QCHS-ANG PAROLA

Page 1


Sa programang ito, tinutulungan

talaga ang mga mag-aaral na hindi lang basta magbasa kundi maunawaan at mapahalagahan.

GNG. JOYLENE

STO. DOMINGO

ARTIKULO NI YURI ABENIDO

MASUSING PAGTUGON

Pagbasa, binigyang-tuon ng Kagawaran ng Filipino sa QCHS

alaking problema ang kasalukuyang kinakaharap ng bansang Pilipinas matapos lumagapak sa pagbasa at komprehensyon batay sa pag-aaral ng Program for International Student Assessment (PISA) noong 2022.

Sinukat ng PISA ang kaisipan ng mga 15 taong gulang na mga mag-aaral sa iba’t ibang babasahin at nagresulta ito sa hindi kaaya-ayang antas dahil ang nasabing bansa ay nasa ika-60 na pwesto mula sa kabuuang 62 na bansa na sinuri din ng nasabing programa.

Karamihan sa mga mag-aaral na sinuri ay walang sapat na kaalaman o nabibilang sa “Level 2 Proficiency.”

Ipinabatid naman ni Pangulong Ferdinand Marcos

sa mga numero

sa mga numero Hindi bababa sa siyamnapung porsiyento ng mga batang Pilipino na may edad 10 ang nahihirapan sa pag-intindi at pagbabasa.

%

Ika-60 ang pwesto ng Pilipinas mula sa 62 bansa na sumalang sa PISA noong 2022.

QCHS Wushu Sanda team,

Jr. sa Department of Education (DepEd) na gumawa ng hakbang upang mapabuti ang nakaaalarmang ranggo ng Pinas sa nasabing pag-aaral. Isa naman si Gng. Joylene R. Sto. Domingo, Teacher II mula Paaralang Sekondarya ng Lungsod Quezon (QCHS) na nagpupursigi upang malutas ang problemang kinakaharap ng bansa bilang tagapamahala sa programang “Pagbasa: Linangin, Pagunawa: Hubugin” (PLPH). Layunin ng programang PLPH na hindi lang basta makapagbasa ang mga mag-aaral kundi mapalawak ang pag-unawa pagdating sa pagbasa at pahalagahan ito.

tatlo sa bawat sampung Quezonians mula baitang 7 ang hirap sa pagbasa

Sa 107 na mga mag-aaral na kabahagi ng PLPH, 73 ang maalam sa pagbasa , habang 34 naman ang hirap sa pagbasa. sa mga numero

KATAS NG EPEKTIBONG SERBISYO

QCHS, kinilala bilang natatanging stakeholder ng SDO Q.C.

ARTIKULO NI YURI ABENIDO

Malaking pundasyon sa loob ng 77 na taon ang ibinahagi ng Quezon City High School (QCHS) sa Quezonians dahilan para magawaran ng parangal sa katatapos na pagdiriwang ng ika-75 na taong pagkakatatag ng SDO Q.C. noong ika-21 ng Nobyembre.

Itinatag noong taong 1947 ang QCHS at hinirang bilang kauna-unahang pampublikong sekondaryang paaralan sa Lungsod Quezon na itinuring namang silidaklatang tumagal ng 77 na taon. Bilang tagapamahala sa paaralan, ibinahagi ni Dr. Remedios P. Danao ang kaniyang pinagtuunan at layunin upang mapanatili ang dekalidad na pagkatuto ng mga Quezonians.

“Ang focus ko talaga ay academics at ang goal ko ay it should leave its legacy,” wika ni Dr. Danao. Ayon sa kaniya, bagama’t wala na silang opsyon kundi ipatupad ang inihaing patakaran, may mga hakbang pa rin na magiging solusyon sa pabago-bagong sistema ng edukasyon.

of Education (DepEd) kasi hindi naman nila ilalatag ‘yun kung hindi nila nakita ang antas na nasa ground level,” saad niya. Samantala, binigyang-pagkilala naman sa pangalawang pagkakataon ang Quezon City High School bilang “Outstanding Stakeholder Award” sa 5th GAWAD KAAGAPAY noong ika-20 ng Disyembre sa Great Estern Hotel. Ang seremonya ng pagbibigayparangal ay dinaluhan ni G. Renato Telesforo T. Lina, miyembro ng Batch ‘77 at G. Jonathan P. Manuba ,HT-III, AP Department.

“Sa amin, wala kaming choice but to implement. Mayroon talagang paraan kung paano matutugunan ‘yung mga inilalatag ng Department

Ibinida ni Dr. Remedios P. Danao, punongguro ng QCHS ang natanggap na pagkilala bilang natatanging paaralan na 77-taon nang naghahatid ng kalidad na edukasyon sa SDO QC, noong ika-21 ng Nobyembre.

Mabuting Pastol

Tagumpay ni Tolentino

Tolentino, muling magpapamalas ng talento sa RFOT

Kakaibang teknik ang ipinakita ni Mark Gerick Tolentino dahilan para makuha ang tiket patungong Regional Festival of Talent (RFOT) sa naganap na Division Festival Of Talent (DFOT) noong ika-23 ng Nobyembre, sa new covered court ng Quezon City High School.

Ayon kay Dr. Heidee F. Ferrer (Chief Education Supervisor), ang layunin ng nasabing kompetisyon ay para maipakita ang talento at kakayahan ng mga mag-aaral.

“The goal of our activity is to enable our learners to demonstrate their talents and skills,” aniya.

Nanguna naman si Dr. Carleen S. Sedilla (Schools Division Superintendent) sa paghahayag ng espesyal na mensahe.

“Patuloy po nating linangin ang galing, talino at kakayahan ng ating mga kabataan dahil tayo po ay naniniwalang we are developing holistic children,” wika ni Dr. Sedilla.

Samantala, unang umarangkada si Tolentino noong sumabak siya sa On-the-Spot Oratorical Speech

Biyaya sa pasko

Competition sa ilalim ng gabay ng gurong tagapayo na si G. Leobel De Lima noong ika-18 ng Oktubre, kung saan nakamit niya ang unang pwesto.

Ipinakita naman niya ang walang kupas niyang galing at mala-gintong obra sa kategoryang SPEAK UP!

Impromptu Speech Contest (Filipino) sa naganap na DFOT, dahilan para makupo ang gintong medalya at rumatsada patungong Regional.

Ayon sa kaniya, para sa muli niyang pagsabak, palalawakin niya pa ang pagbabasa sa iba’t ibang paksa, lalo na sa kategoryang lalahukan.

“Sa aking paghahanda, lalawakan pa ang pagbasa hinggil sa Pag-unawa sa kultura, pulitika, at komunidad. Higit lalo sa PopDev ng AP dept.,” ani Tolentino.

Ang kaniyang mga pagkapanalo sa nagdaang kompetisyon ay hindi lamang personal na pagsisikap bagkus tangan-tangan niya rin ang gabay ng kaniyang gurong tagapayo, na nagresulta sa pagkakaroon niya ng determinasyon, sipag at talino sa susunod na laban.

‘Maaga ang Pasko sa Quazo,’ Labinlimang taon na!

ARTIKULO NI YURI ABENIDO

Karamihan sa bawat pamilya ngayon ay pinaghahandaan ang Pasko upang maipakita ang kani-kanilang tradisyon, kultura, paniniwala at maipadama ang pagmamahal sa pamamagitan ng mga regalo.

Noong taong 2021, nagsagawa ang WorldRemit ng pag-aaral upang matukoy kung magkano ang halaga na ginagastos ng mga Pilipino sa tuwing sasapit ang Pasko. Napag-alaman na ang mga Pinoy ay gumagastos ng 331 porsiyento ng kanilang buwanang kita tuwing bakasyon, na nagbibigay hamon kung papaano nila matutustusan ang mga pangangailangan sa pagsapit ng pagdiriwang.

Kaya naman, muling naghandog para sa ika-15 na taon ang mga guro mula sa Kagawaran ng Filipino katuwang ang

Mula sa binhi ng pagkakaisa, namumulaklak ang QCHS. Nanguna ang kasalukuyang pangulo ng School Parent Teacher Association (SPTA) Assembly ng SPTA bilang pagbabalik-tanaw sa mga proyekto ng nasabing samahan

BUNGA NG PAGKAKAISA

Mga proyektong pampaaralan, binigyang-tuon ng QCHS SPTA sa General Assembly

Isinagawa ang kauna-unahang SchoolParent Teacher Association General Assembly noong ika-6 ng Nobyembre sa Quezon City High School, new covered court.

Pinangunahan ang nasabing pagpupulong ni G. Angelo Magpusao, pangulo ng SPTA, katuwang ang iba pang opisyales at ibinahagi ang mga proyekto na naisakatuparan ng kanilang organisasyon sa ilalim ng kanilang pamumuno.

“Ang ating pamunuan ngayon ay marami na pong nagawa,” ani G. Magpusao.

Kabilang sa mga proyektong kanilang naisakatuparan ang:

• Rehabilitation of Gulayan

• World Teacher’s Day Celebration (In collaboration with SSLG & FEA)

• TLE Practice House

• TLE E.A.T.S Project (Sponsorship of Tools)

mga piling mag-aaral ng Quezon City High School, noong ika-13 ng Disyembre. Ang mga pagtulong ay ihinahandog sa pamamagitan ng damit, gamit sa eskwela, pagkain tulad ng mga ihahanda sa Pasko at binibigyan din ng imbitasyon na makadalo sa simpleng salusalo ang mga mag-aaral na mapipili.

Para naman kay Marjon Maturan, isa sa mga mag-aaral na nabiyayaan sa nasabing programa, nakatulong din ito sa kaniyang pamilya dahil nagkaroon sila ng Noche Buena sa hapag noong Pasko.

“Noong nakatanggap ako, sabi ko talaga sa nanay ko na mayroon na kaming panghanda sa Pasko. Sobrang saya ko no’n at nakatulong din talaga kasi dapat wala kaming Noche Buena,” aniya.

Layunin ng Maaga ang Pasko sa Quazo na matulungan ang mga nangangailangang mag-aaral sa nasabing

ayon sa istatistika

Bilang ng mga magaaral sa Distrito 4 ng Lungsod Quezon kabilang ang Quezon City High School na napamahagian ng school uniforms, shoes at bags.

SA LIKOD NG BAWAT REGALO, MAY KWENTO NG PAGBABAGO

#MaagaAng PaskoSaQuazo: Nagbibigay hindi lang ng kagalakan, kundi pag-asa para sa isang mas magandang kinabukasan.

• Women’s Volleyball Team (Sponsorship of Uniforms)

• Senior Scouting Program (Sponsorship of Needs)

• Science Eco-Model 2024 (Sponsorship of cash prize for 3rd place, 2nd place and 1st place).

“Marami sa inyo siguro ang nagtataka na kung ano ba ang mga nagawa namin? Ito na po, lahat po ‘yan ay galing sa amin,” dagdag niya.

Matapos naman nito ay tinalakay rin ang mga usapin ukol sa mga ikinababahala ng mga magulang sa loob ng silid-aralang kinabibilangan ng mga anak nila.

Samantala, inumpisahan na ng buong SPTA Officers ang pagbuo ng membership sa bawat committee.

“Gaya ng pagiging SPTA, gusto lang namin ng kasiguraduhan na makakatulong kayo, na makakatuwang namin kayo para sa

ikabubuti ng paaralan,” wika ni G. Magpusao. Sa pagtatapos ng programa, nagbigay ng pasasalamat sina G. Magpusao at Gng. Tuboro sa mga dumalong magulang at ilang mga guro.

Ayon kay G. Magpusao, ang layunin ng pagtitipon ay para masubaybayan ang pagiging aktibo ng mga magulang sa paaralan ng kanilang anak.

“’Yung layunin ay una, mahikayat ang lahat ng magulang na mag-participate sa lahat ng gawain ng SPTA. Ngayon, nakita naman namin ang suporta ng mga magulang at nagpapasalamat kami dahil posible na maisakatuparan ang mga programa at proyekto,” saad niya. Samantala, naganap naman ang oath taking ng mga naihalal na QCHSSPTA, opisyal at mga miyembro ng bawat komite noong ika-12 ng Nobyembre na pinangunahan ni G. Peter Tagab.

Councilor Imee, Cong. Rillo; namahagi ng school uniforms, shoes, bags sa Quezonians

Sa mag-asawang Rillo, “no more sana all,” sapagkat lahat ay damay sa kagamitang ipinamimigay.

Handog nina Cong. Marvin Rillo at Councilor Imee Rillo ang mga school uniforms, shoes, bags sa mga piling Quezonians noong ika-25 ng Setyembre sa covered court ng Quezon City High School.

Layunin ng programa ng magasawang Rillo na makinabang sa pera ng gobyerno ang mga mag-aaral sa Distrito 4 ng Lungsod Quezon sa pamamagitan ng libreng kagamitang pampaaralan.

“Under my leadership, I will make sure that the residents of our district ay nakikinabang sa pera ng gobyerno, hindi mauuna ang pagpapaayos ng kalye para sa pera ng politiko... ang magiging una ay ang taong bayan...,” saad ni Cong. Rillo.

Ibinida pa ng congressman na pinondohan umano nilang mag-asawa ang programa gamit ang pera mula sa sarili nilang bulsa.

“Ang magandang balita po rito, kahit piso ay wala po kaming ginastos na pera ng gobyerno, lahat po ito ay ipon naming mag-asawa para magbigay-saya sa mga estudyante,” dagdag pa n’ya.

Matatandaang nakatanggap din ang QCHS ng naturang pamamahagi ng kagamitang pampaaralan noong nakaraang taong panuruan, kung kaya’t lubos din ang pasasalamat ng kasalukuyang punongguro na si Dr.

Remedios P. Danao.

“Mga anak, kapag natanggap ‘nyo ito, wala na kayong rason sa amin na magsabi na wala kayong uniform,” saad ni Dr. Danao.

“Kami rin sa administration ng Quezon City High School ay laking pasasalamat kina Cong. Rillo; mas magiging maayos ang implementation ng proper uniform...,” dagdag pa niya.

Inilahad din ng kasalukuyang SSLG President, John Patrick Clavo ang taospusong pasasalamat mula sa hanay ng mga mag-aaral.

“Your support shows us that our dreams matter,” ani Clavo.

Lubos namang ikinatuwa nina Juris Justhine Gundayao at Elaiza Loraine Perez mula sa TVL 12-Arepa ang natanggap na mga kagamitan.

“Dahil po sa mga libreng kagamitan ay nababawasan ang mga gastusin at malaking tulong din ito sa mga magulang na kumakayod para sa [kanilang] anak,” ani Perez.

“Dahil [din] dito ay naiiwasan ang mga ‘offenses’ katulad na lamang [ng] hindi pagkakaroon ng uniform dahil sa kakulangan ng pera,” dagdag pa ni Gundayao.

Kasalukuyang nasa ikalawang taon na ang pamamahagi ng kagamitang pampaaralan sa mga magaaral sa Distrito 4.

ARTIKULO NI YURI ABENIDO
ARTIKULO NINA YURI ABENIDO AT JHANINE LEGARDA
HUSAY NA WALANG KAPANTAY.
Mark Gerick Tolentino, muling magpapamalas ng husay sa Regional Festival of Talent, matapos makamit ang kampeon sa DFOT SPEAK UP!
ARTIKULO NI YURI ABENIDO
KAGAMITANG PANG-ESKWELA. Cong. Marvin Rillo at Councilor ng libreng kagamitan para sa Quezon City High School bilang
‘‘

Yung layunin ay una, mahikayat ang lahat ng magulang na magparticipate sa lahat ng gawain ng SPTA.

PANG-ESKWELA.

Councilor Imee Rillo, muling nagbahagi pangangailangan ng kabataan sa bilang suporta sa mga Quezonians.

mula sa pahina 1

MASUSING PAGTUGON

Pagbasa, binigyang-tuon ng Kagawaran ng Filipino sa QCHS nagagamit sa pamumuhay, lalo na sa trabaho.

“Sa programang ito, tinutulungan talaga ang mga mag-aaral na hindi lang basta magbasa kundi maunawaan at mapahalagahan. Nowadays kasi ‘yung mga estudyante ay basta-basta lang nagbabasa pero hindi naman nila naiintindihan” ani Gng. Sto. Domingo.

“Bahagi ng pag-aaral ‘yang pagbabasa. Kaya kung ikaw ‘yung may mababang lebel sa pagbabasa, maiiwan ka. Kailan mong isipin na dapat mahasa ka rin,” dagdag pa niya.

Para naman kay Christ Joseff T. Pagaran, mag-aaral ng baitang 7, importante para sa kaniya na malinang ang kaniyang kaisipan pagdating sa pagbasa at pag-unawa dahil ito’y

“Kailangan talaga ‘to kasi ginagamit ‘to sa lahat ng bagay, partikular sa pagtatrabaho tulad ng pagiging driver, piloto at call center agent,” wika ni Pagaran.

“Naging epektibo sa akin sapagkat nakikita ko naman na mas mahilig na ako sa asignaturang Filipino at Araling Panlipunan, mas nauunawaan ko na ngayon ang mga aralin,” dagdag pa niya.

Tuwing Biyernes naman magaganap ang mga sesyon, kung saan ang lahat ng mga mag-aaral na nasa Learning Recovery na pangkat pababasahin ng mga teksto pagkatapos ng klase sa nasabing araw.

BUNGA NG PAGPAPAGAL. Kamangha-manghang tagumpay ang inani ng ‘Ang Parola’ sa D4SSPC noong Oktubre 2024, Ang kanilang mahabang paglalakbay at pagsasanay ay nagbunga ng matamis na gantimpala.

NANUMBALIK NA KINANG

Ang Parola, itinanghal na Top 3 Publication sa D4SSPC

Mahabang panahon ng pananahimik ang naghari sa publikasyon na Ang Parola nang mahigit limang taon at huling tiningala matapos makatungtong sa Regional Schools Press Conference (RSPC) nang apat na beses.

Kasunod nito, tila unti-unting napawi ang ningning na naging gabay patungong tagumpay at nanahimik ang pangalan ng publikasyon sa bawat kompetisyon. Sa kabila ng lahat, ipinagpatuloy pa rin ang puspusang paghahanda ng publikasyon. Sa nagdaang District IV Secondary Schools Press Conference (D4SSPC) noong ika-5 at 7 ng Oktubre, muling naglagablab ang husay ng Ang Parola matapos humakot ng mga parangal.

Ang nasabing publikasyon ay nasikwat ang ikatlong pwesto sa Best Performing School in Filipino at ikaapat na pwesto sa Best Performing School in District IV. Bukod pa rito, humakot din sila ng samot-saring parangal sa indibidwal at pangkatang kategorya.

• Unang Pwesto sa Pagsulat ng Balita — Yuri Abenido

• Ikaanim na Pwesto sa Pagsulat ng Editoryal

— Ellen Clavo

• Ikatlong Pwesto sa Pagsulat ng Editoryal — Jade Ado-an

Hakbang

• Ikaanim na Pwesto sa Pagsulat ng Kolum — Laeticia Unson

• Ikatlong Pwesto sa Pagsulat ng Kolum — Jhanine Legarda

• Ikasiyam na Pwesto sa Pagsulat ng Lathalain — Ildrian Bibit

• Unang Pwesto sa Pagsulat ng Lathalain — Mark Gerick Tolentino

• Ikasampung Pwesto sa Pagsulat ng Isports

— Junivel Silverio

• Unang Pwesto sa Pagsulat ng Isports — Dan Cedric Latasa

• Ikaapat na Pwesto sa Mobile Journalism — Czyryne Caracas

Radio Broadcasting

• Ikalimang Pwesto - Best Anchor

• Ikatlong Pwesto - Best in Infomercial

TV Broadcasting

• Ikalawang pwesto: Technical Application

• Ikalawang pwesto: Best Script

• Ikalawang pwesto: Best in Informercial

• Ikalawang pwesto: Overall

• Division Press Conference Qualifier

Para naman sa unang beses na sumabak sa kompetisyon si Legarda, gagamit pa siya ng ibang paraan upang magtuloy-tuloy ang kanyang tagumpay sa mga darating pang kompetisyon na ihahandog niya para sa publikasyon.

“Gaya pa rin ng dati, aalamin ko ‘yung gusto ng hurado pagdating sa pagsusulat, kakapain ko kung ano ‘yung gusto nila. Dagdag ko pa ay magsasanay pa ako kung papaano mapahusay ang sarili sa pagsulat ng kolum at magiging aktibo pagdating sa mga isyu na talamak sa atin ngayon,” saad naman ni Legarda. Naging posible naman ang pag-angat ng nasabing publikasyon sa tulong ng gurong tagapayo na si Gng. Christy F. Baccoy na nagbigay ng walang hangganang tiwala at sa punongguro na si Dr. Remedios P. Danao na nagbigay ng walang sawang pagsuporta sa hanay.

Pamaskong Handog, regalo’y liwanag sa Quezonians

Habang ang iba ay abala sa pagdiriwang, dekorasyon at pamimili ng mga regalo, maraming kabataan ang hindi pinalad na matugunan ang kanilang mga pangangailangan para sa sasapit na Pasko.

Ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan, pagmamahalan at pagbubuklod ng pamilya subalit para sa ilang kabataan, maaari itong mabura dahil sa mga hamon na kinakaharap katulad ng kakapusan.

