
Christian E. Patiga Denzel
Patiga
Christian E.
Flu Away, ika’y okay!
Ella Mae Ochua
Photo from: Scitechdaily Photo from: Scitechdaily Photo from: Scitechdaily Photo from: Scitechdaily

Ang nasabing koponan na pinangungunahan ni G. Rey Victor Ilao ay raragasa rin tungo sa Palarong Panrehiyon 2024.

Walong gintong medlya ang hinakot ng Wushu team kabilang sina Christian Mark Poquita, Tjhae Z.

SMB,

Nagbakbakan sa third at fourth quarter sina Perez at Paul Lee, matapos ang pagsiklab ng apoy ni Jericho Cruz sa simula ng third quarter.

Nagliyab naman si Bennie Boatwright sa fourth quarter matapos ang isang matinding pagdepensa kay Lee at Jio Jajalon na nagbigay daan kay Perez na umiskor ng sunod-sunod.

Tuluyan nang natumba ang Magnolia Chicken Timplados Hotshots matapos magpagewang-gewang kontra San Miguel Beermen (SMB) na nagliyab sa PBA Game 6, matapos masungkit ang kanilang ika-29 titulo,

sa isang dikdikang laban, 104-102, nitong Ika14 ng Pebrero, sa Smart Araneta Coliseum. Nanguna si CJ Perez ng SMB na pumoste ng 28 puntos, sumaklolo rin sina Bennie Boatwright at June Mar Fajardo na parehong kumamada ng 19 puntos.

“Ito ang mga bunga ng aking pagpapagal.” saad ni CJ Perez.

EJ Obiena, tumalon sa ika-9 na puwesto sa Indoor Championships

Lubos na nahirapan si Obiena sa Indoor Championships matapos matamo ang 5.65m at magtapos sa bottom half ng 11 man field, matapos basagin ni Armand Duplantis ng Scotland ang kaniyang kartada.

Ang World No. 3 na si Chris Nilsen, ang silver medalist sa nakaraang Tokyo Games, ay lumahok din nang lampasan n’ya ang World’s Number 2 na si Obiena matapos niyang masungkit ang ikaapat na pwesto tangan ang 5.75m.

“Took my chances, but it did not work out. Clearing one bar in the whole competition and coming in 9th place.”, saad ni Obiena sa isang

Facebook post. Ang 28-anyos na Filipino Pole Vaulter ay nilampasan ang 5.83m sa paghahari nya sa Memorial Josip Gasparac sa Croatia at winasak ang Asian indoor record matapos niyang magtamo ng 5.93m nang siya ay maghari sa ISTAF Indoor Berlin sa Germany. Pasok pa rin naman si Obiena sa Paris Olympics, kasama sina Armand Duplantis ng Scotland, Emmanouil Karalis ng Greece, Kurtis Marschall ng Australia, Thibaut Collet ng France, Menno Vloon ng Netherlands, Ersu Sasma ng Turkey, at si Piotr Lisek ng Poland.

Umiskor naman ng tres sina Perez, Cruz, at Chris Ross, sa huling minuto ng laro na nagbigay sa kanila ng iskor na 103-99.

Nagtamo ang Hotshots ng iskor na 102, sa huling tatlumpung segundo ng laro, nabasag naman ang puso ng Hotshots matapos ibagsak ni Perez ang huling iskor ng laro at nagtapos sa 104-102.

QCHS Boxing team, sumuntok ng panalo sa QC Division Athletic Meet 2024

Denlo Miguel Mariano

Kumubra ng anim na medalya at pasok sa Larong Panreheyon ang Quezon City High School (QCHS) Boxing team matapos nilang ipamalas ang kanilang mala-bulalakaw na suntok sa QC Division Athletic Meet 2024 na ginanap sa Vito L. Belarmino Senior High School nitong Sabado, Pebrero 17.

Nakasikwat ng 1 bronze medal si Marie Ysabelle Mansilita sa Wushu Sanda bilang kinatawan ng Lungsod Quezon sa Batang Pinoy (BP) 2023 noong ika-20 ng Disyembre sa San Antonio Covered Court, Makati City.

Sinelyuhan ni Marie Ysabelle

Mansilita ang bronze medal matapos suugan ng mga mabibigat na sipa ang kaniyang tirada.

Kasama rin namang kinatawan nina Romalyn Naval, Yeljhon Leiner

Saladaga, Ralph James G. Pascual, Rosemarie T. Posing na sumadsad sa palad ng mga kalaban.