Isinulong ang Pamaskong Handog ng Christian Bible Church of the Philippines (CBCP) katuwang ang Supreme Secondary Learners Government (SSLG) ng Quezon City High School at Ang Parola sa 100 Quezonians at 100 mag-aaral mula Kamuning Elementary School.

Ayon kay Supreme Secondary Learners Government (SSLG) President John Patrick C. Clavo na isa sa mga Project Head ng naturang proyekto, layunin ng proyektong ito na maipadama sa mga Quezonians ang tunay kahalagahan ng Pasko.

“Layunin naming maiparamdam ang tunay na esensya ng kapaskuhan sa ating mga kamagaral. Mula sa munting mga proyektong ito ay nais naming makapagbahagi ng mga regalong kanilang magagamit o maihahanda sa pagsapit ng Pasko,” ani Clavo.

Dagdag pa niya na naniniwala sila na hindi lang materyal na regalo ang mahalaga kundi pati na rin ang maiparamdam na may mga taong may malasakit upang makatulong sa bawat mag-aaral.

“Mula sa mga regalong aming ipamamahagi sa mga Quezonians, naniniwala kami na hindi lamang materyal na bagay ang mahalaga kundi maiparamdam sa kanila na may mga mabubuting tao na bukas ang palad para magpaabot ng kanilang mga biyaya para sa ating mga kamag-aral,” wika niya.

Ang mga handog na pagkain ay inaasahang magsisilbing bahagi ng munting salu-salo ng mga pamilya ng benepisyaryo, na magpapaalala na ang Pasko ay panahon ng pagbabahagi.

“Hangad din namin na sa pagsapit ng pasko ay mayroon silang maihahatag sa kanilang mga lamesa na pagsasaluhan ng kanilang mga pamilya,” dagdag niya.

Pinatunayan ng programang Pamaskong Handog na ang diwa ng Pasko ay hindi lang nalalasap tuwing may regalo bagkus ito rin ay nararamdaman kapag may pagmamahalan at pagdadamayan sa bawat isa.

‘Drug Abuse Prevention Education’, muling umarangkada sa piling Quezonians

ARTIKULO NI CHAZE MANAOIS

Nananatiling isa sa pinakamalalaking suliraning kinakaharap ng Pilipinas ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa kasalukuyan. Ayon sa datos mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), at National Bureau of Investigation (NBI), mahigit ₱49.82 bilyong halaga ng illegal na droga ang nakumpiska mula 2022 hanggang 2024.

Bilang isa sa mga inisyatibo ng Barkada Kontra Droga (BKD) ay nagsagawa sila ng programa katuwang ang Supreme Secondary Learners Government (SSLG) na may temang “Drug Abuse Prevention” noong ika-22 ng Nobyembre, sa Paaralang Sekondarya ng

Lungsod Quezon. Ito’y upang mabigyan ng tugon ang talamak na kaso ng ipinagbabawal na gamot sa ating bansa; layunin din ng naturang programa na bigyang kamalayan ang mga dumalong mag-aaaral mula Senior High School ukol sa masamang dulot ng droga. Nagbigay-kaalaman si PCMS Bobby Santillan tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng droga sa bansa, at sinundan ng pagpapakilala ni CADAC Recovery Coach Area 19 Chai Duka kay Bb. Julie Mae Borja, ang tagapanayam ng palihan. Ibinahagi ni Bb. Borja ang mahalagang impormasyon ukol sa pag-iwas at masamang epekto ng droga.

Inilahad naman ni King Nickole Cruz, SSLG Grade 11 Representative, ang kaniyang mga natutuhan sa programa at kung papaano niya ito gagamitin para makatulong sa iba.

“Ang pinakatumatak sa akin sa talakayan ng Barkada Kontra Droga ay ang malalim na epekto ng droga sa buhay ng isang tao. Mahalaga ang pag-iwas sa droga, hindi lamang para sa ating pansariling kalusugan, kundi pati na rin sa mga relasyon at sa mga pangarap ng bawat isa sa atin. Bilang isang student leader, ipapakita ko ang pagtulong sa pamamagitan ng aking mga aksyon na posible ang magtagumpay at magtaglay ng mga positibong pananaw sa buhay, tutulong

ako sa mga kaibigan at kaklase ko na maaaring nahihirapan o naliligaw ng landas,” wika ni Cruz.

“Ang pagpapakalat ng kaalaman tungkol sa droga ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng impormasyon, kundi tungkol din sa pagpapakita ng malasakit at pagtulong sa mga kabataan at kapwa ko Quezonian patungo sa tamang landas,” dagdag pa niya. Ang pagsusumikap ng Barkada Kontra Droga (BKD) na bigyang kaalaman ang mga kabataan ay isang mahalagang hakbang para sa mga kabataan, ito rin ay nagsisilbing pagpapataas ng kamalayan ng mga kabataan tungkol sa masamang dulot ng droga.

G. Magpusao.
ARTIKULO NI YURI ABENIDO
ARTIKULO NI YURI ABENIDO
HANDOG NG PASKO. Handog ng Christian Bible Church of the Philippines (CBCP), SSLG at Ang Parola ang regalo sa 100 Quezonians at 100 mag-aaral ng Kamuning Elementary School.

Mental Health Seminar, ikinasa sa Grade 12 Quezonians

Isinagawa ang unang bugso ng Mental Health Seminar na inorganisa ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG) sa pakikipagtulungan ng mga guro ng SHS at pakikiisa ng QCHS Guidance Services.

Ang nasabing seminar ay idinaos sa Quezon City High School (QCHS) AVR noong ika-14 ng Nobyembre, na aktibong nilahukan ng 98 mag-aaral mula Baitang 12 na kinabibilangan ng Grade 12 Aristotle, Plato at Socrates.

Ang nasabing palihan ay nabuo upang tugunan ang nakababahalang pahayag ng WHO sa Pilipinas. Ayon sa datos 404 estudyante sa mga pampublikong paaralan ang naiulat na nagpatiwakal noong School Year 2021-2022, habang umabot naman sa 574-thousand ang bilang ng mga kabataang Pilipino ang sumubok na magpatiwakal noong 2021 dahil sa mga suliranin sa kanilang mental health.

Inayunan din ito ng resulta ng gawain ng asignaturang Personality Development sa Senior High School ng QCHS na nagpakita ng 72.45% ng mag-aaral na nakakaranas ng depresyon.

“Nilalayon nito na turuan at imulat ang mga mag-aaral mga pamamaraan upang maibsan ang depreseyong nararansan na dulot ng mga hindi kaaya-ayang karanasan sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang indibidwal,” wika ni Gng. Tolibas, QCHS Guidance Counselor.

Para sa isa sa mga dumalong magaaral na si Aubrey Cabacang ng Pangkat Aristotle, malaki aniya ang naging tulong ng palihan para mas maging bukas ang isipan n’ya usapin ng mental health.

“I learned another reason to live. Struggling with suicidal thoughts was a big challenge especially before the seminar, but ever since I acknowledge that what I may be unconsciously doing is parang related to suicidal thoughts—I tried to follow what the seminar taught. Like making journals and leaving positives notes with myself. And ‘yun, I’ll always remember that death is never the answer,” saad niya.

Ang ikawalang bugso naman ng palihan ay isasagawa sa buwan ng mga puso, Pebrero.

KAMPUS BALITA

SANDIGAN NG KABATAAN

Elevate Anonas, naghatid Inspirasyon at aral sa #NotAlone Campus Seminars

ARTIKULO NI YURI ABENIDO

Laganap ang kawalan ng pag-asa at pananampalataya sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon, ito ang madalas na sanhi kung bakit marami ang nagrerebelde, mga kabataang sinasaktan o kinikitil ang sariling buhay, at hindi nakapagtatapos ng pag-aaral.

Ang Elevate ay isang pambansang kilusan ng mga estudyante na naglalayong maghatid ng kaalaman at motibasyon sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagbisita sa iba’t ibang mga paaralan at pagsasagawa ng mga palihan, ang Elevate Anonas ay isa lamang sa mga lokal na sangay nito.

Layunin nitong gabayan ang mga estudyante tungo sa mas mataas na antas ng personal at espiritwal na pagunlad. Ang kanilang mga aktibidad ay kinabibilangan ng mga pagtitipon, pagsasanay, at iba pang programa na nakatuon sa pagpapalakas ng pananampalataya at kakayahan ng mga kabataan.

Naganap noong Marso 10-11, 2019 ang kaunaunahang campus conference ng Elevate Anonas sa McDonald’s Kamias, hanggang sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa rin sila ng mga campus seminars kabilang na ang QCHS. Ang unang seminar sa QCHS ay naganap noong ika-18 ng Oktubre, 2024 sa QCHS Conference Room katuwang sina G. Ramil P. Mante, Bb. Maria Cecelia Basconcillo, at mga mag-aaral sa Senior High School (SHS).

Hangarin ng seminar na ipaalam sa mga dumalong mag-aaral ang ibig sabihin ng pag-ibig at kung paano ang tamang paraan ng pagmamahal na magiging daan sa masaganang relasyon.

Noong ika-8 ng Nobyembre ay isinagawa ang ikalawang seminar na muling dinaluhan ng mga magaaral mula sa SHS. Katuwang ng Elevate Anonas sina G.

Inilahad ni Ptr. Stephanie Sayson mula Christian Bible Church of the Philippines ang kahalagahan ng tamang pagpapahalaga’t pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan sa Mental Health Seminar, noong ika-14 ng Nobyembre.

E.A.T.S. Program, handog ay almusal sa Quezonians

Binigyang-tugon ng Kagawaran ng TLE ng Paaralang Sekondarya ng Lungsod Quezon ang ilang Quezonians na walang kakayahang makapagalmusal sa pamamagitan ng EATS program noong ika-23 ng Setyembre hanggang katapusan ng taong panuruan.

Isa sa mga itinuturing na dahilan ng mga eksperto sa mababang pwesto ng Pilipinas sa 2022 Programme for International Students Assessment (PISA) ay ang gutom na nararanasan ng mga pilipinong mag-aaral. Ang layunin nito ay hindi lamang magbigay ng masusustansyang pagkain kundi pati na rin magbigay-

Mante, Bb. Basconcillo, at G. Joselito C. Sanchez. Tinalakay naman sa sesyon ang tungkol sa pag-ibig at ang kahalagahan ng self-control o disiplina sa sarili. Dumalo rin dito sina Office of the Vice Mayor Excel Umadhay at Counselor Ivy Lagaman bilang mga pangunahing panauhin.

“If you want this love, we have to be connected to the source of love which is God,” ani ni Coach Dianne Garlitos.

Sinabi naman ni Coach Dan Cazeñas na ang disiplina ay isang anyo ng proteksyon.

“Ginawa namin ito kasi naniniwala kami sa inyong nga kabataan at kailangan niyo ng tulong,” dagdag pa niya. Sa pangatlong pagkakataon ay muling ginanap

ang campus seminar sa QCHS library noong ika-15 ng Nobyembre na tinawag na #TrueYou kung saan ay itinuro ng Elevate Anonas ang kahalagahan ng pagiging totoo sa sarili.

“Sobrang halaga para sakin kasi nagkaroon ako ng pagkakataon na maopen ‘yung mga problema ko sa mga taong dumalo rin sa #NotAlone, at syempre madami akong natutuhan hindi lang about kay God kundi pati sa buhay,” saad ni Sofhia Nicole Maderaje, isa sa mga magaaral na lumahok sa seminar mula sa ika-11 baitang. Nagbigay pasasalamat din si Maderaje sa Elevate Anonas para sa inspirasyong inihatid nila na nagtulak sa kaniya upang maging matatag sa buhay at sa pagpaparamdam na hindi siya nag-iisa.

3,343

ayon sa istatistika

Tumaas na bilang ng kaso ng maagang pagbubuntis sa taong 2023 na nagmula sa 2,411 na kaso noong taong 2019 ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

sigla sa mga kabataang maagang pumapasok sa eskwelahan.

Pinangunahan ang nasabing programa nina Bb. Michelle Karen Agtoto, Gng. Liza Pablo, Bb. Ramona Collado at Gng. Marjorie Quitalig kabilang ang mga miyembro ng TLE Club sa pamamahagi sa mga mag-aaral ng QCHS.

Mula sa sopas, lomi, champorado, ginataang mais, chicken soup at lugaw na inihahanda tuwing umaga, ito ang nagiging pundasyon ng bawat isa para sa tyan na kumakalam.

Katulad ng isang estudyante na nasa sampung baitang na si Isaiah Ezikiel Aguilar, lubos na nakatutulong sa kaniya at sa kaniyang pag-aaral ang programang ito dahil nagbibigay ito ng enerhiya sa kaniya.

“Nakatulong ito sa akin lalo na sa mga estudyanteng katulad ko na hindi na nakakakain ng almusal tuwing umaga dahil sa kakamadali pumasok sa eskwelahan. Dahil po

DAPAT NGA BA?

SB 1979, may positibo at negatibong epekto sa mga mag-aaral

Usap-usapan sa senado ang nilalaman ng Senate Bill 1979 (SB 1979) o ang Adolescent Pregnancy Prevention matapos itong mabasa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong ika-20 ng Enero.

Nang kaniyang nalaman ang nakapaloob, nangako siyang tatanggihan niya ang ipinanukalang batas kung sakaling maipasa ito dahil sa ilang hakbangin ng programang CSE na hindi akma para sa mga mag-aaral.

“Tuturuan mo ang mga apat na taong gulang na mag-masturbate. Na ang bawat bata ay may karapatang sumubok ng iba’t ibang sekswalidad. Ito ay katawa-tawa. Ito ay kasuklam-suklam...” giit ni Pangulong Marcos.

Sa kabilang dako, nilinaw naman ni Sen. Risa Hontiveros na salungat ang mga naging pahayag ni BBM sa totoong layunin ng batas na isinusulong.

“Mr. President, with all due respect, malinaw na wala sa bill ang salitang ‘masturbation’. Wala ring ‘try different sexualities,” ani Hontiveros.

Sa panig naman ni Gng. Adelaida Tolibas,

sa programang ito, nagkakaroon po kami ng enerhiya at motibasyon sa pag-aral,” aniya. Gayunpaman, kahit na matagumpay na naisasakatuparan ito, nasa likod nito nakaukit ang mga pagsasakripisyo ng mga nagoorganisa.

Isa si Bb. Agtoto sa naging punongabala sa proyektong ito at bukod sa pagiging titser, inihayag din niya ang iba pang pinagkakaabalahan na naging hamon na kailangang tiisin para masolusyunan ang kagutuman.

“Kaakibat s’yempre noong bawat proyekto ay may mga problemang kahaharapin tulad ng oras. S’yempre kailangan namin mag-serve ng extra na personal naming mga oras. Kada Linggo, namamalengke kami tapos yung pinamalengke namin, ihahanda rin namin. So beyond our teaching hours, naghahain kami nang bukal sa mga kalooban namin para maipagpatuloy ‘yung proyekto. Isa pa ay

Guidance Counselor ng Quezon City High School, mayroong positibo at negatibong epekto ang ipinanukalang batas sa mga magaaral kung sakaling maipasa ito.

“Ang positibo para doon sa mga malalawak ang pag-unawa at naliwanagan sila about sex education, they will not do it. Pero doon sa mga estudyante na hindi gano’n kalawak ang pag-unawa because of some outside forces and environmental factors, lalo na sa mga nakatira sa hindi maayos na paligid, ‘yung kanilang oryentasyon ay negatibo,” ani Gng. Tolibas.

“Hoping and praying that they will take it positively,” dagdag niya.

Magsasagawa naman ng mga pagsasanay sa mga guro kung paano nila ito ipapaliwanag sa mga mag-aaral kung mangyaring maisakatuparan ito.

“Kapag ‘yan ay ipinasa, the teachers will be trained on how to discuss it to the students,” wika niya.

Patuloy namang tatalakayin ang Senate Bill 1979 sa senado at masasaksihan ng publiko kung aaprubahan o tututulan ba ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

syempre ‘yung pagpapanatili na maging maayos yung daloy ng proyekto kasi maraming mga taong nakapaloob doon at kailangan namin lagi isipin yung kapakanan ng lahat,” wika niya.

Ngunit sa gitna ng pagod, ang satispaksyon ng bawat mag-aaral ang naging kaniyang inspirasyon na ipagpatuloy ang proyekto sa anumang panahon. “Syempre ‘yung makita namin ‘yung mga talagang walang pambaon, ‘yung mga hindi nakakapag-almusal, nakikita namin na satisfied sila dun sa proyekto na E.A.T.S. napakagaan sa loob ng lahat, kahit mabigat ay nagiging magaan tuwing makikita namin na nagiging maganda ‘yung dinudulot sa mga estudyante ng Quezon City High School,” dagdag niya. Lingguhan namang gaganapin tuwing ika-6 ng umaga ang Feeding Program sa gusali ng Fontillas, silid ng Cookery na kung saan ang bawat guro at mag-aaral ay makakatanggap ng libreng almusal.

HINDI KA NAG-IISA. Naghatid ng inspirasyon at pag-asa ang Elevate Anonas sa mga mag-aaral ng QCHS sa kanilang
#NotAlone campus seminar noong ika-8 ng nobyembre.
ARTIKULO NI YURI ABENIDO
ARTIKULO NI MICAELA PRIETO
Principal author ng Senate Bill 1979 na si Sen. Risa Hontiveros.
PHOTO COURTESY: SENATE OF THE PHILIPPINES (Facebook)

Liham sa patnugot

Mahal kong Pamatnugutan, Maligayang araw! Ako ay isang miyembro ng organisasyong Senior Scouting Outfit 134 sa Paaralang Sekondarya ng Lungsod Quezon (QCHS). Ang pagiging miyembro ng organisasyong ito ay hindi madali. Bagkus, kinakailangan maglaan ng sapat na oras, tiyaga, hirap, at pagod. Subalit, sa pamamagitan ng organisasyong ito, kami ay naging ganap na mga lider, mga lider na nabigyan ng tungkulin upang mapabuti ang ating paaralan; mga lider na nakakatulong upang lumaganap ang kapayapaan sa ating paaralan; at mga lider na magiimpluwensya pa sa kapwa kabataan. Ito ang mga tungkuling ipinagkatiwala sa amin ng paaralan, mga tungkuling kailangan naming gampanan nang buong katapatan.

Ang mga tungkulin at responsibilidad na ito ay hindi namin makakamtan kung wala ang mga turo at suporta ng Punongguro ng paaralan na si Dr. Remedios P. Danao, mga Guro, Unit Leader, SPTA President Angelo Magpusao at iba pa. Kaya’t lubos kaming nagpapasalamat sa inyo nang buo dahil kung wala kayo na nagsilbing gabay sa amin, hindi namin mararating ang mga kasalukuyang tagumpay at mga aral na aming natutuhan.

Ang inyong suporta at dedikasyon ay nagsilbing inspirasyon sa amin upang magpatuloy, magsikap, maglingkod, at maging mabuting halimbawa sa kapwa. Ang mga aral na inyong ibinigay ay aming pahahalagahan at ituturing na kayamanang magagamit sa kinakaharap.

Sa inyong mga gabay, kami ay patuloy na magsusumikap upang maging karapat-dapat na mga lider ng kinabukasan. Maraming salamat po!

Gumagalang, Stephen James Bernales

Dan Cedric V. Latasa

Punong Patnugot

Jasmine Mary Mañoza

Ka-Patnugot

John Robin D. Nicolas

Tagapamahala

Yuri Abenido

Patnugot sa Balita

John Patrick Clavo

Patnugot sa Editorya

Mark Gerick R. Tolentino

Patnugot sa Lathalain

Denzel Valdez

Patnugot sa Agham

Carl Eupeña, Krissane Barreto, Chelsea Del Rosario, Jilliane Jade Carina

Mga Tagakuha ng Larawang Pampahayagan:

Aishan Jacob C. Ebuenga, Ma. Igleceria Sosing, Julieanne Abellanosa

ayon sa istatistika

9/10

Ayon sa sarbey, siyam sa sampung guro mula sa Kagawaran sa Filipino ng Paaralang Sekondarya ng Lungsod Quezon ang hindi pumapayag bawasan ang asignaturang Filipino sa Senior High School.

WIKANG FILIPINO

Buhay na Pagkakakilanlan ng Bawat Henerasyon

Mga Manunulat

Robiegail Revarez, Micaela Prieto, Nicole Caracas, Jade Ado-an, Ellen Clavo Jhanine Legarda, Laeticia Unson, Reggie Arienda, Ildrian James Bibit Erica Cruza, Jay Vincent Gilo, Jenny Buban, Lyca Isales, Jaspher Cabatit Arianna De Leon, Czacharie Francisco, Junivel Silverio, Emmanuel Valdez, Lorenz Alva, Vincent Jay Magro, Lance Gabriel Benlayo, Arianne Grace Tamares

Mga Kartunista Xyruz Mondragon, Carl Sanchez, Jennaya Molina

Mga Kontribyutor

Justin Luna, Marc Gazmin, John Mark Silverio, Farhanna Sanday, Kenrich Molina, Nina Heart Sacro, Celerina Cano, Ervin King Libatique, Reynold Estacio, Gerald Sagmit, Khea Castro, Hannah Ceynas, Carlo Capiz

Tagaanyo ng Pahina Tagapayo

Christy F. Baccoy

Jesse R. Vicente

Puno ng Kagawaran ng Filipino

Dr. Remedios P. Danao

Punongguro

Aaangat pa ba tayo sa sandaliang tayo’y magbawas? ” To gain something greater, you need to lose something” ani nila. Ngunit paano na kung wika at kultura na ang tuluyang magpapaalam.

Palasak na kung maituturing ang mga katagang binitawan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ngunit palasak mang maituturing ito ay isang napakalaking usapin na ating dapat pagtuunang pansin. Tila kung ikaw ang aming tatanungin mahihinuha mong tungkol lamang ito sa pagmamahal sa pambansang wika ngunit mas malawak ang nais nitong talakayain na lubusang makaaapekto sa mga tinuturing na pag-asa ng mga henerasyong magtataguyod sa atin. Kamakailan lang ay umusbong ang isang isyung pagbabawas ng mga asignatura sa baitang 11 at 12, na naaayon sa ginagawang pagpapalit ng kurikulum para sa mga nasabing baitang ngunit ang kalakip nito ay ang malaking tyansa na mabawasan ang mga asignaturang Filipino dahil sa pagbabago ng kurikulum ng Senior High School. Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga tagapagtaguyod ng wika mapahanggang sa mga mag-aaral. Una, Batay sa pahayag ng grupong “Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino” (Tanggol Wika), Malaki ang magiging epekto ng pagbabago ng kurikulum sa SHS na maaring magresulta sa pagkabawas ng mga asignaturang filipino. Ikalawa, Batay sa isang pag-aaral ng International Journal of Innovative Research in Multidisciplinary Education lumabas na ang mga Senior High School Students ng University of Mindanao Digos College ay may mataas na proficiency level sa wikang Filipino. Ikatlo, Batay naman sa pananaw ng isang guro sa Filipino na si Gng. Gina P. Canlas, Dalubguro II ng Paaralang Sekondarya ng Lungsod Quezon, ”Ang asignaturang Filipino sa SHS ay dapat manatili sa sapagkat bilang Pilipino kinakailangan paghusayan pa ang paggamit nito na makatutulong upang maging intelektuwalisado ang ating wika.” Panghuli, Mula naman sa pananaw ng isang mag-aaral ng baitang 12 na si

Khreynan Krishna Caile N. Duka, ”Hindi nararapat alisin ang wikang Filipino sa SHS sapagkat malaki ang naitutulong nito sa mga katulad kong magaaral upang aking malinang ang kakahayan ko sa wikang aking pinagmulan.” Nangagahulugan lamang mula sa mga pahayag at datos na malaki ang gampanin ng wikang filipino sa pagpapaunlad ng kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral. Kung kaya’t hindi sang-ayon ang aming hanay sa pagbabawas o pag-aalis ng asignaturang filipino sa SHS sa mga kadahilanang ito. Una, Ayon sa Saligang batas Artikulo 14. SEKSYON 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ikalawa, Mula naman sa pinaka huling assessment na isingawa ng PISA ( Programme for International Student Assessment ) ang mga karatig bansa natin sa asya tulad ng Malaysia, Indonesia, Thailand, Vietnam, South Korea, at Japan ang pag-aaral ng kanilang wika at pagpapayabong nito ay nananatili sa SHS at upper secondary level kung kaya’t hindi na nakapagtatakang mataas ang marka na naitala ng mga bansang ito sa nasabing pagtataya. Panghuli, Batay sa Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, tinatanggal nito ang wikang filipino at panitikan bilang isang mandatoring asignatura sa kolehiyo, Kung Kaya’t kung maisasakatuparang bawasan o alisin ang mga asignaturang filipino sa SHS maari itong magresulta sa pagbaba ng proficiency level ng mga mag-aaral sa wikang filipino at tuluyang nang hindi mapagyabong ang ating sariling wika. Ang ating wikang pambansa ay tunay na nararapat pagyabungin at ipagmalaki sapagkat ang ating bansa ay mapalad na mapagkalooban ng wikang magbibigay sa atin ng pagkakakilanlan. Kung kaya’t ang napipintong hakbangin ng kagawaran ng edukasyon na bawasan o alisin ang wikang filipino sa SHS ay hindi maituturing na isang magandang hakbang sapagkat maari nitong mailagay sa bingit ng alanganin ang ating wika na magreresulta sa mas maraming suliranin. Sa kabila ng mga pahayag at panukala hinggil sa posibleng pagbabawas o pag-aalis

ng asignaturang Filipino sa Senior High School (SHS), malinaw na ang pagpapayabong at pagpapalaganap ng ating wikang pambansa ay may malalim na kahalagahan hindi lamang sa pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino, kundi pati na rin sa pagpapa-unlad sa aspetong pang-akademiko ng mga kabataan. Ang mga pahayag mula sa mga tagapagtanggol ng wika, guro, at mag-aaral ay nagpapakita ng malalim na pangangailangan ng mga kabataan na matutuhan at mahasa sa paggamit ng wikang Filipino upang mapanatili at mapalaganap ang ating kultura, kasaysayan. Sa kasalukuyang henarasyon, hindi nararapat na isakripisyo ang asignaturang Filipino dahil maaari nitong ikompromiso ang kasalukuyang kalagayan at kasanayan ng mga mag-aaral ng ating bansa. Higit sa lahat, ang Saligang Batas ng 1987, pati na rin ang mga karatig bansa natin sa asya na ipinagpapatuloy ang pagtuturo ng kanilang sariling wika sa mga mag-aaral, ay nagbibigay ng matibay na basehan para ipagpatuloy ang pagtuturo at pagpapalaganap ng Filipino sa mataas na antas ng edukasyon. Kung ang layunin ay mapabuti ang sistema ng edukasyon, hindi nararapat tanggalin ang asignaturang Filipino, kundi dapat mas pagtuunang pansin ang pagpapabuti ng iba pang asignatura tulad ng mga agham, matematika, at pagbasa, na siyang tunay na mga hamon sa kasalukuyan. Kaya naman nais ibahagi ng aming hanay ang mga maaring solusyon na makatutulong upang mapagyaman ang wikang filipino bilang isang instrumentong pang-akademiko. Palakasin ang mga programa at polisiyang may kinalaman sa wikang filipino nang sa gayon ay mapagyaman ng mga mag-aaral ang kanilang kasanayan sa paggamit ng wikang pambansa. Bigyang suporta ng ating pamahalaan ang mga guro na silang nasa loob ng mga paaralan na nakakakita ng tunay na kalagayan ng mga mag-aaral. Huwag nating hayaang ang nalalabing pagkakakilanlan natin bilang mga filipino ay mabaon sa sa limot dahil sa kapabayaan. Huwag nating ikahon ang wikang sa atin ay nagbigay ng pagpapala kaya naman ay tayo na para sa hinahangad na bansang ang wika ay mahalaga at simbolo ng bawat henerasyong nagkakaisa.

PANGAKONG NAPAPAKO

Pasulong o Paurong

Hindi lahat ng pangako’y natutupad, ang karamihan dito’y napapako. Nasaan na ang matagal nang pangako na K to 12 employability? Maisasakatuparan pa ba ito o pag-iintayin na lamang tayo sa wala?

Ang Department of Education ay nangakong mapapadali ang pagpasok ng isang mag-aaral sa trabaho na gradweyt ng Senior High School kung nanaisin nitong hindi na magpatuloy ng kolehiyo. Ang balitang ito ay higit na ikinatuwa ng taong bayan sapagkat sa panahon natin ngayon, iilan sa mga mag-aaral ay kapos sa kakayahang pinansyal. Naging isang malaking oportunidad para sa karamihan ang pangako ng DepEd sapagkat ang mga nahihirapan ay may

pagkakataon upang makaahon sa loob lamang ng dalawang taon sa SHS.

Sa kabilang banda nito’y mataas pa rin ang bilang ng walang trabaho kahit nakapagtapos ng SHS. Ayon sa ceidata ay umabot ito sa 292.0 person th noong Hulyo 2024 at 234.0 person th noong Oktubre 2024. Hanggang sa panahon na ito, ang pangako ng DepEd ay hindi padin nabibigyan ng hustisya. Ani ng sa isang estudyante na kasalukuyang nag-aaral sa ika-12 baitang na si Dianne Islanan ay kung walang inimplementa na K-12 ay siya’y ikalawang taon na sa kolehiyo at may mas mataas na posibilidad na siya’y nakapagtapos ng kolehiyo sa tamang panahon. Tatlo sa limang mga kumpanya ay handang tumanggap ng mga SHS gradweyt ngunit mas pinipili pa rin nila ang mga nakapagtapos ng kolehiyo. 78% o 12,544 sa 17,273 ang mga kolehiyo na nakatatanggap ng trabaho sa mga pribadong kumpanya. Malinaw lamang na ipinakikita ng mga datos sa itaas na mas pinipili ng mga employer ang mga nakapagtapos ng Tertiary Education. Ayon kay Sonny Angara na kalihim ng kagawaran ng edukasyon ay nararapat na mag-hire ang ahensiya ng gobyerno at mga

pribadong kumpanya ng mga nakapagtapos ng SHS sa mga trabaho na nangangailangan ng simpleng gawain.

Ang sitwasyon na ito’y hindi maiwasan dahil sa mataas na “standard” ng mga kompanya. Tulad na lamang ng sumikat na Potato Corner job application noong nakaraang taon. Ang mga aplikasyon sa panahon na ito ay higit na nagiging mapili at nahihirapan ang mga tao na makapasok sa trabaho. Kahit ang mga hindi komplikadong gawain ay may mga pamantayan na mahirap abutin.

Habang tumatagal ay pataas ng pataas ang inaasahan ng mga kumpanya. Paano natin maiaangat ang ating bansa kung pinapabayaan natin ang mga kulang sa salapi. Nawa’y maging isa sa sunod nilang bigyan ng solusyon ang pagbibigay ng trabaho sa mga nakapagtapos ng SHS na tiyak silang tatanggapin kahit hindi sila nakatungtong ng kolehiyo.

Panawagan sa mga opisyales ng bansa na hindi biro ang hirap na nararanasan ng karamihan at wala nang panahon upang sila’y magbilang ng poste. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Bigyan natin sila ng oportunidad na maabot ang kanilang potensyal at rurok ng karunungan.

ayon sa istatistika

Tugon sa liham

%

ang mga kolehiyo na nakakatanggap ng trabaho mula sa mga pribadong kumpanya

ANO GUSTO MO PAGLAKI? Mga linyahan ng ating mga magulang simula pa noong  tayo ay bata pa lamang. Dahan-dahan na tayong iminumulat kung ano ba ang ating gugustuhing maging trabaho paglaki. Lahat din tayo’y nangangarap ngunit hindi lahat ng ito’y ating natutupad . Hindi ba’t sabi nga ng mga matatanda mag-aral nang mabuti upang makapagtapos at upang makahanap ng magandang trabaho. Ngunit kung tayo ay sasabak sa realidad, ang mga kasabihang ito’y mukhang  simple lamang kung ito’y iyong pakikingan ngunit kung ika’y  mamumulat sa realidad ng ating buhay hindi ito gano’n kadali. Sapagkat  ito’y dumadaan pa sa  maraming taon ng  pagsubok at paghihirap.

Bukod pa, rito hindi lahat ng nag-aaral ay nakakapagtapos ng pag- aaral sapagkat bukod sa ito’y isang mahabang proseso ito rin ay nangangailangan pa ng sapat na pondo upang makapagtapos lalo na’t sa high school pa ay marami na ang gastusin paano pa kaya sa kolehiyo?

Sipag at tiyaga lang yan sabi nga nila ngunit kung ating iisipin talaga nga bang sipag lang at tiyaga lamang ang kinakailangan? Sa realidad kinakailangan pa rin na mayroon tayong sapat na budyet sa pag-aaral upang makapagtapos tayo at makamit ang ating mga pangarap sa tulong ng ating gobyerno. Alam mo ba, dahil sa kakulangan ng suporta at pondo na ibinibigay ng gobyerno mababa ang porsyento ng mga nakakapagtapos ng kolehiyo

SA AKING PANIG

Plano pataas, Badyet pababa

sapagkat sadyang ang hirap naman talagang makapag-aral kung ang iyong kalaban ay pinansyal. Ang problemang batid nating lahat na mahirap solusyon. Hindi ba’t sa panahon ngayon na mas mataas ang gastusin kaysa sa kinikita sa hanapbuhay.

Lahat ng presyo ay patuloy na tumataas ngunit ang kita natin ay talagang pahirapan. Sabi ng gobyerno at mga opisyales na nasa posisyon, aayusin nila ang ganitong problema hindi ba at diba’t lagi na nga lang sila nangangako tuwing eleksyon pero pag nasa posisyon na, nasaan na ang mga salitang kanilang binitawan?

Kung kaya may mga mag- aaral ding ayaw na lang mag-aral dahil kulang talaga ang budyet nila para makapagtapos ng pag – aaral na dapat naman kasi pamahalaan na ang bahala sa mga ganitong magaaral. Kagaya ng isa kong kaklaseng gusto na lang tumigil muna sa pag-aaral sapagkat mahirap na talaga ang buhay ngayon at mas gusto niyang makatulong na lang muna sa kanyang ina dahil mayroon din siyang mga kapatid na kailangan din makapag- aral nang mahabahabang panahon.

PANGAKO NASAAN KA NA BA? Hindi ba’t nangako sa atin ang pamahalaan na sila’y magbibigay ng kalidad na edukasyon at suporta sa mga mag-aaral. Ang pangakong iyon ba ay mananatili na lamang na mga kataga? Bawat mag-aaral ay mayroong karapatang makapag-aral at makatanggap ng kalidad na edukasyon. Ngunit dahil sa napipintong pagbabawas ng pondo ng mga unibersidad mukhang tuluyan nang magiging pangako ang makapagtapos sa kolehiyo.

Ito ang kadalasang sitwasyon ng isang mag-aaral maliban sa paghihirap nila sa kurikulum ay mayroon din silang mabibigat na problema sa bahay o di kaya pampinansyal dahil gaya nga ng aking sinambit hindi lahat ay pinagpapala sa buhay minsan kailangan pa talaga muna dapat nating magbanat ng buto upang makamit ang magandang kinabukasan.

Nagbubulag-bulagan ba sila na sadyang hindi nila makita ang mga epekto ng kakulangan ng pondo lalo na sa mga paaralan na sana ay tinututukan nila mula pa noon dahil dapat matugunan nang maayos ang bawat pangangailangan ng bawat mamamayan tulad ng kalidad na edukasyon at makapagtapos ng kolehiyo na dapat may sapat na pondong nakatabi.

Sa huli nasa sa ating diskarte pa rin nakadepende ang ating pagangat at tagumpay sa buhay. May kanya-kanya tayong kagustuhan  at hilig na maari nating palaguin at gamitin upang makapagtapos ng kolehiyo at makapagtrabaho.

Ang edukasyon  ay dapat nating pahalagahan at pagtuunan ng pansin sapagkat dito rin nakasalalay ang ating magandang kinabukasan. Kaya dapat lamang na maglaan ng sapat na pondo rito, sapagkat maraming mag-aaral ang mas mahihirapang suportahan ang kanilang pag-aaral kung maisasakatuparan ang pagbabawas ng pondo. Maaari lamang tumaas ang bilang ng mga hindi makapagtatapos ng kolehiyo, lalo na’t palobo nang palobo ang bilang ng mga mahihirap na walang kakayahang magpaaral sa mga unibersidad na nag-aalok ng kalidad na edukasyon. Batay naman sa datos na mula sa Philippine Statistic Authority, 33% lamang ng mga mag-aaral na pilipino ang nakatutungtong o nakapagtatapos ng kolehiyo, kung ating susumahin 33 sa 100 magaaral lamang ito na lubusang nakapanglulumo sapagkat tunay na ang bansa natin ay napagiwanan na sa sektor ng edukasyon.

Mapagpalang araw, Ipinaabot ng buong publikasyong Ang Parola ang pagtugon sa iyong liham. Higit naming nauunawaan na hindi biro ang tungkulin ninyong mga miyembro ng Scouts sa ating paaralan. Sapagkat, kami rin na mga bumubuo ng publikasyon ay naglalaan din ng oras at dedikasyon sa bawat sinumpaang tungkulin. Gayunpaman, ipinaaabot namin ang buong-pusong pagpapahalaga’t pagpapasalamat sa pagpapagal ng QCHS Senior Scouting Outfit 134.

Sa kabilang banda, naniniwala rin kaming malinaw ang tanaw sa punonggurong si ma’am DANAO. Ang bawat proyekto at gawaing napagtagumpayan ay naisakatuparan sa tulong ng mga suporta mula sa mga taong nakaupo sa pwesto gaya ni SPTA President Angelo Magpusao na isa sa mga nagsisikap para sa ikabubuti ng buong paaralan.

Ikinagagalak namin na mabunga rin ang inyong pagtugon sa mga namamahala sa ating paaralan. Sinisugurado namin na ang liham pasasalamat na ito ay makararating sa mga mga taong nakaupo sa QCHS Administrations.

Nagmamahal, Pamatnugutan ng Ang Parola

PUNTO POR PUNTO

BurGISING: State Ung Para sa Lahat

Kanino ka lang, State U? Katanungang tila ba’y nagtirik nang nakakapasong katotohanan sa aking isipan. Harapin na natin ang realidad, nandito na tayo sa puntong kapalit na ng pera ang dignidad.

BURGIS—katagang ipinapangalan sa mga mag-aaral na may brilyante ng pera kaya naman, mas mataas ang tyansa nilang makapasok sa mga paaralang dapat ay para sa lahat. Hahahaha, cute.

IRAP para sa mga mahihirap na pati ba naman sa kalayaang mag-aral sa mga maangas na paaralan ay kino-corrupt. Halatang pati sa mga karapatang nararapat lang na ating makamtam ay inaanay ng kabulastugan.

Angat na paaralan para sa mga angat. Para sa’kin lang friend ha; nang dahil sa mga ganitong paarangkada nila, tila ba’y nawawalan na ng saysay kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng edukasyon— hindi na pagsusuhay nang kasayanan kung hindi, pagpapanday ng mga sungay ng mga angat sa buhay.

Nakakabuang, sana pinanganak na lang akong mayaman kung sa ganung paraan ko LAMANG din naman maaakyat ang hagdan patungo sa mayabong na buhay. Nawa’y dumating ang panahon kung saan hindi na hadlang ang butas na bulsa upang makapasa sa mga paaralang karapatan ko naman.

Alam kong kahit ano pang aking sabihin, wala pa rin naman akong laban sa mga gusto nilang gawin. Saka na lang siguro sila makikinig kapag ang bayan ay tuluyan nang napatirapa’t napayuko. Nakakatampo ang pamamalakad, when kaya masusuyo? Ang mga katulad kong hindi pinanganak na may kutsarang ginto.

alam mo ba?

Batay sa resulta ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT), na porsyensto ng mga mag-aaral na nakapapasok sa nasabing unibersidad ay nagmula sa mga pribadong paaralan, 29 na porsyento naman ay mula sa mga pampublikong paaralan, 27 na porsyento ay mula sa mga Science High School.

Kung kaya’t talagang nakalulungkot isiping ang pag-aaral sa ating bansa ay hindi na nga pribilehiyo— upang handang sumuporta sa mga naghihikahos na makaahon sa kahirapan. Ang sektor ng edukasyon ay lubusang nangangailangan ng suporta mula sa ating pamahalaan, kung dati’y hindi na sapat pa’no pa ngayon na napipinto pa itong bawasan. Kung kaya’t buksan ang isipan lalo na dyan sa mga nakaupo sa pamahalaan kailan ba maisasakatuparan ang mga pangako at katagang inyong binitawan. Ang bawat mag-aaral ay dapat lamang makapag tapos ng kolehiyo at makahanap ng magandang trabaho o mapagkakakitaan upang matugunan din nila ang sariling pangangailangan. Kaya naman ay dapat na maglaan ng sapat na pondo upang suportahan ang mga mag-aaral. Gobyerno, ano na? Bigyan mo naman sana ng pansin ang mahahalagang bagay tulad nito. Gaya

ko na isang mag-aaral na hirap makapagtapos ng kolehiyo na ang pinansyal ay nangangailangan ng saklolo.

Dapat agad itong bigyan ng agarang aksyon sapagkat kung ‘di ngayon ay kailan pa? Di pa ba sapat ang mga datos at lumolobong bilang ng mga mahihirap? Mamamayan ang lubusang maaapektuhan nang hindi maayos na pamamalakad ng sistema.

“Dahil mahal ko ang Pilipinas, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang, susundin ko ang tuntunin ng paaralan. tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan; naglilingkod, nagaaral, at nananalangin nang buong katapatan…” Sana’y ang gobyerno rin ay tumupad sa sinumpaan nilang tungkulin at makita ang tunay na kalagayan ng mga nasa laylayan ng lipunan at hindi puro bangayan sa kung sino ang tunay na kaibigan.

KOLUM NI ARIANNE GRACE TAMARES
KOLUM NI LAETICIA UNSON Madaling
mahirap abutin
BOSES NG MASA
KOLUM NI AISHAN JACOB EBUENGA

INANOD NA PROGRAMA;

Sariling Re SIliencyKAP

HARAPAN NG DALAWANG PANIG

Taun-taon, ang mga Pilipino ay hinahagupit ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo na nagreresulta sa malawakang pagbaha. At taun-taon din, nakikita natin ang parehong eksena; nakangiti sa kabila ng unos, dinadaan sa saya ang problema. Paulitulit nating ipinagmamalaki ang ating pagiging “resilient”, ang kakayahang bumangon at magpatuloy sa kabila ng ano mang suliranin. Subalit ang pagiging resilient ay hindi dapat maging dahilan upang makuntento sa kasalukuyang sistema na nag-iiwan sa mamamayan sa parehong kalunos-lunos na kalagayan.