Ginawaran naman ng medalya ang mga nabanggit na nagwaging atleta sa ilalim ng tagapagsanay na sina G. Luiz Rio at G. Rey Victor Ilao noong Disyembre 22, 2023 sa parehong lugar.

Ang nasabing koponan ay pinangunahan ng kanilang tagapagsanay na si Dr. Jonathan D. Iloreta at mga ‘studentcoaches’ na sina Vincent Clark Paguinto at Justine Villapando. Isang gintong medalya ang inuwi ni Geo Symone Rodrigo Flyweight sa kategoryang Flyweight habang medalyang pilak naman ang nakamit ni Kiel Allister Loyd Fabito. Tansong medalya naman ang nasungkit nina Russel Jhon Francisco, Romuel James Bautista, Prinze Khelzee Silvera, Mark Naadat. Taas-noong

ISPORTS Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Quezon City High School | Tomo LXX | Blg. 1 Setyembre 2023Marso 2024 | Quezon City | National Capital Region 17 parola ang
nilasing ang Magnolia
Quezonian, sumipa ng bronze sa Batang Pinoy 2023 Wushu Sanda
Wushu team, nagnining sa QC Division Atheltics Meet
Valdez Dan Cedric V. Latasa Denlo Miguel Mariano
Valdez
na naman ang puwersang alak, dahilan
Nagningning ang Wushu team ng Quezon City High School (QCHS) matapos nilang dominahin ang QC Division Athletics Meet nang mag-uwi sila ng ginto, pilak at tansong medalya sa Vito Belarmino Senior High School nitong ika-17 ng Pebrero 2024.
makuha ni EJ Obiena ang inaasam na unang pwesto sa Indoor Championships sa Scotland,
ngang nananalaytay sa dugo ng mga Quezonians
sa PBA Finals Game 6
QCHS
Emmanuel
Emmanuel
Nanaig
para Magnolia ay maisadlak.
Bigong
matapos ibagsak ang kanyang hantungan sa 11 man field, dahilan para magtapos sa ika-9 pwesto, nitong ika-3 ng Marso, sa Glasgow, Scotland. Tunay
ang kahusayan pagdating sa pampalakasan!
hinarap ni Marie Ysabelle Mansilita ng QCHS Wushu Sanda ang kaniyang katunggali sa Batang Pinoy 2023.
Nilampasan ni EJ Obiena ang 5.65m, sapat para makamit ang ika-9 puwesto sa Indoor Championships sa Scotland. Kumawala si CJ Perez sa depensa nina Jio Jalalon at Magnolia Import Tyler Bey sa PBA Finals Game 6.
de Guzman, John Rey Pantoja, Dervy Delima, Mhyra Nicole Ambacan, Rosemarie Posing, Marie Mansilita at Desirhiy Zinampa. Dalawang pilak na medlya naman ang binulsa ng wushu team na sina Elijah Kurt Bacunawa , Kyell Scancan at Yelijohn Leiner Saladagan.

NBA: LeBron James, unang manlalaro na kumubra ng 40,000 career points

QCHS Women’s Volleyball, umariba kontra SFHS

Sipa ng Quezonians

Quezonians, ‘di padadaig; sa husay na taglay ay liglig!

Nagningning ang Quezon City High School (QCHS) Women’s Volleyball team nang lampasuhin at sibakin sa kompetisyon ang San Francisco High School (SFHS) sa elimination match ng QC Division Athletics Meet, 25-22, 25-18, nitong Sabado sa Judge Juan Luna High School, Pebrero 10.

Bumida sa laban si Gama Carijutan na nagpakawala ng mga mala-kidlat na spikes para matulungan ang QCHS sa kampanya nito.

Umalpas din ang team Captain na si Jerish Monterola nang magpaulan ng mga bumubulusok na service aces.

“I think pinakita naman po namin ‘yung best namin kanina pero we assure na hindi po kayo mabibigo sa mga next games na ipagpapatuloy namin. Mas titibayan po namin every games and hinding-hindi po kami magpapakampante kahit alam po naming nanalo na po kami ng isang game (ay) mas ibibigay pa po namin ang best namin to continue the game.”, aniya.

Agad na sinunggaban ng mga mapangahas na spikes ng SFHS ang QCHS nang isadlak nila ito sa apat na puntos na kalamangan sa unang yugto ng laban.