Base sa GMA Network na sa P255 bilyong piso ang nilaang national budget para sa mga proyektong reresulba sa isyung pangkalamidad partikular na ang patuloy at paulit-ulit na pagbaha. Ngunit ang tanong: nasaan ang bunga ng pondong ito? Bakit sa bawat ulan, tila nalulunod din ang tiwala ng mga tao sa pamahalaan? Ayon nga kay Senate President Chiz Escudero, “Anong nangyari sa daang-bilyong flood control projects?”

Ang sagot ay tila natatabunan ng baha, wala. Wala tayong nakikitang malinaw na aksyon na tumutugon sa ugat ng problema. Ang mga ilog ay nananatiling puno ng basura, ang mga estero’y tinatambakan ng mga ilegal na istruktura, at ang “drainage system” ay nananatiling sira-sira. Ang mga pondong ito ba ay ginagamit para sa tunay na solusyon, o nauuwi lamang sa mga proyektong “pa-impresyon” na walang pangmatagalang solusyon. Sa bawat unos na dumadaan, mga relief goods ang palaging inilalaan ng pamahalaan sa mga apektadong mamamayan. May bigas, de-lata, at kung minsa’y ayuda. Gayunpaman, pagkatapos ng baha, pagkatapos ng malakas na bagyo, ano ang natitira? hindi ba’t parehong problema. Mga sirang bahay, nawawalang hanapbuhay, nawalan ng mahal sa buhay at higit sa lahat, kawalan ng pangmatagalang lunas sa krisis na kinakaharap. Hindi sapat ang pagtanggap ng relief goods sa tuwing may sakuna. Hindi solusyon ang pagtanggap ng mga tarpaulin na may nakasulat na “We heal as one” habang ang mga mamamayan ay nakatungtong sa bubong ng kanilang

bahay, nag-aabang ng tulong. Ang kailangan natin ay mga pulidong hakbang – maayos na flood control system, paglilinis ng mga daluyan ng tubig, at pagtuturo sa mamamayan ng disiplina sa pagtatapon ng basura.

Huwag nating gawing palamuti ang resiliency. Ang tunay na lakas ng Pilipino ay makikita hindi lamang sa kakayahang bumangon, kundi sa pagkakaroon ng gobyernong marunong maghanda at maglaan ng pangmatagalang solusyon. Panahon nang tanungin ang mga may kapangyarihan: nasaan ang pondo? Nasaan ang aksyon? Hanggang kailan kami magtitiis sa ganitong sitwasyon? Karapatan nating malaman kung talaga bang may ginawang hakbang. Marami na ang nagdurusa sa dalang problema ng mga baha. Kung kaya’t hangad namin ang agarang solusyon sa tumitinding pasanin. Pera ng taong bayan ang ginagamit niyo kaya nawa’y gamitin ito sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino.

Kung hindi natin sisimulan ngayon ang pagtugon sa ugat ng problema, darating ang panahon na ang “resiliency” na ating ipinagmamalaki ang magiging dahilan ng pagbagsak ng ating lipunan. Panawagan sa ating pamahalaan, tapusin na ang “lip service” at ang mga proyektong walang namang epekto. Panahon na upang ilaan ang pondo sa mga proyektong may pangmatagalang epekto. Pagsusuri sa bawat proyekto ang kinakailangan upang matiyak na ang bawat sentimong inilaan ay napupunta sa mga proyektong magdudulot ng tunay na pagbabago sa buhay ng mga mamamayang Pilipino.

ayon sa istatistika

8,124,050 M ang mga debotong nakilahok sa Translasyon 2025 (source: Nazareno Operation Center)

Isang taon nga’y hindi sapat upang alamin kung tunay bang mahal ka niyan, paano pa kaya sa pagimplimenta ng mga planong para sa pagpapabuti ng kalagayan ng bayan.

Mainit-init pang usapan ang ibinibidang Senate Bill No. 2816 kung saan isinisaad ang pagbibigay ng 4 na taon para sa opisyales ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK). For me, keri lang. Kung bongga ang pamamalakad, gora. Para maiwasan na rin ang mga proyektong natetengga dahil hindi kasya ang panahon. Dagdag pa, what if slayable ang pamamalakad? Sayang naman; hindi dahil sinayang ka niya, idadamay na rin ang mga kandidatong may ambag ha. Sa barangay namin, ang nanalo bilang SK Chairman ay talaga namang garantisado. Kitang kita naman sa mga naipundar niyang mga proyekto, kahit nga libreng hotdog para sa kabataan ay ibinibida rito. May mga tinatawag din sa amin na “Iskolar ng Barangay,” masasabi talaga naming hindi sayang ang pinili namin. Hindi na lamang liga ang laging proyekto, samu’t saring mga patimpalak at gawain ang meron kami rito. Halimabawa, noong pasko ay nagkaroon ng patimpalak ang bawat pook sa amin ng pagandahan ng disenyo’t pailaw. Dito, mas nalinang ang pagkakaisa sa lugar namin. Bongga, diba?

May mga kandidato talagang pasaway, ngunit mayroon din namang matiwasay. Wala naman na sa pagpapahaba ng panahon iyan, naniniwala akong mas mainam na painamin muna ang tanggapan at pamantasan ng mga papayagang tumakbo, para hindi lang kung sino-sinong gusto. Depende pa rin talaga, lahat naman tayo’y iisa lang ang layunin; ang mapabuti ang kalagayan ng bansa natin. Magsilbi na lamang itong paalala na kapag pansarili ang intensyon sa pagtakbo, ‘wag nang tangkain— ‘wag nang dumagdag sa mga utak talangkang tumatakbo sa pamahalaan natin. Para naman sa mga mamamayan; paulitulit nating iukit sa isip na bumuto ng matalino, bumuto nang matalino.

HUWAW! Nitong mga nakaraang araw lamang, niraratsada na nila ang Senate bill 2816 para sa ‘extension’ ng ‘term’ ng mga opisyales ng barangay at Sangguniang Kabataan(SK). Just to be clear lang ha, bakit kailangan pang gawing 4 years ang paglilikod?

Ayon kay Sen. Imee Marcos, sa tulong ng apat na taong termino ng pamamahala ng mga opisyales ng Sangguniang Kabataan ay para mas maunawaan ang mga pambansa at lokal na isyu. Nakakagulat lang na mas mahaba pa ang termino ng mga SK kung ikukumpara sa mga kongresista; hindi ba nila kinokonsidera?

Pinahabang termino, paano kung mapasakamay sa masamang damo ang manalo? Sigurado, apat na taong tengga at ang mga proyekto ang puro lamang mga liga. Ekstensyon sa termino ay talaga bang lunas para sa panlipunang isyu ay malutas? Tama naman na makakatulong din sa pagmulat ng mga kasapi ng SK sa pambansang isyu, ngunit hindi ba dapat kaya ka tumakbo at mamahala ay alam mo na ang mga kasalukuyan at panlipunan?

Para sa akin kung iti-taste testko ‘to, honest review: hindi pasok sa panlasa ko. Masyadong mahaba, paano na lang ang mga nais pang tumakbo na mayroon pang mas maganda at planadong programa at proyekto? Wala naman siguro sa taon ‘yan, nasa mga tumatakbo ‘yan. Wala naman ‘yan sa haba o ikli ng termino, ang mahalaga ay ang maayos na pamamalakad, ngunit gaya ng sabi ng ilan—”tila napahaba naman,” kaya mas mainam na maikling taon lang ang termino nang sa gayon bagong estratehiya naman ng pamamahala ang mararanasan ng mga nasasakupan. Panawagan sa mga tatakbo at mauupo na mas paigtingin natin ang mga proyektong ikauunlad ng lipunan at hindi ang panahon ng kanilang termino. Bagong ideya, bagong miyembro, at maayos na pamamahala ay sapat na para umusad ang bansa.

Kapit sa lubid, pasan ang banal na krus, marungis na paang galing sa alay-lakad sakripisyong alay sa traslasyon, mga debotong inaabangan ang pagdungaw ng mapaghimalang imahen ng Poong Nuestro Padre Hesus Nazareno at Mahal na Reyna ng Quiapo Birhen ng Del Carmen San Sebastian.

Banal na traslasyon ang taontaong iginugunita tuwing ikasiyam ng Enero. Sa iba, may pagtataka kung bakit ginagawa ito dahil sakit lang naman “daw” ng katawan ang nakukuha ng mga pumupunta rito? Subalit, hindi ito basta paggunita lamang sa Piyesta ng Quiapo, ito rin ay ipinagdiriwang upang alalahanin ang esensya ng importansya ng imahen mula sa pangangalaga ng Conregasyon ng Recoletos patungo sa Simbahan ng Quiapo. Sinisimulan ito mula Intramuros patungong Quiapo. Puno ng sakripisyo sa buong proseso ng prosisyon. Ang translasyon na ang ibig sabihin ay “paglipat,” panata na ng mga pilipinong katoliko. Hindi naman natin maitatanggi ngunit ang prosisyong ito’y may kaakibat na kapahamakan, totoo naman yan, kaya nga may iilang debotong pinipiling hindi na dumalo na ang tanging tangan na lamang sa kanilang puso ay ang pananalig sa Diyos - silang mga naniniwalang kahit wala ang katawang lupa nila sa Quiapo at hindi sila kasama sa maalong dagat

ng mga deboto ay kapit nila ay si Hesus Nazareno na nariyan sa lahat ng dako. Gaya nga ng sabi sa nakasulat na Magandang balita sa Bibliya–Jeremias 23:23-24 “Ako ay Diyos na nasa lahat ng dako, at hindi nananatili sa iisang lugar lamang. Walang makakapagtago sa akin; makikita ko siya kahit saan siya pumunta.”

Kakaiba man para sa iba ang inaalay na paghihirap at pagsasakripisyo ng bawat mga namamanata ngunit, para sa mga deboto at sagrado katoliko, isa itong makabuluhang pag-alay at pagpapakita ng pananampalataya at pagpupugay sa Poong Maykapal. Tulad ng kapit-bisig na lumulusong sa mala-dagat na mga deboto, pawis na tila naligo na, uhaw at pata-patang katawan. Gayunpaman, sa kabila nito at mga hindi malilimutang pangyayari ay nananatili pa rin at mas pinipili pa rin ng mga deboto dumalo sa banal na traslasyon. Ang tanging panawagan sa mga deboto, huwag sana ang karamihan ay sa traslasyon lang ipakita ang pananampalataya bagkus, dapat kahit saan, kahit kailan, ay tangan ang marubdob na pananampalataya, pairalin ang pagmamahalan, pagpapatawad, respeto, at pag-unawa gaya ng ginawa ng ating mahal na Panginoon.

Kaya’t palaging tugon, patuloy na kuma-FAITH.

ayon sa

istatistika

ang mahigitkumulang na mga mag-aaral ng Bestlink College of the Philippines ang naging biktima ng tradyeha nitong Miyerkules, Enero 29, 2024.

Saya now, dusa later

Mala ‘BATAAN DEATH MARCH’ ‘yan ang sinapit ng mga mag-aaral ng Bestlink College mula sa kanilang Campus activity sa isang resort sa bataan, field trip na sana’y dulot ay kasiyahan, nauwi pa sa isang trahedyang hindi inaasahan.

Tila ba’y hindi na po pinag-isipan, kapakanan ng mga estudyante’y kinalimutan.

Ayon sa mga pahayag na lumabas mula sa mga biktima, mahabang lakaran ang kanilang pinag dusahan, sa kadahilanang ang mga bus nila ay biglang nasira at umusok kaya wala silang ibang magagawa kung ‘di mag lakarin ang kalsadang pagkahaba-haba. Habang tinatahak ang balakid, ang kanilang tanging pinanghawakan ay ang mga tirang biskwit at kakarampot na delatang paghahati-hatian ng mga kumukulong tiyan ng mga mag-aaral. Ngunit hindi pa iyan ang pinaka pinag iinitan na dahilan, dagdag pa, ang mga guro o mga opisyales na sana’y kanilang gabay ay nauna pang umuwi sa kani-kanilang bahay. Ang tradyehang ito’y kasalakuyan ng iniimbestagahan CHED Commission na pinagpaplanuhang maglabas ng show cause order laban sa Bestlink College para sa pagsasagawa ng off-campus activity nang hindi nagsusumite ng mga kina-kailangang dokumento sa CHEDRO NCR. Nako, naloko na. Hindi pala aprubado ang inisyatibo, lagot kayo. Ilang besed na ‘tong nangyayari ha, bakit parang hindi pa rin natututo? Akala ko field trip ang pupuntahan, 4 hours marathon pala ang aking napasukan. Pagbayarin ang dapat pagbayarin, turuan ang mga dapat may matutuhan. Aksyunan na agad— kapag wala ang kapakanan ng mga mag-aaral sa motto ng paaralan, iwas-iwasan na ng mga eskwelahang katulad nito.

Bilang estudyante, nakakadurog ng puso nang mabasa ko itong balita. Biruin mo dahil no choice na, kahit madilim ang daan ay pinilit nilang tahakin. Trust issues malala— nang dahil sa kawalang-bahala ng mga dapat ay namamahala, trauma pa ang napala. Kumilos din ‘pag may time. Sana nama’y huling balita na ito ukol sa pagkalaylay ng kaligtasan dahil sa kawalang-pakielam ng mga dapat ay nagbabantay. Hindi sa lahat ng sitwasyon ay uunahin ang mga mas nakakatanda, makiramdam naman; paano namakn kaming magtataguyod ng kaunlaran.

MatiBYE na pera

HARAPAN NG DALAWANG PANIG

Panibagong panlasa: Piliin mo, direksyon mo

MAINGAY na sipol ng takure dahil sa kumukulong mga maiinit na puna, batikos, opinyon ng bawat indibidwal na tungkol sa tila sunod-sunod na pagtatag ng mga senate bill, isa na rito ang 2 education pathways. Wat is dat?

Talaga nga namang nakatutulong ang “Senior High” ‘pagkat dagdag kaalaman ito at paghahanda sa paparating na kolehiyo. Ika ng iba ay malaking kawalankung ang SHS ay tatanggalin, ngunit, hindi naman natin maitatanggi na sadyang magastos, ay hindi, magastos talaga ang Senior High, kaya’t nang maitatag ang bill– “House Bill 11213 or the proposed Education Pathways Act” ay malaking tinik ang nabunot, lalo na sa mga pamilyang mayroong problema sa usapang pinansyal o nahihirapang magkaroon ng perang pantustus sa pag-aaral.

Bagong binabang senate bill malaking “adjustment” nga ba ang kailangan o ang suporta nating mamamayan? Kung sa iba ay pauso lang, eksperimento, o nakakapanibago sa iilan, ngunit sa iba naman ay malaking pasalamat sa mga gobyernong nagpasa nito sapagkat hindi na kailangan pang suungin ang dalawang taon bago magkolehiyo.

“HAYS SA WAKAS” mga salitang una kong nasambit nang malaman ang bagong binabang bill na maaari nang pumili ang mga estudyanteng nasa “4th year” o mas kilala na ngayong “grade 10” ‘pagkat kung praktikal ang usapan ay hindi na kailangan

pang gugulin ang dalawang taon at bawas din sa gastusin, maging ang paghihirap ng mga mag-aaral sa pagpili ng kanilang kukuhaning ‘strand’ sa “senior high,” ay hindi na rin nila iisipin. Maraming opinyon, gayong dati pa man ay wala namang senior high school, ngayon bakit “bigdeal” na sa iba kung ito’y tatanggalin?

Ating tanggalin ang takureng sumisipol upang hindi umapaw o mangibabaw ang mga negatibong opinyon. Hindi man sanay ang iba sa pagbabago ngunit sana’y ating tingnan pa rin ang magandang epekto nito sa karmihan. Panawagan sa lahat ng mag-aaral na kahit ano man ang mabago ay tayo pa rin ang gumuguhit nga ating kapalaran kaya’t kung ako, ikaw at tayo ang papipiliin ay mas magandang pag-isipan natin nang sagayon ay mas maayos ang magiging resulta.

Taas-kilay: Ano na ang magpapanday?

Two education pathways— lunas o butas? Maaaring magandang sagot, maaari ring maging dahilan ng gusot.

Kasalukuyan nang iniluluto at nasa ikalawang reading na ang House Bill 11213 o Education Pathways Act, ibinibida rito na ang nga mag-aaral na magtatapos ng Junior High School ay may dalawa ng pagpipilian: dadaan sa Senior High School o mag-te-test na kapag iyong naipasa, diretso ka na sa kolehiyo. Tada! Talaga ba?

Sa totoo lang, kahit ano mang sabihin nating dahilan ay malaki pa rin talaga ang tulong ng K-12 sa pagsuhay ng kakayahan ng mga mag-aaral bago sumabak sa malagiyerang laban sa kolehiyo at sa trabaho. Kahit sabihin pa nating dadaanan naman sa pagsusulit, sapat ba ang isang papel bilang patunay ng kabuuang kakayahan ng isang bata?

ayon sa ayon sa istatistika istatistika

44% 16.2%

na porsyento ng mga Pilipino ang hindi sangayon sa K to 12 (K-12) na sistema ng edukasyon sa bansa.

na mas mataas ang posibilidad na makapagtrabaho ang mga magaaral na nakapagtapos ng SHS sa medium-skill na trabaho kumpara sa mga nakatapos lamang ng Grade 10.

Bilang kasalukuyang mag-aaral ng Senior High School at nabibilang sa strand na Humanities and Social Sciences, minsan na naming napagkwentuhang magkakaibigan ang kaisipang: “Paano kaya kung hindi tayo dumaan sa SHS ‘no?” Jusko, hindi ko ma-imagine si self na tumuntong sa kolehiyo habang ang isipan ko’y nene pa. Matagal na rin akong mag-aaral na kadalasa’y nakakatanggap ng parangal, kahit ako ay naniniwalang hindi sapat ang katalinuhan upang makipagsagupaan, kinakailangan rin ng mga kasanayang mailalapat sa totoong buhay. Halimbawa na lamang nito ay ang ‘Work Emersion,’ kung wala ‘yan, baka matameme na lamang ang mga batang wala namang kasanayan sa kung paano nga mag-apply ng trabaho, kalaykayin ang kalikasan ng trabaho, at iba pang mga araling makakatulong na magpanday ng mga kakayahang kinakailangan. Wala pa diyan ang katotohanang naglalaro lamang sa 15 o 16 ang edad ng mga kabataang magtatapos ng Junior High School o Baitang 10— anong alam ng mga ‘paslit’ na iyan sa mga tunay na pagsubok patungo sa karerang kanilang tatahakin? Hindi ba’t mas maganda kung masusuhay muna ang kanilang kakayahan sa espisikong mga aspeto, mga aspetong may malaking ambag sa kanilang mga tatahaking trabaho? Hindi ko na lang mawari kung ano na kaya ang magiging estado ng ating mga Unibersidad kung tuluyang papayagan na pumasok ang mga mag-aaral na hindi naman sapat ang patunay upang tingnan kung sila’y karapat-dapat sa antas ng kaalaamang kanilang itatalakay.

Marami sa ating mga kababayan ang bumabatikos sa inilabas na “New Banknotes Polymer” ng Bangko Sentral Ng Pilipinas (BSP) nitong nakaraang buwan. Bago batikusin, atin munang alamin kung ano nga ba ang dahilan kung bakit ito naaprubahan.

Noong Disyembre 2024, natatandaang inilabas ang bagong 1000 pesos polymer at ayon sa BSP, ang bagong pera na ito ay mas mahirap nang gamitin sa pandaraya kaysa sa lumang perang papel. Dagdag pa ng BSP, ang mga ‘Polymer Banknotes’ ay naglalaman ng mga materyal na tulad ng flora clear window, vertical clear window, embossed mirrored denomination, at iridescent figure na nagpapababa ng porsyento sa panganib sa pamemeke. Agad naman itong pinuna, kabilang na ang mga historyador na dumadaing dahil sa

pag-alis ng mga pambansang bayani at pagpalit ng disensyong ‘wildlife.’ Isa rin sa kanilang itinanggal ay ang simbolismo ng demokrasya na nasa likuran ng 500 pesos na papel. Pinutakte ng iba’t ibang saloobin ang hakbang na ito, ipilit man nating itanggi ngunit ang paglalapat ng mga likas na yaman upang mabigyang-diin ang kanilang kahalagahan ay isang magandang paraan upang patuloy natin silang maalala ngunit ang pagbabagong ito ay maaring maging dahilan upang tuluyan nang mailibing ang mga alaala ng mga mukhang nagbigay ng malaking kontribusyon sa pagpapabuti ng ating bayan. Walang mali sa mithiing patibayin at mas paunlarin ang pagpapatibay ng ating pera ngunit hindi na dapat dinamay pa ang natatanging palatandaan ng mga taong gumawa ng hakbang upang mapayabong ang ating lupang sinilangan.

“Sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora ay mas kilala sa tawag na ____?” katanungang galing sa sikat na ‘reality show’ ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother. “MAJOHA!” buong kumpiyansang kasagutan ng batang kalahok, nakakatawa mang panoorin ngunit nakakalungkot pagmasdan na unti-unti nang nakakalimutan nang kabataan ang mga taong naging parte ng kasaysayang dapat nilang pasalamatan. Aking uulitin, magandang hakbang pa rin ba ang mithiing nais nilang palabasin? Sa kagustuhan nating makipagsabayan sa karatig-bayan, nakakalimutan na natin na naapektuhan na ang ating kasaysayan. Magbigay naman sana tayo ng respeto sa taong nagbigay-alay. Sa papel na pera na ngalang natin maaalala ang kanilang itsura, tatanggalin pa para sa modernisasyong gusto nila.

KOLUM NI JHANINE LEGARDA
KOLUM NI JASMINE MAÑOZA
SIPATIN DAPAT
TARA TINDIG!
KOLUM NI LAETICIA UNSON
BOSES NG MASA
KOLUM NI REGGIE ARIENDA
ORA MISMO

4 na Dekada ni Cora

Sa bawat mag-aaral na naglalakad patungong silid-aralan, isang tanong ang parating sumisiksik at sumasagi sa kanilang isipan: “Para saan ba ang aking pag-aaral?” Sa mata ng isang guro, ang pagninilay na ito ay laging may kasagutan; isang sagot na nagsisilbing gabay, ilaw at tanglaw sa madilim at makitid na pagtahak sa pagtuklas ng kaalaman.

Nagsimula noong Hunyo ng 1987, apatnapung taon–apat na dekada, mga taong bukas-pusong ibinuhos sa pagganap, sa noo’y pangarap na kalauna’y naging misyon; misyong hindi lang sa pagtuturo, pero sa pagbabahagi ng natatanging mga aral, karunungan sa bawat kabataan. Sa apat na dekada ng paninilbihan tunay na ginampanan ni Bb. Corazon “Cora” C. San Diego ang pagiging ikalawang magulang. Gayunpaman, dumarating talaga ang mga pagkakataong kahaharapin ng manlalakbay ang lubak sa daanan. Nariyan ang pabagobagong sistema ng pag-aaral mula sa Kagawaran ng Edukasyon, at kakulangan ng angkop na kagamitan sa loob ng silid-aralan. Sa kabila noon patuloy ang pag-akay ni Bb. San Diego sa kabataan, pagtangan sa lampara upang tanglawan ang madilim na lakaran. Isa siyang buhay na patunay na ang pananagutan ng kagurua’y mas malawak pa kaysa apat na sulok ng silid-aralan. Aniya, sa pagtuturo, mayroong mga kabataan, mga mag-aaral na mahuhulog at madarapa na mula sa tawag ng tungkulin, pagkilos ng pagmamahal, aakayin, daramaya’t

ibabangon mula sa pagkadapa ang bata, tutulungang maglakad muli, upang magpatuloy at magtagumpay. Para bagang sa bawat tupang naliligaw, may pastol na handang iwan ang mga tupa upang hagilapin ang iba; sa malawak na pastula’y ipanumbalik sa tamang daan ang kabataan. MAPEH. Music, Arts, Physical Education at Health ang asignaturang itinuturo ni Bb. San Diego. Para sa kaniya, ang paghubog sa kabataan, ang kakayahang maglingkod sa paarala’y obra maestrang saksi sa kabayanihan; ang Musika ay hindi lamang himig, kundi wika rin ng damdamin. Sining ay ‘di lang tungkol sa kulay at pagguhit, bagkus isang patunay sa malikhain at makulay na paglalakbay sa buhay. Pisikal na Edukasyon na ‘di lang tungkol sa paggalaw ng katawan, kundi pati na rin ang pagpapatibay, pagpapalakas ng loob at disiplina. Sa huli, ang ginto sa lahat–Kalusugan, na nagtatanim ng mga binhi’t aral ng pangangalaga; pagpapahalaga sa likas na kaanyuan ng isa. Ang pagtuturo, tulad ng alon sa dagat, ay puno ng mga hamon, may mga bagyong dumaan, mga agos na mahirap

labanan, at mga sandaling tila lahat ng pagsusumikap ay nauurong dala ng alon. Ngunit sa kabila ng lahat ng ‘to, si Bb. San Diego ay patuloy na nagsisilbing gabay at parola sa mga studyante. Ang bawat mag-aaral na dumaan sa kanyang mga kamay ay nagiging isang tula ng tagumpay—isang tula na ipinanganak sa pagtutulungan, pananagutan, at pagmamahal sa propesyong pinili. Sa pastula’y bantay siya; pastol na handang pangalagaa’t hubugin ang mga tupa upang malambot na bulak, mabungang puno ang sumibol mula sa maagap, at dalisay na pagmamahal na sa puso ng magsasaka’y nakatatak na–mula pa nung una. Ang apat na dekadang inilagi ni Bb. San Deigo sa larangang ito’y patunay sa kabayanihan niya. Kabayanihang maringal at dakila, mula sa bukas-pusong pagtanggap sa iba’t ibang kakayahan ng mga bata. Maraming salamat po, Bb. Corazon “Cora” C. San Diego. Saksi ang panahon, ang apatnapung taon sa inyong pamumuhay bilang mabuting pastol.

‘‘

Sa pagtuturo, may mga mag-aaral na mahuhulog at madarapa na mula sa tawag ng tungkulin, daramaya’t tutulungang maglakad muli, upang magpatuloy at magtagumpay.

Bb. Corazon San Diego

ARTIKULO NI ILDRIAN JAMES BIBIT

SKung saan may pagkapoot ay magdala tayo ng pagmamahal. Kung saan may pinsala, kapatawaran. Kung saan may pagdududa, pananampalataya. Kung saan wala ng inaasahan, pag-asa. Kung saan may kadiliman, liwanag. Kung saan may kalungkutan, kagalakan.

entro ng komersyo, siksikan, mainit, at kaliwa’t kanang pag-aalok ng mga paninda. Ilan lamang ito sa mga karaniwang paglalarawan sa lugar na kung tawagin ay Quiapo. Sa pasikot-sikot nitong mga eskinita, mga tinderang ‘di magkamayaw sa pagtawag ng “Te! Kuya! Suki bili na!” Ang Quiapo ay takbuhan ng mga may karamdamang umaasa–na sa pamamagitan ng maalab na pananampalataya, masugid na debosyon sa Poon, ay maaambunan sila ng paggaling at pagtanggap ng biyaya. Ang Basilica Menor at Pambansang Dambana ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ay nananatiling isa sa mga puntahan ng mga mananampalatayang kapit sa lubid, pag-asa, at biyayang gantimpala mula sa Manlilikha.

Tulad ng Poon, ang bawat tao’y mamamasan ng krus. Iba’t ibang mga kalbaryo, suliranin, pagsubok sa buhay, na sa ilalim ng pag-asa’y gumagaan. Isa si Raymond “Momon” Cadungog sa mga mamamasan. Kumukuha siya ngayon ng kursong Criminology at nakaatang sa kaniyang balikat ang hirap at bigat ng pagkamit ng katuparan sa mga pangarap. Aniya, ang buhay sa Quiapo ay hindi madali, tila ba’y naglalaro ng ‘Tug of war’ patuloy ang pag-aagawan ng lubid para sa pwesto; ang diskarte at pagsusumikap ang isa sa mga puhunan ng mga taong may pangarap at gustong mabago ang gulong ng kanilang mga kapalaran. Oo, maingay ang Quiapo. Pero kung walang gagawin, tutunganga na lang, mas maingay ang pagtawag ng kumakalam na tiyan.

Kahit pa mala-patinterong daloy ng mga tao ang kailangang suyurin, alukin ng kaniyang mga paninda, maligo sa mabigat na buhos ng ulan, mabilad sa arawan, ang lahat ng pagod ay nawawala kung ipalalasap na sa pamilya ang bunga ng tiyaga at marangal na pakikibaka. Maraming pangarap si Momon na binuo at hinubog ng kinalakhang panata. Nagsimula sa pagtitinda ng mangga, lugaw, kakanin, at ngayo’y mga sakramental, krusipiho, at imahen. Kung wala nga raw tiyaga at pagsusumikap sa Quiapo, magugutom ka.

Pero nakalulungkot, ‘pagkat minsa’y kahit pa marangal ang paghahanapbuhay, nag-ootso pa rin ang lubid na kaniyang kinakapitan. Pakiramdam nila’y mga langaw na itinataboy sa t’wing magkakaroon ng Clearing Operations ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila. Panawagan niya, sana nama’y unawain ng awtoridad na sila’y marangal na nakikipagsapalaran. Marahang pinapasan ang Santa Krus, sa kabila ng

Lubid ng Pag-asa, si Momon ang Bida

kalbaryong dala ng mga pagsubok na alintana. Nang dahil sa pagtitinda, pinalalayas sila, bakit kaya nang dahil sa marangal na pakikibaka, ang mga tindero’t tindera sa Quiapo ay nakukumpiskahan pa ng paninda? Gayunpaman, dalangin ni Momon sa Poong Nazareno, sa Pamahalaan ng Maynila, at sa mga mananampalataya, tulad ng Oratio Imperata sa kapayapaan: “Kung saan may pagkapoot ay magdala tayo ng pagmamahal. Kung saan may pinsala, kapatawaran. Kung saan may pagdududa, pananampalataya. Kung saan wala ng inaasahan, pag-asa. Kung saan may kadiliman, liwanag. Kung

saan may kalungkutan, kagalakan.” Oo nga nama’t tunay na magulo sa Quiapo, pero isa si Momon sa mga Batang Quiapo na nakatagpo ng tahanan, nakalasap ng pagmamahal, naambunan ng biyaya at pagpapala mula sa Maylikha, ‘pagkat ngayo’y nakapag-aaral siya. Ang nangingibabaw na kasamaan sa kapaligiran ay ang kanyang nais sugpuin kaya gusto niyang maging pulis. Sa lubid na kaniyang kinakapitan mahatak siya

nawa sa direksyon ng tagumpay. Tunay nga na hindi karera ang buhay. Hindi kailangang magmadali. Matiyaga dapat nating pasanin ang Santa Krus nang may paniniwala na ‘di tayo pababayaan ng Dakilang Manlilikha, kailangan lang natin kumapit sa lubid, sa mataimtim na pananalangin at sumabay sa daloy ng marubdob na pananampalataya.

AGAHAN AT MERIENDA

ARTIKULO NI JOHN ROBIN D. NICOLAS
ARTIKULO

‘‘

Wala namang masama na umasa at sumubok; mangarap at managinip. Sa pagwawakas ng lahat, ang tanging masama ay ang magkibit-balikat at manatili sa paghimbing nang walang hakbang na ginagawa para maabot ang anomang dalangin.

‘Sintayog pangarapng

si Valdez ang gaganap

ahat ng tao ay may kakayahang managinip; lahat tayo tuwing hihimbing sa gabi, ay makalilipad sa alapaap para abutin ang pinakamataas nating mga hangarin. Lahat tayo ay may kalayaang mangarap na tulad ng panaginip ay nakapagpapasibol ng pag-asa sa puso natin na balang araw, ang ating pinakamimithi’y makakamit. Kung ating bibisitahin ang salin sa ingles ng mga salitang pangarap at panaginip, iisa lang ang lalabas; dream. Pero sa kabila ng kaisahan ng mga salin, pinatunayan ng isang batang nangangarap na hindi lamang tayo dapat na managinip sa pag-abot ng ating mga hangarin. Dapat, kung may pangarap ka–may gagawin ka. Sintayog man ng bundok ang dapat na akyatin, sinlawak man ng dagat ang dapat tawirin, sa ngalan ng pangarap; bukas-puso dapat tayong gumanap. Sa dalanging katuparan, lahat ay handa dapat nating suungin.

Siya ngang pinatunayan ni Jesus Nathaniel D. Valdez na noong bata pa ma’y taal na sa puso ang serbisyo. Nangarap na maging sundalo, at nang lumao’y nangarap din na maging abogado. Hindi ba’t may kalayaan ngang mangarap ang isang tao?

Mula sa isang pasaway na bata, na nabigyan ng pagkakataong maging bahagi ng panradyong pagbabalita at kalauna’y natuklasan ang nakakubling galing at husay. Kung atin ngang bibisitahin ang aniya’y pinakamalaki niyang naging balakid, may aral sa’ting tatatak at maiiwan; ang kayabangan, kailanman ay ‘di tayo madadala sa tagumpay. Anong saysay ng katanyaga’t mga pagpupugay kung hindi marunong lumingon, bumalik sa pinanggalinga’t kinamulatan?

Ang asignaturang pamamahayag, para sa batang Zeus Valdez ay paraan daw niya para ma-excuse sa klase. Pero nang matuklasan na ang tinatagong husay,

ang pamamahayag, para sa kaniya, ay naging isang tahanan. Nakatutuwa lang masdan na kung sa larangan ng pagsusundalo ay sandata, at saligang batas naman sa abogasya, sa larangang tinahak niya ay ang maging sandigan ng katotohanan–tanglaw ng madla. Siya ay patunay na dalawa man ang salin ay iisa lang ang kahulugan; h’wag kang managinip at mangarap lang, kung mahal mo ang larangan, iyo dapat itong ipaglaban. Kung magagawing balikan ang mga larangang ninais nyang tahakin, mapatutunayan natin; ang serbisyo, ang paglilingkod ay likas sa kaniyang puso. Hindi lamang siya nangarap, hindi lamang siya nanaginip, bagkus gumising siya, humakbang para tunay na makamit–maabot ang inaasam. Mula nga sa dati nilang pangwakas na bati sa radyo: “Ako ang inyong kasandigan sa katotohanan–Zeus Valdez!” Na ngayo’y: “Aabante Sports, now na! Ito ang balitang mabilis, mabangis, walang mintis!” Siya na ngayo’y bahagi ng larangan; tunay ngang kasandigan sa katotohanan, pero hindi raw dapat na huminto sa pangangarap. Kung atin nang makamtan ang inaasam, pagtawag ito para mangarap muli, at tuparing muli. Pagsubok sa’ting lahat na ano’t ano man ang maabot at mahagkan, manatiling mapagpakumbaba, h’wag sumuko, magpatuloy sa pangangarap.

Dahil oo, wala namang masama na umasa at sumubok; mangarap at managinip. Sa pagwawakas ng lahat, ang tanging masama ay ang magkibit-balikat at manatili sa paghimbing nang walang hakbang na ginagawa para maabot ang anomang dalangin. Kaya tulad ni Zeus Valdez, anoman ang tayog ng ating mga pangarap, tayo nawa ay bukas-pusong gumanap na likas sa isip ang pag-unawa sa tungkulin at patuloy na umabante and go beyond our limits.

tinapay sa hapag ang Kamuning Bakery.

a buhay negosyo, para kang minamasa. Minsa’y madarama ang diin at bigat ng pagtumal ng benta, minsan nama’y nagpapahinga lang para sa pinakahihintay; inaabangang pag-alsa. Pagasensong hangad ng bawat naghahanapbuhay, pag-asang magbubunga ang lahat ng pagsisikap, masusuklian ang lahat ng pagpapagal. Tunay ngang negosyo ay malatinapay na minamasa. Higit lalo, kung ang negosyo mo ay tinapay nga ang pangunahing ibinebenta.

Halos siyam na dekada na ang mga panahong inilagi, at sa pangalan nitong bulaklak na mahalimuyak, paanong hindi tatatak? Sa mga taon na kapiling natin sa bawat agahan, merienda pasalubong at mga sandaling nakahain ito sa hapagkainan, paano ba naman kaya ito hindi magiging bahagi ng ating kabataan? Sinubok man ng panahon, ang Kamuning Bakery ay nananatiling nakatindig at patuloy ang pagiging bahagi, saksi sa ating paglaki. Kung babalikan ang taon ng pagkakatatag, sino ba namang mag-aakala na makalalampas ito sa ikalawang digmaang pandaigdig? Sino ba namang mag-aakala na sa mga panahon kung kailan marami ang nasawi, maraming mga pangarap ang napatid, maraming mga negosyo ang nalugi, nananatiling buhay, nakatindig, at naghahain ng

Sa kabilang banda, sino kayang makalilimot sa anila’y ‘iconic’ na pagkain pagdatal ng merienda? Matapos ang paglalaro sa arawan, matapos matulog sa hapon, gigising ka sa pan de suelo o putok, samahan pa ‘yan ng malamig na malamig na orange juice. Kung babalikan ang gayong mga alaala, lagi’t laging may inihahatag sa’ting puso’t isipan: O kay sayang balikan ng ating kabataan.

Pero ang mga napakatatamis na mga sandali na bahagi ng kahapon ay kaya na lamang nating balikan sa pamamagitan ng mga pagkaing ating kinalakhan.

Kay saya managinip, pagkat ating nararating ang langit, minsa’y nakalilipad, minsa’y bayani nama’t bida sa pelikulang gawa-gawa ng isipan. Pero sa kabila ng nostalgic na mga alaalang hatid sa kabataa’y tragic naman nitong kasaysayan; tunay na nakapanlulumong ihip ng kapalaran. Oo nga’t sa pagnenegosyo’y para kang nagmamasa at nagluluto ng tinapay. Dahil tulad ng tinapay na naiwan sa mainit na pugon, ang Kamuning Bakery ay dumanas ng pagkasunog. Ang kahoy na saksi sa halos deka-dekadang karera ng panaderia, sa isang iglap ay naging abo na lang bigla. Sa ganitong mga pagkakataon, kung iisipi’y nakalampas man sa ikalawang digmaang pandaigdig, ay para din

namang nasawi ang buhay at karera ng panaderia. Totoo nga ang kasabihan: “mas magaan pang manakawan kaysa masunugan,” ‘pagkat paano ka magsisimula mula sa wala? Paano ka muling makapagtatayo ng negosyo mula sa abo? Mga palaisipang kay hirap sagutin higit lalo kung ang nawala ay ang bunga ng marangal at makatarungang paggawa. Pero pinatunayan ng Kamuning Bakery na hahayaan na lamang bang mamatay sa alaala ang paboritong panaderia? Matapos bumangon sa sunog noong 2018, nagpapatuloy ang pagiging bahagi nito ng paglaki ng bagong henerasyon ng kabataan. Ngayo’y idinaraos nang muli sa Kamuning Bakery ang mga press conferences ng mga opisyal, at pangunahing laman pa rin ng ating agahan, merienda at pasalubong sa tahanan. Tulad sana ng Kamuning Bakery–tulad sana ng pamunuan ng naturang panaderia, ating matutuhan na bumangon mula sa pagkadapa. Sana, kung saka-sakaling magnenegosyo’y palagi nating papanatilihin ang pagiging determinado’t pursigido na harapin ang anumang hamon. Ngayong bahagi ito ng ating kabataan, at patuloy ang pagiging saksi sa ating kamulatan, h’wag sana nating malimutan na bigyang importansya ang mga nagsilbing saksi sa’ting kasaysayan.

ARTIKULO NI MARK GERICK R. TOLENTINO

tungkuling PANANAGUTANsinumpaan SA PUGAY KAMAY NA

PRIIIITTTTT!

Lagi’t lubos na kahandaan, pagganap sa katungkulan, saludo sa kaliwa’t sa kanan. Kung bibisitahin ang larangan ng scouting, ilan lamang ito sa mga mabubuong imahen sa isipan. Sa hanay kung sa’n mas marami ang bilang ng kalalakihan, sino ba namang mag-aakala na sa pag-alingangaw ng pito, sa isang babae, tayo sasaludo.

Sa pagharap sa hamon ng Fancy Drill Competition, pagtatanghal kung saan binibigyang tuon ang pagbuo ang iba’t ibang pormasyon sa pamamagitan ng martsa, pagsaludo at pagsambit ng mga ritmo; namayagpag ang husay ng ating mag-aaral mula sa baitang 9 pangkat

ESPERANCILLA; para kay Ericka!

Acacia na si Ericka T. Pamittan, bilang nag-iisang babaeng Senior Crew Leader at itinanghal bilang Pinakamahusay na SCL sa Fancy Drill Competition na idinaos noong ika19 ng Oktubre 2024, sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center. Aniya, hindi naging madali ang pagbabalanse ng panahon at oras bilang mag-aaral at SCL. Pero sa kabila ng hirap, siya pa ri’y mag-aaral na nagkakamit, ng mga pang-akademikong pagkilala’t karangalan. Ang pananagutan ay ‘di lamang natutuldukan sa loob ng silid-aralan, bagkus ay mas lumalawak pa matapos ang klase; pagkat dito nagsisimula ang pagsasabuhay, pagsasakatuparan sa mga aral na natutuhan. Oo, mahirap pagsabay-sabayin ang maraming bagay. Pero kung tayo ay tutulad kay Pamittan na ang pananaguta’y bukas-pusong ginagampanan, magkakamit din tayo ng mga karangalan, hindi lang tropeyo, medalya, kundi pati na rin sa kaganapan ng ating pakikipagkapwa at pagmamalasakit sa isa’t isa. Hindi nasusukat sa kasarian ang husay, galing, at kagitingang kayang ipamalas ng bawat isa. Isang patunay

Haligi ng

ang tagumpay na ito na sa iba’t ibang larangan, kayang mamayagpag, magtagumpay ang lahat kung mabibigyan ng sapat na pagkakataon at kakayahan. Kaya ‘wag na nating sasayangin ang oportunidad na natatamasa. Kalakip ng kalayaa’t kakayahan ay ang responsibilidad na gumanap sa’ting mga katungkulan. Pantay ang pagkakataon ng sinuman sa lahat ng mga larangan, at mula roo’y pagsilang na sa bawat araw may pananagutan tayong maging kabahagi sa palalong kaunlaran.

PRITTTTT! Mula nga sa pito ni Pamittan, ay sumibol nawa sa puso ng lahat ang pagtawag na ang pagganap sa tungkuli’y lagit lagi sanang taal sa puso natin. Isang alingawngaw na sana’y manatili sa ating mga puso’t isipan, at magsilbing gabay upang patuloy tayong magsikap at magtagumpay, hindi lamang sa loob ng silid aralan kundi pati sa personal na buhay, at anumang larangang kinabibilangan.

Paaralang Sinta!

ARTIKULO

Paaralan ang pangalawang tahanan ng kabataan. Ito ang sentro ng pagsibol ng kaalaman, paghubog sa angking kahusayan sa mga klase at pagsasanay, ikalawang magulang na ang bansag sa kaguruan. Pero sa likod ng mga matayog na mga gusali sa paaralan, pamamahala sa kagamitan, pagpapanatili ng kalinisan, mayroon din itong lupon ng mga indibidwal na kaagapay natin sa lalong kaunlaran ng ating paaralan. Sa paglaon ng panaho’y nananatili ang mga haligi na nariyan upang sumuporta’t umalalay.

Isa na roon, ang tagapangasiwa ng mga kagamitan ng paaralan, si G. Richard Esperancilla. Sa paglalakbay ng kabataan sa landas ng edukasyon, siya’y tunay na katuwang, at kaagapay sa pagharap sa anumang hamon. Haliging maituturing, ‘pagkat siya ang dapat na lapitan t’wing may mga kakulangan sa kagamitan. Isang pagsibol ng palaisipang: “Paano na ang paaralan, kung wala ang mga non-teaching personnel na ating katuwang?” Mga haligi ngang tunay, kasama natin sa pagtalunton sa kaunlaran. “Dapat lagi mo pinipilit na may baguhin

sa sarili mo araw-araw para umangat ka.” Ani G. Esperancilla. Kung nakapagsasalita lang ang mga aklat na kapiling niya sa silid ng mga kagamitan, tiyak na ang mga yao’y saksi sa mga pagbabago, pagsisikap, at maagap na pagganap sa tungkulin ni G. Esperancilla. Sa pangangalaga sa kagamitan, siya’y tunay na maaasahan. Aniya, kung may tahanan siyang inuuwian, ama sa dalawang anak; mayroon ding nabuong pamilya sa paaralan, siya’y kapatid, kaibigan sa mga katrabaho at pangalawang magulang na rin ng mga kabataan sa paaralan.

“Masaya ako rito dahil sa mga katarabaho ko.” Tunay nga na napagagaan ng mga kasama ang anomang bigat na ating dinadala. Haliging nananatiling nakatindig anomang suliranin ang dumaan. Pinagtibay ng samahang nabuo sa paaralan, ang pagganap sa apat na taon niyang paglilingkod bilang Administrative assistant ng paaralan. Tunay siyang huwaran, gaano man kabigat ang nakaatang sa balikat, dapat itong gampanan nang may puso at pagmamahal; taal sa pusong pagtanaw at pagkilala sa katungkulan, at higit sa lahat, bukas na isip at palad. Kung babalikan ang ambag, kontribusyon ng mga non-teaching personnel, ating mauunawaan, mababatid nang tuluyan,

na kahit na ‘di man nakakasama sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan, sila pa ri’y mga kaagapay natin sa palalong kaunlaran ng paaralan. Atin silang pasalamata’t bigyangpagkilala, sa natatanging pagganap nila. Kahit na may mga hamon sa buhay, ang pagsisikap at pagiging handang tumulong sa kapwa ay nagbubunga ng inspirasyon at positibong pagbabago. Ang pagiging tapat at pagsisikap tungo sa tagumpay ay nagpapakita ng kahalagahan ng disiplina at pagtitiyaga. Paalala ito sa bawat isa sa atin na, sa kabila ng ating mga tungkulin at responsibilidad, may kakayahan pa rin tayong makapagambag sa ikauunlad ng ating komunidad. Ang pagbabahagi ng ating talento at kakayahan, gaano man kaliit, ay isang paraan upang maipakita ang ating pagmamalasakit sa kapwa. Ang pagsusumikap ni G. Esperancilla ay isang halimbawa ng pagsulong ng positibong pagbabago sa pamamagitan ng pagiging tapat at masipag sa bawat gawain. Oo, sa likod ng matayog na mga gusali sa paaralan, pamamahala sa kagamitan, pagpapanatili ng kalinisan, kasama natin sila mga haliging nananatiling nakatindig, upang maging kaagapay sa pag-unlad natin.

STEmazing, nagningning sa 23rd Philippine Robotics Olympiad

Umani ng samot-saring parangal ang mga mag-aaral ng Science and Technology Engineering (STE) sa pangunguna ni Gng. Arianne D. Catibog, gurong tagapayo ng robotics team ng Paaralang Sekondarya ng Lungsod Quezon sa nagdaang 23rd Philippine Robotics Olympiad na may temang “Earth Allies” nitong ika-23, 27, 30 ng Hulyo, taong 2024.

Ayon kay Geraldine Palomar ng 10-STE Photon, bagaman maraming balakid ang ikinaharap ng grupo mula sa kategoryang ‘Future Innovators’ na ginanap online via Microsoft Team, hindi pa rin sila nagpatinag nang makasilat ang kanilang inobasyon na Aluminum Regenerator Metal Optimal Recycling (ARMOR) ng ika-10 puwesto,

“For me sa innovation ang pinaka struggle siguro [ay] iyong onti lang ang resources for the field. Also iyong revisions ng paper defense after defense, also nung time na lumaban kami may bagyo so instead na face-to-face, naging online na lang,” ani niya.

Sa kabilang dako, ang team A at B naman ng Project Robomission ay may mga kinaharap din na balakid sa kanilang kompetisyon na kalaunan ay kanila ring napagtagumpayan.

Ayon kay Joe Han P. Recto ng 10-STE Photon, isa sa mga miyembro ng nasabing grupo, ang mga problemang kinaharap nila ay ang technical difficulties pati na ang tatlong beses na rebuilding ng kanilang robot gayun na rin ang mga problema sa piraso ng kanilang robot.

“Ilang beses po kaming nagpalit ng robot...3 times. Tapos iyong lugar po iba-iba ang lighting, iyong natural at artificial light. Iyong resources naman po iyong mga kailangan na parts, kulang and iyong gulong naman po na ginamit hindi stable kaya kailangan pa po naming manghiram para magkaroon ng magandang run,” aniya.

Ngunit sa kabila ng mga naging problema, nagpasiklab pa rin ang team A at B ng Project Robomission ng sintang paaralan nang sila ay nagkamit ng ika-30 at ika-17 puwesto.

Basta dengue prevention, QCitizens always ready!

“Sa ating mga sarili nagsisimula ang pagunlad,” kaya naman sa pangunguna ng Quezon City Health Department, sila ay nagsagawa ng clean up at information drive sa buong lungsod ng Quezon nitong ika-23 ng Nobyembre, taong 2024. Ang proyektong ito ay naglalayong tulungan ang bawat barangay na puksain ang lamok na maaaring magdala ng sakit na Dengue. Sa kabilang dako, lumobo ang bilang ng mga kaso ng dengue ng taong 2023 at 2024 sa Lungsod Quezon na lubhang nababahala para sa karamihan. Ang dengue o ‘breakbone fever,’ ay isang uri ng viral infection na dala ng lamok (Aedes aegypti and Aegypti albopictus mosquitos) na prominente sa mga bansang may mataas na temperatura.

Karamihan sa mga taong apektado ng dengue ay wala o mayroong mild na sintomas na kalaunang gagaling matapos ang 1-2 linggo, ang mga sintomas na ito ay karaniwang nagsisimula mula 4-10 araw matapos ang impeksyon.

ANG INIT! ANG INIT!

May napapansin ka bang kakaiba sa ating klima? Tila ba’y ang silaw ng araw ay patuloy nang umiinit na umabot na sa puntong ito’y nakakapaso na sa ating balat. ‘Global warming’ ‘yan ang dahilan kung bakit ngayon tayo ay tila ba’y mina-’microwave’ ‘pag lumalabas tayo ng tanghali. Ang pangunahing sanhi ng ‘Global warming’ ay polusyon— maruming kapaligiran na bunga ng mga iresponsableng gawain ng mga tao.

Alam mo ba na ngayong taong kasalukuyan, natuklasan ng mga eksperto

Ang ilan sa mga sintomas ng dengue ay:

• mataas na lagnat (40°C/104°F)

• pagsakit ng ulo at mata

• pagsakit ng mga kasu-kasuan

• pagsusuka

• pantal-pantal sa balat

Ang mga taong muling na impeksyon ng nasabing sakit ay nasa malaking panganib dahil sila ay maaaring makaranas ng mas malalang sintomas tulad ng:

• labis na pagsakit ng tiyan

• tuloy-tuloy na pagsusuka

• pagdudugo ng gilagid o ilong

• labis na pagkapagod

• dugo sa suka o dumi

• labis na pagkauhaw

Tanim-Kaalaman

Luntiang paaralan sa masustansiyang kalusugan

Busog na sa sustansiya at mga bagong kaalaman, nakatulong ka pa sa ating kapaligiran. Iyan ang mga benepisyong hatid ng gulayan sa paaralan.

Sa pangunguna ni Gng. Marina Antigua, guro ng agham , katuwang ang mga miyembro ng kantina, kawani ng paaralan, at mga magaaral nito, ay kanilang inilunsad ang proyektong gulayan sa Paaralang Sekondarya ng Lungsod Quezon.

Bagaman 28 taon nang nakalipas simula nang isagawa ang proyektong ito, makikita pa rin ang pagpapahalaga ni Gng. Antigua at ng paaralan sa kalagayan ng kapaligiran.

Ayon Kay Gng. Antigua, ang gulayan ay naglalayong maturuan ang mga mag-aaral sa kahalagahan na makukuha sa pagtatanim ng mga gulay sa paaralan.

naani sa gulayan para malabanan ang malnutrition at mapataas ang kalidad ng pag-aaral ng mga ito,” saad nito.

Bilang karagdagan, ang mga naaaning bunga mula sa gulayan ay nagagamit ng kantina at ng Energize All Teachers and Students (EATS) feeding program ng TLE department sa pagluluto ng masusustansyang almusal para sa mga Quezonians.

Habang ang ibang bunga naman ay naibebenta sa mga guro na nakatutulong sa paglikom ng pera na kakailanganin sa pagpapalaki ng nasabing gulayan.

Tunay ngang makulay ang buhay sa pagkain ng gulay, dahil sa tulong ng proyektong ito ay naging malaki ang kontribusyon nito sa paglaban ng malnutrisyon sa paaralan na naging daan sa mas mataas na ka lidad ng pagkatuto.

• pamumutla at panlalamig ng balat

• panghihina

na ito ang pinakamainit na taon na naitalang klima sa Pilipinas? Ayon sa GMA News Online, pumatak na sa 53 °C (127 °F) ang klima ng ating bansa.

Ang global warming ay nakakaapekto sa iba’t ibang aspeto ng ating kalikasan, hindi lamang sa ating bansa, kung hindi pati na rin sa buong mundo. Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan kung bakit patuloy lumalaganap ang penomenang ito:

1. Greenhouse gas emission — Ito ay ang pagkakakulong ng mga naiipong init mula sa ating araw sa ating ‘atmosphere.’

2. Generating power — Ang pagbubuno ng kuryente mula sa fossil fuels tulad ng karbon at langis.

Nakakatakot mang isipin ang epekto ng nasabing sakit gayon na rin ang paglobo ng bilang nito, maiiwasan pa rin ito sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga clean up drives na isinusulong ng pamahalaan. Maging ligtas sa kabila ng banta ng dengue sa ating siyudad, makiisa dahil sa QC “kasama ka sa pag-unlad”

3. Cutting down forests — Ang mga puno ay naglalabas ng carbon kapag sila’y pinuputol sa kadahilanang tumutulong din ang mga ito sa pag-iipon at paghigop ng carbon dioxide.

Kung ikaw nag aabang pa ng mas magandang bukas para mundo, nararapat lamang na ngayon na umpisahan ang pangangalaga natin dito. Kinakailangan na nating baguhin ang ating mga maling paraan ng pamumuhay na nakakadulot upang patuloy na lumaganap ang global warming. Ang pagbabago ay maaaring magsimula kahit sa isang maliit na hakbang lamang; maraming paraan upang tayo’y maging responsable upang maipakita natin ang pagmamahal at importansya ng ating mundo.

The Last of Ants

ARTIKULO NI DENZEL VALDEZ

“Ang layunin ng gulayan sa paaralan ay matutuhan [ng mga mag-aaral] ang mga kahalagahan o mga benepisyong natatanggap sa pagkain ng masusustansiyang gulay, at maibabahagi ang mga produktong Nakakita ka na ba ng kakaibang insekto na may kakaibang ginagawa? Yung tipong umaakyat sa isang sanga, tila hindi sumusunod sa kanyang obligasyon. Sa totoo, hindi na niya kontrolado ang sariling isipan, ngunit kinokontrol na ng isang halamangsingaw (fungi) na itinatawag na ’Cordyceps.’

Ang fungi na ito ay may kapangyarihang gawing ’zombie’ ang anumang insektong nahawaan nito. Katulad ng zombie na tao sa mga pelikula, walang buhay ngunit tumatakbo pa rin ang katawan na kontrolado na, ito ang nararanasan ng mga insektong may Cordyceps sa kanilang utak. Kapag nahawaan ng Cordyceps, tutungo ito sa utak ng biktima at gagamitin ito, pinipilit ang insekto na umakyat sa mataas

na lugar upang ulitin ang siklo na magparami ng sariling uri sa pamamagitan ng paglabas ng mga galamay ng fungi sa katawan ng insekto na naglalabas ng spores na tumatalsik sa paligid at dadapo sa mga insekto.

Nakatatakot isipin, ngunit posible kayang umunlad ang Cordyceps at mahawaan ang mga ’homosapien’ (tao)?

Sana’y hindi, ngunit ang kakaibang kaalaman na ito ay nag-iiwan ng suliranin, paano kung dumating ang araw na magiging katotohanan ang ’zombie’ na tao?

ARTIKULO NI DENZEL VALDEZ
ARTIKULO NI DENZEL VALDEZ
ARTIKULO NI JASPHER F. CABATIT
Kuhang larawan sa pagsisimula ng gulayan sa Paaralang Sekondarya ng Lungsod Quezon.
Mariing sinusuri ng hurado ng PRO Robomission ang ibinidang inobasyon ng QCHS team A at B sa nagdaang 23rd Philippine Robotics Olympiad na ginanap sa Felta Multi-Media Inc. nitong ika-23, 27, 30 ng Hulyo, taong 2024.

E-CANCER Polusyon sa katawan

ARTIKULO NI JASPHER CABATIT

Sigarilyo, vape, pagkakaiba ng dalawa ay isa’y modernisado habang isa’y tradisyunal. Vape ay mas nakabubuti, sabi nila, ngunit epekto nito tila’y walang pinagkaiba. Gumagawa lamang ng bagong kanser; E-Cancer.

Sigarilyo, oo, ito’y nakatutulong sa pagpapatakas ng damdamin, ngunit ang epekto nito’y nanghahabol hanggang sa dulo ng buhay. Bakit hindi pa ito ipinagbabawal? Dahil ba ang mga matataas na nilalang ay pinagkakakitaan ito kaya’t walang pagbabago? Halata naman na kahit nakahuhumaling ito ay masama pa rin ang epekto, ngunit pinayagan pa ang paglikha ng makabagong kanser: E-Cancer, galing sa ’vape’ o ’electronic cigarette,’ na sinasabing ito’y mas nakabubuti kaysa sa tradisyunal na sigarilyo ngunit ito’y nagdudulot din ng kanser katulad ng sigarilyo. Ang pagpayag ba rito ay upang maloko ang mga tao na sirain ang kanilang buhay sa makabagong paraan ng teknolohiya? Maraming tanong sa isipan ang hindi masagot ng buwayang pamahalaan.

Marami ang mga epekto ng sigarilyo o vape tulad ng kanser sa bibig, ilong o sa baga na nakamamatay. Isa sa ibinibigay nito ay ang 3,000 na kemikal, at ang 69 ng kemikal nito ay maaaring magbunga ng kanser. Bukod dito, ang paninigarilyo ay ang rason kung bakit nagkakaroon ng kaso sa baga; mahigit 90% ito, at 80% ng mga namatay ay dulot ng chronic obstructive pulmonary disease (COPD), o emphysema at chronic bronchitis na lahat ay dulot ng paninigarilyo. Basa sa ulat ng Global Cancer Observatory noong 2022, ang 112.5 na milyon na populasyon sa Pilipinas, ang 16.79% na porsyento sa kanila ay nagkaroon ng lung cancer na dulot ng paninigarilyo at ang paglanghap sa usok ng sigarilyo (2nd-hand smoker). Ano nga ba ang dahilan kung bakit naninigarilyo ang mga tao? Dahil ba sa ’bandwagon’ o ang pagimpluwensya ng kapamilya, kaibigan o magulang? Porket ginagawa ng kakilala, gagaya na rin? Sa mga taong edad 15 pataas, 19.5% ng mga Pilipino ay nagsisigarilyo, habang sa mga bata na nasa edad 13-15 naman, 12.5% ng kanilang populasyon ay gumagamit ng sigarilyo. Mahigit 35.6 milyon na taong 18 na taon pataas ay gumagamit ng sigarilyo o vape. Alam naman nila

ITIGIL ANG KAMANGMANGAN

Tila nakababahala ang tuluyang pag-angat ng kaso ng HIV sa Pilipinas. Kahit sino naman ay hindi mapapalagay kung ang isa sa mga kinahaharap na problema ng ating bansa ay tuluyan pa ring lumalaganap. Hindi mo aakalain na aabot sa mahigit kumulang 215,000 ang naitalang kaso ng HIV infections sa pagtatapos ng 2024. Bagama’t may mga programa at proyekto nang isinagawa upang mapigilan at mapababa ang bilang ng kaso HIV infections, hindi pa rin ito nagiging sapat kung titingnan ang mga bilang na nakahain sa ating mga harapan.

na makaaapekto ito sa mga bata kahit hindi nagsisigarilyo ang bata, maaari nilang malanghap ang usok na binuga at maging 2nd-hand smoker, o ang paglanghap ng usok kaysa magamit ito na wala na ang filter na nagtatanggal ng iilang nakasasamang kemikal sa nicotine kung saan mas malala ang epekto nito. Sabi nila, ang vape ay mas nakabubuti kaysa sa tradisyunal na sigarilyo, ngunit pareho lang ang produktong pinanggalingan nila, pareho lang ang epekto ng ’nicotine’ sa sigarilyo na punong-puno ng kemikal na nakahuhumaling, kaya ano pang pagbabago nito kung negatibo lang din ang naidudulot. Nasa huli ang pagsisisi, kaya ilang paraan pa ba ang gagamitin upang ang nahumaling sa sigarilyo ay makukumbinsing tumigil? Narito naman ang mga paraan upang mapigilan ang pagsisigarilyo. Unang-una, kung ’chainsmoker’ o patuloy na gumagamit ng sigarilyo o vape, ’wag bibiglain na tumigil sa pagsisigarilyo. Oo, nakahuhumaling ito ngunit nasanay na ang katawan na may sigarilyo kaya ito’y magdudusa kapag walang nicotine, mahihirapan silang huminga kapag ito’y binigla. Mahigit 55.2 milyon na matatanda ay former smokers. Ang 34.3 milyon na nagsisigarilyo na matanda sa kanila ay nagpakita na mahigit 48.4% ang tumigil sa paninigarilyo ng isang araw o mahigit pa kasi gusto nilang tumigil sa pag-uusok na nagresulta sa pag-usbong ng ’side effects’ sa biglaang pagtigil. Habang ang natirang 20.9 milyon naman ay dahan-dahang tumigil upang konti-konting masanay ang katawan na wala ang kemikal ng nicotine. Tandaan, kahit na nakahuhumaling ang nicotine sapagkat nagtatanggal ito ng stress, malaki pa rin ang epekto nito. ‘Wag nating mahahayaang magpalunod dito ang mga kakilala natin at ang ating sarili, oo, nasa huli ang pagsisisi ngunit kahit ano mang oras, p’wede tayo magbago nang mas maging mabuti ang ating pamumuhay, at para sa mga nagnenegosyo at mga pinuno, marami ang p’wedeng pagkakitaan, sapagkat pansamantala lamang ang mabuting epekto at habang buhay madadala ang masamang epekto ng paggamit ng sigarilyo o vape. Oras na para huminga nang malalim at makahinga nang maayos, at ’wag na dumagdag sa polusyon na nararanasan sa ating kapaligiran. #NoToBagangMaitim

Kami’y lubos na ninindigan na hindi lang dapat ang gobyerno ang kumikilos kundi pati ang taong bayan. Maging matalino sa mga gagawing desisyon nang sa gayon ay hindi ito pagsisihan sa huli. Ang hirap kasi sa mga tao ngayon, mas inuuna pang mag-react at pandirian ang mga taong nahawaaan kahit wala naman sapat na kaalaman sa sakit na AIDS. Mahirap kung puro mangmang ang mga taong nasa paligid dahil sila rin ang nagiging sanhi ng pagbahid ng dumi at diskriminasyon

pagdating sa usaping HIV virus infection. Partikular na ito sa mga lalaking nakikipagtalik sa kaparehong kasarian (Men who have sex with men”- MSM) na dumagdag sa mabilis na pagkalat ng HIV virus. Ayon sa mga datos na naitala nitong mga nagdaang taon, umaabot sa 70% ang kinabibilangan ng mga ito. Dahil dito, sila’y nadidiskrimina hindi lamang sa kanilang sekswalidad, kundi dahil na rin sa kanilang pagkahawa sa nasabing sakit. Na nagiging ugat ng kanilang pag-iwas sa HIV preventions, treatments, at testing. Hindi lamang dahil sila’y napanghihinaan ng loob, ang mga healthcare facilities din kasi sa ating bansa ay hindi makapagbigay ng tamang serbiyso para sa HIV infected na populasyon.