Pamatay-sunog naman ang mala-pader na block ni Monterola, dahilan para ibangon ang QCHS sa pagkakadapa. Dan

Nagliyab ang mga kamay ni Valerie Cabugnason nang pakawalan niya ang umuusok na spike para maging dalawa ang kalamangan ng QCHS, 23-21; natapos naman ang 1st set sa error na natamo ng SFHS.

Pukpukan man ang 1st set, tuluyan namang nginudngod ng QCHS sa lusak ang SFHS nang lumobo ang kanilang kalamangan hanggang sampu.

Hindi naging sapat ang sunod-sunod na tirada ng SFHS nang gumawa sila ng 5-0 run sa iskor na 18-24 nang kuminang sa ere si Anica Enierga sa kaniyang mala-bala sa bilis na spike para tapusin ang laban.

Ayon naman sa tagapagsanay ng QCHS na si G. Edgar C. Baladjay ay mas paghuhusayan pa nila sa kanilang mga pagsasanay.

“We will go back to our training. We will train more kasi mas mataas na yung level of our next game na kahaharapin namin. Bawal magpakampante.”, saad niya.

WAGING

High School (QCHS)

ang kumpiyansa ng

Silang High School (BSHS), 56-52, sa kanilang salpukan sa QC Division Athletics

Meet sa Amoranto Sports Complex, nitong Biyernes, Pebrero

Dan

Mailap man ang naging first half ni Dominic Alvarez ng QCHS, makuyad naman niyang binukadkad ang 2nd half ng laban nang mag-init siya upang makuha ng koponan ang tamang timpla ng laban.

Sumaklolo rin si Justine Budomo na ‘bulls-eye’ ang asinta sa 3-point line at Justine Budomo na nagmalahigante sa ilalim dahil sa kaniyang mga blocks.

Dan

Matatandaang nagapi rin ng Al Riyadi ang SGA sa quarterfinals ng parehong torneyo noong 2023.

Bumida si Gabriel Harries ng Al Riyadi na kumamada ng 23 puntos, 7 rebounds at 3 assists katuwang ang itinanghal na Tournament MVP na si Wael Arakji na tumudla ng 16 puntos, 3 rebounds at 3 assists.

19 puntos na kalamangan sa 3rd quarter ang kinalabaw nina Andre Roberson na nagmala-higante sa ilalim, Mckenzie Moore na kumana ng mga pamatay-sunog na tres at Jordang Heading na naginit din sa downtown.

Ang masidhing 29-6 ratsada ng SGA sa 3rd ay tumapyas sa kalamangan para maging apat na

puntos bago dumako sa huling yugto ng laban, 65-61.

Hindi naman nagpatinag ang defending champs nang mapasakamay ang 72-67 kalamangan nang ibaon ni Amir Saoud ang SGA sa lusak dahil sa pinakawalang mala-bulalakaw na tres. Nagmatigas ang SGA nang umarangkada ng 7-2 bentahe na sinuugan ng panablang tres ni Heading sa huling segundo ng laro, 74-74.

74-all sa nalalabing 30 segundo ng laban nang magmintis ang open-three ni Roberson, dahilan para masipat ni Arakji ang pagkakataon nang mahanap ang libre sa labas na si Ismail Abdelmoneim na kumana ng pangpanalo na buzzer beater.

Sa kabilang banda, bumandera naman si Roberson ng SGA na nagpamalas ng double-double, 24 puntos, 13 boards na sinaklolohan ni Dwight Howard matapos pumoste ng 18 puntos at 12 rebounds.

Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Quezon City High School 18 Tomo LXX | Blg. 1 | Sept 2023 - Mar 2024 ISPORTS ang parola
‘tungo sa tugatog ng tagumpay
QCHS, umalagwa sa tikas ng BSHS Al Riyadi, sinugpo ang SGA sa Dubai finals
nadiskaril ng Quezon City Basketball team Bagong
16. HINDI PUMAYAG ang ‘defending champs’ Al Riyadi na makuha sa kanila ang korona nang lansagin ang Strong Group Athletics (SGA) sa isang dikdikang laban, 77-74 sa finals ng 33rd Dubai International Basketball Championship sa Dubai, UAE, Enero 29.
Maaksyong binuksan ng BSHS ang unang yugto ng laban sa bisa ng kanilang mga tirada sa labas.
Cedric V. Latasa
EKSPRESS
ISPORTS
Cedric V. Latasa
Cedric V. Latasa
ni Gama Carijutan ang naglalagablab niyang service sa kanilang laban kontra San Francisco High School sa Division Athletic Meet.
Ipinamalas

Suntok dito, sipa ro’n, isang dwelo na puno ng mainit na banatan!