Hindi ka pa ba kabado bente kung araw-araw ay pumapalo sa 58 ang nahahawaan ng HIV virus sa bansa? Paano rin kasi mapapababa ang bilang ng kaso kung mismong mga mamamayan ng bansa ay walang sapat na kaalaman pagdating sa sakit na ito? Biruin mo, kahit simpleng impormasyon lang ay hindi nila alam, tulad ng paraan ng pagkahawa, gayun na rin ang

paraan ng pag-iwas dito. Kaya hindi na rin nakakagulat kung hindi nagiging epektibo ang mga programa, proyekto, at polisiya na isinusulong ng pamahalaan.

Sa totoong buhay lang tayo, fren ha— dapat na magkaroon ng karampatang edukasyon ang mga kabataan pagdating sa ‘sex education’ nang sa gayon ay malaman nila ang magiging kahihinatnan ng kanilang desisyon. Alam natin na konserbatibo at marumi sa mata ng mga pinoy ang usaping

SexEd sa pinas, pero mas mabuti nang maturuaan at malaman nila ito nang maaga kaysa sa mahuli pa ang lahat. “It’s better to be safe than sorry,” ika nga nila. Ang inisyatibong ito ay isa mga pinakamalaking tulong na magagawa ng pamahalaan kung ito ay kanilang pinagtutuunan ng pansin. Kung sasamahan pa ito ng bukas at kooperatibong mamamayan ay tiyak na magiging matagumpay ito. Kung gugustuhin ng bawat isa na masugpo o mabawasan ang bilang HIV virus infections o AIDS sa ating bansa, dapat na makiisa tayo sa mga inisyatibo ng pamahalaan. Dapat ay mabigyan din ng pansin ng pamahaalan ang nakababahalang isyu na ito sa pagkat sila ang may kapangyarihan na pangunahan ang pagsugpo nito. Maging bukas ang isip at itigil ang diskriminasyon laban sa mga apektado ng sakit. Isiksik sa ating nga puso’t isipan na hindi uunlad ang bansang may mga tao na sarado ang utak. Kung kaya’t maging matalino at itigil ang kamngmangan. EDITORYAL

Sa mundong napupuno ng websites, online tools, at search engines; nariyan ang Meta AI, ang panibagong usbong ng kaalaman pagdating sa larangan ng Artificial Intelligence; ang susi sa inobasyon.

Ang Meta AI ay isa sa mga uri ng chatbot na pinapagana ng LLaMA 3, ang pinakamalakas na ‘Large Language Model’ (LLM) ng Meta. Dagdag pa rito, malawak din ang saklaw nito sapagkat maaaring magamit ang AI assistant na ito sa apat na apps, kabilang na ang Facebook, Messenger, WhatsApp, at Instagram.

Narito ang ilan sa mga pangunahing features ng META AI: Alam naman natin na ang mga application na nabanggit ay pangunahing ginagamit sa pakikipagugnayan saan mang sulok ng mundo, kaya naman sa pamamagitan ng META AI mas mapapadali ang iyong pakikipagkomunika dahil mayroon itong ‘real-time translation’ para sa iba’t ibang lengguwahe na nakatutulong sa paglinang ng komunikasyon kahit magkakaiba ang inyong bansang pinagmulan.

sa mga tools na mayroon ito ay ang ‘Imagine tool’ na nakatutulong sa pagbuo at paglinang ng mga ideya na malaking bagay para sa mga mag-aaral, negosyante, at manlilikha.

rin ito at maaaring gamitin direkta sa 4 na nabanggit na apps nang walang binubuksan na kahit anong online websites o link kung kaya’t mas madaling gamitin ito.

ang META AI para sa larangan ng Artificial Intelligence at social media, may mga maililista pa ring kakulangan ang tool na ito, tulad ng:

sa paglinang ng AI sa buong internet.

Naging malaking pinsala at problema na ang paglaganap ng ‘deep fakes’ o ang

pagbabago ng mukha ng isang tao upang magpakalat ng maling impormasyon.

Ikalawa ang pagsala ng impormasyon, ang AI na ito ay nakadepende sa impormasyon at paraan ng paggamit ng user nito. Kung kaya naman ay may kakayahan ang mga user na pumili kung anong uri ng content ang gusto nilang makita na maaaring maging sanhi ng maling impormasyon.

Ang AI ay maaaring magsagawa ng ‘personalized algorithms’ na maaaring humantong sa ‘filter bubble,’ ibig sabihin, nakikita lang ng mga user ang gusto nilang makita na content.

Sa kabila ng mga mabubuting epekto ng META AI sa paraan ng pakikipag-ugnayan sa bawat sulok ng mundo, isaisip pa rin ang limitasyon nito, nang sa gayon ay hindi ito maabuso at magamit sa kasamaan.

META AI

PHOTO COURTESY: HQMANILA
ARTIKULO NI DENZEL VALDEZ
ARTIKULO NI DENZEL VALDEZ

MAY JOY SA

Di mo keri, ang unang beki

ONLI IN DA PILIPINS ITO, BHIE | Kung si Corazon ang unang aswang (Halaw sa pelikula) at si Segunda Katigbak naman ang unang chuvachuchu ni Rizal, ang BABAYLAN naman ang unang mga beki. Kabog diba? 16 - 17 siglo ay nababanggit sila - silang mga lider - ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman. Sabi ko na e, akala mo ang salitang babaylan ay tumutukoy lang sa mga babae, wit! Mayroon ding lalaking babaylan gaya ng mga asog mula sa Visayas na nagbibihis at nagbabalat-kayong babae upang di umano (pahiram muna nito, madam Jessica Soho) ay pakinggan ng mga espiritu. Ito pa ang exciting part, silang mga asog ay may simboliko bilang ‘tila-babae’ at ilan sa kanila ay kasal sa lalaki at may relasyong sekswal. Bugtong-bugtong, hindi nanganganak pero sila’y dumarami: BEKI!

AKALA MO LANG WALA, PERO MERON, MERON, MERON | Walang nabubuntis, walang bakas ng pagkahapo ng pag - ire, walang matres pero mabilis at walang mintis ang kanilang pagdami.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority, pumapalo sa kulang-kulang 4,000 ang ipinapanganak kada araw. Eto na nga, animo’y rumaragasa rin sa datos ang pagsilang ng mga kapatid natin sa Bahaghari. Ang siste, sila’y nagdadalantao, daig pa ang pagdadala ng 9 na buwan sa sinapupunan sa mahabang panahon nilang ikinukubli ang bagong silang nilang mga sarili dahil mapanghusga ang lipunan. Mayroong bakas ng pagkahapo sapagkat napapagod din sila sa pag-ire para sa kanilang karapatan at hindi nalilimitahan sa ‘may matres’ lang ang pagiging ina sapagkat sa taglay nilang pambihira, nanay, tatay, kuya, ate, kaya nilang gampanan, ang pak pa r’yan, kaya nila nang sabay-sabay ang papel na iyan sa buhay ng kanilang minamahal.

Let them be, SO, let’s GIE!

SA TOTOONG BUHAY, IT’S NOT THAT COMPLICATED | “Sila ang patunay na hindi pa handa ang mga alien na sakupin ang mundo. Baka mabigo lang sila sa madaratnan dito sa ating planeta. Inaasahan kasi nilang ganap nang tao ang mga tao.”

Excerpt mula sa pelikulang It’s not that complicated (Bakit hindi pa sasakupin ng mga alien ang daigdig)

Ah, kaya naman pala, hindi pa pala ganap na tao ang mga tao. Umiiral pa rin talaga ang kakitiran ng isip at mahirap pa ring buksan ang mga pusong matagal nang nagsara at isinara. Kaliwa’t kanan pa rin kasi ang diskriminasyon sa kanila - silang patuloy na minamartsa ang

inilunsad sa QC

‘finish line’ para sa pagpapahalaga sa sarili at makapantay sa hakbang sa daan ang mga taong sa palagay ng iba ay mas madali at gusto lamang nilang mahalin. Walang char! Madaling maging tao pero mahirap magpakatao. Kaya nga nating mahalin ang mga bagay na sa simula ay ‘di natin gusto pero mahirap gustuhin o magustuhan ang mga bagay na ‘di mo mahal. Ang resbak ko sa mundo, ‘wag mong mahalin kung ayaw mo pero tapunan mo ng tingin baka magustuhan mo kaya LET THEM BE, hayaan natin silang gawin ang kanilang gusto at makapagpapasaya sa kanila sapagkat sa simpleng sulyap na iyan ay paghahatag sa kanila ng pag-asa, pag-asang bunsod ng kaluwalhatian at mas mabuting ugnayan. It’s not that complicated, right? Thanks to Anti-Discrimination Bill o mas kilala sa tawag na SOGIE Bill, pantay na pagtrato, oportunidad at prebilehiyo para sa lahat. Jusko, kung nakamonitor ang mga alien, feeling ko ngayon, nasa listahan na nila tayo. Baka unahin pa nga nila ang QC.

Dahil sa QC, bahaghari ay wagi

BIGYAN NG KARAPATAN | Nagpupugay at ‘gold’ ang pakiramdam ng mga kapatid nating LGBTQIA+ nang tuluyang ilatag ang bahagharing kulay at marinig ang malinaw na alingawngaw ng boses ng kanilang komunidad sa paglulunsad ng House Bill 11005 o ang “Right to Care Bill.”

Ito ay naging isang malaking hakbang para sa karapatang pantao ng bawat isa na kabilang sa nasabing komunidad dahil binibigyan sila ng pagkakakilanlan bilang ‘legal’ na tagapangalaga ng kanilang kapareha o kasintahan.

Take note, ang “Right to Care” card ay isang legal na dokumento na nagbibigay-karapatan sa mga queer couples na magdesisyon sa usaping medikal para sa isa’t isa, itey pa, ang RTC ay may QR code na naglalaman ng notaryadong detalye ng pasyente kasama rin ng detalye ng doktor, healthcare provider, hospital, medical procedure at iba pa.

Dapat knowsline mo rin na dapat isa sa magkasintahan ang nakatira sa Lungsod Quezon (naks, basta sa QC, ikaw ang priority) at kinakailangang dumaan sa oryentasyon para sa mga forms na kinakailangang lakipan ng mga hinihinging impormasyon at notaryadong Special Power of Attorney (SPA).

Mother is Mothering: Kalingang QC, ramdam ng LGBTQIA+ Community

KASAMA KA SA PAG-UNLAD | Una sa QC ang kauna-unahang ‘Power of Attorney Card for Queer

Couples’ na Right to Care Card ang isinulong

mula sa inisyatibo ng MullenLowe Treyna, isang creative communications agency at ng Quezon

City Gender and Development Council sa pakikiisa

ng QC Government. Isa si Nadie Marie Fernandez, QC Rainbow Queen 2024 sa buong pusong nagpapasalamat sa QC Government sa kalingang hatid sa gaya nya–sampu ng kanilang komunidad.

“Bilang isang bahagi ng LGBTQIA+ malaki at magiging positibo ang magiging epekto ng paglunsad ng Right to Care Card sa amin. Sa pamamagitan nito mabibigyang karapatan ang bawat isang magkarelasyon na magkaroon ng pagpapasya pagdating sa kritikal na karamdaman ng kanilang kinakasama. Hindi na lingid sa ating kaalaman na marami sa panahon ngayon na ang mga katulad namin ay nagsasama na sa iisang bahay at minsan ay malayo sa kani-kanilang pamilya. Kung kayat ganun na lamang ang kahalagahan nito sapagkat magdudulot ito ng isang mabilisang desisyon na magbibigay-karapatan sa kanyang minamahal.” Saad nya.

ayon sa

Tunay ngang Mother is MOTHERING ang atake ng ating butihing Mayora, Joy Belmonte kasama ng kaniyang buong konseho sa hakbang pasulong na ito para sa mga miyembro ng LGBTQIA+. Simula na ng sabay sa hakbang sa samasamang pag-unlad, di lalaon, di lang pang QC ang ganap na ito, nawa ay magsilbing inspirasyon din para sa lahat ng mga lokal na pamahalaan.

… and I thank you!

BEKLAMATION | Kaya siguro naimbento ang nakaraan para lingunin ang pinagmulan. At ang hinahanarap ay para naman tanawin at patuloy na magsumikap sa kasalukuyan. Parehong bumubuo sa pagkatao ng bawat isa; ang noo’y laban lang nila, ngayo’y laban na rin natin. Laban ng bawat isang may puso at isip na umintindi. Totoo nga na hindi ilusyon ang pangarap; wala ngang bayad at bukas para sa lahat sabi nga nila. Kaya patuloy nating gustuhin ang mga bagay na magpapaunad sa atin, maging sino ka man, ano man ang iyong kasarian, hanggat pinakamabuti para lahat lang ang tanging hangad, maisasakatuparan natin ang pangarap na MAY JOY BAYAN NATIN.

Book app ngunit hindi ikaw magbabasa? Blinkist. Umabot na sa 94 na libo ang 5-star rating nito na nagpapahiwatig na maraming tao, kahit hindi o hirap makakita, ang nahikayat sa magandang katangian ng app na ito.

Bukod dito, kung mas gusto mo naman ang paggamit ng pandinig kaysa sa mata, may lathala ring ito na basahin ang anumang libro na gusto mo sa loob lamang ng 15 na minuto, na nagpapahiwatig na p’wede rin ito para sa mga may kapansanan sa mata sapagkat imbis na mahirapan sila sa pagbasa; ito na magbabasa para sa kanila. ’Universal’ din ang app na ito dahil mahigit 5700 titles o libro sa 27 na kategorya kasama ang libro tungkol sa ’entrepreneurship,’ pamamahala at pamumuno, at pagtulong sa pagunlad ng sariling kapakanan.

Gamit ang acronym na B.L.I.N.K.I.S.T, samahan mo’ko tuklasan ang mga benispisyo nito:

B-enepisyo para sa taong may kapansanan sa pagbabasa.

Ito’y nakatutulong sa mga tao lalo na’t sa may kapansanan sa pagbabasa sapagkat kaya nitong basahin nang mag-isa ang librong nais na marinig.

L-aking tulong, kasama ang suporta ng mga eksperto. Malaki ang naitutulong nito at mula sa mga eksperto ang nagsuri ng mga impormasyong nasa app na ito. Bukod dito, ang ilan sa mga ekspertong ito ay kayang magbuod ng buong libro sa app na ito.

I-naayos ang hindi magandang pag-uugali sa pagbabasa.

Madalas sa ibang tao ay nalululong sa ’doom scrolling’ kung saan sila’y nakatutok sa selpon nang kahit ano-ano ang pinagbabasa at hindi namamalayan na nauubos ang oras dito.

N-irekomenda ng kumpanyang Apple Ang Apple ay lubos na kilala ng marami dahil sa kanilang mga ginagawa na magaganda katulad na lamang ng selpon na may pangalang ’Iphone’ at tablet na itinatawag na ’Ipad’ kaya’t ito’y lalo nanghihikayat ng mga tao na gamitin ito sapagkat ni-rekomenda ito ng isa sa pinakamagandang brand ng electronic devices.

K-awili-wiling app Bukod sa pagtulong nito sa mga gumagamit ng app, ito rin ay nakaaliw gamitin dahil sa dami ng p’wedeng mabasa na nakawiwili.

I-nilalahad ang tamang impormasyon nang madaling maintindihan.

Madaling makuha ang gustong impormasyon sa mabilis na paraan.

S-ila ay may maayos at patas na pagtrato sa kanilang mga manggagawa.

Bilang ng mga ospital na napapasailalim sa Ordinance 3221 na nagsasaad na dapat bigyang halaga ng mga health care providers ang Right to Care Card sa Lungsod ng Quezon.

Mahigit 95% ng employee nila ay gustong ilathala sa ibang manggagawa ang kompanya nito sapagkat magandang magtrabaho rito kapag baguhang manggagawa pa lamang, laad ng mga nagtatrabaho sa Blinkist.

T-ila may layuning global success at tumulong sa mga tao. May layunin silang makatulong sa mga tao at magdadag ng mas maunlad na kaisipan.

Ngayong natuklasan na ang mga benepisyo ng app na Blinkist, kaya nang patunayan na talagang maganda’t bongga ito. Itinuturing na isa sa pinakamagandang app sa buong mundo, kaya ano pang hinihintay mo? Halina’t i-download ang Blinkist!

ARTIKULO NI GNG. CHRISTY F. BACCOY
ARTIKULO NI JASPHER F. CABATIT

QUEZONIAN, NUMBER ONE!

Larawan ng mabalasik na pwersa ng QCHS Pencak Silat bago sumalang sa QC Division Meet noong ika-8 ng Disyembre.

GINTONG SIPA

Gongora, Lecciones, Castillo, kumabig ng ginto sa Pencak Silat Division Meet 2024

balitang kinipil

Mula taong 2018 ay ibinabandera na ng mga Quezonians sa pangunguna ni G. Rey Victor Ilao ang Lungsod Quezon sa Dragon Dance tangan ang nagniningas na dilaab ng koponang QC Dragon Lion Dance Team. Hanggang ngayon ay namamayagpag ang naturang koponan matapos ang matagumpay na pagkana ng ikatlong pwesto sa QC Lion Dance competition noong ika-19 ng Enero.

sa mga numero

Nanaig ang kumpiyansa ng Quezon City High School Pencak Silat team na sina Christian Gongora, Rammel Lecciones at Chizza Mae Castillo matapos maibulsa ang tatlong ginto sa ginanap na Division Athletic Meet noong ika-8 ng Disyembre, sa E. Rondon High School.

Sa ilalim ng gabay ng gurong tagapagsanay na si Coach Gina Lyn Rasco at mga katuwang na tagapagsanay na sina Coach Jomar Taboso, Coach Sherwin Garvida, Coach Bong at Coach Hashim, ay mas naging posible pag-angkin nila ng mga medalya.

Ayon kay Castillo, malaking tulong ang pagdarasal, coaches, pamilya at ang kaniyang mga kaibigan sa pagsungkit niya ng medalya.

“Unang-una ang prayers kasi kahit ‘hard training’ kami okay pa rin kami at naging successful naman ang laban. Nandiyan din ang supportive coaches, teammates and parents,” ani Castillo.

Patuloy naman ang kaniyang pagsasanay para sa kanilang nalalapit na laban.

“Una r’yan ang training siyempre, may training

kami nang Monday to Saturday para mas handa kami sa darating na laban, nag-ka-cardio rin kami lalo na ako kasi mahina ako sa stamina, nag-lu-lose weight din ako para makuha ko ‘yung timbang na para sa’kin at hindi mawawala ang prayers,” saad niya.

Nagningas din ang dilaab nina Joshua Alinsunurin, Davester Lecciones, Gabriel Princesa, Robelyn Baylon at Rozzalyn Jusay sa kompetisyon at nag-uwi ng sariling pilak na medalya.

Bigo mang mabitbit ang karangalan tungong Palarong Panrehiyon, batid naman ni Jusay ang mga nais pa niyang pagbutihan para sa kanilang mga susunod na sagupaan.

“Una ang pagbubutihin ko ay ang aking pag-iisip dahil kung hindi ko ito ‘ii-improve’ ay mahihirapan talaga ako makasungkit ng ginto o medalya.

Pangalawa naman ay ang pagpapalakas ng aking loob at katawan sa pamamagitan nang pagdalo sa aming mga pagsasanay,” aniya.

Sasabak naman ang koponan sa nararating na NCR Meet na gaganapin sa Marso.

Sa QCHS Volleyball team ang korona sa District 4

Tumabi—dadaan ang mga reyna.

Matayog na umalpas ang Quezon City High School Women’s Volleyball matapos siguraduhin ang gintong medalya sa District 4 Athletic Meet at ungusan ang lahat ng paaralan sa nasabing distrito.

Dinaig ng QCHS ang nagngangalit na pwersa ng Carlos L. Albert High School sa limang sets, 25-22, 25-20, 20-25, 20-25, 15-13 noong ika-11 ng Oktubre sa sariling court ng QCHS.

Sumapat ang naturang pagkapanalo ng luntiang koponan para garantisahin ang pasaporte tungong Division Meet at iabante ang bandila ng paaralan.

Para sa team captain na si Valerie Ann

QCHS Taekwondo, solidong dominasyon sa Division meet

Abante, Soliman!