Ganyan mailalarawan ang dinanas ni John

Rey C. Pantoja, isang manlalaro ng Wushu ng Quezon City High School (QCHS). Nakatanggap man ng mga suntok at sipa mula sa mga kalabaan ay nagawa nya pa ring pataubin ang Ernesto Rondon HS sa naganap na QC Division Athletic Meet, Vito L. Belarmino Senior High School, Pebrero 17, 2024 upang maiuwi ang

kampeonato at maihanay sa mga atletang sasabak sa Palarong Panrehiyon 2024.

Tumarak man ang pawis dahil sa pagod, mga pasakit na bunsod ng mga tadyak man ang natamo ay hindi pa rin tumiklop sa digmaan. Bawat hininga’y kalkulado upang korona ay matamo, depensa ay matagal na pinag-ensayuhan. Sa pagtitiis ng bawat sakit na nakukuha sa sipang ibinabato sa kanya ay wala pa riing makapipigil sa gigil n’yang manalo. Ang mga mala-bulalakaw sa bilis ng kanyang take down, push kick, side kick ay nagsilbi niyang matibay na opensa sa laban. Hindi man kampante na makapag-uuwi muli

QCHS Men's Volleyball, pinuruhan ang CGEAHS

ng tagumpay sa gaganaping larong Panrehiyon ngunit sinisiguro n’yang siya ay magsisipag sa pag-eensayo upang tagumpay ay matamasa nyang muli.

Ayon sa kaniya, ang magiging sandata n’ya muli sa nalalapit na larong Panrehiyon ay ang matinding pageensayo at palagiang pakikinig sa kaniyang tagapagsanay.

Ito’y bahagi na ng kaniyang buong pagkatao. Ang bunga ng kaniyang paghihirap ay tiyak na dadalhin niya sa hinaharap nang puno ng galak. Ang walang humpay na pagpapagal ay tiyak na magbubunga rin ‘di kalaunan. Ipagpatuloy lang ang pagsipa! Hanggang tagumpay ay makuha!

Wala nang hihigit pa sa silakbo ng ‘Quazo’! Naglagablab ang ningas ng Quezon City High School (QCHS) Men’s Volleyball team nang lampasuhin at warakin nila ang kumpiyansa ng Camp General Emilio Aguinaldo High School (CGEAHS) sa elimination match ng QC Division Athletics Meet, 2521, 25-12, nitong Sabado sa Judge Juan Luna High School (JJLHS), Pebrero 10.

Nagpakitang-gilas sa laban ang Team Captain ng QCHS na si James Almasol nang paalingawngawin ang JJLHS court dahil sa mga matutulin niyang spikes upang matulungan ang kaniyang koponan makopo ang panalo.

Bagama’t matagumpay na nagapi ng QCHS ang CGEAHS, naniniwala pa rin si Almasol na mayroon pang mas ikagaganda ang ipinakita nila.

“Hindi pa ako satisfied sa laro namin kanina, may tiwala ako sa mga teammates ko at alam ko ang mga laro nila at alam namin na may ibubuga pa kami, hindi lang talaga kami sanay kanina dahil kinakapa pa namin ang court. Asahan n’yo sa next (na) laban namin na mas ipakikita pa namin ‘yung tunay

Nais naman ng tagapagsanay Czacharie

Maingat naming susuriin ang mga kalakasan at kahinaan ng kalaban.

Bagama’t maganda ang naging

ragasa ni Kevin Quiambao sa mga nakaraang laban, bigo naman itong makapagtala ng puntos sa kaniyang 37 minuto na paglalaro.

Bigo ang Strong Group Athletics Philippines na masungkit ang inaasam na gintong medalya sa 33rd Dubai International Basketball Championship sa Shabab Al Ahli Club-Dubai.

Sa pamamagitan ng buzzerbeater three mula kay Ismail Ahmed Abdelmoneim ng Al Riyadi nagawang madepensahan ng Lebanon team ang kanilang titulo.

na laro namin na pinaghihirapan namin (nang) matagal sa training.”, aniya.

20-21, pabor sa CGEAHS nang dumaluhong ng hampas si Nico Data ng QCHS upang matapyas ang kalamangan at maitabla ang laban na nagbunga sa sunod-sunod na puntos ng QCHS para masikwat ang unang set.

Hindi naman pinayagan ni Jan Wigbert Calda ang hagupit ng CGEAHS nang magpamalas siya ng mga mala-pader na blocks.

Tuluyan nang sinarado nina

Almasol at Data ang pinto nang bumulahaw at kanain ang huling dalawang puntos ng pangalawang set.

ng QCHS na si G. Eddrian Esmero na pagtuunan ng pansin ang pagrerepaso nila ng iba’t ibang estratehiya sa laban.

“Kinakailangan naming magfocus on refining our strategies, techniques and analyzing opponents to enhance overall performance. Kinakailangan din naming i-develop at ma-maintain ang physical conditioning, teamwork, and communication in preparation for the next game. Higit pa rito, binibigyang-diin natin ang kahalagahan ng patuloy na pagtitiwala sa Diyos sa panahon ng ating pagpaplano, na napagtatanto na ang ating mga aksyon ay nakasalalay sa Kanyang direksyon at tulong.”, saad ni G. Esmero.

QCHS Men’s Volleyball, nakamit ang ika-4 pwesto sa Division

Natuldukan ang masidhing kampanya ng Quezon City High School (QCHS) Men’s Volleyball team matapos yumukod sa pwersa ng Justice Cecilia Palma High School (JCPHS), 25-23, 25-20 sa QC Division Athletic Meet sa Judge Juan Luna High School nitong Linggo, Pebrero 18.

Nanaig ang karanasan ng JPCHS na kampeon ng Division Meet noong nakaraaang taon, dahilan para gamitin nila itong sandata para putulin ang bagwis ng QCHS.

Lubos na pinahirapan ng JPCHS ang QCHS sa 2nd set nang angatan nila ito sa paglipad sa ere dahil sa mga spikes, bagama’t nahabol ng QCHS, sumadsad pa rin sila sa hukbo ng JPCHS. Sa kabilang banda, nagpasiklab naman si Jan Wigbert Calda at James Almasol ng QCHS na kumubra ng mga puntos para tulungang dikitan ang JPCHS.

Bagama’t bigong umalpas tungong Palarong Panrehiyon. hindi pa rin naman namamatay ang alab ng ningas sa puso ng tagapagsanay ng QCHS na si G. Eddrian Esmero. “Ang aming agarang pagtuon ay sa muling pagpapangkat at pag-istratehiya para sa susunod na Division Meet. Maingat naming

QCHS Men’s Volleyball, pinagharian ang NEHS

susuriin ang mga kalakasan at kahinaan ng kalaban…”, saad niya.

Napasakamay naman ng QCHS ang ikaapat na pwesto sa nasabing torneyo, habang umabante naman sa Finals ang JPCHS.

Nanaig ang puwersa ng Quezon City High School (QCHS) Men’s Volleyball team matapos sumibad sa kamay ng New Era High School (NEHS), 22-25, 25-12, 25-11, sa elimination match ng QC Division Athletics Meet nitong Linggo, Pebrero 11 sa Judge Juan Luna High School (JJLHS).

Bumandera muli sa laban ang Team Captain na si James Almasol na nagtala ng apat na puntos sa ikatlong set para tuluyang yurakan ang NEHS.

“Hataw kung hataw at tinapangan ko (rin) kanina kasi ayokong umuwi kaming talunan”, saad ni Almasol.

Tumambad sa 1st set ang errors ng QCHS na nagpahirap sa kanilang maangkin ang unang yugto ng laban.

Agad naman na bumawi sa 2nd set mula sa pagkakasadlak sa 1st

set ang QCHS matapos ang mala-bulalakaw na atake ni Almasol at nagliliyab na service ace ni John Tonolete para umusad ang kalamangan ng QCHS sa lima. Mas nakuha naman ng QCHS ang timpla ng laro nang magpamalas si Nico Data ng mga pulidong blocks, dahilan para tuluyang maiwan sa ere ang NEHS.

Ayon kay Almasol, isa sa naging dahilan ng mabangis na pagbawi nila sa 2nd set ay ang mga katagang binitawan ng mga tagapagsanay nila.

“Bumawi kami nung second set at pinangatawan namin ang binitawang salita ng aming coaches na ‘di kayo natalo sa mga laro n’yo, natalo kayo dahil sa mga errors nyo’, kaya as a captain ball mas ginalingan ko pa kaya inunahan ko na, umarangkada na agad ako nung 2nd set.”, aniya.