Umarya ng panalo ang Quezon City High School Taekwondo team matapos nitong patumbahin ang kumpyansa ng iba’t ibang manlalaro sa QC Division Athletes Meet Taekwondo Kyurogi, nitong ika-15 ng Disyembre sa Camp Crame Elementary School.

Nagningning naman sina Zhailey Soliman na nakasungkit ng isang ginto kasama rin dito sina Tosh Corpuz at Brandon Bunondo na kumamada ng 2 pilak.

Carlos Yulo, hinirang na 2024 Athlete of the Year

Pinarangalan si Carlos Yulo bilang 2024 Athlete of the Year, matapos ang kanyang makasaysayang dalawang ginto para sa Pilipinas noong Enero 27, 2025 sa The Manila Hotel.

Sinungkit ni Yulo ang dalawang ginto matapos maghari sa Men’s Floor Exercise at Vault, gumawa si Caloy ng kasaysayan matapos maging unang pinoy na nagkamit ng dalawang ginto.

“From a great Olympic performance to an even greater Olympic show, and from one big breakthrough to an even bigger breakthrough – thanks to Carlos Yulo,” saad ni PSA president Nelson Beltran.

Magiging unang gymnast si Carlos Yulo matapos si Pia Adelle Reyes noong 1997 na nagkamit ng Athlete of the Year.

Maliban sa Athlete of the Year, may nakahanda na rin na iba’t ibang parangal sa gaganapin na seremonya.

Sinundan ni Caloy ang yapak ni Hidilyn Diaz na nagkamit ng unang ginto ng pinas noong 2021 Tokyo Olympics.

Sinungkit ni Yulo ang kanyang unang ginto matapos ang isang tumbling pass na nagtapos sa isang perpektong landing.

Pinagharian ni Caloy ang men’s floor exercise matapos kunin ang unang ginto ng pinas sa 2024 Paris Olympics.

Kinuha ni Yulo ang kanyang pangalawang ginto sa opening Dragulescu vault sa isang tuck posisyon, tinapos nya ito nang malinis at walang mintis.

Nanatili kay Caloy ang trono sa men’s vault final matapos ang magkasunod na ginto sa Paris Olympics.

Nagkamit si Golden Boy ng 15.000 puntos at sinundan ng 15.116 puntos sa kanyang dalawang laban.

Naging maganda ang kartada ni Yulo sa gymnastics matapos ang summer games at ang dalawang ginto.

ONIC PH , nilamukos ang TLID sa M6

LATASA

NG PANALO. Nananatiling hari ang Pilipinas sa Mobile Legends Bang Bang matapos ang tagumpay sa M6 World Championships.

From a great Olympic performance to an even greater Olympic show, and from one big breakthrough to an even bigger breakthrough – thanks to Carlos Yulo

Kay Juan pa rin ang huling halakhak. ‘Di nagpasiil ang sumasapaw na pwersa ng FNATIC ONIC PH kontra Liquid ID sa 4-1 tagumpay sa Finals, para makapagpundar ng kumpletong dominasyon sa M6 World Championship noong ika-16 ng Disyembre sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Buwena manong trono para sa prangkisa ng ONIC ang naturang panalo habang ikalimang M-Series na koronang nakasalansan para sa bansa.

Matagumpay na nakopo ng ONIC PH ang US$1,000,000 kaakibat ang walang dungis na kampanya sa torneyo.

Pinagharian ni Duane “Kelra” Pillas ang buong serye sa bendesiyon ng pag-arangkada ng comfort pick n’ya na Bruno na sa una at ikalawang laban na sumapat para mailatag ang kalamangan sa koponan ng TLID. Gayunpaman, agad na sumunggab ng

higanti ang TLID sa ikatlong labanmula sa 9/2/1 na nirehistro ni Favian “Faviannn” Putra gamit ang nagningning n’yang hero na si Joy. Nginudngod naman sa lusak ng FNATIC ang Team Liquid sa ikaapat na yugto mula sa kanilang pagdispatsa tangan ang 21-1 tagumpay.

Butas ng karayom ang dinanas ng ONIC sa huling mga minuto ng ikalimang laban, kung saan natapyas ang tatlong manlalaro nila sa tulong ng pinanang double kill ni AeronShikii gamit si Granger.

Tinuldukan naman na ni Kelra ang masidhing kampanya’t pag-asa ng Indonesian team nang birahin nito ang base ng kalaban habang nakatuon ang atensyon ng limang manlalaro ng Team Liquid sa clash.

Napili ng langkay ng mga hedgehogs si Joy para sa kanilang championship skin, habang garantisado naman si Beatrix para FMVP skin ni Kelra.

Masasabi ko po na ako ay masaya dahil lahat po ng aking pinaghirapan ay may napuntahan lahat po ng dugo’t pawis ay walang nasayang at ang mga paghahanda na aking gagawin ay mag improve ng mag improve at mag tratraining tututukan ko din ang aking sarili upang mas gumanda ang kakalabasan ng performance ko kumpara sa dati. -ani Soliman

Bumida naman ang mga pambato ng QCHS sa iba’t ibang kategorya ng Kyurogi:

(BANTAM)

Inumpisahan agad ni Copuz ng nagliliparang mga sipa upang agad nitong dominahin ang unang round.

Naggigitgitang depensa ang ipinapakita ng dalawang koponan, ngunit hindi nagpadaig si Corpuz kaya naman pinuruhan niya si Ramel matapos nitong magpaulan ng Turning kick. Pagpasok ang ikalawang round, agad namang napuruhan ni Corpuz si Ramel natapos nitong magpatikim ng bumabalusok na Axe kick. Napuruhan ni Corpuz ang kompanya ni Ramel kaya naman si Corpuz ang itinanghal na panalo. Nagparamdam naman agad si Corpuz sa semi-finals matapos ang kaniyang katatapos lang na laban, agad naman itong humataw ng sunod sunod na malakidlat na Reverse hook kick. Hindi inaasahang pag-arya ni Corpuz ng isang pamatay-apoy na Axe kick, natumba si Yebra at nagkaroon ng Medical Emergency dahil hindi na kinaya ni Yebra.

Muli namang itinanghal si Corpuz na panalo at aabante sa finals.

Naging pukpukan man sa mga na unang laban ni Corpuz, pagpasok ng final round ay hindi pinalad si Corpuz matapos itong mapuruhan ni Adorable nang sunod-sunod na Front rising kick.

Pilit mang bumangon ni Corpuz sa pagkalugmok, matinding depensa naman ang ipinapakita ni Adorable matapos nitong masalag ng head lock lahat ng bumubulusok na axe kick ni Corpuz.

Bigong naipagpatuloy ni Corpuz ang kaniyang 2-game win streak matapos mapatumba ni Adorable.

(FEATHER)

Nagliliparang mga sipa at masisikip na mga depensa ang ipinakita ng dalawang koponan upang pinal na umapisahan ang laban.

Dinomina agad ni Soliman si Cordial matapos itong magpakawala ng mala-kidlat na pushing kick.

ARTIKULO NI JASPHER CABATIT
Nelson Beltran.
ARTIKULO NI EMMANUEL VALDEZ
ARTIKULO NI DAN CEDRIC V.
ARTIKULO NI DAN CEDRIC V. LATASA
ARTIKULO NI CZACHARIE NIEL V FRANCISCO
TAMIS
Photo Courtesy: Moonton Games
PINAS LANG MALAKAS

Dumaluhong ng hampas si Shannah F. Ojano ng QCHS Volleyball sa kanilang pag-alpas sa QC District Meet noong ika-11 ng Oktubre.

NA BAGWIS

Cabugnason, naging susi nila para maabot ang tugatog ng tagumpay ay ang solidong teamwork.

“Thank you po kay Coach Jeffrey at Sir kasi po sila po yung nagpapakalma sa amin ‘pag ‘yung emosyon po namin tumataas po,” dagdag pa niya.

Nanlupaypay ang CLAHS sa deciding set ng laban dahil sa mailap na service error na s’yang pinakinabangan ng Quazo para manaig sa laban.

Nagpamalas ng mga mala-pader na blocks si Jerish Monterola na lubos nakaapekto sa opensiba ng pwersa ng CLAHS.

Sinubukan ng CLAHS bawiin ang momento sa pamamagitan ng pagwarak sa karakas ng QCHS mula sa plakado nilang crosscourt spikes na nagbunga ng dalawang magkasunod na panalo sa set.

Gayunpaman, tila ininda ng CLAHS ang pagod sa huling set, dahilan para bigong maselyuhan ang panalo.

Kuminang naman ang ilang manlalaro ng QCHS sa ginanap na awarding ceremony kung saan kumabig si Erica Pagayon ng Most Valuable Player award, Gama Carijutan bilang Best Server, Cabugnason na Best Outside Hitter, Jerish Monterola na Best Middle Blocker at Best Opposite Hitter na si Denelle Anica Enierga.

Umangat sa Division ang naturang koponan ngunit natuldukan ang masidhing kampanya sa palad ng Quirino High School.

sa QC Division Meet.

SOLID SI SOLIMAN. Nagpakawala ng rumaragasang front kick si Zhailey Soliman (Blue) ng QCHS Taekwondo team kontra sa kanyang katunggali sa QC Division Athletic Meet noong ika-15 ng Disyembre sa Camp Crame Elementary School.

Matapos manlupaypay ni Soliman, humatak naman ng matinding front kick si Cordial, dahilan upang dumikit ang laban.

Tinigil naman ni Soliman ang momento ni Cordial gamit ang nagliliyabang front punch upang wakasan ang unang round.

Sinubukan ni Cordial na bawiin ang naunsiyaming momento ngunit hindi pumayag si Soliman at nagpakita ng matinding depensa.

Sa panghuling round, nanlupaypay si Cordial dahil nagtitigasang depensa at mabangis na Kick matapos nitong dominahin ang dalawang round.

Sa huli, nakamit ni Soliman ang pagkawagi at raragasa naman ito sa final round.

Rumaragasang mga Reverse punch ang hinarap ni Soliman kay Valenia para selyohan ang panalo sa unang round sa Final round.

Walang tigil na niratsada ng sunodsunod na Crescent kick ni Soliman ang kompanya ni Valenia ng upang tuluyang lamunin ang unang round.

Pagpatak ng ikalawang round hindi inaasahang fracture na darili ang natamo ni Valenia dahil sa kaniyang pagsipa.

Si Soliman naman ang itinanghal na panalo sa kanilang laban at aabante tungong NCR Athletic Meet.

(LT MIDDLE WEIGHT)

P1B

Bumida agad si Bunondo matapos nitong hagupitin si Buena ng malalatigong axe kick.

Agad namang nakuha ni Bunondo ang momento matapos nitong tuloytuloy na ma-knock down si Buena dahil sa sunod-sunod nitong turning kick.

Tuluyang napako si Buena sa kadahilanang hindi niya natibag ang matibay na depensa ni Bunondo.

Dinomina ni Bunondo ang ikalawang round at tuluyang pinuruhan ang depensa ni Buena. Rumatsada naman si Bunondo sa final round, agad na pinaulanan si Bunondo ni Mondejar ng sunod-sunod na Tornado kick na nagresulta para makuha ni Mondejar ang momentum.

Patuloy na napuruhan si Bunondo dahil sa hagupit ng sipa ni Mondejar patuloy na knock down si Bunondo.

Hindi na umabot ng ikalawang round, naselyohan na ni Mondejar ang pagkapanalo sa kanilang laban.

Garantisado naman ang NCR Athletic Meet kay Soliman sa ilalim ng pagsasanay nina G. Nathaniel Vallo, G. Norman Gitgano at G. Hans Gregorio. nakahanda na rin na iba’t ibang parangal sa gaganapin na seremonya.

QCHS Wushu

Sanda team, sinelyuhan ang tiket tungong NCR Meet

Hindi lang isa o dalawa, kung ‘di lima ang nauwing ginto ng luntiang koponan!

Nanatili ang siklabo ng Quezon City High School Wushu Sanda team matapos kumamada ng limang gintong medalya at mga selyadong tiket tungong NCR Meet sa ginanap na Q.C. Division Athletics Meet noong ika-16 ng Disyembre, sa Belarmino Sports Complex.

Sa ilalim ng patnubay ni G. Rey Victor Ilao at mga katuwang na tagapagsanay: Vincent Clark Paguinto at Lhara Jane De Guzman, nasikwat nina Rosemary Posing, Mhyra Nicole Ambacan, Kiel Allister Fabito, Justine Hizon, at Dervy Delima ang mga gintong medalya.

Ayon kay Posing, ang susi sa kanyang pagkamit

PUNTO POR PUNTO

SANA NOON PA:

Sagitsit ng baluktot na sistema

Kung ano’ng itinanim, ‘yun din ang aanihin.

Likas na mahihilig at marubdob ang pagmamahal ng mga Pilipino sa larangan ng pampalakasan. Hindi maipagkakailang isa ang ating sintang-bayan sa mga bansang solido ang pagtangkilik sa isports.

Buhay na patunay rito ang pagkabig ni Carlos Yulo ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics, na nagsilbing unang double-gold ng Pilipinas sa Olympics. Inangatan din ng Pilipinas ang mga karatig bansa sa South East Asia sa listahan ng mga medalya, sapat para maiukit ang pinakamatagumpay na kampanya ng bansa sa naturang paligsahan. Bunga nito, inilaban ni Philippine Sports Commision (PSC) Chairman Richard Bachmann na itaas ang nakalaang pondo sa PSC para sa taong 2025. Ang naturang pondo na tinatayang aabot sa mahigit isang bilyon ay gagamitin sa pagpapayabong ng mga batang atleta, pagtuon ng pansin sa mga imprastrakturang pampalakasan at paghahanda sa 2025 SEA games.

ng karangalan ay ang kanyang kaalaman at tibay ng loob.

“Nakatulong sa’kin para makamit yung ginto ay ‘yung mga natutuhan ko sa mga nagtuturo sa’kin at ‘yung ‘fighting spirit’ ko, kasi hanggat hindi natatapos (ang) laban, laban pa rin talaga, kahit na pagod na pagod na ako,” ani Posing.

Sa kabilang banda, nais namang pagbutihin ni Posing ang kanyang kalakasan bilang paghahanda sa nararating nilang laban. “Isa sa mga pinaghahandaan ko ay ‘yung ‘stamina’ ko. Kasi alam ko naman sa sarili ko na kulang na kulang ako sa ‘endurance’ kaya sobrang baba rin ng ‘stamina’ ko. Marami akong alam na ‘technique’ pero hingal aso ako,” aniya. Muli namang tutungtong ang hukbo sa NCR Meet palaro na gaganapin sa Marso.

Nakatutuwang isipin sapagkat unti-unti nang nabibigyang pagkilala ang ating mga atleta. Tiyak na mas masarap sumalang sa isang kompetisyon tangan ang plakadong suporta mula sa mga nakatataas.

SA KABILANG BANDA

Pero, paano naman ang sitwasyon noon ni Wesley So? Ang mahusay na Chess Grandmaster na piniling mangibang bansa para tahakin ang mas malawak na oportunidad at mas mahasa ang kakayahan sa larangan na kanyang kinabibilangan.

Kaya naman palang ipaglaban ng mga nakaluklok ang mas mataas na pondo para sa mga atleta—sana nagawa na ito noon pa. Nakadidismaya lamang sapagkat natapyasan ang ating bansa ng mga atletang gaya ni Wesley nang dahil lamang sa kakulangan sa suporta. Ang ngayo’y isa sa mga tinitingala sa mundo ng chess ay ibang bituin sa bandila na ang ibinabandera— USA na at hindi Pilipinas.

Gayunpaman, magsilbi sana itong pagtawag sa mga nakaupo sa posisyon na kahit anong larangan pa man ‘yan, bigyan pa rin ng nararapat na suporta. Marahil hindi nakikita ng iilan pero dugo’t pawis ang dumanak sa bawat atleta, maibandera lamang ang sintang-bayan. Ngayong nagkakaroon na ng pagbabago—magtuloytuloy nawa ito. Huwag na sanang maulit ang sitwasyon ni Wesley So, dahil ang lahat naman ng itinanim na suporta’t pundasyon, tiyak aanihin din sa tamang panahon.

PARA SA PANGARAP. Sinubukang magpamalas ng takedown ni Kiel Fabito(Red) ng QCHS Wushu Sanda team kontra sa kanyang kasalpukan
ARTIKULO NI JUNIVEL ALYSSA SILVERIO
KOLUM NI DAN CEDRIC V. LATASA
1 BILLION PESOS

loat like a butterfly, sting like a bee.” — Muhammad Ali (Boxing Legend). Paruparo na kahit ‘di kalakihan ay kayang umalpas at magpalutang-lutang sa himpapawirin—malayang nakalilipad, sa’n man ng mapaglarong isipan dalhin. Isang bubuyog na lahat gagawi’y makuha lamang ang nais abutin; at sa bawat sunggab ng mala-karayom na atake ay tiyak na iindahin.

Ginagamit kalimitan ang kamao bilang armas ng ating katawan sa oras ng sakuna— sa ‘di-armadong pakikipag-away. Ang pagkuyom ng mga daliri ay madalas hudyat ng hindi natin pagsang-ayon sa ating kapwa. Gayunpaman, isang bata ang itinuring ang kamao bilang simbolo ng pag-asa, pagsisikap at pagpupursigi—para sa kan’yang pamilya, para sa kan’yang pangarap. Maliit man sa paningin, impresibo ang maibubuga pa rin. Ang batang Lordy Zane Torida ay idinaan sa liksi ang bawat laban upang masikwat ang ginto sa Division Athletic Meet Men’s Boxing, at bumwelta ng tiket

tungong NCR Palarong Panrehiyon. Sa kabila ng nangibabaw na kumpiyansa ni Torida sa nasabing patimpalak, ay ang samot-saring pagsubok na kailangan n’yang lampasan upang tagumpay ay makamtan. Sa kabila ng tagumpay, dumaan pa rin ang mga oras na kung saa’y nasa bingit na ng pagsuko si Lordy, bunsod ng pagtakbo nang ilang oras, pagbubuhat ng mga bagay na may ‘di-pangkaraniwang bigat at pagpapakawala ng sandamukal na suntok sa ensayo matapos ang klase. Pagkatapos gamitin ang kamao sa ensayo, kamay naman ang pagaganahin ni Lordy sa tahanan para ang mga takdang-aralin ay matugunan. Nakamamangha kung iisipin, sapagkat kahit pagod ang katawa’t isipan—si Lordy ay patuloy ang pagpupursigi para sa pangarap na minimithi. Pero kung mariing pagmamasdan, hindi sapat ang mga salita para ilarawan ang hirap na dinanas ni Lordy. Depensa’t solidong mga suntok ang sa tingin ni Lordy na naging lamang n’ya sa mga kalaban sa nagdaang Division at District Palaro. Sa bendisyon ng masisidhing ensayo, nagawang madomina ni Lordy ang Division Meet. Nagpaulan ng mga malilinis at

plakadong body shots si Lordy, na sumapat para manlumo ang pambato ng District 5 na si John Perseus at masungkit ang matamis na panalo tungong Regionals. Sa pagbagtas naman n’ya sa nalalapit na Palarong Panrehiyon, nais n’yang pagtuunan ng pansin ang liksi at foot work sa loob ng ring. Isang taon pa lamang sa larangan ng Boxing ang batang Lordy at unang beses na sumabak sa kompetisyon, ngunit hindi n’ya alintana ang pagiging baguhan—sapagkat pagsisikap sa ensayo ang lagi n’yang puhunan. Sa ilalim ng mahusay na pagtuturo ng kan’yang mga gurong tagapagsanay na sina G. Rey Victor Ilao at Dr. Jonathan D. Iloreta, natulungan ang batang boksingero na mapagtagumpayan ang dagok na pinagdaanan ng buong koponan. Tunay ngang hindi sagot ang pagiging mayabang tungong tagumpay, para kay Lordy: ang pinakatumaal sa isip n’yang aral mula sa mga tagapagsanay ay ang katagang “Huwag maging mayabang.” Sa pamamagitan nito ay tumimo kay Lordy ang kababaang-loob sa pagkakataon. Baguhan man kung maituturing— pinatunayan ni Lordy na hindi hadlang

ang pagiging kapos sa karanasan para mapagtagumpayan ang isang laban. Gaya ni Lordy—may mga pagkakataon din na kailangang doblehin ang sipag at tyaga. Gaya ng paruparo, hindi nilimitahan ni Lordy ang kan’yang mga kakayahan; hindi nagpalamon sa mga kahinaan. Gaya ng bubuyog, matalinong ginamit ni Lordy ang kan’yang mga kahinaa’t kalakasan para maabot ang tugatog ng tagumpay. Maging pagtawag sana ito sa lahat na kaya rin nating maging paruparo’t bubuyog sa sarili nating pamamaraan. Maging katulad nawa tayo ng isang Lordy Zane Torida na malayang tinahak ang sariling landas, hindi nagpadehado sa liit; bagkus ginamit ang kahinaan para tagumpay ay mahagkan. Matuto nawa ang lahat na tularan si Lordy—na sa musmos na taong gulang pa lamang ay marunong nang lumingon sa pinanggalingan. “Thank you sa pamilya ko kaya nandito ako,” isa sa mga katagang binitawan n’ya. Sa segundong nakamit na ang inaasam na tagumpay, huwag pa ring kalilimutan ang mga

QCHS Wushu Sanda team, sinelyuhan ang tiket tungong NCR Meet
Mabuting Pastol
Wikang Filipino

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.