OPINYON 19 Tomo LXX | Blg. 1 | Sept 2023 - Mar 2024 Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Quezon City High School ang parola ISPORTS
Paghahanda man ay puspusan, lahat pa rin ng bagay ay may katapusan. Dalawang sunod na pagkapanalo ng berdeng hukbo!
Francisco
Dan Cedric V. Latasa Dan Cedric V. Latasa
‘‘
si Mckenzie Moore ng Strong Group Athletics kontra Al Riyadi sa 33rd Dubai International Basketball Championships.
ng hampas ang captain-ball na si James Almasol ng QCHS Men’s Volleyball sa QC Division Athletics. Naghandang magpakawala ng service ace si Jan Wigbert L. Calda ng QCHS Men’s Volleyball sa kanilang salpukan sa QC Division Athletics kontra Justice Cecilia Palma High School.
Nakipagtapatan
Dumaluhong

Meralco, kinuryente ang TNT sa PBA 3x3 Grand Finals

Dan Cedric V. Latasa

Matapos ang matagal na pagupo sa trono, oras na para iba naman ang mamuno.

Tinanggalan ng enerhiya ng Meralco Bolts na mapasakamay ng TNT Triple Giga ang back-to-back grand slam title matapos maglamlam ang kanilang koneksyon sa PBA 3x3 Season 3 Grand Finals, 21-17, nitong ika-19 ng Pebrero sa Ayala Malla Glorietta.

Taas-noong

pinangunahan ni Joseph Sedurifa ang Meralco matapos kumopo ng walong puntos. Naging sandalan din ng koponan sina JJ Manlangit na pumoste ng pitong puntos at Alfred Batino na nagtala ng limang puntos para tulungan ang Meralco sa kampanya nito.

“Sobrang tagal na namin sa PBA 3x3, first time namin na-experience ito,” saad ni Batino.

Umarangkada si Sedurifa matapos kumaripas at magbuslo ng layup, samantala, tatlong magkakasunod na puntos naman ang nailista ni Manlangit, dahilan para maikubra nilang dalawa ang 6-2 run ng Meralco at maiuwi ang grand prize na P750, 000.

Sa kabilang banda, bumandera naman ng limang puntos si Almond Vosotros ng TNT na nakatanggap ng P250, 000 matapos maibulsa ang runner-up.

Naungusan naman ng Cavitex ang Blackwater, 22-19 na nakatanggap ng P100, 000 matapos pumangatlo sa torneyo.

DAMHIN

Unang Tanso ng Quazo sa Women's Volleyball

Nakabibinging katahimikan nang net ay malampasan, bumagsak ang bola, kasabay ng mga luha. Masidhing karanasan ay bumalik sa mga isipan, biglang naalala ang hindi matatawaran na pinaghirapan at mga nabuong samahan. Pagod man sa mga laban, napalitan naman ng saya at galak nang tropeyo ay maiuwi sa paaralan. Sa kabila ng nakuhang karangalan, alam kaya ng karamihan ang kanilang pinagdaanan?

Bumubulusok na mga pagsubok ang natamo ng Quezon City High School (QCHS) Women’s Vollyeyball team sa landas na kanilang tinahak sa QC Division Athletic Meet. Kasabay ng mga pagsubok na ‘to ay ang una ring pagsubok ni G. Edgar C. Baladjay bilang tagapagsanay ng nasabing koponan. May mga pagkakataong sa ensayo ay may nababagok at nasasaktan. Mga pagkakataong hindi pa solido ang takbo ng koponan; may nagtatarayan at hindi pagkakaintindihan. Mga pagkakataong hindi pa sanay sa pagreceive, pag-serve at pag-dig ang mga atleta. Mga pagkakataong hinahabol ng kanilang tagapagsanay ang kaniyang hininga dahil sa paglabaspasok sa ospital. Sa mga pagkakataon na ‘to ay ang pagkakataon din na nawala ang alab ng ningas sa puso at kagustuhan ni G. Baladjay na panghawakan pa ang koponan. Wala na, ‘di na kaya, mukhang hindi na ipagpapatuloy pa. Ang tagapagmaneho ng koponan ay tila ba

nawalan ng pag-asa. Ang sasakyan ay nagpagewang-gewang, paano na kaya ang nabuong koponan?

Ngunit sa isang iglap, sumibol ang pag-asa ni G. Baladjay, napagtanto niya na isa rin pala siyang guro. Hindi lang tagapagsanay, bagkus guro rin. Guro na mas kinakailangan ng mga manlalaro sa oras ng laban. Tagapagsanay na kinakailangan ng mga atleta para hubugin ang kanilang kaalaman. Dalawang responsibilidad na kailangang tugunan at gampanan. Oo, mabigat, ngunit magaan sa pakiramdam kapag nagbunga ang mga pagpapagal na naranasan. Tumimo sa isipan n’ya ang iniatas na trabaho sa kan’ya ng Panginoon. “Bahala na si Lord, anyway for sure He has a plan and purpose why am I the coach of Women’s Volleyball.”, aniya. 1947 nang naitatag ang QCHS; 2024 nang makasampa sa podium. Matagal-tagal na pagpapagal, maraming kinaharap, hindi mapapantayan ang mga pagsusumikap. Ang lahat ng luha, pawis at pagod ay nasuklian; ang minsang kawalan ng pag-asa sa koponan, ay nagbunga para pumangatlo sa torneyo ang paaralan. Napuno ng mga ‘1st time’ ang paglalakbay ng QCHS, unang beses ng kanilang tagapagsanay na humawak ng koponan sa pampublikong paaralan at unang beses na pagsampa ng paaralan sa podium. Ang mga ‘1st time’ na ‘to ay ‘di naging balakid para makamit ng paaralan ang karangalan. Minsan na ring sumubok si G. Baladjay umalpas paalis ng koponan. Ngunit ang pagbibigay n’ya ng tyansa sa kan’yang sarili at sa buong koponan ay naging mitya ng pagbukadkad ng mas magandang oportunidad. Lahat tayo ay nagsisimula sa ibaba, ngunit, ‘gaya ni G. Baladjay na nakasaksi ng lahat ng paghihirap at nagtiwala, nawa, ikaw rin ay magpatuloy sa pagpapanday; tungo sa rurok ng tagumpay!

pahina 03

pahina 06

pahina 14

MUKHA NG TELEBISYON

Panibagong yugto ng pag-asa

Antas ng tubig lupa, mabilis na bumababa

QCHS Pencak Silat, sumipa ng panalo sa QC Division

Athletic Meet 2024

Denlo Miguel Mariano

Ipinatikim ng Quezon City High School (QCHS) Pencak Silat team ang bagsik ng kanilang mga sipa matapos nilang humakot ng medalya at makapasok sa Palarong Panrehiyon 2024 sa naganap na QC Division Athletic Meet 2024 sa Belarmino Sports Complex nitong Biyernes, Pebrero 16.

Pinangunahan naman nina Gng. Gina Lyn N. Rasco at G. Sherwin Garvida ang koponang Pencak Silat. Walong gintong medalya ang naiuwi ng Pencak silat team na kinabibilangan nina: Robelyn Baylon, Davester Lecciones, Jomar Taboso, Christian Gong, Irish Jade Marcos, Rozzalyn Jucos, Robelyn Baylon, Khian Clarence Sanchez,Davester Lecciones at Christian Gongora. Apat na medalyang pilak naman ang naibulsa nina: Chrizza Mae Castillo, Marrydil Olitres, Rozzalyn Jusay at Irish Jade Marcos. Samantala, isang tansong medalya naman ang nabingwit ni Gabriel Princesa.

Pahina 19

QCHS Men’s Volleyball, nakamit ang ika-4 pwesto sa Division

Paghahanda man ay puspusan, lahat pa rin ng bagay ay may katapusan.

ang parola Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Quezon City High School | Tomo LXX | Blg. 1 | Setyembre 2023 - Marso 2024 | Quezon City | National Capital Region isports
Napigilan ng Meralco Bolts ang TNT Triple Giga na mapasakamay ang Grand Slam sa PBA 3x3 Third
SCAN HERE Online digital platform ISPORTS EKSPRESS sa mga numero Nakalaang pondo ng Philippine Sports Comission (PSC) sa taong kasalukuyan, ayon sa chairperson ng Senate Committee on Sports at Vice Chair ng Senate Finance Committee na si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go. P1.2B NILALAMAN ako ang 10 Lumipad sa ere ang hinirang na best server na si Valerie Ann Cabugnason ng QCHS Women’s Volleyball sa QC Division Athletics Meet.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.